Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon pong araw ng Sabado siksik na naman sa mainit na balita’t impormasyon ang ihahatid namin sa inyo sa loob ng isang oras. Tayo’y sasamahan po ng ating mga panauhin upang pag-usapan at busisiin ang mga impormasyong kailangang malaman ng taumbayan kaya po manatiling nakatutok mapa-telebisyon man o sa ating live streams.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH!

Nakakaranas po ng pag-ulan ang iba’t ibang bahagi ng bansa nitong linggo kaya naman para balitaan tayo sa lagay ng panahon sa mga susunod na araw, makakasama natin ngayon si DOST-PAGASA Deputy Administrator for Research and Development Dr. Esperanza Cayanan. Magandang umaga po, Ma’am!

DOST-PAGASA DEP. ADMTR. CAYANAN: Magandang umaga po Usec. Rocky at sa atin pong mga tagapatnubay.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, ano po ‘yung pinakahuling balita dito sa lagay ng panahon sa bansa; ano po ang aasahan natin sa darating pang mga araw?

DOST-PAGASA DEP. ADMTR. CAYANAN: Sa ngayon po, ngayong araw po na ito ang Caraga po sa Mindanao at Silangang Visayas ay makakaranas po ng maulap na panahon na may mga dagliang pag-ulan o iyong tinatawag nating rain showers at mga thunder storms dahil po sa extension ng trough ng low pressure area na minu-monitor natin na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.

Samantala naman po sa may Northern Luzon, sa Cagayan Valley, Cordillera, Cordillera Administrative Region, sa may bandang Aurora at Quezon, sila naman po ay naaapektuhan noong ating Amihan kaya maulap at mayroon din pong mga mahinang pag-ulan.

Dito naman po sa Metro Manila at doon po sa ibang parte ng Central Luzon ay bahagyang maulap po, may possibility po na magkaroon ng light rains pero pulu-pulo lang po iyon or isolated.

So basically iyong Mindanao po ang medyo makakaranas ng mga thunderstorms ngayong araw na ‘to. At sa susunod na araw ‘pag pumasok na po ‘yung low pressure area sa Philippine Area of Responsibility, ang maaapektuhan po nito mga—ang pasok po kasi nito mga mamayang gabi o bukas so iyong Mindanao po at saka po ‘yung Visayas ang maaapektuhan nitong low pressure area. Bukas hanggang Lunes or Martes ay tatawid po itong low pressure area at magpapaulan po dito sa Visayas at Mindanao.

Iyan po ‘yung ating lagay ng panahon.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, pakiulit lang po. Ito po bang low pressure area, posible po itong maging ganap na bagyo? Katatapos lang po noong Odette, itong mga area po ba na posibleng tamaan ng posibleng maging bagyo, iyong mga nakaranas din po ng Odette?

DOST-PAGASA DEP. ADMTR. CAYANAN: Sa ngayon po maliit po ang tsansa na maging bagyo ito pero kahit po ito ay isang low pressure area na tatawid sa may bandang Northern Mindanao or Visayas, magpapaulan pa rin po ito. Pero hindi po siya—sa nakikita po ng ating mga forecasters, sa ngayon hindi siya magiging ganap na bagyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, hanggang kailan naman po kaya mararanasan itong Amihan sa ating bansa?

DOST-PAGASA DEP. ADMTR. CAYANAN: Ang Amihan po ay talagang nararanasan natin hanggang Marso; pero iyon pong malamig na panahon na dulot ng Amihan, iyong mas malamig, ay actually hanggang February po natin mararanasan iyong temperatura na malamig na dulot din nito ng malamig na hangin galing doon po sa norte.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, naririnig ninyo po? Sa inyo pong palagay, sapat na po ba itong mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw upang pataasin itong ating water level sa dam? Ganiyan din po ang tanong ng ating kasamahan sa media na si Madz Recio ng GMA News: Magkakaroon po ba ng epekto sa lebel ng tubig sa mga dam ang low pressure area na binabantayan ng PAGASA?

DOST-PAGASA DEP. ADMTR. CAYANAN: Dahil po iyong low pressure ay inaasahan natin na sa may Northern Mindanao at Visayas tatawid kung papunta doon sa may bandang Palawan, ang dam po na Angat ay ito ‘yung pinagkukunan ng tubig dito sa Metro Manila ay hindi po ito makakadagdag doon sa Angat dahil malayo po. So kung ang pag-uusapan po natin ay iyong Angat Dam, hindi po siya madadagdagan ng ulan dahil dito sa low pressure area. So sa ngayon po iyong Angat Dam natin ay patuloy na bumababa na iyong lebel dahil wala tayong masyadong ulan dito sa bandang Luzon. So medyo kailangan po nating magtipid ng tubig lalo na ngayong tag-araw dahil tag-init na nga po ‘yung susunod natin after March, April so kailangan po nating magtipid ng tubig dito sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, ano daw pong mga programa at proyekto ang inilatag ng PAGASA ngayong taon? Magkano daw po iyong 2022 budget ng inyong ahensiya at saan po ninyo ito balak ilaan?

DOST-PAGASA DEP. ADMTR. CAYANAN: Ang budget po ng PAGASA ngayong 2022 ay nasa 1.348 billion pesos at ang karamihan pong proyekto namin ngayon ay para po sa improvement ng ating forecasting and warning system; so pinag-iibayo po natin o ina-upgrade po natin iyong ating mga facilities. So iyong radar po natin ay patuloy po tayong nagdadagdag ng radars natin all over the country para po lahat po ng area ay masakop nito at mabigyan nang maagang warning ang ating mga kababayan lalo na po kung may bagyo.

So by 2022 po, actually medyo na-delay itong completion ng additional radars natin dahil ang target namin talaga is by 2021 ay dalawampung radars na all over the country, medyo naapektuhan po ng pandemic iyong mga construction and installation. But by 2022, makukumpleto po itong dalawampung radars all over the country kasi may existing na po tayong 17. So iyong tatlo po ay to be completed this 2022 and another one na idadagdag natin sa Davao ay uumpisahan po ngayong 2022.

Aside po doon sa mga radars, iyon pong ating flood forecasting and warning centers all over the country, mayroon po tayong 18 major river basins. So around 13 iyong nakumpleto for the past year and we are looking at…na matapos itong labing walong flood forecasting and warning centers all over the country.

Bukod din po dito, ang PAGASA po ay nagwo-work para po sa ating completion noong backup weather system natin or disaster recovery sa Cebu para po may sarili din tayong PAGASA na puwede po siyang mag-up kung sakaling dito naman sa Metro Manila magkaroon ng… kunwari malaking disgrasya kagaya ng lindol o kung maapektuhan iyong forecasting dito sa Quezon City, may backup po tayo sa Cebu.

We are also working for the improvement po ng ating data management system at saka po iyong ibang information, weather climate and flood information system dahil uso na po ngayon ‘yung digitization and mga IT system po ang pinag-i-improve natin ngayon.

And most of all, may mga proyekto rin po tayo para po i-improve naman iyong communication natin bukod doon po sa physical or sa mga equipment natin, pati po ating pagpapalaganap ng information dissemination system and communication, mayroon din po tayong mga projects na gayun.

And ang isa pa pong project na funded rin ito ng Global Climate Fund is iyon pong impact-based forecasting system na ipapatupad po starting this year. So marami po tayong nakalatag na programa para i-improve pa po iyong ating mga serbisyo sa ating mga kababayan lalo na tuwing mayroon pong extreme event kagaya ng bagyo.

USEC. IGNACIO: Ma’am, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng panahon sa amin at oras, DOST-PAGASA Deputy Administrator for Research and Development Dr. Esperanza Cayanan. Stay safe po, ma’am.

DOST-PAGASA DEP. ADMTR. CAYANAN: Salamat po. Maraming salamat po at magandang umaga!

USEC. IGNACIO: Target na 77 million vaccinated individuals sa katapusan ng Marso malapit nang maabot, kaya naman hinihingi ni Senate Committee on Health Chairperson Senator Christopher “Bong” Go ang kooperasyon ng taumbayan. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Kahapon po ay isinailalim sa Alert Level 4 ang lalawigan ng Northern Samar kaya naman ating alamin ang sitwasyon ngayon sa lugar. Makakausap po natin ang Provincial Health Officer ng Northern Samar, Dr. Nimfa Caparroso-Kam. Good morning po, Dok.

  1. CAPARROSO-KAM: Good morning din sa iyo at sa iyong mga listeners.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, gaano po karami ang naitalang kaso ng COVID positive sa inyong probinsiya simula po kahapon? At kumusta po ang admission ng mga pasyente at hospital capacity?

  1. CAPARROSO-KAM: Okay. Although tumaas iyong aming positive cases yesterday – tumaas ito from 369 the other day; and then yesterday, it was 455 – bumababa naman iyong aming admission sa hospital. Let me check ‘no, I think noong last three days, from 67, it was down into 60 yesterday, and today ay 45 na lang iyong aming census dito sa provincial hospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang sinasabi ninyo, Dok, bagama’t medyo tumaas pa rin po iyong kaso pero nabawasan po iyong admission sa ospital. Pero ano po iyong mga karaniwang kaso at sintomas na na-admit sa mga ospital? May datos po ba kayo kung ilan po iyong mild to severe cases sa inyo pong lalawigan?

  1. CAPARROSO-KAM: Actually, tulad ng sinabi ko sa mga ibang radio stations and TV stations since yesterday and today, karamihan ng aming admissions dito sa provincial hospital are kumbaga incidental iyong pagiging COVID positive nila ‘no. They were here because ito ay nanganak; ito ay naaksidente, nag-vehicular accident; ito ay nagkaroon ng UTI, other infections, other medical cases; nagkaroon ng stroke. So since protocol namin na lahat ng ina-admit is sina-swab, it so happened they were positive kaya napunta sila sa COVID ward namin.

So frankly ‘no, iyon talagang COVID cases na pupunta rito sa hospital because they’re having signs and symptoms of COVID are less compared to those na nag-positive na nilagay namin sa COVID ward dahil lang, as I’ve said ‘no, incidental finding that they were positive sa aming rapid antigen test which was confirmed by RT-PCR.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, may pakikipag-ugnayan po ba kayo sa mga LGU para po mapadali iyong pag-detect ng mga COVID positive residents? Mahirap po kasi hindi nila alam na positibo pala sila. So paano rin po iyong monitoring sa mga naka-isolate?

  1. CAPARROSO-KAM: Ang bawat municipality ay iyong kanilang RHU at saka iyong kanilang MDRRMO, they’re the ones actually monitoring. And then, on our part din naman, minu-monitor namin iyong kanilang numbers.

So ang Provincial Health Office at saka iyong provincial hospital ‘no, we are monitoring iyong aming hospital system. Samantala, ang Provincial Health Office naman is monitoring iyong mga nasa RHUs. But as far as iyon talagang hands-on na monitoring ng mga isolated cases at saka iyong paghahanap ng ating mga positive cases, ito ay responsibilidad ng bawat RHU.

USEC. IGNACIO: Opo. Ilang porsiyento na po iyong mga residente sa lalawigan ninyo na fully vaccinated at may booster shots? Ilang porsiyento po iyong mga nagkaroon ng COVID na vaccinated po?

  1. CAPARROSO-KAM: Doon sa aming vaccination rate, umabot na kami ng around 69%. However, iyong fully vaccinated, mga around 40, siguro around 42. Pero ongoing naman iyong aming vaccination.

In fact, dahil pinapatupad na iyong ordinansa ng ating mga local government units na hindi puwedeng pumasok sa mga business establishments, sa mga government establishments at hindi puwedeng sumakay sa mga pampublikong vehicles ang walang vaccination card, actually dinudumog ngayon ang aming mga vaccination centers ng mga taong magpapabakuna. Unlike before na kami ang naghahanap ng babakunahan, ngayon sila na ang naghahanap ng bakuna. So that’s one ‘no.

Now second, iyong tanong mo kung ilan ang porsiyento ng nagkaroon na ng booster, actually I don’t have the figures. Pero karamihan ng mga nagpabakuna before ay nagpa-booster na.

Now, with regard to ilan iyong porsiyento ng nabakunahan na nagka-COVID, roughly, ang masasabi ko lang, iyong dito sa ospital, 90% ‘no, 90% of those na naa-admit ‘no, nagkaroon ng COVID signs and symptoms, nagmo-moderate to severe, majority of them, 90% po ito ay walang bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. So ano po iyong ginagawa ninyong programa at aksiyon para po mas mapalakas pa itong bakunahan sa inyong lalawigan? At paano ninyo po hinihikayat itong mga individuals na alanganin pa rin pong magpabakuna, katulad niyan sinabi ninyo po ay halos 90% ng mga nasa ospital na nagkaroon ng severe cases ay unvaccinated?

  1. CAPARROSO-KAM: Sa ngayon po ‘no, katulad ng programa namin dito sa provincial hospital na hindi puwede ang watcher na papasok ng ospital na walang bakuna, except na lang kung pumayag sila na bakunahan ‘no. So iyan ay isang, I think, that’s driving them ‘no na dapat magpabakuna.

Other than that, ginawa naming every day sa vaccination day dito sa provincial hospital at saka sa Provincial Health Office. Now, doon naman sa mga munisipyo, through the mayors, we are really encouraging them na bakunahan na talaga lalo na iyong mga nasa hard to reach areas ‘no. Iyon nga lang, limitado kasi, as I’ve said ‘no, mayroon tayong mga areas na tinatawag natin na GIDAs. Ang Northern Samar, so lahat ng probinsiya rito sa Region VIII has the most number of island municipalities at saka kami iyong pinakamarami ang Geographically Isolated and Disadvantaged Areas.

Now, ang pagdadala ng bakuna dito sa mga areas na ito is really a challenge ‘no. Maliban sa talagang hindi makakapunta doon iyong mga sasakyan, iyong mga vehicles natin, there are instances you have to walk; there are instances you have to ride a boat para ka lang makarating doon. Now, ang bakuna ay mayroon itong expiration dapat ito ay nakalagay sa isang vaccination carrier, na dapat ito ay malamig.

There are instances you have to ride a boat, para ka lang makarating doon. Now, ang bakuna ay mayroon na itong expiration, dapat ito ay nakalagay sa isang vaccination carrier na dapat ito ay malamig. We have to maintain a certain temperature para hindi makompromiso ang potency nito. So, ito iyong mga challenges na we are facing right now.

So, other than we have hard to reach areas, kulang din kami ng mga healthcare workers na gagawa nito. Isipin mo na lang ano, isang munisipyo, kadalasan iisa lang ang kanilang municipal health officer; tapos isa lang, dalawa o maybe tatlong nurses na inu-augment din ito ng Department of Health.

So, just think ano, think about if we have like almost 700,000 population and then let’s say mga 80 plus percent nito ang dapat bakunahan, how can we do that at one, you know, at a certain period of time? So, ito iyong mga challenges na hinaharap namin sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo nga po iyong mga hamon na hinaharap ninyo sa mga pagbabakuna. Pero, Doc., papaano po iyong mahigpit na restrictions at protocols ang kasalukuyan ninyong dapat palakasin para po sa probinsiya para pa rin po kahit papaano po maiwasan ang pagkalat ng COVID dahil nabanggit ninyo nga po iyong talagang napakahirap mapuntahan iyong ibang mga lugar?

  1. CAPARROSO-KAM: Sa ngayon po ‘no, sa ngayon ‘no, to be honest ‘no, kami po ay nagulat noong ang aming probinsiya ay ginawang Alert Level 4. This is just, you know, adding insult to the injury. Kung titingnan po natin ang ating statistics, ito ay ginagawa ng regional health office, ang aming average daily attack rate is far from what we would consider na critical.

Para ang isang probinsiya o isang geopolitical unit i-classify as level 4, there are three criteria ‘no, tatlo ito. So, ang ibig sabihin is ang average daily attack rate, dapat ito ay seven or more. Ang aming probinsiya is nasa 3.25 lang.

Pangalawa, iyong doubling time, iyong pagdu-double ng aming cases in two weeks. So nasa 84 to a hundred lang kami, dapat maging greater than 200 ka para ito ay maging nasa critical or level 4 ka.

Pangatlo, ito iyong utilization ng aming hospital beds na nakalaan sa COVID. Dito siguro nagkamali kami ng aming data na ipinadala dahil ang intindi ng aming ibang health workers na dapat isama iyong nasa isolation facility. Iyong nasa isolation facility, these are our healthcare workers na nagkaroon ng mild symptoms kaya nandudoon sila sa isolation. So akala nila na dapat ibilang ito, i-include ito sa aming count doon sa bed tracker. So unfortunately, naisama ito kaya I guess ito iyong pinagbasehan ng IATF para ilagay kami sa Alert Level 4.

Just to give an example, iyong pinakamataas naming bilang dito sa Provincial Hospital was on January 17 which was 81, iyon ang bilang namin. Iyong 81 na iyon, 18 doon ay ang aming healthcare workers na nasa isolation facility. In other words, kung ima-minus mo ito, dapat nasa 63 lang ang bilang namin.

Now, for a province ‘no to be classified as Level 4, dapat ang bed utilization mo is nasa 85% to a hundred. Now, ang aming authorized bed capacity is 100 but we are operating at almost 200. So, I don’t know kung ano ang ginamit nilang denominator. Pero sana man lang vinalidate muna ito ng IATF before kami ini-slot ng level 4 kasi it is affecting our economy. Sabi ko nga sa iyo, that’s adding insult to injury. Ito na nga kami, kulang kami ng aming healthcare workers ‘no; ang dami naming hard to reach barangays. But if you look at the facts, if you look at our statistics, hindi kami dapat nandoon sa Alert Level 4.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc., may plano po ba kayong iapela ito maging kahit po dito sa Department of Health para po maging maliwanag po iyong paglalagay sa inyo na Alert Level sa IATF?

  1. CAPARROSO-KAM: Yes, in fact, yesterday ‘no, nag-meeting ang Sangguniang Panlalawigan and we looked at our statistics. We discussed kung anong course of action. We consulted our Governor ‘no. So, iyon ang napagkasunduan na ia-attach namin iyong aming statistics, iyong aming actual statistics ‘no and then we are going to appeal through a resolution of the Sangguniang Panlalawigan to the IATF para ma-reclassify ang aming probinsiya to Level 3 just like before and just like most of the provinces in the region. Dahil kung ikukumpara iyong aming statistics with the other provinces of the region, we are better off.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaliwanag at pagbibigay po ng impormasyon sa amin, Dr. Nimfa Caparroso-Kam, Northern Samar Provincial Health Officer. Mabuhay po kayo. And, Doc., stay safe po.

  1. CAPARROSO-KAM: Maraming salamat din sa opportunity and you all stay safe. Maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Samantala, upang alamin kung may pagbabago sa mga guidelines at protocol sa mga quarantine hotels at facilities at sagutin ang mga concerns na mga returning Overseas Filipinos, makakasama po natin si Dr. Roberto Salvador Jr., ang Deputy Director ng Bureau of Quarantine. Magandang araw po sa inyo, Doc.

BOQ DEP. DIR. SALVADOR JR.: Magandang umaga po, USec. Rocky. Magandang umaga po sa lahat ng nakikinig sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ano po iyong pinakahuling update pagdating po sa mga quarantine guidelines na ipinatutupad? May mga binago po ba dito ngayon?

BOQ DEP. DIR. SALVADOR JR.: Opo. Sa ngayon po ay mayroon tayong latest IATF resolution na binalik na po ang green country kung saan kapag po mayroon kayong RT-PCR test 48 hours prior po dumating dito at kumpleto na ang bakuna, puwede na pong dumiretso ng home quarantine. And pinapayagan na rin pong umuwi ang mga galing po sa red countries po na kailangan lang po mag-undergo ng quarantine po pagdating po dito sa Pilipinas po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, pero mayroon po bang mga individual pa rin na sumusuway sa mga guidelines and protocols na ito? At ano po iyong inyong ginawa to ensure na wala na pong mangyayari o breaches sa quarantine and isolation protocols?

BOQ DEP. DIR. SALVADOR JR.: Opo. Mayroon pong pinagdadaanan na mga proseso ang mga returning Filipinos natin. So, ang bawat proseso po ay pinagdadaanan nila, mayroon pong nagbabantay na mga kasama natin na ahensiya ng gobyerno. Ang pagbabantay po o pag-aalaga ng mga bumalik nating mga kababayan ay hindi lang po Bureau of Quarantine ang nangangalaga. Kasama namin dito ang Department of Tourism, OWWA, ang [garbled] iyong tinatawag nating one-stop-shop.

So, ngayon po ay mas pinahigpit po natin ang protocol doon po sa mga proseso na nakita na natin na mayroon pong sadya talagang matitigas ang ulo na nagpupumilit po na sumuway doon sa quarantine protocol na binigay ng gobyerno.

Sinabi nga po ng Presidente na lahat po ng hotel ngayon ay bibigyan po ng police presence para po mas mabantayan. Doon po kasi nakita na pupuwedeng magkaroon ng breach of quarantine violations iyong mga kababayan nating bumabalik sa Pilipinas.

So, iyong mga recent cases na mayroon pong tumakas, lahat po nito ay na-file na ng Bureau of Quarantine sa NBI. So, lahat po ng mga malalaman nating may ginawang violations, lahat pong ito ay ipa-file na namin sa NBI. Ang Bureau of Quarantine po and ang NBI po ay nag-partner para po makasuhan at hindi na po maulit iyong mga ganitong kaso. Salamat po, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sir, kumusta naman po iyong pakikipag-ugnayan ninyo sa DOT regarding po sa increase ng hotels na gagamitin as isolation facilities? Ilan po ba iyong nadagdag at saang mga lugar po ito?

BOQ DEP. DIR. SALVADOR JR.: Talaga po noong starting December po, second week or third week ng December, unexpected po talaga na sobrang tumaas iyong mga nag-positive sa mga arrivals natin. Kaya nga during this time hanggang second week ng January, talaga pong marami po na naipit doon sa mga quarantine hotels natin dahil sa kakulangan natin ng isolation facility.

Pero nag-start na po na nagbukas tayo nang mas maraming isolation facility para po lahat ng mga nag-positive sa quarantine facility maita-transfer ng Bureau of Quarantine sa mandatory isolation government facilities po.

So nagbukas na po tayo, within NCR po iyong Summit Hotel, Manila Prince at iyong Athletes Village po sa Tarlac, ang capacity po natin is 500, bukas na rin po and even in Batangas po – Canyon Cove, Canyon Woods – so marami na po tayong binuksan po na isolation facility.

Pero sa ngayon po ang datos po natin medyo mataas pa rin po. Tumatanggap po ang Bureau of Quarantine ng result ng RT-PCR ng mga galing natin sa ibang bansa ng at least 300 per day po. So ganoon kadami po ang siniserbisyuhan ng Bureau of Quarantine everyday po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, pero gaano po karami o ano po ang average ng mga returning overseas Filipinos na naka-quarantine ngayon at ilan po iyong naitalang nagpositibo sa linggong ito?

BOQ DEP. DIR. SALVADOR JR.: Sa ngayon po ang average po natin per day na arrivals natin, iyong capacity natin is 3,000. Ang nagpa-positive po every day is close to 300 so approximately po 10% to 14% po ang nagpa-positive sa mga arrivals nating mga Pilipino. And just last Monday lang po, nakapag-release tayo ng 3,300 na mga nakatapos ng isolation doon sa quarantine hotels po nila kaya medyo lumuwag po iyong mga hotels natin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, may tanong lang po iyong ating mga kasamahan sa media. May tanong po sa inyo, mula kay Athena Imperial ng GMA News: Sa mga pagkakataong puno na ang facility for COVID positive returning OFWs at sa quarantine hotel na nila itutuloy iyong isolation, BOQ po ba ang sasagot ng expenses for isolation sa hotel?

BOQ DEP. DIR. SALVADOR JR.: Hindi po. Ang Bureau of Quarantine po is only manpower lang po. Kami lang po iyong kumukuha ng mga positives sa quarantine hotel at kami din po iyong nagbabantay sa mga isolation hotel kung saan po tinatapos ng mga nag-positive iyong mandatory 7 days isolation nila.

So mayroon pong nilabas ang IATF na protocol ngayon na doon po sa may mga kaya po, kasi marami rin po na mga kababayan natin na ayaw pong magpalipat po ng isolation facility – mas gusto po nila na mag-stay na lang sa hotel kung saan sila nag-quarantine at doon po tapusin iyong mandatory isolation nila. So with the latest IATF resolution po, pupuwede na po ito. Maaari lang po makipag-ugnayan doon sa hotel ninyo para po makapag-apply sa Bureau of Quarantine at kung iyon pong hotel ninyo is kaya po mag-handle ng positive, kayang mag-implement nang strict quarantine measures, papayagan po namin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sir, paano ninyo po tinutugunan iyong mga concern ng mga kababayan nating bumabalik mula sa international travels regarding daw po sa delay ng swab test results?

BOQ DEP. DIR. SALVADOR JR.: Nangyari lang naman po ang delay ng swab test result during the time po na talagang maraming nag-positive at noong kumalat po ang Omicron sa lahat po ng ahensiya ng gobyerno, even private laboratory po. Nangyari po ito noong last week po ng December hanggang first week siguro ng January kung saan po iyong mga ahensiya natin and iyong mga laboratory po eh tinamaan iyong mga staff kaya po may mga nagsara o kumaunti iyong capacity dahil sa kakulangan ng tao. Pero after po ng first week ng January po, okay na po ang result natin sa mga laboratory – within 24 hours po natatapos nila at naipapasa po sa Bureau of Quarantine po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano na lang rin po ang update sa panawagan sa inyo ng Malacañang na dagdagan po iyong mga accredited swab labs para po mapabilis ang testing at release ng mga results? Sa kasalukuyan, ilan po ba iyong mga accredited laboratories na?

BOQ DEP. DIR. SALVADOR JR.: Opo. I-clear lang po namin, ang Bureau of Quarantine po ay walang kinalaman po sa pag-accredit po or pag-approve ng mga laboratory na nag-o-operate sa airport po. So mayroon po kaming tinatawag na one-stop shop po, ito po ang nag-i-screen po – marami pong agency ang nag-i-screen para po makapasok doon sa operation sa airport po.

So sa ngayon po, nasa 13 to 15 laboratories na po ang nag-o-operate sa airport, makikita ninyo po ito sa One Health Pass po. Doon po puwede kayong makapili ng laboratory na pupuwede pong magserbisyo sa inyo.

So ngayon nga po ang sabi nga po sa atin, wala na po tayong delay sa result ng laboratory dahil nagnu-normalize na rin po iyong situation natin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag po na tanong ni Athena Imperial ng GMA News: Are doctors from BOQ required to regular check the symptoms and medical conditions of the positive returning OFWs who are isolating—[technical problem]

BOQ DEP. DIR. SALVADOR JR.: Hello, Ma’am Rocky? Yes po. Yes po, Ma’am. Ang mga positive po natin na mga kababayan po na nasa mga hotels po ay regular po na tini-teleconsult ng mga doctors and nurses natin sa Bureau of Quarantine. So sabi nga po natin dati kulang kami ng tao pero nag-respond na rin po ang government, nagpapasalamat kami kay Presidente, kay Secretary Galvez, Secretary Vince and Secretary Duque na nabigyan na po o napagbigyan na po iyong panawagan namin na madagdagan kami ng tao.

And sa ngayon po, marami pong mga government agency na tumutulong sa amin, nagbibigay po ng augmentation tulad po ng Bureau of Correction, kay Usec. Bantag po na nagpahiram po sa amin ng 30 po na manpower para makatulong sa operations center namin; sa Philippine Navy po, nagpapahiram ng drivers; and PCG po na nag-u-augment po sa airport operations namin.

At sa ngayon po mayroon kaming ginagawang partnership with private sector po under Sir Joey Concepcion and mga call center agents po para po mas ma-improve ang operations center namin at mas makapag-respond kami sa pangangailangan po ng mga kababayan natin na umuwi sa Pilipinas po.

USEC. IGNACIO: Okay. Muli, atin pong nakausap ang Deputy Director ng Bureau of Quarantine, Dr. Roberto Salvador, Jr. Maraming salamat po sa inyong oras.

BOQ DEP. DIR. SALVADOR JR.: Maraming salamat po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Sa paglaganap ng Omicron variant sa bansa at mabilis na transmission rate nito, marami sa ating manggagawa ang hindi nakaligtas at nagpositibo at ngayon po ay naka-quarantine. Para pag-usapan kung anong benepisyo na maaaring makuha ng mga empleyadong COVID positive, makakausap po natin si Employees Compensation Commission Executive Director, Ms. Stella Zipagan-Banawis. Good morning po, Director. Welcome back po sa Laging Handa.

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS.: Good morning po Usec. Rocky at good morning din po sa lahat ng mga nanunood at nakikinig sa inyong programa po.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, nabanggit po ni DOLE Undersecretary Benjo Benavidez na maaaring makipag-ugnayan ang mga manggagawa sa inyong ahensiya to avail assistance. Ano po ba iyong benepisyong matatanggap ng mga employees mula po sa inyong tanggapan?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS.: Yes, Usec. Rocky. I-distinguish ko po iyong mga iba-ibang benepisyo ano po. Mayroon tayong tinatawag na Primary EC Benefits – ito po ay ina-apply po ng private sector workers sa SSS; kapag government sector worker naman po ay sa GSIS. Ito po iyong tinatawag na EC Sickness Benefit, mayroon din pong EC Medical Reimbursement Benefit, mayroon din pong EC Death with Funeral Benefit.

Iyong isa po na tinatawag nating cash assistance, ito po ay Top-Up Benefit na binibigay po para sa mga na-approve na iyong kanilang mga EC benefit claims po dito sa ahensiya na nabanggit natin – iyong SSS at GSIS – na atin pong implementing agencies para sa Employees Compensation Program po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, paano daw po iyong proseso sa pag-a-apply ng assistance at ano po iyong conditions o requirements na kailangang isumite ng mga [manggagawa] para po maging eligible beneficiary?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS.: Yes. Para po doon sa ia-apply na Primary EC Benefits sa SSS or GSIS, ito po ay ina-apply through drop box. Kailangan lang po ay i-submit iyong mga requirements, ang mga requirements po dito ay iyong mga application forms, iyong RT-PCR or antigen result, Usec. Rocky, kasi ina-accept na po mula pa noong September 2021 iyong antigen test result ‘no based on IATF guidelines po iyon.

And then kailangan din po na mayroong dokumento na nagsasabi kung kailan sila last na pumasok sa opisina para ma-determine po ng ating mga medical evaluators sa SSS or sa GSIS kung ito po bang kanilang nakuhang resulta na positive for COVID-19 ay work-related po. Kasi iyong EC benefit po ay para lang sa mga work-related illnesses and injuries po.

So para naman po doon sa cash assistance, ito po ay ina-apply online sa ECC, kahit saang opisina po ng ECC nationwide. Ang basic requirement po dito ay iyong approval ng SSS or GSIS doon sa EC benefit na in-apply. Kasi po nga, ang sabi nga po natin kanina ay ito po ay top-up benefit lang doon sa na-approve na primary EC benefit. Ang requirement po doon ay iyong approval nga ng SSS or GSIS tapos valid ID at saka kailangang fill-up-an po iyong application form online.

Pero gusto ko lang ipaalam din, Usec. Rocky, na right now, hindi po kami nagri-receive ng online application dahil tinatapos po namin iyong pending pa sa amin na na-receive natin last year na mga application for cash assistance dahil medyo naubusan din po tayo ng budget last year. Mayroon pang mga tseke na kailangang iproseso para doon sa mga nag-apply last year po kaya tinatapos po namin bago namin buksan ulit po iyong online application for cash assistance, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, agaran po ba itong ibinibigay; gaano raw po katagal bago maproseso ang isang application?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS: Sa ating mga systems, SSS or GSIS, sila naman po ay nagpa-follow ng kung ano ang requirement under the ease of doing business. Sa ECC naman po, iyong cash assistance, umaabot po kami nang halos dalawang buwan sa pagproseso, on the average, kasi nga po alam naman po natin na mayroon tayong alternative working arrangement tapos marami rin pong naka-quarantine. Just recently po, apat sa aming doktor sa ECC na na-quarantine o kaya nag-positive kaya marami rin po silang mga processors/evaluators na na-close contact, nag-positive din.

So humihingi po kami ng understanding sa ating mga nag-a-apply for cash assistance, even po iyong mga nag-a-apply doon sa SSS or GSIS na marami pong factors kung bakit hindi kaagarang naipu-process po talaga iyong mga applications ngayon, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, may ibang ahensiya pa po ba maaaring aplayan ng EC benefit para po sa private and government employees? Paano po ang inyong pakikipag-ugnayan sa mga ahensiyang ito para po maibigay iyong assistance and benefits?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS: Kagaya ng nabanggit ko kanina, iyong ating primary EC benefit sa SSS o kaya sa GSIS, ina-apply po. At kami naman po ay palaging nakikipag-usap sa systems kung paano pa mabawasan iyong mga documentary requirements at paano mapabilis iyong pagpu-process.

Para sa kaalaman po ng lahat, iyong SSS at GSIS ay nakapagproseso na ng mahigit 81,000 na mga EC claims relating to COVID. Samantalang, iyong sa amin naman po sa ECC ay nakapag-process na po kami nang mahigit 24,000 na cash assistance na 10,000 or 15,000, depende po sa nangyari sa kanila. Ten thousand po kasi, Usec. Rocky, kapag nagkasakit o may RT-PCR positive na result; at 15,000 naman po kung namatay dahil sa COVID.

Ang probisyon po rito, Usec. Rocky, ay hindi po kailangan na severe iyong COVID-19 experience or sakit. Basta po nag-positive sa antigen test or sa RT-PCR ay puwede pong mag-claim ng EC benefit. At puwede rin pong mag-claim ng EC benefit sa system kahit na mayroon pang leave credits. Tapos ang EC benefit po ay over and above whatever benefits na nakukuha po sa SSS at GSIS relating to COVID also.

Tapos right now po, Usec. Rocky, wala rin pong binibilang na prescriptive period na kung kailan dapat i-apply iyong EC claim po sa system.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras at impormasyon, Employees Compensation Commission Executive Director Stella Banawis. Stay safe po, Director.

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS: Maraming salamat din po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako tayo sa mga pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa. Puntahan po natin si Aaron Bayato ng PBS Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Babalikan po natin mamaya si Aaron Bayato. Samantala, mahigit tatlondaang pamilya sa Malabon City hinatiran ng tulong ng outreach team ni Senator Bong Go at ng Department of Social Welfare and Development. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas. As of January 21, 2022:

  • Nakapagtala po ang DOH ng 32,744 na mga bagong kaso kahapon kaya sumampa na sa 3,357,083 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
  • One hundred fifty-six (156) katao ang mga nasawi kaya nasa 53,309 na po ang total number of deaths.
  • Samantala, umakyat na sa 3,012,156 ang dami ng mga gumaling sa sakit matapos makapagtala ng 16,385 na new recoveries kahapon.
  • Dahil sa mataas na bilang ng mga bagong kaso, ang active cases natin ay umabot na sa 291,618 o katumbas ng 8,7% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit.

Muli pong nadagdagan ang mga probinsiyang nag-anunsiyo ng pagtaas ng kanilang alert level kahapon dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso sa kanilang lugar. Upang bigyan tayo ng karagdagang impormasyon sa usaping ito, naritong muli si Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng Department of Health. Good morning po, Usec. Welcome back po sa Laging Handa.

DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Good morning po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., unahin ko na muna itong talakayin, ang tungkol sa COVID surge sa mga probinsiya. Sa ngayon po, alin pong rehiyon o probinsiya iyong binabantayan ninyo pa rin po dahil nakakapagtala nang pinakamaraming positive cases ngayong linggo?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So sa ngayon po, iyon pa ring malalaki nating rehiyon ang may pinakamataas na numero ng mga kaso. This would be of course National Capital Region, we have Region IV-A and we have Region III; pati po sa positivity rate pumapalo po nang mataas talaga ang kanilang positivity rate maging po sa ibang rehiyon katulad po ng CAR, ng Region II at saka ng Region VIII po.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kanina nakausap po namin ang Health Officer ng Northern Samar at sinabi pong posibleng umapela sila sa IATF dahil sa tingin po nila hindi sila dapat nalagay sa Alert Level 4. Nakarating na po ba sa inyo ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Kahapon po mayroon pong mga reports pero we have not received officially yet ‘no kung mayroon man po silang kasulatan. Gusto ko lang hong ipaliwanag, iyon pong naging desisyon ng IATF sa pag-escalate to Alert Level 4, ang Northern Samar po nakapag-dedicate na po sila ng 80% of their bed for COVID-19. Ang ibig sabihin po noon, 20% na lang po ang kanilang natitira na capacity kung saka-sakaling tataas pa ang mga kaso.

Sa ngayon po nasa high risk na po ang kanilang healthcare utilization. So para po maibsan at saka ma-control muna ang pagdami ng kaso at ma-manage natin ang kanilang healthcare systems capacity kaya po napagdesisyunan na i-escalate sila because they’ve reached the metrics already.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta naman po iyong hospital occupancy sa mga probinsiya? Nakakasiguro po ba daw tayong mayroon tayong sapat na supply at equipment dito po sa mga ospital?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, kapag tiningnan ho natin sa kabuuan ano, mukhang preparado naman po talaga ang ating mga ospital dahil na nga rin po na nanggaling tayo doon sa ating experience with Delta kung saan talaga lahat po ay nakapaghanda na bago dumating ang Omicron. Pero mayroon pa rin ho tayong mga kinu-closely monitor na mga areas ngayon na medyo nagkakaroon po ng kakulangan sa pag-allocate ng COVID beds sa kanilang mga lugar. Iyong iba dahil nga po na marami pa rin po silang non-COVID na admissions, iyong iba naman po talagang walang kakayahan ang ating mga local governments.

Ang isa pong puwede ho nating makita ngayon din ano at magandang nakikita ay iyong hindi ho ganoon kadami ang severe and critical kaya iyong use ng mga mechanical ventilators, iyong use ng oxygen, iyong gamit po ng mga COVID-19 investigational drugs for severe and critical ay hindi po masyadong kinakailangan ng ating mga lugar. Ang kailangan lang po talaga ngayon mas maraming kama para ma-accommodate po kung sino po iyong mga dapat mai-admit sa ospital.

USEC. IGNACIO: Oo. Pero, Usec., ano naman daw po ang masasabi ng DOH kaugnay sa pahayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na panahon na para daw po i-consider ang pagluwag sa quarantine protocols for international visitors. Handa na po ba iyong bansa natin para dito, Usec.?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, isa po ito sa naipag-utos sa amin ano ng IATF na pag-aralan itong proposal na ito. So we are now studying this together with our experts kung ano po iyong tamang rekomendasyon na maibibigay natin. Kapag tiningnan ho natin iyong proposal, sinasabi na hindi na kailangan natin ng quarantine and isolation for our incoming travellers. Kung sakali mang mairekomenda iyan, tayo naman ay magiging handa ‘no kasi kapag matatandaan ninyo, 4-door policy po ang ating pinatutupad at ang first door po natin would be our border control. So mayroon pa ho tayong tatlong safeguards or layers of protection na atin pong aasahan kung saka-sakaling mawawala po o tatanggalin na ang control natin sa borders.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., maaari ninyo po ba daw ibahagi sa amin kung anu-ano naman daw po ang benepisyong matatanggap ng mga health care workers with this One COVID-19 Allowance?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So ito pong bagong polisiya na ‘to, iyong One COVID Allowance, ito po ay ipapatupad natin para mas marami po tayong health care workers na mabigyan, maging mas rational din po ang ating pag-i-estima kung sino ang dapat makatanggap at kung ano iyong klase noong risk noong bawat health care worker.

So we have classified the risk into three: mayroon po tayong high risk, moderate risk at low risk. Ang matatanggap po ng ating health care workers that will be classified as high risk would be P9,000 pero month; iyon naman pong moderate risk, anim na libo; iyon pong low risk, tatlong libo.

So naitalaga rin po natin at specific po tayo doon sa policy kung anu-ano hong mga facilities ang high risk, moderate at saka low risk. Katulad nga ng mga ospital, of course they are high risk because they’re handling patients. Pero mayroon ding mga opisina po katulad ng mga administrative services that within hospitals, we will consider also ‘no. Sa mga rural health units po, iyon pong mga CHD offices or regional offices, iyan po low risk. Pero sa ospital, regardless of level of service, high risk po ang kanilang klasipikasyon so they receive P9,000 per month.

USEC. IGNACIO: Opo. May katanungan po ang ating kasamahan sa media, Usec. Vergeire. Mula po kay Analou de Vera ng Manila Bulletin: Ano daw po ang reaksiyon ng DOH sa isang viral video sa social media kung saan daw po nakita na naputol po ang syringe at tumapon pa ang vaccine. The vaccinator allegedly also did not informed the vaccinee on what happened and the latter daw po only knew after he watched the video. The vaccination supervisor also allegedly told the vaccinee that it is not allowed to take videos. Ano daw po ang advice ninyo na maibibigay sa public and reminder para po sa mga vaccinators at may sanction po ba daw sa ganitong instances?

DOH USEC. VERGEIRE: Unang-una, Usec. Rocky ‘no, iyong pagkukuha ng video, well that would depend ‘no on the authority of our local government officials to impose kung bawal. Kasi gusto natin anonymized po ito pong mga ginagawa natin ano, ayaw natin na nakakarating pa sa ibang mga tao iyon pong mukha at saka iyong identity noong ating mga binabakunahan.

Pangalawa, iyon pong ating mga nangyayari na mga ganitong hindi naman mga sinasadya but these are some things na puwedeng mangyari during the process of vaccination. Kailangan lang po talaga ipaliwanag maigi ng ating vaccination sites what happened at ibigay uli ‘no iyong dapat na dose para po doon sa ating kababayan.

So gusto ko lang hong i-remind sa ating mga kababayan na kapag ho may mga nangyayaring ganito, these are accidents at kailangan lang po ipagbigay-alam sa inyo at maintindihan ninyo kung ano ang nangyari at maibigay po sa inyo ang tamang dose ng bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong si Paige Javier ng CNN Philippines: Anu-ano daw po iyong regions na nahihirapan sa COVID-19 bed allocation?

DOH USEC. VERGEIRE: Halos lahat na po ng regions natin ngayon, Usec. Rocky, ay may pagtaas ng mga kaso ‘no. And when we try to look at our numbers now, healthcare utilization, makikita ho naman natin na moderate risk most of our regions. Ibig sabihin, pumapalo na po iyong mga numero nila from 50 to less than 70%.

Mayroon lang ho tayong mga regions ngayon na binabantayan dahil mayroon ho silang high-risk utilization for their bed utilization, ward beds. Ito ang Region VIII po, 72%; and then we also have Region V wherein 71% na po ang ICU utilization nila; and also, we have BARMM ‘no, mayroon ho silang 72% na ICU utilization. For the other regions, katulad ng sabi ko, moderate risk sila pero may mga specific areas within regions po kasi na nagha-high risk na rin sa utilization ng beds. Ito po iyong mga nai-escalate po natin to Alert Level 3 or Alert Level 4.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Madz Recio ng GMA News: Reaction ninyo raw po sa sinabi ni NTF Spokesperson Adviser Dr. Ted Herbosa na posibleng ibaba na sa Alert Level 2 ang National Capital Region pagsapit ng Pebrero. Karamihan daw po kasi ng mataas na kaso ay nasa labas ng Metro Manila. Irirekomenda na rin po ba ito ng DOH? Dagdag na tanong din po iyan ni Athena Imperial ng GMA News na posible po ba na magkaroon ng herd immunity?

DOH USEC. VERGEIRE: Unang-una po, iyong herd immunity ay hindi na ho muna natin pinag-uusapan dahil when we talk about herd immunity, we’re talking about 90 to 95% of our population vaccinated para ma-achieve natin iyan. And we know there are still specific sectors in our society katulad po ng mga bata less than 12 years old ay hindi pa allowed to be vaccinated dahil wala pang EUA. Kaya iyong herd immunity, hindi muna po natin ginagawang target. Ang target natin ngayon is population protection, and that would be 90% of our targets except for those 11 years old and below na mga bata.

Pangalawa po, iyong sinasabi kong magsi-shift na tayo sa Alert Level 2, I think, it’s too early to declare and to say to people that we will shift or deescalate to Alert Level 2. Kahit po sa tingin natin bumabagal na po ang pagdami ng kaso, bumaba na ang numero araw-araw, pero alalahanin po natin na mayroon pa rin po tayong mga kababayan na hindi na po nagpapa-test; mayroon din tayong mga kababayan na nag-a-antigen test na hindi po nairi-report sa DOH. Kaya po tinitingnan muna po natin, we are closely monitoring. And according to projections, the peak might happen by the end of January or by the middle of February.

So, araw-araw po binabantayan natin pero sa ngayon hindi pa ho natin masasabi if we can already deescalate by February dito po sa NCR.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Athena Imperial: According daw po sa OCTA Research, may severe outbreak of cases sa NCR and Benguet. Tugma po ba ito sa lumabas na data ng DOH?

DOH USEC. VERGEIRE: Severe outbreak of COVID-19, USec. Rocky? Hindi ko po narinig, nag-gap ka po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sabi daw po ng OCTA Research, may severe, severe outbreak of cases sa NCR and Benguet. Kung tugma daw po ito sa lumabas na data ng DOH?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, mayroon naman ho talagang outbreak dati pa. Nagpapandemya na nga po tayo ano, pero ito pong pagtaas po ng kaso, ikukumpara from last year because that’s how you define an outbreak eh. Titingnan mo kung ilang porsiyento ang itinaas ng kaso ikumpara mo sa same time last year.

So kapag tiningnan ho natin, talagang mataas ang NCR cases compared to last year, January of 2021; and not just Benguet, but a lot of areas in the country. So, ito naman po ay tama ‘no. Nakita nating tumaas ang mga kaso especially in NCR, and now binabantayan nating maigi po ang CAR, not just Benguet pero lahat po ng probinsiya doon sa Cordillera Administrative Region.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Madz Recio ng GMA News: Sa darating na pagdiriwang daw po ng Chinese New Year baka magkaroon po ng mga family gatherings. May paalala po ba daw dito ang DOH?

DOH USEC. VERGEIRE: Of course ‘no, actually nagbibigay kami ng pasasalamat kay Mayor Isko dahil kinansel po niya iyong mga activities for Chinese new year, this coming Chinese New Year. Pero we still remind our citizens na iyon pong magkakaroon ng mga gatherings or reunions because of this, sana po ay ipagpaliban muna natin dahil mataas pa rin po ang kaso. Kahit po tayo ay bakunado, maari po tayong mahawa at makapanghawa.

So, let’s just keep our celebrations, huwag muna po … i-postpone muna po natin para makatulong po tayo na hindi pa further tumaas ang kaso sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: May nilabas na study ang developer ng Sonic vaccine na nagsasabi na ang bakuna nila ay nananatiling epektibo laban sa Omicron variant base po sa isang print study na ginawa sa laboratoryo. Ano daw po ang reaction ng DOH dito sa panibagong study na ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, patuloy po ang pag-aaral. Evidence is evolving, USec. Rocky. At katulad noong sinasabi ninyo nga po at galing sa artikulo, pinag-aralan sa laboratoryo. So, ibig sabihin, wala pa ho tayong pag-aaral sa human.

So, kailangan ho nating bantayan, tingnan natin hanggang matapos po nila iyong kanilang pag-aaral. At kung maganda naman po talaga ang pinakita, eh di siyempre po ia-adopt natin dito iyan at magiging basehan at ebidensiya na gagamitin ng ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag na tanong ni Red Mendoza: Ano po ang reaction ng DOH sa sinabi ni Father Nicanor Austriaco sa isang forum na maaaring wala nang maging mas matindi pa na strain kasunod ng Omicron variant dahil ang spike protein nito ay maaari ng makapatay sa iba pang mga variant?

DOH USEC. VERGEIRE: I think it’s too early to say that ‘no, but of course Father Nick is a scientist. So, tingnan po natin ano. Pero ang babala naman po ng mga eksperto and even across the globe na huwag po muna tayong maging complacent because there might be other variants again of concern that might enter our country, different countries na might cause ‘no more infections and more transmission.

So tayo po ay closely monitoring. Ayaw po natin na magkaroon ng parang period dito po or parang tinutuldukan na natin na wala nang mas hihigit pa sa Omicron. Atin po tayong magkaroon po ng parang vigilance para ma-monitor natin ito pong mga bagong variants na lumalabas.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong hatid na impormasyon, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Stay safe po, USec.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Muli, ako po si USec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po uli tayo sa muli Lunes dito lamang sa Public Briefing #Laging Handa PH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center