USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Mula sa PCOO, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Pinakahuling update kaugnay sa na-detect na sub-lineage na Omicron sa bansa, implementasyon ng “no vax, no ride” policy, pamamahagi ng one-time financial assistance para sa mga manggagawa at sitwasyon sa bayan ng Pateros, iyan po ang ating tatalakayin ngayong araw ng Huwebes, a-bente siete ng Enero, kaya manatiling nakatutok. Mga kababayan, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Kinumpirma ng Department of Health na na-detect na sa bansa ang Omicron sub-lineage na BA.2 o stealth Omicron na itinuturing bilang variant under investigation. Alamin po natin ang latest development ukol diyan, kumustahin ang patuloy na mahigpit na pagbabantay ng Genome Center sa pag-detect ng mga COVID variants, makakasama po natin si Dr. Cynthia Saloma ng Philippine Genome Center. Good morning po, Doc, and welcome back sa Laging Handa.
PGC DR. CYNTHIA SALOMA: Good morning din po, Usec. Rocky at sa ating mga tagapakinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may bagong update na po ba from World Health Organization tungkol dito sa behavior o characteristic nitong BA.2 sub-lineage o stealth Omicron? Base po sa analysis ninyo, ano po ang significant difference nito sa original na Omicron variant?
PGC DR. CYNTHIA SALOMA: So, Usec., based on our analysis, iyong BA.2, iyan po iyong ating dominant and the one circulating variant in the Philippines particularly in our local community transmissions. So based on the data worldwide, this is really … the BA.2 sub-lineage of Omicron is really occupying our very small percentage of the global samples that have been sequenced, that have been assigned to the Omicron variant lineage.
However, Usec., at sa atin na ring mga tagapakinig, there has been an increasing uptick of cases na detected with the BA.2 sub-lineage particularly in Denmark, in the UK and Singapore and also, of course, in India and here in the Philippines it’s really the dominant local sub-variant of Omicron that is circulating. So regarding po sa kaniyang mga characteristics, the only hallmark lang naman po nitong BA.2 has be the fact that it was originally given a moniker of stealth Omicron.
And gusto ko pong i-explain lang na iyong stealth Omicron po na BA.2, madi-detect pa rin po siya sa RT-PCR, except that tinawag siyang stealth Omicron kasi it lacks the deletion 69 t0 70 in the spike region that is really targeted by the commonly used RT-PCR kit doon sa Europe at sa ibang countries na tinatawag nilang TaqPath. So iyong TaqPath po na kit na ito has three targets within the genome nitong SARS-CoV2 at kasama na po itong sa region sa spike protein. Eh kasi imbes na three positives o three signals maging positive, nagiging dalawa na lang siya kasi nga po may S gene dropout dito. So ginamit nila itong parang signal or hint, the most likely is either an Alpha or an Omicron variant kasi wala naman po masyadong Alpha ngayon so sinu-suspect nila Omicron variant.
However, si BA.2 po, wala po siyang mutation dito sa 69 to 70 region. Wala siyang deletion kaya hindi mo siya makikita sa routine S gene dropout. Positive pa rin siya sa RT-PCR testing, except that iyong one of those signals po ay nawawala kaya tinatawag po natin siyang stealth Omicron.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., ulitin lang po natin: Ayon po kasi sa Department of Health, predominant na itong some regions ang stealth Omicron. Pero so far, base po sa monitoring ng Philippine Genome Center, ilang cases na po iyong na-detect na Omicron dito sa atin at kung may datos na po ba kung ilan dito iyong sinasabing BA.1 or BA.2 sub-lineages?
PGC DR. CYNTHIA SALOMA: Opo, Usec. Marami na po tayong—ang datos po natin ngayon is really based on the 517 whole genome sequences that have been done by the PGC as of January 13. We have additional cases po ng Omicron, the details of which will be released by the DOH sometime later today. So I’m just going to refer, Usec., to the one where we did a lot of the analyses.
So the sub-variant or sub-lineage BA.2 po, we have detected this in the 12 regions of the country, in all the 12 regions of the country. Iyong ibang rehiyon po na wala pa tayong nai-detect, hindi naman po nagsasabi na… hindi naman po nagpapahiwatig na wala po tayong Omicron doon except that they were not able to send samples to us either because of problems in transportation or some other. So, Usec., it is safe to say that the sub-variant or this Omicron variant is already allover the country.
So sa atin pong nakitang mga sequences, ang atin pong mga international travelers were mostly of the lineage BA.1. Pero iyong sa ating community transmissions po, mostly po BA.2 na sila at nakikita po natin iyan predominantly here in the National Capital Region, as well as po in the CALABARZON and in other places of the country. So interestingly po, BA.2 ang naging malaganap sa ating bansa. Although in the global database po¸ marami talaga ang BA.1
So what are the indications of this, Usec? So one is that we are, government has been quite effective in preventing [unclear] transmission of the international travelers. Kasi iyong international travelers po natin based sa ating datos, marami po talaga sa kanila ay BA.1 – ito po iyong global prevalent sub-lineage.
Pero sa nakikita po natin sa ating communities, kaunti lang po talaga iyong BA.1; ang pinakamarami po talaga itong BA.2 na community transmission. And that tells us also that there could be some hidden lines of transmission na hindi natin nai-detect or it is possible, Usec., na may lumabas at saka siya talaga nag-spread. So there are also a lot of indication, and that will require further evidence that it seems suggest na itong BA.2 could have some advantages or fitness in our local population kasi noong nag—mas marami po siyang nakikita compared sa BA.1 even if we detected BA.1 much earlier than the … earliest sample of BA.1 is really much earlier than BA.2. Pero iyong naging malaganap sa Pilipinas is really BA.2.
If we are going to look at the numbers, I’ll just go through this. Usec., I think we have already detected of the 517 total genome sequences we got with the Omicron lineage, 336 na po ang nasa BA.2 pero iyong nasa BA.1 is 180 at iyong isang B.1.1.529 – ito po iyong original Omicron – isa lang po ang na-detect natin among our cases at ito po sa international travelers.
So sa local cases po natin, mga 248 out of the 336 na samples na na-detect natin na BA.2 are coming from the National Capital Region. So malaganap po talaga ang BA.2 dito as atin.
But we also would like to emphasize, Usec., [unclear] for those where the data or the severity of symptoms are available, so we only have about 30% of this, mga 165 out of 517 have available data, it also shows that on the whole, the symptoms have been largely milder and mostly asymptomatic po, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyon nga po iyong susunod kong tanong: Ito po bang BA.2 sub-lineage ay mas less severe kumpara po doon sa Omicron talaga, Omicron variant?
PGC DR. CYNTHIA SALOMA: In terms of the symptoms and based on the available data po, Usec., parang pareho lang naman din sila, iyong kanilang symptoms mostly upper respiratory tract infections, mostly asymptomatic ang pinakamarami at saka po mild ang symptoms.
But we would like to emphasize, Usec., na just because we see asymptomatic at saka mild ang symptoms, it doesn’t mean that it cannot be lethal ‘no because DOH has also reported that at least mga two na po iyong death dito na confirmed na nagkakaroon ng Omicron.
And at the same time, Usec., it also … because a lot of our samples are coming from the National Capital Region and CALABARZON, it also brings emphasis to the fact that this is a population or is highly vaccinated kaya nga po siguro na iyong mga symptoms that are either asymptomatic or milder compared to the Delta variant po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., para lang din po maintindihan ng ating mga kababayan at maging malinaw, paano at bakit po nagkakaroon ng sub-lineage ang COVID variants? Dapat bang mabahala ang publiko dito?
PGC DR. CYNTHIA SALOMA: Okay, itong virus natin, alam naman natin magdadalawang taon na po tayo sa virus, natural po talaga sa virus na mag-mutate. At saka habang nagmu-mutate siya, nag-a-acquire po siya ng mga mutations ‘no. So iyong mga mutations puwede nating gagawing isang… kumbaga isa siyang tree, phylogenetic tree kung saan nagsimula iyong root, ang original tapos nagmu-mutate, nagmu-mutate at nanganganak po siya.
So the virus to have variants is really a natural; it is part of its evolution. At you don’t have to be necessarily concerned about these variants, it’s only if the mutations… about increased transmissibility or more increase in symptoms nagkakaroon po tayo ng mga duplications na variant of concern siya, you have to watch out for this one.
So, iyong pagkakaroon po, Usec. ng mga mutation at sub-lineages, natural po iyan sa virus. The reason na nilagyan po sila ng sub-lineages kasi mayroon po tayong parental or the original ancestral virus at saka habang nagmu-multiply at nagta-transmit from person to person, nag-a-accumulate po siya ng mutation. Kaya puwede nating i-represent into like a tree na may mga lineages. So, iyon po iyong nangyari.
So, for example, itong Omicron which was designated as a variant of concern on November 26 by the WHO, ang original po na parental lineage niya B.1.1.529. Pero nagkaroon na rin po siya ng tatlong additional sub-lineages, ito po iyong BA.1 which is the global dominant sub-lineage of Omicron, mga 97% ng mga nasa database natin is really of this sub-lineage. Tapos mayroon tayong BA.2 na bago lang po ito na-detect na 3% lang sa global sub-lineage, iyon nga lang po, Usec. nakikita nila na for example in Maharastra, India, parang dumadami po itong B8.2. And sa atin po sa Pilipinas, for some reason ito po iyong dumadami sa ating community transmission.
Mayroon din po, Usec. na BA.3 na kaunti lang po, mga 40 lang yata ang nai-share sa database. So, ang recent virus evolution, we can expect na marami pa pong mga sub-lineages ang likely lalabas dito. Pero hindi naman po nagsasabi na just because may mga sub-lineages, mabahala po tayo. It’s just really na may nomenclature system for many of us in the genomic’s field para ma-trace po natin iyong kaniyang spread as well as mutation po niya.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc Cynthia, puwede po ba nating sabihin na iyong BA.2 na nandito sa Pilipinas at sa India ay mas nakakahawa talaga kumpara po sa BA.1?
PGC DR. CYNTHIA SALOMA: Ah, hindi po talaga natin masasabi iyan, Usec, kasi parang pareho lang naman. In fact, nga iyong BA.2, kaunti nga talaga dito sa buong mundo, 3% lang ng mga cases ang BA.2. So kailangan nating pag-aralan, kasi maraming mga lineages ang lumalabas. We cannot definitely say na it’s nakakahawa or whatever. I think they are still classically Omicron, they are very, very highly transmissible. But the course of infection is rather short with much milder symptomatology compared to the Delta variant. But at the same time, it probably, also reflects the fact that we are highly vaccinated against the infection. But at the same, also brings to the fore that we need to continue practicing public health measures, even if we are fully vaccinated po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Cynthia pagdating naman po sa iba pang COVID variants. Sa ngayon, ilang porsiyento po iyong mga sample na tini-test ang Delta, Alpha at Omicron?
PGC DR. CYNTHIA SALOMA: So, Usec, starting this January po, Usec, sa atin pong mga local samples, practically po silang lahat Omicron. Mayroon pa tayong pangilan-ngilan na Delta noong December, pero itong starting po ng January, particularly in the NCR, halos lahat po sa kanila is Omicron na and we also see this pattern in other parts of the country. Kung may mga Delta man doon, Usec, pangilan-ngilan lang, it’s really just essentially Omicron starting in 2022.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Cynthia may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media ano po. Tanong po sa inyo ni Lei Alviz ng GMA News at ni Red Mendoza ng Manila Times: WHO said the next variant daw po will be more transmissible because it will have to overtake what is currently circulating. But the big question daw po is whether or not future variants will be more or less severe? Ano daw po ang comment ng PGC dito?
PGC DR. CYNTHIA SALOMA: Oo. So thank you very much Lei and Red for that question. Primarily because this BA.2 is really, really very transmissible, the hypothesis is the next one will be more transmissible than this one. But that is not necessarily true, kasi nakikita po natin the mutation of Omicron is about 37 in the spike region and overall, about 55%. So, there is also the possibility rin, Usec, na because of so many mutations occurring in the virus, magiging unstable po siya ano. So, that is also a possibility now and that could reflect on whether it will have increased severity or whatever.
So, it’s very, very difficult to predict, Usec, kung ano ang unraveling nitong virus na ito. But there is a possibility indeed that the next one will be highly transmissible, but whether it’s going to be fatal or a more severe or not, we really don’t know. But at the same time, tayo po sa Philippine Genome Center, in our discussions with our colleague from Nutrition and Structural Biologist, we also have this belief that because of the increased number of mutations, magiging unstable po iyong mutation na ito, iyong virus na ito, because of increased mutations.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Lei Alviz ng GMA News, although nasagot na po ninyo ito, baka may maidagdag lang po kayo. Basahin ko po iyong tanong niya: Is it safe to assume that the Omicron variant is now dominant in the Philippines? Ano daw po iyong pinapakitang trend sa genome sequencing? How fast is it replacing Delta?
PGC DR. CYNTHIA SALOMA: Thank you very much Lei for the question. So Lei, gusto ko lang ipabatid sa ating lahat ng tagapakinig na when the 2022 opened based on our sequencing results, in the middle of, starting on the third week of December, nakikita natin iyong very sharp rise in the number of cases, sequenced cases with Omicron lineage. But by the time we entered 2022, starting this first week of January, almost a 100% of the sequenced cases we have, particularly in the National Capital Region as well as in the Calabarzon areas, are already Omicron. So, if ever we get Delta in other places, very, very rare – one or two and because of course they did not send us a lot of samples. But I think, it is safe to say na practically all the January samples we’re getting already Omicron po.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Nakikita po ba ng PGC na nag Omicron variant ay mas airborne o mas naglalagi sa hangin ng mas matagal kahit hindi sa close settings? Ano daw pong mga spike protein ang nagpapakita ng increased transmissibility nito?
PGC DR. CYNTHIA SALOMA: In terms of the genomic sequence, Red. Ang very interestingly, itong ating Omicron variant ‘no, ang kaniyang mutation in their receptor binding domain, di ba mayroon tayong spike protein region, mayroon tayong iba-ibang domain – end terminal domain, S-1 region na Cleavage Site, mayroon mga receptor binding domain, ito po iyong region ng spike protein na nag-a-attach sa ating S-2 receptor. At itong Omicron, ang kaniyang mutations dito ang dami, at least 15 mutations in the receptor binding domain alone. Samantalang sa Delta, iyong receptor binding domain, dalawa lang yata, pero sa Omicron, marami po talaga itong receptoral.
So, that is as far as the genomic information is concern that we know of, pero iyong regarding po sa pagiging airborne and how long it takes, wala po talaga kaming data diyan, kasi hindi naman po kami nag-i-experiment with the virus.
So probably, we can get that kind of information from other laboratories, kasi kung gusto mo talagang i-test ito, kailangan iyong laboratory mo be as level 3 at saka maganda o grabe ang containment, kasi you are going to be using live viruses. So, because of the innate infectiousness at saka the risk of that, wala po tayong ganiyang experiments. We can only share to you information based on the genome sequence po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kumustahin na rin po natin iyong bagong genome sequencing laboratory sa Visayas at Mindanao. Ongoing na po ba ang operasyon nito?
PGC DR. CYNTHIA SALOMA: Oo. Ang magandang balita po, Usec., ay finally, despite all the bagyo and the cancelled flights, na-install na po natin iyong ating dalawang sequencing machines doon po sa PGC Visayas, sa UP-Visayas in Miag-Ao, nagsisimula na po silang mag-test ng kanilang mga machines at sa kanilang mga work flow.
Sa susunod na linggo naman po, dumating na po doon sa Mindanao ang ating equipment pero iyong installation po sa susunod na linggo. So, hopefully, as soon as they have polished their operation and protocol, magkakaroon po tayo ng isang formal na inauguration at makasimula na rin po sila ng kanilang reporting doon as part of the epidemiology bureau’s reports of our local cases based on our genomic bio-surveillance.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Cynthia, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga at siyempre salamat sa inyong impormasyon at paliwanag, Dr. Cynthia Saloma ng Philippine Genome Center. Mabuhay po kayo and stay safe po, Doc.
PGC DR. CYNTHIA SALOMA: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Bilang ng mga Pilipinong nagsabing hindi sila tinamaan ng COVID-19 matapos maging fully vaccinated tumaas sa 98% nitong December. Ito po ay batay sa tugon ng Masa survey ng OCTA Research Group. Maliban dito, malaki rin ang ibinaba ng bilang ng mga nagsabing hindi sila magpapabakuna. Si Mela Lesmoras sa detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, anim ng mga bagong ospital sa ilang lugar sa bansa ang isinusulong ng panukala sa Senado na maipatayo sa lalong madaling panahon. Layun nitong mapabuti pa ang healthcare system sa bansa sa gitna ng patuloy na laban natin sa pandemya. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Nagbigay na ng tatlumpung araw na ultimatum ang pamahalaan para sa mga unvaccinated at partially vaccinated workers na sasakay sa mga pampublikong transportasyon base po iyan sa naging desisyon ng Department of Labor, DILG at DOTr kaugnay sa guidelines na umiiral na “no vax, no ride” policy sa Metro Manila. Ibig sabihin, tanging mga bakunado na lang po ang papayagan sa mga pampublikong transportasyon pagdating ng February 25 sa ilalim ng Alert Level 3 sa Metro Manila, kaugnay niyan, makakausap po natin si Undersecretary Artemio Tuazon, Jr. ng Department of Transportation. Good morning po, Usec.
DOTR USEC. TUAZON: Magandang umaga ulit, Usec. Rocky. Thank you for having us here.
USEC. IGNACIO: Usec., so far, kumusta po iyong implementasyon nitong “no vax, no ride” policy dito po sa National Capital Region, may datos po ba kung ilan iyong nahuling violators at masasabi po ba nating nakakapag-adjust na iyong mga commuters sa nasabing policy?
DOTR USEC. TUAZON: Opo. Usec. Rocky, mula po noon tayo ay nag-implement strictly ng ating polisiya na “no vax, no ride” policy which was January 17 ay nag-settle down na po ang implementation natin, lahat po ng mga hindi pagkakaintindihan sa implementation nito ay nalinaw na po.
Ngayon po ay unti-unti na pong naiintindihan ng ating mga mamamayan at mananakay kung ano po ang importansiya nitong polisiya na ito, at naintindihan na rin po nila na para sa kapakanan po nila ito. As of late po, ilan na lang po iyong mga nahuhuli na nagta-try na mag-violate ng polisiya at iyong mga gustong sumubok na lumusot pa rin doon sa polisiya. So maganda na po ang implimentasyon natin ngayon.
Ngayon, Usec. Rocky, gusto ko lang po sana bago pa …maski ano po ang ano natin, gusto ko po sanang linawin sa lahat ng ating manunood na ang policy po, ang “no vax, no ride” policy ng DOTr under Department Order 2022-01, ay valid lang po dito sa loob ng NCR. Linawin ko lang po iyon, iyon po ay para sa NCR, dito lang po sa atin valid iyon. At valid lang po ito habang ang NCR po ay nasa Alert Level 3 or mas mataas. Kapag bumababa po ang ating alert level dito, masususpinde na po iyong polisiya. Salamat, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano po iyong naging basehan dito sa napagkasunduang desisyon ng DOTr, DILD, DOLE, ano po, sa bagong guidelines sa ilalim ng “no vax, no ride” policy dito po sa NCR para sa unvaccinated at partially vaccinated workers? Kasi dati po mismo si DOLE Secretary Bello ang nagsabi na exempted po dito iyong mga workers natin. Ano na po iyong bagong policy dito?
DOTR USEC. TUAZON: Opo, Usec. Rocky. Noong nagpulong po sina DOLE Secretary Bello, si DILG Secretary Año at saka si DOTr Secretary Tugade, tiningnan po nila iyong ating mga datos dito sa NCR. Una pong nakita nila na dito sa NCR po ay napakataas na po ng ating vaccination rate. Sinasabi po ng datos ng Department of Health na iyong ating targeted population na … ay already almost fully vaccinated na po. Actually, for the NCR, the vaccination rate is already at 108 percent, ang sabi po sa amin. Meaning, bukod po roon sa targeted vaccination population natin ay marami na po ang nagpapa-booster na rin po.
Kasabay po nito, tiningnan po nila iyong datos naman po sa mga nao-ospital at namamatay. Nakita po nila na sa mga ating mga nao-ospital ng severe or critical ang condition ng ating COVID cases, mga otsenta y kwatro porsiyento (84%) rito po ang hindi bakunado. At doon naman po sa mga namatay, nakikita po na mga nobenta y tres porsiyento (93%) po ang mga namatay na hindi bakunado. So kapag pinagsama po iyong dalawang datos na iyon, nakikita po iyong pangangailangan at importansiya po ng bakuna dito sa atin para mapanatili po nating safe ang ating public transport system.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., para lang din po malinaw sa publiko, ano po: Papayagan pa ring makasakay ang mga unvaccinated at partially vaccinated workers sa public transport pero kailangan pa rin po nilang magpakita ng proof of employment gaya ng ID or certificate of employment, tama po ba ito?
DOTR USEC. TUAZON: Tama iyon, Usec. Rocky. They have until February 25 na papayagan po sila kung sila po ay hindi pa bakunado or partially vaccinated pa lang. Basta kailangan pa rin po nilang ipakita na sila ay … iyong travel po nila is essential. Sila po ay lalabas at para pumasok sa ating mga industriya na pinapayagan po na mag-operate under Alert Level 3, kailangan po nilang ipakita iyong ID nila or iyong certificate of employment.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kung susundin po itong palugit na 30-days ano po, ibig sabihin, iyong mga wala pang first dose, kailangan by this week or next week ay makapagpabakuna na dahil po sa interval dito sa second dose?
DOTR USEC. TUAZON: Tama po iyon. Ang pinakamaiksi po natin ay 30 days, kaya po ini-encourage po natin lahat ng ating mananakay at mamamayan na mga manggagawa na magpabakuna po at the earliest possible time.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, since tumataas pa rin po iyong COVID cases outside Metro Manila, ini-encourage na rin po ba ng DOTR iyong iba pang lugar sa labas ng NCR na i-adopt na rin po itong gaitong policy? Napagusapan na rin po ba ito sa inyong mga pulong?
DOTR USEC. TUAZON: Actually, Usec. Rocky, kung titingnan po natin ang basehan ng ating Department Order, ito po ay naka-base sa exercise po ng ating mga LGU ng kanilang police power. Sila po ang nakakalam kung ano po ang kondisyon sa kanilang mga localities at sila po iyong may karapatang mag-exercise nitong police power under the local government code. Ngayon nasa kanila po iyon, kung sila naman po ay maglalabas ng ordinansa o kaukulang kautusan na magpapatupad po rin ng ganitong polisiya ay susuportahan naman po ito ng DOTR.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang po si Tuesday Niu ng DZBB: Papaano daw po kung hindi pa rin bakunado after 30 days. Ano daw po ang mangyayari at talaga bang wala na pong konsiderasyon? Pero nabanggit nga po ninyo, under Alert Level 3 lamang po ito.
DOTR USEC. TUAZON: Tama po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: So, papaano po ang gagawin ng DOTR? May konsiderasyon po ba daw after 30-days ay hindi pa po bakunado?
DOTR USEC. TUAZON: Usec. Rocky, kung titingnan po natin itong ating vaccination program, magdadalawang taon na po, sa tingin po namin ay higit ng panahon ito, sapat ng panahon ito para ang ating mga mamamayan kung gusto talaga nilang magpabakuna ay nakapagpabuna na po. Ngayon po itong 30-days na window na binibigay natin ay para lang ho makumpleto na nila o makapagpabakuna na iyong ating mga mamamayan na hindi pa po nakakapagpabakuna for one reason or another.
Pero ito na lang po ang ibinibigay natin, napagkasunduan na po na pagkatapos po nitong 30-days na ito ay we will strictly implement the ‘no vax, no ride’ policy na po. But I have to repeat, mayroon po tayong exemptions dito, USec. Rocky ha, dito sa ating ‘no vax, no ride’ policy. Una po iyong ating mga mamamayan na hindi po puwedeng tumanggap ng bakuna for medical reasons, dapat ipakita lang po nila iyong kanilang medical certificate na pirmado ng doctor nila at nandoon po iyong numero ng doktor nila. Pangalawa po, iyong mga kababayan natin na lumalabas to access essential goods and services katulad po ng doctor, pagkain, tubig, dentist, ipakita lang iyong kanilang barangay health pass at pasasakayin pa rin po sila.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Ivan Mayrina ng GMA News: Kung bumaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila sa February 1st, wala na po ba daw bisa ang ‘no vax, no ride’ policy? Follow up din po ni Tuesday Niu na palagay daw po ninyo after 30 days ay mag-a-Alert Level 2 na tayo sa NCR? Ano daw po ang mangyayari?
DOTR USEC. TUAZON: Iyon pong sa tanong ni Ivan and ni Tuesday na kapag nag-Alert Level 2 na tayo, kung ano po ang mangyayari dito sa polisiyang ito, katulad po ng nasabi namin, ang polisiya po ay bond lang, habang tayo po ay nasa Alert Level 3 or mas mataas. Kaya po kapag nag-Alert Level 2 tayo, masususpindi na po itong effectivity nitong ‘no vax, no ride’ policy po natin. Ngayon, doon po naman sa katanungan kung sa tingin po namin na bababa na sa Alert Level 2 ito, hindi po kami ang makakasagot po diyan. Actually po may IATF meeting nga po today at sa tingin ko po ay pag-uusapan iyan at ang IATF ang magsasabi kung ito po ay bababa o hindi.
USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol naman po sa bakunahan. Bukod sa PITX, inaasahang magkakaroon din ng mobile vaccination site sa MRT 3 station. Kailan po ito posibleng simulan at kung na-identify na po ba natin kung saang stations lamang po ito at ano daw po iyong mga paghahanda na ginagawa ng DOTR para dito?
DOTR USEC. TUAZON: Tama po iyon, Usec. Rocky. Bukod po sa PITX, may mga na-identify na po tayong apat na istasyon sa MRT kung saan po puwede na po tayong magtayo ng vaccination sites. Ngayon po, we are in the process now, with coordination sa NVOC natin, sa National Vaccination Operation Center para po ma-comply natin iyong guidelines nila sa pagtatayo po ng vaccination sites dito sa mga istasyon na ito. Bukod po dito, mayroon pa rin pong mga istasyon ang PNR na tinitingnan natin kung puwede pong malagyan ng vaccinations sites at pati na rin po sa ating mga paliparan at sa mga pantalan natin, tinitingnan po natin ngayon. Ito pong lahat ay kino-coordinate natin sa NVOC para po ma-comply lahat iyong guidelines nila sa pagtatayo ng vaccination sites.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kung sakaling masimulan ito, araw-araw po ba daw itong bakunahan sa mga tren, may limit per day lang po ba ito? At para doon sa booster dose, ito lang po ba ang io-offer ninyo kagaya sa mga piling pharmacies?
DOTR USEC. TUAZON: Hindi po, Usec. Rocky, as long as mayroon po kaming supply ng bakuna, galing po sa DOH at sa NVOC ay tuluy-tuloy po naming gagawin itong aming vaccination sites, sa mga facilities po ng public transportation. Ngayon sa tanong po, kung booster shots lang po ba ang ibibigay dito, hindi po, depende po ito kung sa anong bakuna ang ibibigay sa amin, iyon po ang aming ibibigay sa ating mamamayan din po.
Ang ano lang po namin, kaya baka po naitanong iyan, kasi po ang ating pina-prioritize sa PITX ay iyong booster shots po, ito po kasi ay dahil ang naibigay sa ating bakuna sa ating PITX ay iyong AstraZeneca po na medyo mahaba ang gap between the first and the second batch, 90 days po, tatlong buwan po ang gap. Kaya po para makasakay sila, iyong mga kailangan po ng booster ang inuuna natin.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Undersecretary Artemio Tuazon Jr., ng Department of Transportation. Salamat po, Usec.
DOTR USEC. TUAZON: Salamat, Usec. Rocky. Magandang tanghali sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Matapos magbigay ng isang buwang palugit ang Department of Transportation sa mga hindi pa rin bakunado, humahabol ang ilan nating mga kababayan sa pagbabakuna tulad na lamang sa vaccination ng first dose sa COVID-19 sa Caloocan City. Ang update iyan mula kay Cleizl Pardilla. Cleizl?
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, Cleizl Pardilla.
Ilang mga manggagawa po ang patuloy na umaaray sa epekto sa kanilang trabaho mula nang muling isailalim ang ilang mga lugar sa mas mahigpit na alert level. Ang DOLE muli namang ikinasa ang one-time financial assistance para po sa kanila sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP, iyan naman po ang ating hihimayin at pag-uusapan kasama po natin si Assistant Secretary Dominique Tutay mula po sa Employment and General Administration Cluster ng Department of Labor and Employment. Good morning po. Welcome po sa Laging Handa, Asec.
DOLE ASEC. TUTAY: Good morning po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Asec., para po tulungan ito pong mga manggagawang maapektuhan po ang kabuhayan dahil pa rin sa pagkakalagay ng kani-kanilang lugar sa Alert Levels 3 at 4, muling iru-rollout ng DOLE ito raw pong COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP, kailan po inaasahan ang pagsisimula nito at kung may pagkakaiba po ba ang magiging implementasyon nito mula po sa mga naunang pamamahagi ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Usec. Rocky, nagsimula na po iyong pagtanggap po ng application natin for CAMP 3 noong Lunes, January 24 po, at ito po ay na-rollout na po natin. So, so far po, ang pagkakaiba naman po nito doon sa mga dating CAMP under Bayanihan 1 and 2, medyo maliit po iyong pondo na atin pong nailaan para dito – isang bilyong piso po – mula po ito sa ating 2022 General Appropriations Act. And ang covered lamang po nito, Usec. Rocky, ay iyon pong mga affected workers na na-displace by reason of retrenchment or permanent closure of the company under Alert Level 3 and pati na rin po iyong mga suspended workers po because of temporary closure of their establishments.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., anu-ano raw pong lugar o rehiyon ang inilagay sa Alert Levels 3 at 4 dito, iyong gaano karami iyong mga manggagawang naaapektuhan sa mga lugar na ito at kung inaasahan po nating matulungan silang muli sa pagpapatupad ng CAMP?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Sa atin pong tala, Usec. Rocky, nag-umpisa naman ang Alert Level 3 dito sa National Capital Region and then biglang nag-expand po siya sa iba’t ibang rehiyon nationwide, pero hindi niya sa sakop iyong ibang probinsiya although [unclear] within a specific region.
So sa ngayon po, as of January 23, sa datos po natin, mayroon po tayong around 25,000 affected workers na permanently nawalan po ng trabaho or under temporary closure po iyong kanilang mga establishments. Mayroon din po tayong naitala na more than 30,000 na workers under flexible work arrangement po pero, unfortunately, hindi naman po sila kasama dito sa ating pamimigay po or pamamahagi ng financial assistance under CAMP.
USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating naman daw po sa coverage ng programa, sino lamang po ang maaaring makapag-avail nitong one-time financial assistance mula sa DOLE at saan din po manggagaling iyong budget para sa programang ito, Asec.?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Mayroon po tayong isang bilyon na magmumula po sa budget po ng DOLE for 2022 General Appropriations Act. Iyon pong mga covered dito ay Iyong manggagawa na permanently nawalan ng trabaho or temporarily po ng trabaho by virtue of the declaration of Alert Level 3 pataas. Kasama po dito iyong mga manggagawa regardless sa formal sector – linawin ko po iyon – formal sector regardless po ng kanilang employment status – regular, casual, on probation, puwede rin po iyong mga contractual workers po natin na affected po ng Alert Level 3 declaration.
USEC. IGNACIO: So ano po iyong mga requirements na kakailanganin nila para po makapag-avail dito sa … o makapag-comply dito sa CAMP assistance?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Unang-una, Usec. Rocky, dapat po ang ating mga establishments ay Mayroon pong report ng temporary closure or kaya po permanent closure and temporary closure sa atin pong reports.dole.gov.ph. At pangalawa po, kailangan po naman na mag-submit po sila ng latest payroll po nila, tinatanggap po namin iyong November or December 2021 as the latest payroll po of the company.
Kung wala naman pong payroll, Usec. Rocky, pupuwede rin po na mag-submit po sila ng proof of payment via leger po or iyong logbook. Mayroon din pong employment contract o kaya iyong mga cash voucher, petty vouchers po, authority to debit account doon po sa mga bangko o kaya puwede rin po iyong alpha listing from the SSS, from PhilHealth o kaya po sa Pag-IBIG, at saka iyong listahan po ng 13th month pay.
Iyong individual naman po na mag-a-apply, pupuwede naman po na isama iyong kanilang picture kasama po iyong government-issued ID. Piktyuran lamang po nila iyong sarili nila and ilakip po nila rito iyon proof na sila po ay nawalan ng trabaho kagaya po ng certificate of employment, notice of termination o kay ay affidavit of termination po by the employer.
USEC. IGNACIO: Opo, May tanong lang po ang ating kasamahan sa media sa inyo. Tanong po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilan na po ang applicants para po sa CAMP 2022 at ilan po dito ang na-approve na ng DOLE?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. As of yesterday po, Usec. Rocky, mayroon na tayong 22,000 applications na na-receive; more than 5,000 po dito ay na-approve na based on the evaluation of our regional offices; around 12,000 naman po iyong for evaluation; and then more than 4,000 po iyong for further verification po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second pong tanong niya: Ano po ang update sa CAMP for tourism workers? Kailan po ito expected na mai-implement?
DOLE ASEC. TUTAY: May konti pang inaayos on the side of the DOT po. But as far as the Department of Labor and Employment is concerned, we’re ready na po to rollout the CAMP for tourism.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa ano naman daw pong mga kadahilanan na maaaring matanggihan ang aplikasyon ng isang manggagawa na makapag-avail ng CAMP?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Siguro iyong mga nasa-submit po nila na mga documents ay malabo. Kailangan po na ma-verify pa rin po ng ating mga evaluators at the regional and field offices, makakatanggap po ang ating applicant ng status ng kanilang application.
Kapag na-deny po kayo, huwag po agad kayong susuko kasi minsan nadi-deny lamang po dahil may mga kailangang linawin doon sa application po ninyo kaya i-submit ninyo lamang po kung anuman iyong mga kaukulang dokumento na niri-require po na i-submit po ninyo para ma-reconsider po iyong inyong applications.
USEC. IGNACIO: Pero, Asec., sino raw po iyong maaaring mag-file nito, ang employer po ba tulad ng mga naunang CAMP o mga manggagawa mismo? Ano rin po ang itinakdang processing time bago matanggap ng isang qualified na manggagawa ang kaniyang CAMP cash assistance at paano raw po, saan ano rin pong kaparaanan malalaman ang isang manggagawa na aprubado o maaari na niyang makuha iyong nasabing assistance?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Medyo maraming tanong [laughs]. Una po, siguro iyong approved applicant po ay makakatanggap po sila ng SMS o kaya e-mail po mula po sa ating regional office kung approved or hindi po iyong kanilang applications. Kung approved po iyon, maghihintay lamang po sila ng mga one or two weeks para po matanggap po nila iyong financial assistance.
Kung na-disapprove naman po, alamin po natin kung bakit na-disapprove po iyong kanila pong application, at sundin po natin kung anuman po iyong hinihingi na verification ng ating mga field offices.
And doon naman po sa mga applicants po natin, mayroon po—kapag nag-apply po kayo, mayroon pong tracking number na maibibigay po sa inyo. Automatic po iyon naka-identify na po iyon, at iyon po ang gagamitin ninyo sa pagpa-follow up. Puwede ninyo pong i-follow up or makita iyong status ng inyong application through the online system din po natin.
Sa tanong po na sino ba ang dapat mag-apply? Ang mas mabuti pong mag-apply nito ay iyong ating mga establishments po para lahat po ng apektado na mga manggagawa ay maisama po doon sa listahan na maaari po nating mabigyan ng ayuda. Ngayon mayroon pong mga workers na talagang may problema sa kanilang employers at minsan hindi po sila isinasama, Kaya mayroon din pong paraan na individually ay puwede po kayong mag-apply.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec, may tanong lang po si Leila Salaverria ng Inquirer: Sapat po ba iyong budget sa CAMP for 25,000 affected workers? Papaano kung kulangin, may provision ba for extra allocation?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Usec. Rocky, iyong isang bilyon po na inilaan po natin for 2022, ito po ay sasapat sa mga 200,000 workers. Ngayon po, base po sa tala natin sa establishment report system po natin noong January 23, around 25,000 po iyong affected by reason of permanent closure and retrenchment at saka temporary closure. So, ang ginawa po natin, magda-download lang po muna tayo ng sapat na pondo amounting to around P130 million para ma-accommodate po iyong initial na 25,000 po na affected workers.
USEC. IGNACIO: Opo. Saan daw po maaaring mag-follow up o mag-report ng related concern sa mga pribadong establishment o manggagawa patungkol po sa implementasyon ng CAMP?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Puwede po kayong tumawag sa DOLE hotline 1349 o kaya naman po iyong tracking number na maibibigay po ninyo during the application period po ninyo, puwede po ninyong gamitin iyon sa pagpa-follow up ninyo via online. Pero kung hindi naman po, maaari din naman kayo tumawag din sa ating mga DOLE Regional and Field offices. Ang kanila pong mga contact details ay makikita po ninyo sa ating website under Contact Us, dole.gov.ph.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong paliwanag. Assistant Secretary Dominique Tutay ng Employment and General Administration Cluster ng Department of Labor and Employment. Stay safe po.
DOLE ASEC. TUTAY: Stay safe po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, halos isang linggo bago simulan ang bakunahan sa mga edad lima hanggang labing-isa, pumalo na po sa 10,000 ang nagpa-register sa pediatric vaccination sa Maynila at sa harap ng panibagong sector na babakunahan, panibagong batch din ng Pfizer COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa. Ang ulat na iyan mula kay Patrick De Jesus:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Patrick De Jesus.
Ilang araw bago matapos ang umiiral na Alert Level 3 sa Metro Manila, makikibalita tayo kung ano nga ba ang sentimyento at posibleng maging rekomendasyon ng pamahalaang panglunsod na maging susunod na alert level sa Metro Manila. Kukumustahin din natin ang sitwasyon ng Bayan ng Pateros. Makakasama po natin si Pateros Mayor Miguel Ponce III. Good morning po, Mayor.
PATEROS MAYOR PONCE: Good morning, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, may desisyon na po ba ang Metro Manila mayors para sa magiging rekomendasyon sa IATF? At kung kayo po ang tatanungin, base sa nakikita ninyong situation on the ground, kaya na po ba maibaba ang NCR sa mas maluwag na alert level?
PATEROS MAYOR PONCE: Sa ngayon po ay wala namang rekomendasyon pa ang ating Metro Manila Council sa ating IATF kung ano ang magiging alert level classification natin starting February 1. Pero dito po sa aming bayan, kung titingnan natin iyong datos ay talagang medyo bumababa na po kumpara doon sa mga nakaraang dalawang linggo iyong bilang ng active positive ano. At kung titingnan din natin iyong sitwasyon noong nakaraang dalawa hanggang tatlong linggo na kasagsagan po ng pagtaas ng positive cases ay nakikita naman po natin na halos 98% o higit pa ay mga asymptomatic at hanggang mild symptoms na lamang, ano po.
Kaya nga tamang-tama rin iyong pagbabago ng guidelines na ipinalabas ng DOH na kapag ikaw ay nag-positive ay 7 days na lang ang iyong quarantine kung ikaw naman ay fully vaccinated, ano. At kung ikaw naman ay close contact ay limang araw ka na lang ina-isolate kung ikaw ay fully vaccinated din. Dahil po dito sa aming bayan na talagang halos lahat ay nabakunahan na rin ano, maliban po doon sa mga pediatric na hindi pa sinisimulan.
Ang tingin ko po ay manageable ang kasalukuyang sitwasyon sa ngayon, Bagama’t may nakukuha pa ring mga positive, pero nakikita naman po natin na maliit na rin ang nagiging epekto sa katawan ng ating mga mamamayan na tinatamaan po ng COVID-19 virus.
USEC. IGNACIO: Opo. So far diyan po sa Pateros, Mayor, ilan pa rin po iyong active cases na naitala? Nakita po ba ninyo talaga iyong paghupa o pagbaba kumpara po noong mga naunang linggo ng Enero?
PATEROS MAYOR PONCE: Opo. Noong nakaraan po, siguro mga dalawa hanggang tatlong linggo na nakakaraan ay umabot kami sa mahigit 700 po, kulang-kulang 800 po. Sa ngayon ay mayroon na lamang kaming mga 135 cases na karamihan sa kanila ay nasa home isolation din, dahil wala namang mga sintomas at qualified naman iyong kanilang mga bahay na gawing mga isolation area o facility. At iyong ilan naman po sa kanila especially may mga kaunting sintomas ay dinadala natin sa ating isolation facility na pinapatakbo po ng ating pamahalaang bayan.
So sa ngayon ay 135 na lamang po sila at batay din sa datos na nakukuha namin every day from the everyday testing that we are conducting, we are confident that in the next week ay talagang bababa po ng husto ito. Huwag lamang magbabago iyong trend ng pagkuha po natin sa mga positive cases.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor ito pong bagong bukas na drive-thru booster vaccination, bukas din po ba ito para sa mga hindi residente ng Pateros? At ano po iyong proseso para sa mga nais magpabakuna?
PATEROS MAYOR PONCE: Iyong amin pong drive-thru vaccination ay sinimulan po amin last Monday at nakakatuwa po dahil ito ay hindi lamang limited doon sa mga apat ang gulong – ibig sabihin sa mga kotse – kahit po iyong mga naka-tricycle ay talagang nagpapabakuna po dito ano. Ito po ay open para sa 18 and above, but not more than 65 years old dahil we dispensed with iyong pagkuha po ng kanilang mga blood pressure, kaya pinipilit po natin talaga na ito ay ipatupad lamang doon sa mga walang comorbidity at 18 to below 65 years old.
Open po ito, kahit hindi taga-Pateros, sinimulan namin doon muna sa nabakunahan po ng first and second dose dito po sa ating bayan. So, ibig sabihin, kahit ikaw ay taga-Pateros o hindi ka taga-Pateros, dahil marami rin naman tayong nabakunahang mga hindi taga-Pateros, basta ikaw ay dito tumanggap ng first at second dose ay puwede kang mag-register doon sa ating QR code at ikaw ay makaka-receive ng confirmation kung kailan ka pupuwedeng pumila at kung anong oras ka pupuwedeng pumila. Kaya po natin ginagawa ito para maiwasan iyong pagdagsa at upang maiwasan din po natin iyong pagbubuhul-buhol ng trapiko dala nitong ating binuksan na drive-thru vaccination dito sa ating bayan.
USEC. IGNACIO: Opo.Mayor ito rin po iyong tanong ng ating kasamahan sa median a si Patrick De Jesus ng PTV: First week of February sisimulan na rin po iyong pagbabakuna sa mga edad five to 11 years old. Ano po ang paghahanda ninyo dito, Mayor? Sa observation ninyo, kumusta po iyong pagtanggap ng mga magulang dito? Marami na po bang nagpa-register sa inyo so far?
PATEROS MAYOR PONCE III: Usec. Rocky, matagal na po kaming nakahanda diyan. Hinihintay na lang natin iyong guidelines, ano po. Dahil tayo naman ay nagbakuna na rin ng 12 to 17, ibig sabihin pagdating sa pediatric vaccination ay nakumpleto na rin natin iyong mga requirements diyan. At hindi rin naman masyadong maglalalayo iyong mga dapat nating ipatupad sa pagbabakuna na ginawa natin sa 12 to 17 dito po sa ating 5 to 11.
Kaya nakahanda na rin po tayo, matagal na rin po tayong gumawa ng sariling QR code for their registration dito sa 5 to 11 at sa ngayon po ay kung ang tina-target po namin ay mga animnalibong (6,000) babakunahan na 5 to 11 ay siguro po ay nasa mga bandang 40% na po ang nakarehistro. At iyan naman po ay talagang na-experience namin dito sa aming bayan, sa simula ay medyo nakikiramdam pa sila pero once na ito po ay nai-rollout natin ng mga dalawang linggo na ay talagang ganoon kabilis na iyong pagtanggap po ng ating mga kababayan.
Dito po sa ating 12 to 17 ay halos matatapos na rin po kami kaya naniniwala ako na once na nagsimula po itong 5 to 11 ay mapapabilis na rin po namin iyong pagbabakuna ng lahat sa kanila, ibig sabihin, lahat po ng 5 to 11 years old population.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kumusta rin po iyong implementasyon ng paglimita sa galaw ng mga unvaccinated individuals, may mga nahuhuli po ba kayong namimeke ng vaccination cards?
PATEROS MAYOR PONCE III: Sa ngayon po ay wala naman kaming nahuhuling namimeke ‘no dahil alam ninyo medyo mahirap po iyong aming—medyo mahirap pong pekein iyong aming vaccination card dahil iyong sa amin po ay booklet. Booklet po ito at hindi basta isang card lamang, bagama’t pumapayag din po kami na iyong vaccination certificate ang ipakita. Pero alam ninyo naman iyong ating vaccination certificate na hindi rin basta-basta puwede rin pong pekein dahil kapag ito po ay binaril nung mayroong data ay kailangan may pumasok na data doon sa pagkukuhanan ng kanilang vaccination certificate. So mahuhuli at mahuhuli rin po sila kung ito ay pepekein nila.
Siyempre klase-klase rin po ito, alam naman po natin iyong ipinapatupad ng DOTr ngayon at iyong ginawa po naming Metro Manila Council Resolution na ito naman ay halos nagtatapat at gumawa rin po tayo ng sarili nating municipal ordinance para ipatupad po ito.
So far naman po, wala kaming masyadong problema rito, Usec. Rocky, dahil sabi ko nga po ay halos lahat po ng aming mga kababayan ay bakunado na, mapipili ninyo lamang po siguro sa inyong daliri iyong mga hindi bakunado. Karamihan po nito ay siguro iyong mga senior citizens na lang na talagang natatakot sa kanilang mga kalusugan dahil ito naman ay hindi mga lumalabas halos ng bahay kaya hindi na rin po namin sila nagiging problema.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Pateros Mayor Miguel Ponce III. Salamat po.
PATEROS MAYOR PONCE III: As always. Maraming salamat din po, mag-iingat po tayo, Usec. Rocky. God bless you.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Ilang mga bayan sa Nueva Ecija ang sinuyod ng outreach team ni Senator Go para mamahagi ng ayuda at hikayatin ang mga residente na magpabakuna. Kasama rin sa namahagi ang assistance na pangkabuhayan ng DSWD para sa mga piling benepisyaryo. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Para sa huling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Merry Ann Bastaa ng PBS Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Merry Ann Bastasa.
Nanawagan naman ang PNP Cordillera Anti-Cyber Crime Group sa publiko na maging mapagmatyag sa mga ginagawang transaction online upang maiwasan mabiktima ng scam. May ulat si Eddie Carta:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Sa Davao Region patuloy ang pagpapaabot ng tulong sa mga magsasaka kabilang na ang mga nasalanta ng Bagyong Odette kamakailan sa pamamagitan ng programang Kadiwa on Wheels ng Department of Agriculture. And detalye mula kay Julius Pacot:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayan tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita tayo ulit bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)