USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Muli ninyo kaming samahan para po talakayin ang mga usapin na dapat ninyong malaman at maintindihan. Makakasama natin sa loob ng isang oras ang mga panauhin mula sa mga tanggapan ng pamahalaan na handang magbigay linaw sa tanong ng taong bayan, kaya tutok lamang po kayo.
Mula sa PCOO ako po si USec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #Laging Handa PH. Buhay at kabuhayan iyan po ang patuloy na sinisikap ng pamahalaan na balansehin habang nasa harap pa rin ang bansa ng pandemya. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Simula na ng bakunahan para sa mas mababang edad simula sa susunod na linggo, alamin po natin ang guidelines at ilang paalala ng Department of Health, kaugnay diyan makakasama po natin si DOH Under Secretary Myrna Cabotaje. Good morning po at welcome back po sa Laging Handa USec.
DOH USEC. CABOTAJE: Good morning USec. Rocky, at sa lahat ng nanunuod sa ating Laging Handa ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., kumusta po iyong preparations ng Department of Health para dito sa vaccination roll out for five to eleven years old?
DOH USEC. CABOTAJE: Patuloy ang ating paghahanda sa vaccination ng 5 to 11, sisimulan na natin ito ng February 4 pero ang atin talagang initial roll out ay the whole week of February 4 to February 11. Lahat po ng mga bayan at siyudad ng NCR ay may isa o dalawa o tatlong sites na identified na nila tapos idadagdag po natin ang Region III at saka Region IV-A, tig-dalawang hospital sa February 7.
Kahit hindi po niri-require natin na magparehistro may mga LGU na nagpa-register ng kanilang mga 5 to 11. Ang ating target ay 15.5 million, iyan po ang nasa datos ng PSA. Pero gagawin natin by tranches kasi depende sa bakuna na dadating.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero USec. so far, gaano karami na po iyong mga batang naka-rehistro?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang datos na ibinigay sa atin ng ating mga local government units ay umaabot na sa 168,355 pero hindi ibig sabihin na naka-concentrate lang o sila lang ang bibigyan, ie-expand natin ito habang dumadami ang bakuna na dumarating sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., para din lang po malinaw ano po. Mauuna po ba munang bakunahan itong mga batang may comorbidity? Ire-require din po ba na magkaroon muna ng clearance sa Pedia bago po mabakunahan ang isang bata?
DOH USEC. CABOTAJE: Hindi kagaya noong 12 to 17 na naunang may comorbidity, gusto natin mas mabilis ang bakunahan kaya pagsasabayin natin USec. Rocky, iyong pagbakuna ng may comorbidity at walang comorbidity.
Iyong mga may comorbidity kailangan po ng medical certificate para maantabayanan at maalalayan ng ating mga bakuna center kung ano iyong nararamdaman ng mga bata na pupunta sa bakuna center.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., pagdating po sa registration process ano po. Ano daw po iyong dapat i-expect ng mga magulang or guardians ng mga magpapabakuna? Reminders din po sa mga dapat nilang gawin before and after vaccination.
DOH USEC. CABOTAJE: Kagaya ng sabi natin, kahit hindi required ang registration mainam din na nakapag-rehistro iyong ating mga magulang sa ating local government units para mas maayos.
So, ano ang kailangan din nilang paghandaan? Unang-una, dapat iku-coach iyong bata na siya ay mabakunahan, huwag sasabihin hindi masakit ang bakuna kasi may konting kirot iyan pag tinurukan tapos kailangan maghanda sila ng proof of filiation. Ibig sabihin na katunayan sila ang guardians or parents. Tapos sa mga batang 7 and above may assent form, ibig sabihin nasabihan iyong magbabakuna na pumapayag siya. Iyong 7 below responsibilidad na ng kanyang magulang tapos pagdating mo sa bakuna center dapat kasama ng parents or guardian. Magdala ng tubig mag mask ng husto tapos iyong mga kailangan necessary precautions sasabihin din sa bata at gagawin habang nasa bakuna center.
USEC. IGNACIO: USec., ito kasi may mga nagtatanong din sa atin. Sa mga requirements po bukod daw po sa birth certificate ay kailangan din po ba daw ng valid ID, papaano daw po kung iyong bata ay wala pang ID?
DOH USEC. CABOTAJE: Unang-una, kailangan natin ng birth certificate para pagpatunay na anak nila, kung walang birth certificate may ibang proofs ng filiation ‘no, ngayon kung walang ID iyong bata puwede naman i-witness ng ating mga barangay captains na sila ay talagang anak o sila ay guardian ng mga batang ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyon daw pong interval ng kanilang first at second dose, kung parehas lang din po sa adult population na three weeks. Tama po ba ito USec.?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes tama iyan USec. Rocky, tatlong linggo, 21 days ang pagitan ng dalawang dose.
USEC. IGNACIO: Opo, and then USec., ayon pa rin po sa DOH didepende itong roll out ng pediatric vaccination para po sa lima hanggang eleven years old sa supply ng Pfizer vaccines. Bukod po sa supply na darating next week, may update po ba kung kailan inaasahang itong second shipment o iyong susunod na darating?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang ating napagkasunduan ng ating Vaccine Czar ay 15 million and dadating sa first and second quarter. So, tama ka USec. Rocky, sa February 3 darating about 780,000 doses tapos after one week, February 9, the same quantity and then we are expecting weekly deliveries after that. Iyong mga quantities dine-determine pa natin pero at least for the next two quarters maidi-deliver iyong 15 million.
USEC. IGNACIO: Opo USec., sinasabi nga bagama’t hindi daw malubha ang epekto ng COVID sa mga bata. Pero, bakit po mahalaga silang mabakunahan at paano po ito inaasahang makakatulong sa COVID response natin?
DOH USEC. CABOTAJE: Unang-una, habang nakikita natin na mild usually sa lahat ng nakaranas ng COVID-19 especially the children, proteksiyon pa rin ito against severe disease and death even among our children, tapos ang importante maproteksiyunan sila, safeguards na ito sa mga gathering.
Alam naman natin in a few months or even weeks in some areas magpi-face-to-face na. Matagal ng nakakulong iyong ating mga paslit 5 to 11 gusto na nilang lumabas, gusto na nilang mag-face-to-face, gusto na nilang kasama iyong kanilang mga classmate and then kailangan bakunahan din iyong mga bata na parang iyong tinatawag nating cocoon protection.
And then kailangan bakunahan din iyong mga bata, parang iyong tinatawag nating cocoon protection – may mantle of protection sa buong pamilya lalung-lalo na ang mga hindi pa nabakunahan including iyong mga below 5 years old na hindi mababakunahan. So they will form a protection layer for the whole family.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may pinadala lang pong tanong itong mga kasamahan natin sa media. Babasahin ko na po ano, mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: Ilang mga ospital daw po at mga ibang alternative site ang bubuksan para sa bakunahan ng 5 to 11 years old? May mga LGU po ba na nag-propose na gamitin ang mga playground o parke para gawing vaccination site para po sa mga bata? Ganito rin po ang tanong ni Madz Recio ng GMA News na kung may mga na-identify na daw pong vaccination sites kung saan ito gagawin.
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, Usec. Rocky. As of last Friday, 32 sites na po ang na-identify – nangunguna po ang ating Philippine Children’s Medical Center, iyong ating National Children’s Hospital at saka iyong Philippine Heart Center para sa mga pasyente nila. Sa mga lokal na pamahalaan kagaya ng sabi ko, 1 to 3 sites ay naka-identify ng ospital, may naka-identify na mga parke, may naka-identify din na mga schools. Pero kahit saan sila ilagay ‘no, I think there was even a proposal from Manila – Manila Zoo – para kailangan handa iyong area for whatever happens during the immunization para na maging pleasant ang experience noong ating mga kabataan.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano po daw iyong dahilan at ang Sputnik Light ay hindi pa po puwedeng gamiting booster ng Sputnik mismo? May detalye rin po ba kung magkakaroon ng procurement para sa bakunang ito?
DOH USEC. CABOTAJE: Naglabas na kami ng panuntunan na iyong Sputnik Light puwedeng first dose, second dose at puwede na ring pang-booster at puwede na ring i-booster iyong heterologous, iyong ibang AstraZeneca at MRNA vaccine. Hindi na po tayo bibili sa aking pagkakaintindi ng Sputnik vaccine; alam naman natin na kailangan natin nang i-limit – masyado nang marami tayong portfolio ng bakuna. There are some preferences, so baka i-limit lang natin ngayon sa 3 or 4 vaccines in the future.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Kumusta na po ang bakunahan sa BARMM? Sa pagdating ng mga bagong freezer kahapon na dinonate daw po ng Australia, masasabi po ba na mas mapapalawak ang pagbabakuna sa lugar na ito na siya rin pong mababa in terms ng mga nababakunahan?
DOH USEC. CABOTAJE: We hope that this will be an incentive for them especially sa mga areas na nangangailangan ng mga ganitong cold chain storage. Even sa bakunahan ng mga bata, we are thinking also of starting in some areas in the BARMM para naman maka-ramp up ng ating bakuna and will inspire and will trigger the vaccination of the other population. Kailangan pa rin natin ng continuing advocacy, pagsawata ng mga fake news at patuloy na sabihin iyong mga advantage ng ating pagbabakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Madz Recio ng GMA News: Ilan na po ang nabakunahan sa target population? Posible po kayang maabot na ang 70 million Filipinos na mabakunahan sa buwan ng Pebrero?
DOH USEC. CABOTAJE: As of yesterday, ang ating total na nabakunahan ay 60 million ang first dose at 58.6 million iyong ating complete vaccination. So kung 60, mga 10 million until February. We hope to push na marating natin iyong 70 million by at least end of the first quarter – if earlier ‘di mas maganda.
Alam naman natin, Usec. Rocky, marami sa ating mga health care worker ang nagkasakit, naka-quarantine o isolate kaya medyo bumagal iyong ating mga pagbabakuna. So we look into other strategies, iyong pagbubukas ng ating mga pharmacies at saka iyong ating mga ibang private clinics para tumulong sa ating mga local government units.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Madz Recio ng GMA News: Reaksiyon ninyo po sa tweet ni former adviser Dr. Tony Leachon na dapat pa ring ma-test ang mga arriving travellers dahil maaari pa rin daw pong magkaroon ng transmission during flight.
DOH USEC. CABOTAJE: Napagkaisahan ng IATF na luwagan. Alam naman natin na dahil sa bakuna ay gumanda iyong ating general condition at kahit sa ibang bansa, nakita naman na hindi na kailangan magpa-test basta fully vaccinated and especially if boosted. It will also open our doors for economic recovery faster.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong oras, Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje. Usec., mabuhay po kayo and stay safe.
DOH USEC. CABOTAJE: Thank you, kayo rin. Good morning.
USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. Base po sa report ng DOH kahapon, January 28, 2022, nadagdagan ng 18,638 ang bilang ng mga bagong kaso kaya naman umabot na sa 3,511,491 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas; 13,106 naman po ang new recoveries – dahil diyan umabot na sa 3,226,032 ang kabuuang bilang ng mga gumaling; animnapu’t walo naman po ang naitalang nasawi kaya umakyat na sa 53,801 ang ating total death tally. Samantala 231,658 naman po ang nananatiling active cases.
May ilang mga pagbabago sa patakaran para sa mga papasok ng bansa ang inaasahan pagdating ng buwan ng Pebrero. Para linawin po at pag-usapan ang tungkol diyan, makakasama natin si Bureau of Immigration Spokesperson Dana Krizia Sandoval. Ms. Dana, welcome back po sa Laging Handa.
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Good morning. Good morning Usec. Rocky and of course sa lahat po ng sumusubaybay ng Laging Handa Press Briefing ngayong umaga. I hope you are all safe and sound.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Dana, para sa mga fully vaccinated na papasok sa bansa pagdating ng Pebrero ano po, ano daw po ang mga dokumento na dapat pa nilang ipakita?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: For fully vaccinated po, kailangan magpapakita sila ng passport na valid at least for 6 months, kinakailangan po nila ‘yun and iyong required proof po of vaccination for COVID-19. So iyong pruweba po, documentation na nagpapatunay na sila po ay nabakunahan na – fully vaccinated. So tatlo po ang nilista ng IATF na maaari pong magamit as proof of vaccination – una sa lahat iyong WHO International Certificate of Vaccination and Prophylaxis, iyong VaxCertPH at saka iyong national or state digital certificate na nanggaling po doon sa foreign government na nag-issue po nito na tinanggap ang vaxcert under a reciprocal agreement na pinayagan na po ng IATF.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow up lang po ‘no: Para lang daw po malinaw sa mga manunood. Ito pong changes sa quarantine guidelines ay applicable lang daw po ba sa mga Pilipino o pati rin po ang foreign nationals na may valid visa? Pakilinaw lang po, Ms. Dana.
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Yes po, Usec. Rocky. Lahat po ay applicable itong changes dito sa mga bagong guidelines natin. So ang ipi-present po nila pagdating po nila, kailangan po silang mag-present din ng negative RT-PCR test na valid po for 48 hours prior to departure from country of origin. So kung saan po silang bansa galing, kailangan po 48 hours bago po umalis ay makapagpakita po sila ng negative RT-PCR. Kung sila po ay fully vaccinated at nakapagprisenta po noong mga dokumento na nasabi ko po kanina, wala na pong facility-based quarantine starting February 1; monitor na lang po for 7 days. And for the unvaccinated naman po, may quarantine pa rin po and on the 5th day magti-take pa rin po sila ng RT-PCR.
USEC. IGNACIO: Opo. Since ili-lift na nga po itong red, yellow and green list classification, ibig sabihin, Ms. Dana, puwede na rin pong pumunta sa red list countries iyong mga lalabas naman ng ating bansa?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Yes. Actually even before po, wala po tayong restrictions sa departing passengers. Ang nananatili po natin na added requirement para po sa mga lalabas na turista is kailangan pong makapagpakita sila ng travel and health insurance kung sila po ay tourist that covers COVID-19 for the entire duration of their stay. So kung sila po ay turista na lalabas, kailangan po mayroon po sila noong insurance for the entire period po kung gaano po sila katagal doon sa bansang pupuntahan nila, kailangan po covered iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Para naman daw po sa mga may comorbidity o hindi makapagpa-bakuna dahil sa health condition. Ano po iyong mga guideline sa kanila pagdating po ng February, required din po ba silang mag-14 day quarantine?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Sa ngayon po ang nandoon sa IATF resolution is we follow po. Kailangan po nilang mag-quarantine for the 5th day RT-PCR test, dahil they are considered po as unvaccinated.
USEC. IGNACIO: Opo. In terms naman daw po sa ipinatupad na passenger arrival cap, may update po ba kung posibleng magkaroon na rin ng adjustment ito Miss Dana?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Opo. Although this is beyond immigration po but from our understanding po doon sa IATF resolution starting, February 10 po iyong mga non-visa required po na maaari ng makapasok as long as they are vaccinated hindi po sila counted doon sa arrival cap na itinakda po ng gobyerno. So, they can go beyond that arrival cap as long as fully vaccinated po iyong tao and allowable po siya visa free.
USEC. IGNACIO: Opo Miss Dana, nitong kasagsagan ng Omicron surge, ano po iyong observation ng Bureau of Immigration pagdating sa dami po ng mga pumapasok sa bansa ano po. Ano po iyong naging epekto nito sa average daily passenger arrivals and what are we expecting po pagdating ng February since mas magiging maluwag na po ang requirements?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Yes, generally speaking siguro USec. Rocky, we can see na medyo bumaba po iyong dami ng mga bumibiyahe. If we compare the 2020 to 2021 mababa po iyong… malaki po iyong difference ng travels, so bumaba po ng nasa 43% iyong—I am sorry it’s 61% iyong binaba po ng bumibiyahe from 2021 as compared po to 2020 and lalo po nitong recent surge ng virus.
Marami din po na ibang bansa outside the Philippines na nag-impose ng travel restrictions as long as well as tayo rin po mayroon din po tayong mga travel restrictions. So, nanatili pong mababa ang number of travelers nitong mga nakaraang buwan but nakikita po natin with the opening po… with the reopening of our borders starting February 10 nakikita po natin unti-unti itong tataas sa mga susunod na buwan and ito po ay nakikita natin na jump starts siguro ng recovery ng tourism sector ng international travel sector.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyan nga po iyong susunod nating tanong dahil nga po sa changes simula February 10 kung saan po papayagan na nga po ang pagpasok ng mga foreign nationals for business and tourism purposes, pero papaano po ninyo pinaghahandaan o paano pinaghahandaan ng ahensiya ito pong posible talagang muling pagdami ng mga pasahero?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Alam, mo USec. Rocky, sa totoo lang po nagiging challenge sa amin ngayon iyong aming manpower sa aming mga airports because marami pong tinatamaan ng virus dito po sa aming mga empleyado.
But what the management has done po is they have prepared a back-up team, a back-up group of immigration officers that are assigned po in back end offices and other offices po of the bureau that can serve as augmentation para po dito po sa ating airport operations, kung saka-sakali po na kinakailangan na nating magdagdag ng tao dahil sa unti-unti po na pagtaas ng international travelers lalo po sa mga susunod na linggo.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Dana, kunin ko lang iyong paalala ninyo sa ating mga kababayan partikular po sa ating mga pasahero.
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Opo. Siguro po sa mga lalabas ng bansa, sa ngayon po always check and double checks po iyong mga travel restrictions ng bansa na pupuntahan ninyo because of this emerging variant, nakikita po natin that there are some countries that are imposing added travel restrictions, added requirements. So, maigi po, mainam po na lagi nating tinitingnan at updated tayo sa mga bagong guidelines ng mga bansa po na pupuntahan natin.
Sa mga papasok naman po sa bansa, we are very happy po to announce that starting February 10 allowed na pong muli ang mga tourist, iyong mga dati pong non-visa required maaari na pong makapasok muli sa ating bansa basta po susundin po nila iyong mga required documents na itinakda po ng IATF.
So, if there are any questions or you want additional information about this travel requirements makikita po ninyo iyan sa aming websites it’s www.immigration.gov.ph o kaya po iyong Facebook pages namin lagi pong updated iyan and you can always ask you’re queries po to our messenger it’s facebook.com/officialbureauofimmigration and facebook.com/immigration.helpline.ph. Iyon lamang po.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong paglilinaw Miss Dana Krizia Sandoval, Bureau of Immigration Spokesperson. Stay safe po Miss Dana.
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Salamat po, mabuhay po kayo.
USEC. IGNACIO: Salamat po. Alamin naman natin ang estado ng mga supply ng tubig ilang buwan bago ang nalalapit na dry season. Ano nga bang paghahanda at paano nga tinitiyak ng pamahalaan ang sapat ng supply ng tubig para sa mga consumers sa mga susunod na buwan, pag-usapan po natin iyan kasama po natin si Dr. Sevillo David Jr., Executive Director ng National Water Resources Board. Good morning po Director.
NWRB EXEC. DIRECTOR DR. DAVID JR.: Magandang umaga po USec. Rocky, at sa ating mga tagapanood po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, sa ngayon po kumusta po iyong antas ng tubig sa ating mga dam? Masasabi po ba natin ngayon ay may sapat na supply pa para matustusan po itong pangangailangan ng ating water consumers lalo na magda-dry season na naman po?
NWRB EXEC. DIRECTOR DR. DAVID JR.: Opo ‘no, iyan po iyong isa nating binabantayan na maigi po particular po itong Angat Dam na siyang pinagkukunan ng supply ng tubig para po sa Metro Manila at karatig probinsiya kagaya ng Bulacan, Cavite at Rizal po no., at halos 95 porsiyento po diyan nanggagaling.
So, ngayon po at ngayong umaga ay 197.85 meters po ang kasalukuyang level ng Angat Dam at masasabi po natin na ito ay halos mahigit 10 metro ang baba doon sa gusto sana nating level sa Angat Dam at saka sa kaparehas na oras sa panahon no.
Sa ganito pong sitwasyon ay masasabi po natin na kailangan po nating paghandaan at i-managed ng maayos itong limitadong supplies sa ngayon sa Angat Dam para naman po sa panahon ng tag-init ay mayroon pa pong supply ng tubig na magagamit po ang pamahalaan o ang mga kababayan natin dito sa Metro Manila at karatig probinsiya.
At tayo po sa MWRB at kasama po natin, kaakibat po natin ang MWSS at iyong NIA po ay kaakibat po natin sila sa tamang pagma-manage po nitong supply ng tubig sa Angat Dam para naman po mapakinabangan ito ng mga kababayan natin sa Metro Manila lalo na po ngayong panahon ng pandemya ay napaka-importante po ng tubig at ito pong reliable na tubig na puwede pong magamit ng mga kababayan po natin sa pagkontra sa paglaganap nitong COVID-19 po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director kinukonsidera po ba ng National Water Resources Board na magkaroon ng adjustment pagdating sa water allocations ng MWSS sa ilang areas?
NWRB EXEC. DIRECTOR DR. DAVID JR.: Sa Ngayon po USec. Rocky, nasabi ko na kanina napaka-importante po ng reliable na tubig para po sa panahon ng pandemya at ang sinasabi nga po isa iyong tubig sa importanteng measures para po ma-kontra iyong paglaganap.
At sa ngayon po ang MWRB at kasama po ang MWSS at pamahalaan po natin ay gusto ho nating masiguro na sustained po at maintained po iyong kasalukuyang alokasyon hanggang sa summer po para po mas reliable iyong supply ng tubig para sa mga kababayan po natin. At ito nga po dahil nga po itong pandemya ay gusto po natin i-maintain iyong kasalukuyang alokasyon at wala pong pagbabawas ang mangyayari po sa atin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director, sa tantiya ninyo kung patuloy po na bababa pa iyong water level sa Angat Dam, posible po ba na huwag naman ano, magdeklara ng water shortage at kung sakali anong buwan po posibleng maramdaman ng consumers?
NWRB EXEC. DIRECTOR DR. DAVID JR.: USec. Rocky, ito nga po ay pinaghahandaan po natin, mayroon po tayong tinatawag nating mga mitigating measures para po hindi naman magkaroon ng pagbabawas o magkaroon ng shortage no at hinahanda po natin ito kagaya po ng mga paggamit ng mga deep wells no.
Ito po ay nakahanda at ready po anytime kung mangailangan tayo ng karagdagang tubig na magagamit po natin bukod sa tubig na nanggagaling po sa Angat Dam at ito pong mga konsesyonaryo at ang MWSS ay mayroon pong mga in-establish na mga water treatment facility diyan po sa Laguna Lake at dito po sa Marikina River na makakatulong po doon sa tinatawag natin mga kung magkakaroon ng additional na pangangailangan po sa tubig.
Kaya USec., ito po iyong mga paghahanda na ginagamit po natin at kasama din po natin ang NIA dito kasi nga po isa rin sa mga umaasa ng tubig diyan sa Angat Dam ay ito pong irigasyon ‘no para sa mga farmers dito sa Bulacan at Pampanga.
At sila po ay tumutulong din kaakibat po din natin sila doon po sa pagma-manage ng supply para naman po mapangalagaan itong limitadong supply ngayon dito sa Angat Dam at may mga measures din po silang ginagawa na kagaya ng paggagawa noong mga paggagawa nung tinatawag na shallow tube wells na puwede pong makatulong iyan para po makapag-conserve ‘no ng tubig po diyan po sa Angat Dam, at iyong pong tamang paggamit sa mga canals po na tubig ng irigasyon. So, ito pong mga ito sa pagtutulungan po ng MWSS at NIA po.
So ito pong mga ito ay sa pagtutulungan po ng MWSS at NIA po para po mapangalagaan at makapag-conserve ng tubig ay ito po iyong mga tingin natin ay tama pong mga hakbangin para po magkaroon tayo ng sapat [na tubig] nitong summer at maiwasan po itong pangamba nitong water shortage po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumpara po noong mga nakaraang taon, masasabi po ba nating manageable ito o ini-encourage pa rin po ba natin itong mga water concessionaire na magpatupad ng rotational water interruption, Director?
NWRB EXEC. DIRECTOR DR. DAVID JR.: Ito po ha, Usec. Rocky ‘no, kumpara po noong 2019 masasabi po nating mas handa po tayo. Kasi sabi nga ho natin, nandiyan iyong mga deep wells na noong panahon po ng water [shortage] noong 2019 ay wala po iyan at ito pong mga water treatment facilities ay wala rin po noong 2019. So masasabi po natin na itong mga sabi nating mga activities or mga projects ng MWSS concessionaires na makakatulong po doon sa karagdagang supply ng tubig na nanggagaling po sa Angat Dam ay masasabi po nating mas handa po tayo.
At ito rin pong pakikipagtulungan natin sa NIA po at mga farmers diyan sa Bulacan ay dahil na rin po sa suportang ibinigay ng MWSS doon po sa mga shallow tube wells ay ito po ay malaki ang maitutulong para po mapangalagaan itong limitadong supply sa Angat Dam. So ito po ang masasabi po natin, Usec. Rocky, sa pakikipagtulungan ‘no ng mga ahensiya ng pamahalaan, sa ngayon po ay masasabi po nating mas handa po tayo para maharap itong pangamba noong limitadong supply ng tubig lalo pa itong panahon ng summer po.
But sabi nga natin, Usec. Rocky, mas maganda pong tulungan din po tayo noong ating mga kababayan na gawin po ang kanilang papel din ‘no para po mapangalagaan itong limitadong supply sa pamamagitan po ng mga tamang paggamit po ng tubig at huwag aksayahin at i-recycle at i-conserve kung maaari po.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagbibigay ng impormasyon, Dr. Sevilla David Jr., Executive Director ng National Water Resources Board. Salamat po.
NWRB EXEC. DIRECTOR DR. DAVID JR.: Maraming salamat din po at magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Samantala, ano nga ba ang kinakasang mga programa ng pamahalaan para protektahan at tiyaking ligtas ang mga manggagawa ng media habang patuloy na umiinit ang usapin ng halalan at mas nalalapit na eleksiyon. Alamin din po natin ang mga magiging bahagi ng ating PNP tungkol diyan. Muli nating makakasama sa programa sina Undersecretary Joel Sy Egco, Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security at si Police Brigadier General Roderick Augustus Alba ng Philippine National Police. Welcome back po sa inyong dalawa.
PTFOMS EXEC. DIR. USEC. EGCO: Yes. Good morning, Usec. Rocky at good morning General Alba, idol natin iyan ano. Good morning po sa lahat ng ating mga kababayang sumusubaybay po sa atin ngayon.
PBGEN. ALBA: Usec., good morning at saka kay Usec. Egco at sa ating nanunood at nakikinig. Magandang umaga po sa lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Good morning.
Unahin ko na po si Usec. Egco. Usec., next month official campaign period na para sa 2022 elections. Sa mga ganitong panahon, ano po ang safeguards natin para maprotektahan ang media workers against crime and intimidation?
PBGEN. ALBA: Yes, oo. Alam mo, Usec. Rocky, talagang sa pag-aaral namin ano, tumataas kasi, nagkakaroon ng spike sa media violence before, during and after elections – and let us not forget what happened in Ampatuan, Maguindanao on November 23, 2009 ‘di ba – election season na ito, filing ng certificates of candidacies. So we don’t want that incident, to happen again ‘no. Ayaw na ayaw natin – ayaw nating may masaktan, ayaw nating may matakot, ayaw nating may mamatay ‘no. And I’m saying this as a journalist myself, not as a government official.
So lahat po ng paraan ay ginagawa natin para maprotektahan iyong ating mga kapatid sa hanapbuhay. So isa po diyan ay iyong pagtatalaga po, ako ay nagpapasalamat kay DILG Secretary Eduardo Año at kay Chief PNP, kay General Dionardo Carlos po dahil pinagbigyan po tayo sa ating kahilingan na magtalaga po ang PNP dahil sila po ay all over, nasa lahat ng mga munisipalidad na magtalaga po sila ng media security focal persons na tawag po natin ay ‘Media Security Vanguards’ at mamaya po ay ipapaliwanag ni General Alba kung ano po ang dynamics niyan.
Ngayon the question is, bakit kailangan po ito? Alam mo, Usec. Rocky, bukod sa coverage ha, bukod sa coverage, may mga kagawad din ng media na tumatakbo at ilan sa kanila ay kabilang doon sa mga kaso ng napatay na iniimbestigahan po namin at inimbestigahan namin. So nakatingin po tayo sa anuman ‘no, anuman maaaring kaharaping danger ‘no o panganib ng mga kapatid natin sa hanapbuhay lalo na iyong tumawid nga sa politika, iyong halos nakikipagbanggaan na sila doon sa lokal, doon sa mga dating politiko na kanilang subject lamang sa kanilang mga programa. Iyon po!
At isa pa diyan, Usec. Rocky, the more na kailangang bantayan because of the pandemic ‘no, may mga nagsara na mga media outfits, may mga newspaper na nagtiklop, iyong iba nawalan ng blocktime, iyong ibang istasyon nawala sa ere, so marami ang nag-migrate sa social media as a platform. So ilan po dito recently iyong mga cases na nakita namin ay nagla-live stream na lang sila, sa post ‘no, they use FB live as a broadcasting sabi nga. Kaya kahapon po nagsagawa tayo ng online media security summit para po sa kanila ‘no. Ito iyong mga na-displace tapos nag-migrate nga tapos they are on their own now at mas delikado po ‘yun ‘no. Kumbaga sa blocktimers kasi, sa aming tala mahigit dalawampu ang pinatay na blocktimers since decades ago.
And ngayon, with the advent of technology, ito na nga po, nag-migrate na sa social media at alam mo naman kapag social media kapag nag-post ka, anuman i-post mo, mga kapitbahay mo nakikita iyan ‘no, nakikita ng lahat ng mga tao of course doon sa inyong bayan at nakakarating iyan doon sa subject noong iyong banat ‘no if we may call them ‘banat’. So iyon po, we really we really need to place an extra mantle of protection for them because one death is a death too many. Ayaw po natin regardless of reason, whether that’s politics, that’s personal or whatever, ayaw natin nang may namamatay of course.
USEC. IGNACIO: Okay. Para po kay General Alba. General Alba, ano po ang magiging role naman ng mga itinalagang Media Security Vanguards at ano po ang direktiba ninyo sa ating mga pulis?
PBGEN. ALBA: So this is in response actually doon sa hamon ng ating Presidential Task Force on Media Security to protect the members of the fourth state. Kami po sa Philippine National Police, sa pamumuno po ng ating Chief PNP, Police General Dionardo Carlos, ay nakikiisa po, knowing that the PNP is one of the lead agency, Usec. Rocky, in the conduct of investigation particularly iyong involvement ng ating media. So we felt it deem and proper, of course in response din sa utos ng ating SILG, Secretary Año and our Chief PNP na magkakaroon po ng dulugan o pupuntahan iyong ating mga kasamahan sa media particularly those kasama sa legitimate media outlets. Okay.
So halimbawang may threat o risk sa kanilang buhay, of course we have the mechanism na tulungan po iyong ating kababayan hindi lamang iyong members ng media. But this time around, there is a dedication and a greater focus this time around na kailangan na talagang mabigyan sila ng attention. Sinabi po ni Usec. Egco, lalo na umiinit iyong ating politika and we don’t want to have a repeat of the 2009 Maguindanao Massacre involving iyong ating media.
Alam ninyo po kasi lalo itong election, talagang may possibility kung minsan na naiiipit iyong ating mga members ng media lalo na pumupunta sila sa area na intense iyong political rivalry and we don’t want that to happen na kasama iyong media na maapektuhan diyan. So sa part po ng Philippine National Police, we have an existing 133 – sabi ni Usec. Egco, iyong Media Security Vanguards or focal persons – ito po ang kasama natin sa Public Information Office family all over the country.
Ang aming process flow, ang sistema po nito on the national level, ako po iyong focal person or the chief focal person nationwide and I deal with the needs ng ating mga kasamahan sa media on security and safety sa national level. While iyong down the line are the Regional Public Information Officer hanggang po sa ating siyudad na mga Public Information Officer na puwede pong puntahan ng ating mga kasamahan sa media.
Now how about those police stations, iyong mga Chiefs of Police, they will be the operating arm po, USec. Rocky. Ibig sabihin, iyong operating arm, kapag mayroon pong reklamo, they will be the one to validate, to confirm at kung kailangang hulihin iyong mga taong nirireklamo, mayroon tayong enough evidence ay puwede po nating… we could do warrantless arrest or kung mayroong nag-file ng kaso, may warrant of arrest ay puwede po nating hulihin.
Now, of course tinitingnan din natin dito iyong pag-validate din, Usec Rocky, ng mga reklamo, because not all complaints, alam po ni USec. Egco iyan, iba diyan ay hindi valid na complaint related to their job, but of course these are personal. But still we are willing to help.
So. USec. Rocky, ito lang po talagang ipa-fast track, may dedication, may focus, every police provincial offices, regional police offices ay may pupuntahan po iyong ating kasamahan sa media to deal with all their complaints or needs ng kanilang security concerns, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero General, so far sa bahagi po ng PNP, may mga reports na po ba kayong natatanggap kaugnay sa ‘di umano’y pananakot sa ating mga kasamahan sa media?
PBGEN. ALBA: Last time I checked na-launch itong project natin na last January, I confer, pailang ulit ako kaming5 nag-check. So far, sa ngayon, wala po tayong na-receive na mga reports or reklamo on the threat to the lives of our media personalities. But of course, we have a pending ng mga cases or investigation na pinu-pursue po ng ating Directorate for Investigation Detective Management.
As of the moment, as of January 20, we have 31 going back to 2016 at present na may iniimbestigahan pong 31 na related deaths noong mga kasamahan natin sa media. And of these 26 were filed at Prosecutor’s Office or iyong ating fiscal at iyong iba naman ay sa korte and we have ongoing five na iniimbestigahan pa. So, that’s the situation, USec. Rocky at sana po ay wala ng mangyaring ganito. But of course the PNP is here, we are willing to pursue our mandate to protect our media personalities.
USEC. IGNACIO: Opo. USec. Egco, sakali pong maka-encounter ng banta o threat ang isang media workers, puwede rin po bang silang direktang lumapit sa inyo at paano po ninyo ito ina-address, USec. Egco?
PTFOMS EXEC. DIRECTOR USEC. EGCO: Yes, opo. Before that, I would like to ano lang to add doon sa question mo, mayroong ongoing na. And so as we speak actually kanina lang, mayroon po tayong ipapasa na information kay General Alba and his team, of course the Vanguard’s team ano. May tatlo tayong tututukan ngayon, one from… well near NCR, iyong isa sa Mindanao, iyong isa po sa Bicol. Inaayos lang po namin iyong report dito and then we will inform officially sila General Alba. Kaya tama po iyon, as we speak ngayon, ngayon ko lang po ire-reveal sa inyo, may tatlo po tayong tinututukan na medyo mainit po.
And yes, USec. Rocky, to answer your question, they can approach us, they call us, they can message us. Mabilis naman po ngayon ang communication or dahil nga may mga Media Security Vanguards na tayo at iyan po, I believe ay isasama sa guidelines po na ginagawa, na binubuo ng PNP, sila General Alba. Alam ninyo iyong pagpunta lang sa police station, automatic ire-refer na agad iyan sa any police station na makita ninyo. Iyong Vanguards na ire-refer na agad doon sa ating mga nakatalagang or mga designated Vanguards, so ganoon po kabilis.
And in fact, before this, sabi ko nga kanina, this is extra mantle of protection. Dati talaga we provide real time protection security ‘no. Iyong isa nga diyan, hindi ko makalimutan, iyong inabangan sa parking lot after a hearing, talagang papatayin na siya doon ‘no at nasagip natin iyon at naihatid natin sa bahay. Mayroon pa iyong isang malaking pangalan sa media, kilalang-kilala po, papasukin iyong bahay niya, tapos he called me up and then I immediately ordered the police station there to send help at iyon po naligtas sila, iyong umiikot-ikot.
Kaya tayo po ang mahalaga dito, USec. Rocky, tayo mismo ay maging vigilant, huwag tayong kumpiyansa sa paligid natin. Kapag may mga nakaka… suspicious, nag-iikot o nagtatanong, huwag pong balewalain kahit mga threat sa text or sa online, hindi po dapat binabalewala iyan ‘no. Iyan po ay siniseryoso natin, dahil at the first sign of trouble, talagang inaaksiyunan po natin agad iyan, ina-analyze natin at iyan ay ina-assess kung kailangang bigyan na ng security, ina-assess kung sino ang maaaring gumagawa nito at puwede po nating warningan iyon, kung sino man iyon. So samu’t sari po iyan and I believe, with the PNP with us now, more actively participating in this effort, sana po and I pray na wala nang masaktan o mapatay pa.
USEC. IGNACIO: USec. nakikipag-ugnayan din daw po kayo sa Comelec na i-exempt ang media workers sa election gun ban, tama po ba ito, at ano rin po iyong nakalatag na plano sa mismong araw ng eleksiyon para po sa seguridad ng media workers?
PTFOMS EXEC. DIRECTOR USEC. EGCO: Sorry, USec. Rocky, hindi ko nakuha iyong una, nawala iyong audio.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung nakikipag-ugnayan na kayo sa Comelec na i-exempt ang media workers sa election gun ban. Tama ba ito, USec? At ano rin po iyong plano sa mismong araw ng eleksiyon para po sa seguridad ng media workers?
PTFOMS EXEC. DIRECTOR USEC. EGCO: May mga lumalapit po kasi talaga sa atin na mga kapatid natin sa hanapbuhay, nagpapatulong sa exemption sa kanilang permit to carry ng firearms. So, minabuti po nating makipag-ugnayan sa Commission of Election, dahil sila po ngayon talaga ang agency na… sila ngayon ang boss during elections. So, this coming February 2, we will going to have a meeting with them and probably come up with an arrangement on how we can hasten, on how we can—iyon nga help our colleagues na gusto naman, this is optional naman sa mga gustong lumapit sa atin at magpa-exempt.
But they can do that individually also. They can apply for individual exemption, but iyon nga ang mahalaga kasi dito iyong assessment din natin, na, yes, i-certify natin na please grant exemption, because ito nga base sa report natin ay high risk itong media personality na ito or kasapi ng media. So, ganoon po iyan, that’s true po, I confirm that.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon sa amin at pagbibigay impormasyon, Undersecretary Joel Sy Egco, Executive Director ng President Task Force on Media Security at PNP Spokesperson Police Brigadier General Roderick Augustus Alba. Mabuhay po kayo, salamat po.
PTFOMS EXEC. DIRECTOR USEC. EGCO: Salamat po.
PBGEN. ALBA: Thank you so much.
USEC. IGNACIO: Samantala, ilan pong mga kababayan natin sa Carranglan, Nueva Ecija ang hinatiran ng tulong ng Outreach Team ni Senator Bong Go kamakailan. Ang DSWD naghatid ng tulong pangkabuhayan para sa mga negosyong patuloy na bumabangon mula sa epekto ng pandemya. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, makibalita naman tayo sa pinakahuling pangyayari sa mga iba’t ibang lalawigan sa bansa. Puntahan natin si Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.
At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center