CABSEC KARLO NOGRALES: Sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corp, salamat po sa inyong pagdalo dito sa ating unang press briefing para sa buwan ng Pebrero.
I would like to beg your indulgence as today’s opening statement is a bit more lengthy than usual as we will be discussing the protocols with regards to the entry of Filipino and foreign nationals beginning February 10, 2022.
Magandang balita: Nasa moderate risk na po ang Metro Manila, kamakailan lamang ito ang episentro ng COVID-19 sa bansa. Ang pagbaba sa moderate risk level na ito ay isang patunay na epektibo ang mga hakbang na ating isinasakatuparan sa ilalim ng ating re-calibrated response kabilang dito ang pinalakas na Prevent, Detect, Isolate, Treat, Reintegrate and Vaccinate strategy.
Matibay din itong paalala sa buting idinudulot ng kooperasyon at pakikipagtulungan ng mamamayan at pamahalaan. Salamat sa patuloy ninyong pagsunod sa ating minimum public health standards tulad ng tamang pagsuot ng mask, madalas na paghugas ng kamay, pag-iwas sa mass gathering o matataong lugar.
Nagpapasalamat din po tayo sa tiwala ng ating mga kababayan sa ating COVID-19 vaccination program, mula sa primary vaccines dosage hanggang sa booster shots. Kung magpapatuloy ang inyong pagtangkilik sa programa ng pagbabakuna, mas mabilis nating malalagpasan ang hamong ito. Ika nga [garbled] but we can see the light at the end of the tunnel.
Mamaya ay makakasama natin si NEDA Undersecretary Rosemary Edillon para ilahad sa ating lahat ang ating National Action Plan 5 or NAP-5.
Samantala, muling nagpulong ang inyong IATF kahapon February 3, 2022 at ito ang ilang sa mga naging decision at mga actions:
Effective February 10, 2022, 12:01 A.M. or 0001 hours, ito na ang komprehensibong entry testing at quarantine protocols para sa lahat ng mga Pilipino na manggagaling sa ibang bansa. Kung inyo pong matatandaan, pansamantala nating sinuspinde ang red, yellow at green country risk classifications. Unahin muna natin ang polisiya para sa mga papauwing fully vaccinated Filipino nationals: Kailangan nilang magpakita ng negatibong RT-PCR test taken within 48 hours prior to the date and time of departure from the country of origin or first port of embarkation in a continuous travel to the Philippines excluding lay overs. Provided that he or she has not left the airport premises or has not been admitted into another country during such lay over. Pagdating po ng Pilipinas, hindi na kailangan sumailalim sa mandatory facility-based quarantine pero kailangan nilang mag-self monitor ng pitong araw with the first day being the date of arrival. Kung sakaling may lumabas na sintomas sa loob na pitong araw na ito kailangan nilang i-report ito sa local government unit or LGU na kanilang kinaruroonan.
Paano ba masasabing fully vaccinated ang isang Filipino nationals galing sa ibang bansa? Una, kailangan nakatanggap sila ng second dose in a two-dose series or a single dose vaccine mahigit labing-apat na araw prior to the date and time of departure from the country of origin or port of embarkation. Ibig sabihin, dapat mahigit sa labing-apat na araw muna ang lumipas mula ng sila ay magpaturok ng kanilang second dose kung dalawang dose ang hinihingi ng brand ng bakuna o mula ng sila ay nagpaturok ng kanilang single dose vaccines bago ang araw ng kanilang pag-alis sa kanilang panggagalingan.
Pangalawa, ang bakunang itinurok sa kanila ay kailangang kasama sa emergency used authorization or EUA list for compassionate special permit na pinalabas ng Philippine Food and Drug Administration or emergency use listing ng World Health Organization or WHO.
Pangatlo, dahil kailangan nilang ipakita ang mga ito sa mga awtoridad prior to departing or boarding from the country or origin or port of embarkation and upon arrival in the country kailangan dala-dala nila ang alinman sa mga sumusunod na proofs of vaccination: WHO international certificate of vaccination and prophylaxis o VaxCertPH o national or state digital certificate of the country/foreign government which has accepted VaxCertPH under a reciprocal arrangement or iba pang proofs of vaccination na pinayagan ng IATF.
Sa mga papauwing Pilipino na hindi makakasunod sa mga kundisyon na aking binanggit, itinuturing silang hindi bakunado kaya’t sila ay isasailalim sa entry testing and quarantine protocols na aking susunod na babanggitin.
Kaya sa ating mga kababayan na excited ng makita ang bibisitang mga kamag-anak o minamahal sa buhay mula abroad, paki-inform na lamang po para po makumpleto ang kanilang mga requirements.
So, para sa mga Pilipinong unvaccinated, partially vaccinated, o mga Pilipinong hindi ma-validate ang kanilang vaccination status, ito ang susunding mga protocols: Una, kailangan nilang magpakita ng negatibong RT-PCR test taken within 48 hours prior to the date and time of departure from country of origin or first port of embarkation in a continuous travel to the Philippines excluding lay overs provided that he or she has not left the airport premises or has not been admitted into another country during such lay over.
Pangalawa, sa kanilang pagdating dito sa bansa kailangan nilang mag-facility based quarantine hanggang lumabas ang kanilang negative RT-PCR test taken on the fifth day from date of arrival. Pagkatapos nito, kailangan nilang mag-home quarantine ng 14 ng araw mula ng sila ay dumating.
Pangatlo, inaatasan ang kanilang local government units of destination at ang barangay health emergency response team or BHERTs na i-monitor ang kanilang pagho-home quarantine.
Pumunta naman po tayo sa mga uuwing unvaccinated minor Filipinos. Para sa mga below 12 years old na hindi bakunado, susundin po nila ang quarantine protocols ng kanilang mga magulang or adult guardian na kasama nila sa biyahe pauwi.
Para naman sa Filipino nationals from 12 years old to 17 years of age, they shall follow the classification and procedures based on their vaccination status kung sila ba ay vaccinated or sila ba unvaccinated or partially vaccinated, iyon po ang iyong susundin. In the cases of unvaccinated minor children, either parents should accompany the child or children during the facility-based quarantine.
Ito naman po ang protocols sa fully recovered Filipino nationals na nagpositibo sa kanilang 48-hour RT-PCR predeparture test. Again, papayagan silang makauwi sa Pilipinas provided they are able to present the following documents prior to departing or boarding from the country of origin or port of embarkation and upon arrival in the Philippines: Una, a positive RT-PCR test taken not earlier than ten days but not later than thirty days prior to the date and time of departure from country of origin or port of embarkation.
Pangalawa, iyong positive RT-PCR test result taken within 48 hours prior to the date and time of departure from country of origin of first port of embarkation in a continuous travel to the Philippines excluding layovers provided that he/she has not left the airport premises or has not been admitted into another country during such layover.
Pangatlo, medical certificate galing sa isang doktor na nagsasabi na ang nasabing Pilipino ay asymptomatic o may mild/moderate/severe or critical case ng COVID-19 na nakumpleto nila ang mandatory isolation period na sila ay hindi na nakakahawa at pinapayagan na silang bumiyahe.
Pagdating po ng Pilipinas, the COVID-19 positive Filipino national na fully recovered shall be subject to the following protocols: Una, kung siya ay fully vaccinated, hindi na niya kailangan mag-mandatory facility-based quarantine, pero kailangan niyang mag-self-monitor ng pitong araw with the first day being the date of arrival. Kailangan din nilang mag-report sa LGU of destination kung sakaling may lumabas sa kanila na anumang sintomas.
Kung unvaccinated/partially vaccinated or their vaccination status cannot be independently determined, ang COVID-19 positive Filipino national na fully recovered ay kailangang sumailalim sa facility-based quarantine until the release of their negative RT-PCR test taken on the fifth day. Pagkatapos nito, kailangan nilang mag-home quarantine hanggang ikalabing-apat (11th) na araw with the date of arrival being the first day.
Finally, all inbound Filipinos shall register with the One Health Pass prior to arrival in the Philippines.
So, dito naman tayo sa mga foreign nationals. Let us now go to the protocols covering foreign nationals arriving from abroad. These will be their new entry testing and quarantine protocols, updated na po ito, effective February 10, 2022, 12:01 A.M. or 00:01 Hours.
Foreign nationals traveling to the Philippines for business and tourism purposes may enter the Philippines without visas provided they qualify as former Filipino citizens with balikbayan privilege under Republic Act No. 9174 including their spouse and/or children who are not balikbayans in their own right and are traveling with them/kasama nila, to the Philippines provided they are not restricted nationals.
These protocols will also apply to citizens and nationals of the 157 countries entitled to a stay not exceeding 30 days as per Executive Order 408 series of 1960 as amended.
The country’s—[TECHNICAL PROBLEM]
Ito po ang guidelines:
With regard to the entry of fully vaccinated foreign nationals which also cover minors below twelve years of age traveling with them, incoming foreign national must first possess an acceptable proof of vaccination.
Second. Present a negative RT-PCR test taken within 48 hours prior to the date and time of departure from the country of origin or first port of embarkation in a continuous travel to the Philippines, excluding layovers provided that he or she has not left the airport premises or has not been admitted into another country during such layover.
Third. Foreign nationals must also have valid tickets for their return journey to the port of origin or their next port of destination not later than thirty days from date of arrival in the Philippines.
Fourth. Their passports must be valid for a period of at least six months at the time of their arrival to the Philippines.
And fifth. They must obtain, prior to arrival, travel insurance for COVID-19 treatment costs from reputable insurers with a minimum coverage of US$35,000 for the duration of their stay in—[TECHNICAL PROBLEM]
A foreign national shall be—[TECHNICAL PROBLEM]— she is fully compliant with the following requisites:
First. He/she has received the second dose in a two-dose series or a single dose vaccine more than 14 days prior to the date and time of departure from the country of origin/port of embarkation.
Second. The vaccine is included in the Emergency Use Authorization list or Compassionate Special Permit issued by the Philippine Food and Drug Administration or Emergency Use Listing of the World Health Organization.
Third. He/she must present the following acceptable proofs of vaccination prior to departing or boarding from country of origin/port of embarkation and upon arrival in the Philippines: World Health Organization International Certificate of Vaccination and Prophylaxis; or VaxCertPH; or National or state digital certificate of the country or foreign government which has accepted VaxCertPH under a reciprocal arrangement; or other proofs of vaccination permitted by the IATF.
Visa-free foreign nationals who fail to fully comply with the conditions and requisites mentioned shall be denied admission into the country and shall be subject to the appropriate exclusion proceedings.
But once admitted into the country, such foreign nationals are no longer required to observe facility-based quarantine. They shall however be required to self-monitor for any sign or symptom for seven days with the first day being the date of arrival. They are likewise required to report to the LGU of their destination should they manifest any symptoms.
In the case of foreign children traveling with Filipino parents or guardians, foreign minors below twelve years (12) of age who are not vaccinated for any reason whatsoever and are traveling with their Filipino parents or guardians, shall follow the entry testing and quarantine protocols of their Filipino parents traveling with them.
For twelve to seventeen (12 to 17) year-old foreign children traveling with their Filipino parent, they shall follow the protocols based on vaccination status of their Filipino parent whether vaccinated or unvaccinated. In the case of unvaccinated minors, either parent should accompany the child or children during their facility-based quarantine.
Ito naman po ang para sa foreign nationals entering through 9a visa, so hindi na ito iyong EO 408: As for foreign nationals entering through 9a visa, foreign nationals not included in the category I mentioned previously, foreign nationals from visa-required countries or restricted foreign nationals, they may enter the Philippines through an entry exemption document issued under existing IATF rules and regulations provided they are fully vaccinated, as we discussed earlier, except children below twelve (12) years of age traveling with their fully vaccinated parent.
They must likewise possess an acceptable proof of vaccination and present a negative RT-PCR test taken within 48 hours prior to the date and time of departure from country of origin/first port of embarkation in a continuous travel to the Philippines excluding layovers provided that he/she has not left the airport premises or has not been admitted into another country during such layover.
Once admitted in to the county, they are no longer required to observe facility-based quarantine but shall monitor for any sign or symptom for seven days with the first day being the date of arrival. However, they are required to report to the LGU of their destination should they manifest any symptoms.
Foreign nationals who are found not compliant with the conditions set forth in the acceptable proofs of vaccination shall be required to undergo facility-based quarantine until the release of their negative RT-PCR test taken on the fifth (5th) day after which they shall be required to undergo home quarantine until their 14th day with date of arrival being their first day. The LGUs of destination and their respective Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTS) are tasked to monitor those arriving passengers undergoing home quarantine.
Meanwhile, foreign nationals with valid and existing visas other than 9a visas may be allowed entry in to the Philippines provided they are fully vaccinated and are able to present proofs of vaccination and shall no longer be required to observe facility-based quarantine but shall self-monitor for any sign or symptom for seven days, with the first day being the date of arrival.
However, they are required to report to the LGU of their destination should they manifest any symptoms. Foreign nationals under this category who shall not be fully vaccinated shall be denied admission into the country and shall be subject to the appropriate exclusion proceedings.
On the other hand, foreign nationals also under this category who failed to fully comply with the conditions set forth in acceptable proofs of vaccination shall be required to undergo facility-based quarantine until the release of their negative RT-PCR test taken on the fifth day after which they shall be required to undergo home quarantine until their 14th day with date of arrival being their first day.
Finally, fully vaccinated foreign nationals shall not be included in the arrival quota set by the Department of Transportation and its one-stop-shop.
Samantala, dahil sa rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs, inaprubahan ng IATF ang pagtanggap at pagkilala for purposes of arrival quarantine protocols as well as for interzonal/intrazonal movement, ang National COVID-19 Vaccination certificate ng Slovenia, Bahrain, Qatar, Switzerland at Hong Kong SAR. Nauna na nating inatas ang pagtanggap at pagkilala sa proofs of vaccination ng inbound travelers mula sa iba pang countries, territories and jurisdictions. Kaugnay nito, inaatasan ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation One-Stop-Shop at Bureau of Immigration na kilalanin ang nasabing mga proof of vaccination.
Pinayagan din ng IATF na amyendahan ang proseso ng local COVID-19 vaccine clinical trial applications na nakasaad sa IATF Resolution No. 65 Series of 2020, ito ang naging pasya matapos itong irekomenda ng National Task Force Against COVID-19 Task Group on Vaccine Evaluation and Selection and with no objection from the Food and Drugs Administration natin.
Nakasulat sa IATF Resolution No. 65 na ang lahat ng applications sa pagsasagawa ng clinical trials ay kailangan munang maisumite sa Vaccine Expert Panel. Pag-aaralan ng designated ethics board bago isumite sa FDA for review and approval.
In this new resolution, vaccine clinical trial application shall comply with the Department of Health Administrative Order No. 2020-0010 or the Regulations on the Conduct of Clinical Trials for Investigational Products – this is to ensure the full protection on the rights and safety of human subjects and the integrity of clinical trial data through the adoption and implementation of international council of harmonization, good clinical practice standards to ensure efficient and effective process for the approval of clinical trials to provide standards and requirements for the regulation and importation of investigational products and strengthen the monitoring of compliance of all organizations, institutions and entities to GCP [Good Clinical Practice] and other related FDA regulations through regulatory inspections.
So clinical trial applications are now to be submitted directly to the FDA Drug Action Center and shall be acted upon by its Center for Drug Regulation and Research for review by its regulatory reviewers. The pool of regulatory reviewers shall include the Vaccine Expert Panel members.
Sa usaping bakuna naman: Mayroon na tayong 128,058,131 total doses administered as of February 3, 2022. Nasa mahigit 60.5 million, that’s 60.5 million na ang naka-first dose habang nasa mahigit 59.5 million ang naka-complete dose or fully vaccinated. Ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard, nasa mahigit 7.8 million naman ang nakatanggap ng booster or additional doses.
Pumunta naman tayo sa COVID-19 update, patuloy po ang pagbaba ng mga bagong kaso. Ayon sa February 3, 2022 COVID-19 Case Bulletin ng Department of Health, nasa 8,702 ang mga bagong kaso ng COVID sa bansa. Sa bilang na ito, 96.8% ang mild at asymptomatic. Samantala ang positivity rate ay nasa 25.5% habang nasa 94.2% naman ang porsiyento ng mga gumaling at mahigit 3.3 million na ang naka-recover.
Malungkot naman naming binabalita sa inyo na kahapon ay mayroong 71 ang pumanaw dahil sa virus na ito. Our fatality rate is currently at 1.51%, this is lower than the 2% global average.
Sa estado naman ng ating mga ospital: Nasa below 45% na ang ating hospital care utilization rate; nasa 37% ang utilized ICU beds sa Metro Manila habang 44% naman sa buong bansa; thirty-two percent ang utilized isolation beds sa Metro Manila habang nasa 43% sa buong bansa; thirty-six percent ang utilized ward beds sa Metro Manila habang 43% sa buong bansa; twenty-three percent ang utilized ventilators sa Metro Manila, 24% sa buong bansa.
Sa ibang bagay: Patuloy ang pagbaba ng inflation mula 3.2% noong December 2021, ito ay naging 3% ngayong January 2022. Umasa kayo na patuloy po nating babantayan ang presyo ng pangunahing bilihin para proteksiyunan ang ating mga consumer.
Dito po nagtatapos ang ating opening statement. Bago tayo pumunta sa mga tanong ng MPC, kausapin po muna natin ang dalawa nating panauhin, makakasama natin ngayong tanghali si DOH Undersecretary Rosario Vergeire at si NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon.
Unahin po natin si Usec. Vergeire. Usec. Vergeire, ano na po ang update sa ating pediatric vaccination? Pangalawa, ano po ang ating national situationer at iba pang updates pagdating sa Omicron variant?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, CabSec. Magandang tanghali po sa inyo. Magandang tanghali po, Usec. Rose Edillon. And good afternoon to all of the listeners and viewers dito po sa press briefing na ito.
So narito po ngayon ang Kagawaran ng Kalusugan upang ibalita sa inyong lahat ang kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19 sa ating bansa. Magandang balita po ang hatid namin sa inyo, batay po sa huli naming datos, patuloy po ang pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Ang national average daily cases natin ngayong linggo ay mas mababa na nang 45% kumpara noong nakaraang linggo. Ito po ay isa sa mga rason kung bakit ibinaba na po ang ating risk case classification mula sa critical to moderate risk case class.
Bukod po sa National Capital Region, nasa moderate risk case classification na rin po ang Regions III, IV-A, IV-B at BARMM habang tinuturing naman na low risk ang Region V.
Samantala ang Region XI and Region XII ay nananatiling nasa critical risk habang ang kabuuan naman po ng Visayas at Mindanao ay nananatili na nasa high risk.
Gayunpaman, hindi dapat mangamba ang mga taong nasa critical at high-risk areas. Ang paalala po ng Kagawaran ng Kalusugan, patuloy po nating sundin ang ating minimum public health standards ng mask, hugas, iwas at airflow. At para sa karagdagang proteksiyon, hinihikayat po namin ang lahat na magpabakuna at magpaturok na ng kanilang booster shots.
Habang bumababa ang mga bagong kaso ng COVID-19, nakikita na rin natin batay sa graph na ito na sumasabay na rin dito ang pagbaba ng ating hospital admissions. Mula po noong January 22 kung saan naitala ang 52% total occupied beds sa mga ospital, bumaba na po ito sa 43% at itinuturing na rin ngayon na low risk. Gayun din, bumaba na rin po ang national ICU utilization rate na mula sa 51% noong January 22 ay nasa 44% na lamang ngayon.
Magtungo naman po tayo sa updates tungkol sa pediatric vaccination. We are committed to protecting our children through pediatric vaccination. Kaya naman po hinihikayat po namin ang mga magulang na iparehistro ang kani-kanilang mga anak edad lima hanggang labing-isang taon sa kanilang mga lokal na pamahalaan o sa mga malalapit na vaccination centers sa kanilang lugar.
At bilang paniniyak na ligtas po ang ating mga bakuna, batay po sa global data mula sa 8.7 million vaccinated children sa mundo, 97.6% sa mga ito ay walang naranasang adverse events following immunization or AEFI. Rare po ang occurrences nito matapos mabakunahan ang ating kabataan.
Kung saka-sakali mang magkaroon ng adverse event na mararanasan ang ating mga anak mild or banayad lamang ang mga ito kagaya ng pananakit sa injection sites, pananakit ng ulo, pamamantal na maaari namang gamutin natin sa bahay at mawawala rin sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw. Wala rin pong datos ang nagsasabing maaaring maging sanhi ng pagkamatay ang ating mga bakuna.
Kaya po muli hinihikayat po namin ang ating mga magulang na magparehistro para po sa kani-kanilang mga anak para sa ating pediatric vaccination rollout nang sa ganoon maging protektado na ang ating mga nakakabatang populasyon laban sa COVID-19.
Batid ng Kagawaran ng Kalusugan ang paumanhin sa pagkakaantala ng pediatric vaccination natin ngayong araw. Tuluy-tuloy tayong magbabakuna sa mga batang may edad lima hanggang labing-isang taon (5 – 11) sa parating na linggo.
Inaasahan pong darating ngayong gabi, February 4, ang mga bakuna para po sa ating mga nakakabatang populasyon kaya narito naman po ang ating bagong schedule ng pagbabakuna: Para sa schedule ng February 4, na-moved po ito sa parating na Lunes February 7. Para naman po doon sa schedule natin para sa February 5, inilipat naman po ito sa Martes on February 8, habang ang schedule naman po para sa February 7 and 8 ay nailipat sa Miyerkules on February 9.
Ganoon pa man, kahit na mayroong delay hinihikayat pa rin po namin ang mga magulang na magpatuloy lamang sa pagpaparehistro sa kani-kanilang local government para po tuluy-tuloy kapag nag-umpisa na ang ating rollout. Muli po nais ipabatid ng Kagawaran ng Kalusugan na ang lahat ng bakuna ay FDA approved, ito po ay ligtas at epektibo at pinag-aralan ng ating mga eksperto.
Kagaya po ng nabanggit kanina sa unang slide, humigit-kumulang 8.7 million na ang mga batang nababakunahan sa buong mundo at walang reports ng recorded deaths at serious adverse events matapos mabakunahan. Kaya po get the job done para po sa ating mga anak para na rin sa karagdagang proteksiyon hindi lamang po para sa kanilang mga sarili kung hindi, para po sa inyong buong pamilya at komunidad.
Nais din pong linawin ng Kagawaran ng Kalusugan na ang pagbabakuna sa ating nakababatang populasyon ay hindi mandatory. Ito po ay naaayon sa kagustuhan ninyo at ng inyong mga anak. Informed consent is required for all. Ang mga polisiya po natin hinggil sa pagbabakuna ay boluntaryo.
Ang ilang mga polisiyang nagbabawal para sa mga unvaccinated ay para po ma-proteksiyunan ang atin vulnerable population, ang ating mga nakakatanda, mga may sakit at ang ating mga kabataan laban sa banta ng virus.
Ang mga bakuna po natin kung sasamahan ng pagsunod sa minimum public health standards ay ating pinakamabisang panangga laban sa COVID-19. Mapipigilan po nito ang further transmission at mutation ng virus.
Kaya po para sa ating mga magulang na mayroong pa ring kaba at pangamba, hinihikayat po namin kayo na magbasa ng mga studies at magtanong sa inyong mga pediatricians tungkol sa bakuna natin. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa bakuna, magtungo lamang po sa mga websites at materials sa ating bit link na ito.
Nais din pong ipaalala ng ating kagawaran na maliban sa pandemic na kinakaharap natin ngayon, lumalaganap na din po ang pagkalat ng maling impormasyon or iyong tinatawag nating infodemic. Let us be vigilant and remain keen to all information spread on social media. Kaya tatalakayin natin sa susunod na slides ang pamamaraan kung paano po natin maiiwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon na maaaring makapagdulot ng masama sa ating mamamayan.
Sa dami po ng balitang kumakalat tungkol sa COVID-19 at sa ating mga bakuna kailangan po natin mag-ingat kung saan tayo kumukuha ng impormasyon. Importanteng mag-fact check o manigurong tama ang impormasyong ating nakukuha.
Papaano po ba natin ito gagawin? Una, you need to identify the author or iyong sumulat ng artikulong inyong binabasa. Alamin ninyo po kung sila ay credible or eksperto sa naturang topic. Ganito rin, kung ang impormasyon naman ay mula sa isang Facebook post, tingnan kung sino po ang nag-post at alamin kung credible ba ang taong nag-post ukol sa topic na pinag-uusapan.
Pangalawa, check the context, alamin kung ito ba ay bagong balita or recent news? Ito ba ay base sa katotohanan or ito ba ay napatunayan? Mahalaga po ang konteksto dahil kadalasan sa mga fake news ay lumang balita na pinipilit gawing bago o mga teorya na walang basehan na pilit ginagawang balita.
Pangatlo, do a reverse image search. Makakatulong po ito sa paghahanap ng original source ng larawang nakikita natin sa ating mga post. Matutukoy din po natin sa pamamagitan nito kung ang litrato ba ay edited or taken out of context.
Sa inyong computer, I right click ninyo po ang litrato at piliin ang search Google for image, lalabas po ang original source ng litrato at maaari ninyong makita kung ang nasabing larawan ay peke or edited.
Kung gamit ninyo naman ay ang inyong mobile phones, i-download ninyo po ang larawan or i-save ang link ng larawan. Mag-log-in po kayo sa TinEYE.com at i-paste ninyo po ang larawan o ang link ng litrato. Kung hindi ninyo pa rin mabatid kung fake news ba ang impormasyong nakarating sa inyo, maaari po kayong mag-cross check. Hanapin po ang mga key words ng nasabing article at i-post at i-check ito sa ibang credible news outlet or sa official government sources.
Sa ganitong paraan maiiwasan po natin ang pagkalat ng fake news or misinformation na nakakatulong ng malaki upang magkaroon ng tamang kaalaman ang ating publiko para labanan ang pandemya.
Remember, let us be mindful of the information we share. Misinformation can mean life or death; accurate, timely information saves lives.
Bago po tayo matapos, nais po naming ibahagi sa lahat na ang Bida Campaign ng Kagawaran ng Kalusugan ay nakatanggap ng iba’t-ibang parangal mula sa pribadong sektor. Ang nasabing campaign ay nagsusulong ng responsibilidad at partisipasyon ng bawat Pilipino upang puksain ang COVID-19, pinapakita po ng kampanyang ito how every Filipino became a hero.
Nakamit po ng kagawaran ang silver award para sa marketing excellence awards 2021, habang nakuha naman po ng Bida Campaign ang Bronze TV Award para sa larangan ng communications or PR campaign of the year related to COVID-19 information.
Ipinapaabot po namin ang aming malugod na pasasalamat sa lahat, lalung-lalo na po sa ating mga health care workers, frontliners, mga kasama sa gobyerno, mga katuwang sa pribadong sektor, iba’t-ibang volunteer organizations at ganoon din po sa sambayanang Pilipino na patuloy na sumusunod sa ating mga minimum public health protocols. Maraming-maraming salamat po.
Paalala lang po sa ating mga kababayan ang patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19 at ng ating hospital admissions at ICU utilization ay patunay na ang bakuna ay ligtas at epektibo.
Kaya po muli hinihikayat natin ang lahat magpabakuna at magpaturok na rin ng kani-kanilang booster shots sa lalong madaling panahon, dahil ito po ang best long-term solutions kasama ng pagsunod natin sa safety protocols para sa mas matiwasay na new normal.
Batid po ng kagawaran ang kaligtasan ng ating mga kabataan kaya’t tuluy-tuloy po ang ating pediatric vaccination para sa ating children aged 5 to 11 years old sa darating na Lunes February 7.
Muli po hinihikayat po natin ang ating mga magulang na magparehistro na sa kani-kanilang local governments para tuluy-tuloy na po ang pagbabakuna pagdating ng araw na rollout. Palagi rin po nating tatandaan na ang bawat isa ay malaki ang responsibilidad sa mga impormasyong ibinabahagi po natin sa ating pamilya, kaibigan at mga kamag-anak lalung-lalo na po ngayong pandemya.
Siguraduhin po natin na ang impormasyon ay tama at verified, at ito ay malaking tulong upang maitigil na ang pagkalat ng fake news na talaga namang nakakaapekto sa buhay ng maraming tao. Maraming salamat po and over to you, CabSec.
CABSEC NOGRALES: Thank you so much, Usec. Rosette. Please stay onboard for questions from the media. But before that, puntahan naman po natin si Usec. Rose Edillon.
Usec. Rose, kumusta naman po ang pinaka-latest na National Action Plan po natin?
NEDA USEC. EDILLON: Yes. Magandang hapon po, CabSec! And magandang hapon, Usec. Rosette and sa ating mga nakikinig at nanunood dito sa press briefing. And thank you for this opportunity ‘no para maibahagi natin iyong ating gagawin na National Action Plan Phase 5.
Mayroon po akong konting slides, CabSec. So I’ll be sharing my screen. So gaya nga nang naibahagi ni Usec. Rosette, bumubuti po ang kalagayan natin ‘no patungkol sa pandemic na ito, so minabuti po namin na kailangan nating i-recalibrate ulit ang ating mga actions.
Naging maayos po iyong takbo ng ating National Action Plan Phase 4, nakita naman natin na ito talaga iyong binabalanse natin ang maraming bagay ‘no – iyong health, iyong economy, iyong vaccination – and we want to replicate the same outcome ‘no, if not be even better dito sa National Action Plan Phase 5 as we shift to the new normal.
So umpisahan ko lang with this graph ‘no. Itong graph na ito is a graph showing our gross domestic product mula pa noong quarter one – quarterly po ito – mula quarter one 2010 hanggang quarter four 2021. So nakita talaga natin iyong pagbaba noong 2022 magmula noong second quarter, actually; pero ang isang magandang balita ay tumaas po tayo, nagsimula actually iyong pagtaas natin mula pa talaga nitong ano, noong last year. Noon ngang quarter four 2021, iyong ating GDP ay tumaas po by 7.7%.
Now, iyong ibang tao, ang sasabihin kasi nila, makakain ba iyang GDP ‘no. It’s true na isa lang siyang numero ‘no pero marami pong implications itong GDP na ito. Ang ibig pong sabihin nito is nakapag-produce tayo ng ganoong karaming… you know, goods and services. Ang ibig sabihin noon is nakapag-produce tayo ng ganoong karaming trabaho, marami po ang nagkaroon ng hanapbuhay, marami ang nagkaroon ng kita.
Ito naman po, gusto kong ipakita iyong – annual po ito – yearly na gross domestic product natin in current prices mula po noong 2010 hanggang noong 2021. So inilagay ko po rito iyong kung magkano talaga siya ‘no.
So noong 2021, makikita ninyo po, nasa 19.4 trillion pesos ang ating gross domestic product. Makita ninyo po na noong 2019, it’s actually 19.5 trillion. So noong 2021¸ nineteen point—palagay na nating two decimal points—19.39 trillion tapos versus 19.52 trillion. So in fact, ang nakita namin dito is iyong 2021 GDP natin is already 99.4% of our pre-pandemic GDP.
So talaga po naman na nagsisimula na iyong ating recovery, ang kailangan po natin ay i-accelerate itong timeline ng recovery kasi marami po talagang kailangan nang makapag-recover dito.
Iyong nakikita natin na iyon is all supported doon sa aming minu-monitor po, CabSec., na overall na NAP 4 score. Iyong sa NAP 4 kasi, mayroon po tayong tatlong … parang tatlo ng basket ng mga interventions. Iyong first one is on infection management. So sinusundan po namin dito iyong mga kaso ng severe and critical, paano na iyong nagiging testing natin, paano na iyong nagiging … iyong time ba from the onset of the illness to the isolation, iyon. So nakita po natin na mula September hanggang December, umayos po ito, nag-i-improve po tayo dito.
Tapos iyong sumunod po na bucket of interventions natin is on the vaccine rollout. So, again, nag-improve po siya – hanggang noong December 2021 pa lang po ang data namin dito.
Tapos sa socio-economic recovery, tinitingnan din namin kung paano nakaka-recover na iyong mobility ng mga tao, iyong manufacturing index natin, pati na rin po iyong travel. So nakita po natin na tumaas din siya. So in fact, noong December, 7.63 – ang perfect po dito ay nine – so nakita namin na talagang, you know, tingnan natin sa lahat ng bagay, nag-i-improve po tayo sa pag-manage natin nitong COVID-19, and also the socio-economic recovery.
So the task at hand is really to accelerate this economic recovery, and make sure that it is a resilient recovery. And for this purpose, mayroon po tayong binalangkas na 10-point policy to accelerate and sustain and economic recovery. Iyong first three po dito is really to empower iyong individual. Tulad na nga nang nabanggit kanina ni Usec. Rosette, isa diyan is to be very vigilant against infodemic.
So dito po, ang unang-una po rito is talagang iyong sa pag-report natin ng metrics. So ang gusto namin is iyong pag-report natin ng metrics is dapat alam ng tao kung ano ang gagawin kapag ganito ang nalaman niya na datos, so siguro mas gagawin natin na mas disaggregated iyong datos para alam mo kung, you know, pertaining to your province siguro or to your region, ito iyong mga kailangan mong gawin.
Tapos siyempre nandiyan pa rin iyong protection natin sa individuals through vaccination. Patuloy naman po ang pag-aaral ng ating mga experts para talagang lahat ng population natin ay ma-vaccinate.
Tapos sa health system capacity, ang sinasabi nga po natin, kailangan nating i-expand ito. It doesn’t have to be just the hospitals, kasama dito iyong ating mga TTMFs. Kasama rin iyong ating mga primary care hospitals, kasama nga po ang home-based hospitals, kasama nga po ang telemed. So ang kailangan lang dito is, again, ma-empower natin iyong individuals kung ano ba iyong mga sintomas na kailangan niyang inuobserbahan.
Iyong second set po nito is to reduce the risks – on the side of business naman po ito – to reduce the risk due to policy uncertainty. So again, making sure na patuloy iyong ating pagbabalanse sa ekonomiya, making sure na ayusin natin iyong policy. Magiging predictable po iyong policy with respect to mobility, we will resume face to face classes, again, without compromising safety siyempre, ano po. Tapos pati na rin po iyong mga travel restrictions, again, ginagawa po nating risk-based ito. Nakita naman natin mayroon nang bakuna, and these are safe and so, kumbaga, niri-recalibrate natin itong mga ito where the interest really is, you know, to allow for this travel for as long as it is safe.
And then iyong susunod naman po is, ito naman ay para maging resilient iyong ating recovery. One is, facilitate the shift to the new normal. Actually, two nights ago po, two nights ago nai-ratify po ng ating Kongreso iyong amendments to the Public Service Act. And talagang inaabangan po namin itong batas na ito para magkaroon nang mas maano na competition especially sa ating telcos, sa transport sector natin mainly shipping and air carriers natin para po matulungan tayo sa pag-shift natin to the new normal.
And then, of course, building resilience, a pandemic flexibility bill para mas mabilis pong makaresponde ang gobyerno. Isa po ito sa mga inaaral na. At ito pong medium term preparation for pandemic resilience, number one, gawa po tayo ng pandemic response playbook – magiging legacy po natin ito sa susunod na generation; pangalawa po ay mabawasan natin iyong risk na magkakaroon ng pandemic. So nandiyan na iyong ventilation, ayusin natin iyong mga iyan; more of mga outdoor activities po siguro; iyong ating mga healthy lifestyle. Tapos, in case it happens, kailangan mayroon din tayong mga measures to mitigate the impact. So iyon po iyong nasa number ten.
So lahat po nito ay makikita ninyo sa National Action Plan Phase 5. Again, nakikipag-collaborate, coordinate po lahat-lahat ulit ng ahensiya ng gobyerno. Iyon pong lahat nang bumuo rin ng NAP Phase 4, lahat po kami ay magtutulung-tulungan ulit para dito sa NAP Phase 5.
So iyon lamang po, CabSec. Salamat po.
CABSEC NOGRALES: Maraming salamat, Usec. Rose. Please again also stay onboard for questions from the media. And without much ado, Usec. Rocky, ang mga katanungan mula sa MPC.
USEC. IGNACIO: Ang una pong tanong—may clarification lang po si Johnna Villaviray ng Asahi Manila for Secretary Karlo: Na-mention daw po ‘yung requirement for returning fully vaxxed Filipinos and foreigners to self-monitor for seven days in case COVID symptoms to manifest. This is the same as home quarantine, they are still required to isolate for those seven days?
CABSEC NOGRALES: No, no. Hindi po. ‘Pag fully vaccinated, self-monitoring lang po iyan. Hindi po similar to—hindi po required ang home quarantine, self-monitor lang po.
USEC. IGNACIO: Opo. From Carolyn Bonquin, clarification lang din po [garbled] Usec. Vergeire and Secretary Karlo: Tama po ba na na-streamline ngayon ang clinical trial application [garbled]…
CABSEC NOGRALES: Yes. Usec. Rosette, I believe that is—doon sa clinical trial, sa clinical trial applications that we approved sa IATF. Go ahead…
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, CabSec, I did not get the full question but I think this is talking about the change in—doon sa structure po. Bago po tayo nag-umpisa ng pandemya, ang application po talaga ng clinical trials are with the Food and Drug Administration. Ginawa lang po na pinalakihan po natin with some pool of experts ito pong—dahil nga po nasa pandemya tayo and most of the commodities or the drugs and the vaccines na nandiyan po na ginagamit for clinical trials ay mga bago po because of this public health emergency kaya napunta po—nakasama sa istraktura ang Department of Science and Technology.
What has been approved yesterday in the IATF was the DOST and the IATF has already—DOST recommended the IATF resolved na babalik na po tayo doon sa dating proseso kung saan ang Food and Drug Administration na po ang muling tatanggap ng mga aplikasyon para po sa mga clinical trials including COVID-19 technologies dito sa ating bansa.
Iyon pong vaccine or the experts ‘no na ginamit po dito po sa clinical trials na ginagawang evaluation, ngayon po ay gagawin nang pool of experts ng Food and Drug Administration. So wala pong masyadong nabago, ibinalik lang po natin sa dati nating proseso para mas maging efficient ang gobyerno sa ating mga processes.
CABSEC NOGRALES: Thank you. Usec. Rocky… I think we’re having… [TECHNICAL PROBLEM]
MELA LESMORAS/PTV4: Yes. Good afternoon, Secretary Nograles, Usec. Vergeire at kay Usec. Edillon. Secretary Nograles, unahin ko lang po ‘no si Pangulong Rodrigo Duterte. Kumusta po ang Presidente ngayon at ano po iyong mga naging resulta ng kaniyang routine medical checkup, kailan po kaya iyong magiging susunod na Talk to the People?
CABSEC NOGRALES: Iyong Talk to the People, abangan na lang po natin next week. Presumably Monday naman po ang Talk to the People ni Pangulo so based on the schedule, Monday po ang next Talk to the People ni Pangulong Duterte.
Pagkatapos ng kaniyang routine medical checkup, okay naman si Pangulo ‘no, he is as health as any healthy individual at his age could be.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Siya po ba, sir, ay naka-quarantine pa rin po o tapos na po iyong kaniyang quarantine?
CABSEC NOGRALES: Tapos na, tapos na iyong quarantine ni Pangulong Duterte.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Sir, regarding naman po sa naging meeting ng IATF. Napag-usapan ninyo po ba iyong isinusulong ngayon ni Secretary Joey Concepcion na ‘no booster, no entry’ policy at ano po ‘yung reaksiyon ninyo na umabot na rin na may, kumbaga, petisyon na inihahain laban sa pagbabakuna ng 5 to 11 years old?
CABSEC NOGRALES: Siguro bigay natin kay Usec. Vergeire iyong tungkol sa petition because the DOH has already released its statement on that issue. Usec. Rosette…
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, sir, ‘no. So dito po sa petisyon na naihain, unang-una gusto natin ipaalam na mayroon naman pong karapatan ano ang bawat Pilipino na magtanong ‘no at magkaroon ng ganitong proseso ukol po dito sa mga pinapalabas na polisiya ng ating gobyerno. Pangalawa, kaka-receive lang ho namin noong official na petition submitted to our office so iri-review po natin and we will go through the process on this.
What we can say regarding this matter, lahat po ng bakuna na mayroon tayo ngayon sa ating bansa specifically ito pong bakunang for 5 to 11 years old pinag-aralan mabuti ng ating mga eksperto and even across the globe, iyon pong mga kilalang national regulatory agencies ay nabigyan po ng garantiya ang mga bakuna for pediatric group of 5 to 11 years old na ito po’y magiging ligtas, ito po ay magiging epektibo para sa ating kabataan.
Gusto rin ho naming sabihin na iyon pong pag-aagam-agam ng ating mga magulang ‘no regarding ito pong mga sinasabing reaksiyon, base po sa CDC at pag-aaral sa buong mundo, labing isa po out of almost 8-point-something million na naturukan na ng bakunang ito, labing isa po ang nakaranas pero lahat po na-manage, lahat po nakauwi after 2 to 3 days in the hospital. Hindi po natin kailangang ipangamba ang bakunang ito bagkus ito po ay makakatulong para maproteksiyunan po ang ating mga kabataan.
CABSEC NOGRALES: Yes. Thank you, Usec. Rosette.
At doon naman sa tinatanong na ‘no boost’ – wala pa po tayo sa polisiyang iyan. Ang importante po ngayon is ma-fully vaccinate po ang lahat ng ating mga kababayan. So wala po tayong polisiya na ‘no boost, no…’ whatever ‘no—
MELA LESMORAS/PTV4: ‘No booster, no entry’
CABSEC NOGRALES: ‘No booster, no entry’ ‘no – wala tayong ganiyan. Kasi even the WHO, ang guidance po nila is dapat ang kinu-concentrate po natin iyong mas equitable distribution of vaccine at mas equitable na fully vaccinated ang mga kababayan natin. So iyon po ‘yung ating kinu-concentrate ngayon, iyong making sure na iyong dapat na magpabakuna ay makapagpabakuna at fully vaccinated po.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. At panghuling tanong na lamang, CabSec ‘no. Tanong lang po ng kasamahan namin sa PTV Davao, si Clodet Loreto: Many countries all over the world have lifted their COVID-19 restrictions and somehow consider the virus as endemic. Dito po ba sa Pilipinas, can we afford or kaya na po ba nating i-lift lahat noong restrictions or how soon—when is the right time to shift to endemic approach? Alam ko natanong na rin po ito sa inyong interview. Pero as early as this month, ready na po ba kaya tayo na, iyon nga, mag-alert level—or mas magaan na approach dito nga sa pandemic?
CABSEC NOGRALES: Well first of all, iyong alert level system natin still stays ‘no. In fact, iyong pinakamababa doon is Alert Level 1 which is basically ang Alert Level 1 ano na ‘yun, parang new normal na ‘no although mahigpit na dapat natin ipatupad under Alert Level 1 iyong minimum public health standards at dapat mataas iyong vaccination rates noong mga areas especially sa A2 at A3 category, dapat mataas ang vaccination rates ng lugar na iyon bago mag-Alert Level System 1. So iyon na ‘yung pinaka… siguro makikita natin na parang new normal.
That being said, kaya nga po binubuo iyong National Action Plan Phase 5 kasi doon natin po makikita, mas titingnan po nila ang mga different areas, protocols, policies—policy shifts na kailangan nating gawin para po maging resilient tayo ‘no.
So siguro, Usec. Rose, would you like to add to the NAP Phase 5 discussions?
NEDA USEC. EDILLON: Yes. Thank you, CabSec. Tulad nga ng nabanggit, isa ito sa dahilan kung ba’t natin binubuo iyong NAP Phase 5 ‘no. It will have the same organization, the organizational structure as the NAP Phase 4 – meaning nandoon pa rin iyong response cluster at sila talaga iyong magtitingin kung iyong mga datos-datos ba natin ay, you know, maibababa na ba to alert level system.
Pero ang gusto kasi namin is ma-empower iyong bawat Filipino, bawat mamamayan natin kung paano ang pagbasa nitong mga information na ‘to at paano sila dapat—how they will act accordingly para magtuluy-tuloy na talaga itong ating, as you say, iyong pagbalik natin sa new normal—ah, pag-shift natin actually sa new normal. Thank you.
CABSEC NOGRALES: Usec. Rosette, would you like to add?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, CabSec. So, unang-una, gusto ko lang hong klaruhin ‘no, I think a lot of people are getting a wrong perception of what an endemic state is. Iyon pong endemic state kapag pinag-usapan natin scientifically, this is a state wherein cases are stable, cases are already constant and predictable but it doesn’t mean na kapag sinabi nating ganoon, it’s going to give you a milder form of the disease.
Ito pong endemic state kapag pinag-usapan, there is that level na balanse na or there is that equilibrium between the level of transmission and the level of immunity ng area. So having said that, ibig sabihin po ng endemic state natin, best example iyong atin pong sakit na tigdas. Ang sakit na tigdas po ay endemic iyan sa Pilipinas. Ngayon po, tayo ay mayroon po tayong bakunahan sa tigdas sa ating mga kabataan. Dumadating tayo sa punto that we reach that certain level na mataas talaga na halos walang nagkaka-tigdas pero alam natin nagsa-cyclical po ang pag-outbreak ng tigdas sa Pilipinas kapag bumababa ang immunity ng population. Ibig sabihin, nadadagdagan iyong susceptibility ng mga walang bakuna.
So ganoon po iyong endemicity. Kaya sa ngayon, ang balak po, with the National Action Plan Phase 5, we are now transitioning ‘no. Pini-prepare na po natin iyong ating sistema para pagdating po nung point na talaga ang state is endemic na, and then we will be able to cope and we are resilient and we are prepared.
So we have started already, katulad nang sabi po ni Usec. Rose, kung matatandaan ninyo po with this Omicron situation that we’ve had or is having right now, inumpisahan na natin iyong shift in mindset – RT-PCR for clinical management; we use other diagnostic methodologies at home or even in the communities; at iyong contact tracing, hindi masyado of value kasi nagkaroon tayo ng wide transmission and the other things. So nag-uumpisa tayo unti-unti. But definitely, iyong National Action Plan po ay ibibigay sa atin iyong timelines, ibibigay what would be acceptable to the public kapag tayo ay nag-transition doon sa tinatawag natin na new normal.
MELA LESMORAS/PTV: Okay. Maraming salamat po, Usec. Vergeire, Usec. Edillon at Secretary Nograles at Usec. Rocky.
CABSEC NOGRALES: Thank you, Mela. Back to you, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes, thank you, CabSec. Pasensiya na po, bumagsak ang internet ko. Basahin ko lang po itong tanong ni Maricel Halili – hindi ko po alam kung nasagot ninyo, CabSec. Pero ang una pong tanong niya para po kay Usec. Vergeire: Nag-test po ang isang family going to Boracay sa Philippine Airport Diagnostic Laboratory noon daw pong January 25. One of them tested positive, so pinaulit ang RT-PCR test sa Red Cross noong January 26 – the result was negative. Paano raw po ipapaliwanag ito? Monitored ba lahat ng testing laboratories?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes po ‘no. So, unang-una po, kailangan nating maintindihan ang lahat ng kahit na anong test natin for COVID-19 which are existing in the market, wala pong perpekto na 100%. Ang atin pong RT-PCR test, 80 to 85% po iyong kaniyang ibinibigay sa atin na accuracy, so there is still that chance na mayroong pagkakamali ‘no, inherent with the testing kits or it might be the process.
Kapag tiningnan po natin ang proseso ng ating pagkukuha ng test, from the collection to the processing, to the ilalagay iyong resulta, mayroon po tayong mga steps diyan na maaaring magkakaroon tayo ng problema. Like there can be contamination, mayroong mali ang pagkuha ng koleksiyon o pag-specimen, so that can easily give you false positive or false negative results. Iyan po ay isang reality nating lahat.
Pero ang amin laging sinasabi, ang una ninyong test, iyon po iyong kumpirmado ninyong test. Kahit magpaulit-ulit kayo ng test, ang io-honor po ng ating local governments at saka ng DOH would be the first test that you’ve had.
So kapag kayo po ay nagkaroon na ng positive test, huwag ninyo pong ipapaulit kasi it makes all of the things confusing lalo na kung biglang nagkaroon kayo ng negative, anong gagawin natin. Because we always err on the side of caution para maprotektahan po natin ang public, iyong public health. Kaya po iyong una ninyong test, iyon po iyong ating kumpirmadong positibo. Isolate, and then after isolating, you can have your family vacation after.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Usec. Vergeire.
Sec. Karlo, hindi ko po alam kung nasagot ninyo na o natanong na ito ni Mela, pero basahin ko na lang po. Mula kay Maricel Halili, pareho po sila ng tanong ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN, ang tinanong po dito: Kailan nag-start iyong quarantine ng Pangulo at kailan natapos? Why did his physician clear him to go out and have his medical check-up? At ang follow up po niya sa DOH, iyon daw pong naging period ng quarantine po ba ng Pangulo ay pasok sa isolation and quarantine protocols ng DOH? For CabSec and Usec. Vergeire.
CABSEC NOGRALES: Okay, sige. So upon assessment ng physician ni Pangulo ‘no, ang dapat i-consider or maituturing na date of last exposure ni Pangulong Duterte to a positive COVID case was Friday, January 28, 2022. Bagama’t mayroong member of the household staff na nag-positive din for COVID, noong Sunday, January 30, 2022, upon assessment ng physician, hindi ito maituturing na exposure kay Pangulo per se kasi hindi siya close contact as per the circumstances.
So iyong dapat na i-consider, hindi iyon nag-positive noong Sunday na hindi naman maituturing na close contact or exposure. Ang dapat kinonsider as last date of exposure was iyong Friday. Kasi upon assessment ng physician, iyon iyong maituturing na exposure of the close contact. So based on the protocols ng DOH, sa updated guidelines on the quarantine of asymptomatic close contacts na fully vaccinated, ang quarantine ni Pangulo could be discontinued on February 3, 2022 which was Thursday, kahapon po. Iyon iyong naging assessment po ng physician.
USEC. IGNACIO: Opo. For Usec. Vergeire, tanong po ni Pia Gutierrez, kung pasok daw po sa isolation and quarantine protocols ng DOH iyong sa Pangulo?
DOH USEC. VERGEIRE: Tama po ‘no. So base po doon sa physician ng ating Pangulo, sinabi na po, the President was considered a close contact last Friday. So based on that, iyon pong Linggo na exposure na sinasabi was not considered a close contact.
Balikan po natin ang protocols: Nagkakaroon po tayo ng atin pong quarantine and isolation or quarantine only if you are a close contact. So ang close contact, alam natin ang definition; alam ng mga doktor.
Sabi rin natin lagi, based on careful assessment of the physician, maaari po tayong magkaroon ng mga pagbabago sa ating quarantine. Remember our protocol for health care workers, na sabi natin maaari nating ibaba kahit wala na nga na quarantine ang ating health care workers as long as there is careful assessment of the infection, prevention and control committees of their hospitals or even in local government facilities. Kaya ito po ay tinatanggap natin, nirirespeto dahil kapuwa doktor, sila po ang nag-assess base po sa protocols natin. At nakalagay naman po at nakita diyan ‘no, na sinasabi na by dating ng Wednesday, that was the last day of their quarantine period at Thursday po ay maaari nang lumabas.
USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire.
Secretary Karlo, paki-advise lang po ako ‘no, kung natanong na po ito. Basahin ko na lang from Leila Salaverria ng Inquirer: What does Malacañang think of the petition filed with the help of the Public Attorney’s Office to stop the vaccination of five to eleven (5 to 11) year-old kids? Is the Palace worried that this will create another scares or promote vaccine hesitancy like what happened during the use of Dengvaxia? And if yes, what will it do about it? Similar question po iyan ni Ace Romero ng Philippine Star, Red Mendoza ng Manila Times, Lei Alviz ng GMA News, ganoon din po si Ian Cruz ng GMA News. Tanong po iyan ni Leila Salaverria.
CABSEC NOGRALES: Yes, nasagot na po iyan ni Usec. Rosette, unless Usec. Rosette would like to add anything more to her statement.
USEC. DOH VERGEIRE: Yes. Huwag naman ho sana ‘no, na makapagdagdag sa hesitancy ng ating mga magulang ito pong nangyayari sa ngayon. Sana po ay mabigyan ng kumpiyansa ang mga bakunang ipinapasok sa ating bansa.
Tandaan po natin, napaka-vulnerable ng ating mga kabataan. Noon pong nagkaroon po tayo ng pandemya, medyo bumagal po at bumaba ang mga bakunahan sa kanilang mga regular vaccines, iyong routine immunization natin.
At sa ngayon po, may isa pa hong bakuna na ii-introduce tayo para maproteksyunan sila from this type of infection from COVID-19 at sana po tayo ay magtulung-tulong so that we can protect them. Huwag tayong magpadala sa mga ganitong naihahain o mga patakaran, lahat po dadaan sa proseso at maipapakita po natin sa publiko kung ano po ang mga ididesisyon ng korte at doon po tayo susunod.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, USec. Vergeire. CabSec., may follow-up lang po ‘no bago ako lumipat sa ibang topic. Ang tanong po ni Tuesday Niu kasi: Ibig sabihin po ba may ba pang household staff na nag-positive na naunang naging close contact si Presidente noong January 28 kaya ito ang start ng bilang ng kaniyang quarantine? Tuesday Niu ng DZBB.
CABSEC. NOGRALES: Yes, opo. So, mayroong member of the household noong Friday na iyon ang—upon the assessment physician ni Pangulong Duterte, iyon ang maituturing na exposure ni Pangulo at close contact. Bagamat mayroong another household staff na nag-positive on Sunday, based on the assessment noong physician, hindi naman maituturing na close contact per se or exposure iyon per se based on the circumstances noong nag-imbestiga at in-assess ng physician further. So, ang last date of exposure was Friday, not the Sunday.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Leila Salaverria pa rin po ng Inquirer: Sec. Karlo, will he attend the proclamation rally for his daughter who is running for Vice President?
CABSEC. NOGRALES: We’ll have to ask the Appointment’s Office with regard to that.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Naomi Tiburcio ng PTV for NEDA USec. Rose: May we get your comment on the slower inflation rate for January? What is NEDA doing to ensure prices will remain stable moving forward?
NEDA USEC. EDILLON: Yes, maraming salamat. Actually, isa nga rin iyan sa magandang balita ulit ‘no, slower ang ating inflation nitong January, 3%.
Going forward, ang pinaka kumbaga robust na na-move talaga natin is to revive the economy, kasi kapag marami ang magpo-produce, magkakaroon tayo ng maraming supply, ito talaga ang magpapa-stable ng ating mga presyo.
Now, nakita rin namin sa mga detalye nitong mga price statistics na ito, ang malaking nagdulot sa inflation is actually the meat inflation, kasama na rin dito iyong fish inflation. And for this reason, magrirekomenda kami actually na i-extend iyong validity ng Executive Orders 133 and then 134, itong Executive Order na itinataas iyong minimum access volume para makapag-import pa tayo ng pork, and then ibaba iyong taripa.
But at the same time, we’re also working with Congress para ipasa iyong Livestock Development Competitiveness Bill. Ito kasi, parang very ano ito… mga very aggressive measures para i-address iyong ano, ma-improve iyong competitiveness ng ating livestock sector kasama na rin iyong competitiveness ng corn industry.
Kasi iyong corn, ito iyong nagiging feeds ng livestock natin, ng poultry natin, even fisheries. So, kasama ito doon sa—nakikipag-collaborate kami with Congress para maipasa ito at magkaroon nga tayo ng mas long term solution dito sa ating problema.
USEC. IGNACIO: Thank you, USec. Rose. From Valerie ng GMA News for USec. Vergeire: Ano po ang bilin ng Department of Health sa parents kapag dinadala sa pasyalan ang mga anak?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes po ano. So, iyon pa rin po iyong bilin natin, alam natin ang ating mga kabataan, iyong maliliit na bata wala pang bakuna so dapat pinuprotektahan. Huwag ho natin silang dadalhin sa matataong lugar.
Kapag inilalabas po natin ang ating mga kabataan tandaan po natin it’s for exercise, it’s for sunlight, it’s for their mental health so that they can see other children, interact with them, pero huwag na lang dadalhin doon sa mga masyadong mataong lugar katulad po ng mga tiangge, katulad po ng mga malls.
Lagi rin po na ang mga bata na kung kaya na pong mag-mask, especially those more than two-years old, naka-mask po dapat. Alam po nila dapat na hindi sila masyadong lumalapit doon sa mga taong kasama nila and lagi po tayong magdadala ng alcohol kung wala pong water station doon sa inyong pupuntahan para laging maayos at saka malinis ang kanilang mga kamay na kahit i-touch sa face ay hindi po sila magkakasakit.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong, USec. Vergeire: Ano daw po ang DOH data on infection sa children and hospitalization?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes po ‘no. So, with this Omicron situation, we have noted na tumaas po ang bilang ng mga naa-admit na mga kabataan. Isa po doon sa ating na note would be that about 14.5%, this is a percent to total admissions right now ‘no in this Omicron situation, are less than five years old. Iyon naman pong mga five to seventeen years old ay nasa mga about 6%, almost 6%.
So, kapag sinuma po natin iyan, that’s about 21% out of all the total admissions that we have for this Omicron situation ay mga kabataan po. And comparing doon po sa experience natin sa Delta na hindi po ganito kataas kaya po tayo talaga gusto nating maproteksyunan ang ating mga kabataan and one of the ways to protect them is to vaccinate them with this COVID-19 vaccine.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, USec. Vergeire. From Red Mendoza ng Manila Times: USec. Vergeire, ilang probinsiya po ang nakakaranas ng positive growth rate, ano po ang mga hakbang na ginagawa ng DOH para ma-control ang spike ng mga kaso dito? Similar question with Lei Alviz ng GMA News.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes po ano. So, sa ngayon po, ang mayroon ang negative two-week growth rate among all the regions in the country would be NCR, Regions III, IV-A and Region V. Iyong iba ho nating mga rehiyon mayroon na ho silang mga positive na two-week growth rate, ibig sabihin, dumadami pa rin ang kaso.
Pero depende kung ano iyong two-week growth rate kasi maaaring positive nga pero mababa naman iyong two-week growth rate niya dahil nagso-slowdown na po ang mga kaso ngayon ng pagtaas lalung-lalo na sa Visayas. Sa Mindanao naman po, nagpa-plateau na ang mga kaso.
Ibig sabihin, we are on our way in this specific region sa pagbaba. Mayroon na lang ho tayong mga binabantayan na mga regions ngayon katulad ng Region XI at Region XII specifically po, iyon po ang ating mga ospital na kailangan lang pong mabigyan ng katugunan.
Ang atin pong ginagawa of course, we closely monitor. Nagbibigay po tayo ng karampatang tulong at guidance sa atin pong mga regional at saka mga local governments. And what would be most important, kahit po sa kasagsagan ng pagtaas ng atin pong mga kaso, nagbabakuna po ang ating local government.
So, tuloy-tuloy po ang pagbibigay po ng ating bakuna sa mga lugar especially those areas that are having increase in the number of cases right now.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, USec. Vergeire. Ang tanong naman pong susunod ay mula kay Ivan Mayrina ng—Iyong second pong question ni Red Mendoza, nasagot ninyo na, USec. Vergeire and Sec. Karlo about iyong sa petition noong edad lima hanggang labing-isa.
Tanong po ni Ivan Mayrina—iyong first question niya, natanong na po ni Mela, nasagot na rin ni Secretary, about the President’s check-up at saka iyong second question niya, nasagot na rin po ni Secretary, about iyong how is the President running things and where is he staying now, Sec. Karlo?
CABSEC. NOGRALES: Malacañang po. Nasa Malacañang po and tuluy-tuloy naman po ang trabaho ni Pangulo even when he was in quarantine. Ang kaibahan lang ngayon is he’s out quarantine, so tuluy-tuloy pa rin iyong trabaho niya sa Malacañang.
USEC. IGNACIO: Sunod po niyang tanong: What does the President have to say about the Senate Blue Ribbon Committee report that states that the President betrayed public trust with his actions in the Pharmally deal and that the committee recommended the filing of charges against him when he steps down from the office?
CABSEC. NOGRALES: Well, partial at unofficial pa naman po sa wala pa namang in-adopt na committee report.
USEC. IGNACIO: Opo. From Raphael Bosano ng ABS-CBN News for USec. Vergeire: Nabanggit po ng mga experts na hindi magiging madali o mabilis ang pagdeklara sa COVID bilang isang endemic disease. Kung dumating po ang point na ma-control na nang lubusan ang COVID sa bansa kahit hindi pa idinedeklara ng WHO na tapos na ang pandemic, can the DOH still be the one to declare victory over the virus?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, unang-una, mahirap po mag-declare ng end of pandemic na Pilipinas lang. Because as the pandemic’s definition would be, it closes borders, it includes other countries and territories.
So, mahirap na Pilipinas [lang magdeklara]. But of course, ang Pilipinas, ang bansa natin can always declare iyong success natin sa mga istratehiya nating ginawa. But having to declare na end na pandemic sa Pilipinas lang would be impossible ‘no, it’s out of definition.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya, is the DOH confident that the public has already had a change in mindset na kahit lumuwag na ang bansa ay people will really take it upon themselves to control further spread of the virus.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, I’m very confident about that. Nakita po natin noong nagsitwasyon ng Omicron katulong po natin ang mga kababayan natin kung bakit bumaba ang mga kaso. But of course, aside from vaccination, ano? Pero sabi natin hindi lang po bakuna ang arm natin, ang ating puwedeng gamitin para makalabas po tayo sa estadong ito, kailangan iyong tulung-tulong po tayo na nagko-comply sa safety protocols.
And we’ve seen that during this Omicron situation na tumulong po ang ating kababayan. Nobody wants to have another lockdown. So, I think, ang atin pong lahat na direksiyon ay iyong pagtutulungan natin at ng atin mga citizens. We are now going to have that behavior, kung saan nagsi-self regulate po ang bawat mamamayang Pilipino.
USEC. IGNACIO: Opo, last na lang po Cabsec. Clarification lang po ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Tama po ba na 35,000 US Dollars ang required travel insurance coverage? Hindi po ba 3,500?
CABSEC NOGRALES: Iyong ano, ‘yung coverage. But when we talked about it the last time, it’s the coverage, but it’s not naman ano…that’s not the price, that’s not the premium you pay. The premium is much, much cheaper. Ah, siguro mga 1,000 to 2,000 pesos po ang premium sa mga insurers, reputable insurers, that has that coverage.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Karlo, Usec. Rose, and Usec. Vergeire.
CABSEC NOGRALES: Maraming, maraming salamat sa inyo, Usec. Rocky and of course, Usec. Rose, and Usec. Rosette. And sa mga miyembro ng MPC, marami rin pong salamat.
Thank you to everyone for your patience with regard to the protocols covering local and foreign nationals entering the country which we elaborated on today. These can all be found in IATF Resolution number 160, 160-A, and 160-B, which can be seen and downloaded from the official gazette. To those eagerly awaiting the arrival of their loved ones from abroad, advance Happy Valentine’s po.
Before wrapping up, we wish good luck and God speed to the more than 11,000 barristers taking the bar examinations being held today and on Sunday, February 6. Give it your best shot and make your family, your alma mater, and your community proud. This is indeed your moment.
We tip our hat off to the Supreme Court, the MMDA, the local government units, school authorities and those all who worked to make this year’s bar examinations possible.
Mga kababayan, bagamat kapansin-pansin na nakakapagpahinga na tayo kahit papaano, maaga pa rin para magdeklara ng lubos na tagumpay kontra COVID-19. Ito rin ang tinuran ng World Health Organization noong Martes, February 1, 2022, when it said and I quote: “It is premature for any country to declare victory.”
Dahil dito, mariin natin nasabi sa isang panayam ngayong linggo na hindi pa napapanahong tanggalin ang umiiral na alert level system sa bansa habang may mga lugar pa rin tayo na ngayon pa lamang nag-uumpisang tumaas nang todo-todo ang kanilang vaccination rate.
Kaya naman, patuloy ang ating panawagan sa ating mga kababayan na magpabakuna na po kung ito ay available na sa inyong kinaruroonan at qualified kayong tumanggap, mag-booster po. Ligtas, epektibo at higit sa lahat libre ang mga bakuna kontra COVID-19.
Huwag sana nating palampasin ang pagkakataong makaambag sa ating kampanya sa pagligtas ng buhay. Pagpalain po nawa tayo ng Poong Maykapal.
Maraming salamat po. Daghang salamat kaninyong tanan. Amping kanunay. Happy weekend po!
USEC. IGNACIO: Thank you, Cabsec.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center