USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Muli ninyo kaming samahan para talakayin ang mga usapin na dapat ninyong malaman at maintindihan, makakasama natin sa loob ng isang oras ang mga panauhin mula sa mga tanggapan ng pamahalaan na handang magbigay-linaw sa tanong ng taumbayan.
Kaya tutok lang po, mula sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!
Nasa bansa na po ang 780,000 doses ng COVID-19 vaccines na inilaan para sa mga batang may edad limang hanggang labing isang taong gulang, ito po ang first batch ng Pfizer vaccine na binili ng pamahalaan at ito po ay gagamitin na sa Lunes para sa pagbabakuna sa mga bata. Muli namang tiniyak ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez na ligtas ang nasabing mga bakuna dahil ito ay reformulate para sa mga bata at dumaan ito sa masusing pag-aaral ng mga eksperto sa buong mundo.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Nalalapit na nga po ang planong pediatric vaccination sa mga ospital dito sa National Capital Region at upang alamin ang kasalukuyang aksiyon ng Department of Health, makakasama natin ang Co-Lead ng National Vaccination Operations Center at Medical Specialist II, Dr. Kezia Lorraine Rosario. Good morning po, Doc. Welcome back po sa Laging Handa.
NVOC DR. ROSARIO: Good morning po Usec. Rocky and sa lahat ng nanunood. Magandang umaga po!
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Kezia, kumusta po ‘yung paghahandang ginagawa para sa bakunahan dito po sa edad lima hanggang labing isa na gaganapin po sa Lunes ano po?
NVOC DR. ROSARIO: Yes, ma’am ‘no. Ang ating mga vaccination sites at ating mga local government units po ay talagang naghahanda na for the vaccination ng 5 to 11; so hinahanda nila iyong layout ng vaccination ‘no at also naghahanda din sila sa kanilang manpower na maging ready para magbigay nito. Kailangan po nilang mag-aral ulit ‘no kasi ang sabi nga ni Secretary Galvez ibang formulation ‘to so another training iyong dinadaanan nila para handa sila sa pagbabakuna ng 5 to 11.
And maganda naman iyong paghahanda ng ating mga local government units ‘no – sa NCR may 38 vaccination sites na magsisimula next week ‘no; maglu-launch lang iyong six sa sites but then ang the rest po ay mag-i-implement naman. So combination po siya, may mga hospital tayo na vaccination sites, may mga eskuwelahan tayo na vaccination sites, may mga nasa mall ‘no. May iba’t ibang ginagamit na vaccination site – may nasa mga gymnasiums, mga malalaking vaccination sites.
So ito po ay tinatawag nating pilot sites pa lamang kasi pinag-aaralan natin kung paano siya ma-implement nang maayos operationally. So tinitingnan din natin kung saan mas magandang i-implement ‘no – sa hospital lang ba or kasama na iyong mga eskuwelahan, iyong mga other vaccination sites sa ating implementation po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Kezia, ‘pag sinabi ninyong dapat ay maging maingat kasi iba nga po, reformulate itong bakuna para sa mga bata, ano po ang ibig sabihin nito para sa ating mga vaccinator po ba ito?
NVOC DR. ROSARIO: Yes, ma’am ‘no. Ang formulation naman ay very safe sa ating mga vaccine recipients ‘no and then talagang ito ‘yung suited po sa age group nila. Ang niri-retraining lang ng ating mga vaccinator ay may iba lang siyang mga protocols ‘no aside doon sa nasanayan nila sa formulation ng 12 years old and above. So more on siya sa ating mga vaccinator ‘pag retraining nila, paano pagbigay ‘no, ibang dosage iyong binibigay, paano mag-prepare ng bakuna, paano magha-handle ‘no kasi quite different siya doon sa prior na preparation or formulation ng Pfizer for 12 years old and above.
USEC. IGNACIO: Opo. ‘Pag sinabi ninyo pong iba iyong—iba po ba ‘yung protocol na dapat nilang gawin, Doc Kezia, ano po ang halimbawa nito?
NVOC DR. ROSARIO: Like for example, ma’am, doon sa ating 12 years old and above na formulation, ang binibigay natin ay .3 ml na dosage for vaccine recipient. Dito sa mga bata, smaller ‘no – .2 ml lang ‘yung binibigay natin, ang volume din ng pagdi-dilute ‘no… so ‘yung volume diluent niya iba din iyong hinahalo natin, ibang volume din iyong hinahalo natin sa vaccine para ma-mix natin iyong bakuna. So ‘yun iyong mga examples ng difference ng protocol ‘no ng unang formulation for 12 years old and above and itong bagong formulation for 5 to 11 years old po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Kezia, may tanong iyong ating kasamahan sa media. Isunod ko na po ‘yung tanong ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Ilan daw po ang inaasahang mababakunahan na 5 to 11 years old sa first day ng rollout at kailan daw po mai-expand ito sa buong bansa?
NVOC DR. ROSARIO: Yes po, salamat sa tanong ‘no. Sa ngayon ang ini-expect lang natin ay mga a thousand or so iyong mabakunahan natin kasi pilot pa lamang ito ‘no. So tinitingnan pa natin how well—paano iyong rollout, paano iyong operations at tinitingnan din natin ‘no paano iyong acceptance ng ating mga vaccine recipients, iyong mga children at saka iyong mga magulang.
So hinahanda din natin ‘no ‘yung national rollout. So ito naman po ay mangyayari on February 14 but on the pilot po, kasama po sa pilot rollout natin iyong National Capital Region, may mga sites din tayong bubuksan na po sa Region III – tatlong sites po iyon and—limang sites sa Region III ‘no and then tatlong sites sa Region IV-A and may isa din tayong bubuksan next week ‘no sa Cotabato City.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Kezia, may nadagdag po ba sa mga ospital kung saan daw pupuwedeng magpabakuna itong mga batang may edad na lima hanggang labing isa at paano daw po nadi-determine kung kuwalipikado ang isang ospital o health care facility as vaccination sites?
NVOC DR. ROSARIO: Ah, oo. Mayroon—marami po tayong mga magiging vaccination sites for the 5 to 11 ‘no. Sa National Capital Region 38 vaccination sites po ito, may mga hospital po ‘no – iyong mga DOH hospital, may tatlo tayong napili – ito po ‘yung Philippine Heart Center, National Children’s Hospital and iyong ating Philippine Children’s Medical Center. May mga hospital din ng local government units na sasama and iyong sinabi natin po na may mga malls po ‘no na magbibigay din ng bakuna – even iyong Manila Zoo ay magbibigay din ng bakuna next week.
And then—so lahat-lahat po ito – malls, schools ‘no kasama sila dito sa pagru-rollout ng 5 to 11 years old, iyong initial o pilot rollout natin. So all in all sa National Capital Region, 38 po ito, vaccination site. Ang sa Region III and IV-A naman at saka sa Cotabato City, lahat po ito ay hospital sites ‘no. So iyong lima sa Region III, tatlo sa Region IV-A at isa sa Cotabato City.
Iyong nagiging ano lang naman natin ‘no, basehan sa pag-select ng sites ay iyong kakayahan ng ating mga vaccination sites sa paghanda ng kanilang area ‘no for vaccination. So medyo malaki lang kasi kinu-consider natin iyong mga magulang na darating kasama iyong kanilang mga anak ‘no. But the rest with that ‘no, pareho pa rin iyon pag-identify natin ng mga vaccination sites base doon sa mga previous guidelines natin po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Kezia, sa kabila nga po ng inihaing petition against this vaccination drive ano po, mayroon po ba kayong datos kung ilan na po ‘yung kasalukuyang nakapag-register para po sa bakunahan at saan pong areas karamihan ang nagparehistro, Doc Kezia?
NVOC DR. ROSARIO: Yes po, Usec. Ang sa pagrehistro naman, ang nasa guidelines natin, hindi siya nagiging mandatory na magkakaroon ng registration iyong each local government units ‘no. Kasi ang alam din natin hindi lahat ng local government units ay may kakayahan na—na may digital registration. So minsan ang kapasidad lang sa ating mga local government units ay iyong ballpen/papel for their registration, barangay-to-barangay sila nag-a-identify ng mga bata.
But iyong ginawa po natin ay may mga targets na po ‘no based sa projected population ng lahat nating local government unit. Tapos pareho lang naman ‘to sa mga campaigns ng DOH ‘no, kapag may number silang nabibigay sa kanila, hinahanap po nila itong lahat ng mga bata na nakalaan sa kanila na numbers ‘no para masabi nila na talagang nabakunahan nila lahat ng bata doon sa areas nila.
Sa ngayon po, basically kasi ‘no hindi lahat nga nagsa-submit ng ating registration kasi hindi siya nagiging mandatory. Ngayon around 500,000 po ‘yung nakikita nating numbers at iyong nagsa-submit pa lang sa atin is iyong mga nasa urban area ‘no kasi sila lang ‘yung mga may kapasidad to do digital registration.
However po ang alam natin sa mga ginagawa ng ating mga health workers sa baba at through our health offices, our city and municipal health offices, alam natin na handang-handa sila at nagbahay-bahay na sila para masabi na na-inform na nila iyong lahat ng mga magulang sa vaccination campaign for the five to eleven (5-11) na magsisimula next week and hopefully nationwide sa February 14 po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Kezia, may tanong lang po ang kasamahan natin sa media, si Leila Salaverria ng Inquirer: Ilang bakuna po ang dumating for five to eleven (5-11) years old? Nabanggit ninyo halos nasa 500,000 iyong nakapagparehistro na po ngayon.
NVOC DR. ROSARIO: Yes, Ma’am ‘no. Sa ngayon ang dumating na bakuna sa atin ay 780,000 and we are expecting another delivery po this week ‘no. So around 1.5 million po ang ating number ng bakuna na dumating at darating this week po ang tinitingnan nating volume ng doses po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc Kezia, ito po ang may second dose din na katulad po doon sa adult, and papaano po iyong supply na inaasahang darating para doon sa susunod?
NVOC DR. ROSARIO: Yes, Ma’am ‘no. So Pfizer vaccine pa rin na binibigay natin sa five to eleven (5-11) years old ay two doses pa rin ito and iyong interval din niya is 21 days ‘no. So within this time period po, ang ating mga logistics team ay ini-ensure nila na iyong nabigyan ng first doses ay may katapat talaga siyang second doses at ma-ensure na on time for their second dose, may mabibigay po. And ongoing naman iyong delivery ng vaccines sa bansa ‘no, from yesterday and onwards may nakalaan na tayong mga volumes na wala pang sure indicative dates iyong others but then ini-expect natin that weekly or as the time goes on until March, may volume po tayong mari-receive within these months po for the five to eleven (5-11).
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Kezia, maliban po sa gaganaping pediatric vaccination, mayroon din pong Bayanihan, Bakunahan Program na gagawin naman sa February 10 to 11. Saan daw pong vaccination sites ito at ilan na po ang nakapag-register dito?
NVOC DR. ROSARIO: Yes ‘no. Same sa ginawa natin before na national vaccination days or iyong Bayanihan, Bakunahan. So ito po ang programa natin ‘no, magiging part 3 na ang atin Bayanihan, Bakunahan. Before, noong November at December ay naging very successful ‘no. Ito iyong mga araw talagang nakakuha tayo ng volumes ‘no or mga vaccine recipients talagang pumunta for their vaccination kasi iyong concept nito ay talagang tulungan ng ating mga stakeholders.
So magsisimula po tayo February 10 and 11, dalawang araw siya compared doon sa before na naging 3 days. But ang tinitingnan naman natin is mabakunahan natin ay around 5 million individuals. Ongoing pa iyong preparations so hindi natin masabi kung ilan na iyong na-register pa ngayon. Ini-expect naman natin na same volume iyong nakita natin na before ‘no, iyong sa NVD 1 and NVD 2 – ito din ang number of vaccine recipients na magpapabakuna sa atin.
Marami po tayong puwedeng mabigay na bakuna, especially iyong booster doses natin, may 28 million na tayong due for booster doses. So tinitingnan natin paano din mabigyan iyong lahat ng due for booster doses ng kanilang booster doses para po mabigyan sila ng additional protection.
So nationwide po tayo, iyong NVD na implementation ‘no, sabay-sabay po – from the National Capital Region down to BARMM po – lahat ng vaccination sites at magdadagdag pa tayo ng mga additional vaccination sites especially dito sa mga eco-zones, industrial parks, sa mga universities, sa schools ‘no para din mahanap na natin iyong mga may due for booster doses po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Kezia, nabanggit ninyo na 5 million po na sa dalawang araw ito po iyong target. Pero sa loob po ng buwang ito, ilan po ang target nating mabakunahan?
NVOC DR. ROSARIO: Ang tina-target po natin ay around more than 25 million ‘no – this is an ambitious number kasi tinitingnan din natin iyong due na mga booster doses at saka iyong due second doses at saka iyong percentage ng hinahanap pa nating for first doses ‘no. Tinitingnan na din natin iyong datos kung lahat ba ng adult population ay nandito sa bansa or naka-count ba iyong mga OFWs natin, ilan ba iyong lumalabas ‘no para ma-account talaga natin kung sino pa iyong adult population na kailangan nating hanapin for the first dose. So mga more than 20 million po iyong tina-target natin for this month.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Kezia, kunin ko na lamang po ang inyong impormasyon at mensahe na nais ibahagi sa ating mga kababayan partikular po sa mga magulang.
NVOC DR. ROSARIO: Salamat po, Usec., ‘no for this opportunity. Ito na din po ang time natin na magpabakuna ang ating mga five to eleven (5-11) years old ‘no. Alam natin na hindi din sila exempted sa pagkakaroon ng COVID-19 infection and at this time po, ito na po ang time na puwede din natin silang mabigyan ng proteksiyon against COVID-19. So hinihikayat natin iyong mga magulang ‘no, get the correct information; iyong mga health workers po natin ay handa na magbigay nang tamang impormasyon sa inyo. Pakinggan po natin sila and para makagawa tayo ng informed consent para sa mga bata para mabakunahan na sila.
So hinihikayat natin lahat ng magulang na to grab this opportunity sa pagbabakuna ng kanilang mga anak. In the same way ‘no, hindi pa tayo naghihinto sa ating pagbabakuna nationwide, marami pa tayong hinahanap na first doses ‘no, iyong mga individuals na hindi pa nabakunahan ‘no, may national vaccination days or Bayanihan, Bakunahan na naman tayo ulit which will be on February 10 to 11. Hinihikayat natin na pumunta kayo sa ating mga vaccination sites ‘no, hindi lang iyong hindi pa nabakunahan, iyong may due for their second doses at saka especially iyong due na rin for their booster doses.
Ang booster doses po natin ay nagbibigay ng additional protection against COVID-19, so karapat-dapat po na we’ll get ourselves boosted and get protected especially sa Omicron. Alam natin na vaccination and vaccine works, so hinihikayat natin lahat to get themselves vaccinated po.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras/impormasyon, Medical Assistant II at National Vaccination Operations Center Co-Lead, Dr. Kezia Lorraine Rosario. Mabuhay po kayo and stay safe, Doc Kezia.
NVOC DR. ROSARIO: Thank you po.
USEC. IGNACIO: Isinusulong ngayon ng Kamara at Senado, kabilang si Senator Bong Go ang panukalang mandatory benefits para sa mga health care workers at ibang frontliners na kasama sa paglaban sa COVID-19 bilang pagpupugay sa kanilang mga sakripisyo sa bayan. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Nasa 3rd phase na ang clinical trials para sa anti-corona virus pill na Molnupiravir. Ang nasabi pong trials ay bahagi ng global move ahead study ng pinangungunahan po ng isang pharmaceutical company.
Para bigyan tayo ng karagdagang impormasyon tungkol po sa trials na ito, makakausap po natin si Dr. Benjamin Co, clinical investigator mula po sa Asian Hospital and Medical Center. Magandang umaga po Doc.!
DR. BENJAMIN CO: Magandang umaga din po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Benjie, ano po ang mga findings o results mula po sa mga initial clinical trials for the anti-corona virus pill?
DR. BENJAMIN CO: Iyong unang study ay iyong moved out clinical trial. Napatunayan doon na maganda po ang anti-viral na ito against SARS-COV-2. So ginagamit na po at nakikita po natin na ginagamit na as emergency use authorization sa Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Opo.
DR. BENJAMIN CO: Available na po siya.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., pinaghahandaan na rin po itong pangatlong phase ng trial para sa Molnupiravir ano po, ano daw po iyong preparasyon ninyo para dito?
DR. BENJAMIN CO: Well, it’s not really a different phase ‘no, it’s still the phase 2, phase 3 pero, it’s a different indications. So, iba ang indikasyon po, kasi iyong moved out na clinical trial po, ang objective noon is to see kung effective po itong gamot na ito sa mga may COVID.
So, nakita natin po na talagang mas naiiklian ang sintomas at saka naiibsan iyong ibang mga sintomas ng mga pasyente at marami pong hindi nagpu-proceed para maging severe cases.
Ang clinical trial na ginagawa natin ngayon ay sa bagong indikasyon, ang ibig sabihin noon ay when we say [signal cut] it has not been proven na puwede natin gamitin ito for post exposure prophylaxis at ito po ang tinitingnan natin ngayon puwede bang magamit as post exposure prophylaxis.
Ang ibig sabihin po ng post exposure prophylaxis ay kung… kunwari ako, mayroon akong COVID at na-expose po kayo sa akin ay maaari na ba kayong uminom ng Molnupiravir para hindi kayo magkaroon ng infection.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc., maliban po dito sa Pilipinas, mayroon po ba kayong balita kung mayroon na mga bansa ito pong nagsimula na rin ng kani-kanilang trial para sa Molnupiravir at may coordination po ba kayo sa ibang mga bansa regarding sa gagawin pong trials?
DR. BENJAMIN CO: Yes, actually hindi lang po ang Pilipinas ang kasali po sa clinical trial ng post exposure prophylaxis. Dalawa pong lugar dito sa Pilipinas ang kasama, sa QMMC, kay Joel Santiaguel at saka ang Asian Hospital na under sa akin ang clinical trial na iyan.
Pero, may iba’t-ibang bansa, dalawa pong—isa, dalawa, tatlo, apat na bansa sa Asya ang kasama dito tulad ng Japan, Malaysia, the Philippines and Thailand po. Pero, there are different countries I think there about twenty plus countries including the US, Turkey, Spain, Argentina, Brazil, Columbia, France, Guatemala, Africa and Turkey and the Ukraine that are doing the clinical trial globally.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Benjie, sinu-sino daw po iyong mga puwedeng maging participants sa pag-aaral na ito, ilan ho ba iyong kinakailangan at saan daw po sila puwedeng lumapit o puwedeng kontakin, iyon daw po interesadong sumali dito sa prophylaxis trial? Doc., puwede ba daw dito iyong may mga comorbidities?
DR. BENJAMIN CO: Opo, puwede po iyong mga may comorbidities, ang importante lang po [signal cut] iyong hinahabol namin iyong mga na-expose doon sa mga may COVID. So, kunwari, mayroon kayo sa pamilya na may COVID at na-expose po kayo kailangan po doon po sa mga na-expose ay hindi pa po:
- One, nababakunahan,
- Two, hindi pa po nagkakaroon ng COVID in the past
- Three, they should be more than 18 years old.
So, if they fulfill those criteria, they can contact us at 0968-558-3091 or 0927-007-6642 tapos kami na po ang bahalang mag-assess kung qualified sa clinical trial na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc., mayroon po bang araw na dapat ikonsidera na after po noong exposure bago lumapit sa inyo?
DR. BENJAMIN CO: Basta na-expose po kayo within the first five days of exposure po. Kasi, pag masyadong matagal na naka-recover na po iyong pasyente it’s possible na… and you should live to you with the patient kasi in the house eh. So, the possibility na mayroon on going infection—circulation of the infection is already lower after the 5th day.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Benjie, maaari ninyo daw pong ibahagi sa amin kung ano raw po iyong mangyayari during this trials?
DR. BENJAMIN CO: During the clinical trial once you fulfill the inclusion of criteria, iyong puwede kayong sumali na alam namin na makakasali po kayo dahil nandoon po iyong mga datos na eligible kayo para sumali dito.
We will get in touch with you and we will randomize you, we will first secure your consent na pumapayag po kayo na maisali dito sa clinical trial na ito at makakatulong po tayong lahat sa mundo.
Kasi, ang gusto nating malaman ngayon is makakalabas ba tayo sa pandemyang ito and we can if there is a drug that can help prevent us from – iyong pag na-expose ka lang na iinom ka ng gamot hindi ka na magkakaroon ng COVID.
So, iyon po ang habol natin sa trial na ito and that’s the most important part of the clinical trial. So, what you expect is when you are eligible kami na pong bahalang mag-contact sa inyo at sisiguraduhin namin na lahat po ng safety measures and follow up measures with you are provided para ho hindi po napipinsala ang mga sumasali sa clinical trial namin.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Benjie, sakali daw pong maging successful itong gagawing clinical trials, ano po ang magiging epekto nito?
DR. BENJAMIN CO: Maganda po pag successful ang clinical trial na ito, ang ibig sabihin niyan magdadagdag tayo ng indications dito sa gamot na ito. Hindi lang pag nagkaroon ka ng COVID pero magagamit mo na din ito pag na-expose ka sa isang tao na may COVID hindi mo na kailangan maghintay ng sintomas.
So, iyong part na iyon po dapat may symptoms ka bago ka puwedeng maresetahan o mag-positive ka bago ka puwedeng maresetahan nitong Molnupiravir ay nandoon lang po tayo sa phase na iyon.
Ngayon kung iyong na-expose po kung effective din siya sa mga post exposure, iyong mga kasama natin na nakatira sa bahay lalo na iyong may comorbidity na matatanda na kasama sa bahay tapos na-expose sila sa isang may COVID. Siyempre po mas maganda na mayroon na silang gamot na naagapan po iyong mga sintomas at hindi po nagkakaroon na ng COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Benjie, kunin ko na lamang po iyong inyong mensahe para sa ating mga kababayan partikular po doon sa mga nagnanais sumali dito sa clinical trials na ito.
DR. BENJAMIN CO: Yes, there are two centers that in the Philippines. Nakakatuwa po na kasama po ang Pilipinas sa mga clinical trial na ganito. So, we encourage people to get in touch with either QMMC or Dr. Joel Santiaguel or through Asian Hospital and Medical Center.
The number of Quirino Memorial Medical [Center] is 0917-841-3314, and again for Asian Hospital and Medical Center 0968-558-3091 and 0927-007-6602. We promise that it will be worth your while and at least we will be able to contribute po to the science of getting out of these pandemic.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Benjie, kami po ay nagpapasalamat sa inyong paglalaan ng panahon at impormasyon sa aming programa. Dr. Benjamin Co, clinical investigator of Asian Hospital and Medical Center. Ingat po kayo.
DR. BENJAMIN CO: Maraming salamat din at ingat din po.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. Base sa report ng DOH kahapon, ika-apat ng Pebrero 2022, nadagdagan po ng 8,564 ang bilang ng mga bagong kaso, kaya naman po umabot na sa 3,594,002 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
10,474 naman po ang new recoveries. Dahil diyan umabot na sa 3,388,399 ang kabuuang bilang ng mga gumaling. Mayroon naman pong naitalang 46 na nasawi, kaya umakyat na po sa 54,214 ang ating total death tally. Samantala, 151,389 (4.2%) naman po ang nananatiling active cases.
Atin naman pong kumustahin ang magiging lagay ng pagsasagawa ng licensure examination sa new normal. Makakasama natin ngayon umaga si Chairperson Teofilo Pilando, Jr., ng Professional Regulation Commission. Good morning po, Chair.
PRC CHAIRPERSON PILANDO JR: Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong lahat ng mga nakikinig.
USEC. IGNACIO: Chair, mula po sa pagpapatupad ng community quarantine na ngayon po ay naging alert level system para laban ng bansa ito pong kasalukuyang pandemya. So, kumusta po ang naging pagsasagawa ng licensure examination nito pong nakaraang taon?
PRC CHAIRPERSON PILANDO JR: Well, compared noong 2020 kung saan 11 out of the 85 examinations ang na-conduct namin, noong 2021 po nakapag-conduct ang commission ng 62 out of the 101 scheduled licensure examinations.
Of course hindi po naging madali ang pagsasagawa ng mga examinations last year dahil ongoing pa rin po ang pandemya at saka pabagu-bago pa rin ang mga community quarantine classifications, travel restrictions at saka safety protocols but we were able to conduct these examinations.
We have coordinated and seek the approval of the national and local IATF, local government units and other involve agencies at siyempre po whether we had also to consider and balance iyong safety ng examinees, mga exam personnel at saka iyong pangangailangan ng bansa ng mga competent professionals.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, naibalik na po ba natin itong sinasabing karaniwang bilang ng mga isinasagawang exams kumpara po noong magsimula iyong pandemya noong 2020?
PRC CHAIRPERSON PILANDO JR: Opo. Ngayon relatively normalize na. In fact, despite the surge of the COVID cases early this year, iisa lang po ang postponed namin, iyong examination ng dentist practical exams sa NCR dahil iyong alert level classifications ng NCR.
Sa iba pong mga regions natuloy po ang examinations na ito. Hindi po ito natuloy dahil face-to-face ito. So, we had to comply with the rules, pero na-postpone po ito for a March. Hopefully the same relaxed quarantine classifications with would prevail in March, dahil dito po mga more than 1,000, almost 1,500 examinees sa examination na ito ang affected.
USEC. IGNACIO: Opo, go ahead Sir, go ahead.
PRC CHAIRPERSON PILANDO JR: Rest assured po, the commission is committed to administer all the scheduled examinations for 2022, since the exams provide the professionals growth and provide the better career opportunities of professionals ensuring the quality of professionals that will be serving the public especially during this time of the pandemic.
Pero nananatili po na sensitive ang komisyon sa mga sentiments ng mga examinees at saka ibang mga stakeholders kagaya ng eskuwelahan, mga professional organizations regarding their scheduled and administrations of the examinations.
USEC. IGNACIO: Opo Chair, ilan naman po iyong itinakda ng PRC na isasagawa ngayong taon na mga licensure examinations at ano daw po iyong paghahanda ang ginagawa ng inyong tanggapan para po masiguradong talagang maidaraos po ito na safe iyong ating mga examinees?
PRC CHAIRPERSON PILANDO JR: Ngayon pong taong 2022, may 92 po na licensure examinations na ini-schedule para sa ating bansa at saka in the country and perhaps we can also o ituloy din namin iyong tinatawag namin special professionals licensure examinations in selected cities overseas provided the COVID-19 restrictions will allow not only in the Philippines but in those host countries. Kasi, po nagku-conduct din po tayo ng eksaminasyon kung saan mga mga concentration ng mga Filipino professionals para hindi na sila kailangan bumalik sa bansa.
Bago po mag-postpone nagsasagawa po ang komisyon ng proper coordination with the requesting stakeholders at saka iyong concerned board on the basis at saka feasibility of their request for postponement.
And sa tanong po ninyo with regards doon sa anong mga ginagawa to ensure iyong safety ng examinations, kami po ay nakikipag-ugnayan sa DOH, sa PNP at saka sa IATF and in fact we came out with the joint administrative order noong July 2021 which contains the revised standard guidelines on the strict observance on health protocols in the conduct of licensure examinations.
This is with and in view that despite the current pandemic, the commissions still have to proceed with the conduct of their examinations but with the proper safety protocols. And aside pod ito, magpapatuloy po ang aming pagmu-monitor sa mga pagbabago ng mga guidelines hindi lang ng IATF but even local government units at saka mga ibang government agencies and in fact, our regional offices are tasked to coordinate with the additional requirements of the local IATF.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, kaugnay po ng nasabing usapin, mayroon pa rin po ba kayong prioritization na ginagawa ang inyong ahensiya para po sa idaraos na examinations ngayong taon? At kung mayroon po ano? Para saang mga propesyon po ang mga ito?
PRC CHAIRPERSON PILANDO JR: Well, unlike noong 2020 at saka early 2021 na noong umpisa noong pandemya at saka noong public health emergency, health related licensure examinations were prioritized. Ngayon po, we are confident that we don’t have to prioritize these disciplines but to give priority to all dahil lahat po ng ma aspiring professionals, have to be able to take their examinations.
Although, currently, we still have to a certain extent, give allowances para dito sa mga health related disciplines dahil sila po, I mean, hindi lang in demand dito sa bansa natin but even overseas, ang mga health related professions ang kinakailangan.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, hinggil naman po sa pagsasagawa ng computer-based exams, gaano na ba karaming licensure exams po ‘yung naisagawa sa pamamagitan nito noong 2021 at ilan na po ‘yung mag-a-adapt nito ngayong taon?
PRC CHAIRPERSON PILANDO JR.: Well, masaya po kami to inform you that the Commission was able to implement its in-house computer-based Licensure Examination last year. Particularly sa licensure examination ng geologist at maganda po ang naging feedback mula sa mga examinees at saka examiners dahil sa convenience at saka sa speed.
Ang system pong ito ay idinevelop ng ating ICT at ng Licensure Office, it would still require a common exam venue at fixed exam schedule but using a computer. This way it would be a transition from the conventional pen and paper exam and would be more manageable given current conditions.
We may be able still to modify these further in the future if needed for an exam on demand, meaning an examinee being able to take the exam anytime at anywhere. But again, these will depend on the rules, the technology, available resources, and acceptability by all concerned stakeholders.
Given limited resources, we are also looking at availing of services of qualified service providers like in other countries where they provide computerized licensure examinations.
USEC. IGNACIO: Ah, Chair…
PRC CHAIRPERSON PILANDO JR.: [garbled] with applicable loss in the country not only on the particular professions but also rules on procurement, privacy, and technology. Ah, scheduled din po naming gamitin itong -in-house CBLE para sa Psychologists Licensure Examination next week. In fact, for this particular exam, it would also be a test for a hybrid model wherein the exams in the NCR will be computer-based while that in Cebu will be in pen and paper due to the current connectivity issues they at.
Whether a particular examinee uses CBLE or not, ito po ang mga considerations natin sa ngayon:
- First, ‘yung dami po ‘nung mga examinees, given the current and limited resources for CBLE, the Commission only can accommodate small scale examinations for now.
- Secondly, is the, would be the availability of testing centers in the country with the required connectivity, space, equipment, and personnel,
- And third, the preparedness of the complete profession to shift to computer-based licensure examinations from the conventional pen and paper.
There should be no impediment from the professional regulatory law or from the nature of the exam itself; moreover, the examinees, at saka ‘yung academic community that trained these examinees should be open to these initiatives.
As of now po, aside from the psychologist exam, the Commission is looking at having the following licensure examinations to adopt the Computer-based Licensure Examination. Ito po ‘yung Aeronautical Engineering, Dental Hygienist and Technologist, Geology, Guidance and Counseling, Meteorological Engineering, Naval Architecture, at Sanitary Engineering.
USEC. IGNACIO: Opo, Chair, kinu-consider po ba ng inyong tanggapan na gawing requirement para po sa mga kukuha ng licensure exam ito pong pagkakaroon ng bakuna laban sa COVID-19?
PRC CHAIRPERSON PILANDO JR.: Ah, opo, the Commission strives to strictly implement the health and safety protocols during the preparation, administration, and post activities of examinations para nga po ma-minimize ang risk para sa mga examinees, examination personnel, the board, and for everyone.
Nabanggit ko kanina, sinusunod ng PRC ang protocols na nakasaad sa CHED Administrative Order, gaya ng pagri-require ng negative RT-PCR test results or certificate of 14 day quarantine, as well as the usual physical distancing, wearing of facemask, thermal scanning, and the like. Sumusunod din po ang PRC sa mga additional requirements ng mga local IATF or local government units, kasi minsan ‘pag minsan nagri-require pa rin sila ng antigen, additional test, and the like.
The Commission, encourages everyone to be vaccinated. In fact, ngayon, nakikipag-ugnayan na kami with the DOH and IATF para ma-amend ‘yung joint administrative order namin para tanggapin na lang din ‘yung vaccination card in lieu of ‘yung RT-PCR test of certificate of quarantine para sa mga examinees at saka mga exam personnel.
USEC. IGNACIO: Doc, Chair, saan naman daw po maaaring makita ng ating mga kababayan ang schedule gayon din daw po ‘yung mga requirements para po sa licensure examination, ganoon din daw po kung sila ay may concerns at tanong hinggil dito. Kunin ko na rin po ‘yung inyong mensahe sa mga mag-e-exam.
PRC CHAIRPERSON PILANDO JR.: Thank you. Ah, well, very accessible po ‘yung mga schedule at saka requirements ng examinations sa aming website. Ang website po ng PRC is would be prc.gov.ph and then may links po doon para sa exact schedule of examination and requirements for the examinations, and doon din po ang mga phone numbers or other email addresses ng mga opisina po ng PRC all over the country, as well as ‘yung kung ano ‘yung mga opisinang may jurisdiction po sa mga concerns ninyo.
And, on behalf po of the Commission, I would like to thank the public in understanding the limitations of PRC as it faces this pandemic. But then we are doing our best to continuously and efficiently serve you. Hindi pa rin po tapos ang laban sa COVID-19 kaya patuloy pa rin po ang hinihingi namin na pag-unawa kung naantala man ang delivery ng aming mga serbisyo o nagkaroon ng mga postponement ang mga examinations.
USEC. IGNACIO: Opo.
PRC CHAIRPERSON PILANDO JR.: Rest assured that we in the Commission are one with you in hoping that all scheduled examinations will push through. Isang malaking konsiderasyon po sa amin ‘yung kapakanan at kalusugan ng examiners at saka mga examination personnel. Amidst this pandemic, together let us continue to hurdle all the challenges as we continue to promote excellence and integrity in the professions.
USEC. IGNACIO: Okay.
PRC CHAIRPERSON PILANDO JR.: Maraming salamat po!
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyong oras at impormasyon, Chairperson Teofilo Pilando Jr. ng Professional Regulatory Commission. Stay safe po, Chair!
PRC CHAIRPERSON PILANDO JR.: Thank you, stay safe.
USEC. IGNACIO: Samantala, updates sa areas under granular lockdown, issue sa election gun ban at mga preparation para sa campaign period, atin pong pag-uusapan, kasama naman po natin si PCOL. Jean Fajardo, ang spokesperson po ng Philippine National Police. Good morning po, Colonel.
PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Good morning po, Usec. Rocky Ignacio, at sa lahat po ng inyong masugid na tagasubaybay sa inyong programa.
USEC. IGNACIO: Opo, Col., sa ngayon kumusta po ‘yung areas na kabilang sa nag-i-implement po ng granular lockdowns; ilang lugar po ba ang nasa ilalim pa rin ng lockdown ngayon?
PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: As of February 4 po, Ma’am, eh bumaba na po ‘yung mga areas under granular lockdown. Nasa 489 na lang po ang total number of areas na nasa granular lockdown po.
USEC. IGNACIO: Opo, Col., saan po itong mga lugar na ito?
PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Ma’am, buong kabuuan na po ‘yan, ang pinakamarami na areas na nasa granular lockdown ay nasa Cordillera Region, nasa 391; and then sa Region 2, Ma’am, nasa 81 po; and the rest po ng ibang lugar ay mabababa na po ang bilang.
USEC. IGNACIO: Opo, Col., kung sakali lang po ‘no, ilan na po ‘yung mga nahuli at nakasuhan lumabag sa protocols and restrictions dito po sa mga areas under lockdown?
PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Yes, Ma’am, sa kabuuan po nationwide, Ma’am, umabot na po ng 97,336 ang nawarningan, ang nabigyan na po ng penalty, ng fine, Ma’am, nasa 10,ooo na po ang kabuuan nationwide at karamihan po diyan, Ma’am, ay doon sa NCR po, Ma’am. Nasa almost 12,000 na po, Ma’am, ang nawarningan, at nasa almost 3,600 na po, Ma’am, ang nagbayad ng fine.
USEC. IGNACIO: Uh, Col., dumako naman po tayo dito sa pinaiiral na o paiiralin pong gun ban para po sa election period ngayong taon. Ilan na po ba sa mga kabuuang bilang ng mga nahuli ng violators sa panukalang ito at saang areas po ang may pinakamaraming nahuli?
PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Yes, Ma’am, as of February 9…ay—February 5, I should say Ma’am, ay umabot na po, Ma’am, ng 699, Ma’am, ang operations po na kinonduct po ng PNP para po I-implement ang gun ban, at mayroon na po tayong naaresto na 618 na katao na lumabag po sa umiiral na gun ban, at karamihan po ay sa naaresto po na ‘yan, Ma’am, ang pinakamarami po ay nasa NCR na po.
USEC. IGNACIO: Anu-ano raw po ang mga parusang ipapataw, Colonel, sa mga nahuling violators or ano po ang mga babala ninyo sa publiko tungkol sa usaping ito?
PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Yes, Ma’am, ‘no mahaharap po sila, Ma’am, sa paglabag po sa Omnibus Election Code o Batas Pambansa bilang 881. May prohibition po sa pagdadala po ng mga firearms outside of residence and business areas po nila.
At ang panawagan po natin, Ma’am habang papalapit po ang ating election proper, at magsisimula na po, Ma’am, ang campaign period sa February 8 ay pinapaalala po namin na bawal po ang pagdadala ng anumang klase ng baril except of course iyong mga authorized under the COMELEC Resolution, katulad po ng mga members po ng law enforcement agencies, at ‘yun pong mga disbursing and cashier personnel po ng ating mga financial institution. Iyon lang po ang mga awtorisadong magdala at siyempre po, kailangan po silang mag apply sa COMELEC ng exemption para po hindi po sila kasuhan ng pagbabawal ng pagdadala ng baril. Iyon po.
USEC. IGNACIO: Colonel, aside from that, ano pa po ang mga paghahanda at plano na ginagawa ng PNP para po sa campaign na magsisimula po sa February 8?
PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Yes po, Ma’am, patuloy pong nakalatag ang ating mga PNP-COMELEC Checkpoints, pati na rin po iyong mga police personnel po natin to increase ‘yung police visibility lalo na po, Ma’am, doon sa areas na pagdadausan po ng mga campaign sorties ng ating mga national candidates, simula po sa Lunes.
Kaya naman po ang aming paalala po at sa ating mga kandidato at sa kanilang mga supporters, sundin lamang po ang guidelines na ibinigay ng COMELEC pursuant po doon sa COMELEC Resolution 10732, na doon po sa pagka-conduct ng kanilang election activities, ay pinagbabawal po ang overcrowding particularly, Ma’am, doon sa mga indoor areas kung saan sila magdadaos ng kanilang kampanya. Bawal, Ma’am, ang pakikipagkamay, bawal po ang pagbebeso-beso, bawal din po, Ma’am, ang pagkuha ng mga pictures, ang mga selfies, at saka iyong pagbibigay po ng mga pagkain at tubig, distribution.
Any form of physical contact po ay ipinagbabawal. Ngayon, Ma’am, kung sila naman po ay magha-house-to-house campaign at magdi-distribute po ng flyers, bawal po, Ma’am, pumasok sa mga bahay, kahit pa po may permiso ang may-ari ng bahay. Para maiwasan nga po ang overcrowding. So, ito po ay nakalahad po sa ibinaba po na guidelines po ng COMELEC, Ma’am.
USEC. IGNACIO: Opo, kunin ko na lamang, Colonel, ang inyong mensahe sa ating publiko lalo na po itong nalalapit ring kampanya?
PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Yes po, Ma’am, maraming salamat po sa pagbibigay po ng opportunity sa amin. Sa amin po, sa PNP po, patuloy po kaming nagpapaalala, sa atin pong mga kandidato, sa kani-kanila pong mga organizer at supporters. Sana po, tayo po ang manguna sa pagsunod po sa mga umiiral na guidelines na itinakda po ng COMELEC. Lalung-lalo na ngayon na, Ma’am, na patuloy pa rin nating hinaharap ang pandemya na ito. Pilitin po nating sumunod sa mga pinaiiral na minimum public health protocol/standards para maiwasan pa rin po ang pagkalat ng COVID virus po.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at impormasyon, PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo. Ingat po kayo.
PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Thank you, Ma’am, at maraming salamat po!
USEC. IGNACIO: Samantala, makibalita naman tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t-ibang mga lalawigan sa bansa. Puntahan natin si Aaron Bayato ng PBS – Radyo Pilipinas
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato.
At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.
Ang Public Briefing ay hatid po sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayo sa Lunes, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center