USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao at sa lahat po ng mga Pilipinong nakatutok sa atin ngayong umaga saan mang panig ng mundo, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
Ngayong Lunes, February 7, sisimulan na ang bakunahansag mga batang edad lima hanggang labing-isang taong gulang (5-11 years old) sa mga piling lugar sa Pilipinas at kasabay po diyan ay pag-uusapan din ang iba pang maiinit na issue sa bansa na may kinalaman pa rin sa COVID-19 pandemic. Ganoon din po sa pagsisimula ng campaign period sa eleksiyon 2022.
Simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Nagsimula na nga ngayong araw ang pagbibigay ng pamahalaan ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga edad lima hanggang labing-isa (5-11) at kabilang sa mga naglunsad nito kaninang umaga ay ang National Children’s Hospital. Ang sitwasyon doon, alamin natin mula ating kasamang si Rod Lagusad. Rod?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Rod, puwede bang magtanong? Sa kasalukuyan, wala namang naire-report na may mga bata na may ibang klaseng naramdaman matapos maturukan?
ROD LAGUSAD/PTV4: Usec. Rocky, doon sa nakausap natin na bata na nabakunahan, so far is, wala naman na siyang nararamdaman at wala pa namang naiulat ang pamunuan ng ospital kung sa mga batang kanilang nabakunahan ay nakatanggap o nakaramdam sila ng mga agarang adverse effect.
Pero sinabi rin naman ng mga eksperto na itong pagkakaroon ng mga side effects ay normal lang at nananatili pa ring ligtas ang mga bakuna.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Rod Lagusad.
Nagsimula na nga kanina ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad lima hanggang labing-isang gulang (5-11 years old) dito sa Metro Manila. Ang Senate Committee on Health, hinimok ang mga magulang na makiisa, narito ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At kaugnay pa rin po ng bakunahan sa mga batang edad lima pataas, atin pong makakausap si Dr. Rontgene Solante, Infectious Diseases Expert at miyembro ng Vaccine Expert Panel. Good morning po, Doc.
VEP MEMBER DR. SOLANTE: Good morning, Usec. Rocky, and good morning also to our viewers.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ngayong simula na nga itong bakunahan sa mga bata, gaano ba talaga kahalaga na pati sila po ay mabigyan ng proteksiyon kontra COVID-19 sa pamamagitan ng mga bakuna?
VEP MEMBER DR. SOLANTE: Well, this is an important step of the government, Usec. Rocky ‘no, because you know children, especially 5 to 11 years old are also as vulnerable as the elderly. So, kung ibig sabihin natin vulnerable ang 60 years old and above, this has the same vulnerability as this age group in terms of getting COVID and getting the severe COVID infection, and that’s why it’s an important step extending this vaccination, protecting this population is an important step of our government, to protect the community.
USEC. IGNACIO: Opo, Doc, gaano po ulit kaepektibo itong reformulated Pfizer vaccine sa mga bata, sa ganitong age group, base po sa mga clinical trials sa ibang bansa?
VEP MEMBER DR. SOLANTE: Well, ang pivotal trial nito na ginawa sa US, it was 90% protective against infection, getting COVID and severe COVID ‘no? So, mataas ang protection. Tapos, iyong data sa US naman, 8.7 million na mga bata nabigyan ng bakuna, it prevented the complication of COVID up to 91% especially iyong tinatawag natin na multi-system inflammatory syndrome na which is also a very complicated and high risk for mortality sa mga bata na komplikasyon ng COVID.
USEC. IGNACIO: Opo, Doc, tama po ba na parehong formulation at brand na inyong ginagamit na bakuna sa pediatric population sa ibang bansa kagaya po sa Estados Unidos at ano po ang mga side effect iyong naranasan doon?
VEP MEMBER DR. SOLANTE: Yes, pareho lang ang formulation na ginagamit nito sa ibang bansa na nagpapatupad na ng pagbakuna sa five (5) to eleven (11) years old ‘no, and tandaan natin ang mga adverse event nito are commonly self-limited. Ang pinaka-common ay iyong pain, masakit doon sa binakunahan na braso. Mayroong iba na masakit ang katawan ‘no, masakit ang ulo, but most of the time ‘no, majority, this is self-limited. So, 24, 48 hours after that, this will disappear. This vaccine has been proven to be very safe because of the very low adverse event na nakikita na doon sa mga bansa na nagsagawa ng bakunahan sa five (5) to eleven (11) years old.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, paano po puwedeng i-manage ng mga magulang ang mga posibleng mild side effects na mararanasan ng kanilang mga anak sa oras po na mabakunahan ang mga ito?
VEP MEMBER DR. SOLANTE: Okay. So, kagaya ng sinabi ko, kung medyo masakit ang katawan, masakit iyong area kung saan binabakunahan, painumin ng paracetamol ‘no, so after the vaccination. At importante rin, Usec. Rocky, na makipag-coordinate sila sa mga attending physicians nila o sa mga vaccination center kung may karadagang nararamdaman na sa tingin nila dapat I-report pa rin sa mga vaccination center at doon sa doktor nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ilan na po ba ang pediatric population worldwide ang nabakunahan for COVID-19. Ilang porsiyento po nito ang sinasabing nakaranas daw po ng adverse side effect?
VEP MEMBER DR. SOLANTE: Well, kung titingnan natin ‘no, let’s just say, ang nabakunahan na sa US mga around 8.7 million na and then sa ibang bansa let’s say mga two to three million kasi ang US naman kasi ang unang naglunsad nitong five to eleven (5-11), and nakikita doon sa mga adverse event iyong less than 2% lang ang nakikitang adverse events, especially iyong nakikita iyong tinatawag natin na myocarditis na napaka-rare na adverse event and most of those na nagka-adverse event ay also recovered ‘no, walang namamatay dahil doon sa mga adverse event.
USEC. IGNACIO: Opo. Paano naman po sinisiguro ng pamahalaan na magiging komportable at maayos daw po iyong proseso na pagdadaanan ng mga bata sa gagawing pagbabakuna sa kanila?
VEP MEMBER DR. SOLANTE: Okay. So, ang government is designating specific vaccination centers sa mga hospital ano and these are centers na talagang patterned in vaccinating sa ganitong klaseng edad and at the same time hiwalay doon sa mga bakunahan sa mga adult and more importantly, ang nagbabakuna talaga dito ay iyong talagang sanay magbakuna sa mga bata ‘no, iyong mga pediatric doctors natin at saka iyong talagang trained to give the vaccine to this age group. So, talagang they underwent training at saka iyong mga tinatawag nating mga [seminar] to reorient them again kung ano ang mga kailangang gawin sa pagbakuna ng mga ganitong klaseng edad ng bakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, ano naman po iyong reaksyon ninyo dito sa petisyon ng ilang magulang na ipatigil po itong bakunahan sa mga bata? Ang isa rin sa sinasabi nila daw po ay wala naman daw po kasing pananagutan ang pamahalaan sakaling may mangyari sa kanilang mga anak. Totoo po ba ito?
VEP MEMBER DR. SOLANTE: [TECHNICAL PROBLEM] statement ano kasi unang-una, baka hindi lang nila alam gaano ka-importante ang bakuna sa mga bata ‘no. And nakikita na natin na ang mga bata ay isa sa mga target ng COVID na kapag nagka-COVID ka, napaka-severe ng infection, napaka-severe ang course.
So, siguro we need to educate, we need to inform them the importance of vaccination at this point in time. Hindi naman dahil walang indemnification o iyong adverse event [TECHNICAL PROBLEM].
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, may tanong po ang ating kasamahan sa media sa inyo ano. Tanong po ni Mela Lesmoras ng PTV: Sa susunod na linggo magdedeklara na naman po ng bagong alert levels ang gobyerno para sa buong Pilipinas. Dito po sa NCR, ano po ang inyong rekomendasyon bilang infectious disease expert? Kaya na po bang magluwag sa Alert Level 1 o mag-stay muna tayo sa Alert Level 2?
VEP MEMBER DR. SOLANTE: In my opinion, Usec. Rocky ‘no, siguro we still need to stay in the Alert Level 2. It’s too early and I think it’s too drastic to change to a lower alert level like Alert Level 1 ‘no.
Tingnan muna natin in the next two weeks kung medyo maganda ang palo ng mga kaso natin, mas mababa na, then let’s see, kasi medyo mahirap kung agad babaan ang alert level.
Remember, mataas pa rin ang mga kasong nakikita natin, mataas pa rin ang hawaan and we need to be vigilant about these numbers na dapat hindi lang tayo diri-diretso na magbaba kaagad ng alert level.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag na tanong po ni Mela Lesmoras: Ngayong marami na ulit tayong mga kababayan na namamasyal dahil sa pagluluwag daw po ng protocols at nalalapit pa ang Valentine’s Day, ano po ang paalala ninyo sa ating mga kababayan para hindi na muli magkaroon ng COVID-19 surge?
VEP MEMBER DR. SOLANTE: Paalala lang po sa lahat: We’re not yet off the pandemic ‘no, we’re still in the pandemic period.
Paigtingin ang mga bakuna, especially now na mayroong five to eleven (5-11) years old. Huwag kalimutan ang health protocol kagaya pagsuot ng face mask at iwasan muna ang mga gatherings especially those gatherings na hindi naman napaka-importante ‘no.
Maganda na ang indikasyon na bumaba ang kaso, huwag nating [TECHNICAL PROBLEM].
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene medyo naputol kayo sa bandang huling bahagi ng inyong sinabi, na huwag po tayong magpakakampante, tama po ba ito?
VEP MEMBER DR. SOLANTE: [TECHNICAL PROBLEM].
USEC. IGNACIO: Babalikan po natin si Doc Rontgene, ayusin lang po natin ang linya ng ating komunikasyon. Pero maraming salamat po sa inyo, mag-ingat po kayo. Dr. Rontgene Solante, infectious diseases expert at miyembro po ng Vaccine Experts Panel.
Samantala, alamin naman natin ang sistemang ipinatupad sa Philippine Heart Center para sa pagbabakuna kontra COVID-19 ng mga batang edad lima hanggang labing-isa (5-11), nandoon po ang ating Louisa Erispe. Louisa?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Louisa Erispe.
Samantala, nakapagtala ang Department of Health ng 8,361 na mga dagdag na nahawaan ng COVID-19 sa bansa kahapon. Bahagyang mas mataas po iyan mula sa 7,689 cases na naitala naman noong Sabado.
Dahil dito ay muling umakyat sa 3,609,568 ang total COVID case sa Pilipinas. 18,431 naman po ang mga bagong gumaling sa sakit na umabot na sa kabuuang bilang na 3,428,815 total recoveries; habang 54,526 naman ang lahat ng mga nasawi na kahapon po ay nadagdagan din ng 312 new deaths.
Sa kasalukuyan 3.5% ang total cases o katumbas ng 126,227 active cases ang nagpapagaling pa rin mula sa sakit.
Samantala, sa ibang balita, nagpahayag naman ng buong suporta si Senate Committee Chair on Sports Senator Bong Go sa nag-iisang pambato ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics na si Asa Miller. Narito ang detalye.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Balikan din po natin si Dr. Rontgene Solante. Doc Rontgene ulitin ko lang po iyong tanong ni Mela Lesmoras. Ngayong marami na ulit daw pong mga kababayang namamasyal dahil sa pagluluwag ng protocols, nalalapit pa ang Valentine’s Day, ano daw po ang paalala ninyo sa ating mga kababayan para hindi na muli magkaroon ng COVID-19 surge?
VEP MEMBER DR. SOLANTE: Well, hindi tayo lalabas kung walang bakuna (garbled)
USEC. IGNACIO: Opo. Medyo mahirap pa rin ang ating linya ng komunikasyon kay Doc Rontgene. Susubukan po natin siyang balikan maya-maya lamang.
Samantala, aabot naman po sa higit 80 bata na edad lima hanggang labing-isa (5-11 years old)ang babakunahan kontra COVID-19 ngayong araw sa Philippine Children’s Medical Center. Ang update doon alamin natin mula kay Mark Fetalco. Mark?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Mark Fetalco.
Samantala, puntahan po muna natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, kasama po natin si John Mogol. John, good morning!
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
Samantala, kumustahin naman natin ang mga industriya sa bansa isang linggo matapos muling ipatupad ang Alert Level 2 sa mga piling lalawigan, kabilang po ang National Capital Region at iba pang usapin. Alamin po natin iyan mula kay DTI spokesperson, Undersecretary Ruth Castelo. Good morning po, Usec.
DTI USEC. CASTELO: Hi, Usec. Magandang umaga po sa lahat.
USEC. IGNACIO: Usec, isang linggo matapos ibaba sa Alert Level 2 itong Metro Manila at iba pang lalawigan sa bansa, ilang mga Pilipino po ang tinatayang nakabalik na sa kani-kanilang mga trabaho?
DTI USEC. CASTELO: Usec, kasi I have to explain also iyong operating capacity natin, nag-increase by 20%, since we have gone to Alert Level 2. Iyong dating 30% operating capacity indoor, naging 50 na ngayon and then iyong dating 50% na outdoor naging 70 na. So, iyong 20%, according to DTI estimate, we have around 100 to 200,000 jobs na makakabalik. According to NEDA estimate naman, this is around 16,000 jobs weekly na makakabalik under Alert Level 2.
USEC. IGNACIO: Usec, sa bahagi naman po ng DTI, kayo po ba daw ay pabor sa idea na unti-unting pag-alis ng alert level system sa Pilipinas? Sang-ayon po ba kayo na kailangan nating mag-move-on sa endemic mindset?
DTI USEC. CASTELO: Usec, basta dahan-dahan hindi naman biglaan, kasi kailangan din nating iayos iyong mindset naman rin ng publiko. Hhindi kasi ibig sabihin na bumaba iyong alert level system natin or tanggalin na siya totally ay wala na tayong kailangang pag-ingatan na COVID virus di ba? Sabi nga nila, aalisin natin iyong endemic mindset natin, pero kailangan pa rin nating mag-ingat. So, sa DTI, Usec, dahan-dahan lang until masanay na tayo at ma-accept natin na ang new normal natin ay iyong kasama na iyong mga health protocols.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano naman po iyong reaksiyon ninyo sa iminumungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na i-require na rin ang booster dose sa mga papasok sa establishment dito sa Metro Manila by March or April?
DTI USEC. CASTELO: Puwede sa DTI, kasi this is going to be a proof also na vaccinated na iyong mga tao. At kung boosted sila, iyong kanilang additional dose para sa additional protection is also good proof para sa mga businesses at para sa ating lahat, for economy na rin na safe na iyong mga tao. Kaya lang, Usec, we have to also consider iyong mga hindi nagpapabakuna for medical reasons or iyong mga ibang mentality rin or ibang mindset.
So, DTI will not discriminate doon sa unvaccinated at vaccinated, pero kailangan talaga nating mag-ingat and it’s also a public encouragement na rin na magpabakuna na tayong lahat para siguradong safe at mas magaan na makakaandar iyong ekonomiya natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa darating naman na February 1o ay bubuksan na ng Pilipinas ang borders nito sa fully vaccinated foreign tourist. Ano po ang inaasahang impact nito sa livelihood ng ilang kababayan natin at siyempre sa ekonomiya na rin po.
DTI USEC. CASTELO: Oo. Marami na ang foreign investments natin, dadagsa na ulit ang mga international investments natin papasok na at ang mga industriya, iyong mga na-hold, Usec, for the past two years – hindi ba kasi kinontrol natin or ni-regulate natin iyong pagpapasok ng mga foreigners dito na nagdadala ng investments, na nag-aayos ng mga equipment o nag-aayos ng mga negosyo nila o nagsi-set up – itong pag-o-open natin, mas maluwag nang makakapasok rin, kasama na iyong investment at mas siyempre kapag maraming foreign investment tayo kung kasama ang employment. So maraming magkakaroon ng trabaho, magkakaroon ng mga collateral businesses din, kapag mayroong foreign investment iyong mga locals natin, MSMEs specially, mas maraming makakapag-benefit dito sa mga foreign investment na ito na makakapasok na ng mas maluwag.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ano daw pong guidelines ang susundin ng mga foreign tourist pagdating nila dito sa Philippines, ire-require din ba silang mag-prisinta rin ng vaccine cards bago makapasok sa ilang establishment dito sa Pilipinas?
DTI USEC. CASTELO: Oh yes, Usec, kasi medyo may distinction tayo between fully vaccinated and unvaccinated or iyong mga hindi nabe-verify or hindi ma-validate kung vaccinated sila o hindi. For fully vaccinated hindi na nila kailangang mag-facility based quarantine, kung hindi magpe-present lang sila ng kanilang negative RT-PCR test results taken within 48 hours from departure doon sa kanilang port of departure, pagpasok dito, ipi-present lang nila iyon at kung nag-negative nga sila, hindi na sila kailangang mag-facility-based quarantine.
Pero mayroon silang mga requirements din na dala, Usec, kagaya ng World Health Organization certificates o iyong VaxCert kung accepted doon sa country na pinanggalingan nila tatanggapin rin natin dito sa Pilipinas at iba pang requirements. For unvaccinated naman, iba naman rin naman ang requirements. Iyon, Usec, mayroon pa silang facility-based quarantine na kailangan nilang mag-stay doon within five days, tapos magte-test sila. Kung magne-negative at saka lang itutuloy iyong quarantine sa bahay nila. So magkaiba, may distinction, Usec, between fully vaccinated and unvaccinated international passengers arriving.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, maiba naman po tayo. Nitong January 27 ay naglabas po ang DTI ng panibagong suggested price ng ilang basic commodities. Pero ayon po sa isang supermarket association ay napipigilan lang nito ang freedom and growth ng local retailers. Ano po ang masasabi ninyo dito?
DTI USEC. CASTELO: Usec, kung titingnan natin ang suggested retail price bulletin, ito lang iyong pinaka-basic needs natin na pang-araw-araw, especially doon sa mga medyo kaunti ang budget or mga low income families, ito talaga iyong pino-provide ng DTI na magkaroon sila ng choice na medyo regulated natin kahit papaano ang presyo. Nakikipag-coordinate tayo with the manufacturers para masigurado na iyong pinakarasonableng presyo lang ang binabayaran nila. Hindi naman ito pag-curtail ng freedom, Usec, dahil ilang produkto lang ito. Out of around 30,000 shelf keeping units in a small supermarket [unclear] 300 iyong shelf keeping units na nire-regulate ng DTI. We only have 200 something shelf keeping units in our suggested retail price bulletin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero tama po ba na kasama rin sa nagtaas ang canned goods bukod po sa tinapay, bottled water at iba pa?
DTI USEC. CASTELO: Oh yes, Usec, mayroong ilang mga canned goods na kasama dito, iyong canned meat at saka canned sardines. Pero out of, for example canned sardines natin, we have around 8 to 10 shelf keeping units in [unclear] presyo is around siguro mga 2 or 3 SKUs lang. So hindi lahat and these are of course because of iyong pagpasok ng raw materials nila, iyong presyo ng raw materials and the manufacturing, kaya medyo tumaas. But just to clarify also, out of a 100% noong shelf keeping units, Usec, there is 36% ng SKUs lang iyong gumalaw. More than half of these, around 76% ito iyong mga bastante pa rin ang presyo. So, consumers will still have a lot of choices ng mababang presyo na mabibili nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Wala po bang epekto ang import strategy ng Department of Agriculture na supposedly ay makapagbababa ng presyo ng frozen meat para magmura po ang cost ng pag-manufacture ng canned goods dito sa Pilipinas?
DTI USEC. CASTELO: [TECHNICAL PROBLEM] frozen meat [TECHNICAL PROBLEM] Department of Agriculture ng importation [TECHNICAL PROBLEM] frozen meat iyon iyong [TECHNICAL PROBLEM] all different ingredients na ginagamit sa manufacturing naman.
Iyong MDM na tumaas rin iyong presyo internationally because of the ASF na hindi pa rin naaalis, maraming mga imports bans pa rin, marami pa ring countries na naiiportan tayo na hindi tayo nakakakuha sa kanila; so, iyon mga countries na nag-i-import ng MDM nag-aagawan doon sa mga available countries, iyong mga countries na allowed magbenta.
But dahil mataas ang presyo nito, iyong MDM na ito, naapektuhan rin iyong pag-manufacture. Kaya nakakatulong in terms of the frozen meat na ginagamit natin everyday pero sa manufacturing side, medyo may epekto siya, USec., kahit na mas mataas iyong importation na in-allow natin.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., ano naman daw po ang reaksyon ng DTI dito sa pagratipika ng Kongreso sa isang batas na magpapataw ng mas malaking penalties sa mga market vendors na nandaraya sa timbang ng kanilang mga ibinentang produkto?
DTI USEC. CASTELO: USec., we are very much in favor of this at nagpapasalamat rin kami sa Kongreso kasi [TECHNICAL PROBLEM] penalty medyo kakabahan na ang mga nagtitinda sa palengke na nandadaya na anuhin iyong mga—siyempre, hindi mo naman maiwasan mayroon talagang mga nagtitinda na hindi ganoon ka-honest [TECHNICAL PROBLEM] consumers nila. Dati kasi ang penalty nito is only [TECHNICAL PROBLEM] kakabahan iyong nagtitinda [TECHNICAL PROBLEM].
Ngayon, USec., itinaas nila to P300,000 so kahit papaano medyo magdadalawang-isip na sila bago sila mag-isip na mandaya sa publiko.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., may tanong po ang iyong ating kasamahan sa media. Mula po kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Ito daw pong Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) is asking for price increases of P2.50 for each pack of Pinoy Pandesal and up to P4.50 for Pinoy Tasty according daw po sa DTI. Is there no other way to avoid this?
DTI USEC. CASTELO: Ang presyo kasi ng flour, iyong harina na ginagamit for bread, [TECHNICAL PROBLEM] 2021. Pinag-uusapan na natin at nagpaparamdam na rin ang PhilBaking na humingi ng taas ng presyo because of the price of flour nga, pero hindi talaga natin pinayagan and because this is a collaboration project with DTI, medyo nag-prevail tayo over PhilBaking kaya na-extend nang na-extend iyong pag-increase nila ng presyo.
Iyong request nila ngayon na P4.50 and P3.50, P4.50 for Pinoy Tasty and P3.50 for Pinoy Pandesal, ibinaba pa natin iyon. Ang napagbigyanlang natin, iyong P3.50 for Pinoy Tasty na increase at iyong P2.50 for Pinoy Pandesal. And, USec., this is just going to be one-time increase, hindi na sila magta-tranches kasi iyong request nila noon ita-tranches nila, pero hindi na nga natin pinayagan.
And also just to let you know, ang last price increase nitong Pinoy Tasty and Pinoy Pandesal is 2015. In 2016, ibinaba pa natin by fifty centavos, iyong 21.50 at P35.00; so, ngayon na lang ulit iyan gumalaw ng presyo. And we’re looking at several years ulit bago natin payagan gumalaw ng presyo ito.
Ito ang pinakamagandang choice ng consumers, USec., when they go to the supermarket, kung ayaw nilang bumili sa mga community bakery nila, they can find Pinoy Tasty and Pinoy Pandesal in the supermarket na nakaka-compete doon sa mga high-end bread natin, iyong mga branded breads natin. Pareho iyong kalidad kasi ang members ng PhilBaking [TECHNICAL PROBLEM].
USEC. IGNACIO: Okay! USec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon, Undersecretary Ruth Castelo, ang tagapagsalita ng DTI. Mabuhay po kayo, USec.!
DTI USEC. CASTELO: USec., [TECHNICAL PROBLEM].
USEC. IGNACIO: Samantala, bukas po ay nakatakda nang magsimula ang campaign period para sa mga tatakbo sa national elections sa darating na Mayo 2022, kumustahin po natin ang mga paghahandang ginawa ng Commission on Elections tungkol diyan. Makakausap po natin mula sa Comelec si Director Elaiza David. Good morning po, Director!
COMELEC DIR. DAVID: Good morning, USec. Rocky at sa lahat po ng nanonood ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Elaiza, kumusta po ang paghahanda ng Commission on Elections sa darating na eleksyon? Paano po sinisigurong tuloy-tuloy po ang mga preparasyon para dito despite the change in command po at sa recent controversies involving Comelec officials?
COMELEC DIR. DAVID: Opo. Lahat naman po kasado na. Iyong preparations natin tuloy-tuloy naman mula po sa … ongoing pa rin iyong printing ng ating mga ballots and then iyong mga committees po natin na nagha-handle ng mga iba-ibang tasks po ano in connection with the preparation of the conduct of election, tuloy-tuloy naman po iyan na kahit magkakaroon pa po ng change ng administration po dahil sa kaka-retire pa lang nga po ng ating butihing Chairman Sheriff Abas at dalawang commissioners po na si Commissioner Guanzon and si Commissioner Kho.
So, so far naman po wala naman po kaming nakikitang magiging aberya po sa preparation and in fact, gaya po ng nabanggit ninyo, tomorrow po umpisa na rin ng campaign period at lahat naman po ng mga guidelines na kakailanganing malaman ng ating mga field officials po na sila po talaga ang mag-i-implement po ng mga guidelines na ito for campaign, nai-cascade na po namin sa kanila iyon para na rin po ma-brief nila ang mga kandidato sa kani-kanila pong lugar lalo na po ngayon na mayroon din po tayong bagong resolution na nagre-regulate din po ng campaigning because of the pandemic gaya ng mga in-person campaign, caucuses, meetings, caravans po, mga rallies.
Unlike po before na maaari nila iyong gawin at [TECHNICAL PROBLEM] at mga house-to-house, [TECHNICAL PROBLEM] sundin [TECHNICAL PROBLEM] mag-abide po ‘no [TECHNICAL PROBLEM]
USEC. IGNACIO: Ms. Elaiza, medyo napuputol po tayo ano. Aayusin lang po namin ang linya pero mukhang okay na. Naririnig ninyo na po ba? Babalikan po namin kayo, ayusin lang po namin iyong linya ng ating komunikasyon.
Puspusan po ang paghahandang ginagawa ngayon ng Davao Region para sa pagbabakuna sa mga batang nasa edad lima hanggang labingisa. Iyan po ang report ni Hannah Salcedo mula sa PTV Davao:
[NEWS REPORT]
USEC IGNACIO: Balikan po natin si Dir. Elaiza David, mula sa COMELEC. Director? Opo, Ma’am Elaiza, naririnig niyo na po ako? Okay, babalikan po natin si Dir. Elaiza David. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL]
USEC IGNACIO: Balikan po muli natin si Dir. Elaiza David mula sa COMELEC, Director?
COMELEC DIR. DAVID: Yes, Ma’am, good morning po muli
USEC IGNACIO: Opo, pasensya na po ‘no, Director, ulitin ko lang po ang tanong. Bakit po mula February 8 ay na-move po sa March 29 ito pong paglalabas ng voter’s list ng COMELEC? Hindi po daw po ito magko-cause ng problema sa mismong election date na May 9?
COMELEC DIR. DAVID: Hindi naman po, dahil sa kinumkumpleto na, kumbaga, dumadaan din po iyon kasi sa proseso ng paglilinis din po, especially iyong ating mga double or multiple registration, so inaalis po lahat iyon through the [garbled] pati na rin po iyong mga namayapa na po na voters. So, kailangan lang din pong linisin po iyon, kaya po kinakailangan din na medyo ma-delay po rin ang paglabas ng voter’s list. Marami pa pong prosesong dadaanan, opo.
USEC IGNACIO: Opo. Director, sa latest data po ilan daw po ang total voting population sa Pilipinas at anong demographics po ang may pinakamaraming botante?
COMELEC DIR. DAVID: Opo, marami pa rin pong botante iyon pong nasa edad thirty to fifty-nine (30–59). Nandoon pa rin po iyong bulk ng ating mga botante, although ngayon nga po marami-rami na rin po ang nasa youth, ano po. Iyong participation ng youth nakikita natin na pataas nang pataas, pero iyon pa po ay nasa gitna ‘no, ang gitna pong edad/age range po pa rin po ang pinakamaraming botante po.
USEC IGNACIO: Opo, kumusta naman po ang ongoing printing ng election ballots? Ito po ba ay on time?
COMELEC DIR. DAVID: Opo, on time na on time nga po ang ating printing ng ballots. So far, most po in printing, wala naman po nae-encounter na any problems. On target po ang kanilang schedule ng printing.
So, as regards po doon, wala po tayong problema. Iyon din pong training ng ating Electoral Boards na magsi-serve, natapos na rin po iyon, so mangyayari na lang po ngayon ay mga refresher trainings na lang po din nila. Kagaya po ng nabanggit ninyo kanina, kahit po mayroon tayong change po sa administrasyon natin dahil sa retirement ng ating three officials, tuluy-tuloy lang po ang preparation at ang operation po ng Commission on Elections.
USEC IGNACIO: Opo, bukas po ay February 8, opisyal na nga pong sisimulan ang campaign period ng mga kakandidato sa national post, ano po ang mga guidelines na isinet (set) ng COMELEC dito lalo’t first time nating gagawin ito sa gitna ng pandemya? Ganito rin po ang ng ating kasamahan sa media na sina Tina Panganiban-Perez ng GMA 7 at Miguel Aguana ng GMA News: Paki-detalye daw po iyong Dos and Don’ts ngayong campaign period.
COMELEC DIR. DAVID: Opo. So ngayon po, dahil nga nabanggit ninyo nasa gitna po tayo ng pandemya, nagkaroon po ng bagong resolution po at with that resolution nag-create po ng bagong committee, which is iyong National COMELEC Campaign Committee. Ang head po or ang commissioner in-charge rather is, iyong ating bagong Commissioner, si Commissioner Rey Bulay. In fact, ang head secretariat din po, ay ako po iyon, so kami po nagtrartabaho sa committee na iyan together din po with other agencies. So kasama po sa committee na ito ang Department of Health dahil nga po nasa gitna po tayo ng pandemya, DILG, PNP.
So, kung i-describe ko po siya to some extent kung ano po ang kaniyang function, is to regulate campaigns po under the new normal. So, dahil nga po sa new normal tayo ngayon, hindi na po kagaya ng dati ang pangangampanya ‘no. Sabi ko nga, kapag naisip ng kandidato puwede lang niyang gawin. Ngayon may mga restrictions na nga po, kagaya po ng in-person campaign, iyong pag-house-to-house po ng mga kandidato na dati naman ay regular lang din na nangyayari.
Ngayon, may mga restrictions na, kagaya ng hindi na po maaaring pumasok ang kandidato, Usec. Rocky, sa mga bahay kahit po may permiso pa ito ng may-ari. Bawal na rin po ang magki-kiss po or magha-hug, handshake or anything po na mayroong physical contact. Because we need to maintain or observe po iyong minimum public health standard. So, bawal na rin po ang pag-crowding, iyong lalapit po, iyong dudumugin po ang kandidato lalo na po siguro kung popular ang kandidato. Bawal ho iyon,
Bawal din po ang pag-take ng selfie at lagi naman pong bawal, of course, ang pagbibigay po ng pagkain at damit or anything of value ngayon pong pag-campaign. So, iyon pong mga kandidato na nais mag-in-person campaign or mag-hold po ng mga miting de avance, rallies, caucuses, caravans, iyong motorcade, they need to an file application po doon sa respective pong COMELEC Campaign Committee.
So for mga national candidates po, ang mga application po nila ay sa mga regional offices po ng COMELEC. For local, provincial level po, sa Provincial COMELEC Offices; and then cities, municipalities, dun din po sa mga tanggapan ng city or municipal election officers. So ngayon po, mayroon na pong ganoon na kailangan pa po nilang mag-apply and they need to be authorized prior po doon sa conduct ng campaign.
USEC IGNACIO: Opo, Director, paano po mino-monitor naman o nari-regulate ng COMELEC ito pong social media advertisement ng mga kumakandidato? Bukod po kasi sa traditional media ay malaki rin po ang ginagastos, posibleng malaki po rin ang ginagastos ng mga kandidato para sa kanilang social media campaigns?
COMELEC DIR. DAVID: Opo. So, madalas nga rin pong maitanong sa akin iyan kung paano ma-regulate but ang lagi naman po naming sagot ay wala pa naman po talagang batas regulating the use of social media. Kaya ang tanging kayang i-regulate lang po ng COMELEC ay iyon pong mga expenditures po nila, expenses, in the use po ng social media. So, hanggang doon lang po kami. So iyong mga content po, hindi pa po iyan mare-regulate, as long as iyon nga po, hindi po violative po ng community [garbled] iyong platform po na gagamitin nila.
So, pero, iyon na nga po, just to regulate po ang pag-spend nila in the use of social media, ini-instruct po ang lahat ng mga kandidato na i-submit po sa COMELEC lahat po ng kanilang mga social media accounts, pages, verified social media accounts, para po doon po makikita namin iyong mga conduct po ng campaign nila using social media po.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na rin po iyong tanong ni Paul Samarita ng TV 5: Sakop po ba sa batas particularly sa spending limit ng traditional media ang mga nagastos ng candidate prior to the campaign period; if yes, paano daw po ang magiging monitoring. Kung hindi po kasama ano naman po ang kapangyarihan ng Comelec para ma-regulate ito?
COMELEC DIR. DAVID: Gaya po ng nabanggit noon, wala po tayo kasing premature campaigning. So any, iyong expense pong na-spend na po nila prior to the… iyong campaign period ay hindi pa po kasama po iyon, kaya pati iyong mga—kung mayroon man silang na-violate or something that is contrary po doon sa aming guidelines on campaigning, hindi po considered violation iyon, dahil hindi pa naman po nag-umpisa ang period ng campaign. So, what we tabulate is iyon pong campaigns that will be held within the campaign period na kung saan iyon na po, doon po mag-a-apply lahat po ng guidelines which the candidates need to abide po pagdating na po ng campaign period.
USEC. IGNACIO: Dagdag pong tanong ni Paul Samarita ng TV 5: Mayroon na po ba kayong datos naman kung sinong kandidato ang may pinakamalaking nagastos sa social media ads at kung magkano na po ang nagastos ng bawat kandidato?
COMELEC DIR. DAVID: So far po, wala pa, kasi iyon nga po ang problem, ang reporting po ay nagyayari na po kadalasan at the end na po kadalasan at the end na po ng campaign or nakalap na po ang reports tungkol diyan kapag patapos na po iyong campaign. Kaya nga po mayroon nga pong ibang bill ngayon po sa Kongreso na kung iyon po ay magiging batas maaari na pong ma-regulate po mula pa po sa umpisa. Sa ngayon po, wala pa po kaming datos.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasado na rin po ba daw itong live streaming ng e-rallies na iho-host ng Comelec para sa mga presidentiable at vice pre sidentiable simula bukas at saan po ito puwedeng i-access ng ating mga kababayan?
COMELEC DIR. DAVID: Opo. Kasado na po iyan at in fact, kanina po nagkaroon na kami ng briefing para sa mga kandidato at sa mga representatives ng kandidato on how to go out po doon sa live streaming ng e-rally na iyan.
It will start tomorrow, February 8 onwards po iyan at noong January 28, nakapag-casting na po kami ng slots para po sa mga kandidato, para malaman nila kung kailangan po iyong kanilang assigned or designated nights ano po na sila ay puwedeng makapag-live stream.
At iyon nga po iyong aming official e-rally page is ang pangalan po niya is ‘campaign safe e-rally channel’ para po sa mga manunuod at para po maabangan po nila ang kanilang mga kandidato doon po sa pag-live stream. Ulitin ko po, it’s campaign safe e-rally channel po ng Comelec.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, kumusta naman daw po iyong preparasyon sa Comelec debates na magsisimula ngayong buwan? May mga sigurado na po bang magpapaunlak sa imbitasyon at kung mayroon daw pong mga tumanggi na dumalo?
COMELEC DIR. DAVID: It’s an ongoing process po ngayon. Mayroon po kaming guidelines na ipinapa-approve sa en banc, hopefully this week ma-approve na po sila at tuloy na po iyan. Although baka medyo maantala kaunti lang po, iyong sa first debate natin, kung last week of February po siya dati, baka maging first week of March na muna po siya.
So give us more time po sa preparation and iyon nga po, tuluy-tuloy po iyan at iyong planning stages po ongoing ngayon sa mga kausap namin din na mga network at saka iyon pong mga partners po natin to help us out with the production.
USEC. IGNACIO: Opo. Director may tanong si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Bongbong Marcos is included in the official ballot phase released by the Commission on Elections in the 2022 national ad local elections, in the event that he is disqualified will the Comelec print new ballots excluding his name?
COMELEC DIR. DAVID: We will not na po and iyon pong… will apply not just to Marcos Jr. po, but to all din po na would be disqualified after the printing of ballots has already started po.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilan na po kaya ang 2022 aspiring candidates ang nakakuha ng permit to hold onsite election campaign committee? Ilan po ang na-deny? Ganito rin po iyong tanong ni Melissa Lopez ng CNN Philippines: Ano daw po ang kailangan para makakuha ng permit at gaano katagal bago ma-approve?
COMELEC DIR. DAVID: So far po sa first question kung ilan na, wala pa po kaming datos, dahil iyon pong reporting din po niyan will be later pa. Weekly po ang reporting sa level ng municipality, then monthly sa provincial and sa regional; so wala pa po kaming nakukuha.
Ang mga kailangan po nila kung maga-apply po (unclear) for in person campaign, kailangan pong ma-identify kung sino po iyong mga kasama, mayroon po kaming form diyan available, puwede naman pong makita ng ating mga kasamahan sa media, para makita rin po lahat kung ano po iyong mga requirements na kailangang i-prepare ng ating mga kandidato.
Sa mga meetings, sa mga indoor venues, may kakailanganin pong mga accreditation po ng DoT, it’s available po iyon. Sa mga caravan naman, may mga bilang lang po kasi ng tao na puwede ding sumakay, so kailangan pong ilagay iyon sa application form. So iyon po iyong mga requirements, sa mga rallies, meeting de avance, kakailanganin pa rin po ang permit from the local government unit gaya po ng dati.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Director ang tanong po ni Melissa: Gaano daw po katagal bago ma-approve ito pong pagkuha ng permit?
COMELEC DIR. DAVID: Opo. Iyon pong application naman po is within 72 hours kailangan na pong maaksyunan po noong Comelec campaign na responsible po to act on it. Kung national nga po, it’s the regional, provincial and then the city, 72 hours lang po ang mayroon kami to act on it, basta’t kumpleto na po ang requirements.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ano na po ang update sa impact ng TRO issued by Supreme Court regarding daw po sa ongoing printing of ballots? May plano po kaya ang Comelec to reprint ballots?
COMELEC DIR. DAVID: As of now, wala pa po kaming nabalita tungkol diyan or any instruction to stop or to reprint. Kasi nga po gaya nga po ng nabanggit ko kanina, ongoing pa po iyong printing, wala pa pong instruction anything na to reprint or to stop printing.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Sam Medenilla: May naging instruction po kaya ang National Privacy Commission sa Comelec regarding po sa alleged hacking ng servers para po sa poll body?
COMELEC DIR. DAVID: Comelec is continuing coordination with the National Privacy Office po. So wala pa ring… kung ano ang dapat na mga instructions pa for Comelec to be done. Pero iyong coordination po with them and meetings are ongoing naman po.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Melissa Lopez ng CNN Philippines: Mayroon na po bang desisyon ang First Division sa Marcos disqualification case?
COMELEC DIR. DAVID: Wala pa din po at kami din po ay naghihintay pa kung kailan din po ilalabas iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Director bago po tayo magtapos bigyan po ninyo kami ng idea kung paano ang prosesong pagdadaanan naman ng mga botante sa May 9. Paano po masisiguro na ligtas at hindi magiging super-spreader event ang botohang mangyayari?
COMELEC DIR. DAVID: Opo. Bago ito ang magkaka-eleksiyon in the midst of pandemic; so puwera po doon sa mga dating ginagawa na ng mga botante sa mga paraan ng pagboto. Ngayon ay dagdag naman po kung papaano o ano iyong mga paraan para maging safe ang pagboto ng mga botante.
So pagpasok pa lang may screening na ng temperature, tapos titingnan din po kung may presence na symptoms, so kung mayroon man dadalhin po sila sa isolated polling place, dati po wala iyan, dahil wala naman pong pandemic, pero ngayon, doon po sila dadalhin at doon po sila boboto.
Again, hindi na po pupuwede iyong kagaya ng dati na siksikan, we need to maintain po iyong at least one meter po iyong distance. Ganundin po sa set up ng mga classrooms, iyon pong mga upuan sa loob malalayo po iyong agwat nila sa isa’t isa. Then, mayroon din pong mga standby din po na mga hall na puwede pong gamitin ng ating mga botante rin po. And iyon pong ating mga electoral boards, may mga plastic na barriers para po maging safe iyong ating mga teachers na magse-serve sa publiko.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagbibigay ng panahon sa amin, Director Eliza David mula po sa Comelec. Director, mabuhay po kayo!
COMELEC DIR. DAVID: Maraming salamat din po, mabuhay po kayo.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Nagpapasalamat din po kami sa pagpapaunlak ng panayam ni Dr.Rontgene Solante, Infectious Diseases Expert at miyembro ng Vaccine Experts Panel.
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Maraming salamat po sa inyong pagtutok ngayong umaga, hanggang bukas po muli, ako po ang inyong lingkod, USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)