USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan sa buong mundo. Ngayon po ay February 9, araw ng Miyerkules – mga balitang tungkol sa COVID-19 pandemic at sa eleksiyon 2022 ang mga usaping tatalakayin natin ngayong umaga.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Binabaan na po ng Department of Health ang price cap para sa mga COVID antigen test kit. Ayon sa DOH, mula sa dating 500 pesos, ginawa nang 350 pesos ang price cap ng SARS-CoV-2 antigen rapid diagnostic test kit. Ganito rin ang price cap para sa self-administered test kits mula naman sa 960 pesos, ibinaba na ito sa 660 pesos. Epektibo ang itinakdang price cap sa February 20
Samantala, patuloy naman po ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para mas ilapit pa ang taumbayan ang mga paraan para labanan ang COVID-19 kabilang na po diyan ang pagbibigay ng go signal sa local production ng COVID-19 pill na Molnupiravir dito sa Pilipinas. Iyan at iba pang usapin, alamin po natin mula kay Food and Drug Administration OIC, Director Oscar Gutierrez. Magandang umaga po, Director!
FDA-OIC DIR. GUTIERREZ: Yes. Magandang umaga, Usec. Rocky!
USEC. IGNACIO: Opo. Director, paano po inaasahang makakatulong sa COVID-19 treatment dito sa Pilipinas ito pong pagbibigay ng FDA ng EUA sa Lloyd Laboratories na mag-manufacture po ng generic Molnupiravir dito sa Pilipinas?
FDA-OIC DIR. GUTIERREZ: Ang dalawang pong pinanggagalingan ng gamot sa Pilipinas eh – puwede siyang maging imported, puwede siyang locally produced. Ngayon itong mga imported product, kadalasan po ay limitado po iyong ating mga EUA investigatory drug na na-approve sa Pilipinas ang dumadating. For example po iyong una nating na-approve, iyong Molnarz – tatlong batches po iyong pinarating sa atin pero bawat batch po mga 60,000 lang iyon. ‘Pag kukuwentahin po natin mga 1,500 patients lang po iyon bawat batch.
Pero itong Lloyd Laboratories, kaya po nilang mag-produce ng one million capsules per year. Sasapat po ito para sa 25,000 to 50,000 patients. So itong ipu-produce ng Lloyd Laboratories, dedicated po ito para sa Pilipinas lang po.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, magkano po ang magiging presyo nito as compared po doon sa mga ibang brands?
FDA-OIC DIR. GUTIERREZ: Ganito po iyan, alam naman natin na iyong inaprubahan ng FDA na EUA ng Molnupiravir ng Lloyd ay isang generic product. Usually po ang generic product po ay 30 to 50 percent po mas mababa kaysa doon sa mga branded. Nagpa-survey po ako kung magkano po sa merkado noong January, mga P100 to P150 po per capsule po ang Molnupiravir. Ngayon puwede po itong asahan na ang Lloyd ay ima-market niya siguro between 50 to 75 pesos na lang per capsule. Dahil kung sa 200 milligram per capsule, 40 capsules po ang kakailanganin ng pasyente para mabuo po niya iyong dosage regimen ng limang araw.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero dahil EUA pa lang mayroon tayo, hindi pa rin po ito puwede for commercial sale, tama po ba ito at sino lang po iyong puwedeng bumili nito o kumuha?
FDA-OIC DIR. GUTIERREZ: Ganito po iyon, ayon po sa EUA ang puwede lang po kasing bumili ng produkto doon sa EUA holder ay ang DOH or ang National Task Force. Ngayon po nakasaad po sa EUA, idi-deliver po ito ng DOH sa mga health facilities and health care providers na sila po ang mag-a-administer nito at magpu-provide nito sa mga pasyente. In accordance po ito iyong sa indicated approved use and in accordance to the COVID-19 prevention and management program. Tandaan po natin ang mga botika po at drug outlets, ayon po sa Universal Health Care Law ay kasama po iyan sa health care provider.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, nagsimula na po ba iyong production nito dito sa Pilipinas?
FDA-OIC DIR. GUTIERREZ: Noong inaprubahan po ng FDA ang Lloyd noong nag-apply sila for compassionate special permit, mga locally manufactured na po ang kanilang sinupply sa mga institutional user – meaning mga hospitals. Binantayan po iyan ng ating mga inspectors, mga 10,000 capsules po iyong na-manufacture na nila kaya may kapasidad po talaga ang Lloyd Laboratories gumawa na po ng Molnupiravir na ayon sa good manufacturing practice.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, sino lang daw po ang dapat na mag-take ng Molnupiravir? Ito po ba ay for treatment lang at hindi for prevention against COVID-19, tama po ba ito?
FDA-OIC DIR. GUTIERREZ: Opo. Iyong inaprubahan natin EUA, talagang for mild and moderate COVID-19 patients lang po ito lalo na po ito ay isang prescription drug para sa mga pasyente na mayroong mild at moderate COVID nga po. At ito po ay—importante po dito ay—ito ay isang prescription drug, kailangan po ng isang doktor na magpi-prescribe nito at magki-clinically manage po ng infection habang iniinom po ito. Dapat rin po nating malaman na ito ay isang prescription drug – tama po, kailangan po talaga nito—inumin po ito ng pasyente under the strict supervision po ng physician, opo.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, i-follow up ko na lang po iyong tanong ni Tuesday Niu ng DZBB: Ibig sabihin po puwedeng makabili sa mga botika ng Molnupiravir kung kasama sila sa health care providers; kung tama daw po ba ito?
FDA-OIC DIR. GUTIERREZ: Iyong FDA naman ay hindi naman po kami concerned kung saan po ang final decision ng DOH, kung saan po ito idi-deliver. Ang malinaw po kasi sa EUA namin, idi-deliver po ito ng DOH sa mga health facilities and health care providers. So ang sinasabi ko lang naman po dito, ang decision po na iyan wala po sa FDA, nasa DOH po iyan at sa National Task Force.
Pero ang FDA po, sinusuportahan po natin na ang mga produkto po ng COVID-19 medicine, dapat po maging accessible po sa mga pasyente at publiko. At habang itong mga health care providers at saka health facilities ay sisiguraduhin po ng FDA na iyong mga gamot po na iyan ay ayon po iyan sa kung anong inaprubahan ng FDA for as far as safety and quality po is concerned.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa latest Talk to the People po ay nagbabala po kayo laban sa pagbili ng mga gamot sa hindi FDA licensed sellers. May reports po ba ulit na nakaabot sa inyong tanggapan tungkol sa mga posibleng pamimeke po ng mga gamot?
FDA-OIC DIR. GUTIERREZ: Opo. Dalawa po iyan, nai-report ko naman sa Talk to the People na 2.27% po ng mga FDA licensed establishment ay mayroon po kaming nakitang mga gamot na posibleng peke po.
At gusto ko ring i-report dito kasabay po talaga noon ay nag-conduct po kami ng mga operations sa mga sari-sari store – limampung sari-sari stores po ang nakunan po ng counterfeit medicine involving 19 medicines po ito na ginagamit po talaga like analgesic and antipyretic to manage po mga symptoms ng COVID – this includes po iyong paracetamol na nga po.
So ito pong limampung sari-sari stores, puwede ko pong banggitin na sa Cavite, sa Laguna, sa Albay, sa Caloocan, sa Quezon City, sa Parañaque at patuloy pa po kaming nangangalap ng mga report galing sa regional field offices. Puwede po akong magbigay ng update sa darating na mga araw tungkol dito. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Hihintayin po namin iyan, Director, ano po. Pero ano po iyong palagay ninyo sa suggestion ni Pangulong Duterte na mag-release ng information cards ang FDA kung aling mga bilihan lang po ang FDA licensed?
FDA-OIC DIR. GUTIERREZ: Oo nga po eh, nabanggit nga po ni mahal na Presidente. So lahat naman po ng tao, halos lahat ay may cellphone. Mayroon po kaming FDA verification portal sa aming website. Hanapin po natin iyon, doon po nakalista lahat po ng mga drug outlets na may lisensiya sa FDA.
Kasi po mga 15,000 plus po itong mga drug outlets eh so siguro po puwede nating i-publish sa newspaper. Kasi po napakarami po niyan, hindi po sasapat iyong information card lang po. Pero ako po, sana itong ating mga consumers ay masanay pong tumingin sa FDA website kung mayroon po silang katanungan tungkol sa mga FDA-licensed drug outlets. Iyon lang po ang gusto ko pong sabihin. Sumusunod na po kami kay President Duterte. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, hindi po maa-accredit sa FDA ang ilang online stores, lalo na at karamihan po sa ating mga kababayan, online bumibili ng mga pangangailangan nila?
FDA-OIC DIR. GUTIERREZ: Oo nga po eh. Kasi sa ngayon po, ang policy po ng FDA ay ina-allow po natin ang online ordering lang po, provided po iyong FDA-licensed establishment ay may permit po to take online orders. Pero makakaasa po kayo na under discussion po ito ng FDA na mayroon po kaming guideline na binubuo na ang pangalan po ay about e-pharmacy. At gusto ko rin pong sabihin na may limitasyon po ito – ang ia-allow lang po natin kung mangyari po ito ay iyong mga non-prescription drug, kasi bawal po talaga sa mga prescription drug na i-advertise at i-offer for sale online.
Puwede ko rin pong sabihin na ang kaibahan po kasi ng e-pharmacy doon sa current policy, nangangailangan po ngayon ng physical store iyong online ordering. Sa future po, puwede pong wala po tayong physical store na pharmacy pero definitely po dapat mayroon po tayong opisina at mayroon pong identified na warehouse kung saan po nanggagaling iyong mga gamot.
So ganoon po, more or less, ang direksiyon ng aming usapin internally sa FDA at ilalabas po namin ito for public comment po iyong draft guidelines po namin. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, ilang self-antigen test kit na po iyong aprubado ng FDA? At anu-ano po ito? Ganito rin po ang tanong ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: May na-approve na daw po ba aside from the earlier two brands?
FDA-OIC DIR. GUTIERREZ: Yes, ang naidagdag po doon sa Labnovation Technologies, Inc. na manufacturer at iyong Abbot po ay iyong tinatawag natin na Getein Biotech Incorporated, ito po iyong manufacturer. Pareho po silang self-antigen test kits. Ang importer naman po nito ay iyong MOHS or MOHS Analytics, Inc. So iyon po iyong nadagdag.
Usec. Rocky, gusto ko lang pong linawin dahil nai-report ko po sa Talk to the People na 54 po iyong nai-forward namin sa RITM for performance validation. Gusto ko pong malaman ng publiko na hindi po nagtatagal po sa RITM iyan. Kasi ang RITM po, may sarili po iyan silang requirements. Kung iyong applicant po na finorward namin iyong produkto for performance validation ay hindi po agad makapag-comply ng requirements ng RITM for evaluation, posible po na hindi po talaga maiisyuhan ng performance validation iyon. Salamat po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Direktor, may tanong po iyong ating kasamahan sa media, si Red Mendoza naman po ng Manila Times: Paano raw po iyong mekanismo dito sa pagri-report ng mga antigen test kit na naglipana dito po sa online selling sites at social media? Ilan pong mga online stores ang sinugod na daw po ng FDA at ng mga awtoridad para po masawata ang mga nagbibenta ng mga peke at hindi lisensiyadong test kits?
FDA-OIC DIR. GUTIERREZ: Usec. Rocky, kagaya nang sinabi ko nga doon sa Talk to the People, kapag mayroon po talagang nag-report sa FDA, na-identify natin kung sino, ang location, even iyong website po ng advertisement or offering for sale, talaga pong inaaksiyunan agad ng FDA. So ini-encourage ko po lahat, ang publiko po, kung mayroon po tayong alam na mga produkto na unauthorized na inu-offer for sale ay ipagbigay-alam po sa FDA at aaksiyunan po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag po na tanong ni Red Mendoza: May isa raw pong kalalabas lang daw na study na nagsasabi na ang matagal na paggamit ng paracetamol ay posibleng makaapekto sa mga pasyente na may high blood pressure. Ano po ang reaksiyon ng FDA sa bagong study na ito?
FDA-OIC DIR. GUTIERREZ: Dahil nga po bago, hindi ko pa po nababasa. Pero ang guideline po kasi natin dito, kahit ano pong karamdaman po natin na nangangailangan ng gamot, talaga pong ini-encourage po natin ang pasyente na makipagkita po sa doktor. Wala pong gamot na one hundred percent absolute po ang safety. So sa isang pasyente po na may karamdaman, importante pong malaman ng doktor kung anong nararapat na gamot.
So ganoon po, Usec. Rocky, kailangan po natin ang tulong po ng doktor kung ano man po ang nararamdaman natin. Ang paracetamol po kasi, antipyretic/analgesic. Para po iyan sa lagnat, sakit sa kasu-kasuan, ganoon, hindi po talaga iyan disease in itself; sintoma lang po ng sakit iyon. Kaya importante po makipagkita po tayo sa doktor nang malaman po bakit tayo nilalagnat at bakit may nararamdaman tayong kakaiba. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Direktor, kunin ko na lamang po iyong paalala ninyo o babala ninyo sa publiko laban po sa pagbili ng mga pekeng gamot at antigen test kits. Go ahead po, Director.
FDA-OIC DIR. GUTIERREZ: Ang pinakaimportante po dito ay bibili lang po tayo ng mga produkto na aprubado ng FDA – at ito po ay makikita lang po natin talaga ito na sigurado po tayo na hindi tayo mapipeke – doon lang po sa FDA-licensed drug outlets.
At puwede ko rin pong sabihin na kung mayroon po tayong nalalaman tungkol sa mga produkto o establisyimento na may kinalaman po sa pagpapakalat po ng mga pekeng gamot at ito pong unauthorized self-antigen kit, ipagbigay-alam lang po natin sa FDA at aaksiyunan po natin iyan.
Kasi po, kagaya nang sinabi ko noong huling interview, mayroon po kaming regional field offices po. We have 108 drug inspectors; we have 37 special agents po under the Regulatory Enforcement Unit. Hahanapan po natin ng panahon iyan para within 72 hours po ay maaksiyunan po natin iyan. At nakikipag-ugnayan po talaga kami sa mga complainant. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Direktor, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng panahon at impormasyon, FDA OIC Director Oscar Gutierrez. Mabuhay po kayo, Director. Salamat po.
FDA-OIC DIR. GUTIERREZ: Marami pong salamat, Usec. Rocky. Thank you.
USEC. IGNACIO: Samantala, naitala naman kahapon ang pinakamababang bilang ng mga nadagdag sa COVID-19 cases simula nang pumasok ang taong 2022. Three thousand, five hundred seventy-four (3,574) new cases po iyan, halos kalahati po ng mahigit anim na libo na naitala noong Lunes. Dahil dito, umabot na sa three million six hundred nine thousand five hundred sixty-eight (3,609,568) ang mga nagka-COVID sa Pilipinas. Fourteen thousand six hundred forty-four (14,644) naman po ang bagong gumaling mula sa sakit kaya 3,459,462 na ang total recoveries, habang 54,621 naman ang lahat ng mga nasawi matapos madagdagan kahapon ng 83 new deaths.
Muling bumaba sa 2.9% sa total cases ang mga nananatiling aktibong kaso sa kasalukuyan, katumbas po iyan ng 105,550 active cases.
Apat na rehiyon sa Mindanao ang nananatili pa rin sa high risk classification ng COVID-19, ayon sa Department of Health kabilang dito ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region at SOCCSKSARGEN.
Sa datos ng Kagawaran: 1% ang itinaas sa two week growth rate sa Zamboanga Peninsula, 25% sa Mindanao habang 19% sa Davao, nasa 118% naman ang itinaas ng COVID-19 cases sa SOCCSKSARGEN.
Samantala, bumaba naman sa low risk ang COVID-19 classification sa Eastern Visayas, Bicol, MIMAROPA at Bangsamoro Region. Sa ngayon nasa moderate risk ang buong Pilipinas na may negative 61% growth rate.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, limang siyudad sa Metro Manila ang bumalik na sa low risk. Base po sa huling pag-aaral na inilabas ng grupong OCTA Research, pero hindi pa dapat magpakampante dahil kung susumahin moderate risk pa rin ang Metro Manila, mula sa COVID-19, maki-update tayo mula kay Dr. Guido David, ng grupong OCTA Research. Good morning po Professor.
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Hi, good morning USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, anu-anong cities po ang bumaba sa low risk at paano sila na-classify as a low risk?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes USec., na-classify namin sila as low risk based on COVID app na metrics kasi ang ADAR nila bumaba ng less than ten tapos iyong positivity rate naman sa buong Metro Manila ay less than ten percent na.
So, magandang development iyan siyempre ang target natin bumaba pa sa 5% pero 10% is acceptable na at itong mga cities na ito aside from mababa iyong ADAR nila ay mababa din ang health care utilization nila below 30% at siyempre iyong reproduction nila mababa rin. So, kabilang dito ay Caloocan, Pateros, Navotas, Taguig at saka Marikina.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, tama po ba na medyo mataas pa rin itong naitatalang positivity rate sa mga lungsod dito sa National Capital Region, professor?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, medyo mataas pa rin iyan USec, kasi noong December nasa less than 3%. In fact, nasa 1% na lang tayo ng positivity rate. So, iyong 9.6% sa NCR although maganda na iyan bumababa siya ay siyempre gusto pa rin natin mapababa pa rin siya ng up to… kahit mapababa to less than 5% ay okay na iyon sa amin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Professor, patuloy pa rin ba iyong pagbaba ng average daily attack rate sa NCR at dito sa buong bansa?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes USec., iyong average daily attack rate natin sa NCR ay nasa 7 na lang. So, ito’y bumaba, again magandang developments itong mga nakikita natin sa buong bansa din bumaba, nakita natin mababa na iyong bilang ng kaso.
Kahapon nasa 3,600. So, iyong daily attack rate natin which really measures iyong levels of infections ay bumababa. Magandang balita iyan hindi lang sa NCR, sa buong bansa patuloy na bumaba talaga iyong average ng daily attack rate.
USEC. IGNACIO: Opo. Kahapon professor, nasa mahigit 3,000 na lang po itong naitalang bagong kaso ng COVID-19. Is this a proof daw po ba na talagang humuhupa na ang surge ng COVID-19 dito sa Pilipinas?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes USec., humuhupa na talaga iyong surges at hindi lang iyong bilang ng kaso iyong bumababa. Kasi, may mga nagtatanong ay baka naman hindi nati-test karamihan?
Well, limited ang testing natin pero nakikita naman natin sufficient pa rin naman iyong testing natin at hindi lang bumababa iyong cases, bumababa rin iyong positivity rate, bumababa rin iyong health care utilization natin na iyong pinakamahalagang metrics natin, sa NCR nasa 31% na lang ito, kapag bumaba siya sa 30% which could happen today or tomorrow iyong buong NCR masasabi natin a low risk na siya.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero professor, kahapon din nagsimula iyong campaign rallies ng iba’t ibang tumatakbo sa election na dinagsa po ng kanilang mga supporters na posibleng may nalabag na health protocols.
Expected pa rin po ba iyong posibleng 2,000 to 1,000 daily cases by end of February? May kaugnayan po iyong tanong na iyan ni Rafael Bosano ng ABS-CBN, ni Ivan Mayrina ng GMA news at maging ni Raquel Bayan ng Radyo ng Bayan. Does the OCTA had any projection on trends while the campaign periods is ongoing daw po?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, siyempre USec., kaya rin bumaba iyong bilang ng kaso natin at nakikita natin ganitong mababa iyong levels or bumababa iyong level natin ay dahil nakiki-cooperate iyong mga kababayan natin at patuloy na sumusunod sa minimum public health standards.
Napakahalaga din niyan, kasi sa mga bansa na tumigil na sila sa minimum public health standards nagkakaroon pa rin ng resurgence or ng pagtaas ng bilang ng kaso. So, gusto natin siyempre maiwasan iyong mga super spreader cases.
Ngayon paano natin maiiwasan ito? Siyempre malaking factor kung nasa outdoor or well ventilated areas itong mga rallies natin at iyong pagsuot ng face mask malaking factor din iyan at sana siyempre kung may paraan tayo para mag-check kung vaccinated iyong mga nag-a-attend sa mga rallies isang paraan din iyon.
Siyempre iyong mga nagka-campaign nasa kanila iyan hawak nila ito kung paano nila io-organize iyong kanilang mga rally. Hindi naman natin pinipigilan pero siyempre iyon nga, outdoor events or well ventilated areas, wearing face mask, sana ay ideally vaccinated. Posibleng mapipigilan natin iyang pagtaas ng bilang ng kaso kung sumusunod tayo sa mga ganitong protocols.
USEC. IGNACIO: Pero, ito pong mga nangyaring mga rallies kahapon kailangan po ba nating—[SIGNAL CUT]
[COMMERCIAL]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #Laging Handa PH. Balikan po natin si Dr. Guido David ng OCTA Research.
Ulitin ko lang po iyong tanong ko: Ito po bang mga nangyaring rallies kahapon ay kailangan nating matingnan o mabantayan na posible pong magdulot ng pagbabago nitong – ito pong pagbaba ng mga kaso ng COVID?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well USec., definitely binabantayan namin iyong mga numbers at titingnan natin kung magkakaroon ng pagtaas ng bilang ng kaso sa mga iba-ibang regions or LGUs. Siyempre we’re hoping na walang itataas na bilang ng kaso para masabi natin na safe naman. Siyempre, we’re hoping na walang itataas na bilang ng kaso para masabi natin na safe naman. Pero minu-monitor talaga natin iyan at kung mayroon siyempre iri-report namin sa inyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero noong December 2021, bago pa man mag-holidays eh pumalo na po tayo sa three digits daily cases lang. Kung magtutuluy-tuloy pa po iyong decline ng ADAR natin, kailan po kaya posibleng maibalik sa three digits ang nagkakahawaan sa Pilipinas?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Usec, we’re hoping by March babalik na iyan sa three digits, basta tuloy-tuloy na iyong pagbaba ng bilang ng kaso at walang mangyayaring mga spikes or major upticks ay by March sa tingin natin ganoon na rin iyong sitwasyon natin sa buong bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor David, kumusta naman po iyong breakdown ng COVID cases per region? Sa ngayon, ano pong regions pa rin po iyong kinakitaan na may pinakamataas at pinakamababang infection rate?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, Usec, pababa na iyong bilang ng kaso, iyong trend sa buong bansa pero iyong regions na mataas pa rin iyong ADAR nila ay mostly nasa northern, sa Cordillera Region at sa Region II, iyon ang mga nakikita natin. Mostly, sa Cordillera Region. I think medyo may factor dahil medyo malamig doon, medyo mataas iyong ADAR. Pero the rest of the country talagang nakikita natin [na pababa na iyong trend]. At isa pa, sa Iloilo City medyo mataas pa iyong infection nila doon pero pababa na rin po iyong trend at iyon nga, hopefully tuluy-tuloy na rin sa buong bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Aling mga lugar po iyong posible nang i-downgrade to Alert Level 2 by mid-February? Dapat din bang i-extend pa iyong Alert Level 2 sa Metro Manila until end of February o puwede na po tayong i-downgrade sa Alert Level 1? Nakausap po natin kasi iyong MMDA kahapon, sinabi po nila na karamihan po sa ating Metro mayors ay iminumungkahi na itong Alert Level 1.
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, Usec, decision rin naman iyan ng IATF at ng MMDA. So, siyempre, maganda titingnan natin iyong mga numbers na kung ano iyong mahalagang metrics.
Ang isang tinitingnan natin na factor na possible supporting indicator for the downgrading to Alert Level 1 would be iyong hospital utilization dahil ngayon nasa 31% na lang. At isa pa, iyong mataas na level of vaccinations.
Pero siyempre, we are hoping na mataas pa natin iyong boosters natin dito, especially sa NCR since marami tayong supply ng vaccines. Siguro isa iyan sa puwedeng criteria for downgrading to Alert Level 1 kung mataas na rin iyong coverage natin for boosters. So, hospital utilization, vaccine and medyo boosters.
Pero again, Usec, decision iyan ng Inter-Agency Task Force and ng MMDA.
USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating naman po sa hospital occupancy, Professor David, may mga regions bang umabot sa critical level and how would we compare this sa inabot na hospital occupancy noon pong Delta surge?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Usec, noong Delta surge at saka noong March surge last year, mataas talaga iyong hospital occupancy, in fact, punuan sila. Noong March last year, iyong hospital occupancy iyong mataas, tapos noong Delta surge naman iyong ICU iyong napupuno at kinukulangan tayo sa oxygen tanks.
So, definitely, hindi kasing taas iyong hospital occupancy natin during this January surge sa Omicron. Mayroong mga regions o may mga LGUs na medyo challenged iyong hospital capacity nila dahil baka kulang sila sa hospital beds or kulang sila sa hospital staff. Ito iyong mga smaller LGUs, usually sa mga hindi highly urbanized cities.
Pero iyong mga highly urbanized cities naman natin, we were able to cope. Nakita natin hindi naman talaga napuno iyong hospital care system. For example, sa inilabas na latest kanina, sa Cebu City nasa 44% na lang ang healthcare utilization. Isa iyan sa mga halimbawa na bumababa na talaga. Sa Lapu-Lapu rin, nasa 36%; sa Bacolod, 47%.
So, may mga regions na medyo mababa na. Iloilo City, medyo mataas pa, 68% iyong healthcare utilization although pababa na rin iyan at karamihan ay coping naman sila sa healthcare utilization, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Professor, sang-ayon po ba kayo kung puwedeng unti-unting tanggalin na itong alert level system dito sa Pilipinas sa mga susunod na buwan?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, Usec, sa perspective namin, iyong alert level system ay requirement iyan as long as we are in a state of emergency or state of pandemic. So, ang makakapagsabi niyan ay ang World Health Organization, isang governing body internationally ay magsabing wala na tayong state of pandemic ay puwede na siguro nating tanggalin iyong alert systems. Pero until then iyon nga, naka-tie-in itong alert level system sa pagiging state of calamity or state of national emergency.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, may tanong po iyong ating kasamahan sa media. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi daw ng DOH na hindi raw nila ina-accept iyong estimation ninyo na may up to ten times ang unreported na kaso ng Omicron batay sa antigen testing ng DOTr at ng Supreme Court para sa bar exam dahil sa tingin nila hindi raw ito representative sampling. Ano daw po ang reaksyon ninyo dito?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, iyong bar exam ay nationwide siya and again, these are statistical estimates naman. In fact, hindi ko pa nga nailalabas ito – pero sa NCR naman based on the DOTr sampling din, the same sampling ay nakikita natin mas mababa na iyong estimate natin for the number of cases na hindi nari-report.
Again, this is just based on statistics. You know, nandoon naman iyong methodology namin. We understand kung hindi nila tinatanggap iyan pero iyong bar exam, 11,000 attendees iyan all over the country. So, iyong kabilang doon na nakita natin na positivity rate, it translates well into an indication kung ano iyong level of infection sa buong bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor David, kunin ko na lang ang iyong reminders at mensahe po sa ating manunood ngayong umaga.
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes. Maraming salamat, Usec. Rocky sa pag-imbita sa programa. Again, reminders lang, gumaganda iyong mga numero natin. I think tulad nga ng sinabi ko kanina, by March we are projecting na mababa na iyong bilang ng kaso natin comparable sa nakita natin noong November/December.
Pero until then, patuloy pa rin sa pag-iingat tayo at pagsunod sa minimum public health standards. Iyan iyong isa sa mga malaking factor kung bakit tayo nakaabot sa ganitong kalagayan na gumaganda naman ang sitwasyon natin. Kakainggitan na tayo ng mga ibang bansa niyan kasi mababa na iyong bilang ng kaso natin. Sa ibang bansa medyo mataas pa.
Siyempre, tayo ang makikinabang diyan at patuloy pa rin sana ang ating pagpapabakuna. Mayroon tayong upcoming National Vaccination Day, sana marami na rin ang magpa-booster shot kasi malaki ang naitutulong ng booster shots sa ating protection against COVID-19.
Maraming salamat, Usec.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa palagian ninyong pagpapaunlak sa amin, Dr. Guido David mula po sa OCTA Research Group. Salamat, Professor.
Kasabay naman po ng paglulunsad ng kaniya-kaniyang campaign rally ng mga tumatakbo sa pagkapangulo at pangalawang pangulo, may paalala si Senator Bong Go sa mga boboto sa darating na Eleksyon 2022. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Kahapon po ay pormal ng inilunsad ng mga tatakbo sa national position ang pagsisimula ng kanilang 90-day campaign para sa election 2022. Kaya naman po alamin din natin ang paghahandang ginagawa ng kilalang election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV sa nalalapit na halalan, makakausap po natin ang kanilang Chairman Emeritus na si Ambassador Henrietta De Villa. Magandang umaga po, Ma’am!
PPCRV CHAIRMAN EMERITUS DE VILLA: Magandang umaga, Dr. Guido. Magandang umaga sa lahat ng nagsusubaybay sa inyo ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, Rocky Ignacio po, ngayon pong nagsimula na po iyong campaign period, ano po iyong mga paghahandang ginagawa ng PPCRV para po sa darating na eleksiyon?
PPCRV CHAIRMAN EMERITUS DE VILLA: Naku, maraming trabaho ang PPCRV. Iyon ngang current chairperson ngayon si Myla Villanueva, halos hindi na magkasya sa schedule niya ang mga kailangang harapin, pero kasi talagang sine-seryoso ng PPCRV ang tatlong mandato sa amin bilang accredited citizens arm ‘no. Ang una, magbigay ng voter’s education sa lahat lalo na doon sa mga lugar na malalayo na hindi naabot ng Comelec at ang pangalawa iyong mag-poll watch, magbantay sa araw ng halalan sa bawat clustered precinct ng bansa at ang pangatlo mag-conduct ng unofficial parallel count.
At ito ang mahalaga eh, kasi ang ginagawa ng PPCRV, mayroon kaming metodo, mayroon kaming proseso kung papaano hinahambing iyong physical ER, kasi accredited kami, kami ang nakakatanggap ng fourth copy ng election return pagkatapos sarhan ang pagboto ‘no. At itong anim na kopya na pini-print ng voting machine bago ipadala sa mga iba’t ibang levels ng canvassing centers ay binibigay muna sa anim na recipients. Ang pang-apat na kopya ay para sa PPCRV, iyong manual, iyong physical copy, iyong hard copy in other words at ito doon sa national office, mayroong proseso para tingnang kung tama at ihambing, i-compare doon sa electronic result na natatanggap din ng PPCRV. Kung pareho ito, ibig sabihin okay, okay iyong pagboto doon sa clustered precinct na iyon, sa lahat ng clustered precincts.
USEC. IGNACIO: Ms. De Villa pero ano po sa palagay ninyo, ito pong nangunguna pa ring problema dito sa electoral system ng bansa at sa palagay ninyo paano po ito lulutasin?
PPCRV CHAIRMAN EMERITUS DE VILLA: Ang alin, Rocky?
USEC. IGNACIO: Ano daw po sa palagay ninyo, sa tingin ninyo iyong nangunguna pa ring problema dito sa electoral system ng bansa at sa tingin ninyo paano po ito lulutasin?
PPCRV CHAIRMAN EMERITUS DE VILLA: Unang-una para sa akin ano, kailangan matigilan o kaya bumaba ang bilang ng mga nadi-disenfranchise na botante ‘no. At dito ngayon sa COVID-19, itong pandemic situation, talagang masyadong malaki ang mga hamon, maraming challenges, kasi kailangan din pag-isipan iyong safety ng mga botante ‘no. Papaano ba, kailangan iyong naka-mask at saka kailangan ng social distancing, eh kailangang paghandaan maigi ng Comelec iyong mga protocols na iyon. At ang pagka-alam ko naman ay nag-isyu ng manual ang Comelec sa mga hakbang, iyong mga bagong pamamaraan ng pag-manage ng halalan ngayong pandemic times.
Kaya lang siyempre kapag dumagsa na ang tao, kailangan din pag-isipan… I mean, iyong mga botante magkaroon din ng wisyo na huwag magtulakan, as much as possible to observe social distancing. At iyong mga may sintoma ng ubo, lagnat o mayroong symptoms of COVID-19, mayroong lugar sila kung saan sila makakaboto, para huwag namang mag-disenfranchise at pagkatapos bumoto, umalis na para sa ganoon, hindi magkaroon ng crowd doon sa voting center. Iyon ang mga paalala, dahil ibang panahon ngayon, iba iyong normal ngayon, dahil may pandemic tayo may pandemya ‘no.
At saka ang isa pang pinapaalala ko sa mga botante, bago pa kayo pumunta sa inyong voting centers, sa inyong polling precinct, paghandaan na ninyo, isulat na ninyo, gumawa na kayo ng kodigo – this is allowed – isulat na ninyo kung sino iyong nai-proseso ninyo na bobotohin ninyo para sa halalan ng sa ganoon, kapag nandoon kayo, hindi na tatagal na mag-iisip pa doon, doon pa kayo mag-iisip at maaantala iyong mga ibang botante.
Ngayon, pag-isipan na ninyo at sa pag-proseso ng inyong iboboto, ng inyong pipiliin na kandidatong iboboto, please, please magkaroon kayo ng panahon ‘no na makinig, ngayon kampanya na eh, open campaigning na, pakinggan ninyo as much as possible, makinig kayo sa mga sinasabi ng mga kandidato sa interviews, sa mga debate, sa kanilang mga rallies, pakinggan ninyo kung ano iyong kaniyang mga inaalok na kapag sila ay nahalal, ano ba iyong platform of government nila.
At hindi lang iyon, alamin ninyo magkaroon kayo ng ika nga pagtitiyaga, alamin ang ugali, ang character ng kandidato na napupusuan ninyo ‘no. Kasi siyempre kapag nangangampanya matatamis ang pangako eh, magaganda ang salita, pero ang lalabas at lalabas sa huli, iyong ugali. Ano ba iyong pagkatao noong mga kandidatong iniisip ninyong iboboto ninyo ‘no, pagnilayan at ipagdasal kung sino, para tama ang mapili ninyo, kasi maganda na iyong may kodigo kayo eh. At hindi allowed ang kodigo ninyo, isusulat ninyo sa cellphone, kasi hindi puwede ang cellphone doon sa loob ng presinto, kasi baka makunan iyong — mayroong—hindi natin maiaalis iyon eh.
Kailangan magkaroon tayo ng kaunting pag-aalaga at ika nga care for the transparency and for the credibility of elections na baka may mga iba diyan, kukunan iyong kanilang balota at para malaman noong mga nagbenta, ng bumili ng boto nila kung talaga ngang binoto nila iyong bumili sa kanila na boto. At sana naman, please, please doon sa mga may pagmamahal sa bayan at sa sarili ‘no, na huwag ibenta ang boto, huwag tanggapin ang mga—hindi tama na sasabihin mo okay tatanggapin ko, pero iba naman ang iboboto ko kung ano ang gusto ko. Hindi tama iyon, kapag tumanggap ka ng pera sa iba, kumpromitido ka na, kasangkot ka na doon sa katiwaliang ginagawa.
Kaya para tigilan na natin iyong practice sa vote buying, huwag na kayong tumanggap o huwag na ninyong pag-aksayahan ng panahon ang mga kandidatong bumibili ng boto, iyong nagbu-vote buying, kasi that is a very great evil in elections.
USEC. IGNACIO: Ma’am, tungkol naman po dito sa umano’y hacking incident kamakailan sa servers ng Comelec. Paano po kayo nag-come up—ang ilang government agencies at election watchdog kabilang na po iyong PPCRV sa consensus na wala pong naganap na data breach?
PPCRV CHAIRMAN EMERITUS DE VILLA: Rocky, bago ko simulan ano, gusto ko lang malaman na ang PPCRV ayaw naming matawag na ‘watchdog’ eh, kasi ang aso tahol ng tahol, kagat ng kagat na hindi nag-iisip kung sino ang kinakagat. Kaya kami, ‘accredited citizens’ arm,’ iyon sana ang gusto naming makilala ang PPCRV at ganoon naman talaga ang pagkakilala.
Kasi kung citizens’ arm ka ang pinagmamalasakit mo iyong boto ng botante, ng citizens, ng mga mamamayan ‘no. Iyon ang pinagmamalasakit po at iyon din dahil kami ay katulong ng Comelec ay ayaw naman naming maisip ng iba na kami ay tahol ng tahol at kagat ng kagat ng walang rason sa Comelec, hindi sana ganoon ang pagkakilala sa PPCRV.
Ngayon iyong tanong mo, iyon tungkol sa hacking, ang alam ko si Miss Myla Villanueva ang Chairperson ngayon at ang IT committee ng PPCRV. Mayroon sila ding ginawang pagsusuri kung talaga bang wasto ang mga balitang ito. At ang kaalaman namin, ang COMELEC naman, nagpalabas na ng statement tungkol dito na hindi naman dapat pagdudahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, ngayon pong sunod-sunod na rin po ang ginagawang interviews at nalalapit pa ang COMELEC sanctioned debates, bakit po sa palagay ninyo talagang mahalagang ang ganitong mga inisyatiba at dapat na tangkilikin po ng mga botante at lahukan ng mga kandidato?
PPCRV CHAIRMAN EMERITUS DE VILLA: Totoo iyan. Tama iyon, kasi mabuti nga ngayon, ang COMELEC, mayroon na silang E-Rally hour ano at saka nag-i-sponsor din ng mga debates and interviews. Kasi para sa mga botante, ito lang ang mga pagkakataon na madidinig nila ang mga kandidato at mahahambing nila kung ano ba iyong mga programang inaalok, program of government na inaalok ng mga kandidato. ‘Ika nga ay mararamdaman din nila kung ano ba ang sinseridad ng mga kandidato.
At para sa mga kandidato naman, sana lahat sila, lumahok dito sa mga inaalok na debate, interview, lumahok sila. Kasi ito rin ang pagkakataon nila naipalaam sa mga botante kung ano ba ang kanilang platform of government at doon sa pagtatanungan, kasi iba-iba ang tanong eh, lumalabas din doon kung ano iyong kanilang kakayahan. Kakayahan para doon sa puwestong hinahangad nila.
Both sides, kailangan eh, makinig para sa mga botante, lumahok kung puwede silang magtanong ng kuwestiyon, magtanong; at para sa mga kandidato naman, lumahok kayo! Kasi, anong tinatago ninyo kung hindi kayo lalahok? May tinatago ba kayo? May kinakatakot ba kayo? Well, wala! Kung naman katotohanan ang inyong inaalok at inaalay sa bayan, eh ‘di walang problema kung sumali kayo.
USEC. IGNACIO: Opo, Ma’am, maiba naman po tayo ano, kumusta naman po itong naging engagement ng mga tao, lalo na po ating mga kabataan dito po sa ginawang “e-boto” website ng PPCRV?
PPCRV CHAIRMAN EMERITUS DE VILLA: Ah, ang e-boto, kuwan iyon eh, tinatawag mo, mayroong nag-alok ng partnership sa PPCRV – iyong e-boto ano. Pero ang PPCRV, mayroon ding website, kasi may panibagong voter’s education na tugma, akma sa social media – iyong maka-Pinas, maka-Pilipinas ‘no?
At iyong mga values, value-based eh, iyong mga values doon hinugot sa preamble ng Philippine Constitution ‘no, kaya maganda! Mayroon siyempre, lagi ang basic values naman eh katotohanan, katarungan, pagmamahal, kapayapaan at saka – ano ba iyong isa – participation, iyong principled participation.
Kaya doon mayroong maka-Diyos, nasa preamble ‘yan eh, ah makatao, lalo na makamahirap, makakalikasan, makabayan, makakatarungan, iyon! Sixteen values iyon na ginawan ng specific modules and very colorful, kasi mga kabataan ang maraming nag-design nito at nag-isip para dito sa new module ng PPCRV. Maganda eh, sana i-share ninyo rin diyan sa PTV4.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, mayroon lang po, if I may, ano po, may tanong po ang ating kasamahan sa media para sa inyo, tanong po ni Sam Medenilla ng BusinessMirror: Kung bakit daw po ililipat na ang pag-host ng transparency server to be used for the 2022 polls mula daw po sa Pope Pius Catholic Center sa UST?
PPCRV CHAIRMAN EMERITUS DE VILLA: Ah, unang-una kasi Pius Catholic Center, iyon doon dati sa Command Center, doon namin natatanggap sa transparency server namin ang electronic results ano, ang ka-partner namin dito KBP. KBP-PPCRV ang command center na iyon.
Kasi, maliit na eh, for pandemic needs ‘no, social distancing and all of that, hindi na sapat ang size, iyong laki at ang mga facilities ng Pius XII. Kaya humanap si Myla ng ibang lugar at ang napaka-ideal ay ang UST Arena. Malaki eh, can accommodate 5,000 people kaya ang social distancing, iyong mga para sa media, para iyong mga pupunta roon, iyong mga volunteers lalo na ng PPCRV, nakakasiguro ka ng safety according to social distancing protocol. At isa pa, ang daming facilities, within that floor and below it, ang daming kuwarto na akmang-akma sa pangangailangan ng command center or especially for pandemic times.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin ngayong umaga, PPCRV Chairman Emeritus Ambassador Henrietta De Villa, mabuhay po kayo. Maraming salamat po, Ma’am!
PPCRV CHAIRMAN EMERITUS DE VILLA: Salamat din, Rocky, kasi alam mo naman na ang PPCRV ay ang laging the most effective partner, is a vigilant media. Thank you, God bless you ah!
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, displaced workers o mga nawalan ng hanapbuhay mula sa La Union ang pinakahuling hinatiran ng tulong ng pamahalaan at ni Senator Bong Go kamakailan. Bukod sa ayuda mula sa opisina ng senador, nagbigay din ng livelihood assistance ang DSWD. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service kasama si John Mogol. John, Good morning!
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol, mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
Iuulat naman sa atin ng PTV-Davao ang latest sa Davao Region. Narito si Julius Pacot ng PTV-Davao:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Narito naman po si Alah Sungduan mula sa PTV-Cordillera para i-report sa atin ang mga napapanahong balita sa rehiyon:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Maraming salamat po sa inyong pagtutok ngayong umaga, hanggang bukas po muli.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center