Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas.

Simula ngayong araw, Huwebes, ika-sampu ng Pebrero, pinapayagan ang muling pagpasok ng mga fully vaccinated foreign tourists mula po sa non-visa required countries. Ngayong araw, umarangkada na rin po ang third batch ng Bayanihan, Bakunahan program sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Iyan at iba pang updates sa mga programa para sa Overseas Filipino Workers ang ating tatalakayin.

Manatiling nakatutok sa telebisyon man o sa ating live streams. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa unang linggo ng pagbabakuna sa mga batang edad lima hanggang labing isa (5 – 11), mas darami pa ang inasahang mababakunahan ngayong pinalawig na rin ito sa iba pang mga lugar sa bansa kaya naman patuloy ang paghikayat sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Diretso na po tayo sa ating unang talakayan. Ano nga ba ang inaasahang epekto sa sektor ng turismo ang muling pagbubukas ng bansa para sa mga dayuhang turista? Ito na nga ba ang road to recovery para sa tourism sector? Makakausap po natin sa kabilang linya si Secretary Berna Romulo-Puyat ng Department of Tourism. Good morning, Secretary.

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Good morning Usec. Rocky at good morning sa lahat ng nanunood sa iyo ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nakahanda na po ba ang Pilipinas at ang Department of Tourism sa muling pagbubukas ng borders natin sa mga foreign tourists simula ngayong araw?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Yes, Usec. Rocky, matagal na tayong ready. Noong March 2020 pa lamang naka-implement na lahat ng ating health and safety protocols sa lahat ng mga hotel, kinakausap natin lahat ng mga LGU at noong 2020 handang-handa na tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, saang mga bansa po iyong target ng Department of Tourism sa pagbubukas lalo’t malapit-lapit na po itong summer season?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Oo. Iyong ating number one tourist dati bago magkapandemya ay galing sa Korea, sila iyong number one tourist – visa free country sila; tinitingnan din natin iyong mga neighboring Asian countries. Siyempre hindi mawawala naman iyong ating mga balikbayan na galing sa US na matagal nang gustong umuwi dito pero hindi makauwi dito dahil [sa mga restrictions lalo na] sa quarantine.

At don’t worry, Usec. Rocky, kasi ngayon marami na sa ating mga tourist destinations ay one hundred percent (100%) vaccinated na and ongoing na iyong tourism program, so hindi lang iyong health and safety protocols, we make sure na iyong ating mga tourism workers na mga nasa tourist destinations ay bakunado at magkaka-booster shot.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod ko na rin itong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Racquel Bayan ng Radyo Pilipinas: Are we expecting po ba na magtutuluy-tuloy na iyong pagpapapasok ng fully vaccinated foreign travellers sa Pilipinas until the end of 2022, especially now that COVID numbers continue to decline?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Siyempre kami sa Department of Tourism, siyempre iyon ang gusto namin – sana tuluy-tuloy na ito. Lagi naman talaga kaming nakikinig sa ating mga health experts, sa ating mga doktor. Sila nga mismo ‘di ba, Usec. Rocky, ang nag-advice na puwede na walang quarantine at noong tinanong namin kung puwede nang pumasok, iyon na nga ay pinag-agree iyong visa-free countries. Sana tuluy-tuloy na ito para tuluy-tuloy na magkatrabaho iyong ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Racquel Bayan ng Radyo Pilipinas: Do we already have an estimate foreign tourist arrivals for this year and how many tourism workers will benefit from this development?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Mahirap magbigay ng target or iyong estimate number na kung ilan ang dadating kasi nasa pandemya tayo ‘di ba, ang dami-daming mga restrictions sa iba’t ibang bansa. Pero ang masasabi ko lang is noong dahil sa pandemya, mga 1.1 million na nagtatrabaho sa tourism ang naapektuhan, nawalan ng trabaho. So iyon, we hope that with the, ngayon siyempre may domestic tourism, at with the reopening of the Philippines from foreign visa-free countries, tuluy-tuloy na at magkakatrabaho na iyong mga nawalan ng trabaho..

USEC. IGNACIO: Opo. Ito nga, Secretary, iyong tanong: Paano daw po iyong inaasahang makakatulong na ma-boost ang tourism sector para makabawi sa higit dalawang taong pandemya?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Oo. Iyong pakikipag-usap natin sa ating mga stakeholders, ang importante lang sa kanila is, number one, iyong makabukas na tayo, back to normal kaya iyong ating mga tourism workers natin, lahat nagpabakuna na at nagpa-booster kasi gusto na talaga nilang bumukas – iyon ang importante talaga sa ating turismo, magbukas na. At kung iikot man around the Philippines, sana iyong mga restrictions sa mga LGU iisa na lang, hindi masyado komplikado. So iyon lang naman ang gusto nila, ease of travel at makabukas na tayo para makabawi na sila. By March kasi two years na na sarado eh, so masayang-masaya na ang ating stakeholders na magkakatrabaho na sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Anu-ano daw pong mga lugar dito sa Pilipinas iyon daw pong puwedeng puntahan ng mga foreign tourists at ano pong guidelines ang ipatutupad sa pagbisita nila?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Oo. Ang mga usual na pinupuntahan ng ating mga dayuhan, foreign tourists ay iyong Boracay – Boracay pa rin, may nag-iisip ng Baguio City, Palawan o iyong mga iba Batangas – depende kasi kung saan iyong beach – Boracay, Bohol, etcetera. Kunwari diving gusto nila – Batangas, Palawan, Bohol, so iba’t iba depende kung ano iyong gusto nilang puntahan pero number one pa rin talaga ay Boracay. Pero mayroon ding mga ibang nagsasabi gusto daw nila pumunta sa Ilocos Norte, sa Ilocos Sur. So ang maganda naman dito, mayroon tayo na ginawang bagong mga domestic [tourism] circuits na nagki-cater sa hinahanap ng mga turista ngayon, iyong may pandemya – iyong open air, open space, etcetera.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary pakihingi lang daw po kami ng paliwanag dito po sa tinatawag na ‘travel circuits’ na inihanda ng DOT para naman daw sa mga turista. At paano po iyong ginagawa dito at ano daw po ang magiging advantage nito?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Oo. Based sa mga survey na ginawa namin, gusto namin kasi malaman kung ano iyong gusto ng mga turista lalo na may COVID. Ang gusto nga daw nila open air, open space. So mayroon kaming 70 domestic tourism circuit na dinevelop ng Department of Tourism kasama ng ating mga LGUs. Vinalidate namin ito, like ito kasama ang food and culinary tourism, iyong nature and wellness program, iyong bike and motorcycle tourism – napansin mo, Usec. Rocky, ngayon biglang mas maraming nagba-biking.

So mayroon din farm and agri-tourism, biglang nabuhay iyong aming farm tourism na masayang-masaya kami kasi ngayon gustung-gusto ng ating mga turista malaman kung where their food comes from, gusto nilang mag-farm, eh lalo na tayo agricultural country, mayroon din religious and faith-based driven. So ito talaga tiningnan namin iyong survey na ginawa ng AIM na kung ano ba iyong gusto nila. May mga mountain-climbing nga rin eh, basta gusto nila open air, open space, sun and beach.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, dahil iba-iba iyong guidelines na ipinatutupad ng bawat LGU, paano raw po masisiguro na magiging seamless pa rin itong pagbisita ng mga turista dito sa Pilipinas na hindi raw po naku-compromise iyong kanilang kaligtasan?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Lagi talaga nating pinapaalala na sumunod sa minimum health safety protocols lalo na, Usec. Rocky, iyong pagsuot ng mask. Minsan nakakalimutan na iyan eh. Palaging naghuhugas ng kamay at iyong avoid crowded places ‘di ba. Dapat talagang kahit na fully vaxxed, lagi naming pinapaalala sa ating mga [travellers] kahit na domestic travellers, turista, kahit na fully vaccinated kayo at kahit na, let’s say, negative kayo sa RT-PCR, sinusundan pa rin natin iyong minimum health and safety protocols.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumusta naman daw po itong local tourism ngayon matapos po iyong panandaliang restrictions dahil sa naging Omicron surge?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: At least, maganda ngayon na Alert Level 2 na tayo ngayon dito sa NCR. Kasi iyong bulk talaga ng mga turista ay galing sa NCR. Dahil sa pagbaba, tuluy-tuloy ang pagbaba ng ating kaso dito sa NCR, hindi na mahigpit iyong ating mga tourist destination. Kagaya sa Boracay, noong nag-Alert Level 3 tayo, humingi ng RT-PCR. Ngayon, kung galing Alert Level 2, fully vaccinated na lang ang kailangan.

Pero siyempre, kung hindi bakunado, doon lang magbibigay ng negative RT-PCR. Same rin iyan sa Baguio, basta kapag galing sa Alert Level 2, hinihingi lang ay dapat fully vaccinated ka.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ng ating kasamahan din sa media, mula kay Gerald dela Peña ng TV5: Ano po iyong tingin ninyo sa hiling ng hotel owners na magkaroon daw po ng financial life line para sa kanila ngayong mababawasan iyong mga kinakailangan pong mag-quarantine?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Alam mo, Usec. Rocky, sa totoo lang, medyo nagulat ako doon. Kasi palagi ko namang kausap ang Philippine Hotel Owners Association, at palagi ko namang kausap iyong mismong hotel owners. Tingin ko, kakaunti lang iyon kasi mismo noong nag-announce na magbubukas na ang Pilipinas at no quarantine, mismo iyong mga hotel owners na kausap ko, sinabi nila na masaya sila sa ganitong development. Kasi ‘di ba, they were dealt as regular hotels at quarantine, gusto na nila back to normal para sumigla na ulit ang ekonomiya. At ang pagtanggal ng quarantine ay galing din naman sa mga doktor, sila naman ang nag-advise nito at sumusunod naman kami dito.

Alangan naman, Usec. Rocky, magka-quarantine pa kami para lang kumita iyong iilan. Kawawa naman iyong ating OFWs, ‘di ba, at ang ating mga balikbayan. ‘Di ba, iyong gustung-gusto nang umuwi pero nauubos iyong kanilang oras sa quarantine. Iyong mga iba pa nga may gastos. Eh mismo na iyong doktor ang nagsabi, wala nang quarantine.

But to be fair naman, baka iilan [garbled] iyong mga kausap ko masaya, in fact, 76 na ng mga dating quarantine hotels ay nag-convert na sa regular hotel. So iyon lang nga, ang hinihingi sa amin ng mga hotel owners ay promotion. Mag-promote, continuous promotion abroad para tuluy-tuloy na ang pagbukas ng turismo at magkatrabaho na lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kunin ko na laman iyong inyong mensahe. Siyempre paanyaya, paalala po sa ating mga manunood lalo’t magbubukas na po ang ating tourism sector. Go ahead, Secretary.

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Usec. Rocky, ang saya-saya ko nung nakausap kita ngayon, puro good news. At parang ang tagal-tagal na [garbled] na wala tayong good news. First of all, masaya kami, lahat ng stakeholders, na nagbukas na tayo today. In fact, for today, we are expecting – nagulat ako – 222 tourists today, the bulk coming from the US, pangalawa [garbled] Indonesia, Japan, Malaysia. So talagang naghintay sila, Usec. Rocky ng Feb. 10 para lang makarating na dito.

Pero lagi naming pinapaalala sa Department of Tourism, na susunod pa rin talaga sa minimum health and safety protocols. Hindi porke lang bakunado or negative siya sa RT-PCR na puwede na iyong pre-pandemic, palagi pa rin talaga mag-ingat – please wear your mask.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras at impormasyon, Secretary Berna Romulo-Puyat. Mabuhay kayo, Secretary.

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Mabuhay and thank you very much. Stay safe.

USEC. IGNACIO: Ngayong araw, simula na rin po ang unang araw ng ikatlong batch ng Bayanihan, Bakunahan na layong mabakunahan ang nasa limang milyong individuals sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Pag-usapan natin iyan kasama po si Dr. Ted Herbosa ng National Task Force Against COVID-19. Good morning po, Doc Ted.

NTF ADVISER DR. HERBOSA: Good morning, Usec. Rocky. At good morning sa mga nanunood dito sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, ano po ang ini-expect na turnout sa unang araw ng third batch ng nationwide vaccination drive? Kumusta rin po iyong rollout so far?

NTF ADVISER DR. HERBOSA: Tama iyan, ano. We are starting today, February 10 hanggang February 11, bukas, ang pangatlong Bayanihan, Bakunahan Part 3. Ito ang pangatlong beses na magki-create tayo ng vaccination days para mahabol natin iyong 70 million Filipinos fully vaccinated.

Ang target na sinet ng ating Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez, ay makagawa tayo ng five million doses na maibakuna natin ngayon at bukas. So siguro mga 2.5 million ngayon at 2.5 million bukas.

At ang sumali sa ating mga vaccination sites all over the country, umaabot sa 12,000 na vaccination sites. Kasama diyan, Usec. Rocky, iyong mga botika na sumama doon sa Resbakuna sa Botika. Sumama na rin diyan iyong mga eskuwelahan at mga LGU na may mga vaccination sites.

So hopefully, ma-attain natin iyong targets na iyon ‘no, iyong five million. Sana umabot pa nga ng six million. Nasa ano na tayo ngayon, Usec. Rocky, 59.8 as of February 4 ang fully vaccinated Filipinos. So very important maabot natin by March 31 iyong 70 million or 70% ng ating population para fully vaccinated. And tuluy-tuloy iyong pagbabakuna sa ating mga below 18 at iyong mga booster dose; iyong mga matagal nang hindi pa nabakunahan, may three months na ay puwede na rin magpabakuna today. Ang maganda sa vaccination days, hindi kailangan mag-pre-register. Puwede pong basta tumuloy na lang doon at mag-walk-in at magparehistro sa ating over 12,000 vaccination centers nationwide.

USEC. IGNACIO: Opo. Sinabi ninyo nga po, hopefully by March makuha natin itong 70 million na target na mabakunahan. So tingin ninyo po ay puwede pang i-extend ng ilang araw itong third batch ng Bayanihan, Bakunahan? Posible po ba itong ma-extend pa?

NTF ADVISER DR. HERBOSA: Naku, totoo iyan. Totoo iyan, Usec. Rocky. Kasi noong nakaraang mga vaccination days natin, iyong ginanap noong November at ginanap noong December, kalagitnaan ng December, nag-extend ang ibang LGU dahil sa demand, dahil sa dami ng mga pumunta; gusto nilang tapusin lahat ng mga available.

So habang may bakuna, puwede namang mag-extend iyong LGU kung marami pang ating kababayan ay gustong makakuha ng bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, alin pong mga areas itong binabantayan dahil sa mababang vaccination turnout?

NTF ADVISER DR. HERBOSA: So we have areas sa Mindanao ‘no, iyong sa BARMM at saka sa outside different areas. We have mga limang region pa lang na nakaabot ng 70% ng kanilang vaccination target. So we do hope umakyat pa to more than 50 or 60% sa iba pang mga regions.

So sana makatulong itong Bayanihan, Bakunahan sa mga naghi-hesitate pa, iyong mga naghihintay ng kasama. Alam mo kasi kapag ganitong maramihan iyong binabakunahan, naiengganyo na rin iyong iba magpabakuna. So we hope mangyari rin iyong nangyari noong naunang dalawang vaccination days na marami talagang pumunta para magpabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon sa NVOC nga po, nasa 28 million itong due para po sa booster doses. Ano po iyong nakikita ninyong dahilan o challenges bakit po marami-rami pa rin ang hindi pa rin po nakatatanggap ng kanilang booster shot?

NTF ADVISER DR. HERBOSA: Oo nga, Rocky, ‘no. Marami tayong mga fully vaccinated na nabakunahan prior to February 10, so, November 10. Kung ikaw ay nabakunahan November 10 or earlier, ikaw ay kandidato na para magkaroon ng booster. Gusto nating itaas iyang numero ng mga Pilipino na may booster dose ‘no. Alam natin na nagkakaroon ng waning o pagbaba ng antibodies ang isang taong nabakunahan na overtime, over six months.

So, tayo at three months puwede nang makakuha ng tinatawag na booster shot or third dose. Iyan po ang ating kampanya para current or updated ang iyong vaccine status at kung mayroong bagong variant or mahawa man kayo, lalo na ngayon panahon ng kampanya, maganda iyong mga sumasali diyan sa mga rally na iyan ay may booster dose para sila ay protektado kung sila man ay mahawa.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc Ted, dito sa ating third wave ng vaccination drive, are we expecting na mas marami po talagang mababakunahan ng first dose at booster?

NTF ADVISER DR. HERBOSA: Iyan ang focus natin, gusto natin mabigay iyong booster sa mga areas na nagbibigay ng booster. Ito iyong ating mga private na botika ‘no. And then iyong first dose, gusto natin makatanggap na iyong mga naghi-hesitate, iyong matagal nang naghihintay kasi siguro naman nakita nila ang dami nang binakunahan, 60 million Filipinos na ang fully vaccinated, mababa naman ang side effect. So, sana makita natin na dumagdag pa iyong mga naghihintay na mabakunahan ngayong araw at bukas.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano na lang po iyong masasabi ninyo sa ilang nagsusulong na i-require na rin daw po itong booster cards, Doc Ted?

NTF ADVISER DR. HERBOSA: Well, currently ang ating fully vaccinated ay still iyong two doses. We have about 7.8 million Filipinos na nakatanggap na ng booster dose at importante na padamihin pa natin iyan. Sabi mo nga, 28 million ang ini-expect pa nating due na for vaccination. So, I do hope mabakunahan na rin natin sila bago tayo mag-rollout ng vaccination na puwede diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Hingi na lang po kami ng update dito naman po sa vaccination rollout para naman sa mga batang lima hanggang labing-isang (5-11) taong gulang? Mas tumaas po ba iyong turnout nitong nakaraang mga araw? At kumusta rin po iyong observation ngayong umarangkada rin po ito sa ilang lugar sa labas ng Metro Manila?

NTF ADVISER DR. HERBOSA: Correct, Usec. Rocky ‘no! Parang doble doon sa na-target namin ano. We have launched yesterday itong five to eleven (5-11) years old sa all LGUs sa Metro Manila. Mayroon ng site for vaccination ng five to eleven at idinagdag pa natin iyong Region III at Region IV-A.

At very good ang response kasi may mga naka-costume pa at saka ang daming mga creative ways iyong ating mga LGU na naisip para kaaya-aya sa ating kabataan na magpabakuna. So, may mga mascot, may mga giveaway. Masaya, parang children’s party ang mood doon sa vaccination sites na itinalaga.

And hopefully by February 14, sa Lunes, magla-launch tayo niyan, nationwide na. Sa buong bansa magbabakuna na tayo ng ating five to eleven (5-11) basta dumating lang iyong ating mga supplies for that age group.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, kaugnay po sa panawagan ng ilang mga negosyante na ibaba na sa Alert Level 1 ang Metro Manila. Kung pagbabasehan po ang current figures at ang hospital situation sa mga lungsod, sa tingin ninyo posible na po itong maipatupad?

NTF ADVISER DR. HERBOSA: Tinitingnan ko rin ang datos ‘no. Hindi naman tumataas ang mga kaso ng naoospital na COVID lalo na dito sa NCR. Iyan siguro ay dahil sa ating mataas na vaccination rate at ang karamihan ng nahawa din ng COVID nitong nakaraang buwan ay sa bahay lang nagpagaling. That means nakakayanan na ng health system at lumuluwag-luwag sa pag-admit ng mga COVID.

However, marami pa tayong dapat tingnan na datos. Tingnan natin kung tumataas na talaga iyong vaccination rate. Maganda mayroon na rin tayo sa teenager at sa five to eleven (5-11) years old, pero importante rin na matingnan natin na mabakunahan iyong mga unvaccinated para mababa natin iyong ating alert level.

Mayroon din tayong campaign period. Because of the campaign period nakita ninyo naman during the proclamation rally parang hindi nasusunod lahat ng minimum public health standards.

May nakikita ako na ang mask na sa baba, mayroon tayong nakikitang hindi nasusunod iyong one meter physical distancing at mayroong lumalampas sa dami ng tao doon sa isang venue at sumisigaw siyempre ang mga tao at iyan ay isang aerosolizing procedure na puwede mong maibuga talaga iyong COVID virus kapag ikaw ay sumisigaw at kumakanta.

So, very important na masunod sana ito ng ating mga political parties at iri-remind ko lang sa kanila, iyong nangyari sa India last year. Ganiyan po ang nangyari ‘no, nagluwag, nagkampanya at talagang dinumog sila ng maraming-maraming kaso. So, reminder lang siguro sa ating mga kandidato.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, may tanong tayo mula sa ating kasamahan sa media. Mula po kay Joseph Morong ng GMA News: Kaugnay daw po ng bagong guidelines sa foreign arrivals starting today, what’s the bottom line rule and are we not worried of a spike in cases? Do you think the protocols for this are enough?

NTF ADVISER DR. HERBOSA: I think this is what we call risk-based approach, ano. Sapagkat iyong COVID-19 ay nandidito na, iyong Omicron ay nandidito na, so wala na tayong hinaharang na iba pang variant ‘no. Ang importante ay sila ay fully vaccinated.

So, ito iyong naging requirement na lang, 48 hours before your flight, may negative PCR test ang pasahero o turista at mayroon silang valid na vaccination card, fully vaccinated card or even booster shots [card] para sila ay papasukin at sila ay a-advise-an na mag-self-monitor.

Kung sila naman ay unvaccinated, sila ay iri-require mag-facility quarantine, iyong dati pa rin, iyong seven days and then ten days bago ilabas sa ating hotels.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, kami po ay nagpapasalamat sa palagian ninyong pagsama sa amin ano. Dr. Ted Herbosa ng National Task Force Against COVID-19. Ingat po kayo.

NTF ADVISER DR. HERBOSA: Maraming salamat din, Usec. Rocky at ingat po tayong lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala, ikatlong Bayanihan Bakunahan, nagsimula na ngayong araw. Pero bago iyan, panibagong batch ng Pfizer COVID-19 vaccines na binili ng pamahalaan ang dumating kagabi. Si Mark Fetalco para sa report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Mark Fetalco.

Kahit po may pandemya, walang patid ang pagpapaabot ng tulong para sa mga Pilipino saan mang panig ng mundo. Isa na riyan ang repatriation assistance at tulong pinansiyal para sa mga umuuwing OFWS. Pakinggan po natin ang update tungkol diyan mula mismo kay Administrator Hans Leo Cacdac ng Overseas Welfare Administration. Good morning and welcome back, Attorney.

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Salamat, Usec. Rocky at magandang umaga rin po sa inyong mga tagapakinig at tagapanood.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa usapin po ng repatriation, gaano na karaming OFW ang natulungan nating makauwi sa kanilang mga pamilya mula po nang magsimula itong pandemya at sasapat din po ba ang pondo ng OWWA ngayong taon sa pagpapatuloy nitong repatriation efforts natin?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes. At the beginning today, 923,652 na po ang napauwi natin mula sa DOLE-OWWA and the interagency effort na inatasan ng ating Pangulo na pinasisinayaan ni Sec. Bello at ito ay patungkol sa food, transport and hotel quarantine accommodation ng mga ating mga mahal na OFWs na nanunumbalik sa kani-kanilang mga home LGUs.

Ngayon doon sa budget naman po ay mayroon tayong 11.4 billion na inilaan ng Kongreso at mahal na Pangulo, so malaking pasasalamat po natin. Ang budget natin ay maiibsan, kasi nga po itong IATF Resolution 159 na nagsasabi na kapag fully vaccinated ang isang arriving OFW at may negative RT-PCR test na forty-eight (48) hours ang bisa ay hindi po kailangan ng facility-based quarantine and indeed, bumaba po ng husto ang ating mga occupancy sa hotel quarantine facilities. Mga isang libo (1,000) na lamang po ang ating occupancy in around 51 hotels ang mga nanunumbalik na OFWs. Sila iyong mostly mga unvaccinated, not fully vaccinated na mga returning OFWs.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, pagpasok naman po ng unang araw ng Pebrero ngayong taon ay ipinatupad na nga po iyong IATF resolution na pansamantalang nagsususpinde sa mga mandatory quarantine para sa mga returning OFW. Kumusta po ang unang linggo ng naging implementasyon nito at gaano po karaming retuning OFWs iyong nakinabang po mula rito?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes, well ano ngayon, February 10, ngayon, Usec, kaya’t sa unang sampung araw o mga siyam na araw ay halos 20,000 ang na-transport po natin, napakain at na-transport natin until sila ay makauwi sa kani-kanilang home regions. Kapag sinabi ko pong transport, iyan ay either iyong through our OWWA chartered buses, sa PITX sa mga taga-Luzon or through OWWA chartered flights, kung ang OFWs natin ay taga-Visayas at Mindanao.

So, mga halos 20,000 po sa loob ng less than ten days and counting ang nakauwi. Lalo na noong unang araw, Usec, noong February 1 ay halos anim na libo (6,000) ang napauwi natin dahil nagbabaan mula sa hotel quarantine dati. Ayon sa IATF Resolution 159 kasi, lahat ng mga nasa kuwarantina, bukod sa mga nauwi na fully vaccinated, lahat ng mga nasa kuwarantina noong panahon na iyon ay puwede nang ma-transport natin sa kani-kanilang home regions, basta negative ang RT PCR test na dala mula sa ibang bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa inyo pong datos, gaano na lang po karaming OFWs ito pong kasalukuyang nasa quarantine hotels at ilan na lang din po iyong inaasahan nating magiging average na number nito pong mga retuning OFW na sasailalim sa mandatory quarantine dahil sa pagpapatupad nitong bagong patakaran?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Okay. One thousand five hundred eighty-two (1,582) ngayon ang OFWs natin in fifty-one (51) hotel quarantine facilities. That is a drastic reduction from 7,000, two weeks ago and ngayon down to One thousand five hundred eighty-two (1,582). Noong kasagsagan ng Omicron at nagkaroon pa nang pagkaantala ng pagbiyahe due to Typhoon Odette, umabot ng mga halos fourteen thousand (14,000), that was about a month ago noong Disyembre papasok ng Enero. But now, it’s down to One thousand five hundred eighty-two (1,582).

On average, Usec, ang nai-hotel natin sa mga arrivals is around 10% ng mga dumadating. So naka-depende ito sa mga nakakapasok na mga OFWs. At sa buong pagkakaalam natin ay ganap na ring luluwagan iyong entry, iyong tinatawag na arrivals quota dahil nga sa kasagsagan ng Omicron or Delta at iyong pasilidad ng kuwarantina na considered din iyan kung ilan ang kakayanin na mapauwi. Pero dahil lumuwag na ang mga regulasyon ay asahan natin na mas dadami ang uuwing mga OFWs. So iyong 10% na iyon na mga unvaccinated na nauwi, nakadepende iyan sa papasok.

So sa ngayon mga three thousand (3,000) OFWs ang nararamdaman nating dumadating, lumalapag sa airport, kaya more or less mga 300 ang dumadating to have their seven day quarantine and release upon seven (7) days kapag nakatanggap na ng negative PCR test results to be conducted on the fifth day of quarantine.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney dahil po sa patakaran ay temporary lamang po ito, pero gaano naman daw po kahanda ang OWWA at DOLE kung sakaling muling ibalik itong mandatory quarantine para sa ating mga returning OFW?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes, we are ready, we stand ready. We also noted that, Usec, na ang wording sa IATF Resolution 159 is temporary suspension ng no facility-based quarantine, meaning puwede nga talagang ibalik at any time. So, we are on guard, we will always be ready, we stand ready in the event na ibalik iyong mandatory quarantine.

Sana hindi na ibalik, we joined iyong panawagan ni Sec. Bello at Sec. Berna kanina na as much as possible, bigyan ng mas maraming panahon ang ating mga OFWs to be with their families. Doon na lang sa kanilang LGUs magsagawa ng home quarantine or self-monitoring.

Pero having said that, we are ready in case ibalik iyong mandatory quarantine. We are two thousand (2,000) strong nationwide, ang ating OWWA frontliners in support to frontliners. Here in NCR alone, we have around one thousand one hundred (1,100) ang ating mga frontliners in support to frontliners. So, we stand ready, Usec, in case ibalik iyong mandatory quarantine.

USEC. IGNACIO: Opo. Hinggil naman po sa pamamahagi ng cash assistance para sa mga OFW na naapektuhan ang kabuhayan dahil po sa pandemya, kailan po inaasahan ng mga mayroong approved application ang kanilang AKAP at sino lang din po ba iyong magiging coverage ng pamamahagi ngayon ng AKAP cash assistance?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes. Sa ngayon ipinag-utos na ni Sec. Bello, na because of the 2022 budget coming in ay na-download na iyong funds from the DBM at inaasahan natin na humigit kumulang mayroong fifty thousand (50,000) na panibagong mga OFWs na makikinabang dito sa latest release mula sa DOLE.

So, inaasahan natin na ngayong linggo ida-download sa DOLE Regional Offices iyong funds at magri-release na ng mass ng pondo. Kasi, kung maalala natin, Usec, matagal ang paghihintay, kasi iyong inaasahan nating Bayanihan 3 ay hinintay na lang iyong pagpasok ng General Appropriations Act ng 2022.

So, ang paghihintay niyan ay mula noong Bayanihan 2, noong naubos iyong funds sa Bayanihan 2 until pumasok na iyong GAA ng 2022. So, ready na naman and hopefully fifty thousand (50,000) in the next few weeks kung hindi man next few days na makakatanggap na ng kanilang AKAP benefits.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Admin, magpapatuloy po ba ngayon taong itong pamamahagi ng AKAP cash assistance, lalo’t may mga pending applications po iyong ilang sa atin OFW at iyong iba naman po ay magsusumite pa lang po ng kanilang application sa nasabing ayuda?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Opo. Sa ngayon ay naka-hold iyong pagtanggap natin ng bagong applications, effective January 14, but we are making a plea to the national government, to the DBM na magkaroon ng karagdagang pondo para makatanggap na naman tayo ng bagong applications. Sa ngayon, we are addressing the pending applications. As to whether or not we will receive new applications, iyon po ang idinudulog natin sa DBM, sa national government na sana mabigyan tayo ng pondo para sa 2022 na AKAP.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong si Sam Medenilla ng Business Mirror: May update na po kaya sa plano ng IATF to raise the arrival cap? Kailan po kaya ito expected ma-implement?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes, itinaas na noong last week, alam ko nagkaroon na ng ‘notice-to-airmen’ iyong CAAP last week. Itinaas from 3,000 to 5,000 noong Friday last week. So, nararamdaman na natin ang increase, ito iyong kinukuwento ko kanina. Kasi iyong five thousand (5,000) arrivals naman na iyon hindi lahat OFW.

So, three thousand (3,000) of the five thousand (5,000) were OFWs, and of the three thousand (3,000), ten percent (10%) doon ay not fully vaccinated. So, ten percent (10%) ng three thousand (3,000) ang usually na binibilang natin for mandatory hotel quarantine. But all the rest under, IATF resolution ay hinahatid na natin sa kanilang home LGUs at inaasahan pa natin sa darating na araw, lalo na sa pagbubukas ng transport, inaasahan natin na mas lalong lalaki iyong bilang ng mga OFWs na uuwi.

Kasi, once nadinig ng mga mahal natin na OFWs na lumuwag na ang quarantine protocols dito sa atin na wala ng facility-based quarantine ang prediction namin ay mas marami na talagang mga kababayan natin ang uuwi ngayong panahon ng fiesta at panahon ng graduation ng kanilang mga anak.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at palagiang pagsama sa amin, OWWA Administration Hans Leo Cacdac. Stay safe po, Attorney.

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Maraming salamat, Usec at ipagdasal po natin ang isa’t isa. Ingat po lagi.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Ilang paaralan sa Metro Manila nagbalik na ang expanded face-to-face classes. Kabilang na dito ang nasa lungsod ng San Juan City o San Juan kung saan mahigpit na ipinatutupad ang health protocols at tanging ang mga bakunadong guro lamang ang nagtuturo. Ang report mula kay Cleizl Pardilla. Cleizl?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Cleizl Pardilla.

Para bigyang daan ang mahalagang anunsiyo mula sa Malacañang, makakasama po natin si Acting Presidential Spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles. Good morning CabSec.

CabSec, can you hear us?

CABSEC NOGRALES: [Sorry, naninibago ako dito]. Magandang umaga po sa ating lahat, magandang tanghali po, magandang Huwebes na tanghali sa ating mga kababayan.

Special announcement lang po ngayong araw dahil may bagong action at decision ang Inter-Agency Task Force (IATF).

Inaprubahan ng IATF ang recommendation ng Department of Foreign Affairs na kilalanin ang mga national COVID-19 vaccination certificate ng Brazil, Israel, South Korea at Timor Leste for purposes of arrival quarantine protocols as well as for interzonal/intrazonal movement.

Kung inyong matatandaan may nauna na tayong mga bansa/teritoryo/jurisdictions kung saan ang kanilang proofs of vaccination ay ating kinilala at tinanggap. Kaugnay nito inaatasan ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation, One Stop Shop at Bureau of Immigration na kilalanin ang proofs of vaccination ng apat na bansang aking binanggit.

Inamyendahan din po naman ng IATF ang ilang entry, testing and quarantine protocols ng mga foreign national na galing sa ibang bansa na unang nakasaad sa provision ng IATF Resolution No. 160-B dated February 3, 2022.

Nakasaad sa IATF Reso. No. 160-B na “Foreign nationals traveling to the Philippines for business and tourism purposes may enter the Philippines without visas provided they have valid tickets for their return journey to the port of origin or next port of destination not later than 30 days from date of arrival in the Philippines.” Ngayon, dito po sa bagong resolution mayroon na po itong exemptions.

Ngayon, dito po sa bagong resolution mayroon na po itong exemption. So it now reads, “Except for foreign spouses and or children of Filipino citizens, and former Filipino Citizens with balikbayan privilege under Republic Act 9174, including their foreign spouse and or children who are not balikbayans in their own right and are traveling with them to the Philippines.”

So ito po ang exemption sa requirement na kailangan ng valid tickets for their return journey to the port of origin or next port of destination not later than 30 days from date of arrival in the Philippines. Ibig sabihin po, to reiterate, foreign spouses and or children of Filipino citizens and former Filipino citizens with balikbayan privilege under Republic Act 9174, including their foreign spouse and or children who are not balikbayans in their own right and are traveling with them to the Philippines will not be required to possess return tickets not later than 30 days from date of arrival in the country.

Inamyendahan din po ang provision under the heading, foreign nationals entering through 9A visa. Sa resolution number 160 – B, ito ang nakasaad. Foreign nationals not covered or qualified under Section A-1(A), ito iyong dating Filipino citizens with balikbayan privilege or Section A-1(B), ito naman iyong mga citizens sa 157 countries entitled to a stay na hindi lalampas sa 30 days or foreign nationals from visa-required countries or restricted foreign nationals may enter the Philippines through an entry exemption document.

Ngayon, sa Resolution 160-D, ito po ang pinakabagong resolution, ito po ay nadagdagan ng foreign nationals covered by Section A-1(B) intending to stay beyond 40 days for purposes other than tourism or leisure. Ibig ko sabihin, ang citizens coming from the 157 countries under E.O. 408 series of 1960 as amended, who intend to stay beyond 30 days for purposes other than tourism or leisure, may enter the Philippines through an entry exemption document issued under existing IATF rules and regulations, provided: Number 1, they are fully-vaccinated as defined in Section A(2) above except only for minor children below 12 years of age traveling with their fully vaccinated parents or parents; Pangalawa, they carry or possess acceptable proof of vaccination as set out in A(3) above and they present a negative RT-PCR test taken within 48 hours prior to the date and time of departure from the country of origin/first port of embarkation in a continuous travel to the Philippines excluding lay-overs provided that he or she has not left the airport premises or has not been admitted into another country during such lay-over.

Idinagdag din po sa inamyendahang resolution ng IATF ang tungkol sa foreign spouses at sa mga anak ng Filipino citizens, na hindi kabilang sa nationals na mga bansang covered under E.O. 408. Basahin po natin.

Foreign spouses and children of Filipino citizens who are not nationals of E.O. 408 countries whether or not traveling with said Filipino citizen or are from visa-required countries or who are restricted nationals, may enter the country without need of an entry exemption document, provided they have been issued a 9A visa with the appropriate visa notation.

So, 9A visa po ang aaplayan ng mga ito. And these foreign national likewise are required to comply with the provisions of foreign nationals entering the Philippines visa-free, namely: One, fully vaccinated except only for minor children below 12 years of age traveling with their fully-vaccinated foreign parent or parents; number two, carry or possess an acceptable proof of vaccination. So, acceptable proof of vaccination; number three, present a negative RT-PCR test taken within 48 hours prior to the date and time of departure from country of origin or first port of embarkation in a continuous travel to the Philippines excluding lay-overs provided that he or she has not left the airport premises or has not been admitted into another country during such lay-over; and number four, have passports valid for a period of at least 6 months at the time of their arrival to the Philippines.

So iyan po, Usec. Rocky at mga kababayan, dito po nagtatapos ang ating special announcement at handa po tayong tumanggap ng tatlong tanong or hanggang limang tanong mula sa inyo.

USEC IGNACIO: Opo. CabSec, ito po tanong mula kay Joseph Morong ng GMA News: Kaugnay daw po ng bagong guidelines sa foreign arrivals starting today, what’s the bottomline rule and are we not worried of a spike in cases? Do you think the protocols for this are enough?

CABSEC NOGRALES: Ang bottom line po natin ay tatanggap na po tayo ng mga foreign nationals coming for tourism and business. Okay, so lahat ng mga protocols na ginawa po natin, tayo naman po ay confident, we’re confident that because of these protocols ay we will be able to ensure na, number one, mapi-pick up na, ang tourism industry natin, mapapabangon natin mula ang ating tourism industry, makakatulong po ito ng malaki sa mga lubos na naapektuhan sa sector na iyan, lalong-lalo na po ang ating mga workers, employees, mga nagtatrabaho sa sektor na iyan.

Mapapabuti rin po natin ang economic growth and development ng ating bansa dahil nga po ay mapapabangon na po uli natin itong tourism industry and all other industries dependent on tourism, dahil maraming po, magkakaroon po ng cascading effect iyan sa iba’t-ibang industriyang connected sa turismo. But we will be able to ensure if everybody complies with the minimum health and safety protocols po natin maging ang mga turista, maging ang mga foreign nationals ay magku-comply, at lahat po tayo ay magku-comply, ay maa-assure po natin na hindi ito magiging sanhi ng spike or surge in COVID ‘no?

But at the same time we have to ramp-up some more iyong mga vaccination efforts natin.

Tandaan po natin na kapag foreign national coming to the Philippines, kailangan po fully-vaccinated. So, tayo rin po, sa bansang Pilipinas, for our own protection, and for the protection of the community and our families, kailangan din po ma-ramp-up pa po natin ang vaccination ng ating kababayan. At ngayon ay nagsisimula na nga rin po tayo sa vaccination ng ating mga kabataan.

Iyong twelve to seventeen (12 – 17) and then we’ve already began iyong five to eleven (5 – 11) at kaya nga po inumpisahan na rin po natin ang Bayanihan Bakunahan Phase 3 all over the country.

USEC IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong mula kay Naomi Tiburcio ng PTV News, ganito rin po ‘yung tanong ni Sam Medenilla ng BusinessMirror: May we get daw po the Palace statement on the increase in unemployed Filipinos last December based daw po on the latest labor survey? What is the government doing to increase the employment rate?

CABSEC NOGRALES: Kailangan po natin ilagay ito sa tamang perspektibo at konteksto, ano. Iyong labor force survey natin, nakita natin tumaas ng kaunti ang ating tinatawag na unemployment rate from 6.5 noong November 2021 ay naging 6.6 ng December 2021. Pero kailangan makita natin sa tamang perspektibo at konteksto ito.

Ang ibig ko po sabihin, bagama’t umakyat ng .1 iyong unemployment, tandaan natin na tumaas din po iyong labor force participation. Ibig kong sabihin noong November to December, marami rin po ang bumalik sa labor force, okay. So mas marami sa mga kababayan natin na dating wala sa labor force o umalis sa labor force – bumalik po sa labor force. So ganiyan po ang isang dapat nating tandaan diyan.

Pangalawa po, tingnan din po natin iyong underemployment rate ‘no. At sa underemployment rate naman po, nag-improve naman po tayo from 16.7% in November to 14.7% in December. But that being said, these are November, December figures and with Alert Level 2 happening in many parts of our country, bagama’t mayroon pang Alert Level 3 at ngayon wala namang naka-Alert Level 4 so far, mas ma-expect pa natin na iyong January, February, March and so on and so forth, especially with the opening ng turismo right now sa February, we expect better numbers in the coming months of 2022 ‘no.

Bagama’t noong January of 2022 nagkaroon tayo ng mga challenges, but right now with February and then an easing up in February, we expect, ang bottom line, more of our kababayans going back to the labor force, getting back to work again, mas marami nang mga kabuhayan, mas marami nang makakapagtrabaho, mas marami nang employed, mas mababa po iyong ating underemployment and better economic numbers generally for the country.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod naman pong tanong ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN News: Is there any truth to the Marcos camp’s recent claim that President Duterte had COVID-19?

CABSEC NOGRALES: Balikan ko lang po iyong in-issue nating statement, ano. Ang in-issue kong statement was PRRD tested and all his COVID RT-PCR tests are negative. In fact ang nakalagay doon is ‘not detected’.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang po si Trish Terada ng CNN Philippines: Reaction daw po na ang IATF daw po ay may jurisdiction to act sa pag-allow ng Cebu na makapasok ang unvaccinated foreigners.

CABSEC NOGRALES: This is something na pag-uusapan namin sa IATF. Kasi kung foreigners—

USEC. IGNACIO: Okay. Thank, CabSec. Maraming salamat po sa inyong impormasyon. Acting Presidential Spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles. Stay safe po, Sec.

CABSEC NOGRALES: Maraming, maraming salamat, Usec. Rocky, sa pagkakataong ito at stay safe po lahat. God bless. Thank you.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas:

As of February 9, 2022 nadagdagan ng 3,651 ang mga bagong kaso kahapon kaya umabot na sa 3,623,176 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
Animnapu’t siyam na katao naman ang mga nasawi kaya nasa 54,690 ang ating total number of deaths.
Samantala, umakyat na sa 3,472,160 ang dami ng mga gumaling sa sakit matapos makapagtala ng 12,834 new recoveries kahapon.
Ang active cases natin sa ngayon ay nasa 96,326 o katumbas ng 2.7% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit.

Puspusan na ang paghahanda para sa isasagawang bakunahan sa mga batang lima hanggang labing isang taong gulang sa Davao City na magsisimula sa susunod na linggo. Ang detalye mula kay Hannah Salcedo ng PTV-Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center