Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Isang mapagpalang umaga, Pilipinas at sa buong mundo. Patuloy nating alamin ang mga napapanahong isyu sa bansa, ako po ang inyong makakasama ngayong umaga, Usec. Rocky Ignacio.

Usaping patungkol sa alert level system na umiiral sa bansa ang tatalakayin natin ngayong umaga; ating kukumustahin din ang pagsunod ng mga tao sa ipinatutupad na health protocols sa mga kampaniya para sa halalan 2022. Simulan na po nating pag-usapan ang mga iyan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH!

Bumaba na sa low-risk classification ang COVID-19 situation sa Pilipinas. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, malaki ang naitulong ng ibayong bakunahan kontra COVID-19 sa pagkontrol sa sitwasyon. Pero kailangan pa rin aniya itong sabayan ng mahigpit na pagsunod ng taumbayan sa minimum public health standards.

Ikinalugod naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong datos at pinasalamatan din ang lahat ng pagsisikap ng mga miyembro ng IATF. Pero paalala ng Presidente, hindi pa tapos ang pandemic kaya’t mahalaga ang patuloy na kooperasyon ng lahat.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Simula bukas, February 16, epektibo na ang bagong alert levels na napagkasunduan ng IATF at magtatagal ang bisa nito hanggang sa katapusan ng buwan.

Pitong lugar sa bansa ang nasa Alert Level 3 kabilang na ang Iloilo City, Iloilo Province, Guimaras, Zamboanga City, Davao de Oro, Davao Occidental at South Cotabato.

Ang National Capital Region naman ay mananatili sa Alert Level 2; iyan din po ang magiging klasipikasyon ng nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala, alamin na natin ang mga huling tala ng COVID-19 sa bansa. As of 4 P.M. kahapon, nakapagtala ang Health department ng:

  • 2,730 ng mga bagong kaso ng COVID-19 kaya umabot na ang total COVID cases count sa 3,639,942.
  • Magandang balita naman dahil nasa mataas na bilang na 7,456 ang mga bagong gumaling mula sa virus kahapon. Sa kabuuan umabot na ito sa 3,508,239 total recoveries.
  • Sa kabilang banda, 164 lamang po ang nadagdag sa mga nasawi kung kaya umabot ito sa 55,094 total deaths.
  • Seventy-six thousand six hundred nine o 2.1% naman ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa ang nananatiling aktibo hanggang ngayon.

Samantala, extended po ang pagsasailalim ng National Capital Region o NCR sa Alert Level 2 alinsunod po sa napagkasunduan ng mga mayors nito. Atin pong alamin kung ano ang magiging dulot nito sa ekonomiya ng bansa pati na rin po ang paghahandang isinasagawa ng bansa para tuluyang bumangon ang ating ekonomiya, kasama po natin si Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion. Magandang umaga po, Secretary!

Opo, babalikan po natin si Secretary Concepcion maya-maya lamang. Samantala, puntahan naman po natin ang ating makakasama naman, si OCTA Research member, si Dr. Guido David. Dr. Guido? Dr. Guido, can you hear me?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Hi! Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Guido, ayon po sa inyo ay bumaba na sa 8.5 ang positivity rate sa Metro Manila at tayo nga po ngayon ay nasa low-risk na. Nakikita ninyo po ba na ito ay mas bababa pa sa mga susunod na araw o linggo, o posible itong tumaas lalo na po’t, nakikita ninyo naman po, panahon ng kampanya?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, actually, Usec., iyong 8.5 noong isang araw. At as of yesterday, in-update namin iyong positivity rate – nasa 6.8% na lang sa Metro Manila. So magandang balita iyan, patuloy na bumababa. Medyo malapit na tayo doon sa five percent na ang benchmark ng World Health Organization for positivity rate.

Ang tingin naman natin, patuloy pa naman pababa pa iyong positivity basta siyempre iwasan lang natin iyong infection sa mga large gatherings. So basta naman sumunod tayo sa health protocols, tingin natin tuluy-tuloy na pababa pa iyong bilang ng kaso over the next few weeks.

USEC. IGNACIO: Opo. Base nga po sa benchmark ng World Health Organization o WHO, ang positivity rate po ay dapat na bumababa sa five percent para po kilalanin ito pong tinatawag na controlled transmission ng coronavirus sa isang lugar. So sa palagay ninyo po, kailan po natin ito posibleng makamit?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Usec., safely by March 1, I think, naabot na natin iyong five percent, most likely, before March 1. Pero safely, sabihin natin, by March 1 ay naaabot na natin itong less than five percent positivity rate sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon nga po sa inyong forecast ay bababa na lamang sa 1,000 hanggang sa 2,000 ang mga nadadagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa by the end of the month. So, sa tingin ninyo, posible pa rin po itong mangyari?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Posible pa iyan, Usec. Iyong forecast din namin noon, three weeks ago, nakita ko na by Valentine’s Day less than 500 cases na lang sa Metro Manila. Ayun, nakita nga natin kahapon, 485, so less than 500 cases nga sa Metro Manila.

Iyong 1,000 to 2,000, posible na iyan talaga by end of February and early March. Posible pa nga less than 1,000 pa eh kung talagang mapabilis pa iyong pagbaba ng bilang ng kaso. Pero may range naman tayong ano, margin of error, at ito ay mga 1,000 to 2,000 cases per day sa buong bansa. Ngayon, nasa 3,600 na lang iyong 7-day average natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor, may tanong lang po iyong ating mga kasamahan sa media. Isunod ko na iyong tanong ni Mark Fetalco ng PTV News: Ano po ngayon ang average daily attack rate sa NCR; kailan po maaaring bumaba sa low-risk level ang ADAR sa rehiyon?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, Usec., sa ngayon ay nasa 3.96 iyong ADAR sa Metro Manila. And doon sa aming indicators na tinitingnan, posible by next week or two weeks at the latest ay bababa na ito sa low-risk na ADAR.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano naman po iyong reaksiyon ninyo dito naman po sa pag-extend nitong pagsasailalim ng National Capital Region sa Alert Level 2? Kayo po ba raw ay sang-ayon dito?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, we support naman, Usec. Rocky, iyong recommendation ng national government. Ito, actually, sa pag-i-extend ng Alert Level 2 hanggang katapusan, sinu-support din naman natin ito. I think iyong national government, they based it on data and, what you’re saying, sa healthcare utilization and sa positivity rate kaya in-extend pa muna ito for the meantime.

USEC. IGNACIO: Opo. Sinang-ayunan nga po ni OCTA Research Head Ranjit Rye, Professor Ranjit Rye, iyong ngayon na iyong panahon para raw po mas luwagan ang restrictions na ipinatutupad sa bansa dahil pinatutunayan na rin po ito ng siyensya na bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Ano po ang masasabi ninyo rito?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, we have the same general position, Usec. Rocky, na ano, iyon nga, mukhang handa na rin naman na i-de-escalate na iyong alert level. Siguro may mga other indicators lang tayo minsan na tinitingnan. Isa sa mga possible indicators na puwede nating tingnan din aside from Metro Manila, may mga areas pa sa CALABARZON na hindi pa under low-risk, na medyo mataas pa iyong hospital utilization. So, ito iyong mga ibang nakikita natin at this time.

Pero iyon nga, in fact, nagpa-survey ako sa Twitter at tinanong ko kung ready na ba by March 1 mag-deescalate to Alert Level 1? Mayroon namang mga sang-ayon, I think mga nasa 30% sumagot ng oo; mayroon naman mga 30% na – or 38% na sabi dapat patapusin pa daw ang elections at mayroon namang mga hindi nila masabi, mga 30% din.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Professor, sa tingin ninyo talagang iyong trend na pagbaba ay magtutuloy-tuloy kasi nabanggit nga po kahapon ni Usec. Myrna Cabotaje na kaya mananatili sa Alert Level 2 dahil po iyong vaccination rate ng bansa ay may kailangan pa pong target. Kapag sa tingin ninyo na hindi pa rin po ito nakukuha, papaano po iyong sa tingin ninyong mangyayari pa rin?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Usec, iyong concern natin sa mga unvaccinated at sa mga regions na mababa iyong vaccination, minsan kasi puwedeng magkaroon ng increase in cases or resurges. Hindi naman iyong major surge pero nakita natin na sa mga bang bansa na kapag nagluwag sila, kapag nag-aalis ng mga public health restrictions ay minsan nagkakaroon ng uptick or spike in cases at madalas ang mga tinatamaan ay iyong mga hindi bakunado.

So, iyon ang concern natin na hindi lang sa dahil magkaka-spike. Kasi kung mag-spike iyong cases tapos karamihan ay hindi naman maho-hospitalize ay okay lang naman. Kung karamihan ay mild at asymptomatic. I-ensure natin na kung may ma-re-infect or may ma-infect tapos mga hindi vaccinated eh ‘di baka dadami iyong maho-hospitalize at maybe mapapaano ka pa sa mga iyan, kaya concern talaga natin iyong hindi pa vaccinated at sana mapataas pa natin iyong vaccine coverage natin, especially sa areas na mababa iyong vaccine coverage at this time.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: May projection na po ba ang OCTA kung ang bansa ay nagluwag to Alert Level 1? If nag-Alert Level 1 ang bansa starting today, mag-e-expect ba ng spike ng kaso na posibleng ikasama ng ekonomiya?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, Usec. Rocky, very interesting iyang tanong ni Red.

Sa ngayon, wala pa kaming projection kung nagluwag to Alert Level 1 na agad-agad. Well, safe to say naman since hindi naman nagluwag to Alert Level 1, hindi na kakailanganin itong projection.

Hopefully by the time na mag-Alert Level 1 na tayo by March mababa na talaga iyong risk level natin, baka nasa ‘Low’ or ‘Very Low’ risk na tayo sa Metro Manila, so, minimal na rin iyong risk na magkakaroon ng resurgence or ng major spike in cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Dahil may mga nababalitaan nang pagbaba sa ilang lugar daw po sa Mindanao at sa Visayas, masasabi po ba natin na posible ang isang magandang summer season kung saan maraming Pilipino po ang maaari nang magbakasyon mula Marso hanggang Mayo?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Posible talaga iyon, Usec, basta walang bagong variant na banta. Ako, I’m also looking forward to it, magkakaroon na rin ako ng travel vacation dahil dalawang taon nang wala. Pero ibig sabihin na kapag nag-travel ako secured na ako na mababa na iyong risk.

Nakikita natin pababa na talaga iyong bilang ng kaso sa Visayas at sa Mindanao at mayroon na lang iilang lugar na maituturing nating ‘High Risk’, I think Iloilo City ang isa diyan, pero pababa na rin sila at by summer sa tingin ko baka iyong sitwasyon natin tulad na ng nakita natin noong November and December na mababa talaga iyong bilang ng kaso at puwede nang magluwag, puwede nang magbukas iyong turismo natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pinaplano nga po ng pamahalaan ito pong pagkakaroon natin ng Philippine Pandemic Exit Plan. Ano po ba ang inyong maaaring imungkahi dito?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, Usec, ang sa alam ko iyong exit plan, siyempre nakabase iyan sa declaration ng World Health Organization. If pandemic is over then we will transition to iyong tinatawag nilang endemic.

Pero siyempre, maraming discussions iyan at maraming preparation iyan. I think at this time dapat sinisimulan na talaga natin iyong discussions at iyong pag-aaral kung ano iyong magiging epekto nito, ano iyong magiging resulta nito at ano ang magiging policies natin.

Kasi dalawang taon na tayo, kumbaga medyo baka magulat tayo kapag nag-transition tayo to a new normal. So, kailangan may advance preparation ito, ano magiging expectations natin sa ganitong situation.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ngayon, Professor, sang-ayon po kayo na iyong puwede na pag-aalis na talaga ng alert level system sa bansa kung talagang magpapatuloy itong pagbaba ng mga kaso?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, Usec, ano iyan, also for discussion iyan kasi siyempre kung mababa naman iyong bilang ng kaso o pawala na, kasama rin iyan sa pinag-uusapan na exit plan and iyong endemic, so lahat iyon actually connected eh.

Kung mag-e-exit strategy tayo at magiging endemic, hindi na kakailanganin iyong alert level system. So, definitely, kasama iyan sa mga discussions. Hindi ko pa masasabi kung sang-ayon ako kasi it’s a group discussion at mahabang pag-aaral ito actually, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor, iyong pagmu-monitor ninyo or iyong assessment ninyo pagdating po sa posibleng pagkalat ng coronavirus sa mga ginaganap na election campaign, so far po ba hindi natin ito kinakakitaan bilang superspreader events or kailan ninyo po nakikita na puwedeng malaman ninyo kung nagkaroon po ng epekto ito pong mga kampanya sa posibleng pagkalat po o pagdami ng bilang ng mga nagkaka-COVID?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, Usec, so far wala pa tayong nakikitang effects doon sa campaign rallies. Hindi naman natin sinasabing walang risk, pero posibleng may risk pero wala pang nagaganap na mga superspreader events at this time.

In fact, I’m expecting na baka mamaya iyong iri-report ng Department of Health less than 2,000 cases na lang, baka nasa one thousand five hundred to two thousand (1,500 – 2,000) iyan iyong based sa projections namin.

So far naman so good, Usec, pero siyempre kailangan pa rin ang patuloy na pag-iingat, pagsunod sa health protocols especially in these large gatherings.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor, kuhanin ko na lamang iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan lalo na po ngayong naka-classify na po tayo bilang ‘Low Risk’ for COVID-19?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes. Maraming salamat, Usec.

So, ganoon pa rin naman ang recommendation natin. Gumaganda iyong sitwasyon natin, mukhang makikita na natin iyong nakita natin noong November and December na mababa iyong bilang ng kaso, baka puwede na tayong magluwag by then.

Until then, mahalaga pa rin iyong pagsunod natin sa minimum public health standards, pagsuot ng face kung nasa public areas. Kapag sumasali tayo sa mga campaign rallies, sana sumunod tayo sa mga health protocols para maiwasan nating may ma-hospitalized or may mahawaan or even worse.

So, iyong ganiyang mga simpleng bagay lang na pagsunod sa health protocols malaki ang maitutulong sa atin at kailangan nating magtulungan para mapaganda rin natin ang ekonomiya at ang kabuhayan natin.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong palagiang pagsama sa amin ngayon, Professor Guido David ng OCTA Research. Mabuhay po kayo and stay safe po.

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Maraming salamat, Usec. Magandang umaga.

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan na po natin si Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion. Magandang umaga po, Secretary!

SEC. CONCEPCION: Magandang umaga, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, ano na po daw iyong update sa kasalukuyang lagay ng ating ekonomiya sa bansa?

SEC. CONCEPCION: Well, unang-una, iyong recommendation naman namin ay dapat sana ibaba this coming March sa Alert Level 1 ‘no, but we were wishing that they would have brought it down sooner. But okay lang iyan.

Ang pinag-usapan namin ng OCTA is that hopefully by March we will be Alert Level 1. At siyempre, itong momentum natin ‘no, kasi ang ganda ng last quarter natin, sana tuluy-tuloy na ito sa pag-unlad ng economy natin.

At importante kasi talaga dito mabuksan na natin iyong mga ibang negosyo at iyong minimum health protocols na-define na rin sa Alert Level 1 at sila, iyong Alert Level 1, iyon ang magiging new normal ‘no.

So, now that we are still at Alert Level 2, we have more time to prepare. Hopefully by March we open up kasi nakasalalay diyan iyong first quarter natin. So, halos dalawang buwan na tayo under Alert Level 3 and Alert Level 2 and hopefully tuluy-tuloy and by March we move to Alert Level 1.

Itong second quarter talagang may pag-asa pa tayo na umarangkada ito at we can go over 6% in GDP growth. Iyon ang nakikita ng NEDA ‘no. At kapag talagang umusog na ang economy natin, nakikita natin sa iba’t ibang bansa talagang nagbukas na sila ‘no.

Importante diyan we have to continue our vaccination program not only with the first two doses ‘no, the two primary doses pero dito sa booster shots natin kasi lumabas na rin dito sa mga reports that the vaccines after four months will start to wane ‘no, so tuluy-tuloy dapat iyan. And right now, karamihan ng mga private sector, ng empleyado namin are already taking their booster shots so hopefully in the next two months matatapos na iyong private sector.

At dapat tuluy-tuloy itong mga ibang lugar – tulad ng NCR ‘no, halos 100% of the primary doses have been taken kaya importante dito sa NCR ang booster shot para mabuksan na natin ibaba na natin sa Alert Level 1 especially in NCR.

Pero ibang lugar, siyempre nakita ko dito, mataas pa iyong mga ibang kaso, iyong positivity – katulad dito sa Iloilo City halos 25%, 41% dito sa Iligan. May mga ibang lugar ang positivity mataas pa so diyan tayo ingat. Pero diyan sa mga lugar na 10% and below, we have a better chance to open them up kasi iyong positivity below 10% ideally at 5%, iyon puwede nang luwagan ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, naging suggestion ninyo nga po iyong pagsasailalim na ng NCR sa Alert Level 1 dahil ayon nga po sa inyo, kailangan daw pong ma-deescalate ang ating bansa mula po sa—Sir Joey, can you hear me?

SEC. CONCEPCION: Yes.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasi nga po kayo iyong nag-suggest na talagang ibaba na sa Alert Level 1 ang NCR ano po dahil sa sabi ninyo nga po kailangang ma-deescalate ang bansa mula po sa crisis mode patungo sa recovery mode. Maaari ninyo po bang ipaliwanag ito sa ating mga manunood, Sir Joey?

SEC. CONCEPCION: Kasi importante talaga mabuksan iyong economy para talagang umaandar na ‘no at tuluy-tuloy. Katulad ng last year iyong 4th quarter, talagang umabot tayo ng 7.7 GDP at dito ngayon sa 1st quarter, siyempre two months medyo Alert Level 2/Alert Level 3 tayo. So the 2nd quarter sana ibaba na iyan sa Alert Level 1 para talagang tuluy-tuloy ang pag-arangkada ng ekonomiya natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, isa nga po sa nakikita ninyong magandang dulot ng paglalagay sa Alert Level 1 ng NCR ay para po makapag-engage ang ating kababayan sa ilang economic activities katulad po ng shopping, pagkain sa labas at pagtatrabaho. Pero sa palagay ninyo po ba sapat itong dahilan at handa po ba tayo dito?

SEC. CONCEPCION: Well, pinag-aralan namin iyan ng OCTA, ang abiso na—kaya iyong ang unang-unang recommendation namin by March kailangan ibaba na iyan sa Alert Level 1. So may panahon tayo at iyon ang summer period ‘no, iyong summer period – siyempre marami diyan have not gone out on a vacation for the last two years so probably makatulong dito. So people will want to take their vacation, gagastos sila sa mga airfares, sa hotels, sa mga restaurants, so I hope they are able to bring it down.

Of course may mga ibang areas na medyo delikado pa, iyong mataas ang positivity so they might have to be retained at Alert Level 2 or even in some areas baka may Alert Level 3 kung sobrang mataas iyong positivity rate ‘no.

USEC. IGNACIO: Uhum. Sir Joey, sunod ko na lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi po ng Philippine Medical Association na nag-aalala sila sa pag-loosen up to Alert Level 1 dahil sa possible daw po na spike ng kaso. Would you talk to the officials of the PMA to allay their concerns sa posible pong pagluwag ng bansa sa Alert Level 1?

SEC. CONCEPCION: Yes, we would be open to talk with them; pero dapat malaman natin ano iyong bisa ng bakuna kaya importante ay ituloy natin iyong vaccination program natin pati iyong boosters. Kasi we’re right now under Omicron eh so the good at that, if you’re fully vaccinated and you get sick, it will be mild ‘no and you can just stay at home, get well and eventually [garbled]. So bihira ang hospitalization dito sa Omicron for the vaccinated. Siyempre iyong unvaccinated delikado sila kung magkasakit sila, puwedeng maging serious.

So under that thinking, if you get sick it’s okay ‘no, I mean it’s going to be mild ‘no for the fully vaccinated. Kaya iyong strategy ng national government is to focus on vaccination kasi iyon ang talagang way moving forward. If the LGU is not at a high vaccination rate, ‘di siyempre delikado iyan ‘no kung buksan nila to Alert Level 1 ‘no. One factor there is the vaccination level of that particular area should be at least, to my mind, 70% ‘no and above ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Red Mendoza: Do you think kailangan po na magluwag pa lalo ang bansa in the coming months lalo na po’t malapit na ang summer season kung saan daw po mataas ang antas ng mobility at pagdayo ng mga tao sa mga tourist spots?

SEC. CONCEPCION: Well siyempre iyong talagang isang sector na tinamaan dito sa pandemic na ito, iyong tourism ‘no. So magbubukas dito actually sa—when we started [garbled] maraming gustong pumasok dito na mga foreigners so magandang balita iyan. At iyong domestic tourism natin sisigla uli at makakatulong ito sa mga maliit na negosyante dito sa tourism sector, ang mga may-ari ng mga souvenir shops, mga tour guides, mga maliit na hotel. So sisigla uli ang tourism sector natin at importante rin iyan para sa ibang grupo na talagang for the last two years, they suffered a lot ‘no. So at least they can come back and do better in the tourism sector.

So I’m hoping that we proceed ‘no in this direction na we bring down the alert level. Siyempre may mga ibang lugar diyan na mataas pa iyong infection level or mababa pa iyong vaccination level so that has to be corrected before we bring it down to Alert Level 1.

I would fully support kasi kung hindi bakunado isang lugar and way below 50% – let’s say 30%/40% medyo delikado iyan ‘no. So kailangan sikapin nila na at least minimum of 70% fully vaccinated iyong isang lugar and then puwede nang ibaba sa Alert Level 1.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, kayo nga po kasama si OCTA Research fellow Nicanor Austriaco nanawagan para sa immediate drafting ng Philippine pandemic exit plan para na rin po sa inaasahan nating new normal, kumusta po ito?

Follow up ko na lang din po iyong tanong sa inyo ni Sam Medenilla ng BusinessMirror na may kaugnayan po diyan: Ano daw po ang inputs na naibigay ng private sector sa proposed new normal roadmap? Puwede po bang mag-implement ng Alert Level 1 ang government kahit wala pa ang nasabing roadmap by next month?

SEC. CONCEPCION: Actually iyong Alert Level 1, iyong health protocols nagawa na nila eh, nandiyan na eh – iyong wearing of face mask, iyong social distancing so nandiyan at sabi ni CabSec Nograles, iyong Alert Level 1 ay magiging base ng new normal ‘no. So which I am made to understand that’s already has been drafted.

So nandiyan pa rin ang wearing of face mask ‘no and social distancing at iba pang lugar, level of positive etcetera and all business establishments on Alert Level 1 will be allowed to open, all businesses ‘no. So I think now na medyo na-delay iyong implementation ng Alert Level 1 pero klarong-klaro na iyong Alert Level 1 ay magiging… iyon ang base—siya ang magiging new normal.

In other words, katulad dito sa Amerika wala silang alert level pero alam namin iyong proper protocols, nandito pa rin iyan. So iyong mga vaccination cards tuloy pa rin iyan, iyong booster cards na dapat—so palagay ko they will include also booster cards at the right time while the level of people taking boosters have not reached that point yet, maybe they will hold it off. But eventually ‘pag nawala ng bisa iyong primary doses natin, the one that will take over are the booster shots ‘no. So if we don’t follow through with the booster shots, babalik tayo sa problema. So importante talaga iyong booster shots kasi medyo patapos na ‘to sa mga ibang lugar, iyong primary doses.

So we have to be concerned that the areas like NCR that have finished their first and second dose, importante iyan – tuloy-tuloy dapat ang booster shots or else delikado ang NCR, baka bumalik tayo back to square one ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, ano daw po iyong mga posibleng lamanin naman nitong Philippine pandemic exit plan na inyong paplanuhin?

SEC. CONCEPCION: Well sa IATF, bawat secretaries there prepared their own plans ‘no. Si Father Nick has also a suggestions at iyong grupo namin, we are also having out Town Hall, but we basically are aligned already on what the minimum basic health protocols are, which I believed is under the Alert Level 1 protocols already ‘no. We are basically allowing almost all businesses to be opened under Alert Level 1 and of course, the capacities have been defined there. Pero that will have to be fully disclosed once they approve and bring in Alert Level 1, so diyan natin malalaman. Pero ang sabi ni CabSec na iyong Alert Level 1 health protocols, iyon ang base ng basically the new normal.

USEC. IGNACIO: Sir Joey, isa nga po sa inyong sinabi, dapat na maging handa ang ating bansa sa pag-transition dahil po sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. So paano po ba itong transition na inaasahan nating mangyayari sa bansa?

SEC. CONCEPCION: Well, iyong transition, ang importante dito is dapat tuluy-tuloy pa rin iyong pagbabakuna natin ng mga citizens natin, hindi lang iyong primary doses sa mga lugar na hindi pa kumukuha ng primary doses, pero dito sa mga ibang lugar na mababa pa ang booster shots at iyong timing noon, importante. Iyong sinabi ko kay Secretary Duque, kasi sa Pilipinas, three months after your second dose, you do take the booster shot. So, there is a critical [aspect] that we have to monitor. Baka mamaya makalimutan ng ibang citizens natin na kunin ang booster shots ‘no.

So, importante iyan. Para ang immunity wall na sinasabi ni Secretary Galvez that he is trying to establish na tuluy-tuloy ang immunity natin will continue or else baka mamaya there might  be areas that people might not want to take the booster shots. Diyan magkakaroon tayo ng problema ‘no and that is where I suggested that the vaccination cards for boosters still continue para we can ensure that those who are not taking the booster shots do not enter high risk business establishments ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, sa oras po na maisagawa na  ng ating bansa ito pong planong Philippine Pandemic Exit plan, magagarantiya daw po ba ito na aangat talaga at babangon ang ating ekonomiya tulad po ng inaasahan?

SEC. CONCEPCION: Well, nakita natin, hindi ba last year noong August 8, noong the private sector requested Secretary Galvez that we will do the early lockdown so, to see the fourth quarter. Nakita natin that when we were able to save the fourth quarter, kasi iyong sa third bumagsak siya. Narinig ko kanina sa interview ninyo kanina that bumagsak siya ng right timing before the fourth quarter. So, nakita natin sumipa ‘no, noong binuksan natin ang economy noong last quarter, talagang sumipa siya at 7.7 GDP, that is a very good number.

Now, itong first quarter at second quarter, we want to see the same momentum – above 6%, maybe in the high 6.5, 6.7%. And the only way to do that is to follow what we did in the last quarter of last year, was to open up everything ‘no. So hopefully, we will be able to do this. And this is the last four months of this administration and my wish is that we close with a bang, we close with a good finish. Not only that we are able to bring down the cases of Omicron and which is really going down, but we also see the economy, momentum continue to move up, not just the last quarter – 7.7% and, bigla in the first and second quarter of this year, it will not even hit 6%. It will be in the 5% level ‘no. Sayang! We want the economy to really push para guminhawa naman ang ibang MSMEs natin na nahihirapan sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, kunin ko na lamang po iyong inyong mensahe sa ating mga kababayan. Go ahead, Sir Joey.

SEC. CONCEPCION: Well, nakikita natin iyong at least magandang balita na we are able to control Omicron ‘no at ang isang dahilan diyan ay iyong Omicron ay magiging mild para sa bakunado. Kaya importante that lahat tayo, kunin natin iyong first two [doses] natin, kasi ang ibang lugar ngayon lang kumukuha, kasi medyo na-delay iyong mga vaccines dito sa mga areas na ito. Pero iyong areas na tapos na sila sa first and second dose, importante dito iyong booster shots natin. At nakikita ko na if we continue to take our booster shots, ang immunity will be further strengthened and if we get Omicron, it will definitely mild.

So, I am really appealing to all our citizens that this vaccination program has to continue para tuluy-tuloy tayo at we will see that we will be able to control the pandemic and eventually move towards an endemic state. Pero nasa atin na rin iyan eh. We have to be vigilant and this vigilance is being able to take vaccines immediately and remember these vaccines will not last one year, they will expire in time. So there is a sense of urgency that everybody has to take their vaccines.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, maraming salamat po sa inyong palagiang pagpapaunlak sa amin ngayong umaga. Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion. Mabuhay po kayo and stay safe po.

SEC. CONCEPCION: Salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, biyaheng Zamboanga at Basilan ngayong araw si Vaccine Czar at NTF Chief Implementer Carlito Galvez Jr. bilang bahagi ng pinaigting na bakunahan kontra COVID-19  sa bansa. Ayon kay Secretary Galvez, kailangan pang mapataas ang vaccination rate sa ilang bahagi ng Mindanao particular na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Dahil ito nga ang may pinakamababang datos ng bakunahan ngayon.

Pero pagdating naman sa ibang lugar, sampung rehiyon na ang nasa 70% vaccination coverage, habang may lima pang lagpas pa sa 80% ang vaccination coverage, kabilang na dito ang Metro Manila. Sa ngayon, 222 million doses na ng bakuna ang nai-deliver sa bansa habang 131.7 million doses dito ay naiturok na

[VTR]

USEC. IGNACIO: Patuloy po ang bakunahan sa bansa bilang proteksiyon sa pagkakaroon ng COVID-19. Ating kumustahin ang ginagawa ng pamahalaan dito at iba pang impormasyon na dapat nating malaman pagdating po sa pagpapabakuna. Kasama po natin si Vaccination Expert Panel Chairperson, Dr. Nina Gloriani. Magandang umaga po, Doc.

DR. GLORIANI: Yes, magandang umaga, Usec. Rocky at sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, nagsimula na nga po noong nakaraang linggo ang ikatlong Bayanihan Bakunahan ng pamahalaan na tatagal hanggang ika-18 po ng Pebrero. Kumusta po ito so far?

DR. GLORIANI: I think nag-i-increase naman. Noong unang sinabi na three days after nag-umpisa nasa 30,000 lang tayo ‘no. ngayon more than 100,000 na iyong mga bata. And I think we were, parang nakikita ng ating mga magulang iyong importansiya o iyong benepisyo nito para sa ating mga bata.

USEC. IGNACIO: Opo. So, sa tingin po ninyo, Doc, talagang itong target na mabakunahan na anim na milyong Pilipino dito po sa Bayanihan Bakunahan ay talaga po achievable?

DR. GLORIANI: I think so, naman. Ang importante kasi, noon pa naman, Usec. Rocky, na-identify na nila iyong mga poorly performing areas, so alam na nila iyong mga possible na problema o hesitancy doon. So, I am glad, I heard na Secretary Galvez is going to BARMM areas. So kasi importante na talagang iyong mga may problema, iyon ang titingnang mabuti. Iyong iba medyo kampante na tayo, hindi man talagang kampante, pero iyong mayroong mga issues pa, we really have to really exert more than enough effort para mapaigting pa ang bakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Niña, dahil nga po dumarami na nga itong mga nababakunahan sa bansa. So sa tingin po ninyo ay nababawasan o nawawala na po kahit papaano iyong agam-agam po ng ating mga kababayan dito po sa mga bakuna kontra COVID-19?

DR. GLORIANI: Yes, I think malaki ang ibinaba ng hesitancy ‘no, kung titingnan natin iyong last 2020, nasa mga 50 ba 60% tapos bumaba ng bumaba iyan. And as of January, I know iyong SWS  survey  sabi mga 5% na lang. Ang malaking nakatulong siguro dito ay iyong fear din natin doon sa Omicron variant plus of course iyong somehow, iyong kagustuhan natin na mas maging mobile. Somehow, iyong na kagustuhan natin na mas maging mobile, na lumabas na at maging somehow normal.

USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating po sa pagbabakuna sa mga batang nasa edad 5 hanggang 11, ilan na po ba ang nabakunahan ngayon? Kumusta po iyong in iyong assessment sa kasalukuyan?

DR. GLORIANI: Okay, hindi ko masyadong nasusundan, pero alam ko more than one hundred thousand na and very, very few naman iyong mga side effects. So, iyong mga may mga parang takot sa safety nito, iyong ini-expect nating adverse event or side effect ay para din doon sa mga medyo may edad at saka iyong mga 12 to 17 years o iyong nakikita natin from 5 to 11.

So, kokonti naman at kung mayroon mang serious na – konting-konti iyon at ini-imbestigahan kung talagang iyon ang causality o iyon iyong sanhi noong tinitingnan.

Pero, sa ngayon nakikita natin maganda ang daloy ng pagbabakuna at marami ang mga bata. Kung pupunta kayo doon sa mga mall na may mga bakunahan nakakatuwa kasi mga bata, tuwang-tuwa sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, may mga ilang bansa po Doc. Nina, na nagsimula po o magsisimula na ring magbigay ng fourth dose na bakuna? Napag-uusapan na po ba ninyo itong pagbibigay nito posible sa Pilipinas lalo na nga po dito sa mga immunocompromised?

DR. GLORIANI: Unofficially iyong pagbibigay noong fourth dose napag-uusapan na namin pero hindi pa siya talaga official. Iyong fourth dose po, tama kayo medyo immunocompromised and we have to define that.

According to WHO-CDC mayroon ding definition ang ating Philippine Society for Micro-Biology Infectious Disease. Ito lang muna ang puwedeng magkaroon ng parang fourth dose.

Ganito po kasi, USec. Rocky, iyong mga immunocompromised ay tatlo ang doses na kailangan. Ang primary series nila ay tatlong doses, so ang fourth dose ang booster nila and in some aspect depende po ano, medyo open iyan – puwedeng kung talagang mababang-mababa ang kanilang response malalaman naman ng kanilang doctor iyan puwede pa silang mag-second booster, meaning fifth dose.

Pero, sa karamihan ng mga tao hindi po natin iyan niri-recommend sa ngayon. So, siguro banggitin ko na sa ngayon, kasi ang daming tanong kung totoo sa lumabas na balita, na ang messenger RNA vaccines (mRNA) third dose ay bumaba ang effect or ang protection after four months.

Tiningnan kong mabuti ito, sinuri iyong CDC, iyong unang nag-aral nito US-CDC, Centers for Disease Control no, ang kanilang bakuna  sa America, ay messenger RNA vaccines largely ito Pfizer and Moderna ito at nakita nila na after—nagbibigay na rin sila ng booster, after the third dose whether Pfizer iyan or Moderna.

After the third dose bumaba iyong protection. Pero, ganito two months after the third dose ang protection na galing sa 97% ay bumaba lang sa 89% against symptomatic COVID kung titingnan ang Delta, iyong Delta variant.

Para sa Omicron, medyo mababa talaga ang Omicron kasi siya iyong pinakamataas ang immune escape na tinatawag natin. Iyong Omicron 87% ang protection against symptomatic COVID two months after the booster.

Four months nakita nila na bumaba ito to 66% ngayon. Pero kung titingnan ninyo iyong protection against hospitalization, ibig sabihin ito iyong medyo severe form and critical care   no ay mataas pa rin 96 for Delta, from 96% protection two months after the third dose to 76% after four months.

So, hindi na po masama iyong 76% and then for Omicron from 91 to 78%. Actually, mas maganda po talaga ang protection against the severe po lahat nitong mga bakuna. So, hindi po natin sasabihin na maya’t maya ay magbabakuna tayo, magbu-booster tayo. Paalala lang po natin na ang basehan ng reigning immunity ay ang neutralizing antibodies.

So, ito iyong –mayroon kasi tayong standard laboratory test no, standard way of… iyon nga sasabihin ko mababa na ba ito o hindi. Pero, mayroon pa tayong second line of defense and malimit ko pong sinasabi iyan pinapaalala ko mayroon pa tayong peasant, peasant immunity.

So, ito ang nakakatulong ng malaki sa ating protection especially on severe COVID. Hindi lang iyong nati-test pero nandiyan siya and actually sabihin ko na lang din kagabi nasa isang  WHO RMD blueprint meeting ako ulit at doon pinakita ng halos lahat ng mga scientist na nagpi-present doon noong update sa mga bakuna nila halos pare-pareho ang sinasabi.

Iyong third dose ay maganda, talagang nakakatulong lalo na sa mga variants of concern pero tinitignan pa rin nila iyong mga posibleng mga bakuna na puwede pang mag-improve pa. So, huwag muna natin pong pilitin na mag-booster ng mag-booster, hintay-hintayin po natin anong sasabihin ng scientific community.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Doc. Nina, bigyang daan ko lang po iyong ating mga kasamahan sa media.

Mula kay Red Mendoza, ng Manila Times:  Ano po ang inyong reaction sa pag-delay ng US FDA sa pag-apruba sa mga bakuna para daw po sa mga batang edad lima pababa dahil di-umano ay mababa ang protection ng Pfizer bakuna na two dose at pinag-iisipan nila ang three dose regiment para po dito?

DR. GLORIANI: Kasi ganito USec. Rocky, iyong 12 to 17 ang dose ang nakuha nila which thirty micrograms, ang 5 to 11 ay ten micrograms. So, pababa ng pababa ngayon trinay [try] nila ang ten micrograms dito sa younger than 5 years old. O di siyempre ano iyon? One third na lang noong ten and one tenth of the… iyong sa 12 to 17 and above.

So, medyo mababa iyon so nakita nila na noong tinest iyong mga bata na younger than two I think medyo mataas naman iyong kanilang immunity pero doon sa 2 and above, two to four or two to less than five ay medyo mababa and you expect that kasi baka hindi enough iyong three micrograms na dose; iyon iyong tinitingnan nila ulit ngayon.

So, iyong dose ay sinusuring mabuti ano ang dapat kasi iba-iba talaga, may bata na medyo malaki, pero doon sa mas maliliit na bata parang sufficient siya; so, maybe six months to less than two. Pero doon sa two to four iyon ang sinabi nila doon na baka kailangang ibang dose, baka let us say na imbes three baka five; so, titingnan pa nila uli iyon. So, iyon ang naging basehan and it was not even a safety issue.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza: Sinabi po ng director ng Gamaleya na ang Sputnik V at Sputnik Light ay ligtas pa para sa mga buntis na 22 weeks pataas at may datos na po sila. Ano po ang reaction ninyo dito at ito po ba ay tatanggapin ng vaccine expert panel kung may sapat na batayan?

DR. GLORIANI: Oo, naman. Actually, USec. Rocky, noong una pa man ‘no although wala silang talagang data at that time, precaution nila on their part na ilagay sa kanilang product inset na brochure nila na hindi ito na-test sa mga buntis kaya hindi ito puwedeng ibigay.

Sila lang dalawa lang yata iyan – Sinopharm and Sputnik. Pero, ngayong may datos sila puwede na nilang alisin iyon that they have to be evaluated and reviewed again ng ating mga vaccine colleagues.

USEC. IGNACIO: May ilan pa pong COVID-19 vaccines manufacturers ang nag-a-apply ng EUA para sa pagbabakuna sa mga bata na may edad 2 hanggang 17 dito po sa Pilipinas. Ano po ang tingin ng vaccine experts panel dito?

DR. GLORIANI: Actually, dalawa so far iyong tinitingnan namin. Iyong Sinovac, nakailang balik na kami may hingi kaming mga additional data lalo na iyong efficacy but mayroon sila ngayong real world effectiveness data na ginawa sa Chile.

Pero mayroon pa rin kaming konting pinapa-clarify and hopefully soon, nasa sa kanila kung isa-submit. So, padadala namin iyong mga additional na mga tanong namin kung ibabalik nila iyong sagot agad para ma-clarify iyong mga tinatanong namin ay baka bago mag-end ng February ay magawa na iyong final recommendation.

Kasi, Usec. Rocky, matatapos na rin ng vaccine expert panel, ililipat na natin sa FDA iyong pag-evaluate sa mga vaccines—at iyong isa naman po ay iyong Covaxin. Ang Covaxin is Bharat Biotech inactivated vaccine rin ito kagaya ng Sinovac at Sinopharm; kulang pa siya ng data sa efficacy. So, nasa sa kanila kung magdadagdag sila ng mga data na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, kunin ko po ang inyong pahayag patungkol ito sa pinag-uusapang pag-aalis ng ipinatutupad na alert levels system sa bansa. Kayo po ba sang-ayon dito? At sa palagay ninyo po ba ay handa na tayo dito lalo na’t marami pa rin po ang mga hindi pa fully-vaccinated?

DR. GLORIANI: Yes, talaga, Usec. Rocky, nakasalalay sa pagbabakuna ngayon para sa akin ha, siguro dahil vaccine advocate ako ano. But kapag mataas, narinig ko si Secretary Concepcion ‘no, kapag mataas ang vaccination coverage immunization rate sa mga lugar ay I think puwede na.

Kasi alam ninyo, kailangan din nating maging normal, hindi forever na takot na takot tayo sa virus although of course, that is a guarded ano rin ‘no? So, I agree with that pero importante po iyong transition na para sa akin, even iyang mga health protocols ay kailangang ituloy-tuloy lang.

Wala naman pong masamang ituloy iyan eh. In fact iyan nga ring pagma-mask ginagawa iyan sa ibang bansa bago pa magka-COVID eh. Remember, mostly for pollution, for mga allergies [inaudible].

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay impormasyon at pagpapaunlak sa amin. Doctor Nina Gloriani, ang chairperson po ng Vaccine Expert Panel. Mabuhay po kayo and stay safe po!

DR. GLORIANI: Thank you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo.

Samantala, binuksan na din sa bakunahan ang isang sikat na amusement park sa Laguna para sa mga edad lima hanggang labing isa (5-11). Ang sitwasyon doon alamin natin mula kay Louisa Erispe. Louisa?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Louisa Erispe.

Mga solo parents sa San Pablo, Laguna, nakatanggap ng tulong mula sa opisina ni Senator Bong Go. Senator Bong, muling hinikayat ang mga kababayan na muling magpabakuna at magpa-booster shot. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Magbabalita si Ria Arevalo mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Maraming salamat din po sa inyong walang sawang pagtutok sa ating programa ngayong araw. Magkita-kita tayo muli bukas, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)