CABSEC NOGRALES: Magandang tanghali sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corps.
Umpisahan po natin ang ating press briefing sa isang magandang balita: Nasa low-risk classification na po ang National Capital Region at ang buong Pilipinas, base ito sa tatlong metrics na ginamit – growth in cases, average daily attack rate per 100,000 population at health system’s capacity.
Kaugnay nito, binabati po natin ang lahat dahil sa kanilang kooperasyon at pagsunod sa minimum public health standards tulad ng tamang pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa matataong lugar. Atin ding kinagagalak ang patuloy na pagtaas ng bilang ng nababakunahan.
All of the progress we have made to bring down the number of new cases is a product of our collective efforts. And we thank our kababayan for their cooperation. We urge everyone to remain conscious of our health protocols as we work to build on the progress that we continue to make.
Hindi tuloy nakapagtataka na 51% sa ating mga kababayan ang umaasang matatapos na ang krisis sa COVID-19 sa Pilipinas ngayong 2022, ito ay ayon sa latest survey ng SWS. Hindi po malayong mangyari ito kung tuluy-tuloy ang ating bayanihan kung saan ang mga mamamayan ay nakikipagkapit-bisig sa pamahalaan sa pagtataguyod hindi lang ng safety at health protocols kung hindi ng pagbabakuna.
Humarap kagabi sa taumbayan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kaniyang regular na Talk to the People. Ito ang ilan sa naging highlights: Maliban sa aking mga nabanggit, iniulat din ni DOH Secretary Francisco Duque III na nasa apat na rehiyon na lamang ang nananatiling nasa moderate risk habang ang ating healthcare utilization rates ay nasa low to moderate risk levels.
Ni-report naman ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. ang matagumpay na rollout ng pediatric vaccination sa NCR at selected regions. Ayon kay Secretary Galvez, nasa 100,370 doses ang na-administer initially sa 482 selected sites.
Samantala, ipinag-utos ng Pangulo sa Food and Drug Administration or FDA na habulin ang mga nagbibenta ng pekeng gamot. Ayon sa ulat ng FDA, nasa 185 sari-sari stores ang iniimbestigahan sa pagbibenta ng pekeng medisina, at 78 sari-sari stores naman ang nahuling nagbibenta ng pekeng gamot.
Sa report naman ni DILG Secretary Eduardo Año, nasa mahigit tatlondaan or 319 na mga lugar ang nasa ilalim ng granular lockdown.
Samantala, nagpulong ang inyong IATF kahapon, February 14, 2022, at ito ang ilan sa mga naging desisyon at mga aksyon: Nagpasya ang IATF na ilagay sa Alert Level 3 mula February 16 hanggang 28, 2022 ang mga sumusunod na lugar – Iloilo City, Iloilo Province at Guimaras in Region VI; Zamboanga City in Region IX; Davao de Oro at Davao Occidental in Region XI; and South Cotabato in Region XII.
Mananatiling nasa Alert Level 2 classification ang National Capital Region mula February 16 hanggang February 28, 2022.
Ang ibang lugar sa bansa na nasa Alert Level 2 from February 16 to February 28, 2022 ay makikita po sa inyong screen.
Makakasama natin mamaya si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire para bigyan ng karagdagang detalye ang paksang ito.
Paalala lang po: Kung inyong matatandaan, base sa guidelines on the nationwide implementation of alert level system for COVID-19 response, page 4, Section 1, number 6, “In all areas not under Alert Level 5, establishments permitted to operate under each alert level may be allowed additional venue and seating capacity on top of the existing allowable venue/seating capacities as follows: An additional 20% if the area where such establishments are located has a vaccination coverage above 70% for both priority group A2 – mga senior citizens – and priority group A3 – adults with comorbidities – as determined by the vaccine cluster of the National Task Force Against COVID-19.”
Halimbawa, sa NCR na matagumpay nang naabot ang above 70% sa pagbabakuna for A2 and A3, mayroon pong karagdagang 20% sa mga establisyemento para sa indoor at outdoor.
At base sa 6B nang nasabing guidelines, “An additional ten percent if said establishments have been awarded safety seal certificates under the safety seal certification program.”
Samantala, inaprubahan din ng IATF ang pagtanggap at pagkilala sa national COVID-19 vaccination certificates ng Malaysia at Republic of Ireland for purposes of arrival quarantine protocols, as well as for interzonal/intrazonal movement. This is in addition to other countries/territories/jurisdictions whose proofs of vaccination the IATF has already approved for recognition in the Philippines, and without prejudice to such other proofs of vaccination approved by the IATF for all inbound travelers.
Inatasan ng IATF ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation – One-Stop-Shop at Bureau of Immigration na kilalanin ang proofs of vaccination na inaprubahan ng IATF.
Nasa tatlumpu’t siyam na bansa na ang mayroon tayong mutual recognition ng vaccination certificates, at ngayon ay may naidagdag pang dalawa kaya apatnapu’t isa na po lahat.
Sa usaping bakuna: Mayroon na tayong 132,013,140 total doses administered as of February 14, 2022. Nasa mahigit 61.2 million na ang naka-first dose, habang nasa mahigit 61.6 million ang naka-complete dose or fully vaccinated, kasama na rito ang nabakunahan ng Janssen, ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Nasa mahigit 9.16 million naman ang nakatanggap ng booster/additional doses.
Pagdating naman sa ongoing pediatric vaccination ng 5 to 11 years old, nasa halos 150,000 na sa kanila ang nakatanggap ng at least one dose as of February 14, 2022.
Pumunta naman tayo sa COVID-19 update. Patuloy ang pagbaba ng mga bagong kaso. Ayon sa February 14, 2022 COVID-19 Case Bulletin ng Department of Health, nasa 2,730 ang mga bagong kaso ng COVID sa bansa. Ito na po ang pinakamababang single-day tally for new COVID-19 infections sa taong 2022. Sa bilang na ito, 93.8% ang mild at asymptomatic. Samantala, ang positivity rate ay patuloy na bumababa, nasa 10.7%, habang nasa 96.4% naman ang porsiyento ng mga gumaling at mahigit 3.5-M na ang naka-recover. Amin naman pong malungkot na ibinabalita na kahapon ay mayroong 164 na pumanaw dahil sa virus na ito. Our fatality rate is currently at 1.51%. This is lower than the 2% global average.
Sa estado naman ng ating mga ospital: Nasa below 35% na ang ating hospital care utilization rate. Nasa 31% ang utilized ICU beds sa Metro Manila, habang 34% naman sa buong bansa; 25% ang utilized isolation beds sa Metro Manila, habang nasa 29% sa buong bansa; 26% ang utilized ward beds sa Metro Manila, habang 26% sa buong bansa; 17% ang utilized ventilators sa Metro Manila at 18% sa buong bansa.
On other matters: Foreign direct investment (FDI) net inflows, according to the Bangko Sentral ng Pilipinas, posted a 96% increase year-on-year to reach US$1.1-B in November 2021 from the US$559-M net inflows in November 2020. Investor confidence has indeed remained high in the same vein that our people remain opstimistic as we continue our economic recovery from COVID-19.
According to the New York-based The Conference Board Global Consumer Confidence Fourth Quarter 2021 Survey, the Philippines is 5th among 65 markets examined across the world in terms of global consumer confidence. We are the 3rd most optimistic consumers among 14 Asia-Pacific economies.
Bago tayo pumunta sa mga tanong ng MPC, kausapin muna natin ang ating resource person, si DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.
Usec Rosette, maaari po bang maipaliwanag ninyo kung bakit na-retain sa Alert Level 2 ang Metro Manila? Ano naman po ang latest sa pediatric vaccination at Bayanihan Bakunahan Part III. USec. Rosette?
USEC. MARIA ROSARIO VERGEIRE: Maraming salamat, CabSec. Magandang hapon po sa inyo at magandang hapon po sa inyong lahat na nakikinig at nanunood po ng programang ito.
So, dahil po sa patuloy po nating pagbabakuna sa ating pediatric population at pag-arangkada ng Bayanihan Bakunahan III, tuluy-tuloy po ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa ating bansa. With that, the DOH shall provide updates on the latest information on COVID-19 in our vaccination program.
So, magsisimula po tayo sa kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19 sa ating bansa. Magandang balita po ang hatid ng ating gobyerno at ng Kagawaran ng Kalusugan. Ang ating average daily cases kada araw nitong linggo ay nasa 3,521 na lamang, mababa nang higit pa sa kalahating porsiyento, 56% kung magiging tiyak. Batay din po sa ating epidemic curve bumaba na po ang ating average daily cases sa iba pang mga rehiyon.
Patotoo po ang pagbaba na ito dahil sa patuloy nating pagsunod sa minimum public health standards and most importantly patunay po ito ng ating mga epekto ng pagbabakuna which is really safe and effective laban po sa COVID-19.
Karamihan din po sa ating mga rehiyon ay nasa low risk case classification na maliban po sa Region VI, XI, XII at CAR, nananatili po sila ngayon na nasa moderate risk. Nasa moderate risk naman din po ang ating average daily attack rate (ADAR) kung saan sa bawat 100,000 na individuals ay mayroon na lamang po tayong 5.26 na naitatalang kaso.
Sa kabilang banda, patuloy na bumubuti ang ating national healthcare systems capacity, Ang kabuuan po ng bansa ay nasa low risk na maliban sa Region XI kung saan nasa moderate risk ang kanilang ICU utilization na may 63.9% utilization.
Ayon po sa huling projection ng FASSSTER, kung mapapanatili po natin ang current minimum public health standards natin, ang bilang po ng mga kaso sa bansa ay maaaring bumaba to as slow as 83 cases lamang pagsapit ng March 15.
Subalit kung ang pagsunod natin sa minimum public health standards ay mapapabayaan, ang projected cases ay maaaring manatiling mataas. Nasa 2,077 cases ang inaasahang bilang na kaso kung may growth percent decrease sa ating pag-comply sa minimum public health standards.
Maaari pang tumaas at umabot sa 7,748 cases per day ang kaso ng COVID-19 kung bababa pa ang ating pag-comply sa minimum public health standards ng 19%. Ang mga projections natin ay nakabase sa katangian ng Omicron variant at sa iba pang factors tulad ng mobility ng populasyon, vaccination coverage and of course iyong pagsunod natin sa minimum public health standards.
Kung ninanais po nating mapanatiling mababa ang ating mga kaso dito sa ating bansa, inaanyayahan po natin ang bawat Pilipino na mag-mask, hugas, iwas air flow bakuna upang makita po natin hanggang sa dulo ang pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Tumungo naman po tayo sa ating mga updates ukol sa ating pagbabakuna sa ating mga kabataan na five to eleven (5-11) years old, pati na rin ang update sa ating Bayanihan Bakunahan III.
Buhat nang sinimulan natin ang pediatric vaccination noong nakaraang linggo, humigit-kumulang na nasa 148,000 ang mga kabataang may edad five to eleven (5-11) years old ang nakatanggap na ng kanilang bakuna.
Makakaasa po kayo na ang DOH ay palalawakin pa ang pagbabakuna na ito sa kasalukuyan na mayroon po tayong 482 vaccination sites sa buong bansa. Iyon ay upang mas marami pa po ang mga nakakabatang populasyon na mabigyan pa natin ng bakuna at upang maabot natin ang target na mabakunahan ang fifteen (15) million na pediatric population.
Hinihikayat po namin ang bawat magulang or legal guardian na iparehistro na po ang kanilang mga anak sa proteksiyong dulot nito. Hindi lamang para sa kanilang sarili kasi ito ngunit para po sa ating buong komunidad.
Ganoon pa man, nais pong linawin ng DOH ang pagbabakuna sa ating kabataan ay hindi po mandatory at nangangailangan po nang pagpayag ng kanilang mga magulang or guardian bago sila mabakunahan.
Nananatili pa rin po ang desisyon na ito sa kanilang mga magulang, kaya naman po batid ng DOH ang pasasalamat sa lahat ng mga magulang na nagtiwala sa ating mga bakuna. Hakbang ito pasulong tungo sa ligtas na pamumuhay sa ating new normal.
Maliban po sa pagbabakuna sa ating mga kabataang may edad lima hanggang labing-isang taon (5-11), nasa humigit-kumulang na po na 9.3 million, 12 to 17 years old ang nabakunahan na at ni isa ay wala pa tayong naitatalang pagkamatay.
Patuloy na dumarami po ang bilang ng ating mga kabataang nababakunahang laban sa covid-19 at patotoo po ito bilang mababa ang kasong naitatala sa grupo na ito. Paghahanda ang pagbabakuna para sa pagbabalik-eskuwela ng ating mga kabataan sa ating tinatawag na new normal.
Para po sa ating mga local na pagtatala ng adverse events following immunization kaugnay po ng pediatric vaccination, sa humigit-kumulang 148,000 na nabakunahan, walo lamang po ang nakaramdam ng mild reactions.
Ang mga reaction mula sa bakunang kanilang naranasan ay iyong pananakit sa injection site, pagkakaroon ng rashes, bahagyang pagtaas ng blood pressure, nilagnat, pangangati ng lalamunan at pagsusuka.
Ang mga naranasang reaction ay agaran din pong na-manage at nawala. Wala pong dapat ipangamba ang ating mga magulang dahil ang ating mga vaccination sites ay mayroon pong mga healthcare workers na handang tumugon sa kung ano man pong mga magiging reaction ng inyong anak pagkatapos po sila bakunahan.
Kung nais pong komunsulta at mag-report ng adverse events following immunizations maaari po kayong sumangguni sa ating mga telemedicine services at iba pang serbisyong handog ng kagawaran, ang mga link po ay makikita po sa ating screen ngayon.
Isa pang magandang balita na hatid ng kagawaran dahil nasa mahigit 1.8 milyon na mga Pilipino ang nakatanggap na ng kanilang bakuna dahil po sa ating Bayanihan Bakunahan III. Hindi po titigil ang ating gobyerno sa pagbabakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa ng sa ganoon ay mas marami pa tayong maprotektahan laban sa COVID-19.
Sa nasabing 1.8 million na newly vaccinated individuals, mahigit 337,000 ang nakatanggap ng kanilang first dose, habang mahigit naman sa 758,000 ang nabakunahan ng kanilang second dose. Mahigit 126,000 ang nakatanggap ng single dose vaccine habang nasa mahigit 655,000 ang naturukan naman ng kanilang booster shots.
Upang mas lalo pong mapaigting ang ating Bayanihan, Bakunahan in-extend po ng ating gobyerno ang ating programa hanggang sa darating na Biyernes, February 18.
Umaasa po tayo na maabot natin ang target na mabakunahan ang at least limang milyong Pilipino sa programang ito. Batid po ng kagawaran ang pasasalamat sa pakikiisa ng ating mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor upang maging posible ang programang ito. Kaya muli, hinihikayat naman po natin ang bawat isa na magpabakuna dahil ang pagbabakuna ay ating best long-term solution laban dito sa pandemya, next.
Vaccine immunity wanes over time, humihina po ang immunity ng bakuna sa paglipas ng panahon at maaaring ma-reinfect ang mga nagkaroon ng COVID-19. Makikita batay sa mga graph na nasa ating screen na mas mataas at karagdagang proteksyon ang buhat ng booster shot matapos mabakunahan ng primary series ng bakuna.
Ayon po sa pag-aaral ng WHO, nakita na may pagbaba ng proteksyon sa severe and critical forms ng COVID-19 pagkatapos ng anim na buwan. Bumawas ng 8% para sa lahat ng iba’t-ibang age groups at 10% naman para sa mga indibidwal na 50 years old at pataas. Kaya muli po, pinapaalala ng Kagawaran ng Kalusugan na kung nakatanggap na po kayo ng first and second doses ng bakuna, mahalagang magpaturok kayo ng inyong booster shots upang maiwasan natin ang pagkalat ng virus at ang pagkakaroon ng bagong variant sa pamamagitan ng labis na pagkalat nito.
Ang pagbibigay po ng booster dose ay nakakapagbigay ng longer lasting protection at immunity laban sa COVID-19. Huwag po kayong mangangamba kung ang brand ng inyong primary vaccine ay iba sa ibinibigay natin na booster dose.
Ligtas po at mabisa ang AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinopharm, Sinovac, at Sputnik Light bilang booster doses!
Para naman po sa nakatanggap ng kanilang primary series, matapos po ang tatlong buwan o dalawang buwan kung single dose ang primary dose ninyo, maaari na po kayong makatanggap ng inyong booster shot. Palagi po nating tatandaan na ang virus ay patuloy na nagmu-mutate sa mga unvaccinated individuals. More vaccination equals less mutations of the virus.
Para po sa ating mga kababayang nangangamba pa rin sa kaligtasan ng ating mga bakuna, nais bigyan-diin ng Kagawaran ng Kalusugan na ang mga bakuna pong itinuturok ay garantisadong ligtas at epektibo laban sa COVID-19. Hindi po lamang sa ating bansa ginagamit ang mga ito, ngunit pati rin sa iba’t ibang sulok ng mundo.
Sa kasalukuyan po nabigyan na po ng “Full Use Authorization” ang mga bakunang AstraZeneca, Janssen, Moderna, at Pfizer sa ibang mga bansa.
Para naman po sa lokal na konteksto, ang lahat po ng mga bakuna sa ating bansa ay may “Emergency Use Authority” mula sa Food and Drug Administration at ang mga ito ay ginagamit din sa mahigit pitumpung bansa. Patotoo ito na ang mga bakuna ay ligtas para sa lahat mapabata, matanda, buntis, may karamdaman, at lahat ng vulnerable sa COVID-19.
Sa pagtataas po ng ating vaccination rates, unti-unti po tayong makakapagbukas ng ating borders at makakabalik sa normal gaya ng ibang bansa. Kaya muli po, para sa mga hindi pa bakunado, magparehistro na po tayo sa inyong mga local governments, gayundin po para sa ating mga kababayang eligible na para sa kanilang booster shots. Ang atin pong mga bakuna ay inihahatid sa inyo ng ating pamahalaan ng libre, kaya po tayo ay magpabakuna na upang tayo ay may panangga sa COVID-19.
Maaaring marami na sa atin ang nagkakaroon ng COVID-19 at nag-aalala kung ano ba itong Long COVID. Sa mga susunod na slides, ang tatalakayin naman po natin ay ang Long COVID at kung paano po natin ito tutugunan.
Ano po ba ang Long COVID? Ayon po sa World Health Organization, ang Long COVID ay mga sintomas ng COVID-19 na nararanasan pa rin ng isang indibidwal sa loob ng tatlong buwan matapos ninyong maimpeksyon ng COVID-19. Ang mga nasabing sintomas ay maaaring tumagal ng hanggang dalawang buwan.
Anu-ano po ba ang sintomas na buhat ng Long COVID? Ang isang indibidwal ay maaaring makaranas ng mga sintomas kagaya ng pag-ubo, pananakit ng dibdib, pagkahirap sa paghinga, pananakit ng kasukasuan, at iba pa. Ang mga sintomas na nabanggit ay maaaring maranasan sa loob ng dalawang buwan o higit pa. Kung nakakaranas po kayo ng Long COVID o kahit na hindi, ugaliin pa rin po nating magsuot ng face mask at maghugas ng kamay, gayundin mabuting masiguro nating maayos ang daloy ng hangin sa ating mga tahanan, higit sa lahat para sa maximum protection, tayo po ay magpabakuna.
Bagama’t hindi nakakahawa ang Long COVID, kung makakaranas ng mga sintomas na nabanggit, agaran kayong magtungo sa pinakamalapit na emergency room upang matugunan ang inyong pangangailangan. Kung kayo po ay nahihirapang huminga, hinihingal at halos isang salita na lamang ang kayang masabi, kung nakakaranas po tayo ng matinding pananakit ng dibdib, at kung kayo po ay nakakaranas ng pagkahimatay, sa kasulukuyan wala pa pong test para ma-diagnose ang Long COVID kaya pinakamainam na magpatingin at magpakonsulta sa inyong doktor or healthcare provider kung sakaling magkaroon ng mga sintomas kagaya ng nabanggit upang kayo ay mabigyan ng pangunahing lunas.
Ano ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa pagkakaroon ng Long-COVID? Siyempre, ito ay iwasan ang pagtama ng COVID virus sa ating katawan. At paano po ba natin maiiwasan ‘yan? Batay sa isang Lancet Study sa United Kingdom, nababawasan ng kalahating porsiyento ang tiyansang magkaroon ng Long COVID ang indibidwal na nagka-COVID kung ito ay nakapagtapos ng kaniyang primary series na bakuna. Kaakibat ng ating mga bakuna ay pagsasapuso natin ng ating minimum public health standards ng mask, hugas, iwas, airflow para ating maximum protection. Kaya muli hinihikayat po natin: Everybody, get the jab done. Dahil dito po, protektodo kung lahat tayo ay bakunado.
And finally, bago po tayo matapos, narito lang po ang ilang paalala para sa ating publiko: Ang ating patuloy na pagsunod sa minimum public health standards at masigasig na pagbabakuna ang dahilan ng ating pananatili sa low-risk classification for COVID-19 at pagbaba ng mga bilang ng kaso. Nakakatulong po ito sa ating national healthcare system’s capacity.
Vaccination is a healthy choice for our children and our families. Humigit 148,000 ang mga batang nabakunahan na na may edad lima hanggang labing-isa at patuloy pa itong tataas sa mga susunod na araw. Muli po, ang pagbabakuna ng ating kabataan ay hindi lamang po proteksyon para sa kanilang sarili, kung hindi proteksyon po para sa buong pamilya at pamayanan. Kaya po hinihikayat na po natin ang ating mga magulang, magparehistro na at pabakunahan na po natin ang ating mga anak. Hindi po titigil ang DOH sa pag-udyok sa ating mga kababayan na magpabakuna kaya po in-extend natin ang ating Bayanihan Bakunahan 3 hanggang Biyernes or February 18, upang mas marami pa ho natin kababayang ang makapagpabakuna.
At panghuli, ang Long COVID ay mga sintomas ng COVID-19 na maaari pa ring maramdaman matapos ang tatlong buwan ng paggaling. Ngunit maaari po natin itong maiwasan dahil batay po sa pag-aaral ng United Kingdom, mas mababa po sa kalahating porsiyento ang tiyansang magkaroon ng COVID…Long COVID matapos maimpeksyon kung ang individual ay fully-vaccinated.
At diyan po nagtatapos ang aking presentasyon. Over to you, Cabsec, at maraming salamat po.
CABSEC NOGRALES: Maraming, maraming salamat, USec. Rosette. At tumungo naman po tayo kay USec. Rocky para sa mga katanungan mula sa MPC.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Nograles, and kay Usec. Vergeire.
Una pong tanong mula kay Ace Romero ng Philippine Star: Reaction on election lawyer Romulo Macalintal who questioned a COMELEC resolution dated November 24, 2021 stating that the full body has to approve the conduct of a campaign rally before the applicant could get a mayor’s permit. He said this is a flagrant violation of Omnibus Election Code and Public Assembly Act which gives sole authority to the mayor to issue such permit. As IATF Co-Chair, ano daw po ang masasabi ninyo dito?
CABSEC NOGRALES: Well, the COMELEC is an independent constitutional body ano po and iyong issue na niri-raise po is actually a question of law at wala po sa jurisdiction ng IATF ang magdesisyon ng ganiyang klaseng questions of law. So sa COMELEC and we respect the independence of COMELEC as an independent constitutional body.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod na tanong mula po kay Leila Salaverria ng Inquirer: What exactly does the President want to do about people who refused to be vaccinated against COVID? He said he himself would visit them to inject the vaccine in their ears but what is he really trying to say? What specific action does he want to be taken?
CABSEC NOGRALES: Kailangan magpabakuna na po iyong mga unvaccinated. Napakaimportante po niyan para kay Pangulong Duterte at para sa kaniyang administration at para sa pamahalaan at para sa ating komunidad, at para sa tagumpay po natin against COVID-19. So ang kinakausap po ni Pangulo dito—halos lahat ng mga Talk to the People niya ‘no, he is addressing himself doon sa mga unvaccinated na ginagawa na po ni Pangulo ang lahat – ang pag-communicate sa ating mga unvaccinated na magpabakuna na po’ napakaimportante po niyan para kay Pangulong Duterte.
USEC. IGNACIO: Sunod pong tanong mula kay Rose Novenario ng Hataw: Nasa seventh consecutive week na ang oil price hike ngayong taon. Dagok ito sa mga maralita dahil kasunod nito lagi ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ano ang puwedeng gawin [off mic] para maibsan ang kalbaryo ng mga mamamayan?
CABSEC NOGRALES: Well, una sa lahat, iyong DTI po ay nag-update na po ng kanilang mga suggested retail price para sa mga basic necessities and commodities, and prime commodities po natin ‘no. At kung mapapansin ninyo po sa General Appropriations Act o iyong budget bill natin—o budget law, sorry – ang budget law natin for 2022 which is the General Appropriations Act of 2022, mayroon pong mga nakalaan diyan na para sa mga fuel subsidy ‘no.
So there’s one provision na fuel subsidy program na 2.5B under the DOTr. At nakalagay po dito sa GAA or the General Appropriations Act na 2.5B is appropriated and to be used to provide financial assistance and fuel vouchers to qualified public utility vehicles, taxi, tricycle, fulltime ride-hailing delivery service drivers nationwide as identified and validated by the LTFRB provided and when the average Dubai crude oil price based on Mean of Platts Singapore or MOPS for three months reaches or exceeds 80 US Dollars per barrel. Ang implementation ng programang ito ay subject to the guidelines issued by DOTr, DOE and DBM.
Pangalawa, mayroon ding item sa General Appropriations Act or budget law ng 2022 on fuel discount to farmers and fisherfolk under the Department of Agriculture worth 500 million pesos appropriated to provide fuel discount to farmers and fisherfolk when the average Dubai crude oil price based on Mean of Platts Singapore or MOPS for three months reaches or exceeds 80 US Dollars per barrel provided that the farmer or fisherfolk beneficiary owns and operates an agricultural and fishery machinery individually or through a farmer organization, cooperative or association; provided further that in case of fisherfolk, their fishing vessels are duly registered in the Integrated Boat Registry System or DA-BFAR’s BOATR; provided finally that for farm machinery, owned and/or operated by individual farmers or farmer’s organization, proof of ownership shall be provided. Ang mag-i-implement po nito if in case umabot doon is the DA regional field office and the BFAR regional offices.
So mayroon po tayong mga nakalagay sa ating budget law for 2022 provided na tumama doon sa 80 US Dollars per month na exceeds or reaches the 80 US Dollars per month.
So may conditions set ‘no before ma-trigger itong tinatawag na fuel subsidy. So apart from that bago tumama po iyan ay patuloy naman po na pinag-uusapan ang iba pang mga mekanismo at tulong na maaari nating ibigay sa mga lubos na maaapektuhan.
USEC. IGNACIO: Thank you, CabSec.
CABSEC NOGRALES: Salamat. Let’s go to Mela Lesmoras ng PTV.
MELA LESMORAS/PTV4: Hi. Good afternoon CabSec Nograles, Usec. Vergeire at Usec. Rocky.
Secretary Nograles, unahin ko lang po iyong issue about sa new normal. Nabanggit kasi kagabi sa Talk to the People na puspusan na iyong paghahanda ng mga awtoridad para sa roadmap tungo sa new normal. Sir, are we confident po that we can achieve the new normal status nationwide hindi lamang sa Metro Manila before President Duterte steps down from office, ito kaya iyong magiging pandemic legacy ng administrasyon?
CABSEC NOGRALES: Iyan po ay nakasalalay sa kamay nating lahat ‘no. Importante ma-emphasize po natin na there are two conditions ‘no: First and foremost, para marating natin iyong Alert Level 1, halimbawa, para marating natin ang Alert Level 1 kailangan po na mataas po ang bilang ng mga bakunado especially iyong mga senior citizens natin and persons with comorbidities ‘no, but we also want to push the entire population—kasi sila iyong pinaka-vulnerable ‘no. But we want to push the greater … great, great majority of the population to be fully vaccinated and even boosted, number one. Number two, iyong compliance sa minimum public health standards po natin – mask, hugas, iwas plus airflow.
So importante po na itong mga conditions na ‘to are met para po marating natin iyong tinatawag na Alert Level 1 if that is what you want to loosely call as the new normal, okay. So hopefully ‘no, gaya ng sinabi ni Usec. Rosette kanina, nabanggit niya ‘no na iyong FASSSTER projection teams natin shows the projections na pababa nang pababa ang bilang ng ating mga new cases sa bansa – hindi lamang sa NCR kung hindi sa iba’t ibang regions.
Tapos, we want to bring it even further down para hindi lang iyong new cases iyong bababa, pati iyong active cases bababa rin. Dahil marami na ang nagri-recover, mas mabilis ang recovery so less and less iyong active cases natin so we will see the curve going down. But again, iyong pagbaba po ng curve na iyan will only come if everybody complies with iyong minimum public health standards natin – mask, hugas, iwas, airflow and magpabakuna, okay.
That being said, kung tatama sa parameters puwede tayong mag-Alert Level 1. So iyon na ‘yung tinatawag siguro natin loosely na new normal. That being said again, mayroon naman po tayong—by March ilulunsad na NAP 5 ‘no, iyong National Action Plan Phase 5 po natin. And under the National Action Plan Phase 5 po natin, mas ang ini-emphasize natin doon apart from the high vaccination and compliance with minimum public health standards is pag-rebound din po ng ating economy para mas marami rin po sa ating mga kababayan ang tuluyan na pong makapagtrabaho at makapaghanapbuhay. And then, of course, more schools being opened, more children going to school but, again, that is also dependent doon sa ating mga kabataan getting vaccinated as well.
MELA LESMORAS/PTV: Opo. Just a quick follow up. Pero kung sa Metro Manila lang po ang pag-uusapan, by March possible naman itong pag-a-Alert Level 1 sa susunod na buwan kung magtutuluy-tuloy iyong pagbuti ng COVID-19 situation dito sa NCR?
CABSEC NOGRALES: So right now, pina-finalize na rin po namin sa IATF ang, sabihin natin, roadmap to Alert Level 1 for NCR, for Metro Manila and kung ano pa man ang mga regions na mag-fulfill ng mga requirements and conditions para mag-Alert Level 1. And a big part of that roadmap to Level 1 has to do a lot with compliance ng mga establishments to the minimum public health standards within their own establishments. Kaya napakalaking bahagi po dito iyong safety seals, iyong safety seal certification, especially sa mga establishments na nasa 3Cs – iyong closed setting, close contact, iyong confined establishments – iyon iyong mga kailangan po talaga natin to ensure that they all follow the minimum health standards.
Perhaps, Usec. Rosette would like to add something also?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes po, CabSec. And good afternoon, Mela. I agree of course with CabSec ‘no, lahat po ng sinabi. What we are just doing right now, katulad ng sinabi po ni CabSec, we are preparing to transition already. So kung makikita po natin ngayon ang National Capital Region, if we use our metrics of case trends and healthcare utilization, low risk na po talaga ang NCR. Pero siyempre kailangang i-prepare po natin iyong environment kung saan kapag nag-ease po tayo ng restrictions, it would be safe for our population kapag lumabas na po sila, and that would be iyong sinasabi po ni CabSec na dapat lahat tayo magtutulung-tulong, minimum public health standards pa rin foremost.
Kailangan not just people, but also establishments, both public and private, should provide safe spaces for our people. So diyan po papasok iyong pagsunod din ng establisyemento, pagsunod ng public space katulad ng mga, sabihin natin, churches, katulad po ng mga parks, for example, katulad ng mga eskuwelahan na susunod sila doon sa mga safety protocols na mayroon tayo katulad noong ating adequate ventilation, hand washing stations, compliant dapat sa pagbabakuna at saka compliant doon sa mga iba pang standards natin po na pinapatupad.
So, ngayon po, tayo po ay nasa Alert Level 2, in spite na puwede ng mag-Alert Level 1, dahil naghahanda pa po ang gobyerno kung papaano po natin ita-transition sa Alert Level 1 ang ating mga lugar so that lahat po tayo ay prepared kapag nagkaroon na po tayo ng easing of restrictions.
MELA LESMORAS/PTV: Opo. At panghuli na lamang pong katanungan, sa inyo rin po, Usec. Vergeire, from my colleague Mark Fetalco lang po. According kay Secretary Galvez kagabi rin na over 70% na ng population ang fully vaccinated against COVID-19 sa sampung rehiyon sa bansa. Gaano kalaking tulong po ang naibigay ng Bayanihan Bakunahan III para maabot ang kanilang target? At doon po sa iba pang rehiyon na medyo kaunti pa, mababa pa ang vaccination rates, ano po ang nakikita nating challenges? And how is the government going to address this po?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes. So, Mela and Mark, the main reason why we had Bayanihan Bakunahan III is for us to further improve on our vaccination. So, sa bawat pagbabakuna po na ginagawa natin, pinag-aaralan natin kung bakit mayroong mga lagging regions, kung bakit may mga rehiyon na hindi makaabot doon sa mga targets na sini-set natin. And part of the challenge of course would always be access, iyon pong mga taong malalayo ang kanilang lugar na kailangan talagang pupuntahan talaga sila ng vaccinators natin.
Iyong pangalawa po, iyong awareness din ng tao sa ating pagbabakuna. It is not enough that we say it every day through the social media platforms, through our tri-media, through our TV and all, kasi iyong iba naman wala pong access sa ganito. So, ang ginagawa po natin through this Bayanihan Bakunahan, aside from setting targets ‘no, ang ginagawa natin itong targets na ito may mas malaking focus po doon sa mga regions which are lagging behind, doon po sa mga areas na sa tingin natin kailangan ang tulong natin.
So, ngayon, nagbabahay-bahay po. Marami po; nagka-mix na tayo ng strategy. It is not just a fixed vaccination site kung saan pupunta lang ang tao ang bakunahan, ngayon po ang vaccinators natin ay nagbabahay-bahay na po sila, lalung-lalo na doon sa mga lugar na malalayo para mas ma-reach pa po natin iyong atin pong mga kababayan na hindi po talaga makapunta sa ating vaccination sites.
So malaking tulong ang mga programang ito kasi in a number of days lang nagkakaroon tayo ng achievement ng targets natin, at malaki po ang naitutulong nito sa accomplishment natin at, of course, sa coverage po sa ating buong bansa.
MELA LESMORAS/PTV: Opo. Thank you so much, Usec. Vergeire, CabSec Nograles at Usec. Rocky.
CABSEC NOGRALES: Thank you, Mela. Back to you, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, tanong naman po mula kay Wena Cos ng ABS-CBN for Usec. Vergeire: Kailan po inaasahang magkakaroon/sisimulan ang booster shot for 12 to 17 years old?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So sa ngayon po, wala pa pong sapat na pag-aaral para makapagbigay tayo ng booster doses for our twelve to seventeen (12 – 17) years old. Up until now, evidence still points na iyong primary series po ng mga ganitong adolescent children ay enough pa rin para sa kanila to protect them from severe infection, sa hospitalizations and deaths. But of course, kapag dumating iyong punto na nakumpleto na ang ebidensiya at may rekomendasyon na base po sa global experts, tayo po ay mag-aaral na ukol diyan at tayo po ay magbibigay. Pero sa ngayon, wala pa po.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Kung sakali daw po, Usec. Vergeire, ang seventeen (17) years old noong nakakuha daw po ng bakuna niya and after three months ay 18 years old na siya, puwede pa rin po ba siyang magpakuha ng booster?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, because based on Emergency Used Authority na inisyu po ng Food and Drug Administration para sa booster doses ay eighteen (18) years old and above na mga individuals can receive their booster shots already. So, kung sila po ay nag-turn 18 na after three months, they can already receive their booster shots.
USEC. IGNACIO: Opo. For Sec. Karlo, tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Nakikita ba ng government ang possibility ng pandemic end before na matapos ang termino ni Pangulong Duterte? Inihahanda na rin ba ang isang transition committee kung saan maaaring i-brief ang nanalong pangulo sa mga plano ng pamahalaan ukol sa COVID-19?
CABSEC NOGRALES: Again ‘no, iyong end of pandemic that is actually a technical and medical term, so we will leave that up to the health experts to define and actually state kung narating na ba natin iyong point na iyan. Pero ang importante is that, kagaya ng sinabi ko kanina, para marating natin iyong state na iyan, importante po na mataas ang vaccination coverage po natin and lahat po tayo ay nagko-comply sa minimum public health standard – iyong mask, hugas, iwas plus air flow – and again, plus bakuna.
Number two po, iyong pag-turnover natin sa next administration, kaya nga po binubuo na natin iyong National Action Plan Phase 5 kasi nakapaloob po sa dokumento na iyan ang next phase natin sa laban against COVID-19 which is protecting our community, protecting our people while accelerating iyong economic growth ng ating bansa para ang mga kababayan natin ay makapagbalik hanapbuhay na po. At iyang document po na iyan, plus all the accomplishments in terms of vaccination rate, in terms of compliance with the safety seal, in terms of compliance with minimum public health standards sa mga establisyemento, lahat po iyan ang aming iti-turnover sa next administration.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Red Mendoza: Na-receive na po ba sa opisina sa opisina ng Pangulo ang sulat ng mga militanteng health worker na nag-uudyok na i-veto ang planong health emergency allowance bill dahil daw discriminatory ang panukalang ito?
CABSEC NOGRALES: Per MRO, wala pa po tayong natatanggap.
USEC. IGNACIO: Opo. For Usec. Vergeire, tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sinasabi po ng mga militanteng health worker na discriminatory at hindi daw po makatarungan ang health emergency allowance at One COVID allowance ng DOH, at gusto pa rin nilang i-retain ang dating benepisyo sa COVID-19. Ano daw po ang masasabi ng DOH?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky ‘no.
So, unang-una, iyong One COVID Allowance is more of benefit ‘no sa ating mga healthcare workers. Kapag tiningnan ho natin itong policy na ito, hindi na ho natin sasabihin kung sino—hindi na tayo kailangan mag-determine pa who’s catering for COVID, sino iyong directly exposed sa COVID na nagkaroon po ng – naging bottleneck sa pagri-release natin ng mga allowances before.
This time, we are considering all of our healthcare workers, lahat po ng nagtatrabaho sa facilities ay kasama po dito. We just did parang determination, ‘high risk’, ‘medium risk’ at saka ‘low risk’. Tapos mayroon na tayong nakatalagang pondo o funds kung magkano po ang ibibigay sa bawat tao or individual na nagtatrabaho para sa pandemyang ito.
So, this is not disadvantageous to them. This is more of an advantage to them because it streamlines the process, it institutionalized and made it regular already, mas mabilis makukuha ang benepisyo, mas rational po ang pagsasabi kung sinong high risk, medium risk at saka low risk.
So, ito po sana ay maintindihan, subukan po natin ano, tingnan natin kung ito po ay mas magiging beneficial sa ating health care workers para po maipagpatuloy natin at hindi na po tayo nagkakaroon ng problema sa pagri-release ng allowances po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong niya for USec. Vergeire: Shine-share ba ng DOH ang opinyon daw po ng Philippine Medical Association na huwag munang magluwag sa Alert Level 1 kung hindi pa ganoon kataas ang mga bakunahan at booster shots sa NCR at sa iba pang parte ng Pilipinas? Similar question po with Lei Alviz ng GMA News.
DOH USEC. VERGEIRE: Ah, yes ‘no. So, unang-una po, hindi naman po ibinababa iyong Alert Level 1. Katulad po ng sabi CabSec, napag-usapan po sa IATF kahapon that we will still retain Alert Level 2 here in NCR because ang punto po ng ating officials and even our experts, let’s prepare ‘no. Paghandaan po muna natin ang pag-transition natin sa Alert Level 1 in the coming weeks or months.
Iyon pong pagbabakuna dito sa NCR, we already have achieved the target ‘no para po sa National Capital Region para po doon sa 70%. In fact, more than 70% pa po ang National Capital Region sa pagbabakuna.
So, hindi po natin kailangang mag-agam-agam. Government is preparing on how we can transition to Alert Level 1 which as we say it’s our new normal. We will put safeguards also para po ang ating mga kababayan ay magkakaroon po ng proteksyon ano. There should be this safety nets para sa atin para tayo po ay maging confident na lalabas sa Alert Level 1.
Pero kailangan lagi nating alalahanin hindi lang po dapat ang gobyerno ang naghahanda. Dapat po, katulad ng sabi ni CabSec., it will depend on all of us. We all have to follow the minimum public health standards and also get vaccinated so that we can be able to be more confident, and our risk kapag po nag-Alert Level 1 ay napakababa na po.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Lei Alviz ng GMA News for USec. Vergeire: May mga bansang nakaranas daw po ng pagtaas ng COVID cases matapos iyong eleksyon, ano po ang projection dito sa Pilipinas?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, USec. Rocky, kanina nag-present ako ng latest projections ng FASSSTER team natin kung saan sinasabi, if we retain the current na pagsunod natin ngayon sa minimum public health standards, iyon pong ating mga kaso na bibilangin per day nationally pagdating ng March 15, maaaring bumaba at low as less than 100 cases.
Pero ipinakita rin po doon sa projections na iyon base sa mobility ng populasyon, iyong pagtaas ng antas ng pagbabakuna, at saka iyong compliance sa minimum public health standards, kung bababa lang kahit 12% lang ang hindi pag-comply sa minimum public health standards, maaaring magkaroon po tayo ng mga kaso na katulad ng mga 2,000 at mahigit pagdating ng March 15.
Kung bababa pa nang husto ang compliance to about 19% or maybe 20% bumaba ang pag-comply natin compared to what we have right now, maaaring magkaroon po tayo ng 7,000 plus cases pagdating ng March 15.
So, ano po ba ang ibig sabihin nito?
Sa lahat po ng ginagawa natin kapag tayo ay magkakaroon ng pagluwag ng pagsunod natin sa minimum public health standards at hindi masyadong nagko-comply ang ating populasyon, maaaring tumaas uli lahat ng ating kaso.
So, having said that because it is election time, it is campaign period, nananawagan po tayo sa ating mga kababayan, sa atin pong local officials at sa ating mga kandidato na sana po tayong lahat ay tulong-tulong para po mapanatili nating mababa ang kaso sa bansa by complying with all the safety protocols that we have issued through our guidelines.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong niya for USec. Vergeire from Lei Alviz pa rin po: Napag-usapan na ba ang pag-lift ng mask mandate by fourth quarter? Nabanggit po ito ni Secretary Galvez. Ano po ang basehan nito?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Lei ‘no. So, kasama naman po iyan sa pinag-uusapan kasi dadating naman tayo talaga sa punto na kapag sinabi natin na we are going into our new normal at nakita natin na talagang we are reaching that state of endemicity dito po sa buong mundo ‘no, hindi lang dito sa bansa natin kapag natapos ang pandemya, darating tayo sa point na hindi na talaga natin kailangan ng mask. Pero ang lagi nating sinasabi, until we reach that point, mask should still be worn kasi ito po iyong pangunahin nating proteksyon laban sa COVID-19 kasama po ng bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong for USec. Vergeire: Kumusta na ang supply ng pediatric vaccine? Nagkakaubusan na raw ng supply as per NCR LGUs, kailan darating ang additional supply at ilan daw po iyong inaasahang darating?
DOH USEC. VERGEIRE: Ah, yes ‘no. So, katulad po ng ating pagpapaliwanag sa inyo noong una pong dumating ang mga bakuna, the Pfizer reformulated vaccines ng mga kabataan ay dadating po sa atin in tranches as what has been explained to us by the manufacturers and agreed on ‘no with our negotiating team dahil may shortage din po internationally.
So, ang nauna po na dumating dito would be about 700,000 plus na mga bakuna for five to eleven which is still enough para po doon sa ating mga lugar sa ngayon. Parating na rin po iyong atin pong iba pang mga supplies from Pfizer, ito po ng reformulated for five to eleven years old, hihintayin lang po natin maybe in the next two weeks.
USEC. IGNACIO: Opo. From Carolyn Bonquin ng CNN Philippines for USec. Vergeire: Paano daw po ang magiging restriction kung ibababa na ang isang lugar sa Alert Level 1? At what point can DOH recommend a downgrade to Alert Level 1?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes ‘no. So, kapag tayo ay nagpunta na sa Alert Level 1, Carolyn, wala na po tayong restrictions. Ibig sabihin, iyong mga capacities na pinag-uusapan natin hindi na iyan magma-matter kasi iyon na iyong new normal natin.
Ang sinasabi natin, pagdating natin sa Alert Level 1, it’s really self-regulation. So, tayo na po on our own of course all of us, sa komunidad, sa ating bansa, kailangan susunod tayo doon sa MPHS.
Eh, ano po ba ang kasama ng MPHS?
Dapat laging naka-mask, alam natin magpi-physical distance, maghuhugas ka ng kamay, huwag kang pumunta sa mataong lugar, dapat may adequate ventilation. So, the community, the establishments, the spaces, the public areas should all be ready when we go to that point.
Iyong sinasabi kailan tayo pupunta sa Alert Level 1?
Pinaghahandaan na po ng ating gobyerno ngayon ang pag-transition natin sa Alert Level 1. So, hopefully we get to have this table at saka makita natin na ma-sustain ang pagbaba ng kaso, ma-sustain na low risk tayo, tapos mai-prepare po ng government natin iyong transition plan natin kung paano natin masisigurado na may safety nets tayo within community para po tayo makapag-deescalate sa Alert Level 1 and that would be discussed with our officials.
USEC. IGNACIO: Opo. Second po niyang tanong, USec. Vergeire: Paano po ang difference ng sinasabi na 12% decrease in compliance versus 90% decrease in compliance po? Ano daw po ang sample scenario nito?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, ang scenario natin ano, katulad ng sabi natin, halimbawa sa NCR, sa NCR kapag nag-maintain tayo ng ganitong compliance natin sa minimum public health standards, ang projections ng FASSSTER team, by March 15 nasa less than 20 cases lang tayo ‘no for NCR. Kapag naman tayo ay nagkaroon ng pagbawas from current na MPHS natin ngayon, nagkaroon ng 12% less doon sa compliance na ginagawa, we’ll have about 162 cases by March 15.
Pero kapag halimbawa 19% ang pagbaba ng compliance sa MPHS, we’ll have about 1,225 cases on March 15. That’s daily cases for the National Capital Region. So, ilagay po natin sa punto, ang NCR po ngayon mayroon po tayong 485—[OVERLAPPING VOICE], USec. Rocky.
So iyon po, Usec. Rocky, ang sinasabi natin. Ang atin pong assumptions na ginagawa, mayroon po siyang mga assumptions na ginagamit po natin would be iyong mobility ng populasyon, iyong compliance natin sa minimum public health standards at saka iyong vaccination rates natin. So kapag may nababago po roon, maaaring tumaas o further na bumaba po ito pong ating mga metrics na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong tanong mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror, Secretary Karlo: Ano po ang reason why the IATF opted to expand the venue capacity para po sa establishment not covered by Alert Level 5? At kailan po ito expected mag-take effect?
CABSEC NOGRALES: Actually, kasabay po iyan noong paglabas natin ng guidelines for alert level systems. It’s just that marami siguro ang hindi nakapansin na nakapaloob po iyan sa loob ng ating guidelines. Simula pa noong in-update namin at ni-release namin iyong alert level systems, nandiyan na po iyan, matagal na.
So iyon po iyong reminder ko lang, reminder. Kasi marami ang nagtatanong eh about that, at marami rin ang hindi rin aware, although, we’ve announced that before when we announced iyong alert level system guidelines po natin, and it has always been part ng alert level system guidelines po natin.
So that has been in place ever since. Siguro hindi lang napansin kasi marami pang mga regions ang hindi pa narating iyong 70% na A2 at A3 fully vaccinated. So baka nakalimutan na lang nila or it was something that hindi nila lubos na naalala na nandiyan pala iyan kasi siguro during that time na in-announce natin at nilabas natin iyong guidelines, hindi pa natin narating iyong A2/A3 70% fully vaccinated.
But right now, NCR, halimbawa, is already compliant doon, so may plus 20% na agad doon sa seating/venue capacities natin. There are also other regions in the country, other localities na narating na rin po iyong A2/A3 priority groups na 70% fully vaccinated and up. So doon sa mga lugar na iyon, whatever alert level, whether you’re Alert Level 2 or Alert Level 3, may plus 20% po. And then, if you have the safety seal, you have the safety seal certificate, magpa-plus ten pa po.
So these are some of the mechanisms na nilalagay natin na bagama’t hindi pa tayo nag-a-Alert Level 1, kahit tayo po dito, halimbawa, sa NCR ay Alert Level 2 eh kapag mayroon ka pang safety seal, may plus ten ka pa. So iyon po iyong ginagawa natin para talagang bumalik na po iyong business confidence, iyong consumer confidence na mataas na sa ating bansa, but more importantly na makapag-hire na po nang mas maraming workers; mas marami sa ating mga small, medium enterprises ay makabangon na; magkaroon po tayo nang mas mabilis na economic growth and acceleration in the different regions especially those that are compliant.
Number two, it also drives other regions na hindi pa narating iyong ganiyang mga milestones na talagang isulong nila na marating nila iyong 70% and up sa A2 and A3 priority groups nila ay fully vaccinated. Kasi iyon naman talaga iyong most vulnerable sectors of society na gusto nating proteksiyunan. So mayroon ng kumbaga, insentibo itong mga localities, mga regions, halimbawa, na i-prioritize ang mga senior citizens for fully vaccinated; i-prioritize din iyong mga those with comorbidities na maging fully vaccinated din.
USEC. IGNACIO: Iyong susunod pong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Since almost daw po full operational capacity na po for establishment na makaka-comply sa conditions under sa new rules, anong factors pa kaya raw ang puwede pang i-ease ng government sa areas na ilalagay raw po sa Alert Level 1?
CABSEC NOGRALES: Kagaya nang sinabi ni Usec. Rosette ‘no, ang ibig niyang sabihin noong wala na iyong restrictions, ibig pong sabihin, wala na iyong sinasabi natin na percentage of seating and venue capacities. So kapag Alert Level 1 na po, wala na po iyong 70%, 50%, wala na po iyon. Pero ibig pong sabihin, kailangan self-regulation, self-policing in establishments themselves because they are compliant with the standards for safety seal, halimbawa, alam nila kung ano iyong mga dos and don’ts within the establishment. Alam nila na nandiyan pa rin po iyong mask, hindi naman mawawala iyong mask under Alert Level 1, under our guidelines ‘no. Minimum public health standards, ganoon pa rin. Iyong sinasabi nilang apart from mask, iyong social distancing, physical distancing ‘di ba. Bagama’t wala iyong sinasabi nating percentage, percentage venue capacities, dapat ang mga, kumbaga, nasa practice na po ng lahat ng mga kababayan natin na safe distances pa rin ‘di ba. Physical distancing, social distancing is still important.
And then, kasi it’s mask, hugas, iwas, then paghuhugas ng kamay; and then iyong ventilation po sa mga establishments, iyong airflow sa mga establishments ay dapat nandoon naka-set in place iyong tamang airflow and ventilation sa mga establishments. And of course, iyong vaccination rate na napakataas, dapat marating na rin natin.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, CabSec. Thank you, Usec. Vergeire. Thank you, MPC.
CABSEC NOGRALES: Maraming, maraming salamat, Usec. Rocky. And of course, kay Usec. Vergeire, thank you also for joining us in our press briefing; and to the members of the MPC.
The acute phase of the pandemic, according to the World Health Organization (WHO), could end – maaaring matapos – could end this year, of course, with one qualifier: That the 70% vaccination target is achieved by the middle of this year. Achieving this, according to the WHO, is not matter of chance; it is a matter of choice. Ibig pong sabihin, nasa kamay po nating lahat.
Dito sa Pilipinas, malinaw ang ating target: Ang mabakunahan ang siyamnapu’t milyong Pilipino bago matapos ang termino ng Pangulo – that’s more than the 70% required by the WHO or being asked by the WHO. Kaya naman hindi kami magsasawa na manawagan at himukin ang ating mga kababayan na magpabakuna. Napakalinaw na po ng ebidensiya: Ligtas at epektibo ang bakuna laban sa COVID-19. Dagdag dito, libre po ito.
Sa mga nabakunahan na, kailangan po ninyo ng booster shots para sa karagdagang proteksiyon. Huwag sana nating palampasin ang pagkakataong ito dahil iisa ang ating gustong mangyari: Ang magbalik normal ang buhay nating lahat.
Ipagpatuloy po nating pagtulungan ang pagtaguyod sa kapakanan ng ating bansa.
Maraming salamat. Magandang hapon pong muli sa inyong lahat and God bless.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center