USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao. Isa pong mapagpalang araw din para sa ating mga kababayan sa labas ng bansa. Umaatikabong mga balita patungkol sa lagay ng bansa ngayong pandemya ang hatid namin sa inyo; silipin din po natin ang iba pang election updates at economic updates na ihahatid sa atin ng mga makakasama natin mamaya. Simulan na po natin ang makabuluhang usapan, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!
Inilatag ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga kundisyon na ikukonsidera para ibaba sa Alert Level 1 ang isang rehiyon. Ayon sa Kalihim, bago ibaba sa Alert Level 1, kinakailangan ay 80% ang A2 at A3 vulnerable groups or ang senior citizens at persons with comorbidity ay nabakunahan na.
Iginiit ni Duque na pinag-aaralang mabuti ng mga eksperto na gumagabay sa IATF kung paano ang diskarte ukol dito. Patuloy aniya ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 partikular sa National Capital Region, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite, gayundin sa mga lugar sa Visayas at Mindanao. Ayon pa sa Kalihim, patunay ito na nalagpasan natin ang Omicron hump.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Patuloy na nga po ang pagbaba ng bilang ng mga nagpupositibo sa COVID-19 kada araw kaya naman ang panawagan ng publiko na kasalukuyang pinag-aaralan ng mga eksperto ang pagsasailalim ng bansa sa Alert Level 1, iyan at iba pang usapin ang ating tatalakayin, kasama po natin si DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya. Magandang umaga po, Usec.!
DILG USEC. MALAYA: Magandang umaga, Usec. Rocky. At magandang umaga po sa lahat ng ating tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., palagay ninyo ba ay handa na itong ating bansa na ilagay tayo sa Alert Level 1?
DILG USEC. MALAYA: Well, Usec., kailangan po nating pag-isipan iyan nang mabuti dahil para po sa amin sa DILG, nababahala po kami rito sa ating campaign period ‘no. Napakahirap po kasing mag-implement ng minimum public health standards sa panahon ng kampaniya, at ito pa naman, March 25, magsisimula pa iyong local campaign period.
So sa tingin po namin, pagpasok ng local campaign period, it will be much more difficult for the Department, the Philippine National Police and of course, Comelec to enforce the minimum public health standards. So dapat po nating pag-isipan nang mabuti kung tayo po ba ay handa na sa Alert Level 1.
Pero kung tatanungin po iyong mga mayors, sabi po nila sa amin, in our consultations with them ay nakahanda raw po sila for Alert Level 1.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kasi, Usec., hindi nga natin puwedeng basta isantabi ito ngang nangyari din sa Hong Kong, ano po. Sinabi nga rin po ni Secretary Duque ang metrics o panukatan bago po mag-de-escalate sa Alert Level 1. Ano po ang ginagawa naman ng DILG para makamit ang mga ito, bukod nga po doon sa sinabi ninyo na medyo nababahala kayo dahil dito sa campaign period?
DILG USEC. MALAYA: Tama po kayo, Usec. Kaya nagkaroon ng problema sa Hong Kong is precisely mababa iyong kanilang vaccination rate ‘no. Surprisingly, mas mataas pa iyong vaccination rate natin sa Pilipinas kaysa sa Hong Kong which is why, noong nagkaroon sila ng Omicron surge, ang dami sa kanilang mga citizens ang naospital at na-overwhelm ang kanilang hospital care capacity.
So sa tingin ko po, sa amin ‘no, kailangang paghandaan natin iyong mga measures like:
- Ensuring proper ventilation ng lahat ng lugar kung saan ang tao ay magkakaroon ng mga pagtitipon ‘no;
- iyong palakasin natin iyong ating vaccination program;
- iyong atin pong mga safety seal certification ‘no, we are urging more establishments na mag-apply for the safety seal para magkaroon ng third party assessment sa inyong establishments kung kayo ay compliant with government regulations.
Lahat po ng establishments, kahit po mga simbahan ay puwedeng bigyan natin ng safety seal. And of course, strict implementation ng granular lockdowns, kung mayroon po tayong mga lugar kung saan tumaas ang kaso at mayroon tayong na-identify na mga households na may positive, i-isolate po natin sa kanila lahat at ma-impose kaagad-agad ng LGUs ang mga granular lockdowns.
Pero pababa na rin, Usec., ang ating granular lockdowns. In Metro Manila, thirty-seven na lang ang lugar under granular lockdowns, comprising of 45 families and 204 affected individuals; while nationwide ay nasa 343 na lamang ang ating mga granular lockdown areas.
USEC. IGNACIO: Opo. Dito sa NCR, anong mga lugar po ang naka-granular lockdown, Usec.?
DILG USEC. MALAYA: Well, surprisingly, Usec. Rocky, nasa Metro Manila, sa Lungsod ng Maynila na lamang iyong mayroon tayong granular lockdown which is 37 in the City of Manila, and may 45 families and 204 affected individuals.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit din po ni Secretary Galvez na palalakasin iyong strategy para tumaas itong vaccination output sa bansa gaya po ng pagbisita sa mga barangay at kasama na po raw iyong pagbabahay-bahay. So ano raw po iyong inilatag ng DILG sa planong ito?
DILG USEC. MALAYA: Yes, sabi nga po ni Secretary Galvez and si Secretary Dizon, we must focus our efforts now doon sa A2 and A3 kasi mayroon pa tayong tatlong milyong mga senior citizens na hindi pa nababakunahan. So we must at least vaccinate 80% of them para confident tayo pumasok sa Alert Level 1 even if election period.
Kasi remember, Usec. Rocky, iyong sa India, isa sa mga dahilan bakit nagkaroon ng surge in India in the past was precisely because of their elections and their religious activities. So ako ay completely agree with the statement of Secretary Dizon and Secretary Galvez na dito tayo tumutok sa A2 and A3 para mas malaki ang ating kumpiyansa going to Alert Level 1.
So again, iyong pagbisita sa mga barangay, iyong ating sinasabing ilapit na natin iyong bakuna sa mga tao ‘no kasi karamihan sa mga hindi nababakunahan, Usec., ay iyong mga nasa rural areas. So bago sana magsimula ang campaign period for the local elections ay kailangan madala na natin iyong mga bakunang iyon sa mga barangay, at kung kinakailangan ay talagang iyong mag-house to house tayo para maabot natin iyong target na mabakunahan itong three million senior citizens and those with comorbidities.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., isunod ko na itong tanong ng ating kasamahan sa media. Tanong po mula kay Racquel Bayan ng Radyo Pilipinas: Ilang LGUs na raw po ang nakasuhan ng DILG dahil sa bigong maabot iyong target na vaccination output or at least naisyuhan ng show cause order at anu-anong mga lugar po ito?
DILG USEC. MALAYA: As of now, wala pa po kaming naiisyuhan ng show cause orders, although may recommendation na, may datos nang ibinigay sa amin ang Department of Health. At present po, pinag-aaralan pa ng Departamento, ng aming Kagawaran, kung kailangan pa ba naming mag-issue ng show cause orders laban sa mga LGUs ‘no.
Kasi, Usec., ano kasi eh, this is a very complex situation, itong mga lugar na mababa pa rin. Kasi, for example, if you look at the data, iyong region na may pinakamababa na vaccination rate is the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. So ang atin pong Department of Health, kasama na rin ang DILG, we are doing consultations and dialogues with the religious leaders, mga imams, at mga opisyales ng BARMM para matutukan iyong hesitancy ng ating mga kababayan doon sa lugar na iyon.
So, sa ngayon we would rather do proactive measures muna before we issue the show cause order. But the matter is now pending with the desk of Secretary Año.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, sa ibang usapin naman tayo ano po. Nakatanggap ng reports ang DILG patungkol dito po sa pagbebenta ng pekeng gamot ng ilang sari-sari store. So, saang mga lugar po ito nagmula itong mga reports na ito at ano pong mga gamot iyong kadalasang ibinibenta na sinasabing peke?
DILG USEC. MALAYA: Well, Usec, ang dumulog po sa amin ay ang Food and Drug Administration, it’s the FDA ‘no. Sila ang nakatanggap ng reports kasi sila naman iyong may supervision over the pharmaceutical industry. At humingi sila ng tulong kaya nagpalabas si Secretary Año ng memorandum circular sa lahat ng mga LGUs na i-implement itong probisyon ng Republic Act 10918.
Let me just clarify, Usec, na hindi po ang DILG ang gumawa ng batas, ang gumawa po ng batas na ito ay ang Kongreso and they passed this law I think in 2015 and maliwanag po under Section 30 na hindi puwedeng magbenta ang mga sari-sari store ng mga pharmaceutical products of whatever nature and kind unless ito po ay may lisensiya mula sa FDA.
So, kung gusto po nating baguhin itong polisiyang ito, there must be an amendment to this law. So, doon po sa mga who are criticizing the Department for implementing the law, sana po huwag po kayong magalit sa amin dahil hindi naman kami po ang gumawa ng batas. Ang gumawa po ng batas ay ang Kongreso.
So, the solution is for Congress to change it kung gusto nating payagan ang mga sari-sari stores na magbenta ng mga gamot dahil sa ngayon nga po, iyan po ang ating polisiya. And iyong mga pros and cons ng isyung ito ay kailangan mapag-usapan sa Kongreso. Kasi noong ito po ay pumasa sa Kongreso, pinag-aralan itong mabuti ng ating mga mambabatas.
So, kailangan dumaan din sa ganoong klaseng pagsusuri ng Kongreso kung kailangan nating baguhin ang batas. So, in the meantime na hindi pa po nagbabago ito, the DILG is duty-bound to enforce the law. That’s why ang una pong sinabi namin sa mga LGUs:
Number one, iyong Botika sa Barangay, kailangan po iyan ay functional ‘no;
Pangalawa, kung maaari ay magpasa sila ng ordinansa that conforms with the Philippine Pharmacy Act.
Ang atin pong kapulisan kailangan mag-coordinate with the Food and Drug Administration kapag sila ay nag-e-enforce ng batas ito at magkaroon sana ng dialogue ang mga local government unit sa mga may-ari ng mga tindahan para malaman nila iyong probisyon ng batas kasi baka hindi nila alam na mayroon pala tayong batas na ganito [at] humingi ng tulong ang FDA sa DILG para ma-enforce.
USEC. IGNACIO: Pero, Usec, tama ba ito na nanawagan kayo sa mga local government na i-ban itong pagbebenta ng mga gamot sa sari-sari store? Kung tama ito, lahat po ba ng uri ng gamot ay saklaw ng pagba-ban na ito?
DILG USEC. MALAYA: Iyon po kasing batas, Usec. Rocky, ay maliwanag ‘no, wala siyang exemption and hindi po ito lumang batas. Ito ay just very recent, a few years ago, kaya 10918. At wala pong exemption dito ‘no, kailangan lang po na mayroong lisensiya mula sa Food and Drug Administration ang kahit anumang establisyimento.
So, alam ko po may mga nagsasabi na bakit pa papahirapan iyong mga over the counter drugs? Kami po sa DILG naiintindihan naman natin iyan. So, siguro po ang maganda mayroong mag-file na ng amendment to this law kaagad-agad and magpalabas ang Food and Drug Administration ng possible regulation in the meantime. And kung ano man po iyon ay i-enforce ng aming Kagawaran dahil kami po, as I said kanina, we don’t make the law, we don’t make the policy, we just enforce it.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, anong mga parusa itong maaaring ipataw sa mga nasa likod ng ilegal na pagbebenta ng mga gamot sa mga nasabing sari-sari store?
DILG USEC. MALAYA: Well, under Section 46 of the Philippine Pharmacy Act, kung ang isang tao po upon conviction ‘no, puwedeng masentensiyahan ng fine of not less than 100,000 but not exceeding 200,000 or imprisonment not less than 30 days but not more than one year at the discretion of the court.
Iyan! Iyan po ang mga penalties na nasa batas.
USEC. IGNACIO: Opo. Lilipat naman ako, Usec, sa ibang issue. Patuloy po ang pagbibigay ng babala ng COMELEC pagdating sa pagpapatupad ng health protocols sa mga election campaign. So far ay kumusta ang inyong assessment sa mga nagaganap na kampanya sa bawat lugar?
DILG USEC. MALAYA: Well, obviously po, Usec, marami tayong nakikitang violation precisely because napakaistrikto ng mga rules and regulations na ipinalabas ng Comelec. At mayroon na pong mga proposals and appeals ang iba’t-ibang mga partido at mga pulitiko sa ating Commission on Elections para maluwagan nang kaunti ang kanilang mga regulasyon. And I would presume that the COMELEC will call a meeting of the Commission and the National Campaign Committee para mapag-usapan ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero anu-anong pagbabantay iyong inyong isinasagawa para mahigpit na ma-observe iyong pagpapatupad ng health protocols sa mga election campaign? Kanina nga po nabanggit ninyo na medyo nag-aalala ang DILG dito sa kampanya doon sa posibleng pagkalat ng sakit pa rin o ng COVID.
DILG USEC. MALAYA: Sa bawat LGU po, Usec. Rocky, ay may tinatawag na Local Campaign Committee. Mayroon po iyan sa level ng region, mayroong level ng provincial at level ng city at municipality.
At iyang Campaign Committee, iyan po ang lead sa implementation of the COMELEC resolution insofar as the election campaigns are concerned. So, ang PNP naman po ay mayroong standard security team na naka-assign sa lahat ng ating mga kandidato especially with all the activities being done.
Pero as I said nga po eh sa sobrang dami po ng tao at aminado naman po kami na nahihirapan ang ating kapulisan at kahit ang ating barangay para ma-enforce ang ating mga regulasyon na nanggagaling sa COMELEC.
But nonetheless, kami po ay naghihintay lamang kung ano ang magiging tugon ng COMELEC doon sa panawagan ng ilang sektor na mag-adjust naman sa mga pamantayan na ipinalabas nila through the resolution.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, dito pa rin sa usapin naman ng pagsasagawa ng Oplan Baklas ng COMELEC, ito po iyong pag-aalis ng improper campaign material. Ano po iyong role ng DILG at PNP sa pagsasagawa nito?
DILG USEC. MALAYA: Well, kami po ay deputized ng Commission on Elections at kasama po namin diyan ang Philippine National Police because under Section 57 of the Omnibus Election Code, ang mga kapulisan po and the DILG and many other agencies ay deputies or deputized ng Commission on Election.
So, iyon pong isinasagawang Oplan Baklas kung saan nakita ng ating mga kababayan, nakita natin sa TV na may mga kasamang pulis at mga kagawad ng Bureau of Fire na sila din po ay deputized ay alinsunod lamang sa kautusan ng COMELEC ‘no, kami po ay sumusunod lamang doon. Sa tingin ko po wala namang masamang ginawa ang ating mga kapulisan because they were only following the lawful orders of the Commission on Elections.
So, as I said po kanina, so long as iyong ginawa ng ating kapulisan or iyong ating mga fire officers are upon the direction of the election officer of that area in his capacity as chairman of the Local Campaign Committee ay susunod po ang ating mga kapulisan dahil as I said, that is a lawful order.
USEC. IGNACIO: Usec, dako naman tayo sa dito sa usapin naman tungkol sa posibleng pagsampa ng administrative o criminal charges ng Commission on Human Rights laban sa mga pulis na umaresto kay Dr. Maria Natividad “Naty” Castro. Ano po iyong update tungkol dito?
DILG USEC. MALAYA: Well, Usec, kami po sa DILG we welcome any investigation na gagawin ng Commission on Human Rights ‘no. Nasasaklaw naman po iyan ng kapangyarihan ng Commission on Human Rights.
Pero ang panawagan naman po namin sa Commission on Human Rights is for them to be fair, impartial and unbiased. Kasi ang mahirap ho kasi, hindi pa nga sila nakakapag-conduct ng kanilang imbestigasyon, mayroon na kaagad silang statement na ipinalabas sa media na hindi umano ay ito daw si Dr. Castro has been red-tagged. So, kapag po nagsabi sila ng ganiyan, eh they have already prejudged the case.
So kami naman po sa DILG, we are asking them to be true to their mandate ‘no – to be impartial, fair and unbiased – dahil ito pong ating mga kapulisan are only doing their job ‘no.
Usec., pasunud-sunod nga po ‘no, lagi na lang nasa balita ang ating mga kapulisan. Ngayon in this case po kasi, itong si—the Judge ‘no, si Bayugan City RTC Judge Fudalan issued a warrant of arrest dahil ito pong si Dr. Castro is facing kidnapping and serious illegal detention charges doon sa kaniyang korte.
So dumaan naman po ito sa piskal and the city prosecutor found probable cause ‘no and ang judge naman po before it issues a warrant of arrest, may ginagawa po iyang judicial determination of probable cause – and the judge found probable cause. Ngayon iyong mga kritiko po sana if they were just being diligent in their jobs, eh sana iyong desisyon ng piskal ay inapela nila sa Department of Justice or kaya naman iyong warrant of arrest ay [unclear] nila before the Court of Appeals. Eh hindi naman po nila ginawa at naisyuhan ng warrant of arrest so what is the Philippine National Police to do? Kung hindi naman po gagawin ng PNP ang kanilang tungkulin eh sila naman po ang makakasuhan.
So you know, kaya naman nananawagan po kami sa publiko, let’s not gang up on our police officers ‘no. Ang dami pong legal remedies available to Dr. Castro pero hindi naman nila in-avail. Therefore ang PNP since there is a standing valid warrant of arrest ay in-enforce iyong warrant at dinala siya sa Bayugan City dahil iyon ang naging order sa amin ng ating Regional Trial Court.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat, Usec., sa iyong palagiang pagpapaunlak sa amin ngayong umaga. DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, mabuhay po kayo and stay safe.
DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat po, Usec., at mabuhay po kayo.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanging Cordillera Region na lamang po ang nasa moderate risk classification, ang buong bansa ay nananatiling nasa low risk case classification. Ang health care utilization rate naman ng lahat ng rehiyon ay low risk din maliban sa intensive care unit ng Region XI. Kaugnay niyan patuloy ang panawagan ng pamahalaan na magpabakuna habang hinikayat din ng Pangulo na magpa-booster shot na rin.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala narito na po ang mga huling tala ng COVID-19 sa bansa, as of 4 P.M. kahapon:
Patuloy na bumababa sa bilang na 1,427 ang dagdag na naitalang nahawahan ng COVID-19 kahapon. Sa kabuuan nasa 3,653,526 na ang lahat ng nagkasakit dala ng coronavirus.
Mataas naman sa bilang na 3,269 ang mga bagong gumaling mula sa sakit kaya umabot na ito sa kabuuang bilang na 3,539,106 total recoveries.
Habang 55,763 naman ang total deaths matapos itong madagdagan ng pitumpu’t siyam (79) ng mga bagong nasawi.
Sa kasalukuyan, 1.6% na lang ng total cases ang nananatili pa ring aktibo sa ngayon – katumbas po iyan ng 58,657 active cases.
Atin alamin po ngayong umaga, kasama po natin si OCTA Research Fellow Dr. Guido David ang iba pang update patungkol po sa patuloy na bumababang kaso ng COVID-19 sa bansa at kung ano ang inaasahang magiging estado nito sa susunod na araw at linggo. Magandang umaga po, Professor!
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Hi. Good morning, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Welcome back po sa Laging Handa. Professor, siyam na siyudad nga po sa Metro Manila ito pong kinakitaan ng pagbaba po o declining nitong mga datos. So kumusta na po ito? Patuloy po ba ang pagbaba na ito ng nakikita ninyong kaso or mayroon pong tumataas na mga lugar?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Usec., sa Metro Manila bumababa pa naman pero iyong growth rate medyo bumagal – ibig sabihin hindi na ganoon kalaki iyong binababa. Pero kasi naman—for example, iyong Pateros nag-a-average na lang sila ng one case per day na lang over the past seven days. And for example San Juan, Navotas five cases per day na lang sila, iyong average nila – minsan nagsi-zero pa sila. So, Usec., patuloy naman bumababa at 16 out of 7 LGUs base sa metrics namin ay under low risk na sa Metro Manila. Iyong buong Metro Manila low risk at 4.9% na lang iyon positivity rate – this is less than 5% na ang recommended nga ng World Health Organization ay dapat less than 5%. So ngayon Metro Manila 4.9% so nandoon na tayo sa recommendation ng World Health Organization sa test in positivity rate.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong nakikita ninyong pagkakaiba nitong mga siyudad na may bumababa at tumataas, Professor?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well wala naman, Usec., na tumataas ang nakikita namin, ano lang sila, kumbaga bumagal na iyong negative growth rate nila, iyong pagbaba nila may konting pagbagal lang pero pababa pa rin naman sila. May mga ibang cities sa Metro Manila na hindi ganoon kababa iyong health care utilization pero hindi naman ito kasalanan ng lungsod dahil may mga ibang hospitals na preferred talaga at since mababa naman iyong health care utilization natin – nasa 25% na lang – iyong mga kababayan natin na kailangan magpa-hospital, namimili na ng hospital so may iba mas mataas lang nang konti.
Pero basically, Usec., talagang nakikita naman natin mababa na rin naman iyong kaso dito sa Metro Manila at nasa low risk.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, ulitin lang natin ano: Kumusta po iyong average daily attack rate o ADAR sa rehiyon?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes. Usec., sa Metro Manila nasa 2.85 na lang iyong average daily attack rate. Ang ibig sabihin nito ‘pag may 100,000 na tao sa Metro Manila, dalawa na lang doon ang nagkaka-COVID kada araw. Dati it was as high as 100 noong peak ng Omicron wave, ngayon dalawa na lang. At we are expecting na bababa pa ito to two, to less than two by next week and then baka by one na lang by March – ‘pag nasa one na lang siya, nasa very low na rin siya, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Nasa low risk [garbled] na nga po itong Metro Manila. Sa tingin ninyo po ba magtutuluy-tuloy na ito o mas bababa pa katulad ng nabanggit ninyo? Pero may sinabi po si DILG Undersecretary Jonathan Malaya na medyo sila ay nangangamba dahil po dito sa nakikita nilang mga violation po sa city protocols dahil sa campaign period po, ano po ang masasabi ng OCTA dito?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well siyempre, Usec., iyong projection namin ina-assume na magpapatuloy iyong trends at patuloy na sumusunod tayo sa mga health and safety protocols. At oras na hindi na tayo sumunod dito, puwede talagang magkaroon ng spike in cases. Nakita rin natin ito sa mga ibang bansa noong hindi na nagsusuot ng face mask iyong mga tao ay nagkaka-rise in cases ‘pag hindi na sila sumusunod sa, iyon nga, sa mga safety protocols.
So sana patuloy pa rin na sumunod sa mga safety protocols lalo na sa mga campaign rallies and sana patuloy pa rin nga magpabakuna at magpa-boosters ang mga kababayan natin, napakahalaga nito – kung hindi dahil sa bakuna at sa boosters baka nangailangan tayong mag-lockdown nitong Omicron wave. Pero dahil nga maraming vaccinated at boosted, malaking proteksiyon ang ibinibigay nito sa mga kababayan natin, protection [garbled]. So sana patuloy pa rin itong boosters and vaccination program natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na, Professor, ang tanong ng ating kasamahan sa media. Mula kay Lei Alviz ng GMA News: Sa pagsusuri po ng OCTA, handa na ba ang Metro Manila sa Alert Level 1?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Usec., we support iyong decision ng national and local government, of course sila iyong magdi-decide kung ibababa sa Alert Level 1. Sa narinig ko kanina mayroong mga metrics na hinihintay si Health Secretary Dr. Duque na dapat iyong target vaccination for priority groups nasa mga 80% and then may mga nabanggit din si Usec. Malaya. Pero sa amin ang tinitingnan lang naman namin iyong metrics at dahil less than 5% na ang positivity rate, ang healthcare utilization ay nasa 25% lang, pati ang ICU utilization mababa, so parang sa palagay namin sa perspective ng numbers ay mukhang nandoon na tayo na baka by next week, baka by March 1 puwede na nga ibaba sa Alert Level 1.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod ko lang itong follow-up ni Jena Balaoro ng GMA News: Professor Guido, suportado ba ng OCTA na maibaba sa Alert Level 1 ang NCR lalo’t local campaign period na? May mga LGU po ba na humihingi ng guidance?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, sa pagkaalam ko Usec, nag-meeting naman iyong mga local government, ang mga Metro Manila mayors at sa ngayon siyempre iyong ordinances, ang LGU ang nagdi-decide nito. Sa amin naman, hindi namin nakikitang malaking threat ang pagtaas ng kaso muli dahil katatapos lang natin sa Omicron surge, pababa na ang bilang ng kaso. In fact Usec, today is ano twos-day, tawag nila twos-day kasi 2-22-22, so puro two. I’m hoping na suwerte itong twos-day na ito. I’m hoping na ang makikita natin mamaya ay less than one thousand (1,000) cases for the first time since December. Sana magkatotoo iyang projection natin.
USEC. IGNACIO: Oo nga Professor. Aabangan din natin din iyan mamaya. Sana magkatotoo, ano po na talaga namang napakatagal na natin nandito sa pandemya.
Tanong din po ni Lei Alviz ng GMA News: May inaasahan naman daw po bang spike in cases dahil sa campaign activities?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, Usec, posibleng magkaroon ng spike kapag hindi nag-iingat ang mga kababayan natin. Kaya iyon nga, patuloy na pinapaalala natin especially sa mga campaign rallies na iyong mga protocols, pagsunod sa face mask, sana preferably outdoors ang mga events or kung indoors ay well-ventilated areas. Sana minimize natin ang physical contact at iyon nga, sana ang mga nag-a-attend ay vaccinated din at may boosters din para makapag-attend sila ng mga campaign rallies. Kapag ganiyan, maiiwasan natin iyong spike.
Ngayon posibleng hindi natin maiwasan minsan kung magkaroon ng, you know, minor outbreak pero sa nakikita naman namin wala pa namang threat ngayon na magkaroon ng resurgence tulad ng nangyari noong December.
USEC. IGNACIO: (Inaudible) ba natin na maa-achieve ng Metro Manila itong tinatawag na controlled transmission ng COVID-19 sa darating na Marso at gaano po ito kaposible?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, nakikita naman natin Usec, na nandoon iyong trajectory natin, mukhang controlled. Sa ngayon ang average number of cases natin sa Metro Manila ay 400 per day na lang kada araw. This is comparable to December 2020 at noong December 2021 mas mababa siya, nasa mga 200 cases na lang per day. So iyon ang inaasahan natin ma-achieve pa natin ito pang mas mababa na mga 200 or even 100 cases per day na lang para masasabi natin controlled ang situation.
Noong 2020 naman na December, controlled naman iyong situation noon pati noong last year, iyon lang nga nagkaroon ng Omicron variant. So ang kalaban talaga natin, malaking kalaban natin ay kung may panibagong variant. Sa ngayon, minu-monitor naman natin iyong mga variants na lumalabas, itong mga sub-variants ng Omicron at wala naman tayong nakikitang malaking threat pero again kailangan patuloy pa rin ang pag-iingat natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Professor kaugnay niyan sinabi ng Health Department na posibleng bumaba lamang sa 83 COVID-19 cases kada araw sa darating na March 15. Ganito rin po ba ang inyong nakikita, Professor?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Hindi ko pa nakita iyong projection na iyan ng Health Department, Usec. Sa nakikita natin sa Metro, iyon nga nasabi ko buong bansa posibleng bumaba na rin tayo to less than one thousand (1,000). Today baka makita na natin iyong less than one thousand (1,000), pero iyong consistent less than one thousand (1,000) baka by early March.
Kung ang sinasabi nila sa buong bansa ay hindi pa naman nakikita na bababa to less than one hundred (100) sa buong bansa by anytime in March. Pero sa Metro Manila during the month of March possible naman na baka ma-achieve natin itong mga number of cases tulad ng nakita natin noong December 2021 na mga nasa one hundred to two hundred (100 – 200) cases per day na lang tayo sa Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ng ating kasamahan sa media, mula po kay Margot Gonzales ng SMNI News: Okay na po bang himukin ang lahat na magbalik-trabaho na sa opisina o sa workplace ang mga empleyado dahil nga po bumababa na ang kaso ng COVID-19 o nakadepende pa rin po ito dito sa tinatawag nating alert level?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: I think Usec, nakadepende pa rin iyan sa alert level kasi may mga regions na hindi pa ganoon kababa ang healthcare utilization. May mga regions na nakikitang may parang ano nasa mga moderate pa iyong risk nila based on our metrics, hindi pa lahat ay nasa low risk. So siguro kung sa Metro Manila at CALABARZON ang pinag-uusapan, possible naman iyan kung ibaba sa Alert Level 1. Pero sa ibang mga regions na hindi pa ganoon kababa iyong ADAR, hindi pa ganoon kababa iyong positivity rate ay siguro maghihintay muna bago ibaba sila sa Alert Level 1 or even sa Alert Level 2. May mga iba nasa Alert Level 3 pa eh.
USEC. IGNACIO: Tanong naman mula kay Rafael Busano ng ABS-CBN: Sinasabi po ng WHO na underestimated ang bilang ng COVID infections sa maraming bansa. Dito sa Pilipinas masasabi pa rin po ba nating representative pa rin iyong testing outputs sa overall situation ng pandemic sa bansa ganoong mas mababa ito kaysa sa dati?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes Usec, mas kinumpara nga namin kumpara sa last year noong nag-achieve tayo ng 5% positivity rate ay nakita natin na mas mababa nga iyong testing output natin pero hindi naman mas mababa by a big margin. So siguro masasabi natin, mas mababa siya by mga ten to twenty percent (10-20%) iyong testing output natin.
So iyong trends naman nakikita natin sa paniwala namin ay totoo naman. Yes underestimated iyong cases nang kaunti pero lumiliit na iyong underestimation nito sa aming opinion. So it could be, you know, maybe twice as high iyong totoong bilang pero kaunti na lang ito kumpara sa mga nakita naming figures dati, especially noong kasagsagan ng Omicron wave, noong nag-conduct ang DOTr ng random antigen testing nakita natin marami talaga iyong unreported cases. Ngayon kumukonti na rin, sa palagay namin kumukonti na rin iyong unreported cases.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong palagiang pagpapaunlak sa amin at pagbibigay ng impormasyon, OCTA Research fellow Dr. Guido David. Mabuhay po kayo. Stay safe, Professor.
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Maraming salamat. Magandang umaga din, Usec.
USEC. IGNACIO: Samantala, ilang piling istasyon ng LRT Line 2 sinimulan na ring gamitin para sa bakunahan kontra COVID-19. Kung saan-saan iyan at kung paano makapagpapabakuna sa mga naturang istasyon, alamin natin mula kay Louisa Erispe. Louisa?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Louisa Erispe.
Mga magpa-palay sa Talibon, Bohol ang hinatiran ng tulong ng tanggapan ni Sen. Bong Go, katuwang po ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Tiniyak ng Senador na tuloy-tuloy ang paghahatid ng ayuda kahit na ngayong nagsimulang maka-recover ang ekonomiya ng bansa. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Mas lalo ngayong patuloy na po ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19, kasama natin si Employers’ Confederation of the Philippines or ECOP President Sergio Ortiz Luis Jr. Magandang umaga po, sir!
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR: Magandang umaga sa iyo USec., at sa ating mga tagapanood.
USEC. IGNACIO: Sir, kumusta po ba itong lagay ng ating ekonomiya sa kasalukuyan?
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR: Well, hindi naman ano. Okay naman sana tuluy-tuloy na ang pagtaas lalo na nagbubukas na tayo. Ang problema tinatamaan naman tayo nitong fuel increases na hindi natin malaman pa kung ano ang mangyayari. Siyempre naapektuhan na naman ang mga negosyo nito at marami na naman ang hihingi ng pagtaas dahil tumataas ang gasolina.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero sir, ayon po kay Finance Secretary Carlos Dominguez, na kinakitaan po ang ekonomiya ng bansa ng significant progress sa gitna ng pandemya. So, anong klase po na progreso po ito sa kabila po ito ng nararanasan nating problema sa mataas na presyo ng produktong petrolyo?
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR: Well, nakita naman natin iyong ating manufacturing tumataas, tumataas din iyong retail business natin dahil nagbubukas na tayo at iyong export natin tumataas hindi nga lang kasing lakas ng pagtaas noong ating daily peak. Pero, tuloy-tuloy din iyong pagtaas.
USEC. IGNACIO: Opo, ayon din po kay Secretary Dominguez, inaasahan na babalik na sa normal ang ekonomiya ng bansa ngayong taon. Ano po ang masasabi ninyo tungkol dito; gaano po ka posible ito?
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR: Ngayong taon puwedeng bumalik, kaya lang the level idea natin masyado ng sigurado at kung talagang handang-handa na tayo na i-open ang ekonomiya at hindi na tayo magkakaroon ng another spike dito sa COVID, palagay ko naman ay tuloy-tuloy na.
Kaya lang malaki na talaga ang atraso natin medyo huling-huli na tayo dito sa ating mga kapit-bahay. So sana ay talagang makapagbukas na tayo, marami pa rin tayong mga kababayan na nais magtrabaho pero hindi pa rin nakakapagtrabaho.
So, tingnan natin kapag nag-Alert Level 1 na ay daang libo na naman iyong makakapasok na hirap na hirap na talaga. Kaya nga kami medyo sumasama ang loob namin kapag mayroon kaming naririnig na sinasabing hindi pa handa, eh hindi namin alam kung ano pa ang pinaghahandaan ay madaling sabihin noong hindi nawalan ng trabaho o iyong hindi nawawalan ng pera pero kapag sinabi mo doon sa mga walang trabaho iyon at hindi naman tumatanggap ng ayuda ay ibang usapan na iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Pinaplano po ng pamahalaan sir na ire-open na po iyong bansa sa vaccinated travelers mula sa 150 countries. So gaano po kalaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya at dito po sa job generation sa ating bansa?
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR: Well, iyong mga—ako personally hindi naman ako experts diyan pero palagay ko mayroon din danger iyong pag-o-open natin ng ano ‘no although nakakatulong talaga doon sa job generations natin especially on tourism eh sana mapatupad talaga ng mahigpit iyong ating mga protocols otherwise baka naman iyan ang pag-umpisahan ng problema.
USEC. IGNACIO: Sir, anu-ano po iyong nakikita ninyong epekto sa ekonomiya sa oras po na ilagay na tayo sa Alert Level 1 ito pong ilang lugar sa bansa?
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR: Definitely, especially here in Metro Manila ay talagang malaki ang ilalakas ng… especially iyong non-essential industries na hanggang ngayon ay nasa hindi pa sila full level ano at mayroon naman mga industries na pupuwede ng magbukas ay malaking bagay iyan at pati sa spending capacity noong mga tao nakapag nagtatrabaho na ay eh malaking tulong sa ekonomiya talaga iyon at tuloy-tuloy siguro ang paglakas natin.
USEC. IGNACIO: Isunod ko na lang po sir itong tanong ng ating kasamahan sa media para sa inyo. Mula po kay Naomi Tiburcio ng PTV: Ano daw po ang nakikita ninyong work set-up under level 1, wala na po ba ng work from home? Ano daw po ang safety measures na planong gawin ng mga kumpanya para hindi magkaroon ng outbreak ng COVID-19 sa mga work place?
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR: Well, actually maraming sinasabing maraming outbreak sa workplace eh. So, totoo lang hindi naman wala akong nakikitang nag-a-outbreak sa… puwera na lang iyong mga sleeping case like iyong mga construction workers noon naalala mo iyong … pero isolate case iyon. Sa work place nag-iingat naman iyong mga ano eh… sa protocols eh.
So, sa totoo lang nag-canvass kami mas maraming nai-infect doon sa going in at going out of the workplace dahil unang-una talagang irireklamo na ano kapag nag-open ang ekonomiya at pati iyong work from home na iyan ay hanggang ngayon hindi pa nasu-solve iyong mass transportation natin at iyong traffic hindi pa rin nasu-solve iyan.
Hanggang ngayon na dapat sana walang pasok ang eskuwela eh wala nang mga shuttle at hindi maiiwasan ng empleyado dahil mapipilitan pa itong shuttle ay alam mo naman ilan lang iyong puwede ngayon, iyong mga micro industries na 90% iilan ang capable na magsa-shuttle.
So, kailan ba masu-solve itong problema natin sa mass transportation at iyong traffic naman eh nandiyan na nga iyong Skyway, nandiyan pa iyong LRT eh bakit hanggang ngayon hindi pa nasu-solve iyong ano. Medyo hindi iyan ang isang problema kaya siguro kahit na pupuwede ng magtrabaho iyong iba ay natatakot pa rin.
So sana iyong DOTr naman ay gumising, lahat ng ginagawa nila kung minsan ay nagiging spreader pa like iyong pinasok iyong bid, pinasok iyong ano… Ngayon may pinapasok na naman iyong sa examination na nagbabayad na naman itong mga driver na wala naman magawa nagbabayad na ng eskuwela para roon sa – parang doon sa jeepney yata iyon eh.
So, kung anu-ano ang naiisip eh, sana unahin na ilabas muna nila iyong plaka namin hanggang ngayon tatlong taon na mayroon akong biniling kotse hanggang ngayon wala pang plaka at saka iyong eksperimento nila sa mga jeepney modernization sa bus ayusin naman nila kung hindi kaya kumuha ng experts, malaking problema iyong pagpasok sa trabaho kapag nag-libre tayo hindi handa ang ating DOTr.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: With the reopening of more business establishment due to relaxed alert level, can employers now afford to give a new round of wage hikes this year? If no, what will be the factors to be considered by ECOP and its members before it can afford such pay increase?
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR: Alam mo siguro [unclear]. Pero ang lagi naming sinasabi, nakita mo naman iyong sa 13th month pay, iyong sa ano lang ay hindi makabayad iyong marami. Iyong maliliit ang iniintindi namin, iyong malalaki, iyong mga nasa medium hindi problema iyon. Kapag naman iyan ay hindi nalulugi, iyong iba riyan ay talagang magbibigay iyan.
Pero iyong maliliit, iyong pasuweldo nga lang ang inaasahang ibigay. Kalahati nga ng mga micro nagsara na, paano mo naman aasahan na magbigay ng increase iyan, umaasa nga ng tulong para makabangon sila.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbabahagi sa amin ng impormasyon at oras, ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr. Mabuhay po kayo at stay safe po.
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR: Maraming salamat sa iyo, Usec at sa ating mga tagapakinig.
USEC. IGNACIO: Samantala, nagpaabot din ng tulong si Senator Go sa mga residente ng Pagsanjan, Laguna at ang pangunahing pamumuhay kasi ng mga residente dito ay ang turismo na siyang natigil noong pumasok ang pandemya. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Magandang umaga sa iyo, Ria Arevalo.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.
Inisyuhan ng citation ticket ng pulisya ang isang establishment sa Davao City matapos itong lumabag sa minimum health standards na ipinatutupad sa lungsod. May ulat si Julius Pacot.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga. Hanggang bukas pong muli.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #Laging Handa PH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center