Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Muli ninyo kaming samahan para talakayin ang mga usapin na dapat po ninyong malaman at maintindihan. Makakasama natin sa loob ng isang oras ang mga panauhin mula sa mga tanggapan ng pamahalaan na handa pong magbigay-linaw sa tanong ng taumbayan, kaya tutok lamang po kayo. Mula po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Naglabas ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ng bagong panukatan para matukoy kung maaari na bang ibaba sa Alert Level 1 ang isang lugar dapat ay low to minimal risk lamang ang COVID-19 cases dito, at ang total bed utilization rate dapat ay mas mababa lamang sa 50%. Pagdating naman sa bakunahan dapat ay may 70% coverage na ang mga lugar, 80% full [garbled] ng senior citizens.

Sa ngayon, kinukonsidera ng IATF ang Metro Manila na ibaba sa Alert Level 1 at hinihintay na lamang ang pinal na desisyon ng mga awtoridad ukol dito.

Kasabay ng hiling para sa kapayapaan, tiniyak ng Malacañang na nakatutok ang gobyerno ng Pilipinas sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia. Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, kaligtasan ng mga Pilipino sa Ukraine ang nananatiling una sa mga prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kaya naman sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs, nagsasagawa na ng repatriation efforts ang pamahalaan para sa mga kababayan nating nakatira sa Ukraine na kasalukuyan pong nakakaranas ng pag-atake.

Nagsimula na nga po ang Russian invasion sa Ukraine kahapon, at marami sa ating mga kababayan doon ang nangangamba para sa kanilang kaligtasan. Para bigyan tayo ng pinakahuling balita hinggil sa sitwasyon at ang gagawing hakbang ng ating gobyerno upang matulungan po ang ating mga OFWs sa Ukraine, makakausap po natin si Undersecretary Sarah Lou Arriola mula po sa Migrant Workers’ Affairs ng Department of Foreign Affairs. Good morning po, Usec. Welcome po sa Laging Handa.

DFA USEC. ARRIOLA: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., lumalala nga po itong tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine lalo pa’t nabalitaan natin na may talaga pong pagsabog sa ilang bahagi ng Ukraine. So kumusta po ang lagay ng ating mga OFWs doon?

DFA USEC. ARRIOLA: Actually, Usec. Rocky, we have accounted for a hundred eighty-one (181) Filipinos. Sila po iyong nagparamdam sa ating embahada at nagsabi kung nasaan sila. Ngayon, nakauwi na po iyong anim. Kahapon po dapat ay apat iyong aalis pero hindi po natuloy dahil nagsarado po lahat ng airports ng Ukraine. Ngayon po, mula sa Kyiv, sila ay… sa isang bus na rented po ng ating embahada, papunta sila Lviv. Ang atin pong, si Ambassador Luis at saka si ConGen Melicor ay nasa Lviv po, hinihintay po iyong pagdating nila.

Sinabi na rin po ni Secretary Locsin na siya ay maghihintay sa border ng Poland para i-receive po iyong first batch repatriate. So we have to travel by land na po ngayon, Usec. But the DFA is on top of the situation and we are just waiting for our kababayan to tell us that they need repatriation and we will assist, and we will stay on the ground so long as it is necessary.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ulitin lang po natin: Ilang mga kababayan po ang inilikas at saan po sila pansamantalang tumutuloy?

Ganito rin po iyong tanong ng ating kasamahan sa media na si Racquel Bayan ng Radyo Pilipinas, kung magpapatupad daw po ba ang pamahalaan ng mandatory repatriation para sa mga Pilipino doon?

DFA USEC. ARRIOLA: As of now, there are 37 Filipinos on the road ‘no, on the way to Lviv for actually, eventually, for repatriation. But we have accounted for a hundred and eighty-one. Ngayon po, iyong pag-raise po ng mandatory repatriation, nasa Secretary of Foreign Affairs po iyon kung iaakyat po niya iyong alert level.

But in the meantime, these are voluntary repatriations but we are repatriating, kahit sino pong Pilipino na nagnanais na umuwi ay ipagpaalam lang po sa amin at kami po ay tutulong para maiuwi po sila. But the travel now is by land and through the border of Poland dahil hindi na po puwedeng gamitin ang mga airport po ng Ukraine.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyan nga po iyong susunod na tanong ni Naomi Tiburcio ng PTV na talaga kasi sinabi ninyo na nga na binomba ng Russia iyong mga paliparan diyan sa Ukraine.

Pero ang dagdag po ni Racquel Bayan ng Radyo Pilipinas, ilang OFWs na po raw from Ukraine ang nakatawid na ng Poland and aside from Poland, kung mayroon daw pong ibang neighboring countries na pumayag po na papasukin itong mga Filipinos to cross without EU visa or at least anong mga bansa pa po iyong kinakausap ng DFA para po sa kahalintulad na request?

DFA USEC. ARRIOLA: Ganito po, Usec. Rocky, so far, wala pa pong nakakatawid except iyong six na nakauwi na. Mayroon po na 37 na mula sa Kyiv na papunta pong Lviv at iyon pong at iyon pong itatawid po ng ating embahada doon papuntang Poland.

So far, ang ating feedback is Poland pa lang po iyong tumatanggap na pumasok po sila border nila ‘no. But we will update you as soon as we get confirmation from other countries surrounding Ukraine.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag na tanong naman mula kay Naomi Tiburcio ng PTV: Nagpa-panic buying na raw po iyong mga residente sa ilang lugar doon kabilang na iyong Kyiv. Paano raw po masisiguro ng DFA na mabibigyan ng pangunahing pangangailangan naman iyong mga Pilipino na nananatili pa rin po sa Ukraine?

DFA USEC. ARRIOLA: Mayroon po tayong Honorary Consulate po sa Kyiv. It will remain open as long as it’s necessary. Doon po sa ating mga kababayan sa Ukraine, kailangan po talagang makipag-ugnayan kayo sa ating embassy at sa ating Honorary Consulate para mabigyan po namin kayo ng tulong. Ang tulong po is either repatriation or care packages or financial assistance during this time of need.

Pero kailangang-kailangan po naming malaman kung sino po kayo at nasaan po kayo kasi, so far po, we have only accounted for a hundred eighty-one Filipinos, and these are the people who have already told us where they are at the moment.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po, itatanong ko iyong tanong po ng ating mga kasamahan sa media, Usec.

Mula pa rin po kay Naomi Tiburcio: May we know in detail ang pagpunta raw po ni SFA Locsin sa Ukrainian border; kailan po siya pupunta at ano po ang aktibidad ni Secretary Locsin?

DFA USEC. ARRIOLA: I also saw the tweet of the Secretary. I know po na he is going to Poland because iyon po iyong magkatabi po western side ‘no. And we will update you once his details are firmed up po. And, of course, we’re thanking Poland for giving us this humanitarian corridor for allowing our people to cross.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ihabol ko lang iyong tanong ni JP Soriano ng GMA News: Officially, may 300 documented plus Filipinos sa Ukraine. Mayroon pa bang estimate number iyong undocumented Filipinos na nasa Ukraine?

DFA USEC. ARRIOLA: Actually, Usec., ang alam na lang po namin at the moment, we can only account for a hundred eighty-one (181) Filipinos, and we know where they are. Because the rest of the—alam po ninyo, sa ganitong sitwasyon, kailangan pong mag-reach out po sila sa ating embassy. So ang accounted for lang po natin is 181.

As for the rest of the Filipinos, we are begging, we are asking them, please inform the embassy through their contact numbers or the Honorary Consulate in Kyiv where you are so that we know how to help you and how to reach out to you.

USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol naman pong tanong ni Leila Salaverria ng Inquirer: What conditions will force the government to enforce mandatory evacuation of Filipinos in Ukraine?

DFA USEC. ARRIOLA: Well usually, Usec., it’s upon the determination of the Secretary of Foreign Affairs. One of the conditions is the existence of an armed conflict. But, of course, iba po iyong nakikita natin sa television, iba rin po iyong situation sa ground so it has to be determined by the Secretary of Foreign Affairs to raise the alert level for Ukraine; so hintayin po natin si Secretary Locsin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa ibang paksa naman po ‘no, kumusta po iyong lagay ng ating mga OFWs sa Hong Kong ngayong patuloy sa pagtaas ang bilang ng nagpupositibo sa COVID doon? May datos po ba kayo kung ilang Filipino iyong nahawaan pa ng sakit?

DFA USEC. ARRIOLA: So far, 108 po iyong numbers na nagkaroon po ng naging positive sa Hong Kong. Seventy-seven po sa kanila ay humingi ng tulong sa ating konsulado para mapunta po sila sa isolation facilities. Ngayon po, lahat po ng mga Pilipino who tested positive are either getting medical help in the hospitals or in isolation facilities. So, nag-normalize na po iyong health system ng Hong Kong. I think they were just overwhelmed last week because from zero to six thousand sila.

Pero ngayon po, nagbukas po iyong pamahalaan ng Hong Kong ng 20,000 capacity for isolation, so iyon pong mga nangangailangan ng isolation facility po ay natugunan na po ng pamahalaan ng Hong Kong.

USEC. IGNACIO: Ano naman daw po iyong tulong na ipinapaabot ng gobyerno sa kanila, Usec?

DFA USEC. ARRIOLA: Well, actually, first, we are giving daily advisories po ano. And doon po sa mga nangangailangan ng isolation facility, namamagitan po iyong Consulate General natin sa Hong Kong, between them and the pamahalaan po ng Hong Kong.

And kung kailangan po nila ng financial assistance or care packages, nandiyan po rin iyong Consulate General. We are ready to assist anytime, you just need [technical problem] and we are thanking also the NGOs and our FilCom in Hong Kong who are assisting also our Consulate General to assist our kababayans who are in need.

USEC. IGNACIO: Usec, may mga Filipino workers po na nawalan din ng trabaho dahil nagpositibo sa COVID-19 ano. Saan po muna dinadala ang mga Pilipino habang hindi pa po sila nakakauwi ng ating bansa?

DFA USEC. ARRIOLA: Well, at the moment po, iyong mga positive nasa isolation facility. Actually, iyong iba po for repatriation then they’ll be under the protection of the Consulate. Pero so far po iyong mga nag-book po nasa isolation facility and when they become well then, we will facilitate their repatriation.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano naman daw po ang ginagawang hakbang at pakikipag-ugnayan sa Hong Kong para po ma-address ang issue na ito, Usec?

DFA USEC. ARRIOLA: Actually, the Consulate General is in close contact with the Labor Department of Hong Kong and at the same time, also with the Health Department. So, [technical problem] we are in close contact po sa pamahalaan po ng Hong Kong to assist all our kababayans who are in distress and who are positive with COVID-19.

Pero so far po, we assure you iyong 107 na naging positive po ay natugunan na po iyong kanilang mga pangangailangan, either they are in the isolation facilities or they are in the hospital, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa ngayon, Usec., ilang mga OFWs daw po iyong nakabalik na sa bansa para po makaiwas dito sa outbreak at ano po iyong susunod na plano para sa kanila daw ng pamahalaan?

DFA USEC. ARRIOLA: Actually, since February po from Hong Kong, two thousand six hundred sixty (2,660) OFWs from Hong Kong. Pero iyong na-facilitate po ng DFA since February is more than 458,000 na po.

Reintegration is of course with DOLE and OWWA, Usec., pero ang DFA patuloy po tayo sa ating repatriation program at wala po tayong hinihindian and our promise is to bring everyone who wants to come home back to the Philippines.

USEC. IGNACIO: Usec, kuhanin ko na lamang iyong mensahe mo o paalala doon sa mga kababayan pa rin nating nasa Ukraine at maging dito sa Hong Kong. Go ahead po, Usec.

DFA USEC. ARRIOLA: Opo, sige. Salamat, Usec.

Siguro, unang-una po sa ating mga kababayan sa Ukraine ‘no, please mag-reach out po kayo sa embassy para mapasama po kayo sa listahan po namin para alam namin kung paano po kayo matunton at matulungan in case we need a repatriation, you have to be accounted for and please stay calm but be very vigilant and i-asses po ninyo iyong sitwasyon bago po kayo gumalaw kasi iba-iba po iyong sitwasyon nila eh.

Kasi doon po sa mga mayroon po talagang mga putukan, we need to hunker down pero kung mayroon na po kayong pagkakataon na lumikas at pumunta po sa Lviv for repatriation, gawin na rin po ninyo iyon pero kailangan po talaga makipag-ugnayan kayo sa ating Philippine Embassy. Nandoon po ang ating ambassador at ang ating ConGen na handang tumulong sa inyo.

Sa atin naman pong mga kababayan sa Hong Kong, mag-ingat po tayo dahil po may surge po ng COVID. At makipag-ugnayan din po kayo sa ating konsulado kung mayroon po kayong pangangailangan or you need assistance for isolation facilities.

Iyon lang po, Usec.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong ibinahaging impormasyon at sa panahon, Undersecretary Sarah Lou Arriola ng Department of Foreign Affairs. Salamat po, Usec.

DFA USEC. ARRIOLA: Maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Inaasahan na malaking epekto ang krisis po sa Russia at Ukraine. Alamin po natin ang epekto nito sa Pilipinas partikular sa ekonomiya ng bansa. Makakausap po natin si Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion.

Magandang umaga po, Sir Joey!

SEC. CONCEPCION: Magandang umaga rin, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, nagsimula na pong maramdaman sa buong mundo itong nagaganap na Russia – Ukraine Crisis. Ano po ang pinakaepekto nito sa mga Pilipino?

SEC. CONCEPCION: Well, dito sa mga commodities natin alam natin ang presyo ng langis umabot na sa $100 ‘no. Iyong wheat/trigo ginagamit iyan for flour, tumaas na rin iyan ‘no kasi Ukraine supplies 25% of the world’s wheat supply ‘no. So, ang epekto niyan dito sa Pilipinas iyong presyo ng pandesal, iyong skim milk, iyong sugar, iyong vegetable oil, halos lahat ng mga commodities ay tumaas na ‘no mula last year halos mga 50%, 40-50%.

So, sana huwag talagang lumala itong giyera dito sa Ukraine at Russia kasi baka mamaya talagang it will really cause more increases ‘no. At iyon ang isang importante kaya sinasabi namin dapat buksan talaga iyong economy ng Pilipinas as soon as possible especially sa mga areas na puwede na, about 80% vaccinated, kasi you need a strong economy to withstand any of this effects that the Ukraine and Russia conflict will bring about to the world in terms of increases in commodity prices. And our private sector, the business people and mga entrepreneur natin have to be well prepared for this situation.

So, from a pandemic, now we’re seeing this conflict in Ukraine and Russia, it is quite alarming ‘no. Ironically, nangyari na rin dito with the Spanish Flu ‘no, iyong giyera nauna sa Spanish Flu. Dito, nakikita natin iyong pandemic na COVID, now medyo sumusunod itong giyera ngayon sa Ukraine at Russia. Sana diyan lang sa lugar ng Russia at Ukraine at hindi lumala iyan sa ibang lugar ‘no.

USEC. IGNACIO: Sir Joey, may projection rin po ba kayo kung gaano kalaki iyong posibleng mawala sa kita ng bansa dahil sa nangyayaring tensyon na ito?

SEC. CONCEPCION: Well, iyong pinakaimportante dito iyong supply ng commodities na ito ‘no – number one. Number two, iyong presyo siyempre ang bilis ng pagtaas ng price of oil at lahat pang ibang commodities especially wheat kasi ang Ukraine, malaking supplier iyan.

So, many of the companies here have already somehow protected themselves by hedging as early as months back ‘no, but we didn’t anticipate that something like this would erupt. This is something that we saw but ang bilis nitong development dito sa Russia at Ukraine.

So, while we prepare, but we’re not able to entirely hedge the entire year with the lower prices, so we should brace ourselves for price increases ‘no. So, inflation will go up and, of course, hindi naman kayang i-absorb lahat ng price increase ng mga consumers natin so there will be a margin squeeze.

Pero ang importante dito, as we open the economy to Alert Level 1, more businesses can resume so at least they can start earning money and better prepare themselves for whatever may happen dito sa giyera na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo nga po lalo na bago pa lamang po bumabawi ang ating ekonomiya dulot ng pandemya. Pero, Sir Joey, may pangamba po ba ang ilang ekonomista na baka gawing safe haven ang mga developing countries tulad po ng Pilipinas at mawala po iyong mga possible investors. Ano po ang masasabi ninyo dito?

SEC. CONCEPCION: Well, sa tingin ko hindi naman kasi medyo malayo ang Ukraine at Russia sa atin at iyong mga investors naman na pumupunta dito nakikita nila malaki ang opportunity. So as a major trading partner with Russia and Ukraine, I don’t think we are major trading partner. We don’t source our wheat from Ukraine; we source it basically from the United States ‘no. But still, even if that happens, the shortage of Ukrainian wheat is being 25% supplier in the world ‘no, will of course affect the prices and will move up. So, that is a concern.

And kailangan kasi natin dito, we are coming from the pandemic, we are doing much better, business is running well and now we are set to open up to Alert Level One, so that momentum, that opening up the economy will give more strength sa mga MSMEs natin, importante iyan eh. So, whatever happens to Ukraine-Russia crisis, a strong Philippine economy can weather that much better.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, Joey, panghuli na lang po: Ano po iyong dapat paghandaan o isaalang-alang ng Pilipinas kaugnay pa rin po ng Russia-Ukraine crisis? Go ahead po, Sir Joey.

SEC. CONCEPCION: Well, we are doing what we can at iyong control dito, at least iyong pandemic natin, medyo we are seeing it… infections really go down, most of the regions are already seeing the positivity levels really go down to manageable levels, our hospitals are not full. So at least our pandemic is under control and we are seeing things normalize and that is the good part.

Now, we open the economy, we have to strengthen it, we have to get our entrepreneurs, we capitalize, hopefully, iyong mga bangko will start lending more money to our MSMEs, with the help of the government para gumanda ang negosyo nila. So whatever happens, if we have a resilient economy and we are able to tame the inflation here, then we should make it. Now, that is why we have to prepare ano and how do we prepare, we open the economy where ever possible, if the LGUs are 80% fully vaccinated, buksan na natin, they are in the safe zone. So, there is no other way to do it ‘no, but open the economy so we can be, our economy can withstand any external pressure.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at impormasyon, Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion. Stay safe po, Sir Joey.

SEC. CONCEPCION: Salamat, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Masisimulan na ang pagtatayo ng Visayas Media Hub ng mga government media agency, si Senator Bong Go ang instrumento para maisulong ang pagtatayo nito ngayong taon. Sa kaniyang mensahe sa groundbreaking ceremony kahapon, sinabi ni Go na ang media hub ay kahanay ng mga pamana ng Duterte administration. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Atin naman pong pag-usapan ang pinakahuling balita tungkol sa mga programa ng Anti-Red Tape Authority, kasama po natin si Secretary Jeremiah Belgica. Welcome back po, Secretary.

ARTA SEC. BELGICA: Magandang umaga sa iyo, USec. Rocky, at sa lahat po ng ating mga tagapanood. I hope everybody is safe.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano po ang layunin ninyo sa pagdiriwang nitong 3-7-20 event ano po ang gusto ninyong makamit dito?

ARTA SEC. BELGICA: Well, una diyan, Usec, kailangan mapaalalahanan ang mga ahensiya ng gobyerno na ma-implement mabuti ang kanilang tinatawag na ‘zero backlog policy.’ Malalaman po natin na sa implementing rules and regulation po ng ating bagong batas, the ease of doing business na batas, iyong bagong ARTA Law ay mina-mandato po ang lahat ng ahensiya ng gobyerno, national at local government agencies na magkaroon po sila at ipatupad na mabisa ang zero backlog policy. Ibig sabihin, iyong wala na po silang lumalagpas na mga nabibinbin na mga aplikasyon sa kanilang opisina ng lagpas sa three days, seven days at 20 days. Kapag lumagpas po sila doon ay backlog na po iyon. So ito po ay isang araw na—

Ito po ay isang pagpapaalala, itong event na ito sa mga government agencies at sila rin po ay magri-report po sa atin. Pangalawa po ay ito rin po ay isang pagpapaalam, iyong mas pinapalakas po natin na kampanya para sa mg taumbayan na malaman din po nila na itong mga bagay na ito ay kanila pong puwedeng i-demand sa mga iba’t ibang government agencies lalo po sa mga ilan pong mga taong gobyerno po na talagang mananadya at nang-iipit po ng kanilang papel; iyong 3-7 and 20.

So it works both ways, USec. Rocky, para sa atin, sa ating mga kasamahan sa gobyerno lalo na iyong mga head of agencies and also sa mga taumbayan din para sila din po nila ang kinaganda ng batas na ito at magamit po nila ang kanilang karapatan laban po sa abuso.

USEC. IGNACIO: Opo. Napakahirap po kasi noong papabalik-balikin ka, Attorney ano. Pero ano po ang nagawa ng ARTA para matulungan naman po iyong ibang mga ahensiya na mapaliit ang kanilang mga backlog?

ARTA SEC. BELGICA: Well, napakadami na nating mga pinagtulungan at nagawa sa tulong rin ng iba’t ibang mga ahensiya. At sa pamumuno siyempre ng ating Pangulo, ang lagi po naming sinasabi na dalawa po ang functions ng ARTA and empowerment at ang enforcement. Iyong empowerment function po namin, ito po ay tumutulong kami na i-streamline at paiksiin ang mga proseso at tulungan din po silang mag-digitally transform.

Maalala natin, USec. Rocky, na bumilis ang ating mga permitting system lalung-lalo na sa telecommunication sector na dati ay 6,000 a year lamang ang nagpo-produce na mga building permit for towers. Eh ngayon lamang nag-report ang isa sa mga telecommunications company, 45,000 daw ang nakuha nila for last year. Wala pa doon iyong ibang mga telecommunications companies.

So, talagang napakalaki po ng mga changes diyan sa mga bagay na iyan, gayundin din naman iyong mga streamlining na ginagawa natin at ginawa sa pagtulong sa mga iba’t ibang mga local government units, iyong pagtatayo ng kanilang Business One Stop Shop na ang nais natin dito ay hindi na umabot ng araw, pero on the same day ay makuha mo rin ang itong business permit. At iba pa natin inilunsad na iba pang mga online platforms katulad ng Central Business Portal.

At hindi lang iyan, USec., tayo ay naglabas ng iba’t ibang mga guidelines at joint memorandum circulars at ang isa nga sa mga ito is iyong mas pinaiksi na proseso para naman sa pagkuha ng constructions permits ng mga LGUs. Ang dating five days ay dapat three days na lamang at ito ay sumusunod dapat sa three simple steps. At marami pa at kasama din doon sa ating ginagawa at ginawa doon sa mga automatic approval ng mga nabibinbin na mga permits and licenses ay tinutulungan natin at tayo ay mayroon ng mahigit sa walonlibong licenses and permits na dineklarang automatically approved.

Ngayon, doon naman sa mga ibang ahensiya o doon sa ibang mga tao talaga na nakita natin na naiipit at inimbestigahan ho natin, sila naman po ay ating dinidisiplina. Mahigit limang daan na pong mga kaso ang nai-file po natin.

For failure po diyan na tumalima po sa direktiba po ng ating Pangulo at ng ating batas. So, nangyayari na po ito Usec, pero kailangan pa rin po natin itong pagtulungan kasi napakarami pa ho nating puwedeng magawa.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Pero Attorney, ano iyong kaparusahan para sa mga ahensiya ng gobyerno na hindi sumusunod dito sa 3-7-20 prescribed processing time?

SEC. JEREMIAH BELGICA: Well, malinaw po ang ating batas diyan, ang RA 11032, ang sabi po sa una pong pagkakataon na hindi po maproseso ang inyong dokumento kung itong inyong application ay kumpleto na at nabayaran na po, hindi ho inaksiyunan, ibig sabihin hindi po in-approve, hindi ho dineny pero inupuan, ang sabi po ng batas, suspension po ng anim na buwan sa unang pagkakataon.

At kapag kanila pong inulit ito, iyong second strike kung tinatawag, ito po ay dismissal from public service and perpetual disqualification to hold any public office whether elective or appointive at mayroon din po itong karampatang kulong na isang taong hanggang anim na taon. Multa na P500,000 to P2,000,000 at ganoon din, forfeiture ng mga benefits.

Pero higit pa riyan, kapag ang isang ahensiya po ay hindi po nagpapatupad ng zero backlog policy hindi lang iyong actual penalty na puwedeng makuha nila at ng head po ng opisina na iyon, pero iyong trust po ng taong bayan po doon sa kanilang opisina ay bumababa po at sila po ay nadidismaya. Iyon po sa tingin ko ay masakit po para sa mga nagsisilbihan sa gobyerno, because as we always say a public office is a public trust.

So, iyon ho Usec. Rocky, kaya po ang 3-7-20 na whole week celebration po namin ay pagpapaalala at pagpapaanyaya na rin na pagtulungan po natin na mangyari ang naisin po ng ating Pangulo para sa taumbayan.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Pero Secretary, ano iyong maaaring gawin ng isang empleyado o ng taumbayan kung hindi po aktuhan iyong kanilang aplikasyon sa loob ng prescribed period?

SEC. JEREMIAH BELGICA: Well, una ho sa lahat kapag hindi po [naaktuhan], ibig sabihin ito po ay naipit at hindi po inaksiyunan, required po ang lahat ng government agencies na magkaroon po ng kani-kanilang sariling public assistance and complaints desk. Iyong iba pong agency tinatawag na po nila itong mga ARTA desk.

So, puwede po kayong lumapit doon sa kanila. Ngayon kung wala po sila niyan, bago pala po iyon ano, kailangan din po sila magkaroon ng tinatawag na committees on Anti-Red Tape na siyang magsisiguro na ito po ay nai-implement ang zero backlog policy.

Ngayon kung hindi po ito functional sa agency, they could go directly to ARTA, marami po tayong mga complaints platform diyan. You could email us, you could get in touch sa lahat po ng aming mga social media platforms at mayroon din po kaming mga tinatawag ngayon na mga hotline center na ang ARTAwag center po namin ano.

Nakalagay po lahat iyan sa amin pong social media accounts. You could call, you could text. Siyempre nandiyan pa rin po ang ating presidential 8888, sabihin ninyo lamang po na ito po ay para sa ARTA at makakarating din po sa amin ito.

USEC. ROCKY IGNACIO: Secretary, ano iyong mga ahensiya ng gobyerno ang sakop nitong 3-7-20 prescribed processing time?

SEC. JEREMIAH BELGICA: Lahat po iyan, Usec, ayon po sa batas. Very comprehensive po ang coverage po ng Republic Act 11032, meaning ang lahat po pala ng transaction ngayon sa gobyerno ay kinakailangan naka-categorize na into simple, complex or highly technical transactions.

Ibig sabihin, wala nang transaction o wala nang serbisyo na binibigay ang government offices whether national or local government na hindi po naka-classify into simple, complex or highly technical. Kung simple three days lamang, kung complex seven days at kung highly technical ito ay twenty working days.

Puwede po silang mag-extend ng additional, humingi ng extension in writing additionally po for the same period. Pero kinakailangan lahat po pati po ang mga barangayan. Kaya nga po ay napakaganda po ng sakop ng batas na ito at kinakailangan po natin itong mapagtulungan pati na rin ang taong bayan ay kinakailangan pong tumulong dito.

USEC. ROCKY IGNACIO: Kamakailan ay bumisita kayo Secretary, sa ARTA sa Rehiyon ng Bicol. Ano po iyong ginawa ninyo doon, Secretary?

SEC. JEREMIAH BELGICA: Bumisita po. Ito po ay kabilang ang aming pagbisita po sa rehiyon po ng Bicol, doon po sa tinatawag namin cARTAravan ‘no. Ang amin pong pag-ikot ang programa po ng ARTA na kung saan kami umiikot sa iba’t-ibang mga localities, mga regions and provinces para po ipakilala ang ating Republic Act 11032 pa at siguraduhin na nagko-comply po ang iba’t ibang mga local government offices at mga national government agencies po doon sa rehiyon at sa probinsiya.

Naglunsad din tayo ng Committees on Anti-Red Tape sa probinsiya ng Albay sa pamumuno rin po ng provincial government at ng mga iba’t ibang mga LGUs doon and also nag-inspect din ho tayo ng ilang mga government offices sa Sorsogon at nagkaroon po tayo ng mga private sector and public sector consultation doon po sa Port ng Matnog, ano po.

Tumutulong din po tayo sa mga ahensiya ng gobyerno na magkaroon sila ng mas streamlined po na ticketing system at masawata rin po at malabanan ang mga fixing na nababalita po sa atin.

Kaya, naglunsad rin tayo ng ARTAmbayan doon po sa lugar po ng Matnog kung saan po mayroon po silang itinayo na po na one-stop shop doon at nandoon din po ang ating ARTAmbayan kasama ang mga volunteers po natin para bantayan ano po at makipag-tulungan sa mga iba’t ibang ahensiya na malabanan po ang mga fixing activities at wala na pong mabibiktima diyan.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Attorney, kabilang ba ito sa inyong kampanya sa 3-7-20 prescribed processing time?

SEC. JEREMIAH BELGICA: Iyong campaign po natin sa 3-7-20 ay is a weeklong activity po ito, Usec. Rocky. Kabilang po diyan ang pagpapaliwanag natin sa mga kasamahan natin sa media, kapihan po sa ARTA para maipaliwanag po ang komisyon po ng 3-7-20 at paano pang mas mapapalakas ang pakikipag-tulungan ng mga taong bayan sa ARTA.

Pero, kasama rin po dito ang ating pagtawag at pag-anyaya sa sampu na ahensiya ng gobyerno na talagang noong nakaraang mga taon ay naging challenging sa kanila dahil po sa dami ng mga transactions na pumapasok sa kanila. Ang iba pa sa kanila ay nabanggit po ng Pangulo sa kaniya pong mga State of the Nation Address.

So, sila naman po ay magpiprisinta din po sa atin ng kanilang mga zero backlog policy at kung paano po nila ito ini-implement at ini-intend na i-implement. And kasama rin po sa atin pong zero backlog or iyong 3-7-20 event ay iyong paglulunsad po ng panibagong programa po para sa taong bayan ng ARTA na gagawin din po ito sa Radyo Pilipinas at siyempre po sa atin pong PTV, dito po sa PTV, na magkakaroon po na twice a week para mayroon po tayong takbuhan ng bayan na puwede pong sumigurado na wala pong dokumentong iniipit at kung mayroon man pong naiipit at naupuan ay ating matutulungan.

So, ito po ang mga mangyayari po ano, starting February 28 until March 7, 2022. Ibig sabihin, kaya po 3-7-20 ‘no, March 7, 2022 po. So, iyan ho iyan. Iyong pagbisita po namin sa Bicol at sa iba pong probinsiya, ito ay tuluy-tuloy naman pong ginagawa even after the 3-7-20 event po Usec. Rocky.

USEC. ROCKY IGNACIO: Okay. Kunin ko na lamang po ang mensahe ninyo sa Publiko dito sa binabanggit ninyong 3-7-20 prescribed processing time at zero backlog policy.

Dagdag ko na lang tanong, Attorney. Paano po, nagmo-monitor po ba kayo sa mga government agencies kung nakakasunod dito? Papaano po namo-monitor?

USEC. IGNACIO: Okay. Kuhanin ko na lang iyong mensahe ninyo sa publiko dito sa binabanggit ninyong 3-7-20 prescribe processing time at Zero Backlog Policy.

Dagdag ko na lang na tanong, Attorney: Nagmo-monitor po ba kayo sa mga government agencies kung nakakasunod dito at papaano po namo-monitor?

ARTA SEC. BELGICA: Tama po iyan, USec. Mayroon ho, nabanggit ko po na kasama po iyan sa trabaho rin po ng mga committees on Anti-Red Tape ano po. Sila po ay—required ang mga government agencies na magkaroon po ng kani-kanilang mga committee on Anti-Red Tape na nagbibigay po ng report sa atin sa Anti-Red Tape Authority.

Bukod pa ho diyan sa mga ginagawa po natin – mga surprise inspections at iyong mga ginagawa rin po natin na mga complaints handling sa mga nare-report po sa atin. So, mayroon ho tayong mga regular reporting na kinukuha sa government agencies at mayroon din ho tayong mga surprise at mayroon din po tayong mga feedback mismo na nakukuha sa mga taumbayan.

So, hopefully ho, USec., na ma-ingrain na rin po sa isip ng taumbayan at amin hong hinihiling din ang mga tao na nagta-transact sa gobyerno, gamitin ninyo po iyong Citizen’s Charter kasi iyan po iyong listahan ng mga karapatan ninyo, ng taumbayan, na nagta-transact sa gobyerno ‘no. Make sure na nakapaskil din po sa mga opisina ng mga gobyerno at hindi ho sila humihiling ng labis na dokumento at labis na bayad na wala naman po doon sa Citizen’s Charter.

Kapag ginagawa po iyan ng government office o isa pong government employee, maaari ninyo po silang i-report sa head of the agency or tumungo na rin po kayo sa mga complaints platform po ng Anti-Red Tape Authority.

So, USec., muli, ang kampanya ho natin laban sa red tape ay mas lalo pa po nating pinalalakas sa pangunguna po ng ating Pangulo at ang tren ho ng reporma laban sa red tape tumatakbo na po, USec., at pabilis na ho nang pabilis, ang sino man pong humarang tiyak pong masasagasaan.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Anti-Red Tape Authority Secretary Jeremiah Belgica. Mabuhay po kayo and stay safe.

ARTA SEC. BELGICA: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Atin naman pong alamin ang paghahanda ng mga transport groups para po sa posibleng pagdeklara ng Alert Level 1 sa Metro Manila at muli nating talakayin ang Jeepney Modernization, kasama mula sa Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas President Orlando Marquez.

Sir, magandang umaga po!

SEC. JEREMIAH BELGICA: Good morning, ma’am Rocky at good morning sa milyung- milyong nanunood at nakikinig po sa iyong araw-araw na programa, ma’am Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ano pong paghahanda ang ginagawa ng transport groups para dito sa posibleng pag-downgrade ng Metro Manila sa Alert Level 1? Tingin ninyo po ba handa na itong ating mga driver para dito?

SEC. JEREMIAH BELGICA: Kami sa totoo lang, Ma’am Rocky, nakahanda po kami kaya lang po iyon pong aming 100% na ibabalik po ay kinakain lahat po noong fuel consumption namin kaya iyon po iyong napakahirap na kalagayan ng public transport.

Dahil unang-una, hindi lang kami, pati iyong mga pribado po dahil kasi babalik na tayo sa normal kaso po ito pong problema namin ay napakataas po iyong aming bibilhin na krudo kaya kami po ay humihiling, nakikiusap kay Secretary Tugade at saka kay Chairman Delgra dito po sa LTFRB para ibalik sana po, ma’am, Rocky, iyong piso namin na voluntary reduction namin noong 2018.

So, kung maibalik sana po iyong piso, ma’am Rocky, ay malaking bagay na makabili kami ng dalawang kilong bigas kung makakasakay kami ng isandaang tao sa maghapon. Kaso nga po, madagdagan iyong pasahero namin pero iyan talagang iyan ay pang-abono namin doon sa napakataas na presyo po ng fuel. Kaya kami po ay nakikiusap, inuulit ko po ma’am Rocky, na talagang mahirap.

So, iyong modernisasyon naman po, USec. Rocky, ay kami ay—Ako, bilang ako po iyong inventor/designer ng aircon jeep sa Makati, ay 1996 pa po ako nagsimula sa modernization jeepney sa Makati namin. So, awa ng Diyos, dahil mabigat at wala pong pondo na nakalaan sa amin sa public transport, na kami po ay hinihiling namin sa ating gobyerno, na ako po ay sumulat noon 2018, ay parehas sinulatan ko, nag-explain po ako sa Kongreso at Senado na sana ay maisabatas natin iyong public transport consumer tax dahil malaki po ang aming ibinabayad na buwis sa hanay ng public transport.

So, last year po mayroon po kaming identification kung magkano ang ating public transport na naibayad na buwis; ang nagbubuwis po ay bilangin natin, iyong tricycle, iyong jeepney, iyong taxi, iyong buses, iyong truckers, mga delivery vans, mga school service. Kaya lang naka-hold ang school service hindi makapag-ano pa ngayon.

So, marami pong buwis namin na umabot po ng more than 500 billion sa isang taon. So, sana ho ay maitabi po iyong 10% kagaya nga ng lagi kong sinasabi sa ibang programa, dahil po tayo po ay pinag-aral ni Madam Gloria noong panahon na ako po ay direktor sa Road Board, nakuha ko po iyong formula na ginawa po ng Singapore, sa Hong Kong, sa Japan, na iyong 10% up to 25% is allowed na ilagay sa pondo ng public transport modernization fund.

So, kung ito po ay mailalagay, ma’am Rocky, ay siguro iyong modernization ay napakabilis. Kasi tingnan ninyo po, hindi po sa pangtutuya doon sa modernization dahil nag-pandemic nga po, 2017 pa po naka-declare iyong modernization under Omnibus Franchise Guidelines ng ating Secretary Tugade, kami po ay hindi tumutol.

Kami po nila Mareng Zeny, noong buhay pa sila, si Ka Efren, si Boy Vargas, si Ka Obet Martin, ako po at saka mga ibang transport group lalo na sa mga buses, sumunod po kami. Ang problema po dito, iyon pong walang sariling pondo dahil kasi—mabuti na lang at magaling ang ating Secretary Tugade ay nakakakuha siya ng pondo sa ating Pangulong Duterte, so nagkaroon tayo, naipakita na maganda iyong modernisasyon dahil ito po iyong kailangan natin.

Kailangang-kailangan na para sa ating mananakay na kailangan i-deliver natin iyong safety ng tao at safety ng sasakyan. Hindi nagpo-pollutant, kombinyente na sasakyan na hindi po pinagpapawisan at nalalanghap ang usok sa kalsada at ang importanteng-importante dito, ma’am USec. Rocky, ay iyong affordability. Affordable para sa ating mga nanakay na akma doon sa kanilang sinusuweldo.

Kasi po dito sa atin, eh ang daming pumapasada po, USec. Rocky, na mga contracting passenger. Dito po nahihirapan dahil iyong ating mga pasahero lalo kapag gabi eh talagang napipilitan na sumakay na kahit ibili niya sana ng isang kilong galunggong para sa pamilya, pambili ng dalawang kilong bigas, idadagdag na lang sa kontrata para makauwi lang sa bahay.

USEC. IGNACIO: Sir Orly—

SEC. JEREMIAH BELGICA: So, iyon ho iyong mga problema namin dito na dapat po—

USEC. IGNACIO: Sir Orly, nabanggit ninyo nga kanina na bagamat kayo ay ready diyan sa Alert Level 1 pero pinapahirapan kayo ng taas-presyo ng produktong petrolyo pero mukha pong ito po ay matagal pang mangyayari dahil lumala ang tension dito sa Ukraine at Russia na sinasabing malaki ang epekto sa magiging presyo sa pandaigdigang merkado.

Kayo po ba ay nakikipag-ugnayan na o nakipag-ugnayan na sa mga ahensiya ng gobyerno para po kayo ay matulungan para dito, Sir Orly?

SEC. JEREMIAH BELGICA: USec., matagal na po kami na nakikipag-ugnayan at tumatawag at nagkakaroon naman po ng paminsan-minsan, madalang po na paghaharap dahil nga may pandemic po tayo. Ito po talaga ang bumiktima sa atin ng kahirapan, itong pandemic po na ito.

Kaso lang po sana, ang hinihiling namin kay Chairman Delgra, USec. Rocky, ay ibalik nila iyong one peso na aming boluntaryong ibinaba noong 2018 and at the same time sana po ay ma-hearing-an na po iyong aming sinasabi na ito pong fair increase na nai-file namin noong October 2021, so ito po ay ang nag-file na nakapirma po dito, Usec. Rocky, ako po at saka si Pareng Obet Martin ng National President ng Pasang Masda, si Ka Boy Vargas, iyong aking kumpadre, siya po iyong National President ng Alliance ng Transportation of the Philippines at saka si FEJODAP President na bago, dahil namatay na iyong aking kumare na si Mareng Zeny, si Ricardo “Boy” Rebaño at saka si Mrs. Liberty de Luna iyong asawa ni Ka Efren, dahil pumanaw na po sila parehas.

So ito po sana iyong aming gustong ma-hearing-an, dalawang piso lang po iyong aming hinihiling, para madagdagan po, para ma-absolved naman po kami, para makahabol kami doon sa pang-araw-araw na gastusin ng buong pamilya. Eh, alam mo eh, sawing-palad po kami, dahil ang unang na-grant ay iyong limang piso na may hearing na po sa darating na March 8, pero ito po ay wala pa po kami.

So, ang masakit pa ay sinasabi ni Director, iyong Executive Director pa po ang nakapirma doon sa notice noong order papunta sa OSG, iyong Executive Director pa po ang nakapirma pa po dito at saka si Chairman Delgra at saka si Director Pernito, iyong board member. So, iyon po ang aming sama ng loob, dahil sinasabi na mag-file daw muna kami ng dokumento na fare increase bago kami magsalita. So, para bang hindi niya yata naalala ito, kaya kami po ay nakikiusap na kung nakikinig man o nanunood ang ating kagalang-galang na Executive Director ng LTFRB, sana tingnan muna niya iyong dokumento bago siya magsalita ng ganoon. Kaya kami po ay talagang kung ganito ang nangyayari ay talagang hirap na hirap na po kami.

May kahilingan po kami na ipapa-file namin ito na naman sa sunod na linggo na sana po, itong pahirap sa amin po na matagal na [unclear] eh dapat isuspinde po ito, dahil wala pong batas na ganito. Sinu-supersede nito iyong Republic Act 4136, Usec. Rocky. So iyong kahilingan namin, pati iyong modernization dahil nga po nagkakaroon ng mga misunderstanding at saka ito po ay dumaan tayo sa pandemic, so i-suspend muna at ito pong urgent suspension na hinihiling po namin dito ay iyon pong pag-iimplementa na naman ng non-contact violation na wala rin pong public consultation sa amin. So lahat po ito ay sagasa.

Ang masakit kasi dito sa non-contact violation, Usec. Rocky ay ipinaubaya nila sa pribado, pina-concession nila sa pribado at nangungomisyon na lang po iyong mga siyudad na nag-i-implement nito. Eh bakit magpapasa-pasa sila ng batas na hindi naman pala nila kayang i-implement. So iyon po iyong aming katanungan.

USEC. IGNACIO: Sir Orly, lipat naman po tayo dito. Pero may update po ba kayo tungkol naman po sa pag-release ng mga budget allotment para po sa subsidy, para po dito sa ma-phase out ang mga jeepney at paano po iyong proseso nang pagkuha nito at kailan po kaya magsisimula ang proseso?

ORLANDO MARQUEZ: Naka-proseso na po kami, Usec. Rocky. Ang problema lang namin, nagdadagdag sila ng requirements sa original requirements noong in-implement po iyong modernization. At pangalawang problema, kapag mayroon silang MC sana na ilalabas, magkaroon po sana ng tama at tunay na public consultation, kaso po wala pong ginagawa na public consultation.

At isa pa po para marinig ng ating mga kababayan, ang aming mga ruta na pinaghirapan namin, pinaghirapan ng lolo namin, tatay namin, ang mga ruta na national main thoroughfare, example po iyon pong Fairview, di ba ho, Fairview-Commonwealth, diretso po hanggang Baclaran, dati po dadaan iyan ng Quezon Avenue, España, lulusot ng Quiapo. So ito pong rotang ito ay naputol na po, dahil nga po doon sa programa ni Secretary Tugade, doon sa carousel diyan sa EDSA. So kami po, dahil sabi nila ay temporary lahat po iyan, ngayon kung mag-normalize na.

Pero ako po ay sang-ayon po ako doon sa carousel ng ating kagalang-galang na Secretary Tugade. Dahil po napakaganda, dahil po mai-implement na sana po iyong tinatawag natin na isa po ako na gumawa ng rekomendasyon kay Secretary Tugade na i-implement na po iyong mga inter-connectivity route system. Ano bang ibig sabihin noong connectivity route system? Iyong galing ng Cavite bababa po diyan sa may PITX, so sasaluhin po noong bus o kaya may air conditioned na mini-bus, dahil po iyong mga jeep ay hindi naman modernized jeep iyong inilagay kung hindi mini-bus naman.

So ito po ay walang kuwestiyon ako doon, dahil nga po basta ang importante, affordable at kumbinyente ang mga tao. So iyon po iyong importante po, Ma’am Rocky. So dito po sa aming hinihiling po, na ito po ay i-implement na po iyong tinatawag nila po na iyong extension po noong pagko-consolidation ng mga jeepney. Ito po iyong aming kinakatakutan po ngayon. Dahil nga kapag in-implement na po iyong mga MC#2021-021, ito na po iyong tinatawag na death sentence na po. Hindi na po kami makapagrehistro, hindi na po makapag-renew ng prangkisa namin, dahil hindi po kami nakapag-consolidation. So, sana po magkaroon ng consideration ang LTFRB and DOTR, dahil po dumaan tayo nang napakabigat na pandemic, Usec. Rocky.

Kaya ito po ay gumagawa na kami ng sulat na ipapadala namin sa Kongreso at Senado, dahil tinitingnan namin itong LTFRB ay siguro naman po dahil may pag-uusap na tawag sa amin sa darating na Martes, pero nasasabi ko po ito, dahil ito po iyong nakakatakot. Dahil nanggaling ako kahapon, miniting ko po iyong Region IV, Lucena at saka Lipa, iyong ating mga lider doon na mga kasama eh talagang kapag in-implement po ito, eh wala ng hanapbuhay iyong ating mga traditional na mga jeepney, dahil marami po, Usec. Rocky ang hindi po nakapag-file, dahil nga po takot silang lumabas, walang pasada, wala pong kinikita, kumakalam ang mga bituka ng pamilya ng ating mga operator na driver.

So, ito po iyong aming talagang ibino-broadcast na pakiusap namin at sana po matalakay po namin ito sa darating na Martes sa itinakda ng ating Usec. Pastor ng DOTr ay sana po ay mapagkasunduan, dahil kami naman pong mga national leader ay inimbita doon sa pagmi-meeting sa darating na Martes, Usec. Rocky. Kaya sana po ay tulungan po kami.

USEC. IGNACIO: Sir Orly, kami po ay nagpapasalamat sa inyo pong pagsama sa amin ngayong umaga. Kami po ay umaasa na mas maayos po iyong mga kahilingan ninyo. Maraming salamat po, Orlando Marquez ang Presidente po ng Liga ng Transportasyon at Operator sa Pilipinas. Mabuhay po kayo, Sir Orly.

ORLANDO MARQUEZ: Maraming-maraming salamat po, Usec. Rocky at sana po ay huwag kayong magsawa na tawagan po kami, dahil kami po ay gusto naming maipaliwanag at ayaw na ayaw po namin ang pumunta sa kalsada. Hirap na hirap na po kami dahil iyong pamasahe po ipinababalik namin iyong piso at sana magka-hearing na po iyong dalawang piso. Sa akin po bilang nakapirma dito sa petition na dalawang piso, ang aming kahilingan ni Boy Rebaño, sila Zaldy Ping-ay ng Stop & Go, ako po at saka sila Pareng Lino Villaraza, sana po ay ito na lang po dahil nagri-recover ang ating mga kababayang pasahero at diyan po kami nabubuhay. Maraming salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Sir Orly.

Samantala, kasabay ng patuloy na pagbibigay ng tulong ni Senator Bong Go sa mga mahihirap nating mga kababayan ay ang kaniyang panawagan para maipasa na ang national housing bill. Ang detalye, narito po:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. Base po sa report ng DOH kahapon, February 24, 2022, nadagdagan ng 1,745 ang bilang ng mga bagong kaso kaya naman umabot na sa 3,657,342 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas. Two thousand and forty-five (2,045) naman po ang new recoveries, dahil diyan ay umabot na sa 3,546,098 ang kabuuang bilang ng mga gumaling. One hundred eighty-eight (188) naman po ang naitalang nasawi kaya umakyat na sa 56,165 ang ating total death tally. Samantala, fifty-five and seventy-nine or 1.5 % naman po ang nananatiling active cases.

Makibalita naman tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan sa bansa. Puntahan natin si Merry Ann Basta ng PBS Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Merry Ann Bastasa.

Dumako naman po tayo sa Davao City kung saan pinapayagan na ang paglalaro ng contact sports kasabay ng pagbaba ng Lungsod sa Alert Level 2. May report si Julius Pacot:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayan tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center