Aug. 2, 2016- Interview with Presidential Spokesperson Ernesto Abella
Interview with Presidential Spokesperson Ernesto Abella |
GMA NEWS TV |
02 August 2016 |
MANICAD: Opo, at bunsod nga po ng takot niya, matinding takot kaya talaga. So iyon hong kay Kerwin, iyong sa anak ay gaano katagal na ho ba, kung mayroon kayong impormasyon, gaano katagal na ho ba itong… kumbaga’y pinaghihinalaang na isa sa pinakamalaking drug lord diyan sa eastern Visayas?
SEC. ABELLA: Actually, malalim-lalim na iyong intelligence report sa kaniya. Wala tayong timeline patungkol diyan, pero alam natin na talagang confirmed na po iyan. MANICAD: Opo. Sir, may mga bali-balita po kanina na papangalanan na, maaaring mamaya o bukas ni Pangulong Duterte iyon pong ibang mga local officials na sangkot po sa droga. Ano pong impormasyon ninyo po tungkol dito? SEC. ABELLA: Ang alam po namin ay mayroon na talaga—until now, talaga sa kaniya iyong listahan. Pero ang ano lang po, siguro… hindi ko lang po alam kung ano hinihintay, pero may ano… pero hindi na po tatagal at ire-report na rin po niya sa publiko. MANICAD: Opo. Ano po ang mix ng mga local officials na ito? Ito po ba’y mga purong alkalde lang, may gobernador o…? SEC. ABELLA: You’ll find it very interesting po pagka-report. Hintayin na lang po natin, hintayin na lang po natin iyong report ni Presidente. MANICAD: Opo. Panghuli na lang po ito, sir. Iyong nabanggit po ninyo dati, parang 23 ho iyong nasa listahan niya. Eh, ito ho ba’y nadagdagan o nabawasan po sa…? SEC. ABELLA: More or less iyon na rin po yata iyong number, pero mukhang—hindi ko alam, hindi ko gaano sigurado pero mayroong… mukhang may nadagdag. MANICAD: Opo. Sir, maraming-maraming salamat po sa pagkakataon. At antabayanan po natin ‘tong magiging pahayag ng Pangulo. Si Ginoong Ernie Abella, Presidential Spokesperson po. Salamat po. SEC. ABELLA: Wala pong anuman. |