USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
Ngayong araw ng Sabado muli tayong sasamahan ng mga panauhin at ekspertong sasagot sa ating mga katanungan hinggil sa mga usapin sa ating lipunan na nangangailangan nang karampatang atensiyon mula sa publiko at sa ating gobyerno.
Kaya mga kababayan, manatiling nakatutok sa mga impormasyong ihahatid namin sa inyo, simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH!
Maaga pa para sa ibaba sa Alert Level Zero ang Pilipinas ayon kay Vaccine Czar at NTF Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr., ito’y sa kabila nang patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Kalihim, dapat munang hintayin na ideklara ng World Health Organization na endemic na ang COVID-19 bago maibaba sa Alert Level Zero ang Pilipinas, giit pa ni Galvez, kabilang din sa mga dahilan ang posibleng pag-usbong ng bagong variant ng virus:
[VTR]
Inumpisahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghahanda para sa nalalapit na pag-turnover ng puwesto nito bilang Pangulo ng Pilipinas. Kasabay nito ang pagsisiguro na tuluy-tuloy na trabaho ng Pangulo hanggang matapos ang termino. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Bilang panimula, atin pong pag-usapan ang proposed minimum wage hike para sa mga manggagawang Pilipino at alternative work arrangement dahil sa pagtaas ng petrolyo at mga bilihin sa merkado, atin pong makakasama ngayong umaga ang Employers Confederation of the Philippines President Sergio Ortiz-Luis Jr. Magandang umaga po, sir!
ECOP PRES. ORTIZ-LUIS JR.: Magandang umaga sa iyo, Usec., at sa ating mga tagapanood.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ano po ‘yung inyong assessment, ito pong pagsasailalim ng mga probinsiya na sa Alert Level 1, ano po iyong naging epekto nito sa sektor ng mga manggagawa?
ECOP PRES. ORTIZ-LUIS JR.: Well, siyempre marami na ang nakapasok pa uli, ilan daang libo iyong nakapasok. Ang problema nga lang eh mayroon ding mga pag-aalaala dahil unang-una iyong transportasyon napakabigat pa kaya iyong ibang mga kumpanya puwede na sanang pumasok iyong mga tao nila, ayaw pa rin nilang papasukin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa kabila nga po ng pagbabalik na rin ng ating mga manggagawa sa kanilang mga trabaho ay ano po iyong masasabi ninyo tungkol dito po sa usapin ng pag-review ng minimum wage sa bansa?
ECOP PRES. ORTIZ-LUIS JR.: Well ano naman kami, wala naman kaming problema roon sa i-review, doon sa nag-file na ng mga petisyon. Normally kasi alam naman natin iyong rule, one year bago maka-file uli.
Eh sinabi naman ni Secretary Bello there is a compelling reason, eh alam natin iyon, tumataas talaga iyong mga presyo at lalo na iyong giyera diyan sa Ukraine eh talagang kailangan siguro i-review. Kaya lang mayroon lang mga realities na there seems to be a… parang post expectation doon sa mga manggagawa ano.
Gusto ko lang sabihin sana iyong mga iku-consider ng mga wage board at alam naman natin ang wage board isang representative ng labor, representative ng employer at saka mga representative ng gobyerno. Basically gobyerno nagdi-decide diyan eh – nandiyan ang DOLE, NEDA, DTI at saka Finance so kapag ang side ng labor at saka ng employer ay kami ngayon magkakaroon kami ng side. Ito lang iyong mga realities para walang post expectation ano.
Out of our 44 million people workers in the employment market ‘no, divided iyan sa tinatawag nating formal at informal sector.
Ang formal sector, iyon ‘yung mga under the auspices of DOLE, mayroong mga registration sa SSS iyan, sa Pag-IBIG, iyan ‘yung mga namu-monitor at iyan ‘yung mga ‘ika nga may mga employer.
Iyong nasa informal sector, iyan ‘yung karamihan ng ating mga manggagawa – nandiyan na iyong mga farm workers, nandiyan na iyong mga tricycle drivers, mga market vendors, mga small business, family business – na wala naman silang mga employer ‘ika nga ano.
Ang problema riyan, ang apektado lang ng minimum wage ‘pag pinapalitan mo ay iyong formal sector eh 16% lang iyan – 84% nandoon sa informal sector na ‘pag naggalaw ka ng minimum wage, hindi sila apektado. Iyong sa 16%, hindi pa lahat iyon eh minimum wage earner, kapag nagkaroon ng galaw sa minimum wage, siguro iyong mga 10% ng 44 million apektado kasama na roon iyong tinatawag nating distortion, iyong mga tinumbok noong mga minimum wage earners na tinaasan mo eh itataas mo rin nang konti, ia-adjust mo rin – iyon ang isang reality.
So ‘pag nagtaas ka, iyong mga kumpanya na apektado siyempre hindi naman ano iyong kita nila, nagtataas ng presyo iyan at ‘pag nagtaas ng presyo, everybody is affected even the informal sector na wala namang paghuhugutan noong pinagtaas na iyon.
Pangalawang reality, ang ating mga enterprises eh 90% are micro, a little more than 8% is what we call small, 1% iyong medium at less than 1% iyong large. And iyong micro eh 65% ng mga employers eh nandiyan sa micro ‘no. Alam naman natin during this pandemic, kalahati noong micro nagsara so iyong mga tao niyan ay hindi pa naha-hire at inaasahan sana natin ‘pag nagluwag-luwag, bumuti ang negosyo eh baka magbukas pa uli iyong iba. Pero walang indication dahil hindi pa ano eh… unstable nga ang situation na magbubukas; mayroon pa ngang nagsasara pa na mga micro.
So ngayon ang problema riyan, alam mo naman dati na… iyong mga micro na ‘yan eh hirap na hirap ‘yan at ang—nakita ninyo iyong sa 13th month pay hindi makabayad, naggawa pa ang gobyerno ng facility sa SB Corporation para mapautang sila. Madami doon ni hindi umutang eh, ayaw na nilang magkaroon ng utang dahil hindi nila sigurado kung mababayaran nila.
Iyong mga small, mayroong—sa upper end ng small, mayroong mga maluluwag diyan pero kukonti na lang iyong natitira ‘ika nga na kapag nag-adjust ka ng minimum wage eh sino ang makakabayad.
Iyong micro, there is no way that they can pay it. Iyong some of the bigger ones eh baka, some of them are even paying more than minimum wage ‘no at saka mga maraming mga bonuses diyan, iyon ang problema.
Mayroon tayo kasing isang hindi naiintindihan ng ating mga kababayan na ‘pag sinasabing “Iyong minimum wage na iyan hindi kayang buhayin iyong pamilya ko,” because ini-equate natin iyong minimum wage sa living wage which is not the same. In the parlance of the International Labor Organization sa ano, minimum wage is an entry level wage – it is really more intended for mga students that graduated para huwag silang abusuhin noong mga employer na babayaran na lang nang konti, iyon ang ano. Kaya lang marami sa kumpanya ina-adopt na rin nila iyong minimum wage as the rate that they will use for most of their workers. It is not intended to support a family of four or five, iyong living wage ang nandoon. Pero on living wage, may mga component na wala roon sa minimum wage iyan.
For instance kung may ibang nagtatrabaho roon sa pamilya, kasama sa computation ng family ng living wage iyan. Kung mayroong iyong asawa, nagtitinda-tinda o mayroon silang kapirasong garden na tinataniman nila ng mga vegetables, kinakain nila, kasama iyan sa living wage income ano. Kung mayroon o ang gobyerno bibigyan ng libreng edukasyon, nagbibigay ng libreng ano, hospitalization mga ganoon, kasama iyan. Iyon ang nagsu-support sa pamilyang four or five, hindi minimum wage kaya there is a misnomer.
Iyon ang sinasabi namin. Wala kaming objection na rebyuhin iyan. Gusto lang namin maintindihan ng mga kababayan natin na iyan ang mga konsiderasyon na papasok at medyo kung hindi papasok ang gobyerno lalo na roon sa micro, there is no way that a company can afford.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Sir, kasi nga po bago pa lamang tayo nagluluwag ng restriction o lumalabas dito sa mahigpit na restriction na bunga ng pandemic, sinundan po kaagad ng mga pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo na alam po natin na domino effect ang mangyayari sa ating mga basic commodities. Pero ano po iyong ikinukonsidera na tulong ninyo sa ating mga manggagawa? Puwede po bang nakapaloob dito itong – kung wala naman po itong minimum wage – iyong mga non-wage package po na puwede nating maitulong sa ating mga employees at maging po sa employers na rin? Kasi kailangan pong mabalanse lahat ang mga nangyayari.
ECOP PRES. ORTIZ-LUIS JR.: Ang mga miyembro kasi namin ay iyong medyo malalaki na ano. Iyong mga maliliit, iyong mga micro eh mga supporters lang, mga suppliers, mga service provider ng mga medyo malalaki. At walang problema doon sa mga malalaki kahit na although mayroong mga tinamaan diyan, magbibigay ng advance payment, pati iyong mga work-from-home kahit na hindi naman nagtatrabaho na, kinu-consider nila para mabayaran. Marami iyong ganoon. Nagbibigay ng extra bonus, extra subsidy. Ginagawa ng mga kumpanya na that can afford iyon, hindi problema iyon. Ang problema nga natin ay iyong maliliit at saka iyong informal sector.
Buti nga ngayon ang gobyerno tinutulungan iyong mga drivers, kasi iyan ang mga informal sector. Tinutulungan – hindi ko alam kung sino pa iyong mga binibigyan ng ayuda – iyan ang informal sector. 84% nga eh diyan ay hindi hagip ng minimum wage iyan. Iyan ay biktima ng minimum wage increase dahil wala silang paghuhugutan. Tataas ang presyo, wala silang paghuhugutan. So iyon ang kailangang babalansehin.
Ang sinasabi namin, considering iyong sitwasyon ngayon, iyong mga representatives sa Wage Board, NEDA, DOLE, DTI, Finance they should pencil-push. Kung hindi kayang bayaran ng ano at kailangan talagang taasan, aba’y they should turn around and ask the government to provide.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, may tanong lang po iyong kasamahan natin sa media, si Ted Cordero po ng GMA News: Magkano po ang minimum wage na sa tingin ng ECOP ay komportable o kayang ibigay ng MSMEs?
ECOP PRES. ORTIZ-LUIS JR.: Wala kaming ano, ayaw namin pangunahan dahil iyan ay “Is it kaya?” Kung ako ang tatanungin mo, iyong micro na 65% employees, zero, wala! Otherwise [unclear]. Iyong malalaki I do not know. Let the Board see kung anong ibibigay riyan. Ang sinasabi ko nga, ang minimum wage is not living wage. Iyan ang dapat nating ma-realize. Kaya nga ang pinag-uusapan diyan, ano ba ang income na makapagsususon doon sa mga minimum wage earner na maibibigay na puwedeng lumaki iyong income ng living wage na pamilya.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ngayong nasa Alert Level 1 na iyong ilang mga probinsiya sa bansa, lahat po ng workers or employees are allowed to work on site, subalit nasabayan nga po ng – nabanggit ninyo na nga po – pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa Russia-Ukraine conflict. Sa inyo pong palagay, ano po iyong mainam na alternative work arrangement para po sa mga manggagawang apektado?
ECOP PRES. ORTIZ-LUIS JR.: Para sa amin, talagang iyong puwedeng pumasok, pumasok na at kung wala ka namang alternative na gagawin, iyong mga work home arrangement na iyan eh depende lang sa industry iyan. Kung mga BPOs, mga backroom ano, office staff, okay iyan. Pero sa manufacturing, construction eh talagang kailangang pumasok iyan. Ang problema dito sa Metro Manila maraming puwedeng pumasok na hindi naa-address iyong problema sa mass transportation at saka traffic. Iyan ang pinakamalaking sagabal sa ating pagluluwag.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po iyong ating kasamahan sa media para sa inyo, Sir, mula po kay Nico Bagsic ng ABS-CBN: Posible po ba na magbigay ng aid o kahit na anong ayuda sa mga empleyado dahil sa taas-presyo ng basic commodities dahil nga po dito sa oil price hike?
ECOP PRES. ORTIZ-LUIS JR.: Iyong malalaki that can afford, puwede iyan. As a matter fact, sabi ko nga marami iyan eh kapag nagbigay mahigit pa roon sa minimum wage na hinihingi. Ang problema kakaunti lang iyon, ang marami nga ay iyong hindi kayang magbigay ng ayuda, iyong mga micro at saka small.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr. Stay safe po. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin.
ECOP PRES. ORTIZ-LUIS JR.: Maraming salamat din sa iyo, Usec at sa ating mga tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Ngayong buwan ng Marso ginugunita ang National Women’s Month kaya naman ating alamin ang mga programa ng Department of Labor and Employment para po sa ating mga manggagawang kababaihan.
Atin pong makakausap ang Director IV mula po sa Bureau of Workers with Special Concerns ng DOLE, Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla. Good morning po Attorney.
DOLE DIRECTOR PERIDA-TRAYVILLA: Good morning po, Usec. Rocky and Happy Women’s Month po sa lahat ng kababaihan.
USEC. IGNACIO: Attorney, ano po ang programa at aktibidad ng DOLE na nakalatag ngayong Buwan ng Kababaihan?
DOLE DIRECTOR PERIDA-TRAYVILLA: Of course po from the advocacy of the Philippine Commission on Women na sumunod po tayo doon sa Purple Tuesdays and then mag-hang po ng streamer na nakapaloob po iyong “Make Change Work for Women” and then of course po ang DOLE ay nagsasagawa po taon-taon ng mga free webinars on Safe Spaces Act, Expanded Maternity Leave Law.
At para naman po sa amin namang mga kawani, partikular na po iyong ating mga Gender and Development Focal Persons, tayo po ay nagbibigay ng capacity building para po lalo pa po nating mapaigting ang ating pag-a-align at pag-i-integrate ng Gender Development sa lahat po ng polisiya, programa at mga alituntunin ng Department of Labor and Employment. So lahat po ng regional offices ng DOLE, mayroon po tayong mga free webinars.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano naman po iyong main concern na kinaharap ng mga kababaihang manggagawa sa mga work places?
DOLE DIRECTOR PERIDA-TRAYVILLA: Right now po, of course iyong atin nga pong kaharap na pandemya ay nagkaroon po ito ng malaking dagok sa sektor ng mga kababaihan. Base po sa huling datos ng Philippine Statistics Authority noong 2021, mayroon po tayong mahigit-kumulang na 3.2 milyong Filipino ang nawalan ng trabaho at [garbled] dito ay pawang mga kababaihan.
Kaya nga po ay pinapaigting po natin iyong ating mga programa para maipaabot po ang ating mga serbisyo sa kanila tulad po ng tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged or displaced workers program, isa po itong emergency employment program, para po ito sa informal sector.
At mayroon din pong COVID Adjustment Measures Program para naman po sa pormal na sektor. At mayroon din po para sa mga Overseas Filipino Workers, iyon pong AKAP, ito po ay isang financial assistance din po. And then of course iyon naman pong livelihood, talaga pong nagdi-disperse po tayo ng iba’t ibang klase ng livelihood para maipaabot po natin doon sa mga kababaihan na labis na naapektuhan ng pandemya.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Attorney, paano po ba masusolusyunan itong mga ganitong concern? Ano po ang ginagawa ng DOLE upang maging komportable ang mga kababaihan sa kanilang trabaho? Attorney, can you hear me?
Attorney, ayusin lang po natin ang linya ng komunikasyon sa inyo, medyo nagtsa-choppy po kayo, Attorney. Babalikan po namin kayo o kung naririnig ninyo ho ako. Okay na po ba? Okay. Babalikan namin kayo, Attorney, ha.
Mga nasunugan sa Silay City at Pulupandan, Negros Occidental ang tumanggap ng tulong mula sa tanggapan ni Senator Christopher ‘Bong’ Go nitong Martes. Sa kabila nang napaulat na pagtaas ng kaso ng depresyon sa buong mundo dahil sa COVID-19 pandemic, tiniyak ni Go na nakaagapay ang Duterte administration para mapagtagumpayan ang pandemya. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Okay. Balikan na po natin si Attorney Trayvilla. Attorney…
DOLE DIRECTOR PERIDA-TRAYVILLA: Magandang umaga pong muli, Usec. Rocky. Okay na po ba ang audio ko?
USEC. IGNACIO: Yes. Okay na po, loud and clear. Ulitin ko lang po iyong tanong, Attorney, ano: Paano daw po masusolusyunan iyong mga ganitong concerns tungkol dito sa kababaihan nga po, ano po iyong ginagawa daw ng DOLE para daw po maging komportable itong ating mga kababaihan sa kanilang trabaho?
DOLE DIRECTOR PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Patungkol po sa mga issues sa labor standards, sa minimum wage, mayroon po tayong sinasagawang routine inspection; tsini-check po ng ating mga Labor inspectors ang compliance ng ating mga employers doon po sa mga benepisyo na dapat po nilang matanggap base sa batas.
At mayroon din po tayong mga desk na tinatawag or Single Entry Approach Desk sa regional offices kung saan puwede po nilang idulog ang kanilang mga hinaing, reklamo patungkol po sa issue ng kababaihan, mga leave benefits po na maaaring hindi nila natanggap, pati na rin ho iyong mga nasa minimum wage law at under labor standards benefit. At mayroon din po tayong hotline – DOLE 1349 – kung saan maaari po silang magsangguni at magtanong ukol po sa kanilang karapatan bilang mga kababaihan at bilang manggagawa. Usec.?
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ano po iyong mga pinakamaraming sinasabing concern ng ating mga kababaihan pagdating po sa workplace na inyong natatanggap?
DOLE DIRECTOR PERIDA-TRAYVILLA: Usually po ang mga natatanggap po na mga issue ay patungkol po sa Expanded Maternity Leave Law, ang pag-avail po nito – iyon po ang karamihan pong tinatanong. Kasi nga po ngayon napakaganda po nitong batas na ito at nagkaroon po tayo ng improvement base po sa international standards, 98 lang ho iyon pero tayo ngayon ay 105 na po ang ating Expanded Maternity Leave Law at dinagdagan pa po iyan ng 15 days kung ang babae o ang nanay ay solo parent so lumalabas po 120 days. At puwede din ho itong ipasa-load sa ka-partner ng babae, sa kaniyang asawa o sa kaniyang kamag-anak na mag-aalaga sa bata. So iyon po usually ang tinatanong sa tanggapan natin, Usec. Rocky.
And then of course iyon pong tanong sa—patungkol sa kaligtasan at kalusugan ng mga kababaihan lalung-lalo na ho iyong mga [garbled], nasa—iyon pong matagal pong nakatayo na nagtatrabaho ‘no – mayroon hong tayong advice na department order niyan na nagsasabi na iyong mga nasa malls, nasa retails at iyong mga nagtatrabahong matagal na nakatayo ay kailangan hong sumunod po doon sa mandatory na hindi po pinapayagan iyong mga high heels po sa work. Kung maaari naman pong payagan, hindi po lalagpas sa one inch po iyong high heels na puwede nilang gamitin. And of course kailangan din po na bigyan sila ng approved [garbled] at iyon din pong mga rest period and rest break ay kailangan maibigay sa mga kababaihan.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, dito naman sa ating mga manggagawa. Ano pa iyong aasahan po sa sektor ng ating mga manggagawa, ito pong sa pagpapatuloy ng Alert Level 1 sa mga probinsya po sa bansa?
DOLE DIRECTOR PERIDA-TRAYVILLA: Yes, po. Tuluy-tuloy pa rin po naman, Usec. Rocky, ang ating implementation ng mga programa ng DOLE lalo na po iyong mga flagship programs ng DOLE. Ang na-mention ko po iyong Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged or Displaced Workers Program para sa informal sector. Nagbibigay po tayo ng minimum wage kapalit po ng community work na gagawin po nila – ito po ay nagri-range from 10 days to a maximum of 30 days. So iyong days po nila equivalent to the highest prevailing minimum wage in the region.
Kunyari po sa National Capital Region, maaari po silang magtrabaho under TUPAD at bibigyan po sila ng 537 pesos per day or kung 10 days, 5,370 pesos. At iyon pong AKAP, tuluy-tuloy na rin po naman ito – ito naman po ‘yung assistance na binibigay ng DOLE para naman po sa Overseas Filipino Workers. And then of course iyon pong CAMP para naman po sa ating private sector employees and livelihood po, nagbibigay po tayo ng kagamitan sa pagla-livelihood – puwede pong negosyo sa kariton, puwedeng bisikleta na gamitin sa vending business at puwede pong sari-sari, bigasan – kung ano po ang interes ng ating mga kababayan na gustong magnegosyo, maaari po iyan maibigay ng DOLE sa inyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong impormasyon at pagsama sa amin ngayong umaga, Attorney Maria Karina Perida-Trayvilla, Director IV ng DOLE Bureau of Workers with Special Concerns. Ingat po kayo!
DOLE DIRECTOR PERIDA-TRAYVILLA: Thank you, ma’am.
USEC. IGNACIO: Ating alamin ang mga guidelines na kailangan pong isaalang-alang ngayong pinapayagan na ang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga higher educational institutions dahil sa mas maluwag na protocols at bigyang-kalinawan ang issue sa suspension ng scholarships po sa HEIs, kasama po natin si Chairman Prospero de Vera ng Commission on Higher Education. Magandang umaga po, Chair!
CHED CHAIRMAN DE VERA III: Magandang umaga, Rocky. Magandang umaga sa iyong lahat ng tagapakinig at nanunood sa ating programa.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, ano po iyong dapat talagang malaman ng publiko hinggil dito sa pagbabalik ng face-to-face classes? Ano po iyong guidelines na dapat i-observe ng mga higher education institution; kailan po sisimulan ito daw pong face-to-face classes under Alert Level 1?
CHED CHAIRMAN DE VERA III: Actually lagpas sa 300 na ang mga universities ngayon na nagpi-face-to-face ‘no kasi naglabas na tayo ng guidelines last year para sa Alert Level 2 at Alert Level 3 so more than 1,000 degree programs ngayon ang nagpi-face-to-face na. Ang pagbabago pagdating ng Alert Level 1 ay tataas iyong maximum capacity ng facilities mula 70% to 100% capacity ng facility; ibig sabihin, mawawala na iyong distancing ng mga upuan sa loob ng classroom, sa gymnasium halimbawa, sa mga laboratories, etcetera.
Other than that, pareho pa rin iyong ating guidelines:
- Kailangan bakunado ang mga estudyante at mga faculty;
- ikalawa iyong mga estudyante ay kailangang mayroong PhilHealth, may health coverage;
- at siyempre mayroon pa ring health standards ‘no – iyong pagsuot ng mask, paghugas ng kamay, iyong ventilation sa loob ng kuwarto ay kailangan okay.
Iyon ang mga pagbabago sa ating guidelines sa Alert Level 1.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo po kanina, talagang kailangan ay bakunado iyong mga estudyante. So, Chair, mandatory po itong pagbabakuna, kailangan bakunado po iyong mga papasok sa paaralan?
CHED CHAIRMAN DE VERA III: Oo. Iyong mga hindi bakunado, puwede silang magpatuloy mag-aral sa pamamagitan ng online classes. Kasi ang policy ng CHED sa lahat ng higher education institutions ay flexible learning policy pa rin. Ibig sabihin, iyong pamantasan ang magdi-decide kung anong tamang mix ng face-to-face, online at offline. So, iyon ang kanilang option. Puwede silang mag-full face-to-face, puwedeng mag-full online, puwede din maging online plus face-to-face/offline plus face-to-face. Depende doon sa pangangailangan sa kanilang pamantasan at siyempre iyon ding kakayanan ng mga estudyante at mga faculty.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang po sa inyo ang ating kasamahan sa media, si Leila Salaverria ng Inquirer: Puwede po ba daw i-elaborate, ano po iyong benefit na nakikita ng CHED sa pag-allow ng 100% classroom capacity?
CHED CHAIRMAN DE VERA III: Ang benefit kapag 100% na ay hindi mo na masyadong pinuproblema iyong kung ilan ang iyong pababalikin na puwedeng mag-face-to-face classes. Kasi noong Alert Level 3 dahil 30% lamang, siyempre pinuproblema ng mga pamantasan iyong pagsalit-salit ng mga estudyante kung kailan sila papasok, kailan sila mag-o-online o kailan mag-o-offline. Ngayon ay mas madali nang i-arrange at ayusin ang mga klase. Halimbawa, iyong mga ibang pamantasan ang kanilang desisyon, halimbawa, isang linggo 50% ng mga estudyante papasok and then iyong next week nila ay offline or asynchronous, online. And then sa susunod na linggo iyong kabilang 50% naman ang papapasukin. So, mas kaya nilang i-manage iyong facility kapag wala ng restrictions sa capacity.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo na nga po kanina iyong mga conditions and qualifications para sa pagsisimula ng face-to-face. Pero ang tanong po, paano daw po makakasigurong talagang ligtas itong mga estudyante na magpi-face-to-face classes? Paano po iyong gagawing monitoring dito ng CHED?
CHED CHAIRMAN DE VERA III: Lahat ng mga schools na magpi-face-to-face ay mayroon silang gagawing self-assessment. Mayroon silang checklist kung ano iyong mga kailangang mayroon sa kanilang eskuwelahan. Halimbawa, kailangan mayroong clinic o mayroong doctor or nurse na nandudoon para kung may mag-exhibit ng symptoms ay matitingnan at maipapadala, mapapa-test halimbawa. Mayroon dapat silang Crisis Committee sa kanilang eskuwelahan para kung mayroong outbreak madaling magdesisyon ang pamantasan.
Itong self-assessment na ito ay mula last year pa natin ginagawa sa mga eskuwelahan at tsini-check iyong mga eskuwelahan at sila ay nagri-report sa CHED kung mayroong mga problemang [nakikita]. Sila din ay nagku-coordinate sa kanilang local government kung ano iyong mga patakaran sa local level ano. Based naman sa experience natin mula January of 2021 halimbawa, doon sa mga naunang nag-face-to-face noon ay mas kaunti pa iyong nag-face-to-face dahil ang capacity noon ay mas kaunti, less than 1% ang nagkasakit na mga bata at mga estudyante. So, kapag sinunod iyong mga guidelines nakakasiguro tayo na ligtas ang mga estudyante at mga faculty members.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, isunod ko na po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Madz Recio ng GMA News: Lahat po ba ng state universities and colleges ay babalik na sa face-to-face? Ilan po iyong total numbers ng SUC na babalik sa face-to-face? How about private and catholic schools?
CHED CHAIRMAN DE VERA III: Sa ngayon kaunti pa lang. 313 na universities pa lang ang nagpi-face-to-face ano. Ang marami kasi sa kanila, dahil biglang nag-spike iyong cases noong January – kung matatandaan natin nag-Alert Level 3 pa tayo noong January – ang marami sa kanila ay nagsimula ng online noong January at sa mga susunod na buwan ay saka sila magpi-face-to-face. So, inayos nila iyong kanilang curriculum or syllabus na puwedeng naka-online muna tapos magpi-face-to-face sila. Ang mas maraming mga eskuwelahan ay magpi-face-to-face next school year. Iyon ang kanilang desisyon base sa consultation sa mga faculty at mga estudyante nila.
So, makita natin na unti-unting dadami iyan at talagang mas marami pagbukas ng first semester ng school year 2022-2023 ano. Sinasabihan din natin ang ating mga pamantasan na kung sila ay kailangan nila ng technical assistance doon sa pag-ayos ng kanilang facility, sila ay puwedeng lumapit sa kanilang local government dahil mayroon tayong mga city, municipal at provincial health office. May kakayanan ang mga iyan na inspekin (inspect) iyong facility at tingnan kung ligtas. Puwede din silang magpunta sa CHED Regional Office at puwede din humingi ng assistance sa CHED Central Office.
So, ginagabayan natin ang mga pamantasan para ayusin iyong kanilang facilities para ligtas para sa face-to-face ano. Pero hindi na po kailangan ng authorization or inspection galing sa CHED. Puwede na pong magbukas ng self-opening basta tingnan iyong guidelines, iyong listahan at mag-comply doon at magkonsulta din sa kanilang local government dahil hindi pa naman lahat ng lugar sa Pilipinas ay Alert Level 1, mayroon pang iba na nasa Alert Level 2. So, baka may ibang guidelines iyong local government.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Madz Recio: May nakalatag po bang guidelines? Paano ipatutupad naman itong physical activities, for example daw po sa PE classes?
CHED CHAIRMAN DE VERA III: Mayroon na, inisyu na natin iyan. November of last year pa nakaisyu ang guidelines sa paggawa ng PE classes, iyong mga sports activities. Last year pa natin inisyu iyong guidelines niyan. Ang magiging iba lang pagpunta mo ng Alert Level 1 ay mas malaki iyong capacity ng puwedeng papasukin halimbawa, manood ng mga basketball games. Dati ay restricted iyong papasok, ngayon ay puwede nang mas marami.
Pero, Rocky, ang kailangan nating i-emphasize dito ano, na ang desisyon sa capacity ay nandudoon pa rin sa pamantasan. Ibig sabihin, kahit na 100% ang allowed na capacity, kung sa palagay ng pamantasan ay mas maganda iyong sistema na mas kaunti ang papapasukin at gagawing salit-salit ang klase, pinapaubaya natin iyan sa mga pamantasan na sila ang gagawa nito dahil sila ang nakakaalam doon sa kalagayan sa kanilang mga lugar.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, may tanong po si Ina Hernando ng Manila Bulletin: Will there be an age limit daw po for students who will be allowed to attend face-to-face classes?
CHED CHAIRMAN DE VERA III: Wala po, dahil lahat ng freshman ngayon ay 18 years old and above na dahil sa K to 12. Ibig sabihin lahat ng ating mga estudyante ay essentially adults na sila. So, lahat sila ay dapat kasama na sa general population na nabakunahan kaya walang age restriction sa ating mga estudyante na papasok.
USEC. IGNACIO: Opo. Maaari po ba naming hingin ang inyong panig kaugnay po sa pag-suspinde ng pagbibigay ng mga scholarships sa mga freshman this school year? Ano po ba iyong rason dito, Chair?
CHED CHAIRMAN DE VERA III: Naku, buti tinanong mo iyan, Rocky, kasi medyo naguluhan iyong pagkakalabas ng balita. Ang hindi lang po napondohan o kulang ang pondo ng scholarship ng CHED ay iyong tinatawag na merit scholarship. Ito iyong scholarship na binibigay based on grades.
Marami pong scholarship ang CHED. Halimbawa, iyong Tertiary Education Subsidy, iyong Tulong Dunong under RA 10931 hindi po apektado iyan. Iyan po ay mayroong pondo. Iyong ating scholarship para sa ‘Doktor para sa Bayan’, may pondo po iyan. Iyong scholarship natin para sa anak ng mga sugar workers, may pondo iyan. Ang kinulang po ng pondo noong binigay ang budget sa CHED ay iyong merit scholarship. Ito po ay scholarship na inaaplayan ng mga estudyante based on grades. Pataasan po sila ng grade para sa mga priority programs.
Kulang po kasi iyong pondong naibigay sa CHED kaya ang kaya lang nating pondohan ay iyong continuing scholars. Sinuspinde po nating tumanggap ng mga bagong application sa CHED merit scholarship dahil kulang po ang pondo. Iyon lang po ang apektado. Ang apektado diyan ay mga 5,000 slots for scholarships. Maliit po iyan compared sa pangkabuuang financial assistance program ng CHEd dahil sa Tulong Dunong po ay lagpas 200,000 ang ating Tulong Dunong scholars.
Ang ating Tertiary Education Subsidy o TES ay 500,000 scholars po ang covered niyan ‘no so hindi po apektado iyan. So huwag ho kayong mag-alala para sa ating mga TES at Tulong Dunong beneficiaries, may pondo ho, kumpleto ang pondo ng TES at saka Tulong Dunong under Free Higher Education Law. Ang naapektuhan lang ho ay iyong Merit Scholarship.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero itong naapektuhang Merit Scholarship, mayroon po ba tayong tugon o maaaring tulong para sa mga naapektuhan na ito, Chair?
CHED CHAIRMAN DE VERA: Puwede silang mag-apply doon sa ibang scholarship. Halimbawa, kung sila ay galing sa mga pamilya ng 4Ps, puwede silang mag-apply doon sa Tertiary Education Subsidy under Free Higher Ed. Puwede rin silang mag-apply sa regional office, sa ating Tulong Dunong programs. Iyong iba pong scholarship ay bukas din naman sa kanila.
Ang kinaiba lang, Usec. Rocky, nitong Merit Scholarship ay grade-based ito, hindi ito financial need-based kung hindi grade-based. Iyan lang ang hindi natin mapupondohan, iyong new scholars; iyong continuing Merit Scholars ay mayroon pong pondo. So puwede silang mag-apply doon sa ibang scholarship programs.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin at pagbibigay-impormasyon, CHEd Chairman Prospero de Vera. Ingat po kayo, Chair!
CHED CHAIRMAN DE VERA: Thank you. Thank you.
USEC. IGNACIO: Higit isang milyong COVID-19 vaccines na binili ng Pilipinas ang dumating sa bansa kagabi. Ayon sa National Task Force, nakalaan ang 1,080,000 doses na bakuna para sa pediatric group o may edad lima hanggang labing isang taong gulang.
Base sa huling tala, higit 137 million doses na bakuna ang naiturok sa bansa kung saan halos 64 million naman ang fully vaccinated na. Target ng pamahalaan na tumaas sa 77 million ang fully vaccinated na mga Pilipino bago matapos ang buwan ng Marso.
Karagdagang impormasyon naman patungkol sa pang-apat na Bayanihan, Bakunahan at mga bakunang ipapamahagi sa ibang bansa ang ihahatid sa atin ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje. Welcome back po sa programa, Usec.!
DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky, at lahat ng nakikinig sa Laging Handa.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ngayong araw po ay matatapos na itong ikaapat na Bayanihan, Bakunahan. So far, ano po ang assessment ninyo rito?
DOH USEC. CABOTAJE: Nakapagbakuna tayo ng 836,000 cumulative doses or 44.49% ng ating target at karamihan dito ay mga second dose at booster doses ‘no. So nakita natin mababa ang ating coverage ng senior although ang ating mga regional offices at saka mga LGUs ay gumawa ng iba’t ibang strategy para ilapit ang bakuna sa ating mga mamamayan – may nag-house-to-house, stall-to-stall sa mall, naging bakunahan sa simbahan, sa malalayong mga lugar, iyong tinatawag nating GIDA ‘no.
So we need more innovative and creative strategies sa level ng ating communities dahil nakikita natin sa datos na mayroon pa ring nangangailangan ng second dose, ng booster dose lalo ng ating mga senior citizens.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano iyong mga concern and challenges na na-encounter ninyo? Bakit po ganiyan at paano po ito puwedeng aksiyunan kasi sinabi ninyo nga na talagang mayroon pa talagang nakikita at hindi rin natin naabot iyong talagang target po natin, Usec.?
DOH USEC. CABOTAJE: Nandiyan pa rin iyong complacency kasi sa palagay nila hindi na kailangan ng booster doses kasi kumpleto na iyong second dose, bumababa iyong kaso, walang threat – iyan ang una.
Iyong pangalawa, pareho pa rin iyong pananaw ng ating senior citizen – mamamatay na sila, hindi na nila kailangan ang mga bakuna; so kailangan more advocacy for all of these who do not want to be vaccinated.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasi, Usec., dapat maipaabot din natin sa kanila na pagkatapos po ng six months nagwi-wane o bumababa po iyong effectivity or efficacy nitong mga bakuna kaya kailangan iyong booster ano po. So, ano po iyong susunod na plano ng ahensiya [garbled] itong pang-apat ng Bayanihan, Bakunahan, agad po ba itong susundan?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang pinag-uusapan namin kung i-extend natin ‘no. Ang sinasabi kasi ng iba, nag-i-NVD na sila araw-araw, pero gusto nating i-highlight na iyong National Vaccination Day dapat more focused, more efforts, more resources outside of the regular efforts and resources during the regular vaccination. So titingnan natin kung ano pa iyong mga ibang nakita at mga naidulog sa ating mga regional offices ng ating mga LGUs bakit ayaw magpabakuna iyong mga mamamayan.
USEC. IGNACIO: Oo. Sa kasalukuyan anong lugar po, anong area iyong talaga pong mababa pa rin po iyong mga bilang ng nagpapabakuna, Usec.?
DOH USEC. CABOTAJE: Siyempre iyong ating BARMM mababa pa rin siya ‘no, pati dito sa NVD mababa iyong kaniyang accomplishment tapos dito sa Region IV-B, MIMAROPA, mayroon ding Bicol at saka Region XII, tapos iyong ating Region VII na pinakamaraming hindi nabakunahang senior citizen, medyo mababa pa rin ang turnout. Nagha-house-to-house na ‘no, kailangan balik-balikan at kailangang kumbinsihin at pagpaliwanagan itong ating mga senior citizen.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano naman iyong update sa usapin ng mga bakunang planong i-donate sa ibang bansa? Hindi po ba ito parang makakaapekto rin dito sa bilang naman ng hindi pa natin napabakunahan o dapat mabakunahan?
DOH USEC. CABOTAJE: We have enough vaccines ‘no but kagaya ng sinabi ko noong umpisa, we are looking at the extension of shelf life ‘no. So may tinitingnan tayong i-donate na Gamaleya pero in-extend ang shelf life ng tatlong buwan pa so puwede pang gamitin ng tatlong buwan. So tingnan natin kung paano iyong update but ang DFA ay nakikipag-usap din kung saan pupuwedeng i-donate bago ma-reach iyong kaniyang shelf life.
USEC. IGNACIO: Opo. Ilan pong bakuna iyong ipamimigay at kailan po kaya sisimulan ang pagpapadala ng mga ito? Isunod ko na po iyong tanong ni Athena Imperial ng GMA News: Ilan daw po all in all ang nag-expire o wastage na bakuna mula noong February hanggang March?
DOH USEC. CABOTAJE: Again, the data are being consolidated kasi iyong ating mga dumadating na extension of shelf life, mayroong galing sa manufacturer pero hinihintay natin iyong concurrence, iyong formal issuance ng ating FDA na ini-extend iyong kaniyang shelf life ‘no.
Iba-iba kasi iyong batches tapos iba-iba iyong ating mga bakuna so we are looking at AstraZeneca – kagaya ng sabi ni Secretary, there are 12 to 13 million that have been extended ang shelf life. So we will have to look ano po iyong mga nasa baba na nagamit na ba o hindi pa nagamit ‘no. And then Sinovac has been extended for one year so we do not have a problem with Sinovac. Gamaleya has been extended so magagamit pa natin iyan but tingnan natin kung ano iyong update.
So konting pasensiya pa, we are really crunching our numbers. But we are looking the possibility kung hindi na talaga magagamit at hindi siya gusto ng ating mga mamamayan at kung tatanggapin ng ibang bansa ‘no. So talks are ongoing with DFA and countries na possible na doneytan (donate) natin tapos we are crunching our numbers.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po mula sa kasamahan natin sa media, mula kay Madz Recio ng GMA News: Handa na raw po ba ang bansa para sa Alert Level Zero? Alert Level Zero na po ba ang maituturing na new normal? Natatawag din po kasing new normal itong Alert Level 1, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Yes. Sa pananaw ng ating mga eksperto, ang Alert Level 1 ay hindi pa iyong new normal – papunta pa lang new normal iyan, it should be Alert Level Zero. Gaano katagal? Depende iyan sa ating vaccination rates kaya ang ginamit nating parameters ay iyong fully vaccinated na 70% ano.
So, ilan na sa ating mga areas na fully vaccinated tapos, lalung-lalo na sana iyong ating senior citizen. Kasi sa ating mga datos, 60 to 70% ang namamatay sa mga senior. Sila ang mga naoospital, sila ang mas malubha ang sakit kaya kailangan i-increase pa natin iyong bakunahan ng ating senior citizen.
Makikita natin sa ating mga karatig-bansa – Shanghai, Hong Kong – nao-overwhelm iyong system nila kasi kulang iyong bakuna nila sa senior citizens. So, we would like to push for an increase on vaccination rates and vaccination of our senior citizens.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong si Faith del Mundo ng TV 5: What is the preparation daw po ng DOH to Deltacron variant?
DOH USEC. CABOTAJE: Dati na iyong PDITR. Kagaya din ng dati, pinaiigting natin iyong tinatawag nating genome sequencing para makita natin kung nakapasok na sa ating bansa. Pero wala namang kakaiba sa ating ginagawa na minimum public health standards. Ang importante, kaya humihingi kami ng tulong ng lahat, iyong bakunahan. It’s really the game changer and will afford additional protection sa ating mamamayan considering na nagwi-wane po iyong ating proteksiyon after a long time na nabakunahan na.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kumustahin po natin iyong bilang naman po ng pediatric vaccination. Kumusta na po ito?
DOH USEC. CABOTAJE: Our pediatric vaccination is doing well. May dumating na mga pediatric doses, so binigyan na ng go signal na iyong mga second doses na mayroon sa mga areas ay gamitin nilang first dose. We have reached about one million plus na iyong ating mga five to eleven. We are doing well with our twelve to seventeen ano. So mga 70% na tayo sa fully vaccinated ng twelve to seventeen. So one million, one million ng ating five to eleven ang naka-first dose at tapos mayroon ng mga 237 ang naka-second dose – 237,000.
USEC. IGNACIO: Yes, Usec, kunin ko lang iyong mga paalala ninyo pa para sa ating mga kababayan partikular po sa mga senior citizen na hindi pa nagpapabakuna. Go ahead po, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Kailangan po nating tanggapin na may banta pa rin ng COVID-19 at variants nito, kahit mababa na ang kaso nandiyan iyong ating Deltacron. Huwag nating bigyan ng pagkakataon na magaya tayo sa ibang bansa na napuno ang mga ospital nang hindi pa kumpleto ang bakuna o hindi pa bakunado para tumaas uli ang mga kaso ano. Libre po itong bakuna at proteksiyon mula sa malalang COVID-19 variants.
So, ngayong mababa ang mga kaso ay ang akmang pagkakataong dagdagan ang proteksiyon ng bawat pamilyang Pilipino. Kapag sinabi nating buong pamilya – sa lolo, sa lola, sa mga magulang, sa ate, sa mga kuya – iyong lahat nang puwedeng bakunahan, five years and above lalung-lalo na po iyong ating senior citizen. Ang bakuna po ay proteksiyon hindi lang para sa sarili kung hindi para rin sa kasama natin sa bahay at sa komunidad.
Protektado lamang tayo kung lahat ay bakunado. So, ituluy-tuloy po natin ang pagbabakuna. Baka ma-extend iyong NVD 4, pinag-usapan natin ngayon at tuluy-tuloy pa rin iyong paglapit natin ng information at serbisyo sa tao sa ating bakunahan.
Salamat.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras at impormasyon, DOH Undersecretary Myrna Cabotaje. Mabuhay po kayo.
Para sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato.
Mga masahista at vendors sa Roxas Night Market, hiling na manumbalik ang sigla ng kanilang kabuhayan kasunod nang pagsasailalim sa Alert Level 1 ng lungsod ng Davao. Ang detalye ng report mula kay Regine Lanuza ng PTV-Davao.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)