USEC. IGNACIO: Mapagpalang umaga, Pilipinas; ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio ng PCOO.
Ngayong umaga po, ating hihimayin ang pinakamalaking isyu ngayon sa ating bansa, isa na po diyan iyong panawagan ng mga mambabatas at ilang sektor na suspindehin muna ngayon ang excise tax sa langis bunsod po iyan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo; sasamahan din tayo ng MMDA para talakayin po ang kahandaan ng ahensiya kung sakali po na ibaba sa Alert Level Zero ang buong Metro Manila; mamaya rin ay ihahatid sa atin ng DOH ang latest update sa pinaigting na bakunahan kontra COVID-19 kasama po si Usec. Myrna Cabotaje ng DOH.
Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa ikalawang sunod na linggo, malaking taas-presyo naman ang ipinatupad sa mga produktong petrolyo ngayon linggo. Sa abiso po ng mga kumpanya ng langis, diesel ang may pinakamalaking itinaas na umabot sa thirteen pesos and fifteen centavos (P13.15); sumunod naman ang kerosene na nasa ten pesos at fifty centavos (P10.50); higit seven pesos naman po ang itinaas sa presyo ng gasolina. At dahil sa halos doble ang itinaas, mahaba ang pila ng mga motorista kagabi hanggang kaninang madaling araw para magpakarga ng krudo bago pa man ipatupad ang taas-presyo.
Samantala, Senator Go sinuportahan naman ang mungkahing temporary moratorium sa pagkolekta ng excise tax sa produktong petrolyo. Tinawag din niya ang atensiyon ng gobyerno para pabilisin pa ang paglabas ng financial aid na nakalaan para sa mga jeepney drivers. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa punto pong ito, makakapanayam natin ang General Manager ng MMDA, Undersecretary Frisco San Juan, Jr. Magandang umaga po, Usec.
MMDA GM USEC. SAN JUAN, JR: Magandang umaga po. At sa lahat po ng tagasubaybay, magandang umaga rin po sa ating lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may paunang update na po ba sa inyo ang IATF kaugnay po dito sa bagong alert level system na ilalabas posibleng mamaya o bukas, Usec.?
MMDA GM USEC. SAN JUAN, JR: Wala pa pong pinaparating sa amin, pero nakahanda po ang Metro Manila mayors kung saka-sakali mang magdesisyon po ang ating IATF na ibaba sa Level Zero.
USEC. IGNACIO: Opo, iyan nga po iyong sunod nating tanong, kung inaasahan po ang mas mataas ang mobility ng mga tao kapag po nagkaroon ng malawakang pagluluwag sa ipatutupad na alert classification dito sa Metro Manila. Nabanggit ninyo na nga, handa na po ba ang National Capital Region sa Alert Level Zero?
MMDA GM USEC. SAN JUAN, JR: Nakahanda po ang ating mga mayors, at [garbled] po nila kung ano ang mga nararapat na gagawin.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may mga nagsasabi na gawing optional ang pagsusuot ng mask sa mga pampublikong lugar gaya po sa mga pathways, sidewalks at mga kalsada, ano po ang masasabi ng MMDA dito?
MMDA GM USEC. SAN JUAN, JR: Sa MMDA, ang nais po namin na kung maaari ay gawin pa ring … suot pa rin [garbled] mga taumbayan, except doon sa mga masisikip po na lugar para lang po makasiguro tayo na hindi na po tataas pang muli ang bilang ng mga insidente ng pagkakaroon ng [garbled].
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit mo na handa ang MMDA sakali nga pong bumaba na tayo sa Alert Level Zero, lalo na ito iyong sinasabi nating new normal. Ano po ang ibig sabihin nito; papaano po ninyo inilatag itong kahandaan na ito, puwede ninyo po ba kaming bigyan ng mga detalye tungkol dito?
MMDA GM USEC. SAN JUAN, JR: Nag-usap-usap po ang mga mayors sa council at nagbigay po ng assessment kung ano ang mga ninanais o kung ano ang kanilang sentimiyento kung saka-sakaling magkaroon ng alert level. At karamihan po ay nagsasabi na nakahanda na po sila sapagka’t patuloy naman ang pagbaba ng numero ng mga kaso nitong mga huling linggo na nakaraan. Kaya po sabi nila, nakahanda sila at [garbled] pagsasagawa ng mga karampatang solusyon kung saka-sakaling magkaroon ng pagtaas muli ng number of cases.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit mo iyong pangunahin concern ng ating metro mayors sakaling magluwag na po lalo ‘no dito sa Alert Level Zero. Ano po iyong pangunahin nilang concern na napag-usapan po ninyo?
MMDA GM USEC. SAN JUAN, JR: Ang binabantayan lang po talaga ay kung tataas pang muli ang number of cases dahil iyon pong ibang mga kapasidad naman po ay hindi naman po nalalagay sa alanganin. At iyon lang po, huwag lang hong patuloy na tumaas ang number of cases dito sa NCR po.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong si Maricel Halili ng TV5, iyong nabanggit ninyo po about sa face mask. Clarification lang po: Does he mean that MMDA still wants to impose mandatory wearing of face mask even under Alert Level Zero?
MMDA GM USEC. SAN JUAN, JR: Ang sa amin po, kung ano ang irirekomenda ng ating IATF. Pero ang aming sentimiyento ay hangga’t maaari hindi po natin pupuwedeng i-impose kung hindi po ii-impose ng IATF.
Gusto lang po namin na patuloy pa rin na magsuot ng face mask hanggang masabi na po natin na talagang hindi na po tayo matatamaan ng COVID-19 lalung-lalo na ngayong bukas na po ang ating mga airports para sa mga ibang bansa na nais dumalaw dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong po ni Kenneth Paciente ng PTV: Lahat po ba ng mayors ay pumayag o may ilan na hindi dito po sa paglalagay na sa Alert Level Zero?
MMDA GM USEC. SAN JUAN, JR: Wala po namang nagsabi ng kanilang oposisyon. Ang napag-usapan lang po ay handa silang lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., punta naman tayo sa ibang usapin. Marami pong commuters ang nahirapan sumakay kanina dahil pa rin po sa transport strike ngayong araw na ito. Kumusta naman po iyong libreng sakay na inilatag po ng MMDA?
MMDA GM USEC. SAN JUAN JR.: Okay naman po. Sa katotohanan po hindi po namin naipalabas lahat ng sasakyan sapagkat hindi na kinailangan. Iyong mga ipinalabas po namin na mga unang sasakyan ay naging sapat na po pero nakahanda [garbled] natin na puwedeng gamitin ng ating mga mananakay.
At patuloy naman ang aming pagmu-monitor ‘no, kung saan kakailanganin para mabilis namang makaresponde o makarating ang ating mga libreng sakay na nakahanda para dito sa ganitong sitwasyon po.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na po iyong tanong ng ating kasamahan sa media, mula po kay Jayson Rubrico ng SMNI News: May panawagan po ba kayo sa mga grupong nagsasagawa ng transport strike ngayong araw? Marami daw po kasing pasaherong apektado sa ginawa nila lalo na marami na rin po ngayon iyong lumalabas dahil tayo po ay nasa Alert Level 1.
MMDA GM USEC. SAN JUAN JR.: Sa ating mga nagsasagawa ng protesta ay huwag po nating paabutin sa dahas kung saka-sakali, mayroon po tayong mga kasama sa hanapbuhay na nais pumasada. Nadidinig naman po ng ating pamahalaan ang kanilang mga hinaing. Gumagawa naman po ng mga paraan at binabalanse lang po natin para hindi maapektuhan ang mas malaking sektor kung saka-sakaling magkaroon man tayo ng kakaunting pagbabago sa ating mga polisiya.
At nagpapasalamat naman po kami sa kanila, iyong mga nagpatuloy na pumasada. Malaking bagay po na makapagpatuloy ang ating ekonomiya sa pamamagitan ng ating mga mananakay na nagtatrabaho lang po at naghahanap ng kanilang kakainin sa araw-araw. Iyon lang po at sana ay magkaroon na ng solusyon ang ating problema ngayon na hinaharap.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, ano po ang plano ng MMDA sa mga susunod na araw dahil usap-usapan po online na baka humaba raw po at mas mapadalas pa itong tigil-pasada na nangyayari sa kasalukuyan?
MMDA GM USEC. SAN JUAN JR.: Kagaya po ng mga nakaraang protesta, patuloy din ang aming kahandaan na mag-deploy ng mga libreng sakay/libreng sasakyan. At nakikipag-ugnayan kami sa DOTr at sa mga transport agencies o transport private groups na nagpapahiram ng kanilang mga sasakyan sa ating mga mananakay.
Mayroon po tayong mga nakakausap na mga tourist bus operators na nagagamit na po doon sa mga nakaraang protesta kung saan kinailangan ang mga karagdagang mga bus para sa ating mga mananakay.
At hindi na po bago ang ganitong sitwasyon sa MMDA kaya lagi pong nakahanda ang MMDA, kasama na rin po ang ating mga national agencies kagaya ng DOTr, Philippine Army na nagpu-provide din po ng kanilang mga sasakyan kapag tinawagan po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ano pa po iyong inilalatag na hakbang ng MMDA para dito naman po sa mabigat na trapiko pa rin kasunod po ng pagluluwag sa restrictions dito sa Metro Manila?
MMDA GM USEC. SAN JUAN JR.: Sa ngayon po ay araw-araw pa rin na binabantayan ang bilang ng mga sasakyan, at hindi naman po nagkaroon ng karagdagang bilang simula noong mag-Alert Level 1 tayo ‘no, hindi po nadagdagan.
Actually, tinutuloy-tuloy na namin ang pag-monitor sa mga bilang at kung saka-sakaling kailangang magbago na, halimbawa ay ang pagbabago ng ating coding ay maisasagawa po natin kung kinakailangan.
Sa ngayon po, hind pa po namin nakikita iyong malaking problema na kagaya ng mga naranasan natin noong mga nakaraang panahon.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Kenneth Paciente ng PTV: Nagiging problema po ba sa ngayon ang vaccine complacency sa NCR dahil sa mababang kaso? Paano ninyo daw po ito tinutugunan?
MMDA GM USEC. SAN JUAN JR.: Ang ahensiya po ay mayroon kaming paghahanda o kahandaan sa pagbibigay ng mg vaccines. Any time po puwede pong humingi ng tulong dito sa atin. Ang problema lang po talaga ay iyon pong ating mga kababayan na minsan pero hindi marami, kakaunti lang naman po ang na-iisip ng ganito na mayroong mga nagiging tumatapang ‘ika nga, na sa kanilang paniwala ay malakas ang kanilang pangangatawan.
Pero mayroon ding mga bagay na dapat pa ring hindi makalimutan. Kung sila man ay may kumpiyansa sa kanilang kalusugan, sa kanilang pangangatawan ay umiwas lang po sa mga lugar o sa mga gawain na makapagdudulot ng hawaan. Kagaya ng sinasabi natin iyong mga standard protocols natin, magsuot ng facemask at pag-iingat, paghuhugas ng kamay, iyon pong mga standard na nakaugalian na natin at—
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, tanong naman po ni Job Manahan ng ABS-CBN: Napapadalas na po ulit iyong ulan pati iyong baha sa ilang bahagi ng Metro Manila. Kumusta po ang de-clogging operations, Usec?
Okay… Nawala sa linya ng ating komunikasyon si Usec.
Usec.?
[‘Ayan. Okay. Opo]
Usec, ulitin ko lang po iyong tanong po ni Job Manahan ng ABS-CBN: Iyon daw pong napapadalas na ulit iyong ulan pati daw po iyong baha dito sa ilang bahagi ng Metro Manila. Kumusta daw po iyong de-clogging operations? Usec?
MMDA GM USEC. SAN JUAN JR.: Iyong de-clogging po natin ay patuloy pa rin, hindi po naman humihinto iyan maski na tag-araw, maski tag-ulan. Ang problema lang po natin ay minsan sa trapiko – hindi na po iyong baha, mabilis lang po ngayon ang paghupa ng baha natin dahil sapat naman po ang paglilinis ng ating mga kanal – ang problema lang, iyong bugso ng ulan ay sobrang lakas na maiipon ng biglaan ang tubig at kapag mas matagalan lang ng kaunti ang pag-exit nito, ang paglabas sa mga kanal pero hindi nagbabara. Huwag lang iyong mga biglaang malakas na malakas at tuloy-tuloy na ulan.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Job Manahan: Ongoing pa rin ba iyong brick-making facility ng MMDA gamit daw po iyong mga solid waste particularly plastic na nakukolekta sa flood control facilities? Humihingi lang daw po siya ng update dito?
MMDA GM USEC. SAN JUAN JR.: Patuloy po. Gagamitin na nga po ang mga bricks na aming na-produce sa mga pocket parks, sa mga parks na tinatayo ng MMDA. At maganda po ang naging resulta ng ating pag-aaral. Papalawakin pa po natin sa mga darating na panahon.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow-up question lang po ni Job Manahan: Since its launch po, ilan na po iyong nagawang bricks at ilang tons ng plastic waste ang na-convert para daw po sa program?
MMDA GM USEC. SAN JUAN JR.: Pasensiya na po, hindi ko po nakuha iyong figures na iyan. Ang alam ko po ay marami na kaming naipadala doon sa aming ginagawang parks sa Carmona, iyong dating landfill ay gagawan po namin ng park. Gagamitin natin iyong bricks na iyan at sa iba pang lugar katulad ng mga kanal na kailangan ng proteksiyon, puwede pong gamitin namin iyan.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat, Usec, sa inyong pagpapaunlak sa amin. Undersecretary Frisco San Juan Jr., ang General Manager po ng MMDA. Mabuhay po kayo at salamat po.
MMDA GM USEC. SAN JUAN JR.: Maraming salamat po at magandang tanghali po.
USEC. IGNACIO: Mainit na usapin pa rin ang labis na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo. Marami sa ating mga kababayan ang talagang umaaray sa dagdag-singil sa kada litro ng gasolina at diesel. Ang panawagan nga ng ibang grupo, suspendehin muna ang excise tax na ipinapataw dito. Kaya ngayong umaga bibigyang-linaw iyan sa atin ng tagapagsalita ng Department of Finance Assistant Secretary Paola Alvarez.
DOF ASEC. ALVAREZ: Magandang umaga po, Ma’am.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec, maraming mambabatas at grupo na po iyong nananawagan na suspendehin muna itong excise tax sa langis. Ano po ang reaksiyon ng Department of Finance dito at ano daw po iyong posibleng epekto sakali pong masuspinde nga o bigyan ng suspension ang fuel excise tax?
DOF ASEC. ALVAREZ: Opo. So diyan po sa usapin na iyan, iyong posisyon po kasi natin, hindi po tayo sang-ayon sa pagsuspinde ng excise taxes. Kasi po malaki po ang mawawala sa ating kaban o sa ating pera sa Treasury ‘pag ginawa po natin iyan.
Ang pinu-propose po natin, imbes po na suspendehin natin overall, magbigay po tayo ng targeted support doon sa mga mahihirap na nangangailangan.
[Garbled] na lang po, ‘pag tiningnan po natin iyong consumption ng langis, 48.8% po na kumukonsumo ng langis ay iyong mas matataas na income household; meanwhile iyong mga mas mahirap po or lower income households na mas mababa po ang kanilang consumption or around 13.8%.
So ang iniisip po natin, mas maganda na iyong mga PUV at saka iyong mga drivers ng jeepneys na nakarehistro sa ating Pantawid Pasada Program, bibigyan na lang po natin sila ng targeted subsidy kasi po ‘pag ganoon, mas maku-control po natin na iyong ating koleksiyon hindi ho bumaba. Kasi nga po ngayong paglalabas natin sa pandemya, kailangan po talaga nating i-push iyong ating economic at government spending. Kung hindi po, maaapektuhan po talaga ang pagbalik natin sa ating ekonomiya bago po ang pandemya.
USEC. IGNACIO: Opo. Lagi nga rin pong nababanggit na ngayon pa lang po kasi bumabawi iyong ating ekonomiya dahil sa pandemya ano po. Pero para sa kaalaman ng ating mga manunood, halimbawa po nga sinuspinde itong sinasabing excise tax, maaari itong magdulot ng revenue loss na nauna ninyo na nga pong sinabi. Kung ito po ay pahihintulutan ng ating Pangulo, paano ninyo po nakikita iyong kalagayan ng succeeding years ng ating ekonomiya?
DOF ASEC. ALVAREZ: Opo. So dalawa po kasi iyong mga pending sa ating Kongreso ‘no – iyong House Bill 10488 at saka iyong Senate Bill 2445.
So doon po sa House Bill, ang pinu-propose po nila ay magsuspinde mula June to November 2022; so ‘pag ginawa po natin ito, mawawala po sa atin ay 48.7 billion.
Ang Senate Bill naman po, 2445, ang kaniyang proposition ay isuspinde from June to December 2022; ‘pag ito po ang ating ginawa, 69.3 billion pesos po ang mawawala sa atin.
‘Pag overall sinuspinde po natin lahat – iyong excise tax including iyong VAT on excise tax ng lahat ng klase po ng fuel – mawawalan po tayo ng 138.8 billion in one year or 0.6% of our GDP.
So makakaapekto po ito in the long run kasi ‘pag sinuspinde na po natin or ginawa nating automatic ang pagsuspinde po ng excise tax ‘pag nagkaroon po ng ganitong klase ng pangyayari like ‘pag iyong automatic na hindi na kailangan ng batas para isuspinde, in the long run, malaki po ang mawawala sa atin – around 1.5 trillion pesos po ang mawawala hanggang 2032.
So tinitingnan po natin kasi na iyong tax reform o iyong TRAIN Law na ating ipinasa noong 2016 hanggang succeeding years, ang gusto po sana nating mangyari ay iyong mas mahihirap, sila po ang makaka-benefit sa taxes at po iyong mas mayayaman kaya po excise taxes – kung sino iyong mas kumukonsumo nang mas marami, sila iyong magbabayad nang mas malaki. Kaya nga po sinasabi natin, ang consumption po ng fuel, 48.8% of the overall supply, ang kumukonsumo po ay iyong mas mayayaman na household so sila po iyong mas nagbabayad ng excise tax. At ang gusto po natin, bigyan ng support iyong nasa baba na kaunti lang naman ang kinukonsumo na fuel.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., sinabi po ng ilang mambabatas na kung hindi po kayang suspindehin itong excise tax at least daw po bawasan, pupuwede po kaya ito?
DOF ASEC. ALVAREZ: Opo. So iyong pagbawas po natin ng excise taxes, mayroon din po iyan na kaakibat na revenue losses. So binigay po natin—kasi po iyong mga mambabatas natin, iba’t iba po iyong proposal po nila ‘no so puwede po namin kayo bigyan ng table kasi masyado na pong maraming numero ‘pag inisa-isa ko pa po.
Pero mayroon din po iyang kaakibat na revenue losses ‘pag nagbaba po tayo ng excise taxes na sa bawat pagtanggal natin ng excise tax, mayroon pong programa para sa, let’s say, fuel subsidy, sa ating Pantawid Pamilya at sa ating mga iba’t iba pang social services na maaapektuhan kasi po iyong excise taxes, iyon po ‘yung pinampupondo natin doon at saka iyong ating infrastructure spending, doon din po nanggagaling. So iyong budget natin para doon, liliit din po. So ito po iyong gusto natin i-discuss din sa ating mga mambabatas.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., pero ano po iyong nakikita ng Department of Finance na maaaring gawin pa ng pamahalaan para naman po mabawasan ang epekto ng pagsipa ng presyo ng langis sa mga kababayan natin at paano daw masisiguro na maibibigay ito sa mga benepisyaryo, ito pong ayuda?
DOF ASEC. ALVAREZ: Opo. So para po sa fuel subsidy, i-increase po natin iyong Pantawid Pasada into five billion. So kahapon po nakapag-raise na po ang DBM ng three billion. So ito po para po sigurado, ginagamit po natin iyong Pantawid Pasada Program kasi ang Pantawid Pasada naka-register na po iyong mga lehitimo na public utility vehicles at saka iyong ating PUV drivers, nakarehistro po sila so mas madali pong i-distribute, makikita ninyo naman po iyong listahan, puwede ninyo naman pong i-request iyon.
For our farmers, magbibigay din po tayo ng subsidy. So iyong initial po na na-allocate 500 million at ii-increase pa po natin ito to 1.1 billion. So in tranches naman po iyong sa ating agriculture sector.
So aside from that, iyong ating mga department agencies katulad ng DOE, tuloy pa rin po ang kanilang campaign for energy conservation at ang ating DOTr naman, pinu-promote pa rin po nila ang panggamit ng other means of transportation katulad po ng mga bisikleta. Kasi ngayon naman po, karamihan na rin po sa atin ay sanay na rin po magbisikleta dahil nga po noong pandemya, ito po ay naging efficient means of transportation.
So nakikita po natin na temporary lang naman po ang spike na ito at kung babawasan po talaga natin ang ating taxes, mas maaapektuhan po tayo kaysa mas mainam na magbigay na lang po tayo ng subsidy para makatawid po tayo sa temporary economic crisis na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., may tanong lang iyong ating kasamahan sa media ano po. Tanong ni Joseph Morong ng GMA News, regarding daw po sa fuel subsidy: How long do you think the P6,500 will last a public utility driver given that the oil prices increases have not ceased yet? And the other 2.5 billion—kung may source daw po itong money?
DOF ASEC. ALVAREZ: Opo. So iyon nga po ‘no, iyong excise taxes na ating nakukolekta, doon po natin binibigay, ang portion of it is para po sa ating mga subsidy. So five billion po ang ating naka-allocate na po sa kanila, nauna na po iyong three billion at titingnan po natin as we go along kung hanggang saan natin kailangan mag-provide ng subsidy. Pero ang estimate po natin as of this moment, enough na po ang five billion para po dito sa sumusunod na subsidies na kailangan natin. Kasi siyempre, hindi na rin naman po natin alam kung ano ang mayroon sa future so we will adjust accordingly pero hindi po talaga natin sinasang-ayunan ang overall suspension ng excise tax kasi mas malaki po ang magiging epekto noon kaysa sa magbigay tayo ng subsidy temporarily.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., may panawagan din po na i-revive daw po iyong transitory provision ng TRAIN Law na ‘pag umabot na po ng threshold ng 80 dollars per barrel ay sususpindehin na ang excise tax, ano po ang reaksiyon ng Department of Finance dito?
DOF ASEC. ALVAREZ: Opo. Iyon nga po ‘yung sinasabi natin ‘no na hindi rin po tayo sang-ayon kasi nga po ‘pag ginawa po natin iyan, ‘pag ginawa po nating automatic ang pag-suspend ng excise taxes, in the long run mas malaki po ang magiging epekto niyan sa atin kasi iyong ating economic growth at government spending naka-attach nga kung magkano ang nakukolekta natin in terms of revenue.
So sa mga panahon na katulad ngayon, ‘pag in the future ginawa mong automatic iyong suspensiyon, wala ka nang mabibigay na subsidy sa poor. So basically ang binibigyan mo ng subsidy iyong mas mayayaman kasi sila iyong binibigyan po ng relief sa pagtanggal mo ng excise tax.
Kasi again sinasabi nga natin, ‘pag mas marami kang kinukonsumo, mas malaki ang iyong binabayaran; iyong mahihirap mas maliit iyong kinukonsumo nila so ang gusto natin, sa kanila natin ibibigay iyong subsidy na binabayaran noong mga mas matataas iyong kinukonsumo.
So kung tatanggalin mo iyon or automatically suspend mo siya, ‘pag sa future nagkaroon ka ng ganitong sitwasyon, iyong mayayaman mayroon silang relief sa excise taxes pero iyong mahirap, wala ka ng pondo para bigyan sila ng subsidy. So iyan iyong magiging inequality na sinasabi natin sa taxes ‘pag hinayaan natin na automatic iyong suspension of fuel excise taxes.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec, irirekomenda po ba daw ng Department of Finance kay Pangulong Duterte ang pagpapatawag ng special session sa Kongreso para daw po matugunan itong patuloy na pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo?
DOF ASEC. ALVAREZ: Opo. So, sa ngayon po iyong ating executive branch, nagdi-discuss po tayo internally with the Economic Development Cluster kung paano po natin puwedeng maibsan at sila po ngayon ay nakikipag-coordinate kay Pangulo kung ano po ang ating next step. So, sa ngayon po, wala pa po tayong impormasyon kasi we are still in the process of discussing the budget and how we can improve iyong ating efficient targeted subsidies for our social services.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Mela Lesmoras ng PTV: Kailan po muling haharap ang Economic Development Cluster ng Gabinete kay Pangulong Duterte, sa Talk to the People po ba mamaya? Anu-ano daw po ang mga bagong rekomendasyon na ilalatag ng Finance Department sa Presidente bilang tugon sa oil price hike?
DOF ASEC. ALVAREZ: Opo. Wala po akong impormasyon sa schedule ng Gabinete. Pero maaari po siguro ang PCOO baka mayroon po kayong impormasyon na puwedeng makuha. Kasi Office of the Cabinet Secretary ang nagha-handle niyan. So, pasensiya na po, wala po kaming impormasyon doon.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Margaux Gonzales ng SMNI News: Ano po ang sagot ng DoF sa apela daw po ng BPO Industry na iurong ang deadline para sa pag-aalis ng work from home set up arrangement? Sabi daw po ng ibang senador na kailangan maging open minded tayo at hindi dapat mawala ang work from home set-up. Apela po ng BPO industry na magkaroon daw po ng six month extension for them to properly transition sa onsite. Ano kaya ang take dito ni FIRB (Fiscal Incentives Review Board) Chairman, Secretary Dominguez?
DOF ASEC. ALVAREZ: Opo. So, doon po sa usapin ng work from home, in general, wala naman tayong problema sa work from home, prerogative naman po iyan ng mga kumpanya. Ang sa atin lang po, mayroon po kasing difference iyong mga kumpanya na nag-o-operate outside of an ecozone or a freeport zone at saka iyong companies na nag-o-operate sa loob ng freeport zone. Iyong mga kumpanya na nasa labas ng ecozone, nagbabayad po iyan ng corporate income tax. So wala po tayong isyu kung paano nila gustong gawin ang kanilang business.
Pero iyong nasa loob po ng ecozone, hindi po iyan nagbabayad ng tax. Mayroon po silang income tax holiday or 5% tax for all taxes. So, hindi sila nagbabayad ng local government tax, hindi sila magbabayad ng VAT. Wala po silang binabayaran. Ang law po na iyan, nakaakibat po iyan na puwede ka lang mag-benefit sa tax free kung nasa loob ka ng ecozone. Isang halimbawa po iyong duty free. For example kapag pumunta ka sa Clark Freeport Zone, puwede kang mamili sa loob ng duty free ng wala kang tax, kasi nasa loob ka ng Freeport zone. Ganoon din po iyon, kung ikaw ay isang kumpanya na nag-o-operate sa loob ng freeport zone, wala kang Tax. Pero kapag lumabas ka na sa freeport zone, mayroon ka ng tax.
So ganoon din po iyon, kung gusto po nilang mag-operate outside of the ecozone, puwede naman po, pero kailangan nilang mag-register as a normal corporation paying the corporate income tax. Kung ayaw nilang magbayad ng tax, kailangan po under the law, mag-operate sila sa loob ng ecozone. So, iyon po iyong ating sinasabi sa kanila. Wala naman po tayong problema sa work from home. Ang isyu po natin, iyong sa ecozones at saka doon sa fairness doon sa mga wala sa loob ng ecozone. Kasi kapag hinayaan mo silang mag-operate outside the ecozone, eh di wala na pong basis iyong kanilang tax incentive. So doon po nanggagaling ang FIRB.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec, bago tayo magtapos, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan. Go ahead po, ASec?
DOF ASEC. ALVAREZ: So, the DOF po is still committed to pushing iyong ating fiscal reforms at saka po iyong economic growth. So, sa ngayon po na panahon ng pandemya at saka global crisis, kailangan po natin talagang makipag-usap sa isa’t isa para po maintindihan natin saan po ba nanggagaling, at iba’t ibang departamento.
At para po sa amin, temporary lang naman po ito. Kumbaga buong mundo naman po ay medyo may hinaharap na krisis sa ngayon at malalampasan po natin ito, basta lang po tayo, we do our share of tightening our belt and we just work with each other. So that, you know, we do what we can to save and to help iyong mas in need, kasi ang goal po natin is to have economic recovery, para iyong mga nawalan ng trabaho makahanap sila ng trabaho at iyong mga mas mahihirap mabigyan natin ng subsidy. So at the end of the day, iyon pa rin po ang ating goal.
So, maraming salamat din po na binigyan ninyo kami ng opportunity to clarify and to give our point of view para po mas magkaintindihan tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin, Assistant Secretary Paola Alvarez, ang spokesperson ng Department of Finance. Mabuhay po kayo.
DOF ASEC. ALVAREZ: Thank you/maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, ito po ang ikalawang linggo ng pagpapatupad ng lingguhang case bulletin ng bilang ng mga nagpupositibo sa COVID-19.
Umabot na po sa 64,540,840 ang kabuuang bilang ng fully vaccinated. Iyan po ay ayon sa datos ng last March 13, 2022.
Mula March 7 hanggang March 13, 4,131 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa. Ang average na bilang na nagpositibo sa linggong ito ay nasa 590, mas mababa po ito ng 35%, kung ikukumpara sa mga kaso noong Pebrero 28 hanggang Marso 6.
Sa mga bagong kaso, tatlo (0.7%) ang nadagdag sa severe and critical cases. Samantala mayroon naman naitalang 591 na bilang ng nasawi sa nagdaang linggo.
Pinaigting po ang bakunahan para maprotektahan ang ating bayan. Iyan po ang pinatunayan ng DOH sa ika-apat na malawakang National Vaccination Day sa bansa. Kaya sa punto pong ito makakausap natin si Health Undersecretary Myrna Cabotaje. Magandang umaga po, Usec?
DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky at sa lahat ng nanunood sa Laging Handa ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Usec, Sa ngayon po ay ano ang assessment ng DOH dito sa ika-apat na National Vaccination Day sa Bayanihan Bakunahan Part 4? Ilan na daw po ang nabakunahan?
DOH USEC. CABOTAJE: Nakita naman natin na ibinuhos po ang lahat ng makakaya ng ating mga vaccination teams – iyong ating LGU, iyong ating DOH at iyong mga national government agencies, including iyong ating uniformed personnel, iyong ating private sector, pati na iyong simbahan para dalhin ang bakunahan sa mga mamamayan. Nandiyan ang house to house at stall to stall sa mga nagpunta sa mga palengke, pumunta sa mga work places, nag-bakuna nights sa mga BPOs, tapos mga simbahan.
Pero dumating talaga tayo sa puntong kailangan nang hanapin at kumbinsihin na magpabakuna ang ilan kasi nag-aatubili silang magpabakuna, dahil sa edad daw nila, hindi na nila kailangan. Hindi daw kailangan, kasi pababa na at wala na iyong mga kaso, mayroon pa ring fear of side effects. Sa kabuuan, tama naman iyong ating mga ginawa na dalhin ang bakuna sa home and work places. We were able to meet – kasi nag-extend tayo hanggang ngayon – as of yesterday, 1.4 million doses na po ang naibakuna sa Bayanihan Bakunahan Part 4.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, extended po itong Bakunahan Bayanihan Part 4 sa ibang rehiyon mula ngayon hanggang Biyernes? Tama po ba ito? At ano po iyong target age group o population natin dito sa extension?
DOH USEC. CABOTAJE: Pinagbigyan natin ang hiling ng ibang mga rehiyon at saka ibang mga LGUs na ituloy iyong kanilang bakunahan hanggang ngayong umaga, Tuesday, para sa general population iyong ating first doses, tapos iyong ating booster doses. Pero magri-re-strategize sila ngayon at kahapon para mapaigting iyong A2. So ang A2 ay i-extend natin hanggang Biyernes para may special focus sa bata at iyong mga kailangang pataasin pa iyong kanilang coverage ng A2.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na po iyong tanong ni Caroline Bonquin ng CNN Philippines: Saan po sa Mindanao ang pinakamababa ang naging pagbabakuna ng ating National Vaccination Day Part 4? Ilan pa po ang unvaccinated doon?
DOH USEC. CABOTAJE: As usual ang pinakamababa po ang BARMM, 31% lang iyong kanilang nabakunahan. Out of their 84,000 target, mga 25,000 po ang naabot nila. Target nila, ang naabot nila tapos sumusunod po ang Region XII na mababa po iyong kanilang nakita.
Sa mga probinsiya naman ang tinitingnan natin ay ang Lanao Del Sur at saka ang Lanao Del Norte na kailangan tutukan, of course, ang BARMM po, buong BARMM po at lahat ng probinsiya.
USEC. IGNACIO: Opo, dagdag lang pong tanong ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines, although nasagot na ninyo na ito baka may dagdag po kayo: Bakit daw po hindi naabot ang target na P1.8 million vaccinees?
DOH USEC. CABOTAJE: Nakita na natin aside from iyong nag-aatubili, there is complacency and then there is hesitancy, may konting pag-ulan sa IX, X, XI, XII, hindi nakalabas iyong mga nagbakuna, hindi rin nakalabas iyong magpapabakuna. In some areas there were flooding during Friday and Saturday.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa kabila po ng mas maluwag na restrictions at mas kakaunting naitatalang cases ng COVID-19, kailan po kaya Usec., ang susunod na National Vaccination Days?
DOH USEC. CABOTAJE: Baka hindi na tayo magkaroon ng National Vaccination Day, mas focused na sa mga probinsiyang kailangan ng tulong, doon ibubuhos, hindi na parang general na lahat kasi iyong iba naman ay napakataas na may 70% coverage na ng kanilang fully vaccinated pati iyong kanilang A2.
So, ang tututukan na lang natin iyong mga iba’t-ibang lugar lalung lalo na iyong mga siyudad na hindi nakakamit ng kanilang parameters na fully vaccinated at least 70% at at least 70% to 80% iyong kanilang A2.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., maabot pa kaya natin itong 90% vaccination coverage sa araw na iyan o sa mga susunod na linggo? Ayon po kasi kay Dr. Rontgene Solante, na isang infectious specialist, dapat daw po munang maabot ang 90% vaccination coverage bago daw po tayo mag-shift sa Alert Level Zero. Ano po ang reaction ninyo dito Usec.?
DOH USEC. CABOTAJE: Ginagawa nating by area, maganda ba iyong ating na-cover dito sa NCR. Kahit na nga sa NVD part 4 pangalawa sila sa pinakamaraming nabakunahan although konting-konti na lang iyong kanilang mga target marami pa silang nai-ambag na pagbabakuna.
So, we may go by area kaya iyong Alert Level 2 to Alert Level 1 and Alert Level 1 to Alert Level Zero na pinag-uusapan. Kaya po ang ating tutok ay sana iyong mga main cities ay maabot to Alert Level 2 to Alert Level 1 tapos iyong ibang populated provinces iyon din ang ating tutukan sa mga susunod na araw para bumaba din ang mga kaso nila at mapataas iyong kanilang coverage.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Cresilyn Catarong ng SMNI News: Kumusta po iyong datos ng bakunahan sa bansa at sa NCR alone sa percentage ng nababakunahan kontra COVID-19? Masasabi po ba nating handa na ang Metro Manila na isa-ilalim sa Alert Level Zero?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang fully vaccinated ng NCR ay nasa 103, ang na-booster na natin ay 29.74% ‘no, ito iyong kanilang focus sa Bakunahan Bayanihan part 4 na taasan iyong mga booster shots at ginagawa na natin lahat ng work places pinuntahan natin. I think they will be ready to go to Alert Level Zero pero kailangan pa rin natin ituluy-tuloy iyong ating pagkamit ng mataas na coverage ng booster shoots dito sa NCR.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po tungkol dito Usec., sa Bakuna mula po sa CoronaVac o Sinovac: Kailan po sisimulan ang pagbibigay nito sa pediatric population sa bansa?
Ganito rin po ang tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Kasama na rin po ang paggamit ng Sinovac sa adolescent population?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang ating FDA ay nagpalabas ng kanyang approved EUA for Sinovac noong March 11 for children 6 years and above. Kaya ngayon ginagawa na natin iyong implementing guidelines with inputs from our experts ‘no, gagamitin na natin iyan for 6 years and above.
Parang pareho din sa paggamit natin ng five years and above, kailangan titingnan natin mabuti kasi ang nasa EUA ng Sinovac are for healthy individuals, healthy children so baka hindi kasama iyong ating mga with comorbidities. So, iyon ngayon ang pag-uusapan at pina-finalize natin iyong mga guidelines together with our experts.
USEC. IGNACIO: Opo, magkaugnay po, iyong tanong nina Lei Alviz, ng GMA News at ni Leila Salaverria ng Inquirer: Gaano karaming Sinovac vaccine pa ang nasa stockpile ng pamahalaan at ilan daw po ang balak bilhin ng gobyerno for pediatric use?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang gagamitin ng para sa pediatric pareho lang po ng formulation ng adults, hindi kagaya ng Pfizer na may reformulated kasi spike protein na concentrated, dito sa Sinovac, kung ano iyong dose at saka iyong formulation sa adult iyon din ang dose ng mga bata.
So, we do not need to buy additional Sinovac, we have enough on stock, inaayos lang natin iyong messaging para maintindihan ng tao bakit pareho ang pagbigay ng adult at saka ng children sa Sinovac samantalang sa Pfizer ay iba. So, iyon ang kailangan na mas maganda iyong pag-explain ng ating mga experts at iyong ating mga health workers.
USEC. IGNACIO: Opo, dagdag pang tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Sa pag-apruba ng Sinovac sa pediatric vaccination ikinukonsidera po ba daw ng pamahalaan itong pag-cut sa mga order ng bakuna na reformulated Pfizer o panatilihin pa nito iyong current order ng bakuna na galing daw po sa Pfizer?
DOH USEC. CABOTAJE: Konti lang ang inorder natin na Pfizer, we have 15.5 million children according to the PSA na five to eleven, ang inorder lang po natin ay 15 million. So, ibig sabihin that will be for 7 million children kasi dalawang dose iyan, then we might consider additional 5 million.
So mga 20 million that will cover about 10 million children ng two doses. The Sinovac will also provide additional quantities for the children and their parents who may not want to use the Pfizer and they use the Sinovac. So, we are not cutting down kasi konti naman talaga ang ating inorder pa, we didn’t order for the entire 15.5 million children.
USEC. IGNACIO: Opo, kamakailan nga po ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, makakatanggap ng mga bakuna kontra COVID-19 ang ilang Asian at African countries na donasyon po mula sa ating bansa. May changes po ba iyong sa decision na ito ni Secretary Duque?
DOH USEC. CABOTAJE: Wala, tinitingnan lang natin iyong we exact numbers. Kasi may mga expiring tayo na short shelf life ng Sputnik V, puwede nating magamit iyong nasa regional offices na, iyong mga nasa RH use kasi in-extend iyong kaniyang shelf-life ng 3 buwan.
Pero sa dami ng ating bakuna, may konting preference din iyong mga tao ituloy natin mas kokonti nga lang ang ibibigay natin ng donasyon sa ibang country na gumagamit ng Sputnik sa mga nangangailangang mga bansa na kulang din iyong kanilang mga bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Anu-ano daw po ng brands ng bakuna ang handang i-donate ng Pilipinas sa Asian at African countries, Usec.?
DOH USEC. CABOTAJE: They’re looking at Sputnik because of the reasons that I mentioned earlier. We are looking also at possible Moderna doses not because hindi ginagamit ang Moderna, marami tayong stock ng Moderna at marami pa tayong ibang stock ng ibang bakuna.
So, we may be looking at Moderna na mag-expire in two months marami pa naman tayong stock na hindi pa aabutin ng dalawang buwan ang expiry. So, iyon ang iiwan natin sa atin.
USEC. IGNACIO: Tanong po ni Mark Fetalco, ng PTV: May connection daw po ba ang mababang turn out kung bakit magdu-donate ng COVID-19 vaccine ang Pilipinas sa ibang bansa?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, kasi may slow uptake but also nagsabay-sabay iyong ating mga bakuna ‘no, they gave us enough vaccines donations. Initially mga 40 million ang nakalaan na donation ng Philippines pero umaabot na iyan sa 70 million. Tinanggap natin sa umpisa kasi wala nga tayong kasiguraduhan kung kailan dadating at kung dadating ba iyong mga donation at pati iyong ating mga prinocure (procure).
Alam naman natin noong umpisa hirap tayong magkaroon ng normal regular supply, so we accepted the donation just in case hindi dumating iyong ating mga nabiling supply, eh sunud-sunod namang dumating noong November, December, January. Hindi lang iyong binili ng gobyerno pati iyong binili ng ating local government units at saka mga private sector doon din dumating at nagsabay-sabay. At alam naman natin na sa panahon na ito bumababa na iyong ating mga kaso, mayroon iyong nag-atubili, iyong hesitant, walang urgency na magpabakuna, so may slow uptake. So, nagkaka-related iyong mga circumstances na iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: On track pa rin po kaya ang government sa target nito na maka-fully vaccinate ng 70 million people by the end of the month? If no, ano po ang gagawin ng government para ma-address ito at ano ang magiging consequence kung hindi po maku-complete ang nasabing target?
DOH USEC. CABOTAJE: Kagaya ng naipakita natin at nasabi mo kanina, Usec. Rocky, nasa 64.5 million iyong ating fully vaccinated individuals, so hanggang tatlong linggo, halos tatlong linggo dapat maka-5.5 million tayo, that is about one to two million a week. Sa palagay natin, maaabot natin kaya nag-request ang ating mga iba-ibang regions at saka iyong mga local government units to continue vaccinating. Kung hindi man eh di, we will go by different area kung sino iyong mabilis magbakuna at saka kung sino iyong kailangan magbakuna. Hopefully, we can reach 70 million by March.
USEC. IGNACIO: Usec, paano po ba daw iyong magiging sitwasyon ng ating bansa kung sakaling itutuloy itong Alert Level Zero? Paano po iyong magiging mukha ng bakunahan kung sakaling itutuloy po ang pagpapatupad ng bagong alert level system sa mga susunod na linggo o buwan?
DOH USEC. CABOTAJE: Tuluy-tuloy pa rin ho ang bakunahan. Tataasan po natin iyong coverage. Kung ngayon sa Alert Level 1 ay 70%, taasan na natin para mag-Alert Level Zero lalung-lalo na iyong mga pagbabakuna ng ating senior citizen. Ang gagawin na lang natin ay really bring the services for accessible sa pagtutulungan ng local government unit at saka iyong ating mga private partners. At maging regular, may mga post na puwedeng puntahan kung sino ang gustong magpabakuna. So, tuluy-tuloy pa rin ang pagbabakuna.
Alam naman natin bumababa ang immunity natin, nagwi-wane iyong immunity habang tumatagal iyong time na nagpabakuna tayo. So, the boosters are also there para mapalakas iyong ating proteksiyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Cresilyn Catarong ng SMNI News: Posible daw po kayang tanggalin na ang mandatory na pagsusuot ng facemask at iba pang safety protocol sa pagpapatupad ng Alert Level Zero?
DOH USEC. CABOTAJE: Iyan, nasabi na ni Secretary Duque na baka puwede nang alisin iyong pagma-mask unless iyong mga matataong lugar and 3Cs site kagaya ng mga kapag pumunta ka sa mga ospital, sa mga health facilities kailangan naka-mask pa rin. So, iyong ibang minimum public health protocols huwag ho nating kalilimutan. Iyong distansiya, kung magkakakilala puwedeng magkakalapit at kung magkakapamilya. Kung hindi naman magkakakilala, kailangan may kaunting distansiya. Kailangan pa rin nating ituluy-tuloy iyong ating ventilation, importante iyan at saka iyong paghuhugas. Pinaka-importante iyong ating hygiene also.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health.
DOH USEC. CABOTAJE: Thank you. Good morning.
USEC. IGNACIO: Thank you po.
Naniniwala si Senator Bong Go na posibleng magtatag ng Metro Davao Development Authority o MDDA. Ayon sa Senador, siya ay umaasa na ang panukala ay maipatutupad ngayong buwan.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, pinakamainit na balita mula sa ating mga rehiyon ihahatid sa atin ni Ched Oliva mula sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ched Oliva mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
At diyan po nagtatapos ang isang oras nating pagsasama. Maraming salamat sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Hanggang bukas pong muli. Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center