SEC. MARTIN ANDANAR: Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corps.
Bago ang Talk to the People Address ni Pangulong Rodrigo Duterte Roa, kagabi ay inatasan ng Punong Ehekutibo si Finance Secretary Carlos Dominguez III, na taasan ang cash subsidy na mula P200 ay gawin itong P500. Ito ay sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.
Sa kanyang pagharap sa Talk to the People muling nanawagan ang Pangulo sa mga miyembro ng New People’s Army na sumuko na. Kaugnay nito, pinuri niya ang magandang programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict or NTF-ELCAC. Ipinaliwanag din ng Pangulo kung paano ang Ukraine crisis ay makakaapekto sa supply ng langis sa bansa.
Ini-report kagabi ni Health Secretary Francisco Duque na nananatiling minimal risk classification with low-risk health care utilization rates sa buong bansa at sa lahat ng mga rehiyon. Sa covid-19 update naman nasa 3,431 ang mga bagong kaso mula March 15 to March 21, 2022. Ang average na bilang ng mga kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 490 as of March 20, 2022. Nasa 2.7% ang ating positivity rate.
Samantala, ipinaliwanag ni Secretary Duque, sa talk to the people kung bakit nananatiling mababa ang case trend sa Pilipinas. Una, ang consistent compliance natin sa minimum public health standards. Pangalawa, nasa 72% na ang fully vaccinated sa 90 million target population as of March 20, 2022.
Sinusugan naman ni Secretary Carlito Galvez Jr, ang sinabi ni Secretary Duque. Iniulat ng vaccine Czar na ang Pilipinas ay mas malakas na wall of immunity. Dagdag ni Secretary Galvez, lumakas ang ating immunity wall dahil sa types of vaccine na ating dineploy. Ang pagbibigay bakuna at booster shots at natural immunity.
Speaking of vaccines, sa usaping bakuna as of March 21, 2022, nasa mahigit 70 milyon na ang naka-first dose habang nasa mahigit 65 milyon na ang naka-complete dose o fully vaccinated ayon sa covid-19 vaccination dashboard habang nasa mahigit 11.5 million ang naka-booster shots. Over-all nasa mahigit 140 million na ang total doses administered.
Sa mga tsikiting na edad lima hanggang labing isang taong gulang, mahigit 624,000 ang fully vaccinated. Samantalang ang mga batang dose hanggang disi-siyete anyos nasa higit 8.8 million na ang fully vaccinated as of March 21, 2022.
Pumunta naman tayo sa ating mga lolo at lola, nasa mahigit 6.5 milyon na ang fully vaccinated seniors as of March 21, 2022.
Magandang balita naman ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nasa tatlong siyudad na lamang sa bansa ang nasa ilalim ng granular lockdown.
Sa ibang mga bagay, masayang balita: Ang Pilipinas po sa ngayon ang pangalawang pinakamasayang bansa o happiest country sa Southeast Asia. Ito ay ayon sa 2022 World Happiness Report ng Sustainable Development Solutions Network.
Samantala, bumaba ng 700,000 ang mga Pilipinong nagsasabing sila ay mahirap. Mula 45% or 11.4 million noong September 2021 ito ay naging 43% or 10.7 million noong December 2021. Alam namin na mataas pa rin po ito, kaya naman ang aming prayoridad ay ang muling pagbangon ng ating ekonomiya para mas maraming Pilipino ang magkaroon ng trabaho at hindi magutom.
Para maiangat ang pamumuhay ng ating mga kababayan, ito po ang mga Duterte Legacy: Nilagdaan ng Pangulo noong 2019 ang Republic Act Number 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program Act. Isa itong Duterte Legacy dahil na-institutionalize nito ang 4Ps. At mula
P62.67-B noong 2016, tinaasan ang budget nito hanggang umabot sa P106.80-B in 2021. Malaking tulong ito sa ating mga kababayan lalo na sa panahon ng pandemya.
Bago po tayo pumunta sa tanong ng Malacañang Press Corps, kasama natin ngayon si DSWD Spokesperson Irene Dumlao.
Magandang tanghali sa iyo, Irene.
DSWD SPOKESPERSON IRENE DUMLAO: [garbled] sampu ng ating kasamahan at katuwang sa paghahatid ng impormasyon sa atin pong publiko.
SECRETARY MARTIN ANDANAR: Dalawang bagay lang po, Spox Irene, una po, kailan po magsisimula ang distribution ng cash subsidy na ginawang P500 ng Pangulo?
DSWD SPOKESPERSON IRENE DUMLAO: Secretary Martin, sa sandaling matanggap po ng ating ahensiya ang opisyal na kasulatan hinggil sa pamamahagi ng subsidiya na kinakailangan po natin to execute this directive of the President, kasama na po diyan iyong pagbaba ng pondo mula sa Department of Budget and Management, makapag-umpisa na po tayo sa distribution nitong tulong pinansiyal.
Sa kasalukuyan, tayo po ay nakikipag-ugnayan sa Department of Finance hinggil dito at habang hinihintay nga po natin ang opisyal na kasulatan, pinaghahandaan na rin po ng DSWD iyong ating internal guidelines hinggil sa financial assistance upang matiyak po na magiging maayos at mabilis iyong ating pamamahagi ng tulong.
SECRETARY MARTIN ANDANAR: Spox Irene, pangalawa, ayon sa huling SWS Survey, nasa 11.4 million ng ating mga kababayan ang nagsasabing sila ay mahihirap. Ano pong government interventions ang ginagawa ng inyong ahensiya para maiangat ang buhay ng mga mahihirap?
DSWD SPOKESPERSON IRENE DUMLAO: Secretary Martin, kagaya nga po ng nabanggit ninyo, bagamat bumaba nang bahagya ang numero ng mga nagsasabing sila ay mahirap, we still recognize na dapat magpatuloy iyong ating paghahatid ng tulong upang tuluyan na nga po nating masolusyunan itong problema ng kahirapan.
Ang DSWD ay isa lamang po sa mga ahensiya na tumutugon sa isyu ng kahirapan at kagutuman sa ating bansa kung kaya nga po patuloy tayo sa pagpapatupad ng ating mga Social Protection Program and Responses na naglalayong tumugon sa isyu na ito. Kabilang na po diyan, Secretary Martin, iyong ating Pantawid Pamilyang Pilipino Program na nabanggit ninyo po, iyong ating Sustainable Livelihood Program, KALAHI-CIDSS, Supplementary Feeding Program, iyong ating Assistance to Individuals in Crisis Situation ganoon din po iyong ating Social Pension for Indigent Senior Citizens. Ganoon din iyong ating mga iba pang programa na naglalayong solusyunan iyong problema sa kagutuman at nutrisyon.
Ganoon din po, kabahagi ang DSWD sa Inter-Agency Task Force on Zero Hunger na naglalayon na magpatupad o tinitiyak na magpatupad tayo ng whole-of-nation approach at whole-of-government approach sa implementasyon ng mga programa at strategies na naglalayong labanan po iyong malnutrisyon at kagutuman lalo na sa panahon ng mga kalamidad at masiguro iyong seguridad sa pagkain at mai-promote din po iyong sustainable agriculture sa ating bansa.
So, sa pamamagitan po nito makakatiyak po tayo na iyong problema sa kahirapan at kagutuman ay maa-address po natin.
SECRETARY MARTIN ANDANAR: Irene, bago ka magbitiw, kasama natin si Usec. Rocky.
Usec. Rocky, please come in.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Secretary Martin. Good afternoon, Secretary Martin at kay Director Dumlao.
Ang una pong tanong mula kay Cresilyn Catarong ng SMNI: Secretary, inanunsiyo na daw po ng PDP-Laban na pormal nang inendorso ng partido si Senator Bongbong Marcos. Pero puwede po ba raw makahingi ng confirmation from the Palace na iniendorso na ni President Duterte si BBM as president? Similar question po iyan with Kris Jose ng Remate/Remate Online at ni Racquel Bayan ng Radyo Pilipinas.
SEC. ANDANAR: Mas maiging tanungin ito sa pamunuan ng PDP-Laban dahil ako po ay tagapagsalita ng ating Pangulo at hindi po ng PDP-Laban. Pero nangako po si Pangulong Duterte ng clean, honest and credible elections.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow up pong question ni Cresilyn Catarong: Ano daw po iyong nakitang katangian ni Pangulong Duterte kay BBM para masabing kuwalipikado siyang maging pangulo ng bansa?
SEC. ANDANAR: Again, mas maganda siguro na tanungin natin si Pangulong Duterte dahil hindi po iyan napag-usapan kagabi doon sa TTP, sa Talk to the People at kahit doon sa side line hindi po namin napag-usapan ang tungkol sa pulitika or tungkol sa hakbang na ginawa ng PDP-Laban.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod na tanong mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Kailan po kaya masisimulan ang distribution ng monthly ayuda na 500 pesos? Magkano po ang kakailanganin at saan po kukunin ang pondo para po maibigay ang dagdag na 300 pesos monthly aid sa beneficiaries? Similar question with Mela Lesmoras ng PTV at Ivan Mayrina ng GMA News.
SEC. ANDANAR: Thank you, Usec. Rocky. I would like to direct the question to Spokesperson Irene Dumlao. Irene…
DSWD DIRECTOR DUMLAO: Maraming salamat po, Usec. Rocky. Gaya nga po ng nabanggit ko kanina, tayo po ay nakikipag-ugnayan sa kasalukuyan sa Department of Finance hinggil nga sa ayuda na ipapamahagi natin sa ating mga kababayang mahihirap. Gayun din po, kasalukuyan nating inaantabayanan ang opisyal na kasulatan kasama po iyong pondo na ibababa ng Department of Budget and Management para makapag-umpisa na tayo sa pamamahagi ng tulong na ito. And at the meantime, binabalangkas na ng DSWD iyong mga panuntunan nito upang matiyak natin na magiging maayos at mabilis iyong pamamahagi ng subsidiya.
USEC. IGNACIO: Thank you, Ma’am Irene.
Tanong pa rin po mula kay Ivan Mayrina ng GMA News: Follow up question. What is Finance Secretary Carlos Dominguez referring to when he told the President na magkakaproblema tayo after six months? What are we giving up by increasing the subsidy to 500 pesos? Secretary Martin…
SEC. ANDANAR: Ang tinutukoy po ni Finance Secretary Carlos Dominguez ay kung saan ito kukunin, itong 300 pesos na extra budget para sa ating vulnerable sector. At ang sabi naman ng Pangulong Duterte ay gawin ang lahat para makakuha ng pondo – kung ano mang paraan iyon ay kailangan makabuo tayo ng 500 pesos sa kada beneficiary doon sa tumatanggap ng 4Ps. At sinabi rin ni Presidente na ang susunod na administrasyon na ang mangangasiwa at sila na ang bahala kung papaano ito mababayaran.
USEC. IGNACIO: From Mela Lesmoras ng PTV: Secretary Andanar, four out of ten Filipino families consider themselves to be poor according to December 2021 SWS survey. Ano po ang reaksiyon ng Malacañang dito at sa loob ng tatlong buwan, ano po kaya ang puwedeng gawin ng pamahalaan para matulungan ang mga mahihirap na Pilipino?
SEC. ANDANAR: Gusto kong tawagin ulit si Spox Irene Dumlao ng DSWD para sagutin ang tanong na iyan. Spox…
DSWD DIRECTOR DUMLAO: Secretary Martin, kagaya rin po ng nabanggit ko kanina, patuloy na ipinapatupad ng DSWD ang iba’t ibang programa nito – iyong ating mga social protection programs and responses – upang makatulong na tugunan at solusyunan ang problema ng kahirapan at kagutuman. Sabi ko rin po, tayo ay kabilang sa mga ahensiya ng pamahalaan na kabahagi ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger employing the whole-of-nation and whole-of-government approach na kung saan ang bawat miyembro ng IATF or Task Force on Zero Hunger ay nagpapatupad ng mga iba’t-ibang programa at serbisyo para sa ating mga kababayang lubos na nangangailangan. Nakakatiyak po tayo na mabibigyan natin ng appropriate na response itong issue po na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Director Dumlao.
Secretary Martin, tanong mula kay Job Manahan ng ABS-CBN News: President Duterte said in his address to the nation that unused funds for Bayanihan II have already been returned. Magkano po ito? Saan mostly naka-allot and kailan po ito ibinalik?
SEC. ANDANAR: Tama naman, lahat ng unobligated or unused funds ay sinosoli sa ating National Treasury. Kung magkano iyong kabuuang halaga na iyon, bawat ahensiya, bawat departamento ay may sinoli na pondo – most of the departments and agencies at least ‘no. So kung ang tanong [ay kung] magkano iyong eksaktong pondo na sinoli, siguro mas maiging tanungin natin ang National Treasury dahil nasa kanila iyong datos niyan.
USEC. IGNACIO: From Llanesca Panti ng GMA News Online: Secretary Martin, kasama po ba ang mass media sa public service na puwede nang under 100% foreign ownership equity under the amended Public Service Act?
SEC. ANDANAR: Wala pa po tayong kopya ng batas, in transit pa po ito papuntang Malacañang Records. We will give the members of the media a copy once it is available.
USEC. IGNACIO: From Jinky Baticados ng IBC-13: Iniuutos po ng Pangulo ito nga pong 500 na dagdag ayuda sa mahihirap. May sapat po bang pera ang gobyerno para dito at saan daw po kukunin ang pondo?
SEC. ANDANAR: Iyan po ang pinag-aaralan ngayon ng Palasyo kaya nga po kinausap ni Pangulong Duterte si Finance Secretary Dominguez para sabihan siya, na ito ang gustong halaga ni Pangulo – 500 pesos – at iyan naman ay pinag-aaralan ngayon ng Department of Finance. But by hook or by crook ay kailangan po talagang mabigyan ng 500 pesos ang bawat beneficiary.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya: What is the Palace’s take with regards daw po to the statement of former Spokesperson Harry Roque that the President could be a potential negotiator for Russia-Ukraine conflict since the President has a good longstanding friendship with Russian President Putin. Also, please elaborate to what the President said that there might be a Chinese invasion. Should Putin resort to a nuclear war?
SEC. ANDANAR: Eh kung hihilingin po iyan ng mga world leaders eh maaari naman po. The President’s remark, our remarks on the Chinese invasion is his personal assessment. We cannot second-guess the President. Kaya I will ask the President about that remark.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Susunod pong magtatanong si Trish Terada ng CNN via Zoom.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi. Good afternoon, Secretary. Sir, just a follow up po doon sa endorsement ng PDP-Laban for Mr. Bongbong Marcos, sabi ninyo po itatanong kay Presidente. So, does this mean na hindi pa po klaro kung si Presidente mismo ay sinusuportahan din iyong pagkandidato ni Mr. Marcos?
SEC. ANDANAR: The PDP-Laban just like any political party is composed of members and officials – that is a collegial decision as a political party. But the President himself has not given any statement on the issue or if he is not supporting this or that president. So hintayin na lang po natin si Pangulong Duterte kung ano ang kaniyang personal na desisyon. At again, iyong desisyon na iyon ang PDP-Laban ay base sa kanilang napag-usapan sa partido.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: But, sir, he is an official of the party – the Chair in fact so—and nakikinig din po itong PDP-Laban kay Pangulo. So hanggang ngayon hindi pa rin po iyan malinaw talaga kung si Pangulo has a hand in this or hindi malinaw kung alam ni Pangulo po itong endorsement ng PDP-Laban?
SEC. ANDANAR: Tama ka. Ito ay malinaw na desisyon ng partido, pero hindi malinaw kung ito rin ang gusto ni Pangulong Duterte.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Okay. Sir, over the weekend, COMELEC hosted iyong presidential debates kung saan absent po si Mr. Bongbong Marcos and we noticed that an hour ahead of the COMELEC debates, PCOO started airing your interview with Bongbong Marcos. Sir, hindi ba parang problematic iyong scheduling in the sense na parang it appears na nagko-compete with COMELEC in terms of airtime na, instead of focusing the attention sa COMELEC nahahati doon? And in a way, does this make up for the absence of Mr. Marcos?
SEC. ANDANAR: I don’t know if it makes up for the absence of Senator Marcos in the COMELEC debates. The decision of PTV is an organizational decision. So siguro mas maiging tanungin natin ang management ng PTV kung bakit alas-sais ng gabi ng Sabado nila inere? Ganoon din, kung bakit din nila inere, two days before si Mayor Isko Moreno at sa mga susunod pang mga schedule ng The Chat Room.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So, from your end, Sir as the Secretary, you don’t think that it has a problem or you don’t see any problem with it na halos kasabay po siya ng COMELEC debates?
SEC. ANDANAR: I give my agency heads their elbow room to manage their own affairs. So, sa puntong iyan, marami namang executives diyan sa PTV ang mayroon na ring karanasan sa pagma-manage ng network, and I give it to them. Kaya siguro mas mainam na sagutin nila kung ano iyong logic, ano iyong rationale na inere nila an hour before the COMELEC debate.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, iyong BIR sinisingil po si Mr. Marcos, iyong family nila ng P203 billion unpaid estate taxes. But, in an interview he said, there’s a lot of fake news involved in his families unpaid taxes. How does the Palace want to respond to this accusation that it is fake news?
SEC. ANDANAR: That is a question that should be answered by the camp of Senator Bongbong Marcos. I am not his spokesperson. Siguro tanungin natin, si Atty. Garcia? Sino ba iyong spokesperson ni Ginoong Marcos?
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Atty. Rodriguez, Sir. Sir, but the problem here, he is accusing the government. He is essentially accusing a government institution of spreading fake news, accusing na mali ito. Hindi po ba man lang ipagtatanggol ng Malacañang o ng gobyerno iyong sarili nitong institution laban doon sa akusasyon na iyong gobyerno mismo nagpapakalat ng maling impormasyon, na mali itong ginagawa ng BIR?
SEC. ANDANAR: That is a good question and I will ask the chairman or the commissioner of the BIR kung ano ang kanilang stand patungkol sa isyu or tanong na ito.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: But Sir, how about Malacañang? Because this is an attack, I think, not just to the BIR but to the credibility of the government. It’s an attack to the credibility of the government that handles BIR as well. Hindi man lang po ba ipagtatanggol ng Malacañang or at least stand up on what the BIR is doing and that it’s rightfully collecting what’s due to the government?
SEC. ANDANAR: Let me ask the economic cluster of the Palace. Obviously the question also is bordering on politics and the issues that are going around. Ayaw kong magkomento pagdating sa pulitika, about kay Vice President Robredo o kay Mayor Isko Moreno o kay Ginoong Marcos, kay Senator Marcos. Kakausapin ko muna ang economic cluster, lalung-lalo na si Secretary Carlos Dominguez.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, really one last about that. If we set politics aside, there is actually something that BIR is running after and that’s unpaid taxes, setting politics aside. And hindi ba kailangan po ng gobyerno ngayon ng pera? Why are we not defending the government that, you know, we should be running after unpaid taxes? Kung iyong mga maliliit na tao, we are running after their taxes. Pero ito pong 200 billion, which could contribute a lot to our COVID efforts, to our recovery efforts, bakit hindi po pinagtatanggol at hinahabol? And right now as it sounds, it seems that there is no interest on the [part of] government to at least defend what BIR is doing?
SEC. ANDANAR: Again, let me ask the economic cluster, si Atty. Billy Dulay, Secretary Sonny Dominguez kung ano ang kanilang pormal o opisyal na posisyon dito. Hindi naman po ito napag-usapan sa aming mga meeting, mga side meetings kahapon. So, I will answer you when I have the details of what you’re asking at kung ano rin ang posisyon ng ating economic cluster.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: One last. May vineto po ba si Pangulong Duterte doon sa Public Service Act or did he sign it as is?
SEC. ANDANAR: I don’t have yet the official copy. We are waiting for the act or the law to be given to Malacañang records and once we have it, we will furnish you a copy of that.
Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Martin.
May tanong po mula kay Leila Salaverria ng Inquirer. Ito po iyong tanong niya: Senators said there had been a very serious security breach in the operation of Smartmatic. Smartmatic gave assurance that the elections are safe and that its system was not hacked and neither was the COMELEC. What does the Malacañang think of this issue? Is the Palace satisfied with the explanation provided or does it fear this would affect the credibility of the polls?
SEC. ANDANAR: The National Bureau of Investigation, Leila, is already conducting their own investigation. Hintayin po natin ang kanilang formal report. Thank you.
USEC. IGNACIO: Secretary, paumanhin. Mayroon pong dalawang pahabol na tanong.
Mula po okay Rose Novenario ng Hataw: Ano po ang reaksiyon ninyo sa komento ng netizens na ang inyong panayam kay presidential bet Marcos Jr. ay pagbibigay ng special treatment sa kaniya ng state-run media lalo na at inere ito isang oras bago ang COMELEC-organized debate na hindi niya dinaluhan? Bahagi po ba ito ng trabaho ng Presidential Spokesperson na mag-interview ng presidential candidates? Ito po ba ay isang uri ng paggamit ng government resources to boost their campaign?
SEC. ANDANAR: Number one, thank you for the question, Rose. Ako naman ay hindi tumigil sa aking trabaho bilang mamamahayag noong ako ay naging Secretary ng PCOO at noong naging Spokesperson ng ating Pangulo. At kita naman natin iyan sa Laging Handa, sa Network Briefing News at sa iba pang mga programa na hino-host ko. At iyong The Chat Room ay isang programa ng PTV, at ako ay nagpapasalamat sa kanila na ako iyong kanilang kinuha na host. So very objective po iyong Chat Room.
Ang tanong po namin sa bawat kandidato ay pare-parehas lang po. Wala pong mga isyu na pag-uusapan, ang mahalaga ay iyong maipakita ng ating mga presidentiables ang kanilang plataporma. Before I came here, I was with Ka Leody de Guzman. Na-interview ko na rin po si Senator Manny Pacquiao. Napanood ninyo na si Senator Bongbong Marcos. Napanood ninyo na rin si Mayor Isko Moreno. We have scheduled already Vice President Leni Robredo.
We are very flexible pagdating sa location, so wala pong bias ito. Noong kay Senator Manny Pacquiao, pinapunta po kami doon sa headquarters ni Senator Manny Pacquiao dahil wala po siyang oras na sa studio. Ganoon din po kay Senator Marcos, pinapunta kami doon sa kaniyang opisina o headquarters sa Mandaluyong at kami rin po ay pumunta doon dahil naiintindihan naman namin kung gaano kahirap kumuha ng schedule lalung-lalo na sa mga tumatakbong pagka-pangulo. Sila po ay talagang umiikot sa buong Pilipinas. And we will extend the same requests as long as it is just in Metro Manila because we need to think about the logistical challenges also of the network and the Radio-Television Malacañang.
Now, doon sa tanong mo na tungkol sa pag-iere an hour before, uulitin ko iyong sagot ko: That is management decision, ng PTV. And again, I always give elbow room to my managers. Thank you.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Mag-last question na po ako, Secretary. May pahabol lang na tanong si Ace Romero ng Philippine Star: What is keeping the President or Malacañang from expressing support for former Senator Marcos given that PDP Laban is the party of the President who also serves as its chairman?
SEC. ANDANAR: Thank you, Ace, for that question. You know, that is the President’s decision. Sinabi naman niya right from the very beginning when the media started asking the question, is the President endorsing Senator Bongbong Marcos or any presidentiable for that matter, and the President said that he would rather stay neutral.
To us in the Palace, what is important to us is that our President remains very relevant. Our President is not following the footsteps or the path of the tradition that the President becomes [a] lame duck or when the President’s endorsement becomes a kiss of death because to the contrary, we have seen that even Vice President Leni Robredo is open for the endorsement of the President; Senator Bongbong Marcos is also asking for the endorsement of the President. Kanina si Ka Leody ay nakausap ko at siya ay bukas naman kapag siya ay inendorso ni Presidente Duterte. And that only goes to show that our President did a good job and remains to be a very influential person if presidentiables, left and right, are asking for his endorsement.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Martin. Thank you, Director Dumlao. And thank you, Malacañang Press Corps.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Usec. Rocky, at sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps.
Dito po nagtatapos ang ating press briefing. See you again on our next briefing. Stay safe and healthy. Tandaan: Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ang anumang pagsubok.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center