Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Audrey Gorriceta


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

AUDREY GORRICETA: Magandang umaga, Pilipinas. Sa ngalan po ni PCOO Undersecretary Rocky Ignacio, ako po ang inyong lingkod, Audrey Gorriceta. Ngayong araw ng Huwebes, atin pong pag-uusapan ang bagong inamyendahang Public Service Act. Kakamustahin din natin ang sitwasyon ng presyo at produksyon ng mga lokal na produkto sa ating agricultural sectors, at ating aalamin ang mga pinakabagong impormasyon patungkol pa rin sa bakunahan at iba pang usapin na pangkalusugan.

Kaya mga kababayan, manatiling nakatutok at maging alerto gamit ang mga impormasyong hatid namin sa inyo. Simulan na natin ang talakayan dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong Public Service Act kung saan pinapayagan na ang 100% ownership ng mga foreign investors sa mga public services tulad na lamang ng mga telecommunications. Upang bigyan tayo ng karagdagang impormasyon at paglilinaw tungkol sa nasabing batas, makakasama po natin ngayong araw ang OIC ng Department of Information and Communications Technology, Secretary Emmanuel Rey Caintic. Good morning, Secretary.

DICT OIC SEC. CAINTIC: Good morning, Audrey.

AUDREY GORRICETA: Sec., ano po ang kahalagahan ng pagsasabatas ng amended Public Service Act partikular sa telecommunication sector?

DICT OIC SEC. CAINTIC: Dahil sa pag-amyenda ng PSA, nagpapahintulot na sa … ng kinakailangang mga updates sa batas na higit mga walumpung taon nang delayed ‘no. Dahil dito, magiging destination ang Pilipinas sa mga foreign investments.

Ang isa sa mga features ng batas na inamyendahan ay ang pagkakaroon ng pagpapahintulot ng 100% na foreign ownership sa mga serbisyong pampubliko, kabilang na rito iyong mga telecommunication sector. Para mas mapadali ang pagpasok ng mga investments mula sa iba’t ibang bansa, niluwagan na ang mga foreign equity restrictions. Makakatulong ito sa ating pag-unlad ng ating foreign capital at saka mga serbisyong pampubliko. Inaasahan natin na makakapasok itong mga malalaking players [mula] sa iba’t ibang mga bansa at makakapagdagdag ng serbisyo. Tayo na lang ang isa sa mga—tayo na nga lang siguro ang nahuhuli sa ating mga ASEAN neighbors; matagal nang natanggal itong restrictions na ito.

AUDREY GORRICETA: Sec., makakabuti po sa mamamayan iyong marami tayong option pagdating sa telecommunications. Pero may nagsasabi po na baka raw magkaroon ng security issues itong pagbibigay ng 100% ownership sa foreign investors lalo na kung telcos ang pag-uusapan. Ano po ang masasabi ninyo rito?

DICT OIC SEC. CAINTIC: Una, Audrey, kinikilala ng batas mismo ang risk na ito, iyong security risk ng pagkaroon ng 100% ownership kung kaya may mga probisyon na nagsisiguradong talagang ligtas tayo sa mga ito.

Isa-isahin ko ‘no. Una, maaaring bawalan o itigil ng Pangulo ang kahit anumang investment kung makikitang may kaugnayan ito sa isang state-owned enterprise. Pangalawa, mayroon din tayong ISO at saka cyber-security audit na gagawin sa mga kumpaniyang papasok. At pangatlo, mayroon tayong reciprocity clause na magpipigil sa mga foreign nationals na magmay-ari ng higit 50% ng capital sa mga critical na imprastruktura, maliban na lamang kung galing sila sa bansa na tayo ay may reciprocity agreement din. At pang-apat, minamandato na magkaroon ng independent evaluation para ma-monitor kung sang-ayon pa ba sa kalidad at serbisyo ang mga [garbled] ang mga kumpaniyang pinahintulutan natin.

AUDREY GORRICETA: Okay. Secretary, mayroon pa po bang ibang bill na planong ipasa upang suportahan naman ang nilagdaang Public Service Act? Ano pa po ba iyong mga plano ng gobyerno para tiyaking maisasagawa ito nang maayos?

DICT OIC SEC. CAINTIC: Ang kaakibat nito ay iyong ating inaasahan na Retail Trade Liberalization Act ‘no na naglalayon na ang batas na ito ay higit mapasigla ang ating ekonomiya lalung-lalo na sa mga … para sa mga negosyo. Bukod sa dagdag trabaho, pagtaas ng kalidad ng serbisyo at pagbaba ng presyo sa mga produkto, magkakaroon tayo ng mas madaling pagpapalitan ng mga teknolohiya at kaalaman ng mga magiging kasosyo ng Pilipinas.

Makakaasa tayo na ang DICT ay patuloy na maglilingkod sa inyo. Mayroon din tayong sinusulong na SIM Card Registration Act na sana mga early April ay maipasa natin. Layunin ng batas na ito ay matulungan ang ating mga law enforcement agencies na mahuli ang mga sangkot sa mga iligal na gawain gamit ang cellphones at SIM cards. Sa pagsasabatas nito, mababawasan na ang mga text scams, phishing, misleading advertisements pati na rin ang mga fraudulent sales/promotions.

AUDREY GORRICETA: Secretary, sa usapin naman po ng eleksyon: Ano po ang inyong masasabi regarding sa lumabas na isyu na security breach umano sa Smartmatic Incorporated na service provider sa sistemang gagamitin natin sa nalalapit na eleksyon?

DICT OIC SEC. CAINTIC: Unang-una, klaruhin ko lang na ang eleksyon ay the independent jurisdiction of the Commission on Elections. Sila lang po ang ahensiya ng pamahalaan na pinapahintulutan ng ating Saligang Batas na mangunguna at mag-conduct ng elections pati na rin ang mga aktibidades nito.

Pero itong usaping data breach, nakikipag-ugnayan tayo with Comelec and the National Bureau of Investigation. At kung lumabas man sa imbestigasyon na mayroong paglabag o mayroong nag-leak at may nag-breach ay hahatulan natin ng kaso iyong mga nasangkot dito.

Inatasan na rin natin, ng DICT, ang ating National Privacy Commission na ipagpatuloy ang pagsiyasat sa isyu upang tiyaking managot ang data privacy officer ng Smartmatic kung sakaling may paglabag ito.

AUDREY GORRICETA: Sec., base po sa inyong pag-aaral at obserbasyon, ano po iyong mga expected problems to be encountered sa araw ng eleksyon? At ano po ang plano ninyo upang maresolba ang mga isyu na ito?

DICT OIC SEC. CAINTIC: Tulad ng sinabi ko kanina, ang Comelec ang talagang nagsasagawa ng eleksyon. Pero ang tulong ng ating DICT ay ang, una, iyong precinct finder kung saan mahahanap ng mamamayan kung saang presinto siya dapat bumoto; pangalawa, doon din natin …makikita din ng mga mamamayan natin iyong results, iyong Comelec election results.

So sistema ito ng Comelec, hinu-host lang ng DICT. Ang ating tulong dito is, number one, iyong hosting; pangalawa, tayo po ay patuloy na nagbu-vulnerability assessment and penetration tests sa mga websites na ito.

Nakikipag-ugnayan din tayo tuluy-tuloy sa Comelec para masiguradong makatulong tayo sa kanilang cyber-security monitoring at mabantayan kung mayroon mang mga gustong umatake sa kanila.

AUDREY GORRICETA: Okay, Secretary, kunin na lamang po namin ang inyong mensahe para sa taumbayan lalung-lalo na po doon sa may pagsasabatas ng amended Public Service Act.

DICT OIC SEC. CAINTIC: Okay. Una sa lahat, doon sa Public Service Act, ikinagagalak talaga ng DICT at ng ating gobyerno ang pagpasa nito. Ang inaasahan natin dito, magkakaroon tayo ng magagandang serbisyo, posibleng malaking pagbaba ng ating mga telecommunication costs at internet costs kung saan kinakailangan natin sa panahon ng pandemya at higit pa.

Asahan natin na patuloy ang ating pagsigurado na magiging ligtas ang ating bansa sa mga cyber-security issue. Kabilang na rin dito iyong pagdating ng eleksyon, tuluy-tuloy ang ating pakikipag-ugnayan sa Comelec at sa mga law enforcement agencies. Tinataasan natin at hina-heighten natin ang ating security posture lalung-lalo na na palapit na ang eleksyon. Kung may mga naririnig kayong mga [garbled] o mga problema, sabihin ninyo lang, at talagang tutugunan natin at titingnan natin.

May mga nabuo na rin tayong istratehiya at saka task force with Comelec para talagang mabantayan natin nang husto ang ating eleksyon. Huwag tayo sanang magpadala sa takot at kaba, at sa mga misinformation. Pinag-iigting natin ang ating awareness campaign para magkaroon ng kumpiyansa ang ating publiko sa nalalapit na eleksiyon.

AUDREY GORRICETA: Okay. Maraming, maraming salamat po sa inyong oras, Department of Information and Communications Technology Secretary Emmanuel Rey Caintic. Mabuhay po kayo.

DICT OIC SEC. CAINTIC: Maraming salamat po.

AUDREY GORRICETA: Samantala, bilang bahagi ng pagpasok sa new normal, iginiit ng Malacañang na kasalukuyan nang ipinatutupad ng pamahalaan ang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na 10-point policy agenda.

Sa ilalim ng Executive Order No. 166, kabilang sa mga polisiyang ito ay ang pagpapalakas pa ng healthcare capacity ng bansa, pagpapalawak ng vaccination program at ibayong pagbubukas ng ekonomiya at transportasyon. Ganoon din ang pagbabalik ng face-to-face learning, pagbabawas ng restrictions para sa domestic travel at pagpapagaan ng requirements para sa international travel. At kasama rin dito ang pagpapaigting ng digital transformation sa bansa, ganoon din ang emergency measures ng mga kinauukulan pati na rin ang pagbabago sa decision-making metrics ng gobyerno at medium-term preparation para sa pandemic resilience.

Hindi maiiwasang ma-expose sa iba’t ibang hazards sa trabaho ang mga manggagawa lalung-lalo na ang mga nagtrabaho sa medical field, kaya naman suportado ni Senador Christopher Bong Go ang pagsusulong ng mga batas na makatutulong at makasisiguro sa kaligtasan ng mga manggagawa.

Ang detalye sa ulat na ito:

[NEWS REPORT]

AUDREY GORRICETA: Mga kababayan, sa punto pong ito ating alamin ang pinakahuling balita ukol sa pamamahagi ng fourth dose ng bakuna sa mga vulnerable groups at ang posibleng pamamahagi ng taunang COVID vaccination. Ang mga impormasyong iyan ihahatid sa atin ni Dr. Benito Atienza, presidente ng Philippine Medical Association.

Doc, magandang umaga sa iyo.

Muli po, Doc, magandang umaga sa iyo. Dr. Atienza?

PMA PRES. DR. ATIENZA: Magandang umaga po sa inyong lahat na mga nakikinig at sa mga nanunood po sa ating Laging Handa.

AUDREY GORRICETA:  Okay. Doc, una po naming katanungan: Ano po ang inyong reaksiyon tungkol sa pamamahagi ng fourth dose o sinasabing second booster shot ng vaccine para sa ating vulnerable sector?

PMA PRES. DR. ATIENZA: Kaya nga po ang inaano po natin ay marami pa po tayong mga paalalahanan. Mayroon po daw mga two million pa tayong mga seniors at saka ito pong mga immunocompromised na hindi nababakunahan, sana mabakunahan po sila. Tapos itong ating mga booster doses, iyong third dose, pinaka-third dose ay marami pa na hindi nababakunahan sa general population.

Sabi nila mga 11 million pa lang ang nabigyan ng boosters, kaya hinihikayat po natin. Kaya po tayo nagkaroon ng National Vaccination Days Part 4 ay para maengganyo po iyong mga vulnerable. Ito iyong nasa priority list po ng dapat mabakunahan ng boosters kasi, as of now marami po tayong mga bakuna at iyon po ay kailangan na lang nilang pumunta sa mga health centers.

At saka mamaya pong hapon, may meeting po kami ng DOH at puwede na po, ilalatag po ng DOH ang mga requirements para sa mga clinic na puwede na pong magbigay ng mga bakuna sa mga private clinics sa buong Pilipinas po. Iyan po ay para sa ganoon ay wala na pong agam-agam at hindi na po mahihirapan ang ating mga kababayan, lalo na iyong 18 and above na magpabakuna kasi magiging available na po sa mga clinics.

AUDREY GORRICETA: Doc, tama po kayo ‘no sapat ang ating mga bakuna. In fact, mamimigay pa nga tayo ng bakuna sa ibang mga bansa. Ano naman po iyong masasabi ninyo para sa ating mga elderly at iyong mga immunocompromised citizens na mayroong agam-agam na magpaturok muli ng isa pang dose? Paano ninyo masisiguro, Doc, sa kanila na ito ay ligtas at kailangan nila?

PMA PRES. DR. ATIENZA: Iyan po nga, kaya nga po sinasabi natin lahat ng vaccination centers may mga doktor doon. Kung nabigyan kayo ng first at saka second dose wala namang reaksiyon eh di, mas wala pong magiging problema iyong third dose. At sinasabi po naman natin na pagbakuna po niyan ay niri-review po uli ang inyong history, ini-examine po kayo at saka mayroon tayong post-vaccination assessment. Nag-i-stay po kayo. Lalo na po ngayon na puwede nang magbigay ng bakuna mismo iyong doktor sa clinic.

Kung maaayos po natin with the Department of Health and LGU, ang mga gamot po ay manggagaling sa DOH at sa tamang temperatura ng mga refrigerator namin sa mga clinic ay mabibigyan po. Ina-assure po iyon ng ating DOH at saka ng LGU. Kasi ang pinakamagaling po na magbigay ng payo sa inyo ay mismong inyong doctor, kasi sila ang nakakaalam ng inyong health.

AUDREY GORRICETA: Okay. Doc, ano naman po ang mga pinakahuling balita o update ukol sa planong yearly COVID vaccination sa bansa? Medyo magastos po ito. Ganito rin po iyong tanong ng ating kasamahan sa media na si Red Mendoza ng Manila Times: Ano daw po iyong opinyon ng PMA sa posibilidad na ito?

PMA PRES. DR. ATIENZA: Kasi po katulad po lang ng [flu]. Hindi ba iyong flu po nag-umpisa tayo mga years back, mga 10 years nagkaroon ng flu. Kasi iyong flu ang effectivity ng flu every year iyon kasi nag-i-expire every December, kaya ngayon darating na ang flu natin ay bago na every year. It will depend sa ating mga scientist na nagma-manufacture ng ating vaccine at saka depende po doon sa magiging resulta after pandemic.

Ang question natin, ito bang COVID-19 mawawala na after magbakuna lahat o magkakaroon ng mga variant? Kasi una po, nag-i-improve iyan at kung minsan siguro ang susunod na bakuna mayroon nang specific para sa ibang variant. Kasi ang variant ay nagbigay anyo, nag-ibang ano po iyong COVID. Kaya iyong variant na iyon dapat specific para doon sa bakunang idi-develop ulit nila. At mangyayari iyan depende sa mga scientist natin kasi aanuhin nila kung anong mangyayari kasi nag-i-improve naman ang ating mga bakuna. Katulad po ng mga bakuna natin ngayon na kaya binibigay yearly. It will depend po sa magiging development ng virus at saka noong para sa bakuna.

AUDREY GORRICETA: Okay. Doc, sakaling matuloy po iyan ano po ang isinasagawang paghahanda ng ating gobyerno at ng mga partner organizations para diyan?

PMA PRES. DR. ATIENZA: Kung maaano po iyan, ganoon din po, kailangan po tayong magpabakuna uli. Kasi katulad po iyan ng flu na dapat every year nabibigyan po tayo. Depende po sa pag-develop ng bakuna. Ano po iyan eh, bumababa ang ating antibodies against doon po sa antigen, kasi ano po iyon antigen/antibody reaction. Ang ating antigen, iyong sakit tapos tayo ang magpo[garbled] ng antibodies kapag na-expose po tayo doon sa sakit. Kaya po ang inaano lang po natin dito sa COVID inuunahan na po natin (para hindi po) tayo magkaroon ng … ma-expose sa COVID may panlaban na tayo na antibodies. Hindi na natin hihintayin na tayo ang magdi-develop ng antibodies doon sa sakit.

Ganoon po iyon, inuunahan natin na mag-develop tayo ng antibodies para kapag nagkaroon po tayo ng antigen, iyong sakit ay malalabanan na po natin o may panlaban tayo ganoon po iyon. At sa COVID po tandaan natin may bakuna ka o hindi puwede kang magka-COVID pero hindi ka maa-admit o mamamatay sa COVID kasi naka-prepare na iyong body mo.

AUDREY GORRICETA: Okey Doc., karagdagang katanungan po mula kay Red Mendoza, ng Manila Times. Itutulak pa rin ba ng TMA ang buwanang bayanihan bakunahan  para maabot ng bansa ang target nitong 70 milyon na nabakunahan sa pagtatapos ng buwang ito?

DR. BENITO ATIENZA: Yes po, kasi pinagpapatuloy po namin at saka doon sa Bakunahan na Part 4 nga iyong National Vaccination Days ay in-unfold na po natin ang ibig sabihin nasa grass root level na po ang bakuna. Kaya, ang tao na lang ang pupunta para sila ay mabakunahan di ba?

Inumpisahan na po iyong multi-special clinic noong last February tapos itong Marso nga nilulunsad namin iyong mga bakunahan sa individual clinic ng mga doktor na maging available para sa ganoon wala na silang agam-agam o ano po na hindi makapagpabakuna gawa ng pagtatrabaho.

Kahit anong araw puwede na iyan, tapos iyon pong fine kung magpapakonsulta sila mabigyan na rin po ng bakuna. Iyan po iyong aim natin na kahit sa mga bus station ibinibigay na po iyan. Sa mga pharmacy na, mga legitimate pharmacy, drug store iyong mga malalaking drug store sa buong Pilipinas.

At itong darating na April po ay National Vaccination day natin o iyong mga ano natin sa … iyong expanded program of immunization. Ito po ay napakahalaga kasi hindi lang po naman sa COVID ang binibigyan natin ng bakuna. Alalahanin po natin na iyong ating mga kabataan na zero to two na mga ipinanganak during the pandemic marami po diyan ang hindi nabakunahan.

Kasi, nag-lockdown, ang mga magulang hindi makalabas, tingin ko this is the best time na magpabakuna po sila. Kasi pagka-anak po ng baby binibigyan po natin automatic iyong BCG at saka iyong Hepatitis B after one month and a half, six weeks binibigyan po natin six in (unclear) tetanus at saka hepatitis B, it’s influenza type B para sa Meningitis at saka Pneumonia.

Iyan po ay napakahalaga kasi iyan ay mga preventable diseases na maiiwasan sa pagbabakuna, iyon po ang pinahalagahan natin diyan. Sa tanong na after this COVID, even after pandemic po dapat po pahalagahan natin ang pagbabakuna.

AUDREY GORRICETA: Okey, tama kayo diyan Doc. Doc., para po sa nalalapit na election 2022, kaliwa’t kanan na po iyong mga nagaganap na election campaigns at nakikita naman natin na talagang dinudumog ito ng mga supporters. Ngayon pong mag-uumpisa na rin iyong local campaigns, ano po ang paalalang nais ninyong ibahagi sa ating mga kababayan?

DR. BENITO ATIENZA: Katulad ng sinabi ko po kahapon doon sa aming health connect, pang 10thedition namin iyon kasama namin diyan ang Department of Health, kasama natin ang mga Pharmaceutical Industry at saka itong Philippine Foundation for Vaccination ay sinabi ko po doon na dapat mag-ingat po tayo.

Kasi nakikita po natin sa ibang bansa na napakasuwerte na nga po ng Pilipinas kasi tayo po ang isa sa pinaka-mababa. Nasa ano lang po tayo – less than 400, 300 cases per day. Ang marami nito nasa NCR iyong 126 kasi ….. iyong ano natin. Kaya nga po, every week na iyong reporting natin at nakikita po natin na malaki po ang nagawa ng pagbabakuna sa ating mamamayan na almost a lot po na 65 milyon na ang nabigyan ng complete dose.

Kaya nga lang po sinasabi po natin na kailangan pang bigyan ang 45 to 50 milyon ng boosters. Kasi nga, sinasabi po natin nagwi-wane na iyong bakuna, bumababa na iyong ating antibodies.

Kaya dapat magpabakuna na po ang ating mamamayan at saka na – ang intindihin natin – kasi ngayon kapag panahon ng tag-init marami po tayong makukuhang ano, sakit. Gaya ng dehydration, iyong mga sakit and kung tayo po ay a-attend nang a-attend ng ganiyan ay baka naman tayo ay maano sa sakit.

Ang inaano po natin during the campaign trace nauubos ang (unclear) sa local ay magkakaroon iyan ng mga house-to-house campaign ganoon. Sana naman ay maiwasan natin – kasi sinabi nga natin iyong mga vulnerable at saka may mga immunocompromised tayo na kamag-anak.

Pag nag-house-to-house baka mamaya walang bakuna pa iyong pinuntahan ninyo nagkaroon ng COVID ay mas ano po iyong chance. Kasi nga dapat sanayin pa rin ng ating mga mamamayan iyong minimum health protocol  na even sa mga campaign place, dapat magsuot ng mask.

Dapat po, walang pupunta doon na may ubo, may sipon, may lagnat. Kasi makakahawa kayo ganoon din po iyong COVID makakahawa kayo and at the same time pag kakain diyan babalikan lang sabay-sabay kung kakain.

Eh kung may COVID na ang isa diyan, magiging superspreader po iyon at saka hindi naman natin tsini-check sa ating mga campaign trace kung may bakuna o wala iyong tao at alalahanin natin ang  na-attain  po natin ang mababang traces ng COVID-19 sa pagtutulungan po ng private, public partnership natin o PPP.

Kaya po sana ipagpatuloy po natin ang mga ginagawa natin, magsuot ng mask palagi, iyong air flow dapat sa mahangin na area kayo huwag kayong magtitipun-tipon, i-ano pa rin po natin ang distansiya.

Dapat hindi sa harap o ano dapat kung uubo ka? I-ano mo sa braso mo para hindi ka makahawa at kung may ubo, may sipon huwag nang um-attend ng sorties. Kung may sakit ka mayroon kang comorbidity huwag kang pumunta doon kasi iyong chance na ma-suffocate ka sa maraming tao hindi ka makahinga doon pag emergency.

Sana po isipin po ng mga organizer iyan na hindi naman po ano – puwede naman sa bahay lang at sabi ko nga hindi pa tayo nakaka-sigurado kasi marami pang mga bansa sa Asya, sa buong mundo ang may surge po ng COVID, hindi natin po alam ang mangyayari.

Ang sinasabi po natin sa ating mga mamamayan huwag po tayong maging kampante, nandidiyan po. Ang sinasabi po namin hindi po ang mga medical front – hindi po kami ang frontliner, kayo po. Kasi, kayo ang una  kami po iyong nasa huli.

Kami po iyong frontliner, pero kami po ang pagod, kami rin sa huli ang sasalo. Kaya nga po kagaya sa mga sundalo kami po iyong nasa huli kasi nga pag may nagkasakit sa inyo sa Doktor po lalapit o sa hospital ay baka mamaya po ay mapuno na muli ang mga hospital natin.

At alalahanin po natin na tag-araw ngayon, maraming may mga sakit sa blood o kaya iyong nadi-dehydrate eh sana piliin ninyo lamang po iyong pupuntahan ninyo. Sana hindi po iyong matao.

AUDREY GORRICETA: Doc., ano pong inaasahan na mangyayari ninyo bilang ng positibong kaso sa bansa after nitong elections? Magkakaroon po kaya uli ng mga malawakang swab testing?

DR. BENITO ATIENZA: Ang inaano po natin sana po wala na.  Ang sinasabi ko nga ibalik natin sa mga tao bakit iisipin natin na magkakaroon ng COVID. Ang isipin natin paano hindi magkaka-COVID.

Unang-una, huwag magtipun-tipon nang napakarami, kasi isang factor iyan. Ang isipin natin paano natin  ime-maintain. Parang mali naman iyong tanong na paghahandaan natin iyong pagdating ng COVID. Bakit? Dapat ang paghandaan natin paano hindi makadadagdag ng kaso ng COVID?

Ang tingin ko ay nasa ating pag-iingat sa ating personal po lalung-lalo na sa mga pulitiko, huwag po natin anuhin sayangin iyong pagkakataon. Maganda na po tayo ngayon, hintayin po natin na makapasok ang ating mga bata…… kasi hindi diyan.

Ang inaano ko diyan, sana iyong mga bata intindihin nila huwag iyong mga rally-rally para ano po? Hindi ba hindi pa nakakapasok sila? Sila iyong vulnerable, kaya dapat bago um-attend ng mga rally pabakunahan iyong mga anak, magpa-booster kayo.

Sana ganoon ang inaano natin – mga pulitiko, magpa-bakuna kayo. Sino ang nagpabakuna diyan? Kasi iyong mga pulitiko dapat iyan ang tumulong para maano po natin na marami pa tayong magiging problema kung marami pa ang hindi nabakunahan at maano po tayo.

Kasi nandi-diyan iyong bakuna, nandiyan na po. Hindi po tayo katulad ng ibang bansa na kulang ang bakuna, tayo po ay sobra-sobra ang bakuna. Kaya hinihikayat po namin na ang lahat po ng wala pang booster ay magpa-booster na.

Kasi, kaya po maraming nagpabakuna noon, noong kasagsagan ng Omicron – nagkaroon tayo ng Omicron saka nila na-realize na dapat pala ako magpabakuna. Ngayon po huwag natin hintayin na magkaroon uli ng surges bago sila magpa-booster o magpabakuna.

Kasi marami pa pong – part po ng mamamayan natin hindi nababakunahan pa rin at naririyan po ang mga bakuna, nasa ating lahat po. Kung nakaka-attend po kayo ng rally eh bakit hindi kayo magpabakuna, ang dali nang pumunta sa center. Eh bakit hindi kayo magpabakuna, ang dali nang pumunta sa center, madali po ngayon. Ngayon baka maging available na nga ang mga bakuna natin sa ating mga private clinics ng mga doctor, iyon na po ang pagkakataon. Samantalahin po natin ang pagkakataon.

AUDREY GORRICETA: Doc, binanggit mo kanina na iyong mga karatig-bansa natin kagaya ng Hong Kong and South Korea ay nagkakaroon muli ng pagtaas ng kaso ng COVID-19. At tayo naman dito sa Pilipinas ay luluwagan na iyong pagpapapasok ng mga banyaga dito sa ating bansa sa mga susunod na buwan. Hindi po ba nababahala dito ang PMA?

DR. BENITO ATIENZA: Lagi naman kaming nababahala eh. Ang ano na nga po natin iyong mga—kasi ‘di ba kaya dumami iyong COVID natin noon nagsinungaling iyong mga tao na hindi sila galing sa ibang bansa, iyong ganoon. Dapat stricter pa natin iyong ano kasi nakukuha na iyong mga sakit sa travel eh. Kaya sinasabi nga namin ngayon kahit po tayo eh maano na ay susundin pa rin natin ang protocol. Kung ikaw ay galing sa ibang country o ano, dapat magpa-test ka pagdating tapos sana ituloy pa rin iyon at saka mag-isolate, mag-quarantine tapos kung may sintomas mag-ano pa rin… iyon ang pinaka-safe at least five days ‘di ba.

AUDREY GORRICETA: Doc, mayroon po ba kayong information kung kumusta naman iyong ating mga health workers dahil kung maaalala po natin months ago, years ago noong kasagsagan ng COVID ay talagang walang pahinga halos iyong mga medical workers natin, iyong mga frontliners. Kumusta na po sila sa sitwasyon ngayon na medyo maluwag na po tayo at mababa na ang kaso ng COVID-19?

DR. BENITO ATIENZA: As of ngayon, nakikita po namin sa mga ospital natin na—[LINE CUT]

AUDREY GORRICETA: Okay, mukhang naputol iyong ating linya ng komunikasyon. Anyway, maraming salamat po sa ibinahagi ninyong impormasyon, Philippine Medical Association President Dr. Benito Atienza. Mabuhay po kayo.

Mga kababayan, manatiling nakatutok sa ating programa. Magbabalik pa po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL]

AUDREY GORRICETA: Bayan, nagbabalik ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Atin namang kumustahin ang presyo ng bigas at atin ding hihimayin ang iba pang issue sa ating sektor ng agrikultura. Atin pong makakasama via phone patch si Assistant Secretary Noel Reyes ng Department of Agriculture. Magandang araw po sa inyo, ASec, Welcome po sa ating programa.

DA ASEC. REYES: Magandang umaga naman. Magandang araw Audrey at sa ating mga nakikinig ngayon sa Public Briefing. Magandang umaga po sa ating lahat.

AUDREY GORRICETA: ASec., ang una po nating katanungan: May pagbabago po ba sa presyo ng mga locally produced na palay, bigas at mga gulay sa ating pamilihan lalo na po ngayon na nagtaasan ang presyo ng mga produktong petrolyo?

DA ASEC. REYES: Ito po ngayon, tungkol naman sa palay kasi panahon po ngayon ng anihan, ang presyo po ng palay ay maganda naman po – nasa disisiyete hanggang disinuwebe – ang disinuwebe naman po, iyan ang buying price ng National Food Authority at maganda naman po sa karamihan sa atin ang palay.

At mapunta tayo sa mga gulay, yes, maganda rin po ang presyo ng pinakbet vegetables po. May kataasan lang po sa presyo ng chopsuey vegetables, kasi hindi pa naman napapanahon po. Iyong summer, ito po ang pinakbet ang pinakamarami ngayon.

At tungkol naman po [sa iba pa], siguro mapunta tayo sa sibuyas ‘no. Maganda po ang presyuhan ngayon, nasa 30 to 35 pesos per kilo po ang pula. Iyan naman po ang karamihan nating tinatanim at inaani, karamihan dito sa Luzon po lalo na sa Nueva Ecija. Iyan po, Audrey.

AUDREY GORRICETA: ASec., patuloy pa rin po ba ang importasyon natin ng bigas at gulay mula sa ibang bansa at hanggang kailan po kaya ito?

DA ASEC. REYES: Iyan pong importasyon ng bigas – hindi po kasama ang gulay ano po – ang bigas ay tuluy-tuloy naman po iyan kasi po iyan po ang nasa batas ‘no. Anybody can import at niri-regulate na lang po ng Bureau of Plant Industry, depende po kung anihan ‘no, nag-i-issue ang BPI kapag anihan na para hindi naman makapag-compete pero tuluy-tuloy po iyan.

At para po, again, para sustained po ang supply ng bigas. Alam ninyo po may kakulangan pa rin po tayo although gumaganda na ang ani ng ating palay mula pa noong 2019 – umabot na ng 19 million metric tons, naging 19.2 na ngayon ay 19.96 noong last year. So umaangat na po, 92% sufficient na po tayo sa bigas kaya lang kulang pa po ng walong porsiyento.

Kaya naman po tayo ay nag-i-import para naman po mas maging stable ang supply at presyo ng bigas sa palengke na ngayon po iyong mga regular milled rice nagri-range ng 36, 37, 38; iyong well-milled rice naman pataas 39, 40, 41, 42; tapos iyong iba naman, iyong mas fancy o premium ay mahigit kuwarenta pesos kada kilo. Iyan, Audrey, ang balita natin.

AUDREY GORRICETA: Okay. Maaari ninyo po bang ipaliwanag sa publiko, ASec., kung ano po iyong inyong mga programa at suporta para sa ating mga magsasaka ngayon?

DA ASEC. REYES: Yes. Unang-una po ngayon ‘no, siguro nabalitaan nila iyong fuel subsidy, iyong fuel discount para sa farmers and fisherfolk ho. Mayroon pong limandaang milyon ang nakalaan na at inuumpisahan na pong ipamigay iyan ‘no. Ang makikinabang po mga mangingisda na siyempre po iyong nakalista na mayroon silang mga motor na bangka ‘no, motorized banca at mga magsasaka ng mais na miyembro ng mga kooperatiba at nakarehistro po sila ‘no, sila po iyong gumagamit ng mga makinarya na nangangailangan naman ng krudo o gasolina.

So mahigit 158, 000 po ang makikinabang nito, makakatanggap po sila ng fuel subsidy ng P3, 000 kada ulo. Iyan po ay ibibigay sa pamamagitan ng card mula sa DBP, iyan po ang katuwang ng Department of Agriculture. At iyan po, ipapakita lamang po iyong ID na iyan sa mga gasolinahan na accredited ng Department of Energy. Puwede po silang magpakarga at hanggang maubos po iyong 3,000 pesos na iyon.

At may karagdagan din po, Audrey, naaprubahan naman ni Presidente noong nakaraang dalawang linggo sa Cabinet, prinisent ni Secretary William Dar na may karagdagang 600 million pa. So sumatotal 1.1 billion ang fuel subsidy para sa mga mangingisda at magsasaka. Iyong 500 million po, ito lang Marso naumpisahan na po iyan last week sa Tacloban. Noong nakaraang araw nandoon po kami sa Zambales pero tuluy-tuloy na po iyan through our regional offices ng DA at ng BFAR.

AUDREY GORRICETA: ASec, ano po iyong pangkaraniwan na natatanggap ninyo na hinaing ng mga farmers po natin at paano po ito sinusolusyunan ng Department of Agriculture?

DA ASEC. REYES: Iyan po ngayon ang pinakamatinding problema, iyong pagtaas ng presyo ng abono, dahil ito po ay fertilizers. Kasi ito po ay by-product po ng oil industry. Kaya karamihan po ang fertilizers ay inaangkat natin sa mga oil producing countries, iyan po ay tumaas po, nag-doble, nag-triple na nga po. So iyan po ang tulong na rin, magkakaroon ng fertilizer subsidy at namimigay na rin po ang DA niyan ‘no, may P4 billion for that. So, again, via vouchers po iyan. So, iyan po ang ina-address na at isa pa, para makatipid sa inorganic fertilizer, iyan po ay nagkaroon kami ngayon ng mga malakihan din na paggamit ng bio and stimulants, para pandagdag, para gumanda pa rin po ang ani, kahit na kalahati po ng inorganic ang ina-apply., ito po idinadagdag naman iyong bio-stimulants at bio-fertilizers po. So, iyan po ang tulong through our regional field officers po.

AUDREY GORRICETA: ASec, tungkol naman po dito sa isyu ng produksiyon ng sibuyas sa bansa. Ano po ang inyong masasabi sa panawagan ng mga onion farmers, particular na po sa may Nueva Ecija na matulungan sila sa pagma-manage at sa proper storage ng kanilang mga produkto?

DA ASEC. REYES: Tama iyan, Audrey ‘no.  May naibigay na kami, ang Department of Agriculture through our regional field officers diyan sa Central Luzon, na sinabi ni director Cris Bautista ang aming Regional Director na limang cold storage facilities para sa mga nagtatanim ng sibuyas, diyan sa Bongabon karamihan ‘no. Pero kulang pa po ito, lima pa lamang ang napapatayo namin at ito po popondohan pa rin, dito sa kasalukuyang taon ng additional cold storage facilities. Iyan po kasi ang talagang daing eh. Pagdagsa ng anihan, napakarami, para maiwasan natin ang pagkabulok, alam naman ninyo, ilang araw lang o linggo, natutuyo na iyan, ang mga onions o sibuyas, ganundin ang bawang. Kaya kailangang may cold storage facilities, para ma-store sila, through the months o succeeding months at para maka-fetch naman ng magandang presyo, two to three months from now. Ngayon bagsak po ang presyo, pero maganda naman po, P30 to P35. At okay na po iyan sa production cost, ang production cost po, depende na lang, nasa P10, P12, P15. So malaki na rin po ang kita ng ating mga nagsisibuyas ngayon.

AUDREY GORRICETA: Tama po kayo, Asec ‘no. Dahil nga sa kakulangan ng storage facility, eh minsan napipilitan iyong ating mga magsasaka na ibenta iyong kanilang mga produkto ng mura.

DA ASEC. REYES: Oo, nababarat sila.

AUDREY GORRICETA: Nababarat sila.

DA ASEC. REYES: Malaking tulong.

AUDREY GORRICETA: Ngayon, ASec, ito pong five storage facilities, ASec, ito po ba ay libre para sa mga magsasaka?

DA ASEC. REYES: Yes.

AUDREY GORRICETA: Paano po nila ito magagamit?

DA ASEC. REYES: Iyan po ay ipinagkaloob sa mga onion growers’ association. Alam po nila diyan sa Bongabon kung saan–saan iyang mga cold storage facilities na iyon. So, kung miyembro po kayo ng mga—alam po ninyong cold storage facility, malapit sa inyo, makipag-ugnayan lamang po sa samahan na doon mismo sila po ang binigyan niyan. So, again, we encourage our farmers to, again, form themselves into cooperatives. Napakadali naman po, dumulog lang po kayo sa Municipal Agricultural Office o kaya mag-text sa amin sa Department of Agriculture at iyan po tuturuan po namin kayong mag-register at mag-organize into a cooperative. Malaking bagay po iyan, Audrey, kasi ang dinadaloy natin, ang mga ayuda, assistance through their groups, hindi individual, para mas madaling kausapin, isang pamunuan lamang ang kinakausap at iyan po, kapag may track record na sila, tuluy-tuloy na po iyan.

AUDREY GORRICETA: Okay, Asec, paano naman po ito susolusyunan ng ating pamahalaan o ng DA iyong mga napapabalita, ito iyong pinag-uusapan natin, iyong wastage ng mga produktong agrikultura sa bansa gaya nga po nang binanggit ninyo kaninang sibuyas?

DA ASEC. REYES: Iyan po ang kailangang-kailangan natin na investments, hindi lamang sa gobyerno, ng national government, pati ang local government. So again, we encourage our local government units, sa munisipyo, city at probinsiya na talagang crop producing, palay producing, corn, livestock or fishery o [unclear] na kailangang mag-invest din po kayo, lalo na ngayon panahon ng eleksiyon, ang daming gustong—lumuluwang, Audrey iyong food security, hindi ba? Iyong pagkain, one of the major political issues, campaign issues. So, again, let’s put our money in our mouth, kumbaga sabi nga nila eh,  bigyan ng malaking pondo ang [unclear] agriculture sector.   Iyan po, so ngayon ang pangangailangan natin, cold storage facility, mga bio-fertilizers at iba pang local feed sources.  Iyan po ang pinagtutuunan ng Department of Agriculture. Hindi po kakayanin ng buong pamahalaang Duterte ang ating pangangailangan dito, kailangan po nandiyan ang local government unit at ang pribadong sector. Sana po ay mag-ambag sila at siyempre panahon na, para sa atin pong mga uupong panibagong   administrasyon, sa local, provincial na pagtuunan ng pansin ang sektor ng agrikultura at pang-isdaan.

AUDREY GORRICETA: Okay, ASec, pahabol kong katanungan mula po sa ating kasamahang si Kenneth Paciente ng PTV News. Ilan na daw po ba iyong nabigyan ng fuel subsidy kung may figures na po kayo?

DA ASEC. REYES: So far, tuluy-tuloy po iyan. Pinuntahan namin sa ano, mahigit limang libo doon sa Zambales. Sa Tacloban, alam ko nasa 1,000 mahigit ‘no. so, ongoing po iyan sa mga probinsya na through our regional field offices. Pero po ang sumatotal ang makikinabang po ng P500 million ay 158,730 farmers and fishermen sa P500 million.  Sa P600 million, siguro similar amount mas malaki nang kaunti at ganundin po 3,000 para mas marami pa ang makinabang sa fuel subsidy. So again, ongoing po iyan, tuluy-tuloy. We will give you the numbers, Audrey as soon as they come in o kung saan na naumpisahan at ilan na ang nabigyan ng fuel subsidy.

AUDREY GORRICETA: ASec, ilang buwan na lamang po ay matatapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ano po ang legasiyang iiwan ng Department of Agriculture sa ilalim ng pamamahala ng Duterte administration para sa ating mga kababayan?

DA ASEC. REYES: Maraming salamat, Audrey sa pagkakataong ito ‘no. Again malaki po. Unang-una sa larangan ng rice industry ng palay, umaakyat na po, umakyat ang ani ng produksiyon ng palay mula   18 million metric tons noong 2016 hanggang ngayon, nasa 19.96, mahihigitan pa po natin this year, aabot iyan ng 20 million metric tons. Sa corn naman ganun din pataas na pataas na, nasa 60%   sufficiency na tayo. Iyong   sa ASF po, sana magkaroon tayo ng good news, maganda rin daw ang testing ng vaccine at nagkakaroon na po tayo ng repopulation efforts sa mga areas sa dating ASF-affected areas, kasama po natin diyan ang local government units at saka mga pribadong malalaking commercial farms. Sa fisheries ganundin po, napakaganda ng ating ani at catch at madadagdagan po iyan. Nagpapagawa na po tayo ng mga malalaking Bangka na 62 footers ng Bureau of Fisheries para naman makapangisda within 16 kilometers ang ating mga municipal fisherfolks. Sa high value crops, ito nga po, mayroong ongoing mango congress dito sa Quezon City, iyan po ang pinagtutuunan namin ng pansin paano sugpuin ang kurikong, iyong [unclear] fly, para mas lalo pang gumanda ang quality ng ating manga at makapag-export, one of the sweetest mangoes in the world ang Philippine Mango. So, ayan po, sa larangan ng agrikultura, marami po tayong nagawang farm-to-market roads at na-maintain na irrigation systems.

Sa coconut po napakaganda, naisabatas iyong Coconut Fund Industry Development Program Law na gagamit sa bilyung-bilyong coconut levy fund. Hintayin lang po natin, marami nang programang nakaabang para sa coconut industry. So, iyan po. Sa kabuuan, ilan lamang po iyan sa legacy ng Duterte administration sa larangan ng agrikultura at pangisdaan.

AUDREY GORRICETA: Okay, maraming-maraming salamat po sa lahat ng impormasyong ibinahagi ninyo sa amin ngayong umagang ito.

Atin pong nakapanayam si Department of Agriculture Assistance Secretary Noel Reyes. Stay safe po, sir.

Samantala, kinumusta naman ni Senator Christopher Bong Go ang serbisyo sa Malasakit Center sa Quirino Memorial Medical Center. Karagdagang pondo para sa mga medical equipment, inabot ng Office of the President. Ang buong detalye tunghayan po natin sa report na ito:

[NEWS REPORT]

AUDREY GORRICETA: At para naman sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan na natin si Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

AUDREY GORRICETA: Maraming salamat sa iyo, Al Corpus.

Pinaigting na kampanya hinggil sa text at online scam ang pangunahing tinututukan ng PNP Regional Anti-Cyber Crime Unit o RACCU sa rehiyon. Karagdagang ulat mula kay Eddie Carta ng PTV-Cordillera,

[NEWS REPORT]

AUDREY GORRICETA: Bukod sa paghakot ng iba’t ibang parangal, patuloy na ipinapamalas ng PTV-Cebu ang unti-unti nitong pagsulong nang mapili ito ng Japan government bilang benepisyaryo ng isang proyekto. Ang report ihahatid ni John Aroa.

[NEWS REPORT]

AUDREY GORRICETA:  Samantala, Roxas Night Market sa Davao City, balik-operasyon na para sa economic recovery program ng lungsod. Ang detalye sa ulat ni Julius Pacot ng PTV-Davao.

[NEWS REPORT]

AUDREY GORRICETA: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.

Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Sa ngalan po ni PCOO Undersecretary Rocky Ignacio, ako po si Audrey Gorriceta. Magkita-kita po uli tayo bukas, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)