Press Briefing

Press Briefing of Acting Presidential Spokesperson and PCOO Secretary Martin Andanar with NEDA Usec. Rosemarie Edillon


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang

SEC. ANDANAR: Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corps.

Muling humarap si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanyang regular Monday Talk to the People address.  Ito ang ilan sa mga naging highlights:

Inumpisahan ang Talk to the People address sa presentation ni Health Secretary Francisco Duque III kung saan inulat niya na nasa minimal risk classification ang buong Pilipinas at lahat ng mga regions habang nasa low-risk naman ang healthcare utilization rates. At sa ngayon, ang Pilipinas ang pangalawang may pinakamababang daily new confirmed COVID-19 cases per million sa buong Southeast Asia

Ini-report naman sa Talk to the People ang kalagayan ng trapik sa Metro Manila kung saan inilatag ni Metro Manila Development Authority Chairman Romando Artes ang kanilang mga rekomendasyon para mabawasan ang traffic volume. Kasama rito ang number coding scheme, daylight saving time, 4-day work week, investment sa teknolohiya, at EDSA elevated walkway at bicycle lane project.

Samantala, nagbigay ng bagong update si Food and Drug Administration Officer-in-Charge Oscar Gutierrez tungkol sa COVID-19 self-test kits.  Labintatlong COVID-19 home self-testing kits ang kanilang inaprubahan.

Sa kampanya kontra iligal na droga, binati ng Pangulo ang matagumpay na operasyon na inulat ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año kung saan mula March 20 to March 26, 2022, umabot sa 453 milyon pisong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ayon kay Secretary Año. Wala pong nasawi sa mahigit isanlibong operasyon na isinagawa.

Sa Taal eruption update: Ini-report ni Department of Science and Technology Undersecretary Renato Solidum ang kanilang naging aksyon tulad ng pagtaas sa Alert Level 3 noong Sabado, March 26, 2022, at ang paglikas ng mga residente sa high-risk barangays.

Nagbigay din ng posibleng scenarios si Usec Solidum tulad ng pag-sustain sa Alert Level 3 kung maulit ang phreatomagmatic activity, ang pagbaba sa Alert Level 2 kung walang phreatomagmatic activity na mangyayari sa susunod na dalawang linggo, at pag-akyat sa Alert Level 4 kung muling magkaroon ng magma intrusion.

Kaugnay nito, iniulat naman ni Office of Civil Defense Assistant Secretary Bernardo Alejandro at Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista ang naging pagtugon ng kanilang mga ahensiya para matulungan ang mga residenteng naapektuhan ng Taal Volcano eruption.

Habang iniulat naman ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez ang assistance na kanilang ibinigay sa mga affected MSMEs, samantalang si Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III ay nagsabing magbibigay ng trabaho ng sampung araw as immediate response sa mga apektadong residente.

Ayon naman kay Department of Education Secretary Leonor Briones na kanilang sinuspinde ang pasok sa labinsiyam na mga eskuwelahan sa permanent danger zones sa Batangas.  Kaugnay nito, sinabi ng Pangulo na kailangan ng normalcy bago papasukin ang mga estudyante.

Nagbigay ulat ang Armed Forces of the Philippines tungkol sa kanilang humanitarian assistance, at nagpahayag naman ng kahandaan ang Philippine Coast Guard para matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.  Ini-report naman ng Philippine National Police ang kanilang pagpapatrolya para maiwasan ang looting.

Handa rin ang quick response team ng Department of Public Works and Highways, kasama na ang kanilang personnel at equipment sa clearing operations ng mga daan, ayon kay Secretary Roger “Oging” Mercado sakaling may mangyaring pagsabog ng bulkan.

Ini-report naman ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo Del Rosario na mayroon 1,123 available temporary shelters sa Batangas at Quezon na puwedeng tuluyan ng displaced families.

Ayon naman kay Department of Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na mayroon silang nakalaan na pitong milyong pisong halaga na immediate government intervention sa kanilang kagawaran para sa ating mga apektadong magsasaka at mga mangingisda na sa ngayon ay evacuees. Dagdag ni Asec. de Mesa, wala pang reported damage sa agrikultura. At kung sakaling magkaroon ng destructive volcanic eruption, may nakahandang dalawandaan milyong piso bilang additional assistance na kukunin sa kanilang quick response fund.

Sa ngayon, ayon kay Department of Information and Communications Technology Acting Secretary Emmanuel Caintic ay wala pang disruption sa telecommunications at internet services sa mga lugar na naapektuhan ng Taal explosion.  Sa ngayon, nag-deploy ang DICT ng mga connect tawag centers sa mga evacuation sites.

Wala ring ulat na power interruption sa ngayon, ayon kay Department of Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, habang ayon kay Department of Environment and Natural Resources Acting Secretary Jim Sampulna na ang air quality sa lugar ay nanatiling good.

Sa usaping bakuna, as of March 29, 2022, nasa mahigit 71 million ang naka-first dose habang nasa mahigit 65.8 million naman ang naka-complete dose o fully vaccinated, ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Nasa halos 12 million naman ang naka-booster shots.  Over-all, nasa mahigit 142-million na ang total doses administered.

Sa mga tsikiting na edad lima hanggang labing-isang anyos nasa higit 850,000 na ang fully vaccinated, samantalang ang mga batang dose hanggang disisiete anyos ay nasa halos 9 million na ang fully vaccinated, as of March 29, 2022.

Pumunta naman tayo sa ating mga lolo at lola, nasa mahigit 6.6 million ang fully vaccinated seniors, as of March 29, 2022.

Bago po tayo pumunta sa tanong ng Malacañang Press Corps, kasama natin ngayon si Undersecretary Rosemarie G. Edillon para po pag-usapan ang ten-point policy agenda para sa kaalaman ng ating mga kababayan. Magandang tanghali po sa inyo, Usec. Rose.

NEDA USEC. EDILLON: Magandang tanghali po, Sec. Martin. Magandang tanghali sa ating lahat.

SEC. ANDANAR: Usec., pakipaliwanag po in layman’s term itong ating ten-point agenda.

NEDA USEC. EDILLON: Opo. Kung inyo pong mamarapatin, Sec., mayroon po akong maigsing presentation na ginawa.

SEC. ANDANAR: Please go ahead, ma’am.

NEDA USEC. EDILLON: Sige po, magsyi-share po ako ng screen. Actually, iyong iba po nito ay nai-present ko na rin po noong dati kasi ito nga po iyong National Action Plan Phase 5 ‘no, na ito na rin ang nilalaman ng Executive Order 166 na inilabas ng ating Pangulo noong March 21. So it’s about accelerating and sustaining socio-economic recovery, ang sabi namin is, you know, para sa isang healthy and resilient Philippines.

So ito po iyong ating naging buhay ‘no nitong past two years na puro mga rules on physical distancing, masking, iyong mga handwashing, iyong mga mobility restrictions. Ito po ay gusto nating mapalitan itong sitwasyon na ito. So gusto natin ng healthy and resilient Philippines na kung saan ang mangyayari ay iyong mismong mga individuals on their own accord will observe proper health standards, protect themselves, tapos sila rin po ang mag-o-observe ng mga healthy lifestyle and active health-seeking behavior. Tapos, they will be prepared to take on iyong non-pharmaceutical interventions na sinasabi natin ‘no to counter a novel pandemic.

So dapat po maintindihan ng ating mga kababayan na kapag bago lang itong pandemic na ito, itong disease, talagang it will take time para malaman natin kung paano siya i-counter. But in the meantime, gawa naman tayo ng non-pharmaceutical interventions.

Tapos, individuals keep themselves informed of possible health threats kaysa mayroon sila ng health scare. Ito ang gusto natin ay constantly [ay] maging informed sila.

Tapos magkaroon tayo ng mga proper ventilation and environmental quality standards sa ating mga workplaces, establishments and even public spaces.

Now, iyon pong lalamanin ng NAP 5 para nga po mangyari ito is kailangan natin ng information, kailangan natin mabigyan ang ating mga kababayan ng health guidelines. Kailangan din natin silang mabigyan ng access to affordable na medical tools tulad po ng mga testing kits, iyong mga to keep themselves healthy, iyong treatment kung sakaling magkakasakit man sila nito and, of course, iyong sa vaccine.

Tapos, iyon din pong mga guidelines nga, iyong para sa mga safe settings and environmental quality. Ano bang klase itong ventilation na pinag-uusapan natin?

And then, dito naman po, kunwari nga po nagkaroon ng pandemic, para naman din maging prepared sila ‘no to take on iyong non-pharmaceutical interventions, kailangan natin ng maayos, very adequate supply of the PPEs, accessible and affordable.

Tapos kailangan nating i-promote iyong financial savings at kailangan mayroon din tayong social protection.

And then, we want businesses and services to continue iyong operations nila.

And of course, ang gusto rin nating mangyari is very temporary ito, so meaning, mayroon tayong dapat science, technology and innovation na sila naman iyong nag-aaral ng paano ba natin ito masusolusyunan para sa ganoon we go back to normal.

And then, we also need to address right now itong long-term adverse effects, at ito nga po iyong whole-of-society approach.

So ito iyong nakapaloob naman sa National Action Plan Phase 5 where we have five objectives. Again, iyong empower and protection of individuals through the proper information; access to facilities, medicines, treatment; ensuring business and service continuity. Iyon pong guidelines na harmonized, streamlined. Tapos iyong, again, addressing scaring; iyong digital transformation na tingin namin ay susi para sa business and service continuity. Tapos iyon nga pong resilience against future health trends.

So, kung atin pong bubusisiin talaga, ito po iyong pagkakatugma ng Executive Order 166 dito po sa National Action Plan Phase 5, na lahat po ito, iyong one to ten na iyan na nakalagay po doon sa EO 166 ay nakapaloob po sa NAP Phase 5.

Pero mayroon pang dalawang important sections in the EO 166. Iyong isa po is Section 2 which actually directs ‘no na kailangan balansehin iyong mga decisions, iyong IATF discussing it with—or consulting actually ‘no. So iyong mga guidelines should be done also with the economic team.

And then iyong Section 3 po is iyong monitoring na inaatasan po ang NEDA na i-monitor iyong compliance and periodically report to the President through the Office of the Executive Secretary, iyong kung ano na iyong nagiging progress natin with respect to iyong mga directives po ng Executive Order 166.

So ito po iyong ano, ito po iyong Executive Order 166 is really to provide that direction, ano iyong dapat nating gawin, iyon nga po, para i-accelerate natin and sustain socio-economic recovery while managing COVID-19 risk.

So iyon lamang po. Thank you very much, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Thank you very much, Usec. Rose. Kung puwede po kayong mag-standby muna at baka may mga karagdagang tanong ang ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps. In the meantime, Usec. Rock, take it away.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Martin. Good afternoon, Usec. Rose, at sa Malacañang Press Corps.

Una pong tanong mula kay Rose Novenario ng Hataw: Ano raw po iyong ibig sabihin ng sinabi ni President Duterte kagabi na, “Nandiyan iyong BIR so tanungin natin iyang BIR bakit hanggang ngayon hindi nakolekta iyong estate tax?” Nangangahulugan ba ito na pinagpapaliwanag niya ang BIR kung bakit hindi pa nasisingil iyong utang na 203 billion pesos estate tax ng mga Marcos gayung final and executory ang desisyon ng Korte Suprema sa isyu? May legal na hakbang ba na gagawin ang Administrasyong Duterte upang papanagutin ang mga Marcos? Similar question with Daphne Galvez ng Inquirer, Jena Balaoro ng GMA News.

SEC. ANDANAR: Good noon, Rose. Hataw kaagad si Rose sa tanong [laughs]. The President only reminded the BIR, Rose, to act on its mandate and that is to collect taxes. Now, ito po iyong transcript, basahin ko Rose ha at mga kaibigan natin sa Malacañang Press Corps. Ito po iyong sinabi ni Presidente: “Sa taxation natin, ang government can only prod. Hindi naman kailangan ng reminder sa Malacañang…” iyon po ang kaniyang sinabi. “Nandiyan ang BIR so tanungin natin ang BIR bakit hanggang ngayon hindi nakolekta iyong estate tax.” Thank you.

USEC. IGNACIO: May follow-up question lang po si Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Is the government seeing a sense of urgency in collecting the estate tax debt of the Marcoses which could be used to fund government’s pandemic response and recovery efforts?

SEC. ANDANAR: Hindi lang sa kung sinong pulitiko o personalidad, aba’y dapat sa lahat na hindi nagbabayad eh habulin ng BIR sapagkat kailangan ng karagdagang pondo ang ating national government. Thank you.

USEC. IGNACIO: From DTV Pilipinas: More than four years since the [unclear] ceremonial switch-on. Is the government still pursuing an analog TV shutoff by 2023? Will the Duterte government still push for the complete digitization of TV signals across the country? What will be the plans of the PCOO to digitize government TV assets?

SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan pagdating sa digital television broadcasting. Now let me just clarify that ang PCOO ay nasa Technical Advisory Committee. Ang katuwang po natin na siya talagang namamahala at siyang sinusunod ng JICA doon po sa Japan ay ang DICT. In fact, nakasama na ako sa ilang meeting with JICA dito sa Pilipinas at doon sa Tokyo at ang DICT ang nangunguna palagi diyan.

Kung tatanungin mo ako as a broadcaster, aba’y dapat lang ituloy natin iyong pag-digitalize ng ating transmission dahil napag-iiwanan na tayo ng ating mga neighboring countries. At hindi lang iyon, tayo ay, ‘ika nga Highway 54, EDSA o Route 66 ng bagyo sa buong mundo at kung mayroon tayong digital broadcasting, ito’y magagamit natin for emergency broadcast tulad ng mga state-of-the-art television network like NHK sa Japan. Thank you.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Giselle Ombay, GMA News Online: Palace reaction daw po regarding daw po sa statement ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate saying that President Duterte’s red-tagging of the Makabayan Partylist was a partisan political ploy against the entire opposition particularly of Vice President Robredo. Similar question with Llanesca Panti ng GMA News Online.

SEC. ANDANAR: Alam naman natin na ang Pangulo ay may access sa lahat ng impormasyon, kasama na ang sensitive information mula sa intelligence community. Naniniwala kaming may basehan po ang mga ito at itong sinabi ng ating Pangulo, ito ay dahil nais niyang maprotektahan ang mga mag-aaral na nasa kolehiyo na hinihikayat na sumali sa kanilang grupo. Thank you.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Susunod na magtatanong po ay si Mela Lesmoras via Zoom.

MELA LESMORAS/PTV-4: Hi! Good afternoon, Secretary Andanar, Usec. Edillon at Usec. Rocky.

Secretary Andanar, unahin ko lang po iyong issue tungkol sa Alert Level System. Magtatapos na ang buwan ng Marso, napag-usapan po ba kagabi itong issue sa alert levels? At kailan po kaya ang magiging announcement ng IATF ukol dito?

SEC. ANDANAR: Thank you, Mela. Hintayin natin ang anunsiyo. Kasalukuyang pinag-uusapan ito, ang nationwide Alert Level 1, kung kailan bababa sa Alert Level Zero kung mayroon mang Alert Level Zero, dahil ito ay napag-uusapan pa. Let’s wait for the final official announcement.

MELA LESMORAS/PTV-4: Opo. And just a follow up, Secretary Andanar, baka po may pahayag din si Usec. Edillon. Is it about time para talagang ipatupad na sa buong bansa itong Alert Level 1 simula nga sa buwan ng Abril? At kung sakali, gaano po ito makakatulong sa ibayong pagbangon ng ating ekonomiya?

SEC. ANDANAR: Usec. Rose?

NEDA USEC. EDILLON: Yes. Thank you and thank you for the question as well.

Well, malaki ang maitutulong nito siyempre sa ekonomiya. But we do understand na kailangan mayroon tayong metrics na sinusunod kasi ayaw naman natin na mag-a-Alert Level 1 ka nga tapos hindi pa pala handa iyong lugar.

Ang isang tinitingnan naming malaking bagay dito talaga ay iyong vaccination rate, especially doon sa mga elderly kasi sila talaga ang pinaka-vulnerable dito.

So, ang gusto natin na pagbubukas ay iyong tipo bang magtutuluy-tuloy tayo. So, iyon ang gusto namin na magiging characteristic ng ating reopening. So, tulad nga ng sinabi ni Sec. Martin, actually we do this on a per province and per independent component city. Iyon ang tinitingnan dito kasi ang gusto talaga natin is kung magbubukas, magtutuluy-tuloy na.  Thank you.

MELA LESMORAS/PTV-4: Opo. At ang panghuling katanungan na lamang po, Secretary Andanar, tungkol naman po kay Pangulong Duterte. Anu-ano po kayang aktibidad niya ang puwedeng abangan ng ating mga kababayan? Sa Talk to the People kagabi, nabanggit niya kasi na gusto niyang dumalaw sa mga lugar na naapektuhan nitong pag-aalburuto nga ng Bulkang Taal.

At may nabanggit din ang PDP-Laban na makakasama na si Pangulong Duterte sa kanilang pangangampanya. May pahayag po ba ukol dito ang Malacañang? Ano po kaya iyong mga public activities niya na aabangan pa ng ating mga kababayan sa huling tatlong buwan niya sa termino?

SEC. ANDANAR: Thank you, Mela. Nasa Cebu Province po si Pangulong Duterte bukas para sa Joint National Task Force – Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict. At ito po ay isa sa pinakamahalagang Duterte legacy na itutuluy-tuloy ng ating Pangulo hanggang June 30, 12:00 noon, 2022. Katuwang iyong ating mga kasamahan na sina Usec. Badoy, sila Usec. Joel Egco na silang mga spokespersons at nangunguna sa ating communication diyan.

Bukas naman ay nandoon din si Presidente sa Cebu Province para sa PDP-Laban campaign rally. If I’m not mistaken sina Mayor Ahong diyan sa Lapu-Lapu ay kasama sina Sec. Mike Dino at ang pamunuan ng PDP-Laban. Thank you.

MELA LESMORAS/PTV 4: Okay, thank you so much po, Secretary Andanar, USec. Edillon at USec. Rocky.

SEC. ANDANAR: USec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes, opo. Iyong unang tanong po ni Alvin Baltazar ng Radyo Pilipinas, natanong na po ni Mela Lesmoras about doon sa pagbisita doon sa evacuation center sa mga apektado ng Bulkang Taal. Iyong second question niya. Bukas nga po inaasahan iyong attendance ni Pangulong Duterte sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cebu. Will he make an official announcement as to who he will endorse sa pagka-presidente?  Similar question po iyan with Rose Novenario. Ang sabi po ni Rose dito, may aabangan po ba ang publiko sa pag-anunsiyo ni Pangulong Duterte, sa kanyang iendorsong presidential bet sa March 31? Dadalo po ba kayo sa nasabing pagtitipon?

SEC. ANDANAR: Una sa lahat, I would like to congratulate our friends from Radyo Pilipinas, si Alvin Baltazar, ang ating napakasikat na reporter diyan, senior reporter. Dahil kayo po ay number four na sa survey sa buong National Capital Region. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, bago tayo pumasok dito at ngayon number four, sila ni Bong Aportadera ang ating director diyan at sampu ng kanyang mga kasamahan, congratulations.

Now, mayroon bang iaanunsiyo si Pangulong Duterte na hinihintay natin tulad ng kanyang endorsement sa 2022 kung sinong presidentiable? Iyan ay inaabangan ko rin, dahil wala naman akong impormasyon, kung talagang magi-endorse si Presidente. But, clearly the President is no lame duck President as I said before, clearly the endorsement of the President is not a kiss of death for any presidentiable, dahil kalalabas lang ng survey, a few days ago   na 72% iyong approval rating ni Presidente, trust or approval rating.  At napakataas niyan for an outgoing president.  No president has ever attained that   high of a rating na pa-exit na. Even si Presidente Noynoy Aquino na mataas iyong kanyang approval rating, hindi ganoon katas, 72. Si Pangulong GMA, Pangulong Erap, Pangulong FVR, si Pangulong Cory Aquino. So, I’m happy for the President that —maraming nagtatanong, maraming nag-aabang, kasi nga it’s a game-changer kapag si Presidente ang nag-endorse.

USEC. IGNACIO:  Opo. Iyong tanong po ni Rose din. Dadalo po ba daw kayo, Secretary, sa nasabing pagtitipon?

SEC. ANDANAR: Ay hindi, hindi ako makakadalo. Tayo ay may ibang mga assignment na dapat gawin.

USEC. IGNACIO:  Opo. Tanong pa rin po ni Alvin Baltazar ng Radyo Pilipinas. Sinu-sino raw po iyong mga kandidatong humingi ng endorsement niya kagabi sa Malacañang?

SEC. ANDANAR: Wala kasi ako doon sa Davao. Ako ay nandito sa Manila via Zoom when I attended the Talk to the People at mini-Cabinet meeting. So, hindi ko masasagot.

USEC. IGNACIO:  Opo. Tanong po ni Trish Terada ng CNN Philippines. Huling Cabinet meeting na po ba ng Pangulo kagabi? Mayroon po bang Talk to the People sa mga susunod na linggo?

SEC. ANDANAR: Palagay ko, hindi pa, tuluy-tuloy si Presidenteng magtatrabaho. Marami pa siyang unfinished business tulad nitong sa NTF-ELCAC, tulad ng ating pagbangon mula sa negative effects ng COVID-19 at iyong pagsiguro na mayroon tayong clean, fair and honest elections this coming May 2022. At napakahalaga na magkaroon ng peaceful transition from   the Duterte Administration to whoever wins the Presidential elections this May.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ano daw po iyong greatest legacy ng Duterte Administration. Tanong pa rin po mula kay Trish Terada ng CNN Philippines?

SEC. ANDANAR: Palagay ko ang greatest legacy ni Pangulong Duterte ay ang pag-una sa interest ng mamamayang Pilipino lalung-lalo na ng mga mahihirap na mga kababayan natin at dahil diyan sa tapang at malasakit na liderato ni PRRD.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol pong tanong, Secretary. Si Marichu Villanueva ng Philippine Star.  Iyon daw pong 72% approval rating, latest survey result, kailan daw po ito and (unclear)

SEC. ANDANAR: Nako, kailangan kong balikan, ASec. Ting, saan na iyong datos natin. Iti-text ko na lang sa iyo, ma’am, kung ano iyong pinaka-link noong survey na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol ni Jena Balaoro ng GMA News. May sked (schedule) na ba ang pangulo sa pag-alis niya sa Malacañang para lumipat sa condo ngayong April. Tuloy po ba ito?

SEC. ANDANAR: Sorry, I missed that question. What was that again?

USEC. IGNACIO: Opo. From Jena Balaoro ng GMA News, iyon daw pong schedule ng Pangulo sa pag-alis niya sa Malacañang para lumipat sa condo ngayong April. Kung tuloy po ba ito?

SEC. ANDANAR: I will ask the President kung tuloy iyan. As far as I know, mas komportable si Presidente sa Davao City.

USEC. IGNACIO: Okay, thank you, Secretary. Thank you USec. Rose and MPC.

SEC. ANDANAR: Thank you, USec. Rocky. Maraming salamat sa lahat ng miyembro ng Malacañang Press Corps.

Dito po nagtatapos ang ating press briefing. See you again on our next briefing. Stay safe and healthy everyone. Tandaan: Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ang anumang pagsubok. Thank you.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)