Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Usaping trapiko, bakuna at insurance program para sa mga manggagawang overseas, ilan lang po iyan sa mga usaping hihimayin natin ngayong araw ng Biyernes, unang araw ng Abril. Manatiling nakatutok mapatelebisyon man o sa ating live stream. Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Epektibo simula ngayong araw ang bagong alert level sa bansa na magtatagal hanggang sa April 15. Kabilang sa mga lugar na nasa Alert Level 1 ang National Capital Region, gayundin ang mga sumusunod na probinsiya at lungsod mula sa Region I, Region II, Region III, Region IV-A, Region IV-B, Region V, Region VI, Region VII, Region VIII, Region IX, Region X at Region XII at kasama po ang Caraga Region.

Samantala, kasama rin sa mga mapapasailalim sa new normal ang mga sumusunod na component cities at municipalities: [naka-flash sa screen]

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa na humigit-kumulang limampung lugar ay mapapasailalim naman sa mas mataas na Alert Level 2.

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na nananatili pa rin siyang neutral hinggil sa usapin ng presidential race para sa Hatol ng Bayan 2022. Ayon sa Pangulo, wala pa rin siyang iniendorsong kandidato sa pagka-pangulo taliwas sa inaakala ng ilan. Sa kaniyang talumpati kahapon sa Lapu-Lapu City, ipinunto ni Presidente na sa kaniyang pag-iikot sa iba’t ibang panig ng bansa, pangunahin niyang layunin ang mga programa ng gobyerno kaysa sa pulitika.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Para alamin ang pulso ng eksperto sa bagong alert level sa mga lugar sa bansa at nagpapatuloy na bakunahan, muli nating makakasama sa programa si Dr. Rontgene Solante, Infectious Diseases Expert. Welcome back po, Dok Solante.

DR. SOLANTE: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, extended po itong Alert Level 1 sa karamihan ng lugar sa bansa. Tingin ninyo po, nababalanse naman itong turnout na nabibigay na booster dose dito po sa ipinatutupad na alert levels?

DR. SOLANTE: Yes ‘no. Malaking bagay ito na hindi muna tayo magbaba ng alert level especially now na medyo mababa pa rin ang booster vaccination natin na at this point in time, maganda ang mga kaso, pababa na. Pero dapat hindi pa rin natin kalimutan na nandito pa rin ang Omicron variant, at karagdagang proteksyon especially sa mga vulnerable population ang booster.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, masasabi rin ba natin na nagiging mabagal iyong progress dito sa pamamahagi ng booster dose? At ano po iyong nakikita ninyong magandang strategy sana para bumalik sila for … dito po sa booster?

DR. SOLANTE: Actually, naririnig natin na ang NVOC is planning iyong house-to-house ‘no sa mga vulnerable population. Pero siguro kapag gusto nating palawigin pa rin, ang isang nakita ko diyan is, we have to change the definition of fully vaccinated that will not include primary vaccine series plus the booster, okay. Kasi mayroon naman tayong supply na ng booster or doses ‘no.

Pangalawa rin siguro, Usec. Rocky, iyong pag-require natin sa mga workplaces na kapag bumalik ang mga tao sa trabaho, i-require na rin natin na … i-encourage natin na bago sila makabalik, nandoon na rin, naka-booster doses na rin sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kung kayo ang tatanungin, Dok, tingin ninyo dapat talagang magtuluy-tuloy itong pagsasagawa ng National Vaccination Day?

DR. SOLANTE: Sa akin, napakaimportante ng National Vaccination Day ‘no. Although, nakikita natin na bumaba iyong turnout, but sa tingin ko we’ll just have to encourage and emphasize ‘no, paigtingin, make it a regular vaccination day para lang at least marami tayong mabakunahan.

Ang advantage kasi ng National Vaccination Days ay iyong accessibility ‘no. So maraming lugar na puwede tayong magbakuna compared to without that, kailangan talagang konti na lang iyong lugar na pupuntahan, like in the LGU, there are selected areas. So sa tingin ko, sana mapalawak at itutuloy ng government natin itong National Vaccination Day.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, inaasahan kasing magwi-wane o bababa na iyong immunity ng mga may primary dose sa mga susunod na buwan. Kung kukonti pa rin po itong mababakunahan ng booster, bilang infectious diseases expert, ano po iyong ikinababahala ninyo lalo’t nagluluwag na nga po at may mga campaign rallies pang nagaganap, aside po doon sa may mga bansa na talagang tumataas ulit iyong kaso ng COVID?

DR. SOLANTE: Okay. So ito iyong mga factors na kinu-consider natin na nangangamba tayo na puwedeng mayroon tayong surge of cases especially after the election ‘no, unang-una diyan ay iyong mga superspreader event. Tapos dagdagan mo pa iyan, iyong waning immunity ng population natin. So puwedeng magkahawaan ulit iyong mga nabakunahan na na hindi pa naka-booster, puwedeng mayroong reinfection. At pangatlo, iyong pagluwag naman ‘no, iyong iba hindi na nagsusuot ng facemask. So ito ay multifactorial na puwedeng tataas ang kaso after election or during the next two to three months.

USEC. IGNACIO: Opo. Hingin ko lang din po iyong reaksiyon ninyo, Dok, dito sa bagong health advisory ng US CDC kung saan ibinaba na nila iyong Pilipinas sa Alert Level 2 o iyong moderate risk mula sa dating Alert Level 3.

DR. SOLANTE: Okay, I think importante din iyan ‘no kasi para at least makita natin na nag-improve talaga naman ang mga kaso natin ngayon. Nag-improve na rin iyong in terms of a … because of the vaccination, less are going into the severe form of infection. And I think, we’re going in that direction also.

USEC. IGNACIO:  Opo. Sa usapin pa rin ng booster dose, inaprubahan na po sa US iyong pagbibigay ng second booster. Ini-expect po ba natin na susunod na rin ang Pilipinas dito at inaasahang mas mapapabilis din iyong pag-apruba sa pamamahagi ng second booster o iyong tinatawag pong fourth dose dito sa bansa?

DR. SOLANTE: Yes, Usec. Rocky, kasi talagang tinitingnan din natin itong mga ibang bansa kung ano na iyong mga binibigay nila especially with the second booster. Hindi lang US ang nagpapatupad ng mga second booster, there are also ASEAN countries ‘no kagaya ng Vietnam, Thailand and Malaysia. And hopefully, the Philippines will also give the recommendation, maaprubahan ang recommendation especially sa mga 60 years old and above, those with comorbidities and who are immunocompromised who are at risk of severe infection na nagwi-wane ang immunity with the first booster, and iyong tinatawag natin na mga frontliners ‘no na high risk also for the exposure.

USEC. IGNACIO: May tanong po iyong ating kasamahan sa media, Dok. Mula po kay Mark Fetalco ng PTV: Base raw po sa karanasan ninyo bilang doktor, may nakita po ba kayong pagtaas ng bilang ng mga nagpapakonsultang pasyenteng may long COVID? At ano po iyong maipapayo ninyo sa mga nakakaranas ng long COVID?

DR. SOLANTE: Sa ngayon, medyo bumaba na iyong kaso natin. But during the surge, noong November, December, January, especially noong Delta, ang dami talaga nating mga nagku-complain ng mga long COVID ‘no. And even with mild cases na mga bata, mayroon talagang mga long COVID.

Kadalasan sa mga sintomas nila ay iyong matagal na nawala iyong ubo; minsan iyong memory nila, iyong tinatawag natin na brain fog na hindi sila maka-focus, hindi sila maka-concentrate; at iyong maiksi lang ang pagtulog nila ‘no na hindi nila kung bakit ganoon. Mayroon din tayong mga pasyente, Usec. Rocky, especially iyong mga 60 years old and above na after they were discharged, mayroong mga kumplikasyon sa puso at sa baga ‘no, and in fact, some of them really died because of that complication.

So isa iyan sa mga binabantayan natin, ang long COVID na isa sa mga kumplikasyon ng COVID infection.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaya napakahalaga, Dok, talaga nitong booster para sa, siyempre dito sa mga senior citizens, Dok?

DR. SOLANTE: Yes, kasi may data na rin, Usec. Rocky, na iyong long COVID ay mapi-prevent natin iyan with vaccination. At kung nabakunahan ka and you still have long COVID, mas umiikli iyong mga sintomas sa mga nabakunahan na nag-develop ng long COVID kumpara doon sa walang bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, base sa datos ng United Nation Children’s Fund, ikalima daw po ang Pilipinas pagdating sa may pinakamaraming naitatalang kaso ng pneumonia-related deaths sa buong mundo. So, ano po sa tingin ninyo ang epektibong paraan para matugunan itong usapin. Dapat na po ba raw magkaroon ng vaccine options pagdating sa mga bakunang ibinibigay bilang pag-iingat naman sa pneumonia?

DR. SOLANTE: Yes, tama ka, Usec. Rocky ‘no. So, tutukuyin natin, ano ba itong pneumonia-related? Ang pinaka-most common pa rin, iyong tinatawag natin na streptococcal pneumonia o iyong pneumococcal disease na one of the most common causes of mortality among five years old and below. Pangalawa iyong influenza ‘no, iyong flu. So, I think paigtingin natin ang kampanya natin maliban doon sa COVID-19, iyong pagbabakuna ng pneumococcal vaccine at influenza vaccine sa mga vulnerable population especially sa less than five years old.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan, partikular iyong hindi pa nakakapagpabakuna o wala pang booster shot. Go ahead, Dr. Solante.

DR. SOLANTE: Salamat. So I think kailangan pa rin natin, hindi pa tayo tapos sa pandemic, mayroon pa rin tayong mga kaso and anytime, we can have spike and surge of the cases. Para maprotektahan natin, dagdag na proteksiyon, kailangan nating magpabakuna especially iyong hindi pa nabigyan ng first booster. So, ini-encourage natin ang [mga] Filipinos to receive their first booster the soonest possible time.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong impormasyon, Dr. Rontgene Solante, Infectious Diseases Expert. Ingat po, salamat po, Doc.

DR. SOLANTE: Thank you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, Senator Go, nanawagan sa susunod na magiging Pangulo ng bansa na bigyang prayoridad ang pagpapaabot ng serbisyong medikal para sa mga mahihirap na Pilipino. Binigyang-diin ng Senador ang pagkakaroon ng mas marami pang Malasakit Center sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Narito ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para sa mga taga-Metro Manila o kahit pa iyong mga araw-araw po na lumuluwas o pumapasok sa National Capital Region, ramdam na rin ba ninyo ang mas bumibigat na trapik sa ilang mga pangunahing lansangan, partikular po sa EDSA? Ang MMDA ay nagmungkahi po ng mga bagong coding scheme at ilan pang proposal bilang tugon naman po sa mahabang trapik. Para himayin ang usaping iyan, makakasama po natin si Undersecretary Frisco San Juan, ang General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority. Good morning po, GM?

MMDA GM SAN JUAN: Magandang umaga po, Usec. Rocky at sa iyong mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. GM, kumustahin ko po muna itong observation ninyo sa daloy ng trapiko ngayong unang araw ng Abril? Ini-expect po ba natin na mas bibigat pa itong masikip na trapiko sa Metro Manila sa mga susunod na linggo, lalo at nagsimula na rin po itong local campaign?

MMDA GM SAN JUAN: Totoo po iyan, bumibigat na po ang trapiko. Unang-una, kagaya po ng sinabi ninyo, ito ay dahil sa local campaign. Pero hindi lang po iyan ang mga inaasahan natin ang mga pagbabago sa pagdaloy ng trapiko, sa pagpapabigat ng daloy kung hindi ang maaari pong pagbubukas na ng mga paaralan natin para sa mga face-to-face classes po.

USEC. IGNACIO: Opo. May proposal po kasi na bagong coding scheme ang MMDA. So, ano po iyong pinagkaiba nito sa existing rule at paano daw po kinonsulta iyong mga stakeholders dito sa naging proposal?

MMDA GM SAN JUAN: Ang konsultasyon po ng ating ahensiya ay tuluy-tuloy, lalung-lalo na po sa mga pampublikong mga sasakyan. Kaya po hindi po miminsanan ang ginawa naming konsultasyon, patuloy pa rin po hanggang ngayon. Nagpapatuloy ang aming konsultasyon sa mga operators po, sa mga drivers at sa mga iba’t iba pa pong gumagamit ng mga pampublikong sasakyan. At kaya po nagkaroon po tayo ng isang Traffic Summit noong isang linggo kung saan sabay-sabay din nating pinakinggan sila at pinagsama-sama, para po ang kanilang mga pananaw ay maging well-rounded. Hindi po galing lang sa kanilang sector, kung hindi nakakasalamuha rin po nila sa isang lamesa iyong mula sa iba-ibang sector at sila ay nagpalitan ng mga panukala. Ganoon po ang nangyaring konsultasyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, nabanggit nga ninyo na pinaghahandaan na rin ninyo itong pagbabalik ng klase, ano po. So, paano pong paghahanda ang ginagawa ng MMDA para dito dahil, sinabi na rin po ninyo na, inaasahan talagang magsisikip pa iyong trapiko?

MMDA GM SAN JUAN: Ang una pong isasagawa kung maramdaman natin ang pagdagsa ng marami pang pribadong sasakyan ay ang pagbabago nga ng ating vehicle reduction program.  Sa halip na iyong sa kasalukuyan ay 20% lang ang ating naibabawas kada araw ay maaari pong 40% sa isang panukala o sa pangalawang option ay 50% sa reduction. Iyon po ang mga pinag-aaralan ngayon at iyan po ay idadaan pa rin sa masusing pag-aaral para sa mas detalyado pa pong mga gagawing mga protocols po.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ito ngang pinag-aaralang number coding scheme, kailan daw po ito target sanang ipatupad ng MMDA? At ano po iyong mga kino-consider bago daw po magkaroon ng final decision?

MMDA GM SAN JUAN: Nakikipag-usap pa rin po tayo sa other government agency upang maibigay din nila ang kanilang mga suhestiyon kung alin doon sa dalawa ang ating ipapatupad at maaari pong siguro after elections na po natin ito ipairal.

USEC. IGNACIO: Opo.  Pero, Usec, once po na may approved coding, ibig sabihin na rin po ba nito na magiging unified na iyong coding scheme sa Metro Manila?

MMDA GM SAN JUAN: Ganoon po. Sa Metro Manila lang po ang inaaral natin.

USEC. IGNACIO: Pagdating naman daw po sa mga ruta, may inaasahan daw pong magbubukas o pinag-aaralang buksan sa mga susunod na linggo para daw po maibsan iyong traffic sa EDSA?

MMDA GM SAN JUAN: Patuloy rin po ang ginagawa ng LTFRB sa pag-aaral na iyan at siguro naman po ay mayroon nang mga naaprubahan dahil nga po sa pagbubukas ng mga face-to-face classes.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po dito sa coding scheme minumungkahi rin po ng MMDA iyong posibleng pagbabago sa work arrangement? Ano po iyong specific guidelines para dito? At may tugon na rin po ba iyong Civil Service Commission sa nasabing proposal?

MMDA GM SAN JUAN: Sabi po ng Civil Service ay gagawa na po sila ng more or less permanent na guidelines na hindi lamang pang-pandemya o hindi lang pang-normal, kung hindi ay kung ano po ang kinakailangan sa bawat sitwasyon na hindi na kinakailangan ng mga panibagong mga pronouncement para isagawa. Ito po ay nasa kanila pong mga pag-aaral ngayon at inaasahan po natin na magkakaroon na po ito ng kaunting linaw o katuparan sa mga darating na araw po.

USEC. IGNACIO: Usec, paano na rin po pinaghahandaan ng MMDA ito namang darating na Holy Week? Ngayon pa lang po ba masasabi na nating medyo ramdam na iyong pagdagsa ng mga lumuluwas o umuuwi ng probinsiya?

MMDA GM SAN JUAN: Opo. Mayroon na pong mga paghahanda tayo at iyan naman po ay mula’t mula pa noong nakaraang taon, pare-pareho ang ginawa ng ating ahensiya. Kaya kung mayroon man pong mga pagbabago ay madali naman po kaming mag-adjust para mabigyan ng solusyon kung mayroong mahigpit na problema na ating dadanasin.

Nakahanda po ang ating mga additional active forces, mga mobile unit at mga motorcycle units para po mabilis ang pagresponde sa mga sitwasyon ng trapiko.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumustahin ko na rin po USec., itong ongoing dry run ng mga provincial buses. So far, smooth naman po ba ito? May nakikita po bang problema o posible pang dapat adjustment?

MMDA GM SAN JUAN: So far po, ay okay lang naman at wala pa po tayong natanggap na reklamo na matinding reklamo. Pero, sa Lunes po ay muli na naman tayo makikipag-usap sa mga provincial bus operator para malaman natin kung ano ang kanilang assessment at kung mayroon silang mga hihilingin para i-adjust po ang kasalukuyang programa.

USEC. IGNACIO: Pero, sa kasalukuyan po wala po ba silang pangunahing concern na naipaabot na muna sa MMDA?

MMDA GM SAN JUAN: Wala pa po naman, wala pa po.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., kunin ko na lamang iyong mensahe ninyo dito sa mga motorista at pati na rin po sa ating mga commuter. Go ahead po, USec.

MMDA GM SAN JUAN: Unang-una po ay ang aking pasasalamat sa ating mga motorista. Sapagkat, sa kasalukuyan ay hindi po kami nakakatanggap ng maraming reklamo kung hindi maraming suporta po ang aming natatanggap at sila po naman ay bukas sa anumang pagbabago para po maipatupad ang mabilis na pagdaloy ng ating trapiko.

Kaya, maraming-maraming salamat po sa kanila at itong opisina ay bukas naman sa anuman na kanilang nais na i-suggest o ipanukala. So, pag-aaralan ng ahensiya at [unclear] at nagpapasalamat din po ako sa ating mga public transport groups na nakikinig din po at nakikiisa sa ating mga layunin at lubos ang kanilang pagtulong para maisagawa natin ang magandang programa para ayusin   po iyong trapiko.

At sa lahat po sa ating mga tao sa gobyerno, sa ating mga kabaro dito sa ating pamahalaan, kami po ay nakikiusap din na sana ay makiisa rin po tayo kung anuman ang maging panukala ng ating pamahalaan para sa mabilis na pagdaloy ng trapiko kung may pagbabago tayong isasagawa. Iyon lamang po at siyempre patuloy din po tayong mag-ingat dahil nandidito pa po ang COVID. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat din po sa inyong oras, MMDA General Manager Undersecretary Frisco San Juan. Stay safe po, sir.

Panibagong taas presyo sa Liquefied Petroleum Gas ang bumungad ngayong buwan ng Abril. Hating-gabi nang magpatupad ng P3 and 25 centavos sa pagtaas ang mga kumpanya ng Petron at Phoenix Philippines para sa kada kilo ng kanilang LPG. Nasa P1 and 80 cents at hanggang P1 and 81 cents naman sa kada litro ng auto-LPG.

Ala-sais naman kaninang umaga nang magpatupad din ng price hike ang Solane na umabot sa P3 and 25 centavos sa kada kilo nito ng LPG. Una ng sinabi ng LPG Refillers Association na humigpit ang supply ng LPG noong nakaraang linggo dahil pa rin sa tension sa pagitan ng Russia at Ukraine. Gayundin ang pagbabawas ng butane volume ng Saudi Aramco, ang isa sa malaking supplier ng LPG dahil sa maintenance work.

Karagdagang proteksiyon at benepisyo para sa mga kababayan nating nagtatrabaho overseas ang alok ng Philippine Overseas Employment Administration. Ano nga ba iyan? Alamin po natin mula mismo kay POEA Administrator Bernard Olalia, good morning po welcome back po sa Laging Handa admin. Sir, can you hear me? Naka-mute po tayo, admin naka-mute po tayo? Iyan, good morning po.

POEA ADMINISTRATOR OLALIA:  Okay, magandang umaga po. Yes, magandang umaga po USec., at magandang umaga sa mga nanunood po sa atin.

USEC. IGNACIO: Administrator, ano po ba itong layunin na inilabas ng Department Order number 228 ng DOLE para sa ating mga OFWs?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Ito pong Department Order 228, ito po iyong tinatawag nating Enhanced Compulsory Insurance. Ipinagtibay po ito para ng sa ganoon mabigyan po ng additional protection iyong lahat ng sector ng ating OFWs lalung-lalo na iyong tinatawag po nating Balik Manggagawa o returning workers at saka iyong tinatawag po nating direct hires.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, pakibahagi naman po kung sino lang po itong sakop ng nasabing pinalawig na insurance coverage at mayroon bang babayaran dito ang ating mga OFWs?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Alam ninyo po USec. Rocky, ito pong pinalabas na Department Order ng DOLE, ito po iyong sagot doon sa kakulangan sa Republic Act 122, iyong Migrant Workers Act natin na kung saan iyong compulsory coverage ng insurance ay naaayon lamang para sa tinatawag na agency hires.

Alam ninyo, maliban sa agency hires, mayroon tayong tinatawag na mga balik manggagawa, ito iyong mga tapos na kontrata pero babalik sila sa mga bago nilang employer or iyong na-extend iyong kanilang mga employment contract at mayroon din tayong tinatawag na direct hires.

Sila po iyong hindi sakop ng Republic Act 122, kaya bilang protection ngayong panahon ng pandemya dahil alam ninyo po marami ang nagkakasakit, maraming nadidisgrasya. Kaya, nagkaroon po ng enhanced coverage kasama na po sila doon sa tinatawag na compulsory insurance.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay pa din po noong nasabing usapin. Ano naman daw po iyong benepisyo ang dapat matanggap ng mga covered o kasama dito sa enhanced insurance coverage?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: USec. Rocky, iyon pong tinatawag nating enhanced insurance coverage, kasama po dito iyong permanent disability. Kapag kayo po ay nasaktan in the line of service mayroon po kayong matatanggap na 7,500 US dollars.

Mayroon naman pong tinatawag na natural death ano? Mayroon pong matatanggap na 10,000 US dollars iyong ating …relatives ng ating OFW katumbas po ito ng halos P500,000. At kapag mayroon naman pong accidental death, naaksidente during the time of in the course of employment contract ay mayroon pong matatanggap na US $15,000.00 o halos P750,000.00. Ito lamang po iyong ilan sa mga mahahalaga doon sa coverage ng compulsory insurance.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sir, paano naman daw po masisiguro ng ating pamahalaan na lehitimo ang mga kumpaniyang magbibigay ng nararapat na benepisyo sa ilalim nga po nitong compulsory insurance?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Kinakailangan po tingnan nila iyong listahan na ipinapalabas po ng Insurance Commission at mayroon po tayo niyan sa ating POEA. Ito pong mga insurance providers na ito ay dapat lehitimo at nasa compliant po sila at ang status po nila ay okay.

Huwag po silang papatol sa mga hindi lehitimong insurance, wala po silang makukuhang benepisyo. So, iyon po nasa listahan po ng IC at ng POEA iyong lehitimong insurance provider.

USEC. IGNACIO: Opo, pagdating naman po sa enforcement nito. Paano naman po sisiguraduhin ng inyong tanggapan na kukunan at babayaran ng mga recruitment o manning agencies ito pong compulsory insurance policy na ito ng ating mga OFWs?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Tama kayo diyan, USec. Ito pong insurance na ito para sa BM natin o Balik Manggagawa at direct hires ay wala pong babayaran [unclear] ang ating OFWs. Ang magbabayad po nito ay iyong kanilang mga foreign employers o iyong principal at dahil nga po ayon sa POEA ang dapat na magbayad ay iyong employer o iyong principal.

Kapag hindi po binayaran iyon pong mga agency ang sasagot kung mayroong agency man ano? Ngayon, kapag hindi po binayaran ito ay isa-sanction po natin, isumbong ninyo na lamang sa POEA at tayo po ay mag-i-impose ng tinatawag nating disciplinary action.

USEC. IGNACIO: May kaparusahan ba na maaaring kaharapin ang mga recruitment o manning agencies kung mapapatunayan po sa hindi nila pagsunod sa mga provision na nakasaad hinggil dito sa nasabing insurance policy, sir?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Opo. Pagka nagreklamo po ang OFW dahil sila po ay siningil ng premium doon sa compulsory coverage na ito para sa BMO, ang mga agencies po natin o ang mga direct hires po natin mayroon pong disciplinary sanction.

Unang-una, against the employers at saka sa principal po. Kapag may reklamo atin pong aaksiyunan iyan at sila po ay maba-black list. Ibig sabihin niyan, hindi na po sila makaka-hire ng mga OFWs po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po bang polisiya sa compulsory insurance ay nasimulan na ng pamahalaan. Kailan po ang naging effectivity nito, sir?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Pinalabas po ito nitong taon lamang po na ito, early part of 2022. At ayon po sa DO, kinakailangan na i-publish. So, kami po ay gumawa ng implementing rules and guidelines na aming ipinalabas noong Marso at ito po ay na-publish noong March 11 and 12 sa mga pahayagan po natin. 15 days after that, totally implemented na po dapat. Umpisahan na po dapat ang implementation ng ating enhanced compulsory insurance.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kung may katanungan o nais i-report ang ating mga kababayan lalo na dito sa insurance policy, paano daw po at saan po maaaring makipag-ugnayan?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Kung may mga katanungan po at may mga problema tungkol po sa pagpapatupad ng enhanced compulsory insurance coverage na ito lalung-lalo na iyong mga BM (Balik Manggagawa), direct hires o kaya iyong mga agency, mga seafarers po natin, maaari po kayong tumawag sa aming Legal Assistance Division o mag-email po sa legalassistance@poea.gov.ph.

Iyan po iyong aming ahensiya o division na siya pong tutulong at sasagot po sa inyo. Kung may reklamo po kayo, puwede rin po kayong dumulog doon at tutulungan po kayong magsampa ng kaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Admin Bernard, nasa inyo na po ang pagkakataon na magbigay ng mensahe lalung-lalo na po sa ating mga OFWs ganoon din po sa mga recruitment at manning agencies na katuwang ng pamahalaan sa pagpapatupad nitong compulsory insurance policy.

Go ahead po Admin.

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Unang-una po, salamat po sa pagkakataon na ito. At tulad po ng nabanggit natin kanina, ipinapatupad po ng Department of Labor and Employment katuwang ang POEA ito pong pagpapatupad ng enhanced compulsory coverage para sa ating ‘Balik Mangaggawa’ at mga direct hires.

Kapag po hindi nagbayad ng premium ang inyong mga employers o ang principal ninyo at kayo po ang sumagot – mga OFWs po natin – ay isumbong lamang ninyo, ireklamo ninyo sa Legal Assistance Division ng POEA at kami na po ang bahalang kukontak sa mga employers ninyo. At kapag matigas ang ulo, atin pong sasampahan at iba-blacklist po natin sa ating database.

Ingat po tayong lahat ngayong panahon po ng pandemya.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, POEA Administrator Bernard Olalia. Mabuhay po kayo.

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Mabuhay din po kayo, ma’am. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Huwag po kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Ilang mga pamilya sa Pandacan, Manila ang nakatanggap ng tulong mula sa outreach team ni Senator Go. Nakikiisa rin sa pamamahagi ng ayuda ang DSWD na nagpaabot ng tulong pinansiyal sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.

Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarina Lusuegro. Sa Davao City, nagbigay ng pinansiyal na suporta ang isang charity sa DOH Region XI para sa pagpapalakas ng vaccination rollout sa probinsya. May report si Jay Lagang ng PTV-Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa personal na pagbisita ni Pangulong Duterte sa Cebu kamakailan, kabilang sa tinalakay ng Pangulo ang patuloy na hakbangin ng pamahalaan sa pagsugpo sa local terrorism. Ilang mga nagbalik-loob naman sa pamahalaan ang inaasahang makakatanggap ng tulong pinansiyal. Ang ulat mula kay John Aroa ng PTV-Cebu.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ang mga Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po uli tayo bukas, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)