Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Usapin sa kapayapaan at sa seguridad sa rehiyon at mga isyung pangkalusugan ng mga manggagawa ang tampok sa ating talakayan ngayong araw ng Huwebes, ika-7 ng Abril 2022. Maya-maya lamang po ay makakasama natin ang mga kawani ng pamahalaan na handa pong sumagot at magbigay-linaw sa tanong ng bayan. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Mas mura at mas madali na ang proseso sa pagbiyahe papasok ng Pilipinas, bukod sa RT-PCR test, maaari na rin kasing gamitin bilang entry requirement ang negative rapid antigen test result. Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, pinayagan na ito ng IATF pero dapat ay sertipikado ng isang healthcare professional mula sa country-of-origin ng biyahero ang naturang antigen result.

Bukod diyan, idinagdag na rin ng mga awtoridad sa kinikilalang international vaccination certificate sa bansa ang mga galing sa Bangladesh, Mexico, Panama at Slovak Republic. Kaugnay nito, inatasan na ng IATF ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation, at Bureau of Immigration na tanging ang mga kuwalipikadong proof of vaccination lamang ang tanggapin sa mga entry points sa bansa.

Inaprubahan ng Commission on Elections ang pagpapatuloy ng pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga PUV driver, delivery rider at mga magsasaka at mangingisda. Ayon sa Comelec, inaasahang ilalabas ang resolusyon dito ngayong araw o bukas. Gayunpaman, posibleng maantala ang ayuda para sa ilang benepisyaryo dahil kinakailangan pa umanong magpasa ang LTFRB ng listahan ng mga tatanggap ng fuel subsidy.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, kumustahin naman natin ang paghahanda ng ating pulisya para sa paggunita ng Semana Santa. Atin pong makakausap si Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson ng National Capital Region Police Office. Good morning po, Colonel.

NCRPO PLTCOL. TECSON: Magandang umaga po, ma’am. At sa ngalan po ng ating butihing Regional Director ng NCRPO, walang iba po kung hindi si Police Major General Felipe Natividad, sampu po ng mga opisyales at tauhan ng National Capital Region Police Office ay binabati ko po kayo, ma’am, ng magandang tanghali. Nawa’y nasa mabuti po kayong kalagayan ngayong umaga. At siyempre po, binabati ko, ma’am, iyong mga kababayan din po natin na walang sawang nakikinig po sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Col. Jenny, nalalapit na po ang Semana Santa at inaasahang daragsa naman po itong mga bakasyunista na pupunta sa mga probinsiya at maging dito sa lungsod. Ano po iyong ginagawang preparasyon para dito? At siyempre, papaano po matitiyak naman iyong security ng mga iiwanan pong bahay dahil magsisipunta po ang ating mga kababayan sa kani-kanilang probinsiya?

NCRPO PLTCOL. TECSON: Yes, ma’am, dito nga po, ma’am, in observance of the summer vacation, nandiyan na rin po iyong ating Semana Santa, iyong ating Araw ng Kagitingan, Labor Day, Flores de Mayo, ang NCRPO ay maglalatag po ng mahigit-kumulang na 11,000 na pulis dito sa ating nasasakupan upang sa gayun ay ating mapanatili ang kaayusan at katahimikan, ma’am.

At siyempre po, ma’am, iyan ay bibigyan din natin ng pansin, iyong lugar, kung saan po doon magsisidagsaan ang ating mga kababayan dahil nga po sa ating observance po ng Holy Week, ma’am, maglalatag din po tayo ng ating tauhan sa mga simbahan, sa mga transportation hub. Nandiyan din po, ma’am, iyong iba pang mga tourist destinations dito sa ating area of responsibility at saka sa mga lugar pa na kung saan alam natin na doon iyong pupuntahan ng ating mga kababayan.

At siyempre po, ma’am, dahil iyong sinabi  po ninyo   kanina, ang mga kababayan po natin ay uuwi sa kanilang mga probinsiya ay hindi rin po natin isasawalang tabi na tayo ay may pakikipag-ugnayan sa ating mga barangay officials, sa ating mga opisyales ng mga neighborhood stations, sa mga subdivision, ma’am, upang sa gayun ay puwede pong pasukin ng ating kapulisan through mobile patrolling or foot patrol, ma’am, iyong mga lugar na kung saan iyong ating mga kababayan ay uuwi dahil ayaw natin na habang wala sila ay puwedeng mapasok iyong kanilang mga bahay ng mga kawatan po.

USEC. IGNACIO: Opo. Col. Jenny, mayroon po ba kayong ipapatupad na mas mahigpit o stricter restrictions and protocols para po sa Holy Week lalo po sa mga biyahero?

NCRPO PLTCOL. TECSON: Actually, ma’am, iyong ating implementasyon pa rin po, ma’am, kumbaga nai-encourage pa rin po natin iyong ating mga kababayan na i-observe pa rin po nila iyong ating minimum public health standard o protocol, ma’am, lalung-lalo na diyan iyong pagsusuot po ng kanilang face mask, at kung puwede, ma’am, iyong social distancing at iwasan pa rin nila, ma’am, iyong makipagkumpul-kumpulan sa mga matataong lugar upang sa gayun ay hindi po sila mahawa.

Dito, ma’am, sa ating datos, kung titingnan po natin, may mga lugar pa rin naman talaga tayo na talagang naka-lockdown pa rin iyan dahil nga po sa may mga kaso po sila ng COVID cases o COVID-19 cases, at ito ay sa MPD area po, ma’am. So iyan, ma’am, hindi naman po natin isinasawalang tabi dahil hindi po porke iyong ating COVID-19 ay bumababa po iyong ating mga kaso ay magiging relax na tayo or complacent na tayo, ma’am. Dapat isipin pa rin po natin na baka ang isang tao, iyong ating kasalamuha ay infected pa rin. So maigi pa rin, ma’am, talaga na bigyan pa rin po natin iyan ng pansin at huwag nating isawalang bahala or kung ano po iyong ating nagawa noong mga nakaraang buwan ay dapat i-observe pa rin po natin iyan at i-treat pa rin po natin na ang COVID-19 ay nandiyan at iyan po ay laban naman po ng lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Col. Jenny, kumusta naman po itong crime rate sa National Capital Region sa nakalipas na buwan? Mayroon po bang pagtaas o pagbaba sa bilang ng krimen dito sa lugar o sa rehiyon?

NCRPO PLTCOL. TECSON: Yes, ma’am, kung ikukumpara po natin, noong mga nakaraang buwan at itong buwan na ito—hindi, kunin na lang natin iyong January 26 to March 1, then from March 1 to April 5, ay masasabi po natin na may bahagyang pagtaas po iyong mga index crime or iyong sa total number of crimes dito po sa ating nasasakupan, ma’am. At karamihan po diyan, ang ating naitala ay iyong mga theft cases and/or robbery cases po.

USEC. IGNACIO: Pakiulit lang po, ano po iyong leading crime sa bansa? At ano po iyong efforts ng ating mga pulis para po makontrol ang mga ito?

NCRPO PLTCOL. TECSON: Yes, ma’am. Ma’am, doon sa ating datos, iyong January 26 to March 1, mayroon po tayong naitala na nasa 288 na theft cases. At dito naman sa March 2 to April 5, mayroon tayong tatlong daan. So kapag titingnan natin, dito pa lang, ma’am, ay talagang nakita natin na may bahagyang pagtaas, at ito nga po, ma’am, iyong theft cases.

Ganoon din po, ma’am, dito sa ating robbery incidence na noong nakaraang mga buwan ay mayroon lang po tayong 114. Itong March 2 to April 5, mayroon na po tayong 122. So tumaas po siya kaagad ng 7.2%. While doon naman po sa theft case natin, mayroon po tayong pagtaas na 4.17%.

So itong mga insidente na ito, ma’am, lalo na po iyong mga theft cases, malimit po iyan na mangyari doon sa mga lugar na kung saan hindi po natin kontrolado iyong lugar, kumbaga, hindi po masyadong visible iyong ating kapulisan dahil minsan po iyan, ma’am, nangyayari iyan sa mga inside malls, and then niri-report po iyan ng ating mga mall owners. So kaya panay din iyong ating pakikipag-ugnayan nga po sa kanila upang sa gayun, kung may mga nangyayari o nagaganap na mga ganoong insidente sa kanilang establisyemento ay i-report po kaagad dahil may mga CCTV naman, maa-accost natin kaagad, ma’am, iyong mga responsable.

USEC. IGNACIO: Opo. Col. Jenny, paumanhin po, ano po, pero mayroon lang pong request si Tuesday Niu ng DZBB, puwede po ba raw pakiulit itong kaso sa robbery?

NCRPO PLTCOL. TECSON: Yes, ma’am. Iyong sinasabi ko, ma’am, kung iko-compare po natin siya from January 26 to March 1, 2022, ma’am, to March 2 to April 5, 2022, masasabi nga po natin na mayroon pong bahagyang pagtaas po iyong ating insidente dito sa ating rehiyon.

Particularly, ma’am, tumaas dito iyong robbery cases, from 114 to 122 or 7.2% iyong pagtaas niya po. At iyong theft naman po ay mayroon pong pagtaas, from 288 to 300 or about 4.17% po.

So ito, ma’am, iyong mga theft cases kagaya ng sinabi ko po kanina, malimit po na mangyari ito sa mga lugar na kung saan ay hindi po natin kontrolado dahil iyong mga niri-report po, mga nakuha po nating report ay nangyayari po siya sa mga mall, doon sa mga premises na kung saan hindi po ganoon ka-visible or maraming kapulisan po natin.

But then, ma’am, dahil maganda po iyong ating pakikipag-ugnayan sa ating mga force multiplier at mga stakeholders, nari-report naman po siya kung kaya’t nabibilang po natin siya, at with the aid of the CCTV na naka-install po doon sa kanilang mga establisyemento ay naa-identify po kaagad ang mga salarin at iyon nga po ay nakakasuhan po sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, tanong naman po mula kay Einjhel Ronquillo ng DZXL RMN: Bawal po bang mag-leave ang mga pulis ngayong Semana Santa?

NCRPO PLTCOL. TECSON: Actually, ma’am, iyong mga leave naman po natin na ganiyan, kapag ganitong naka-full alert po tayo, ma’am—

 [TECHNICAL PROBLEM]

USEC. IGNACIO: Opo. Mukhang nawala sa linya ng komunikasyon natin [si Colonel]. Colonel, naririnig ninyo po ba ako?

Dumako naman po tayo sa usapin ng eleksiyon. May update po ba kayo tungkol dito sa nalalapit na halalan, Colonel?

[TECHNICAL PROBLEM]

Okay, babalikan po natin mamaya si Colonel Jenny.

Samantala, pinangunahan ni President Rodrigo Roa Duterte ang inagurasyon ng bagong bukas na Binondo-Intramuros Bridge nitong Martes. Ang nasabing tulay ay makakatulong upang maibsan ang trapiko sa lugar. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si NCRPO Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson.

ma’am, ulitin ko lang po iyong tanong ni Einjhel Ronquillo ng DZXL RMN: Kung bawal daw pong mag-leave ang mga pulis ngayong Semana Santa?

NCRPO PLTCOL. TECSON: Yes. Actually, ma’am, kapag ganito pong alert level status po tayo, ma’am, naka-full alert po tayo, ang ating kapulisan ay [sinu-suspend] muna natin temporarily ang pagpa-file ng mga leave absence, except in cases wherein emergency po siya na kung saan ay mayroon naman po tayong konsiderasyon naman po diyan, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Dito naman po sa usaping eleksiyon. Kung may update po ba daw kayo tungkol po sa safety and security para sa campaigns in election? Ano po iyong nakikita ninyong mga issues or may natatanggap po ba kayong mga report tungkol dito?

NCRPO PLTCOL. TECSON: Dito naman, ma’am, sa ating eleksiyon, tuluy-tuloy pa rin naman po iyong ating ginagawang pagbabantay at pag-provide ng mga assistance sa mga lugar kung saan po ay may nagaganap po na aktibidades at sa mga kandidato na mapa-lokal po iyan or mapa-nasyonal po upang doon ay mapapanatili po ang kaayusan, dahil ang ating PNP ay nandiyan upang masiguro po ang maintenance po ng ating peace and order.

At tayo po ay hindi po allowed na mag-join po sa kanila upang kayo ay magsalita sa isang kandidato [unclear] pero hindi sa pulitika, non-partisan po tayo. Maging po sa pag-aalis po ng mga campaign materials, katulad ng mga pinost po nila, iyong mga posters po nila, hindi rin po natin iyan trabaho. Kumbaga, hindi rin po tayo allowed para mag-alis po ng mga campaign paraphernalia or materials [na] pinost po ng ating mga candidates. Kumbaga, kung aalisin po iyan ng ating COMELEC, nandiyan po tayo para [lang] mag-provide ng assistance sa kanila po.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel Jenny, dito sa NCR mula po nang ipatupad ang gun ban, ilan na po ang overall na bilang ng mga violators at ano daw po ang parusa [sa kanila?]

NCRPO PLTCOL. TECSON: Ito, ma’am, alam naman po natin na iyong ating campaign period po ay nag-start po siya noong January 9, 2022 at sa ngayon, ma’am, kung titingnan po natin from January 9 to April 6, 2022, ang PNP, ang ating COMELEC, with the AFP ay mayroon na po tayong naisagawa, ma’am, na 20,909 na COMELEC checkpoint po.

At mayroon din po tayong isinagawa na po na other police operations kagaya po ng search warrant, warrant of arrest, police patrol response, Oplan Bakal, or response, o buy-bust at iba pang mga initiated police operations na kung saan ay nakapagsagawa na tayo, doon sa period pa lang po na binanggit ko kanina, ng 775.

At iyan po ay nagresulta ng pagkakaaresto ng nasa 870 katao. Sa checkpoint pa lang, ma’am, ay mayroon na po tayong 42 at karamihan po sa mga nahuli sa COMELEC checkpoint po natin ay nangyari po iyan sa lugar po ng Northern Police District at pumapangalawa po diyan iyong [pag-serve ng] search warrant na may nahuli na nasa siyam. At doon naman po sa other police-initiated response at iyon nga po, sa mga Oplan Bakal/Sita po natin, mayroon din po tayong 598 [unclear] na kung isusuma po nating lahat ay nasa 870 na po iyong ating naaarestong mga personalidad/tao.

Ito po ay nagresulta, ma’am, sa pagkakakumpiska ng baril, iba’t ibang klaseng baril. Mayroon po tayong [short arms] na 323; long firearms na five, lima po at others. Iyong “others” po na sinasabi natin, ma’am, puwede po siyang sumpak, puwede rin po siyang replica o paltik na mayroong 115. So, overall, ma’am, in total, we have firearms recovered na 443 po.

At hindi lang po tayo, ma’am, naka-focus sa mga firearms, kung hindi pati po iyong mga bagay-bagay na matutulis o iyong mga pointed weapon at mga granada, mga explosive o iyong ating mga IEDs at ganoon din po iyong mga iba’t ibang klase po ng bala na kung lahat po iyan ay ating isasama rin ay doon pa lang sa bladed or pointed weapons, mayroon na po tayong nakukumpiska or nari-recover na 459; doon naman po sa granada, ma’am, mayroong lima; doon sa ating explosive or IED, mayroong disi-otso; at doon naman sa iba’t ibang klase ng bala ay mayroon na po tayong nari-recover na 3,281. So, kung ito-total po natin lahat ay nasa 3,763 po lahat.

Kung regarding naman po sa mga nasisita po nating [unclear] ay may mga nasisita pa rin po tayo, ma’am, pero hindi po tayo [unclear]. Kumbaga, kung sila po ay hindi sumunod sa ating pinapatupad na minimum public health standard ay ating sinisita sila at sinasabihan po natin sila nang maayos na kung puwede ay isuot nila iyong face mask nang maayos at iyon nga po, ma’am, walang aresto na nangyayari.

USEC. ROCKY IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon NCRPO Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson. Ingat po kayo, Colonel.

NCRPO PLTCOL. TECSON: Maraming salamat po, ma’am. Magandang hapon po. God bless.

USEC. ROCKY IGNACIO: At para po pag-usapan ang mga programa para sa kaligtasan at seguridad ng mga trabaho sa bansa at iba pang impormasyong kinakailangan pong malaman ng bawat manggagawang Pilipino, narito po ngayon si Engineer Noel Binag, Executive Director ng Occupational Safety and Health Center. Magandang araw po sir at welcome po sa aming programa.

OSHC EXEC. DIR. BINAG: Magandang umaga rin sa inyo, Rocky.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Sir, ano po iyong masasabi ninyo dito po sa pag-handle ng mga kumpanya sa kanilang mga manggagawa during the pandemic? Mayroon po bang recognition ang mga company who manage to handle the situation?

OSHC EXEC. DIR. BINAG: Mayroon po tayong ibinibigay na mga safety seals sa mga kumpanya po na nagpapatupad po ng tamang protocol patungkol sa pag-iwas po sa mga virus na ito kaya po lahat ng establishments ay ini-encourage namin na magpa-accredit po sa aming mga opisina upang mabigyan po namin sila ng safety seal po.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Engineer Noel, ano naman po iyong naging role ng inyong ahensiya noong kasagsagan po ng pandemya at ngayon nga po sinasabi ninyo na kailangan po talaga iyong safety seal?

OSHC EXEC. DIR. BINAG: Ang amin pong tanggapan o Occupational Safety and Health Center ay patuloy po na nagbibigay ng online training para sa ating mga safety and health officers ng mga pagawaan.

Ito po ay libre at ibinibigay po natin ito upang matulungan ang mga establishment na maging compliant sa OSHC standards. Dagdag po dito ay nagsasagawa rin po kami ng mga research, pananaliksik upang maiwasan ang aksidente at sakit dulot po ng trabaho.

At nagsasagawa po kami ulit ng PPE testing upang masiguro na pasado po sa OSH standard ang gagamitin ng mga manggagawa na mga kagamitan at pagsusuri ng mga [unclear] mga pagawaan na sa kalusugan ng mga manggagawa, at siyempre ay ang pagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa OSHC sa pamamagitan po ng mga  printed materials, mga   zoom webinars, info-commercial at social media posting.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Engineer Noel, so far ano po iyong naging assessment ninyo sa mga Occupational Safety and Health programs na ito?

OSHC EXEC. DIR. BINAG: Base po sa mga report po na aming natatanggap sa ating mga DOLE Regional Field Office, maganda po naman ang mga feedback at karamihan po ay sumusunod po sa ating mga safety and health protocols.

Maliban na lang po, mayroon pong pa-ilan-ilan diyan na nagko-complain na wala po silang mga safety officer at wala po silang policy, at mga OSHC Programs sa kanilang respective establishment.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Sir Noel, bigyang daan ko lang po iyong mga tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Job Manahan ng ABS CBN: Ngayon pong mas maluwag ang COVID-19 protocols at marami na po ang nagri-report sa office, ano po ang payo ninyo sa mga employer para po maiwasan ang pagkalat ng COVID? Puwede na po ba iyong salu-salo ng co-workers sa isang table?

OSHC EXEC. DIR. BINAG: Ang advice po namin sa mga employers, sana po still vigilant pa rin po sila, hindi po dahil tayo po ay nasa level 1 or lower level 1 na tayo ay … wala na po, babalewalain po natin ang ating mga protocols sa safety and health.

So, sana po iyong mga may-ari, mga owners at lawyers ay patuloy pa rin po na nagbabantay upang sa gayun ay lagi pong ipinapatupad ang kanilang OSH program lalung-lalo na po iyong prevention and control with spread of COVID, SARS-CoV virus. So, iyan po ang amin pong reminder sa atin pong mga employers po natin.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Job Manahan ng ABS CBN: Ilang kumpanya raw po ngayon ang gumagamit ng plastic extrusion para po sa plastic waste?

Ibig sabihin tinutunaw po iyong mga patapong plastic para maging bagong produkto o furniture. Nakakabahala po ba ito at ano po ang safety standards na dapat gawin po ng mga kumpanyang gumagawa nito?

OSHC EXEC. DIR. BINAG: Mayroon po tayong requirements sa ating pong OSH Program iyong kung tama pong pag-dispose ng mga ganitong mga highly toxic materials. Ito po ay nakasaad po sa ating batas na kailangan po ng proper handling ng mga toxic materials.

At kung mayroon pong mga ganito pong violations, maaari po lamang na ipaalam sa aming DOLE Regional Office, [unclear] DOLE Regional Directors upang sa gayun po ay makapag-isyu po sila ng work stoppage order at bago nila ipagpatuloy ay maimbestiga po iyong mga ganitong uri ng practice, mga procedures.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Job Manahan, ano daw po ang dapat gawin para mapanatili ang kaligtasan ng mga workers sa mga delikadong chemical na puwede pong ma-inhale?

OSHC EXEC. DIR. BINAG: Mayroon po tayong tinatawag na   occupational standard. Sana po mabisita po nila ang aming, ang ating websites upang malaman iyong mga threshold level ng mga toxic materials na maaari silang ma-expose.

At para puwede po kaming mag-conduct ng work environment measurement upang malaman po natin kung iyong kanilang work place po ay safe or delikado po. Maaari po lamang mag-request po kayo sa amin ng mga technical services upang sa gayun malaman po natin kung ano iyong totoong kalagayan ng kanilang pinagtatrabahuhan.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Engineer, maaari ninyo po bang ibahagi sa amin kung ano po itong 12 Gawad Kaligtasan at Kalusugan? Ano po ang layunin nito para po sa taong ito at ano po ang mga training na ginagawa dito?

OSHC EXEC. DIR. BINAG: Ang Gawad Kaligtasan at Kalusugan o GKK ay isang biennial event na idinadaos po ng aming opisina every two years. Ito ay isang award na ibinibigay po ng Department of Labor and Employment at OSHC upang kilalanin ang mga establisyemento at individual na nagbibigay po ng tamang practice upang may [unclear] sa pagtugon sa kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa sa lugar na pinagtatrabahuhan at komunidad.

Layunin din po ng GKK na kilalanin ang mga institusyon, kumpanya o individual na matagumpay sa kanilang pagtupad ng kanilang safety and health policies, programs at ganoon din po sa mga OSH innovations, improvements initiative ng ating mga micro enterprises at informal sector.

Mayroon din tayong category po para sa ating mga government agency upang i-promote po nila ang OSH sa ating public sector.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Engineer Noel, mayroon po ba kayong mga planong training, seminar o program para po sa ating mga manggagawa at sinu-sino daw po iyong mga kuwalipikadong mag-participate sa mga ito?

OSHC EXEC. DIR. BINAG: Mayroon po tayong mga ilang training courses na isinasagawa po namin face-to-face at via online, ngunit karamihan ay online pa rin po. Sa katunayan po ngayong linggo ay nagsasagawa po kami ng mga crane rigging safety training at ito po ay kino-conduct na namin ng face-to-face alinsunod po sa aming minimum health protocol na itinalaga po ng IATF at Department of Health.

Pero, sa ngayon po ay mas marami pa rin po ang online dahil ito po ay ibinibigay pa rin natin na libre, walang bayad at hindi na natin kailangan po ng pondo upang makapag-participate sa ganitong training at mas nakakatipid po sa mga karamihan ng ating participants dahil hindi sila gagastos sa pamasahe.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Engineer Noel, paano naman po itong information dissemination para sa inyong mga programa? May mga pakikipag-ugnayan po ba kayo sa iba’t-ibang public and private companies at paano rin po iyong proseso ng pag-register sa inyong mga training para po sa mga interesadong makasama dito?

OSHC EXEC. DIR. BINAG: Tuluy-tuloy po naman ang aming posting po sa social media, ang amin pong information patungkol sa occupational safety and health. Sana po ay … inaanyayahan po namin kayo na bisitahin po ang aming mga websites. At kami po din ay halos linggu-linggo ay nagpo-post ng aming mga activities, upang iyong mga interesado po na makakuha ng mga information na makakatulong sa pag-implement ng kanilang OSH Program ay makakatulong po iyong mga information na matatanggap po nila sa aming mga social media posting at website posting po namin.

USEC. IGNACIO: Opo. Engineer, nasa inyo po ang pagkakataon para magbigay ng mensahe o paghikayat pa sa publiko. Go ahead po, Engr. Noel.

OSHC EXEC. DIR. BINAG: Marami pong salamat. Inaanyayahan ko po ang lahat na kuwalipikadong mga establishment at mga individual na makilahok po sa aming 12th Gawad Kaligtasan at Kalusugan. Maaari po ninyong bisitahin ang aming official Facebook page na Occupational Safety and Health Center o ang aming website na www.dole.osh.gov.ph. para po sa mga GKK mechanics, registrations, libreng trainings at mga karagdagan pong mga announcements.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay impormasyon, Occupational Safety and Health Center Executive Director, Engr. Noel Binag. Stay safe po.

OSHC EXEC. DIR. BINAG: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Ilang araw bago ang Overseas Absentee Voting, inanunsiyo ng Commission on Elections na pansamantalang suspendido ang botohan sa mga bansang may kaguluhan at COVID-19 surge. Kabilang dito ang Iraq, Afghanistan, Ukraine at ang Shanghai sa China na naka-lockdown ngayon dahil sa mataas na COVID-19 cases.  Sa mga hindi pa nakakatanggap ng postal ballots, tiniyak ni Commissioner Marlon Casquejo na makakarating ang mga ito bago mag-linggo o sa April 10.

Samantala, kinumpirma din ng COMELEC na napagkasunduan ng [COMELEC] en banc ang pagbuo ng Task Force para labanan ang fake news sa electoral process.

[VOICE CLIP]

USEC. IGNACIO: At para pag-usapan po ang mga kasalukuyang issues at concerns sa ating territorial waters at alamin ang tugon ng pamahalaan sa mga ito, maging ang kanilang paghahanda sa Semana Santa, atin pong makakasama ngayong umaga ang Spokesperson ng Philippine Coast Guard, Commodore Armand Balilo. Magandang umaga po, Sir, at welcome sa Laging Handa.

PCG SPOKESPERSON BALILO: Usec. Rocky, magandang umaga po at magandang umaga sa lahat ng inyong mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, simula po noong mag-umpisa ang taong 2022, ano na po ang mga maritime issues and concerns na kinakailangan po talagang bigyan-pansin ng Philippine Coast Guard at ano po ang inyong ginagawang hakbang para po maaksiyunan ang mga ito?

PCG SPOKESPERSON BALILO: Alam mo, Usec. Rocky, kabilang sa tinututukang mandato ng Philippine Coast Guard ay ang pagtataguyod ng maritime security at maritime safety sa humigit-kumulang 37 kilometers baybay-dagat ng Pilipinas. Kasama rin sa binabantayan ng Coast Guard ay ang malawak na maritime domain ng Pilipinas.

Kaugnay nito, isa sa prayoridad ng PCG ay ang pagsisiguro na ligtas iyong ating mangingisda na pumapalaot sa araw-araw. Regular po ang pagpapatrulya ng ating mga barko sa West Philippine Sea, sa Philippine Rise at sa katubigang bahagi ng Mindanao para maitaguyod ang ating soberenya. Of course, sa mga paraang mapayapa at naaayon sa batas.

Patuloy din ang pagpapatibay natin ng kooperasyon sa ating mga foreign counterparts, para naman sa ating modernization. Ganoon din po sa ating mga government agencies tulad ng AFP, Philippine Navy, PNP, Bureau of Customs, DFA tungo sa pagpapabuti ng ating serbisyo sa bayan. Dahil naniniwala tayo, Usec. Rocky, na ang ating katubigan ay isang shared responsibility ng mga government agencies.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, maaari po ba kaming makahingi ng update regarding po sa nangyaring insidente sa pagitan po ng Chinese Coast Guard at ang Philippine Coast Guard vessels sa Bajo de Masinloc? Ano po iyong masasabi ninyo tungkol dito? At ano po iyong plano o aksiyong gagawin ng ating pamahalaan to address this incident?

PCG SPOKESPERSON BALILO: Sa totoo lang po, Usec. Rocky, hindi na po bago sa aming mga (unclear), sa aming barko iyong mga ganitong insidente sa karagatan. Bago magpatrulya, inaasahan na rin natin na may possibility na may maka-encounter ng ganitong sitwasyon. Kaya, tayo naman po ay handa sa pagresponde sa mga paraang mapayapa at naaayon sa batas.

Isa rito ay ang pagdi-deploy natin ng mga female radio operator, para medyo mapakalma natin kung anumang tensiyon na maaaring mangyari doon sa ating patrol operation.

Usec. Rocky, gusto ko lang din pong bigyan-diin na iyong PCG po ay bahagi ng National Task Force for the West Philippine Sea at ng Area Task Force ‘no. Sa aming operation ho, lahat ng desisyon at aksiyon ng ating mga barko ay maaaring sa direktiba ng Task Force. Matapos nating i-report iyong insidente sa Bajo de Masinloc, pinahatid natin ito sa Task Force at sa DFA. Kaukulang aksiyon po ang ginawa ng mga ahensiyang iyan, diplomatic protest at para po mapag-usapan sa kinatawan ng China ang nangyari pong insidente.

Kami naman sa PCG ay nagpapatuloy pa rin ang patrol at hindi po tayo tumitigil sa ating pagmo-monitor sa ating mga fishermen.

USEC. IGNACIO: Pero, sir, ano po iyong huling monitoring ninyo sa ating mga mangingisda dito sa Bajo de Masinloc? Kumusta po ang sitwasyon nila doon?

PCG SPOKESPERSON BALILO: Maayos naman po ang kanilang kalagayan at naibalita nga namin sa ating mga kababayan na marami pong mga Pilipinong nangingisda doon sa Bajo de Masinloc at inaasahan natin na sa susunod na buwan, tataas pa. Sapagkat medyo ito ang panahon na maganda pong mangisda at kung mapapanood ninyo, iyong mga kasama nating fishermen, may mga vlog sila mismo. In fact, may mga napanood kami, iyong mga natulungan nating bigyan ng ayuda, ng tubig, ng gamot at ng mga kaunting pagkain ay nakikita po sa YouTube at patuloy lang po ang Philippine Coast Guard sa aming gawain na pagmo-monitor sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Dito naman po sa nalalapit na eleksiyon, ano naman daw po ang paghahanda ng Philippine Coast Guard sa darating na halalan ngayong Mayo?

PCG SPOKESPERSON BALILO: Usec. Rocky, ang PCG po, kasama ng AFP at ng PNP, ay isa sa mga ahensiya ng gobyerno na deputized ng COMELEC para makatulong sa nalalapit na halalan. Partikular na po sa pagdi-deploy ng mga security personnel at pagdi-dispatch ng mga barko para makarating ang mga COMELEC personnel sa malalayong lugar at kasama na rin po iyong mga paghahatid ng kanilang mga paraphernalia.

Nagbigay na rin po ng directives si Admiral Art Abu, ang amin pong Komandante, na paigtingin po ang aming pakikipag-ugnayan sa AFP at PNP para sa pagmamando ng mga election response, kahit ang kritikal na lugar. Ito po ang aming partisipasyon ngayong halalan.

USEC. IGNACIO: Opo. Dito naman sa Semana Santa, sir, ano po iyong paghahanda naman ng Coast Guard para matiyak din iyong seguridad sa mga pantalan? Kasi marami po ngayon ang magsisiuwian sa kani-kanilang mga probinsiya?

PCG SPOKESPERSON BALILO: Oo nga, Usec. Rocky ‘no. Ramdam na ramdam na natin iyong kaunting pagsigla ng lokal na turismo, kabilang diyan iyong mga beach resorts at iba pang water sports destination ng bansa. Kaya naman bilang paghahanda, kami po ay magtataas ng alerto sa PCG, magha-heightened alert magmula po ngayong Lunes para po sa mga paghahanda na gagawin natin sa ating mga kababayang uuwi ngayong Lenten Season at mai-spend nila iyong bakasyon.

Si Admiral Abu po ay nagbigay na rin ng direktiba base po doon sa aming guidance from Secretary Tugade na dapat zero ang maritime incident ngayong Semana Santa at organisado, malinis at secure iyong mga kababayan natin na makakapag-travel ngayong Lenten Season.

Usec. Rocky, sa akin din, masabi ko lang na pinangunahan na po ni Secretary Art Tugade ang simulang pag-iinspeksiyon sa Batangas Port at sa Occidental Mindoro, kasama po ang buong pamunuan ng Philippine Ports Authority, ni Atty. Jay Santiago, mga opisyal po ng DOTr at ng Philippine Coast Guard. Tiningnan na po iyong mga terminals kung ito po ay nakahanda na at base naman po doon sa assessment, sa maritime sector po, talaga pong handa na po ang DOTr sa kanilang gagawin pong pag-alalay sa mga kababayan nating gagamit po ng barko ngayong Semana Santa.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, itong heightened alert na magsisimula sa Lunes, hanggang kailan po ito tatagal?

PCG SPOKESPERSON BALILO: Hanggang matapos po ang Semana Santa, mga isang linggo po matapos po ito ay magpapatuloy po. Pagkatapos po ay siguro magda-downgrade lang tayo. Pero ang bottom line po sabi po ni Admiral Abu continue iyong mataas na vigilance para po sa ating units lalung-lalo na po doon sa mga nasa frontline katulad po ng mga nagmamando ng mga beach resorts. Kailangan po may mga lifeguards, may ugnayan po sa local government units para din po sa pagpapanatili ng kaayusan at kasiguraduhan ng pagbabakasyon ng mga kababayan natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, punta naman tayo sa inyong modernization. Ilan po ba ang tauhan ngayon ng Philippine Coast Guard? At sapat po ba ito para gampanan ang inyong mga tungkulin?

PCG SPOKESPERSON BALILO: Alam mo, Usec. Rocky, ngayong pandemic nakita ninyo naman po na kasama ang Philippine Coast Guard sa mga pagkilos ng pamahalaan [unclear] dahil po tayo ay under ng Department of Transportation mayroon din po tayong mga Coast Guard na na-deploy dito sa IACT para po tumulong sa DOTr sa pangangasiwa ng trapiko and of course iyong primary responsibility sa karagatan.

Kaya nga ho nagpapasalamat tayo kay Pangulong Duterte, anim na libo na po kami noong 2016 pero ngayon ho ay umaabot na kami ng 23,000 at binigyan pa ho kami ng panibagong kota na apat na libo at siguro after election ay magko-conduct kami ulit ng recruitment pagkatapos po ng eleksyon.

Ito po ay pinagpapasalamat din natin kay Secretary Tugade sapagkat nakita po nila ang role ng Philippine Coast Guard sa ating [unclear].

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, itong bagong 97 multi-role response vessel na para po sa proyektong modernisasyon ng Philippine Coast Guard fleet, ano po ang masasabi ninyo dito sa mga naunang dumating na vessel? Ano po ang magiging tulong nito? At ano naman po ang balita sa isa pang vessel na darating po ba?

PCG SPOKESPERSON BALILO: Oho. Naniniwala kami, Usec. Rocky, na ito na ang panahon ng modern Coast Guard.

Alam mo, liban sa paglawak ng ating hanay, sunud-sunod na din po iyong mga barko na [unclear] na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa Philippine Coast Guard. Dumating na po iyong galing sa France. May mga helicopters din tayong dumating na bago. Dumating na din po iyong MRV 9071 na tatawagin nating BRP Teresa Magbanua ay talaga pong na-boost ang morale ng ating mga lingcod-bayan.

[unclear] ang maximum speed po ay hindi bababa ng [unclear] hindi bababa ng 4,000 nautical miles at may kakayanang magsagawa ng matagalang pagpapatrolya sa maritime jurisdiction ng Pilipinas. Tamang-tama po ito sa ating mga [unclear] sa West Philippine Sea, Philippine Rise at Katimugang bahagi ng ating bansa.

Darating din po iyong isang 97-meter natin sa bandang May at tatawagin po itong BRP Melchora Aquino.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kumusta naman daw po iyong naging courtesy visit ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu kay WESMINCOM Commander Lieutenant General Alfredo Rosario Jr. dito daw po sa Zamboanga City?

PCG SPOKESPERSON BALILO: Opo. Alam ho ninyo itong panuntunan ni Admiral Abu ay pagtibayin ang partnership natin sa mga government agencies lalung-lalo na po sa Armed Forces at sa Philippine National Police. In fact, iyong [unclear] pormal na naging bahagi ng Joint Peace and Security Coordinating Center ang PCG. Ang layon po nito ay pagtibayin [line cut]

USEC. IGNACIO: Okay. Babalikan po natin si Commodore Balilo maya-maya lamang.

Pinuntahan po ng outreach team ni Senator Go ang mga nasunugang residente ng Barangay Bagumbayan sa Taguig kamakailan upang mamahagi ng tulong kasama po ang National Housing Authority at DSWD.

Narito ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Balikan po natin si Commodore Armand Balilo ng Philippine Coast Guard.

Sir, paumanhin po, ituloy na lamang po natin itong katanungan tungkol po sa naging courtesy visit ni Commandant Admiral Artemio Abu kay WesMinCom Commander Lieutenant General Rosario Jr. sa Zamboanga City, sir.

PCG SPOKESPERSON BALILO: Ay oo. Usec. Rocky, ‘no iyong pagpunta ni Admiral Abu sa WesMinCom ay pinagtibay ng Philippine Coast Guard at ng WesMinCom iyong commitment na makibahagi ang PCG sa pagsasagawa ng mga operasyon tungkol sa kapayapaan at kaayusan ng Western Mindanao.

Hinihikayat din natin ang ating mga tauhan na paigtingin ang kanilang working relationship tungo sa matiwasay at epektibong pagpapatupad ng mga batas para sa kaligtasan ng lahat on their level.

Alam mo, sinasabi ko kanina na isa sa mga primary advocacy ni Admiral Abu ay iyong partnership with other government agencies at sa [unclear] organizations.

Noong nakaraang araw nandiyan din po si Customs Commissioner General Guerrero para naman po pag-usapan ang pagpapaigting ng ating anti-smuggling operation sa buong kapuluan.

So, tayo po, Usec. Rocky, ay nagku-coordinate na rin po dahil doon sa Joint Peace Security Coordinating Center na ginampanan natin noong Hulyo 2021 na naging kabahagi po tayo kasama ng AFP at PNP. Ito po’y naglalayon na maitaguyod ang peace and order sa bansa lalung-lalo na ngayon sa darating na eleksyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, hingin ko na lamang iyong inyong mensahe para sa ating publiko partikular po iyong mga magbabakasyon sa kani-kanilang probinsiya.

Go ahead po, Commodore.

PCG SPOKESPERSON BALILO: Maraming salamat po sa pagkakataon, Usec. Rocky. Doon po sa mga magbabakasyon, planuhin niyo po nang mabuti ang inyong pagbabakasyon.

Iyong mga lagi po nating mga paalala na huwag ninyong dadalhin sa mga terminals at sa mga barko ang katulad ng mga matatalim na bagay, mga sumasabog, mga likido. Iwasan na po natin. At lagi pong sundin iyong mga regulations ng barko.

At doon naman po sa mga [pupuntahan ninyong] beach resorts mayroon pong mga lifeguards diyan at mayroon ding mga panuntunan iyong mga beach kung saan-saan lang pupuwede at lagi pong isaisip ang kapakanan at kaligtasan po ng bawat isa lalung-lalo na po iyong may mga kasamang bata.

Mag-ingat po tayong lahat at alalahanin po natin ang Lenten season pero dapat may sapat na pag-iingat po sa ating gagawin.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong ibinahaging impormasyon, Commodore Armand Balilo ng Philippine Coast Guard. Stay safe din po.

PCG SPOKESPERSON BALILO: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman po tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan. Puntahan natin si Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.

Isang sanctuary sa siyudad ng Baguio, bukas sa mga turista ngayong panahon ng Kuwaresma.

Samantala, handa na ang Simbahang Katolika at Baguio City Police Office para sa nasabing okasyon.

Ang balita ay hatid ni Alah Sungduan ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, mga tourist spots at mga inaasahang turista para sa summer season, pinaghahandaan na ng Police Regional Office ng Davao.

May report si Julius Pacot.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.

Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)