USEC. IGNACIO: [AIRING STARTS]… habang patuloy na tinatalakay ang Code of Conduct on the South China Sea. Isa lamang ito sa mga napag-usapan ng dalawang lider sa kanilang pulong sa pamamagitan ng telepono kahapon na tumagal ng isang oras.
Hinggil sa COVID-19 pandemic, tiniyak ng dalawang bansa ang ibayo pang pagtutulungan para masolusyunan ang mga hamon na hatid nito.
Hinggil naman sa patuloy na gulo sa Ukraine, muling nanawagan ang Pilipinas at China para sa agarang resolusyon sa pamamagitan ng mapayapang pag-uusap na nauukol sa international law.
Samantala, ngayong araw ay ginugunita ang Araw ng Kagitingan kung saan kinikilala po ang mga war veterans na nagpakita ng kanilang katapangan upang ipagtanggol ang ating bansa. Kaugnay niyan, makakasama po natin si Undersecretary Ernesto Carolina, Administrator ng Philippine Veterans Affairs Office. Good morning po, Usec. Welcome po sa aming programa at nice to see you, sir.
PVAO USEC. CAROLINA: Good morning, Rocky. I’m happy to see you. It’s been a long time.
USEC. IGNACIO: Yeah, sir. Ang tagal na, AFP pa tayo noon. Usec., unahin po natin ito ‘no. Kumusta po iyong programa para sa selebrasyon ng Araw ng Kagitingan ngayong araw?
PVAO USEC. CAROLINA: Everything started on time. By the way Veterans Week ito, one week, we started April 5 and today ang guest of honor representing our President is Justice Secretary Guevarra. And as usual nandito iyong representatives ng US government, si Chargé Variava and the Ambassador of Japan. Iyong Ambassador ng Australia was also here and of course our host, Governor Abet Garcia, and the representatives of the Province of Bataan.
Everything went well and inspite of the pandemic, marami namang mga beterano na nakarating specifically from Pampanga, Tarlac and iyong mga senior na galing sa Manila – member of the Veterans Federation of the Philippines headed by no less—by General Alamillo, the Executive Vice President.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumustahin ko na lang din po itong mga ongoing projects at iyong programa po kung saan nga po na magbi-benefit ang ating mga beterano. So, anu-ano po ba ang mga ito at ano po iyong balak ninyong maipatupad ngayong taon?
PVAO USEC. CAROLINA: Thank you, Rocky. Kasi dati bago dumating si—before the administration of President Duterte, iyong konsepto ng Veterans Affairs ano eh, panay benepisyo so iyong budget panay burial assistance, old-age pension etcetera. Pero ngayon, nabigyan ng diin iyong isang importante rin na aspeto na tungkol sa ating mga beterano which is creating a unified ‘no and empowered veterans community para nakikita sila ng mga kabataan and mai-inspire sila at maaalala iyong nakaraan. At nakakabit iyan, iyong second strategic objective – motivating and preparing our future defenders – itong mga bata ngayon na siyang magiging beterano natin sa hinaharap.
So napakalaking proyekto nito dahil sa time ni Pangulong Duterte, naayos niya iyong benepisyo. Alam mo naman ‘di ba, halos nadoble iyong pay noong ating mga sundalo at nakakabit doon iyong pension kaya iyong mga pension ng ating mga retirees na sila iyong mga beterano ngayon ay hati na sila. At time din ni Pangulong Duterte na iyong old-age pension ng mga war veterans ‘no, iyong World War II veterans, Korean War, Vietnam War… karamihan diyan mga guerilla, hindi tumatanggap ng retirement pension sa Armed Forces, tinaas niya from 5,000 pesos to 20,000 pesos.
So napakalaking bagay ‘yan, dumating sa panahon na iyong World War II veterans natin, ang mga edad na nila 90 pataas hanggang 100 plus. And it used to be iyong mababa nilang pension napupunta pa sa gamot kasi ‘pag matanda na ‘di ba iyan ang problema mo, iyong kalusugan. Eh inayos ni President Duterte iyong Veterans Hospital. Eh noong time niya, nag-allocate siya ng—pumunta ‘yan sa Veterans Hospital, si Presidente… 50 million kaagad iyong inabot niya para sa gamot. And since then, every year, iyong reimbursement program itinaas ng—tinaas iyong budget – ngayon they have 200 million na budget. Ang purpose lang noon [is] for the veterans’ hospitalization and medical care program.
So iyong beterano natin kahit hindi siya taga-Manila, kasi iisa iyong Veterans Hospital ‘di ba, iyong VMMC sa Quezon City ‘no. Kahit tagadoon siya sa Visayas/Mindanao, puwede siyang magpagamot doon sa any accredited ng PhilHealth na hospital, binabayaran ng PVAO, niri-reimburse natin.
So nangyari lahat iyan sa time ni President Duterte kaya ngayon napagtutuunan na natin iyong… the other important ‘no aspirations ng beterano – iyong huwag silang makalimutan at iyong mga kabataan ay ma-inspire nila. Kaya nag-i-invest ngayon tayo dito sa mga military shrines, mga national shrines, mga war monuments, war memorials, battle markers etcetera.
So unang-una na rito sa kinalalagyan natin ngayon kung saan ginanap iyong Araw ng Kagitingan, itong Mt. Samat National Shrine ay isa nang flagship tourism enterprise zone at lately na-approve na rin iyong Corregidor. So ibig sabihin niyan, iyong large amount revenue na kita galing sa tourism, puwede nang i-invest para mapaganda itong mga shrine na ito.
Alam mo, Rocky, ‘pag pumunta ka sa ibang bansa ‘di ba, iyong mga Arlington Korean War Memorial, iyong sa Australia… napakagaganda. At maski sa Pilipinas ‘pag pumunta ka sa Fort Bonifacio, iyong American Cemetery napakaganda compared sa Libingan ng mga Bayani. So ngayon iyon ‘yung pinagtutuunan natin ng pansin, naglalagay tayo ng pera ngayon para mapaganda rin natin, maging world-class itong ating mga war memorials, itong ating mga military shrine kasi diyan natin dadalhin iyong mga batang Pilipino na kung saan mababalikan nila iyong nakaraan, malalaman nila iyong kagitingan noong ating mga bayani. And that’s where you imbibe iyong tinatawag ng ating Pangulo, pagmamahal sa bayan ‘di ba, iyong nationalism, iyong patriotism.
And makapag-invest tayo diyan, we are inviting our countrymen na tingnan natin ngayon ‘yan ‘no. Mayroon nga pala kami, Rocky, ngayon na mga virtual tour eh kasi pinaganda rin natin iyong mga Balete Pass Shrine, iyong Kiangan Shrine, iyong Ricarte Shrine doon sa Batac at maybe later on magiging tourism enterprise zone din iyan. Pero uunahin na natin itong Mt. Samat at saka iyong Corregidor para ‘ika nga—kasi ikinabit natin iyan doon sa Build, Build, Build Program ng ating Pangulo.
Sabi nga natin, hindi naman dapat iyong Build, Build, Build panay hard infrastructure ‘no – mga roads, dam… dapat mayroon soft infrastructure, iyong tinatawag nating love for country builders. Iyong sabi ko nga, doon natin dadalhin iyong mga anak natin, iyong mga bata at doon nila mapupukaw iyong kanilang pagmamahal sa bayan – palaging pinapaalala ng ating Pangulo.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., bigyang-linaw din po natin itong ipinapasang batas which is requiring subjects to discuss about our veterans. Ano daw po iyong sakop nito at ano po iyong updates sa pagpasa ng naturang batas?
PVAO USEC. CAROLINA: Ay thank you, Rocky, oo napakaimportante niyan. Alam mo noong ginagawa iyong batas, iyong hini-hearing ‘no, isa itong panukala na ituro ang World War II sa mga eskuwelahan. Kasi mapapansin mo—siguro pati ikaw ‘no, kami ganoon eh… ang tinuturo sa high school, karamihan about Philippine-Spanish Revolution, Fil-American War kaya nga kilala noong mga bata iyang sina General Luna, Aguinaldo, Jose Rizal iyong mga ganoon ‘di ba? But they know very little about the Second World War na ang daming mga kabayanihan na nangyari noon dahil advanced na iyong giyera noon eh, may mga tangke na, may mga eroplano pero hindi nga naituturo kasi wala palang reference materials.
Sabi ni Chairman De Vera ‘no ng CHED, professor pala siya ng history pero sabi niya, “Hindi ko tinuturo iyang World War II kasi wala namang reference.” Eh nadala na ngayon natin iyan, nakita natin doon sa National Archives sa US, nandoon pala iyong mga dokumento, mga messages, lahat! Pati mga diary, lahat ng dokumento. Nadala natin iyong two-thirds (2/3) niyan. Ini-scan natin, dinigitized kaya marami na tayong materials at naisulat natin paunti-unti ang kasaysayan ng World War II sa perspective ng Pilipino, hindi na sa perspective ng mga Amerikano. Kaya nakagawa tayo ng syllabus na puwedeng ituro na sa mga bata.
Kaya ngayon itong batas na ito seeks a more comprehensive teaching of World War II in higher education. So, 50% ngayon ng lahat ng units sa History [subject] will be about World War II and they will start a three-unit na elective sa college about World War II.
So itong House Bill na ito, 8250, ay pumasa na sa plenary sa Lower House and nandoon na ngayon sa Senate and nasarhan nga lang, nag-recess na. But ang promise ng mga authors, this will be re-filed sa 19th Congress. Ang author nito ay si Roman Romulo doon sa Lower House, at sa Senate naman ay si Joel Villanueva.
So, tulungan ninyo kaming i-promote ito para talagang maituro na sa ating mga bata itong World War II. Para iyong matututunan nila sa classroom, kapag lumabas naman sila, makikita nila sa Mt. Samat, sa Corregidor, sa Kiangan, sa MacArthur Park sa Leyte, sa Balantang sa Panay at doon pa sa mga military shrine and war memorial na ating itatayo pa.
USEC. IGNACIO: Opo. Alam mo, Usec, napakahalaga po talaga ng mga programang iyan ano po, kasi iyan po ang tutulong para sa ating next generation na makita kung gaano iyong katatagan, dedikasyon at tapang ng ating mga beterano para po sa kapayapaan at kalayaan ng bansa.
Kayo po ba ay nakipag-usap sa ating mga beteranong nagpunta diyan? Kumusta po sila? Ano pong mensahe nila sa ating mga kababayan?
Go ahead po, Usec.
PVAO USEC. CAROLINA: Yes. Dahil sa pagdating ng pandemya, dati ang pumupuntang beterano rito ay pati iyong mga galing sa malalayo. Sabi nga, “All roads lead to Bataan.” Pero ngayon ni-limit namin, hybrid, karamihan nandoon sila sa virtual. Pero mga 200 pa rin ang nakarating dito, mayroon pa ring taga-Manila. Sabi ko nga sa iyo kanina, iyong mga taga-Tarlac, Pampanga at saka dito sa Bataan, so masaya sila, sabi nila: “Akala namin nakalimutan na kami.” Kasi nga two years na walang face-to-face.
So, masayang-masaya sila dahil iyong tema nga nakita nila, “Kagitingan ng mga Beterano, Inspirasyon ng Nagkakaisang Pilipino.”
Iyong mensahe, Rocky, na pinu-put across namin, nakita kasi natin iyong mga nakaraang digmaan laban sa Spain, laban sa US noong Filipino-American War, and then itong World War II, noong nagkaisa ang mga Pilipino, panalo tayo.
Kaya itong mensahe na ito ay about iyong pagkakaisa sa mga darating pang hamon lalo na itong pandemya at itong nangyayaring [Russia]-Ukraine war.
Nakita natin iyong kahalagahan noong in-invade iyong Ukraine, iyong mga Ukrainians, iyong nationalism nila, iyong pagmamahal nila sa bayan, nakita natin. Akala ng mga Russians, it would be a walk in the park pero alam natin iyong nangyayari.
So, nakita natin iyong importansiya ng mensahe ng mga beterano, na itong mga bata ngayon ay i-motivate natin at ihanda natin para kung mangyari iyong, palagi namang nangyayari iyan ano, hindi mo mai-eliminate na balang araw ay magkakaroon ng pagkakataon na iyong demokrasya natin will be threatened ay makakasiguro tayo na iyong mga kabataan natin kagaya ng mga beterano ay tatayo, titindig at ipaglalaban ang ating kalayaan.
Naalala rin ng mga beterano iyong mensahe ni President Duterte. Nandito siya noong 77th [anniversary]. By the way, iyong ngayon kasi ay 80th, nagkaroon lang ng pandemya kaya nagkaroon ng gap. Pero noong 77th [anniversary] nandito sa Bataan si President Duterte at iyong sinabi niya sa mga beterano, sabi niya: “The veterans fought for the future. And we are the future.” Tama nga naman, noong panahon na iyon, iyong future ay tayo ngayon iyon. Tapos sabi niya – naantig iyong damdamin ng mga beterano: “They didn’t know me, they didn’t know my family, they didn’t know any of us, but they fought and they died for us.”
So, iyon ang mensahe ng mga beterano. Pinagbuwisan nila ng pawis, hirap, sakripisyo at dugo iyong kalayaan na ipinaglaban nila. And they can only wish na tayo na ipinaglaban nila ay gagawin din natin iyon para sa kinabukasan, iyong future generation na hinaharap at ipi-preserve natin at maipapasa natin iyong kalayaan na ini-enjoy natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng panahon sa amin, Undersecretary Ernesto Carolina, Administrator ng Philippine Veterans Affairs Office.
Mabuhay po kayo and stay safe po.
Senator Bong Go, nanawagan na mas palakasin pa ang pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa importansiya ng bakuna kaysa gawing mandatory ang pagbabakuna. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Karagdagang datos at opinyon naman tungkol sa kaso ng COVID-19 sa bansa at banta pa rin ng bagong COVID variant ang pag-uusapan natin ngayon.
Narito po si Dr. Guido David ng OCTA Research para po ibigay sa atin ang impormasyon.
Magandang umaga po, Dr. Guido David. Welcome back po sa ating programa.
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Magandang umaga din, Usec. Rocky, at saka sa ating mga nakikinig at nanunood dito sa programa natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, ano po iyong assessment ninyo sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 cases sa bansa sa buwan ng Marso at Abril? Ano po iyong positivity rate sa ating bansa?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes. Usec, mababa pa rin iyong bilang ng kaso natin sa buong bansa. Kahapon ay 290 cases, tapos 115 doon ay sa NCR. Hindi pa naman tumataas, nasa very low risk pa rin tayo. Iyong positivity rate natin around 1.6% nationwide. So mababa rin iyan, halos katumbas na ng nakita natin noong December bago tayo nagkaroon ng Omicron surge. Mababa rin iyong hospitalization natin at nananatili rin naman na, ‘ayun nga, iyong positivity rate, iyong ADAR natin below 1, iyong reproduction number natin medyo tumaas nang konti kasi nga medyo nagpa-flat na iyong bilang ng kaso, hindi na masyadong bumababa. Pero okay lang iyan basta hindi naman tayo nagkakaroon ng pagtaas ng bilang ng kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Ayon nga po sa Department of Health, iyon daw pong daily count ng COVID infection natin ay nag-plateau po. Ano po ang ibig sabihin nito? At hingin din po namin ‘yung inyong panig sa pahayag na ito.
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes. Usec., ibig sabihin niyan hindi na halos bumababa iyong bilang ng kaso. Kung titingnan natin iyong seven-day average natin ngayong linggo sa buong bansa ay 342 at noong nakaraan na linggo ay 342 din so parang hindi na siya bumababa masyado. Posible pa naman bumaba iyan pero mino-monitor natin, basta naman hindi pa tumataas. So, iyon ‘yung ibig sabihin ng nag-plateau, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ano po iyong dapat na isaalang-alang pa rin ng ating mga kababayan lalo’t tuluy-tuloy pa rin itong campaign rallies, sabayan pa ng mahaba-habang bakasyon dahil sa Semana Santa at iyon pong banta nitong Omicron, iyong variant, iyong recombinant po na XE na tinatawag?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well mahalaga [na tandaan], Usec., nandiyan pa iyong virus kahit na mababa na iyong bilang ng kaso. Kaya dahil alam nating nandiyan pa iyong virus at nagkaka-surge pa sa ibang bansa tulad sa China ay kailangan mag-iingat pa rin tayo. Huwag tayong magpabaya, sumunod tayo sa minimum health protocols, magsuot tayo ng face mask especially ‘pag nasa gatherings tayo – kunyari mag-a-attend tayo ng campaign sorties ay magsuot tayo ng face mask, ‘pag nasa mga indoors tayo magsuot tayo ng face mask.
Hindi naman natin gustong mapigilan iyong ekonomiya natin or iyong pagpasok ng mga dayuhan dahil ito iyong nakakatulong sa ating economy, sa ating tourism. Pero kailangan pa rin iyong pag-iingat, kailangan pa rin, Usec., patuloy na magpapabakuna at nagpapa-booster shots iyong mga kababayan natin kasi ang alam natin ay humihina iyong ating immunity, after some time bumababa iyong level ng antibodies sa mga ibang tao.
Kaya para ma-prevent iyong pagdami ng kaso lalo na kung may makapasok dito na isa sa mga sub-variants or iyong tinatawag nilang mga recombinant tulad ng XE na nakita na sa Thailand, para hindi magkaroon ng pagdami ng kaso ng mga ganoon dito, mas magandang protektado tayo. Kaya kailangan, Usec., iyong vaccination at iyong booster shots.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasi, Professor, bukas iyong ating bansa sa mga travellers na rin at medyo magaan na rin itong ating restrictions ano po. Ano po ba iyong makikita natin na—kasi nagpahayag din po iyong WHO Representative dito sa Philippines na maghanda po iyong Pilipinas sa mga susunod na buwan dahil daw po sa posibleng pagtaas ng kaso. Ano po ang masasabi ninyo dito?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, Usec., possibility pa lang naman iyan. Hindi naman nangangahulugan na siguradong mangyayari iyan. Puwede nating maiwasan iyan kung tayo’y nag-iingat, patuloy sa pagsunod sa health protocols. At iyong masasabi ko lang doon sa… iyong tourism natin, iyon nga, bukas na iyong mga borders natin dahil kailangan natin ito sa tourism pero maganda rin siyempre patuloy na namo-monitor natin iyong mga pumapasok.
Ang pagkaintindi ko naman, bago makapasok iyong mga dayuhan, kailangan fully vaccinated sila at kailangan may negative RT-PCR or may antigen test results sila para hindi na sila mag-quarantine. Pero maganda rin siyempre, Usec., ma-monitor din natin iyong mga dayuhan na nanggagaling dito sa mga bansa na medyo mataas iyong bilang ng kaso or nagkaka-surge. So kasama diyan ang Thailand, iyong China at iyong iba pa sa mga European countries dahil tumataas ulit iyong bilang ng kaso sa kanila. At kung ganiyan, baka ma-prevent natin itong sinasabi ng WHO na magkaka-surge pero kung hindi tayo mag-iingat ay posibleng mangyari talaga iyan kung hindi tayo sumusunod sa health protocols at hindi tayo nagsusuot ng face mask.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Professor, binabantayan ba o babantayan ito pong bilang ng COVID cases sa bansa? May nakikita po ba kayo na posibleng pagtaas pagkatapos po ng holidays at itong eleksiyon?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: May possibility iyan, Usec. In fact may uptick tayong nakikita sa ibang bahagi ng bansa pero maliit pa lang naman itong mga uptick, hindi pa naman nakakaalarma – sa Central Luzon may nakita tayong uptick, sa Northern Mindanao may nakita tayong uptick. Pero again, very low risk pa rin naman sila so hindi pa naman natin ito masyadong, you know, kina-cascade itong information dahil very low risk pa naman. Ayaw naman natin magkaroon ng false alarm.
Pero mino-monitor natin iyan, Usec., at possible talaga na baka magkaroon ng pagtaas ng bilang ng kaso. Kasi ngayon na nagsisimula na magkaroon tayo ng waning immunity dahil January tayo nagka-surge, ngayon nakatatlong buwan na, posibleng may mga kababayan tayo na iyong antibody levels nila humihina na, bumababa… baka magkaroon ng pagtaas ng bilang ng kaso at sometime in April or May after the election kaya iyon ‘yung tinututukan natin, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Professor, ano po iyong efforts o pag-aaral na isinasagawa ng OCTA Research Group para po maka-gain ng information about dito sa new Omicron XE?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, Usec. Actually bagu-bago lang iyan eh so iyong impormasyon na nakukuha natin limited pa lang. In fact nakuha pa lang iyan—I mean iyong impormasyong natin based [on] a few… not so many cases pa lang. Ang alam natin ay nasa Thailand na ito, kumalat ito sa Thailand at nakapasok na rin ito sa UK at we believe nasa China na ito. Kasi, Usec., ngayon sobrang dami na ng mga sub-variant ng Omicron – may sub-variant ng BA.2, may sub-variant na BA.1 tapos itong recombinant, ibig sabihin nito parang naghalo na, nag-produce na ng panibagong variant galing sa naghalo iyong BA.1 at BA.2 ng Omicron – ito nga iyong tinatawag nating XE.
Pero binabantayan natin kasi nakikita natin iyong transmissibility niya 10% more infectious than iyong Omicron BA.2 at tinitingnan natin kung mas nakaka-cause ito ng severe illness at kung nakakapag-ano ‘to, kung may vaccine escape ito – kumbaga, kaya niyang iwasan iyong mga bakuna na mayroon tayo. Pero again, Usec., limited pa lang iyong information natin pero we’re getting information from all over the world, sa mga reports at sa mga publications na ginagawa sa ibang bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Professor, do you think it’s time that the government should allow second booster shots na i-administer dahil nga po itong threat ng new COVID variant at siyempre iyong sinasabi nga po na possible surge?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well siyempre, Usec., we defer to the medical doctors kung ano iyong magiging [desisyon] nila, kung [ia-approve] nila. Pero sa ngayon ang masasabi ko, based on the data, malaki ang maitutulong ng second booster shot para sa pagpapataas ng level of protection natin against the virus.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, bigyang-daan ko lang po itong tanong ng ating kasamahan sa media ano. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Dalawang taon muna noong una kayong nag-monitor ng COVID cases sa bansa. Ano na raw po ‘yung inyong pinakanapansin sa mga numero natin? Nakita ba natin ang trend ng mga surges dahil sa pagpasok ng iba’t ibang mga variants?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, Usec. Isang napansin natin na trend ay iyong mga wave natin, mga three to four months apart. So medyo sinu-support nga nito iyong hypothesis na humihina iyong immunity natin after a period of time, usually mga three to four months. Pero sa ngayon, iyon nga, maganda iyong kalagayan natin. Puwede namang hindi tayo magkaroon ng panibagong surge kasi, Usec., umpisa noong nagkaroon tayo ng mass vaccinations, talagang medyo nakontrol na natin, especially iyong hospitalization.
In fact ngayon, Usec., over the past years, isa tayo sa pinakamagandang kalagayan ngayon sa Asia, sa South East Asia, parang tayo na nga iyong medyo kakainggitan ng ibang mga bansa sa Asia dahil sa atin hindi nagkakaroon ng pagtaas ng bilang ng kaso. And siguro first time or, you know, one of the few times over the past two years na tayo ang isa sa mga may pinakamagandang kalagayan sa Asia. We’re proud of that. Ibig sabihin kahit papaano, kahit may mga lapses tayo siguro sa umpisa, ngayon maganda na iyong pandemic management natin. Sana magtuluy-tuloy ito, Usec, over the next year and the next few years.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, dagdag pong tanong ni Red Mendoza: Gaano naging kahalaga daw po iyong mga numbers at data sa ating response? Dapat po ba na i-exploit pa ito ng mga susunod na mamumuno dahil naging napakaimportante nito noong panahon daw po ng pandemic?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Napakahalaga nito, Usec, and dapat talaga hindi lang sa pandemic, kung hindi sa lahat ng mga bagay, even sa economy dapat data-driven tayo. So, based on data talaga tayo, scientific iyong approach natin. Kapag iyong mga policies natin ay based on science and based on data, usually mas maganda talaga iyong calibration ng ating response. And we’re optimistic naman na iyong susunod na administration ay ipagpapatuloy itong data approach or based on data or data-driven approach na ginagawa natin sa ngayon para sa ating mga magiging challenges next year and within the next few years.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, may karagdagang impormasyon pa po ba kayo na nais ibahagi o paalala po sa ating manunood?
Go ahead, Professor.
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, Usec. Again, hindi naman tayo nag-a-alarm, [pero] iyong sinasabi ng WHO na may possibility na magkaroon ng surge ay magkakatotoo iyan kung hindi tayo nag-iingat, kung hindi na tayo sumusunod sa health protocols, kung hindi tayo nagpapabakuna, kung hindi tayo nagpapa-booster. Kaya para maiwasan natin iyan o puwede nating maiwasan iyan basta magtulungan tayo, gawin natin iyong parte natin – magpabakuna tayo, magpa-booster tayo, sumunod tayo sa face mask, mag-ingat tayo, magdasal tayo and let’s hope for the best.
Maraming salamat at magandang umaga, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay-panahon sa amin, Professor Guido David. Stay safe po.
Mga kababayan, manatili po kayong nakatutok sa ating programa. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Ating alamin ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa bagong Omicron variant ng COVID-19 at iba pang usapin sa health sector.
Kasama po natin ngayong umaga si Dr. Ted Herbosa, ang medical adviser ng NTF Against COVID-19.
Magandang umaga po, Doc. Welcome back po sa Laging Handa.
- HERBOSA: Magandang umaga, Usec. Rocky, at magandang umaga sa lahat ng mga tagasubaybay ng Laging Handa PH.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, unahin po natin itong naging pahayag ng WHO Representative na paghandaan po ng bansa ang posibleng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 after elections.
Ano po ang masasabi ninyo dito, Doc?
- HERBOSA: Well, ito ay base doon sa pagtaas ng maraming kaso sa iba’t ibang bansa sa paligid natin – Vietnam, Hong Kong, Thailand, Malaysia – lahat sila po ay tumaas ang mga cases habang tayo ay mababa since February ‘no.
Pangalawa, iyong dalawang big events natin – we have the campaign period ng politics/elections at mayroon din tayong religious events, iyong ating Ramadan at mass gatherings. So, all of these are tinatawag nating high risk events for superspreader. Kasi iyong Ramadan, sa gabi kumakain sila together. Iyong Holy Week naman [ay] nagbabakasyon, pumupunta tayo sa mga probinsiya at mami-meet natin iyong mga kamag-anak natin. And iyong political rallies naman talagang may mga mass gathering events and sometimes not properly worn ang ating mga mask.
So, magandang reminder ito sa atin na puwede talagang tumaas iyong mga kaso in the next two months.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa tingin ninyo, Doc Ted, kinakailangan pa bang masimulan muli itong pagku-conduct ng mass swab testing? If not now, kailan po kaya dapat itong isagawa?
- HERBOSA: Alam mo, never tayong nag-implement ng mass swab testing kasi nga ito ay mahal, at lalo na kung ngayon for example. Ang mass testing ay maganda lang kung mataas ang positivity rate.
Naaalala ninyo dati, Usec. Rocky, umaabot tayo ng 30% test positivity rate. Iyon, magandang mag-mass swabbing noon, marami kang mapi-pickup. Pero ngayon nasa 2.1% lang ang test positivity rate, so maraming test kits na masasayang. Malaking gastos iyan para sa pamahalaan.
So, very important iyong strategy natin is targeted testing. Kung ikaw ay na-expose, kung ikaw ay may symptoms, iyan ang mga tini-test natin. At number two, very important iyong tinatawag na magpa-booster tayo at magpabakuna na para protektado in case ma-infect tayo ng Omicron.
USEC. IGNACIO: Opo. Doktor, ilan naman po iyong mga nadagdag sa mga lugar under Alert Level 1 at anu-ano po ang mga lugar na ito?
- HERBOSA: Alam ko dumami, almost a hundred na yata iyong Alert Level 1 na dinagdag lang recently, just a couple of days ago, dinagdag ng IATF to lower Alert Level 1 status. May iilan na lang na naka-maintain sa Alert Level 2. At alam naman natin ang restrictions ng Alert Level 2 ay halos pareho na rin, nakakagalaw na rin ang ating mamamayan at puwede nang magkaroon ng mga economic activities diyan sa mga lugar na iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc Ted, sinasabi nga natin na mababa iyong datos ng COVID-19. Pero kayo po ba ay may mga mino-monitor pa rin na mga lugar na posible pong nagkakaroon ng kahit bahagyang pagtaas po?
- HERBOSA: Ang mga binabantayan natin ay iyong mga lugar na mababa ang vaccination rates, kagaya ng BARMM at ibang areas sa Visayas at Mindanao.
Doon sa matataas ang vaccination rates, wala tayong masyadong kaba diyan sa mga lugar na iyan kasi, kahit magkaroon ng outbreak ay hindi naman naoospital o napupuno iyong mga hospital kasi kadalasan sa bahay lang. Parang iyong nangyari sa atin noong Omicron, nagti-39,000 cases a day tayo pero hindi naman napuno iyong mga ospital.
Pero doon sa mga lugar na mababa pa iyong vaccination rate, mababa pa iyong booster rate, ito iyong ating binabantayan. Kasi dito, puwedeng ma-overwhelm ang ating health system at mapuno ng mga maoospital na vulnerable cases.
So, iyon ang consistent na niri-remind natin sa ating mga partners sa LGU na pataasin iyong antas ng vaccine administration lalo’t sapat ang numero ng mga bakuna natin ngayon, at pangalawa iyong booster shots ng ating mga kababayan. Medyo nag-relax iyong mga kababayan natin noong bumaba tayo sa Alert Level 1. Naipit tayo sa 12 million lang na naka-booster, whereas, 66 million na ang may two doses. So, malayo iyong hahabulin, Usec. Rocky.
So, reminder: Habang Holy Week at walang trabaho, siguro ang maganda ay puwede na tayong magpa-booster. And by the way pati doon sa mga probinsiya na bibisitahin ninyo, puwede tayong magpa-booster doon. Ipakita ninyo lang iyong inyong vaccination card na may two doses at kung lampas three months na puwede kayong makatanggap ng booster shot doon sa lugar na iba sa inyong address.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, ano naman daw po iyong impormasyon o datos na mayroon kayo tungkol dito sa bagong XE variant ng Omicron?
- HERBOSA: Iyong Omicron XE ay sub-variant na tinawag nilang recombinant. Recombinant dahil nandudoon iyong characteristics ng BA.1 at BA.2, so naghalo siya sa isang new recombinant variant at iyan ang tinawag na Omicron XE. At saka mayroon din iyong mga XD at XF. So, ganoon din iyon ano, mga combinations of the existing variants.
Ano ang ikinatakot ng WHO dito? Ito ay ten times more transmissible than Omicron na nangyari sa atin. Nakita ninyo noong January at February, buong household iyong nai-infect. Mayroon tayong isang positive tapos after a few days positive na lahat ng kasama niya sa bahay. Very infectious.
So, isipin ninyo na lang iyong Omicron tapos ten times more infectious than that. So, iyan iyong XE na so far ay wala pa namang na-identify ang Philippine Genome Center na nabahala tayo kasi na-identify siya sa Thailand, mga three hours flight away from the Philippine lang.
Kaya siyempre nakabantay tayo and hopefully iyong ating border control, iyong negative PCR test para sa mga dayuhan na bibisita sa Pilipinas ay maging sapat sa pag-prevent ng pagpasok ng Omicron XE.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc Ted, sakali pong magkaroon – naku, huwag naman sana – ng kaso nitong mga bagong variants sa bansa, may mga plano na po ba kayo on how to deal with this situation?
- HERBOSA: ‘Ayan nga, Usec. Rocky, iyong kahalagahan noong magpa-booster. Kaya sinasabi namin sa mga kababayan na kung akala ninyo mababa na iyong risk ngayon, eh ‘pag nakapasok iyang XE, ang bilis ng hawahan niyan eh saka manghahabol magpa-booster. So ngayon pa lang na mababa iyong risk natin, magpa-booster na iyong ating mga kababayan para kung makapasok man iyan, protektado tayo sa hospitalization and the ICU and even baka mamatay pa kung talagang vulnerable. So very important iyong booster ‘no, bumababa at nagwi-wane ang antibodies natin, so kung hihintayin pa natin iyong nakapasok na dito iyan bago magpa-booster, baka mahuli na naman tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, atin po munang sagutin iyong ilang tanong mula po sa ating kasamahan sa media ano. May tanong po sa inyo si Red Mendoza ng Manila Times: Ngayon daw pong plateau na ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, sa tingin ninyo po ba maganda itong senyales or may posibilidad na lull lang ito at ang posibilidad na surge ay maaari naman daw pong mangyari?
- HERBOSA: Yes ‘no, puwede pa ring mangyari ang surge natin at iyan nga ‘yung parang cycle natin for the past – every three months parang tumataas iyong cases natin so parang January-February tayo so talagang due for another surge or outbreak. And I think mahirap mag-relax, ako cautiously optimistic sana hindi na bumalik dahil sa mataas na vaccination rate natin sa Metro Manila pero siyempre posible pa ring mangyari iyan sa ibang parte ng Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Red Mendoza: Nakikita po ba ng NTF na tinutuloy ng mga LGU ang kanilang bakunahan kahit nasa kalagitnaan ng kampanya sa lokal na eleksiyon?
- HERBOSA: Eh nagri-report sila ‘no pero talagang bumagal ‘no. May mga reports sa akin na walang tao nga sa vaccination site at kailangan pang i-house-to-house ano. So very important, I think na-relax iyong ating mga kababayan wala ng new case na nababalitaan. So malaking bagay na paalalahanan sila ‘no, hindi pa tapos ang pandemya, nandidiyan pa rin at in fact sa mga ibang bansa dumadami iyong cases. So very important na maintindihan nila na hindi sapat iyong dalawang bakuna lang, kailangan talaga magpa-booster.
At hindi naman ito parang niloloko lang sila, sabi noong iba bakit daw sabi fully vaccinated na ‘pag dalawa – ngayon may booster. Sapagkat iyong datos natin dumadagdag ‘no, nalalaman natin six months lang iyong efficacy noong antibody level at kailangan talagang magpa-booster after three to six months.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, panghuli pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: May improvements na po ba sa bakunahan sa BARMM? Nagawa na po ba ang bakunahan pagkatapos ng kanilang mga Friday prayers—nito nga daw pong Biyernes?
- HERBOSA: Oo. So iyan ang challenge natin sa BARMM ano because siyempre nasa bahay lang sila during Ramadan, hindi lumalabas iyan. So ang suggestion namin ay magkaroon sa May right after the election ng special vaccination day. Ito’y minungkahi ni Secretary Galvez himself na mag-conduct kami sa BARMM ng special vaccination day pagdating ng Mayo right after the May 9 elections.
USEC. IGNACIO: Opo. Punta naman po tayo sa usapin ng Semana Santa. Ano daw po iyong paghahandang isinagawa ninyo para sa paggunita nito? Tingin ninyo po, kailangan po bang magpatupad ng stricter protocols and restrictions lalo na po dito sa mga tourist destinations?
- HERBOSA: Well, tuluy-tuloy ang pag-remind natin sa mga kababayan natin ‘no – bring your… mga face masks and surgical masks, bring good masks doon sa mga destination sites ninyo. Very important din na ‘pag pupunta tayo sa mga lugar na tourist destinations, to keep our bubble. Kung iyong mga kamag-anak natin na kasama natin talaga sa bahay, mas maganda sila lang ang kasama natin doon sa pasyalan natin. At kung kailangan naman tayong makipag-meet sa mga kamag-anak natin, sundin natin iyong mga minimum public health standards – naka-mask kung hindi tayo kumakain at iyong physical distancing.
And very important na mag-advice tayo sa isa’t isa ng ating vaccination status at booster status. So alam na natin kung paano mahawa dito sa COVID at mag-ingat na lang tayo even when travelling. Siguro kung sasakay ka ng eroplano, domestic flights naman mga one hour or less lang – make sure hindi ninyo na tatanggalin iyong mask ninyo para kumain. Kumain na kayo before the flight or after para hindi ninyo na kailangan tanggalin iyong face mask ninyo sa loob ng airline. Ganoon din sa loob ng bus at sa loob ng ibang pampublikong sasakyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Ted, kunin ko na lamang po ‘yung inyong mensahe at payo/paalala dito po sa ating mga kababayan na hindi pa nagpapa-booster at siyempre doon sa mga sasamantalahin po iyong mahabang bakasyon. Go ahead po, Doc Ted.
- HERBOSA: ‘Ayan. Nag-uumpisa na po ang ating Semana Santa, sa panawagan ko magpa-booster na tayo ‘no habang walang masyadong trabaho at magri-relax tayo. Magha-half day siguro tayo sa Holy Wednesday, make sure makuha ninyo na iyong booster shots ninyo. Pinadali na natin ‘to na makakuha kayo ng booster shots sa mga mall, sa mga LRT stations, sa mga botika at sa mga vaccination centers mismo.
At dalhin lagi ‘yung inyong vaccination card para kung makakita kayo ng puwedeng magpa-booster, ipakita ninyo lang iyong vaccine card ninyo at ‘pag iyong petsa ng second dose ninyo ay more than three months, bibigyan na po kayo ng booster dose doon sa lugar na iyon.
Para naman sa mga mangangampanya, make sure magsuot tayo ng mask at iyong may mga edad huwag na nating isama diyan sa mga political rallies, baka ma-infect pa sila. So sa bahay na lang, manood sa TV, makinig sa radyo. Iyon lang, Usec. Rocky, maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay-oras sa amin, Dr. Ted Herbosa ng National Task Force Against COVID-19. Mabuhay po kayo and stay safe po.
Humigit-kumulang 1.7 milyon na Pilipinong botante sa abroad ang inaasahang boboto para sa ‘Hatol ng Bayan 2022’. Sisimulan na ito bukas, April 10, sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas sa iba’t ibang dako ng mundo.
Sa bansang Italy, dumating na roon ang dalawang vote counting machines. Nananawagan si Philippine Consulate General Milan Consul General Bernadette Fernandez sa mga registered voters ng Milan at North of Italy na huwag sayangin ang kanilang karapatan upang pumili ng magiging lider dito sa bansa.
Pipili ng isang presidente, isang bise presidente, labindalawang senador at isang party-list group ang mga boboto.
Makibalita naman po tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan sa bansa.
Puntahan natin si Jam Sison ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jam Sison.
At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.
Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’ ibang sangay ng PCOO, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center