Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location New Executive Building

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Mga isyu na hindi dapat palampasin, ating tututukan, isa po diyan ang binabantayang COVID-19 XE variant. Nakasubaybay din po ang Laging Handa sa paghagupit ng Bagyong Agaton sa Visayas at Mindanao. Aalamin din natin mamaya ang ilang paalala ng MMDA sa mga pauwi nating mga kababayan ngayong Semana Santa. Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na mananatiling mandatory ang pagsusuot ng facemasks hanggang sa katapusan ng kaniyang termino. Sa kaniyang Talk to the People kagabi, sinabi ng Pangulo na hindi maaaring maging kampante ang mga Pilipino laban sa COVID-19 para hindi matulad sa mga bansang biglang tumaas ang COVID-19 cases dahil na rin sa pagluluwag ng health protocols.

Samantala, muling inatasan ng Punong Ehekutibo ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na paigtingin pa ang bakunahan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Umabot na sa dalawampu’t dalawa ang nasawi sa Baybay City, Leyte dahil sa pananalasa ng Bagyong Agaton, batay sa tala po iyan ng lokal na pamahalaan ng Baybay City. Batay din sa LGU, anim ang nawawala habang higit isandaan ang sugatan. Ayon naman sa PDRRMO ng Leyte, higit siyamnaraang pamilya o higit dalawanlibong indibidwal ang apektado sa hagupit ng Bagyong Agaton sa kanilang probinsiya.

Sa ngayon ay patuloy ang search and retrieval operations sa landslide sa Barangay Bunga, Baybay City habang patuloy ang pagkumpirma ng NDRRMC sa mga apektado ng residente. Tiniyak naman ng national government ang patuloy na pagbibigay ng tulong sa iba pang mga nasalanta ng Bagyong Agaton.

Kahapon po ay inanunsiyo ng MMDA na lifted ang number coding sa EDSA mula ngayong araw hanggang sa Biyernes, April 15, upang bigyang-daan po ang Semana Santa. Makakausap po natin si Attorney Romando Artes, ang chairperson po ng MMDA. Magandang umaga po, Chair.

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Magandang araw po, Usec. Rocky, at sa inyong tagapanood.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, unahin ko na po ang proposal nitong MMDA hinggil sa bagong number coding scheme. Kailan daw po ito inaasahang maaaprubahan at maipatutupad?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Isinumite na po natin iyan sa Metro Manila Council, at ini-expect po natin after Holy Week ay maaaprubahan na po ito. At ang target date po ay May 1, pero puwede po natin itong i-adjust sa May 16 dahil ito naman po ay bilang preparasyon sa darating na pasukan sa Hunyo.

USEC. IGNACIO: [OFF MIC] …laging magiging tanong, Chair, nasa ilang porsiyento raw po ang inaasahang mababawas nito sa traffic sa Metro Manila?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Opo, 40% po ang mababawas sa volume ng sasakyan during rush hour which is ni-limit naman po natin between 5 to 7 P.M. lamang. From moderate to heavy, ini-expect po natin iyong mga pangunahing lansangan natin will be light to moderate lamang at magpapabilis po ng daloy ng trapik. Kung aalis po kayo ng six o’clock, makakarating kayo ng eight o’clock; kung aalis din po kayo under the new scheme ng seven o’clock, makakarating din po kayo ng eight o’clock. So pareho lang din po iyong magiging biyahe. At magagamit ninyo pa po iyong oras na iyan na instead na na-stuck kayo sa trapik, makakagawa pa po kayo ng errands or makakapag-overtime sa trabaho.

USEC. IGNACIO: Opo. Dito po sa mga pangunahing terminal gaya ng PITX, nasa 100,000 na po iyong daily commuter volume. Pero sa ngayon po, ngayong Semana Santa, ilan po iyong inyong estimate? At paano raw po masisiguro itong health and safety protocols lalo na ngayon na may panibagong banta po ng recombinant?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Opo. Nagbisita po tayo sa mga pangunahing terminals to ensure na iyong minimum public health standards ay masusunod, ganoon din po na maayos iyong pagpila ng ating mga mananakay. Kaya po tayo ay nananawagan sa ating mga kababayan na sa atin pong pagbiyahe sa Semana Santa ay sundin pa rin po iyong minimum public health standard particularly po iyong pagsusuot properly ng mga masks.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, sa mga pangunahing terminal po gaya ng PITX—iyan na nga po, nabanggit ninyo na 100,000 at inaasahan na madadagdagan pa po. Pero pag-usapan nga po natin iyong Oplan Metro Alalay Semana Santa 2022, magkakaroon po ba ng karagdagang kinatawan ang MMDA? Kung magkakaroon po, ilan po iyong personnel na puwedeng mai-deploy pa?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Nag-deploy po tayo ng 2,975 na personnel, iyan po ay kinabibilangan ng mga traffic enforcers, emergency personnel at iyong iba pa po nating mga empleyado para po panatilihin iyong kaayusan sa ating mga terminals at lansangan.

USEC. IGNACIO: Opo. Una na nga pong nabanggit ng DOTr na libre muli ang EDSA Busway Carousel simula kahapon, Lunes. Napag-usapan na po ba ng MMDA at DOTr kung dadagdagan ba raw po iyong bilang ng bus na gagamitin ngayong Holy Week? Marami po kasi ang nagrireklamo na hirap daw po silang makasakay lalo raw dito sa Pasay at Monumento. Ano raw po ang masasabi ninyo rito, Chairman?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Kahapon ay kasama natin si Chairman Chuck Delgra at si Usec. Pastor sa pag-iinspeksyon po ng ating mga terminals, at kanila pong nabanggit na pag-aaralan po nila muli or magkakaroon ng adjustment sa traffic plan nila particularly sa dispatch ng buses para po i-accommodate iyong mga mananakay lalung-lalo na po iyong pagdagsa ngayong Semana Santa. So i-expect po natin, Usec. Rocky, na magkakaroon ng malaking adjustment sa bilang po ng mga buses na bibiyahe po dito sa ating bus carousel.

USEC. IGNACIO: Opo. Kapag sinabi ninyo po na magkakaroon ng mga malaking adjustments, sa taya ninyo ay mga ilan po ito, Chair?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Hindi ko po alam iyong exact na bilang. Pero nag-usap din po kami, magdi-deploy po tayo ng motorcycle units sa bus carousel para po hatakin iyong mga buses at hindi po sila mag-standby sa isang lugar para po iyong pag-ikot ng mga buses ay mas mabilis at mas mabilis din po iyong pagbiyahe.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, kamakailan nga po ay ginanap din itong Oplan Harabas sa mga PUV terminals sa bansa. Marami pong drayber at konduktor ng PUV ito pong sumailalim sa drug testing. Kumusta po iyong isinagawang drug testing? Magpapatuloy ba ito hanggang bago po mag-Holy Thursday?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Opo. Ang PDEA po ay nagsagawa ng drug testing sa mga driver at konduktor. So far po, walo po iyong nahuli na positive sa droga. So immediately, sinuspend [suspend] po ang lisensiya niyan, kinumpiska para hindi na po sila makapag-drive. At tuluy-tuloy naman po iyong operation ng PDEA katulong po ang MMDA sa lahat na po ng bus terminals hanggang po sa Semana Santa.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, hingi na rin daw po kami ng update sa mungkahi ninyong mas maiksing work hour sa mga government office sa NCR. Kailan po ito inaasahang mai-implement?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Sumulat na po tayo kay Chairman Karlo Nograles para po matalakay. Siguro po after Holy Week, Usec. Rocky, kami po ay pupunta sa tanggapan ng Civil Service Commission para po mabalangkas iyong panuntunan sa pagpa-implement po ng seven to four working hours sa government po, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. May ilang paalala po ba kayo sa ating mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Opo. Sa atin pong mga mananakay at bibiyahe po sa ating mga probinsiya, sana po panatilihin po natin iyong minimum public health standards, at ganoon din po, mag-ingat po tayo sa daan para po maging quality time iyong i-spend po natin kasama ang ating mga mahal sa buhay sa panahon ng Semana Santa.

Iyan lamang po, Usec. Rocky, at magandang araw po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Pero may pahabol lang po ako. Basahin ko na lang po iyong tanong sa inyo ni Athena Imperial ng GMA 7: Paano po ang mangyayari raw sa proposal na twice a week na 5 to 7 P.M. na coding scheme? Paano nito mababawasan ang 40% ng vehicle volume sa Metro Manila?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Opo. Ipagbabawal po natin iyong mga ending plates na covered ng number coding scheme. Kaya po 40% dahil twice a week po iyan at apat po na plaka ang apektado kada araw, ending plates. So 40% po iyon, nasa presentation po natin iyan sa Pangulo na nagpapakita kung ano po ang epekto sa daloy ng trapiko sa pangunahing lansangan sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin.

Muli po nating nakapanayam si MMDA Chairperson Romando Artes. Mabuhay po kayo, Chair.

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Magandang araw po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Senator Christopher ‘Bong’ Go, nagbalik-tanaw sa achievements na handog ni Pangulong Duterte sa ating mga kababayan sa kaniyang panunungkulan sa nakalipas na anim na taon. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, ilang mga pasahero pa rin ang stranded sa ilang mga pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Agaton. Agad namang binigyan ng assistance ang naturang mga pasahero habang naghihintay ng biyahe. Ang sitwasyon doon, alamin natin mula kay Mark Fetalco. Mark…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Mark Fetalco.

Samantala, umabot na sa 66,652,616 ang kabuuang bilang ng fully vaccinated laban sa COVID-19 – iyan po ay ayon sa datos ng Department of Health na ipinalabas kahapon, April 11, 2022. Mula April 4 hanggang April 10, nakapagtala ang DOH ng 1,906 na mga bagong kaso na naitala sa bansa. Ang average na bilang na nagpositibo ay nasa 272 cases. Mas mababa ito ng 2% kung ikukumpara sa mga kaso noong March 28 hanggang April 3. Sa ngayon ay nasa 707 ang kabuuang bilang ng severe and critical cases. Samantala, mayroon namang naitalang 428 na bilang ng mga nasawi sa nagdaang linggo.

Kamakailan, naitala na sa Thailand ang kanilang unang kaso ng Omicron XE. Ano nga ba ang kaibahan nito sa maaaring sintomas na maramdaman ng tatamaan ng COVID variant na present sa ngayon? Makakausap po natin ngayong umaga si Dr. Lulu Bravo mula po sa Philippine Foundation for Vaccination. Magandang umaga po, Doc Lulu. Nice seeing you again.

DR. BRAVO: Yes. Good morning, Usec. Rocky, and thank you for having me today.

USEC. IGNACIO: Opo. Kamakailan po nakapagtala rin po ang Thailand ng kanilang unang kaso ng Omicron XE at nabasa ko rin po sa newsfeed na kinonfirm [confirmed] na rin po ng Japan na mayroon na rin po silang kaso ng Omicron XE. May kaibahan po ba iyong maaaring sintomas na mararamdaman ng tatamaan ng recombinant na ito?

DR. BRAVO: Naku, walang difference ang sintomas ng Omicron BA.1, BA.2 at itong XE. Ang nakita natin, ang ibig sabihin nitong XE, it’s a recombinant ‘di ba – pinaghalo iyong BA.1 at BA.2 ng Omicron at naging XE ang tawag nila.

But unfortunately ay nakita na itong XE ay mas mabilis ang transmission by at least 10% from BA.2. Alam mo iyong nangyari sa atin nitong January, BA.2 iyon karamihan ‘di ba, at nakita mo naman [na] mabilis talaga iyong transmission. Ngayon itong XE, mas mabilis. But as far as the symptoms are concerned, parang pareho lang. Wala namang nakikitang kaibahan.

But as I said, kailangan mag-monitor pa rin tayo at ang atin namang Philippine Genome Center ay nakatutok kung mayroon tayong makikitang XE. So far, wala pa naman akong nababalitaan.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Lulu, kapag po ba mas nakakahawa, puwede nating sabihin na mas hindi ito nagiging deadly?

DR. BRAVO: Hindi naman necessarily na kapag mas nakakahawa ay mas severe – nakita na natin iyan. Alam mo, ikumpara mo for example iyong Omicron sa Delta: Ang Omicron mas nakakahawa, ang bilis – buong pamilya ‘di ba, nagkakaroon – kumpara sa Delta.

Pero nakita mo naman, iyong Omicron ay dahil siguro isa pa ngang factor ay medyo marami nang bakunado sa atin ‘di ba. Less ang severity, hindi ganoon kadami ang naospital at nagiging kritikal sa Omicron kaysa dito sa Delta and yet mas mabilis ang transmission ng Omicron. So hindi comparable iyon ha, iyong pagka-transmissible niya at iyong severity niya ay magkaiba ang anggulo noon.

Kaya importante talaga na ang mga eksperto natin nakatutok, nag-aaral, tinitingnan lagi kung ano ang makikita nila. So importante talaga na hintayin natin ang sasabihin ng ating mga eksperto na nakatutok diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Kuhanin ko na lang din po ang inyong pahayag dito po sa malawakang bakunahan at sinabi ninyo nga po na maganda dapat ay talagang mas maraming bakunado ano po. At sinasabi rin kasi ng DOH na hinihintay na lamang po nila ang FDA na maglabas ng amended EUA para po dito sa fourth dose o second booster at booster shots para po sa mga bata or for kids. Hindi po ba daw masyadong maaga pa ito para dito, Dr. Lulu?

DR. BRAVO: Thank you, USec. Napaka-importanteng katanungan iyan tungkol sa dapat na ba tayong magpa-second booster.

Actually, pinag-aaralang mabuti iyan ng ating mga eksperto. Again, ang ating nakita sa ibang bansa at nakikita rin natin na kailangan ng second booster, okay, or fourth dose ay iyong elderly, iyong mga immunocompromised. Iyan din ang kanilang rekomendasyon sa ibang bansa.

Kasi alam mo iyong matatanda, 60 and above lalo na iyong 80s, mahina na ang kanilang panlaban. Para din silang immunocompromised, ibig sabihin, hindi na normal ang paglaban nila sa mga sakit, sa mga bakuna. Hindi kasing lakas ng kanilang paglaban noong kabataan pa nila, so, iyon ang kailangan talagang mag-second booster or fourth dose.

Ngayon, hinihintay na lang natin ang sasabihin talaga ng FDA for official, kasi alam mo naman hindi madaling isabak lang lagi ang ating mga health workers, kulang pa ang ating mga health workers, kasi sa ngayon pina-prioritize pa rin natin – tandaan natin ito, mga kababayan – pina-prioritize po natin iyong mga elderly kasi as of now, USec., ang nakita ko 75% lang ng senior citizens ang bakunado, fully vaccinated with two doses.

So, ano iyong ginagawa noong 25% pa na elderly? Kailangan ipursige natin na sila ay mabakunahan kasi sila iyong talagang nagiging severe, sila iyong maaaring mamatay kapag nagka-COVID. Kaya I think importante na siguro, sabi na nga natin, ay magtulung-tulong tayo, unahin natin iyan.

Doon naman sa mga bata, and you know I’m a pediatrician of 45 years, ang pagbabakuna ay talagang importante. Dahil alam mo iyong mga babies, importante din na malaman natin na hindi rin kasing lakas ang kanilang panlaban kaysa doon sa mga age between five and above or eighteen and above, hindi ba? Kasi kaniya-kaniyang age group, kani-kaniyang panangga lang iyan, hindi pare-pareho. Kaniya-kaniya tayo ng lakas ng pananggalang or immune system.

So, ang mga bata, sa ngayon prinayoridad din, kulang pa rin ang ating fully-immunized 18 and above and 12 and 11. Talagang kailangan i-prioritize iyon, pero kung kailangan na— tapos sasabihin natin kailangan ba ng booster? Eh, siyempre ang ating mga eksperto ay magbibigay na rin ng kanilang rekomendasyon kasi nakita ko na rin iyan sa ibang bansa, iyong 12 to 17 ay binigyan na rin ng second dose or I mean the booster dose. Pero iyong five to eleven ay pinag-aaralan pa natin.

So, hintay-hintayin na lang natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Lulu, bigyang-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: Nag-aalala po ang pamahalaan sa mataas na vaccine hesitancy sa Bangsamoro Region dahilan ng kanilang mababang vaccine uptake. Ano po ang inyong tingin na magandang suggestion para daw po lalong makumbinsi ang ating mga kapatid na Muslim na magpabakuna?

DR. BRAVO: Again, USec., napakagandang katanungan iyan kasi alam mo kami sa Philippine Foundation for Vaccination, since 2000 pinag-aaralan namin kung papaano talaga maipahatid sa ating mga kababayan lalo na ang ating mga kapatid sa Mindanao, sa Muslim area, ang kahalagahan ng bakuna.

And even now with the COVID, nakikita natin [na] medyo sila iyong nagla-lag behind, medyo sila iyong nadi-delay. Alam mo kasi, takot sila, kung minsan may mga factors na religion iyan eh. Iyong halal, for example, takot [sila dahil] ayaw nila na magkaroon sila ng mga bakuna na hindi halal hindi ba?

Pero ganito ang dapat siguro na pag-aralan nating gawin sa ating mga kapatid na Muslim sa Mindanao, sa ARMM: Mag-get together tayo, mag-meeting tayo with the LGUs, sabihin natin na ganito po ang epekto ng COVID lalo na sa mga matatanda, lalo na sa mga buntis, lalo na sa immunocompromised, may diabetes, may hypertension.

Iyan pong COVID kapag tumama sa mga tao na matatanda at immunocompromised or may comorbidities ay malaki po iyong maaaring maging epekto. Kayo po ay maoospital, gagasta kayo nang malaki, napakamahal po ng mga gamot laban sa COVID. Iyong talagang tunay na gamot po, hindi iyong makikita ninyo lang diyan sa kung saan-saan pinagbibili na hindi naman sigurado. Iyon pong tunay na gamot, napakamahal po noon.

Kaya importante po na sana ay mabakunahan kayo at ito naman pong bakuna ay nakita na po sa Malaysia, sa Indonesia, ito pong ating mga Muslim na kapitbahay sa Indonesia, sa Malaysia, ay talaga naman pong halos 75/85% na po ang bakunado sa kanilang bansa. Kaya naman po ako ay natutuwa kasi sa Indonesia ang ganda-ganda na ng kanilang mga COVID cases, bumagsak na rin gaya dito sa Pilipinas sa ngayon.

So, sana naman po ay kausapin natin sila, mag-meeting-meeting po tayo, ang atin pong mga eksperto na mga Muslim din, mayroon naman po tayong mga eksperto na Muslim din. Kami [ay] nagti-train ng mga residente na galing diyan sa area na iyan sa Mindanao, sila po ang makakatulong sa atin upang ipaliwanag nang maayos sa ating mga kababayan diyan sa Mindanao ang kahalagahan ng pagbabakuna at para hindi po talaga ma-damage or ma-destroy ang kanilang mga kabuhayan, ang kanilang buhay mismo kapag sila ay nagka-COVID.

Ito po ang ating gagawin, kailangan po ay magandang conversation, magandang pagkumbinsi. Huwag naman po tayo talaga na maging hostile kasi nakikita po natin napapaliwanagan naman po sila lalo na kung kaya sila natatakot ay dahil sa mga naririnig nilang fake news at disinformation. Kasi iyon nga po ang isa nating gustong gawin eh, iyong paglaban sa mga maling social media, fake news, disinformation.

Ang COVID po ay talagang napakahalagang [sic] bagay, maaari pong makamatay at makasira ng kabuhayan at buhay. At ang bakuna po ay napaka-effective. Malaki na po ang nagawang tulong ng bakuna para iligtas ang ating mga kababayan at iyon po ang dapat natin laging sasabihin sa ating mga kapatid na Muslim at sa Mindanao.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Lulu, may dagdag pong tanong si Red Mendoza ng Manila Times: Mababa pa rin po ang ating booster dose vaccination at isa daw po sa pangunahing dahilan nito ay iyong pagiging kampante ng mga Pilipino sa dalawang dose na bakuna. Sang-ayon ba daw po kayo na i-redefine na natin iyong definition ng fully vaccinated para maisama na itong booster shot?

DR. BRAVO: Well, posible iyan kasi nakita rin ng mga eksperto na mayroong mga bakuna, like Sinovac for example, na talagang pangatlong dose ang magiging full immunization or fully vaccinated.

Ngayon, iba-iba rin kasi ang quality or mga neutralizing antibodies na nakikita natin sa iba’t-ibang bakuna. For example, nakita natin sa mRNA although mataas ang lebel ng neutralizing antibodies after the second dose, eh pagdating ng mga six months bumababa na rin iyan, so, kailangan pa rin ng third dose.

At hindi tayo dapat maging kampante, Red. Hindi talaga tayo dapat maging kampante maski sa media sapagkat ang importante eh added protection. Totoo na sa dalawang dose eh bababa at bababa ang ating immunity at hindi natin sigurado kung sa pagdating ng variant na naiiba, na bago, eh nakaka-escape iyong ating mga variant na iyon para magbigay ng sakit. Pero ganoon pa man, maski na sila ay nagkaroon ng COVID basta bakunado sila at least with two doses, full doses na ang tawag natin doon.

Eh, mas mababa ang severity or parang sinipon lang sila, parang nagkaroon lang sila ng flu. Kaya pagbutihin natin – na ang ating mga kababayan upang maging less ang transmission – ay makarating tayo sa 90-95% na bakuna. Iyon ang magiging pananggalang natin para hindi tayo magkaroon ng transmission at magkaroon pa ng ibang variant.

Pero I will agree na darating din ang panahon na sasabihin ng ating mga eksperto, sige na, please lang po get your third dose sapagkat—Ilang taon na nga ba? More than one year na tayong nagbabakuna. Alam mo magiging endemic ang COVID kagaya ng flu. Hindi ba sa flu every year nagpapabakuna tayo? Iyon ang nakikita rin ay maaaring ini-expect ng ating mga scientists and vaccine researchers like me.

Talagang makikita natin na itong COVID ay maaaring maging flu na kailangan taun-taon ay bibigyan mo ng annual shots. Oh, hindi ba?

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Lulu, dahil nalalapit na rin itong long weekend, inaasahan na marami na naman ang uuwi sa kani-kanilang probinsiya. Nakikita ninyo ba na posibleng tumaas ang COVID cases pagkatapos nitong Holy Week?

DR. BRAVO: Well as you know, Usec. Rocky, if you see Alert Level 1 that means that herd immunity is already working; hindi na ganoon kabilis [ang hawaan]. However, totoo ang sinasabi mo, Usec, we have to be vigilant still, we have to exercise minimum public health standard.

Iyong ating air ventilation, importante po iyon kung kayo ay mamamasyal. Alam ninyo po, sa mga open air, mas maganda po na doon tayo magsaya, doon tayo kumain, magsasama-sama tayo. Kasi iyong indoor po, kailangan well ventilated at kung hindi kayo sigurado sa inyong indoor, sa inyong loob ng bahay, walang proper ventilation, ang mga bintana ay iisa lang, walang kabila – dapat po kasi kung sa kabila may bintana iyong kabilang tapat may bintana rin para ang air nakaka-circulate at mayroon din kayong bentilador para umiikot ang air. Iyan po ang importante!

Distansiya. Huwag po laging, you know, kung hindi naman kayo talaga nagsasama-sama ng magkalapit eh maganda rin po iyon. At iyon pong tinatawag natin na mask kung kayo po ay indoor.

Ngayon sa labas, puwede siguro. Ako, sinasabi ko sa mga kamag-anak ko nang minsang magkita kami, ‘Okay, dito sa labas, dito tayo magsaya at open air.’ Alam mo na sa Calamba, sa Pansol ako, ang ganda ng air index doon, ‘di ba, maganda ang atmosphere doon. Sa may Mount Makiling ay nakakapagtanggal kami ng mask kapag kami ay nagsasalita or alam mo, mayroon ngang nagkakantahan pagdating ng Easter, hindi ba?

So, iyon lang – distansiya, open air as much as possible or kung nasa indoor, well ventilated po ang kuwarto, huwag po tayong maging kampante. At kung kakain po, iyon din, magkakahiwalay. Kung puwede nga po ay talagang pursigihin natin iyong pagma-mask kung tayo ay talagang magkakalapit at nag-uusap lang, kung indoor iyan!

USEC. IGNACIO: Doctor Lulu, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Dr. Lulu Bravo, ang Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination. Mabuhay po kayo and stay safe.

DR. BRAVO: Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Nakakalungkot po ang pangyayari sa mga lalawigan sa Visayas at Mindanao na hinagupit ng Bagyong Agaton. Marami sa ating mga kababayan ang nasa evacuation centers. Kaya para alamin ang agarang tulong ng pamahalaan para sa ating mga kababayan, makakausap po natin ang tagapagsalita ng DSWD, si Director Irene Dumlao. Magandang umaga po Director.

DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Magandang umaga po, Usec. Rocky, magandang umaga rin po sa lahat ng sumusubaybay ng inyong programa.

USEC. IGNACIO: Director Irene, sa pananalasa po ng Bagyong Agaton sa Kabisayaan, nasa ilang katao na po ang apektado, base po sa inyong data at sa NDRRMC?

DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Well, Usec. Rocky, batay po doon sa 6:00 PM na ulat ng ating Disaster Response Operations and Monitoring and Information Center kagabi, kagabi po iyan, mayroong mahigit 55,000 na mga pamilya o mahigit 218,000 na individual ang naapektuhan  nga po ng Bagyong Agaton sa 184 na mga barangay sa Region VI, VII, VIII, IX at XI at Caraga.

Ang DSWD, bilang vice chair for Disaster Response Cluster ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay masusing nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan na siyang pangunahing rumiresponde sa mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan tuwing may kalamidad at sakuna at ang DSWD naman ay tumutugon sa mga kinakailangan ng mga LGUs sa pamamagitan ng mga family food packs and other relief items. Ito ay parte ng ating resource augmentation sa mga lokal na pamahalaan.

Nagsimula na rin ang DSWD na magbigay ng karagdagang food and non-food items sa mga naapektuhang lokal na pamahalaan. Ganoon din, activated na iyong ating mga quick response teams sa ating mga regions at sila ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga naapektuhan at posibleng maaapektuhan pa ng pananatili nga ng Bagyong Agaton sa Philippine Area of Responsibility.

Sa katunayan nga po ang ating ahensiya ay nakapagpadala na ng mahigit 4.2 million na halaga ng augmentation supports sa Davao Del Norte. Sa Eastern Visayas naman, tayo ay nakapagpahatid o naghahanda para sa pagpapahatid ng karagdagang family food packs.

Sa Guiuan, Eastern Samar, ganoon din, tayo ay magpapahatid o ang ating field office ay magpapahatid din ng mga family food packs na nagkakahalaga ng mahigit P500,000 sa bayan ng Baybay at Abuyog.

Ganoon din po, ang ating field office, particular ang Field Office VIII ay may mga naka-preposition na mga family food packs sa iba’t ibang lugar.

Kagaya nga po sa Allen, Northern Samar kung saan may mahigit 400,000 family food packs po tayo na naka-preposition sa lugar na iyan. sa Catbalogan, Samar ay mayroon ding mga mahigit 500 family food packs na naka-preposition; ganoon din sa Borongan City, Eastern Samar. Mayroon din tayo sa Naval, Biliran. At ganoon din, iyong ating Regional Resource Operation Center sa Palo, Leyte ay mayroon din namang mahigit 17,000 na mga family food packs na naka-preposition.

Aside from that, Usec. Rocky, bilang paghahanda na rin ng ating field office hinggil sa kakailanganin pang mga karagdagang supply ng pagkain, ang ating Visayas Disaster Response Center ay magpapahatid din ng karagdagang 20,000 family food packs, batay na rin iyan doon sa request ng ating field office.

And of course, Usec. Rocky, inaasahan na magkakaroon pa tayo ng mga bagong updates tungkol sa ipinapamahaging tulong natin sa mga lokal na pamahalaan sa mga susunod pang reports na manggagaling din sa mga apektadong regions.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ilang libo pa iyong nasa evacuation center sa ngayon? At saan-saan pong mga lugar itong itinalagang evacuation centers?

DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Okay. Usec. Rocky, batay din doon sa April 11, 6:00 PM na ulat ng ating DROMIC (Disaster Response Operations and Monitoring and Information Center), mayroong 300 families na kasalukuyang nasa 35 evacuation centers sa Region VII. Sa Caraga naman, mayroong mahigit 2,000 na mga pamilya na nasa 43 evacuation centers.

Ganoon din, batay sa nakalap nating report mula sa ating Field Office VI, mayroong mga mahigit 2,200 na mga pamilya ang kasalukuyang nasa 70 evacuation centers. Sa Region VIII naman, na pinakaapektado nitong Bagyong Agaton, ating napag-alaman sa ating field office na mayroong mahigit 3,600 na mga pamilya ang nasa 36 evacuation centers as of this period, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Director Irene, pinangangambahan po ang kaligtasan ng iba nating mga kababayan na lumikas, pero hindi po sila nagtungo sa mga evacuation center. Ano po ang maaaring tugon o tulong na maibibigay sa kanila ng DSWD?

DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Okay. Usec. Rocky, ang DSWD Field Offices natin ay nakikipag-ugnayan sa mga iba’t-ibang mga lokal na pamahalaan, na kagaya ng nabanggit ko, ang mga LGUs ang pangunahing nagbibigay ng tulong sa kanilang mga nasasakupan and, that the DSWD and other national government agencies come in to provide resource augmentation and technical assistance.

Ngayon naman po, para doon sa mga pamilya at individual na hindi po pumunta sa mga evacuation centers and are taking temporary shelter sa kanila pong mga kamag-anak o mga kaibigan, tayo po ay nakikipag-ugnayan sa mga LGU upang matiyak na sila ay mamo-monitor and of course mapahatiran din ng kaukulang tulong.

Ganoon din po, tayo ay patuloy na nakikipag-ugnayan at nakikiusap din sa ating mga kababayan, lalo na po iyong mga naapektuhan na sana nga po ay makinig tayo sa mga paabiso ng ating lokal na pamahalaan upang masiguro po ang inyong kaligtasan and ganoon din po, matiyak na iyong karampatang tulong ay maipahatid po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Director Irene, dumako naman tayo dito sa Batangas, kaugnay pa rin po nitong Bulkang Taal. Kayo po ba ay may mga tinutulungan pang pamilya doon at kung mayroon po ano daw po iyong kaukulang tulong na naipamahagi sa mga residente na malapit sa Bulkang Taal?

DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Yes. Usec. Rocky, katuwang po ng mga lokal na pamahalaan ang DSWD sa pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan po ng mga residenteng naapektuhan ng activities ng Bulkang Taal. Ang pagbibigay po ng augmentation support ay alinsunod sa mga policy and guidelines na ipinapatupad po natin sa panahon na ito.

Batay sa April 11, 6:00 PM report ng ating [unclear] mahigit 6.6 million na tulong or cost of assistance ang naipamahagi na sa mga residente ng Batangas na naapektuhan ng volcanic activity ng Taal.

Mula po sa nasabing halaga, Usec. Rocky, higit 1.6 million ang halaga ng augmentation assistance na nanggaling po sa DSWD. Higit limang milyon worth of assistance naman po ang naipamahagi ng mga lokal na pamahalaan sa kanilang mga apektadong nasasakupan.

Again, uulitin po natin, Usec. Rocky, sa panahon po ng sakuna at kalamidad ang unang-una po talagang nagpapahatid ng tulong ay mga lokal na pamahalaan and the DSWD as part of our mandate provides resource augmentation and technical assistance to the local government units.

USEC. IGNACIO: Opo. Director Irene, maraming salamat po sa inyong panahon.

Ang nakausap po natin ay si Director Irene Dumlao, ang tagapagsalita ng Department of Social Welfare and Development.

Stay safe po.

DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Maraming salamat po, Usec. Rocky, at patuloy po kayong maging ligtas.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po.

Samantala, alamin naman natin ang sitwasyon sa NAIA kung saan may ilang flights ang nakansela dahil sa masamang panahon na dulot ng bagyong Agaton.

Ihahatid sa atin iyan ni Rod Lagusad. Rod.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Senator Bong Go, naghatid ng tulong sa ating mga kababayan sa lalawigan ng Bohol. Higit 1,600 beneficiaries ang nagpasalamat sa pamahalaan.

Ang report narito.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service kasama si Al Corpuz.

Magandang umaga sa iyo, Al.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Al Corpuz, ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, Davao City Police Office, nagpaalala sa mga deboto na sundin pa rin ang minimum public health standards ngayong Semana Santa.

Mula sa Davao Region, may balita si Julius Pacot.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At diyan po nagtatapos ang isang oras nating pagsasama.

Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Hanggang bukas pong muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)