USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Mapagpalang araw po ng Miyerkules Santo sa ating lahat. Muli po tayong makibalita sa vaccination drive ng pamahalaan ngayong may bagong recombinant strain na binabantayan at ang pinakahuling balita sa ating mga kababayang apektado ng pananalasa ni Bagyong Agaton sa Visayas.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Mananatili sa Alert Level 1 ang Metro Manila at iba pang lungsod at munisipalidad mula April 16 hanggang 30 batay sa inilabas na anunsiyo ng Malacañang. Alert Level 1 ang mga sumusunod na probinsiya, high-urbanized cities at independent component cities at municipalities sa Luzon: [List shown on TV]; ito naman ang mga lugar na nasa Alert Level 1 sa Visayas: [List shown on TV]; habang ang mga sumusunod ay ang mga lugar na Alert Level 1 sa Mindanao: [List shown on TV].
Nasa Alert Level 2 naman ang mga sumusunod na lugar sa Luzon: [List shown on TV]; ganoon din ang mga sumusunod na lugar sa Visayas: [List shown on TV]. Narito naman ang mga nasa Alert Level 2 sa Mindanao: [List shown on TV].
Sa ilalim ng Alert Level 2, may paghihigpit sa interzonal at intrazonal travel depende sa LGU. Hindi rin pinapayagang mag-operate ang mga casino, horseracing, cockfighting at iba pang gaming establishments. Fifty percent (50%) naman ng indoor venue capacity sa mga fully vaccinated individuals at 70% sa outdoor venue capacity.
Patuloy pa rin ang ginagawang search and rescue operation ng pamahalaan sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Agaton. Nakalulungkot dahil ilan po sa ating mga kababayan ang nasawi dulot ng landslide. Makibalita po tayo mula kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal. Magandang umaga po, Sir Mark.
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Usec. Rocky, good morning po at sa lahat po ng mga tagapanood nating mga kababayan. Good morning po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, hingi po kami ulit ng update kaugnay dito sa search and rescue o retrieval operations sa ating mga kababayan partikular po sa Leyte. Tama po ba na nasa 40 na iyong casualties dahil sa landslide pa lang o nadagdagan pa po iyong naitalang iyan ng NDRRMC sa ngayon?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo, ma’am. Katatapos lang po ng huling pagpupulong dito sa NDRRMC patungkol po sa ating continuing search and rescue and relief operations sa iba’t ibang mga lugar lalo na diyan sa may Leyte area kung saan naganap po ang ilang mga landslides. Ngayon pong umaga, may update po tayo sa ating casualties. Ang naiulat po, total reported fatalities natin ay umabot na po ng 43 katao – 37 po diyan ay mula doon sa mga search and rescue operations natin on the incidence diyan sa Leyte Province; tatlo naman pong kababayan natin ang nalunod sa Region VII at tatlo din po diyan sa Region XI, counting to 43, subject for validation pa rin po. Ang injured po natin ay umabot na po sa walo (8) at ang missing po natin ay umabot na po sa 7 persons, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa kabuuan po, ilan naman po iyong dagdag na nailikas at nadala sa evacuation center? Kung mayroon pa rin po?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: So far, ma’am, ang total evacuation count natin ay tumalon na po sa 34,583 katao at nag-i-stay po ang mga kababayan natin na iyan sa 348 na mga evacuation centers. Tuloy po ang pagpu-provide ng ating pamahalaan ng family food packs and other forms of assistance dito sa mga kababayan natin. Sa katunayan nga po, umabot na po ng 21 million pesos worth ang ating humanitarian assistance na naibigay na sa ating mga kababayan in the form of family food packs and non-food items.
USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po sa Leyte, saan-saang mga lugar pa po nakasentro ngayon iyong search and rescue o retrieval operations ng pamahalaan?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Yes, po. Mayroon din po tayong search and rescue operations na ginagawa po diyan sa Panay Island kung saan nakaranas po ng mga flooding incidences din ang ibang mga municipalities po diyan sa Capiz and if I’m not mistaken, Iloilo. Dito po sa NDRRMC, Usec. Rocky, umabot po ng more than 400 flooding situations po ang naiulat dito at mayroon din pong 43 instances of landslides in different regions – bunsod po ito noong malalakas na ulan na dinulot po nitong si Agaton.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, ito daw pong Baybay, Leyte ay talaga daw pong prone sa landslide. Nakapagbigay po kaya nang sapat na warning ang City Disaster Response Office sa mga residente doon sa posible pong landslide? Ito na nga po, nangyari na nga po.
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Totoo po iyon, ma’am. On the part of the NDRRMC, wala pa po talaga si Agaton as a storm ay nagbaba na po tayo ng warnings at ito naman po ay ipinatupad ng ating mga kasamahan sa local government pati diyan sa Baybay. According to their mayor, nagkaroon nga po ng pag-i-evacuate mula doon sa landslide-prone areas na na-identify po sa kanilang mga hazard mapping.
Pero mukhang ang hindi po natin nakita ay iyong tindi noong landslide kasi parang lumagpas po iyong landslide doon mismo sa hazard-prone area at naabot iyong mga relatively safer part of the community – supposedly safe kung saan iyong ibang mga kababayan po natin ay tumuloy doon para makaalis doon sa mapanganib na lugar pero hindi po nakita na [unclear]. Pati doon sa location na iyon, aabutin ng mga landslide.
USEC. IGNACIO: Sir Mark, kunin ko lamang iyong paalala ninyo at mensahe po sa ating mga kababayan partikular iyong mga nasa evacuation center. Mayroon pa po bang mga lugar na nakalubog sa tubig-baha? Go ahead po.
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo. Marami na pong mga area talaga, Usec. Rocky, na nakakaranas po ng pag-uulan ngayon kahit nakaalis na po si Agaton at may mga areas din po na flooded pa rin. Kaya po ibayong pag-iingat po ang ating pinapaalala sa mga kababayan natin, kayo po ay patuloy na sumunod at makipag-ugnayan sa ating mga local government units para sa mga gawaing-pangkaligtasan.
Iyong mga nasa evacuation centers po, makakaasa po kayo na tuloy ang assistance ng pamahalaan. Ang paalala po natin sa inyo ay ipagpatuloy ninyo po iyong pagtalima sa ating COVID-19 health protocols. ‘Pag mayroon po kayong nararamdamang sakit, ipaalam po ninyo ito sa camp managers natin dahil umiikot po ang ating community health officers sa munisipyo at city para mapangalagaan po tayo laban sa sakit lalo na sa COVID-19.
Thank you, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyo, Mr. Mark Timbal ng NDRRMC. Muli po kaming makikibalita sa inyo sa mga susunod na araw. Salamat po.
Samantala muling nanawagan si Senate Committee Chair on Health, Senator Bong Go na magpabakuna po ang mga kababayan nating hindi pa protektado laban sa COVID-19. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa gitna ng binabantayang Omicron XE na natagpuan po sa ilang malalapit na bansa sa Pilipinas, kumustahin natin ang ginagawang pagbabakuna ng pamahalaan. Makakausap po natin ngayong umaga ang chairperson ng National Vaccination Operations Center, Undersecretary Myrna Cabotaje. Good morning po, Usec.
NVOC USEC. CABOTAJE: Isang mapagpalang Miyerkules Santo sa iyo, Usec. Rocky, at sa lahat ng nanunood sa ating programa ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ano na po iyong latest count natin sa pagbabakuna? Sa ngayon, ilan na po ang may dalawang doses at ilan na raw po iyong nakapagpa-booster na?
NVOC USEC. CABOTAJE: As of April 12, ang ating total jabs ay 144.3 million, at 66.7 million na ang tinatawag nating fully vaccinated. May mga 12.5 million na po ang nagpa-booster, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Sang-ayon ba kayo doon sa proposal na isama na iyong booster dose sa definition ng fully vaccinated?
NVOC USEC. CABOTAJE: Yes, that is the proposal of the DOH sa IATF. Pinag-aaralan pa. Pero ang gagamitin nating termino ay up-to-date vaccination to include the primary dose and the booster dose, at ito ay iri-require or ipa-prioritize iyong mga frontline and customer-facing personnel, iyong ating mga entry for indoor establishment activities, tapos iyong international travel for both foreigners and Filipinos.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, mayroong Omicron XE na banta. Sa ngayon, ano raw po ang patuloy na ginagawa ng pamahalaan para po makumbinsi pa iyong mas marami na magpabakuna na?
NVOC USEC. CABOTAJE: Pinapaigting natin iyong ating tinatawag na social advocacy. Nagkakaroon tayo ng mga town halls – big and small, mga maliliit na town hall meetings. Tapos iyong nagkakaroon tayo ng mga social mobilizers. Pina-prioritize ang areas kung saan mababa ang coverage para mas bigyan sila ng kaukulang information.
USEC. IGNACIO: Opo.
NVOC USEC. CABOTAJE: Bibigyan natin ng kaukulang information kung ano iyong mga benefits, ano iyong mga risks. Tapos tinatanong natin kung bakit ayaw nilang magpabakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, itong BARMM po ang nananatili pa ring area of concern pagdating sa COVID-19. Posible pa raw po ba na magkaroon ng – naku, huwag naman – mini-surge ng COVID-19 doon dahil daw po sa low vaccine turnout. May additional measures na po bang ginagawa ang DOH para po mas mailapit pa sa ating mga kapatid na Muslim ito pong bakuna?
NVOC USEC. CABOTAJE: Yes, there’s always that possibility of a mini-surge ‘no, kasi alam naman natin na importante ang pagbabakuna. Marami na tayong mga ginawang hakbang para ma-improve iyong [garbled]. Noong April 4, nagkaroon tayo ng [garbled] city, provincial offices kasama ang central office at saka iyong development partners natin – UNICEF, WHO at World Bank. Para tingnan (unclear) kasi napakalaki ng challenge nila ‘no, how to increase coverage from 32.28, kahit mag-increase man lang sa 50 or 60, although, ang ultimate goal ay 80. Tapos gumawa na sila ng mga plano.
Nakipagpulong din ang ating NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Galvez sa Chief Ministers at iba pang [garbled] commitment at iyong makuha iyong kanilang [garbled] with all the ministries. So hindi lang [garbled]
USEC. IGNACIO: [Garbled] … kahit po ba may house-to-house vaccination [garbled]
NVOC USEC. CABOTAJE: Nandito na tayo sa tinatawag na last mile [garbled] challenge natin na [garbled] para magpabakuna for their protection and for the opening of the economy.
USEC. IGNACIO: Opo, medyo napuputol-putol kayo, Usec. Pero kumusta na po raw iyong status ng vaccine supply natin? May mga malapit na naman po bang ma-expire?
NVOC USEC. CABOTAJE: Yes, we have enough, we have sufficient vaccine supplies. May mga particular doses na ang kanilang shelf life ay mag-i-expire. Pero nag-extend, nag-apply na po ng extension ng shelf life either ang manufacturer or ang DOH. Dapat nating alalahanin that shelf life talaga ng bakuna, kasi these are very new, ay talagang short. So we need to look at the stability data.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung maaaprubahan nga raw po ng FDA natin itong fourth dose vaccine by last week of April or May ay hindi pa rin po raw tayo magkakaroon ng problema sa supply? Mayroon po bang vaccine brands na mas maraming supply o mas kaunti?
NVOC USEC. CABOTAJE: We will not have problems kung mag-second booster or iyong pang-fourth dose. Ang nasa stock natin, marami pa tayong AstraZeneca, Sinovac, and we will have Pfizer and Moderna and a few other donations. Kailangan lang talagang ibakuna iyong ating mga existing vaccine supplies.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano raw po iyong masasabi ninyo dito sa inanunsiyo ni Secretary Año na tanging mga fully vaccinated lang ang papayagang makapasok sa mga areas of worship? Eksakto po kasi ginugunita natin ngayon ang Semana Santa sa mga Katoliko, habang Ramadan naman po sa ating mga kapatid na Muslim.
NVOC USEC. CABOTAJE: Alam naman nating voluntary at hindi [garbled]. Pero may autonomy ang mga local government units, mga private establishments, pati iyong ating mga places of worship na hindi papasukin ang mga hindi bakunado for the protection of both [garbled] na high-risk kaya nararapat lamang na mabigyan sila ng sapat na proteksiyon laban sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Medyo naputol-putol kayo, Usec. Request po ng MPC, pakiulit lang po iyong unang bahagi ng sagot ninyo doon sa tanong, iyong reaksiyon po doon sa proposal ni Secretary Año na dapat po fully vaccinated iyong papasok sa mga house of worship.
NVOC USEC. CABOTAJE: Alam naman po nating hindi mandatory at voluntary ang pagbabakuna, pero may awtonomiya po ang ating mga lokal na pamahalaan, iyong ating mga private establishments at saka iyong ating mga places of worship na hindi papasukin ang mga hindi [garbled]
USEC. IGNACIO: Opo. Naputol po si Undersecretary Cabotaje. Babalikan po natin si Usec, Cabotaje, aayusin lamang po natin iyong ating linya ng komunikasyon.
Samantala, puntahan po natin ang report ng ating mga kasamahan sa labas. Samantala, ilang pantalan po na naapektuhan ng Bagyong Agaton, nagbalik operasyon na. Dahil dito, unti-unti na rin pong nababawasan ang mga pasaherong na-stranded. Mula sa Batangas Port, alamin po natin ang kabuuang detalye niyan mula po kay Kenneth Paciente. Kenneth?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong ulat, Kenneth Paciente.
Matapos mag-peak noong Sabado, inaasahang mas kakaunti na lamang ang mga bibiyahe sa NAIA ngayong araw pero sa pagtitiyak ng MIAA, patuloy silang nakaalerto hanggang sa magsibalikan ang mga biyahero sa Linggo o sa Lunes. Ang detalyeng iyan mula kay Patrick de Jesus. Patrick?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Patrick de Jesus.
Samantala, mga uuwi para sa Semana Santa, inaasahang dadagsa ngayong hapon sa North Luzon Expressway. Ang sitwasyon doon at mga kailangang tandaan ng ating mga kababayan sa pagbiyahe alamin natin mula kay Rod Lagusan.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong ulat, Rod Lagusan.
Samantala, balikan na po natin si Undersecretary Myrna Cabotaje. USec.?
NVOC USEC CABOTAJE: Yes, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Pasensya na kanina napuputol po tayo. USec., tuluy-tuloy po ba ang—
NVOC USEC CABOTAJE: [Technical problem]
USEC. IGNACIO: Tuloy po na iyong operasyon ng vaccination site ngayong Holy Week o pansamantala rin munang magsasara ang ilan sa mga ito? Ganito po iyong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: May ilang vaccination site din po ba na mag-o-operate sa mga tourist destinations para daw makumbinsi iyong mga tao na magpa-booster shot?
NVOC USEC CABOTAJE: Opo. May direktiba na po tayo sa ating mga Regional Office para tulungan o gawin ang pagbabakuna sa iba’t ibang mga lugar lalung-lalo na buksan sana iyong ating mga ospital especially our DOH hospitals at i-encourage din iyong mga LGU hospitals na mag-provide ng mga bakuna.
Isa pa, we have [technical problem] directed our [technical problem] vaccination sites in churches. Pumayag na rin ang CBCP na puwede silang magbakuna beside sa mga parishes and churches, pati sa ating mga places of worship during the Ramadan, sa Katabo ng mga Mosque, para mabakunahan.
Yes, there will be some areas that will have vaccination team pero hindi naman natin minandate itong ating mga LGUs na [technical problem]. It has been voluntary [technical problem] to make vaccination sites available in many of these areas.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano daw po ang inyong abiso sa mga mamamanata ngayon Mahal na Araw lalo na iyong mga may balak daw po na magpapako sa krus at maghampas sa likod? Ano rin po iyong dapat tandaan ng mga nagbabakasyon?
NVOC USEC CABOTAJE: [technical problem] namamanata tapos iyong mga nagpapapako sa krus, we discourage it because of the dangers of infection na bagama’t hindi natin mapigilan sila, after that they’ll have to have a check-up. Kailangan maganda iyong kanilang pangangatawan.
Tapos iyong ating mga bakasyunista, let us always be cognizant na mainit ang panahon, na iyong changes in weather, iyong ating mga sakit na ating babantayan gaya ng diarrhea tapos iyong mga heat stroke.
Importante ang minimum public health standards including hygiene ‘no, hygiene for COVID-19 – paghugas ng kamay; proper preparation ng food—sa mga diarrhea at iba pang mga puwedeng [dahilan] ng sakit because of food preparation; gathering – tapos hindi naluluto maigi or hindi well-prepared iyong ating mga pagkain sa ating mga gatherings.
USEC. IGNACIO: Opo. Dahil inaasahan nga raw po na magkakaroon ng surge sa Pilipinas pagkatapos po ng Mahal na Araw at pagkatapos din ng eleksyon, ang DOH po ba ay may active preparation nang ginagawa kaugnay nito?
NVOC USEC CABOTAJE: Yes. Ituloy-tuloy lang po natin iyong PDITR natin na mga Prevent, Detect, Isolate, Treat, tapos iyong ating Reintegrate, tapos iyong pagbabakuna.
Tuloy-tuloy pa rin ang paghahanda ng ating mga ospital, iyong ating mga drugs, importante po iyong ating mga bakunahan and then iyong surveillance po. Tuluy-tuloy iyong ating biosurveillance para makita natin kung nakarating na iyong ating variant ngayon na bago at ano pa iyong predominant variant sa ating mga kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyan nga po iyong follow-up question natin, USec. Ito pong Omicron XE, nakapasok na rin sa Thailand at maging sa Japan. May paghahanda po bang ginagawa iyong ating pamahalaan sakaling makapasok ito sa bansa o hindi naman po tayo masyadong nababahala dito?
NVOC USEC CABOTAJE: Hindi tayo dapat magpakampante. Game-changer has always been vaccination, so, importanteng bakunado ang lahat. Tapos kapag kailangan na ng booster, iyong eighteen years and above kailangan na mag-booster. Importante din iyong mga senior citizen magkaroon ng primary doses at kanilang mga booster.
Iyong ating tinatawag na border control, hindi tayo magpapapasok kung hindi sila bakunado. Tapos iyong mga requirements ng testing para sila ay makita natin na walang dala-dalang mga sakit and, of course again, I’ll mention iyong bio-surveillance, tuluy-tuloy po nating mino-monitor kung anu-ano na iyong mga variants of concern na puwedeng pumasok sa pamamagitan ng pag-examine o pagti-test para makita kung anong mga variants ang nandito na sa Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may tanong lang po si Sam Medenilla ng Business Mirror: May estimate na po kaya ang NVOC kung ilang fully vaccinated individuals ang expected na mag-wane ang protection sa COVID-19 before the May 9 election? Ilan po kaya ito?
NVOC USEC. CABOTAJE: Ang sinasabi nila iyong mga nabakunahan ng two doses ay nagwi-wane, bumababa iyan. But we do not have the exact numbers kasi alam naman natin na iba-iba ang panahon, iyong kanilang pagbabakuna at iba-iba naman iyong kanilang mga bakuna.
But ang importante, you have a booster. If you have already two to three months pagkatapos ng primary series para mapasigla, para ma-improve iyong wall of protection for COVID-19 at kung anumang variant din.
USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol pong tanong ni Racquel Bayan ng Radyo Pilipinas: Ano na po iyong update sa mga vaccine na idu-donate ng Pilipinas sa ibang bansa?
NVOC USEC. CABOTAJE: We are still negotiating with Myanmar, iyan pa lang ang nakita. Iyong PNG (Papua New Guinea) pinag-uusapan pa. Ang gagawin natin ngayon ay talagang pag-ibayuhin ang ating kampanya. Make vaccines available, all vaccines available sa ating mga health centers, kasi may mga ilan-ilan din tayong naririnig na hindi available iyong vaccine in some areas. So, we are appealing to our local government units, sa ating mga bakuna center at least keep one or two bakuna centers open para anytime [ay puwedeng] pumunta po at magpabakuna iyong ating mga mamamayan.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Undersecretary Myrna Cabotaje, ang Chairperson ng National Vaccination Operations Center.
Thank you, Usec.
NVOC USEC. CABOTAJE: Thank you. Good morning.
USEC. IGNACIO: Samantala, kumustahin din natin ang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard sa mga lalawigan na sinalanta ng Bagyong Agaton.
Makakasama po natin si Commodore Armand Balilo, ang tagapagsalita ng Philippine Coast Guard.
Good morning po, Commodore.
PCG SPOKESMAN BALILO: Usec. Rocky, magandang umaga po. Magandang umaga po sa lahat ng inyong tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, kumusta na po itong rescue o retrieval operations na ginagawa ng PCG sa mga sinalanta po ng Bagyong Agaton?
Saan-saan po kayong mga lugar nakatutok, Commodore?
PCG SPOKESMAN BALILO: In particular, Usec. Rocky, sa Eastern Visayas, lalung-lalo na po sa Baybay, Leyte kasama po ang ating mga personnel doon sa pagri-rescue o paghahanap pa ng mga nawawala sa landslide sa Baybay, Leyte.
As we speak also, mga tauhan po ng Philippine Coast Guard sa Iloilo at Capiz, humigit-kumulang sa sampung deployable response group ay kasama pa rin po ng mga LGU ng Iloilo at ng Capiz para po sa mga evacuation at sa mga rescue operations pa sa mga flooded areas ng mga barangay doon sa area.
USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, mayroon pa po bang mga stranded sa iba’t ibang pantalan dahil sa bagyo? Kung mayroon, ilan pa po sila?
PCG SPOKESMAN BALILO: Kaninang umaga, Usec. Rocky, mahigit tatlong libo pa iyong nai-record ng ating command center. Pero dahil kahapon ay nagpalayag na tayo dito sa Matnog at kaninang umaga dito sa Central Visayas, inaasahan natin na unti-unti na po itong mababawasan at mawawala. Siguro sabihin natin, Usec. Rocky, na delayed lang at dahil nag-resume na ang ating mga biyahe.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyon nga po iyong susunod kong tanong dahil nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility si Basyang at naging low pressure area na po si Agaton.
Mga ilan po itong biyahe na mga nag-resume? Saan pong mga lugar ito, Commodore?
PCG SPOKESMAN BALILO: Halos lahat na po, nag-resume na po iyong Matnog, Bicol port, iyong mga ports po sa Bicol. Mga ports po sa Eastern Visayas kasama po iyong mga ports ng Samar at Leyte, Northeastern Mindanao, iyong sa Surigao po, at lahat po ng ports sa Central Visayas to include iyong mga ports po sa Cebu.
Ini-expect natin, Usec. Rocky, dahil Lenten Season, iyong mga inter-island ferries, ang dadami ngayon sa mga puerto. Ito iyong mga tawid ng mga isla at binabantayan po natin diyan iyong eastern seaboard at saka iyong western seaboard ng nautical highway. Ibig sabihin ito pong Batangas papunta ng Mindoro, Mindoro papunta ng Roxas, Mindoro to Caticlan, at hanggang sa makarating po sa Iloilo.
Binabantayan din po natin, mahigpit po ang panuntunan natin, sa bilin po ni Secretary Art Tugade na dapat organisado, secure at kombinyente po ang paglalakbay ng mga kababayan natin dito naman po sa Bicol Region at pababa po ng Visayas at papuntang Mindanao.
Ngayon po ay sasamantalahin na namin iyong pagkakataon na magpaalala: Iyong mga kababayan po nating magta-travel, mainam pa rin po na dalhin iyong mga vaccine card at mag-coordinate doon sa mga LGUs na pupuntahan ninyo. At palagi pa rin pong mag-consult sapagkat may nakaamba pa rin pong sama ng panahon para lang po sigurado tayo na kung lilihis itong bagyo ay tayo po ay nakahanda. At ganoon din po sa pagdadala ng mga gamit na hindi po pinapahintulutan sa mga terminals at sa mga barko katulad po ng mga matutulis na bagay, mga maaari pong sumabog na likido at mga hazardous na materials. At iyong mga dapat na i-declare na mga kargamento.
USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, may assistance din po ba kayong pinapaabot sa mga na-stranded na biyahero?
PCG SPOKESMAN BALILO: Noong nakaraan po ay nagpakain po ang ating mga personnel kasama po ng Philippine Ports Authority at saka po ng mga LGUs. Hindi po natin pinabayaan na magutom itong mga ito.
Magmula po dito sa Bicol, maging iyong mga nasa loob mismo at maging iyong nasa labas, iyong mga nakapilang truck drivers. May instruction po si Admiral Abu na puntahan at kalingain po, bigyan ng tubig, bigyan ng pagkain. At iyan po ang ginawa natin doon po sa lahat ng mga na-stranded maging sa lugar sa Eastern Viasayas at maging sa Central Visayas po.
USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, ano na po palang nangyari dito sa isang passenger vessel na nag-submerge dahil sa Bagyong Agaton? Ilan po iyong na-rescue dito ng PCG at nasaan na po sila ngayon? Kumusta na po sila ngayon?
PCG SPOKESMAN BALILO: Iyong MV Mika Mari po dito po iyon sa Camotes [Island] sa Cebu. Buti na lang po, Usec. Rocky, noong ito ay nag-submerge ay wala pong pasahero ito. Iyong labing-apat na crew naman ay nasa mabuting kalagayan.
Ang huling report po sa atin ay lalagyan po ng oil spill boom para naman po masawata kung anumang oil ang tatagas dito sa barko.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon.
Philippine Coast Guard Commodore Armand Balilo. Salamat po.
PCG SPOKESMAN BALILO: Salamat, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, kalunus-lunos ang sinapit ng mga residente ng Baybay, Leyte dahil sa nangyaring landslide sa lugar na kumitil sa buhay ng nasa mahigit apatnapu nating kababayan.
Alamin natin kung ano po iyong dapat nating gawin sakali pong landslide prone area din ang ating tinitirhan.
Makakausap po natin si Director Mario Aurelio mula po sa National Institute of Geological Sciences.
Good morning po, Sir.
Sir, can you hear me? Sir Mario?
Opo, babalikan po natin si Sir. Aayusin lang po natin ang linya ng komunikasyon.
Samantala, muling namahagi ng tulong ang outreach team ni Senator Bong Go sa mga miyembro ng tricycle drivers at operators sa Bulacan kasama po ang DSWD. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Simula bukas ay pansamantalang ititigil ang bakunahan sa Lungsod ng Davao bilang paggunita sa Semana Santa. Alamin natin kung kailan magbabalik-operasyon sa ulat ni Hanna Salcedo.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Director Mario Aurelio mula po sa National Institute of Geological Sciences. Sir, good morning po, Director.
NIGS DIRECTOR AURELIO: Yes. Good morning, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, base po sa report, 63% daw po pala ng mga barangay dito sa Baybay City ay high-risk, dito po sa pagguho. Ano po ba iyong characteristic ng lupa o ng isang lugar na prone sa landslide?
NIGS DIRECTOR AURELIO: Okay. Ang isang bulubundukin po na lugar ay prone to landslide. Bulubundukin, ibig sabihin ay marami pong matarik na lugar. At ganito iyong characteristic ng paligid ng Abuyog, Mahaplag at saka Baybay. So ito iyong mga bayan ngayon sa Leyte na sinalanta o sinasalanta yata hanggang ngayon ‘no ng Bagyong Agaton.
Mayroon kasing bundok po sa gitna ng Leyte, ang tawag doon ay Central Highland, at ito ay binubuo ng mga sari-saring klase ng bato ‘no. Pero karamihan po dito ay mga matatandang bulkan. Alam ninyo po sa Leyte, hindi po ba mayroon diyang geothermal field diyan lang sa may taas ng Baybay, sa may Tongonan. At ang isang geothermal steam ay hinahango iyan or hina-harness iyan sa volcanic energy. So iyong bandang Baybay, Mahaplag, Abuyog, parang ganoon din po ang bato doon.
Maalala ninyo po ba noong Ormoc, noong 1995, if I’m not mistaken, ay may nangyari din pong ganiyang—mas matindi pa iyon kasi libu-libo po iyong namatay noon, pero pareho rin po iyong setting kasi. Ibig sabihin, iyong communities ay naka-settle doon sa baba at kapag gumuho iyong bundok sa likod nila ay sila iyong matatabunan.
Unfortunately po, ganoon po iyong location ng mga bayan ng Baybay at saka Abuyog – Baybay sa West, Abuyog sa East. Iyong Mahaplag po ay nasa gitna, nandoon sa mismong bulubunduking lugar.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, paano po malalaman ng isang ordinaryong tao o isang ordinaryong mamamayan na landslide-prone area pala iyong lugar na pagtitirikan niya ng bahay? Bukod po sa mga nabanggit ninyo, may mga indikasyon po ba na madaling malalaman ng isang ordinaryong tao?
NIGS DIRECTOR AURELIO: Opo. Isa na iyong nabanggit ko ay iyong matarik po ‘no, matarik na bangin, ganiyan. So huwag na huwag pong magtatayo ng bahay doon sa bangin mismo at saka sa paanan niya, kung tawagin natin ay foot of the slope ‘no. Huwag doon sa paanan.
Pangalawa, malalaman din po ang pagiging prone to landslide ang isang lugar base doon sa klase ng lupa o kaya bato ‘no. Ang lupa po kasi ay erosional product, ibig sabihin galing din iyan sa bato pero nadudurog sa pag-iipon. Ngayon may mga bato po na kapag nag-erode ay masyadong malambot kapag naging weathered na nga at malalaman po ito – unfortunately po, hindi nga madaling malaman kung, sabi ninyo nga po ordinaryong tao lang – pero may paraan naman po. That’s the reason why the Mines and Geosciences Bureau, ‘di po ba, iyong diyan sa Leyte ay naglabas na sila ng landslide hazard maps at isa iyon sa mga pinagbasehan nila, iyong klase ng lupa at saka bato sa paligid. Mahirap pong malaman ng ordinaryong tao lang iyong mga characteristics na iyon.
Pero siguro ang pinakasimpleng puwede nilang obserbahan doon ay una, malambot iyong lupa; pangalawa durog-durog – kung bato man siya, durog-durog iyong bato. Kung makakapasyal po kayo sa, halimbawa, sa mga bulubunduking lugar, puwede kayong tumingin sa [garbled], makikita ninyo may pagkakaiba iyong mga bato – mayroong mas solid, mayroon din namang durog-durog. So, iyong durog ay prone sa landslide.
USEC. IGNACIO: Opo. So, Director, masasabi po ba talagang hindi ito dapat tinitirhan o tinatayuan ng anumang establishment, ito pong mga ganitong lugar?
NIGS DIRECTOR AURELIO: Theoretically po, yes. Unfortunately ang nangyari po, marami sa Baybay, hindi lang sa Abuyog, marami pang ibang mga settlements, hindi lang sa Pilipinas din ‘no, sa buong mundo ay nagsi-settle na doon nga sa may valley, sa may ilog which is historically ito ay [unclear] the long [unclear]. Isipin natin ‘to, iyong bansang Egypt ‘no, iyong mahabang ilog na kung saan nag-settle iyong mga unang civilizations pa – nasa ilog talaga kasi nandoon din iyong buhay, sabihin natin, iyong tubig.
Unfortunately po, sa case ng kunwari sa Baybay at Abuyog, malapit doon ang bundok, so iyong nasa [garbled], iyong literally speaking, nandoon lang sa likod ng bayan. At ang problema nga, iyong bundok na iyon ay prone din sa landslide. So nagiging parang receptacle po eh, iyong kung saan nag-settle ang bayan na iyon [unclear] mga materyales.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, ito po bang kakulangan lang ng mga puno ang maituturong rason kung bakit po nagkaroon ng landslide o may mas malalim pa po itong dahilan, Director?
NIGS DIRECTOR AURELIO: Yes. Usec, maaaring contributory po iyong pagkaubos ng forest ano, contributory at ibig sabihin ay active pa iyong kaingin, pero puwede siyang nagku-contribute. Isipin po natin na ang mga landslide ay hindi lang po sa [garbled], ibig sabihin kasi iyong puno po isipin ninyo, iyong kaniyang rooting system, iyong kaniyang ugat ay hanggang mga several few meters lang po. Isipin ninyo ang isang metro ng tao na lang o isa’t kalahating metro, isang tao. So kahit malaki ang puno, mga tatlong tao na ang lalim ng kaniyang rooting system, pero ang mga landslides po, mayroon pong mga landslides na sobrang mas malalim diyan ang naaano niya, kung tawagin namin ay slide surface ‘no. Puwedeng—minsan nga ay isang kilometro. Naalala ninyo po ba iyong earthquake noong 2012? Marami doon ay tinamaan ng landslide, mga isang kilometro po iyong landslide. Kaya [garbled] ay nagko-contribute po iyon, pero hindi lang po iyon ang dahilan.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung hindi nga po maiiwasan na matirhan itong mga landslide-prone areas, ano po iyong dapat gawin ng mga lokal na pamahalaan o ng mismong individual para po masigurong ligtas pa rin sila mula po dito sa sakuna?
NIGS DIRECTOR AURELIO: Yes. Maganda po kung mahanapan natin na ngayon ng relocation site, ano. Pero in this case po, kasi nga iyong buong bayan practically ang ililipat mo eh, and there are economic and sociocultural challenges, ‘di po ba. Pero kung ito iyong pag-uusapan, talagang kailangan maglipat na doon sa Abuyog main na nandoon ang ilog, nasa likod lang niya ang ilog. So ginagawa naman nga ho iyan at may mga success stories na rin po diyan na may lumipat po ‘no, [garbled] prone sa landslide into safer or relocation site.
Ngayon iyong paghahanap ng relocation site [garbled] challenge. But ang lagi naming sinasabi lalo na sa academe ay kailangan po magawan siya ng pag-aaral, iyong scientific research ang approach, ano. So science-based po dapat ang Sistema para mahanapan ng relocation site [na hindi] mga flood-prone areas.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, may communication po bang ginagawa ang National Institute of Geological Sciences o ang Mines and Geosciences Bureau dito po sa mga lokal na pamahalaan na high-risk sa landslide? At paano po dapat inihahanda ito pong mga residente sa oras po ng sakuna?
NIGS DIRECTOR AURELIO: Yes, Usec. Actually matagal nang panahon na programa iyan ng mga ahensiya ng gobyerno. Ang nakamandato para sa landslides ay ang Mines and Geosciences Bureau nga. At iyong tanong ninyo, mayroon ba silang ginagawang communication – certainly mayroon. Iyon lang po, nag[garbled] ang report sa mga LGU, naglalagay pa nga ho iyon ng mga markers eh, sa mga lugar na gilid-gilid ng bundok – ilalagay nila doon: “This is a landslide-prone area…” even in the [garbled], iyong local [garbled] ilalagay nila [garbled].
As far as our [garbled] in the academe, hindi [garbled] with regards to government mandate, hindi po namin mandate iyon. But we do communication, we do explain and sit with the colleagues in the different agencies to discuss these things. Pero ang talagang nagbibigay po ng reports to forewarn na mayroong prone nga sa landslide ay ang Mines and Geosciences Bureau.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay-impormasyon sa amin, Director Mario Aurelio ng National Institute of Geological Sciences. Salamat po, Director.
NIGS DIRECTOR AURELIO: Walang anuman po, Usec.
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Ibabalita iyan ni Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.
Kumustahin naman po natin ang pinakahuling sitwasyon sa Cebu, magbabalita si John Aroa mula po sa PTV-Cebu:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa.
Libreng gulay, ipinamahagi na lang sa mga turista at bisita sa La Trinidad Strawberry Farm sa Benguet. Kung bakit? Alamin sa report ni Alah Sungduan:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Nawa’y magkaroon po tayo ng mapayapa at makabuluhang paggunita ngayong Semana Santa.
Magkita-kita po uli tayo sa susunod na linggo, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center