USEC. IGNACIO: Magandang umaga Luzon, Visayas at Mindanao. Pahabol pong pagbati na ‘Happy Easter’ sa ating lahat.
Ngayong back to work na po ang marami sa ating mga kababayan, muli nating iisa-isahin ang maiinit na isyu sa bansa na may kinalaman sa pandemya, sa iniwang pinsala ng Bagyong Agaton sa Visayas at sa naging pagbabantay po ng pulisya sa katatapos lamang na Semana Santa.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Muling nagbabala ang Department of Health sa posibleng pagsipa ng COVID-19 cases sa bansa pagdating ng Mayo [kung] lalo pong magpapatuloy ang pagdami ng mga Pilipinong hindi sumusunod sa minimum public health Standards.
Alamin po natin ang palagay ng World Health Organization tungkol diyan. We have today, Dr. Rajendra Yadav, the acting WHO Representatives to the Philippine. Good morning, Dr. Yadav.
WHO REPRESENTATIVE TO THE PH DR. YADAV: Good morning and happy Easter to everyone.
USEC. IGNACIO: Yes. Now that this year’s Holy Week has just concluded and with the election-related activities happening, how soon will we see its possible effects to our COVID numbers here in the Philippines?
WHO REPRESENTATIVE TO THE PH DR. YADAV: So, as we expected, we saw people going in and out of Metro Manila to meet their family members, and also on tourist destinations. So, whether this social mixing, and increased mobility during Easter will cause increase in cases or not, depends on whether people wore masks in a wider crowds and fully ventilated places, and also whether we are testing enough people.
So, now the government is prioritizing testing among high-risk groups and we are not testing as much as we were testing in the previous months. So, we should not rely on the number of cases to know whether we have enough/too much COVID or not, rather, we need to focus on increasing our vaccination.
So in short, whether the numbers will increase or not, only time will tell. Also, we should not focus too much on the number of cases but rather on the number of people who were vaccinated. That is more important.
USEC. IGNACIO: Yes. Dr. Yadav, what more can the Philippine government do to boost the vaccination drive in the country and convince more people to get vaccinated?
WHO REPRESENTATIVE TO THE PH DR. YADAV: So, the National Government has already done a tremendous, commendable job of ensuring that we have enough vaccines and now it is up to the local government units and local chief executives to ensure that the vaccines reach the people who are still not vaccinated.
So, 50-60 percent of the people who had better access to vaccines, they could afford to travel, they could afford to miss their work time, they got vaccinated. So, we have reached around 60% vaccination if we take the total population as the denominator.
But unfortunately, many, many barangays are still nowhere close to 70%. Actually, we need to go A1 much beyond 70% to create adequate herd immunity. So, the local chief executives of the places where barangays have low coverage need to step up reaching the unreached through the last-mile approach, which basically means using the house-to-house vaccinations and close-to-home vaccinations.
So, just setting vaccination sites, that’s not adequate. We have to reach out to these people who may have more challenges of access, especially people who are elderly, they may not be able to travel even 20-30 minutes or may feel discouraged if they have to travel. So, rather than waiting for them at the vaccination sites, we have to reach out to them and get vaccinated. That’s the best thing we can do!
USEC. IGNACIO: Yes. Dr. Yadav, we have a question from Carolyn Bonquin of CNN Philippines: How much testing is considered enough or needed?
WHO REPRESENTATIVE TO THE PH DR. YADAV: So, testing is less of a priority now. Of course, we have to test enough numbers so that we know whether we are facing any new variants of concern. So, that has to continue, genomic sequencing has to continue. But WHO recommends that we can prioritize high-risk groups for testing.
So, there is not a fixed number we can give. Ideally, we should test everyone who are high risk, including frontline health workers and vulnerable groups like elderly people. But yes if resources are there then we can test more numbers like developed countries do. But rather now, the focus will be on more vaccination, our resources should go to getting more people vaccinated.
USEC. IGNACIO: Dr. Yadav, do you agree that it’s possible to reach 300,000 active cases by mid-May if our compliance to minimum health standards continues to decline?
WHO REPRESENTATIVE TO THE PH DR. YADAV: Yes, I have seen those numbers. So, we have to prove those numbers are wrong. That’s the challenge to be faced. If we have the local read that we don’t have the vaccines in many barangays and many provinces and if we relax our guards, if we relax our defenses, then yes, it’s possible to get to those numbers!
Because in South Korea which has half the population of the Philippines, they have already tested 600,000 cases per day. That’s huge and there is no way of saying how that will affect the Philippines if we lower our guards.
The good thing is that Filipinos are one of the best in terms of wearing a mask, so that needs to continue. There was some decline recently in the mask wearing, that should not happen and we have to cover our people with vaccines. So, these are the two best things we can do – masking and vaccination.
USEC. IGNACIO: But Doc Yadav, do you agree on the recommendation to redefine the term fully vaccinated to include a booster dose? Would requiring an updated vaccination status help in convincing more Filipinos to get inoculated?
WHO REPRESENTATIVE TO THE PH DR. YADAV: So, WHO prefers to use the terms like primary series which we know consists of those two initial doses and also the booster shots that follow and we also prefer to use the term ‘up-to-date’ with the recommended schedules.
Fully vaccinated is a weak term, because the definition may change with evolving evidence on how many boosters are required? Do we need to keep giving boosters every six months?
We don’t know that yet, because this is a new pandemic and we all knew that COVID-19 is new for us. So, it’s better to use terms like ‘up-to-date’ with the recommended schedules.
USEC. IGNACIO: Dr. Yadav, question from the media. From Lei Alviz of GMA News: What are the WHO guidelines for the second booster dose?
WHO REPRESENTATIVE TO THE PH. DR. YADAV: So yes, some countries are using the second booster dose. Generally, we recommend that government decide on the bases of availability of vaccines.
The good thing is that the world does not have shortage of vaccines anymore and definitely, if countries have enough vaccines, as in the case of the Philippines, then high-risk groups especially the elderly would definitely benefit from a second booster dose after the first booster. But it’s up to countries!
We know that the immunity because of vaccines, go down with time and that is why we encourage countries to have their own recommended schedules.
USEC. IGNACIO: Dr. Yadav, are there developments regarding the Omicron XE? How is WHO going, regarding this recombinant variant monitoring?
WHO REPRESENTATIVE TO THE PH DR. YADAV: Omicron XE, which is a hybrid of BA.1 and BA.2, we know that it is 10% more transmissible than BA2. However, so far it’s the BA2 that continues to dominate globally, while Omicron XE has been found in a few countries not yet in the Philippines.
But irrespective of the variant, we have to follow the same protection measures that we have to do for any variants. So, we have to keep vaccinating and masking.
USEC. IGNACIO: Apart from the Omicron XE, Dr. Yadav, the WHO is also monitoring two more Omicron sub-variants as reported in South Africa and Europe. What do we know about the BA.4 and the BA.5 so far? Should we be concerned about them as early as now?
WHO REPRESENTATIVE TO THE PH DR. YADAV: So, all Omicron variants are being monitored and they are equally or a little more transmissible as the BA.2. So, the BA.2 is the most common as I said, but BA.4 and BA.5, we are still monitoring.
We don’t know whether it will change the terminology or severity feature of the word yet. But as I mentioned, irrespective of fourth variant, Omicron is already so many times more infectious than the original variant of COVID-19. So, we have to treat all these variants with equal precautions and equally intense actions.
USEC. IGNACIO: But, Dr. Yadav, how should the government react when, and if the WHO named these recombinants as either variant of concern or variant of interest?
WHO REPRESENTATIVE TO THE PH DR. YADAV: So, as a reaction, we mean that we have to be reactive. But, rather than being reactive, the local government needs to continue to be proactive. The local chief executives should not wait for a new variant of interest or [variant of] concern to arrive on the shores of the Philippines, rather, we need to prevent huge waves that are likely to happen in the coming months.
USEC. IGNACIO: But, Dr. Yadav, how important is it that the WHO and the rest of the international health community remain to be on top of the new strains and variants of COVID-19? When can we see the end of these mutations?
WHO REPRESENTATIVE TO THE PH DR. YADAV: The only way to remain on top of the COVID-19 variants and prevents its creation and transmission is to achieve a very high vaccination coverage, including booster doses and we have to do that very quickly. The good news is that we don’t have a vaccine shortage anywhere in the world. The bad news is that we are not reaching out to those [who are at] risk enough, and that will cause intense transmission as it is happening in many countries and create more mutations.
USEC. IGNACIO: Yes. Dr. Yadav, question from Jena Balaoro of GMA News: When will COVID become endemic? How will we know when COVID has become endemic?
WHO REPRESENTATIVE TO THE PH DR. YADAV: Endemic is not a great picture, because many diseases are endemic like tuberculosis, it is endemic and it kills millions of people. So, rather we have to aim for a sustained suppression of the COVID-19 pandemic. We have to have enough resources to manage any surges. We have to prevent deaths and suffering. We have to avoid it becoming an endemic because as I mentioned, even malaria for example is endemic in many countries and it kills millions too, like tuberculosis.
USEC. IGNACIO: Parting message or advice to the Filipinos in light of the upcoming national elections and all other possible events and celebrations in the future? Go ahead, Dr. Yadav?
WHO REPRESENTATIVE TO THE PH DR. YADAV: Yes. So my appeal to all Filipinos and especially the local chief executives of places where there is a low vaccination coverage, my appeal is to continue with the three defenses we have. The first line of defense is to protect us against infection. That, we can do through masking and ensuring good ventilation.
The second line of defense is vaccination. Unfortunately, as I mentioned, many barangays have not reached the 70% coverage that WHO advises. We have to aim that all barangays have at least 70% vaccination coverage or to reach even beyond 80, 90 to 100.
And then, the third line of defense is protection against death. And for that, local chief executives and the national government needs to ensure that the critical care services are as much as it could be required if there is a huge surge in cases.
If we do these three things, then we can prevent anyone live with the COVID-19 virus and that’s a viewed level. My appeal to the Filipinos themselves is to call up their local chief executives and request them to get more people vaccinated because no one is safe unless everyone is safe. Many times we feel that we are vaccinated, we are safe. No! Please do not believe that if you have received full vaccination, including a booster, you are a 100% protected, because no vaccine can protect you one hundred percent.
So, everyone around you needs to be protected to help you to be fully protected against the virus. So let’s ensure that everybody gets vaccinated and for that, if you have to call up the local chief executives, please do that and help them. Not just call them up, but also, offer to help the local chief executives.
USEC. IGNACIO: Dr. Yadav, thank you for joining us today. Dr. Rajendra Yadav, the Acting WHO Representative to the Philippines. Thank you, Doc.
Samantala, dagsa pa rin ang mga pasahero sa PITX at sa EDSA Bus Carousel ngayong balik-trabaho na ang ating mga kababayan matapos ang mahabang bakasyon nitong Holy Week. Ang sitwasyon doon, alamin natin mula kay Cleizl Pardilla. Cleizl?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Cleizl Pardilla.
Samantala, balik-Maynila na ang ilan sa mga kababayan nating nagbakasyon nitong nagdaang Holy Week. Kumustahin natin ang naging pagbabantay ng pulisya. Kaugnay niyan, makakausap po natin si Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, ang tagapagsalita ng NCRPO. Good morning po, Colonel?
NCRPO SPOKESPERSON PLTCOL. TECSON: Yes po, good morning po. Sa ngalan po ng Regional Director ng NCRPO Police Major General Felipe Natividad at [sa lahat po ng sakop ng PNP-] NCRPO ay malugod po namin kayong binabati ng magandang-magandang umaga. Nawa po ay nasa mabuti po kayong kalagayan. Ganoon din po sa ating mga tagapakinig din po.
USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, kumusta po ang naging pagbabantay ng NCRPO nitong nagdaang long weekend sa mga lugar-puntahan dito sa Metro Manila? At paano po ninyo ia-assess itong kauna-unahang holiday long weekend sa loob ng mahigit dalawang taon?
NCRPO SPOKESPERSON PLTCOL. TECSON: Yes, Ma’am. Actually, Ma’am, kung titingnan po natin, as of today po, masasabi po natin na naging generally peaceful po iyong ating pag-celebrate po ng ating ‘Semana Santa 2022’ po. Bagama’t marami po tayong na-observe na talagang dagsaan po iyong ating mga kababayan sa mga bus terminals, sa mga pantalan, sa mga places of convergence dito sa ating rehiyon, masasabi po natin na naging maayos po lahat ng ating pagbabantay at wala naman po tayong gaanong naitalang maraming insidente.
Kung ikukumpara po natin noong nakaraang taon, Ma’am, ay talagang masasabi po natin na [maayos po siya sa kabuuan]. Although may bahagyang pagtaas po iyong ating insidente ng tatlong incident lang po naman, Ma’am. Dahil noong last year po, mayroon tayong naitala na 97, pero ngayon, Ma’am, mayroon tayong 100 na naitala po, pero masasabi pa rin po natin na naging maayos pa siya sa kabuuan.
At itong mga maitala naman po natin na mga insidente po ay na-address naman po natin siya, nagawan po natin ng aksiyon, dahil naging mabilis po ang pagresponde ng ating mga pulis. Siyempre po, kasama po diyan ang ating mga force multiplier na naging katuwang po natin sa pagbabantay habang ang ating mga kababayan ay nasa kani-kanilang probinsiya or iyong mga kababayan natin ay nandito po sa Metro Manila para po magbakasyon.
USEC. IGNACIO: Colonel, karamihan po sa mga kababayan nating nagbakasyon, nagsiuwian na po kahapon. May estimate po ba kayo kung ilan itong mga bumiyahe pauwi dito sa Metro Manila kahapon, mula po sa mga airport at sa terminal?
NCRPO SPOKESPERSON PLTCOL. TECSON: Sa ngayon, Ma’am, wala po akong maibibigay muna sa inyo na figure. Pero kahapon, Ma’am ay talagang nakita naman po natin na talagang naging bultuhan po iyong pagdagsa ng ating mga kababayan, maging dito po NLEX at saka dito sa SLEX po. Naging mabagal iyong pagpasok po ng ating mga kababayan, ng kanilang mga sasakyan dahil nga po, alam naman po natin na iyon po ay para po sa kanilang paghahanda sa kanilang pagpasok ngayong araw po, Ma’am.
At iyong iba po, Ma’am ay mas maaga rin po na dumating, Sabado pa lang po ng gabi may mga dumating na. Iyong iba naman po, maaga pa kahapon at may mga ilan-ilan pa rin po, Ma’am, na talagang nagsisiuwian po dito sa ating rehiyon at mayroon din pong mga iba pa rin pong nagsisiuwian sa kani-kanilang probinsiya, Ma’am.
USEC. IGNACIO: Colonel, hanggang kailan po itong pagbabantay na gagawin ng NCRPO sa mga airport at terminal?
NCRPO SPOKESPERSON PLTCOL. TECSON: Tayo, Ma’am, kumbaga hindi naman po tayo basta-basta aalis doon, Ma’am. Nag-iiwan pa rin po tayo ng personnel natin na magbabantay sa mga assistance desk natin hanggang masigurado po natin na talagang secured at ang ating mga kababayan ay talagang nakauwi na po sa kani-kanilang mga tahanan.
USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, punta naman tayo dito sa Internal Cleansing Program ng PNP kung saan higit 5,000 rogue cops ang na-dismiss. Mayroon po ba sa NCRPO Police ang kasali dito? Kung mayroon, ilan po sila?
NCRPO SPOKESPERSON PLTCOL. TECSON: Sa ating programang Internal Cleansing po, ma’am?
Hello, ma’am?
USEC. IGNACIO: Opo.
NCRPO SPOKESPERSON PLTCOL. TECSON: Yes, ma’am. Iyong ating Internal Cleansing Program, ma’am, ay tuloy–tuloy po ang ating ginagawa para po diyan. At siyempre po, tinitingnan po natin kung ano ba iyong extent ng kanilang [overlapping voices] [unclear] sa Internal Cleansing Program iyan puwedeng iyan po iyong mga tao nating nakagawa po ng minor obstruction, puwedeng grave at siyempre po iyong mga ipinapataw po natin sa kanilang sanction or penalty ay depende po, ma’am doon sa offense na kanilang nagawa.
USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin ko lang po, Colonel, mayroon po ba sa NCRPO Police ang kasali dito? Kung mayroon, ilan po sila?
NCRPO SPOKESPERSON PLTCOL. TECSON: Sa ngayon po, ma’am, I cannot give, ma’am, the exact figure, ma’am, but I will get back to you. Babalikan po kita, ma’am, i-send ko po sa iyo. Sa kasalukuyan lang po, ma’am, nandito po ako sa isang programa dito sa Muntinlupa para po sa ating CVOs and tanod po natin.
USEC. IGNACIO: Kung sakali lang po, Colonel, kung hindi man na-dismiss, kung sakali lang, mayroon po ba sa NCRPO Police iyong nabigyan ng penalty o na-demote, na-suspend o na-reprimand?
NCRPO SPOKESPERSON PLTCOL. TECSON: Yes, ma’am. Ma’am, ibibigay ko po sa inyo iyong complete details po natin kung ilan po iyong ating na-dismiss, ilan po ang na-suspend at ilan po ang na-reprimand, ma’am. Babalikan po kita, ma’am, after po ng ating programa, ma’am.
USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon pong nananatili po sa ating Alert Level 1 ang Metro Manila hanggang katapusan, status quo pa rin po ba iyong pagbabantay ng NCRPO sa mga matataong lugar dito? At ano po ang paalala ninyo sa ating mga kababayan?
NCRPO SPOKESPERSON PLTCOL. TECSON: Yes, ma’am. Actually, ma’am, hindi po tayo nagbababa ng ating alert level status dahil alam naman po natin na papalapit na rin po ang ating National and Local Elections kung kaya iyan din po iyong isa pa nating pinakatatandaan na hindi po nagtatapos, at hindi po kaagad tayo basta-basta aalis kung saan po tayo naka-deploy.
Continuous pa rin po, ma’am, iyong ating ginagawang pagbabantay at siyempre po hindi po natin hinahayaan iyong ating mga (unclear) police operation. Maliban po sa pagbabantay natin sa mga campaign activities ng ating mga local and national candidates ay nandidiyan pa rin po iyong ating mga checkpoints, other police operations, iyong ating pag-iimplement po ng search warrant o warrant of arrest, Oplan Bakal, Oplan Sita at saka iyong enhanced managing patrol operations po, ma’am, nang sa gayon ay masiguro po natin iyong kaligtasan po ng ating mga kababayan po.
USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang, Colonel. May update po ba sa pagbabantay ng NCRPO dito sa nalalapit na eleksyon, lalo ngayon halos three weeks na lang ay May 9 na po?
NCRPO SPOKESPERSON PLTCOL. TECSON: Yes, ma’am. Actually, ma’am, tuloy-tuloy po iyon ating ginagawang checkpoint mula po noong nag-umpisa po iyong ating campaign period noong January 9. Mula po January 9 to kahapon, sa ating datos ay mayroon na po tayong naisagawang Joint PNP-AFP COMELEC Checkpoint na 23, 481 at police operation na 882.
At ito po ay nagresulta sa pagkakaaresto po ng 682, ma’am o 48 sa checkpoints; sampu sa search warrants; apat sa warrant of arrests at other police operations gaya po ng Oplan Bakal, Oplan Sita, Oplan Galugad na 247.
So, doon sa police patrol operation pa lang, ma’am, ay 682, kabuuan, ma’am, ay nasa 991 na arrest na po iyong ating nagawa. At ito po ay nagresulta rin po sa pagkakakumpiska ng 493 na firearms – long ay lima; ang short [ay] nasa 355; others [like] sumpak, replica, paltik, 133. So, total of 493.
At hindi rin po natin isinasantabi iyong pagkukumpiska rin po natin na mga bladed or deadly weapon kung kaya mayroon po tayong kabuuan, ma’am, na nakumpiska rin na nasa 4,025. Ang bladed weapon po diyan, ma’am, ay nasa 530; may granada rin po na lima; mayroong IED po tayo na dise-otso; at iyong iba na po doon, ma’am, iyong 3,271. Iyon na po iyong iba’t ibang klase po ng mga ammunitions po.
USEC. IGNACIO: Colonel, kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras sa amin. Maraming salamat po, NCRPO Spokesperson Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson.
NCRPO SPOKESPERSON PLTCOL. TECSON: Maraming salamat po, ma’am. God bless po at ingat po tayong lahat.
USEC. IGNACIO: Samantala, personal na na inalam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lagay ng ating mga kababayang nasalanta ng Bagyong Agaton sa Leyte partikular na po sa Baybay City.
Sa kaniyang pagbisita doon, sinabi ng Pangulo na kahit siya ay nagdadalamhati sa trahedyang sinapit ng mga biktima ng bagyo lalo na ang mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa landslides at mga pagbaha. Pagtitiyak ng Pangulo, patuloy na tutulong ang pamahalaan sa mga nasalantang pamilya para sa kanilang pagbangon.
Nagsagawa rin ng aerial inspection sa Leyte ang Pangulo kasama si Senator Bong Go at iba pang mga opisyal ng pamahalaan. Maliban sa Leyte, bumisita din ang Pangulo sa mga nasalantang pamilya sa Capiz.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Pangulong Duterte at Senator Bong Go, pinangunahan ang groundbreaking ceremony ng Multi-Purpose Evacuation and Convention Center sa Capiz. Mga nasalanta ng Bagyong Agaton, hinatiran ng tulong. Narito ang report.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, muli po tayong makibalita sa pinakahuling kaganapan sa mga lalawigan po na nasalanta ng bagyong Agaton. Muli po nating makakausap si Mr. Mark Timbal, ang tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Magandang umaga po, Sir Mark.
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: USec. Rocky, good morning po at sa lahat po ng kakabayan natin, Magandang Easter Monday po sa ating lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta po, Sir Mark, iyong sitwasyon sa mga bayan na sinalanta ng Bagyong Agaton? Hanggang ngayon po ba hindi pa rin clear iyong mga lugar doon lalo na po iyong mga binaha at nagkaroon po ng pagguho ng lupa?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Tuluy-tuloy po ang ating monitoring dito sa NDRRMC, kasama ang coordination sa mga ongoing po na search and rescue operations po natin, lalo na po doon sa mga landslide-hit areas diyan sa Leyte.
Kasalukuyan nga po, Usec. Rocky, ngayong umaga, ang atin pong casualty counting ay nasa 172 na po ng mga kababayan natin ang nasawi dahil po dito kay Agaton. Eight po ang injured natin at 110 ang ating pong missing.
Ang bulto po ng mga nasawi nating kababayan dito po sa ating casualty count ay mula doon sa Leyte operations po natin – 156 na mga kababayan po natin iyan. At iyong missing din po ay galing doon sa operations na iyon – 104 pa po na mga kababayan natin from Baybay and Abuyog ang hinahanap as of this time.
USEC. IGNACIO: Sir Mark, sa tingin ninyo ay madadagdagan pa itong bilang, kasi nga kanina lang po ay 170, ngayon naging 172?
Sa palagay ninyo po – huwag naman sana ano – mayroon pa po ba o tingin ninyo madadagdagan pa po itong bilang ng ating hinanahap o mga nasawi?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Tatapatin ko kayo, Ma’am. Medyo malungkot nga po ang ating nai-encounter na mga balita. Ngayong umaga ay nagpupulong po iyong ating mga kasamahan diyan sa Incident Management Teams para sa Abuyog at saka sa Baybay kung saan pinag-uusapan po kung itutuloy pa ba itong operations po na ito. Kasi may areas po talaga na iyong ating mga eksperto po ay nag-aalala kapag pinagpatuloy ng ating mga search and rescue teams ang kanilang isinasagawa dahil gumuguho pa rin po ang lupa as of this point.
Sa Abuyog po, sa data po na natanggap ko mula sa mga kasama natin diyan, we still have a hundred people po na missing. At sa Baybay naman po, ang estimated is more than 70 people pa iyong hinahanap po doon sa area. 102 naman ang injured, iyong naitakbo sa hospital after ma-rescue doon sa landslide area.
Medyo po ilang araw na ang lumipas kasi after the landside, although kami dito po ay hindi pa rin bumibitiw sa pag-asa na marami pa ring mari-rescue, [but] we leave it po doon sa ating mga kasamahan sa ground para mapagdesisyunan po nila ito. Kasi inaalala din po natin iyong kanila pong kaligtasan kasabay po ng pag-alala natin doon sa mga naapektuhan.
USEC. IGNACIO: Opo. So, Sir Mark, basahin ko na lang po itong tanong ni JP Nuñez ng UNTV: Kailan po posible na i-declare ang search and retrieval operations dito po sa mga taong reported na missing pa rin dahil sa bagyo or kailan po kaya posibleng totally itigil na daw po itong paghahanap sa mga nawawalang katawan katulad nga po ng nabanggit ninyo na nagkakaroon kayo ng pagpupulong dahil nabanggit ninyo nga na sabi ng ating mga eksperto o mga rescuers ay medyo nagiging mapanganib na po para sa kanila?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Hopefully po, by this afternoon makatanggap po tayo ng ulat tungkol sa napagkasunduan po or resulta ng meeting na iyan. Basta tayo po dito sa national ay tuloy po ang ating pagtulong sa ating mga kababayan, lalo na po doon sa mga naapektuhan. At tuloy pa rin po na umaasa tayo na may makaka-survive pa rin na mga kababayan natin kahit medyo ilang araw na po ang lumipas matapos iyong landslide.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sir Mark, ilan na po iyong total evacuees na nakalikas base po sa ating huling datos?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo. Ngayong umaga pong pag-uulat, 158,000 po na mga kababayan natin ang nakapaglikas po dahil dito kay Agaton at umabot po ng 837 evacuation centers ang ginagamit po natin across the affected regions. Mayroon din po tayong 188,000 na mga kababayan na lumikas pero hindi tumuloy sa mga evacuation centers.
Lahat po itong displaced population po natin ay tinutulungan po ng pamahalaan. Kasalukuyan nga po, Usec. Rocky, umabot na po ng more than P50 million worth of assistance na po ang naipamigay ng pamahalaan para po sa mga kababayan natin. Mga family food packs po iyan, hot meals, financial assistance, mga tent, kagamitan para po sa kanila, pati na rin iyong medical supplies for protection against COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, magkano po iyong total damage na iniwan nitong si Bagyong Agaton sa agriculture at infrastructure dito po sa Visayas or doon sa mga lugar po na nasalanta?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Tuluy-tuloy na din po ang pagpasok ng mga damage assessment report sa atin dito, Usec. Rocky. As of this morning’s reporting po, ang mga kabahayan po na napinsala dahil kay Agaton ay umabot na po ng 10,400 na mga kabahayan. Kapag sinuma po iyong computed cost niyan ay nasa P709, 000 po iyan.
Sa damage to agriculture naman po ay umabot na tayo ng P249 – almost P250 million worth of damage sa mga pananim, mga livestock, poultry, palaisdaan at infrastructure equipment for agriculture.
Sa public infrastructure naman po na na-damage po nitong si Agaton, nasa computed amount na po tayo na P6, 950, 000 – almost P7 million worth of damages.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, kumusta po iyong supply ng malinis na inuming tubig? Ilang mga bayan daw po iyong kasalukuyang may problema dito sa supply ng malinis na tubig.
Ano daw po ang magiging tugon ng pamahalaan dito?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Nagkaroon po tayo ng ulat dito na may ilang mga cities and municipalities po na nagkaroon ng water supply interruption dahil nga po sa problema sa kuryente at ang iba naman po ay napinsala ang mga linya po ng patubig.
Ang ginagawa po ng pamahalaan dito as part of support po doon ay number one, nagpapadala po tayo ng malilinis na inuming-tubig na naka-bottle, at iyan pong mga gallons na iyan, before distribution doon sa mga evacuation centers at saka sa community.
Iyong local water utilities naman po nagpapadala din ng mga tangke ng tubig doon sa mga areas po na nangangailangan ng patubig kaalinsabay po ng pagkukumpuni at pagsasaayos nitong mga serbisyo po na ito para maibalik as soon as possible.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano pa po iyong tulong na kailangan ng ating mga kababayan dito po sa Eastern Visayas sa kasalukuyan, Sir Mark?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Actually, ma’am, lahat naman po ng mga tulong po ay naipo-provide naman ng ating pamahalaan pero hindi po natin binabawalan ang ating mga kababayan na tumulong po sa kanilang mga kababayan. Kaya kung gusto po nilang tumulong, ang hinahanap po talaga ngayon ng mga kababayan natin ay pagkain, malinis na tubig, mga tents, mga kumot, hygiene kits/hygiene items. Lahat po iyan ay makakatulong po sa kanila.
Makipag-ugnayan po ang ating mga kababayan o kanilang mga organisasyon sa ating mga disaster managers dito sa NDRMMC at sa local government units o sa Regional Disaster Council para origanisado po ang ating pag-provide ng relief support, makarating talaga sa community na gusto nating mabigyan at matulungan iyong mga taong nangangailangan po ng tulong.
USEC. IGNACIO: Sir Mark, sa tingin ninyo, gaano magiging katagal iyong recovery sa mga lugar na nasalanta?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Kung tutuusin po talaga, USec. Rocky, hindi po overnight procedure po itong recovery and rehabilitation. Pero makakaasa po ang ating mga kababayan lalo na po ngayong panahon na ito, nakikita ninyo po na lahat po ng pagbangon, proseso ng pagbangon. Madali lang pong isinasagawa ng pamahalaan po iyan lalo na po iyong mga kailangang serbisyo ng mga kababayan po natin.
Ito pong ating assessment na gagawin for the disaster ay mangyayari na po iyan, ongoing na rin po iyong paghahanda for the disaster needs assessment at ito pong mga ito ay mapopondohan ng pamahalaan para makabangong muli itong mga communities po na naapektuhan ni Agaton.
Nagsisimula pa lang po tayo ng taon, letter “A” pa lang po iyang bagyo na iyan, so, tuloy-tuloy po nating babakahin ang mga susunod pa. Magkaisa po tayo at magtulungan.
USEC. IGNACIO: Oo nga, Sir Mark. Salamat po! Maraming salamat po sa inyong panahon, NDRRMC Spokesperson Mark Timbal.
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Thank you, ma’am. Good morning po.
USEC. IGNACIO: Huwag po kayong bibitiw, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[AD]
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jam Sison ng PBS-Radyo Pilipinas.
Maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Hanggang bukas pong muli, ako po si USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center