USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas lalo na po sa mga nakatutok sa atin saan mang panig ng mundo. Ngayong umaga po, pag-uusapan natin ang isyu sa kalusugan lalo pa’t pormal na pong sinimulan ang pagbabakuna ng second booster dose dito sa bansa. Nakatutok din po ang Laging Handa sa nanunumbalik na sigla ng turismo ng bansa.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Ang gumagandang kalagayan ng ekonomiya ay resulta po ng malusog na turismo ng bansa – iyan po ang pinatunayan ng Department of Tourism. Kaya naman ngayong umaga, makakausap po natin sa programa si Secretary Berna Romulo-Puyat. Magandang umaga po, Secretary.
DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Magandang, magandang umaga Usec. Rocky at magandang umaga sa lahat ng nanunood sa’yo.
USEC. IGNACIO: Secretary, ano na po ‘yung latest count ng mga foreign tourists na pumupunta dito sa Pilipinas at siyempre iyong latest count din po ng local travellers natin? Masasabi po ba nating back to pre-pandemic levels itong movement po ng ating mga kababayan?
DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Correct. From February 10 to April 25, na-surpass na natin iyong 300,000 mark. We received about 313,050 international arrivals – number one ay galing sa US, number two sa Canada at ngayon number three na ang Korea. So at least sunud-sunod na, and for the Koreans and Japanese [they] are already coming.
Sa pre-pandemic levels naman, with regard to international tourist arrivals, medyo malayo pa kasi noong 2019 – we received about 8.26 million tourists. Pero masaya tayo kasi at least we already received 313,050 international arrivals.
Sa domestic naman, we still don’t have the exact numbers pero noong 2019, we have about 110 million domestic trips. Pero base sa Holy Week, noong kausap natin iyong ating mga stakeholders lalo na iyong mga hotels, puno naman sila. Iyon na nga, siyempre paalala pa rin… masaya tayo na we are slowly getting back to normal, pero paalala rin that we still really have to follow minimum health and safety protocols.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ito daw po ba ‘yung sinasabing ‘revenge travel’? Ano po ba ‘yung ibig sabihin nito at ano daw po ‘yung epekto nito sa tourism industry natin?
DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Oo. Masaya kami na kasi—siguro maraming mga tao na hindi nakalabas ng kanilang bahay – na takot lumabas, nasa bahay lamang. So ngayon talagang they are travelling. Marami tayong nakikita… when I talked to the tour operators, iyong mga hotel, nakakakuha sila ng mga clients ngayon na hindi nila dati clients. Lumalabas ang mga tao lalo na mga buong pamilya.
I guess after two years, ngayon lang talaga sila lumalabas. Eh alam mo naman ang Filipinos, we really travel as a family. And ang maganda pa dito, hindi lamang buong pamilya, they stay longer. So dati kunyari weekend lang, minsan one week na silang nag-i-stay so they can spend time with their family.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, paano daw po nasisiguro na nasusunod pa rin itong minimum public health standards sa mga tourist destinations sa bansa lalo na po ngayong summer season at dumadagsa iyong mga turista? At sa kabila pa rin po nito, iyong mga kapitbahay nating bansa katulad ng China, tumataas po ang kaso.
DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Oo. First of all pagdating sa accommodation establishments – mga hotels, mga resorts, kahit Mabuhay Accommodation – we are very strict na dapat sumusunod sa health and safety guidelines na ginawa ng Department of Tourism together with the Department of Health. At in fact, we have the WTTC [World Travel & Tourism Council] safe travel stamp – ibig sabihin, our standards are world standards.
Ang maganda ngayon sa social media, kunyari may lumalabag dito, agad naming nakikita/natsi-check. If lumabag, we give a show cause order at kung umulit, pinapasara natin. So iyon, we’re very strict ‘no with regard to mga hotel at mga accommodation establishments.
But it’s very important to work with the LGUs kaya nagpapasalamat kami kay Secretary Año of the DILG kasi katulong namin siya to make sure that iyong mga LGUs sumusunod sa minimum health and safety protocols.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pero kumusta naman daw po ‘yung naging turnout nitong katatapos lang na 21st World Travel and Tourism Summit nitong nakaraang linggo? Senyales daw po ba ito na tuluy-tuloy na talaga iyong pagbubukas ng ating bansa sa international tourists at possible investors?
DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Usec. Rocky, ang saya namin because we received more than a thousand delegates from 50 different countries and 30 plus government delegations from all over the world. It was a 3-day summit, from April 20 to 22, and parang ito ay senyales na we can really go back to normal as long as you are vaccinated, boosted and follow minimum health and safety protocols.
Masaya kasi we are the first in Asia to have this magnitude na event. Lahat ng mga CEOs ng mga Radisson, Marriott, Hilton – nandito lahat – Head of Dubai Airport nandito sila lahat. Marami sa kanila first time to visit the Philippines and they were very impressed with our minimum health and safety protocols.
At maraming nagsasabi, hindi raw nila akalain na ganito kaganda ang Pilipinas. In fact I saw a lot of them, nag-extend po sila sa Boracay, sa El Nido… nag-extend sila dahil ang ganda-ganda daw ng Pilipinas. Pero iyong nakatatak talaga sa kanila, iyong Filipino hospitality. I think really, Usec. Rocky, doon tayo umaangat from the rest – iyong Filipino brand of service.
USEC. IGNACIO: Opo. Eh, Secretary, layunin talaga ng ating gobyerno na maka-attract talaga ng mas maraming turista na nagpu-promote ng ‘regenerative tourism’. Ano daw po ‘yung ibig sabihin nito, Secretary?
DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Yes. Iyong regenerative tourism is dapat iyong isang destination will be even better than it was before. Iyong problema kasi sa turismo, minsan may mass tourism or pumapangit na iyong isang destination. Kaya nga ‘di ba noong 2018, isinara ng ating Presidente, Presidente Duterte, ang Boracay for six months kasi mass tourism na at ang dumi-dumi, walang sumusunod sa environmental laws kaya pinasara niya ito.
Kung naalala mo, Usec. Rocky ‘di ba, iyong water level, iyong coliform level was at one million – napakadami. And the President only agreed to reopen ito noong bumaba ito sa less than 100 – ang 100 iyong normal. When we reopened Boracay, the coliform level was only at 15 so talagang napakalinis and we just wanted all environmental laws to be implemented.
Kaya talaga we received a lot of awards from all over the world because talagang they were very impressed that we closed our top tourist destination because we wanted… iyong regenerative tourism nga, we want sustainable tourism and we want a tourist destination to be even better than it was before nga iyong mas maganda pa, iyong hindi nasisira at makikinabang iyong kalikasan… hindi nasisira ang kalikasan and it also benefits the host communities.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa Pilipinas, Secretary, isa daw po ‘yung Masungi Georeserve sa ipinagmamalaking regenerative tourism. So, anu-ano pa pong lugar dito sa Pilipinas iyong maaari nating sabihin na maging kagaya nito?
DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Iyan ang gusto naman natin sa lahat ng ating tourist destinations, ang laging sinasabi ng ating Pangulo is, what we want is—well actually, Usec. Rocky, ang mas masaya tayo, we have 7,641 islands so beach can’t just be limited to only a few destinations. Like noong the past two years during the pandemic, nakapag-ikot tayo all over the country and really, nandudoon naman lahat ng mga tourist spots.
Of course, alam natin kasi that tourism really gives jobs to many, but of course we cannot forget that we have to take care of all the tourist destinations. Maganda… I was in Siquijor, napakaganda ng Siquijor; Marinduque, it’s very beautiful – we have all these tourist destinations at ang maganda, we can start promoting it. But to make sure that hindi siya nasisira, everything is protected, it’s environment number one and it gives us a chance to do everything right.
Tourism naman kasi is to give jobs but at the same time we have to think of the future generations, hindi ba? Hindi iyong sa dami ng tao ay biglang nasisira na iyong ating tourist destinations. We want to make sure that each tourist destination is taken care of for our future generations.
USEC. IGNACIO: Alam mo, Secretary, balikan natin iyong Boracay, isa daw po ito talaga sa pinakamagandang accomplishment ng Duterte Administration. Ito po may pahabol pong tanong ng ating kasamahan din: May report po ba kayo sa DOT kung ilan daw po iyong tourism establishment na ang nag-reopen with the easing of travel restriction this year? Mukhang balak nitong magpunta sa kung saan-saang tourist destination natin, Secretary.
DOT SEC. ROMULO-PUYAT: I don’t have the exact number that has reopened, but at least, marami na [ang] nagbukas. Well, I don’t have the exact numbers, so I can’t really give. But ang alam ko, since we’ve reopened and eased travel restrictions all over the country is marami na ang nagbukas dahil nagsara sila noong pandemic.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ilan daw po iyong ating mga workers na nakabalik na sa kanilang mga trabaho?
DOT SEC. ROMULO-PUYAT: I don’t have the exact numbers, pero for example, noong 2019, tourism [sector] directly employed 5.7 million people. Dahil sa pandemya, 1.1 million jobs were affected.
Pero alam ko, kasi we are making sure that our tourism stakeholders, iyong mga nagtatrabaho sa mga hotels, etc., are vaccinated, alam ko lumalaki na iyong number. Why? Because iyon ang aming target eh. Kasi what we did last year, noong July, we had a target of tourism stakeholders and we made sure that everybody was vaccinated. Pero nakikita namin na tumataas iyong aming target because as they rehire more people, we help them get vaccinated and boosted. So, iyon.
And then when travel restrictions were eased all over the country and when we reopened to foreigners last February 10, the stakeholders have been telling me that they have rehired [employees] or iyong mga nawalan ng trabaho ay there are rehiring them.
I’ll probably get the exact number, Usec. Rocky, from NEDA. Ang hirap kasing magsalita na hindi base sa statistics. But probably by June, NEDA will give me the exact numbers.
USEC. IGNACIO: Opo at saka baka madagdagan pa, Secretary. Secretary, kuhanin ko na lamang iyong panghuli mong paalala/mensahe lalo na po dito sa ating mga kababayan na sabik na pong magpunta sa ating mga ipinagmamalaking tourist destination.
Go ahead, Secretary.
DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Masayang-masaya kami, Usec. Rocky, na finally ay nagkakatrabaho na iyong mga nawalan ng trabaho. People can go around and visit all our local destinations. Pero paalala lang, if you are not vaccinated, please be vaccinated. If you have not gotten your booster shots, please get your booster shots.
And please, be responsible travelers. Follow minimum health and safety protocols para tuluy-tuloy na ang pag-restart ng ating tourism, tuluy-tuloy na magtatrabaho ang ating mga kababayan at talagang ngayon halos lahat ng tourist destinations are Alert Level 1 na, iyong mga iba, Alert Level 2. But at least wala nang lockdown and people can finally go back to normal.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong paglalaan ng oras sa amin, Secretary Berna Romulo-Puyat. Stay safe po, Secretary.
DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Stay safe, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, sa pagpapatuloy ng bakunahan ng ikalawang booster shot sa mga immunocompromised, bumisita si Health Secretary Francisco Duque III sa isang clinic sa Quezon City kung saan kabilang sa mga pasyente dito ay HIV patients. Ang kabuuang report mula kay Rod Lagusan:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Rod Lagusan.
Nasa 67,485,479 o 74.98% na target na populasyon ang bakunado [na] para sa COVID-19 habang 12,939,274 naman po na mga individual naman ang nakatanggap ng unang booster dose. Para naman sa mga senior citizens ay 6.6 million or 75.35% na target na ang nakatanggap ng primary series.
Samantala, ayon sa inilabas na datos ng Department of Health kahapon, April 25, mayroong 726 na malubha at kritikal na mga pasyente ang naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19. 479 ng 2,841 o 16.9% ICU beds para sa malalang COVID-19 cases ang okupado habang 24,309 naman po ang non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyang hindi okupado.
Mula April 18 hanggang 24 ay 1,456 ang naitalang bagong kaso. Ang average na bilang na nagpopositibo sa kada araw ay umaabot na sa 209, mas mababa ng 12% kumpara sa nakaraang linggo. May naitala namang 213 na pumanaw; 31 naman po ay naganap noong Abril 11 hanggang 24.
Sa puntong ito, makakapanayam po natin sina Dr. Ranjit Rye at Dr. Guido David mula po sa OCTA Research. Magandang umaga po sa inyong dalawa.
OCTA RESEARCH DR. RYE: Magandang umaga po, Usec at sa lahat po ng nakikinig po sa atin.
USEC. IGNACIO: Opo, Unahin ko na po si Professor Ranjit. Ang 50% decrease daw po sa compliance sa minimum public health standards sa National Capital Region ay puwede daw pong magresulta ng 25,000 to 60,000 new COVID-19 cases per day by mid-May. Ito po ba ay maaari pang mangyari by the intervention daw po nitong second booster dose?
OCTA RESEARCH DR. RYE: Usec, hindi namin kasi data iyan and ang tingin namin, it won’t be that high. It will not be that high, definitely. Our projections are more modest than that.
What we are saying is that there is a very big possibility of cases going up kaya ang panawagan namin, kagaya ng panawagan ng lahat ng nagsalita before us, mag-vaxx to the max na tayo. Kung hindi pa tayo nabu-booster, magpa-booster na tayo, kasi inevitable ho na tataas ang cases natin lalo na at bukas na ang ekonomiya, mayroon tayong mga bagong sub-variants now outside of the country and may come in.
Importante ho na, kung gusto nating ligtas tayo at tuluy-tuloy ho iyong kaunlaran, tuluy-tuloy po iyong kabuhayan ay magpa-booster po tayo. So, iyon ho ang panawagan namin and of course, sumunod doon sa minimum public health standards.
We do believe that there might be an uptick but we don’t agree with the numbers that were presented. Hindi po kasi datos namin iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko na lang po iyong tanong ni Lei Alviz ng GMA News, Professor: Ano daw po iyong assessment at forecast ng OCTA Research sa COVID situation sa bansa?
OCTA RESEARCH DR. RYE: Okay. Usec, ipapasa ko iyong tanong na iyan kay Dr. Guido David, iyan ang data analyst namin.
USEC. IGNACIO: Opo. Good morning po, Professor.
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Good morning, Usec. Yes, regarding sa question, we’re seeing a possible increase in cases. It could happen sometime, actually it could happen anytime eh. Hindi natin masasabi kung kailan makakapasok iyon. Ang dahilan diyan, Usec., we’re seeing a surge or an increase in cases sa South Africa at saka Delhi, India, and these are the countries na medyo similar iyong characteristics sa Philippines. So kapag nagkakaroon ng increase in cases diyan, lalo na sila, tapos na sila sa Omicron pero may panibagong subvariant, ang concern natin ay kapag nakapasok itong panibagong subvariant dito sa Philippines, magkakaroon na rin ng pagtaas ng cases.
And as Professor Ranjit mentioned, hindi natin nakikita na baka maging kasing taas ng naging surge natin iyong January, pero at the same time, itong surge sa South Africa at saka sa India, bago pa lang sila so mino-monitor pa natin. Kasi kung maging mataas sila, magiging concern din tayo dahil baka maging ganiyan din iyong mangyari sa Philippines. Pero as of now, preliminary, we’re projecting siguro up to 50 to 100,000 active cases which means siguro mga 5,000 cases per day. Tataas pa rin po, tumaas tayo, 5,000 or even 10,000 cases per day. So far, hindi pa naman natin nakikita na baka umabot nang kasing lala noong January pero siyempre … sa ngayon pa lang iyan, puwede pang magbago iyong ating assessment of the numbers.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na po iyong tanong ni Mark Fetalco ng PTV: Sa projection po ng OCTA, ano po iyong maaaring maging kaibahan ng surge na ito kumpara raw po sa mga dating surge pagdating sa dami, sa tagal at impact nito sa hospitalization? Kung sino po ang puwedeng sumagot.
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, Usec. Rocky. So iyong nakikita natin, possible na iyong surge ay maging ano, may similar trajectory doon sa nakita natin noong January na mabilis siya makapanghawa, mabilis dumami, at baka mabilis ding bumagsak iyong bilang ng kaso dahil we have high number of vaccinations in certain key areas.
Pero that being said, Usec., kailangan pa talaga, tulad ng sinabi ni Professor Ranjit, kailangan ipagpatuloy natin iyong vaccination natin at iyong pagpapa-boosters natin para mapigilan or ma-prevent itong mga possible surges na puwedeng mangyari. Kasi preventable naman iyan basta magdagdag tayo ng protection natin, baka hindi tayo makakita ng pagtaas ng cases. Pero, I mean, preventable up to a certain extent, baka mabawasan natin iyong severity niya. So kumbaga, nasa atin pa rin iyan. Iyong pagsunod natin sa minimum health protocols, iyong mga iyon ay makakatulong.
Pero the good news, we’re not expecting a high number of hospitalizations katulad noong January dahil mataas nga iyong level of vaccinations natin, basta siyempre, nagpapabakuna iyong mga kababayan natin. Kapag hindi sila bakunado, ganoon pa rin iyong risk nila, iyong severity could be the same as with the previous variants ng COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Para po kay Professor Ranjit, tanong po ni Mela Lesmoras ng PTV: Base raw po sa inyong monitoring, kaya na raw po bang mag-Alert Level 1 sa buong Pilipinas by May 1st para raw po makagalaw nang husto ang mga tao sa eleksyon o may mga lugar po na nanganganib na mag-Alert Level 2 at 3?
OCTA RESEARCH DR. RYE: Well, depende po iyan sa datos na makukuha natin, Usec. Depende iyan on a case-to-case basis, depende sa lugar. Gaya nga ng sinasabi namin, bagamat may banta, puwedeng mapigilan itong banta na ito kung lahat tayo ay magtutulung-tulungan. At ganoon nga, iyong tatlong bagay na kailangan nating tingnan ay pagsunod sa minimum public health standards ‘no. Number two, iyong pagbakuna at lalung-lalo na iyong pagpa-booster. Sinasabi ng siyensya, kapag nagpa-booster kayo, nadadagdagan ang proteksyon natin. And of course, number three, iyong preparedness ng ating mga local governments. Hindi natin mapi-prevent iyong uptick, pero iyong surge po na kagaya noong January, preventable po iyan.
Kaya nga sinasabi na namin ngayon, kung gusto natin lagi tayong bukas ‘no at may kabuhayan at ligtas tayo ay sundan lang natin po iyong sinadyest [suggested] natin na vax, booster at pagsunod sa minimum public health standards. To answer your question directly, we leave that to government po. I think right now, the country is at a low-risk level, but iyon nga, nagiging complacent na ho iyong mga kababayan natin. Baka nakakalimutan ng mga kababayan natin na nandito pa ang COVID, delikado siya at nakakahawa siya. At napakadali lang po ng paraan para hindi ka mahawa – susuotin mo lang lagi iyong mask mo; kung hindi ka pa boosted, magpa-booster ka na. Ang laking bagay ho para sa ating sarili, pamilya at sa ating komunidad kung protected na po tayo ng vaccines natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor Ranjit, ano naman daw po iyong magiging epekto nito kung patuloy nga po iyong hindi pagsunod ng minimum public health standards?
OCTA RESEARCH DR. RYE: Iyon nga po, iyon nga, ang likelihood po of a surge—in the surge becomes likely po. Iyon ho iyong number one na impact nang hindi pagsunod. At naniniwala naman kami na sumusunod naman iyong mga kababayan natin. In fact, pagdating sa mask wearing, napakataas po ng compliance natin in general. Although iyong frequency of use, iyon, bumababa po siya ‘no.
And I think, malakas din ang kumpiyansa ng taumbayan sa government response ‘no. Sa katunayan, may bagong survey ang OCTA na isinagawa noong March 1. 1,200 respondents and all around the country, mataas ho iyong approval rating ng gobyerno po sa COVID response, nasa 83% po. And ayun nga, kung ganiyan ang sitwasyon, madali ang gobyernong magsagawa ng information drive, mag-monitor and mag-enforce ng minimum public health standards. Iyong information drive ay para sa boosters po ha. Kasi doon sa aming survey ay lumalabas, bagamat marami sa ating mga kababayan ang willing magpa-booster, mayroong mga close to 20, more than 20%, close to a quarter, na ayaw magpa-booster dahil hindi nga nila nakikita na epektibo o ligtas siya. So kailangan pong may information drive para diyan.
So lahat iyang mga preventions na iyan based on the data ay kailangan po, and the government needs to double down on its vaccination and booster efforts. Buti nga mayroon tayong mga vaccination drive ngayon, ongoing, and we hope na sana iyong mga kababayan natin ay magpa-vaccinate na at magpa-booster na sa lalong madaling panahon. Kapag ginawa ninyo pa ho iyon, eh most likely po ay mapi-prevent natin iyong massive surge na pinu-project ng OCTA. At likely ho, bukas ang ekonomiya, ligtas tayong lahat and this will be good for all of us ‘no. Kayang ma-prevent ho iyong surge, kaya hong ma-manage iyong uptick. Nakikita namin na kapag may population protection ho, sigurado ho tayo na bukas pa rin iyong ekonomiya, and that would benefit us all.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor Ranjit, may tanong po sa inyo si Red Mendoza ng Manila Times: May ispekulasyon po na may posibilidad ng isang lockdown pagkatapos ng halalan dahil sa nakaambang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Nakikita po ba ng OCTA itong ganitong pagtaas?
OCTA RESEARCH DR. RYE: Sa ngayon po, preventive ho iyong initiative namin. We’re trying to provide data to say that there is a possibility of an uptick and maybe a surge. Wala hong rekomendasyon ang OCTA to lockdown. We believe that what will happen in the next few weeks ‘no, that what may happen in the next few weeks is manageable po given our existing capabilities ho lalo na nag-improve na ho ang treatment, lalo na nag-improve na rin iyong response ng government at local government, kaya hong i-manage iyan.
Pero ang panawagan nga namin sa mga kababayan natin ay huwag na nating paabutin pa sa ganoon. In fact, kung magpa-booster kayo ngayon ay mapi-prevent ninyo ho iyong uptick na iyan kasi lahat tayo ay magiging protected na eh, lalo na iyong mga most vulnerable, sina lolo’t lola, iyong mga kababayan natin, kapatid natin, kapamilya natin na may comorbidities. So kailangan ho talaga sila ho ang priority na ma-booster po.
Ang vaccination po ay medyo extensive na ho ang naabot. Kulang pa pero sa tingin namin ay maaabot iyan by June bago bumaba si President Duterte. And ang tingin namin, iyong mga regions na hindi pa masyadong mataas iyong vaccination level, sila ang most vulnerable ho sa mga upticks at saka surges po. So sa mga governors and mayors, sana ho maging priority ninyo iyan habang, you know, during this time ho na kailangan nating ma-increase pa lalo ang ating population protection.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor Guido, aling mga lugar daw po iyong magiging pinakaapektado sakali pong matulad, na huwag naman po sana, ang Pilipinas sa current COVID trend sa South Africa at India?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, Usec. Actually, iyong mga major metro areas, lahat iyan ay vulnerable eh sa pagtaas ng cases. So of course, iyong nangyari noong January, it’s a sample kung anong puwedeng mangyari. Kahit na marami tayong vaccinated, maraming puwedeng mahawaan. Pero ang magandang balita naman ay mild naman karamihan ang mga vaccinated.
Kaya dapat siyempre, tutukan natin iyong mga areas na mababa iyong vaccination coverage para maprotektahan natin sila against severe COVID. Kasi, equally vulnerable sa surge iyong metro areas, iyong Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao. Pero iyon nga, dahil mataas iyong vaccine coverage natin dito like noong January, baka hindi naman natin kailangang mag-lockdown. Baka ma-manage natin iyong hospital utilization dahil kaunti lang ang maho-hospital, dahil kaunti lang iyong severe. Pero maraming puwedeng maging severe sa mga unvaccinated [people in] rural areas or iyong matataas iyong number of unvaccinated. Kaya iyan iyong magiging concern natin. It’s not just about the numbers, pero iyong hospitalization natin sa mga rural areas.
USEC: IGNACIO: Pero Professor Guido, puwede bang sabihin o mairekomenda ng OCTA na ngayon pa lang medyo maghigpit na rin kahit papaano ng ating protocol? Kasi nabanggit ninyo na itong mga bagong variant ay talagang magdudulot ng surge sa ating bansa?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Basta [sa] pagsunod naman, Usec, doon sa minimum public health standard, patuloy na pagsusuot ng face mask at pag-iingat ay iyan naman iyong mga kailangan natin. Hindi pa naman natin kinakailangang maghigpit masyado especially sa ating mga borders, dahil gusto nga nating matulungan ang ating ekonomiya, iyong ating tourism na nagpo-flourish na ngayon.
At saka iyong threat naman ngayon, yes, may possible threat pero iyon nga, hindi naman tayo puwedeng mag-overreact agad doon sa mga possible threats na iyan. At nakita naman natin noong January, we can manage it kung marami tayong vaccinated na. So, ang talagang focus natin ay dapat pagdiinan natin itong vaccination at pagpapa-boosters natin para ma-prevent natin iyong hospitalizations kapag sakaling makapasok dito iyong mga sub-variant na nakita sa South Africa at saka sa India.
USEC: IGNACIO: Opo. Bago po tayo magtapos. Ano na lamang po ang inyong mensahe para sa ating mga manunood. Unahin ko na po si Professor Ranjit. Professor Ranjit?
OCTA RESEARCH DR. RYE: Sa ating mga kababayan, lagi tayo dapat mag-iingat pa lalo. Hindi puwedeng mag-kumpiyansa dahil nandiyan pa ang COVID. Iyong projection ng pagtaas ng kaso ay isang projection, kaya natin ma-prevent iyan o ma-mitigate iyan or mapababa pa iyan. Ang importante po, hindi namin nirirekomenda mag-lockdown. Ang nirirekomenda ng OCTA ay lalong i-monitor at i-enforce ng ating mga local governments ang minimum public health standards. Laging maging handa sa mga COVID response operations nila.
Sa ating mga kababayan, ang rekomendasyon namin ay siyempre tuluy-tuloy pa rin po ang pagsunod sa minimum public health [standards]. Kahit anong variant pa iyan kapag nakasuot ka ng mask, mapoprotektahan ka, may makukuha kang proteksiyon. Iyong pag-vaccinate at pag-booster ay napakalaki pong hakbang iyan para maprotektahan ang ating mga kababayan at ang mga komunidad nila. So, dapat tuluy-tuloy po iyong hakbang na iyan.
So, ito pong sinasabi namin ay hindi ho dapat tayo matakot, kasi kaya na nating i-manage ito eh, okay. Ang sinasabi natin, puwede nating ma-prevent pa ito from happening. So ganito kaaga, sinasabi na namin kung gusto nating ligtas tayo at lagi tayong may buhay at kabuhayan ay sumunod lang po sa minimum public health standards at magpa-booster na sa lalong madaling panahon, kung hindi pa po kayo nagbu-booster. At sa mga lugar na marami pang hindi nagpapabakuna, nandiyan po iyong bakuna po, napakarami ho ng bakuna at iyon ho ay sa lahat ng local governments po, pati private sector ay tumutulong na sa vaccination drive.
So, may national vaccination drive tayo, sana po mag-participate tayong lahat kasi po napakaimportante nito sa pag-create ng population protection to prevent future surges po. Thank you.
USEC: IGNACIO: Opo. Professor Guido?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes. Maraming salamat ulit sa pag-imbita, Usec, sa amin ni Professor Ranjit.
Sa ating mga kababayan, itong mga sinasabi natin na posibleng magka-surge, magka-increase in cases, ang basehan natin ay iyong nakikita nating nangyayari sa ibang bansa tulad sa South Africa at saka sa India. Hindi naman natin dapat katakutan iyan, pero ang dapat ay kailangang maging prepared tayo.
Paghandaan natin iyan at kung prepared tayo, just like any disaster, puwede nating mabawasan iyong effects niyan. Ang primary way para mabawasan natin itong epekto nitong possible surge in cases ay iyong pagpapabakuna, pagpapa-booster shots at iyong pagsunod sa minimum public health standards, pag-iingat natin, magtulungan tayo.
At sana, siyempre malapit na iyong elections natin, let’s have, in terms of public health, a safe and fair election at sana gawin natin iyong parte natin para maging successful iyong elections natin sa susunod na mga linggo. Maraming salamat at magandang umaga, Usec.
USEC: IGNACIO: Opo. Pahabol lang po, Professor Guido. Kailan daw po lalabas iyong latest survey ng OCTA kaugnay po ng ating eleksiyon?
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Usec, ipapasa ko iyan kay Professor Ranjit.
OCTA RESEARCH DR. RYE: Usec, kasalukuyang nagdi-data gathering po kami at makakaasa ang publiko na lalabas siya in the first few days of May po.
USEC: IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa pagpapaunlak sa akin, Dr. Ranjit Rye at Dr. Guido David mula po sa OCTA Research. Mabuhay po kayo.
OCTA RESEARCH DR. DAVID: Thank you, Usec.
USEC: IGNACIO: Malaki ang pasasalamat ng mga residente ng San Juan sa tulong na hatid ni Senator Bong Go sa kasagsagan ng pandemya. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC: IGNACIO: Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Malaking tulong ang hatid ng labing-isang Malasakit Centers sa Quezon City kaya naman po malaki ang pasasalamat ng mga mamamayan dito. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Mga balitang nakalap mula naman po sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan, ihahatid sa atin ni Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Al Corpuz.
Davao City COVID-19 Task Force, muling nagpaalala na sundin ang health protocols sa darating na eleksyon. May report ang aming kasamang si Jay Lagang ng PTV-Davao:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Marami pong salamat sa pagsama ninyo sa amin ngayong Martes ng umaga.
Nais din po naming pasalamatan ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
At binabati ko po ng happy birthday ang aking kapatid na si Nordelyn Tobias-Alcantara, happy birthday, ate.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, hanggang bukas pong muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)