Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Ngayong araw ng Miyerkules, May 4, ilang mga usapin tungkol pa rin sa eleksyon ang ating tatalakayin kasabay po ng panawagang palawigin din ang face-to-face classes para sa mga mag-aaral. Makikibalita rin tayo tungkol naman sa estado ng kabuhayan ng ating mga kababayan sa Pilipinas. Iyan po ang ating pag-uusapan ngayong umaga dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Ngayong patapos na po ang kaniyang termino, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Pilipino na mananatili siyang worker for the people. Ayon sa Pangulo, kahit pa magbalik na siya bilang ordinaryong mamamayan, handa niyang ipagpatuloy ang pagsisilbi sa taumbayan sa ibang paraan tulad ng paglilingkod bilang abogado dahil ito naman talaga ang kaniyang propesyon. Kahit naman nalalapit na ang kaniyang pagbaba sa tungkulin, masaya si Pangulong Duterte na napaglingkuran niya ang mga Pilipino sa abot ng kaniyang makakaya at natupad niya ang kaniyang mga pangako.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Nagsama-sama ang mga miyembro ng security forces ngayong umaga para sa multi-agency sendoff ng mga tauhan ng PNP, AFP at Philippine Coast Guard para sa Hatol ng Bayan 2022. Nasa 40,000 na pulis, 42,000 na sundalo at mga Coast Guard personnel ang nakatakdang magbantay sa araw ng botohan.

Tiniyak ng mga lider ng security forces ang kanilang kahandaan para matiyak na magiging maayos at mapayapa ang eleksyon. Inanunsiyo naman ng Comelec ang kanilang desisyong ilagay sa Comelec control ang buong probinsiya ng Misamis Occidental at bayan ng Pilar sa Abra.

Samantala, may paalala rin si Senator Bong Go para sa mga kababayan nating nakatakdang bumoto sa nalalapit na halalan. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa susunod na linggo po ay eleksyon na. Alamin natin ang mga paghahandang ginagawa ng Department of Education para po asistihan ang mga guro at eskuwelahan sa nalalapit na halalan. Iyan po at iba pang usapin [ang] atin pong tatalakayin, kasama po natin sina Department of Education Secretary Leonor Briones, Undersecretary Revsee Escobedo, Assistant Secretary Malcolm Garma, at Regional Director May Eclar. Magandang umaga po sa inyong lahat.

DEPED SEC. BRIONES: Bago ako magbigay ng overall briefing, gusto kong mag-share ng pinakabagong statistics tungkol sa participation ng Department of Education. Alam naman natin na isa sa pinakaimportanteng institusyon na tumutulong talaga to ensure a clean, free and orderly elections ay ang Department of Education.

So sa ngayon, briefly, ang mga schools, 37,219 schools ang gagamitin bilang polling centers. Tapos ang precincts, 106,439 – napakarami ‘no. Marami kasi tayong mga botante. Ang poll workers na galing sa amin at saka sa ibang mga institusyon, 756,083. Pero ang galing sa DepEd, majority nito, out of 756,ooo ay 647,812. Nagiging tradisyon na kasi ang pag-trust sa Department of Education, sa ating mga teachers, to ensure na malinis at tama, accurate ang pagbilang ng mga boto.

We have 319,000 electoral boards, tapos 200,000 DepEd personnel, tapos may mga supervisory officials. Napaka-intensive ang involvement ng Department of Education sa halalan na ito.

Ngayon, pinag-uusapan din natin iyong pag-i-increase ng honoraria. Nakiki-negotiate kami sa Comelec at saka sa Department of Budget and Management. So ang chairperson, halimbawa, ng poll board, ang honorarium nila ay 7,000 each plus 2,000 travel and 500 anti-COVID injections; member is 6,000 for the entire day, and they have to be paid immediately or as soon as possible. Iyon ang request namin na hindi natin paghintayin ang ating mga kawani, na kung puwedeng mabayaran sila kaagad sa kanilang serbisyo. Two thousand for travel; tapos supervisory official, 5,000; support staff, 3,000, may dagdag pang travel, anti-COVID at saka sa mga ibang support staff ay may communications allowance din.

So ang pag-recognize natin sa services ng ating mga kawani sa DepEd ay mas titingkad, na bibigyan ng emphasis dahil we were able to successfully negotiate for additional honoraria. Tapos mayroon pang service credits. Kung death benefits naman, harinawa hindi ito mangyayari, 500,000; medical assistance, 200,000; tapos legal indemnification, kung halimbawa may mga kaso, at least 50,000.

At saka kami ay regular na nakikipag-usap, nakikipag-meeting sa Comelec, at sinusunod namin ang lahat ng mga requirements and regulations ng Comelec lalo na, winawarningan [warning] namin palagi, since last year pa, Rocky, ang aming mga staff, teachers and so on na bawal na bawal talaga ang partisan political activity. Kapag may natatanggap kaming mga ganoong klaseng report ay aming inaaksyunan kaagad. Ilang beses na nga ito nangyayari.

Kasama ko ngayon si Usec. Revsee Escobedo para i-share niya, I asked him to share, kung ano iyong aming mga memorandum na mula pa noong nakaraang eleksyon at saka ngayon ay dinagdagan pa namin para i-repeat ulit. Ito ay hindi lamang para sa ating mga teachers and employees in DepEd but para sa lahat, based on the COMELEC regulation. So I would like to ask Usec. Revsee to briefly give a listing of all the reminders, all the warnings and the actions that we have undertaken.

Usec. Revsee? Kung papayagan mo, Rocky!

USEC. IGNACIO: Yes, opo Secretary. Usec. Revsee, may inihanda po kayong presentation bilang paalala po sa ating mga DepEd staff and teachers. Go ahead po.

DEPED USEC. ESCOBEDO: Opo, Usec. Rocky. Mayroon po akong hinanda na isang maigsing presentation dahil ito ang utos sa amin ni Secretary Liling Briones bago pa mag-umpisa ang election period upang paalalahanan ang aming mga opisyal at personnel tungkol dito sa electioneering at partisan political activities, at itong tinatawag na political neutrality. At itong aming paglilinaw, ginawa namin ito noong October 2021 pa at nasundan noong January 2022 at itong panghuli na kinascade [cascade] namin ito sa baba, nitong March 2022.

Kasi, Usec. Rocky, itong electioneering at prohibition against partisan political activity ay may batayan ito – mismong ang 1987 Philippine Constitution at mga batas at mayroon ding mga jurisprudence. At unahin ko na dito iyong ating 1987 Constitution na kung saan sinasabi dito na walang opisyal o empleyado ng Civil Service ang dapat mag-engage sa isang electioneering o partisan political activity. At iyan ay nandoon din sa ating Republic Act 6713, ito iyong Ethical Standards and Code of Conduct of Public Officials and Employees, na pinagbabawal ang partisan political activity at mas binibigyan ng diin iyong political neutrality sa pagbibigay ng serbisyo.

At kahit na ang Local Government Code of 1991 ay ni-reiterate iyong binanggit ng ating Konstitusyon na bawal talaga ang mag-engage sa electioneering or political partisan activities iyong civil servants at kasama na dito ang lahat ng opisyal at empleyado ng Department of Education. At hindi lang iyan, Usec. Rocky, mayroon ding Executive Order No. 292. Ito iyong Administrative Code of the Philippines na nagpapaalala sa atin na bawal iyong electioneering at partisan political activity. So iyan ang mga batayan natin at ano iyong sinasabi natin na sino ang covered at ano ang mga activities na pinapahintulutan lamang.

At ang DepEd din ay sumusunod sa Joint Circular No. 001 Series of 2016 – ito iyong Joint Comelec-Civil Service Commission Advisory on Electioneering and Partisan Political Activities – dahil tinalakay dito sino ang covered at sino ang excluded sa prohibition ng electioneering at partisan political activities. At sinasabi nga dito, lahat ng miyembro ng Civil Service ay covered ng prohibition, maging ikaw man o ang appointment mo ay permanent, temporary, contractual o casual. Kahit nga, Usec. Rocky, na halimbawa may kapatid o kaanak ka na tumatakbo at ikaw ay empleyado ng gobyerno, kahit na mag-file ka ng leave of absence ay ipinagbabawal pa rin ng ating batas.

Ang exemption lang diyan, Usec. Rocky, ang sinasabi ng batas, ang excluded lang sa ganitong prohibition ay ang Presidente, Bise Presidente, iyong ating mga Cabinet Secretaries, iyong ibang mga elected officials dahil nga iyong kanilang office by nature ay political office. At sino pa ang exempted? Iyong mga confidential staff ng mga elected officials. But the rest ay covered na ng prohibition na bawal mag-engage ang lahat ng civil servants sa isang electioneering o partisan political activities.

At ano lamang ang ina-allow kung lahat ng activities ay hindi pupuwede? Ina-allow naman po iyong pag-exercise natin sa ating karapatan na bumoto at iyong pagpapahayag ng ating mga saloobin at iyong pakikipagdiskusyon hinggil sa mga usaping panlipunan pero hindi dapat ito ay nakatuon doon sa kandidato kung hindi sa mga usaping panlipunan. At regarding sa social media, pinapayagan subalit may mga restrictions din. Iyong halimbawa ay liking, commenting, reposting ng mga political ads pero bawal na bawal iyong pagbigay ng opinyon o komento na kung saan ay tumutulong para makakuha ng boto o makapag-solicit ng boto o kaya para hindi iboto ang isang kandidato or partido.

So itong aming paalala sa aming mga opisyales at empleyado ay umabot ito hanggang sa antas [ng] division level, kasi nga nagkaroon din kami ng mga regional cluster conferences kung saan tinalakay namin ito na dinaluhan ng mga regional directors at schools division superintendents. So sa ngayon, minu-monitor namin kung mayroong mga paglabag sa mga alituntunin na ito. At higit sa lahat, sa instruction at directive ni Secretary Liling, bawal po gamitin ang aming nga eskuwelahan at mga pasilidad para sa mga rallies o kaya mga political meetings.

So iyon lamang po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Salamat po, Usec. Revsee, sa mga paalalang iyan, ano po.

Kung sino po ang puwedeng sumagot dito: Paano po tinukoy ang isolation polling precincts para sa mga botanteng magpapakita naman ng sintomas sa mismong araw daw po ng eleksiyon? Ito po ba ay sa loob din ng paaralan, kung tama po ito? Kung sino po [ang] maaaring sumagot…

DEPED USEC. ESCOBEDO: Ako na po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Go ahead po.

DEPED USEC. ESCOBEDO: Iyong ating IPPs, iyong Isolation Polling Precincts, tama po kayo na ito ay nasa loob ng paaralan dahil kung mayroon mang botante na mayroong 37.5 degree Celsius na temperature at pataas, ito ay isi-separate natin at dito natin pabubotohin sa IPP.

Subalit itong mga IPP ay hiwalay doon sa mga voting precincts at ito ay alinsunod sa COMELEC resolution na dapat: una, hiwalay; and second, malapit sa entrance; and the third, mayroon dapat [na] mga health personnel na nandoon nang sa ganoon ay kung mayroon mang botante na mataas ang temperatura ay kaagad na mabigyan ng assistance and then doon siya makakapagboto and dapat hindi nagko-congregate doon sa IPP. At ang tumulong sa pagtukoy ng mga IPPs na ito ay ang aming mga school heads, principals at mga district supervisors, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary or kung sino po ang puwedeng sumagot: Tama rin po ba na hanggang May 13 inaprubahan ng DepEd ang hindi daw po pagri-report onsite ng mga guro simula kahapon, May 2 [sic]? Ano daw po iyong task na ginagawa pa ng mga teachers matapos po ang mismong eleksiyon?

DEPED SEC. BRIONES: Marami namang ginagawa ang mga teachers pero ang nag-decide ay ang buong MANCOM at saka EXECOM noong aming meeting a few days ago na hindi sila kailangang mag-report. Pero kailangan patuloy iyong kanilang mga gawain, iyong pag-aayos ng mga records nila halimbawa, mayroong iba mag-a-attend ng mga webinars na dinadaan naman sa technology.

Hindi nauubusan ng trabaho ang mga teachers. So, time nila ito for catch up pero hindi sila obligadong pumasok. So, iyon ang aming desisyon.

At makabigay pa ng additional information si Usec. Revsee at saka si Asec. Malcolm kung paano natin ito ini-implement.

So, perhaps Asec. Malcolm can put [unclear] to the discussion.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec. Malcolm.

DEPED ASEC. GARMA: Salamat po, Secretary at Usec. Rocky. Katulad po ng nabanggit ng ating Kalihim, napagpasyahan na po namin na iyon pong mga guro na hindi naman kasama o kabilang doon sa 640,000 na magkakaroon ng direct participation sa ating eleksiyon ay hindi na po sila kinakailangang mag-report sa eskuwelahan.

Gayunpaman, inaasahan na itong panahon na ito ay maggugugol din ng [panahon]  ang ating mga guro upang isagawa iyong kanilang mga gawain na maaaring makatulong pa sa kanilang pagtuturo katulad ng ating paghahanda na rin sa darating na pagbubukas muli ng ating klase.

So, Usec. Rocky, hindi lamang po iyong actual election day ang pag-uukulan din ng panahon ng ating mga guro kasi kasama na rin po dito iyong paghahanda din nung ating mga polling precincts sa mga paaralan. At alam naman po natin na hindi po matatapos sa araw ng eleksiyon iyong gawain nung mga guro natin sapagkat mayroon po rin tayong mga post-election activities.

At sa kasalukuyan, Usec. Rocky, ang amin pong feedback at impormasyon na nakukuha ay mayroon na rin ho tayong mga paaralan o polling precincts na nilalagyan na o nagdi-deploy na nung ating mga vote-counting machines. So, talagang mahirap na ho na pumasok pa itong ating mga personnel baka ho maging restricted na, ayon na rin po sa ating mga ipinatutupad na alituntunin alinsunod sa ating mga COMELEC rules and regulations.

Thank you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you po. Kung sino rin po iyong puwedeng sumagot.

Secretary, ano daw po iyong update ngayon sa face-to-face classes? Ilang mga paaralan po in total ang nagsasagawa na ng face-to-face classes? Bakit daw po sa palagay ninyo ay naging mababa iyong turnout ng face-to-face classes sa mga private schools?

DEPED SEC. BRIONES: Una, as of May 4, 8 o’clock, may total na 29,980 schools na ang nominated for face-to-face. That means qualified na sila. 930 are private schools. Tapos ang participating learners aabot na ng 6.4 million. Pagkatapos, alam natin na mas marami talaga ang mga public schools. These are 26,206 private schools sa actual implementation na at saka 715 ang private schools ang nagpa-participate.

Iyong tanong mo nga is something, is an issue that we are looking into. Kasi ang mga public schools for example a region or a locality na idineklara na ng Department of Health na Alert Levels 1 at 2 at dumadami ito ay puwede na silang magbukas ng face-to-face. Ang ating pinag-uusapan ngayon ay mas kaunti ang private schools dahil ngayon more than 715 of private schools out of possibly 16,000.

Ito ay ni-report ko noong isang gabi sa Presidente kaya nagdesisyon ang IATF na mag-call sila, isu-support nila iyong kampanya natin na kung puwede kasi democratic country tayo, ang magdedesisyon kasi sa private schools kung magbubukas sila o hindi ay sila mismo. So, sabi namin kinukumbinsi namin sila na mag-open up na to face-to-face.

Kasi maalaala natin, Usec. Rocky, last year ang lakas ng ingay, ang lakas ng sigaw, inikot pa nga sa buong mundo na nanghihingi ang buong bansa ng face-to-face. Ngayon, nagdesisyon ang Presidente na mag-hold na tayo ng face-to-face classes kaya ini-encourage natin ang lahat ng eskuwelahan basta ma-declare sila na Level 1 and 2. At dumadami halos araw-araw ang Levels 1 and 2 na mga lugar na niri-recognize na assessed ng Department of Health ay puwede na silang mag- face-to-face.

So, perhaps ang private schools ay may mga rason din sila. Siguro they could speak for themselves.

Noong isang gabi tumawag iyong isang member ng Cabinet member, tinanong iyong isang malaking organisasyon ng private schools. Ipinaliwanag nila at ang sagot naman ay kailangan pa ng panahon na maghanda sila, additional time. Nagsu-survey pa sila sa mga parents.

At saka ngayon lumalabas na iyong inaasahan natin, pinaniniwalaan natin na pati buong mundo na sinasabi ko uulitin ko, pinapakalat na napaka-unanimous ang demand for face-to-face. Mayroong mga parents na mayroon pa ring agam-agam, mayroong mga iilan pero kaunting-kaunti lang na local governments na nagbabago ang pag-iisip nila at ito lahat ay nag-i-impact sa participation sa face-to-face.

Pero ngayon, Usec. Rocky, na papasok na ang IATF, mag-i-encourage sa private schools at saka aayusin kung anuman ang mga challenges na hinaharap nila, baka on a day-to-day basis dumadami talaga. Halimbawa, ang numbers namin ngayon ay iba na sa numbers na prinisent namin kay Presidente dahil everyday mayroon namang naidadagdag na mga eskuwelahan.

So, ito ang sitwasyon. We are a democratic country and we give space and we value the contributions of private schools. So, we also respect whatever decisions they make but we urge them really to restart already the opening of face-to-face classes but that would involve the parents. Kasi ang kondisyon natin Usec. Rocky, ay may written parental consent at saka may consent din ang local governments. Hindi naman puwedeng pupunta kami sa bahay ng local government basta mag- face-to-face kami nang wala namang consent sa kanila.

Pero napakalaki ng cooperation ng local governments. So, iyon ngayon ang hinaharap natin. 715 private schools [unclear] for example 26,000 public schools. So, malaki talaga ang agwat.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pinagpaplanuhan na raw po sa Marawi itong 100% full implementation ng face-to-face learning sa September. So, ano po iyong mababago sa ganitong setup mula po sa limited face-to-face classes?

DEPED SEC. BRIONES: Nagpaplano naman. Napaka-cooperative naman. Halimbawa sa Marawi, nabisita ko ang Marawi. Nakita ko iyong grabeng damage na nangyari sa kanila pero very eager sila na talagang mag- face-to-face na. Maraming lugar, but these are usually the public schools dahil mabilis silang magri-report at kami what we do is campaign and urge the private schools na sumunod na rin sila sa trend ngayon na talagang ihalo natin ang face-to-face with other forms of learning. Napaka-overwhelming naman.

Ang staff natin, Usec. Rocky, sa Department of Education as of the other night when I reported to the President, 93% na ang fully vaccinated. So, these are small groups, but as I said ang private sector has their own problems also and challenges. So, we would like to help out and see how we can speed up the process.

Sa public schools, no problem kapag ma-declare sila na at nadi-declare naman na Level 1 and 2 they can already open face-to-face. Pero kailangan na maayos iyong facilities. Ang requirement kasi ay maayos ang facilities, malapit iyong health availability services at consent ng local government. So, hanapan ng paraan na matutulungan ang private sector na mag-meet nitong mga requirements na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may mga DepEd schools na po bang target pang magpatupad ng 100% face-to-face classes ngayong taon? Kung mayroon daw po, saan-saang lugar daw po ito?

DEPED SEC. BRIONES: Ako, I am just talking on the top of my head. Baka si ASec. Malcolm at saka si RD May, si RD May naman Region III, maka-share sila ng story. Ako kakagaling ko lang sa Mactan, sa Lapu-Lapu [at ang] target nila [ay] 100% talaga. Marami na ang nagta-target ng 100% face-to-face classes, pero sa public schools ito and so, titingnan natin kung paano din natin matutulungan at saka mako-convince ang private schools na mag-face-to-face na rin sila.

Siguro tanungin natin si RD May kung ano ang experience nila sa Region III at saka si ASec. Malcolm.

USEC. IGNACIO: Opo. Unahin po natin si RD May?

DEPED-CENTRAL LUZON RD MAY ECLAR: Maraming salamat, Secretary at magandang umaga, Usec. Rocky. Ang target natin sa Region III ay 100% ang pagbubukas ng ating mga paaralan. Subalit ngayon ay nasa halos 95% ng ating public schools ang naka-open. Sa mga private schools naman natin, katulad nga ng nabanggit kanina, ay medyo mababa iyong ating bilang ng mga private schools na nakabukas. Subalit, may ugnayan na rin tayo sa ating mga private schools.

Actually, marami na ang mga pasado sa readiness assessment na binibigay natin sa ating mga private schools, iyong compliance nila sa SSAT (School Safety Assessment Tool) na tool natin. So, by the next school year, iyon pa rin ang ating target na 100% at sana nga ay maging mandatory na ang pagbubukas ng ating mga klase doon sa lahat ng grade level, kasi nakita natin ang malaking epekto ng pandemya sa pag-aaral ng ating mga mag-aaral.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you po, RD.

Kung sino na lamang po ang puwedeng sumagot: Ano daw po iyong magiging final basis ng DepEd para daw po i-revise ang School Safety Assessment Tool? Ito po ba ay applicable for both DepEd and private schools?

DEPED SEC. BRIONES: Ang polisiya kasi, Usec. Rocky, ng Department of Education is para sa public schools at saka sa private schools, hindi naman tayo namimili. Pero iyong response, siyempre nagkakaiba. Dahil iba ang nature ng private schools, iba naman ang detalye ng public schools, so itong lahat [ay] kino-consider natin. And ang instructions the other night ni President Duterte ay ang sabi niya, kasi ngayon [ay] we can target about 70% na face-to-face classes, take into consideration lahat-lahat na.

Kasi ang taas talaga sa public schools, ang mababang-mababa ay ang sa private schools. Ngayon, sabi niya puwede bang makaabot tayo ng more than 80%? Ang sagot ko ay sisikapin namin, kasi ngayon ay tumutulong na ang IATF. Ang IATF ay chaired by the Department of Health. Ang pinakaunang requirement talaga, of course, is the health assessment, iyon ang hindi natin mako-compromise. And then, of course, the consent of the local governments at halos lahat naman sa mga local governments ay gusto din nila ang face-to-face.  Thirdly, is the written consent of the parents, na papayag ang parents na papasok na iyong mga anak nila.

So, ang ginagawa daw ng private schools – iyon ang tina-transmit sa amin na balita – nagsu-survey sila sa mga parents kung papayag na ang parents na iyong kanilang anak ay babalik na sa face-to-face.  Kasi, let’s face it, ang  mundo na haharapin ng mga bata, when they go out, either to university or to higher level or to work ay mixed naman talaga. Mayroong high-level of technology and at the same time, mayroon ding face-to-face.

Pero hindi lahat ng transaksiyones natin ay face-to-face naman eh. Pagbayad ng mga bills natin, pagbili ng pagkain, pag-shopping, nagagawa naman natin iyan nang hindi kailangan ang face-to-face. So kailangan din masanay ang mga bata sa face-to-face, but at the same time, sanayin din sila sa other means of communication and of achieving [their] goals and living in a world like ours na naghahalo ang face-to-face at saka iyong technology.

So, doble iyong hinahabol natin. Kaya medyo nagmamadali tayo, para naman kung may transition, ang susunod na administrasyon ay ipagpatuloy itong ating mga initiatives.

Thank you.

USEC. IGNACIO: Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagbibigay-impormasyon, Department of Education Secretary Leonor Briones. Salamat din po kay Undersecretary Revsee Escobedo, kay Assistant Secretary Malcolm Garma at Regional Director May Eclar. Maraming salamat po.

DEPED SEC. BRIONES: Maraming salamat, Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, nagsimula na rin ang pagtuturok ng second booster dose para sa immunocompromised sa Davao City ngayong araw. May report si Hanna Salcedo:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Trabaho ang isa sa pangunahing hinaing ng ating mga kababayan, lalo na po iyong mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Kaya naman naging target ng pamahalaan na makapag-generate ng mas maraming trabaho. Iyan po ang ating tatalakayin mula po kay Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez. Good morning po, Secretary.

DTI SEC. LOPEZ: Hello, good morning, Usec. Rocky. Good morning po sa lahat ng mga nanunood at nakikinig.

USEC. IGNACIO: Secretary, ngayon pong nananatili na significant number itong unemployment rate sa Pilipinas, ano naman po iyong paraan na ginagawa ng DTI para daw po isulong itong mas maraming investors dito sa Pilipinas para po sa job creation?

DTI SEC. LOPEZ: Yes, Usec. Rocky ‘no.  So, well, unang-una magandang balita naman na nag-improve na iyong unemployment rate natin mula sa naalala ninyo noong lockdown, tumaas ng 17.7%, ngayon ay bumaba na siya – down to around 6.4%. Ganoon pa man, ang tina-try nating maabot ay iyong 5% level katulad noong pre-pandemic time. Kaya puspusan ang ating pagtulak sa mga investment promotion roadshows na pumupunta tayo sa mga iba’t ibang lugar virtually, sa online o kaya recently noong nagbukas na iyong mga bansa sa cross border restrictions nila  at tayo ay pumupunta na rin doon.

Tulad noong isang linggo, nasa US po tayo talking to several investors doon [on] investment promotions. Kinukuwento natin na iyong Pilipinas ay magandang investment destination ngayon. Ibinalita natin iyong pagbubukas din ng maraming sektor in terms of, iyong economic reforms na ginawa natin that will allow foreign equity participation. Ibig sabihin, hindi na sila limited to 40%. Allowed na up to 100% sa mga iba’t ibang sektor na tingin natin ay importanteng mabuksan. At itong mga moves na ito will attract more investment that will translate to more jobs.

lbinalita nga natin iyong CREATE na Act na nagpababa ng corporate income tax rate at nagpaganda pa ng incentive scheme. So, ito mag-a-attract ng maraming investors – iyong sa Retail Trade [Act], sa Foreign Investment Act at pati na iyong sa Public Service Act. Tapos iyong mga effort din natin sa ease of doing business, inu-automate, ini-streamline iyong mga government transactions, hopefully ito ay mag-translate sa mas marami pang investments. Again, kapag may investment, mas maraming trabaho.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, hindi po ba mahirap o medyo challenging ito lalo ngayon pong napipinto iyong pag-upo ng bagong administrasyon? Masisiguro raw po iyong may continuity sa job creation efforts ng DTI?

DTI SEC. LOPEZ: Yes, opo. Atin pong sinisigurado iyan, pati kapag may kausap kami sa labas na naririnig natin ang mga plataporma ng lahat naman ng mga presidentiables, lahat ng mga leaders lalo na ang mga senators din, at lahat sila ay pro-job creation. Kung ano ang makakabuti para sa ating mga kababayan, iyon po iyong kanilang mga plataporma – job creation. In fact, naririnig din natin [ang] MSME development, lahat sila ay sumusuporta sa mga ganitong programa at polisiya. At lahat nito will create more jobs kaya nakikita natin iyong continuity nitong priority agenda na ito kahit sino po ang manalo.

At importante rin po ay siyempre hindi ma-reverse, hindi mabaliktad itong mga nagawang reporma na sa panahon po ng ating Pangulong Duterte ay maipagpatuloy up to the next administration. At i-expect natin, makikita natin, we will reap the benefits. Makikita natin iyong benepisyo ng mga reporma na ito sa next administration.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, totoo po bang naabot na natin itong one million jobs na target ng National Employment Recovery Strategy Task Force? Kung naabot po, saan daw pong industriya itong nananatiling may pinakamaraming trabaho sa ngayon?

DTI SEC. LOPEZ: Yes, naabot na po natin iyan. Dahil iyong minu-monitor natin ito mula noong nagpandemya. At doon lang kasi sa construction, kung naalala ninyo, ni-revive iyong—well, napagpatuloy iyong Build, Build, Build, marami diyang construction, maraming construction workers, doon lang kasi ay kulang 700,000 na ang naibalik na trabaho doon. At iyong mga programa mula sa DOLE, iyong internship, iyong employment ng mga estudyante, may 150,000 iyon. Iyong sa DTI, nag-livelihood seeding tayo. Nagbigay tayo ng mga pangkabuhayan package, mga 50,000 din iyon. Ang DOTr, mayroon silang service contracting program; iyong libreng sakay, 11,200. Ang DENR may sustainable rural development. At saka iyong DOST, iyong small enterprise upgrading program.

So parang lahat doon, kulang one million na iyon. Eh hindi pa natin nabilang doon iyong report, kasi wala pang dumating na report mula sa ECOP, iyong Employers Confederation of the Philippines, iyong PCCI. Iyong electronic sector, maraming electronics company ang patuloy na nag-operate. Iyong IT-BPM hindi sila nag-layoff, nagdagdag pa ng mga trabaho ito. At ngayon, lalo na iyong pagbubukas muli ng tourism sector – iyong hotels, restaurants, iyong mga resorts, tourism-related businesses, service contracting – easily ho ay aabutin talaga natin more than one million itong mga … with all these sectors na hindi pa natin naibilang.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, basahin ko lang po ang iyong tanong ng ating kasamahan sa media. May tanong po sa inyo si Sam Medenilla ng Business Mirror: May new commitment po ang ECOP or other business groups sa NERS Task Force after ma-complete na po nila iyong one million jobs target po nila noong last quarter? If yes, ilan daw po kaya ito?

DTI SEC. LOPEZ: Okay. Last May 1, tamang-tama, may bagong commitment, bagong pirmahan. Hindi nila sinabi iyong gaano kadami doon, but certainly, ito po iyong more than one million na, naidadagdag nila doon sa one million na initial commitment. Dahil nadagdag pa doon, kaya ko nasabi iyong service contracting, nadagdag pa doon iyong association ng PALSCON – ito iyong association ng lahat ng mga service contractors – on top of iyong mga binanggit natin na iba’t ibang organisasyon, on electronics, sa call centers, IT-BPM at iyong mga hotels and restaurants. So ito po, more than one million po ang ating inaasahang naka-commit dito sa mga iba’t ibang sektor na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question po niya, Secretary, mula pa rin kay Sam Medenilla ng Business Mirror: May mga companies na po ba na naglagay o nagpahayag na maglalagay ng operation sa bansa due to the Public Service Act?

DTI SEC. LOPEZ: Yes, ito po, iyong unang-una, iyong nalathala na rin po ito, na-report natin, iyong kumpaniya ni Elon Musk na SpaceX. At ito iyong unang-unang nag-react doon sa pag-approve ng Public Service Act, at immediately, sila po ay nakipag-meeting sa atin para pag-usapan iyong plano nila dito. In fact, nasa registration process na po sila, sa SEC pati sa … kumukuha ng permit sa NTC, sa DICT. At ang hinihintay na lang natin ay iyong mag-register din sila sa Board of Investments. At lahat ng mga papeles ay tinutulungan sila ng isang law firm dito, so talagang ano na ito—in fact, ang target nila ay makapagbukas ng kahit isang unang gateway, out of the three planned gateways nila, mabuksan na before the end of the term ng ating Pangulong Duterte para mai-launch na kaagad ito.

So isa lamang iyan sa maraming na-meet natin at nakapanayam natin in the past two weeks, at karamihan dito ay mga US companies. But I’m sure ang dami pa diyan sa iba’t ibang panig ng mundo na mga investors na positive ang feedback mula sa …dito sa major economic reforms na ginawa po ng ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, hindi naman po maikakaila na malaki talaga ang naging ambag ng IT-BPO industry dito po sa economic drive ng Pilipinas lalo nito pong nagka-pandemic. So paano daw po inaalagaan o mas pinalalakas pa ang industriyang ito sa Pilipinas?

DTI SEC. LOPEZ: Well, unang-una, kung naalala ninyo, even during at the height of pandemic, noong may ECQ, sinigurado natin na ia-allow ang IT-BPM, one hundred percent operation. Maaaring hindi lahat onsite kung hindi in-allow iyong work from home, one hundred percent kahit iyong ibang industriya at that time ay limitado sa 50% or lower. So IT-BPM, kasama ang export sector, in-allow one hundred percent even during ECQ.

Pangalawa, iyong work from home, in-allow po iyon. At in fact, imbes na matapos noong December last year, in-extend pa siya hanggang March. Hindi na lamang natin siya ma-extend dahil nga po required sa batas ay iyong mag-locate sila within the ecozone. Subalit mayroon naman sa detalye ng implementasyon ay maaaring ma-allow sila up to 30% na work from home.

At isa pang suporta natin, sila po ay kasama pa rin dito sa strategic investment priorities plan na kung saan nakalista doon iyong mga industriya that can avail of iyong fiscal incentives that can be registered under the CREATE law, sa FIRB, or kung hindi man, sa mga investment promotion agencies tulad ng BOI.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bigyan-daan ko lang din po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Cleizl Pardilla ng PTV: Paano raw po nakatulong ang eleksyon sa economic recovery lalo na po iyong mga printing and events related businesses?

DTI SEC. LOPEZ: Tama po, iyon po iyong mga example ng mga sektor na definitely lumalakas dahil sa mga activities sa eleksyon. Kasama na doon iyong mga pagkain at iyong, sabi ninyo nga, iyong mga election paraphernalia, sa printing industries. So malakas ho ang pagsigla ng ekonomiya every time may election period. So iyon ho, iyon iyong mga industries na magbi-benefit dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong po mula kay Raffy Ayeng ng Daily Tribune: Is it possible daw po for the exiting government na makapag-impose ng salary increase na hinihingi ng Trade Union Congress of the Philippines? Presidential Adviser for Entrepreneurship said, hindi pa rin kakayanin ng mga employers ang pagtataas daw po ng sahod ng mga manggagawa. Ano raw po ang take ninyo on this? At ano po iyong naririnig ninyong sentimiyento mula po sa business owners?

DTI SEC. LOPEZ: Pagdating sa mga request sa wage increase, may sistema naman po diyan iyong ating Regional Tripartite Wage Council kung saan ito ay dini-discuss per area. So hindi po kasi puwedeng nationally mandated, kung hindi, ay batas ang kailangan kapag ganoon, ano.

So we allow the Regional Tripartite Wage Board na ma-discuss itong mga request na ito. At sa mga naririnig natin kung nasaan iyong mga diskusyon, I think hindi naman naikakaila na magiging walang increase. In other words, naririnig natin na maaaring may mapayagan dito na mga increase. Pero hindi po iyon siguro kasing-taas ng niri-request ng TUCP. Hintayin natin iyong mga magiging resulta na lamang at iri-report ng mga iba-ibang regional wage boards para dito sa increase na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Bakit daw po sa palagay ninyo napapanahon na rin i-expand itong second booster dose sa iba pang sectors bukod daw po sa immunocompromised? Ito po ba daw ay kakayanin naman ng ating vaccine supply at iba pang logistics?

DTI SEC. LOPEZ: Yes. Amin pong tinutulak sa IATF ang pagbibigay ng second booster at least doon sa next level after the immunocompromised – ibig sabihin iyong A1, A2, A3 – para talagang mapalawak pa natin iyong paggamit, iyong proteksiyon ng ating mga kababayan at of course ma-prevent iyong surge at hindi magtigil [kung hindi] magtuluy-tuloy ang economic recovery efforts. So iyon po ang aming itinutulak sa IATF ngayon, diniscuss na rin po natin iyan noong mga nakaraang meetings at ang hinihintay na lang po iyong review ng technical committee po, iyong HTAC na tinatawag at iri-review nila itong request na ito para mapayagan.

I think ang isa pang hinihintay nila, iyong approval din ng World Health Organization (WHO), para may basehan kami sa pagpayag nito. Offhand kung tatanungin ninyo ang mga iba’t ibang mga principals sa IATF, kami po ay sang-ayon sa pagbigay na ng second booster shot. So hinihintay lang iyong technical basis natin nito para covered din naman tayo. But in principle, gusto nating magkaroon [ng second booster] para magkaroon talaga ng continuous protection at tuluy-tuloy na economic recovery. So iyon lang po ang hinihintay sa atin ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Cleizl Pardilla ng PTV: What do you think about daw po sa House Bill No. 7425 imposing value added tax on digital transactions? Dapat daw po ba itong ma-prioritize ng next administration and how will it affect social media users and electronic consumers?

DTI SEC. LOPEZ: Well, iyon po ay in principle ‘no, basta talagang ang transaksiyon ay nanggaling dito, kami naman po ay sasang-ayon diyan. Kasi ang principle, basta ang negosyo dito nagawa, dito nangyari iyong bentahan, dapat talaga iyong tax ay dito rin po mapunta. So whether ito ay online or offline, ibig sabihin ‘brick and mortar’, kung ano iyong ina-apply natin sa regular na negosyo, iyon din ay puwede at dapat ma-apply sa online. So iyon ang basic principle na sinusunod natin.

So ito ay of course, pag-uusapan lalo na sa next administration. So kami po ay sang-ayon in principle dito sa pagpataw ng mga ganitong taxes as long as dito nangyari, dito ginawa iyong bentahan sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagbibigay-impormasyon, DTI Secretary Ramon Lopez. Salamat, Secretary.

DTI SEC. LOPEZ: Salamat po, Usec. Sa inyong lahat, thank you.

USEC. IGNACIO: Panibagong programa naman po ang handog ng Small Business Corporation para sa mga kababayan nating MSME owners. Alamin po natin ang detalye ng RISE UP program mula po sa tagapagsalita ng SB Corp na si Mr. Robert Bastillo. Good morning po, Sir.

SB CORP. SPOKESPERSON BASTILLO: Hello. Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Good morning po. Sir Robert, ano po itong bagong programa ng SB Corp na RISE UP program para po sa ating mga micro, small and medium enterprises?

SB CORP. SPOKESPERSON BASTILLO: Usec. Rocky, sa Friday, May 6, kami po ay maglulunsad ng bagong programa na pampalit po ito or kasunod po ng nagtapos na Bayanihan CARES Program. Ang Bayanihan CARES program ay pantulong po iyon sa mga naapektuhan ng pandemya. Ito naman pong bagong programa ay para sa tuluy-tuloy na pagbangon ng mga naka-survive at saka iyon pang mga nagtutuluy-tuloy para maalalayan pa natin sila.

Ang pangalan po ng programa ay ‘RISE UP with SB Corp’. Ang ibig sabihin po ng ‘RISE UP’ ay Resilient, Innovative, Sustainable Enterprises, Unleash your Powers with SB Corp – iyon po ang ibig sabihin ng RISE UP with SB Corp.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sir Robert, anu-anong klaseng loans pa ang puwedeng aplayan ng mga small business owners under this program at hanggang magkano daw po iyong puwede nilang hiramin?

SB CORP. SPOKESPERSON BASTILLO: Iba-iba po iyan, may tatlong klase po kaming loans: Mayroong tinatawag na Multi-Purpose Loans para sa kalahatan, sa iba’t ibang klase ng mga maliliit na negosyante; at iyong mayroon kaming tinatawag na Tindahan Loans para sa mga saris-sari stores, groceries, small dealers and small distributors; at mayroon din po kami iyong RISE UP TURISMO, ito po ay nagpapatuloy na programang pantulong sa mga nasa industriya ng turismo na hanggang ngayon ay unti-unti pa ring bumabangon.

So tatlo po sila. Iyong mga detalye po nito [ay] idi-discuss natin po doon sa launching, sa media launch natin sa Friday. Pero ang maaari pong utangin katulad ng aming polisiya ay P10,000 minimum hanggang P5 million maximum. Pero doon sa mga kasalukuyan naming mga borrowers na nagbabayad na o nakapagbayad na, in good standing sa amin [ay] hanggang ten million maaari po nilang hiramin. Pero iyong additional five million po ay mayroon na po siyang security or collateral kasi sa polisiya po namin, lahat ng aming loan hanggang five million ay wala pong collateral.

USEC. IGNACIO: Ah, opo. Pero may qualifications po ba, bago ma-approve ang loan application ng isang business owner?

SB CORP. SPOKESPERSON BASTILLO: Well, ang pinakamahalagang obligation or number one na requirement ay dapat at least one year in business. Ngayon kapag papalaki na po iyong loan niya, mahigit isang taon ang kailangan kasi po kailangan nating matiyak na sila po ay tuluy-tuloy na nag-o-operate or na-prove na nila iyong kanilang business. Kasi alam natin na halos mahigit sa bente porsiyento ng mga bagong itinatatag na negosyo sa unang taon pa lamang ay nagsasara, pagdating po ng pangatlong taon ay halos 75% na po ang nagsasara.

So kailangan po matiyak natin na nakatayo na po sila at mayroon silang binibenta nang sa ganoon ay iyong pondo ng ating gobyerno ay maprotektahan natin [at] hindi po maubos. Pati iyong pondo namin sa SB Corp mauubos po sa loob lamang ng limang taon kung hindi po nagbabayad ang mga pinapautang natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sir Robert, papaano daw po iyong payment terms nito? Napakahalaga niyan. Gaano daw po katagal [na] puwedeng bayaran at magkano daw po iyong interes?

SB CORP. SPOKESPERSON BASTILLO: Maluwag lang, Usec. Rocky, hanggang apat na taon puwedeng magbayad; puwede silang magbayad sa loob ng isang taon at mayroon ding grace period ito, kalahati ng repayment period – kung ang repayment period ay four years, hanggang two years ang grace period na wala silang binabayarang principal, interest lamang.

At ang interes po natin ay mababa lamang po at [ang] maximum niyan 1% per month pero nakabatay iyan sa declining balance. Ang ibig sabihin, kung ano iyong nananatiling principal, doon lamang ipapataw iyong 1%. So kung 12% sa isang taon ang interes, ibig sabihin 1% per month ang aktuwal. Kung nagbabayad po siya ng principal kada buwan, ang aktuwal na binabayaran niya ay 6% lamang kasi po bumababa iyong batayan noong 1%. So mababa po iyan, napakababa na po niyan kumpara sa iba pong nagpapautang – mapa-pormal man o impormal na nagpapautang.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sir Robert, ilang small business owners po iyong kaya o target na ma-accommodate nitong RISE UP program?

SB CORP. SPOKESPERSON BASTILLO: Usec, noong panahon ng pandemya, tayo po ay nakapagpautang sa mahigit na 42,000 na mga maliliit na negosyante at mahigit seven billion po ang naipautang natin. At ang ating inaasahan ay dadami pa po, kung maaari po ay kasing-dami. Pero siguro mas kaunti, pero puwede po nating tapatan iyong halaga ng ating naipautang, mga six to seven billion din po [ang] handa nating ipautang dito sa bagong programa. At iyon na nga, kung maaari sana, another 42,000 para mas makatulong tayo sa iba pa nating mga maliliit na negosyante.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero bukod daw po sa programang ito, ilang negosyo na rin po ang may existing loan sa SB Corp?

SB CORP. SPOKESPERSON BASTILLO: Opo. Mayroon na po. Kasi po iyong ating Bayanihan CARES program, hanggang four years din po ang repayment niyan, kaya mayroon pa po, marami pa po iyong existing na may utang sa amin. Pero kahit po may kasalukuyan silang utang, puwede na nilang hiramin ulit kung anuman ang naibayad nila. Iyon pong nakabayad na, automatic puwede nilang hiramin iyong kabuuan noong inutang nila dati at mas simple na lamang ang prosesong iyan.

USEC. IGNACIO: Okay. Imbitahan ninyo na po ang mga interesado nating kababayan, Sir Robert, para po sumali sa RISE UP program ng SB Corp. Go ahead po.

SB CORP. SPOKESPERSON BASTILLO: Okay. Iniimbitahan natin ang lahat ng ating mga MSMEs o iyong tinatawag na micro, small and medium enterprises na siyang bumabangon ngayon mula sa epekto ng pandemya. Nandito po ulit tayo, patuloy po tayong umaalalay, [at] may panibago tayong program – iyong RISE UP – para sa iba’t ibang klase po ng mga negosyo. Abangan po ang mga detalye sa mga susunod na araw. Sa Biyernes po sa umaga, 9:30 A.M., mayroon po kaming media launch o ia-announce na namin po ito sa buong Pilipinas na puwede na pong mag-apply.

 

Actually, bukas na po iyong aming loan portal para sa mga unang nais mag-apply pero iyon lamang po doon sa maliit na loans, iyong hanggang P300,000 puwede na po silang mag-apply ngayon dahil inuuna po natin sila. Iyong mas malalaki ay pagkatapos na po ng ating launch, maaaring mag-apply.

Iyon din pong sa TURISMO, bukas na rin po kasi iyon po ay nagpapatuloy dahil special ang pag-alalay natin sa mga nasa industriya ng turismo, puwede na rin po kayong mag-apply – pumunta lamang po kayo sa aming website, iyong sbcorp.gov.ph – inuulit ko, sbcorp.gov.ph. At makikita ninyo doon sa webpage namin, mayroon kayong mga pipindutin doon – ‘apply for a loan’ – at doon ay maaari na po kayong mag-create ng account sa amin at mag-fill up ng form at mag-submit ng mga requirements nang sa ganoon ay makapasok na kayo sa aming loan system. So inaanyayahan po natin ang lahat na sumama sa ating programang ‘RISE UP with SB Corp.’

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin at pagbibigay-impormasyon – Mr. Robert Bastillo, mula po sa SB Corp. salamat po.

SB CORP. SPOKESPERSON BASTILLO: Maraming salamat po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, personal na bumisita si Senator Bong Go sa mga pamilyang nasunugan sa Pasig City kamakailan. Kasama rin ng senador ang iba pang ahensiya ng pamahalaan. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency at sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Hanggang bukas pong muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

News and Information Bureau-Data Processing Center