USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, ngayong araw ng Sabado, ating makakausap ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang makialam sa impormasyong dapat mabigyan ng tugon.
Siksik po ang ating talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang ieendorso at sinusuportahang kandidato sa pagkapangulo ng Pilipinas – ito ang sinabi ng Pangulo sa kaniyang pagdalo sa miting de avance ng lokal na partido ng Hugpong ng Pagbabago o HNP at Hugpong sa Tawong Lungsod o HTL. Dumalo ang Pangulo sa nasabing pagtitipon upang ipakita ang kaniyang suporta sa kaniyang mga anak na tumatakbo bilang Bise Presidente, Alkalde ng Davao City at Representative ng District 1 ng lungsod. Muli ring hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga mamamayan na iboto ang mga kandidato na magaling at hindi magnanakaw.
Hindi maikakaila na mabisa ang bakuna sa paglaban sa sakit na COVID-19 base na rin sa mga eksperto. Hindi madaling mahawa at kapitan ng virus ang mga bakunadong mamamayan kaya naman hindi tumitigil ang ating pamahalaan sa paghikayat na magpabakuna at magpa-booster ang ating mga kababayan. Kaya naman ating alamin kung ano po ang naidudulot ng pagkakaroon ng bakuna sa ating ekonomiya. Makakausap po natin ngayong araw ang Presidential Adviser on Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion. Good morning po, Secretary. Welcome back po sa Laging Handa.
SEC. CONCEPCION: Usec. Rocky, magandang umaga rin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, may improvement po ba kayong naitala sa ating ekonomiya sa nagdaang buwan at ano po iyong mga pinakahuling datos sa estado ng ating ekonomiya?
SEC. CONCEPCION: Well malaki ang improvement na nakikita natin, halos iyong mga maliit na negosyante ay talagang bumabangon na ‘no. At nakita natin dito ang bulusok ng… mobility – tumaas ang mobility natin, maraming lumalabas, maraming kumakain, maraming nagta-travel ngayon sa iba’t ibang probinsiya. So iyon ang malaking bagay at tulong at dahilan that our MSMEs are rebounding ‘no.
Medyo may challenge lang tayo dito sa inflation ‘no kasi dito sa Ukraine-Russia, tuluy-tuloy pa rin ang pagtaas ng ibang commodity prices ‘no. At medyo nagiging problema ‘to kasi ang mga manufacturers, hindi nila kayang ipasa ito sa consumer ‘no kasi masyadong malaki. At ang iniingatan natin kasi baka humina ang benta namin at ang consumer spending ay hihina rin so iyon ang isang problema ng mga negosyante ngayon.
Kaya importante dito, hindi puwede tayo—iyong alert level natin, dapat dito lang tayo sa Alert Level 1 at hindi puwedeng tumaas kasi kung tataas iyan ay babalik tayo sa dati. Kaya itong vaccination natin especially iyong booster shot, medyo matumal – ang nakita ko diyan, ang report ay halos 100,000 vaccinations a day – ang baba noon. Maybe dahil dito sa election so hopefully after the election, sana tumaas ulit ito.
At sinasabi naman ng OCTA ngayon, well cases are medyo [unclear] pa rin, iyong mga threats dito galing sa South Africa, mga bagong variants sa Omicron ay puwedeng pumasok dito kasi may mga turista na na pumapasok sa bansa natin at iyong tsansa na pumasok iyan ay mataas din. Pero ang kagandahan noon, Omicron pa rin, pero mas highly contagious pa rin siya ‘no.
So ang tugon namin, iyong mga bakuna na binili ni Secretary Galvez ay nandito na at masasayang lang kung hindi natin kukunin itong mga bakuna na ‘to. Para itong wall of immunity, tuluy-tuloy pa rin. So iyong next administration will, of course face, the same situation, kaya importante that itong… ‘pag talagang umaangat ang ekonomiya natin, dapat tuluy-tuloy ito para at least iyong mga maliit na negosyante ay mas lalong makakabangon ‘no.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, so puwede nating sabihin na talagang hindi na po kakayanin ng ating ekonomiya kung tataas pa itong mga alert level? At kasunod nito, sinabi ninyo na nga po iyong mga kahalagahan ng pagbabakuna ano po. Bigyang-daan ko lang po iyong tanong din ng ating kasamahan sa media, mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi daw po ni Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians na dapat i-implement daw po ulit ang 7-day mandatory quarantine sa lahat daw po ng travellers dahil sa pagka-detect ng mga kaso ng subvariant at sa pagka-infect po ng labinlimang turista mula sa Palawan. Ano po iyong reaksiyon ninyo rito, sa suggestion po ni Dr. Limpin?
SEC. CONCEPCION: Well, sa tingin ko hindi naman kailangan iyan eh at halos lahat ng mga bansa sa buong mundo ay wala namang ganiyan na quarantine. At mas lalong magiging problema kasi iyong tourism sector natin, iyon ang talagang tinamaan ng halos dalawang taon ‘no. So, kung gagawin natin iyan eh iyong mga hotels natin magiging quarantine hotels. At iyong Omicron variant, while highly contagious, is not as dangerous as Delta ‘no, especially if you’re vaccinated.
So importante dito sa mga foreign tourists na papasok ay ipakita lang nila ang updated vaccination card nila na may kasamang booster shot. So palagay ko okay na ‘yan, halos lahat ng—Europa, Amerika… ganiyan rin ang patakaran nila. So we don’t need to go back to the 7-day quarantine kasi walang pupunta dito. So, babagsak uli ang tourism. Eh kakabangon lang ng mga maliit na negosyante dito, na iyong negosyo nila ay nakasalalay dito sa tourism sector.
So we don’t need to go to that extent ‘no ang tingin ko. Hindi naman itong variant na bago, itong Omicron pa rin, highly contagious pero ang kalalabasan naman nito ay mild and especially if vaccinated, mas maganda iyong wall of immunity natin ‘no.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po, Sir Joey, ni Red Mendoza ng Manila Times: Sa tingin ninyo po ba sapat na ang pagbabakuna at pagpapa-booster para daw po mas lalong ma-improve ang ating wall of immunity sa mga bagong variants at ano rin po iyong reaksiyon ng mga negosyante dito po sa agam-agam na lockdown?
SEC. CONCEPCION: Well, siguro naman itong lockdown ay hindi nila gagawin ‘no, kasi kung mangyayari iyan ay masisira iyong momentum natin. At iyong Pilipinas ngayon sabi ni Sec. Sonny Dominguez, umaasang ang debt natin, ang utang natin… walang masama naman diyan pero iyan ang magiging masama kung nakatirik ang economy natin at hindi umaandar. Eh paano… how will the government, babayaran nila ang utang na ‘to kasi may mga interest expense iyan so iyong source of revenue ng government galing sa mga taxes, galing sa mga negosyante ‘no, at mga laborers.
So, kung magla-lockdown uli tayo o magli-layoff ito, ang mga negosyo, ng mga empleyado nila, then maraming problema. And not in the time na may conflict ngayon sa Ukraine-Russia na talagang malaking problema dito – ang taas ng krudo natin, iyong gasolina and diesel… halos lahat, milk, sugar, harina lahat… talagang ito ang pinakagrabeng conflict ng Ukraine-Russia ay nagbibigay ng problema dito sa mga negosyante ngayon.
So, hindi natin kayang itaas iyong alert level. Pabayaan na lang, kasi anyway, kung Omicron naman iyan… kung hindi naman napupuno ang hospital, bakit natin itataas iyong alert level ‘no?
USEC. IGNACIO: Sir Joey, hingin ko rin po ang inyong reaksiyon dito po sa 94.2% employment rate ayon po sa PSA [na] March 20, 2022 Labor Force Survey.
SEC. CONCEPCION: Nakikita natin [na] kapag nagbukas iyong economy natin, bumagsak iyong alert level mula sa Alert Level 3 at ngayon sa [ay] Alert Level 1, siyempre tataas iyong employment rate. Iyon ang gusto natin ‘no.
Kasi nag-open lahat ng mga negosyo ngayon, halos wala namang negosyong sarado at medyo gumaganda talaga ang mga benta nila ngayon. So, dapat tuluy-tuloy iyan. And hopefully iyong wall of immunity natin will be maintained. Masasayang lang iyong momentum ng Pilipinas kung [hindi] magagawa iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, kumusta po iyong estado ng ating ekonomiya sa gitna po ng mainit na nalalapit na eleksiyon?
SEC. CONCEPCION: Well, siyempre lahat ay hinihintay natin ang resulta sa Monday. Pero sa tingin ko naman kahit sinong i-elect natin, ang importante ay suportahan natin iyong nanalo, kasi mas mahirap na problema kung hindi tayo united. Kasi nandito tayo sa pandemya, may Ukraine-Russia crisis.
Maganda naman ang resulta ng Duterte Administration sa mga implementation ng mga Build, Build, Build Projects natin. At malaking bagay rin para sa mga maliit na negosyante na itong mga imprastraktura na ginawa ng government will help them improve iyong ability to reach the marketplace especially iyong mga agricultural farmers natin. Itong mga bagong roads ay makakatulong din sa kanila para ang mga produkto nila [ay] aabot dito sa Metro Manila o sa ibang lugar na talagang mataas iyong demand sa mga produkto na iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, ano na lamang po ang inyong tinututukan bago po matapos ang kasalukuyang administrasyon?
SEC. CONCEPCION: Well, may lumabas na press release namin na talagang importante na dito sitwasyon natin dahil sa Ukraine-Russia [ay] talagang dapat kunin na natin iyong mga bakuna. Nandiyan na rin [lang at] para sa atin ito, para itong wall of immunity ay talagang matibay siya at tuluy-tuloy ang pagbukas natin ng economy. And lahat – job creation, job employment, improving business conditions – lahat ng iyan ay kailangan talaga natin, so iyong bansa natin [ay] we will be able to at least hit a GDP growth of no less than 6%, iyon ang kailangan natin para we will be able to manage. Even tumataas iyong utang natin ay balewala iyan kung maganda iyong economy and we are going towards 6, 7 even 8%.
So, iyon ang ginagawa ng Duterte Administration at sana our people will realize that. Let’s do it for the country na itong mga boosters natin ay kunin na natin ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagbibigay ng impormasyon.
Presidential Adviser on Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion.
Mabuhay po kayo and stay safe, Secretary.
SEC. CONCEPCION: Salamat Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, ating alamin ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa bagong Omicron variant ng COVID-19 at iba pang usapin sa health sector.
Kasama po natin si Dr. Ted Herbosa, ang Medical Adviser ng NTF Against COVID-19.
Magandang umaga po, Doc.
Okay. Sige babalikan po natin si Doc Herbosa.
Noong Huwebes po ay inilunsad ang Science for Change Summit and Clusters of Events mula po sa Department of Science and Technology.
Ang kauna-unahang event ay inihain sa Bacolod City, sa Negros Oriental sa Visayas region.
Makakasama po natin si Undersecretary [Rowena] Guevarra para po magbigay ng impormasyon.
Good morning po, Usec.
DOST USEC. GUEVARRA: Magandang umaga, Usec. Rocky. Maraming salamat sa inyong pag-imbita sa amin para ipaalam sa inyo kung ano ba itong ginagawa naming Science for Change Summit.
Nagkaroon po tayo ng programang Science for Change Program mula noong 2017. Nakita kasi namin [na] kulang ang infrastructure for innovation tapos malimit [na] ang concentration ng research and development ay nasa NCR, Region III and Region IV, at kulang ang mga local companies sa innovation.
Itong Science for Change Program ay may apat iyan na sub-programs. Nagtayo tayo ng mga R&D centers sa regions. Ang tawag diyan ay Niche Centers in the Regions for R&D. Pero ni-require natin na itong mga Niche Centers in the Regions for R&D or NICER ay kailangan [na] may koneksiyon iyan sa economic development ng region.
Tapos nagtayo rin tayo ng Collaborative Research and Development to Leverage the Philippine Economy (CRADLE) Program upang matulungan ang mga micro, small and medium enterprises na makipag-partner sa mga research and development projects nila sa mga research institutes at saka sa mga universities.
Tapos nagkaroon din tayo ng Business Innovation through S&T for Industry Program na nagbibigay ng pondo para sa technology acquisition ng mga Filipino companies para matulungan ng DOST ang mga pribadong kumpanya na makasabay sa antas ng pandaigdigang merkado.
At [ang] huli [ay] iyong RDLead (R&D Leadership) Program. Nagdi-develop at nagpapalakas ng research capabilities sa mga unibersidad sa RDI sa buong bansa.
Dito sa ating summit sa Visayas region ay ipinamalas natin na sa pamamagitan ng pagpapakita ng R&D projects galing dito sa apat na programa ay nakita kung ano ang naging pag-unlad ng mga kumpanya, ng mga unibersidad, at ng ekonomiya sa ating mga rehiyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Guevarra, kalimitan kasi ay naiuugnay itong research and development sa komplikado o isang bagay na nangangailangan ng malaking pondo.
So, paano po ito nakapagbigay ng suporta sa mga kumpanya, organisasyon at komunidad dito po sa Visayas?
DOST USEC. GUEVARRA: Kalimitan na ang unang naiisip ng mga tao sa research and development ay mahirap intindihin, matagal at malaking pera ang kailangan.
Dito sa Visayas region lamang ay naipamalas ng Science for Change Program ang kakayahan ng R&D na paunlarin ang mga negosyo at palakasin ang kakayahan ng rehiyon sa inobasyon.
Ang R&D ay maaaring maging simple at praktikal. Maaari namang maging paksa ng research and pagpapalit ng packaging ng isang produkto upang mas tumagal ang shelf life nito. Maaari ring ang paggawa ng bagong software upang mas mapabilis ang produksiyon o mga pagkakaroon ng pasilidad upang mas mapangalagaan ang likas na yaman ng bansa.
Isang magandang halimbawa lamang dito sa NICER [ang] Center on Crustaceans sa Samar State University kung saan natulungan ang ating mangingisda at negosyante ng seafood na pagandahin ang supply ng crustaceans. Ito iyong mga hipon, alimango at prawns.
Sa pamamagitan ng pondo galing sa NICER Program ay nagkaroon ng state-of-the-art facilities kagaya ng nurseries, laboratories at technologies upang dumami muli ang lamang-dagat na ito sa Visayas.
Sa CRADLE Program naman ay nabigyang-daan ang partnership ng University of San Carlos kung saan tumutulong ito sa mga MCTI corporation na gumawa ng panibagong product lines mula carrageenan tulad ng cold soluble powders, bioplastic sheets at bioactive hydrogels.
Ang mga produktong ito ay magpapadali sa paggamit ng carrageenan sa ating magsasaka na gumagamit nito upang mapayaman ang mga tanim.
Para sa BIST (Business Innovation through S&T) Program naman, iyong HerbaNext Laboratories [ay] nakagawa ng [unclear] makakuha ng pharmaceutical grain extracts na gagamiting sangkap sa paggawa ng mga gamot na gawa sa ating bansa. Ang epekto nito ay mas magiging mura at magkakaroon ng mas maraming supply ng gamot na available para sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano po iyong kabuuang pondo na naibigay sa Science for Change dito po sa Visayas region, Usec?
DOST USEC. GUEVARRA: Usec. Rocky, umabot sa P398.5-M ang naibigay nating budget para sa Science for Change Program sa Visayas.
Mula 2017 ay nakapagtalaga na ng limang research centers sa Visayas na may budget na P320-M ang naitayo natin.
Nakapag-ugnay naman ng anim na unibersidad sa labing-isang lokal na kumpanya ang CRADLE Program sa Visayas at nakapagbigay tayo ng P48.3-M.
Ang BIST Program naman ay nakapagpondo sa dalawang pharmaceutical companies sa Negros na aabot sa P22.5-M.
Ang RDLead naman ay nakapaglaan ng P6.8-M sa labing-dalawang host institutions sa Visayas, at nakapag-engage sila ng labing-apat na eksperto para dito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may tanong lang po ang ating kasamahan sa media; mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: Ano daw po ang mga health research projects na currently ongoing right now? May mga clinical trials din po ba [na] currently ay nasa early or middle stage na ng implementation?
DOST USEC. GUEVARRA: Kung ang tanong po ninyo ay tungkol dito po sa Science for Change program, iba po iyong ginagawa dito kasi safety and efficacy ng supplement iyong ginagawa nila dito sa Science for Change. Pero doon po sa Tuklas Lunas Program natin, sa kasalukuyan wala pa po tayong umaabot sa clinical trials.
Pero doon naman po sa ating mga vaccines for COVID-19, alam po natin may mga kasalukuyang—ongoing na clinical trials tayo sa World Health Organization, mayroon din tayong clinical trials ng mga private sectors [na] ginagawa dito sa Philippines at mayroon pa tayong ibang klase na clinical trials kamukha noong ginagawa natin para sa—iyong tinatawag na… malaman natin iyong mix-and-match, malaman din natin kung ano iyong mga epekto noong mga iba’t ibang bakuna na ginamit sa Pilipinas – ongoing po lahat iyang mga iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Athena Imperial ng GMA News: Ano daw po iyong update sa developments sa Lagundi and VCO bilang gamot sa COVID?
DOST USEC. GUEVARRA: Natutuwa po kaming ibalita na napakaganda ng mga naging resulta nitong paggamit ng VCO at saka ng Lagundi at Tawa-Tawa para sa mga mild COVID cases at sa pagtanggal ng mga tinatawag nating sintomas nitong COVID-19.
Ang ginawa po ng ating mga kasamahan ay ini-apply na po nila ito sa FDA para sa additional indication kontra COVID-19. Kasi po itong mga ito, kasalukuyan po ay approved na po sila na mga food supplements at saka functional foods. Kailangan lang po nating idagdag iyong COVID-19 at kasalukuyan po, nagsa-submit na po sila ng papeles sa FDA para mangyari po ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Dumako naman po tayo sa usapin ng eleksiyon. Usec., sa parating na eleksiyon, isa daw po sa mga importanteng programa ay ang Electoral Board o EB Certification Program ng Department of Science and Technology. Maaari ninyo po bang ipaliwanag kung ano ang gamit nito sa darating na automated elections?
DOST USEC. GUEVARRA: Usec. Rocky, ayon sa Omnibus Election Code, kada election precinct ay dapat mayroong Electoral Board at dapat isa sa kanila ay Certified Information Technology o IT-capable sa paggamit ng automated election system mula sa voting, counting, canvassing, transmission, consolidation at recounting ng boto – at ang Department of Science and Technology ang nagsi-certify ng mga ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Ilang electoral board members daw po ang na-certify para sa eleksiyong ito at ano daw po iyong passing rate para sa taong ito?
Isunod ko na rin po iyong tanong ni Athena Imperial ng GMA News: May update na po ba sa PNPKI digital signatures na gagamitin daw po ng teachers na magsiserbisyo bilang electoral board members?
DOST USEC. GUEVARRA: Dito sa ating certification, 209,922 ang nakakumpleto ng certification at 197,077 o 93.88% ang pumasa sa theoretical at practical examinations. Kailangang ipasa pareho iyong theoretical at practical examinations. Three hundred eighty nine (389) DOST certifiers ang nag-conduct ng certification process sa buong bansa at mayroon din tayong 176 Special Board of Election Inspectors sa ibang bansa – 100% ang naging passing rate nila. At mayroon din tayong 2,923 personnel mula sa PNP na deputized special electoral board sa selected areas kung kailanganin.
Diyan sa tanong ni Ma’am Athena tungkol sa PNPKI, ang may gawa po niyan ay ang DICT at sila po ang mas tama nating tanungin.
USEC. IGNACIO: Opo. Paano naman daw po masisiguro ng DOST na lahat daw po ng probinsiya [ay] mabibigyan ng technical support sa darating na halalan, Usec.?
DOST USEC. GUEVARRA: Mula May 2 hanggang May 7 ay nag-deploy na ang DOST ng 138 IT personnel sa mga technical hubs. At mula May 8 hanggang May 14 ay magpu-provide kami ng technical support on a 24-hour shifting schedule para sa lahat ng ating mga presinto sa ating national election.
USEC. IGNACIO: Opo. Hingin na lang din po namin ang inyong opinyon dito sa nangyaring pagpalit ng mga trained teachers na dapat daw po magha-handle ng mga VCM sa Cotabato City. Bakit daw po may pangyayaring ganito and kung na-inform po ba kayo bago po i-assign itong mga new and untrained personnel?
DOST USEC. GUEVARRA: Hindi po kami na-inform diyan sa new and untrained personnel pero po, kaya po iyang gawan ng paraan ng DOST-NCR na siyang nangunguna dito sa ating pagti-train ng electoral board certification. At maaari po na iyong sa PNP na deputized special election board ang ating ipadala kung kailanganin po.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano na lamang po iyong maipapayo’t paalala ninyo para sa mga daragsang botante sa araw ng eleksiyon? Go ahead, Usec.
DOST USEC. GUEVARRA: Ah, dahil po sa nasa COVID pandemic pa rin po tayo, sana po ay mag-practice po tayo ng social distancing at sana po ay naka-face mask tayo ‘pag pumunta sa mga presinto. At huwag pong kakalimutan na dapat po ay maghugas kayo ng kamay palagi at papraktisin po talaga iyong social distancing – huwag po tayong magsiksikan dahil lahat naman po tayo ay makakaboto sa tamang panahon.
Maraming salamat po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong hatid na impormasyon, Undersecretary Rowena Guevarra ng DOST. Mabuhay po kayo and stay safe.
Patuloy po ang paghahatid ng tulong at serbisyo ng tanggapan ni Senator Bong Go sa mga nangangailangan. Nitong ikaapat at lima ng Mayo, nagtungo sa Macabebe, Pampanga ang kaniyang tanggapan kasama po ang DSWD para po magbigay ng ayuda. Narito po ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, makakausap naman po natin ang Spokesperson ng National Grid Corporation of the Philippines upang ibahagi po sa atin kung paano sinisiguro ng ating pamahalaan at partner organizations na hindi daw po magkakaroon ng power interruption sa araw ng eleksiyon. Narito po ngayon si Attorney Cynthia Alabanza upang magbigay-impormasyon. Good morning po, Attorney. Welcome po sa aming programa.
DOST USEC. GUEVARRA: Good morning po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kailan po nagsimula ang selection process para sa pag-procure ng power supply reserves at paano po ang naging proseso nito?
DOST USEC. GUEVARRA: Just to be clear po ‘no, iyong tinatawag na ancillary services, hindi po iyan ginagamit for consumption so that is not per se na supply po. Ito po ay ginagamit lang na delivery system ng NGCP para po balansehin ang frequency at ang boltahe po ‘no. So iba po iyan doon sa pang-araw-araw na ginagamit ng mga consumers.
In that regard po, ang bumibili po ng kuryente na ginagamit natin at lumalabas sa ating mga outlet, iyan po ang mga distribution utilities at ang mga kooperatiba. Iyong sa NGCP naman po, iyong ancillary services natin, fully contracted na naman po kami kaso lang kami ay inatasan ng Department of Energy na gawing lahat po [unclear] contracting at ang prosesong iyan po ay inumpisahan po noong—nag-publish po kami nung March ng Invitation to Bid at humingi po ng extension itong mga bidders, interested bidders kaya binigyan ho sila ng isang buwan para pag-aralan nang mabuti itong bagong sistemang ipinaiiral.
At nag-publish ho uli kami noong April 27 at May 5 ng Invitation to Bid at matatapos po iyong proseso—patuloy po ang pag-ano natin ng proseso at baka sa Hunyo po ay matapos na iyong selection process.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, pero ano daw po iyong magiging role ng National Grid Corporation of the Philippines dito po sa pag-prevent ng power outage sa Lunes, araw po ng eleksiyon?
DOST USEC. GUEVARRA: Well, like I said po, the NGCP, kami po ay isang pribadong kumpanya na inaatasan ng batas at ng aming prangkisa na maging delivery system ng bulk power o iyong kuryenteng mataasan po ang boltahe.
So, kami po ang nag-uugnay ng mga power plants o iyong mga tagalikha ng kuryente papunta po doon sa mga distribution utilities tulad ng MERALCO at ng kooperatiba sa ating regions para sila naman po ang magdala ng kuryente papunta sa bahay-bahay.
So, ang NGCP po kumbaga ay bulk delivery system po o parang highway na dinadaanan ng kuryente para makarating doon sa distribution utility. Iyon po ang role ng NGCP.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, ano naman daw po iyong ginagawa na ninyong paghahanda para maisagawa ninyo nang maayos ito pong nakatakdang tungkulin sa araw ng eleksiyon?
DOST USEC. GUEVARRA: Well, kagaya po ng sinabi ko, dahil kami ang delivery system, ang aming primary responsibility o pangunahing tungkulin namin dito ay siguraduhin na ang mga daan o mga transmission line ay ayos po, at handa ang ating mga line personnel na kung sakaling magkaroon ng aberya ay nandoon na po sila at madalian nilang makukumpuni ang kung anumang aberyang darating para siguraduhing tuluy-tuloy po ang serbisyo ng kuryente at pagdala po ng kuryente mula sa mga lumilikha papunta ho doon sa mga nagdi-distribute ng kuryente.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa kasalukuyan po, wala naman po kayong nakikitang mga posibleng magkakaroon ng aberya para po sa nalalapit na eleksiyon, Attorney?
DOST USEC. GUEVARRA: Well, iyon na nga po ano. On the transmission side, siyempre handa ho tayong lahat doon kasi hindi naman talaga natin maiiwasan kung magkaroon ng disturbance.
Marami pong dahilan kung bakit maaantala ang serbisyong pangtransmisyon, kaya nga po nag-ensayo na po nang earlier this year ang NGCP at sinigurado niya na ang kaniyang mga line personnel at ang mga equipment po ay handa na kung sakaling may maging problema ay madalian niyang matutugunan ito at makukumpuni iyong sira kung mayroon man.
On the side naman po of supply, maaga pa lang ho ay sinabi na ng NGCP na nakakakita tayo ng manipis na supply kaya hinikayat ho niya ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na may kinalaman dito na mag-isip po ng tinatawag natin na demand-side management measure.
At napakagandang balita po iyong natanggap namin noong isang araw na idineklara na ng Palasyo po na magiging holiday ang araw ng halalan which is talaga namang ginagawa kasi ho kapag nagdeklara tayo ng pistang opisyal at walang pasok po ang mga opisina at mga industriya ay malaki ho ang naibabawas sa konsumo ng kuryente.
So, kung anumang kanipisan ng supply ay maiibsan ng bahagya iyan dahil kakaunti naman din ho ang gagamit sa araw ng halalan.
Pero nakita ko na rin po today, binabantayan ko po ang ating supply-demand situation, medyo mataas ho ang supply level natin today. Hindi ho pangkaraniwang kataasan at nasa 14,000 megawatts po yata ang online, dahilan na rin po iyan na mababa ang demand, at [saka] Sabado. Ang pagkakaalam ko po ay nagbibigay na ng pahayag ang Department of Energy na hindi ho puwedeng magkaroon ng plant maintenance shutdown sa panahon ng tag-init or summer peak po na nagku-coincide din naman po sa araw ng halalan.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kayo po ba ay may nakikita pa na kinakailangang i-improve sa ating energy sector? May suggestion po ba kayo para ito ay ma-achieve?
DOST USEC. GUEVARRA: Well of course, ang energy kasi po ay napaka-unique po o kakaiba siyang industriya. Hindi ho kagaya ng ordinaryong kalakal na puwede ninyong, kumbaga, mag-advance purchase at iimbak para siguradong mayroon kayong sapat na supply sa pang-araw-araw.
Ang kuryente po for now, ang nangyayari po ay ginagawa ho iyan tapos immediate ho iyang ibinabato. Mayroon ho tayong mga papasok na battery storage facilities pero hindi pa ho iyan malawakan.
So, ang importante po sa energy industry is magkaroon po tayo ng long-term planning at coordination po sa tatlong sector – itong supply, iyong transmission at distribution.
Kasi po ang power plant [ay] hindi ho iyan basta-basta naitatayo ng ilang buwan lang. Kailangan ho niyan ng matagalang pagplano. Mayroon hong ibang mga pag-aaral na sinasabing ang gestation period o iyong panahon na kinakailangan para makapagpatayo ng bagong power plant o ‘di kaya iyong kinakailangan ng isang mamumuhunan na gustong magtayo ng power plant [ay] kailangan ho niyang magplano ng three to seven years.
Kasi marami ho ang kailangang mga permits at mga kailangang ayusin bago makapagpatayo ng power plant. Kaya iyong kuryenteng ginagamit natin ngayon, iyong mga bagong plantang papasok [ay] as early as seven years ago ay plinano na ho iyan. Hindi ho tayo maaaring magplano ng paggamit natin ng isang taon lang ho ang palugit, dapat ho ay matagalan. Kumbaga ho ay long-term ang planning at mas kailangan hong i-consider lahat ng sektor ng industriya.
Importante iyong placement, kung saan ilalagay. Importante ho iyong teknolohiyang ginagamit kesyo maging third conventional fuel po iyan katulad ng coal at ng krudo o ‘di kaya naman po ay renewable kagaya ng wind, hydro o solar. Importante din pong makita kung paano iyong pagtatayo ng isang power plant ay makakaapekto sa sistema ng transmission na existing, para ho mabigyan ng pagkakataon ang transmission system na magdagdag o palawakin o patibayin o magtayo ng panibagong pasilidad para kapag pumasok ho iyong power plant ay maidi-deliver naman niya ho iyong papasok na supply.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin at pagbibigay ng panahon at impormasyon, Attorney Cynthia Alabanza ng NGCP.
Stay safe po, Attorney.
DOST USEC. GUEVARRA: Salamat din po at stay safe rin po kayo.
USEC. IGNACIO: Samantala, kumustahin natin ang preparasyon ng ahensiya ng gobyerno para sa ating mga botanteng persons deprived of liberty (PDL).
Kasama ho natin si Colonel Xavier Solda, Spokesperson ng Bureau of Jail Management and Penology.
Magandang araw po, Colonel. Welcome back po sa Laging Handa.
BJMP SPOKESPERSON COL. SOLDA: Magandang umaga po, Usec. Rocky, at sa lahat po ng nakasubaybay po sa atin.
USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, ano na po iyong preparasyon ng inyong ahensiya para po sa persons deprived of liberty na boboto po sa Lunes?
BJMP SPOKESPERSON COL. SOLDA: Well, tuluy-tuloy po iyong inspeksiyon na ginagawa ng national headquarters at ng mga regional offices sa mga jail facilities ho natin, bahagi ho iyan ng paghahanda para sa PDL voting this Monday, May 9 for national and local elections.
Nakapag-conduct na rin po tayo ng mga dry run kung papaano po natin gagawin iyong off-site and on-site voting natin. Kasi, Usec. Rocky, mayroon po tayong mga PDL na boboto rin doon po sa mga polling precincts malapit sa mga facilities natin, samantalang iyon namang mayroong 51 pataas na mga registered PDL voters ay doon na ho sa mga jail facilities mismo boboto at iyong mga COMELEC officials na lamang po ang pupunta sa amin.
USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin lang po natin, Colonel: Ilan po iyong kabuuang bilang ng mga PDL voters? At ano daw po iyong mga binabantayan nating magiging concern ng PDL sa araw ng eleksiyon at paano po ninyo ito tutugunan.
BJMP SPOKESPERSON COL. SOLDA: Well, unang-una, sa kabuuang bilang po ng mga boboto, mayroon po tayong 33,409 na total PDL registered voters. Bale, 30,726 po ay boboto on-site o doon sa mga special polling precincts natin, sa loob mismo iyan ng mga jail facilities po natin. Samantalang, 2,683 naman iyong mga offsite voters.
Bahagi ho ng paghahanda at pagsisiguro na magiging maayos ho iyong mga previous concerns natin ‘no. Doon sa mga nakaraang eleksiyon ay iyong pagku-conduct ho natin ng dry run para ho sa pagku-conduct ng election this coming Monday; iyon hong continuing voter’s information and education natin sa mga PDL para ho hindi na rin ho tayo magkakaroon ng problema doon sa proseso ng kanilang pagboto; and of course, iyong coordination natin with the Commission on Elections officials hanggang doon ho sa mga munisipyo at bayan sa malalayong probinsiya para ho magabayan iyong atin hong mga personnel sa pagpa-facilitate ho ng conduct ng PDL voting.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano naman po iyong assistance na maibibigay ninyo sa mga PDL during votation? Mayroon ba kayong mga personnel na ipapakalat para po i-assist sila?
BJMP SPOKESPERSON COL. SOLDA: Well that’s correct, Usec. Rocky. Iyon hong mga boboto for offsite, definitely eeskortan [escort] po iyan ng mga personnel ho natin – mayroon ho kasing mga special lanes na itatalaga doon sa mga presinto. And gusto ko lang hong bigyang-diin ano, iyon hong mga PDL na boboto sa labas ho ng mga facilities natin, covered ho iyan ng appropriate court orders. Nagkaroon na rin ho kami ng run-through ‘no, ni-rundown na ho namin iyong mga areas ho na pupuntahan o mga presinto na pupuntahan ho ng mga PDL natin.
Dito naman ho sa facilities natin, nakausap na rin naman ho natin iyong mga concerned government agencies kagaya ng PNP at iyong AFP ho sa malalayong probinsiya para rin ho mag-augment doon ho sa mga security requirements po namin.
USEC. IGNACIO: Ito po iyong laging tinatanong: Paano naman po masisiguro na iyong kalusugan ng PDL voters since dudumugin po iyong mga voting precincts at mayroon pa rin po bang banta ng COVID-19 sa inyo?
BJMP SPOKESPERSON COL. SOLDA: Well good news po, Usec. Rocky, as of today wala na po tayong COVID-19 cases, halos mahigit isang buwan na ho. Kasi ito ho’y bahagi ng paghahanda ng BJMP [na] i-monitor iyong health ‘no, ng mga PDL ho natin. And regarding naman ho doon sa posible ‘no, na dumugin iyong mga PDL na boboto for offsite voting, mayroon na po tayong mga personnel na idi-deploy, nagkaroon na rin ho tayo ng orientation doon sa mga PDL kung ano ho ang gagawin nila.
Kasi iyong proseso ho ng pagboto ay napakahalaga kaya ang focus ho muna natin at pakiusap na rin ho natin ‘to sa mga kapamilya nila, ay hayaan ho munang ma-exercise nila iyong karapatan nilang pagboto. Dahil matapos ho ang conduct ng election o pagboto ng PDL natin doon sa mga offsite polling precincts natin ay diretso ho silang ibabalik sa mga facilities natin.
Huwag naman ho silang mag-alala kasi tuloy pa rin naman ho after ng eleksiyon iyong non-contact visitation natin doon sa naka-locate sa mga Level 1 areas. At mayroon naman ho tayong electronic visitation, Usec. Rocky, na puwede hong ma-avail ng mga pamilya.
USEC. IGNACIO: Opo. Ilan pong PDLs ang bakunado na at nakapagpa-booster shot na rin po? At ano po iyong ginagawa ng inyong ahensiya para kumbinsihin iyong ilang PDLs na hindi pa nagpapabakuna, kung mayroon man po?
BJMP SPOKESPERSON COL. SOLDA: Well actually, Usec. Rocky, sa kasalukuyan ho… doon sa 130,982 na mga PDL po natin – 127,097 or 97.03% ‘no, iyong nabakunahan na po at 122,864 or 93.8% sa kanila ay iyon hong fully vaccinated na. At ang good news pa ho dito – 93,605 or 71.46% ay nakatanggap na rin ho ng booster.
Hindi lang ho COVID-19 [vaccines] ang binibigay ho natin sa kanila, nabigyan din ho natin sila ng pneumococcal vaccine, flu vaccine at iyon hong bitamina na kakailanganin nila. Kasi bahagi rin ho ito talaga ng paghahanda ng BJMP para masiguro ho natin na ready ang mga PDL natin pagdating sa pagboto; at ikalawa, malusog ho iyong pangangatawan nila – [upang] hindi ho tayo magkakaroon ng problema.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagpapaunlak sa aming programa, Colonel Xavier Solda ng BJMP. Salamat po.
BJMP SPOKESPERSON COL. SOLDA: Maraming salamat din po.
USEC. IGNACIO: Nagtalaga na ng Officer-In-Charge ng Philippine National Police si Pangulong Duterte bilang kapalit ni outgoing PNP Chief Dionardo Carlos. Alamin po natin ang mga inilatag niyang mga plano sa kaniyang panunungkulan, makakausap po natin sa telepono si Police General Vicente Danao. Good morning po, General.
PNP-OIC PGEN. DANAO, JR.: Yes, ma’am, good morning po and to our listeners. Good morning po sa lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Congratulations po. Bilang bagong OIC po ng PNP, ano po ang unang marching orders sa inyo ng Pangulo?
PNP-OIC PGEN. DANAO, JR.: Well unang-una po, gusto ko pong pasalamatan muna ang ating Pangulo po ‘no sa pagtatalaga po sa akin bilang Officer-In-Charge po ng Philippine National Police.
Well sa mga plano po natin, since the election is almost there and barely 48 hours magkakaroon na po tayo ng national/local elections, ang una pong inilatag natin na programa is to ensure the security and accurate fair elections for 2022. So kahapon po, we had a conference sa lahat po ng mga Regional Directors and all Commanders and field offices on the ground to include po iyong mga Provincial Directors, mga hepe… tinanong ko po sila kung ready na po ba ang buong kapulisan lalung-lalo na po sa security aspect ‘no.
So, so far iyong nakita naman po natin kahapon doon sa iba-ibang area, ang security plan naman po, contingency plan at lalung-lalo na po iyong post-election security plan ay nakalatag na po sa ating AOR. So sa ngayon po—mamaya mag-iikot po kami sa mga different schools ‘no just to ensure na makita ko iyong latag lalung-lalo na itong mga malalaking schools po rito sa Metro Manila para po personally supervised, na makita ko iyong latag ng ating PNP sa ground.
So, so far iyan lang po muna and we continuously monitor of any threat ‘no lalung-lalo na iyong sinasabi nilang gusto nilang dayain, gusto nilang magbenta or anything. Well, I warn you people ‘no lalung-lalo na itong mga gustong mag-destabilize ng electorate process po natin – we will use the full force of the law in going against you. Hindi po papayag ang inyong pamunuan na may mangyayari pong pandaraya at may mangyayari pong panggugulo sa electoral process po. Hindi po ako papayag diyan.
So, so far iyan po iyong ating marching orders on the ground and all systems go na po tayo para sa national/local elections for 2022.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ilang miyembro po ulit ng pulisya iyong naka-deploy sa buong bansa para sa halalan, General? At wala po ba kayong—may na-monitor ba kayo na may nagpipilit na namang magbanta sa seguridad?
PNP-OIC PGEN. DANAO, JR.: So far, ma’am, ngayon wala naman po tayong serious threat ano although may mga certain areas po na under Comelec control at iyon naman po ay [unclear] mina-man po ng ating mga commanders on the ground ‘no. But we cannot be complacent po sa atin pong monitoring lalung-lalo na po sa aspeto po ng security preparations po natin.
The police, I can assure you that the whole Philippine National Police is ready to secure the electoral process for our national and the local elections.
USEC. IGNACIO: Opo. General, pasensiya na, ito po’y tanong pa rin: Kung sakali pong kayo daw po ang pipiliin ng susunod na presidente bilang PNP Chief, ano daw po ang mga programang isusulong ninyo sa pulisya?
PNP-OIC PGEN. DANAO, JR.: Well, definitely po iyong atin pong naumpisahan na ‘no. Ito naman po ay paulit-ulit na lang po na programa, it’s a matter of enhancing iyon pong implementation ano. Ito po number one is iyong ating anti-criminality – this is the very, very basic program of the Philippine National Police siyempre, anti-illegal drugs, anti-terrorism and anti-corruption issues po ‘no. So, the same program lang din po sa mga nakaraang administrasyon, but it is a matter of how you implement things on the ground, iyon po ang importante diyan ‘no.
Ang pinaka-main purpose naman po ng Philippine National Police is to really… to serve and protect and to really ensure the safety and security of our community.
USEC. IGNACIO: Opo. General, panghuli na lamang po. Kunin ko na lamang po ang inyong mensahe para sa ating mga kababayan lalo na po sa mga boboto sa Lunes?
PNP-OIC PGEN. DANAO, JR.: Yes. Kami po ay nakikiusap po ‘no, lalung-lalo na po sa atin pong mga kandidato to please let cooler heads prevail. Huwag po nating daanin sa dahas, huwag po nating hayaan na magkaroon ng bloodshed sa isa’t isa. At sa atin pong mga electorate ‘no, sa atin pong mga boboto, please go out and vote ‘no – the results of this national election will determine the future of our children for the next six years. Bumoto po tayo, lumabas po tayo at ang Philippine National Police naman po will maintain and secure, and really maintain our security – the mandate of the Constitution and the mandate of the Filipino people should prevail – at hindi po natin hahayaan na mayroon pong manggugulo lalung-lalo na sa atin pong parating na eleksiyon.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak at pagbibigay-impormasyon sa amin, PNP-OIC Police General Vicente Danao. Mabuhay po kayo, General.
PNP-OIC PGEN. DANAO JR: Mabuhay po kayo, Ma’am and maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Bukod sa Pampanga ay nagpatuloy din ang two-day relief effort ng opisina ni Senator Bong Go sa bayan ng Marcelino, Zambales. Sinisiguro din ng Senador na patuloy ang rollout ng vaccines sa mga liblib at malalayong komunidad sa bansa. Narito po ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Pinakahuling datos sa bilang ng COVID cases sa bansa, at mga concern ng ating health workers tungkol sa kanilang benepisyo, pag-uusapan po natin. Kasama po natin si Undersecretary Maria Rosario Vergeire mula po sa Department of Health.
Good morning po, Usec. Welcome back po sa Laging Handa.
DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Good morning po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ano na po ang update natin sa COVID cases sa bansa? May pagbabago pa rin po ba sa bilang ng mga nagpabakuna na this past week?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. So, ukol po doon sa mga COVID cases natin, tuluy-tuloy pa rin po ang pagbaba ng ating mga kaso. Ngayon po, currently, nationally ay mayroon na lang ho tayong 184 cases per day na average.
Sa National Capital Region naman po, 78 cases per day. Although may mga binabantayan tayong mga lugar na mayroong pagtaas ng kaso, but these are just less than 35 cases at the most, dito sa mga areas na ito. Hindi rin po nagta-translate sa pagtaas ng mga admission sa ospital.
Mayroon din po tayong binabantayang mga ospital ngayon kung saan mayroong pagtaas ng kaso ng pag-admit. Pero based on our analysis ay dahil po kakaunti lang ang beds for COVID, iyong iba naman pumapasok sa ospital dahil may ibang kondisyon tapos nada-diagnose po na mayroon silang COVID kaya po sila ay naa-admit.
USEC. IGNACIO: Usec, puwede bang malaman kung saang lugar itong ospital na inyong minu-monitor?
DOH USEC. VERGEIRE: Mayroon po tayong mga minu-monitor dito po sa Bukidnon at tinitingnan ho natin iyang sa Tawi-Tawi at tinitingnan din natin dito sa NCR, iyong Malabon. Iyong kanilang ICU ay puno pero noong tiningnan natin ay tatatlo lang po ang COVID beds sa kanilang ICU.
Sa Quezon City naman po ay tinitingnan natin dahil mayroon pong pagtaas ng kaso ng severe at critical. Noon pong ating in-analyze ay nakita natin na marami po doon sa na-admit na severe and critical ay with COVID. Ibig sabihin pumasok sa ibang kondisyon pero nakita na may COVID sila.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may update po ba sa genome sequencing na isinasagawa? Isunod ko na po iyong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilan na daw po iyong na-identify na close contact ng 15 travelers na nagka-COVID-19 sa Palawan? At ano daw po iyong condition nila? Ano daw po iyong resulta ng genome sequencing nila?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes. So, unang-una po dito sa genome sequencing, mayroon po tayong nagawa noong April 28 kung saan 58 samples po ang atin pong na-test. 36 sa kanila ay positive sa Omicron variant, isa po positive sa Beta variant, 21 [ay] wala pong lineage na assigned. Wala po tayong ibang nakita pa na katulad ng mga sub-lineages na sinasabi natin.
Pangalawa, iyon pong mga taga-Palawan, there was a total of 45 na atin pong mga kababayan at saka iyong mga turista na nagsama-sama dito sa bangka na ito kung saan labing-lima po turned out to be positive. Labing-apat na turista; isa pong local case – siya po iyong bangkero. The rest po, tinest po sila ng RT-PCR at negative po sila.
So, ito pong labing-limang samples ay tiningnan natin at in-analyze. Nakapag-submit po tayo ng atin pang-genome sequencing ng labing-tatlo sa kanila, dahil iyong iba po ay hindi po pumasa iyong samples doon sa koleksiyon natin.
We will know the results of these tests; pinadala na sa RITM noong isang araw. Maaari po ay sa mga darating na araw ay makukuha na po natin ang resulta.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may mga health care workers po bang ipapadala daw sa precincts sa araw ng halalan in case of emergency? Kung may assigned health workers po, ilan po sila at ano po iyong paghahanda ng DOH para daw po sa araw ng eleksiyon?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, nakipag-usap na po kami sa COMELEC. There had been these series of meetings kung saan mayroon po tayong isasagawa o itatayo, i-establish na health stations sa bawat polling precincts.
Ito pong health stations na ito, dito po puwedeng pumunta ang ating mga kababayan na may nararamdaman, nahihilo, tumataas ang presyon at saka dito rin puwedeng magpatingin kung ang tao po ay mayroon pang ibang nararamdaman katulad ng COVID symptoms. At maaari na po nating i-refer doon sa isolation place.
We conducted a simulation exercise together with COMELEC officials noon pong Huwebes, kung saan tiningnan po natin, nag-simulate tayo kung paano natin isasagawa lahat. So, everything is in order. We are closely coordinating with COMELEC para po dito sa ating health protocols.
Pinaghahanda po ang ating Department of Health. We have already mobilized our regional offices, so that we can assist our local government in the establishment of these health stations in our polling precincts.
USEC. IGNACIO: Opo. Speaking of health care workers pa rin po, nagku-complain daw po ang mga health workers dahil hindi pa po daw nila nari-receive iyong mga benefits nila na supposedly last year ibinigay. Na-deny daw po ng DOH ang kanilang application for claims. Kung tama po ito, ano daw po ang masasabi ninyo tungkol dito? At bakit po diumano ay na-deny ang kanilang application?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. So, actually dumating na po sa ating tanggapan itong mga reklamo na ito.
Unang-una, naibaba na ho namin ang pera ng ating mga health care workers, matagal na. Pag-umpisa ng taon ay naibaba na sa mga regional offices. Now our regional offices are processing all of these claims. Mayroon po tayong mga submissions na kailangan o requirements para po makumpleto ng bawat ospital o institusyon ang kanilang pagki-claim.
So, dito po sa nakikita natin, marami po ay mga errors sa paggamit ng forms. Marami din po [ay] errors sa pagsusumite ng mga requirements. So, we have instructed our regional offices to facilitate, i-guide nila iyong ating mga ospital at local government para po maisaayos ang pagsusumite at mai-release agad po ang pera.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, hingin na rin po namin ang inyong opinyon tungkol po sa nilagdaan ni Pangulong Duterte na Republic Act Number 11712 o ang Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers Act kung saan daw po ay makakatanggap ng emergency allowance monthly ang mga health care personnel during state of public health emergencies.
DOH USEC. VERGEIRE: Fully supported po ito ng Kagawaran ng Kalusugan. Napakabuti po at napakaganda nitong batas na nilagdaan ng ating Presidente, dahil hindi na po natin kailangan magsumite pa ng iba’t ibang panukalang batas kapag nagkakaroon tayo ng health emergency.
Ito po ay automatic na mabibigyan na natin ang ating mga health care workers ng mga kaukulang benepisyo kapag may public health emergency, at may pera na rin pong naka-allocate sa kanila. Hindi na po natin kailangang maghanap pa ng mga budget para sa kanila.
Previously kasi dito sa ating COVID situation, mayroon po tayong mga batas pero may mga expiry po kasi iyong batas. So, marami pong naging kaguluhan, confusion, at hindi po natatanggap ng ating health care workers ang kaukulang benepisyo dahil po dito.
So, ito pong nilagdaan na batas will really help us para po ma-facilitate natin at maibigay natin ang appropriate benefits ng ating mga health workers during these times of emergency.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sa tingin po ba ng Department of Health ay handa na ang bansa na magdaos ng isang halalan habang nasa gitna ng isang pandemya? Sa tingin ninyo po ba ay hindi daw po magiging superspreader event ang magiging hatol ng bayan sa taong ito?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, Usec. Rocky, it’s two days before the election – we had long been preparing for these elections ‘no. Katulad ng sabi ko, we had been in close coordination with Comelec, with DILG and the other concerned offices para po maigarantiya ng ating gobyerno na maging safe po ang eleksiyon natin ngayong taon.
We had been through a lot of mass gatherings already – nakita po natin ang campaign sorties, nakita pa natin dumaan ang Holy Week – nakita ho naman natin ano na iyong compliance natin sa ating mga MPHS ay patuloy na ipinapatupad and we are enforcing. Ang atin pong [garbled] na dapat pag-aralan at maalala ng ating mga kababayan is to continue, kailangan ituloy po natin ang pagpapatupad at saka pag-practice ng minimum public health standards at saka sana maitaas pa ho natin ang antas ng pagbabakuna, especially boosters among our public para po tayo ay talagang protektado.
So handa naman po ang gobyerno para makapagbigay ng safe na halalan para sa ating mga kababayan. Pero nakikiusap din po ako na sana, hindi po kaya ng gobyerno alone, kailangan po natin ng tulong ng ating mga kababayan para mapanatili po nating ligtas tayong lahat sa araw ng eleksiyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Hindi daw po ba nag-aalala ang DOH sa mga nababalitang mga kaso ng mga pagkahawa sa mga tourist spots tulad ng Palawan at ang pagkakadiskubre ng BA.2.12 variant sa isang Finnish national?
DOH USEC. VERGEIRE: Well actually, Usec. Rocky ‘no, unang-una siyempre kapag may naririnig tayong ganito, of course concerned ang DOH ‘no, it’s a bit of concern. Pero kapag inanalisa natin, tiningnan natin iyong mga sitwasyon, these were isolated situations. Iyon pong sa Finnish female, nag-iisa sa car; pagkita natin at naobserbahan at minonitor – naisara natin ang kaso dahil wala naman po tayong nakitang nahawa pa ‘no further.
Dito po sa Palawan, hinihintay po natin ang mga resulta pero alam po natin ‘no dito sa mga turistang pumunta sa Palawan, they are all fully vaccinated. So, we expect na hindi naman po ganoon ang magiging epekto nito sa ating populasyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin kay Red Mendoza ng Manila Times: Sa tingin po ba ng DOH, maaari na ring ibalik iyong mandatory quarantine sa mga foreign tourists dahil sa mga nadi-detect na kaso tulad daw po ng suggestion ni Dr. Maricar Limpin?
DOH USEC. VERGEIRE: Alam mo, Usec. Rocky, unang-una alam nating lahat, we have to live with the virus. By saying that, alam natin na hindi naman po mawawala ang impeksiyon ‘no dito po sa ating bansa or nor even doon sa ibang bansa, talagang magtutuloy-tuloy po ang COVID-19 virus, iyong transmission. Ang importante para sa ating lahat, matuto po tayo na proteksiyunan natin ang ating sarili. At ang pinakaimportante po para sa ating lahat na ito pong mga impeksiyon na nangyayari ay hindi nagta-translate sa mga severe infections o kaya pagkakaospital at pagkapuno ng ating health system o iyong ating mga ospital.
So kailangan lang po talaga we are all aware, hindi po tayo puwedeng bumalik sa sasara-bubukas, sasara-bubukas. Kailangan nating mamuhay kasama ng virus na ito, kailangan lagi tayong aware and protected – at alam po natin kung paano tayo mapuproteksiyunan – by having our vaccinations and doing our minimum public health standards.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kunin ko na lamang iyong mensahe mo sa publiko lalo po sa mga botanteng magtutungo sa voting precincts sa Lunes. Go ahead, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Ah, yes. Maraming salamat po, Usec. Rocky. Gusto lang ho nating magpaalala sa ating mga kababayan, sa Lunes po, araw na po ng ating botohan. Alam po nating lahat tayo ay boboto dahil iyan ay karapatan natin bilang Pilipino, ‘no at miyembro nitong bansang ito. Pinapaalala lang ho natin, nandito pa rin po iyong virus – kailangan lang po natin talagang mag-ingat, kailangan aware tayo, sumunod po tayo doon sa mga pamantayan at panuntunan na itinalaga natin sa bawat polling precincts para po maiwasan natin ang impeksiyon.
Humihiling po kami sa ating mga kababayan na mga may sakit, nakakaramdam ng mga COVID-related symptoms, huwag na muna po tayong pumunta sa ating polling precincts para we can prevent further transmission.
At para naman po doon sa ating mga kababayan, may sinet-up po tayong vaccination sites sa lahat ng polling precincts. Pagkatapos ninyo pong bumoto, maaari po kayong dumiretso doon kung wala pa ho kayong booster o ‘di kaya ay kailangan pang kumpletuhin ang primary series. Ito po ay bigay ng ating pamahalaan, libre para sa inyong lahat para tayo ay magkaroon ng tuluy-tuloy na proteksiyon.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahong inilaan sa amin, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Salamat po, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Mga kababayan, sabay-sabay po nating tunghayan ang mga kaganapan sa darating na eleksiyon. Tumutok po kayo sa ‘Hatol ng Bayan’ live coverage ng PTV at gamitin iyong #PTVBantayBoto, #PTVEleksyonTV at #HatolNgBayan2022. I-follow rin kami sa mga sumusunod na social media accounts: [list shown on TV]. Maaari rin kayong magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng Viber at Gmail.
At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center