USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay May 11, araw ng Miyerkules. Tuluy-tuloy pa rin po ang pagtutok natin sa bilangan ng resulta ng ginanap na Hatol ng Bayan 2022 noong Lunes. Pag-uusapan din po natin ang ibang mga balita tungkol sa ating ekonomiya at sa COVID-19 situation sa bansa. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Handang humarap ang Commission on Elections sa anumang korte sakali mang may pormal na maghain ng reklamo hinggil sa katatapos lamang na 2022 national and local elections. Ayon kay Comelec Acting Spokesperson John Rex Laudiangco, batid nila na may mga patuloy pa ring bumabatikos sa naging botohan hanggang sa kasalukuyang bilangan ng mga boto. Pero para maaksyunan nang husto ang kanilang hinaing, mas mainam umano na ihayag ito sa proper forum.
Kasabay niyan, muli namang nanindigan ang Comelec na tapat at may kredibilidad ang naging halalan. Wala pa rin silang naitalang major glitch partikular na sa transmission ng election results.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Nagpasalamat naman si Senator Bong Go sa milyung-milyong mga Pilipino na bumoto nitong katatapos na Hatol ng Bayan 2022. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Bumaba man ang COVID-19 cases dito sa Pilipinas, wala pa ring kasiguruhan na magtutuluy-tuloy ito lalo’t sunud-sunod ang naging mass gatherings nitong mga nagdaang buwan dahil sa eleksyon.
Kaugnay niyan ay makakausap po natin ang Infectious Diseases Expert, Dr. Rontgene Solante. Good morning po, Dok Rontgene.
RONTGENE SOLANTE:Good morning, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Dok, good news po itong ini-report ng DOH na bumaba raw po ng 37% itong COVID cases natin kumpara noong bago pumasok ang Omicron sa bansa. Pero ito po ba ay magtutuluy-tuloy lalo raw po at marami ang naging mass gathering dahil sa eleksyon?
RONTGENE SOLANTE: Well, sa ngayon, hindi pa natin alam kung ano ang mangyayari ‘no in the next two weeks kasi sa dami ng mga superspreader event na nangyayari for the past two weeks at mayroon pa ring community transmission ng Omicron variant na napakataas ang hawaan, so expected iyan na mayroon talagang uptick ng mga cases ‘no within the first week or the second week after ng election.
USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin ko lang po, tanong po ni Jenna Balaoro ng GMA News, follow up lang: So are we expecting daw po a surge sa mga COVID cases ngayong tapos na ang eleksyon, Dr. Rontgene?
RONTGENE SOLANTE: That’s a possibility, Usec. Rocky, dahil doon sa mga superspreader event. In fact, mayroon na tayong mga nakitaan ngayon na mga ibang pasyente na mayroong mga mild symptoms lang naman and they are positive. So ibig sabihin, doon nakukuha iyan either sa presinto or before siya nakaboto, at bumoto siya, nakuha niya. So those are the possible scenarios.
And sana naman ay hindi ganoon kataas dahil ang tinutukoy natin na variant ngayon ay iyong BA 2, and medyo mataas-taas pa ang protection natin sa BA 2. Ang medyo nangangamba tayo, kapag pumapasok dito iyong BA 4 at saka BA 5.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, kailan po posibleng mag-reflect sa COVID-19 numbers ang epekto nito?
RONTGENE SOLANTE: Kung titingnan natin iyong incubation period ng COVID infection ‘no, so iyong from the exposure to the first symptoms, usually an average of three to five days ‘no. So kung halimbawa, lahat ay mataas ang exposure noong May 9, magbilang tayo ng mga seven days or five to seven days, so magri-reflect iyan most likely next week.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, ano iyong reaksiyon ninyo, nakarating ba sa kaalaman ninyo na may ilang presinto na hindi raw po nasunod ang minimum public health standard noong Lunes?
RONTGENE SOLANTE:Yes, nakarinig tayo ng mga ganoon ‘no. Iyong iba nagtanggalan ng face masks at saka iyong iba talagang wala nang physical distance ‘no, and they are in a room na hindi maganda ang ventilation. At expected iyan dahil doon sa mga nangyayari, especially iyong nagkaanohan iyong mga vote counting machines, so tumatagal doon sa room, hinihintay ‘no.
So, that is one of the expectations na kapag ganitong klaseng event, talagang mayroon talagang paglabag sa mga health protocol.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na po, Dok, itong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano raw po ang inyong obserbasyon sa mahahabang pila na nangyari noong botohan? Nakakabahala raw po ba ito? At maaari po bang magkaroon ng pagtaas ng kaso dahil nga sa mga nangyaring gulo sa halalan?
DR. RONTGENE SOLANTE:Yes, obviously ‘no. So, example, bigyan na lang kita ng scenario. Doon sa hanay ng mga nakapila doon sa hindi maganda ang ventilation, bigyan kita ng scenario, isa or dalawa doon ay may sintomas or very mild symptoms ‘no. And in the event na nagsasalita, nagtatanggal ng mask, then that particular individual can infect five or even eight individuals in that particular room.
So iyon ang naging scenario na there will really be a possibility of transmission, and iyon ang nakakabahala talaga why this type of event can be a superspreader event.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Kung hindi raw po magkakaroon ng surge ng mga kaso sa susunod na 14 days pagkatapos ng halalan, masasabi raw po ba natin na safe na safe na po ang bansa natin sa banta ng COVID-19 dahil sa mataas na bakunahan?
DR. RONTGENE SOLANTE: Yes, expected iyan na kung wala mang surge or spike after the election, that’s good news ‘no. So ibig sabihin, mataas pa ang proteksyon natin ‘no. Kaya lang, uulitin ko ito, ang pangamba natin kung papasok ang mga bagong variant like itong B4 and B5, ito na iyong cause ng surge and spike ng South Africa at saka itong BA 2.12.1 na iyong cause ng pagtaas ngayon sa US.
So, kung okay tayo after two weeks, then hopefully ay ma-continue natin. But we continue to be vigilant in our health protocol at sa pagbabakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano rin daw po iyong mga updates sa mga recombinant at bagong mga bakuna? Sinimulan na po ba ng VEP iyong pag-aaral sa mga ito kahit na nasa trial stage pa lamang po?
DR. RONTGENE SOLANTE: Okay, iyong sa mga subvariant ngayon, sinabi ko, there are three of these ‘no, iyong sa Omicron subvariant. Iyong BA 2.12, B4 at B5 na medyo mataas ang transmissibility at mataas din ang rate ng puwedeng maiwasan ang antibody ng mga bakuna, mababa ang effectivity ng mga bakuna.
Gayunpaman, ang purpose natin dito, ang objective natin dito ay mapaigting natin ang first booster sa population. Because based on data, kapag mayroon ka ng first booster or third dose, malaki ang tiyansa natin ng proteksyon even with this mga subvariant especially against severe disease.
So, ganoon pa rin ang panawagan natin, Usec. Rocky – pataasin natin ang booster doses natin doon sa mga primary vaccine series na nakatanggap na, at iyong wala pang bakuna [ay] dapat magpabakuna [na], [kahit] sabihin nating mababa ang mga kaso
USEC. IGNACIO: Target daw pong makahabol ng eight to nine million doses ng booster shot bago daw po matapos ang termino ni Pangulong Duterte by June. Attainable po kaya ito?
DR. RONTGENE SOLANTE: Sa tingin ko [ay] attainable iyan kasi medyo bumagal lang nang kaunti during the election at saka iyong mga campaign period ‘no, but for now, since tututukan ulit natin iyan sa Department of Health na paigtingin natin iyong adbokasiya natin na importante ang boosters especially preparing for another surge siguro ay tataas ulit ang uptake ng mga bakuna, and I’m sure of that. The eight to nine million, hopefully, makuha natin before the end of our President’s term.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, kapag sinabi mong “preparing” sa posibleng surge, ano po iyong nakikita ninyong gagawin o dapat gawin ng gobyerno? Kasama na po ba dito iyong pagpapairal ulit ng lockdown?
DR. RONTGENE SOLANTE: Sa ngayon, hindi na natin kino-consider ang malawakang lockdown. Ang importante lang ngayon is iyong ma-monitor natin ang hospital utilization especially sa mga ospital na [technical problem].
And part of that is sana ma-encourage pa rin natin ang mga tao to be tested kung mayroon silang mga sintomas kasi if we don’t do the test, hindi natin alam kung ano ang nangyayari, ano ang mga kaso natin kagaya ng nangyayari for the past week na mababa talaga ang testing natin. But in the event na marami ang mga sintomas, may mga ganoon, we need to encourage everyone to test para at least makita natin iyong data and protect the healthcare facilities. Iyon naman ang objective natin, healthcare facilities should also be ready.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, hanggang kailan po tatagal iyong effectivity ng booster dose natin? Sa palagay ninyo po ba ay dapat na ring i-rollout as soon as possible ito pong second booster para po sa iba pang priority sector?
DR. RONTGENE SOLANTE: For the general population, the first booster is enough to protect us against the severe infection ‘no, but for the vulnerable population especially the sixty years and old above, iyong may mga comorbidities, napakaimportante ng second booster. And because of the impending, iyong mga sub-variants na mas mababa ang efficacy ng bakuna, doon natin kinakailangan na i-emphasize bakit importante ang second booster for those who already received the first booster.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, pero sa ngayon, nakikita na ba o hindi pa ang pagtatanggal ng mandatory face mask dito sa bansa anytime soon? Sa South Korea daw po kasi ay bumababa na rin ang COVID-19 cases kahit daw po tinanggal na ang outdoor mask mandate?
DR. RONTGENE SOLANTE: Well, ang mask mandate [ay] malaking bagay sa pagkontrol sa pandemic specially for most of us ‘no. At naranasan natin iyan na mabilis nating nakontrol ang Omicron because of the way we wear the face mask.
Sa tingin ko, medyo mahaba-haba pa iyan. Let’s see in the next two to three months [at] kung talagang tuluy-tuloy na ang pagbaba ng kaso, like less than 200 [ay] most likely baka hindi na natin kailangan ang face mask.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, sa ngayon po ay ano iyong COVID-19 situation na mamanahin ng susunod na uupong administrasyon? Alam po nating may mga challenges pa rin tayo dito sa pag-administer po ng dose.
DR. RONTGENE SOLANTE: Well, isa sa mga challenges ng next administration is to really continue what the current administration is doing: Paigtingin ang vaccination; i-improve natin ang surveillance natin; dapat marami na tayong mga testing facilities; to do also genomic surveillance para alam natin [kung] ano ang mga variants of concern na nandito sa Pilipinas; at importante pa rin [na] palawakin natin ang pag-improve ng mga healthcare facilities especially the government facilities, not only preparing for this pandemic but preparing also for the next pandemic or any emerging infectious diseases. Napakaimportante na ang mga healthcare facilities to be prepared.
USEC. IGNACIO: Doc Rontgene, willing pa rin po ba daw kayong maglahad ng expert opinion sa susunod na uupong administration?
DR. RONTGENE SOLANTE: Yes, Usec. Rocky. Regardless of who the person will be, the next president or sino man iyon, kung kailangan nila iyong opinion natin as an infectious diseases expert, bukas po tayo diyan sa ganiyang klaseng usapan.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, kuhanin ko na lang iyong mensahe o payo ninyo sa ating mga kababayan. Go ahead po, Doc.
DR. RONTGENE SOLANTE: Yes. So, bumaba ang mga kaso natin and that’s a good sign. Pero tuloy pa rin ang kampanya natin na magpabakuna for the first booster at huwag muna tayong magtanggal ng face mask natin. Salamat po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa pagbibigay-panahon, Infectious Diseases Expert, Dr. Rontgene Solante.
Silipin naman po natin ang latest update sa vote count para sa presidential, vice-presidential at senatorial elections kung saan po may 98.24% election returns [na ang nabilang] as of 10:02 this morning.
Nangunguna pa rin po si Bongbong Marcos – 31,078,160 [votes]. Sinundan po ito ni Vice President Leni Robredo – 14,809,501 [votes]. Manny Pacquiao – mahigit po na three million at sinundan po ni Isko Moreno – 1,893,000 [votes]. May mahigit 881,000 [votes] naman po si Senator Ping Lacson. Sinundan po ito ni Mangondato, Faisal na [may] 256,945 [votes].
Okay, puntahan naman po natin sa vice-presidential race. Si Sara Duterte pa rin po ang nangunguna – 31, 531,257 [votes]. Sinundan po ito ni Kiko Pangilinan – 9,224,395 [votes]; Tito Sotto – 8,178,943 [votes]; Doc Willie Ong – 1,847,396 [votes]; at Lito Atienza – 267,310 [votes].
Sa Senatorial race, hawak pa rin po ni Robin Padilla ang unang puwesto – 26,425,264 [votes]; Legarda, Loren – 23,970,161 [votes]; Tulfo, Raffy – 23,147,240 [votes]; Win Gatchalian – 20,359,977 [votes]; at Chiz Escudero – 20,032,083 votes.
Sinundan po ito ni Mark Villar – 19,190,855 [votes]; ni Cayetano na more than 19 million [votes] habang si Migz Zubiri ay more than 18 million [votes]; Joel Villanueva, more than 18 million [votes] at Ejercito, JV [with] more than 15 million [votes].
Si Risa Hontiveros po – 15,260,002 [votes]; Estrada, Jinggoy – 14,956,384 [votes]; Jojo Binay – 13,173,987 [votes]; Herbert Bautista – 12,930,272 [votes] at Gibo Teodoro – 12,560,124 [votes].
Alamin naman po natin ang update sa canvassing ng Commission on Elections na tumatayong National Board of Canvassers para sa pagka-senador at mga kinatawan ng Party-list groups. Ihahatid sa atin iyan ng ating kasamang si Karen Villanda. Karen?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Karen Villanda.
Samantala, kumustahin din natin ang naging turnout ng botohan ng ating mga kababayan sa iba’t ibang bansa. Makibalita po tayo mula kay DFA Overseas Voting Secretariat Director Zoilo Velasco. Good morning po Director Velasco.
DIR. VELASCO: Good morning, Usec. Rocky. Salamat sa pag-imbita sa amin dito.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano po ang general assessment ninyo sa naganap na overseas absentee voting?
Wala naman po bang naging problema, Director?
DIR. VELASCO: Well, masasabi nating successful. It’s a success kasi nalagpasan natin iyong record ng 2016 elections. Noong 2016 kasi, 31.45% iyong ating voter turnout. So, talagang excited ang mga taong bumoto noong 2016.
Ngayon, masasabi natin na naging mas excited silang bumoto kasi base lamang sa report na natanggap natin, iyong everyday ba na voter turnout ng mga kababayan natin sa abroad na pumupunta sa embassy o nagpapadala ng mga balota nila ay nasa mga 32%, 33% iyong voter turnout.
So, nalagpasan na natin in terms of bilang din ng mga boto, mga natanggap natin ay mas mataas na sa voter turnout na nakuha noong 2016 elections.
So, talagang napakaganda at napaka-successful ng ating botohan, overseas voting despite na alam naman natin na mayroong pandemic na naglilimita ng movement ng mga tao pero successful pa rin ang ating botohan.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, wala naman po bang naging problema dito sa ilang vote counting machines sa mga lugar na may automated election system?
DIR. VELASCO: May mga kaunting problema siyempre pero mayroon namang standby na technical team ang COMELEC. So, kapag may problema ay nagto-troubleshoot. So, naaayos naman. Karamihan naman ng mga problema ay nasolusyunan. So, mayroon namang mga nakahandang solusyon ang COMELEC diyan.
Natapos naman ang botohan at kasalukuyang nagka-canvassing ang ating mga SBOCs sa iba’t ibang embahada at konsulado. So, maayos naman. Wala namang problema, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Director Velasco, ulitin lang natin ano. Kumusta iyong naging voters’ turnout sa overseas absentee voting?
Ilan po iyong bumoto dito po sa nasa 1.7 million registered voters doon?
DIR. VELASCO: Ito ay hindi pa pinal siyempre kasi patuloy pa rin iyong counting and canvassing. Pero base lamang doon sa report sa atin kasi everyday nagri-report ang mga embahada at konsulado kung ilan iyong mga nakaboto ay nasa 32 to 33% na iyong mga bumoto out of 1.7 or 1.697 million na mga botante, registered overseas voters.
So, kung in terms of numbers siguro mga around 550,000, mga ganoon ang mga nakaboto. Pero siyempre ito ay hindi pinal na numero kasi patuloy pa rin ang canvassing at siyempre ang makakapagbigay lamang ng pinal na numero ay ang COMELEC at ang NBOC.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero paano po ito ikukumpara dito sa voters’ turnout from mga nakalipas pong eleksiyon like noong 2016 po kasi nasa 32% lang daw po iyong mga bumoto overseas, tama po ba ito?
DIR. VELASCO: Nasa 31.45% to be exact. So, 31.5 sabihin na natin. So, naungusan na iyong voter turnout noong nakaraang eleksiyon.
So, parang masasabi natin na it’s a record high in terms of voter turnout maliban sa, nung unang-unang implementation pa lang ng Overseas Absentee Voting Act, iyon talagang mataas 60% pero siyempre kaunti pa lang naman ang mga bumoto noon. Pero in terms of number, ito na ang pinakamataas, so far.
USEC. IGNACIO: Opo. Hanggang kailan po kaya inaasahang matatapos itong transmission ng votes para po sa overseas?
DIR. VELASCO: Inaasahan natin within this week matatapos na lahat iyong ating foreign service posts. So, kasalukuyan silang nagka-canvassing.
Dalawa kasi ang uri ng eleksiyon – iyong AES, iyong Automated Election System. Iyong mayroon silang machine para maipadala iyong ating boto. Mayroon pa rin namang mga embahada at konsulada na manual pa rin ang kanilang pagbibilang kasi ito iyong mga maliliit lamang na embahada at konsulado. Maliliit lamang iyong population ng Filipino doon.
So, mayroong mga uuwi dito para dalhin iyong mga COCs na personal na ihahabilin sa NBOC pero mayroon din naman na automated transmission na iyong kanilang pagpapadala ng election results nila.
So, inaasahan natin within this week ay matapos tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, saang bansa o region iyong may pinakamaraming bumoto?
DIR. VELASCO: Ang top five natin base sa voter turnout, nandiyan ang Hong Kong, Singapore, Dubai, Abu Dhabi, Riyadh including POLO Al Khobar. Kung top ten naman, number six natin Kuwait, San Francisco then Tokyo, Doha and then Jeddah.
But hindi iyan iyong final talaga. So, base lamang sa voter turnout na ini-report sa atin, so far. Out of top ten, mas marami nasa Middle East ang voter turnout, anim out of the top ten, tapos tatlo sa Asia Pacific then isa sa America. Iyan iyong regions natin na marami iyong voter turnout.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasi itong Middle East ang sinasabing pinakamaraming Pilipino ano po.
Pero, Director, kailan po kaya maisasagawa daw itong special elections sa Shanghai? Maihahabol po ba ito bago iyong expected proclamation by end of May?
DIR. VELASCO: Nasa kamay na ng COMELEC kung kailan sila magsasabi ng date ng special election.
Siyempre, I think kailangan nilang tingnan kung iyong number of votes and registered voters sa Shanghai would still be enough to make difference doon sa mga kandidatong involved hindi lang sa presidential, vice presidential but including sa senatorial and the party-lists.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero may iba pa po bang bansa na pansamantalang naantala iyong overseas elections?
DIR. VELASCO: Wala naman, iyon lang sa Shanghai talaga kasi nga sa very strict anti-COVID protocols nila. So, hindi pa rin nakalabas ang mga tao even our consulate is naka-lockdown
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director, paano po itong sa Ukraine at iba pang bansa dito sa Middle East na nabanggit ninyo na kanina gaya po ng Iraq, Afghanistan at iba.
Hindi po ba talaga magku-conduct ng eleksiyon doon? Tama po ba ito?
DIR. VELASCO: Itong mga lugar na ito sa Iraq, Afghanistan dahil nga sa sitwasyong panseguridad doon sa mga lugar na ito ay hindi talaga nagkaroon ng eleksiyon.
Iyong mga Pilipino natin sa Ukraine, siyempre nagkalat na iyon sa iba’t ibang bansa. May mga nagpunta sa ibang parte ng Europa, may ibang umuwi. So, hindi na rin natin mahagilap ang mga iyon unless of course nagpasabi sila sa ating embahada na “Nandito kami.” Pero [so far wala] kaming natanggap na report na ganun.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong naging aksyon o reaksiyon ninyo sa mga inirereklamong umano’y pre-shaded ballots. Naimbestigahan na po ba ito, Director?
DIR. VELASCO: Oo naman po at naipaliwanag nang husto.
Nagkaroon nga ng Congressional hearing iyan, ‘di po ba both sa House at sa Senate at naipaliwanag nang husto ng ating mga ambassador at mga consul general na walang ganoong pangyayari.
Iyong sa Singapore ay isang pagkakamali lamang iyon at naipaliwanag nang husto ng ating ambassador sa mga senador at mga kongresista.
So, plantsado na po iyon. Masasabi ko po na talagang maayos iyong ating overseas voting, malinis, transparent, at siyempre ang ating mga tao sa mga embahada at konsulado ay ibinigay nila ang lahat. Sila iyong ating parang teachers on election day itself. Sila iyong nagpupuyat. Sila iyong gumagawa ng trabaho, sinasalo nila lahat ng mga tanong, mga reklamo pero so far maayos naman, naging maayos lahat.
So, I’m very proud of our embassies and consulates including the [unclear]. Kaya naging maganda ang ating naging overseas voting.
USEC. IGNACIO: Director, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng panahon sa amin. Director Zoilo Velasco ng DFA Overseas Voting Secretariat.
DIR. VELASCO: Maraming salamat po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, makibalita naman po tayo sa naganap na halalan sa Southern Leyte. Makakausap po natin ang unopposed Governor na si Damian Mercado. Good morning po, Governor, at congratulations po.
SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Good morning, Usec. Rocky Ignacio. At saka sa PTV4 natin, good morning.
USEC. IGNACIO: Kumusta na po iyong halalan diyan sa Southern Leyte? Naging maayos o generally peaceful po ba itong nangyaring halalan?
SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Actually, iyong Southern Leyte is a very peaceful province, and even ngayong eleksiyon ay walang problema lahat. Talagang very peaceful province, [and a] very peaceful election.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Governor, tama po bang marami daw pong mga eskuwelahan iyong sira pa rin sa Southern Leyte dahil sa Bagyong Odette? At kumusta naman po iyong naging sitwasyon ng botohan noong Lunes?
SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Actually, iyon ang problema namin, kasi okay na ang klase, tapos hindi pa nakabalik iyong nag-evacuate sa mga school buildings. Iyon ang problema namin. But of course, election [kaya] naghanap kami ng paraan, kung saan talaga makalipat o maka-[set-up] ng voting place na medyo safe at saka [ang] place is maganda. Kaya gumawa na lang kami ng paraan doon. Actually ngayon, problema talaga namin ngayon ay iyong mga school building kasi mag-open na tayo ng klase [na] face-to-face. Pero ang concern sa election, walang problema, talagang naka-ano tayo ng mga lugar na nakakapag-boto talaga ang mga tao.
USEC. IGNACIO: Pero ilang makeshift polling centers po iyong ginawa at saan po ito naipuwesto, kasi sabi nga po ninyo ay marami-rami pa rin po iyong mga eskuwelahan ang sira dahil sa Bagyong Odette?
SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Yes, iyong iba sa barangay hall. Doon ang voting place sa barangay hall, doon na sila nagbotohan, kaya hindi problema. Medyo nagawan ng paraan na makakaboto talaga ang mga tao na [garbled].
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, tayo po ay nagkaroon ng halalan sa gitna pa rin po ng pandemya ‘no. Sa ibang presinto po, hindi po nasunod iyong minimum public health standard. Nasiguro po ba sa inyong lugar iyong maayos at hindi dikit-dikit na pila sa mga makeshift polling precincts?
Governor? Okay, mukhang nawala sa linya ng ating komunikasyon si Governor. Babalikan na lamang po natin siya maya-maya lamang.
Samantala, tuluy-tuloy pa rin po ang pamamahagi ng ayuda ni Senator Bong Go para sa mga kababayan nating nangangailangan. Kamakailan, mga residente ng Malolos at San Ildefonso, Bulacan ang binigyan ng tulong [ng kaniyang opisina], kasama po ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Southern Leyte Governor Damian Mercado. Ulitin lang namin iyong tanong kanina, Governor.
SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Yes, okay.
USEC. IGNACIO: Paumanhin po kanina. Governor, nasunod po ba iyong minimum public health standard at nasiguro na naging maayos at hindi po dikit-dikit ang pila sa mga makeshift polling precincts, alam naman po ninyo na tayo ay nagkaroon ng eleksiyon na nasa gitna pa rin po tayo ng pandemya?
SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Actually, controlled natin, pero sometimes, hindi. Talagang magkakadikit-dikit. But so far, ngayon sa amin dito sa Southern Leyte is Alert Level 1. Last week, zero cases na kami sa COVID; today, mayroong three kami ng COVID cases. But hindi talaga natin maiwasang magkadikit-dikit, but mayroon naman tayong mga taga-barangay na nagkukontrol, but of course, hindi maiwasan. But doon sa loob ng voting place ay talagang mayroong distancing. At saka hindi pinapasok ang marami talaga, kung ilang chair lang ang nandoon sa voting place, iyon lang talaga ang pinapasok. May koordinasyon tayo.
USEC. IGNACIO: Ulitin lang natin, Governor, wala po bang naitalang election-related incidents diyan? Opo, Governor? Naputol na naman po si Governor. Babalikan po natin ulit si Governor, maya-maya lamang.
Samantala, silipin naman po natin ang mga kaso ng COVID-19 sa Davao City ilang araw matapos ang halalan. May report ang aming kasamang si Hanna Salcedo:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Southern Leyte Governor Damian Mercado. Governor?
SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Yes, sorry. Talagang hindi maganda ang signal namin dito.
USEC. IGNACIO: Opo, pasensiya na rin po.
SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Biglang nagkakaputul-putol.
USEC. IGNACIO: Opo. Basta ang importante, nakakausap pa rin namin kayo, Governor. Pero kumusta naman po iyong bakunahan at COVID situation diyan sa Southern Leyte? Paano po ninyo pinapalakas ang bakunahan diyan hanggang sa susunod na administrasyon?
SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Actually, ang bakunahan namin dito patuloy. Walang problema, kasi right after the typhoon, one week after the typhoon, nagbakuna na kami. Ngayon, bakuna, bakuna, patuloy ang bakuna. Last week, zero case tayo sa COVID-19. Today, mayroong three, but totally isolated lahat. Pinaano namin, nilagay namin sa isolation facilities na talagang under care talaga sila, home care, under home care. Kaya medyo, in terms sa COVID, medyo walang problema.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kunin ko na lamang ang inyong mensahe para po sa ating mga kababayan na nandiyan sa Southern Leyte. Go ahead po, Governor.
SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Iyong mga kababayan ko sa Southern Leyte, thank you very much sa suporta ninyo na binigay during election. During our campaign, nagsuporta tayo kay BBM. At saka thank you sa lahat ng nagsuporta. At saka itong COVID-19, talagang ang mga taga-Southern Leyte, kailangan talaga mag-ano tayo kung ano ang protocol natin ngayon para maiwasan, hindi magdami [dumami] naman ulit ang positive sa COVID.
But as of today, ang COVID case natin dito sa Southern Leyte is only very, very ano natin. Ngayon three na lang, three cases sa Southern Leyte. Kaya taga-Southern Leyte, kailangan magtulungan tayo para itong lahat ay maiwasan, hindi na tayo magkakaproblema.
At saka sa eleksyon naman, [sa] result, thank you very much sa suporta ninyo sa amin. Ako po ay nagpapasalamat lalo na sa kampaniya namin, na nai-support natin sa BBM-Sara, talagang successful tayo. Kailangan iyon because BBM promised us na tulungan tayo lalo na nadaanan tayo ng Typhoon Odette, badly hit tayo sa Typhoon Odette. Walang ibang makakatulong sa atin kung hindi ang bagong Presidente natin dito, si BBM na nag-promise sa amin na talagang tulungan kami na makabangon ulit sa malaking problema sa pagdaan ng Typhoon Odette.
Sa lahat ng taga-Southern Leyte na nandiyan sa ibang bayan, nandiyan sa ibang siyudad, ibang probinsiya, thank you po sa suporta ninyo sa amin dito. And rest assured na kami dito as newly elected officials, talagang magtatrabaho kami lalo na nadaanan tayo ng Typhoon Odette. Iyan ang challenge namin na talagang gawin natin na makabalik tayo, makabangon ulit tayo sa ano natin, mga trabaho at saka mga na-damage na mga property o bahay natin. Wala na tayong problema kasi nag-promise sa atin si President Bongbong Marcos na tutulungan tayo dito sa Southern Leyte para makabangon ulit.
Thank you very much.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyo, Southern Leyte Governor Damian Mercado. Mabuhay po kayo, Governor.
USEC. IGNACIO: Samantala, makibalita po tayo sa lagay ng ating ekonomiya at ang epekto nito sa pamumuhay ng ating mga kababayan lalo po ngayong napipinto na ang pag-upo ng mga susunod na lider ng ating bansa. Makakasama po natin si NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon. Good morning po, Usec.
NEDA USEC. EDILLON: Magandang umaga. Magandang umaga sa lahat ng mga nakikinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Number one concern po ng marami sa ating mga kababayan ay ang stable na pagkakakitaan. Base po sa datos ng PSA, 6.4% po ang estimated unemployment rate ng January at February. Pero nitong March po ay bumaba po ito sa 5.8%. Ano po iyong naging hakbang ng pamahalaan para po pababain pa ang bilang na ito?
NEDA USEC. EDILLON: Una sa lahat, iyong nakita nating pagbaba is really because nag-reopen ang ating economy. Ang aming estimate, mga nasa 80% na iyong nakaano ‘no, naka-Alert Level 1. At alam naman natin kapag Alert Level 1, mas marami na talaga iyong nag-o-open na mga trabaho, mga establishments.
So iyon iyong ano, ang number one na kailangan natin talagang gawin is pagsikapan pa na mabuksan pa the rest of the economy. Ang tingin natin na nakakapigil dito, kasi mababa naman na iyong ating COVID cases ‘no, ang kailangan lang nating paigtingin pa ay iyong pagbabakuna para lahat na, buong Pilipinas na ay makapag-open up.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa kabila po ng bumababang unemployment rate, tumaas naman daw po itong underemployment from 14% to 15.8%. Ito po ba ay hindi maganda para sa ating mga kababayan at sa ating ekonomiya?
NEDA USEC. EDILLON: We hope that it’s only temporary, ‘no. Ang nangyari kasi nitong March na nakita namin, ang malaking additional employment ay actually coming from agriculture. Halos one million iyon ‘no, 977,000.
So, kapag agriculture sector kasi iyong employment, ito iyong hindi ka talaga nai-employ full time. So nandiyan kaagad iyong tinatawag natin na visible underemployment. So mayroon kang additional hours to spare, bukod doon, mababa pa siguro iyong kinikita mo and that is why you are also looking for work.
So talagang ang kailangan pa rin natin is paigtingin pa iyong mga employment opportunities especially sa countryside para mabawasan itong underemployment natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., paano raw po dini-define ng pamahalaan itong sinasabing underemployment? Basta po ba may job mismatch, maituturing na underemployment na ito o nakabase po ito dito sa ating working hours ng isa pong manggagawa?
NEDA USEC. EDILLON: Mayroon po tayong tanong ‘no sa labor force survey. Doon sa mga nagtatrabaho, ang tanong is: Naghahanap ka pa ba ng additional work? Iyon. So kapag halimbawa sinagot nila doon ay yes, iyon so underemployed na sila.
Ibig sabihin kasi nito is mayroon kang trabaho pero naghahanap ka pa ng additional work, and that can be because of two things or both actually ‘no. One is because you have more time to spare, sa tingin mo ay puwede ka pang magtrabaho. Another is because kulang iyong kinikita mo kaya naghahanap ka pa ng trabaho.
So, mayroon tayong tinatawag na visible underemployment, ito iyong less than 40 hours a week. So less than ano, less than full time. Tapos iyon namang invisible underemployment, ito iyong full time ka nang nagtatrabaho pero naghahanap ka pa ng additional. So, ito na iyong ano, malamang dahil sa mismatch, hindi sila kuntento sa kita o hindi sila kuntento sa klase ng trabaho na mayroon sila ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano po iyong direktang epekto naman nitong paglobo ng utang ng Pilipinas dito raw po sa 12 trillion pesos sa ekonomiya at pamumuhay po ng bawat Pilipino?
NEDA USEC. EDILLON: Opo. Ang kailangan nating maintindihan dito, well, two things ‘no. Number one is before the COVID-19 pandemic, maayos po iyong kalakaran ng ating utang. It’s really because of the … para i-address natin ang COVID-19 kaya tayo nangailangan na mangutang. Number two, ang kailangan lang po dito ay lumago ang ating ekonomiya, enough para makabayad tayo nito at saka enough para masustentuhan pa iyong iba pang mga projects, iyong iba pang mga goods and services na kailangang maibigay ng gobyerno.
Strictly speaking, supposedly walang relasyon sa ekonomiya. Puwedeng mangyari iyon kung ang gagawin talaga natin o ang mangyayari is lalago iyong ating ekonomiya. Then what will just happen is magkakaroon tayo ng pambayad dito, and at the same time, you know, magkakaroon pa rin ng enough revenues ang government, pambayad sa utang at pansustento doon sa mga programs and projects na kailangang i-implement ng gobyerno.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., sa ngayon, nasaang porsiyento na po ang inflation rate naman natin? Kaya po bang mag-rollout ng inflation management measures or relief gaya po ng subsidies para po sa mga apektado nating mga kababayan?
NEDA USEC. EDILLON: Opo—teka sandali ha, wala akong … sorry. Anyway, doon sa mga inflation measures, hindi pa nga po nakukumpleto iyong package natin para sa relief dito sa inflation, and we expect that to happen over the next few weeks. So lahat naman po nito ay mayroon na pong karampatang budget. Hinihintay lang po natin na matapos ma-disburse iyong naunang ibinigay bago pupunuan ulit iyon.
So iyon po, mayroon pong inaasahan, and at the same time, mayroon din kaming nakalatag na tinatawag namin na non-monetary measures to make sure na maa-address iyong inflation. We are particularly concerned sa food inflation kasi ito iyong basic need talaga natin. So mayroon na pong nakahain na mga polisiya ang economic team para dito. Again, over the next few weeks po ay ini-expect natin na maisagawa na ito. Hindi lang ako at liberty to say it at this point kasi kailangan po ng approval muna ng Malacañang.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., sa kabila nito ay ano raw po iyong expectation natin naman sa GDP growth ng bansa ngayong unang quarter ng taon? Maibabalik na po ba natin ang pre-pandemic levels ng ating GDP?
NEDA USEC. EDILLON: Actually, bukas na po natin iri-report iyong first quarter na GDP, so hintayin na lang po natin iyan. Pero pangalawa, malakas po iyong aming confidence na maibabalik natin iyong ating GDP levels [noong] sa 2019, if not this first quarter, basta ito pong taon na ito. Tingin namin na magpatuloy lang po itong ating pagbubukas ng ekonomiya ay patuloy din po ang mangyayaring paglago ng ekonomiya natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ano naman daw po ang masasabi ninyo tungkol sa nakikitang pagbaba ng Philippine Stock Market? Ano po iyong direktang impact nito sa mga mamamayang Pilipino o manggagawa [kung] sakali daw pong magpatuloy nga itong pagbaba ng stock market natin?
NEDA USEC. EDILLON: Tama po iyong huling sinabi ninyo, “[kung] sakaling magpatuloy.” So, iyon po ang kailangan nating bantayan dito, kasi kung halimbawa temporary po na pagbaba [ay] hindi po tayo gumagawa ng aksiyon sa mga temporary na pangyayari. Pero kung masu-sustain po ito, ito iyong kailangan nang mag-address.
Sa ngayon po, it’s really a function of several factors ‘no. Isa na rin diyan iyong pagtaas ng interest rates sa US. So, iyong iba po ay pumupunta po sa US markets, kasi biglang naging mataas na iyong returns doon sa kanila.
Siyempre, isa rin doon, nakikita nila, may uncertainty, dahil magkakaroon nga ng pagpapalit ng administration. Pero we are hoping, [kaya] bantayan nga natin iyong mga susunod na araw and probably until next week ‘no, para makita natin iyong magiging trend.
So, iyon muna po, sa ngayon, hindi pa siya makakaapekto talaga sa ating ekonomiya, not unless it’s sustained and iyon po ang kailangan [ma-address]. Ang tingin naman po namin [ay] kung maipagpapatuloy natin iyong pagbukas ng ating economy, iyon po talaga ang importante, kasi fundamentally sound po iyong ating economy. So, kung maibubukas lang natin ito, maipagpapatuloy din po natin iyong paglago.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media; tanong po ni JP Soriano ng GMA News: For our country’s economic situation to further prosper or maintain its momentum, do you think it’s vital or crucial for the winning presidential candidate, former Senator Bongbong Marcos, to lay out very specific economic plans to the public?
NEDA USEC. EDILLON: Makakatulong po iyan definitely ‘no. In any case, nandito naman po ang the entire civil service ‘no. Kami nga po sa NEDA and the entire economic team, mayroon na rin pong mga nailatag na parang transition plan. Kasama na rin po dito iyong mga tingin namin na dapat [ay] priorities. So, ang tingin nga namin dito ay:
Number one, i-accelerate natin iyong economic recovery.
Number two, i-build natin iyong resiliency, and then.
Number three, let’s promote innovation para maging agile tayo kung anuman ang maging challenges natin.
With respect po doon sa economic recovery, si Pangulong Duterte po, naglabas na ng Executive Order 166 na actually naka-enumerate na rin nga po doon iyong hanggang sampu po na mga strategies, para makapag-accelerate po ng ating economic recovery.
So, by and large, mayroon na rin pong nakalatag. Malalaman na lang natin sa pagdating ng susunod na presidente kung ano pa po ang mga maidagdag niya rito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe, lalo na po at nalalapit na po ang pagtatapos ng Administrasyong Duterte. Go ahead po, Usec.
NEDA USEC. EDILLON: Yes, salamat sa pagkakataon na ito ‘no. I think nakikita naman natin na patuloy ang ating nagiging recovery and a lot of these is because, naging maingat talaga tayo sa pagsunod sa mga health protocols. Kailangan po magtuluy-tuloy pa ito, kasi nga [ang] nakikita natin sa ibang bansa [ay] nandiyan pa rin talaga iyong banta ng COVID.
Kasi ang talagang susi po talaga sa ating paglago ng ekonomiya is makapag-reopen talaga tayo ng ekonomiya – lahat-lahat po! At sana, magtiwala tayo sa mga nagiging mga patakaran natin na kung sumusunod tayo dito, puwede na po tayong pumasok [sa trabaho], puwede na po tayong pumasok sa eskuwela. [Ang] kailangan lang [ay] sundin ang mga health protocols. Tapos, patuloy po iyong ating pagkakaisa, iyong naipakita natin during this COVID-19 [pandemic]. Ituluy-tuloy lang po natin, and I’m sure na magtutuluy-tuloy din po itong ating economic recovery.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, pasensiya na po, may pahabol lang po si JP Soriano ng GMA News: Dapat po bang ipagpatuloy ito ng susunod na pangulo ng bansa?
Usec, may pahabol lang pong tanong si JP Soriano, kasi tinanong niya na kung kailangan maglatag ng specific plans para po sa public ang ating magiging bagong pangulo? Ang [sunod na] tanong po niya: Iyon bang mga accomplishments o achievement ng Duterte Administration, sa tingin po ba ninyo ay dapat ipagpatuloy ito ng susunod na Presidente?
NEDA USEC. EDILLON: Iyon po ang aming hope, at iyon din naman po ang ilalatag namin sa incoming administration. Kasi importante po talaga iyong policy continuity. Ito po ang isang lesson in economics na makikita natin [na] dahil sa laki ng ekonomiya, madalas po [na] iba iyong nagtanim, iba iyong mag-aani.
Pero kung halimbawa, lagi po tayong tanim nang tanim, hindi na po tayo makakapag-ani. So, marami pong naitanim during this presidency ni President Duterte na talagang ini-expect namin na ngayon [ay] talaga magkakaroon ng ani. Basta ituluy-tuloy lang po iyong reform agenda, tapos ituluy-tuloy iyong implementation noon. So, nailatag na po iyong foundation, let’s build on the gains. I think, iyon na rin ang naipakita nitong [Duterte] Administration na ito, kaya rin po nagtuluy-tuloy din iyong ating paglago na walang going back.
But of course, like I said, ito iyong ilalatag namin sa incoming administration. Baka naman po mayroon silang mas magandang panukala. May ano naman po iyan, malamang po magkakaroon ng mga pag-aaral kung ano ang nararapat.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay-panahon sa amin, NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon. Salamat po, Usec.
NEDA USEC. EDILLON: Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Samantala, dumako na tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Ihahatid sa atin iyan ni Czarina Lusuegro mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarina Lusuegro mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
Maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Hanggang bukas pong muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)