Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH hosted
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Siksik sa balita at impormasyon ang tampok namin ngayong araw ng Huwebes. Lagay po ng seguridad sa bansa at sa gitna ng nagpapatuloy na canvassing, supply ng kuryente, trabaho overseas at training program na alok ng DTI para sa mga MSMEs, ilan lamang po iyan sa mga usaping hihimayin natin kasama po ang mga kinatawan ng pamahalaan. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Samantala, inilatag na ng Palasyo ang mga bubuo sa komite na hahawak sa gagawing transition sa susunod na administrasyon. Kasunod nito, hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Elections na imbestigahan ang pagkasira ng ilang vote counting machines noong halalan. Ang detalye niyan mula kay Mela Lesmoras. Mela?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Mela Lesmoras.

Kumustahin naman natin ang pagbabantay ng hanay ng pulisya sa seguridad sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Makakasama po natin si P/Col. Jean Fajardo, ang tagapagsalita ng Philippine National Police. Magandang umaga po, Col.

PNP SPOKESPERSON P/COL FAJARDO: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Col. Col., kumusta po ang assessment ng PNP mula po sa araw ng botohan nitong Lunes hanggang sa ngayon po ay nagpapatuloy ang bilangan?

PNP SPOKESPERSON P/COL FAJARDO: We can say, Usec. Rocky, na overall ay naging generally peaceful naman po iyong conduct ng ating eleksyon nitong Lunes, maliban, of course, doon sa mga naitala nating incident particularly diyan sa Mindanao area.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon nga po, so far ilan na po iyong naitalang election-related violent cases po mula nitong Lunes? Alin po iyong areas na naka-red alert ang PNP?

PNP SPOKESPERSON P/COL FAJARDO: Nananatili po na nasa 16 iyong ating validated election-related incidents at iyon pong mga naitalang insidente noong araw po ng eleksyon noong Lunes ay nasa kategorya pa rin po siya ng suspected election-related incidents. At ongoing po iyong ating investigation diyan to confirm and validate whether iyong mga nailista po at naitala po nating insidente noong Lunes ay maika-categorize po natin na election-related incidents nga po.

USEC. IGNACIO: Opo. Col., kumpara dito sa nakaraang national elections, kumusta po iyong naging sitwasyon sa usapin ng peace and order dito po sa bahagi ng Mindanao?

PNP SPOKESPERSON P/COL FAJARDO: Masaya po kaming ibalita, Usec. Rocky, i-compare po natin iyong 2010 and 2016 national and local election kung saan nakapagtala tayo ng validated election incidents na hundred sixty-six noong 2010 and hundred thirty-three noong 2016 ay lubhang mababa po iyong 60 na nai-record po natin ngayon. At ito ay maia-attribute natin sa maganda, mahaba at maagang paghahanda na ginawa po ng security forces sa pakikipagtulungan na rin po ng ating mga kababayan, lalung-lalo na rin po iyong ating mga kumandidato.

USEC. IGNACIO: Opo. Col., may gusto po bang linawin ang PNP kaugnay dito sa viral video sa social media kung saan po ay naaktuhan po iyong pagpunit ng balota ng PNP officers noong araw ng botohan? Isunod ko na po iyong tanong ni Bea Bernardo ng PTV, kung relieved na raw po iyong mga pulis na nagpunit ng mga balota sa Cotabato pending investigation?

PNP SPOKESPERSON P/COL FAJARDO: Yes, ma’am, magandang opportunity nga po, thank you po at nabigyan kami ng pagkakataong maipaliwanag iyan. Iba-iba na po kasi, ma’am, iyong mga lumalabas na mga videos, at tinitingnan na po iyan ng PNP Anti-Cybercrime group dahil it appears po na parang pinagdikit-dikit po itong ating mga video to give a semblance of, ika nga, put doubt doon po sa integrity sa nangyayaring eleksyon nga po diyan.

Ang maku-confirm lang po natin, ma’am, iyong isang video po diyan kung saan may nakita po tayong dalawang pulis na nakita po na nagpupunit. Iyan po ay nangyari nga po sa Cotabato City kung saan ay nagsilbi pong special electoral board of inspectors iyong mahigit tatlong daan nating pulis dahil nga po nagkaroon nga po ng, ika nga, sitwasyon diyan. At no less than the Comelec po ang nag-request na iyong atin pong mga pulis ay magsilbing special electoral board of inspectors. At iyon pong nangyari po diyan na nakikita po natin ngayon sa video ay nangyari po pagkatapos pong magsara iyong ating mga voting centers, pagkatapos po ng deadline po ng 7 P.M. At ayon na rin po doon sa rules ng Comelec ay pupuwede pong punitin iyong mga unused ballots po diyan, at iyon po ang ginawa ng ating mga kapulisan. At tayo naman po ay sumusunod sa utos po ng Comelec. Nandoon po iyong election supervisors noong nangyayari po iyong pagpunit po ng mga balota na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Nakausap na po ng pulisya itong dalawang pulis na nakita po natin sa video na nagpupunit, Col.?

PNP SPOKESPERSON P/COL FAJARDO: Yes, ma’am, nakausap na po natin sila, at iyon nga po iyong nakuha nating information sa kanila. They were tasked to tear po itong mga balota dahil nga po tapos na po iyong botohan, at ayon na rin nga po doon sa rules ay puwede pong punitin iyong mga unused ballots para nga po hindi na ito magamit.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Col., shaded na raw po iyong ilan sa mga balota na pinagpupunit. Hindi po kaya nagkaroon ng posibleng anomalya raw po sa bahaging ito?

PNP SPOKESPERSON P/COL FAJARDO: Iyong isang nakita po roon, ma’am, na shaded po na balota, ito po ay considered spoiled ballots po kaya po iyon ay isinama na rin po doon sa napunit ng ating mga kapulisan na nagsilbing special electoral board of inspectors po doon sa nasabing presinto po.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Bea Bernardo ng PTV: Kumusta raw po iyong security situation sa Lanao del Sur ngayong nag-declare ng failure of elections ang Comelec sa ilang bayan doon?

PNP SPOKESPERSON P/COL FAJARDO: Patuloy pa rin po, ika nga, iyong deployment po natin diyan ng PNP at AFP po para masigurado nga po na mananatiling peaceful iyong eleksyon nga po diyan lalo’t inaasahan nga po natin sa mga darating na araw ay magkakaroon nga po ng special election sa 14 na barangay diyan po sa Lanao. At hindi po natin pinull out iyong ating mga kapulisan diyan pati na rin po iyong mga pulis natin na magsi-serve po as special electoral board of inspectors doon po sa labing-apat na barangay na nakasama po doon sa pag-conduct po ng special election.

USEC. IGNACIO: Opo. Col., paano po pinaghahandaan ng PNP kung kayo po ay mayroong mga namu-monitor na magsasagawa ‘di umano ng mga kilos-protesta? Paano naman po nakaantabay iyong ating mga kapulisan para po sa sinasabing maximum tolerance?

PNP SPOKESPERSON P/COL FAJARDO: Nagbigay na po ng, ika nga, instruction po iyong ating OIC, si Police Lieutenant General Vicente Danao, na ang mga magbabantay po para dito sa mga gagawin pong mga protesta ay to exercise maximum restraint and tolerance nga po.

At nirerespeto po natin ang karapatan nilang ipahayag ang kanilang mga damdamin, lalo’t lalo na may mga hindi po sila nagustuhan sa resulta po ng eleksiyon. Ang sa amin lang po ay nagsalita na po iyong ating mga kababayan, respetuhin po natin. But nonetheless, sabi nga natin, karapatan po nila iyan na sila ay magsagawa ng kanilang mga kilos-protesta.

On the part of the PNP po ay maglalatag po tayo ng seguridad diyan para din po sa proteksiyon ng mga magra-rally and then, at the same time [ay] para na rin po i-manage iyong traffic and iyon pong hindi po maantala iyong iba nating mga kababayan na dadaan sa mga lugar na iyan. At aasahan din natin na sila naman din po ay makikipag-cooperate at makikipag-coordinate sa atin para po maging smooth po iyong gagawin nilang mga pagkilos.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Colonel, may impormasyon na po [bang] nakarating sa inyo na may isasagawang kilos-protesta at saan pong mga lugar ito?

PNP SPOKESPERSON P/COL FAJARDO: Sa mga nakikita po natin at nababasa po natin ay may plano nga po silang magsagawa ng kanilang aktibidad diyan po sa PICC kung saan po isinasagawa ang ating national canvassing.

At iyan naman po, bago pa man po magsimula ang ating pagbibilang ay nakapaglatag na nga po tayo ng security diyan. May mga pulis po tayong naka-deploy diyan at iyon nga, nakikiusap din kami, Usec. Rocky, na doon po sa mga organizer po na magsasagawa nito ay makipag-ugnayan po kayo sa ating kapulisan para po masiguro ang inyong kaligtasan pati na rin po iyong iba pang mga lalahok dito.

Sa iba naman pong lugar ay may mga namo-monitor din tayo na magsasagawa din ng mga ganitong pagkilos at iyon naman po ay patuloy na binabantayan to ensure na magiging peaceful po iyong mga gagawin pong mga ganitong pagkilos.

USEC. IGNACIO: Okay. Ano na lamang po ang mensahe ninyo, Colonel, sa ating publiko? Go ahead po, Colonel.

PNP SPOKESPERSON P/COL FAJARDO: Maraming salamat, Usec. Rocky.

On the part of the PNP, patuloy po tayong [magbabantay] hanggang sa mabilang po iyong kahuli-hulihang boto at, ‘ika nga, magkaroon po ng smooth transfer of authority and power po.

At sa ating mga kababayan, lumabas na po iyong resulta at nakikita po natin sa ating mga pagsubaybay na mayroon na pong naihalal, irespeto po natin iyon, bigyan po natin ng pagkakataon na – alam natin lahat po tayo ay lumahok sa very, ‘ika nga, divisive election – at ngayon naman po ay panahon na po para mag-move forward tayo.

At asahan ninyo po ang PNP po ay mananatili pong apolitical, non-partisan para po magkaroon po ng smooth transition of power.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagbibigay-linaw, Police Colonel Jean Fajardo ng Philippine National Police.

Humahataw ang koponan ng Pilipinas sa idinaraos na 31st SEA Games sa Vietnam. Nakasungkit ng ilang medalya ang ating mga atleta sa iba’t ibang kategorya. Agad namang nagpaabot ng pagbati at pasasalamat si Senate Committee on Sports [Chairman] Senator Bong Go, sa ipinamalas na kahusayan ng mga atletang Pilipino. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ilang mga lugar ang nawalan ng supply ng kuryente sa mismong araw ng eleksiyon. Para kumustahin po ang monitoring ng Department of Energy kaugnay niyan, makakausap po natin si Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. ng Department of Energy.

Usec, kumustahin ko po muna ang overall assessment ninyo sa nagdaang eleksiyon sa usapin po ng supply ng kuryente.

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Yes. Good morning po, Usec. Rocky at sa lahat po ng tagapanood at tagapakinig.

Mayroon din po tayong election task force ho dito. Magmula May 2 ay na-mobilize na ito hanggang matapos ang canvassing. Wala hong mga naging problema na masasabi nating major problem [kung hindi] mga day-to-day usual problems lang ho na interruptions.

Ang kabuuan ng energy ay mayroong generation, transmission and distribution. Doon sa mga daily problems na nangyayari kahit ho noong eleksiyon po ay mga normal tripping sa distribution side ito at may na-record po na about 201 interruptions out of [the] coverage [na] 61 electric cooperatives or DUs (Distribution Utilities), and ang pinakamarami ho dito ay seven interruptions sa limang mga DUs.

Ang average ho na interruptions na nangyari ay about 70 to 130 minutes at ang pinakamahaba ay four hours at ang shortest is fifteen minutes. Naka-cover naman ho lahat ito, at mayroon tayong battery system that can cover 10-12 hours.

So, wala naman ho tayong problema na may kaugnayan po sa eleksiyon kung hindi ang mga normal tripping lang sa distribution systems.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, alam ninyo naman na crucial ang supply ng kuryente tuwing botohan. Nabanggit ninyo nga, parang mga fifteen minutes lang po ba nawawalan ng supply ng kuryente [at] naibabalik kaagad, tama po ba ito?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Yes, That’s the shortest and the longest is four hours; average is 70 to 130 minutes, but these are similar to the normal occurrences every day. Wala hong election-related na nangyaring problema ho sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kung susumahin po, ano po iyong areas na pinakamarami daw pong naitalang energy interruption, Usec?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Well, basically DUs areas but we recorded it in terms of kung ilang cooperatives. So, ang na-cover dito ay 61 cooperatives and 201 lahat iyong interruptions dito. At ang pinakamaraming interruptions ay seven, covering five cooperatives.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, may sitwasyon ba na hindi talaga nabalik all throughout the day iyong kuryente at ano po iyong naging alternative solution?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Wala ho. Wala hong naging sitwasyon na ganoon. Mga normal tripping lang ho at hindi man lang ho nagamit iyong mga emergency batteries natin na 10-12 hours.

USEC. IGNACIO: Pero, Usec, totoo po ba na mayroong case daw po kung saan mismong school lang o sa polling precinct lang [‘yung] nawalan ng kuryente? Tama po ba ito? Ano daw po ang masasabi ninyo dito?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Wala namang ganiyang nangyari na attributable na nawala sa school lang. Iyong mga normal occurrences ay doon sa areas covered by the distribution utilities based on the tripping that covers over those areas. So, wala namang mga ganoon, wala hong report na umabot sa ating election task force committee.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, nagpapatuloy pa rin iyong bilangan ano po. Paano tayo nakabantay dito? Kumusta rin po ang coordination ng Department of Energy sa atin pong mga electric providers?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Araw-araw, tuluy-tuloy po ang coordination sa ating electric providers. Ang mandate po ng election committee ay hanggang matapos ho ang canvassing or as maybe otherwise directed by the COMELEC. So, hangga’t hindi ho naipoproklama at hindi nagdi-direct ang COMELEC na itigil na ng election committee task force natin iyong pagmu-monitor, hindi ho titigil ito at babantayan ho, to ensure that the process is not questioned and its integrity is aboveboard.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang usapin naman tayo, Usec. Muli [na] naman pong nagtaas ng presyo sa produktong petrolyo ang oil companies nito lamang May 10. Tanong po ng mga motorist [ay] kung kailan daw po posible rin na masundan ang rollback? Next week? Puwede po kaya ito? Mayroon daw po bang ganoon?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Kagaya ng sinabi ko po, dependent po tayo diyan sa world market price at mayroon iyang indicator every day. Pumalo ho iyan, tumaas previously. Noong Monday, mayroong indikasyon na tataas. Pero pagdating ng Tuesday and Wednesday, kung titingnan natin iyong lumabas sa world market ay bumaba.

So, hopefully po kapag bumababa itong Thursday and Friday, kapag ia-average mo ito ay mas mababa sa previous week, then mostly likely bababa. But that would depend on the trend that is happening right now. But if you will follow the trend, mukhang may bahagyang pagbaba po.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ngayong nagiging mas malinaw na ang resulta ng botohan, paano po ito makakaapekto sa nakalatag na plano po ng Department of Energy kaugnay dito sa ating Philippine Energy Plan ng bansa sa susunod na administrasyon?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Unang-una po, ang constants factors standards ng energy plan natin ay based on security, reliability, sustainability, its affordability and of course, iyong global direction natin ng clean energy and decarbonization. So standard po ito sa buong mundo at ito ang naging basehan ng Philippine Energy Plan natin, at nakikita natin ‘to na consistent din ito doon sa energy plan [na ganito] at agenda na nailatag ho noong eleksiyon.

Iyong ating Honorable Ferdinand Marcos [Jr.] po, mayroon siyang energy agenda na na-mention noon at isang… you have [to] take a note of, the alternative energy sources like nuclear energy. So nakita natin na nailatag ni President Duterte iyong framework and we are very happy in the department of course, because most likely, the nuclear energy plan will be vigorous and very revitalized …this coming six years. Iyon ho ang aming nakikita na magandang mangyayari ho aside from other [unclear] energy, maganda ho kasi ang pagkalatag ng energy agenda.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kunin ko na lamang iyong mensahe ninyo sa publiko sa nagpapatuloy pa rin na bilangan at siyempre crucial pa rin po ang supply ng kuryente. Go ahead po, Usec.

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Opo. Kung mayroon ho man kayong mga nakitang problema sa supply at nakaka-disrupt sa ating election process, i-report ninyo sa Department of Energy para amin hong maipadala lahat, mai-relay o mai-coordinate doon sa mga kinauukulang electric cooperatives or distribution companies.

And generally ho, para sa pang-araw-araw na buhay natin eh magtipid ho tayo. Let’s practice conservation and efficiency so that ‘pag nakatulong tayo sa pagbaba ng demand ay iyong supply hindi rin tayo maiipit ho lalung-lalo na sa cost [unclear] at end of the day. So this is a national effort, tuluy-tuluyin po natin ang ating ginagawa in the past few months that have started.

Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., saan daw pupuwedeng magsumbong?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Opo. Mayroon hong number na nasa [unclear] at mayroon ding naibigay ho sa mga [unclear] before. So we can resend it again, sa inyo po para maka[unclear].

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon ngayong umaga, Undersecretary Gerardo Erguiza, Jr. Salamat po, Usec.

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Thank you very much.

USEC. IGNACIO: Isa po sa mga mahahalagang requirements na kailangang mayroon ang isang OFW ay ang Overseas Employment Certificate o OEC. Pag-uusapan po natin iyan kasama po natin si POEA Administrator Bernard Olalia. Sir, good morning po.

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Good morning po Usec. at good morning po sa mga nanunood po at nakikinig sa programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Admin, pakibahagi naman po iyong kahalagahan nitong OEC na nagsisilbi ding bilang exit clearance o pass gayun din po sa mga pribilehiyong maaaring mapakinabangan dito ng ating mga OFWs?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Opo, Usec., ano. Alam ninyo po ang OEC o iyong tinatawag po nating Overseas Employment Certificate ay nagsisilbi pong exit pass sa ating mga OFWs para po sila payagan ng Bureau of Immigration na makalabas ng ating bansa bilang isang ganap na OFW. Kapag kayo po ay nabigyan ng OEC, ang ibig sabihin nito, kayo ay dokumentado at isang regular na OFW ‘no – exempted po kayo sa travel tax at iba pang mga taxes na binabayaran po sa airport.

Ang importansiya po ng OEC ay ito po ay isang proteksiyon na ibinibigay po natin sa ating mga OFWs. Kapag kayo ay may OEC, dumaan po kayo sa tinatawag na proseso ng verification ng ating mga labor attaché ‘no – ibig sabihin binusisi ng labor attache iyon pong probisyon ng inyong employment contract at tinitingnan po niya na naaayon sa labor laws ng cross countries at ng ating bansa iyong mga labor standards na nakalagay po sa inyong employment contract.

Kapag po hindi tama iyong mga probisyon doon, binabago po natin iyon at inilalagay po natin iyong minimum labor standards. So, kapag kayo ay may OEC, ibig sabihin kapag OFW kayo, sagot po kayo ng OWWA; ‘pag may mga problema sa pinansiyal, sagot po kayo ng POEA, NLRC at saka NCMB ‘pag may mga contract violations at may mga problema po sa employer; at lalung-lalo na po ang ating gobyerno, sagot po kayo ng ating pamahalaan kapag po kayo ay may OEC.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero hinggil dito, Admin, sa coverage ng OEC, lahat ba ng ating OFW [ay] kailangan kumuha nito at pero may exemptions din po bang ibinibigay ang inyong tanggapan sa pagkuha nito?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Yes. Alam ninyo, Usec., lahat po ng ating OFWs na mayroong passport, valid working visa at may verified employment contract ay kinakailangan pong kumuha ng OEC ‘no. Kung kayo po ay agency hire, ang OEC po ay iyong ahensiya ang magbibigay po sa inyo at ang magpuproseso. Kung kayo naman po ay direct hire, kayo po mismo ang mag-a-apply ng OEC.

Exempted po sa OEC iyong mga tinatawag nating BM or Balik-Manggagawa or returning workers ‘no – sila po iyong babalik sa same employer at saka same jobsite dahil natapos na po iyong original employment period po nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero nabanggit ninyo na nga, uulitin lang po natin, saan maaaring magproseso nito? Pero ang tinatanong po dito, ano daw po iyong mga requirements na kinakailangan para makakuha gayun din po iyong mga kaparaanan para daw po makapag-apply nitong OEC ang ating mga OFWs?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Opo, Usec. Alam ninyo po, marami tayong klase ng OFWs – mayroon po tayo iyong tinatawag na agency hire ‘no, ito po iyong mga licensed recruitment agencies ang nagdi-deploy ng ating mga OFWs. Kapag kayo po ay agency hire, iyon pong ahensiya ninyo ang magpuproseso at magbibigay po sa inyo ng OEC. So walang problema kapag ang OFW ay agency hire.

Kapag kayo po ay government hire, ito po iyong mga OFWs nating papunta, for example ng caregiver—as caregiver sa Israel ‘no. Iyon naman pong ating GPB dito sa POEA ang magbibigay po sa inyo ng OEC, sila rin po ang magpuproseso. Kapag kayo po ay BM at kayo po ay dokumentado, hindi na po ninyo kailangan ng OEC at kayo po ay OEC-exempt.

Ngayon, kapag kayo naman ay direct hire, ibig sabihin nito nakakuha kayo ng trabaho at exempted kayo doon sa direct fund hiring, ang magpuproseso po diyan ay iyong ating OFW. Anu-ano po ang mga requirements? Kung kayo po ay direct hire at kailangang mag-apply ng OEC, siyempre number one po iyong pasaporte ninyo; pangalawa, iyon pong visa na kinakailangan ay isang work visa; at pangatlo, iyon pong employment contract ninyo – at ang employment contract na ito ay kailangang verified po ng ating labor attaché. Ang ibig pong sabihin niyan, naaayon po sa batas ng cross country at ng Philippine government iyong mga probisyon na napapaloob sa inyo pong employment contract.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Admin, kaugnay po noong nasabing usapin ano po. Kamakailan lang, umani po ng batikos ang Philippine Overseas Labor Office o itong POLO sa Dubai dahil sa ‘di umano’y marami sa ating mga kababayang OFWs doon ang nahirapan umano sa pagproseso ng kanilang requirements, kabilang na daw po iyong kanilang OEC.

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Tama po iyan ano, nalagay po sa ating pahayagan iyong nangyaring pagpipila ng ating mga OFWs na nag-a-apply po ng OEC sa UAE partikular sa Dubai at Abu Dhabi ‘no. Alam po ninyo kasi sa Dubai at Abu Dhabi, mayroon pong tinatawag na visit visa – ito po iyong nagpunta iyong ating mga kababayang OFWs sa nasabing lugar na hindi po dumaan sa proseso dito sa POEA at sa ating POLO. Kaya for the first time, kapag po sila ay uuwi, kinakailangang mag-apply po sila ng OEC sa POLO ‘no.

Pero requirement po [na] bago kayo mag-apply ng OEC, kinakailangan po iyong inyong employment contract ay ma-verify ng ating POLO o ng ating labor attaché ‘no. Kaya po nagkaroon ng pila, kasi iyong usual na 200 to 300 aplikante na nagpapa-verify kada araw ay lumobo po at naging 800 ‘no – hindi bababa ng 800 iyon pong nag-apply doon po sa mga nasabing lugar. Kaya dahil po diyan humaba po ang pila, pero inayos na po ni Labor Attaché John Bautista iyan at nagkaroon na po ng mga measures para po tugunan iyong pagbi-verify ng mga OFWs po natin sa nasabing bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin lang natin, Admin, iyong dahilan bakit nahirapang maiproseso iyong POLO-Dubai doon po sa ilang mga requirements kaya sinasabi ninyo nga po na humaba iyong pila?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Unang-una po kasi, iyon pong verification process ay hindi isang proseso na simple ‘no. Tinitingnan po ng ating Labor Attaché lahat po ng probisyon doon sa employment contract. Tinitingnan kung may repatriation clause, tinitingnan kung may social protection iyong ating OFW, tinitingnan kung ang minimum labor standards sa bansang iyon at sa ating bansa ay nasusunod. Tinitingnan rin kung iyong employer po niya ay blacklisted ‘no. So, iyan pong proseso na iyan ay kinakailangan ng mahabang panahon para po ma-verify. Eh, iyong usual na 100 to 200 applicants ay lumobo po ng 800, kaya po humaba ang pila. Pero tulad po ng nasabi ko na nagkaroon na po ng solusyon iyan at nagkaroon na po iyong tinatawag na by appointment iyong sistema po na magpapa-verify sa employment contract sa Dubai at Abu Dhabi.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang usapin naman po tayo, Admin. Kumusta daw po iyong mga kaso ng third country hiring sa Middle East at sa Europe?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Sige po, Usec. Alam po ninyo, ipaliwanag natin kung ano ang ibig sabihin ng third country hiring ‘no. Usually ito po iyong mga OFWs natin na tapos na iyong kanilang employment period, tapos na iyong kanilang kontrata at sana po ay babalik na sila sa Pilipinas para po doon sa kung nais nilang magtrabaho, mag-a-apply po sila muli  dito sa ating bansa.

Pero karamihan sa mga OFWs natin, nang natapos iyong kontrata ay kumukuha ng trabaho papunta ng ibang bansa ‘no, na hindi na po dumadaan sa proseso sa POLO at sa POEA. Kaya ang tawag natin, third country hire. Ang problema po sa mga third country hire po natin – dahil marami-rami rin po iyan – diyan po nag-uugat ang mga welfare cases natin, iyong contract violation, iyong absconding at saka iyong minsan ay nagkakaproblema ang OFW, hindi po sila ma-repatriate dahil po may problema sa kanilang employer.

Kasalukuyan po nating tinutugunan iyan, at gumagawa din tayo ng paraan para maiwasan po natin iyong mga third country hire. At ang pinakalaganap dito [ay] iyong nabibiktima ng illegal recruitment from third country hire ‘no. Minsan iyong OFWs natin [ay] nagbabayad ng napakalaking halaga para lang makakuha ng trabaho sa ibang bansa. Pero, usually po, biktima po sila ng mga illegal recruiters.

USEC. IGNACIO: Opo. Isa po iyan doon sa sinasabing posibleng panganib na maaaring idulot nito sa ating mga OFWs. Pero ano rin po daw ang ginagawa ng POEA, para po tuluyan na itong matigil?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Mayroon po tayong isang dibisyon dito sa ating POEA, iyong tinatawag po nating Anti-Illegal Recruitment Branch o iyong AIRB ‘no, na kung saan ay sila po iyong tumutulong sa ating mga OFWs na nabiktima po ng illegal recruitment o iyong third country hired scam. Mayroon po kaming mga remedial at protective measures para po maiwasan iyong mga ganiyang mga problema ng ating OFWs.

Puwede po kayong tumungo sa  aming POEA website o kaya doon sa AIRB Facebook Page  na kung saan nag-aanunsiyo po kami noong mga entities, iyong  mga tao po na kilala bilang mga illegal recruiters at kami po ay nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang mga sangay ng ating pamahalaan para maiwasan po iyong mga ganiyang kalokohan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating naman po sa usapin ng deployment, Admin, saan daw pong mga bansa sa ngayon ang may mga pinaka o [mayroong] malalaking pangangailangan sa ating mga OFWs at ano daw po ang trabahong iniaalok sa mga ito?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku, Usec, dahil panahon pa po ng pandemya ay nangunguna po diyan iyong sector ng HCWs natin na talagang in-demand. Iyon pong tinatawag nating Health Care Workers. At siyempre nandiyan po iyong mga nurses po natin ‘no. Kasalukuyan po ang hiring at napakalaki ng demand sa UK, sa Germany, sa US, sa Canada at sa Australia. Ito po iyong mga bansa na may mga labor shortage po sila sa HCWs, kaya po nangangailangan po sila ng mga nurses po natin.

Huwag din po nating kalimutan iyong mga traditional markets natin, tulad ng Middle East na kung saan iyong sektor naman ng hospitality at service industries, construction at iba pa ay kailangan din po nila. Nandiyan din po ang New Zealand at Australia na nangangailangan ng skilled workers. Isama na rin natin ang Germany, na mayroon po tayong gagawing bilateral labor agreement for the deployment of other skills. Ibig sabihin ay iyong skilled workers po natin ay kinakailangan din ng bansang Germany.

Ang usual markets po natin ng factory workers – ang Korea at Taiwan – ay nangangailangan ng maraming factory workers.  So, ito po iyong ilan lamang sa mga traditional at saka emerging markets po natin na nangangailangan po ng mga OFWs.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Admin sa deployment naman po ng ating mga health care workers, gaano ba karami iyong ating na-deploy mula sa kanilang hanay pagpasok po nitong taon? At maaari po ba nating i-request daw po iyong pagtataas ng tinatawag na deployment cap kung sakali daw pong maabot na kaagad ang isinet na limit bago daw po matapos ang 2022?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Usec, alam naman po natin na panahon pa po ng pandemya, kaya po mayroon tayong tinatawag na deployment cap sa ating deployment ng HCWs particular na po ang nurses ‘no. Sa ngayon po, ang pinaiiral po na deployment cap ng ating IATF ay 7,500 for 2022. Na-increase po ito noong last year na umangat, from 5,000 ay naging 6,000. So, ngayon po ay 7,500 ‘no. Mula po Enero 2022 hanggang Mayo ng kasalukuyang araw, umabot na po ng mahigit 2,000 iyon pong na-deploy po natin na HCWs. Karamihan po diyan, mga nurses ‘no.

At dahil inaasahan po natin na nagluluwag na iyong mga protocols, at tayo naman po ay may mga supply na ng mga nurses dahil ang ating PRC ay nakapag-administer na ng nursing licensure examination last year at saka ngayong taon na ito ay may dagdag na po tayong mga registered nurses, maaari po nating irekomenda sa MCS natin o iyong Mission Critical Skills at doon sa ating Technical Working Group sa IATF na puwede pong iangat na o i-increase po natin iyong deployment cap na 7,500. Dahil sigurado po, pagdating po ng katapusan ng 2022 na ito, mabi-breach po natin iyong 7,500 dahil sa ngayon eh mahigit 2,000 na po iyong nadi-deploy po.

USEC. IGNACIO: Opo. Admin, mayroon lang pong tanong ang ating kasamahan sa media para sa inyo; mula po kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Na-finalize na po kaya ng Department for Migrant Workers ang required staffing pattern and budget proposal for next year para po maging fully constituted ang new agency? If no, kailan po kaya ito expected na ma-complete?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku, napakagandang katanungan iyong kay Sam. Alam po ninyo, mayroon na po tayong transition committee na siya po ang nag-aasikaso sa parating na Department of Migrant Workers. At for it to be fully constituted ay tatlo po iyong requirements doon na nakaayon sa batas ano.

Unang-una, dapat po may IRR o iyong Implementing Rules and Regulations. We are  proud to say na iyong  Transition Committee po, tapos na po iyong IRR at ito po ay nai-publish na at kasalukuyan na lang pong ginagawa iyong dalawa pa, iyong staffing pattern at saka iyong 2023 budget po para sa DMW.

Ang amin pong timeline para po doon sa completion ng staffing pattern ay sinasabi po na two months from the effectivity. So, kung February 3 po iyon, I think June 3 po iyong timeline namin for the submission and completion of the staffing pattern. At pagkatapos po noon, ang gagawin natin ay uupuan naman natin iyong budget ng ating DMW para po ma-approve sa 2023 GAA.

USEC. IGNACIO: Admin, saan daw po at paano naman daw maaaring makontak ng ating publiko ang inyong tanggapan kung sila daw po ay may mga katanungan o nais i-report hinggil sa kanilang overseas employment, Admin?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Opo. Kung may mga problema o may mga impormasyon po kayong kailangan ay puntahan lamang po ninyo ang aming website, iyong POEA website po namin. At kung kayo po ay mayroong katanungan, maaari po kayong tumawag sa aming 24/7 hotline, ito po iyong 8-722-1144 at 8-722-1155. Puwede rin po kayong mag-email sa aming Legal Assistance Division ng POEA, doon po sa lad@poea.gov.ph. Puwede po kayong mag-email diyan at may mga tutugon po sa inyo na mga lawyers po namin kung kayo po ay nangangailangan ng legal assistance.

USEC. IGNACIO: Admin. Bernard, nasa inyo po ang pagkakataon na magbigay po ng mensahe, at paalalahanan po ang ating mga OFWs na nais magtrabaho pa rin sa ibang mga bansa. Go ahead po, admin.

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Muli po, Usec, salamat po sa paanyayang ito. At sa mga OFWs po natin na nagnanais magtrabaho muli sa abroad o iyong mga nag-a-aspire po na maging OFWs ay tandaan po ninyo: Iwasan ninyong maging biktima ng illegal recruiters. Talamak po ngayon ang social media online scammers po natin, kaya iwasan po ninyo. Paano po ninyo maiwasan? Pumunta po kayo sa aming official website, alamin po ninyo na lehitimo po iyong trabaho at rehistrado po iyong job orders. Kung kayo po ay ni-recruit ng isang agency, tingnan po ninyo iyong pangalan, address doon po sa aming official website. Kung may mga katanungan po kayo, tumawag po kayo sa amin, huwag na kayong mag-atubili at nang sa ganoon ay makakatulong po kami para maiwasan nating maging biktima ng mga illegal recruiters po. Muli, salamat po.

USEC. IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Administrator Attorney Bernard Olalia mula po sa POEA.

Samantala, sa harap ng pagbuti ng COVID-19 situation ng bansa, ekonomiya ng bansa, lumago sa 8.3% sa unang bahagi ng taong 2022. Ang ulat mula kay Naomi Tiburcio. Naomi.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Naomi Tiburcio.

Samantala, alamin naman natin ang update sa canvassing ng mga boto sa pagka-senador at party-list groups. Ihahatid sa atin iyan ni Allan Francisco. Allan.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, Allan Francisco.

May alok na programa naman ang Department of Trade and Industry sa mga MSMEs na nais mas palaguin pa ang kanilang kita. Isa po riyan iyong kanilang pagbibigay ng trainings sa mga interesadong negosyante.

Para po pag-usapan iyan, makakasama po natin si Miss Nelly Nita Dillera. Executive Director ng Philippine Trade Training Center, Department of Trade and Industry. Magandang umaga po, ma’am.

DTI-PTTC EXEC. DIR. DILLERA: Magandang umaga po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning po. Director, paano po nakatulong ang Philippine Trade Training Center dito sa mga negosyante natin?

DTI-PTTC EXEC. DIR. DILLERA: Ang Philippine Trade Training Center po ang training arm ng Department of Trade and Industry.

So, kami po talaga iyong nagbibigay ng training para po matulungan iyong ating mga entrepreneurs at iyong mga negosyante.

Gusto ko lang i-differentiate baka may nalilito kasi ang TESDA is also under DTI. Kung ang TESDA po ang binibigay nito ay iyong mga skills training. Halimbawa, paano po magluto, iyong culinary, iyong mga ganoong klaseng technical training.

Sa PTTC naman po kung gusto po ninyong gawing skills, gusto ninyong gawing negosyo iyong inyong skills, halimbawa sa pagluluto or sa animation, gusto ninyong gawing negosyo ito, iyon  po ang binibigay na programa po naman ng Department of Trade and Industry ng Philippine Trade Training Center.

So, ang programa natin, Usec, nagpu-focus po kami dito po sa business management, business development, marketing, finance and accounting, pati na rin po iyong business operations. So, even human resource or human capital developments.

So, alam naman natin na ang mga negosyante, iyon pong ating mga entrepreneurs na sinasabi ay mayroon po sila noong mga aspeto na nabanggit ko, nagma-market, nag-o-operate ng kanilang mga negosyo, may finance and accounting rin sila, at mayroon rin po silang business development kumbaga iyong promotion naman ng kanilang mga produkto.

USEC. IGNACIO: Ma’am, Miss Nelly, paano naman daw po natulungan nitong mga food processors na gusto daw pong makabenta ng products sa mainstream market gaya po ng malls?

DTI-PTTC EXEC. DIR. DILLERA: Okay. Ang isa po sa priority sectors talaga natin ay itong processed food dahil ang dami nito sa Pilipinas ano, ang dami nating raw materials.

Training again ang pasok po natin kasi isa po sa mga requirements even before iyong isang food processor ay makapasok sa mga mall, or makapasok sa mga department store, isa po sa mga requirement nila ay dapat mayroon po silang license to operate or certificate of product registration na magmumula po sa Food and Drug Administration.

So, ang Philippine Trade Training Center po, ka-partner po natin ang Food and Drug Administration para po mag-implement ng mga training programs para sa ating mga MSMEs. Kasi importante po halimbawa iyong food safety at iyong quality ay kailangang masiguro ng ating mga consumers iyong mga produktong ito para naman secured din sila o masiguro rin na iyong kakain nito, iyong mga consumers nito ay masiguro talagang quality iyong food products.

Pangalawa dito, kailangan tama rin po iyong packaging and labeling nila. Kasi siyempre minsan iyong reaction

nung product doon sa packaging and siyempre doon sa label because

We’re also communicating doon sa ating mga consumers kung anong mayroon iyong isang food product and even iyong information sa label na kailangan po nating isama especially when we are exporting this.

So, iyon po. So, sa pag-produce po ng mga produktong ito

kung saan nandoon iyong ating food processing plant ay kinu-consider din natin sa food safety.

So, ganoon po, even before the marketing kasi when we talk about marketing naman po, iyong talagang isasama na doon sa mga online platform, may National Trade Fair, mayroon naman pong isang ahensiya naman ng government, ng DTI pa rin po na nagbibigay po ng ganitong klaseng assistance.

USEC. IGNACIO: Opo. Director Dillera, my apologies po kanina. Pero ano po ang sinisiguro ng ating Food Connect Program?

DTI-PTTC EXEC. DIR. DILLERA: Ayun po ano kasi sabi nga natin itong pandemya talagang ang daming pumasok into food processing at nagbebenta online.

So, isa sa sinisiguro natin dito ay iyong quality, hindi lang iyong quality kundi iyong safety noong mga consumers. So, sometimes kasi hindi maiiwasan sa plant, kapag hindi natin natingnan iyong planta natin o kahit na sabihin na lang natin kitchen kasi kapag sinabi nating planta baka magulat naman iyong ating mga SME medyo malaki iyong target pero ang target talaga natin ay micro.

So, minsan nahahaluan nung pisikal, minsan may nahahalong bato kaya or whatever dahil hindi maayos iyong layout nung kaniyang plant or kitchen niya. Minsan naman may nahahalong kung anong mga microbes dahil hindi nasunod kung ano iyong dapat na tagal for example noong exposure ng isang produkto na hindi naka-freeze or hindi naka-frozen, iyong ganoong klase. So, may mga ganoong mga instances na kailangan tinitingnan din po natin.

So, lahat nung mga bagay na ito po ay tinuturo natin sa mga entrepreneurs para masiguro na iyong produktong pinu-produce nila ay walang physical kung anong mga bato kaya or dahon, or tinik or whatever na naihahalo sa kanilang produkto. And at the same time walang naihahalo ring mga kung anong mga liquid na hindi dapat doon sa produkto. And in that case, nakikita natin na masisiguro talaga iyong safety ng ating mga consumers.

USEC. IGNACIO: Opo, Director. Pero ano daw po iyong dapat malaman ng mga food processors para maging competitive?

DTI-PTTC EXEC. DIR. DILLERA: Okay. Ito po dito ‘no, iyon na nga, iyong Food and Drug Administration’s License To Operate and Certificate Of Product Registration are actually third-party certification. Kasi Food and Drug mismo ang titingin doon sa kanilang mga planta para nga masiguro iyong safety and quality.

Now, kapag may ganoong license and certificate iyong ating food processor, it already communicates na ang produktong ito ay safe and of good quality. So, in that case naman po ulit, magiging competitive sila dahil una, iku-compare iyong kanilang food product with other food products na hindi po dumaan or wala po nitong License To Operate or Certificate Of Food Product Registration mula sa Food and Drug Administration. Malaki po iyong pagkakaiba nito. Kumbaga, ito iyong titingnan ng ating consumers na ma-ensure sila na talagang safe and of good quality iyong mga food product and because of that, iyong competitiveness nila hindi lang doon sa area nila or doon sa region nila, kung hindi nationally ano.

Mayroon din po tayong mga programa naman para naman doon sa gustong mag-export ng kanilang mga produkto. Again, it’s a third party certification para ma-ensure na iyong ating food products are of good quality and safe po.

So again, even iyong ating international markets or international buyers ay tinitingnan nila itong mga ganitong nakalagay sa label ng ating food processors na sila ay certified, na sila ay may lisensiya para masiguro nga iyong produktong binibili nila dahil hindi naman po sila nakakarating doon po sa mga locations kung saan pinu-produce iyong mga products. But because of this, once na nandoon na sa label ng ating food processors iyon na po iyong indication na dumaan po sa tamang proseso iyong ating pong mga produktong pagkain.

USEC. IGNACIO: Opo, Director, ano pa raw po iyong mga bagong programa ng PTTC para po mas maging responsive sa pangangailangan ng MSMEs [habang] nasa gitna pa rin tayo ng pandemya?

DTI-PTTC EXEC. DIR. DILLERA: Thank you very much Usec, talagang pinipilit po nating maging responsive. Una po, katuwang natin ang sampung government agencies. Isinakatuparan po natin or in-introduce po natin iyong development ng Philippine Skills Framework. Nagkaroon po tayo ng partnership with Singapore, okay.

Iyong Philippine Skills Framework po, ang ganda nito, kasi skills development documents siya. Kung mayroon kayong career na tinitingnan, sa animation kaya o kaya sa game development or sa food processing, makikita na po natin dito iyong iba’t ibang position, kung baga career ano, sa animation or even sa lifestyle or even sa pag-produce ng kung anu-anong mga bagay.

And in addition to that, mayroon din po tayong kung baga, ano ba iyong kinakailangang trabaho o iyong kinakailangang malaman noong mga humahawak ng position na iyon and ano iyong skills and competencies na kailangan doon, and may corresponding training program po na ibibigay ang different government agencies.

Like DTI – tayo po iyon, ng PTTC, ang TESDA, ang DepEd, ang CHED, DOLE at marami pang iba. Pero, other than that po – iyong sa Philippine Skills Framework – sa PTTC naman po mayroon tayong training programs para doon sa gusto pa lang, aspiring entrepreneurs na nag-isip na gustong mag-open ng kanilang negosyo, tinatawag po natin itong ASCEND. Mayroon din po tayong ASCEND Aspiring, ASCEND Domestic o iyon pong nagbebenta ano po dito po sa domestic market at mayroon din po tayong ASCEND Exporters. Iyong food connect po, very specific po para sa ating food processors.

Iyong DigiFab naman po, ito iyong mga entrepreneurs na nag-iisip kung ano iyong mga bagong produkto. Halimbawa, ano ba ang craft products pero gusto nilang mag-develop ng bagong design. Mayroon po tayong mga equipment dito, 3D printing, may mga CNC router na puwede po nilang gamitin para po maka-develop sila ng mga bagong produkto.

At mayroon din po tayong online training programs po na available sa ASEAN SME academy para po doon sa mga gustong matuto anytime, anywhere sa pamamagitan lang ng paggamit ng kanilang mga cellphones. Marami po silang matutunan na training at libre po ito sa ASEAN SME Academy, nasa PTTC websites din po.

And finally po iyong Payong app, it’s an application. Again, ang content nito ay training program, but this is intended para doon po sa mga MSMEs, mga entrepreneurs na naghahanda. Kailangan nating maging handa palagi dahil hindi natin alam kung kailan dumarating iyong mga sakuna, natural man ito or man-made or ito nga, health pandemic.

So, iyong Payong App po mayroon po siyang content kung ano po iyong mga kailangan po nating malaman na mga training programs para naman po maihanda po natin iyong nating mga sarili.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, para malinaw lang: Lahat po ng mga programa under PTTC ay libre po ba iyong lahat ng training?

DTI-PTTC EXEC. DIR. DILLERA: Mayroon po tayong mga programs na binibigay pong libre, pero mayroon din po tayong with a fee, Usec, ano. Kasi ang business model po ng PTTC, hindi po kumbaga full iyong budget naming program with DBM, kasi nga gusto rin naming mag-operate as a business entity.

So, may registration fee pero because we are a government agency, subsidized po siya, hindi po ganoon kalaki iyong registration fee. But sometimes we partner with the institutions, like for example ay Department of Trade and Industry sa mga regions dahil may mga budget din po sila para sa training, we tap on these budgets, so sila po ang nag-o-organize with PTTC, ng training para doon sa mga MSMEs sa mga areas nila para maibigay po itong libre.

So, ganoon po, mayroon kaming libre at mayroon din po kaming with registration fee dahil ginagamit naman po natin iyong registration fee na pambayad po naman natin ng ating mga resource persons who are really experts dito po sa mga industriya.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay-impormasyon at panahon sa ating programa, DTI Executive Director Nelly Nita Dillera. Maraming Salamat po, Ma’am.

DTI-PTTC EXEC. DIR. DILLERA: Thank you. Thank you very much, Usec.

USEC. IGNACIO: Ilang mga residente sa Caloocan City hinatiran ng ayuda ng tanggapan ni Senador Go. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dumako naman po tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan. Puntahan natin si Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming Salamat sa iyo, Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

Sa Davao City kinilala na ang ilang mga nagwaging kandidato sa local elections. Ang report mula kay Claudette Loreto ng PTV-Davao:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.

Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)