Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Pagdiriwang ng ika-isandaan at dalawampu’t apat na anibersaryo ng Philippine Navy, usaping ekonomiya, trapiko – ilan lang po iyan sa ating pag-uusapan ngayong Biyernes ng umaga, ika-labingtatlo ng Mayo.

Manatiling nakatutok, ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Update po sa vaccination rollout at COVID response sa inaasahang muling pagsipa ng kaso ng COVID sa mga susunod na linggo, atin pong pag-uusapan kasama po si Dr. Ted Herbosa, ang Medical Adviser ng National Task Force Against COVID-19. Good morning po, Doc Ted.

DR. HERBOSA: Good morning Usec. Rocky at sa mga nakikinig at nanunood sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, dito po sa nagdaang eleksiyon, ano iyong naging assessment ninyo dito?

DR. HERBOSA: Well, we’re waiting ano, kasi nga ang ating incubation period for any outbreak to happen ay within three to five days ‘no – iyan ang sabi ng ating mga infectious disease specialists. So ito na iyon, this time iyong puwedeng dumami ang number of cases. However, apparently wala tayong nakikita ‘no, na outbreaks or surge of cases… of new cases which is good and which might reflect the high rate ng vaccination na na-attain natin with the vaccination program. So sana ma-booster iyong ating mga kababayan in the next few days kasi nga puwede pa rin talaga kasi iyan, range naman iyan eh – you can still have new cases in these coming weeks.

USEC. IGNACIO: Opo. Magkaganoon man ano, Doc Ted, ini-expect nga na posible pa ring magkaroon ng pagtaas sa cases sa susunod na dalawang linggo na atin pong binabantayan kasunod po ng naging eleksiyon. Pero sa tantiya ninyo, hanggang ilang cases po kaya iyong posibleng pumalo at paano po ang posibleng magiging senaryo [kung] sakali po?

DR. HERBOSA: Well ang binabantayan ng National Task Force ay iyong mga sub-variants. Naalala ninyo mayroon tayong turista na nagdala noong tinatawag na BA2.12 na sub-variant na very infectious, more infectious than BA2 pero mayroon din iyong tinatawag na BA4 and BA5 na ngayon nari-report sa ibang bansa. So, ito iyong ating mga binabantayan and ito kasi are more infectious at may vaccine escape and that’s why nagpu-push tayo noong booster shot ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, nabanggit ninyo na nga po iyan pero may paghahanda na po ba iyong pamahalaan para dito? Ano daw po iyong susunod na hakbang ng NTF especially pagdating sa ating vaccination rollout?

DR. HERBOSA: Oo. Sa ating mga low vaccination rate areas lalo na sa BARMM, gumawa kami ng magandang plano na iyong vaccination teams ay may pupuntahang bawat probinsya kada araw para ma-increase. Kasi kung magkaroon man tayo ng outbreak, the outbreak will most likely be doon sa mga lugar na mababa ang vaccination status.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero hingi na rin kami, Doc Ted, ng update naman dito sa vaccine wastage nito pong sa mga nakalipas na araw o linggo kung mayroon man po.

DR. HERBOSA: Oo ‘no, mayroon na tayong mga hinahanda na idu-donate natin – iyong ating Sputnik vials, both the dose 1 and dose 2 – I think ang total noon mga three million na idu-donate natin. At mayroon na rin tayong… I think one million na nag-expire na Astra na nanggaling sa COVAX, pero ito ay pinangako ng COVAX na papalitan nila. So hinihintay lang natin iyong replacement noon because these were donations naman.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, saan pong lugar dapat maibibigay itong sinabi ninyo pong nag-expire na one million doses?

DR. HERBOSA: Ah, naka-distribute iyan sa iba’t ibang region na ‘no. So, ang shelf life naman nila, after dumating sila from donation by COVAX, dini-distribute iyan from our national warehouse to the different regions. So, iyong mga ganoong date ay tinatabi lang, dalawa ang ginagawa natin diyan: isa, nagri-request tayo sa AstraZeneca na i-extend iyong shelf life kung maganda naman iyong pagka-handle noong product – kung minsan in-extend iyan, may ginawa na silang dating ganiyan; at iyong talagang wala na, talagang lampas na ng shelf life, iyon ‘yung papalitan naman ng COVAX na pinangako nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Dito po sa pagpapalit ng administrasyon, tingin ninyo posible po kayang maipatupad itong sinasabing mandatory vaccination?

DR. HERBOSA: Hindi pa siguro ‘no. Even mandatory vaccination kasi as of now, experimental pa rin ang ating mga bakuna. In fact, ito ang statement ni Secretary Duque ‘no, kailangan hindi naman tayo magmadali – very important to analyze iyong data, na kung ano iyong naging resulta. So, maraming nanghihingi na noong second booster shot and ito’y inaaral ng ating mga vaccine experts kung ito ay ibibigay natin sa ating general population.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, sa paparating na bagong administrasyon, paano po iyong magiging coordination sa usapin ng pandemic response? May pag-uusap na po kaya tungkol dito?

DR. HERBOSA: Well, definitely ang magpapalit lang naman diyan will be the… probably the leaders ‘no, but iyong mechanism ng whole-of-government – Department of Health, ang DILG, iyong mga local government – pareho pa rin iyan. Pero hindi naman mapapalitan iyong mga personnel namin na matagal nang na-train, alam na iyong ginagawa at alam na iyong proseso ng vaccine administration. So, I think it will be a smooth transition kasi hindi naman siguro papalitan lahat iyan, ang mapapalitan lang siguro diyan ay iyong mga namumuno.

At sa tingin ko nga, baka iyong mga namumuno ay i-keep din noong mga papalit na Secretary of Health or Secretary of Interior and Local Government. So, ang feeling ko diyan, this will be a—kasama ‘to doon sa… may mga discussions tayo ng transition team eh from the current administration and the incoming administration. So I’m sure, ito ang isa sa mga requests ng Department of Health na ituloy iyong mga programa or polisiya on the COVID-19 response and vaccination na ginawa na para hindi na baguhin at tapusin iyong hindi natapos nitong current administration.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, isunod ko lang po muna itong tanong ni Einjhel Ronquillo ng DZXL-RMN: Iyon daw pong three million doses na Sputnik na idu-donate, saan po ibibigay na bansa? At maliban daw po daw Sputnik, mayroon pa po bang ibang bakuna na idu-donate? Ilan po at saan daw pong bansa?

DR. HERBOSA: So, so far alam ko ang Department of Foreign Affairs ang nag-aayos ng ating mga papeles for this donation. Ang una kong narinig na information and this can change, is doon sa ating mga ASEAN neighbors ‘no – I think Laos, Cambodia, Myanmar were mga target countries to receive these kasi kulang sila ng vaccines – Myanmar I think specifically for Sputnik. And then may na-mention din na African countries that want them, so iyon ‘yung current situation. I’m sure kung mayroon pang mga puwedeng i-donate, idu-donate natin pero of course ang gusto natin, magamit natin iyan sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, ano na lamang po iyong paalala ninyo sa susunod na administrasyon at saan po dapat na mag-focus sa unang isang daang araw nito sa usapin ng pandemya?

DR. HERBOSA: Well ako, ang advice ko sa mga susunod na papalit sa amin ay ituloy pa rin itong COVID vaccination, ano. Ito ang nagdala sa atin sa sitwasyon na mayroon tayo ngayon, Alert Level 1. Nakapag-hold tayo ng malawakang national elections because our cases were only 100 plus daily, ‘no. So, nakita natin iyong result ng massive vaccination drive nitong nakaraang taon. And I do hope ma-continue iyong target namin na 90 million ng population natin ay may two doses at mayroon ding booster iyong mga dapat makakuha ng booster, mabigyan ng booster. Ito ang pinakaimportante sa first 100 days noong next administration.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, kunin ko na lamang iyong paalala ninyo sa ating mga kababayan at doon sa mga hindi pa nagpapa-booster. Go ahead po, Doc Ted.

DR. HERBOSA: Unang-una iyong mga hindi pa nagpapa-booster, ibig sabihin noon kung kayo po ay may two doses at iyong second dose ay more than three months na, puwede na po tayong magpa-booster shot ‘no sa ating vaccination site. At kung mayroon naman tayong mga kamag-anak diyan na immunocompromised – may cancer, may HIV, may transplant – sila ay puwede nang tumanggap ng second booster shot four months mula noong kanilang unang booster shot. At para sa hindi pa nagpapabakuna, sana magpabakuna na sila habang marami ang bakuna even before makapasok iyong mga bagong sub-variants dito sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga – Dr. Ted Herbosa, ang Medical Adviser ng NTF Against COVID-19. Salamat po, Doc Ted.

DR. HERBOSA: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Isang kababayan natin mula sa Sta. Maria, Bulacan ang natulungan ng Malasakit Center kamakailan. Muli namang nagpaalala si Senator Go na sa oras ng medikal na pangangailangan ay may Malasakit Center na malalapitan. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Habang patuloy ang pagbangon ng bansa mula sa epekto ng pandemya, ano kaya ang mga inaasahang pagbabago at tatakbuhin ng ekonomiya sa ilalim ng bagong administrasyon? Kaugnay niyan ay makakausap po natin si Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion. Good morning po, Secretary. Welcome back po sa Laging Handa.

SEC. CONCEPCION: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, kumustahin ko po muna iyong assessment ninyo sa katatapos na halalan?

SEC. CONCEPCION: Well sa tingin ko, definitely, ito ay clean and honest election, halos walang gulo. At nakita naman natin dito na iyong kinalabasan ng resulta, halos naka-match din sa mga iba’t ibang surveys na ginawa bago itong halalan. So sa tingin ko, narinig natin iyong pananaw ng mga underprivileged dito sa eleksiyon na ito kasi ang daming bumoto dito sa election [na ito] kay BBM. Nakikita nila siguro, si BBM ay tutulong dito sa mga maliliit na negosyo ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, ano iyong maaaring i-expect dito sa usaping pang-ekonomiya sa pagpasok ng bagong administrasyon, sa ilalim po ni presumptive President Bongbong Marcos?

SEC. CONCEPCION: Well, siyempre tinamaan tayo ng pandemya, umutang tayo ng mas malaki. Ngayon ang outstanding debt natin ay nasa 12.68 trillion, at puwede itong tumaas by the end of 2022 sa 13.2 trillion dahil sa ginawa ng Duterte administration para i-prevent tayo sa [economic crisis] dito sa pandemic na ito. So halos lahat ng mga bakuna, lahat ng mga testing equipment, testing kits, marami diyan ang ginastos para at least maprotektahan ang lahat ng Pilipino.

So tuloy pa rin iyong Build, Build, Build project ni President Duterte. So, isang malaki na – ang tawag namin diyan – capital expenditures, importante rin iyan para tuluy-tuloy ang pag-unlad ng economy. At kailangan ay may mga investments tayo sa infrastructure na malaking bagay iyan [para] sa mga farmers natin dito sa agrikultura na mas malapit sila sa market place.

So, siyempre hindi tayo puwedeng tumaas na sa alert level [2] ‘no, [ngayon ay] naka-Alert Level 1 tayo. Dapat siguro mawala na rin ang alert level. Nakita natin iyong growth kasi na 8.3% nitong January to March ay dahil talagang binuksan na natin ang economy. Iyong last quarter, halos 7.5%, 7.7% ang growth. So nakikita natin, importante talagang buksan ang economy – lahat ay umaarangkada, pati iyong maliliit na negosyante – para tuluy-tuloy [ang paglago ng ekonomiya] at makakabayad tayo sa mga utang na nakuha natin dito [sa panahon ng] pandemya para sa mga capital expenditure dito sa roads, bridges at iba pa na importante iyan para tuluy-tuloy ang economic growth.

So, for us to continue, we have to continue to invest at iyan, ang nangyari dito sa Duterte Administration ay iyong ‘Build, Build, Build’ projects natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, in terms of international partners at investment, ano rin po iyong mga inaasahang mangyayari sa ilalim po ng bagong administrasyon?

SEC. CONCEPCION: Well, siyempre marami rin ang naghihintay kung sino ang bagong Gabinete ni President Marcos at makikita kung lalabas na ang mga pangalan, then more people will have visibility – importante rin iyan. At ang tingin ko, malapit na sigurong lumabas iyong mga posibleng [miyembro ng] Gabinete.

And iyong mga programs ni President Marcos, siyempre itutuloy pa rin niyan ang mga magandang ginawa ni President Duterte ‘no. At dito sa health, itong ginagawa ng private sector, tutulong din kami dito kay President Marcos na itong health ay kailangang alagaan. Itong mga bakuna, kailangang gamitin ng mga tao natin, kasi nakikita natin sa South Africa, iyong mga bagong variants ay tumataas. So kailangan, kung gusto nating mas umunlad iyong economy at naglagay na tayo ng malaking pera dito sa mga imprastruktura ay kailangan hindi puwedeng mag-lockdown tayo uli or tumaas iyong mga alert levels. Kasi kung mangyari iyan, paano natin babayaran itong mga inutang natin. So kailangan, [kasi] maganda na ang momentum,

So, iyon ang advice namin kay President Marcos. At alam naman niya ang importansiya dito sa mga maliliit na negosyante. Sinabi ko sa kaniya, kailangan mas inclusive ang economy natin ‘no. At narinig natin ang boses ng [mamamayan], iyong mga underprivileged at underrepresented na talagang ang lakas [ng] boto nila. Ibig sabihin, nakikita nila na may pag-asa dito sa bagong presidente. So importante na tulungan natin si President Marcos na magtagumpay dito kasi nakasalalay dito iyong future ng kabataan natin. And we want them to believe that the Philippines will continue with its investments grade rating ‘no. At tuluy-tuloy pa rin ang investment grade rating kaya importante ang growth.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, nag-uumpisa pa nga lang pong bumangon ang ating ekonomiya dito po sa epekto ng pandemya, pero ano po ang tingin ninyo, aside po sa sinasabi ninyong healthcare, ano pa iyong crucial na dapat pagtuunan po ng pansin ng incoming administration?

SEC. CONCEPCION: Well, karamihan kasi ng negosyante dito ay ang mga maliliit na negosyante ‘no, itong mga micro at small, halos 99% ng buong [business] sector iyan. Iyong malaking negosyante katulad namin, mga one percent lang kami, pero mas malaki ang negosyo namin kaysa maliit ‘no. So kaya kailangan ang tulong natin sa mga maliliit na negosyante ay tuluy-tuloy ang pagbibigay ng financing sa kanila kasi marami sa kanila ay tinamaan ng pandemya at kulang sila sa working capital.

So isang malaking bagay ang pagpapautang sa mga maliliit na negosyante, [dahil] nag-i-employ [sila] ng 60% ng workforce natin. So iyon ang tingin ko. And siyempre iyong mentorship at iyong market, malaking bagay iyan, tulong ng private sector dito sa Go Negosyo na tumutulong dito sa pagbibigay ng mga mentorship.

At dito sa marketplace naman, kasama na natin dito ang mga digital platforms na malaking tulong iyan sa mga maliliit na negosyante. At nakita natin dito sa pandemic na maraming tumawid na rin dito at maraming training ang ginawa ng private sector para sa mga maliit para sa mga maliit na negosyante para gumamit ng mga digital tools para puwede silang magbenta ng mga produkto nila online at matuto rin dito sa mga online mentoring namin na ginagawa kasama ang DTI [upang] maging inclusive ang economy natin.

At sana itong crisis dito sa Ukraine at Russia, ito ay isa pang malaking problemang nabibigay sa mga katulad namin na mga negosyante. Ang hirap at sobrang taas ng mga commodity prices ngayon, ‘no. Asukal, trigo, lahat iyan [ay] talagang tumaas. Nakikita natin ang presyo ng energy, ng electricity [ay] tumataas, iyong fuel, lahat.

So, ang sinasabi ng ibang ekonomista na posibleng mangyari itong stagflation kasi kung lahat ng price increase ay ipasa natin sa consumer, hihina ang pagbili nila, so, hihina ang benta. Doon makikita ang beginning of stagflation. Ang dahilan niyan ay dito sa Ukraine-Russia crisis ngayon, iyong giyerang nangyayari diyan ay talagang malaking problema dito ngayon sa buong mundo.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ilang mga bansa na nga po iyong nagbigay ng pagbati kay BBM kabilang na po iyong Amerika at China? Do you think sign po ito ng maganda at pagkakaroon ng mas matibay na economic relation? Ano po ang masasabi ninyo dito?

SEC. CONCEPCION: I think, dapat ituloy ni President Marcos iyong ginawa ni President Duterte. Ang relationship natin with China ay maganda. Dito sa relationship sa Amerika sa palagay ko [ay] malaking opportunity ito at malaki ang maitutulong dito ng Amerika sa atin.

At itong foreign policy natin [ay] importante talaga. Ang importante dito kasi ay ang mga investors, ‘no at kung makita ng government na maganda, transparent at mahusay itong incoming administration, mas maraming papasok dito na foreign investors.

At ang ginawa naman ng economic team ni President Duterte ay talagang niluwagan na nila ang entry ng mga foreign investors dito sa bansa natin. Importante rin iyan para at least hindi lang local investors, katulad namin, ang mag-i-invest.

Marami din diyan sa ibang bansa na gustong pumasok at kung makita nila itong programa ni President Marcos ay talagang mas klaro, mas transparent, mas maraming tao, mas maraming investors ang papasok. Iyon ang kailangan natin para tuloy-tuloy ang growth natin at tuloy-tuloy ang ginhawa ng mga citizens natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyan nga po ang susunod nating itatanong sa inyo, ano po iyong magiging paalala ninyo sa susunod na administrasyon pagdating po dito sa sinasabi nating investor confidence?

SEC. CONCEPCION: Well, ang tingin ko naman ang pipiliin ni President Bongbong ay ang pinakamagaling dito na makatutulong sa administration niya, ‘no. So, hintayin natin ang resulta noon.

At iyong record na 31 million votes para kay President Marcos [ay] malaking bagay iyan. Halos …we have not seen that in extremely long time or maybe this is the first time that we have seen such a result. Halos doble sa bumoto kay President Duterte. So, mas mataas iyong mandate.

At sinabi namin, may press release kami …na importante iyong unity natin eh. Lahat tayo dapat tumulong dito sa administrasyon ng President Marcos kasi kahit bumoto tayo kay Leni Robredo, sumagot na ang lahat ng majority ng Filipino. So, importante [na] we should be united kasi greater prosperity can happen kung lahat tayo are working together.

So, hopefully, we will have a less friction between the administration and the opposition and more really working towards a common goal considering na itong mga crises dito sa pandemic, sa Ukraine-Russia ay talagang it’s affecting the world and the Philippines ‘no.

So, iyong unity, importante rin iyan ‘no and iyong prosperity [ay] hindi para sa amin lang iyan, kailangan para sa lahat ng citizen dito sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng oras at siyempre sa inyong impormasyon. Secretary Joey Concepcion, Presidential Adviser for Entrepreneurship.

SEC. CONCEPCION: Salamat, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Ilang araw po matapos ang halalan, kumustahin po natin ang mga isinasagawang pababaklas ng MMDA sa mga campaign materials at iba pang usapin. Makakasama po natin si MMDA Chairperson Romando Artes.

Magandang umaga po, Chair!

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Magandang umaga, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, hingin ko lang po iyong overall assessment ng MMDA sa takbo ng naging halalan noong Lunes.

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Generally naman po [ay] nag-deploy po tayo ng mga tao sa iba’t ibang polling precinct to manage the traffic at sa amin pong report, maganda naman po at mapayapa iyong naging botohan dito sa Kalakhang Maynila at wala naman pong any untoward incident na nangyari.

USEC. IGNACIO: Chair, may final decision na po ba ang MMDA kung ano po iyong bagong coding scheme at kung kailan po ito posibleng ipatupad?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Nag-meeting po kami ng Metro Manila Council bago po mag-eleksiyon. Mayroon lang pong hininging mga datos at mayroon pong nai-suggest na further study si Mayor Vico Sotto at ito po ay kasalukuyan naming ginagawa. At iyan po ay pagpupulungan namin once na matapos po iyong further study na iyan at magdi-decide po ang Metro Manila Council kung kailan po ipapatupad itong bagong number coding scheme.

Mayroon din po kasing suggestion na ipagpaliban na po ito at hintayin na po iyong incoming administration. Mayroon din naman pong panukala na every three months [ay] i-review kung sakali pong ipatutupad ito bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.

USEC. IGNACIO: Opo. Dito naman po, Chair, sa napipintong kilos-protesta sa gitna po ng nagpapatuloy na bilangan. Ano po ang nakalatag na plano ng MMDA para daw po mapanatili ang peace and order sa mga lugar kung saan po posibleng isagawa itong kilos-protesta?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Opo. Tayo po ay nakikipag-coordinate closely sa Philippine National Police. In fact, mayroon po ngayon na kasalukuyang rally sa PICC kung saan nandoon ang National Board of Canvassers.

Ang ginagawa po natin, mina-manage po natin ang traffic para po hindi po makaabala sa daloy ng traffic ito pong mga pagra-rally na ito. Dina-divert din po natin iyong ibang sasakyang sa mga alternatibong ruta para hindi po sila mabara sa traffic.

Ganoon rin po, mayroon rin pong isang malaking pagtitipon mamayang hapon sa Katipunan. Nakipag-coordinate naman po tayo sa organizers at magdi-deploy po tayo ng mga traffic personnel para po siguraduhin na hindi po maaabala iyong daloy ng traffic sa Katipunan.

USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Ryan Lesigues ng PTV: Ano daw po ang inilatag na traffic plan ng MMDA sa kahabaan nga ng nabanggit ninyo na nga po, itong Katipunan? Ilan po iyong itatalaga ng MMDA enforcers kaugnay dito sa ‘Thanksgiving’ rally mamaya ni Vice President Robredo at ni Senator Pangilinan?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Opo. Tayo po ay magdi-deploy ng around sixty traffic personnel. Wala po tayong pagsasara na gagawin sa Katipunan dahil ito naman po ay nasa loon ng compound ng Ateneo. Ang gagamitin pong parking ay ang parking lots ng Miriam College at ng Ateneo.

We’ll just make sure po na hindi po mag-spillover sa labas iyong mga tao at ganoon din po iyong mga sasakyan na hindi po sila makaabala sa daloy ng traffic sa buong Katipunan para hindi po mag-traffic.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag po na tanong ni Ryan Lesigues: Ano daw po ang paalala ninyo sa mga dadalo na supporters at mga maaabala na mga motorist?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Opo. Unang-una po, sa mga motorista, kung makakaiwas po tayo dito sa pagdaan sa Katipunan ay gawin po natin. At doon naman po sa dadalo ng rally whether or not maglalakad lang sila or may dalang sasakyang, siguraduhin po natin na sumunod po tayo sa batas trapiko; sundin po natin iyong instructions ng mga enforcers na atin pong itatalaga nang sa gayon ay hindi naman po tayo makaabala sa iba pang mga motorista.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, kayo ba ay may estimate or iyong sa tingin ninyo na posibleng pumunta dito sa mga isasagawang rally na ito?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Wala pong ibinigay na estimate ang organizers. Pero we expect po, base doon sa mga nakaraang rallies po ni VP Leni, na marami pong dadalo dito sa pagtitipon na ito.

USEC. IGNACIO: Kumusta naman daw po ang mga isinasagawang pagbabaklas ng mga campaign materials ng MMDA sa Metro Manila? So far, ilan daw pong porsiyento na iyong mga nasusuyod ng MMDA?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Medyo marami-rami na rin po tayong napupuntahan. Inuuna po kasi natin iyong mga eskuwelahan. Pero napakarami po talaga ng mga campaign materials na nakukuha natin. Sa isang araw po siguro nakaka-18 to 20 tons po tayo ng campaign paraphernalia. Kaya nga po tayo ay nananawagan na rin po sa ating mga kandidato, whether or not nanalo or natalo, na tumulong po sa pagbabaklas nito pong mga campaign materials na ito, para sa ganoon, ito po ay hindi kumalat at eventually mauwi sa mga kanal at sa estero na pagmumulan po or magiging sanhi po ng pagbaha pagdating po ng tag-ulan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po iyong susunod na tanong nila: Saan daw po dadalhin at ano daw po ang gagawin sa mga makokolektang tone-toneladang campaign materials?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Opo. Unang-una po ay iyong mga makakapal po na tarpaulins, nakipag-ugnayan po sa atin ang Ecowaste Coalition, in fact, nagpulong na po sila noong isang araw ng aming mga tauhan, para po iyong makakapal po at magaganda pa pong tarpaulins ay magawa pong eco-bags. At iyon naman pong maninipis at hindi pupuwedeng gawing eco-bags ay dadalhin po natin sa ating waste granulator, ito po ay gigilingin at gagawin pong sangkap sa paggawa ng hollow blocks at eco-bricks na siya naman pong gagamitin natin sa mga dini-develop po nating mga pocket parks dito sa Kamaynilaan.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, kunin ko na lamang ang paalala ninyo sa ating mga kababayan at siyempre, iyon pong mga sasama mamaya?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Opo. Doon po sa ating mga kababayan na pupunta po sa mga pagtitipon, lalung-lalo na po iyong sa Katipunan, kami po ay nananawagan na sana po gawin nating maayos, orderly at peaceful iyong ating pagtitipon at sana po ay sumunod pa rin tayo sa batas-trapiko nang sa ganoon ay hindi po tayo makaabala ng ating mga kababayan, lalung-lalo na po, since ito pa po ay gagawin sa hapon, lalung-lalo na po iyong mga umuuwi. Dahil pagod na po sila sa trabaho, tapos natatrapik pa. Sana po ma-consider po natin iyon. Iyon lamang po, Usec. Rocky at magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, kami po ay nagpapasalamat din sa inyo. Maraming salamat, MMDA Chairperson Romando Artes.

Samantala, mahigit sa kalahati ng mga certificate of canvass sa pagka-senador at partylist groups ay nabilang na ng COMELEC na tumatayo bilang National Board of Canvassers. Ang update sa PICC alamin natin mula kay Mark Fetalco, live:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa iyo, Mark Fetalco.

Sa ikatlong linggo ng Mayo, ipagdiriwang ng Philippine Navy ang ika-124 na anibersaryo. Preparasyon kaugnay diyan, at kanilang operasyon ay atin pong kukumustahin. Kasama po natin si Commodore Joe Anthony Orbe, ang commander ng Offshore Combat Force ng Philippine Navy. Magandang umaga po.

Commodore, magandang umaga po. Can you hear me? Mukhang hindi pa tayo naririnig ni Commodore. Babalikan po natin siya maya-maya lamang.

Nilinaw po ng kampo ni presumptive Vice President Sara Duterte na walang napag-uusapan ang mga kinauukulan kung ano po ang magiging prayoridad ni Mayor Sara, kapag siya ay nanungkulan na bilang Kalihim ng Department of Education. Ito po ay taliwas sa isang pahayag ni Atty. Bruce Rivera na umano’y magiging first priority ng Bise Presidente kapag siya ay naproklama na ay ang pagsusulong ng mandatory ROTC. Bagay po na itinanggi ng tagapagsalita ni Mayor Sara Duterte na si Atty. Christina Frasco.

Giit po ng kampo ni Mayor Sara, bagama’t nasasabik na ang presumptive Vice Presidente sa paglilingkod bilang DepEd Secretary, iginagalang niya ang transition process. Kaya’t anumang policy discussions ay dapat isagawa pagkatapos ng proklamasyon.

Balikan na po natin si Commodore Orbe. Commodore, good morning po. Naririnig na po ninyo kami? Opo, babalikan po natin, mukhang hindi po tayo naririnig ni Commodore Orbe. Commodore, can you hear us? Okay, balikan na lang po natin.

Mga residente ng Samal Province [ang] personal na binisita ni Senator Go, na kabahagi naman po ang mga ahensiya tulad ng DSWD, sa pamamahagi ng assistance sa mga piling benepisyaryo. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Lokal na pamahalaan ng Davao City, namahagi ng libreng bigas para po sa mga residenteng magpapa-booster dose. Paraan ito ng LGU para mas marami pa po ang mahikayat na magpabakuna. Ang detalye sa report ni Julius Pacot ng PTV-Davao:

[NEWS REPORT]

PART 5, LAGING HANDA, MAY 13, 2022

USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Commodore Orbe ng Philippine Navy. Commodore, good morning po.

PN COMMODORE ORBE: Yes, ma’am. Good morning.

USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, ano po iyong naging role ng Philippine Navy sa katatapos lang po na eleksiyon? At kumusta po ang assessment niyo dito?

PN COMMODORE ORBE: Yes po, ma’am. Kami po ay nag-augment doon sa ating law enforcement agencies particularly sa Philippine National Police. Nagdagdag po kami ng mga tropa namin para magbantay doon sa mga selected spots na in-assign po sa amin to ensure a peaceful election.

USEC. IGNACIO: This week ika-124 anibersaryo ng Philippine Navy. Kumusta na po ang estado ngayon ng ating naval force? Paano po ito nag-improve sa nakalipas na anim na taon sa ilalim po ng Duterte administration.

PN COMMODORE ORBE: Opo, tama po iyon. Iyong ating Navy anniversary ay sa May 20 po. And for the past six years ay nakita natin na iyong Philippine Navy especially among the Armed Forces dito sa [frigate] service natin is that malaki po ang kaniyang pagbabago at ang kaniyang improvement.

Ako po ang pinuno ng Offshore Combat Force. Under po sa aking pamunuan iyong dalawa nating [unclear] na dumating. Dumating na po iyong kaniyang surface-to-air missiles ganundin po iyong kaniyang surface-to-surface missiles.

Ito iyong mga technology po na bago lang talaga sa atin. Wala nito ever since. This is the first time that we are having this capability at malaki po ang maitutulong nito sa ating Sandatahang Lakas particularly sa Philippine Navy po upang magampanan niya iyong kaniyang tungkulin to defend the sovereignty of our country po.

USEC. IGNACIO: Opo. Commodore Orbe, may mga programa po ba na inihanda rin ang Philippine Navy para po sa inyong anniversary celebration?

PN COMMODORE ORBE: Opo, ma’am. Basically, magkakaroon kami ng simple program lang and then hindi lang ito po mangyayari on the 20th of May but in fact for the past few weeks mayroon na po kaming mga activities na nagawa.

On the 20th of May, magkakaroon po tayo ng parang send-off ceremony noong ating bagong kagamitan. Missile equipped na multipurpose na attack craft. Ise-sendoff po natin ito, idi-deploy po natin among others.

Ganundin po sa Offshore Combat Force naman, we have tested our [unclear]. Isa po dito iyong [unclear] na automatic cannon natin. And then we’re also preparing, although hindi ito magaganap ngayong May celebration, but we are preparing to test and fire our surface-to-air missiles po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Commodore, puwede niyo po ba kaming bigyan ng detalye dito po sa capabilities at characteristics nitong mga nabanggit ninyong mga bagong gamit natin?

PN COMMODORE ORBE: Opo. Itong ating Jose Rizal-class frigates, equipped po ito ng mga gamit, kagamitan, mga sandata. It’s capable for anti-air, anti-surface, and anti-submarine and electronic warfare.

So, tulad ng nabanggit ko kanina mayroon po tayong surface-to-air missiles. Ito po ay magagamit po natin to neutralize, destroy iyong air threats. Puwedeng missile or puwedeng eroplano seeking to destroy our ship.

Also, mayroon po tayong torpedoes. Pang-under water warfare naman po ito, ma’am. Halimbawa, submarines. Puwede natin itong gamitin. And then mayroon din po siyang surface-to-surface missiles. Ito naman po ay designed para naman sa mga surface targets, halimbawa, barko ng kalaban up to 180 kilometers kaya po natin siyang i-engage to defend our ship.

Also, mayroon po siyang 76-millimeter gun. Purely defensive weapon against air threats or missiles but at the same time puwede rin po siyang gamitin against other enemy vessels, such as surface ships.

Maliban po diyan mayroon po siyang tinatawag na electronic warfare suite na magagamit po natin para depensahan iyong ating platform, itong mga frigates na ito.

At mayroon din po siyang decoy launching system para po lituhin kung anuman iyong, halimbawa po, ikaw ay mayroong missile threat na ii-employ against sa iyo. Gamitin mo itong decoy launching system para hindi ka makita sa radar nila or doon mapunta iyong incoming missile.

So, ito po ang mga bagong kagamitan, bagong sandata na nasa ating mga frigates na hindi natin makita doon sa mga dine-commission na ng Philippine Navy na mga vintage, World War II ships.

USEC. IGNACIO: Opo. Commodore Orbe, ako po ay talagang namamangha dito sa mga nakikita ko ring video sa ating mga bagong kagamitan. Pero bukod po sa mga bagong sasakyang pandagat o modern equipment na target ma-procure, mayroon pa po ba na aasahan na ipu-procure ang Pilipinas sa susunod na taon?

PN COMMODORE ORBE: Opo. In fact, mayroon na tayong kontrata. Kung nababasa niyo sa news, iyong dalawang corvette naman po. Although corvette iyong pangalan niya, technically mas lower capability siya doon sa frigate na nandito sa ngayon. Pero itong corvette natin, ang design niya po ay mas powerful. Mas powerful siya sa doon sa corvette.

Itong mga corvette na ito ay darating sa 2025, first quarter at saka second quarter. So, dalawa po ito, ma’am. In fact, ang capability nito ay mas malakas pa siya sa [fleet] na nandito sa atin ngayon.

And we are hoping also, iyong Philippine Navy, the Department of National Defense na iyong ating offshore patrol vessel, anim po ito na magkaroon din ng kontrata. Kung within the year ay magkaroon ng kontrata ay darating ito, ma’am sa 2026. Ito po iyong ginagamit nating offshore patrol, mas lower capability ito. Hindi siya equipped ng missiles pero magagamit po natin ito sa pagpatrolya ng ating karagatan lalung-lalo na sa mga lugar kung saan kinakailangan talaga ang presensiya ng ating Philippine Navy.

USEC. IGNACIO: Opo. Aside dito sa mga equipment na ito. Pagdating naman po sa pag-boost ng morale at skills ng ating mga naval officers, ano po ang efforts na ginagawa natin tungkol dito, Commodore?

PN COMMODORE ORBE: Opo ma’am. Naniniwala po tayo na kahit na anong gamit na mayroon tayo, bago man or moderno man kung wala rin iyong mga tao na [unclear] sa kanila, wala silang proper training, iyong morale nila ay mababa ay hindi rin magiging epektibo. Kaya po, ma’am, lahat ng ating mga kasundaluhan lalo na sa Philippine Navy at lalung-lalo na iyong mga na-assign po dito sa mga frigates na ito ay pinapadala po natin sila sa training.

Sa ngayon dahil wala pa tayong mga local trainings para dito sa highly specialized equipment ay pinapadala po natin sila sa ibang bansa, katulad halimbawa sa France, sa Canada, sa US, sa Korea. Doon po nagti-training iyong ating mga kasundaluhan ng Philippine Navy para maayos nila na magamit at maayos nila na ma-maintain itong mga bago nating kagamitan.

Aside from that, ma’am, as far as the morale of our men is concerned, sinisigurado lang po natin, ma’am, na we create an atmosphere where everyone can contribute noong kanilang mga idea. We take care halimbawa, noong kanilang housing, we create a working environment na mayroon pong rule of law kumbaga, there is justice. We are very sensitive dito sa ating gender and development. So, itong mga bagay na ito, lalung-lalo na sa barko natin, discipline, iyon po ang ating pinapairal, lalung-lalo na po sa unit ko po sa Offshore Combat Force sa Philippine Navy sa [unclear].

USEC. IGNACIO: Opo. Commodore Orbe, masasabi po ba natin na handa at capable enough na ang ating puwersa sa anumang posibleng threat sa bansa?

PN COMMODORE ORBE: Iyon po ang ating goal, ma’am, sa 2028. Whether or not, depende po kasi, ma’am, sa ating mga adversaries, but as far as we are concerned, we do everything, we get the equipment that we want, kami ay magsasanay para doon, at para kung anuman ang mangyari ngayon man or in the future ay maging handa ang Philippine Navy.

Iyong adversaries natin, ma’am, or possible adversaries ay malalakas ang military kaysa sa atin pero hindi po tayo patatalo sa ating dedikasyon, sa ating pagsasanay, sa ating kahandaan, sa utak man at sa isip man, at saka sa damdamin na depensahan po ang soberenya ng ating bansa

USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, sa pagpapalit ng administration, ano naman po iyong expectation natin na maisasakatuparan sa susunod na panibagong anim na taon?

PN COMMODORE ORBE: Opo. Kami naman as a military organization dito sa Philippine Navy, actually it doesn’t matter to us. Kasi kahit sino po ang manalo sa eleksiyon, sino po ang maging presidente, the same, siya lang po din ang aming Commander-in-Chief kahit sino pa man po siya. Kung may naihalal tayo, we expect, ang expectation naman natin, kasi batas naman po itong modernization program is ipagpatuloy pa din iyong prioritization niya.

But of course, diyan sa mataas na position, lalung-lalo na kung ikaw iyong Commander-In-Chief, ikaw na iyong Presidente, naintindihan namin [na] maraming concerns, ano po. But as far as we are concerned, we are hoping na maipagpatuloy itong pagmo-modernize ng ating Sandatahang Lakas, iyon ang aming expectation.

And we fully support whoever will come out as the winner. Of course this will be the stand of the Navy or at least iyong sa Armed Forces, the DND ‘no, na we support the Commander-In-Chief, whoever he or she maybe po.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Commodore Orbe, kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan, at ano nga po ulit iyong magiging tema ng anibersaryo ng Philippine Navy?

PN COMMODORE ORBE: Opo Ma’am. Iyong message ko po sa ating mga kababayan is please support your Philippine Navy.

We are facing a great challenge dito sa ating maritime areas-of-interest dahil napakalawak po ng ating maritime domain at iyong ating Navy ay nagsisimula pa lamang na mag-modernize ng kaniyang mga kagamitan.

Iyong mga luma nating mga kagamitan ay atin nang dinikomisyon (decommissioned) at ngayon na nagsisimula tayo ay kailangan po namin ang inyong suporta, sa lahat ng sectors of our government. We are doing this to be able to defend our country. To be able to defend the interest, lalung-lalo na sa ating mga kababayan.

Sa aming pagsiserbisyo, kayo po ang aming nasa isipin, nasa aming saloobin. Maraming salamat po, Ma’am, sa opportunity.

USEC. ROCKY IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng oras at impormasyon, Commodore Joe Anthony Orbe, commander ng Offshore Combat Force ng Philippine Navy. Mabuhay po kayo.

PN COMMODORE ORBE: Thank you, Ma’am.

USEC. ROCKY IGNACIO: Samantala, dumako naman po tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan. Puntahan natin si Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. ROCKY IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center