Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Audrey Gorriceta


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

AUDREY GORRICETA: Magandang umaga Pilipinas. Ngayong araw ng Sabado, tuluy-tuloy pa rin tayo sa paghahatid ng pinakahuling balita kaugnay sa usapin sa bakunahan, seguridad sa Metro Manila at paglahok ng bansa sa ginaganap na 31st South East Asian Games.

Manatiling nakatutok, sa ngalan ni Usec. Rocky Ignacio, ako po ang inyong lingkod Audrey Gorriceta. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Transition Team ni Pangulong Rodrigo Duterte tiniyak na nasa maayos na pagpasa ng mga katungkulan, naghahanda na sa pagpasok ng susunod na administrasyon. Narito ang report:

[VTR]

AUDREY GORRICETA: Samantala, pormal nang nagbukas ang 31st South East Asian Games sa Hanoi, Vietnam nito lamang Huwebes. Ilang gintong medalya na rin ang nasungkit ng ating mga atleta. Para makibalita kaugnay diyan, makakasama po natin si Commissioner Ramon Fernandez ng Philippine Sports Commission. Sir, magandang araw po sa inyo.

PSC COMM. FERNANDEZ: Yes. Magandang araw sa lahat ng nakikinig sa atin ngayon. Good morning from Vietnam, from Hanoi.

AUDREY GORRICETA: Commissioner, paano po naiba itong pagdaraos ng SEA Games ngayong nasa gitna tayo ng health crisis, mayroong pandemya? Ano po iyong mga pinagdaanan ng mga atleta bago makapunta sa Vietnam at ngayong nagsisimula na ang laban?

PSC COMM. FERNANDEZ: Well, ever since last year when they were preparing for these games ay nagti-training na rin sila sa atin ‘no, bagong setup nga lang ‘no. Well, they were all over Metro Manila, Baguio, Samar, in the provinces ‘no so nag-bubble training din sila kaya ready naman ang mga atleta natin. And I am pretty sure that the other South East Asian countries athletes also encountered same challenges ‘no. So palagay ko pantay-pantay lang tayo as far as preparation is concerned. In fact, the other countries, mas malala iyong cases nila kaysa sa atin ‘no.

AUDREY GORRICETA: Yeah. Commissioner, are you confident na iyong naging paghahanda sa gitna ng pandemya, may tama silang conditioning bago sila nagtungo ng Vietnam?

PSC COMM. FERNANDEZ: Yes, I’m pretty sure of that. Mino-monitor natin iyon from the PSC side, NSA were giving us reports on the progress of their training. So, they were prepared at lahat, halos naman lahat ng mga sumali dito ay mga veteran athletes na ito ‘no. There are only a few rookies as we call them, the new ones, but I think it’s fine, sanay naman ‘yang mga iyan. They know how to take care of themselves so ready din iyong mga ‘yan.

AUDREY GORRICETA: Uhum. Commissioner, sa kabuuan, ilan po ang delegates na ipinadala ngayon ng Pilipinas sa SEA Games? Ano naman po ang mga ipinadalang suporta ng pamahalaan para sa mga atleta?

PSC COMM. FERNANDEZ: Yes. All in all there are 641 athletes, team officials and coaches were about 336 and the total team size natin na nandito ngayon ay 981 pax ‘no. Iyong mga athletes and coaches and some officials are supported by the government, sinusuportahan ng Philippine Sports Commission sila ‘no. Nakaano naman iyon, naka-pinpointed naman iyon… mayroon kasing mga ibang officials din especially from the NOC side, POC side na self-funded sila, marami din silang self-funded – there are maybe about 90 plus of them that are self-funded.

AUDREY GORRICETA: Okay. Commissioner, maaari ninyo ba kaming bigyan ng updates? Sa ngayon, ilan na ang mga medalyang nasungkit natin? At so far, mula sa aling mga larangan po ito?

PSC COMM. FERNANDEZ: Yes. As of now we have 5 gold, 11 silvers and 11 bronzes also ‘no. Iyong mga gold natin, ang pinakauna I think si Francine Padios of pencak silat; pangalawa ay from Kurash, si Jack Escarpe; and of course our favorite gymnastic, si Carlos Yulo nakakuha na rin ng isang gold and isang silver; sa kickboxing naman kagabi, may dalawang gold tayong nakuha ‘no, si Jean Claude Saclag at saka si Gina Araos ‘no.

So we have a total of 5 gold, eleven silvers and 11 bronzes ‘no but marami pang dadating iyan. Ngayon lang araw na ‘to, ang daming mga maglalaro na naman sa ibang sports ‘no so we’re expecting a lot more. As of now sa standing, based on the website ng organizing committee dito, nasa fifth place pa tayo ‘no. But iyong 5 gold natin, above us is Thailand and the other one is I think… let me check – Vietnam number one, Malaysia number two, Indonesia number three, Thailand number four and we’re number five. But Thailand has only 6 gold also, Indonesia has 7 and Malaysia has 11 so kayang-kaya pa naman natin itong mahabol and we’re hoping and praying na ma-inspire iyong mga atleta pa natin.

AUDREY GORRICETA: Okay. Commissioner, dahil diyan, sa ngayon aling category po na kumpiyansa kayo na makakapag-uwi pa ng mga gintong medalya iyong ating mga atleta?

PSC COMM. FERNANDEZ: Actually, I am expecting sa lahat ng sports na lalaruin pa, makakasungkit tayo ng mga gold medals ‘no. To name a few is of course basketball ‘no, iyong karate, taekwondo, gymnastics marami pa ‘yan ‘no, hopefully sa swimming and athletics ‘no, and shooting. At karamihan pa na sports, marami pa tayong inaasahan na makukuha natin.

AUDREY GORRICETA: Okay. Commissioner, may tanong po sa inyo iyong ating kasamahan sa media. Mula po kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Can you give an estimate of how Team Philippines will perform this time? Will they assert dominance over the other countries just like the last SEA Games? Anong preparations ng team para makakuha tayo ng maraming gold this time?

PSC COMM. FERNANDEZ: Yes, that’s kinda hard to predict ‘no. Alam n’yo naman siguro especially our friends in the sports media or media in general, na lamang talaga ang host country because sila ang namimili ng sports, kung ano ang lalaruin. Just like in 2019, tayo ang namili ‘no. Typical example is wala silang arnis dito, ‘no, where we gathered about 16 gold medals and several silvers and bronzes ‘no at iba pa, marami pa – Vovinam, martial arts [unclear], iyon ang sports nila ‘no. So initially ang thinking ko was, we will try to shoot for the top three—we should be in the top three position ‘no – that’s more achievable I believe ‘no.

AUDREY GORRICETA: Well, Commissioner, kayo rin po ay dating atleta at alam ninyo po iyong hirap na dinadaanan ng mga atleta – dugo at pawis, dedication, discipline. Ano naman po ang mga incentives ng pamahalaan para sa mga pambatong atleta na mananalo sa 31st SEA Games?

PSC COMM. FERNANDEZ: Sa law, ang gold medalist natin will be receiving P300,000, ang silver is P150,000 at iyong bronze ay P60,000.

Iyon ang nasa Incentive Act. So, iyon ang inaasahan ng mga podium finishers natin, mga medalist natin.

AUDREY GORRICETA: Okay. Commissioner, kailan naman po inaasahan ang closing ceremony ng 31st SEA Games ngayong taon?

PSC COMM. FERNANDEZ: It is scheduled on May 23, ang closing ceremonies. By then of course, definitely ay tapos na ang lahat ng games. Nine days from now!

AUDREY GORRICETA: Okay. Commissioner, bilang panghuli, ang inyo pong mensahe sa ngayon [para sa] mga lumalabang atleta na ating mga kababayan.

PSC COMM. FERNANDEZ: Iyon lang ang lagi kong sinasabi sa kanila whenever I have the chance to visit them here in their hotel, na just keep their focus. They have prepared well enough. I’m telling them “You have prepared well enough, just focus on what you have to do. You have the experience and more importantly enjoy the game. Have fun on the games and keep your focus, and pray a lot.”

AUDREY GORRICETA: Iyan. May kasamang panalangin.

Maraming-maraming salamat po sa inyong mga impormasyon na ibinahagi sa amin ngayong umaga.

Nakapanayam po natin si PSC Commissioner ‘El Presidente’ Ramon Fernandez.

PSC COMM. FERNANDEZ: Sa iba pang balita, inaprubahan na ng Department of Trade and Industry ang pagtataas ng suggested retail price (SRP) ng ilang pangunahing produkto.

Ayon sa DTI, ito ay kasunod ng naitalang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at raw materials.

Nasa 82 produkto ang nagtaas ng SRP kabilang na ang bottled water, canned fish, processed and canned meat, processed milk, suka, toyo at patis.

Kabilang din sa itinaas ang SRP ay ang mga instant noodles, kape, asin, laundry detergent, sabon at battery.

Ayon kay DTI Spokesperson Undersecretary Ruth Castelo, tiniyak ng DTI na lahat ng pagtaas sa SRP ay inilagay sa minimum level para maging makatuwiran ang presyo ng mga bilihin sa gitna ng pandemya.

Samantala, huwag po kayong aalis magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

AUDREY GORRICETA: Bayan, nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Paano nga ba nakaalerto ang puwersa ng PNP sa[P1] Metro Manila sa gitna ng nagpapatuloy na canvassing para sa national election? Makakasama po natin si Police Colonel Jenny Tecson ng National Capital Region Police Office. Magandang umaga po, Colonel.

PLT. COL. TECSON: Yes, sir. Magandang umaga po, sir, at sa ngalan po ng ating Officer-In-Charge of the Philippine National Police, Police Lieutenant General Vicente Dupa Danao, Jr., sir at ng ating Hepe ng NCRPO, Police Major General Felipe Natividad, sir ay binabati ko po kayo ng magandang, magandang buhay, at ganoon din po sa ating mga kababayan na walang sawang sumusubaybay po sa inyong himpilan, sir.

AUDREY GORRICETA: Okay. Colonel, unahin po natin kumustahin ang assessment ninyo sa kagaganap lang na national elections? Ilan po ang naitala ninyong election-related incidents at violations?

PLT. COL. TECSON: Yes, sir. Unang-una, sir, ay masasabi po natin na ito po ay naging very peaceful po sir kaya po ang tawag po natin diyan sir ay generally PNP sir – peaceful, national and local polls in NCR sir dahil wala po tayong naitala po na election-related violent incident as compared po sa mga nakaraang election, sir. Kasi po sir noong 2016, mayroon po tayong naitala sir na dalawa involving a barangay chairman and barangay kagawad po sir, and in 2019 sir mayroon pong isa. Pero ito pong katatapos lang po na national and local polls sir noong Monday ay wala po tayong naitala na election-related violent incident maliban lang po sir doon sa mga nahuli po natin sa paglabag sa ating liquor ban, sir.

AUDREY GORRICETA: Okay. Dahil po nabanggit ninyo na rin iyong liquor ban, pagdating po sa liquor ban, may mga nasampolan din po ang NCRPO? Ano po ang parusa sa mga lumabag?

PLT. COL. TECSON: Yes, sir. Mayroon po sir tayong nahuli na 105 sir na nag-violate po dito sa ating liquor ban na ipinatupad po natin sir noong madaling araw ng May 8 hanggang May 9 po ng hatinggabi po sir. At tama po kayo dahil considered po siya sir na violation nga po ito sa ating election law sir at sila po ay naka[garbled].

AUDREY GORRICETA: Okay. Colonel, kahapon isinagawa po ang Black Friday Protest at ang Thanksgiving event ng mga supporters ni VP Leni Robredo. Kumusta po ang pagbabantay ninyo sa seguridad?

PLT. COL. TECSON: Yes, sir. Sir inaasahan naman po natin sir na after every election sir ay talagang may mga nangyayari pong protesta or kilos-protesta na isinasagawa po ng iba’t ibang grupo at iyan po ay pinaghahandaan na rin po iyan sir ng ating kapulisan dahil hanggang hindi po natin or hindi pa po hinihirang kung sino po iyong talagang panalo sir ay talagang inaasahan po natin iyan. Kung kaya’t tayo po ay talagang nakaalerto sa nangyari pong pagpupulong or iyong nangyari pong kaganapan sir doon sa ating PICC sir kahapon na kung saan ay may mga iba’t ibang grupo na nag-air ng kanilang mga grievances or saloobin.

Masasabi pa rin po sir natin na naging maayos po ito at matiwasay bagama’t wala pong permit iyong mga nag-conduct ng kanilang mga programa ay binigyan po sir natin sila ng pagkakataon na magprograma po sila at may tinakda po tayong oras at sila naman po ay tumalima doon sa ating naging usapan po.

AUDREY GORRICETA: Okay. Colonel, sinabi mo na nakaalerto pa rin ang NCRPO. Ibig bang sabihin, sa mga susunod na araw, we will be expecting na mas marami pa kaming makikitang mga PNP personnel sa kalsada?

PLT. COL. TECSON: Yes, sir at gaya nga po sir ng sinabi ko sir, hanggang hindi po tayo natatapos sa ating election period sir, iyong paghirang ng mga mapipili po na ating… mamumuno sa ating bayan sir ay nandiyan po ang ating kapulisan upang bigyan po sila ng seguridad, iyong ating Comelec sir officials at iba pang mga ahensiya or mga grupo na talagang tumutulong upang mabantayan po sir iyong ginagawa pong pagbibilang ng mga balota po sa PICC.

AUDREY GORRICETA: Okay. Colonel, isunod ko na po itong tanong mula sa ating kasamahan sa media. Mula po kay John Eric Mendoza ng Inquirer: May we ask the crowd estimate for the Black Friday Protest and VP Leni Robredo event in Ateneo?

PLT. COL. TECSON: Yes. Sa PICC sir ay hindi ko po masabi sir kung ilan po talaga iyong ating crowd estimate kasi po iyong crowd estimate naman po iyan sir ay may mga maraming factor kung paano po natin siya kunin. We have to consider sir iyong area, iyong luwang at iyong mga… may mga sagabal ba habang kinukuha natin iyong area. Like for example sir, may mga sidewalk ba siya, may mga barikada ba sa bawat lugar or doon sa magkabilang dulo – iyon po ‘yung ating tinitingnan.

Pero kung titingnan po natin or papansinin po natin iyong nangyari po kahapon doon sa PICC sir particularly po doon sa ating CCP Complex sir ay masasabi naman po natin na medyo marami-rami naman po iyong mga pumunta doon na mostly po mapapansin natin [ay] mga kabataan po, mga estudyante.

AUDREY GORRICETA: Okay. Colonel, a day after election, noong araw po ng Martes ay may nagtungo na pong mga protesters doon sa harapan ng Comelec. Paano po nakahanda ang PNP sa iba pang napipintong kilos-protesta sa Metro Manila na related sa eleksiyon? Paano po kapag itong mga demonstrador ay naging agresibo?

PLT. COL. TECSON: Yes, sir. Ang ating pamunuan po sir ng NCRPO, Police Major General Felipe Natividad ay inatasan niya na po sir ang ating mga lower unit commanders na lagi pong maging handa at tingnan po nila iyong mga lugar na kung saan puwedeng magprograma or mag-gather or magprotesta iyong ating mga kababayan. At siyempre po, nandiyan na rin po sir iyong… upang pigilan sila kung sila po ay manggulo or sila po nakakasakit na sa ating mga kababayan at nakakasira na sa mga government properties.

Pero kung sila naman po ay magpoprograma lang po nang maayos at ito naman po ay gagawin sa mga lugar na kung saan ay puwedeng pagdausan ay walang rason po para sila po paalisin or para po magkaroon po ng clashes between the PNP. Pero ibang sitwasyon na po sir kung sila ay maging unruly at talagang nakikipaglaban na sila or talagang hindi na po tumatalima.

Sa halip na halimbawa po imbes na ginagawa po natin na magandang pakikiusap, ay sila po ay gumagawa ng hindi maganda at nagkakasakitan na, then that’s the time siguro sir na talagang kahit bubugawin po natin sila. But still sir, maximum tolerance po ang ating paiiralin at hangga’t maaari sir ayaw po natin na magkaroon nga po ng sakitan kung kaya’t talagang we’ll be there to protect not only the Filipino people, kung sino po iyong mga nasa lugar bagkus pati rin po sir… pati rin po ‘yung nagpuprotesta sir, kasama po sila sa mga isi-secure po natin so maximum tolerance pa rin po tayo.

At iyong pag-i-air naman po nila, iyong paglalabas po nila ng kanilang mga saloobin po sir ay karapatan po nila iyan para ito ay kanilang ihayag. Pero nakikiusap po tayo sir sa kanila na gawin po ito nang mapayapa at maayos po.

AUDREY GORRICETA: Okay. Colonel, patuloy pa rin po ang isinagawang bilangan. Paano po tinitiyak ng PNP ang seguridad sa mga lugar lalo na po sa mga malapit sa areas ng canvassing?

PLT. COL. TECSON: Yes, sir. Mayroon po sir tayong nakatalaga, sir na ating personnel po talaga na magbabantay po doon sa ating lugar. At aside from that sir, is lahat po iyong mga posibleng pasukan at labasan noong nasabing lugar sir ay mayroon po tayong naka-detail din po na CDM contingent po natin para po kung sakaling magkaroon po ng hindi magandang pangyayari ay nandiyan po kaagad sila upang magbigay po ng [unclear] sir. And lagi po tayong mayroon din pong reserved personnel, just in case, sir na kinakailangan ng mas marami pong puwersa. At nandiyan naman din po sir iyong ating pakikipag-ugnayan sa ating mga counterpart from the AFP at sa iba pa pong mga allied forces na handa pong tumulong sa ating PNP, sir.

AUDREY GORRICETA: Okay. Colonel, ilang araw na rin po ang lumipas matapos ang kampanya at eleksiyon at bukod po sa MMDA at DILG, isa rin po kayo sa nagpapatupad nitong Oplan Baklas. So far, ilang porsiyento na po ang natatanggal na campaign tarps sa buong Metro Manila?

PLT. COL. TECSON: Tama po kayo diyan. Isa po tayo sa kasama po diyan upang magbigay din po ng seguridad sa ating mga nangungunang unit or agency para po sa pagbabaklas. At inatasan na nga po ng ating DILG ang ating mga local government unit para po diyan at may mga nag-umpisa na rin po diyan.

Pero as to how many percent na po, Sir, ay hindi ko po masasabi. Pero ang PNP naman po ay handang tumulong upang magbigay po ng seguridad sa mga taong magbabaklas po.

AUDREY GORRICETA: Okay. Sa operation po ninyo ng Oplan Baklas, mayroon po bang mga kandidato na tumulong din sa pagbabaklas dahil sa kanilang mga poster iyan, sa kanilang mga tarpaulin iyan?

PLT. COL. TECSON: Yes, Sir. Actually, Sir, iyong mga kandidato naman natin ay nakita naman natin na very cooperative. Kung sila po iyong naglagay, nakikita naman po natin iyong kanilang mga supporters ay nandiyan din naman po, Sir, na tumutulong upang baklasin po ito.

Natutuwa po tayo, dahil sila mismo, from their end ay talagang pinapakita po nila na nandiyan pa rin iyong talagang disiplina po sa sarili at talagang tinutulungan din po nila iyong ating mga local government unit at saka iyong iba pa pong agency na kasama po diyan sa Oplan Baklas.

AUDREY GORRICETA: Okay. Colonel, lipat po tayo ng paksa, ano. Kasunod ng mataas na botong nakuha ni presumptive Vice President Mayor Sara Duterte, lumutang po ang espekulasyon na posibleng maibalik ang mandatory ROTC. Ano po ang reaksiyon ninyo dito?

PLT. COL. TECSON: Sa akin naman kasi Sir, dahil ako po ay naranasan ko rin pong mag-join ng ROTC noong ako pa po ay nag-aaral, ay masasabi kong maganda po iyan dahil unang-una po siyempre ay iyong disiplina po natin.

At isa po diyan ay kung sakaling kakailanganin po iyong ating tulong later on lalo na kasi, Sir, kung mga lalaki is puwede po silang tumulong sa pagpapanatili po ng kaayusan sa ating nasasakupan kung ito ay kinakailangan, Sir.

So from there, sa ROTC ay talagang iyong discipline din natin is talagang hinuhubog din po.

AUDREY GORRICETA: Well, Colonel, iba ang panahon ngayon ng mga kabataan. Iba iyong panahon natin na handa tayong sumunod sa ipinatutupad ng ROTC.

Sa ngayon kung maoobserbahan po natin, maraming gadgets na kinagigiliwan iyong mga kabataan at nasa gitna pa po tayo ng pandemya kung saan talagang na-lockdown din sila sa kanilang mga tahanan. Do you think iyong mga kabataan ngayon ay ready for ROTC?

PLT. COL. TECSON: Inaasahan natin, Sir, na talagang may resistance po diyan, pero as we go along baka matatanggap din po nila iyan, and we are looking forward na sana ay mayroon din po.

Pero, I for one, Sir, kung ako lang po ang tatanungin, masasabi ko pong maganda po na mag-ROTC po tayo. Dahil unang-una, magiging form part po tayo ng mga reserved forces. At kagaya po ng sinabi ko kanina ay hinuhubog din diyan ang discipline sa ating sarili.

Pero iyon, Sir, tama po kayo na nag-iiba po ang panahon. Sa ating present po na sitwasyon ngayon, talagang kumbaga nasa mga teknolohiya. At inaasahan naman po iyan, Sir, na talagang iyong ating mga kabataan, lalung-lalo na iyang mga millennial na iyan, Sir, is talagang magri-resist po sila.

Pero sabi nga po, Sir, kung titiyagaan lang po siguro natin ay maiintindihan naman nila siguro iyan eventually, Sir.

AUDREY GORRICETA: Hopefully, Colonel, maintindihan nila dahil hindi puwedeng online ang ROTC.

Samantala, kaugnay naman po sa usapin ng COVID. Paano po maghihigpit mula sa hanay ng PNP sa Metro Manila ngayong may naitalang panibagong mga kaso ng Omicron sub-variant dito sa Metro Manila?

PLT. COL. TECSON: Actually naman, Sir, kahit naman noong kasagsagan pa ng ating pandemya ay panay-panay po iyong pakiusap at paalala ng ating kapulisan sa ating mga kababayan na talagang dapat sundin pa rin po nila iyong mga pinapatupad ng ating mga nangungunang ahensiya lalung-lalo na kung paano natin maiiwasan or ma-contain iyong paglobo o pagdami po ng ating kaso dito sa COVID-19.

At siyempre pa po, Sir, nandiyan po iyong pagsunod po natin sa ating minimum public health standard, iyong pagsusuot po ng ating face mask, iyong social distancing, mag-hand sanitize po tayo.

At siyempre po, from our end ay talagang nakikiusap po tayo na kung hindi naman po kinakailangan na nasa labas po tayo ay maigi na lang po na doon na lang po tayo sa loob ng ating mga bahay dahil ang pinoprotektahan po natin diyan sa mga makakasalamuha natin ay iyong ating pamilya at siyempre po, iyong ating mga sarili.

At iyan nga po, Sir, lalo na ngayon na may mga bagong naitala ay nakikiusap pa rin po tayo, Sir, na ugaliin pa rin po na huwag tayong mangampante, na iyong patuloy na pagbaba ng datos ng ating COVID-19 ay maging basehan para maging relax or complacent po tayo. Bagkus nakagawian na po natin iyong pagsusuot ng face mask ng ilang taon, ng ilang buwan, why not na ituluy-tuloy po natin iyan.

At alam naman po natin na itong laban natin dito sa COVID-19 ay laban po iyan ng lahat, hindi lang po ng iilan.

At kasama rin po iyan, Sir, sa isa ring tinitingnan ng PNP, kasabay po ng ating pagbabantay o pagbibigay ng seguridad sa ating mga kababayan, sa ating mga komunidad ay nandiyan din po na pinapaigtingan pa rin po natin iyong minimum public health standards.

AUDREY GORRICETA: Alam mo, Colonel, minsan napapansin ko rin na medyo maluwag na rin tayo pagdating sa pag-iingat sa COVID. Iyong mga establisyimento na dating laging mayroong mga alcohol, ngayon ay wala na!

May direktiba po ba kung posibleng maghigpit pagdating sa pag-i-impose ng penalty sa minimum health protocol violators sa mga public areas?

PLT. COL. TECSON: Dito naman kasi sa Metro Manila, Sir, ay mayroon tayong 16 cities and one municipality, and I understand that each city ay mayroon po silang kanya-kaniyang ordinansa.

Ngayon, Sir, kung iyan po ay in effect sa bawat siyudad, then ang ating PNP naman po ay tutulong upang ito po ay maimplementa ng mabuti.

AUDREY GORRICETA: Okay. Colonel, ano na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan?

PLT. COL. TECSON: Sir, ang mensahe ko po sa ating mga kababayan ay maging maingat po tayo, maging mapagmatyag at siyempre po, iyong datos po ng COVID-19 na patuloy po na pagbaba ay huwag po sanang maging dahilan iyan para maging kampante po tayo or maging relax.

Magtulungan po tayo dahil ang laban po natin sa COVID-19 ay laban po iyan ng lahat. At siyempre po, hindi po iyan kaya ng PNP or ng DOH lang po, kung hindi lahat po tayo dapat ay tulung-tulong.

Sa mga kababayan naman po natin na talagang nagbabalak po na pumunta po sa kalsada dahil nga po sa katatapos lang nating national and local elections ay nakikiusap po tayo na makiisa na lang po sila. Kumbaga, sama-sama po nating tanggapin ng buong puso po anuman ang naging resulta ng ating NLE 2022 at piliin po sana natin na tumalima sa batas at umiwas sa kaguluhan sa lahat ng oras.

Sa huli po, Sir, panalangin namin na manatili nawang ligtas, tahimik at payapa ang pagsalubong natin sa mga bagong leaders na itinalaga ng taong-bayan.

Siyempre po, ang PNP po ay lagi pong nariyan na handa pong magserbisyo ng tama at tapat. At lagi naman nilang isinasapuso ang disiplina sa kanilang mga sarili, kung kaya’t nakikiusap din po tayo sa ating mga kababayan na kung sakaling mayroon po silang napapansin or nakikita, hindi lang po iyong masasamang-loob na gumagawa ng hindi maganda, ganoon din po sa mga hanay po natin na gumagawa po ng taliwas po sa batas ay huwag po silang mag-atubiling i-text po sila sa aming text hotline numbers dito po sa NCRPO.

Para po sa mga Smart subscribers ay i-text ninyo po kami sa 0999-901-8181 po, Sir. At para naman po sa mga Globe subscribers ay i-text ninyo po kami sa numerong ito po – 0915-888-8181. Ulitin ko po, Sir, sa Globe subscribers ay i-text ninyo po kami sa NCRPO text hotline number 0915-888-8181 at sa mga Smart naman po ay i-text ninyo po kami sa numerong 0999-901-8181 po.

AUDREY GORRICETA: Okay. Maraming-maraming salamat po sa inyong panahon at mga impormasyon na ibinahagi sa amin ngayong umagang ito.

Nakapanayam po natin si Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson ng NCRPO.

Samantala, naitala sa Puerto Princesa at Metro Manila ang Omicron sub-variant na BA.2.12.1. Ito po iyong sinasabing mas mabilis makahawa na sub-variant.

Para himayin po ang isyung iyan, makakasama naman po natin si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Usec, magandang umaga po sa inyo.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Sir. Good morning po. Good morning po sa inyong lahat.

AUDREY GORRICETA: Usec, para po sa kaalaman po ng publiko, ilan at kumusta na po ang sitwasyon ng mga nakitaan ng Omicron sub-variant na BA.2.12.1?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Sir. In our latest sequencing run, we were able to detect 14 cases of Omicron sub-variant BA2.12.1.

Mayroon hong dalawa sa NCR, 12 naman po sa Puerto Princesa. Lahat po sila are already declared recovered. They were able to isolate completely. Fully vaccinated po itong ating mga nagkaroon nitong [BA.2].12.1 kaya mga mild lang po ang naging mga sintomas nila.

AUDREY GORRICETA: Maaari po ba ninyong ipaliwanag sa ating mga kababayan kung ano itong characteristic nitong bagong sub-variant na ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Sir. So, itong BA.2.12.1, ito po ay isang sublineage ng Omicron, iyong original po na Omicron na tinatawag natin. Ito pong variant na ito ay hindi pa po siya naka-classify as a variant of concern or a variant of interest by WHO kasi patuloy pa hong pinag-aaralan ang characteristics nitong variant na ito.

Ngunit ang mga paunang mga pag-aaral po ay sinasabi na itong variant na ito is more transmissible than the original Omicron variant. It is about 23 to 27% more transmissible than the original Omicron.

Sinasabi rin na nakakapag-escape siya ng immunity natin brought about by vaccines pero wala pa naman hong pag-aaral na sinasabing nagiging severe ang mga kaso nitong variant na ito.

AUDREY GORRICETA: Pero, Usec., ano po ang timeframe ng bawat cases na ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Ito pong timeframe nitong mga kaso na ito, for example iyon pong na-detect natin sa Palawan, ito po ay nag-start pa ho noong April 22 noong nagkaroon ng sintomas ang kauna-unahang kaso natin doon and then pagkatapos noon, nagkaroon na rin ng sintomas iyong iba pa sa kanila. They were tested and immediately isolated kaya na-contain po natin kasi isang cruise po ito, kung saan lahat po ng nakasakay doon ay in-isolate lahat and we were able to complete their isolation.

Ito naman pong taga-NCR natin, nagkaroon po ng sintomas – ito po ay magkamag-anak – and immediate isolation din po ang nangyari. We are now tracking, ‘no iyong mga close contacts nila from whom, ‘no, based from our monitoring, asymptomatic naman po lahat.

AUDREY GORRICETA: Okay. Usec., tanong naman po mula kay Ms. Wheng Hidalgo ng ABS-CBN: How intense are the symptoms and how is it responsive to vaccines or booster?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, based from initial studies and observed cases from other countries, ‘no of this BA2.12.1, most of these are mild symptoms po. Kaya po sinasabi doon sa mga paunang pag-aaral, hindi pa ho nakakapagpakita ng severe cases ito pong ating BA2.12.1. Although in United States, ito po ang nag-trigger ng pagtaas bigla ng kaso sa New York at kung saan dumami po ang mga naoospital. But most of those hospitalized are unvaccinated. So iyong mga bakunado po katulad natin dito sa ating bayan, sa ating bansa… mataas ang Bakunahan, so ito pong ating proteksiyon ay nandito. So, kailangan lang talaga laging mag-ingat.

AUDREY GORRICETA: Okay. Usec., isa pa pong katanungan mula sa kasamahan natin sa media na si Sam Medenilla ng Business Mirror: Kanino daw po kaya puwedeng nakuha noong two cases sa NCR ang BA.2.12.1 Omicron sub-variant kung wala po silang international travel history? Masasabi po kaya nating may local transmission na po dito ng sub-variant ng Omicron sa ating bansa?

DOH USEC. VERGEIRE: Well katulad noong mga tanong ‘no, it’s too early for us to say that there is local transmission. Kailangan po natin ng enough evidence para po maipakita natin at ma-analyze natin kung talagang mayroon na tayong local transmission. These two cases are related, sila po ay walang history of travel, kaya po atin pong inaalam talaga ngayon kung ano po talaga ang pinagmulan. Although they had this travel kung saan doon po sila nagpabakuna ‘no, doon sa kanilang probinsiya at tapos bumalik po sila dito sa NCR. So, atin pong tina-track ang kanilang mga napuntahan, tinitingnan din po natin ano… we’re trying to do our surveillance para malaman natin ang source of infection.

Pero nevertheless, ang gusto lang nating sabihin sa ating mga kababayan, ito pong ating patuloy na pag-iingat, patuloy na pagpapabakuna at saka siyempre iyong ating surveillance system na maayos ang kailangan nating maihanda sa ngayon para po hindi na natin makitang kumalat pa at tumaas ang mga kaso.

AUDREY GORRICETA: Okay. Usec., tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi ninyo po kahapon na dalawa ang kaso na na-detect ng BA2.12.1 cases ay locally transmitted mula sa NCR. Sino po ang mga index case nila at ibig po bang sabihin nito ay may undetected pang kaso ng BA2.12.1?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, kapag ganito po ‘no, in epidemiological terms, kung sino po ‘yung una nating nakita, siya ‘yung considered sa ngayon na index case natin because they were the first ones detected. Now, iyong possibility po kung mayroon pang ibang kaso nitong 2.12.1 dito sa ating bansa, nandiyan po iyong posibilidad dahil hindi naman po natin nasi-sequence lahat ng mga positive samples na mayroon tayo. So, the possibility is there kaya nga ang sabi natin, patuloy tayong mag-ingat, patuloy po tayong mag-practice noong ating safety protocols at magpabakuna para we can get protected.

AUDREY GORRICETA: Okay. Usec., dagdag na katanungan po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Hindi po ba alarming ito na may mga undetected cases ng BA2.12.1 sa NCR after ng detection ng dalawang kaso? May naging spike po ba ng kaso sa mga lugar kung saan ito na-detect?

DOH USEC. VERGEIRE: Sa ngayon, sir ‘no, unang-una ayaw natin ialarma ang mga tao. Ang gusto natin patuloy tayong mag-ingat, we are all aware that there is this variant circulating here in the country. Dahil alam din po natin na mas nakapanghahawa at saka iyon pong nai-escape niya iyong immunity. So, the best way to do would be, ina-advice natin ang ating mga kababayan, receive your boosters if you are eligible, so that you can get adequate protection and palagian pa rin ho tayong maggamit nitong ating mga mask, do the safety protocols para we can get our protection. Kailangan lahat tayo ngayon cautious eh, so para lang po tayo tuluy-tuloy ang ating proteksiyon.

AUDREY GORRICETA: Okay. Usec., ngayong may na-detect na na local case nito, paano magbabago ang strategy pagdating sa pagpapatupad ng alert level? Posible bang muling maghigpit? May kaugnayan po ba dito ang tanong ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, sir, ‘no. So, we still follow our criteria for our alert level system. Wala pong mababago dahil in place na po ang ating mga safety standards, in place na rin po iyong ating mga criteria para sa alert level system. Kung saka-sakali ‘no na magkakaroon tayo ng pagtaas ng kaso sa mga lugar sa Pilipinas, diyan po tayo magkakaroon ng basehan kung itataas at hindi.

Gusto ko lang hong sabihin sa ating mga kababayan, in spite of this detection, ‘no which was detected pa mga third or fourth week of April, wala naman ho tayong nakikitang significant na pagtaas ng kaso in any area ‘no – even here in NCR. Mayroon ho tayo kaunti pero these are 2 to 30 cases.

At ang pinakaimportante [ay] kailangan malaman ng mga kababayan natin, this has not yet translated into an increase [in] admissions in our hospitals. Ibig sabihin, wala pa tayong nakikita na malala o severe or critical na nagwa-warrant para mapaospital po ang ating mga kababayan. So ito po sana tuluy-tuloy at maging protektado tayo so that we will be minimizing itong admissions sa ating ospital

AUDREY GORRICETA: Again, Usec., ano… para lang ma-update iyong ating mga kababayan. Ano na po ba ang estado ngayon ng COVID cases sa bansa pagdating sa infection rate? Kumusta po ang mga nakalipas na linggo?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, sir ‘no. Sa ngayon po, patuloy pa rin talagang bumababa ang mga kaso and as I’ve said kanina, wala ho tayong nakikita na significant increases in any part of our country. Ngayon po, nag-a-average na lang po ang ating bansa ‘no – we have actually breached iyong atin pong mga numbers during the time na bago tayo nagkaroon ng Omicron situation.

During the time noong December po, mga last week of December, ang bansa po natin ay nag-a-average nationally ng mga kaso ng about 254 new cases per day. Ngayon po bumaba na ho tayo to just 146 new cases per day from May 6 to May 12. So, ibig sabihin malaki po ang pagbaba natin, tuluy-tuloy ang pagbaba although we are monitoring areas kung saan mayroon hong mga konting pagtaas and katulad ng sabi ko kanina, hindi pa naman po significant to cause increase in admissions.

AUDREY GORRICETA: Okay. Usec., sa iba pong usapin. Kumusta po iyong naging monitoring ng DOH at assessment sa compliance sa health protocols sa naganap na halalan nitong Lunes?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, sir ‘no. So we received reports coming from DILG and PNP kung saan noong araw po ng eleksiyon, nagkaroon po tayo ng 4,534 violations on MPHS. And I can imagine ano, siguro itong violations ‘no sa pagsusuot ng mask, baka nakalimutang itaas o ‘di kaya ay iyong sa physical distancing. Alam po natin napakahirap talagang ipatupad iyang physical distancing especially during election day dahil maliliit din ang mga kuwarto, maliliit din ang mga espasyo. Kaya nga ang sabi natin kung apat dapat, tatlo ay sapat na – ibig sabihin kung mayroong adequate ventilation, nakasuot tayo ng mask at mayroon ho tayong mga bakuna, protektado pa rin po naman tayo.

AUDREY GORRICETA: Usec, sa usapin po ng bakunahan, ano po ang naging assessment ng DOH sa vaccination rollouts sa ilang election sites? Ilan po ang nabakunahan?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Sir. We have a total of 333 vaccination sites across the country. Nakita natin at masaya naman tayo sa naging resulta, kasi mayroon pong 7,407 individuals na nakapagpabakuna pagkatapos po nilang bumoto.

This is something small kung ikukumpara natin sa pang-araw-araw nating mga accomplishment, pero maganda na rin po kasi nakita natin na iyong ating mga kababayan ay interesado at willing magpabakuna kahit na pagkatapos pa ng eleksiyon na ubod ng init ng araw.

AUDREY GORRICETA: Okay. Usec, may target vaccination rate po ba na maabot ngayong buwan? Kumusta rin po so far, ang monitoring ninyo sa mga areas na bago pa man ang eleksiyon ay binabantayan na dahil sa mababang turnout?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Sir. Our target would be 77 million individuals by the end of June. Ito po ay 85% of our targeted eligible population which is 90 million.

So, sa ngayon ay iyan po iyong working target natin. We already were able to vaccinate 68.5 million Filipino. So, kaunti na lang po iyong inaasahan natin at sana ay maabot natin by the end of June.

Ito pong ating mga areas na binabantayan ever since, dahil mababa nga po ang kanilang pagbabakuna ay mayroon po silang special vaccination days. For example po, ang BARMM po, sila po ay magkakaroon ng mga special vaccination days kasi tapos na po ang Ramadan, so nag-start na po noong May 11 hanggang May 20 ito pong special vaccination days in BARMM, and patuloy po nating tinutulungan ang Region XII, Region VII, Region V, Region IV-B at saka ang Quezon sa Region IV-A para po mas maitaas pa ang antas ng pagbabakuna sa mga lugar na iyan.

AUDREY GORRICETA: Okay. Usec, may update na rin daw po ba sa mga bakunang papalitan ng COVAX Facility?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Sir. So, we are continuously negotiating with COVAX. Nanghingi sila sa atin nitong demand forecasting tool, kung saan nakasaad dito kung ano po iyong mga bakunang mayroon tayo sa ngayon, ano po iyong mga bakunang kakailanganin pa natin in the coming months hanggang sa dulo ng taon para maipakita natin sa kanila iyong ating inventories.

Nai-submit na po natin ito last week sa kanila. Hinihintay po natin iyong response nila pero they already were able to set a meeting with us by next week.

So, pag-uusapan iyan. Pero may commitment na rin naman po sa COVAX verbally, kung saan nag-commit naman sila na maaari naman nilang palitan, kahit na hindi iyong mga donations nila iyong mga prinocure natin, na set to expire ay maaari din daw nilang palitan.

AUDREY GORRICETA: Okay. Usec, sa usapin po ng transition, paano po pinaghahandaan ng DOH ang magiging turnover para sa next administration?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, nagpalabas na po ang Office of the President ng administrative order kung saan kailangang ang lahat ng ahensiya ay makapagbuo nitong transition team.

So, amin na pong nabuo ang transition team ng DOH. Magkakaroon na po kami ng mga meetings by next week kung saan ilalahad po natin diyan, iisa-isahin natin ang mga priority programs natin para po maihanda natin para sa darating na administrasyon.

AUDREY GORRICETA: Okay. Usec, ano na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes. Gusto lang ho nating magpasalamat sa ating mga kababayan sa patuloy na pakikiisa sa ating gobyerno para labanan po natin itong COVID-19. Patuloy pong bumababa ang mga kaso natin dito sa ating bansa pero hindi pa rin po tayo tapos dito sa pandemya. Katulad po ng atin pong nailahad kahapon na pumasok na po, we were able to detect this sub-variant ng Omicron. At sinasabi na mas nakakapanghawa, mas nakakapag-escape ng immunity.

Pero ang isang pinakamaganda po na nakita natin sa lahat po ng tinamaan ng sub-variant na ito ay sila po lahat ay fully vaccinated, with booster. Lahat po sila ay nag-exhibit lang ng mild symptoms.

Since tayo po will live with the virus, alam natin na the virus will stay here, ang pinaka-objective po natin ay ma-prevent natin ang severe and critical infections. So, iyong mga mild cases po, iyan po ay sana maging mas acceptable, magtuluy-tuloy ang pagbaba ng kaso.

So, hinihikayat ko po ang lahat ng ating mga kababayan na let us receive our booster shot. Ito po ay isa sa mga proteksiyon na ibibigay sa atin para makapunta na ho tayong lahat sa ating new normal.

AUDREY GORRICETA: Okay. Maraming-maraming salamat po sa inyong oras, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.

AUDREY GORRICETA: Sa iba pang balita, ilang mga pamilyang nasunugan sa Muntinlupa City, binigyan ng tulong ng tanggapan ni Senator Christopher Bong Go. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

AUDREY GORRICETA: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.

Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Sa ngalan po ni Usec. Rocky Ignacio, muli ako po si Audrey Gorriceta.

Magkita-kita po muli tayo sa Lunes, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center