Oct. 08, 2016 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
Super Radyo Nationwide, DZBB by Francis Flores |
08 October, 2016 |
FLORES: Nasa telepono po si Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Office, at ating interview-hin tungkol dito sa sinasabi nilang plano ng Malacañang magtayo ng sariling telecoms company ang Malacañang. Totoo ba ito? Secretary Martin Andanar, magandang umaga. SEC. ANDANAR: Magandang umaga Ka Kiko, Francis at sa lahat ng nakikinig sa iyong programa. Good morning. FLORES: Good morning. Gaano ba kaseryoso, magtatayo nga ba ang Malacañang o ang ating bansa ng sarili nating telecommunications service? SEC. ANDANAR: Ang sabi po ng ating Pangulo ay, kung hindi i-improve ang kasalukuyang… suggest ay magtatayo. So kilala natin ang ating Pangulo, alam natin na ang ating Pangulo ‘pag nagsalita ay ibig sabihin niyan ay frustrated na iyan. Gusto niya lamang ay… FLORES: Konektado din ba sa bagal ng mga Internet service at paputol-putol na… na drop calls ba, tawag niyan eh drop calls sa mga—itong mga telecoms na ito hindi ba, Secretary Martin? SEC. ANDANAR: Ah wala namang spared diyan eh, wala namang exempted diyan sa mabagal na network, so kung kailangan talaga, bilisan ng dalawang telcos. Ang pagkakaalam ko ‘di ba bago nanumpa si Pangulo ay nagkaroon ng buyout iyong dalawang telcos, binili nila iyong Liberty Telecoms. And supposedly, iyong frequency na nakuha nila will solve the problem. So, hinihintay pa rin natin kung ano magiging epekto noon. FLORES: In other words, kung itong mga dalawang kumpanya pa rin ngayon na ngayon ay (unclear) na ginagamit natin, at pagka talagang hindi umaksyon pa sa kanila at hindi mag-upgrade ng kanilang sistema, talagang papasok na ang atin bansa. At posible ba, ibig sabihin tayo na ang mag-i-invest, ang bansa na natin, ang gobyerno na ang mag-i-invest ng pagtatayo ng mga telecommunications service na ito? SEC. ANDANAR: Marami namang solusyon Francis, marami namang options diyan. It’s either our country sets up, or kukuha ng isa pang investor mula sa ibang bansa. Ito po ay nakalatag sa plano ni DICT Secretary Rudy Salalima na… mga options na puwedeng gawin para mas ma-improve ang ating telecommunications. Alam mo Francis at sa lahat ng nakikinig, mahalaga po na ang ating telecommunications ay mabilis, hindi dina-drop calls, dekalidad kasi isa ito sa mga tinitignan ng mga investors, investors na maglalagay ng kanilang—maglalaan ng kanilang pera sa bansa para makapagtayo ng mga pabrika at anupamang mga negosyo. At gayun din po iyong mga kasalukuyang negosyo, at tayo ding mamamayan, parang nalulugi tayo dahil nagda-drop iyong calls, so in essence, nasasayang iyong ating inisyal na binabayad. FLORES: Maganda iyan, I understand iyong inyong sinasabi ay ang departamentong in charge diyan ay iyon Department of Information and Communications Technology o ang DICT ano po. So far, ay mayroon na silang mga plano sa mga nababasa ko and I understand isa ito, iyong pagtatayo ng—pagpapalakas pa ng telecom service sa pamamagitan ng DICT. Kaya alam ninyo iyong pinanggagalingan niyan Secretary Martin. SEC. ANDANAR: Oo. Iyong solusyon na inilatag ni Secretary Rudy Salalima ay either magtayo iyong gobyerno ng sarili niyang telco; number two, ay punan ng gobyerno iyong mga lugar na mahina or walang presence ng mga cell sites or fiber optics. At pangatlo, ay kumuha talaga ng—magpa-bid out para sa third player at papasukin talaga para mas lalong maging vibrant iyong kompetisyon. Sa ngayon kasi, dalawa lang iyong kompetisyon ‘no kaya nga tawag nila duopoly. FLORES: Duopoly, oo tama. Kung sabagay, napapansin ng karamihan at tayo mismong gumagamit, itong Internet service pati iyong telepono na dapat sana ay kumbaga ay kapalit noong kung anong binabayaran natin Secretary. SEC. ANDANAR: Yes sir, correct. FLORES: Alright. Puwede ba akong dumako sa ibang topic? Iyong mga taong nagbibigay ng mga impormasyon sa atin ngayon, iyong kanilang feedback dito sa ika-isandaang araw ng Duterte Administration. Sa sarili niyang ratings, sinabi ni Pangulong Duterte anim out of… iyong binilang one to ten, six ang bilang niya sa kaniyang rating bilang Presidente. Kayo, anong mga natatanggap ninyong feedback sa inyong tanggapan, Secretary Martin Andanar? SEC. ANDANAR: Well ako naman initially, ang aking rating ay nasa otso hanggang sampu. Tapos noong lumabas po iyong SWS survey, sa kaniyang war against illegal drugs, nakita naman natin iyong SWS survey kahapon, lumalabas na otsenta’y kuwatro porsiyento (84%) ang naniniwala na… eh satisfied with the war against illegal drugs. Doon naman sa pangkalahatang trabaho ng ating Pangulo, across the board, lahat po ng mga departamento, lahat ng issues ay umani siya ng 75 or 76% na initial rating, highest ‘no among all presidents, at net satisfaction of 64, mababa lang ng two points sa net satisfaction ni Pangulong Fidel Ramos 24 years ago. Kaya hindi na lalayo doon, at sa akin ay 8 to 10 at lumalabas nga doon sa isang survey, initial muna nasa 74 to 75. FLORES: Sinong nagkomisyon noong mga survey na iyon, Secretary Andanar? SEC. ANDANAR: Hindi ko al—malamang siguro Business World ‘no kasi sila iyong unang naglabas eh. ‘Di ba usually mayroon silang survey, Business World? FLORES: In other words, inaasahang na nila ito na, “ops gumawa ng survey”. Eh ano ba iyan, before iyong epekto, after the 100 days o before the 100 days na dapat na-announce ito na— SEC. ANDANAR: The survey was done sometime 3rd week or 4th week of September, reflecting 90 days ng trabaho ng ating Pangulo. Kaya more or less, it mirrors the sentiments of the people for the past 90 days to 100 days. FLORES: Okay. Well other than that Secretary Martin, ano ang mga dapat malaman ng taumbayan mula sa inyong tanggapan bilang Secretary ng Presidential Communications Office? SEC. ANDANAR: Francis, tayo ay tuluy-tuloy na nagtatrabaho, tayo’y handa na para sa next 100 days. Mayroon ding gustong pagtuunan ng pansin ang ating Pangulo ngayong holidays na talagang mas-concentrated iyong focus ‘no. Ito iyong rehabilitation – ba sinabi naman niya iyan – ng ating mga drug dependents na sumurender na, at marami pang proyekto ang ating mga cabinet members na dapat nating subukan din at tulungan pagdating sa communication. FLORES: Alright. Maraming salamat sa pagtanggap mo ng tawag muli namin Secretary Martin Andanar. Salamat po. SEC. ANDANAR: Thank you also. Mabuhay ka, Francis. FLORES: Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Office. ### SOURCE: NIB (News and Information Bureau) |