USEC. IGNACIO: Magandang umaga po, Luzon, Visayas at Mindanao. Ako po si Usec. Rocky Ignacio. Ngayong araw ng Lunes, May 23, mula po sa patuloy na pagmo-monitor ng DOH sa pag-usbong ng iba’t ibang Omicron subvariant sa ating bansa, sa pag-aaral ng mga eksperto sa long COVID cases situation, sa isyu ng pamimigay ng second booster shot hanggang sa mga proyektong kasalukuyang isinasagawa ng Department of Transportation, iyan po ang ating pag-uusapan ngayong araw dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Magsisimula na po bukas ang canvassing ng Kongreso ng mga boto para sa pagka-presidente at bise-presidente. Kaninang umaga ay inilipat na sa Batasang Pambansa ang mga ballot boxes na naglalaman ng certificate of canvass at election returns. Ang update doon, alamin natin mula kay Daniel Manalastas. Daniel?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Daniel Manalastas.
Samantala, nagsimula nito lamang pong nakaraang buwan ang pamimigay ng second booster shot para po sa mga elderly at immunocompromised, at nito lang ding nakaraang linggo ay nagsimula na rin po ang pagtuturok ng second booster shot para sa health workers at senior citizens.
Alamin po natin ang saloobin, opinyon ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion sa usaping iyan. Magandang araw po, Sir Joey.
SEC. CONCEPCION: Magandang umaga rin, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, iminumungkahi ninyong sundin ang CDC guidelines at maisama po iyong mga nasa edad 50 pataas. Bakit po ba mahalaga na maisamang mabigyan na rin ng second booster shot ito pong mga nasa edad 50 pataas?
SEC. CONCEPCION: Well, marami pa tayong stock ng vaccines ‘no. At alam naman natin na kung hindi iyan mauubos, masasayang lang ‘no. At sana iyong HTAC can look at the CDC guidelines ‘no. Kasi itong mga 50 years and above, karamihan niyan ay mga economic frontliners natin ‘no, sa mga private sector. At importante na habang sila ay nasa trabaho ay protektado sila. Kasi itong mga COVID cases, halos muted naman pero may mga bagong variants na dumarating.
At noong meeting namin last Monday, kasama namin ang medical doctors ‘no – sila Solante at iba pa ‘no – at sinasabi nila, itong long COVID ay talagang isang problema … it’s another problem na halos they see between ten to twenty percent of mga pasyente nila ay nagkakaroon ng long COVID. So kung mangyayari iyan sa mga economic frontliners natin, siyempre masisira iyong income nila kasi halos sila ay mag-a-absent dahil sa long COVID. Some of these long COVIDs are somehow bothersome ‘no and they will not be able to focus on their work.
And we have a lot of vaccines, so we’re really hoping that HTAC would consider allowing the 50 years and above kasi kung 60 years and above, hindi naman marami iyan. At palagay ko iyong mga healthcare workers ay kayang-kayang i-supply iyan. So, maraming supply pa rin. Pati sa private sector ay hindi naman mabakunahan ang mga tao namin because karamihan sa kanila are 50 years old and below. But we’re pushing for the 50 years kasi may base iyan dahil sa CDC ‘no.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa inyong opinyon, Secretary, mas makakabuti po ba sa ating bansa at ekonomiya, bukod dito sa sinasabi ninyong long COVID kasi, kung i-extend daw po sa mas mababang edad katulad po ng mga nasa edad 20 pataas iyon daw pong papayagang mabigyan ng second booster shot?
SEC. CONCEPCION: Well, sa mga immunocompromised at may mga comorbidities diyan sa Amerika, binibigyan [iyong] below 50 years old ‘no. So kung sundin lang natin iyong CDC guidelines, walang problema 50 years and above. Pero below 50 years, kailangan may mga comorbidities, immunocompromised ‘no. So, dapat siguro we should follow those guidelines if we, the Philippines, the HTAC will allow the use of these vaccines.
Kasi ngayon, hanggang 60 years and above. And habang tumatagal, siyempre maraming bakuna diyan na mag-i-expire, pati iyong mga vaccines ng private sector. Hanggang July na lang ang AstraZeneca ‘no, at iyong Moderna ay na-extend na rin. Pero depende sa mga arrivals noon, puwede pa ring gamitin. Pero kung hihintayin natin hanggang end of the year, baka mahihirapan na tayo ‘no.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, nagkaroon nga po ng prediction din itong OCTA Research na maaaring tumaas na naman ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa pagkatapos ng eleksyon. Kung sakali daw pong tumaas ang COVID cases sa ating bansa at tumaas din na naman ang alert level, na sana naman po ay huwag na ano po, ano raw po ang magiging epekto nito sa ekonomiya?
SEC. CONCEPCION: Well, noong meeting namin last Monday, lahat ng mga medical doctors ay sinasabi, yes, posibleng tumaas. Itong mga bagong variants natin, may mga dumarating na rin dito. At hindi natin puwedeng i-lockdown naman ang tourism sector natin. At kung magka-quarantine tayo ng mga turista na dumarating ay talagang babagsak ang economy ng Philippines.
So iyong bakuna talaga ang importante. Nakita natin sa ginawa ng public sector, private sector in the previous months na mataas iyong primary doses kaya talagang bumagsak iyong mga kaso natin, pero dapat ituloy natin dito sa mga booster shots. Now, eh ang economy natin is doing very well now ‘no at kailangang sumigla ito kasi iyong kailangan natin dito is job generation. Iyong mga wage increases na 33 pesos, okay lang iyan. Pero kung magsasarado tayo ulit kasi tataas iyong mga alert level, from Alert Level 1 to 2 or even 3, then halos iyong mga maliliit na negosyante na umaarangkada na, siyempre mawawala iyong kumpiyansa. Pati iyong mga bangko na sila ang nagpapautang ulit sa mga MSMEs kasi noong unang … a year ago, talagang tinamaan sila. So, may mga restructuring sa loans iyan. So, binabayaran nila iyan at iba pa na, say, they have the [unclear].
So sa tingin ko, imposible—dapat huwag nating itaas iyong alert levels natin ‘no. Kahit tumaas iyong infection level, kahit thousands iyan pero iyong hospital capacity natin ay talagang mababa pa rin, dapat tuluy-tuloy pa rin itong Alert Level 1 ‘no. Katulad sa ibang bansa, mataas iyong infection level pero iyong hospitalization capacity nila ay talagang mababa, hindi sila nagla-lockdown at tuluy-tuloy ang mobility nila. So dapat sundin natin ang ginagawa ng ibang bansa. At ang Pilipinas ngayon, tumaas ang loans natin ‘no. Alam naman natin dahil sa pandemya, dahil sa Build Build Build, halos 12.7 trillion na iyan ‘no, pesos, at tataas iyan sa 13 trillion ‘no. So, hindi natin kayang itaas ang alert level. At sinasabi na namin sa mga ibang medical groups na dapat puwersahin natin iyong booster shots natin. At ngayon, wala nang restrictions dito sa mga restaurants. Maski may vax card o wala, pumapasok na ang mga tao.
So, there’s no mandate on vaccines ‘no. So, ngayon it’s up to the Filipino people to just make sure that they get their boosters. Especially kung mga economic frontliners sila, kung magkakasakit, then baka maubos ang sick leave nila ‘no.
USEC. IGNACIO: Opo. Aside from that, Sir Joey, ano pa iyong sa tingin ninyo na iba pang puwedeng gawin ng pamahalaan para mapigilan itong pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa, lalo na ngayong may naitala na rin pong unang kaso ng Omicron sub-variant BA.4 sa bansa na sinasabi daw pong mas nakahahawa?
Secretary, ganito rin po iyong tanong ni Lei Alviz sa inyo ng GMA News: Ano daw po ang rekomendasyon ninyo para hindi ito makaapekto sa economic recovery?
SEC. CONCEPCION: Well, now, halos tapos na ang eleksiyon natin at siguro [ang] mga governors, mayors natin ay makakapag-focus dito sa mga bakuna drive natin, especially sa booster shots ano. Tama rin ang sinasabi nila [na] hanapin ang mga hindi bakunado, kumbinsihin natin [sila] na talagang importante ito habang may mga dosage pa tayo.
The next administration ay hindi natin alam kung itutuloy nila ang programa ng vaccination, kasi kung matumal ang mga booster shots natin eh masasayang lang ang pera natin kung tuluy-tuloy ang pagbili ng mga vaccines.
So, massive campaign. And we launched also our ‘boost to the max’ na makikita ninyo sa social media, sa diyaryo, sa radyo, lahat iyan, we are encouraging them kasama ang mga medical doctors. Pero ang importante dito ay ang mga local government officials natin ay dapat na tumulong dito sa kampanya ng pagbo-booster, kasi nakasalalay dito iyong ekonomiya ng Pilipinas at ang hanapbuhay ng mga maliliit na negosyante na talagang tatamaan [kung hindi magtulungan]. And dapat may mindset change rin tayo, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong po mula pa rin sa ating kasamahan sa media, mula naman po kay Ivan Mayrina ng GMA News: The BSP daw po projects that domestic economic activity in the Philippines with return to pre-pandemic levels by the second half of this year. Do you think we are on track for this projection?
Mukhang nagkaroon po tayo ng problema sa linya ni Sir Joey; babalikan po natin si Secretary Joey.
Tiniyak ni Vaccine Czar at NTF Chief Implementer Carlito Galvez Jr., na tuluy-tuloy pa rin ang kaniyang pagganap sa kaniyang tungkulin kahit pa siya ay naka-isolate, ganoon din po ang kaniyang pamilya.
Kahapon [ay] inanunsiyo ng Kalihim na siya po ay nagpositibo sa COVID-19 at bagamat nakararanas ng mild symptoms [ay] maayos naman aniya ang kaniyang disposisyon. Inabisuhan na rin po ni Secretary Galvez ang kaniyang mga naging close contacts ukol dito.
Habang naka-isolate ay tuluy-tuloy aniya ang monitoring ng Kalihim sa peace process at vaccination effort sa bansa at muli rin niyang pinaalalahanan ang publiko na magpabakuna na hangga’t may pagkakataon.
Samantala, balikan po natin si Sir Joey.
Sir Joey, pasensiya na po. Balikan ko lang po iyong tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News: Ang BSP daw po projects that domestic economic activity in the Philippines will return to pre-pandemic levels by the second half of this year. Do you think we are on track for this projection?
SEC. CONCEPCION: Definitely. I think the country is moving forward – mobility is doing well, businesses are coming back – provided we don’t have increased alert levels ay tuluy-tuloy ito. Consumer spending is up despite iyong inflation natin medyo tumataas dahil sa Russian-Ukraine crisis. So, talagang gumaganda na ang negosyo at hopefully hindi tayo tamaan dito sa Omicron, it will continue to remain [unclear].
Ang importante ay dito sa bagong administration na papasok, siyempre, ang focus na importante ay dito sa micro and small, kasi the MSMEs employs close to 70% of the workforce, so importante talagang alagaan natin ang mga MSMEs natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow-up question po ni Ivan Mayrina ng GMA News: Are you worried that the new Omicron variants and the threat of new surges and other global economic factors might derail this [economic activity]?
SEC. CONCEPCION: Well, I am not that worried because what I believed is that at this point in time, while our immunity is starting to wane, we still have a lot of vaccines with us. Ang importante lang dito is we implement and vaccinate our people with the boosters.
Nakikita natin dito tulad sa New York, balik sila sa mga mask ‘no. So, ang kagandahan dito sa Pilipinas ay halos lahat ng mga Pilipino ay they continue to wear the mask ‘no. So, continue to wear the mask, importante rin iyan eh. So, I believed masking will have to stay for some time until these variants will simmer down and hopefully disappear ‘no.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo na nga po, Sir Joey, itong Russia-Ukraine conflict, masasabi ninyo po ba na makakabangon po iyong ating bansa o makaka-adapt ang bansa sa epekto nito?
SEC. CONCEPCION: Well, ang problema sa Russia-Ukraine crisis, katulad ng trigo, tumaas ulit iyan nang mga sixty dollars in one week as the conflict continues. Iyon ang nagbibigay sa atin ng mataas na inflation ‘no – tumataas ang presyo ng gasolina, bumababa iyong presyo ng diesel ‘no, so depende rin iyan.
Pero halos lahat ng basic commodities at iba pa ay talagang malaki ang itinaas ‘no. So, we have to brace for that. Hopefully, itong mga price increases natin will not dampen the purchasing power of our people, kasi we want consumer spending to continue. Importante iyan [kasi] kung humina iyong consumer spending natin, siyempre, baka magkaroon tayo ng slowdown in the economy which we cannot afford at this point in time.
At [itong] sinasabi nilang threat of stagflation ay posible rin iyan kasi kung talagang tuluy-tuloy ang pagtaas ng lahat ng bilihin natin, maski magdagdag tayo ng mga wage increase, iyong pagtaas ng mga ibang commodities ay talagang grabe ‘no. So, iyong mga manufacturers katulad namin, we are absorbing some of the increases kasi ayaw naming bumagsak iyong mga benta namin. So, we have to manage it well.
Pero I’m very optimistic that our economy would still continue to do well, especially under this new administration kasi every administration nagbibigay iyan ng renewed confidence ‘no. So, if the new administration, si BBM, will continue to support all the things that he [Duterte] did, well, Build Build Build and all of that, [sa] palagay ko [ay] tuluy-tuloy pa rin itong pag-arangkada dito sa bansa natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, tayo ay nasa gitna pa rin ng pandemya pero may mga kaso na rin po ng monkeypox na naitala sa iba bansa. Kung sakali daw pong mas lumala pa itong kaso ng monkeypox, ano daw po iyong posibleng maging epekto nito sa ating bansa lalo na sa ating ekonomiya? May nakikita po ba kayong posibleng maging epekto, Sir Joey?
SEC. CONCEPCION: Well, dito sa monkeypox, pinag-usapan din iyan noong last Monday at sinabi ng mga medical doctors natin, advisers, na itong monkeypox, it’s not something to be concerned with.
For those who have taken smallpox [vaccine], those above fifty years [old] most probably have taken smallpox [vaccine], so there is some level of protection pa rin diyan ‘no. And this is (monkeypox) not as transmissible as Omicron. If you research, nakikita natin dito [na] talagang more than close contact – either the saliva and all of that.
So, I’m not too concerned with monkeypox. While it is starting to spread, but it’s not the way na nakikita natin dito sa Omicron na ang bilis nito. Ang paggamit ng mask ay maliit na bagay iyan sa atin, it will continue to protect us and all of those, especially those sixty years old and above, kami ay kumuha ng smallpox [vaccine]. So, according to our doctors, there is some protection there from the time we took smallpox [vaccine] many, many years ago ‘no. But they have stopped giving smallpox vaccinations kasi they [have] eradicated smallpox ‘no. Smallpox and monkeypox are almost the same according to these doctors.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, sa inyo pong nakaraang pahayag ay hinikayat ninyo ang pamahalaan na i-implement by June na po, ngayong taon, iyong kailangan munang magpakita ng booster shot card bago daw po makapasok sa mga enclosed establishment, ito po ba ay gusto ninyo pa rin pong ituluy-tuloy, Sir Joey?
SEC. CONCEPCION: Well, give up na rin ako diyan kasi maraming hindi pumapayag diyan sa mga booster shots. Kasi nakikita nila kakaunti rin ang mga taong kumuha ng booster shots, so halos walang papasok diyan sa mga business establishments.
Now, sa unang mga bakuna, siyempre halos 80% na ang kumuha ng mga primary vaccines. Pero sa tingin ko, medyo nagwi-wane na rin iyan, Kasi ako, I took an antibody test, at after may first booster shots, ang laki ng bagsak niya after six months. So, tamang-tama ang sinasabi nila, after your booster shot, you ideally take between four months. Pero, and I see a lot of Filipinos, talagang over confident na rin tayo. Nakita natin, halos wala naman nang kaso, mahina ang mga talagang nai-infect.
Pero, recently I have been talking to more people and they are seeing cases go up. But very slow, so it is not alarming. Ang sinasabi nila Dr. Ranjit Rye ng OCTA, down the road, we just don’t know, all of a sudden, dadami itong mga kaso at we can have a surge again. So, importante talaga dito iyong booster campaign natin. Kung wala tayong bakuna, walang problema. Marami tayong bakuna ngayon, out there eh. Sa tingin ko, it’s better to put that in our body, rather than in the cold storage eh. And masasayang lang iyan at ang laki ng gastos natin dito sa mga bakuna na ito.
So, I am appealing to our citizens na, if you really want to save the Philippine economy and protect lives of people, kunin na natin iyong booster. Kailangan rin natin iyan.
USEC. IGNACIO: Sir, Joey, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay panahon at impormasyon sa amin, Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion. Salamat po.
SEC. CONCEPCION: USec, thank you, USec.
USEC. IGNACIO: Thank you po. Samantala, nito lamang Sabado, May 21 ay inanunsiyo ng Department of Health ang unang kaso ng Omicron subvariant BA.4 sa Pilipinas. At kasalukuyan ring mino-monitor ngayon at pinag-aaralan ng mga eksperto ang sitwasyon ng long COVID cases sa ating bansa. Atin pong alamin ang iba pang detalye patungkol diyan. Kasama po natin si Infectious Diseases Expert na si Dr. Rontgene Solante. Magandang umaga po, Doc?
DR. SOLANTE: Good morning, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, Rontgene, ito pong Omicron subvariant BA.2.12.1 ay nakapagtala po ng 17 cases sa ating bansa, 16 po dito ay tama po ba, locally acquired. May panibagong update po ba patungkol sa subvariant na ito?
DR. SOLANTE: So far, USec. Rocky, we are dependent on the result of the Philippine Genome Center and for now, I think they don’t have yet updates on whether our cases for the BA.2.12.1 has increased. And that is what we are trying to wait, especially for a slight increase in the cases for the past two to three days. But, I don’t see this as a significant increase. But, it’s important to monitor, because these are also important way of telling us, if this variant of concern of the lineage of the Omicron, which is more transmissible than the parent Omicron will be the cause of the local transmission or community transmission.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, Rontgene, nito lamang Sabado, nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant na BA.4 sa ating bansa. May iba pa po ba kayong impormasyon patungkol dito sa Pilipino pong nagpositibo dito sa BA.4, maliban po sa siya po ay nanggaling sa Middle East?
DR. SOLANTE: So far, the information about this infected or with the BA.4 is really limited. And going back to this BA.4, this is also another lineage of the Omicron, that is being seen as responsible for the spike and surge of cases in South Africa and in Portugal ‘no. And right this so, that we need to monitor also, since we now have both of this lineages of the Omicron, more transmissible and the other aspect of this lineages, it can also evade immunity from the vaccines that we have received especially for those who have been given the vaccine, four to six months ago and without boosters, including that of those who were previously infected with the Omicron variant of concern. This is not an assurance that you will still be protected with this BA.4. So, we need to closely monitor if in the next few days or a few weeks if there will be increased in the cases.
USEC. IGNACIO: Opo, pero sa ngayon po, bukod doon sa mga nabanggit inyo, may panibagong update po ba dito sa BA.4? May mga naidagdag po bang naitalang kaso o wala naman po? Sana wala na po.
DR. SOLANTE: Yes, I think, none yet has been reported. But we need to wait, because, we know, how our surveillance is doing. And it is not real-time and we need to wait for further information. Hopefully, within this week, they can also have a follow-up on the result and the sequencing of other positive individuals. But. I am hoping, it will not be causing an increase in the cases.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Rontgene, bakit daw po itinuturing na variant of concern itong BA.4, kumpara po sa ibang subvariant ng Omicron variant of interest lang? Ito rin po ang tanong sa inyo ni Lei Alviz ng GMA News at isa pa po niyang tanong. Ano raw po iyong katangian nito at gaano ito kabilis makapanghawa?
DR. SOLANTE: Okay, so if we look at Omicron as the parent virus. BA2, so let’s take it first, BA 2 is 20 to 30% transmissible over the parent Omicron variant of concern. So, you have that selective advantage that can easily be transmitted from one person to the other. So, that is one factor, why it was considered a variant of concern. Now, you have BA.4, which among the data coming from South Africa and Portugal that it has a growth advantage of at least 13 to 14%. So, what does this mean? This is more transmissible compared to the BA2. And in fact, in just a few weeks, cases have surged in these two countries. And more or less, although BA.2 is still the dominant variant of concern. But it is predicted, but by the way, the rate of the increase in cases among the population infected with BA.4 in these two countries. They are predicting that BA.4 will be and BA.4 and BA.5 will be the next dominant variant of concern.
And because of that easily spread and rapidly spreading. These are the main reason, why it is a variant of concern. And the other factor, USec. Rocky, even if you are infected before with an Omicron, even if you were vaccinated, fully vaccinated, you are not exempted, you can still get this infection. So, another factor to make this variant of concern category.
USEC. IGNACIO: Opo. Kaya dapat talaga, Dr. Rontgene, sobrang pag-iingat pa rin ano. Sunod pong tanong ni Lei Alviz. Ano daw po iyong mga dapat gawin para maiwasan ang surge dala ng mga bagong Omicron subvariants?
DR. SOLANTE: Okay, so the presence of these lineages or subvariants is not for us to panic ‘no. It’s for us to be ready always with our protocol, with our way of preventing it to be transmitted easily, okay. The more we have to reinforce our health protocol by wearing the face mask, especially in poorly ventilated areas. Being able to get the booster vaccine for the general public and increase the uptake of the second booster for the healthcare workers or the immunocompromised and for the 60 years old and above.
So, it’s not to panic. We need to strengthen our measures on how we cannot transmit this and how we cannot expect a surge and spike of cases.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dr. Rontgene, nakikita po ba ninyo iyong posibilidad na maging dahilan itong BA.4 na mabilis na pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa?
DR. SOLANTE: Well, personally, it is a possibility, because in countries like South Africa and Portugal where vaccination is also high, but the booster uptake is low, because of waning immunity. This is where higher breakthrough infection. So, we call that breakthrough infection, meaning after being fully vaccinated, you can still get the infection because your immunity has waned and chances are, the majority of our population are still having the fully vaccinated series. But there is already a percentage per population in which immunity has waned because we are not getting the booster dose.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit po kanina sa aming interview ni Secretary Joey Concepcion na kung tumaas man daw po iyong mga kaso at hindi naman po makakaapekto sa ating hospitalization rate. Sana daw po ay huwag nang magbago itong ating mga alert level. So, sa tingin ninyo, kung sakali lang po na talagang tumaas din iyong kaso sa bansa dahil sa BA.4? Ano po ang nakikita ninyong epekto nito sa hospital utilization rate sa ating bansa?
DR. RONTGENE SOLANTE: Okay. Based on the limited data, this variant has not been observed to cause more severe infection. So that’s good news because you may just have mild infection and you can still just isolate yourself and you don’t need to be brought to the hospital. So in a way, we can spare the hospitalization part.
But you know, Usec. Rocky, if cases are going up, there’s always a possibility that some of these patients will really be going to the hospital ‘no, and that’s what we are trying to monitor. As long as our hospitalization rate is stable, hospitals can still accommodate even if they will be hospitalized or those with severe cases, I don’t see the need that we will increase or we will enhance our alert level ‘no.
But again, monitoring is very important now since we now have two of these lineages that are considered to be highly transmissible and can also evade vaccine protection.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo na epektibo pa rin po iyong bakuna ng mga nakakuha ng booster shot laban dito sa BA.4. Pero puwede ninyo po bang irekomenda na magpa-second booster shot na dahil dito? At paano naman po kaya itong primary vaccine lang iyong nakuha?
DR. RONTGENE SOLANTE: Okay, that’s a very good question ‘no, so how we go about it? So the question is: Do the general population [have] enough reason to be given a second booster because of these variants of concern? For now, there’s no data to tell us that the general population will benefit with the second booster. That’s why, monitoring those vaccinated and also boosted, and if we have more cases of fully vaccinated already and getting the booster also, the first booster, and yet getting the infection, then there’s more reason to believe that most likely a second booster is needed in order to maintain that wall of immunity for the general population.
So since we don’t have that data yet, it’s important to observe and monitor the cases and to emphasize the importance of a second booster for the vulnerable population.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, may tanong po iyong ating kasamahan sa media. Tanong po sa inyo ni Raphael Busano ng ABS-CBN: Alin daw po sa dalawa ang mas transmissible, itong monkeypox or SARS-CoV-2? Dapat daw po bang mangamba ang publiko sa monkeypox? At gaano kalaki ang tiyansang makapasok ito sa ating bansa?
DR. RONTGENE SOLANTE: Okay, in terms of transmissibility, it’s still the COVID that is more transmissible because of several ways of transmission. Aside from the droplet, you can also have airborne. Because of [it being] a very small particle, it can remain in the air and then you’re already exposed, that’s another way [of transmission]. And there’s also contact transmission.
For the monkeypox, the most common human-to-human route of transmission or mode of transmission is only respiratory droplets. So meaning, within three feet talking to each other without any facemask, that’s the mode of transmission.
Now, on the aspect of possibility that it can be present in our country – yes, it will. It is a possibility because even in some countries where the healthcare facilities, the ability to diagnose is really very high-tech and the infection was still documented ‘no, [but] with travel, you know now the possibility of one infection, a person carrying the infection can also travel a lot and can also enter a country. That’s where the vulnerability of most of our population when one has the infection, incubating and then arrive in the Philippines and develop the symptoms upon arrival or after the arrival.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, follow-up lang po ni Jenna Balaoro ng GMA News: Sa pagpasok daw po ng BA.4 dito sa bansa ay kung irirekomenda ninyo na po ang border restriction sa Pilipinas?
DR. RONTGENE SOLANTE: So far, it’s too early to implement a border restriction. Even in countries where BA.4 and 5 are already increasing, they don’t implement border restrictions. What’s important here is to really monitor and, I think we need to encourage the testing of all those who are vulnerable population. We have to target the vulnerable population having the symptoms so that we can intervene because of treatment. And I don’t see any problem with the general population as long as we are wearing our facemasks; we are following the health protocols.
USEC. IGNACIO: Opo. Ayon po kay Dr. Ted Herbosa, kasalukuyang mino-monitor ang kaso ng long COVID sa ating bansa, ano po itong long COVID at ano usually ang nararamdamang sintomas ng mga [taong] nakakaranas daw po nitong long COVID?
DR. RONTGENE SOLANTE: Okay, long COVID is now an accepted diagnosis as part of the complications of COVID-19. It usually occurs after patient has fully recovered but still had symptoms like difficulty of breathing; difficulty of recall, so memory problem; and there are also some elements of fatigability; or some have on-and-off cough ‘no.
So usually, long COVID is considered a complication of COVID-19, and there are specific populations that when you have long COVID, there are also complications in the heart and the pulmonary organ ‘no, and sometimes they can be readmitted again because of these complications. And that’s why it’s important that part of our work in the ground is monitoring those who have these symptoms because follow-up with doctors is important to prevent such complications of the heart and the lungs.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, pero ano raw po iyong puwede ninyong imungkahi na sa tingin ninyo ay maaaring gawin po ng ating pamahalaan para naman po masolusyunan itong mayroong long COVID cases situation sa ating bansa?
DR. RONTGENE SOLANTE: Okay. Aside from increasing the rate of vaccination because vaccines can also prevent long COVID. So meaning, if you have COVID and you were vaccinated, data from UK [says, it] is important that your risk of getting long COVID is lower if you were vaccinated [as] compared to unvaccinated.
But I think the more important part here is that, consider long COVID as part of a complication that most hospitals should ready to address, okay, ready to address in terms of prevention of more complications as a result of long COVID, and that entails also a regular follow-up with the doctors.
USEC. IGNACIO: Doc Rontgene, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin at pagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon. Doc Rontgene Solante, maraming salamat po.
DR. RONTGENE SOLANTE: Thank you, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, nagpaabot naman ng pagbati si Senator Bong Go sa mga atletang Pinoy na muling nagwagi sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Ang detalye sa report na ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Nauna na pong naging projection ng OCTA Research na maaaring tumaas ang COVID-19 cases sa ating bansa pagkatapos po ng eleksiyon. Ngayon naman po, nakatuon din ang pansin ng bansa sa Omicron sub-variant na BA.2.12.1 at Omicron sub-variant na BA.4 na sinasabing mas mabilis makahawa. Dahil po diyan ay makakasama natin ngayon si Dr. Guido David mula po sa OCTA Research.
Magandang umaga po, Professor Guido.
DR. GUIDO DAVID: Magandang umaga muli, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Professor, ito pong naitalang bahagyang pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila, masasabi po ba natin na epekto ito nitong nagdaang eleksiyon?
DR. GUIDO DAVID: USec., ang palagay namin, most likely [ay] epekto ito ng panibagong subvariant rather than iyong sa election. Bakit hindi sa election? Kasi since February naman may mga campaign rallies na tayo, may mga sorties tayo, tapos hindi naman tayo nakakita ng pagtaas ng bilang ng kaso.
At ang election [ay] more than two weeks ago na eh, so itong mga nakikita nating mga uptick ng cases – maliit pa lang sa ngayon – [sa] tingin natin ay dala ito ng subvariant na mas nakahahawa kaysa doon sa dati.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na po itong tanong mula kay Raphael Bosano ng ABS-CBN News: Dalawang linggo po mula nang matapos ang eleksiyon at mga rally na itinuturing na superspreader events at hindi po nakita ang malaking pagtaas ng kaso ng sakit, masasabi na po ba nating tapos na iyong period na pinaka-critical [na] naobserbahan [kung saan] posibleng hindi na papalo ang bilang ng magkaka-COVID?
DR. GUIDO DAVID: Tama iyon, USec. Rocky. More or less tapos na iyong observation period kasi naka-two weeks na tayo since noong elections. So, sa tingin natin ay hindi ito nagdulot ng pagtaas ng bilang ng kaso. Pero iyon nga, ang mino-monitor natin ngayon [ay] iyong dalawang subvariant na na-detect na sa bansa natin.
USEC. IGNACIO: Pero, Professor Guido, ito pong Omicron subvariant na BA.2.12.1 ay sinasabi nilang mabilis po na makahawa pero sa ngayon nga ay mayroon lamang na 17 cases na subvariant na naitala sa ating bansa. So, sa tingin po ninyo, bakit po kaya naging mabagal ang pagkalat ng subvariant na ito?
DR. GUIDO DAVID: USec. Rocky, sana nga mabagal na iyong pagkalat nito.
Nakita nila ito sa New York na nagdala siya ng pagdami ng kaso pero iyong pagtaas ng kaso sa New York ay hindi naman ganoon kabilis kasi mayroon pa rin naman silang wall of immunity na tinatawag nga [laban] sa Omicron.
At tayo, ganoon din. Kumbaga, mayroon pa tayong ano—Kung iisipin natin iyong wall of immunity natin ay malakas pa rin, more or less pero may mga nakakalusot na kaunting infections, may mga breakthrough na kaunti, iyon ang mga nakikita nating uptick pero so far, kaunti pa lang.
This [is] positive pero siyempre hindi pa natin masasabi kasi titingnan natin, USec., over the next few weeks kung makaka-breakthrough itong BA.2.12.1 at saka lalo na itong BA.4 na nanggaling sa South Africa.
USEC. IGNACIO: Pero sa tingin ninyo, sakali pong magkaroon ng surge, aabot sa ilan po ito, Professor?
DR. GUIDO DAVID: Yes, USec., iyong sa South African na BA.4, umabot sila ng mga more than 10,000 cases kada araw from 1,000, pero ito ay mas mababa doon sa November to December surge na nangyari sa South Africa.
So, ang tingin natin, medyo similar din sa atin. Sa atin, ang pinakamarami nating nakita ay 40,000 noong January pero kahit magkaroon tayo ng surge sa BA.4, dahil medyo malakas po iyong wall of immunity natin kahit papaano, baka a few thousand cases lang iyong makita natin, baka nga umabot lang ng mga 5,000 at most or siguro magugulat na ako kung umabot na rin siya ng mga 10,000. Pero sa tingin ko [ay] hindi na lalampas ng mga 12,000.
Pero siyempre, USec., ang mahalaga ay patuloy na magpabakuna tayo at magpa-booster tayo, iyong mga eligible for booster at sumunod tayo sa health protocols para maiwasan natin itong pagdami ng kaso due to the subvariant.
USEC. IGNACIO: Opo. Nitong Sabado lamang po kasi inanunsyo na nga ng DOH itong Omicron subvariant na BA.4 na nakapagtala na sa ating bansa at tinatagurian po itong variant of concern dahil mas mabilis itong makahawa kumpara sa ibang subvariant. So, ano po iyong magiging projection ng OCTA Research hinggil dito? Maaari po bang maging sanhi ito ng pagtaas pa ng COVID-19 cases sa bansa?
DR. GUIDO DAVID: Yes, USec., possible na magkaroon ng pagtaas ng kaso dahil dito sa BA.4 na nakita nga natin sa South Africa na napataas nila iyong kaso up to 10,000 cases per day. Dito sa atin, sa tingin natin hindi naman tayo lalampas ng 10,000 kung sakaling magkaroon ng pataas dito sa BA.4.
Of course, dalawa na sila ngayon na binabantayan natin, iyong BA.4 at iyong BA.2.12.1, pero sana naman hindi na ganoon kataas iyong cases na makita natin. So far, nakikita natin na mahihirapang makalusot itong subvariant dito sa ating wall of immunity. Sana patuloy nga iyan pero hindi natin maga-guarantee na hindi siya makalulusot dito sa wall of immunity natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Dahil diyan sa tingin ninyo, ano po iyong maaaring gawin para pigilan iyong pagtaas ng COVID ulit sa ating bansa? Kung sisimulan na rin pong mabigyan ng second booster shot itong mga nasa edad 60 pababa, Professor?
DR. GUIDO DAVID: USec., malaki ang maitutulong ng pagbibigay ng second booster shot sa mga kababayan natin kasi mapapalakas ulit iyong ating wall of immunity. Iyong mga antibody levels, tataas ulit sa mga kababayan natin at maaaring ma-prevent natin itong pagdami ng bilang ng kaso.
At iyong sinasabi nga nila, itong vaccination [ay] malaki rin ang naitutulong nito sa pag-prevent ng long COVID na napag-usapan kanina. So, hindi lang protection against severe ang iniiwasan natin pero also protection against long COVID.
So, iyon ang mga puwede nating gawin at saka siyempre, USec., ganoon pa rin, patuloy na pag-iingat, pagsunod sa health protocols, pagsuot ng face mask, iyong mga protocols natin, sumunod tayo sa mga sinasabi ng mga experts, makinig tayo sa mga alerts kung mayroon mang pagdami ng kaso.
At saka for the hospitals and then iyong systems, kailangan siyempre handa na iyong mga systems natin, iyong mga hospitals natin kung sakaling tumaas ulit iyong bilang ng kaso. Iyong mga supplies natin, iyong mga antigen test kits natin at iyong mga basic supplies natin for medication, like paracetamol, sana prepared na rin tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Maliban po sa NCR, ano daw po iyong projection ng OCTA Research sa COVID-19 cases sa iba pang bahagi ng bansa lalo na daw po sa mga probinsiya? Ano pong mga lugar ang dapat bantayan at pagtuunan ng pansin ng pamahalaan at ng mga LGU? Ito rin po iyong tanong ni Lei Alviz ng GMA News.
DR. GUIDO DAVID: Yes, USec. Sa NCR, actually iyong reproduction number tumaas na siya sa 1.05%, mas mataas na siya sa 1 tapos mayroon siyang 8% growth rate. Kumbaga, tumaas nang 3% ang kaso kumpara sa nakaraang linggo although maliit pa lang naman ito. We’re still at low risk sa NCR kasi mababa pa iyong hospital utilization, mababa rin iyong positivity rate natin, nasa 1.2% iyong positivity rate sa NCR.
Sa mga ibang lugar naman, ang mga binabantayan natin persistently iyong South Cotabato medyo mas mataas nang kaunti iyong bilang ng kaso kaya sa mga ibang areas. Iyong Agusan del Norte nakita natin medyo mas mataas nang kaunti pero they’re still at low risk. Hindi pa naman alarming iyong mga nakikita natin ngayon, ang sinasabi lang natin [ay] ito iyong mga lugar na medyo mas mataas nang kaunti ang bilang ng kaso. Ganoon din sa Albay sa Bicol Region.
So, may mga areas na mino-monitor tayo pero sa ngayon [ay] wala pa namang alarming dito, USec. Mababa pa rin iyong bilang ng kaso, mababa pa iyong positivity rate. Sa Palawan din, nakita natin [na] tumatas din iyong positivity rate pero bahagyang-bahagya lang ito. Bale tumaas siya from mga 5% to 8% sa Palawan. Actually, sa Palawan this is still low pero ayon mino-monitor natin.
At kung patuloy na tumaas iyong mga numbers na ito, USec., siyempre iu-update natin iyong mga kababayan natin para maging alert sila sa mga pangyayari sa mga lugar nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito pong susunod na tanong ni Lei ay nasagot ninyo na pero basahin ko na lang po ano: Ano daw po iyong nakikita ninyo na malamang na dahilan ng uptick? Ito po ba ay dahil sa eleksiyon o dahil sa bagong Omicron subvariants?
DR. DAVID: Yes. Usec, most likely ay hindi iyan dahil sa eleksiyon, dahil dalawang linggo nang nakalipad ang eleksiyon. At mayroon na rin naman tayong mga ibang mga mass gatherings tulad ng mga campaign sorties. So, ang tingin natin, iyong uptick ay baka dala na iyan ng panibagong sub-variant at dalawa na silang nakapasok sa atin, iyong BA.4 at BA.2.12.1.
USEC. IGNACIO: Professor, nakikita raw po ba ng OCTA Research na magtutuluy-tuloy na iyong pagbuti ng lagay ng Pilipinas pagdating sa COVID-19 cases sa ating bansa ngayong taon, kahit mayroong dalawang sub-variant? Kaya ba ng Pilipinas na bumalik tayo sa normal, na magtanggal ng face mask kagaya ng nasa ibang bansa?
DR. DAVID: Usec, kaya naman iyang mga iyan, hindi naman natin nasasabi nang tapos. Actually, malaki na iyong improvement sa kalagayan natin kumpara sa nakaraan na taon. At, maganda na iyong nakikita nating mga numero sa ekonomiya natin.
Actually, isa tayo sa pinakamababang bilang ng kaso sa Southeast Asia o dito sa Asia. Ngayon sa Taiwan, ang taas ng bilang ng kaso nila eh, umaabot sila ng mga 100,000 cases kada araw. Sa US, may uptick na naman sila. At iyon nga, sa South Africa, may uptick. So, may mga iba-ibang lugar na nakakakita pa ng uptick. Tayo, maliit na maliit na uptick pa lang, we are still at low-risk. Sana hindi na ito tumaas masyado, at kung tumaas man siya ay we will be able to manage it dahil marami tayong bakuna.
So, ang masasabi ko, Usec, successful iyong vaccination program natin. Malaki ang naitutulong nito sa ating pagpapabuti ng kalagayan sa bansa. Kung hindi dahil dito, baka nagla-lockdown pa ulit tayo, pero dahil dito, malakas na iyong ating wall of immunity. Baka magkaroon tayo ng uptick, pero tingin ko, kahit magtaas ng kaso, tingin ko, mostly mild lang ito. Pero para maging mild itong mga kaso na ito ay dapat, Usec, patuloy na magpabakuna tayo at magpa-boosters para rin maiwasan natin ang long COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Jena Balaoro ng GMA News: Sa pagpasok daw po ng BA.4 ay kung irerekomenda na dapat daw pong magkaroon ng border restriction sa ating bansa?
DR. DAVID: Usec, masyado pang maaga para magkaroon ng border restrictions. At saka nakapasok na rin naman na ito. Ang mas mabuti ang management natin ngayon, instead na pinapatay natin ang ekonomiya ay iyong ating pagpapabakuna at saka pagsunod sa health protocols, iyon iyong mga pinakamagandang paraan para mabalanse natin ang ekonomiya natin at iyong public health natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor Guido, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin at pagbibigay-impormasyon, Dr. Guido David ng OCTA Research.
DR. DAVID: Maraming salamat, Usec.
USEC. IGNACIO: Samantala, pito ang kumpirmadong nasawi matapos pong masunog ang isang barko sa Quezon Province. Batay po sa ulat ng Philippine Coast Guard, sakay ang 124 na pasahero, bumibiyahe ang [fast craft vessel] MV Mercraft mula Polilio Island patungong Real, Quezon nang mangyari ang insidente. Sa ngayon ay nasa 105 na po ang nailigtas, habang may ilang paseharo ang agad na isinugod sa ospital para agad mabigyan ng tulong medikal. Nagpapatuloy din ang search and rescue operations ng mga otoridad sa iba pang mga biktima.
Patuloy pa rin po ang konstruksiyon ng Metro Rail Transit 7 o MRT-7 na magmumula sa Metro Manila hanggang Bulacan. Upang malaman natin ang kasalukuyang progreso ng proyektong iyan ay makakasama po natin si Undersecretary Timothy Batan mula po sa Department of Transportation. Magandang umaga po, USec!
DOTR USEC. BATAN: Magandang umaga po, Usec. Rocky at sa lahat po ng ating viewers and listeners ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, pahingi rin kami ng update dito sa ongoing construction ng MRT-7. Ilang porsiyento na po ang natatapos so far?
DOTR USEC. BATAN: Usec. Rocky, mula nang mag-umpisa tayo ng construction noong 2016 ay nasa halos 65% na ang ating progress rate para sa MRT-7. Kung maaalala natin na nag-umpisa na ng delivery ng mga tren para dito at pinasinayaan nga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ating unang 18 train cars or unang six na train sets noong Disyembre 2021.
USEC. IGNACIO: Opo. May target na rin daw po ba ang DOTr kung kailan ito posibleng pormal na mabuksan sa publiko?
DOTR USEC. BATAN: Yes, Usec. Rocky. Kasama ang ating concessionaire, ang San Miguel Corporation, ang target natin na partial operations para dito sa MRT-7 ay itong Disyembre ng 2022, at full operation itong parating na 2023.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa oras na maging fully operational na itong MRT-7, gaano kalaking ginhawa po ang hatid nito sa mga consumers at ilan po kayang bilang consumers ang maaaring makinabang dito?
DOTR USEC. BATAN: Napakalaking ginhawa po ang idudulot nitong ating MRT-7 project. Sa kasalukuyan po ay abot sa dalawang oras ang biyahe mula sa San Jose del Monte, Bulacan at papunta po ng North Avenue, dito sa Quezon City. Kapag natapos po itong ating MRT-7, iyang dalawang oras po na iyan ay bababa sa tatlumpu’t apat (34) na minuto lamang at ito po ay magiging konektado, hindi lamang po sa MRT-3 at maging sa LRT-1, ito ay magiging konektado din sa ating Manila Subway.
Kung makikita natin, sa opening year nito ay inaasahan natin na higit sa 310,000 passengers ang sasakay, at ito po ay may kapasidad na magsakay ng mahigit sa 800,000 pa na pasahero araw-araw.
Itong proyektong ito po, Usec. Rocky ay isinumite pa noong (garbled) at buti na lang po dahil dito sa Build, Build, Build ni Pangulong Duterte at sa pamumuno po ni Secretary Tugade ay naumpisahan po natin ang konstruksiyon noong po August 2016.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, pasensiya na medyo naputol po kayo doon sa sinasabi ninyong bilang ng mga pasahero na maaaring makinabang dito, pakiulit lang po dito, sa ating MRT-7?
DOTR USEC. BATAN: Yes po, Usec. Rocky. Sa atin pong opening year, by 2023 po, ay inaasahan natin na higit na sa 300 (garbled) na magsakay po sa higit (garbled) pasahero kada araw po.
USEC. IGNACIO: Pasensiya ka na, Usec., hindi ko lang alam kung bakit kapag natataon sa numbers na binabanggit ninyo, medyo napuputul-putol po kayo – 800,000 po ba ang binabanggit ninyong makikinabang? Pasensiya na, pakiulit lang po.
Usec, aayusin po muna namin ang linya ng komunikasyon namin sa inyo. Babalikan po namin kayo dahil napakahalaga po ng ating pinag-uusapan – siyempre para po ito sa ating publiko.
Kasabay po ng relief efforts ni Senator Bong Go at ng kaniyang team sa Nueva Ecija, siya rin po ay nanawagan sa pamahalaan na paigtingin pa ang vaccination efforts, lalo na po sa mga liblib na lugar. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Undersecretary Timothy Batan ng DOTr.
Usec, ulitin ko lang po iyong tanong: Ilang commuters po iyong inaasahang makikinabang dito sa MRT-7?
DOTR USEC. BATAN: USec. Rocky, kapag natapos po itong ating MRT-7 na sa unang taon pa lamang po ay higit na 300,000 na mga pasahero kada araw ang inaasahan po nating sasakay dito. Ngunit po, USec. Rocky, ang kapasidad po ng MRT-7 ay aabot po sa higit 800,000 kada araw. Kung kaya’t po, kahit na five (5), ten (10), fifteen (15) years po mula ngayon kakayanin pa rin pong isakay ng MRT-7 iyong inaasahan po nating akyat sa pasahero dito po sa linyang ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay naman, USec., dito sa common station para sa mga railway. Kumusta na daw po ito?
DOTR USEC. BATAN: USec. Rocky, ito pong ating common station na siya ngang mag-uugnay ng MRT-7, ng LRT-1, ng MRT-3 at ng Metro Manila Subway Project. Kasalukuyan po ay halos 75% completed na po ang kabuuan ng common station. Iyong isa po nating section, iyon pong tinatawag nating Atrium ay natapos na po natin noong 2021 at ito pong ating area A o iyong magkukonekta po ng LRT-1 at MRT-3 ay matatapos na rin po nitong Hunyo at Hulyo po ng 2022.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumustahin ko na rin po ang iba pang proyekto. Kamakailan po nadagdagan na ang launching gantry na gagamitin para daw po sa construction ng North-South Commuter Railway. Ano daw po iyong launching gantry? At paano daw po ito makakatulong sa pagpapabilis ng konstruksiyon sa SCR (South Commuter Railway)?
DOTR USEC. BATAN: USec. Rocky, itong ginagamit natin na mga launching gantry para sa North-South Commuter Railway. Ito iyong ginagamit natin para itayo iyong mga dadaanan ng tren. Ito po kasing ating NSCR (North-South Commuter Railway) ay fully elevated, hindi na po iyong nandoon lang sa ground level. Ito po ay fully-elevated at 147 kilometers po ang suma tutal nito mula po sa Clark International Airport papunta po sa Calamba.
Ang ibig pong sabihin niyan ay puwede na pong sumakay ang ating mga kababayan mula po sa Clark at ang baba na po nila ay sa Calamba na hindi po kinakailangan na lumipat ng tren. Ngayon po, itong mga launching gantry natin, higit po sa 20 ang gagamitin po dito para po sa North-South Commuter Railway at ito po ay para mapabilis at maging mas ligtas po itong ating konstruksiyon ng NSCR (North-South Commuter Railway) na napakatagal na po nating hinihintay at sa wakas po ay ongoing construction. Nasa kalagitnaan na po tayo ng konstruksiyon nitong ating North-South Commuter Railway System project.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., pero sa estimate ninyo, kailan po inaasahang makukumpleto itong construction ng NSCR (North-South Commuter Railway)?
DOTR USEC. BATAN: Maroon pong iba’t ibang yugto o phases ito pong ating NSCR (North-South Commuter Railway). Iyon pong una nating phase, iyong mula po sa Tutuban hanggang Malolos ay target po nating mag-umpisa ng partial operations by 2024. Ito naman pong papunta ng Clark International Airport ay by 2026 at iyon pong pangatlong yugto papunta po ng Calamba ay inaasahan po nating magiging operational by 2027.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., by the end of May. Inaasahan pong magtatapos ito pong Libreng Sakay sa MRT-3. Tanong po ng ilang nating mga kababayan, posible ba raw po itong ma-extend?
DOTR USEC. BATAN: USec. Rocky, kasalukuyan pinag-aaralan iyong mga datos po ukol dito at hinihikayat po natin ang ating mga pasahero sa MRT-3 na abangan po sa mga susunod na araw ang atin pong magiging anunsiyo ukol po sa Libreng Sakay Program po dito sa MRT-3.
USEC. IGNACIO: Opo. Bago po magtapos ang termino ni Pangulong Duterte. Ano pa daw po iyong mga proyektong target na matapos at mai-launch sa bahagi po ng railway sector?
DOTR USEC. BATAN: USec. Rocky nandiyan po iyong ating ine-schedule po na resumption noong ating service ng PNR mula po dito sa Makati-Alabang papunta pong Lucena. Iyan po ay target po natin na mai-launch ito pong bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte. Nandiyan din po ang pagtatapos noong ating common station building para po dito sa ating pag-uugnay ng LRT-1, MRT-3, MRT-7 at ng Metro Manila Subway Project.
At para naman po doon sa ating kauna-unahang Metro Manila Subway, tayo po ay magkakaroon ng, noong tinatawag po nating lowering, noong una po nating tunnel boring machine at maging po iyong pagpapasinaya doon po sa simulator na gagamitin po para sa training noong operations ng Metro Manila Subway Project.
USEC. IGNACIO: Opo. USec. May magandang balita daw po dahil pinapayagan na daw po iyong pagsakay ng mga alagang hayop sa MRT-3? Paano daw po at ano iyong magiging guidelines ng DOTr dito?
DOTR USEC. BATAN: Tama po iyan, USec. Rocky. Ilan po doon sa mga guidelines natin para po payagan iyong ating mga kasamang mga pets dito po sa MRT-3 ay dapat po nakalagay sila sa isang vet carrier na nagsusukat po 2x2x2 feet. Iyong alagang hayop po ay isa lang po kada pasahero. Bawal pong pakainin at bawal pong ilabas doon sa kanilang pet carrier habang po nasa loob ng tren at bawal din pong mag-occupy ng passenger seat ito pong mga kasamang mga alagang hayop po, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: USEc. Paano naman daw po ninyo pinaghandaan ang transition para sa papasok na bagong administrasyon. Tingin po ninyo, malaki po ang inaasahang adjustment?
DOTR USEC. BATAN: USec. Rocky katulad noong mga nakaraan nating transition ay naghahanda tayo na ipaliwanag ng mabuti itong ating mga ongoing na mga proyekto. Ano ang mga proyektong ito? Anong mga issues at ano ang mga sunod na hakbang para matapos ang mga proyektong ito. At iyan ay ating ipinapaliwanag sa ating mga paparating na mga bagong kasama ng bagong administrasyon.
At siyempre, USec. Rocky, tayo rin ay naghahanda para tingnan iyong mga bagong polisiya, mga prayoridad ng ating paparating na administrasyon at makapaghanda tayo na ma-implement iyong mga kinakailangan na proyekto at programa lalo na sa sektor ng riles, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagbibigay impormasyon, Undersecretary Timothy Batan ng Department of Transportation. Salamat, USec.
DOTR USEC. BATAN: Salamat po.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Hanggang bukas po muli, ako po si USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News Information Bureau)