USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Siksik sa impormasyon at talakayan ang muli po naming ihahatid sa inyo ngayong araw ng Huwebes, ika-dalawampu’t anim ng Mayo.
Makakasama po natin sa loob ng isang oras ang mga kinatawan ng pamahalaan upang magbigay-linaw sa tanong ng taumbayan. Manatiling nakatutok!
Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!
Naiproklama na po kahapon sina Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio bilang susunod na Pangulo at Pangalawang Pangulo (ayon sa pagkakasunod) ng bansa. Sa official tally, nakakuha si Marcos ng higit 31 million votes, habang 32 million votes naman kay Duterte.
Nagpasalamat ang dalawang bagong pinuno ng bansa sa lahat ng mga tumulong para sa pagdaraos ng halalan at sa taumbayan na bumoto pa rin sa kabila ng COVID-19 pandemic. Kasunod nito, sinabi ni President-Elect Bongbong Marcos na kasabay ng pagtitiwalang ibinigay sa kaniya ng taumbayan, nawa’y ipagdasal din siya, hindi lang para sa kaniyang pamumuno kundi para na din sa ikabubuti ng bansa.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Idaraos na rin po ngayong hapon ng Commission of Elections ang proklamasyon ng mga nanalong party-list groups. Sa advisory ng Comelec, limampu’t limang partylist groups ang ipuproklama mamayang alas-kuwatro ng hapon. Ayon sa poll body ay magiging simple ang programa, at ang mga nominado ay magkakaroon lamang ng photo opportunity matapos pong matanggap ang kanilang certificate of proclamation. Dalawang representatives lang din ang pinapayagan sa bawat nanalong party-list group.
Samantala, sinabi ng COMELEC na dapat pagtuunan ng pansin ang ilang pending petitions o disqualification cases laban sa ilang party-list groups at kanilang mga nominado.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, Queen of Philippine Movies, Susan Roces, ihahatid na sa kaniyang huling hantungan sa Manila North Cemetery. Ang update niyan, alamin natin mula kay Eunice Samonte. Eunice?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Eunice Samonte.
Paano rin naghahanda ang kanilang hanay sa pagpasok ng susunod na administrasyon? Iyan po ang iba pang usapin na tatalakayin natin, kasama po si Major Cenon Pancito, ang Group Commander ng Civil Relations Service – Armed Forces of the Philippines. Magandang umaga po, Sir!
MAJ. PANCITO: Magandang umaga Rocky at sa lahat ng tagapanood ng ating istasyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong pagbisita sa amin.
Magkakaroon daw po ng BBM-Sara victory party kasabay na rin po ng pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte? Kailan po iyong target na isasagawa at paano ninyo daw po pinaghahandaan ito, pagdating po sa pagtiyak na maayos ang seguridad?
MAJ. PANCITO: Unang-una, Rocky ano, gusto ko lang linawin na it’s a just part of the event. Actually ang atin pong pamahalaan, ang bansang Pilipinas ay magkakaroon po ng selebrasyon – alam naman po natin ito na tuwing ika-labindalawa ng Hunyo kada taon ay nagsi-celebrate tayo ng Philippine Independence Day. So this year, ganoon ulit tayo – may celebration tayo na gaganapin at medyo kakaiba because we have been through the pandemic.
So, ang kaparte doon sa napakaraming inilatag na activity ng National Historical Commission of the Philippines ay ang pagsasagawa ng Musikalayaan 2022.
So, ang Musikalayaan ay isa lamang ito sa mga activities na nai-task po sa ating Armed Forces of the Philippines bilang manguna sa nasabing event. Ang Musikalayaan 2022 ay mangyayari po iyan sa June 10 ngayong taon, that is on a Friday as part of the week-long celebration of the Philippine Independence Day.
Ang atin pong mensahe ditto, unang-una is iyong ating pakikiisa doon sa selebrasyon ng 124th na commemoration of the declaration of the Philippine independence. Pangalawa is ang ating selebrasyon na ito ay bilang paggunita o bilang pagpapakita na tayo po ay muling magkakaroon ng aktibidades na sagot ng pamahalaan, na pagkalipas po ng dalawang taon na tayo po ay nalugmok ng pandemya ay muli po tayong babangon para mamuhay ng normal kasama itong pandemya na ito.
Ang Musikalayaan ay palaging isinasagawa for seven years already, however in the past two years ay hindi po siya nangyari live, so virtual lamang po. But for this year, we are going back to live Musikalayaan concert. Ito po ay gaganapin diyan po sa original location, sa may open air auditorium sa Luneta Park, Manila City.
At siyempre iyong pangatlong mensahe po natin na gusto po nating iparating sa ating mga kababayan ay iyong pagtawag natin ng pagkakaisa, iyong call of unity nating lahat sa ngayon. Tayo ay nanggaling pa lamang sa eleksiyon, but the people have spoken. So, in the transition of the administration, we have to thank the previous administration of President Duterte and we have to welcome, all of us should join, as Filipino people should welcome the new administration as the new leaders of this country.
So, this will be a big event. Uulitin ko sa June 10 po sa Luneta open auditorium. However, ito po ay i-extend natin hanggang sa labas, sa buong Luneta Park, para mas ma-accommodate po natin ang ating mga kababayan.
Ang mga performers po dito ay unang-una na po ay galing po sa ating Armed Forces of the Philippines – from the Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Air Force and the Philippine Marine Corps. And also, we have invited other performers, the other uniformed services, nandiyan po ang Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Jail Management and Penology, and the Bureau of Fire.
And, mayroon din po tayong mga inimbitahan na mga magjo-join sa atin na mga celebrity performers na makikiisa. Dahil sabi nga natin, ang celebration ng Philippine Independence ay para ito sa lahat ng mamamayang Pilipino at selebrasyon natin ito bilang pagtingin o pagbabalik-tanaw doon sa mga ginawa ng ating mga ninuno at bigyang-pugay itong kanilang ginawa at pasalamatan sila kung ano ang mayroon tayo sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Major Cenon, sa Davao inaasahang isasagawa itong inauguration ni Vice President-elect Sara Duterte, so ano daw po ang ginagawang paghahanda ng AFP para dito?
MAJOR PANCITO: Ito naman pong mga ganitong bagay ay regular nang ginagawa ng Armed Forces of the Philippines. May nakalatag na po ito na mga security measures. Primarily po naka-task naman ito sa ating PSG, iyong Presidential Security Group. And we will ensure, sa amin naman sa Armed Forces of the Philippines, ang palagi naming gustong sabihin sa mamamayan is that, we will ensure that peace and order ay talagang matamasa ng ating mga mamamayan at lalo na dito, na mayroong mandato iyong mga bagong lider natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa pagkapanalo pa rin po ni VP-elect Sara Duterte at pagtatalaga na rin po sa kaniya bilang susunod na DepEd Secretary, umugong po kasi ang usapin ng posibleng pagbabalik ng ROTC, ano daw po ang masasabi ninyo dito, Major?
MAJOR PANCITO: Ang sa amin lamang po, ang ROTC, kahit man po ako, personal ay nanggaling po diyan sa programa ng ROTC. Wala po akong nakitang masama noong ako po ay dumaan sa ROTC. At ang sa atin naman po dito, is anything po na pumukaw sa damdamin, sa nasyonalismo, sa pagmamahal sa bayan ng bawat isang mamamayang Pilipino ay dapat pong gawin natin, para naman po ito sa bansa. Hindi po ito para kanino, kung hindi ito ay bilang pagseserbisyo natin sa bansang Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Kamakailan din Major, pinirmahan ni Pangulong Duterte itong Republic Act No. 11709 o iyong fixing of term at increasing na retirement age? So, paano po ito makakatulong para sa ating mga AFP personnel?
MAJOR PANCITO: Ito naman po ay malugod na tinatanggap ng ating pamunuan sa Armed Forces of the Philippines bilang tugon – alam naman natin na may mga concern ang ating Armed Forces doon sa maiikli na termino para maitaguyod natin ang mga programa, proyekto at maipadama natin sa loob ng organisasyon, sa amin sa Armed Forces of the Philippines – sa pangangailangan ng panahon. Mas nakikita namin na the longer you stay in the leadership, the more chances that you can implement itong mga strategies, itong mga programs, itong mga projects na ini-envision ng ating leadership papunta sa ating Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Opo. Major, ilang araw bago po tuluyang bumaba na sa puwesto si Pangulong Duterte, ano po ang masasabi ninyo na naging malaking improvement sa nakalipas na anim na taon? At ano po iyong inaasahan ninyong maipagpapatuloy sana ng susunod pang administrasyon?
MAJOR PANCITO: Unang-una po kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, alam naman po nating lahat na lubus-lubos po ang pasasalamat ng bawat isang sundalo. Unang-una na diyan, itinaas po niya ang dignidad at ang morale ng ating mga kasundaluhan sa pamamagitan ng pagtaas ng kanilang mga sahod, so ito po ay hinding-hindi malilimutan ng ating mga sundalo.
And aside from that, of course, dito po sa amin sa Armed Forces of the Philippines, ramdam po namin ang pagbabago sa loob ng administrasyon ni Pangulong Duterte – iyong pagdadagdag ng kagamitan, iyong pagmamahal niya sa mga kasundaluhan. Kung atin ngang iri-recall ‘no, isa sa mga unang binisita ng Pangulo noong siya ay umupo na Presidente ay ang mga kampo po ng ating mga kasundaluhan, ito ay pagpapakita ng kaniyang pagmamahal sa sundalo. Kaya kami po, wala pong ibang lengguwahe ang aming mga puso, kung hindi pasasalamat doon sa kagandahang-loob na ibinigay ng ating Pangulong Duterte.
Para naman po sa susunod na administrasyon, kami naman po ay nakikinita po namin na halos pareho lang din ang gagawin ng susunod na leadership, ng susunod na Presidente, BBM sa ating hanay. Nakita naman natin ito, narinig natin sa kaniyang mga pronouncement and we are hopeful na tuluy-tuloy ang suporta ng gobyerno.
Ang lakas ng ating sandatahan, ng ating Armed Forces ay nagri-rely po kung gaano po katibay o katatag ang suporta din na ibinibigay ng ating national government
USEC. IGNACIO: Opo. Kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan. Major Cenon, go ahead po.
MAJOR PANCITO: Sa atin pong mga kababayan, kami po na inyong mga kasundaluhan, maging sa Army, sa Navy, sa Air Force ay patuloy pong maglilingkod sa inyo. Sabi nga namin, we remain to be apolitical, kahit sino pa diyan, isusulong at isusulong ng ating Armed Forces kung sino po ang ginusto ng nakararaming mga mamamayang Pilipino.
Kami po ay nakahandang umantabay, kami po ay nakahandang ipaglaban ang kasalukuyang gobyerno laban doon sa mga pilit na naninira o pilit na naghahasik ng lagim laban sa ating bayan.
Makakaasa po kayo ng tuluy-tuloy na serbisyo, makakaasa po kayo na ang ating mga kasundaluhan ay patuloy na paiigtingin pa ang kaniyang mga ginagawa, hindi lamang dito sa kanayunan, bagkus hanggang doon sa mga mamamayan na nasa laylayan. At kaisa po kami ng bawat isang mamamayang Pilipino na kamitin ang pangarap ng isang maunlad at mapayapang Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong pagsama sa aming programa, Major Cenon Pancito, ang Group Commander ng Civil Relations Service – Armed Forces of the Philippines. Salamat po!
MAJOR PANCITO: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Kasunod po ng pagtaas ng bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19 na umabot na po sa mahigit 69 million individuals, patuloy din ang pagbaba ng mga naitatalang COVID cases sa bansa.
Nagpaabot naman ng papuri si Senator Go para sa National Task Force Against COVID-19, at sa sakripisyo ng mga health care workers. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Sa datos ng SWS survey, tumaas po sa 10.9 milyong Pilipino ang nagsasabing sila daw po ay mahirap. Mas mataas po ang bilang na iyan kumpara po sa naitalang 10.7 million noong 2021. At para po pag-usapan ang lagay ng paglobo ng populasyon sa nakaraang mga taon ay makakasama po natin si Undersecretary Juan Antonio Perez III ng Commission on Population and Development (POPCOM). Magandang umaga po, Usec!
POPCOM USEC. PEREZ III: Magandang umaga, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, paano ninyo po madi-describe ang naging impact ng COVID-19 pandemic sa poverty rate sa bansa sa nakalipas na dalawang taon?
POPCOM USEC. PEREZ III: Gumawa ng pag-aaral ang Philippine Statistics Authority ukol sa poverty sa Philippines comparing first half ng 2018 to the first half of 2021. Nakita na tumaas ang bilang ng pamilyang Pilipinong naghirap ‘no, from 4 million naging 4.6 million. And ang population equivalent noon is 23% of the population were living below the poverty line na sinet nila which was P12,000 a month ‘no. So lumalabas na 26 million Filipinos are living below the cost of living and tumaas ito sa mga lugar na mataas ang COVID, iyong mga areas like NCR, Central Luzon, Central Visayas. Kung saan mataas ang COVID, doon mataas ang impact ng poverty; however, there were areas na hindi mataas ang impact ng COVID, like BARMM ‘no.
Ang BARMM, iyon ang pinakakaunti ang namatay dahil sa COVID. And we saw in BARMM na there was one province sa BARMM, iyong Lanao del Sur, it used to be the poorest province in the Philippines ‘no, noong 2018. However in 2021, from being the poorest province, naging number 9 siya sa bilang ng mga probinsiyang hindi poor dahil may 100,000 families that were lifted from poverty doon sa Lanao del Sur. At nakita rin ng PSA, hindi tumaas ang cost of living sa BARMM area.
So, medyo iyong nangyari sa poverty situation natin, apektado talaga ng COVID and apektado rin ng cost of living. But we saw that starting in 2021, tumaas iyong ating GDP beyond what was expected ‘no – I think NEDA was projecting 5.0 to 5.5 na GDP but we achieved 5.6. So we hope this is on the road to recovery and that by this year, ang hope ng NEDA is that we will achieve again the pre-pandemic levels. So we hope that that will lead eventually to a reduction of Filipinos living in poverty.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kapag po sinabi nating poverty threshold, ano po iyong average or estimate income na masasabing sila po ay mahirap?
POPCOM USEC. PEREZ III: Well, ang sinet ng PSA doon sa national average is P12,000 a month at ang P12,000 means P549 a day na income sana. But it is below the minimum wage in many regions, so kulang sa P12,000 ang minimum wage ng mga regions outside of NCR. For example ang minimum wage sa BARMM is around P300, so malayo ang needs ng mga Pilipino na pamilya para sa pang-araw-araw na gastusin.
And so, ang lumalabas ay kailangan sa NCR iyong mag-asawa ang nagtatrabaho because the income is just enough for one person to be sustained and isang anak. So kung dalawa iyong anak mo, dalawa kayo dapat na nagtatrabaho para sa sarili mo at saka anak mo. So in places like NCR, you have to have two jobs.
Outside of NCR, nakita namin na in many regions lalo na sa southern part ng Luzon, and in Visayas and Mindanao, you need to have around three jobs based on the minimum wage ‘no. So mababa masyado iyong nasasagot ng minimum wage para sa needs ng Filipino family.
That’s why we’re proposing to the POPCOM Board na pag-isipan iyong pagkaroon ng matatawag nating living wage or a wage that addresses the cost of living. So we hope na ma-take up iyan sa coming administration. Ang tawag namin dito ay support ratio – that means na we should have as many effective workers as consumers para medyo maging maayos ang situation ng families.
Right now nakikita namin na may tatlong region na medyo equal ang bilang ng workers and consumers – ito iyong NCR, CALABARZON and Cordillera Administrative Region. But the other regions throughout the country, kulang ang effective workers to the number of consumers. So the support ratio na tinatawag namin has to improve in all the other 14 regions of the country.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kumpara po dito sa mga nakaraang taon, naging mabilis po ba iyong paglaki ng bilang na ito? Ano daw po iyong mga nakikita ninyong factors dito?
POPCOM USEC. PEREZ III: Well, [kung] ang bilang ng population ang pinag-uusapan, alam ninyo up to 2019 ay 1.5 to 1.6 million Filipinos ang dinadagdag natin annually. However in 2020, ang nadagdag sa population was only 900,000 and then in 2021, 400,000 na lang. So ang nangyari sa atin is that, despite the fact na COVID caused so much hardship, maraming excess mortality but our demographic picture improved. We now have small family sizes, maraming Pilipino nag-family planning during COVID.
Ngayon, there are eight million couples who are using modern methods of family planning dahil gustong umiwas ng mga family ng panganganak sa panahon ng COVID at saka iyong economic crisis nandiyan pa.
So our population growth has really slowed down in the last two years. The fertility rate na tinatawag na tinitingnan natin, has gone down from 2.7 children per woman, ngayon ay 1.8 na lang starting in 2020.
So it’s an opportunity for the Philippines, for the new government that we are now in a demographic transition – we have smaller families. We hope that more investments can be made to other population development matters like food security, madagdagan ang pondo para sa housing kasi housing is a very large need ng Filipinos, and of course iyong income ng Filipino families ay sana mabigyan ng atensiyon so that we move towards a living wage rather than a minimum wage.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, tingin ninyo po ba itong trend sa birth rate ay posibleng magpatuloy sa mga susunod na taon kasabay po ng recovery natin sa pandemic?
POPCOM USEC. PEREZ III: Well nakita namin, Usec. Rocky, na dumagdag na naman iyong nagpapakasal. Kasi noong time ng pandemic, parang 50% na-reduce iyong nagpapakasal pero nakikita namin dumadami uli ang nagpapakasal. And we think that the number of birth will increase this year but it will not be at the same level as pre-pandemic because of the fact that so many families now are using family planning, many families avoiding having children during economic crisis.
Maaaring natapos na iyong health problem natin, but Filipino families are still wary of the economic situation. Alam nila kapag manganak sila ng additional child at this time na hindi planado ay mauubos ang savings nila. Usually ang finding ng ibang academics is that one third of the savings of family, nagagamit kapag may bagong anak plus iyong future cost pa niya. So, during an economic crisis, hindi nadadagdagan ang population.
So, I think, we will still see small population growth, but higher than 2021. Because primarily noong 2021, ang daming namatay, 800,000 Filipinos died. Because of COVID ay 100,000 and iyong mga ibang diseases, another 100,000 ang nadagdag na namatay. But I think this year, hindi na ganoon karami iyong mortality rate natin, so we will see a kind of rebound sa population growth natin, but lower than 2019 growth.
USEC. IGNACIO: Usec, bigyang-daan ko lang po iyong tanong ng kasamahan natin sa media. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sa tingin po ba ng POPCOM ay on track pa rin ang Pilipinas na magkaroon ng patas sa paglago ng ekonomiya sa pamamagitan daw po ng population and development programs, kahit na tayo daw po ay nasa gitna pa rin ng pandemya?
POPCOM USEC. PEREZ III: Well, I think, sabihin na natin because of our demographic transition, we are on the first base. Sabihin na nating tatlong bases to get an improved life for the Filipino family, because of responsible parenthood and smaller families, we are on the first step to achieving population development.
Ang worry lang namin is that we only have probably, ten to fifteen years to take advantage of this demographic situation because by 2035, we will have more Filipinos who are seniors, and who are aging. That means malaki ang cost natin for their care, for their pensions, etcetera. And we will experience iyong nararanasan ng Japan, ng Singapore, ng China na iyong nagbabago ang shift ng resources to try to support older population.
So, we don’t want to see a situation na magkakaroon tayo ng burden, ng supporting older persons and supporting so many children also. So, we have a window of opportunity na 13 years to take advantage of what we are seeing now in our demographic picture.
USEC. IGNACIO: Usec, 2020 nang ipatupad itong ‘Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa’ Programa at nagpapatuloy po ito hanggang ngayon. Gaano po kalaking tulong ito para sa ating mga kababayan, pati na rin po iyong pagtugon ng pamahalaan sa kahirapan at ito pong pag-decongest sa Metro Manila?
POPCOM USEC. PEREZ III: Yes. Alam mo, Usec. Rocky, ang trend pa rin na nakikita batay sa mga census is that there is 4% growth rate in urban barangays. That means na mas mabilis lumaki ang urban barangays kaysa sa rural barangays natin. That means, may migration pattern pa rin from rural to urban. Actually iyon ang pinuna ni President Duterte last year ‘no. Sabi niya mahihirapan tayo sa panahon ng pandemya, if we have congestion, if we have densely populated barangays.
So, part of the effort, itong tinatawag nating strategy to really spread out the population, will be to equalize opportunities nationwide. And one of them is income disparity where we have high income in NCR, CALABARZON and low-income in so many other regions. So nagpupuntahan ang mga tao roon sa mga lugar kung saan mas malaki ang income.
I was in Davao earlier this week, nakita ko lumalaki ang Davao City, because people are moving in to Davao City from the other provinces. So, you will see this happening in different regions na tumataas ang urbanization and nagkakaroon ng congestion. So, we have to have policies like iyong income, like iyong good match of labor skills to education ‘no, kung ano ang kailangan ng region, doon dapat nakatutok ang education natin para hindi na sila lumabas.
So, we should develop policies that will keep people where they are and to stop or to at least limit iyong rural to urban migration. And we hope that iyong Balik Probinsiya Program will be really studied in the next administration and will include the population dynamics na binabanggit ko and we are part of one of the committees there, we are supporting the strategic activities there. So, we hope magkaroon ng population dimension talaga itong Balik Probinsiya Program as we move forward.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may tanong po, again, si Red Mendoza ng Manila Times: Ano po ang inyo daw population and development wish list para sa Marcos-Duterte administration? Ano daw po iyong dapat nilang palawakin o i-expand na mga population and development services, para daw po mas lalong maisakatuparan ang sinasabi ng demographic dividend natin?
POPCOM USEC. PEREZ III: Well, number one, we have to maintain a strong family planning program. Despite na nagkaroon ng devolution to local governments, we have to continue to assist local governments to maintain the family planning program which is now 8 million strong, it’s one of the biggest programs in government.
Second to that, to maintain the family planning program is for us to start looking at policies on food security to make sure that families do not go hungry. And that might mean agriculture policies that will support farmers in food production, support to their other needs and actually, sana mas marami ang pumasok sa agriculture sector.
And then, of course, another one is iyong housing issue. We have seen, itong Typhoon Odette noong dumaan sa CARAGA and Southern Leyte nitong early this year, 70% of the houses were destroyed. And that is what’s happening to our eastern seaboard, laging apektado ang mga pamilya at housing. So, we really need to pay attention to housing as another need of our population and to develop communities that are adequately fed, housed and eventually, iyong population development issue naming gustong matutukan is let us move to look at living wage for our workers and their families and no longer minimum wage because we are not catching up with the cost of living.
So, I think, iyon iyong mga importanteng mabigyan ng attention and as I was saying, we have only 15 years before we hit the aging Philippines. That will also mean that we have to pay attention also, sabihin na natin, preparatory on policies for our senior citizens because they are the poorest sector of the population.
So, I think on a sectoral level, we should look at our older population and develop policies, let’s say, pataasin ang age of retirement, make them productive even in their senior years and to make sure that their health needs are addressed because mataas ang health needs ng older population. So, I think those are important areas for the new administration to start working on.
USEC. IGNACIO: Usec, kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras at sa pagbibigay-panahon, Undersecretary Juan Antonio Perez III, mula po sa POPCOM. Usec, salamat po!
POPCOM USEC. PEREZ III: Thank you, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Bilang bahagi po ng pagdiriwang ng Labor Day para sa informal sectors ngayong taon, iba’t iba pong mga programa ang inihanda ng Labor Department para sa ating mga kababayan na kabilang po sa informal sector. Pag-usapan natin iyan, kasama po si Atty. Karina Perida-Trayvilla ng Bureau of Workers with Special Concern ng DOLE. Magandang umaga po, Attorney.
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Magandang umaga po Usec. Rocky at sa lahat po ng nanunood ng Laging Handa.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, nito lamang pong Lunes ay pinangunahan po ng DOLE, sa pamamagitan po ng Bureau of Workers with Special Concerns, ito pong taunang pagdiriwang ng Labor Day para po sa mga manggagawa sa informal sector, ano po ba iyong nais makamit ng taunang pagdiriwang at saan daw po nakasentro ang tema ninyo ngayong taon?
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Ang sentro po ng pagdiriwang ng ating Informal Sector Labor Day ay nakatuon po sa pagbangon ng sektor na ito mula po sa epekto ng pandemya. Kaya nga po iyong ating tema na napaka-timely ay “Manggagawa sa Impormal na Sektor, Matatag na Ugnayan Tungo sa Matatag na Pagbangon.” Dito po, pinapakita dito ang very strong partnership, coordination and linkage with the government and the workers para po sa ating full economic recovery and of course, para din po sa paghahanda po sa hamon ng economic challenges na na-experience po natin because of the pandemic.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ano naman daw po ang mga programang inihanda ng inyong tanggapan para naman sa paggunita ngayong taon ng Labor Day para naman po sa manggagawa dito sa informal sector?
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Yes po, Usec. Rocky. Sa pangunguna po ni Secretary Bebot Bello, siya po ay namigay ng livelihood assistance po noong May 23 – iyan po iyong celebration ng ating Informal Sector Labor Day. Iba-ibang klaseng livelihood po ang ipinamahagi ni Sec. Bebot – mayroon po tayong mga bicycle units na mayroon na po itong kasamang cellphone at mayroong load na P5,000; mayroon din po tayong mga packages na binigay like sari-sari store, like bigasan; mayroon din pong mga e-loading business; and then iba’t iba pa pong mga livelihood
Kasama din pong nabahagian ay ang ating mga Entrepreneurship Program beneficiaries, na ito naman po ay in partnership with the Department of Transportation, LTFRB and OTC. Sila po ay nakatanggap din po ng samu’t saring livelihood packages; at of course iyong atin pong banner program pa rin, iyong Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program na ang mga beneficiaries po ay nakatanggap po ng sahod na nagkakahalaga po ng P5,370.
And nagkaroon din po ng pagtatalakay, Usec. Rocky, tungkol sa financial inclusion – ito naman po ay pinangunahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas upang maturuan po ang ating manggagawa sa impormal na sektor tungkol sa pagha-handle po ng kanilang finances. And iyong program and services ng Social Security System ay ipinamahagi din po para magkaroon po ng pag-iintindi kung paano ho makapag-avail ng mga programa at mga serbisyo ang ating mga manggagawa na self-employed; and of course mayroon din po pagtuturo on capacity-building para naman po sa ating mga informal sector workers na ipinamahagi naman po ng Department of Labor and Employment.
And ma-mention ko rin po, ang National Anti-Poverty Commission, sa pamamagitan ng Workers in the Informal Sector Council ay naglahad po sila ng kanilang mga sectoral plans –ang suhestiyon po nila ay magkaroon po ng Commission on Transitioning to Formal Economy at magkaroon din po ng Presidential Adviser on Economic Units Formalization na siya pong [garbled] sa pagsulong ng mga polisiya at advocacy para sa pag-transition from informal to formal economy.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa inyong datos ay gaano ba karami ito pong mga kababayan nating bahagi ng informal sector at sino rin daw po iyong maituturing na kabilang sa nasabing hanay?
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Yes, po. Mayroon po tayong almost 47 million po na mga employed persons po at 36.2% po nito ay ang informal sector or mayroon ho tayong kabuuang more than 17 million na lang sa informal sector. Dalawa nga po ang tinitingnan po natin dito na mga indicator – una po iyong self-employed tulad po ng ambulant vendors, small transport workers, marginalized fisher folks, farmers at iba pa po; at mayroon din tayong tinatawag na unpaid family workers ‘no, sila po iyong tumutulong sa maliit na negosyo ng kanilang pamilya at ang iba pa pong sektor natin na karamihan ay nandoon sa agrikultura. So niri-recognize po natin ang kanilang contribution lalung-lalo na po sa sektor ng agrikultura, malaki po ang nai-contribute nila sa ekonomiya.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, anu-ano po iyong mga naging pangunahing issue na kinakaharap ngayon ng mga nasa informal sector at ano daw po ang ginagawang hakbang ng DOLE para daw po matugunan ang mga isyung ito?
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Ang pangunahin po siyempre, Usec. Rocky, iyong hindi sapat na kita para sa kanilang pamilya – ang iba at karamihan ay below the minimum wage. Of course iyong access sa social protection, isang malaking issue iyan sa informal sector and iyong maayos na working environment kasi po karamihan ng ating informal sector ay nandoon din sa kalsada at iyong oras ng pagtrabaho ay normally lumalagpas po sa itinakda ng batas na 8 hours. So mayroon din pong exposure sa violence and harassment particularly na po iyong mga nasa pampublikong lugar, na ang work environment nila ay nasa pampublikong lugar.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumusta naman daw po iyong isinusulong ng DOLE na Magna Carta of Workers in the Informal Economy o iyong pag-transition daw po noong mga manggagawa mula sa informal patungo dito sa formal sector, Attorney?
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Yes, po. Mayroon po tayong Magna Carta of Workers in the Informal Economy, ito po ay tinalakay sa 18th Congress kaso nga lang hindi ho tayo pinalad. Ito na ho sana iyong bill para sa kabuuan ‘no, integrated na po ito, holistic approach on addressing the concerns of the workers in the informal economy, particularly ay nakalagay na doon ang basic labor rights, maayos na working conditions or working environment and access to resources like access to credit resources, credit facility, capacity-building trainings, and of course mataas na kita.
And the various livelihood assistance of the government ay nai-consolidate na po dito, including all emergency employment assistance na mayroon tayo, dito na ho naka-consolidated. Hindi nga ho tayo pinalad kaya inaasahan po natin na sa susunod na administrasyon, under President Marcos, ito po ay muling isusulong dahil ito po ay para sa kapakanan ng mga manggagawa sa impormal na sektor.
So kailangan po iyong malaking ugnayan ng ating partners, social partners, private sector pati na po iyong ating mga government agencies para po maisulong po natin iyong Magna Carta for the Informal Economy.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kaugnay po ng inyong programa para sa mga nasa informal sector, kamakailan lamang po ay kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) iyong pamamahagi ng TUPAD sa mga benepisyaryo nito sa Pampanga, tama po ba ito? Pakibahagi naman po iyong naging laman ng COA report hinggil sa nasabing isyu, at ano daw po iyong naging tugon dito ng DOLE?
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Tama po iyan, Usec. Rocky. Nagkaroon nga po ng audit observation memo ang provincial government ng Pampanga patungkol po sa pag-implement ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged and Displaced Workers Program. May sinasabi po kasi na mayroon daw pong mga duplications, mayroon daw pong mga documentary requirements na hindi po na-submit at mayroon din daw pong mga hindi po nakatanggap o nabawasan ang kanilang sahod.
Ito po ay hinggil doon sa project ng 2020 na natapos pong ma-implement noong August 2021 para sa 21,700 na beneficiaries mula po sa iba’t ibang municipalities at city ng Pampanga Province. Ayon naman po sa response ng Province of Pampanga, naging acceptable naman po sa COA, na-address naman po nila iyong duplication. Kasi nga po at that time na in-implement ito, nagkaroon po tayo ng limitation sa validation, sa profiling, dahil hindi naman po tayo nakapag-face-to-face validation or face-to-face profiling.
And then po iyong mga duplication, at tiningnan naman po nila ay magkaiba naman po iyong implementation ng TUPAD: Mayroong dalawang years po – 2020 at 2021. So, ibig pong sabihin, iyong beneficiary ng 2020, puwede naman pong umulit ng 2021, ina-allow po ng ating guidelines. So, in that way, hindi po natin masasabing duplication iyan.
So, ang kinomit naman po ng Province of Pampanga for future implementation of TUPAD, is that, they will strictly implement control measures, that they will strictly comply with the TUPAD guidelines para maiwasan ang ganitong mga findings from the Commission on Audit.
And also, I would like to emphasize din po na at this time, wala pa naman tayong natatanggap na reklamo patungkol po sa hindi pagtanggap o pagkakaltas ng kanilang sahod mula sa TUPAD Program. As of this moment po, wala pa naman pong formal complaint and sinusuri naman po ng ating DOLE Regional offices ang nasabing pangyayari. The DOLE Field Office is ready to provide the technical assistance to the provincial government para po matugunan po iyong issue on the findings of the Commission on Audit.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong araw. Maraming salamat po sa inyong panahon at pagbibigay-impormasyon, Atty. Karina Perida-Trayvilla ng DOLE. Attorney, salamat po.
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Thank you so much po.
USEC. IGNACIO: Ilang pamilya sa Baseco Compound sa Maynila ang hindi po nakaligtas mula sa sunog kamakailan. Agad naman pong naghatid ng tulong ang Tanggapan ni Senator Go sa mga apektadong pamilya. Narito po ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy po ang pag-anyaya ng Philippine Red Cross-Baguio Chapter sa mga nagnanais na makiisa po sa nationwide “Million Volunteer Run” na gaganapin sa Hunyo a-dose. Ang karagdagang ulat mula kay Eddie Carta ng PTV-Cordillera:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.
Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Kami po ay nagpapasalamat sa Mariano Marcos State University dito po sa Batac, Ilocos Norte, para po sa pag-assist sa amin ngayong araw. Maraming salamat po sa inyo.
Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po muli tayo bukas, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center