Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon pong araw ng Huwebes, paghahanda ng Department of Budget and Management para sa transition period, usaping bakuna at estado ng deployment ng OFWs sa iba’t ibang mga bansa, iyan po ang ilan lamang sa ating mga usaping hihimayin ngayong araw ng Huwebes, ikalawang araw ng Hunyo. Manatili pong nakatutok. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa makasaysayang National Museum of the Philippines manunumpa si President-elect Bongbong Marcos bilang ikalabimpitong Presidente ng bansa. Ayon kay Presidential Management Staff-designate Zenaida Angping, nagsasagawa na ng ocular inspection sa National Museum, at nakitang maaari itong gamitin bilang venue ng inagurasyon ni Marcos sa June 30.

Paliwanag ni Angping, bagama’t ikinukonsidera ng inaugural committee ang Quirino Grandstand, lumabas sa ocular inspection na may ilan pa ring COVID-19 field hospitals sa lugar. Aniya, mahalaga ang kaligtasan ng publiko at hindi rin nila nais na maabala ang pagbibigay ng medikal na atensyon sa COVID-19 patients. Sa ngayon ay puspusan na umano ang preparasyon para sa inagurasyon ng susunod na Pangulo ng bansa.

Kilala bilang old legislative building, nagsilbi rin ang National Museum bilang inauguration venue nila dating Pangulong Manuel L. Quezon, Jose P. Laurel at Manuel Roxas.

Ilang araw bago po ang pagpapalit ng administrasyon, kumustahin natin ang paghahanda ng Budget department sa papasok ng bagong administrasyon. Muli po nating makakasama si Department of Budget and Management Acting Secretary Ms. Tina Rose Canda. Magandang araw, Secretary.

DBM SEC. CANDA: Magandang araw.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa pagpasok po ng susunod na administrasyon, considering po iyong mga ni-loan sa nagdaang taon dahil sa COVID, paano po ito dapat harapin ng susunod na mamumuno po ng DBM?

DBM SEC. CANDA: Dalawa ang option na available dito sa administrasyon na ito. Si Secretary Dominguez, mayroon siyang sinabi na dapat dagdag ng buwis ‘no nitong darating na administrasyon. Pero iyong incoming secretary naman, si Secretary Diokno, sabi niya, huwag munang itaas ang buwis kung hindi ay i-improve natin ang collection or efficiency sa tax administration.

So I would suppose, in the meantime, iyon ang mangyayaring kumbaga measure na ia-adopt ng incoming administration – huwag munang itaas ang buwis, kasi nagdaan sa maraming trial ang ating mga kababayan, so parang hindi pa tama na itaas ang buwis at this point.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, isunod ko na lang po iyong tanong ni Mela Lesmoras ng PTV: Sa isang pahayag daw po ng IBON Foundation, pinupuna nila ito pong national government debt na from 5.9 trillion pesos in 2016 ay naging 12.7 trillion pesos nitong 2022, bago raw po bumaba sa puwesto ang administration. Confirmed daw po ba ito? At maaari daw po ba nating ipaliwanag sa publiko kung bakit ito kinakailangang gawin ng administrasyon?

DBM SEC. CANDA: Iyong 12.9 yata or ganoong figure is tama. Hindi ko lang sure kung iyong five trillion na pinagmulan ay tama rin, ano. Pero ang utang kasi ay hindi dapat katakutan kung halimbawa may dahilan kung bakit tayo nangutang. Alam naman natin na noong time na tumama ang COVID mga mahigit dalawang taon na ‘no, wala tayong mga isolation facilities, wala tayong tamang hospital …dami ng hospital beds ‘no. So hindi naman natin puwedeng isakripisyo ang buhay ng ating mga kababayan dahil ayaw nating mangutang.

So, ang karamihan ng utang na iyan ay dahil sa pagsagot ‘no doon sa problema ng COVID, ng mga health issues, iyong mga ating sinalo na ano ‘no. So ano ang ano niyan, ang susunod naman niyan is hahanap tayo ng paraan para bayaran itong utang na ito. Paano natin gagawin iyon? Well, as mentioned earlier, puwedeng itaas ang buwis; pangalawa, puwede mong siguruhin na buksan ang ekonomiya dahil kung mas maraming tao ang may suweldo or may mga trabaho, ibig sabihin niyan ay mas malaki ang magiging kita ng gobyerno dahil gagastos iyong mga taong may mga suweldo ‘no at saka may natatanggap na, kumbaga, na kita sa pagpasok sa opisina o sa trabaho.

So iyon lang iyon. So hindi naman tayo dapat matakot. At saka iyong atin namang mga economic managers, siniguro na iyong kinuha nating utang ay risonable at hindi sa hindi natin kakayanin in the future.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, isunod ko na po iyong tanong din ni Mela Lesmoras ng PTV: Gaano raw po kahalaga ang mga naging programa at budgeting ng administrasyon para epektibong matugunan ang COVID-19 pandemic?

DBM SEC. CANDA: Ito iyon, noong onset ng COVID ‘no ay nagkaroon tayo ng total lockdown at that time. Hindi natin alam kung ano iyong hinaharap natin sa COVID; alam lang natin, nakakamatay siya. Walang trabaho dahil sinara ang halos lahat ng mga kumpaniya.

So unang-una, nagbigay tayo ng ayuda doon sa mga pinakamahihirap o pinakanaapektuhan. So ang mga ayuda na iyan ay kinors [coursed] through sa local government units ‘no. Binigay natin iyan sa local government units. Pangalawa, siniguro natin na ang mga health facilities ay okay. Pangatlo, iyong mga OFW na bumabalik, napilitang bumalik dahil nagsara ang mga kumpaniya abroad o kaya ay mga trabaho abroad. Lahat iyan, tinustusan natin ang kanilang mga pagbalik at saka iyong kanilang quarantine. Plus, nagbigay pa rin tayo ng mga ayuda dito sa mga OFWs na bumalik.

Iyang mga bagay-bagay na iyan, hindi kasama sa budget natin iyan ‘no pero binigay pa rin natin iyan. Nakalimutan ko pa pala, binigyan natin ng tulong ang mga medium and small-scale enterprises ‘no dahil sila rin iyong pinakanaapektuhan nitong pandemyang ito.

So halos lahat ng mga sektor na naapektuhan, binigyan ng ayuda. Pero sabi [nila] sapat ba? Of course not, kasi iyong mga taong dati ay sanay na ito na ang level ng gastos, siyempre hindi naman kakayanin ng ayuda. So there will always be complaints, but this government did the best that it could under the circumstances.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tingin ninyo po dapat po—paano raw po dapat balansehin ng susunod na administrasyon itong national budget at iyong mga posibleng kakailanganing pondo para po sa emergency subsidy tulad na lang po dito sa nagpapatuloy na pagtaas ng produktong petrolyo?

DBM SEC. CANDA: Naghahanap na rin kami ng mga pondo, iyong mga hindi nagamit noong 2021, at saka itong 2022 na mga programang puwedeng i-discontinue or baka naman may mga savings as a result ng mas mababang bidding. So hinahanapan namin iyan para ipagpatuloy iyong in-announce ni PRRD about iyong ayuda para doon sa mga sektor na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina ‘no.

Kung halimbawa ganoon, then maipagpapatuloy iyong assistance or iyong ayuda para sa mga mamamayan natin. Ito ay para sa mga sektor na nagmamaneho at saka iyong pangalawa ay para sa mga sektor ng agrikultura.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ngayon po ay panahon ng tag-ulan at panahon din ng mga pagpasok ng mga malalakas na bagyo o kalamidad, may sapat na pondo po ba tayo para tugunan iyong mga posibleng pangangailangan ng ating mga kababayan sakali pong maharap tayo sa kalamidad?

DBM SEC. CANDA: Opo. Mayroon tayong mga tinatawag nating quick response fund na built-in sa budget ng mga departamentong tinatawag natin na mga first responders. Ang pinakaano dito is DSWD, DPWH. Mayroon din ang DILG. Ang OCD, mayroon din. Ibig sabihin, kapag nagkaroon ng kalamidad, hindi na sila mag-aantay ng release; puwede na nilang gamitin iyon.

At kapag bumaba iyon sa critical level halimbawa ay mangalahati iyon, agad-agad ay magsasabi agad iyon sa DBM, magsu-submit ng request iyan at no questions ask iyan, niri-reimburse or niri-replenish ng DBM iyong release na iyon.

Iyong replenishment na iyon naman ay galing sa calamity fund. Kasi iyong calamity fund naman ay kumbaga ay second step. Iyong quick response iyon iyong kapag dumating iyong sakuna o iyong kalamidad.

Pagkatapos noon ay mayroong rehabilitasyon, mayroong mga repair. So, iyon ay kukunin sa calamity fund.

To date, mayroon pa tayong sapat na pondo dahil hindi pa naman masyadong nabawasan iyong calamity fund ano, kalagitnaan lang ng taon. Ang experience natin, karamihan ng malalakas na bagyo ngayon ay kakaiba na, sa latter part of the year na nangyari. Ang Odette, Disyembre na nga iyon.

So, sa tingin namin at this point mayroon pa tayong pondong sapat para ma-meet o mapunan kung anumang gastos ang maidudulot nitong mga kalamidad at sakuna na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, puwede po ba naming malaman kung magkano po iyong natitira pa ring calamity fund natin?

DBM SEC. CANDA: Naku, hindi ko dala dito sa akin ngayon ang records ng calamity fund pero just in case ano kasi mayroong ibang nagsasabi baka mamaya maubos ang calamity fund. Kung saka-sakaling maubos iyan, mayroon pa rin naman tayong pondo under the contingent fund. Iyon kakatingin ko lang kanina.

Ang contingent fund ay nari-release iyan pagkatapos aprubahan ni Presidente. Ngayon, mga P6.8-B pa iyan. So, mayroon pang sapat na pondo para doon sa, para pang-augment nung calamity fund.

Pero, I’m sorry hindi ko dala iyong sa calamity fund.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa gitna nga po nang unti-unti nating pag-recover dito sa pandemya, paano ninyo po nakikita ang magiging estado natin sa susunod na third at fourth quarter ng taon?

DBM SEC. CANDA: Na-release na natin actually iyong mga requirements ng mga departamento. So, approximately mga 90% na iyan ano. Ang natitira na lang actually is iyong mga special purpose fund. Kaya nga kamukha nitong calamity, itong [unclear] calamity fund, itong contingent.

Sa tingin naman namin ay sapat na iyon although, mayroon din siyempreng mga prayoridad na sinabi ang incoming administration na gusto naman nilang itulak kumbaga.

So, kung halimbawa ay ganoon, then mangangailangan tayo ng mga batas na manggagaling sa ating bagong Kongreso para bigyan ng pondo itong mga bagong programa na ito, just in case na wala ito sa budget.

Hindi kasi tayo puwedeng mag-introduce ng isang bagong item sa budget na wala sa unang plano. So, ganoon ang mangyayari.

I supposed baka mag-recommend sila ng mga programs na bago under this incoming administration.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, isunod ko lang iyong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Magkano po iyong fund na hinahanap pa po ng DBM para po sa cash aid sa mga affected ng oil price hike? At ano po kaya ang timeline para po sa implementation nito?

DBM SEC. CANDA: Ang alam ko, mari-release-an iyan nitong first tranche parang per month kung hindi ako nagkakamali parang P4-B yata a month iyan ano. Gumagalaw kasi sa dami nung tatanggap.

So, iyong first month at saka second month ay mabibigay. As far as the timeline is concerned ay napirmahan na iyong joint circular. So, I would assume na bago matapos itong administrasyon na ito ay mabibigay iyong first tranche na two months. Tapos iyong susunod siguro will be under the next administration.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, paano niyo po pinaghahandaan itong transition? Ano pa daw po iyong mga last minute preparations?

DBM SEC. CANDA: Like many transitions before this administration importante kasi na mayroon na kaming mga reports kung ano na ang nangyari. Mayroon kami rin listahan kumbaga noong mga programa at saka iyong legislative agenda kumbaga kung anu-ano iyong mga batas na naka-pending at maaaring hindi na naipasa. Iyong mga bills na gusto sana naming itulak for consideration at mayroon din kung anu-ano iyong mga problemang aabutin o haharapin nitong administrasyon na ito.

So, lahat iyon ay naka-prepare na iyon. Bawat department I’m sure lahat iyan mayroon na. So, iyon ay ipapakita iyan doon sa incoming administration. So, sa amin sa DBM, nag-umpisa na iyong mga informal technical discussions. I think ganoon din sa DOF at saka sa NEDA. Usually, it’s the economic team ang nangunguna sa transition dahil importante kasi lifeblood kasi noong dadating na administrasyon iyong pondo at saka mga programa ng gobyerno kung papaano tutustusan iyon.

So, iyon iyong pinaghandaan na as early as I think February ay gumagawa na ng mga reports ang mga ahensiya.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may pahabol lang na tanong si Ivan Mayrina ng GMA News. Basahin ko na lang din po ano po: What can you tell us about sa meetings daw po ng transition team, so far? Any specific policy, recommendations that you would like to say na being carried over by your successor?

DBM SEC. CANDA: Well, that will depend on the various departments and agencies. I can only speak about my department ano, the Department of Budget and Management and the problems we are facing mainly of resources for 2023 kasi medyo tight ang resources. So, kung tight ang resources then gagawa ka ng adjustments.

So, ibig sabihin kung halimbawa dati ay mayroon kayong mga polisiya na puwede kang mag-start ng building, ng office building, siguro ngayong taon na ito baka puwedeng i-defer iyon. Kung mayroon kang refleeting, siguro puwedeng i-defer iyon. Kung mayroon kang mga trainings na ipapatupad, maaaring i-cut iyon.

So, iyong mga gastusin na ganoon then we can forward that to the administration. Second, far-reaching naman iyong effect halimbawa sa personnel services ay mayroon kang napapansin na sumusobra na ang taas ng personnel services compared to the productive portion of the budget. Meaning, iyong operational at saka infrastructure or capital outlays.

So, iyon mayroon din kaming mga programang sina-suggest tungkol doon. In the same manner na ang DOF ay nag-submit doon sa incoming administration noong fiscal consolidation bill o proposal.

So, iyong mga bagay-bagay na iyon ay finorward na namin at I think na-cover din naman ng media iyong mga karamihang major broad strokes ng programs na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Ivan Mayrina ng GMA News: The incoming administration will be facing several big challenges like pandemic recovery, rising global oil prices, and a looming food crisis. Would you say that the outgoing administration will be leaving them with a budget that will help them stir the country through these challenges?

DBM SEC. CANDA: The budget kasi can be quick a little. Mayroong subject to know of course the compliance with the rules and laws and regulations.

Puwedeng i-quick iyan nang kaunti. Now, kung talagang kailangan na palitan or baguhin iyong mga items diyan to address itong mga na-identify na mga problems, then we would need the help of Congress to make certain adjustments and corrections. Hindi namin puwedeng gawin iyan na mai-in trouble naman ang Executive Branch.

So, we will need the help of Congress in the event that we need certain changes or amendments in the current budget.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan. Go ahead po.

DBM SEC. CANDA: Yes. The 2023 budget will be difficult but you know Filipinos have shown basically a resilience every time we are faced with a crisis and I don’t think that will change under this incoming administration.

So, importante na kumbaga ay magkapit-bisig tayo and to remain united and focused on addressing the problems that we have. And to focus also on our strengths as a people. So, sa akin naman I always remain optimistic that we can prevail as a nation and as a country. Thank you.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng panahon.

Department of Budget and Management Acting Secretary Tina Canda.

Maraming salamat po, Secretary.

DBM SEC. CANDA: Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Pasado na po sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Philippine Digital Workforce Competitiveness Act o panukalang batas na layong mas mapaunlad ang digital competence ng mga manggagawa sa iba’t ibang industriya.

Narito ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para naman po makibalita sa mga magbubukas na oportunidad para sa mga OFWs abroad, makakasama po natin sa puntong si POEA Administrator Bernard Olalia.

Magandang umaga po. Welcome back po sa Laging Handa, Admin.

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Good morning po, Usec. Rocky. At good morning po sa mga nanunood po sa inyong programa.

USEC. IGNACIO: Attorney, kahapon po ay nag-sendoff po ng ilang OFWs sa Israel. So, ilan po iyong inaasahang madi-deploy sa mga susunod na araw at posible po bang magtuluy-tuloy na rin po kaya itong pagbubukas ng Israel para po sa ating mga Filipino workers?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Tama po kayo, Usec. Rocky. For the first time since the pandemic began, nagsimula na po tayong magpadala o mag-deploy ng ating mga hotel workers going to Israel.

Kung maalala po ninyo, ito po iyong mga OFWs natin na naantala ang deployment noong 2020 noong kasagsagan ng ating pandemya. Nagkaroon po tayo ng ugnayan sa Israel, may BLA po tayo at tayo po iyong kauna-unahang foreign workers na binigyan ng opportunity para magpadala ng hotel keepers sa Israel.

So, napakaimportante po nito. 61 po iyong na-deploy natin na una. Mayroon pa pong susunod na mahigit 400 ‘no. Ito po iyong mga hindi natin nai-deploy last two years na sila po naman nating dini-deploy ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, para lang din po malinaw ano po. Pinapayagan na rin po ba ang pagtatrabaho sa Israel para sa ibang industriya bukod po dito sa hotel sector?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Ay opo, Usec, ‘no. Maliban po sa hotel workers na dini-deploy po natin, tayo po ay kasalukuyan ding nagdi-deploy ng ating mga caregivers. Mayroon din po tayong bilateral labor agreement with the Israel government for the deployment of our caregivers.

Halos lahat po doon ay napakarami. 35,000 opportunities para sa mga OFWs natin.

Sa ngayon po, halos mahigit dalawang libo na po ang na-deploy nating caregivers sa Israel at mayroon na pong mahigit 2,600 na kontrata na napirmahan at na-match na at inaantabayanan na lang po natin iyong actual deployment dates nila.

Ganoon po karami iyong mga interesadong magtrabaho po sa bansang Israel.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, hingi na rin po kami ng update dito sa mga bansang inaasahang magbubukas sa ating OFWs. At anu-anong industriya pa rin po iyong in demand?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Alam ninyo po sa ngayon, ang ating mahal na Secretary of Labor and Employment, si Secretary Bebot Bello ay nasa ibang bansa. Patungo po siya ng Germany para po magkapirmahan doon sa ating BLA o bilateral labor agreement for the deployment of other [unclear] workers at saka skilled workers.

So, isa po iyan sa ating mga opportunities ngayon sa Europa. Maliban po sa Germany, nandiyan din po ang UK na nangangailangan ng napakarami pong health workers.

Dito naman po sa Asia. Alam po natin nagbukas na po ang Japan para po sa mga napakarami nating mga skilled and professional workers. Nagbukas na rin po ang bansang Taiwan para sa factory workers. Ganundin po ang Korea. Nagsimula na rin po tayong mag-deploy doon sa mga naantala nating mga factory workers.

Sa bansang New Zealand at saka Australia ay mayroon din pong nag-aantabay diyan na mga skilled workers ‘no.

Sa Europa isama na po natin ang Romania, Croatia, at Hungary. Marami din pong mga skilled workers po ang naghihintay sa opportunities para po sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ano daw po iyong update dito naman sa libu-libong OFWs na na-stranded daw po na tutungo sana sa Saudi o pa-Saudi?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: For a short background po, Usec. Rocky, kaya po sila na-stranded ay dahil naglabas po ng polisiya ang ating mahal na Secretary of Labor na pansamantalang suspendido muna iyong verification process sa ating mga POLO sa Saudi Arabia lalung-lalo na kapag nagdi-deploy po tayo ng construction workers doon sa mega recruitment companies at saka of course, iyong ating mga DH, SWs o iyong mga domestic workers natin.

Ang dahilan ay para po baguhin iyong proseso ng ating verification para hindi na maulit iyong nangyaring mga pang-aabuso. Iyong physical abuse na dinanas ng mahigit sampu nating mga domestic workers na nagtrabaho sa bahay ng isang heneral sa Saudi Arabia.

Pangalawang dahilan dito, alam po natin na marami tayong napauwi na distressed construction workers noon at hindi pa po naibibigay iyong kanilang mga monetary benefits at tayo po ay nagsusumamo na sana ay ibigay na po, tulungan tayo ng Saudi government para po maibigay iyong mga naantalang sahod ng ating mga workers.

Ito po ang dahilan kaya po tayo nagkaroon ng suspension. Pero iyon namang iba po naman nating mga workers na ito ay karamihan ay tinatawag po nating agency-hires. Ang ibig sabihin kapag sila ay agency-hires, iyong mga recruitment agencies naman ay may mga body job orders po para i-deploy sila sa iba’t ibang destination countries maliban sa KSA.

So, iyong iba po diyan ay napunta na po ng bansang Kuwait, bansang Qatar, at Oman. So, kakaunti na lamang po iyong naantala ang kanilang deployment at harinawa sa mga susunod po na panahon ay ma-lift na po iyong suspension para muli po nating mai-deploy iyong mga naiwan pa po nating OFWs.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito naman po, kaugnay dito sa free transportation assistance para po sa mga returning OFWs. Tama po ba na pansamantalang itinigil ito?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Ayon po sa ating OWWA Administrator na si Hans Cacdac, ang sabi po niya, pansamantalang itinigil iyong pagbibigay ng libreng transportation sa ating mga repatriated OFWs kasi po 95% po ng mga umuuwi na OFWs ay hindi na po nag-a-avail nito.

Ang ibig sabihin po, dahil sa Alert Level 1 na, ang karamihan sa ating lugar dito sa ating bansa they are free to travel anywhere, makakauwi na po sila kahit na hindi na po sila humingi ng tulong sa ating OWWA. Iyan po ang pangunahing dahilan.

Pero ganunpaman, iyong pang-repatriation ng ating mga distressed OFWs sabi po ni Admin Hans ay atin pong tutulungan at sakop pa po sila ng programa ng libreng transportation lalung-lalo na iyong mga nangangailangan at kapag sila po ay humingi sa OWWA, sila naman po ay pagbibigyan pa rin.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumustahin ko na rin po itong update dito sa operasyon ng OFW Hospital.

Attorney, kumusta na po ito?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku, Usec. Rocky, ito po ay isang napakagandang Duterte Legacy na iiwanan ng administrasyon na ito para sa mga mahal po nating mga OFWs.

Kung maaalala po ng mga OFWs natin noong May 1, 2022, nagkaroon po ng maliit na pagsasalo doon na kung saan nagkaroon ng inspeksyon at dumalo po ang ating mahal na Presidente at binuksan po, nagkaroon po tayo soft opening para sa ating OFW Hospital sa Pampanga.

Ito po ay itinayo dahil po sa hangarin ng ating Presidente na bigyang-pansin iyong mga medical problems. Tingnan natin kung paano tayo makakatulong doon sa mga nagkakasakit na ating OFWs and their immediate families. So, sa ngayon po, ito na ay tumutugon sa mga medical issues at attention para sa ating mga OFWs at sana, ang atin pong hangarin, ay maging fully operational na iyong medical facility na iyan by June 30 of this year.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang usapin naman po tayo, Attorney, kung na-complete na po kaya daw nitong Department of Migrant Workers Technical Working Group ito pong staffing pattern para po dito sa DMW. If no, kailan po kaya ito expected ma-complete?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Opo. Para po sa kaalaman ng mga OFWs natin at ng publiko, ito pong DMW, ito po iyong Republic Act 11641 na ipinasa po noong December 30, 2021 at ito po ay isa rin sa legacy ng ating mahal na Pangulo para sa OFW.

Na-elevate na po ang POEA at iyong iba’t-ibang ahensiya, naging fully operational department na po siya. Ibig sabihin, under one roof lahat po ng mga ahensiya na magbibigay ng mandato para sa OFW ay ginawa na pong isang department. At para po maging fully operational ito by 2023, ayon po sa batas, kailangan po ng IRR, iyong Implementing Rules and Regulations, iyong staffing pattern at iyong approval pong 2023 Budget.

Sa ngayon, ginagawa na po ng transition committee iyong amin pong staffing pattern na tinatawag. Binubuo na po namin [ang] lahat ng organizational structure, iyong mga opisina na ating bubuuin lalung-lalo na po iyong mga tinatawag nating regional offices. Hindi lamang sa Central Office dito sa Ortigas magkakaroon ng opisina para sa DMW kung hindi [pati na rin] sa ating mga regional and provincial offices. Layunin po nito na ilapit ang serbisyo para sa ating mga OFWs nang sa ganoon ay hindi na rin sila mahirapan at maiwasan po na maging biktima ng illegal recruitment.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, nakipag-coordinate na po kaya ang DMW Technical Working Group kay upcoming Migrant Secretary Susan Ople? If yes, ano daw po iyong mga napag-usapan during the meeting?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Opo. Tama po kayo,USec. Rocky ‘no. Nakipagpulong na po ang ating incoming DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople sa ating mahal na Secretary, si Secretary Bebot Bello. Sila po ay nag-usap na at nagkaroon na po ng sharing of information kung ano po iyong gagawin ngayong transition.

Kami naman po dito sa POEA, kami po ay nakapag-usap na rin ni incoming Secretary at naibahagi na naman iyong kasalukuyan naming ginagawa para po sa DMW at iyong susunod pa na mga hakbang para po maging fully operational itong DMW during the transition period. At inaasahan po namin sa mga susunod na araw, kung hindi po ako nagkakamali bukas, makikipagpulong po si Secretary Toots sa members po ng transition committee. Ito po iyong nandiditong kinatawan ng ating OUMWA, kinatawan ng NMP, ng ILAB, at ng DSWD, kasama na rin po ang POEA.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kuhanin ko na lamang po iyong inyong mensahe para sa ating mga kababayan. Go ahead po.

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Unang-una po, nagpapasalamat po kami lalung-lalo na sa mga OFWs natin ‘no. At ang Duterte administration po ay tinupad ang kaniyang pangako para sa hangaring pagtibayin iyong karapatan at i-promote iyong welfare ng ating OFWs ‘no.

Ito po ang ating ipapasa sa susunod na Administrasyon para tugunan ang lahat ng pangangailangan ng ating mga OFWs. At bilang patunay na napakahalaga po ng mga OFWs, naging ganap na po ang Department of Migrant Workers.

Isa po itong regalo ng ating mahal na Presidente. Isa po itong regalo ng ating mahal na Presidente para sa ating mga OFWs. Sa kasalukuyan, nasa transition po tayo para i-fully implement iyong batas, maging fully operational po siya by 2023.

Maraming salamat po at ingat po tayong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng panahon sa amin, Atty. Bernard Olalia ng POEA.

Ilang linggo po bago ang pagtatapos ng administrasyon ni Pangulong Duterte, higit P14 bilyon na mga nakumpiskang iligal na droga ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Cavite. Ito na po iyong pinakamalaking halaga ng ipinagbabawal na gamot na sinira ng pamahalaan. Ang detalye niyan mula kay Patrick de Jesu. Patrick? Babalikan natin si Patrick de Jesus.

Samantala, para kumustahin po ang takbo ng immunization campaign at para pag-usapan ang iba pang hakbang ng bansa kontra COVID-19, makakasama po natin sa puntong ito si Dr. Benito Atienza mula po sa Philippine Medical Association.

Magandang umaga, Doc Benny. Doc Benny, hindi kita naririnig, naka-mute ka po yata. Doc Benny, can you hear me?

PMA DR. ATIENZA: Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Doc Benny. Doc Benny, may lima pong bagong na-detect na subvariant cases, dapat na bang maalarma ang publiko?

PMA DR. ATIENZA: Katulad ng sinasabi natin, dapat ang kinagawian natin ay huwag nating kalilimutan, iyong magsuot ng mask, magdistansya tayo, huwag tayong mag-ano din sa mga [unclear], iyong airflow, dapat i-maintain natin sa mga bahay, sa opisina, maghugas ng kamay at mag-alcohol at saka ang importante ay magpabakuna.

Kasi marami pa sa ating mga kababayan lalo na iyong mga nabigyan ng primary dose ay hindi pa nakakakuha ng booster dose. Nagkaroon kami ng meeting sa DOH, iyong huling meeting namin kasi magpapalit na rin kami, parang ng administrasyong Duterte, magpapalit na rin kami ng administrasyon sa Philippine Medical Association at natapos tayo noong May 31 as Philippine Medical Association President.

At napag-usapan namin doon nga na kaunti pa rin pala ang nagpapa-booster dose, lampas lang ng 14 million. Kailangan pa nating ma-booster ang 40 million na ating mga kababayan na mostly ay lampas na ng five to six months ang kanilang primary doses. At iyan ay available sa ating mga health centers tapos ngayon [ay] napag-usapan na rin namin na ibibigay na rin ang ating mga booster doses sa mga clinic ng ating mga doktor, sa specialty clinic at saka sa mga clinic sa ospital basta coordinated sa LGU.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ano ang masasabi ninyo dito sa ginagawang hakbang ng pamahalaan para maiwasan po iyong pagpasok nitong pinangangambahang monkeypox sa bansa. Masasabi ninyo po ba na sapat naman po itong ginagawang paghahanda ng pamahalaan dito?

PMA DR. ATIENZA: Oo, nag-anunsyo na ang DOH at saka sinasabi natin na huwag tayo masyadong maalarma. Ang importante ay alam natin iyong mga signs and symptoms, palagi tayong updated kung ano ang mga nangyayari. At saka ilang beses na naipaliwanag ang mga sintomas ng ating DOH at saka kung may nararamdaman kayo, dapat magpa-check-up kaagad.

At katulad nga niyan, nasa ano pa rin tayo, hindi natin alam kung magkakaroon tayo ng maraming variant pa ng Omicron. Ang palaging sinasabi ng ating pamahalaan ay ituloy natin kung ano iyong ginagawa nating kalinisan ng katawan. Kasi iyong sa monkeypox, ganoon din naman eh, maging mapagmasid, magsuot pa rin ng mask at saka dumistansya at saka iwasan iyong …

Kasi sa ibang bansa naman nanggagaling iyan, wala pa namang reported dito kaya tayo ay mag-ingat lalo na iyong mga galing sa ibang bansa at saka iyong pupunta sa ibang bansa, pagbalik nila sa ating bansa ng ating mga kababayan ay maging maingat at dapat alam natin ang istorya ng ating mga pinuntahang lugar para doon sa [contact] tracing ay malalaman po natin iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, inaprubahan na rin po ng FDA ang pagbibigay ng Moderna vaccines sa mga edad anim hanggang labing-isang taon. Gaano kalaking tulong po ito sa vaccination rollout natin?

PMA DR. ATIENZA: Actually, nakausap ko two days ago during our endorsement kay USec. Cabotaje, at napag-usapan nga diyan katulad nitong Sinovac, na-approve na rin iyan para sa mga bata kaya nga lang hinihintay [pa] natin – napakahalaga ng role ng HTAC, itong Health Technology Assessment Council – hinihintay pa ang kanilang approval. Once na na-approve iyon, puwede nang i-rollout iyan sa mga bata.

As of now, marami pa naman tayong natitirang mga Pfizer para sa five to eleven, at saka itong 12 to 17. Kaya iniengganyo natin ang ating mga magulang na pabakunahan ang ating mga anak, ang ating mga apo para sa COVID-19 vaccine kasi nandidiyan na po, kasi inaano rin po ng ating DOH na magkakaroon na rin ang mga bata ng face-to-face kapag nag-start ang ating pasukan sa ating mga eskuwelahan. At sinasabi namin na marami tayong bakuna. At doon naman sa 18 and above, magpa-booster na kayo kasi 40 million pa na ating mga kababayan ang hindi pa nabibigyan ng booster.

Kami sa health sector, kasama ang senior at saka ito pong mga A1, senior, at saka itong may mga comorbidities ay nagpapabigay na ng second booster. Tandaan po ninyo, kami ay second booster na, iyong ating mga kababayan ay wala pang first booster. Kaya sana ang maganda nga diyan ay bago mabigyan kami ng second booster ay mabigyan muna ang iba ng first booster. Kaya nga lang, kukonti pa rin ang pumupunta para sa second booster. Alalahanin po natin na nag-wane na ang ating immunity para sa COVID-19 kasi lampas na po iyan ng four to six months kaya dapat ngayon po ay nagpapabigay na po sila ng first booster. At marami po tayong bakuna. Huwag po kayong mag-alala, marami pong bakuna sa ating mga health centers, sa ating mga LGUs, sa mga ospital, ikinu-coordinate lang po iyan.

At ngayon po ay nakikipag-ugnayan kami sa ating DOH para nga po mapadali ang pagbibigay ng mga COVID-19 vaccines lalo na iyong mga booster at saka primary doses doon sa hindi pa nabibigyan sa mga individual clinics ng mga doktor sa ospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Benny, may tanong po sa inyo ang ating kasamahan sa media, si Red Mendoza ng Manila Times: Ano raw po ang magiging payo ninyo sa ating mga kababayan na malapit na po ang flu season or trangkaso? At ano raw po ang mga hakbang para maiwasan ito?

PMA DR. ATIENZA: Katulad ngayon, ano iyong mga mararanasan ngayon natin kasi tag-ulan, mainit biglang uulan? Isang inaano natin is iyong flu, iyong trangkaso. Kasi alam natin na ang flu at saka itong COVID ay halos nagpapareho ang ating sintomas. Ang importante po, kapag may ano tayo, masakit ang katawan, nilalagnat, may ubo, may sipon, ay mag-stay na lang po tayo sa bahay. At at the same time, kung kinakabahan tayo, dapat ay magpa-test tayo ng antigen or RT-PCR para makasiguro tayo na ang nararamdaman natin ay hindi COVID.

[Garbled] sa bahay [garbled] may lagnat, may ubo, may sipon [garbled] makakahawa po iyan kahit [garbled] o COVID, ganoon din po iyan [garbled]. Ang importante po, magpabakuna [garbled] seasonal po iyong flu [garbled] binibigay iyan sa matatanda [garbled] sa ating mga health centers. At kung iyong iba po, available po iyan sa mga malalaking botika lalo na sa ating mga clinic ng doktor, pedia man o adult po, puwede pong ibakuna iyan, nasa atin pong mga clinic iyan.

Ang importante po lalo iyong mga seniors, pabigyan na po sila ng atin pong bakuna. Tapos lalo na po ang ating mga zero to five years old, dapat mabakunahan po iyan kasi ngayong panahon pong ito ay uso naman po iyong diarrhea lalo po iyong mga zero to one natin, dapat mabakunahan na po ng Rotavirus. Iyong Rotavirus, magpi-prevent sa kanila ng diarrhea, secondary to rota na kalimitan po ay ngayong tag-ulan nakukuha rin.

At ang isa pang bakuna na dapat nating ibigay sa ating mga matatanda at saka bata ay itong ating pneumonia, itong PCV po. Iyan din ay libre sa ating mga health centers. At iyong zero to two ay mabibigyan po diyan sa center at saka ito pong ating mga seniors.

USEC. IGNACIO: Opo. So far, Doc Benny, kumusta iyong pagsasagawa ninyo kasama po ang DOH nitong immunization campaign para sa ating mga kabataan?

PMA DR. ATIENZA: Maganda naman po. Ang pinu-push po natin ngayon ay iyong Chikiting Ligtas lalo po dito sa NCR. Ito iyong panawagan ng DOH na mabakunahan iyong zero to three, lalo na iyong zero to five, ito kasi iyong mga naka-miss out ng bakuna during COVID. Ito iyong mga binibigay natin sa center, iyong primary doses ng DPT – diphtheria, pertussis, tetanus, hepatitis; H influenza type B. Ito iyong mga primary doses na dapat mabigyan sila. Eh tatlong doses iyan.

At ito, kung hindi sila nabigyan noon kahit dalawang taon ay bibigyan [sila]. Ito ang tinatawag nating “catch up immunization” lalo na iyong nine months na to one year old, dapat nabibigyan na ng mumps, measles, rubella – ito iyong para sa measles, rubella, isang injection lang ito, tatlong bakuna na ito. At ito iyong para kasi ngayong tag-ulan ay puwede rin silang mahawa ng measles at saka iyong mumps, iyong beke. Maraming may beke ngayon kasi from summer to rainy season, dapat mabigay po iyan. At saka sinasabi ko kanina, lalo iyong mga less than one year-old, mabigyan ng Rotavirus. Iyong Rotavirus, pinapatak lang po iyon, hindi itinuturok, para sa ating mga babies.

At marami po tayong mga bakuna sa health centers, dalhin lang po natin doon. Lalo po ngayon, naka-ano po iyong ating Chikiting Ligtas sa NCR from May 30 to June 10. At sa lahat po, buong Pilipinas ay nagbibigay rin po. Pero inano nila, kasi marami sa NCR ang hindi nabigyan po. At sinasabi po ng DOH, lima kada sampung bata ang hindi nabakunahan during COVID-19 pandemic.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Benny, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng panahon sa amin, Dr. Benito Atienza ng PMA. Salamat, Doc Benny.

PMA DR. ATIENZA: Salamat din po.

USEC. IGNACIO: At para po makibalita sa pinakahuling update kaugnay po sa patuloy na search and retrieval operation ng PCG kasunod po ng insidente ng banggaan ng cargo vessel at Filipino fishing boat sa Palawan, makakasama po natin si Commodore Armand Balilo, ang spokesperson po ng Philippine Coast Guard.

Magandang umaga po, Commodore.

PCG SPOKESPERSON BALILO: USec., magandang umaga. Magandang umaga po sa inyong mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Commodore, base po sa inyong imbestigasyon, puwede ninyo po ba kaming bigyan ng detalye sa kung ano’ng nangyari dito sa aksidenteng ito?

PCG SPOKESPERSON BALILO: Opo. Nag-file po tayo ng kaso against dito sa mga kapitan ng barko at saka pati po iyong officer na kasama niya. Bale po sa mga eyewitness account at saka po doon sa ating physical evidence na na-gather doon sa insidente, pina-dive po namin iyong mga divers ng Philippine Coast Guard at nakita po talaga iyong bend at saka talagang mga gasgas na nagpapatunay po na talagang nagkaroon ng banggaan base po sa salaysay na sinumpaan ng mga nakaligtas po.

USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, hindi daw po nabigyan ng PCG clearance ng Antique bago daw po bumiyahe itong nasabing MV HAPPY HIRO, tama po ba ito? Paano po kaya ito nakalusot?

PCG SPOKESPERSON BALILO: Hindi po. Itong hindi nabigyan ng clearance [ay] ito pong fishing boat na lumubog kaya kahit nang sila po ay lumubog, iyong shipping company po ay kinastigo natin at pinenalize natin, pinagmulta natin ng P50,000.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Commodore, so far, ilan pang mga mangingisda ang pinaghahanap at kumusta rin po iyong kalagayan ng mga nakaligtas?

PCG SPOKESPERSON BALILO: Ito po iyong ating pinaghahanap pa. Pero kahapon po, dahil sa lawak na po ng ating nagalugad at napuntahan, umabot po tayo ng 500 square nautical miles ‘no, iyong square miles, sa paghahanap at nag-declare po tayo kahapon na i-terminate na iyong search and rescue operations at magiging search and retrieval na po sa mga susunod na araw.

Iyong pamilya naman ng mga nakaligtas ay nakikipag-ugnayan na po doon sa mga fishermen samantalang iyong mga nawawala pa po ay inaasikaso po ng shipping company.

USEC. IGNACIO: Opo. Sinabi ninyo po na nag-shift na kayo sa retrieval operation, hanggang kailan ito ipatutupad, Commodore?

PCG SPOKESPERSON BALILO: Wala naman po tayong timeline, USec. Ang importante po rito, mayroon tayo palaging nakaantabay na mga tauhan para kung sakali pong may sightings ay tayo po ay makapagresponde po kaagad.

USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin lang po natin, Commodore, ano daw po iyong mga isinampang kaso at nakausap ninyo na po ba itong may-ari ng nasabing cargo vessel?

PCG SPOKESPERSON BALILO: Opo. Reckless imprudence po resulting to homicide po to reckless imprudence ang isinampang kaso ng mga lawyers po ng Coast Guard doon po sa office po ng Prosecutor ng Antique. Iyong may-ari po ay nakausap na rin ng kabila at sila po ay palaging nagmi-meeting para kung ano po ang mga kailangan pa ng mga nawawala pa at saka iyong pamilya ng mga naka-survive at ganoon din po iyong pamilya ng mga hindi pa nakikita.

USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, ano daw po iyong posibleng parusang kaharapin ng nasabing vessel sakali pong mapatunayan na nagkaroon po ng ‘di umano’y kapabayaan? Ano rin daw po iyong danyos na posibleng ibigay sa mga naapektuhang mangingisda?

PCG SPOKESPERSON BALILO: USec. Rocky, depende po kung ano ang magiging lagay ng litigasyon. It is for the court to decide kung ano pong klase ng danyos at kung ano po ang parusa. At iyon po ang mangyayari pagkatapos po na malitis itong kaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, sa ibang usapin naman tayo, ano daw po ang masasabi ng Philippine Coast Guard sa pagpapatupad ng China ng fishing ban dito po sa malaking bahagi ng West Philippine Sea?

PCG SPOKESPERSON BALILO: Tayo po ay sasama doon sa mga fishermen, imo-monitor po natin iyong mga fishermen natin sa pangingisda nila. Hindi naman po tayo affected niyan.

USEC. IGNACIO: Okay. Commodore, kuhanin ko na lamang iyong mensahe mo sa publiko. Go ahead, Commodore Balilo.

PCG SPOKESPERSON BALILO: Salamat po sa pagkakataon. At tayo naman po dito sa Philippine Coast Guard ay patuloy po na nagmo-monitor kung sakaling may ma-rescue pa tayo o may makita pa tayong sightings doon sa ating mga kababayan na nawawala.

Pero ganoon pa man, tayo po ay nananalangin na sana ho nakuha lang sila ng isang cargo vessel din na dumaan o kaya po [ay] nasa ibang isla na hindi lamang nai-report sa atin. Pero tayo po ay palaging mag-a-update at iyong pamilya po ay ina-assure namin na we will do our best para po kung sakali ay magkaroon ng closure itong nangyaring trahedya dito sa Palawan.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, Commodore Armand Balilo, spokesperson ng Philippine Coast Guard.

PCG SPOKESPERSON BALILO: Salamat po, USec.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan. Puntahan natin si Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, muli nating balikan si Patrick de Jesus hinggil sa P14 bilyong halaga ng mga nakumpiskang illegal na droga na sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Cavite. Patrick?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Patrick de Jesus. Mga residente ng Cavite ang pinuntahan ng tanggapan ni Senator Go. Hinikayat niya ang publiko na huwag magdalawang-isip na lumapit sa Malasakit Center para sa kanilang medikal na pangangailangan. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, ang pagpaplano po ay ang unang hakbang at isang malaking bahagi sa pagkakaroon ng isang maayos at matagumpay na programa o aktibidad. Kaugnay po ito ng isinasagawang Joint Gender and Development Planning and Budgeting para po sa taong 2023 sa Island Garden of Samal sa Davao del Norte ng APO Production Unit at Peoples Television Network Incorporated.

Layon po ng nasabing aktibidad na maihanda ang kanilang GAD plans at sagot o solusyon sa mga kasalukuyang gender issues ng dalawang ahensya. Isasagawa rin po ang isang seminar on Gender Fair Media Language para po sa mga kawani ng PTV Davao. Ang mga nasabing GAD projects ay para po wakasan ang mga gender issue at pagkakaroon ng gender equality at women empowerment sa bawat ahensya.

At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Samantala, bago po tayo magtapos, nais po nating batiin ng maligayang kaarawan ang ating kasamahan na si John Louise, siya po iyong ating researcher at coordinator. Happy birthday sa iyo.

Muli, ako po si USec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center