Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Pagpapaigting ng seguridad sa bansa, mga inaasahang program sa ilalim po ng DICT sa pagpasok ng bagong administrasyon, at sitwasyon sa operasyon ng Bureau of Customs, ilan lamang po iyan sa mga usaping tampok sa ating talakayan ngayong araw ng Huwebes. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Pinawi po ng Department of Health ang pangamba sa isa pang virus na naitala sa Iraq na ikinamatay po ng higit dalawampung indibidwal, ito po ang Crimean-Congo haemorrhagic fever o tinatawag na “nosebleed fever”. Giit ng Department of Health, maliit ang tiyansa na pumasok ang naturang virus sa ating bansa.

Ayon po sa World Health Organization na kabilang sa mga sintomas nito ay ang lagnat, pananakit ng kasukasuan, sore throat, abdominal pain at pagiging sensitibo sa ilaw.

Dagdag pa ng WHO, kadalasan itong nata-transmit sa tick bite o contact sa mga infected na hayop. Sa ngayon ay ginagamit ang antiviral drug na Ribavirin laban sa naturang virus.

Pinangalanan na po ni President-elect Bongbong Marcos ang itatalagang kalihim para po sa Department of Information and Communications Technology. Para alamin po kung anu-ano nga ba ang kaniyang mga isusulong na programa sa DICT, makakasama po natin si incoming DICT Secretary Ivan John Uy. Magandang umaga po, Secretary.

MR. IVAN JOHN UY: Magandang umaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, magandang umaga po. Secretary, ano po iyong naging initial ninyo raw pong reaction noong kayo po ay biglang itinalagang DICT Secretary?

MR. IVAN JOHN UY: Well, natuwa po ako na ako’y napili ni President-elect BBM upang mamuno dito sa tanggapang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, isunod ko lang po iyong tanong ng kasamahan natin sa media. May tanong po sa inyo si MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Kumusta raw po iyong transition? What are the marching orders of President-elect Bongbong Marcos? And how will you accomplish these?

MR. IVAN JOHN UY: Well, very clear iyong marching orders ni Pangulong Bongbong Marcos tungkol sa ICT. Natatandaan ninyo po na noong kampaniya ay iyong digital infrastructure is one of the flagship projects na gustong mangyari ni President BBM. So in-instruct po kami na tingnan kung paano natin maiaabot ang mga digital connectivity sa mga liblib na lugar upang maipasok at mabigyan ng access ang mga kababayan natin lalo na sa mga lugar na hindi inaabot ngayon ng internet.

Alam ninyo po ang Pilipinas ay archipelago at napakaraming mga isla, wala pang access to the world wide web, at ito po ay dapat i-prioritize po natin. So, that’s one of the marching orders po.

And second is to address e-governance. Ito po ay upang mapasimple ang mga transaksyon ng ating mga mamamayan sa mga access to government services. So we are looking at streamlining, reducing red tape and minimizing iyong mga pila-pila po sa mga iba-ibang opisina ng gobyerno, mag-a-absent sa trabaho upang makakuha lang ng certification, ng clearance or gagawa ng mga applications sa government offices.

So ito po ay some of the priorities na instructions ni Pangulong BBM po.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong po ni Mela Lesmoras ng PTV: Sa ilalim daw po ng bagong administrasyon, anong mga hakbang ang gagawin ng DICT para naman daw po makapag-ambag sa pagpapataas ng revenue ng pamahalaan?

MR. IVAN JOHN UY: Well, technology will be one of the crucial factors to improve revenue generation po. Alam po natin na dahil sa mga manu-mano na sistema na nakikita natin lalo na sa mga ahensiya ng gobyerno po ay malaking pondo ang nawawala. So with automation it would minimal human intervention, inaasahan po natin na medyo mabawasan po iyong nawawalang pondo ng gobyerno dahil sa korapsyon. At sana po, imbes na magtataas tayo ng mga buwis upang mapalaki ang pondo ng gobyerno ay puwedeng minimal na lang po ang taxes, iyong tax increase to generate government revenue.

Kailangan po ng gobyerno ng pondo, ‘no upang mapatakbo ang governance at lalo na ngayon dahil sa pandemya ay napakalaki po ang utang na nangyari in order to address itong pandemyang ito. At medyo naantala po ang maraming projects na importante dahil na-divert po iyong mga funds from some of these projects to the pandemic response, iyong mga … alam ninyo na po, iyong mga vaccines, mga PPEs and all the other pandemic-related expenses.

So, we hope with the gradual normalization of this COVID virus issue eh we can now start concentrating our efforts on all the other aspects of development na medyo na-sideline po dahil dito sa pandemya.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, isinusulong ngayon ang Philippine Digital Workforce Competitiveness Act. Sakali raw pong maisabatas ito bilang parte po ng DICT, paano raw po ito isasakatuparan?

MR. IVAN JOHN UY: Magandang batas po iyan ‘no, at nakikita natin na malayo ang foresight ng ating mga mambabatas na nag-proponent nitong digital workforce. Alam na po natin na ang Business Process Outsourcing ay pangalawa sa pinakamalaking source of income ng ating bansa – ang pinakamalaki po are the OFW remittances. So this is the second largest, so kailangan po nating tulungan ang BPO sector na bigyan ng sapat na workforce dahil lumalaki po itong area na ito at kumukulang po ang properly skilled labor force. So we need to enhance this by really identifying, ano nga ba iyong demand sa market, at make sure na iyong ating mga estudyante na nagtatapos ng kolehiyo o humahanap ng trabaho ay makakahanap ng trabaho dahil mayroong demand for that.

Sa nakaraan po, ang nangyayari is nahuhuli po iyong academe. Nag-evolve na iyong demand ng industriya, at ito na iyong mga skillsets at talents na kailangan nila ngunit ang ating academic institutions ay nagpo-produce pa ng mga lumang skillsets para sa ating mga graduates so nagkakaroon ho ng tinatawag na mismatch. At ang nangyayari diyan, nasasayang po iyong opportunity dahil iyong mga graduates natin ay hindi makahanap ng trabaho dahil hindi po tugma ang kanilang kaalaman sa pangangailangan ng mga enterprises at mga negosyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Kamakailan po ay inaprubahan na po itong bagong telco company sa bansa. Ito po iyong Starlink na pagmamay-ari po ni Elon Musk. Ano po ang inaasahang impact nito sa telco services at competition sa ating bansa?

MR. IVAN JOHN UY: Well, this is a welcome development po dahil we will have an additional player now. It’s a satellite provider. So, lalo na po sa mga areas na mga liblib na lugar ay aabot na po ang internet. So, we are working out the details.

Hopefully, darating na iyong mga satellite receivers na kailangang i-deploy sa mga iba’t ibang lugar ng ating bansa upang makatanggap po ng internet lalo na iyong mga isla na medyo kakaunti ang mga populasyon. Hindi ho iyon naaabot ng traditional telco dahil napakamahal po ng cable, ng fiber optic, ng submarine cable upang makarating doon sa mga lugar. At since kakaunti ang mga tao ay hindi po sila nabibigyan ng sapat na access.

So, sana po ay ma-deploy natin ito. The sooner, the better at maganda pong balita ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary may tanong pa po iyong ating kasamahan pa rin sa media. Basahin ko na lamang po ulit ano. Mula po sa Digital TV o DTV Pilipinas: In 2017 daw po the government planned for a transition of broadcast from analog or antenna TV to digital TV by 2023. Would you continue the switch over from analog to digital TV or would you set another new deadline?

MR. IVAN JOHN UY: Well, we have to continue deploying digital TV po. For those who are more techno literate, we adapted the ISDB-T [Integrated Services Digital Broadcasting – Terrestrial] system of Japan as our digital TV platform.

So, ito po ay magandang teknolohiya, mas klaro po ang signal, at marami po tayong puwedeng gawin doon sa teknolohiyang iyan in terms of broadcasting.

Iyong analog po ay medyo luma na talaga. Parang iyong analog na cellphone po natin. Mas maraming functionality po ang mai-expect natin with the digital TV broadcast.

So, we need to roll it out and I’ll have to check po kung anong rason bakit nadi-delay iyong implementation nito.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pa rin pong tanong mula sa DTV Pilipinas: Would DICT also resolve the inconsistent implementation of digital TV standards among TV manufacturers as there are still daw po more digital TV boxes than digital-ready TVs that are in the market?

MR. IVAN JOHN UY: The different hardware that is connecting into the digital TV network po? Ano po iyong tanong?

USEC. IGNACIO: Opo. Would the DICT daw po also resolve ito daw pong inconsistent implementation of digital TV standards among TV manufacturers as there are daw po still more digital TV boxes than digital-ready TVs that are in the market?

MR. IVAN JOHN UY: Okay. Dahil may dalawang main standard po ng digital TV standards ano. There’s the European standard and there’s the Japan standard. Parang Betamax po iyan at VHS.

So, may dalawang standard po. Ang in-adapt po ng Pilipinas ay iyong Japan standard. So, kung may mga kababayan po tayo na bumibili ng TV sa Europa at ang mga digital TV doon ay using the European standard ay magkakaroon na ng compatibility issues dito.

So, dapat ho bago sila bumili ng Smart TVs they have to make sure that it complies with our standards here. Parang ano ho iyan as I said parang VHS at Betamax. Kung Betamax po ang ginagamit natin dito sa Pilipinas at bibili ka ng VHS ay talagang iyong tape ng VHS ay hindi ho papasok sa Betamax niyo at hindi tatakbo.

So, bago bumili ay pag-aralan na muna at alamin kung ano iyong standard natin dito. Iyan lang po.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po sa DTV Pilipinas: How will the DICT also continue the ongoing digitization program of government media entities like PTV and IBC including the project by the JICA regarding daw po the digitization of government media networks? Would the DICT also finally implement the emergency warning broadcast system that is one of the main features of the digital TV standard in the country?

MR. IVAN JOHN UY:  I need to sit down and work on it with the PCOO Secretary Attorney Trixie Angeles po. We still have to meet.

Medyo loaded po siya ngayon with the request of all these media queries on forming of the Cabinet of President-elect Bongbong Marcos.

So, as soon as these things settled down, I think we need to sit down together and assess kung ano po ang status ng PCOO at itong mga government networks transforming itself from analog at digital.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Lea Ilagan ng UNTV: Tumindi po iyong proliferation ng spam text messages na nag-aalok ng trabaho online, games at iba pa recently. Ano po ang magiging plano or magiging marching order ng DICT sa NTC bilang attached agency po ng Kagawaran? Ano po iyong matinding hakbang daw na ipatutupad po ninyo sa DICT para daw po tugunan itong online scams?

MR. IVAN JOHN UY: May tatlong ahensiya po na attached to the DICT. Ito po ay sabi niyo po is iyong NTC at naririyan po iyong CICC iyong Cybercrime Investigation Coordinating Center at iyong National Privacy Commission po.

So, these three agencies will have to work together in order to address this growing issue of scamming using text, using social media and so on.

So, this is part of the first things when we go into a digital society. Iyong mga criminals po ay nagiging digital din at natututo kung paano silang manloko or commit other types of cybercrimes on the network.

We have our law enforcement agencies that are still being trained, iyong iba medyo na-train na pero kulang po dahil sa proliferation nito. We need to build up a better digital police kumbaga or a digital NBI that can go after these cyber criminals.

So, dapat po we need more trainings and we need to select the right people in order to be able to do this properly.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, paumanhin po may pahabol lang pong tanong si Johnna Villaviray ng Asahi Manila. Basahin ko na po: Paano daw po malalaman ng isang housewife kung ang bibilihin nilang TV ay compatible sa government digitization standards? Ano daw po ang dapat itanong sa store clerks?

MR. IVAN JOHN UY: ISDB-T po. Iyan ang standard natin po. ISDB-T this is a Japanese standard.

So, sa Pilipinas po dapat ang lahat ng mga TV na binibenta dito ay compatible po sa standard na iyon. So, ang mangyayari lang po diyan is let’s say may mga kababayan tayo na OFWs na nakatira sa Europe at bumili ng TV doon at dinala dito sa Pilipinas. At kung naka-lock iyon doon sa standard doon ay dapat kailangan may baguhin ho doon sa TV na iyon.

So, ang importante po is bago nila bilhin iyon sabihin nila “Dadalhin ko itong TV na ito sa Pilipinas. So, we want to make sure na compatible ito sa standard ng Pilipinas.”

Iyan lang po. Iyong mga tindahan po ay nakakaintindi na iyon at alam nila kung anong modelo ang puwedeng ibenta.

Sa kasamaang-palad po, dito sa Pilipinas ay may mga grey markets na nagbebenta ng mga ganitong TV na hindi dumadaan sa regular importation process. So, minsan po ay hindi ho tugma sa standards natin ang dumadating at naloloko, at ang ating mga kababayan noong binili iyan ay akala nila ay compatible.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kunin ko na lamang po iyong inyong mensahe sa ating mga kababayan kasi ilang linggo na lamang po, papasok na po ang administrasyong Marcos. Go ahead po, Secretary.

MR. IVAN JOHN UY: Well, in accordance to … sa kampaniya po ‘no, madalas na naihayag ni President-elect Bongbong Marcos na digitalization of infrastructure, that he wants to be as one of his flagship projects sa Pilipinas. At matagal na pong naririnig niya ang hinaing ng ating mga kababayan na mabagal na internet, mahinang internet, napakamahal or walang access lalo na sa mga liblib lugar po. So ito po ay tutugunan natin at ito po ay … makakaramdam po kayo ng mga internet sa susunod na buwan, sa susunod na taon. Ito po ay ipapa-prioritize natin, lalo na po doon sa mga areas na aakyat pa ho kayo sa bundok upang makakuha lang ng signal para makausap ang ating mahal sa buhay sa abroad or sa barko.  Hindi na ho tatagal ang inyong pag-aantay. Sa administrasyong President Bongbong Marcos ay aabot ho sa inyo ang mga pinangako niya, at sa akin po binigay iyong responsibilidad na iyan at matutugunan po natin iyan.

Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kami po ay nagpapasalamat din sa inyong pagpapaunlak sa amin ngayong umaga, incoming DICT Secretary Ivan John Uy. Magandang umaga po and salamat po.

MR. IVAN JOHN UY: Thank you. Thank you po.

USEC. IGNACIO: Samantala, makibalita naman tayo sa operasyon at paghahanda ng Bureau of Customs para sa transition period ng papasok na administrasyon. Makakasama po natin si Atty. Vincent Philip Maronilla ng Bureau of Customs. Magandang umaga po, Attorney.

BOC ATTY. MARONILLA: Magandang umaga po, Usec. Rocky. At magandang umaga po sa lahat ng nanunood at nakikinig sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kumusta po iyong imbestigasyon kaugnay sa umano’y naiulat kamakailan na agri smuggling?

BOC ATTY. MARONILLA: Patuloy naman po kaming nakikipagtulungan sa Department of Agriculture, ma’am. Pinagtitibay din po namin iyong aming kooperasyon sa kanila sa second quarter inspection po ‘no kung saan po nandoon iyong kritikal na inspection element na ang nangunguna po ay ating mga kaibigan sa Department of Agriculture.

Minaigi na rin ho ng Bureau of Customs na mas maging aktibo doon sa second border examination at i-enhance ho iyong aming participation doon para lalo pong mapaigting itong laban natin against agricultural smuggling.

Sunud-sunod din po ang pagkaso namin doon sa mga involved dito sa agricultural smuggling, at sunud-sunod din po ang aming panghuhuli even po sa labas [garbled] naging programa na ng Bureau of Customs na mag-ikot sa mga major na mga palengke at iba pang mga lugar kung saan ipinakakalat at ibinibenta itong mga smuggled agricultural products. Ito po ay attempt namin para po sana makadagdag doon sa efforts ng gobyerno at ma-monitor itong mga smuggled items na ito.

So bukod po sa pantalan, lumalabas na rin po kami sa pantalan at ginagamit namin iyong tinatawag nating “visitorial powers” ng commissioners of Customs para po tingnan at hulihin iyong mga binibentang smuggled agricultural items sa ating mga pamilihan.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ayon po sa isang mambabatas, maglalabas raw po ng report kaugnay sa smuggling incident. Anim na opisyal diumano ng BOC ang posibleng sangkot dito. Ano po ang masasabi ninyo rito, Attorney?

BOC ATTY. MARONILLA: Amin naman pong nirirespeto iyong mga ganiyang impormasyon ‘no. Whether or not itong anim na opisyal na ito na galing sa Bureau of Customs ay totoong involved ay amin pong siseryosohin pa rin iyang mga   report na iyan ‘no.

Actually, ang alam ko po, mismong si Senate President Tito Sotto ‘no ang nagsabing maglalabas siya ng report diyan. Hinihintay po namin ang impormasyon na iyan. At once na makuha ho agad ng Bureau of Customs ang impormasyon na iyan, magsasagawa po kami ng aming sariling imbestigasyon diyan. At kung mapatunayan po na may mga kawani namin na sangkot dito, hindi po kami mag-aatubili na kasuhan mismo sila at tanggalin sila sa kani-kanilang mga posisyon.

USEC. IGNACIO: Opo. May update na rin po ba tungkol dito sa binubuong sub-task group kontra smuggling na kinabibilangan po ng Bureau of Customs?

BOC ATTY. MARONILLA: Sinusuportahan po namin iyong panawagan ni Undersecretary Ruth Castelo ng Department of Trade and Industry na i-institutionalize po itong intelligence sub-task group against sa agricultural smuggling. Pinapatotohanan din naman namin na itong interagency work na ito ng Bureau of Customs, Department of Agriculture, at Department of Trade and Industry ay marami pong nagawa diyan sa laban sa agricultural smuggling. At ang pag-i-institutionalize po nitong sub-task group na ito, pagbibigay ng pondo at malinaw na parameters sa ilalim ng isang batas ay makakaigi po sa paglaban natin sa agricultural smuggling.

So iyong panawagan po na iyon na gawing permanenting opisina at hindi na ho ad hoc na opisina ang sub-task group for agricultural smuggling ay sinusuportahan po ng Bureau of Customs.

USEC. IGNACIO: Opo. Bago pa man po iyong pagpasok ng administrasyong Duterte, dinidikit na po iyong isyu kaugnay sa umano’y laganap na korapsyon sa ahensiya. Pero sa nakalipas na anim na taon, paano ninyo po mailalarawan iyong mga naging improvement po sa estado sa loob ng Bureau of Customs, Attorney?

BOC ATTY. MARONILLA: Usec., ang magpapatunay po niyan siguro ay iyong mga stakeholders namin ‘no. Kitang-kita naman po nila iyong deperensiya mula noong mga nakaraang Bureau of Customs po sa ibang administrasyon at saka sa administrasyon ngayon. Napaka-professional na po ng Bureau of Customs ngayon. Marami na pong repormang naisagawa si Commissioner Guerrero at iba pa pong mga commissioners.

In fact, titingnan lang po natin iyong record ng revenue collection ‘no, iyong pag-meet ng aming revenue target mula noong 2016 hanggang ngayon pong patapos ang termino ng Presidente Duterte. Wala po sigurong puwedeng mag-claim na mas nakakolekta ng mas madami at nakapag-hit ng target nila consistently na Bureau of Customs kung hindi po itong Bureau of Customs sa ilalim po ng ating Pangulo; at isa po ito sa legacy na maaaring ipagmalaki ni President Duterte.

Siyempre po iyong isyu ng korapsyon, malalim na po iyan sa Bureau of Customs. At aminado naman po kami na hindi iyan natatanggal basta-basta. Pero malayo na rin po ang aming naabot laban diyan sa … sa laban namin sa korapsyon ‘no. Marami na rin po kaming nakasuhan. Marami na kaming repormang naipatupad. In fact, about 94% na po ng mga face-to-face transactions at vital processes ng Bureau of Customs ay na-digitalize na namin. Kumbaga, na-automate na ho namin, significantly eradicating po iyong posibilidad ng corruption dahil sa face-to-face transaction.

Ngayon po, karamihan ng aming pakikipag-transact sa publiko ay online na po at mayroon pong tinatawag na quoting system, kumbaga may trail iyong usapan para po namo-monitor namin at nakikita namin iyong trend for corruption.

Marami po kaming pinasukan na mga memorandum of agreements panlaban diyan sa korapsyon, isa na po iyong aming Memorandum of Agreement sa Office of the Ombudsman, sa Presidential Anti-Corruption Commission, even po sa Anti-Red Tape Authority to strengthen our anti-corruption efforts. And all of this is a testament po ‘no doon sa seryosong kampaniya ng Bureau of Customs laban sa korapsyon. At alam po namin na ito ay magpapatuloy at patuloy pong magiging progresibo dito sa bagong administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa usapin naman po ng revenue collection kaugnay dito sa mataas na total revenue collection sa iba’t ibang mga pantalan, gaano raw po kalaki ang itinaas sa kinita noong nakaraang buwan? At ano po kaya iyong naging factor sa naging increase sa collection? Ganito rin po iyong tanong ni Mela Lesmoras ng PTV: Paano raw po ito makakatulong sa mga programa ng pamahalaan?

BOC ATTY. MARONILLA: Sa unang limang buwan po ng ating taon, from January to May 2022, mahigit limampung bilyong piso na po na surplus ang aming naitala. Sa buwan lang po ng Mayo, mahigit labing-isang bilyong piso ang naitala naming surplus ‘no dito sa collection target namin.

So kahit ho hindi siguro makapangolekta ang Customs ng isang buwan, on target pa ho kami. Ganoon ho kalaki ang surplus na naabot ng Bureau of Customs dito sa unang [garbled] pa lang ng ating taon. At patuloy po ang aming kumpiyansa sa amin pong programang pinatutupad at sa amin pong mga enhancement programs at ibang initiatives na maa-achieve namin iyong target at makaka-achieve po kami ng malaking surplus. Alam po namin kung gaano kahalaga na may pondo po ang gobyerno dito sa mga panahon na ito na ang ekonomiya po natin ay nagri-recover ‘no.

Alam po namin at nasabi na rin ho ng ating Pangulo, ni President Duterte, at even the incoming President ho natin, President-elect Bongbong Marcos, ang kahalagahan na ma-sustain natin ang ating revenue collection; magawa nating very efficient ang ating tax collection. At ito po ay ginagawa na ngayon ng Bureau of Customs, at kami po ay confident na magpapatuloy ito even in the next administration na looking, of course, iyong lineup na nakita na ho namin in the economic team. And looking at the programs that we’ve already established, tingin ho namin, in terms of collection and efforts and meeting the collection target and having a significant surplus in the collection target, hindi po masyadong magiging challenge for the Bureau of Customs at maabot po namin ito ngayong taon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, masasabi ba nating malapit o posibleng nahigitan na nito iyong revenue collection noon pre-pandemic period?

BOC ATTY. MARONILLA: Tingin po namin nandoon na po tayo sa level ng pre-pandemic. Kasi po iyong collection target namin ngayon ay mataas na po siya doon sa collection target namin in 2019 which is the last year na wala po tayo sa pandemya.

So, kung ikukumpara po natin ay mataas na po iyong aming target ngayon at na-achieve naman po namin. Iyong collection po namin ng 2019 for the first five months ay mas mataas po significantly iyong collection namin ngayong 2022 for the last five months.

So, ibig sabihin ho unti-unti na hong bumabalik ang activity ng pagti-trade o pagpapalit ng mga goods between sa Pilipinas at iba nating trading partners, at magiging masigla na ang ating ekonomiya.

So, kumpiyansa po kami na unti-unti nang bumabalik kung hindi po nakabalik na ang ating sitwasyon during the pre-pandemic level.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, may projection po ba kayo sa posibleng abutin ng total revenue collection ng bansa bago daw po magtapos ang administrasyong Duterte?

BOC ATTY. MARONILLA: Mahigit P700-B po ang target ng Bureau of Customs ngayong 2022 at ang internal target ng Bureau of Customs ay mahigitan po ito ano. Kung P50-B na po iyong aming surplus ay hindi naman po siguro masamang mangarap kami na abutin at least mga P800-B po itong aming taong 2022 kasama na po iyong surplus namin.

Kung hindi man po ay malapit-lapit po doon sa figures na iyon ang confident naming maaabot considering po na ngayon pa lang unang limang buwan ay mahigit P50-B na iyong aming surplus.

Of course, in-adjust po kami ng BCC tinaasan po kami ng another 50B, I think but we’re still confident that the very good collection efforts and the teamwork that is being done now by the Bureau of Customs personnel ay maaabot po namin at mahihigitan namin iyong aming collection target. And hopefully ma-reach namin iyong aming internal collection target na may surplus na ganoon kalaki para po makatulong nang maigi sa incoming administration at sa ating bansa po na ngayon ay talagang nangangailangan ng pagpupondo para po ma-recover natin iyong ating mga nawala during the pandemic.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, tanong po ni Mela Lesmoras ng PTV: Sa isang pahayag sinabi daw po ni President-elect Bongbong Marcos na kailangan talagang maisaayos ang collection ng taxes at tariffs ng BIR at Bureau of Customs para mapaigting pa ang revenue sa bansa. Ano daw po ang masasabi niyo dito?

BOC ATTY. MARONILLA: Sumusuporta po kami doon. Nasa tamang direksyon po ang ating incoming na Pangulo diyan sa kaniyang pahayag na iyan. In fact, iyan din po ang pinag-focusan ng Bureau of Customs dito sa panahon ni Commissioner Guerrero. Talaga pong ginawa naming efficient at maayos iyong aming revenue collection. Iyon pong aming pagmu-monitor, iyong amin pong pagbibigay ng mga guidance at mga polisiya at mga trade facilitation [unclear] sa aming mga puerto ay nakatulong po dito.

In-engage po namin ang iba’t ibang [unclear] sector para tulungan kami, analyze iyong sarili naming data, at tingnan kung ano iyong puwedeng improvement namin para po magkaroon kami ng very efficient na rate of assessments ano.

And we are very thankful to, let’s say for example, the Ateneo School of Government who helped us look into our data, analyze our data. Through doon po ay nakita namin kung saan kami kailangan mas maging efficient, ano iyong mga tools na kinakailangan na ibigay namin sa aming kolektor. At nakikita niyo po iyong result.

Mula po noong 2019 paakyat po talaga iyong aming koleksyon and since 2020 po, the year of the pandemic we’ve consistently hit our annual collection target with significant surpluses and that’s a testament po doon sa mga programang pinatupad namin para po ma-improve iyong efficiency ng aming pagkukolekta.

At natutuwa po kami na ito po ay pareho ng direksyon na tinatahak ni Pangulong Bongbong Marcos. Sa tingin po namin, iyan po ang tamang direksyon diyan. Really, we need to make collection in the Bureau of Customs and other revenue agencies more efficient para po hindi po maantala iyong mga programa ng gobyerno at makakolekta po ng tamang pagpupondo.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kunin ko na lamang ang inyong mensahe sa publiko at siyempre ilang linggo na lamang po ay papasok na po ang bagong administrasyon. Go ahead po, Attorney. 

BOC ATTY. MARONILLA: Unang-una po, nagpapasalamat po ang Bureau of Customs sa publiko, unang-una sa patience po na ibinigay nila sa amin. Alam naman po namin at hindi naman katuwa po sa amin na may malaking image problema talaga ang Bureau of Customs.

Unti-unti ho naming in-address ito at sa aming mga surveys na isinagawa po na in-engage po namin ang mga independent survey companies, napakalaki po ng improvement na ibinigay sa amin ng publiko in terms of sa paigtingin po nila sa Bureau of Customs, sa serbisyo pong aming binibigay.

So, isa pong malaking pagpapasalamat sa ating kababayan especially po sa mga stakeholders o doon sa transacting public, sa mga kababayan natin na talagang gumagamit ng serbisyo ng Bureau of Customs. Napakalaking kumpiyansa po iyong ibinigay nila sa amin during our recent survey conducted by a third-party independent survey.

Patuloy ho ang aming serbisyo na ibibigay sa inyo. Mayroon po kaming mga feedback mechanism tulad ng BOC Cares, iyong amin pong Public Information Assistance Division. Mayroon na rin po kaming call center ngayon na seven to seven na sumasagot po sa inyong mga katanungan at mga reklamo.

Sana po ay patuloy ninyong suportahan ang inyong Bureau of Customs patungo ho sa aming lakad ng pagbabago. At pinapangako po namin na malapit na po nating ma-achieve pare-pareho ang isang Customs na mas magiging proud po ang ating mga kababayan at mas makakapagserbisyo nang maayos sa ating mga kababayan.

Maraming salamat po, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat din po sa inyong pagbibigay ng panahon, Bureau of Customs Spokesperson Attorney Vincent Philip Maronilla.

Ilang mga kababayan natin ang muling nakauwi ng kani-kanilang probinsiya sa tulong ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program. Layon ng nasabing programa na tulungan pong makapagsimula muli sa probinsiya ang mga kababayan nating pinakanaapektuhan ng pandemya.

Hinikayat naman ni Senator Bong Go ang susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang BP2 Program. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ilang katao po ang naiulat na sugatan matapos ang sunud-sunod na pagsabog na naitala sa ilang lugar sa Mindanao nitong nakaraang mga araw. Kumustahin po natin ang patuloy na imbestigasyon ng PNP, kaugnay niyan ay makakasama po natin si Police Colonel Jean Fajardo, tagapagsalita ng Philippine National Police. Good morning po, Colonel.

PNP PCOL. FAJARDO: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, kumusta po iyong imbestigasyon ng PNP dito po sa nangyaring sunud-sunod na pagsabog sa Mindanao?

PNP PCOL. FAJARDO: Dito po sa insidente sa may Region XII, particularly iyong naitala po nating pagsabog sa Tacurong, Sultan Kudarat at Coronadal, South Cotabato ay may nahuli po tayo diyan kamakailan lang. Noong June 1 ay nahuli po iyong isa sa indibidwal na kasama doon sa grupo na pinaniniwalaan nating responsable doon sa pagsabog diyan nga sa Region XII.

Iyong isang napatay diyan, Usec. Rocky, ay may kinalaman din sa ginawang panununog sa bus din ng Yellow Bus Line noong nakaraang taon, Usec. Rocky.

At dito naman sa insidente sa may Isabela City, Basilan sa Region IX ay may maganda ring lead na tinututukan ang ating mga kapulisan diyan. At iyong isang lalake na nakita natin sa CCTV na nag-iwan ng bomba doon sa isang fast-food chain at iyong isang indibidwal na nag-iwan din ng bagahe doon sa bus dito sa isang terminal diyan ay identified na rin natin at kasalukuyang tinutugis ng ating mga kapulisan.

USEC. IGNACIO:  Opo. Colonel, sa initial investigation ninyo, dito sa mga naitalang pagsabog, ano po iyong mga ginamit na uri ng explosive device? At gaano po kalaking pinsala ang dinulot nito?

PNP PCOL. FAJARDO: Hinihintay pa rin po natin iyong official report po ng ating PNP-EOD dito sa mga iba’t ibang klase po ng pagpapasabog. But iyong ating initial information na na-receive po natin ay itong mga pagsabog po na naitala sa Region IX at Region XII ay cellphone-triggered. At iyong improvised explosive device po na ginamit ay kasalukuyan pong nasa custody po ng ating SOCO, at tinitingnan po kung ano po iyong component na ginamit doon sa magkahiwalay na pagsabog po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Colonel, posible po ba na iisa o magkaibang grupo ang nasa likod nitong mga pagsabog?

PNP PCOL. FAJARDO: Iyong mga pagsabog dito, ma’am, sa may Region XII, diyan nga po sa Sultan Kudarat at South Cotabato ay pinaniniwalaan nga po natin na affiliated po dito po sa Bangsamoro Islamic Federation group po, iyan po, iyong BIFF po. At sila rin po iyong responsable, ma’am, doon sa nangyaring pagsunog din po ng the same bus line noong nakaraang taon ho, noong Hunyo.

At iyong dito naman sa Region IX, sa Basilan, sa Isabela City, ay pinaniniwalaan po natin base po doon sa CCTV footages na nakuha pati na rin po doon sa mga witnesses accounts at testimonya rin po ng mga dating miyembro ng mga armadong grupo diyan ay iyong mga responsableng indibidwal po diyan ay may posibleng link po sa remnants po ng Abu Sayyaf Group.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Colonel, sa ngayon, ano iyong hakbang ng PNP para matiyak iyong seguridad nito pong mga lugar na nabanggit?

PNP PCOL. FAJARDO: Pagkatapos ng mga sunud-sunod po ng pagsabog nga doon sa mga nasabing lugar ay nagtaas po ng alert level ang PNP. Nationwide po, ma’am, ay naka-full alert po tayo para masiguro po na hindi masusundan iyong mga naitala po nating pagsabog.

Nagbigay na rin po ng instruction ang ating OIC, si Police Lt. General Vicente Danao na mag-increase po ng police visibility and presence doon po sa ating mga public transportation terminal and hubs. At mayroon na po tayong mga bus marshals na sumasakay sa mga bus kapag sila po ay nagbibiyahe. At magkakaroon din po tayo ng random inspection doon sa mga bagahe na bitbit po ng ating mga kababayan. At idi-deploy na rin po natin iyong mga bomb sniffing dogs po natin nationwide para makatulong po sa pagbabantay po doon sa ating mga public terminals.

USEC. IGNACIO: Opo. Ilang araw po bago iyong inauguration ni Vice-President-elect Sara Duterte sa Mindanao at President-elect Bongbong Marcos dito sa Maynila, paano po naghahanda iyong PNP para sa seguridad sa mga areas na pagdarausan ng seremonya? Ganito rin po iyong tanong ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune at Mark Fetalco ng PTV.

PNP PCOL. FAJARDO: Yes, ma’am, nag-start na po tayo makipagpulong sa mga concerned agencies, particularly po iyong transition team po ng ating papasok po na administrasyon. At nagkaroon na nga po ng ocular inspection, at kahapon nga po ay nagkaroon ng official announcement na sa National Museum na po gaganapin iyong inauguration po ng papasok po nating Presidente. At nag-create na rin po ng task force ang PNP, sa pangunguna po ng ating OIC.

At mayroon po tayong security task group Manila at security task group Davao na siyang mangunguna po sa paglalatag po ng seguridad para na rin po sa inauguration po ni President-elect BBM and Vice-President-elect Ma’am Sara Duterte po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Colonel, mabalik ako dito sa mga Mindanao bombings. Nakikita ninyo po ba iyong may report na posibleng magkaroon ng spillover ito lalo po’t may mga malalaking magaganap dito sa Metro Manila at dito sa inauguration ni Vice-President Sara Duterte?

PNP PCOL. FAJARDO: Sa ngayon, ma’am, wala tayong nari-receive na any serious threat dito po sa Manila at sa Davao kung saan gaganapin po iyong inauguration po ni Vice-President-elect Ma’am Sara Duterte. But nonetheless, ma’am, hindi po tayo nagkukumpiyansa at patuloy po tayong nagka-conduct ng mga intelligence monitoring and gathering, katuwang siyempre iyong ating mga intelligence units both from the AFP and PNP at ibang mga security forces para masiguro po na wala po tayong malulusutan na any information that could somehow disrupt po iyong inaasahan nga po nating panunumpa ng dalawang pinakamataas na posisyon po sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po, Colonel, ni Mark Fetalco ng PTV, ni Leah Ilagan ng UNTV at ni Paul Samarita ng TV5: Ilang pulis daw po ang idi-deploy sa National Museum? May mga kalsada daw po bang isasara sa araw ng inauguration ni President-elect BBM? Gaano raw po kahanda ang PNP sa posibleng pagdagsa ng mga protesters sa area?

PNP PCOL. FAJARDO: Iyon pong composition pong ating mga police personnel na gagamitin po both in Davao and Manila po ay nakahanda na po diyan. At gaya nga po ng nasabi ko, since na-finalize na po iyong venue dito sa Manila ay doon po magdidepende iyong number po ng deployment po ng ating pulis.

Definitely, ma’am, we will initiate iyong mga traffic control and management po natin, busy streets po kung saan po nandoon iyong National Museum ay inaasahan po natin na maaaring magkaroon po ng mga traffic re-routing doon sa mga pangunahing kalsada diyan at maging doon sa mga inaasahan nating dadagsain ng mga tao. Pati po iyong mga parking areas na idi-designate ay we are closely coordinating po sa management team po ng papasok na administrasyon para masigurado nga po na magiging smooth nga po iyong pagkakaroon po ng inauguration diyan. At maging po doon sa mga inaasahan nating protesta ay baka maglalatag po tayo ng ating mga CDM contingent to make sure po na hindi po madi-disrupt iyong gagawing proclamation po lalung-lalo na po diyan sa National Museum.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Paul Samarita ng TV5: If papayagan po ang protest, kailangan pa po ba ng permit mula raw sa LGU?

PNP PCOL. FAJARDO: Base sa batas natin, ma’am, lahat po ng mga nagnanais na magprotesta ay kailangan pong kumuha ng permit. Subalit may mga designated naman po tayong mga freedom parks kung saan puwede po silang, ika nga, magsagawa ng kanilang mga protest rally.

Ngunit ang pakiusap nga po namin, sana po ay kung ano iyong ika nga ay inilatag nating seguridad, sana ay hayaan po nila na mag-proceed at umusad iyong inaasahan nga po nating inauguration sa June 30, maging po sa June 19 sa Davao.

At doon sa ating mga kababayan ay nirirespeto po natin iyong kanilang karapatang magpahayag ng kanilang mga damdamin, subalit sana ay within the bounds of law and nandoon sa proper forum po nila gawin iyong kanilang pagpoprotesta.

USEC. IGNACIO: Colonel, hingi na rin po kami ng update dito raw sa assessment ng PNP sa violators ng gun ban noong araw ng eleksyon. Ilan na po ang nasampolan?

PNP PCOL. FAJARDO: Doon naman po sa mga patuloy po nating pag-i-implement, ma’am, ng gun ban violation po, magmula po noong January 9 hanggang 12 midnight po ng June 2 ay umabot na po sa 3,537 ang naaresto po natin na katao at mayroon na rin po tayong nakumpiska na 2,727 na assorted na firearms po.

USEC. IGNACIO: Sa ibang usapin naman tayo, Colonel. Bagama’t pinahinto na nga po ni Pangulong Duterte itong online sabong, may mga nahuhuli pa rin po ba ang PNP na nagsasagawa ng operasyon?

PNP PCOL. FAJARDO: Sa ngayon po, ma’am, wala na po tayong namu-monitor noong mga tinatawag po natin na offsite betting station. At base po sa mga reports po ng ating field commanders, magmula po noong ibinaba po ng ating Pangulo iyong utos na suspended na po iyong operation noong May 3 ay kusa naman pong nagsara iyong mga betting stations.

Subalit, mayroon po tayong mga namu-monitor na mga illegal online e-sabong sites at nakipag-ugnayan na rin po tayo sa DICT pati na rin po sa pamahalaan po ng Facebook para po i-takedown po nila at tanggalin doon sa mga website and pages po nila iyong na-monitor po natin na 14 na websites pati na rin po iyong eight na Facebook pages. At naghihintay po tayo ng kanilang immediate response para po tuluyan na pong mapasara itong mga nasabing website and FB pages po.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, panghuli na lamang po. Paano naman po naghahanda ang PNP para po dito sa transition period?

PNP PCOL. FAJARDO: Matagal na po tayo, ma’am, naghahanda dito sa transition period ika nga kahit papatapos na iyong ating election period na magtatapos sa June 8.

Sabi po ng PNP na sisiguraduhin na ipatutupad po iyong ating mandato hanggang matapos po iyong transition ika nga peaceful and smooth transition come June 30. At kung anuman po ang ibibigay pa na takdang assignment at mandato po ng higher ups sa ating PNP sa pangunguna po ng ating OIC ay siguraduhin niyo po that the PNP will respect and rally behind kung sino po iyong papasok na administrasyon at patuloy pong gagawin kung anuman pong ibibigay sa atin na mandato.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin at pagbibigay impormasyon, Police Colonel Jean Fajardo, ang Spokesperson ng Philippine National Police.

PNP PCOL. FAJARDO: Thank you, ma’am.

USEC. IGNACIO: Personal po na binisita ni Senator Go ang Davao Oriental Provincial Medical Center kamakailanSinaksihan din ng Senador ang pag-turnover sa limampung pisong halaga ng assistance mula po sa Office of the President. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa Baguio City, hangad ng schools at Division Office ang 100% na face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan para sa susunod na pasukan. Detalye mula kay Eddie Carta ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dumako naman po tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan. Puntahan natin si Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

Civil Service examination sa Davao region, muling binuksan sa publiko. Limitado lamang po ang gagawing pagsusulit para sa tatlonlibong examinees. Ang report mula kay Jay Lagang ng PTV-Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw ng Biyernes.

Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)