Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga po sa lahat ng mga Pilipino saanmang panig ng daigdig. Ngayong araw po ng Lunes, ika-6 ng Hunyo, atin pong aalamin ang update sa Sorsogon province sa nangyaring pagputok ng Mt. Bulusan kahapon lamang. Papakinggan din natin ang mga iminumungkahing hakbang upang mapaunlad pa ang ekonomiya. At pag-uusapan din natin ang iba pang isyung pangkalusugang kaugnay pa rin po ng pandemya. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Linggo ng umaga ay niyanig po ng pagputok ng Mt. Bulusan ang buong probinsiya ng Sorsogon. At upang bigyan tayo ng mga karagdagang impormasyon tungkol diyan, makakausap po natin si Undersecretary Renato Solidum mula po sa Phivolcs-DOST. Magandang umaga po, Usec. Solidum.

DOST USEC. SOLIDUM: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa lahat po ng ating tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kahapon nga po ay nangyari itong phreatic eruption ng Mt. Bulusan. Maaari ninyo po bang ipaliwanag kung ano po ang ibig sabihin nitong phreatic eruption? At ano po ang nangyayari kapag may ganitong eruption?

DOST USEC. SOLIDUM: Ang phreatic po ay sanhi ng pagpapakulo ng tubig sa loob ng bulkan. At ang usok ay nagkakaroon ng pressure either mabara siya o ‘di kaya ay biglang mabilis ang pagpapakulo, at iyan po ang sanhi ng pagsabog. Mababaw lang ang pinanggalingan ng pagsabog. Kakaiba ito sa iba pang pagsabog ng mga ibang bulkan na kung saan magma o tunaw na bato ang umaabot sa ibabaw.

Kapag phreatic eruption, ito ay steam-driven eruption, ang materyales na inilalabas ay lumang material, mga abo na nasa crater na lang at ito ang iniitsa palabas. So wala pong bagong material at kadalasan ang nakikita po nating epekto nito ay mga pagbagsak ng abo. At siyempre kapag maraming abo ang nadeposito sa dalisdis o slope ng isang bulkan, kapag umulan ay nagiging lahar ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ulitin lang natin: Ano raw po ang dahilan bakit nangyari itong phreatic eruption ng Mt. Bulusan?

DOST USEC. SOLIDUM: Dito po kasi sa Bulusan, mainit ang bato sa ilalim nito. At ang mga tubig-ulan na pumapasok doon sa loob ng bulkan ay napapakuluan. Lahat po ng mga bulkan ay may nangyayaring ganiyan at ang manipestasyon ng pagpapakulo ng tubig ay iyong steaming o usok na pinapakita natin dito sa video.

Pero iyong steam o usok kapag nabara o nagkaroon ng mataas ng pressure sa loob, iyan po ang nagiging sanhi ng pagsabog. So napakabilis ang mga pangyayari, minsan wala pang mga signal ang mga phreatic eruption kaya marapat na talagang dapat binabantayan at hindi pumapasok ang mga kababayan natin o mga bisita sa loob ng permanent danger zone. Sa Bulusan, ito ay apat na kilometro sa kadahilanan ang mga phreatic eruption ay puwedeng mangyari biglaan at delikado kapag ang mga tao ay nasa loob ng permanent danger zone.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit mo nga wala itong mga senyales, pero kahit warning signs po, mayroon po bang nakita ang Phivolcs in the past few days? At kung mayroon, kailan po unang nakapansin ang Phivolcs ng any abnormalities sa Mt. Bulusan?

DOST USEC. SOLIDUM: Sa mga nakaraang araw po ay wala pong masyadong mga tinatawag na volcanic earthquakes kung hindi during the day ‘no, within the 24 hours period na nagkaroon ng pagsabog ay mayroong maliliit. Minsan o kadalasan, ang mga ganitong mga senyales ay wala pong nangyayari. Ibig sabihin, mayroon pagpapakulo at kapag hindi nabara ay talagang lulusot lang ang usok.

So importante po na sa lahat po ng bulkan ay puwedeng mangyari ang mga phreatic eruption kaya mahigpit po nating pinapaalala na kahit wala pong makita ang ating mga kababayan sa ibabaw ng bulkan ay minsan sa loob po ay kumukulo ang tubig at biglang sasabog.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano raw po iyong pinagkaiba nitong nangyaring pagputok ng Mt. Bulusan kahapon kumpara po dito sa nangyaring pagputok ng Mt. Bulusan noong taong 2017?

DOST USEC. SOLIDUM: Kapareho lang po sila ‘no noong 2017; phreatic eruption din iyan. At para lang sa kaalaman ng ating mga kababayan, magmula po noong binantayan ng Phivolcs ang Bulkang Bulusan ay puro phreatic eruption po ang nangyayari. Ibig sabihin, walang magma o lava na lumalabas sa bulkan. Nangyari po ang huling episode na kung saan mayroong magma o lava na lumabas ay noong early 1900 pa na mas delikado po kapag ganoon po ang nangyari na may lumalabas na magma. Puwede pong isambulat ito nang malakas o ‘di kaya ay magkaroon ng lava na dahan-dahan at masusunog ang mga kahoy sa dalisdis ng bulkan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ilang paglindol na po ulit, Usec., ang naitala bago sa pagputok nitong Mt. Bulusan? At gaano po kalakas daw po itong mga lindol na ito?

DOST USEC. SOLIDUM: Ang mga lindol na nasusukat natin sa Bulusan ay napakaliit. Hindi po ito mararamdaman ng tao, at iyong iba rito ay parang noise ang tingin ‘no. So mayroon tayong pitumpu’t pitong maliliit na earthquake during that day na nagkaroon ng activity ang Bulusan. Pagkatapos po nit ay mayroon pa ring mga paglindol na nasusukat, ito po’y maliliit, mga 29 po since yesterday up to today.

USEC. IGNACIO: Opo. Gaano naman daw po kalayo from Mt. Bulusan itong inabot ng ashfall na sanhi ng pagputok? Ano raw pong mga barangay o lugar sa Sorsogon ang naabot po nitong ashfall na ito?

DOST USEC. SOLIDUM: Ang inabot ng pagbagsak ng abo ay sa ilang barangay ng bayan ng Juban, which is it might be around eight or ten kilometers away from the crater. At may mga mangilan-ngilang mga barangay ng Irosin at perhaps sa upper slope ng Casiguran na mayroong trace ng abo na bumagsak. At ang pinakamakapal na pagbagsak ng abo ay dito sa bayan ng Juban na umabot ng dalawang milimetro.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po ay nasa Alert Level 1 status ang Mt. Bulusan. Maaari po ba itong tumaas base sa inyong pagmo-monitor sa Mt. Bulusan? At may posibilidad po bang masundan itong pagsabog ng bulkan, Usec.?

DOST USEC. SOLIDUM: Posibleng magkaroon pa ng mga pagsabog na kahalintulad nang kahapon na phreatic or steam-driven explosion diyan sa Bulusan. Sa mga nakaraang eruptions, minsan ang pagitan ng mga pagsabog ay araw, linggo, minsan ay buwan. So dapat dito ay maging masunurin tayo sa mga pinagbabawal na permanent danger zone.

Hindi po natin nakikita na magtataas tayo ng alerto, from Alert Level 1 to 2, sa kadahilanang kapag nagsabi na tayo na Alert Level 2, mayroon ng magma na involved sa activity ng bulkan, either may papaakyat na magma o iyong gas galing sa magma ay nagdudulot ng pag-init ng tubig.

Ang ating measurement po ng sulfur dioxide gas na isang batayan para masabi natin na mayroon ng magma na involved ay masyadong mababa o hindi ma-detect. So wala pong evidence sa gas; wala rin pong evidence sa pamamagitan ng mga lindol na nangyayari. Mayroon pong ibang tipo o signature ang magma kapag ito ay kumikilos.

Pangatlo, kung talagang may magma na aakyat, dapat mamaga ang buong bulkan, mula sa ilalim hanggang sa taas. At ito po ay delikado kung talagang may bagong magma. Wala pa po tayong nakikitang ganoon, imbes ang nakikita po natin ay hydrothermal activity, pagpapakulo ng tubig.

Diyan po sa larawan ay makikita ninyo na maraming usok ang lumalabas, maputi, doon sa tuktok at sa isang gilid, sa northwest slopes ng Bulkang Bulusan. Iyong usok diyan sa northwest slope ay hindi napansin before except yesterday ‘no, for this year. Ngayong taon, hindi iyan umuusok diyan. So bakit mayroong ganoong usok sa northwest slope? Ibig sabihin, mas aktibo ang pagpapakulo ng tubig sa kasalukuyan diyan sa ilalim ng bulkan. Kaya kailangang pag-ingatan at baka magkaroon pa ng pagsabog.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po mula kay Mela Lesmoras ng PTV: For proper context daw po, paano ninyo raw po ikukumpara itong naging pagputok ng Bulkang Taal kamakailan sa pagputok ngayon ng Bulkang Bulusan? Bakit raw po Alert Level 2 ang itinaas noon sa Taal, habang Alert Level 1 lang ang ilan sa Bulusan, although may nabanggit na nga po kayo, Usec., tungkol dito?

DOST USEC. SOLIDUM: Tama kayo, Usec. Rocky. Ang kaibahan po sa Taal, tama po kayo na naunang nagkaroon din ng phreatic or steam-driven explosion sa Taal noong January 2020. Kaya lang, pagkatapos ng pagsabog na iyon, biglang umakyat ang magma mula sa mga malalim na parte, at ito ay nakita natin sa pamamagitan ng pamamaga nang biglaan at pagkakaroon ng mga tuluy-tuloy na mga paglindol kaya itinaas natin ito sa Alert Level 2 kaagad-agad. Ito po ay hindi natin nakikita sa Bulkang Bulusan. So may magma na kasama sa eruption sa Taal, itong sa Bulusan ay wala pa po.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Ivan Mayrina ng GMA News: May banta daw po ba ng lahar flow sa paligid ng Bulkang Bulusan lalo’t tag-ulan ngayon, aling mga lugar daw po kaya ang maaaring madaanan nito?

DOST USEC. SOLIDUM: Posible pong magkaroon ng lahar kapag nga mayroon pong malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan diyan sa northwest side ng Bulkang Bulusan kasi nandoon iyong mga abo na idineposito sa mga ilog na dumadaloy mula sa bulkan papunta doon sa bayan ng Juban.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pa rin pong tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News: May 66 families daw po ang nananatili sa Permanent Danger Zone ng Bulkang Bulusan, ano daw po ang rekomendasyon ng PHIVOLCS kaugnay nito?

DOST USEC. SOLIDUM: Kapag ang pinag-uusapan po natin ay Permanent Danger Zone, nandiyan po parati ang peligro sa kanilang mga buhay. Kaya nga ang Permanent Danger Zone po ay no permanent settlement o wala po pong bahay dapat sa loob kaya dapat po sila ay ma-relocate ng mga local government.

Ang sentro naman ng mga barangay ay wala sa loob ng Permanent Danger Zone pero baka mayroong mga bahay na naitayo diyan sa loob at ito ay kailangang mai-relocate.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo nga po na talagang dapat i-monitor pa rin po itong aktibidad sa Mt. Bulusan, pero may posibilidad din po bang dagdagan o i-extend pa iyong danger zone sa paligid ng Mt. Bulusan?

DOST USEC. SOLIDUM: Dalawang klase ang ating mga danger zone: Una, iyong Permanent Danger Zone. Ito po ay fixed na apat na kilometro na Permanent Danger Zone. Pero dahil po alam namin na mayroong mga bitak doon sa southeast slope, na nakaharap sa bayan ng Irosin, na puwedeng pagmulan ng paglabas ng usok at abo [technical problem] nagdagdag tayo ng dalawang kilometro, ang tawag natin ay Extended Danger Zone. So, [a] total [of] six kilometers sa southeast.

Kung sakali namang magtaas pa tayo ng alerto, magdadagdag pa tayo ng mga areas [na] recommended for evacuation kung nararapat. At ito, ang basehan ay mga hazard maps na mayroon po tayo na makikita rin nila sa ating website at sa tinatawag nating HazardHunterPH application.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong naman po ni Maricel Halili ng TV5: Kailangan na po bang mag-evacuate ng mga residente sa paligid ng bulkan, like iyong nasa bayan ng Juban [na] kahit nasa labas ng Permanent Danger Zone?

DOST USEC. SOLIDUM: Wala po kaming recommendation for evacuation. Pero ang local government ay puwedeng magkaroon ng temporary evacuation kung sakaling magkaroon ng mga pagbagsak ng abo at ito ay makapal at nahihirapan ang ilang mga kababayan natin kung ang kanilang bahay ay hindi masyadong sarado at napapasok ng mga abo.

So, kung makapal talaga ang pagbagsak ng abo, puwede muna silang magkaroon ng temporary evacuation until maging klaro na at tumigil na iyong activity at nalinis na ang mga lugar.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pang tanong ni Mela Lesmoras ng PTV: May mga naiulat daw po na hikers sa Bulusan noong pumutok ito; sa Taal po noon, may mga turista ring naabutan ng pagsabog. Dahil sa mga insidenteng ito, napapanahon daw po ba para ipatupad ang total ban sa mga hikers at tourists sa mga active volcanoes sa bansa may alerto man po o wala?

DOST USEC. SOLIDUM: Ang kailangan pong maintindihan ng lahat na kahit po Alert Level Zero ay puwedeng magkaroon ng phreatic eruption at nilalagay po natin ang ating buhay sa peligro kung sakaling tayo ay pupunta. Itong pagpapatupad kung anong gagawin sa mga summit o tuktok ng bulkan ay kailangang pag-usapan nang mabuti with the local government.

Mas maganda kung mayroon silang safe distance at hindi sila mismo doon sa mga crater na talagang posibleng pagsabugan ng mga bulkan na puwedeng hindi lang abo, [kung hindi] bato ang lumabas. So, dapat pong magkaroon ng pag-iingat na hindi [sila] mismo pumapasok sa crater ng mga aktibong bulkan.

USEC. IGNACIO: Opo. Maliban daw po dito sa Mt. Bulusan ay marami pang ibang bulkan na mino-monitor ang PHIVOLCS. Kumusta naman daw po iyong sitwasyon ng iba pang mga bulkan sa ating bansa?

DOST USEC. SOLIDUM: Ang iba pang bulkan na nasa alerto ay ito pong Kanlaon Volcano sa Negros Island na nasa Alert Level 1. Wala pa namang escalation ng kaniyang activity, pero inuulit natin na kapareho ng Bulusan ay puwedeng magkaroon ng biglaang pagsabog; Apat na kilometro rin ang kaniyang Permanent Danger Zone.

Sa Taal Volcano, ang magma ay nasa ibabaw na. Sa kasalukuyan, walang escalation of activity pero puwede ring magkaroon ng paglabas ng gas na nagpapatuloy at puwedeng magdulot ng mga pagsabog. So, hindi rin pupuwede na pumunta sa Volcano Island na Permanent Danger Zone.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Solidum, kuhanin ko na lamang po iyong inyong mensahe at paalala para sa ating mga kababayan. Go ahead po.

DOST USEC. SOLIDUM: Sa atin pong mga kababayan na nasa paligid ng mga bulkan, kapag ang bulkan ay nagagalit o nagkakaroon ng pagsabog, ang pinakadepensa po natin para hindi po tayo maapektuhan ay distansiya.

Kaya mayroon po tayong mga Permanent Danger Zone na ipinatutupad [ay para] kahit magkaroon ng biglaang pagsabog tulad ng phreatic eruption, hindi po tayo maaapektuhan at may sapat tayong distansiya at oras kung sakaling magkaroon ng escalation ng activity ay puwede tayong lumikas sa mas ligtas na lugar.

Importante din po na kahit mahina po ang eruption, ang paglanghap ng abo na pino at hindi kaya ay ng gas na sulfur dioxide gas ay nakakasagabal sa ating respiratory system at delikado po sa ating kalusugan.

Kaya kapag tayo ay nasa paligid ng bulkan o pumupunta tayo sa malapit, kailangang mayroon tayong ready na mask na N95 na isusuot kapag biglang may mga pagbagsak ng abo.

Sa atin namang mga kababayan na nasa mga ilog sa palibot ng mga bulkan, kapag mayroong pagbagsak ng abo at sumunod ang isang malakas na ulan ay posibleng magka-lahar, kaya dapat nating alamin [kung] tayo ba ay tatamaan ng mga ganitong mga panganib.

Tingnan po nila sa HazardHunterPH na ginawa ng DOST, kung ang kanilang lugar ay puwedeng tamaan ng mga volcanic hazards. At kung sila ay interesado na maghanda para sa iba’t ibang mga panganib, nandoon din po, upang malaman nila kung sila ba ay nasa delikado o hindi kaya ay [nasa] ligtas na lugar. Ang kaalaman po na tama, kaalaman kung saan ang delikado at ligtas ay makakatulong po sa ating kahandaan.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong paglalaan ng oras sa amin ngayong araw, Undersecretary Renato Solidum. Mabuhay po kayo!

DOST USEC. SOLIDUM: Maraming salamat din.

USEC. IGNACIO: Kaugnay pa rin po sa nangyaring phreatic eruption ng Bulkang Bulusan, alamin natin ang sitwasyon ng ating mga kababayan doon mula sa aming kasamang si Allan Francisco. Allan?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Allan Francisco. Mag-iingat kayo diyan, Allan.

Samantala, inilagay ng Center for Diseases Control and Prevention o CDC ang Pilipinas sa ilalim ng lowest travel risk classification.

At kaugnay niyan ay makakasama po natin ngayon ang Presidential Adviser for Entrepreneurship na si Secretary Joey Concepcion para po sa kaniyang mungkahing i-lift ang state of public health emergency sa bansa. Good morning po, Secretary Joey. Magandang umaga po, Sir Joey.

Okay. Babalikan po natin si Secretary Joey Concepcion.

Samantala, mga batas na nakasentro sa mga serbisyong maghahatid ng komportableng buhay at sa ikabubuti ng mga Pilipino, isusulong ni Senator Bong Go sa 19th Congress. Ang detalye sa report na ito:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Malaki ang itinaas ng ranking ng Pilipinas pagdating sa COVID-19 recovery, ito po ay batay sa pag-aaral na ginawa ng Nikkei Asia.

Mula po sa ikalimampu’t pitong puwesto noong December ay nasa ikatatlumpu’t tatlong puwesto na po ang ating bansa batay sa pinakahuling ulat ng Tokyo-based news magazine.

Naungusan na ng Pilipinas ang mahigit walumpung mga bansa gaya po ng Switzerland, Israel, Japan, UK, Canada, Singapore, at United States.

Ayon po sa Nikkei, nakapagtala ang Pilipinas ng best performances sa pagpapanatili ng mababang infection rate habang nagluluwag sa restrictions.

Ayon po sa Department of Health, ipinakita nito ang tuluy-tuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa Pilipinas at no confirmed deaths sa mga nakalipas na linggo.

Paliwanag po ni Health Secretary Francisco Duque III, dahil ito sa prevent, detect, isolate, treat, and reintegrate strategy ng DOH at pagsunod ng mga Pilipino sa Bida Campaign gaya ng pagsusuot ng mask, pagbabakuna, at pagpapa-booster.

Kinilala rin po ni Sec. Duque ang kapasidad ng Research Institute for Tropical Medicine at Philippine Genome Center sa pag-detect, at pag-report, at pag-isolate sa mga kaso ng bagong subvariants gaya po ng Omicron BA.2.12.1, BA.2 at iba pa at BA.5 sa bansa.

Samantala, balikan na po natin si Presidential Adviser for Entrepreneurship na si Secretary Joey Concepcion. Good morning, Sec. Joey.

SEC. JOEY CONCEPCION: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, Joey, iminumungkahi po ninyo na tanggalin o i-lift na ang state of public health emergency sa ating bansa. Ano daw po ang dahilan at bakit nais niyo pong maalis na ito?

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, matagal ko nang sinasabi na dapat pag-aralan natin ang eventually pagtanggal dito sa state of public health emergency na inilagay iyong bansa natin noong March 8, 2022. March 8, 2022 pala iyan.

So, ang sinasabi ko kasi nakikita nga natin ngayon, sinabi mo rin iyong Nikkei nagsasabi sa Pilipinas na talagang maganda ang kalagayan ng bansa natin in terms of health and dito sa CDC. Ang Pilipinas ngayon ay nasa Level 1 in terms of low risk. Hanggang Level 3 iyan at karamihan ng ibang bansa katulad ng mga European countries pati ang Canada ay nasa Level 3 na high risk pa rin and this was updated this May 31, 2022.

So, ang pananaw ko dito, hindi ko naman sinasabi na itong administration ni President Duterte na gawin nila ito. Kailangan we should start to discuss kasi the concern is that kapag tinanggal iyong public health emergency, iyong pagkukunan ng budget nila mga pagbibili ng bakuna at medisina ay baka mawala, ano.

Pero may mga paraan at dapat tingnan rin iyan kung paano natin puwedeng i-budget at least malalaman natin kung ano ang game plan kasama natin ang private sector. Kasi nakikita natin na ang ating utang ay tumataas at hindi naman siguro kaya ng government na lahat ng ito ay igastos nila.

So, eventually overtime part of this responsibility will be shared with us in the private sector pati iyong publiko who can afford to pay the vaccines. Katulad ng mga vaccines na para sa flu vaccine natin, pneumonia. Sa atin is tayo rin ang bumibili noon, iyong the public, not the government.

So, we want to lessen the burden and I think we’re reaching that point na COVID is under control and ang mga kaso natin are muted and nakita ang hospital halos hindi naman overwhelmed, very low cases, there’s some hospitals with one or two cases.

So, we have to start already planning on how we can transition and eventually move the state of public health emergency.

USEC. IGNACIO: Paano daw po ba nakakasagabal o nagiging hindrance itong state of public health emergency dito po sa tuluy-tuloy na paglago ng ating ekonomiya?

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, alam naman natin what’s happening to our country right now. We are seeing a high level of inflation dahil dito sa Ukraine-Russia crisis at kung tuluy-tuloy itong giyera dito sa Ukraine-Russia mas tataas iyong presyo ng commodities at talagang ang malaking tatamaan dito ay iyong mga consumers natin.

So, to even think of increasing Alert Level 1 beyond 1 will really be detrimental to the Philippine economy considering that we are incurring more debts because of this pandemic and of course, iyong expansion natin iyong mga Build, Build, Build Projects na tama naman dapat gawin iyan.

The country is borrowing more money and our debt, in fact, will continue to increase. Now, if the growth starts to slow down because of Ukraine-Russia crisis dahil sa very high prices, siyempre baka hindi kaya ng consumer natin, then you are at risk for a slowdown in the economy.

Now, we have to hit close to six to eight percent GDP to be able to sustain and pay our obligations ‘no. Kaya ang pananaw ko rito is that we are forced, in a way, to keep the alert levels at one or which is technically, to my mind, zero.

So the state of public health emergency has one good use, [and that is] you can source the funds for all of these medicines and vaccines, etc., that are needed in the pandemic. But I think, we are moving away from this pandemic already. And the new variants that are incoming in, [the likes of] Omicron, are of course, more infectious pero it is still the same thing – it is mild ‘no. I know a couple of people who are hit with this, and all you need to do is just stay home, in five days you are okay. And some people, they don’t even test, after five days, they are free and clear or they take an antigen test and they go out of their homes.

So, I believe that we should start planning on what to do, whose role, what is the role of the Filipino citizen after this state of public emergency is lifted ‘no. So we know, we have at least a short to medium-term plan ‘no, the way I look at it ‘no.

USEC. IGNACIO: Pero, Sir Joey, sinasabi po na ito raw pong alert level system ay ang nagsilbing safeguard para po maprotektahan o hindi na po magkaroon pa ng pagkalat ng COVID-19. Pero isa po sa iminumungkahi ninyo na nga po, tanggalin itong alert level sa ating bansa at payagan nga po na lang iyong pagsusuot ng face mask sa mga open spaces, so ano naman po ang nakikita ninyong dahilan at nakita ninyo na dapat ito po ay gawin? Imungkahi ninyo na po.

SEC. JOEY CONCEPCION: So itong alert level kasi natin was very useful when COVID was really very active and present here ‘no, especially iyong Alpha, Beta at Delta. Pero dito sa Omicron, ang positive nitong variant na ito is that kung bakunado ka, most cases or even 99% of the cases are really mild.

So parang nagbigay rin sa atin iyon ng natural immunity ‘no, in that sense. And maybe that is also one reason why a lot of people have that immunity despite our vaccination rates, especially in the boosters are quite low ‘no. At nakikita natin, at sabi ni Usec. Rosette sa isang interview, talagang medyo matumal iyong mga booster shots natin despite iyong campaign natin ‘no. Ang tingin ko dito, dapat tuloy iyong pagbabakuna ng mga tao natin, especially boosters, pero at a situation like this now, nakikita nila halos mababa iyong mga cases, so siyempre kampante itong mga citizens natin na I understand; sometimes you’re confident that maganda na ang panahon, baka hindi na ako magbo-booster.

Then again, what I’m trying to say is that we have to plan ‘no, eventually this state of public health emergency should be removed; it cannot be there forever. And the way I see it, the Philippines is in that spot that is ready for this removal. And alert levels need not rise beyond Alert Level 1 anymore, the way I see it, and we cannot afford to bring it up.

So, the call to our people is to continue to take the boosters. Now, iyong problema lang namin, dito sa private sector, may mga 60,000 kami na mag-i-expire, was extended in July, and we want these vaccines to be taken by our economic frontliners who are 50 years old and above. Pero ngayon, under the second booster shot, ang puwede lang kumuha dito ay iyong mga 60 years old and above, so that’s another problem.

And what we want to do is that if eventually the public will buy their own vaccines, the vaccine manufacturers will have to apply for CPR ‘no, so this is Certificate of Product Registration – importante iyon. Right now, we’re under Emergency Use Authority ‘no, in other words, the government guarantees the safety of [the vaccines], protects the pharmaceutical companies and, of course, the individual in case something happens. But that cannot go on forever ‘no.

We’ve seen these vaccines very safe, so I think we should move and can say that eventually, these should be sold in the drug stores ‘no. For the individuals who want to take the bakuna to buy it or the private sector. In our case, I hope we can buy it. So it’s like having the government take off some of that burden especially as we see the country moving away from this pandemic.

USEC. IGNACIO: Pero, Secretary, naglabas po ng pahayag si Health Secretary Francisco Duque III na aniya po, hindi pa raw po panahon para tanggalin ng Pilipinas ang state of public health emergency kahit na nananatili raw pong mababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, ano raw po ang masasabi ninyo rito?

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, we’re not saying naman bukas tanggalin ito ‘no, I think, if not this administration, the next administration. We’ll have to look into this. I don’t think any other country there in Europe – here where I am right now – wala namang state of emergency dito ‘no.

So understand that under the state of public health emergency, it allows us more flexibility in funding all of these vaccines and medicines, etc. And that is obviously something to look into, but there maybe other ways. So, but then again, if let’s say a new variant comes back, another variant that is not only more transmissible but deadly, they can always bring back the alert levels ‘no. You can reinstate it and bring it back.

But again, right now, the variants that are coming in are more transmissible but are still mild ‘no. So I think we should move on; other countries have been moving on already. And what I am proposing is something that is a shared responsibility, not just the government taking all of the expenses for this, but eventually passing it on to those who can afford.

Now, iyong mga hindi kayang bumili ng mga bakuna, mga medisina, then maybe that’s where the government will have to continue to support these people. Iyong mga private sector, iyong iba na may kaya, then maybe that responsibility can be passed on. So this is not to be done, I’m saying, maybe in the next weeks, but we have to start talking about it, we have to start planning. Anong strategy natin dito sa mga bakuna? Bibili tayo ng ganiyang karami or will we scale down? There are talks that the second booster, I was told, that it’s not as effective. But for my readings, it’s still effective.

So we have to have a better clarity here ‘no. And hopefully, there will be more flexibility especially in granting these second boosters to people above 50 years old.

USEC. IGNACIO: Sir Joey, sa pahayag naman po ni Health Undersecretary Rosario Vergeire, na kung aalisin daw po ang state of calamity, hindi na raw po magwo-work itong Emergency Use Authorization ng mga COVID-19 vaccines, ano raw po ang masasabi ninyo rito?

SEC. JOEY CONCEPCION: Kaya nga tamang-tama iyan eh. That’s correct, that’s why the vaccine manufacturers should apply for their CPR and that is very important ‘no, the Certificate of Product Registration. And AstraZeneca, I was talking to Lotis Ramin, the CEO of AstraZeneca, they are going to apply. Now, how long it will take? It may take three months. It may take four months. So that is when you start moving towards that direction ‘no. But if we don’t start talking about it and the vaccine companies don’t apply for the CPR or the delays with FDA in approving their CPRs, then all of these things will be delayed ‘no.

So what I’m saying is, the removal of the state of public health emergency has to be discussed. If we are all open to that, we need to identify things that we have to do. Pharmaceutical companies must apply for CPRs. That is only the time that the EUAs—kasi kung mawala itong EUAs, siyempre, it will be a problem. So we have to transition from an EUA to a CPR. Now how long that will take? It starts the moment the vaccine manufacturer files for that.

So, then when you do that then you can now start. That’s why the whole process has to be discussed – if they agree – and you plan for it. You have to plan for it. It may take us six months to be able to move from a State of Public Health Emergency into a total removal.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, may tanong po iyong ating kasamahan sa media. May tanong po sa inyo si Sam Medenilla ng Business Mirror: May initiative po kaya sa private sector to procure more COVID-19 jabs to give their employee booster jabs ngayong taon? If yes, ilang companies po kaya ang may ganitong plano at ilang COVID-19 vaccines daw po ang bibilhin nila at magkano daw po ang in-allocate nila para dito?

SEC. CONCEPCION: Well, frankly speaking, we still have some boosters left ‘no and we have fully vaccinated our people already. Iyong problema sa second booster—Walang problema sa first booster, maraming nandiyan sa mga empleyado natin ay kumuha ng first booster. Iyong problema natin ay iyong second booster. Sa tingin ko, I also took my second booster, but I’m qualified because I’m over sixty years old, pero may mga empleyado kami, medyo maraming empleyado na fifty years and older.

Now, under the current guidelines, this is not approved for anybody below sixty years old unless you have comorbidities. So, our employees cannot take it, we cannot even give it to them because it doesn’t fall under the guidelines and if something goes wrong and they get side effects, that may be a problem then we are not covered under the EUA.

But then again, as I was saying, since we have a lot of vaccines in the country, still [unclear] said that medyo mahina ang kumukuha dito sa mga bakuna natin, why don’t we expand it to the fifty years and older ‘no? What I’m referring to is the second booster ‘no.

So, we don’t see any need for now, but that is why I’m saying, what is the future going to be like if eventually we will remove the Public Health Emergency, that role would have to be passed on to the private sector and the general public.

Now of course, may mga tao diyan that cannot afford to buy these vaccines. They will have to also measure kung iyon ang talagang demand from the citizens. Do they really still want to take these boosters ano. Iyong iba, ayaw na rin eh, so wala na tayong vaccine mandate eh so we cannot force it. Wala na tayong ‘No Vaxx No Ride’, the PCR test for those not taking the vaccines, we have stopped all of that. So, it’s all voluntary, walang puwersahan ito. Pati iyong mga vaccination cards, sa tingin ko the old cards natin they will already be redundant because they are already way beyond the one year, ano.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, dagdag pong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Will you recommend to the next administration to purchase additional COVID-19 jabs for this year?

SEC. CONCEPCION: Yes, if there is a demand for it. At this point in time, we have vaccines that are expiring or may expire because of the demand ‘no. And I was told by Secretary Duque, these are going to be replaced by COVAX, by WHO under the COVAX Program.

Pero we still don’t know ‘no. We have to really look at what is the demand for vaccines today ‘no. How many percent of our people really want to continue taking boosters kasi moving forward, it will be basically boosters whether we take it once every four months or six months or once every year, we don’t know ‘no.

But definitely, sometime at the end of the year and maybe first quarter of next year, we will need again a booster ‘no more or less. I think, Doc Edsel, our next guest, maybe he can explain it further. It all depends on what is going to happen in the future.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, kuhanin ko iyong mensahe mo sa ating mga kababayan at manunood partikular iyong mga hindi pa po nakakapagpa-booster. Go ahead po, Secretary Joey.

SEC. CONCEPCION: Well, alam naman natin na iyong economy ng Pilipinas ay nakasalalay dito sa health natin and nakikita natin iyong health natin, itong pandemya, halos pumupunta na tayo sa endemic state ‘no. Pero huwag tayong sobrang kumpiyansa. May mga bakuna pa tayo dito na puwedeng kunin para sa mga boosters – Booster 1 at Booster 2 – dapat kuhanin na natin iyan bago maubos o bago ma-expire ‘no.

At moving forward, ingatan natin at tuloy-tuloy pa rin tayo sa paggamit ng mga mask at nakikita ko dito na iyon ang mas magandang proteksyon for our citizens, especially in public transportation, in highly dense areas, kailangan gamitin iyong mga mask natin.

So, we have to continue to grow our country. I mean, marami sa mga maliliit na negosyante ay talagang nahihirapan dito sa pandemya. And hindi na puwede tayong bumalik sa dati na higher alert levels o mga lockdowns ng mga negosyo natin kasi talagang bumabangon na rin tayo, gumaganda iyong economic conditions natin.

Iyong giyera dito sa Ukraine-Russia ay nagbibigay ng panibagong problema sa atin dahil sa mga high commodity prices na tataas ang mga basic food that we are selling. So, we are facing this next challenge, itong high inflation. And sana tuloy-tuloy pa rin ang …our success in maintaining the current health situation in this country.

So, iyong hinahanap natin is a medium-term plan na kalian tayo puwedeng tanggalin itong Public Health Emergency at mas magiging klaro iyong roadmap natin towards a total recovery, a total economic recovery kasi in the end, kailangan we should generate more jobs for our Filipino people.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin. Secretary Joey Concepcion, ang Presidential Adviser for Entrepreneurship. Stay safe po.

SEC. CONCEPCION: Salamat, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa kaugnay pa rin po ng COVID-19 at iba pang isyung pangkalusugan, iyan po ang ating pag-uusapan kasama po si Dr. Edsel Salvaña, member po ng DOH Technical Advisory Group at isa ring Infectious Diseases Expert.

Magandang araw po, Dr. Salvaña.

DR. EDSEL SALVAÑA: Magandang araw, USec. Rocky. Magandang araw sa lahat ng nanunood at nakikinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Salvaña, hanggang ngayon po sa kabila ng mga kumpirmadong kaso sa ating bansa ng iba’t ibang Omicron subvariants ay slow—

DR. EDSEL SALVAÑA: I can’t hear.

USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin ko po, medyo bumagsak po iyong internet ninyo, Doc Ed. Ulitin ko po iyong tanong ko ano po.

Hanggang ngayon daw po sa kabila po ng mga kumpirmadong kaso sa ating bansa ng iba’t ibang Omicron subvariants ay mabagal o slow pa rin po iyong—Hindi pa rin po ganoon kataas iyong uptick ng COVID-19 cases sa ating bansa. Ano daw po iyong dahilan, Doc Ed?

DR. EDSEL SALVAÑA:Well, I think it’s really an issue iyong patuloy natin na pagbigay ng first booster dose kasi, I guess, hindi na rin masydong napagtuunan ng pansin. As cases go down, you know, people lose interest katulad nga ng sinabi ni Sec. Joey.

But other issue rin kasi is that itong mga nakikita natin na mga pumapasok na bagong variants, hindi na rin kasi nagko-cause masyado ng surges. And I think this is really because there is immunity even with just the primary series, hindi na masyado nagiging severe.

And of course, katulad rin ng sinabi ni Sec. Joey, marami na rin kasing nagkaroon ng COVID and that generates something called a ‘hybrid immunity’ which is really a more powerful kind of immunity in terms of prevention of infection and so mas nagiging resilient talaga ang isang bansa na mayroong combination na mataas ang vaccination rate at mataas rin iyong ating hybrid immunity.

Bagamat hindi pa rin natin mapi-predict how fast this immunity is waning, so it’s really important to still push iyong first booster dose natin and for sixty-years-old and above, i-push natin iyong second booster dose at additional protection as we see BA.4 and BA.5 are starting to come in.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ed, isunod ko na po iyong tanong ni Lei Alviz ng GMA News: Ano raw po ang inaasahang implikasyon matapos ma-detect sa Pilipinas ang ilang Omicron sub-variants, pinakahuli nga daw po itong BA.5?

DR. EDSEL SALVAÑA: [unclear] BA.2.12.1 na nakita naman natin na nagkaroon ng local transmission diyan sa Palawan. But even BA.4 and BA.5, tingnan natin iyong trajectory, iyong ipinakita niya sa South Africa, everyone is really concerned kasi pataas na naman iyong [unclear] Africa and then bumaba [unclear] compared doon sa Omicron wave doon sa South Africa, so mukhang nag-single out siya [unclear].

However, we know that these variants are more transmissible, wala namang ebidensiya that it causes more severe diseases.

Kasi in fact iyong BA4 natin, [unclear] natin, iyong mga BA.12.1 dito sa Pilipinas halos lahat sila ay mild lalung-lalo na doon sa mga vaccinated. Nakita naman natin, some days wala talagang deaths and this really tells us na we’re heading towards endemicity bagamat ang concern talaga lagi is iyong COVID has surprised us so many times.

So, we’re really cautious but we are cautiously optimistic na dahan-dahan na tayo talagang pumupunta sa endemicity.

USEC. IGNACIO: Doc Edsel, tanong po ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN: How effective daw po are existing COVID vaccines against Omicron BA.5?

DR. EDSEL SALVAÑA: Mukhang effective naman siya lalo na against prevention of severe disease.

Iyong sinasabi naman nila na mas mababa iyong epekto ng vaccine, really pertains to iyong tinatawag na breakthrough infection. So, baka mas mataas iyong risk ng breakthrough infection if you’re not boosted or only had one booster in the case of elderly people, pero protection against severe disease are really continuous.

Nakita natin ang characteristic ng Omicron compared sa Delta or the older variants na iyong first booster is very important for continued protection against severe disease, na nadagdagan ng above 15% iyong protection from severe disease with the first booster for Omicron. Hindi natin nakita iyan sa Delta. Sa Delta, nananatiling mataas iyong protection against severe disease even with just the first two vaccines.

Samantala sa Omicron, without the first booster, it’s about 55% decrease [in] risk of hospitalization, pero kapag dinagdagan ng first booster ay aakyat siya to about 81%.

So, important! Almost essential iyong first booster kapag ang nakita natin na dominant variant of concern is Omicron which is the case right now. That’s why government is really pushing kung hindi pa kayo nagpapa-first booster, please magpa-first booster na kayo para ma-maximize po talaga natin iyong protection against Omicron.

The other concern, and I think this is the elephant in the room, na lahat naman ay nag-uusap about this, I think part of the reason why some people are not taking their first booster is because nakadalawang vaccine course na sila.

Sinabi namin very early on na just take the two and then pa-booster kayo [unclear] sinabi ng gobyerno. Unfortunately, maraming tao, they went ahead and got a second course and not telling the vaccine hubs na naka-first course na sila for whatever reason and siyempre maghi-hesitate talaga sila na mag-booster kasi magiging five doses na sila. And you know, I pointed this out to DOH that there are people out there who really went ahead and got a third and a fourth dose na hindi pa naman sila qualified and how are we going to fix this problem because it’s there.

So, ayun, pinag-uusapan din namin how to deal with that kasi hindi iyan lalabas sa vaxcert and that’s going to interfere with their ability to travel and everything. Kasi, for instance, a lot of countries like Singapore, will require the first booster already if pupunta kayo doon, kailangan up-to-date iyong vaccinations.

And now, I think it’s a significant number of people who have gotten two courses of vaccines on their own without sanction from the government and now they don’t know what to do with their first booster. So, I guess we have to address that.

USEC. IGNACIO: Okay, iyan po iyong mga aabangan natin Doc Ed sa mga susunod na interview namin sa inyo.

Pero sa ngayon po ay ang pinapayagan pa lamang po na makakuha ng second booster, nabanggit ninyo nga po, ay itong frontline health workers at senior citizens. Pero may pag-uusap na po ba sa DOH na papayagan na rin makakuha ng second booster shot ang general population, kasi nabanggit ninyo nga, may iba na po na talagang kumukuha na po, Doc Ed, ng second booster?

DR. EDSEL SALVAÑA: Yeah. I mean as an adviser and as a doctor and scientist, I had to stick to what the evidence is showing and the evidence is present na mayroong benefit iyong  for 60 years old and above, ito po iyong pinakita sa study sa Israel. And iyong sa healthcare workers pa nga, eh extended pa nga iyon kasi there is a higher risk nga of getting COVID for people who are exposed to patients.

But the truth is iyon nga, evidence-based, it’s really only solid for those 60 years old and above. In the US, they allowed for 50 years old and above.

So, we have to balance out these things kasi ako kahit sabihin ko well, you know it makes sense na we do this. But as a scientist and in terms of making policy, dapat we have evidence to back that up. Otherwise, nanghuhula lang talaga tayo. Hindi naman puwedeng gawin iyon, lalo na sa mga scientist. We have to have basis for our policies, we have to have evidence. You know there are studies that are ongoing, but until the results of those studies come out and they are applicable to the situation, hindi po talaga tayo puwedeng mag-imbento. We have to have science to back us up, otherwise, hindi magiging science-based iyong response natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Edsel, naiulat nga po na malaki iyong itinaas na ng ranking ng Pilipinas sa COVID-19 recovery – nasa 33rd na po ang ranking ng bansa, ano po ang masasabi ninyo dito, Doc Ed?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, katulad na rin ng sinabi ng marami na iyong response talaga natin is a marathon, it’s not a sprint. And as early on, ang prinioritize natin is really [to] save lives. iyong rankings na ito, iyong Bloomberg at iyong Nikkei, ang primary purpose ng ranking nila is economic activity.

But you know, at the very start all the scientists have been saying na if we take care of life, if we take care of health, the economy will follow. You can’t put economy before the lives kasi kung hindi ka magsarado kapag kumalat iyong COVID, bagsak din iyong economy mo.

So, from our standpoint ay mas sustainable talaga iyong ganitong plano. This is really how we crafted the response, we prioritize. Kasi siyempre sa Pilipinas, alam naman natin na we put such a huge premium on life, that’s why people continue to use their mask, that’s why people got their vaccines, that why people are cooperating and trying to make sure that everybody si safe.

And so the economy will follow if you prioritize saving lives, if you prioritize health. And that’s what we’re seeing right now. And this is nothing more than what we expected na if we did a good job, we’re controlling the pandemic, then the economic gains will follow.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ed, ano raw po ang masasabi ninyo sa iminumungkahing pag-alis ng public health emergency sa bansa kasunod po ng pagbaba ng classification ng Pilipinas sa low risk?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, unang-una low risk naman talaga tayo – minimal low risk. Iyong tinitingnan naman ng CDC is really case numbers, cases per hundred thousand population at papasok naman talaga tayo doon. But ang problem nga is may policy implications iyong pag-lift ng ating state of emergency na kailangang pag-aralan.

Naiintindihan ko naman ang sinasabi ni Sec. Joey na we really have to be aggressive on reviving our economy. That is perfectly understandable of course, because we need to get going in terms of people’s jobs, in terms of paying the debts of the country but at the same time mayroon rin kasing mga naka-attach na mga conditions doon sa public health emergency, doon sa state of calamity katulad na nga ng sinabi rin ni Usec. Vergeire, iyong EUAs natin ay mawawalan iyan ng bisa kung bigla nating tanggalin itong state of calamity/state of emergency.

So, it’s very important that we will follow iyong kung ano ang sasabihin ng WHO but at the same time we will be preparing. Kasi once we have certificate of product registrations for the vaccines that we are seeing, katulad ng sinabi rin ni Sec. Joey, we can start to shift some of these. Hindi naman lahat kasi of course, we wanted to still the vaccines for indigents, for people who can’t afford them. But for those who are able to afford them, kung mayroon na tayong certificate of product registration, that’s one less thing that the government has to worry about and people can get it at their convenience in the clinics of their doctors and wherever else it is convenient – in the work clinics, work spaces.

So mas maganda kung mayroon tayong options talaga na ganoon dahil efficient talaga [garbled] government. But we need data to support CPR. I’m pretty sure it’s there naman kasi we’ve been using these vaccines for almost two years na ngayon, and so very, very important talaga na we get those in place before we lift iyong mga restrictions dahil otherwise baka mahirap tayong mag-move forward with some of our programs.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Naomi Tiburcio ng PTV: May mga nari-report po na ilang ospital sa National Capital Region na umano’y napupuno na ang mga emergency room ng non-COVID cases. Ano raw po iyong nakikita ninyong dahilan nito? Ganito rin po iyong tanong ni Lei Alviz ng GMA News: Sa inyong karanasan, dumami po ba ang mga pasyente ninyong non-COVID?

DR. EDSEL SALVAÑA: Yeah, actually, lahat ng pasyente ko ngayon ay non-COVID. I had one COVID patient, I think about three weeks ago. Mabilis din naman naka-recover. I mean, our hospitals, it’s been more than two years since we locked down and marami talagang na-miss din na mga clinic visits, mga kailangang gawing preventive measures. So we really expect na may mga tao talaga, magkakaroon ng emergencies whether sa heart, sa lungs, whatever. May consequences din kasi from a health standpoint iyong mga missed visits na ito, and we are seeing that in increased utilization of the emergency room. Hindi naman lahat ng ER in Metro Manila, but the usual suspects.

Of course, PGH, when I was training all the way to I was teaching before the pandemic, puno lagi ang ER niyan. And this is actually a kind of a sign of normalcy in that sense eh kasi napupuno na naman iyong ER ng PGH with non-COVID dahil ano po talaga, parang last resort po talagang takbuhan iyong PGH which really tells me, we still have a lot to do to normalize lalung-lalo na ang ating healthcare system, ang ating government hospitals. We really need to increase capacity dahil marami talaga, last resort na nila iyong public hospitals because healthcare is not affordable for a lot of our people.

USEC. IGNACIO: Opo. Lipat naman po ako sa ibang isyu, Doc Ed. Sa nangyari pong pagputok daw ng Mt. Bulusan kahapon, nag-cause po ito ng ashfall sa ilang mga munisipalidad sa Sorsogon. Ano raw po ang kailangan na gawin ng ating mga kababayan doon para maiwasan po iyong panganib sa kalusugan na maaari pong maidulot nito pong pag-inhale ng volcanic ash?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, I’m not a pulmonologist; I’m an infectious disease doctor. Pero iyong mga ganiyang mga particles, mga pyroclastic materials, lalo na the small ones, that can damage your lungs talaga. So very important if you have access to a good quality mask – mga N95s, KN95s – probably you should wear that lalo na kapag mataas iyong particle count na nakikita ninyo.

Doon sa mga ano natin, ang ating evacuation centers, kinakailangan pa rin ang minimum public health standards para hindi po tayo magkaroon ng outbreak ng … at mga ibang sakit din, of course, the usual that happens in evacuation centers, mga closed quarters, mga tao, you can have outbreaks of diarrhea, outbreaks of viral illnesses. So kinakailangan po talaga nating sundin iyong ating minimum public health standards.

USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol lang pong, Doc Ed. Ano raw pong sakit ang maaaring makuha ng mga taong makaka-inhale ng volcanic ash?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, may mga sakit na tinatawag natin pneumoconiosis. In other words, iyong mga silicate pores kasi na ito, puwede talaga silang maka-damage ng lungs, puwedeng magkaroon ng scarring, puwedeng magkaroon ng destruction of lung tissues.

So very, very important na we try to protect ourselves from this. At kung mangyari man iyan, very important that we consult with our doctor, the pulmonologist, on how to deal with this. But of course, mas maganda talaga kung mapi-prevent natin iyong damage in the first place.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ed, kunin ko na lamang po iyong inyong mensahe at paalala para sa ating mga kababayan. Go ahead po, Doc Ed.

DR. EDSEL SALVAÑA: Thank you, Usec. Rocky. Mukhang gumaganda na talaga iyong situation natin with regard to COVID, even itong mga bagong variants na na-detect natin, puro mild po iyong pinapakita nito.

And iyong pagtagumpay na ganito na nakita talaga natin is really a partnership between the government, the private sector and of course, the people themselves who continue to use iyong ating mga minimum public health standards at ginagamit po natin iyong mga vaccines.

So as we start to shift towards iyong tinatawag nating endemicity, very, very important na hindi po natin makalimutan iyong lessons learned during this pandemic. And we really should not take health for granted kasi napakaimportante niya, siya talaga iyong nag-a-under [unclear] sa ating ekonomiya, sa ating well-being, sa how our country will, you know, become a better place to live in. I think that it’s important that we internalize the fact, iyong health is wealth; health is important for the continued success of our country and that we really should not take it for granted.

Thank you po.

USEC. IGNACIO: Doc Edsel, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin at siyempre sa inyong pagbibigay ng mahalagang impormasyon ngayong araw, Dr. Edsel Salvaña, Infectious Diseases at miyembro ng Department of Health Technical Advisory Group. Salamat po.

DR. EDSEL SALVAÑA: Thank you. Stay safe, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: School-based vaccination laban sa COVID-19, sinimulan na sa Davao City. May report ang aming kasamang si Julius Pacot ng PTV Davao:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito, hanggang bukas pong muli. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)