Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Usaping agrikultura, trabaho at tulong para sa mga kababayan nating apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon. Ilan lang po iyan sa mga usaping tatalakayin natin kasama po ang mga kinatawan ng pamahalaan na magbibigay-linaw sa tanong at agam-agam ng taumbayan. Manatiling nakatutok, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Coconut Farmers and Industry Development Plan na naglalayong mapataas pa ang kita ng mga magsasaka at mapaigting pa ang coconut productivity sa bansa. Sa ilalim ng bagong Executive Order # 172, nakasaad na kinakailangan itong balangkasin para maiangat pa ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka kasabay ng modernisasyon sa industriya ng pagniniyog.

Inatasan naman ni Pangulong Duterte ang Philippine Coconut Authority na tutukan at ipatupad ang bagong development plan katuwang ang iba pang concerned government agencies. Sa pamamagitan ng bagong kautusang ito, magagamit na ng gobyerno ang multi-billion peso coconut levy fund na inilaan bilang pampondo sa programa.

Aprubado na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pisong provisional fare increase sa mga dyip sa National Capital Region, Region III at Region IV. Ibig sabihin, ten pesos na ang minimum fare o pasahe sa dyip sa unang apat na kilometro.

Ipinaliwanag ng LTFRB, inaprubahan ang inihaing motion for reconsideration noong Marso ng ilang mga grupo ng tsuper. Ito ay bilang konsiderasyon din sa malaking dagdag na presyo ng diesel nitong Martes na umabot sa six pesos and fifty centavos kada litro.

Pero pagtitiyak ng LTFRB, provisional lamang ito kaya maaaring maibalik sa nine pesos ang minimum fare sa dyip sakaling bumaba pa ang presyo ng diesel at bumalik sa dating halaga noong wala pang tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Inaasahang marami po ang makikinabang sakaling maibaba sa 20 pesos ang presyo ng kada kilo ng bigas. Pero ang tanong: Paano nga ba ito posibleng maisakatuparan ng susunod na administrasyon? Para po diretsang sagutin ang iba pang usapin kaugnay niyan ay makakasama po natin si Agriculture Secretary William Dar. Welcome back, Secretary Dar.

DA SECRETARY DAR: Usec. Rocky, magandang umaga po sa ating lahat at sa lahat po ng viewers.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mainit na usapin pa rin ngayon iyong target na pagbaba sa 20 pesos na presyo po ng bigas sa ilalim ng bagong administrasyon. Posible po kaya ito? At ano po ang mga hakbang o posibleng intervention na pagdaraanan bago po ito maisakatuparan?

DA SECRETARY DAR: Usec. Rocky, let me put it in a, you know, proper perspective. The aspiration of our incoming President Bongbong Marcos is such a very laudable aspiration as any Filipino would like to have a low-priced rice sa ating merkado. Ako, nakikisama doon sa balakin na ito or aspiration na ito, panaginip po dito. Meaning, dapat managinip tayo at magdisenyo po tayo ng programa towards that level of rice price.

Now, just to put also in context presently, with the rising prices of agricultural inputs gawa ng Ukraine war ay tumataas na po iyong cost of production ng ating mga rice farmers. As a matter of fact, iyong latest analysis po natin, if this war in Ukraine continues, ang pagtaas na ng presyo or cost of production ay nasa three pesos and thirty centavos. So idagdag mo doon sa present level, of course, of producing a kilo of palay natin na 11.50, so almost 14.80, fifteen pesos na iyong cost of producing a kilo of palay.

So, you know, as I’ve said, I would like to really put up a program designed to involve all stakeholders kasi alam mo, ang dami pang investment areas or interventions. Kagaya po iyong level ng yield natin ngayon na, Usec. Rocky, average nationwide ay 4.5 metric tons per hectare. So that’s one, number one challenge, we have to target much higher. Tingnan mo, doon sa inbred rice, with the present level of yield per hectare, maybe in the next four year, puwede nating i-target na maging 7.5 metric tons ang inbred rice.

Tapos ang hybrid rice technology, presently our average is six metric tons per hectare of palay. So puwede nating iangat iyan over the next four years iyong target yield to about ten tons per hectare. There are many hybrid technologies now that can even go beyond ten. But that’s our target of ten and this is very, I mean, we can realize this target.

So kapag nagawa natin ito, with all the good agronomy, with all the facilities kagaya po ng post-harvest facilities, marami pa tayong pupunuin doon sa almost three million hectares ng rice areas natin. So talagang the challenge is huge. But with this political will that we have and prioritization given to agriculture, lahat nitong mga challenges ay puwedeng maisakatuparan.

I would add na infrastructure is also one. Iyong irrigation systems development, we need now to go to a Build, Build, Build for irrigation systems development. One point one million hectares pa rin ang dapat nangangailangan ng irrigation systems development para long-term iyong sustainability.

And lastly, let me point out na we are near hundred percent sufficient level na sa rice. Nakarating na tayo sa 92%, so eight percent na lang. So tantiya ko, it’s really boosting productivity, reducing the cost of production, making farming more efficient and having to engage also the younger generation in farming so that the older generation, you know, they will be retiring soon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, isunod ko na po iyong tanong ni Ted Cordero ng GMA News Online: Realistic po ba raw itong 20 pesos per kilo na presyo ng bigas?

DA SECRETARY DAR: Nasabi ko na po na ako, ang approach ko diyan, Usec. Rocky, iyon ang aspiration natin; iyon ang ita-target natin over a number of years. So gagawa tayo ng program, magplano tayo, i-involve everyone para makita natin ano iyong gaps, ano iyong challenges, value chain approach. At iyon po ang aking response towards the 20 peso rice.

As I’ve said, itataas natin ang productivity, yield targets, gagawin natin ang pagbaba ng cost of production – ngayong tumataas [ito], sana [ay] bumaba pa iyan. So, ang dami pa talagang challenges that we have to put into consideration in this new program, designing this program towards the P20.00 rice price.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pinaplano din po ng Department of Agriculture na ibalik ang NFA rice sa mga pamilihan. Paano po kaya ito dapat pagtuunan ng pansin ng papasok na administrasyon?

DA SEC. DAR: Opo. Ito iyong ating idea diyan, sana I have time to explain this, Usec. Rocky.

Number one, ang NFA, sang-ayon sa Rice Tariffication Law, ay buffer stocking lang ang mandato po nila presently. We can use that strategy by increasing the number of days for buffer stocking ng NFA. Presently, they only have P7 billion today [sa] annual budget and that is only good to have a buffer stock good for 300,000 metric tons or equivalent of seven days, so manipis po iyon, Usec. Rocky. Kung ikumpara natin ang buffer stock ng China and India sa rice ay 365 days ang buffer stock nila.

So [what] I’m saying is, let’s increase the number of days for NFA to buffer stock, kagaya ng aiming it for 30 days, kasi ang capacity ng mga facilities nila ngayon ay hanggang 15 days lang ang kaya nila. Pero [kung] magdadagdag tayo ng another 15 days so that the total of 30-day buffer stock can be managed by the National Food Authority.

So, ito ngayon iyong ilalabas sa merkado by reviving the NFA retail outlets. You know, NFA is selling P25.00 per kilo so dagdagan ng P2.00 ng retailers for the poorer segment of the society [ang] ita-target muna, [ang] magbe-benefit [ay] iyong mga 4Ps. There are about 4.4 million household times five, that’s twenty-two million Filipinos na makikinabang nito.

Ang unang objective natin [ay] palakasin ang NFA; dagdagan ang buffer stocking; dagdagan ang pondo; dagdagan ang pondo para sa capital expenditure para magampanan niya [ito]. So, if we start this July towards the end of the year, they can have that capacity of good for 15 days but we see to it na kung mayroong stimulus bill, dagdagan iyong capital expenditure nila para next year [ay] they can go to full capacity of 30-day buffer stocking.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, balikan ko lang po iyong P20.00 per kilo na presyo ng bigas. May follow-up po ulit si Ted Cordero ng GMA News Online: Achievable po ba ito in the next three to five years?

DA SEC. DAR: Iyon po ay ita-target natin kung ano iyong possible, kung itong three years, four years, ita-timeline natin iyan. We have to really make it possible. Every efficiency that we can have; every good technology or modern technologies that we have; every opportunity to capacitate the farmers and engaging the youth; we should have any increasing investment for post-harvest facilities including drying, milling, warehousing, we should invest. Lahat po ito, [kung] punuan po natin lahat [ay] makakaya nating ibaba iyong presyo ng bigas.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, posible raw po ba na tumaas ng hanggang P6.00 ang kada kilo ng bigas, totoo po ba ito?

DA SEC. DAR: Ito po ay naka-premise doon sa sinabi ng Thailand and Vietnam na mag-coalesce sila at itataas nila iyong presyo ng ini-export nila na bigas. Sana hindi mangyari iyan at sana din [ay] ma-sustain natin iyong record-harvest natin sa rice. Last year ay 19.96 million metric tons at dito sa taon na ito lalo’t starting na [ang] wet season planting, iyong mga interventions natin ay nakahanda na, pero we only have three billion pesos na fertilizer subsidy na ibibigay. Ang pangangailangan po natin additionally [ay] six billion [pesos].

So, there are two strategies diyan: Iyong potential na six pesos (P6.00) [increase], we will broaden our sourcing hindi lang sa Vietnam and Thailand but [also] India and other potential sources para there is great competition – that’s number one strategy. The second strategy is to sustain and if not increase itong ating local rice production.

USEC. IGNACIO: Opo. Kung sakali lang po, sabi ninyo nga na huwag naman po sana, pero how soon po ito posibleng mangyari o maipatupad?

DA SEC. DAR: Well, hindi pa sila nagdi-decide kung itataas nila iyong presyo nila sa global market. So, we are hoping na mayroon nang influence din ang mga UN agencies sa mga bansa na nagbabadya na gusto nilang itaas ang presyo. But, again, the best strategy is to enhance our local rice production. We are now [at] 92% level, we just need additionally 8% more.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kaugnay naman dito sa patuloy na epekto ng hidwaan sa pagitan ng Ukraine at Russia, ano po iyong magiging epekto sa Pilipinas kung magpapatuloy iyong pansamantalang paghinto po ng importation ng mga produkto ng ilang mga bansa?

DA SEC. DAR: Iyon nga po. Itong Ukraine and Russia are global food producers. They are main players in the global food market, nag-i-export sila, even fertilizers [ay] kasama, they are also manufacturing.

So, tayo ay impacted heavily even doon sa processing sectors sa wheat. Kung ang mga bansa na nagpo-produce ng wheat kagaya ng India ay hindi na mag-i-export and [also] other countries, that will really [have an] impact to us, that’s why we need now to look at import substitution in a big way.

This is the time na talagang iyong food sovereignty has to be now our overarching goal para with the available resources—I mean, significant budgetary resources, ay talagang itataas natin iyong level ng local food production.

So, ganoon po, impacted tayo. That’s why lahat ng magagawa natin – Balanced Fertilization [Strategy], for example, iyon po ang in-institutionalize natin early this year iyong kombinasyon ng paggamit ng chemical, organic and bio-fertilizers. Marami naman tayong local na bio-fertilizers na developed dito sa Pilipinas, inii-scale-up na natin ito.

Ganoon din sa feeds, maraming mga feed wheat, for example, ay binibili natin sa ibang bansa para dito sa livestock and poultry industry. Kulang na tayo diyan kung itong digmaan ay hindi pa talaga magtapos na. Sana matapos na po, let’s pray for that, but let’s also do much work and magbanat-buto tayong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na po iyong tanong ni Rosalie Coz ng UNTV: Dati raw po ay sinabi ng Department of Agriculture na may napipintong food crisis sa second quarter ngayong taon. Mas ramdam na po ba natin ito ngayon?

DA SEC. DAR: Well, I don’t think we said second quarter – it’s the second semester, Usec. Rocky. And you will feel more of that in the last quarter of the year, that’s when you can feel most of the impact.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Rosalie Coz ng UNTV: Anu-ano daw po iyong interventions na ginagawa ng Department of Agriculture para tugunan ang food crisis?

DA SEC. DAR: Ito po, as early as three months ago, mayroon na tayong iprinisinta sa Malacañang and I had a meeting with a number of Cabinet members and leaders in the military.

So, inaprubahan ng ating mahal na Pangulo iyong Plant Plant Plant Program Part 2. Hindi ba noong kasagsagan ng COVID-19 [ay] mayroon tayo ring inilunsad na Plant Plant Plant Program? This time around, itong Plant Plant Plant Program Part 2, its major objective is to increase local food production for major commodities that we have in the country.

Now, ano po iyong components para maisagawa natin po ito at maisakatuparan at ma-meet natin iyong pinaka-objective?

Number one, iyong sinabi mo na kanina, Usec. Rocky, na iyong balance fertilization management. Combination ng chemical, organic and biofertilizers. We are now up scaling the use of bio [unclear]. This is a bio fertilizer developed by UP Los Baños Biotech. At ito ay ipamimigay po natin sa mga rice and corn farmers.

Laban lang ang capacity ng mga laboratoryo natin for this season can only produce about good for 500,000 hectares. But this can really compliment iyong reduction in the use of the fertilizers.

Let me also mention, kung hindi natin ma-sustain, Usec. Rocky, iyong pag-level ng fertilization like that of last year, we have our analysis showing na bababa ang ani nitong taon na ito, 1.1 million metric tons equivalent to 660,000 metric tons of rice. That we don’t want to happen.

Now the second action point after this plan to mitigate the impacts of Ukraine war ito iyong local feeds formulation and production. Maraming mga iba’t ibang sources ng mga fish, or livestock, poultry, and aquaculture.

So, import substitution ang gagawin natin. Iyong mga sources like galing sa coconut industry, iyong galing sa of course sa crops kagaya ng mong bean, soy bean. Iyong protein source we have to really harbor this out for the livestock, poultry and aquaculture.

Now the third aspect is enhancing the urban and peri-urban agriculture. Alam natin na madami pa ang potential ng mga urban areas bringing vertical farming lahat ito aquaponics and the like. So, everyone must become plantito, plantita.

Now the fourth one is enhancement of aquaculture and mariculture fisheries. If it’s once your way na mas kabisado, I mean we have all the technologies for that we need just to increase the distribution of price or fingerlings so that we can have more fish in the market.

And the last part of this action plan is the food mobilization. There are areas through the Kadiwa of course, this is the platform to mobilize iyong mga products from surplus provinces, market it to areas particularly Metropolitan areas all over the country.

So, ganoon po of course these five focus are areas will cut across the other programs that we have in the department.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong naman po ni Tina Panganiban-Perez ng GMA News: A Benguet farmer daw po videoed himself destroying his repolyo plants. He wasn’t able to sell any because of low prices of vegetables and he couldn’t bring the repolyo to the bagsakan daw po or market because of high price of diesel.

He was heard complaining of imported vegetables. Ano daw pong tulong ang maibibigay ng DA dito po sa mga farmers na katulad niya?

DA SEC. DAR: Alam ninyo, Usec. Rocky, mayroon tayong ugnayan o LGU sa Benguet for example na kung ang isang farmer ay maka-harvest ay dapat isangguni na kaagad sa LGU at itong LGU naman kung hindi nila makaya ay tutulungan ng regional field office natin.

We have a standing directive na dapat ay walang masasayang at tutulong dapat ang aming mga regional field offices namin basta may advanced coordination. Iyon ang problema, they don’t coordinate well. Okay that’s the bad, I mean that’s the actual happening. But kung iyong mga apektado na mga vegetable farmers mayroon naman tayo na ibibigay ulit na mga vegetable seeds para makapagtanim ulit sila.

So, we need just to improve this coordination na itong mga farmer naman ay magsabi po sila bago naman mag-harvest para matulungan lahat sila.

USEC. IGNACIO: Opo. May kaugnayan din po diyan iyong tanong ni Mela Lesmoras ng PTV. Basahin ko na lang din po: Paano tinutulungan ng DA ang mga magsasaka at mangingisda na apektado po ng oil price hike?

DA SEC. DAR: Well, dito nga sa oil price hike mayroon tayong fuel subsidy na 500 million. Halos iyan ay nandoon na sa mga regions so, ibinibigay na. Abono for fishers and corn farmers. Another one, mayroon rin tayong rice farmers financial assistance P8.9 billion. We will now enhance this kasi iyong release nitong rice farmers financial assistance ay we have yet to receive that but all the preparations are in place so that once the release of the eight billion more we will now accelerate this para talagang makatulong po ito sa ating mga magsasaka.

On top of that, gusto ko rin banggitin na mayroon din tayong P3 billion para sa fertilizer subsidy at pinadagdagan pa natin ng additional six billion para sa rice and corn farmers.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up question po naman ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Kailan daw po ang expected completion ng fuel subsidy distribution?

DA SEC. DAR: Well, I have directed our regional field offices to do it everything on or before the end of this month.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, hingi na lang po kami ng update sa impact ng DA sa sitwasyon naman po sa lugar na apektado ng Mount Bulusan? Gaano po kalaking halaga ang naging pinsala doon, Secretary?

DA SEC. DAR: Ito po ang datos doon sa Bulusan eruption. Ang number one na apektado ay rice 90.64%, followed by high-value crops 8.7%, and fisheries .59%.

So, ang suma tutal dito, ang damage po ng rice ay 16.28 million, high value 1.48 million, and fisheries .1 million. To a total of about P20 million, na apektado po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, may tulong po ba ang Department of Agriculture na naipaabot na dito sa ating mga apektadong farmers sa Mount Bulusan?

DA SEC. DAR: Kami po ay nasa rehabilitation noong humupa na ito ay handa na po kami magbigay ng mga buto o mga seedlings po.

USEC. IGNACIO: Secretary, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan. Go ahead po, Secretary.

DA SEC. DAR: Ito po iyong panahon na sama-sama po tayong lahat we don’t like this food crisis to happen here that’s why we are giving all these forewarnings. Then, that’s why we also, we do double time, triple our time para sa ganoon ay ma-implement na natin lahat ng mga plano to mitigate itong impact ng Ukraine war.

Mabigat po ito pero kung lahat po tayo ay sama-sama, tulung-tulong at tulungan po natin ang incoming administration para sa ganoon ay mas makayanan po natin maka-survive and even to recover and grow.

So, let’s do plant, plant, plant in a big way. Maging plantito, maging plantita.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras na binigay sa amin, Secretary William Dar ng Department of Agriculture. Secretary, salamat po.

DA SEC. DAR: Maraming salamat po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Sa pagsasaayos ng farm-to-market road sa Iligan City, hindi lamang po ekonomiya ng lugar ang inaasahang mapapaunlad nito.

Ayon po kay Senator Go, magandang daan din ito para mas marami pa ang mahikayat nating mga kababayan ang magbalik sa gobyerno at magkaroon ng bagong buhay. Narito ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At para alamin ang update sa pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan, makakasama po natin si DWSD Director Irene Dumlao. Magandang umaga po, Director Dumlao.

DSWD DIR. DUMLAO: Magandang umaga po, Usec. Rocky at magandang umaga din po sa lahat ng sumusubaybay sa inyo pong programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumustahin ko po muna iyong kasalukuyang relief assistance ng DSWD para sa mga kababayan nating naapektuhan nitong pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan? Ano na po iyong assistance ang naipaabot ng DSWD sa kanila?

DSWD DIR. DUMLAO: Well, Usec. Rocky, ang Department of Social Welfare and Development, bilang vice chair nga po ng NDRRMC response cluster, patuloy po tayong nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, lalung-lalo na po iyong mga naapektuhan ng pagputok ng Mount Bulusan.

Sa pamamagitan po ng ating Field Office V, nakapagpadala na po tayo ng augmentation assistance sa Juban at Irosin, Sorsogon at ang atin pong assistance na naipahatid na as of June 8 ay nagkakahalaga ng mahigit 390,000. Ito po ay binubuo ng mga family food pack at ng mga hygiene kits na atin nga pong naipahatid sa mga lokal na pamahalaan at sa mga internally displaced persons, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Director, bukod po diyan, sa ngayon ay ano pa iyong mga ipinaabot nilang pinakakailangan nilang tulong o assistance, nito pong mga apektadong pamilya?

DSWD DIR. DUMLAO: Well, kagaya nga po ng nabanggit ko, iyon pong mga naipahatid na ng ating Field Office V na tulong ay mga family food packs at mga hygiene kits, lalo na po doon sa mga IDPs na taking temporary shelters sa mga evacuation centers. Ganoon din po, patuloy iyong pakikipag-ugnayan ng ating mga personnel on the ground sa mga Local Social Welfare Development Officers upang malaman po natin, ano ba iyong mga karagdagang pangangailangan ng ating mga internally displaced person, ito iyong mga pamilyang naapektuhan. Ganoon din po, makapagpaabot pa tayo ng mga karagdagang tulong kung kinakailangan, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Ma’am, may sapat na pondo naman po ba daw ang DSWD para tugunan itong pangangailangan ng mga apektado nating kababayan, kung sakali pong magtuluy-tuloy po itong pag- aalburuto ng Bulkang Bulusan?

DSWD DIR. DUMLAO: Yes, Usec. Rocky. Batay nga po doon sa pinakahuling report ng ating Field Office V ay sapat po iyong ating mga resources. Ang atin pong June 8 report, nakalagay po diyan na iyong ating Field Office V ay may mahigit 5 million pesos worth of food items sa ating stockpile. At ganoon din po, mayroon din po tayong standby funds na maaari po nating gamitin, in case na magkulang po iyong ating mga family food packs.

Dito po sa ating National Resource Operation Center, mayroon din po tayong mga nakahanda na mga stockpiles at standby funds na nagkakahalaga ng mahigit 1.6 billion pesos. Mula po sa nabanggit na halaga na iyan, Usec. Rocky, mayroon po tayong mahigit 611 million sa ating central office and sa ating mga field offices ay mahigit 1 billion naman iyong ating mga stockpile. So, doon sa katanungan mo, Usec. Rocky, kung sapat iyong ating mga resources para sa pagtulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng pagputok ni Mount Bulusan ay handa po ang Department of Social Welfare.

USEC. IGNACIO: Opo. Director Irene, bigyang-daan ko lang po iyong tanong ni Mela Lesmoras ng PTV: Kumusta na po ang planong pagbibigay ng P500 aid per month ng pamahalaan para daw po sa mga low income family sa bansa sa gitna po ng pagtaas ng presyo ng krudo at mga bilihin? Nasimulan na po ba ito at kung nasimulan, hanggang kailan daw po ito magtatagal?

DSWD DIR. DUMLAO: Well, Usec. Rocky, napirmahan na po iyong Joint Memorandum Circular ng DSWD, ng NEDA at ng Department of Finance at ng Department of Budget and Management. Dahil nga po napirmahan o nalagdaan na itong JMC na ito, isinasaayos na po ng mga ahensiya iyon pong mga kinakailangang ma-process na mga documents para makapag-umpisa na po tayo doon sa pamamahagi ng tulong na ito.

We remain committed to deliver the promise of President Duterte na ibigay nga po itong karagdagang tulong doon sa ating mga kababayan. At inaasahan po natin ‘no, that itong P500 per month na subsidy ay maumpisahan na nga po, bago magtapos iyong termino ni Pangulong Duterte.

USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon pong panahon ng tag ulan – sakali lang po, pero huwag naman po sana talagang daanan tayo muli ng malalakas na bagyo – paano po nakahanda ang DSWD para dito? Hindi po ba nakakaapekto sa hakbang na ginagawa ng DSWD ito daw pong pagpapalit na ng bagong administrasyon?

DSWD DIR. DUMLAO: Well, Usec. Rocky, kagaya nga po ng nabanggit ko kanina, sapat iyong ating standby pack at standby funds and iyong ating mga stockpiles. Kung kaya, kung sakali man na dumating iyong mga bagyo sa panahon po na ito, handa ang ating Central Office, ang ating National Resource Operation Center at ang ating mga Field Offices, dahil mayroon po tayong mga stockpiles na mga family food packs and non-food items.

Dahil nga po nabanggit ninyo na may ginaganap na transition para sa susunod na pamunuan, tinitiyak naman po ng DSWD na naka-inventory lahat ng ating mga resources, lahat ng ating mga assets para po sa susunod na administrasyon ay maipagpatuloy natin iyong mga programa at serbisyo and we will ensure na hindi po makakaapekto iyong pagpapalit ng bagong administrasyon doon sa mga isinasagawa po natin na mga programa at serbisyo.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong sa inyo si Tuesday Niu ng DZBB: Kailan po target maibigay ang P500 na iyan per month? Matagal na daw po sinabi diumano ng DBM na pirmado na ang memo, until now daw po, hindi pa naipamimigay?

DSWD DIR. DUMLAO: Well, kagaya nga po ng nabanggit ko, isinasaayos na po natin iyong mga dokumento, para makapag-umpisa na po doon sa distribution. Ina-account na po natin kung ilan sa ating mga mahihirap na pamilya ang mayroon nang mga existing na cash cards upang sila na po iyong maunang mapahatiran noong first tranche ng subsidy na ito mula sa national government.

USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol lang din pong tanong ni Marichu Villanueva ng Philippine Star: Why stockpile and wait for a typhoon? Isn’t it better to preposition to regional and provincial DSWD offices?

DSWD DIR. DUMLAO: Tama po, Usec. Rocky. Mayroon po tayong mga family food packs and non-food items na naka-preposition po sa iba’t ibang lugar sa ating bansa. Mayroon po tayong ongoing mga partnership with DPWH and the Armed Forces of the Philippines para po sa paggamit ng kanilang mga warehouses and other facilities, at doon po tayo nag-iimbak ng mga family food packs in addition doon sa ating mga National Resource Operation Centers or mga Disaster Hubs. So, iyan po ang ating ginagawa bilang paghahanda sa mga ina-anticipate natin na pagpasok na mga bagyo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol pa rin po si Tuesday Niu ng DZBB: Saan po manggagaling ang listahan ng mga bibigyan ng P500, mga ilang pamilya raw po ito?

DSWD DIR. DUMLAO: Well, batay po doon sa nilalaman ng ating Joint Memorandum Circular, nasa tinatayang mga 12.4 million household beneficiaries ang magiging benepisyaryo nito nga pong subsidiya na ito at ito po ay manggagaling doon sa mga napahatiran na natin ng tulong under the unconditional cash transfer, kung matatandaan po ninyo, na in-implement po ng DSWD from 2018 to 2020. So, kabilang na po diyan iyong mga 4Ps beneficiaries, iyong mga benepisyaryo under the social pension and iyon din pong mga karagdagang na-identify under the LisTahanan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Job Manahan ng ABS-CBN News, follow-up lang daw po: Based po doon sa memo na pinirmahan nila sa 500 pesos subsidy, hanggang kailan ito ipapamahagi? Ano po raw iyong naging rason sa delay since March po iyan iniutos ni Pangulong Duterte, ng Pangulo?

DSWD DIR. DUMLAO: Well, mayroon po tayong mga pinag-usapan with the DBM, the Department of Finance, and hindi naman po natin nakita na may delay; may isinaayos lang po tayo ng mga kinakailangang proseso para po matiyak natin na magiging maayos itong pamamahagi ng tulong na ito, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, kaugnay pa rin sa transition period, kumusta na po ito? Sa tingin ninyo, ano po iyong mga programa na mahalagang maipagpatuloy po ng bagong administrasyon?

DSWD DIR. DUMLAO: Well, Usec. Rocky, noon pong Lunes, nakapag-umpisa na po tayong makipagpulong sa kampo ni incoming Secretary Erwin Tulfo. At nabanggit na po natin sa kaniya iyong DSWD landscape, the organizational structure, the major accomplishments and the key milestones. At nakapagbanggit din po tayo ng mga prepositions natin, ng mga recommendations for the incoming leadership.

Yesterday din po ay nakapag-umpisa na po iyon pong mga cluster briefing, magpapatuloy ito hanggang Biyernes. And sa susunod na linggo, magkakaroon naman ng briefing with the field offices. Ito ay isinasagawa natin upang matiyak iyong well-coordinated at smooth transition from the outgoing administration to the incoming.

At nabanggit din po natin sa kampo ni incoming Secretary Erwin Tulfo kung ano iyong mga programa na mahalaga po na maipagpatuloy kagaya nga po ng continued implementation of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program especially so that ito nga po ay na-institutionalize na. At gayundin po iyong mga programa na nakikita natin na either mag-i-scale down o ma-totally devolve na to the local government units or will be transferred to newly created agency.

So ito po iyong mga nabanggit po natin during the briefing that we had with incoming Secretary and his team.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Mela Lesmoras ng PTV: Sa loob daw po ng anim na taon, paano ninyo po ia-assess ang naging serbisyo ng DSWD sa ilalim ng administrasyong Duterte?

DSWD DIR. DUMLAO: Well, Usec. Rocky, we leave it to the people kung ano po ang magiging judgment sa naging performance po ng current administration. Ngunit mahalaga pong mabanggit natin na batay po doon sa mga surveys na inilabas po ng Pulse Asia, ng SWS, ng other research institutions ay mataas naman po o consistent na napapabilang ang DSWD sa matataas ang approval and trust rating. And gayundin po, nakita naman po natin iyong pasasalamat ng ating mga beneficiaries at mga clients sa mga naitulong ng DSWD.

So ito po iyong titingnan natin na batayan o pamantayan doon po sa naging performance ng atin pong ahensiya for the past six years.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lamang po, Director, para raw po sa mga kababayan natin na nangangailangan ng iba pang assistance sa DSWD, saan po sila maaaring tumawag o lumapit?

DSWD DIR. DUMLAO: Usec. Rocky, bukas po ang ating tanggapan para sa lahat ng mga indibidwal o mga pamilya na nais pong humingi ng tulong mula sa ating ahensiya. Maaari po silang makipag-ugnayan sa ating mga field offices mula Luzon, Visayas at Mindanao. Maaari rin po silang lumapit sa ating Central Office dito naman po sa Batasan.

For other concerns, maaari rin po silang makipag-ugnayan through our official social media pages o maaari rin naman po silang tumawag sa ating mga hotline numbers. So muli, nais nating mabigyan ng …lumapit at humingi po ng tulong sa atin pong mga tanggapan.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng panahon sa amin at impormasyon, DSWD Director Irene Dumlao. Salamat po.

DSWD DIR. DUMLAO: Maraming salamat po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Bilang bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng ika-124 na taon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanang Pilipino na isapuso ang mga aral na hatid ng ating kasaysayan.

Sa kaniyang mensahe para sa Independence Day, iginiit ng Presidente na sana’y maging inspirasyon ng bawat isa ang katapangan ng ating mga ninuno at bayani. Nawa’y patuloy rin aniyang magkaisa ang lahat para sa isang mas maunlad na Pilipinas.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Kaugnay pa rin po ng pagdiriwang ng National Independence Day, magsasagawa ang Department of Labor and Employment ng job and business fair na maaaring lahukan ng ating mga kababayan. Pag-usapan po natin iyan, kasama po natin si Assistant Regional Director Alejandro Inza Cruz ng DOLE Region III. Magandang umaga po.

DOLE REGION III ASST. DIR. CRUZ: Magandang umaga po, Usec. Rock. Sa atin pong mga tagapakinig at tagasubaybay, isang magandang araw po sa ating lahat.

USEC. IGNACIO: ARD, ano po iyong maaaring asahan ng mga manggagawa sa pagdiriwang ngayong taon ng 124th Independence Day ng ating bansa?

DOLE REGION III ASST. DIR. CRUZ: Sa araw po ng ating pagdiriwang ng ating kasarinlan sa June 12, naghanay po ang Department of Labor ng trabaho, negosyo, kabuhayan na business fairs sa ating buong Pilipinas. Ito po ay kinabibilangan po ng kung saan ay mayroon po tayong 122,000 more or less job vacancies na io-offer po sa ating publiko.

Sa Region III, sa Central Luzon, bilang sentro po ng ating pagdiriwang, ang Region III po, sa pakikipag-ugnayan po sa Provincial Government ng Bulacan, TESDA, DTI at Public Employment Service Office (PESO), katuwang din po ang ating mga pribadong sektor, ay magdaraos po ng isang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Job and Business Fairs na kung saan po ay mayroon tayong mahigit-kumulang na 12,000 job vacancies na maaari pong ma-avail ng ating mga kababayan dito po sa Region III.

Maliban po dito, kasama rin po dito ang ating mga trade fair, livelihood fair, skills demo, pagbibigay po ng livelihood grants mula DOLE at ang pagbabayad po ng kanilang mga salary sa atin pong mga TUPAD beneficiaries sa Region III. Ito po ay gaganapin sa Provincial Capitol Gymnasium po sa Malolos City, Bulacan.

USEC. IGNACIO: ARD, pang-ilang edisyon na po ito ng Kalayaan Job and Business Fair? Saan-saan din po ang magiging job sites? At ulitin po natin, gaano ba karaming mga bakanteng posisyon ito pong iaalok natin sa pagdiriwang ngayong taon?

DOLE REGION III ASST. DIR. CRUZ: Ang atin pong job and livelihood fair ay naging taunang bahagi na po ng selebrasyon ng Independence Day. Sa tantiya po namin, naging bahagi po ito around 2014. Ano mang araw pong tumapat ang ating June 12, maging ordinaryong araw po ito o holiday, ito po ay ating binibigyang-pansin at sini-celebrate dito po sa ating rehiyon at sa buong Pilipinas para po sa ating mga kababayan.

Sa ngayon po, mayroon tayong 122,985 vacancies mula po sa 23 job fair sites sa buong Pilipinas. Para po makita natin iyong mga talaan ng ating mga job site venues, bisitahin po natin ang ating website po na ble.dole.gov.ph. Doon po, nandoon po iyong mga listahan ng ating 23 job fair sites sa buong Pilipinas po, at kung saan-saan pong lugar mangyayari at kung saan-saang venue [ay] makikita po natin doon.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito, lagi po itong itinatanong sa amin, ilan daw po iyong mga bakanteng local at pang-overseas, ARD?

DOLE REGION III ASST. DIR. CRUZ: Sa talaan po ng Bureau of Local Employment as of June 8 – still counting pa po ito ha – ang job vacancies po para sa lokal ay umabot na po sa 95,476, sa pagbibigay-tulong po ng 926 local employers.

Sa overseas employment naman po, mayroon tayong 27,509 na overseas job orders sa pakikipag-ugnayan po sa ating 73 licensed private recruitment agencies for overseas employment po.

Sa Region III po, as of June 8 ay mayroon po kaming 12,271 available jobs – and still counting; karamihan po dito ay nasa local employment na nanggagaling sa mga 138 private companies at 2,173 available din po para sa overseas employment na iha-handle po ng ating 12 licensed recruitment agencies po na pinayagan po ng ating pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating naman po sa klase ng trabaho, ano daw po iyong top 10 vacancies mula po sa datos ninyo ngayon ang ating iaalok para po sa local at ganoon din po sa overseas?

DOLE REGION III ASST. DIR. CRUZ: Sa atin pong local, sa Region III po, ang top 10 po ay kinabibilangan ng management training, customer service representative, teammate positions, senior crew, sewer, sales representative, sales consultants, service crew, customers technical support representative at mga cash sales representative po.

Kung titingnan po natin ang talaan sa national level, ang overseas employment po, kinabibilangan po ng top vacancies ang mga nurse, factory workers, household workers, carpenters, electrician, mason at cleaner.

Kung titingnan naman po natin kung saan-saang bahagi po ng mundo ito ay makikita, ang top destination po ay kinabibilangan po ng Middle East, Asia and Europe po at ang Australia.

So, ito po iyong pinaka-latest na talaan po na nakalap po ng Bureau of Local Employment sa ating 16 regions all over the Philippines po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero bukod po sa private companies na mag-aalok ng kanilang mga vacancies, mayroon din po bang maaasahan ang ating mga aplikante na maaari nilang aplayan mula naman po sa government sector?

DOLE REGION III ASST. DIR. CRUZ: May mga government sector po tayong lumahok. Sa Region III po, nakatuwang po namin ang PDEA na mag-aalok po ng apat na vacancy para po sa admin and technical positions. Sa iba naman pong mga regions, ang BJMP, may mga jail officers po na 2,000 ang kailangan; Philippine National Police, Police Officer 1 na 100; ang PDEA rin po ay may Attorney 3 and admin staff requirement po para po sa kanilang mga opisina.

USEC. IGNACIO: Opo. Magkakaroon din po ba ng one-stop shop sa lahat ng job fair sites para tulungan po itong mga job seekers na mas mapabilis po raw iyong pagkuha ng mga requirements na hinihingi ng employers?

DOLE REGION III ASST. DIR. CRUZ: Yes, Usec. Rocky. Naging bahagi na po ng taunan o every activity po ng ating TNK (trabaho, Negosyo and Kabuhayan) job and business fairs katuwang po natin ang iba pang national government agencies, kabilang po sila sa one-stop shop na kung saan po ay makikilahok at magbibigay ng kani-kanilang libreng serbisyo – ang PSA, TESDA, PRC, PhilHealth, PRC, SSS, BIR, Department of Migrant Workers, the Philippine Overseas Employment Administration, ang OWWA po, ang NLRC, Pag-IBIG, DOT, DTI, DOTr at iba pa po.

Dahil po sa ating sistema ngayon na online application, tayo po ay tutulong din sa ating mga aplikanteng dadalo sa job fair na matulungan silang mag-apply online sa mga nasabing kumpanya po for free.

USEC. IGNACIO: Lahat po ba ng jobs fair para sa Independence Day ay face-to-face na or may isasagawa pa ring online?

DOLE REGION III ASST. DIR. CRUZ: Halos karamihan po ng ating job sites ay face-to-face after two years of the pandemic. Binabalik po namin iyong face-to-face, kasi po mas madali at mas makikinabang po ang ating mga aplikante para po agad nilang matugunan iyong pangangailangan po ng ating employers. Para po ito rin makatulong doon sa ating mga naghahanap ng trabaho, sa ating mga kababayan towards economic recovery po ng ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. ARD, nasa inyo na po iyong pagkakataon na magbigay ng mensahe o paalala dito po sa ating mga job seekers at imbitahin na rin po ninyo ang publiko sa darating na Kalayaan Nationwide Job and Business Fairs, go ahead po.

DOLE REGION III ASST. DIR. CRUZ: Opo. Maraming salamat at gagamitin na po namin itong pagkakataong ito na pasalamatan rin ang ating mga katuwang, the Provincial Government of Bulacan, the Department of Trade and Industry, the Technical Education Skills Development Authority, ang pribadong sektor, ang ating mga tanggapan ng Public Employment Service Offices sa buong Pilipinas at sa ating mga jobseekers at iba pang tatangkilik pa sa Kalayaan 2022 Trabaho Negosyo Kabuhayan Job and Business Fairs.

Inaanyayahan po namin ang aming mga taga-rehiyon, lalung-lalo na po sa lalawigan ng Bulacan na makiisa po at samantalahin ang pagkakataong ibinibigay po ng ating pamahalaan na paglapitin ang mga naghahanap ng trabaho at nangangailangan ng trabahador upang lubos po nating mapakinabangan ang mga serbisyong ito ng national government para po makaangat ang buhay ng bawat isa.

Sa lahat po ng tutulong at ating mga naging katuwang, maraming-maraming salamat po at sa ating mga aplikante na tutugon po sa anumang sites ng ating job fair sa buong Pilipinas, lagi po tayong maging handa. Magdala po ng maraming resume. Tandaan po ang mga itinuturo sa atin ng mga PESO natin sa bawat siyudad, munisipyo at probinsya kung paano po natin ihaharap ang ating mga sarili para po sa pag-a-apply sa trabaho. Mayroon rin po kasi tayong mga preparatory activities na ginagawa tulad po ng pre-employment orientation seminars na kung saan po tinuturuan ang ating mga aplikante kung paano po humarap sa isang formal interview, kung ano ang dapat dalhin, kung paano po gumawa ng resume. Samantalahin po natin ito at ito po ay isang pagkakataon sa isang lugar ay makapaghanap tayo ng trabaho ng mas madali, dahil po marami pong mga employers ang a-attend, maraming mga vacancies na pagpipilian. Tulad po sa anumang gawain, lagi po natin dapat paghandaan at isipin ang ating magiging advantage over the others sa atin pong pag-a-apply sa trabaho.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming po sa inyong oras, ARD Alejandro Inza-Cruz ng DOLE Region III

DOLE REGION III ASST. DIR. CRUZ: Salamat din po, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Ilang mga barangay sa Leyte ang sinuyod ng outreach team ni Senator Bong Go kamakailan. Ang mga ahensya tulad po ng DSWD at DTI ay nakibahagi rin sa paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan. Narito po ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Paggabay sa operasyon ng mga home stays at Mabuhay accommodation sa Lungsod ng Baguio ang isa sa mga tinututukan ng Department of Tourism. Ang karagdagang detalye mula kay Eddie Carta ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Closed season sa Davao Gulf, ang detalye ng report ni Jay Lagang ng PTV- Davao

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP.

Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center