USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw ng Biyernes, muli ninyo kaming samahan para himayin at linawin ang mga usapin na dapat malaman ng taumbayan. Manatiling nakatutok, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Pinangalanan na po ni President-elect Bongbong Marcos ang isa pa sa mga bubuo sa kaniyang Gabinete pagpasok ng kaniyang administrasyon – si retired Political Science Professor Clarita Carlos po ang itinalaga bilang susunod na National Security Adviser. Makakasama po natin siya sa programa ngayong umaga. Professor Carlos, welcome po sa Laging Handa. Magandang umaga po.
PROF. CLARITA CARLOS: I could not understand a thing. [Technical problem]
USEC. IGNACIO: Okay, ayusin lang po natin ang linya ng komunikasyon kay Professor Clarita Carlos.
Iginiit po ng Department of Health na mabisa pa rin ang pagsusuot ng face mask para malabanan ang COVID-19. Ito ang tugon ng DOH kasunod ng inilabas na executive order ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na optional na lang ang pagsusuot ng face mask sa well-ventilated at open spaces sa probinsiya.
Ayon sa DOH, nakatulong ang minimum public health standards kabilang po ang pagsusuot ng face mask, pagbabakuna at booster shots para mapanatiling mababa ang COVID-19 cases sa kabila ng nadi-detect na bagong subvariant. Giit pa ng ahensiya, nakabase sa scientific evidence na nababawasan ng paggamit ng face mask ang transmission, hindi lang ng COVID-19, kung hindi ng ibang infectious at respiratory diseases kabilang na po ang monkeypox.
Nakasaad din sa IATF protocols ang pagtatanggal ng face mask ay maaari lamang gawin sa ilang pagkakataon gaya ng pagkain at sa well-ventilated sports activities. Sinabi rin ng DOH na nariyan pa rin ang COVID-19 virus at hindi pa tapos ang pandemic. Maaari pa rin umanong mahawa ng sakit lalo na ang vulnerable population.
Balikan na po natin si Professor Clarita Carlos. Magandang umaga po, Professor.
PROF. CLARITA CARLOS: Hi! Magandang umaga.
USEC. IGNACIO: Opo, paumanhin po kanina. Professor, ano po iyong naging reaksiyon ninyo sa naging pagpili sa inyo ni President-elect Bongbong Marcos na maging National Security Adviser?
PROF. CLARITA CARLOS: Siyempre I was deeply honored dahil ni-recognize ni President ang mga scholars tulad ng kaniyang mga economic team ‘no. That means na talagang igigitna ngayon natin ang science in decision making.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, nagkaroon na po kayo ng paunang pagpupulong kay President-elect Marcos, Jr. kamakailan. Anu-ano raw po ang mga napag-usapan?
PROF. CLARITA CARLOS: Nothing specific kasi we were just talking about many things, ano, education, anti-China, anti-Russia, Ukraine – ang dami-dami kasing pinag-usapan eh. So it was not exactly talagang tutok lang sa national security issue. Its just ano, broad areas of concern natin bilang isang bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, bigyan-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media, if I may, basahin ko na po. Tanong po ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: The NSA advises the President on all issues related to security, from counterterrorism to counterinsurgency to maritime security. Given daw po your background, do you believe you can live up to the challenge of the job as the NSA?
PROF. CLARITA CARLOS: Well, I believe so. Kasi geopolitics has been my area of research, as well as I’ve been teaching that for 1,000 years. And iyon nga eh, hindi ako dadapa sa isang gawain na hindi ko kaya.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Patrick de Jesus ng PTV: Madalas daw po ay former or retired military officer ang ina-appoint as National Security Adviser. Ano raw po ang magiging kaibahan ng approach under your leadership as NSA?
PROF. CLARITA CARLOS: Well, siguro, hindi siguro kaibahan kaya lang magdadagdag lang tayo ng additional focus on human security which is a social science perspective na hindi naman natin sinasantabi iyong military component. So it’s just a [unclear]; it’s just an enhancement of the concept of national security.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, tanong pa rin po mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: You recently had a statement daw po about the South China Sea and the Quad being the last thing on mind. Does it mean daw po that the Philippines is now has no interest in the Quadrilateral Security Dialogue which is a meeting among the United States, India, Australia and Japan meant to check China’s influence in the region?
PROF. CLARITA CARLOS: I think my statement has been taken out of context. It does not … we are not interested; we have not been invited. Plus the Quad is still trying to discover who it is dahil iyong Australia, Japan, US and India, ayaw talagang sumali ng India sa collective security arrangement dahil major ally siya ng Asia – lahat ng kaniyang armas including missiles ay binibili niya sa Russia. So nakita ninyo iyong kaniyang conflict diyan.
So it is just like the … na iyong Quad will become a collective security alliance ‘no, and later on baka maimbita tayo. So ang more likely pa na magkaroon ng military alliance ay iyong [unclear] pero I doubt din kung tayo ay isasali diyan.
Siguro ang best bet natin is still the ASEAN political security community with the plus, plus – iyong Japan, South Korea and China.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, tanong pa rin po mula kay Patrick de Jesus ng PTV: Just last night daw po, the DFA announced that another diplomatic protest was filed on the return of illegal Chinese vessels sa Julian Felipe Reef. Ganito rin po ang tanong ni Chino Gaston at Ivan Mayrina ng GMA News: Will the Marcos administration offer a new approach or will we follow the status quo?
PROF. CLARITA CARLOS: Well, we will continue to file diplomatic protest ‘no. Never mind that we are filing 10,000 of them because if you don’t, that means we acquiesce to the situation on the ground. But we would continue to do bilateral and multilateral talks with China and other powers because it’s not only China who is laying claims to the contested South and East China Sea. Let’s just continue to talk because the alternative is something unacceptable to all of us.
USEC. IGNACIO: Opo. How about daw po sa nangyayari ngayong hidwaan sa pagitan ng Ukraine at Russia, ano po ang nakikita ninyong mas malaking epekto nito sa bansa sakaling magpatuloy po ito? Ano rin po ang strategy ng bansa tungkol daw po dito?
PROF. CLARITA CARLOS: Can you repeat please because you were choppy again coming in? Puwede paki-repeat iyong question kasi hindi ko nakuha dahil choppy iyong pagdating sa akin.
USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin ko po: How about daw po dito sa nangyayari ngayong hidwaan sa pagitan ng Ukraine at Russia, ano raw po ang nakikita ninyong mas malaking epekto nito sa bansa sakaling magpatuloy ito? Ano rin po ang strategy ng bansa tungkol dito?
PROF. CLARITA CARLOS: Siguro we will take a mutual stance. Iyon naman talaga ang ginawa natin from the beginning, and we have a very robust relationship with Russia. And Russia might be able to supply us with our much-needed oil and gas ‘no, kasi nandiyan lang ang Russia. Ang Russia nasa north natin iyan and they’re also pivoting to our area. We should take advantage of that.
Pero kung magbibigay ako ng advice sa President, it should be na hindi tayo puwedeng mag-join sa sanctions mechanism na ginagawa ng US.
USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating naman daw po sa mga programang NTF-ELCAC, anong mga bagong programa po ang pinaplano at nais ninyong ipagpatuloy, Professor?
PROF. CLARITA CARLOS: Yeah, kasi hindi ko pa masyado siyang napapag-aralan dahil wala pa kasing briefing itong si NSA Esperon sa amin. So I’m practically blind so pag-aaralan ko pa siya nang mabuti. But the little that I know, there have been many successes on the ground, and those success will have to be replicated.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Rose Novenario ng Hataw: Makakatulong daw po ba sa paglutas ng insurgency ang red-tagging?
PROF. CLARITA CARLOS: Definitely not. I have repeatedly declared that red-tagging should be in fact be stopped because wala siyang katuturan, labelling people. Sa akin, bilang social scientist, when you use labels that means you are a lazy person because you don’t know how else to I.D. a person. So iyong labelling, wala namang katuturan iyan eh.
Lahat ng energy natin ay ilagay natin on the ground, you know, para i-pursue talaga iyong issues of injustice, issues of lack of opportunity and issues of the huge inequality between the poor and the rich people. Otherwise kapag hindi natin in-address ito, hahawak na ng baril iyong mga tao dahil wala na silang ibang solusyon sa problema nila, ‘di ba? That is what we are trying to prevent.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po mula kay Patrick de Jesus ng PTV: Have you communicated daw po with NSA Secretary Hermogenes Esperon for a transition meeting na?
PROF. CLARITA CARLOS: I think they are preparing for that and I hope they will do that as soon as possible because as I’ve said, I don’t quite know, except for publicly available documents of the NSA and the NSC, I really don’t know the inside dynamic of that office, so we need to have the briefing as soon as possible.
USEC. IGNACIO: Ano na lamang po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan, Secretary, Professor Carlos?
PROF. CLARITA CARLOS: Siguro po, huwag ninyo muna kaming husgahan sa aming gagawin dahil hindi pa po kami nakakaupo. Pag-aaralan po namin iyong istraktura ng aming opisina at kung ano po ang magagawa nito para sa ating human security.
Inuulit ko, ang national security po ay hindi lamang tungkol sa mga military engagement at tungkol sa mga bagay sa labas ng ating karagatan, beyond our shores, but it is really about human security, energy security, food security and the like.
USEC. IGNACIO: Professor, maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa amin at pagbibigay ng impormasyon. Professor Clarita Carlos, incoming National Security Adviser, salamat po!
PROF. CLARITA CARLOS: Sige. Good morning! Good morning sa inyong lahat!
USEC. IGNACIO: Salamat po. Good morning din po.
Disaster Resilience Act, isa sa mga prayoridad na panukalang batas na maisulong ni Senator Go. Aniya, mahalagang handa ang bansa sa pagtugon sa anumang uri ng kalamidad. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Kumusta na nga ba ang estado ng mga referral hospital sa kabila ng mga naitatalang kaso ng COVID-19? Aalamin natin iyan dahil makakasama po natin sa puntong ito si Dr. Bernadett Velasco, Medical Specialist III, Operations Manager ng National Patient Navigation and Referral Center (NPNRC). Good morning po sa inyo!
DR. BERNADETT VELASCO: Good morning po, Ma’am at good morning po sa lahat ng mga nakikinig.
USEC. IGNACIO: Doc Bernadett, ngayon pong kinikilala na bilang National Patient Navigation and Referral Center ito pong dating kilala rin sa tawag na One Hospital Command Center, ano iyong magiging pagkakaiba sa serbisyo na maaari daw pong maitulong nito sa ating mga kababayan?
DR. BERNADETT VELASCO: Kung matatandaan ninyo po, ang ating One Hospital Command Center [ay] nabuo po siya dahil po sa COVID-19 response. So, ngayon po, na-launch na tayo as the National Patient Navigation and Referral Center, so meaning to say po, hindi na lang po COVID-19 ang hina-handle natin but we also handle po non-COVID patients.
We also expanded po sa telemedicine natin or teleconsultation and lahat po ng mga medical assistance po na puwede nating i-provide sa community, tayo po ay nakikipag-coordinate sa proper agencies or offices.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kung may iba po silang assistance na puwedeng hilingin sa inyo, puwede rin pong tumawag sa landline, at papaano po ang magiging proseso at sistema dito, Doc Bernadett?
DR. BERNADETT VELASCO: Yes, Ma’am. So, kunwari ay kailangan po nila ng financial assistance sa mga bill nila sa hospital, we will coordinate po sa ating mga Malasakit Centers or sa mga agencies po na puwedeng mag-provide ng medical assistance.
So, basically po, tayo po ang nagko-coordinate ng mga cases po na ganito na idinudulog po sa ating opisina.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, sa usapin ng pandemic, may mga tumatawag pa rin po ba sa NPNRC sa kabila ng naitatalang mababang COVID-19 cases? Kung mayroon, ano po iyong kadalasang concern at aling mga lugar pa rin po iyong mga tumatawag sa inyo na may kaso ng COVID-19?
DR. BERNADETT VELASCO: Yes po, Ma’am, may mga nari-receive pa rin tayo na mga COVID cases. Most of them kasi alam na nila kung saan sila mag-stay. Kung kaya nila sa bahay, nagri-report na sila sa mga barangay officials nila o sa kanilang mga Barangay Health Center.
For those naman po na kailangan ng mga isolation facilities, then niri-refer po natin sila sa mga available po na isolation facilities. Mayroon din tayong natatanggap na mga suspects pa lang, so ito iyong mga mayroong sintomas ng COVID, so niri-refer po natin sila depende sa kanilang clinical condition – kung kailangan po sa ospital or puwede po sa mga isolation facilities or kung puwede rin po sa mga bahay nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kalimitan pong tumatawag ay dito pa rin po sa NCR, Doc Bernadett?
DR. BERNADETT VELASCO: Opo, karamihan po sa mga tumatawag sa atin, majority po ay galing po sa NCR.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kumusta po iyong estado ng ilang ospital, partikular dito po sa National Capital Region? Ayon po kasi sa PGH, congested na daw po sila dahil sa naa-admit na non-COVID patients kaya ang sistema po ay niri-refer po sila sa ibang ospital.
DR. BERNADETT VELASCO: Yeah, tama po iyon ‘no. Nakikita po natin na medyo napupuno na po iyong mga hospitals natin because of non-COVID cases po.
Katulad po ng experience natin before na kapag bumababa po ang mga COVID cases, medyo tumataas din po iyong mga non-COVID cases because dito po nakakapagpakonsulta po iyong mga chronic diseases natin or mga uncontrolled po na mga sakit ng tao. So, nakakapunta po sila sa mga emergency room or emergency department.
So, sa NCR, nakikitaan po natin na medyo tumataas po iyong occupancy rate natin. So, what we are currently doing po is nakikipag-coordinate din po tayo sa mga ibang regions so that they can also maximize po ang kanilang mga rooms or available services, so that hindi po lahat pumupunta sa NCR.
And also, within NCR po, we also maximize the use of the health services po natin or health facilities, so that hindi po lahat pupunta sa specialized cares katulad po ng Philippine General Hospital.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, inaasahan po bang magtutuluy-tuloy pa rin itong serbisyo ng NPNRC kahit na patuloy o mas bumaba na po ang kaso ng COVID-19 sa mga susunod na buwan?
DR. BERNADETT VELASCO: Yes, Ma’am, ‘no. We are aiming na maging official office po tayo sa NPNRC. But right now, we are still continuing po ang 24/7 services po natin so that ang community po natin ay may tatawagan anytime po na kailangan nila ng medical assistance.
USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay naman po sa pag-iingat ng Health Department sa posibleng pagpasok ng monkeypox sa bansa, ano daw pong paghahanda ang ginagawa sa bahagi ng NPNRC?
DR. BERNADETT VELASCO: So, sa ngayon po ‘no naturuan na natin iyong mga staff natin kung paano mag-identify ng monkeypox. And also we are starting coordinating din po sa mga facilities in case po na may makita tayong mga suspect or probable or confirmed cases ng monkeypox.
Nakikipag-coordinate na po tayo sa mga facilities kung saan natin puwedeng dalhin iyong pasyente.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Bernadett, pero ngayon masasabi ba natin na ito pong hospitalization rate natin kahit dito sa NCR at ibang probinsiya ay puwede nating sabihin na maluwag pa rin po or maayos pa rin?
DR. BERNADETT VELASCO: Sa ngayon po medyo paputok po iyong sa non-COVID cases pero in terms of COVID cases po medyo maluwag po tayo.
So, puwede po naman nating i-adjust iyong mga rules natin so that mas ma-accommodate po natin iyong mga non-COVID cases po natin in the emergency department.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Bernadett, kunin ko na lamang ang inyong mensahe sa publiko at pakibanggit na lang din po ulit iyong mga hotlines na puwede nilang tawagan na paalala natin na ito iyong dating One Hospital Command. Go ahead po, Doc Bernadett.
DR. BERNADETT VELASCO: Thank you po, ma’am.
So, ngayon po nasa pandemic pa rin po tayo. Nakakakita tayo nang mas mababang kaso but kailangan pa rin po nating mag-ingat.
So, iyong ating minimum health protocols kailangan ay sinusunod pa rin po natin. Ang pagsuot ng mask, paghugas ng kamay, at iyong social distancing or physical distancing natin, at iwasan natin ang pagpunta sa mga maraming tao. And then, of course iyong bakuna na in-emphasize ng Department of Health. Kailangan ay magpabakuna po tayo against COVID-19.
And ang aming panawagan lang po sa mga callers po natin, iwasan po natin na gamitin iyong mga hotline numbers or tumawag sa hotline numbers na mga prank callers po natin. So, we are reserving po ang aming numbers para doon sa mga nangangailangan po ng medical assistance.
So, ulitin ko po iyong number po natin it’s 1555. You can press 2 po para ma-connect kayo dito sa NPNRC. We also have Smart and Globe numbers. Ang Smart number po natin ay 0919-977 tapos apat na 3. And then our Globe number is 0915 and seven na 7 po.
We also have our Pure Force Citizens App wherein you can just download it po and then press the ambulance po so that you automatically be connected po sa isang call taker natin.
USEC. IGNACIO: Doc Bernadett, ulitin lang natin na ito po ay hindi lamang pang-COVID ano po? Ito po ay sa lahat ng mga pasyente na nangangailangan ng medikal na atensyon. Tama po ba, Doc Bernadett?
DR. BERNADETT VELASCO: Tama po, ma’am. Tama po. Pati non-COVID cases or kung may kailangan po kayo na medical assistance like gusto niyo magpa-schedule sa laboratory, sa outpatient department ay puwede po natin siyang i-facilitate and i-coordinate.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Doc Bernadett Velasco ng National Patient Navigation and Referral Center.
Manatiling nakatutok sa ating programa. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Isa sa patuloy na tinutugunan ng pamahalaan ay ang mga kaso ng child labor sa bansa. At sa pagdiriwang ng World Day Against Child Labor ngayong taon, anu-ano nga ba ang mga hinandang programa ng DOLE para diyan? Makakausap po natin si Attorney Ma. Karina Perida-Trayvilla, ang Director IV ng Bureau of Workers with Special Concerns. Magandang umaga po, Attorney.
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Magandang umaga po, Usec. Rocky at sa lahat po ng nanunood ng Laging Handa.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ano ba itong child labor at mga pinakamalalang uri nito?
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Yes po, Usec. Rocky. Ayon po sa ating batas Republic Act 9231, ang child labor po ay anumang uri po ng trabaho, economic activity na ginagawa ng isang bata na nag-eedad 17 pababa na lubha pong mapanganib o makakasama sa kaniyang kalusugan, sa kaniyang kaligtasan, at sa kaniyang physical, mental, and psychological development.
Ayon din po sa batas, mayroon po tayong kina-categorize na worst forms of child labor o ito na po iyong pinakamalalang uri ng child labor. At ito po iyong slavery o pag-aalipin ng mga bata kabilang na po iyong pagbebenta ng bata, paggamit din po sa kanila bilang pambayad utang, sapilitang pagtatrabaho, at pag-recruit upang maging bahagi po ng armadong tunggalian.
Ang mga bata po ay nasa worst forms of child labor din kung sila po ay ginagamit sa prostitution at pornograpiya. At kung sila din po ay ginagamit sa mga iligal na aktibidades at drug trafficking. Iyan po ay category din po ng worst forms of child labor. At anumang uri po ng trabaho na delikado sa kalusugan, kaligtasan, o moralidad ng bata.
Mayroon pong penalty. Ayon sa batas, kung sinuman po ang nagba-violate nito, sina-subject ang bata sa worst forms of child labor, mayroon pong pagkakakulong at fine na mabigat pong fine, ayon sa batas, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, batay po sa pinakabagong datos, ilang child laborer sa bansa at saang mga region po at industriya ninyo nakitang may pinakamaraming kaso nito?
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Ayon po sa official data natin mula po sa Philippine Statistics Authority, nag-conduct po sila noong December 2021 ng survey at naipalabas na po nila iyong report. Ito po ay tinatawag na Special Release on Working Child and Child Labor situation for the year 2020. At ayon po sa ating PSA, mayroon daw po tayong 872,000 working children sa bansa na may edad 5 years old hanggang 17 years old. At sa bilang pong ito, mayroon daw pong 597,000 na child laborers o 68.4% po ay pawang nasa child labor.
So ang report po, sinasaad din doon na mas marami pong mga kabataang lalaki ang nagtatrabaho kaysa sa mga kabataang babae, at ang mga edad po nito ay mula 15 to 17 years old. At sinasabi pa nga dito sa report na ito na karamihan sa mga batang ito ay nasa sektor po ng agrikultura.
At kung titingnan naman natin kung nasaan sila, karamihan po ay nasa Region X or Northern Mindanao, at sumunod po ang Region V o ang Kabikulan, pangatlo po iyong BARMM, sumunod naman po iyong Central Visayas at ang CALABARZON. Sila po ang mga rehiyon na naitala na may mataas na incidence ng child labor, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, ito ay tanong lang bilang isang magulang ‘no, maituturing po ba na issue na ng child labor ang isang batang tumutulong sa kaniyang magulang, katulad ng sinabi ninyo, sa agrikultura, so tumutulong sa pagtatanim iyan, sa pagsasaka, Attorney?
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Ayon po sa batas, pinapahintulutan naman po ng batas ang paggawa ng bata provided po na iyong ginagawa niya po ay under the supervision of the parents, and ang kanila pong economic activity ay pawang sila-sila lamang pong magpapamilya at in no case po na hindi po dapat sila ma-expose sa anuman pong hazardous working condition tulad po ng mag-endanger sa kanilang buhay, sa kanilang kaligtasan, sa kanilang morals and health, or ma-impair po ang normal development nila in such a way na hindi na sila pumapasok sa eskuwelahan.
Iyong kung agrikultura po ang pag-uusapan, Usec. Rocky, ikinalulungkot ko po na ang Department of Labor and Employment po ay naglabas po ng negative list na sinasabi natin na sa agrikultura ay maraming aspeto nito po ay hindi pa po puwede para sa mga kabataan na napakamura po ng edad at ang kanilang katawan po ay hindi pa po angkop para sa gawain ng agrikultura.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, bilang isang magulang din, mayroon bang pananagutan din ang magulang kapag iyong kanilang anak ay isinasabak na nila kaagad sa murang edad sa pagtatrabaho?
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Usec. Rocky, kung ang bata po ay in-engage po nila sa worst forms of child labor, na iyong sinabi po natin, mayroon pong penalty na sinasaad ang batas na pagkakakulong. Mabigat po iyong pagkakakulong kung worst forms of child labors. Sinasabi po na 12 years to 20 years imprisonment or a fine of 100,000 to one million or both fine and imprisonment.
Pero kung ang child labor naman po ay iyong kinu-consider po nating other forms of child labor na hindi po worst, tulad po ng ating mga child actors. Kunwari, hindi po kumuha ng working child permit or hindi po sumunod sa takdang oras na sinasabi ng batas, kunwari po below 15 ay nagtrabaho more than four hours per day or more than 20 hours per week, ang penalty pong nakasaad din po sa ating batas ay mayroon po siyang six months and one day to six years imprisonment or a fine of 50,000 to 300,000.
Pero kung parent po ang nagba-violate, ang nakasaad po sa batas na ito ay may fine lang po na 10,000 to 100,000 at community service po. At kung tatlong beses naman po silang nag-commit, similar act na pino-prohibit ng batas, iyong community service po nila ay puwedeng maging isang taon.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumpara po sa mga nagdaang taon, kumusta po ang estado at kaso ng child labor sa bansa? At kung pagbabasehan po iyong inyong datos, may naging epekto rin po ba dito iyong COVID-19 pandemic?
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Totoo po iyon, Usec. Rocky. Iyon nga po ang hinihintay po natin na kakalabasan naman po ng 2021 statistics ay kinakatakot po natin na baka tumaas po. Sa ngayon po, ang data pa lang po natin ay 2020. So practically po, hindi pa po natin nako-cover iyong 2021 na talagang kasagsagan ng pandemya.
Pero maibalita ko lang po, Usec. Rocky, na noong nagsimula naman pong mag-survey ang ating PSA mula 2017, bumaba po iyong kaso ng child labor hanggang 2020. Iyon na lang pong period ng 2021 at saka 2022 ang binabantayan po natin. Kaya nga po puspusan po tayo doon sa ating mga kampaniya at sa ating mga provision of necessary services para sa ating mga child laborers hanggang sa maialis po natin sila sa ganiyang sitwasyon, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may nabanggit kayo na medyo bumaba iyong child labor na datos, ano po iyong nakita ninyong dahilan ng pagbaba?
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Usec. Rocky, isang malaking bagay dito ay iyong pag-sign po ni President Duterte ng executive order na nagtalaga ng National Council Against Child Labor. Dati po kasi, isa lamang itong committee; ngayon po ay mayroon na tayong council. At doon po, sinabi ni President Duterte na i-upscale ang ating efforts to address the worst forms of child labor and as well as other forms.
So, kumbaga nag-volt in po ang mga ahensiya sa pangunguna po ng DOLE at ang ating vice-chair, ang DSWD, kasama ng maraming ahensiya ng gobyerno at mga social partners natin tulad ng employers’ organization, workers’ organization at NGO po na may concern sa pagbibigay ng mga programa sa child labor.
At doon po sa mga nakita nating datos patungkol sa mga bata, mayroon po silang mga pangangailangan na tinugunan po ng ating mga partner agencies. Halimbawa, sa ligal na aspeto, ito ay naidulog natin sa ating DOJ dahil miyembro sila; sa health aspect naman po, ang DOH; at kung sa livelihood po, nandiyan naman po ang DOLE at DSWD – livelihood po para sa mga magulang o guardian ng mga bata na nasa child labor.
So sa tingin ko po, kung sama-sama talaga, we adopt a whole-of-society approach, iyong ating minimithi pong child labor-free Philippines ay hindi naman ho malayong abutin, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ulitin lang natin: Kasi itong epekto ng pandemic, marami po sa mga magulang o sa ating mga kababayan ay nawalan ng trabaho. Ito po ba ay nakita natin na nagkaroon ng pag-angat iyong datos ng child labor sa bansa?
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Iyon pong data po kasi na tinitingnan po ng Department of Labor and Employment ay 2020 po, wala pa po tayo ng 2021. Kung ikukumpara po kasi natin iyong child labor noong 2011, mayroon tayong two million, over two million; noong 2017, mayroon lang tayong one million. At ngayon pong 2020, more than half million na lang po ito, although marami pa rin po itong number na ito.
So ang tinitingnan po natin talaga, ang binabantayan natin ay iyong mailalabas po na 2021 pong data, iyon po ang kailangan natin—sorry po, 2022 data.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ano ba itong sinasabi namang World Day Against Child Labor?
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Ang World Day Against Child Labor po, Usec. Rocky, ito po iyong itinalaga ng International Labor Organization na ang June 12 ay isi-celebrate po natin na World Day Against Child Labor upang bigyang-atensiyon ang pandaigdigang isyu po ng child labor at mabigyan po natin ng diin iyong mga programs, initiatives and advocacies ng iba’t ibang bansa, katulad ng Pilipinas upang wakasan po ang child labor.
So nakikibahagi po dito sa selebrasyon na ito ang mga national government agencies, ang employers’ organization, trade union’ association, civil society at ang mga milyun-milyong bata sa mundo.
So every June 12 po, kasabay po ng Araw ng Kalayaan, tayo po ay nagko-commemorate ng World Day Against Child Labor. So, para mas lalo po nating mabigyan ng atensyon ang child labor sa ating bansa, mayroon po tayong iba’t ibang activities sa buwan ng Hunyo para makiisa po sa ating kampanya laban sa child labor at para na rin po madagdagan ang kamalayan na mapalawak pa ang kamalayan ng publiko tungkol sa isyu na ito, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ano daw po ang mga tema at gawain noong mga nakaraang taon na pagdiriwang naman ng World Day Against Child Labor?
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Usec. Rocky, noon pong pinakauna nating celebration is 2002. Ang tema po noon ay “A Future without Child Labor.” Mayroon po tayong mga gift giving activities. Mayroon din po tayong mga games na inihanda para sa mga kabataan. At iyong mga sumunod po na taon ay iba-iba na ho ang naging tema tulad ng “Trafficking in Children,” tema ng child domestic labor, mga child laborers sa mining and quarrying at iyong sa agriculture. And then of course, iyong tema ng edukasyon as a recurring theme.
So, from 2002 hanggang 2021 ay mayroon po tayong mga tema na tulad ng nasabi ko at ang mga ginagawa natin ay hindi lang gift giving, mayroon din tayong mga forum, mayroon tayong mga commitment signing against child labor at mayroong mga photo and film contest. Iyong nakakatuwa noon ay mayroon din football clinic, in-engage natin iyong dalawang Younghusband noon na mga players sa football at nagturo sila ng football sa ating mga child laborers.
Of course, in 2020, iyong ating tema is of course COVID. We made sure na ang ating mga kabataan at kanilang magulang ay there are appropriate interventions sa COVID-19 pandemic.
And of course, in 2021, mayroon tayong ginawang mga online activities mula noong 2020 and 2021 dahil nag-shift nga tayo at mayroong constraints sa face-to-face interactions. Nag-shift po ang lahat ng online activities kaya nagkaroon tayo ng mga webinars, mga pa-contest, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito naman po, ano daw po iyong tema at anong mga gagawin na dapat na asahan ng publiko sa pagdiriwang naman ng 2022 World Day Against Child Labor?
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Usec. Rocky, ang ating tema naman ngayong taon ay “Karapatan at Kalagayan ng Batang Manggagawa: Sagipin, Tugunan, at Protektahan ng Bayan.” Ito po ay nakabatay po sa pandaigdigang tema na Universal Social Protection to End Child Labor.
So, we are calling on a comprehensive social protection programs and systems para po sa ating mga kabataan, child labor dahil we see it as a very critical role para po maprotektahan po natin lalo ang ating mga kabataan.
So, hinihikayat po natin ang publiko na makiisa sa advocacy nating ito, sa temang ito at tugunan ang mga kailangan at pangangailangan ng ating mga child laborers at ang kanilang pamilya.
So, Usec. Rocky, marami po tayong mga inihandang activities ngayong taon. Dahil nga po medyo bagu-bago pa lang iyong National Council Against Child Labor dahil na-sign po ito noong 2019 ni President Duterte, tayo po ay nagpa-contest ng logo ng National Council Against Child Labor. Mayroon din po tayong mga online campaigns on materials about child labor. Mayroon din po tayong mga radio plugs and guestings, mga short documentaries. In fact, mayroon din pong Children’s Congress na isasagawa in partnership with NGOs. At ang atin pong mga specialized bodies po iyong mga councils na nagpu-focus sa child protection ay magkakaroon po ng National Stakeholders Council Summit this June 15 to 16.
At mayroon din po tayong culminating activities sa June 27. Ang DOLE po ang mag-spearhead nito at magkakaroon po ng talakayang pambata, announcement po ng logo making contest winners and marami pong mga samu’t saring activity. Then, sa ating regional offices mayroon silang film making contest, gift giving activities o iyong Project Angel Tree and of course iyon pong pag-a-award natin ng livelihood sa mga parents at guardian ng child laborers, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang, Attorney, ano daw po itong #BatangMalaya Campaign?
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Ito po iyong ano natin, Usec. Rocky, official campaign brand na lahat po ng initiative na ginagawa natin, ng National Council Against Child Labor, mga members nito pati na po iyong mga specialized bodies on child protection and the annual celebration of World Day Against Child Labor, dito po natin iniipon at doon po nila makikita iyong lahat ng information. At para din ho makita ng publiko, we engaged the netizens, ano po iyong ginagawa ng government when it comes to addressing the issue of child labor because we dream of a child labor-free Philippines which is an initiative po under the Philippine Program against Child Labor.
So, layunin po nitong branding na ito na #BatangMalaya na sugpuin ang child labor at adbokasiya upang ang bawat bata ay malayang maging bata, malayang maglaro, makapag-aral, maging ligtas at malusog, at malaya mula sa mapang-abusong trabaho.
So, Usec. Rocky, para lang po sa karagdagan na mga updates o details ng activities natin ngayong taon, bisitahin lang po nila ang #BatangMalaya sa Facebook.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, Attorney Ma. Karina Perida-Trayvilla ng DOLE Bureau of Workers with Special Concerns. Salamat po, Attorney.
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Thank you, Usec.
USEC. IGNACIO: Samantala, nagsagawa ng monitoring visit si Senator Bong Go sa Malasakit Center sa Tagum City, Davao del Norte nitong Miyerkules. Pagtiyak ng Senador, ang pagsusulong ng mga batas na puprotekta sa kapakanan ng mga healthcare workers sa bansa.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Dumako naman po tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan. Puntahan natin si Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo-Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo-Pilipinas.
Davao City Health Office, pinaigting ang kampanya laban sa dengue at mosquito-borne diseases ngayong panahon ng tag-ulan at dumarami na naman ang kaso ng Chikungunya. May ulat din ang ating kasamang si Hannah Salcedo mula sa PTV-Davao.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Bago po ang opisyal na pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay patuloy ang pagpapasalamat at pagkilala ng Pangulo sa mga sumusuporta sa kaniya at maging sa kaniyang Gabinete. Ikinatuwa naman ng ating mga kababayan ang paglalaan ng oras ng Pangulo para sa kanila. May report po ang aming kasamang si Mela Lesmoras.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita, talakayang tampok namin ngayong araw.
Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center