Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
By Albert Sebastian — DZRB
14 August 2016
 
SEBASTIAN: Magandang umaga, sir.

SEC. ANDANAR: Hello! Good morning, Albert.

SEBASTIAN: Yes, sir. Good morning, sir.

SEC. ANDANAR: Good morning sa lahat ng nakikinig dito sa Radyo ng Bayan. Magandang Linggo po sa inyong lahat.

Okay, Albert, mayroon tayong magandang balita para sa mga kababayan natin. Ito po ay mula sa datos ng Philippine National Police na ipinadala po sa atin ng Kampo Crame, ni Police Senior Superintendent Dionardo B. Carlos, ang OIC po ng Philippine National Police Public Information Office, at ito po ay may kinalaman sa crime rate ng ating bansa. Patuloy na umaani ng positibong resulta ang kampanya kontra droga at krimen ng kasalukuyang administrasyon. Isang buwan matapos umupo sa Malacañang si Presidente Rodrigo Roa Duterte, bumagsak ang incident ng crime sa 50,817 noong Hulyo 2016 kumpara sa 56,339 na insidente ng krimen nitong Hulyo 2015. Base po ito sa talaan ng Philippine National Police.

Malaki rin ang naitalang pagbaba sa index crimes katumbas sa 31% na mula 17,105 na insidente noong Hulyo noong isang taon ay pumalo ito sa 11,800 na insidente ngayong Hulyo ng taong kasalukuyan. Patunay ito na ang matapang na solusyon at mabilis na aksyon kung saan nakilala ang ating Pangulo ay hindi lamang slogan noong panahon ng kampanya. Ito ay isang pagbabagong mararamdaman ng lahat ng Pilipino saanmang sulok sila ng bansa, hanggang sa pinakaliblib na baranggay kung saan may droga at krimen, Albert.

SEBASTIAN: All right. Okay, sir. Thank you very much for the statement.

SEC. ANDANAR: Iyong buong statement, Albert, ay ipapadala natin sa Malacañang Press Corps. At kung mamarapatin mo lang ay ito po iyong highlights ulit ng report ng ating Philippine National Police – Philippine Information Office: Iyong crime volume noong Hulyo 2016 – 50,817, bumaba po ito ng 5,522 incidents. Ito po ay may katumbas na 9.8% kumpara noong July 2015 na nagtala po ng 56,339. Iyong index crime, bumaba po ng 5,305 incidents or 31% decrease – from 17,000 to 11,800 reported incidents. At iyong crimes against property, bumaba po ng 4,476 incidents o may katumbas po na 40.3% noong July 2016 kumpara po noong July 2015 na mayroon pong 11,106.

So ito po ay very detailed, kung makikita ninyo po iyong report. Iyong crime against persons, bumaba po ng 829 incidents or may katumbas po ng 13.82%. Iyong Top 3 na most prevalent crimes in July 2016 ay theft, physical injury at robbery ‘no. Iyong crime against property, bumaba po ng 40.3% — so 4,476. Kumpara po noong last year, ito po ay 11,106.

So, ipapadala po namin iyong detailed report ng Philippine National Police sa Malacañang Press Corps.

SEBASTIAN: All right. Okay, sir, well, thank you very much for your time. We will just advise the Sunday Group of Malacañang Press Corps to address some other questions na lang po kay Secretary Abella.

SEC. ANDANAR: Oo, tama, Albert. At panawagan po natin sa ating mamamayan na patuloy po tayong makipagtulungan sa ating Philippine National Police para mas lalo pong bumaba ang krimen ng ating bansa. At ang pangako po ng ating Pangulo ay within three to six months ay malaking bawas po kung hindi masawata na po itong iligal na droga sa ating mga lansangan, at maibabalik na po ang mga lansangan natin sa kabataan. Hindi po tulad noong mga nakaraang taon na napakadelikado po ang ating mga kalye para sa kabataan upang sila ay maglaro.

Kaya patuloy po tayong makipagtulungan sa Philippine National Police. At uulitin ko po, para sa detalye ng ating crime incidents for the month of July 2016 ay ipapadala po natin sa ating Malacañang Press Corps. 
Maraming salamat, Albert. Mabuhay ka.

SEBASTIAN: All right. Thank you very much Secretary Martin Andanar. All right, iyan po si PCO Secretary Martin Andanar. Well, pasensya na po sa ating mga kasama diyan sa Malacañang Press Corps, as per advise po ni Secretary, all other questions raw po, puwede na raw pong i-direct na lamang kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella. Iyan po ang mensahe, ang advise po sa atin ni Secretary Martin Andanar. Sa ating mga kasama diyan sa Sunday Group, ako po’y humihingi ng paumanhin, doon po sa ating mga questions hindi na po natin maitanong. Idi-direct na lang daw po kay—or puwede ninyo na pong i-direct or i-text kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)