Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Pagdaraos ng ika-110 International Labor Conference sa Geneva; estado ng micro, small and medium enterprises; at usaping lupa – ilan lang po iyan sa ating pag-uusapan maya-maya lamang.

Manatiling nakatutok. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Kumustahin natin ang estado ng pagnenegosyo sa bansa partikular ang mga MSMEs. Ano nga ba ang naghihintay para sa kanila sa pagpasok ng susunod na administrasyon? Makakasama po natin si Secretary Joey Concepcion, ang Presidential Adviser for Entrepreneurship. Magandang umaga, Sir Joey.

SEC. JOEY CONCEPCION: Magandang umaga, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, nananatili tayo sa Alert Level 1, ito pong Metro Manila. Pero may ilan pong nagsasabi na dapat daw po ay itaas ito sa mas mahigpit na restriction dahil sa tumataas na cases, ano po ang masasabi ninyo rito, Sir Joey?

SEC. JOEY CONCEPCION: Ang importante ngayon ay hindi iyong pagtaas ng infection level. Kasi alam naman natin iyong Omicron ay mild; within five days that you get sick ‘no, it could take five days of quarantine and then after that mukhang okay ka na. I mean, I don’t know of anybody who has been hospitalized ‘no. Definitely, marami akong kaibigan that are getting COVID today, but halos asymptomatic lahat sila.

So ang pananaw ko rito, we should only be concerned and maybe raise alert levels if the hospitals start to get full. And ngayon, lahat ng doktor ay nagsasabi na ang daming pasyente na nasa ospital pero lahat sila ay walang COVID ‘no. So I don’t think we should be alarmed. I think Omicron is highly infectious but very mild and we’ve seen that in the early part of this year nang nag-surge iyong Omicron dito sa atin. Pero nakita natin, palagay ko nagbigay rin ng natural immunity sa mga tao rin natin – kaya medyo bago noong election campaign ay marami na rin – halos parang bakuna na rin iyan eh. Na-infect and then they have this natural immunity, kaya iyong halos moving these past few months, mababa iyong infection despite of all the rallies ‘no. So Omicron is a variant that, to me, is a blessing in a sense ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero dahil, Sir Joey, sa tumataas nga daw po na kaso at sakaling – sakali lang po ‘no – mailagay nga po tayo sa mas mataas na alert level, isinusulong po kasi ng ilan na ibalik iyong work-from-home set up. So ano po ang masasabi ninyo dito, Sir Joey?

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, iyong private sector, dapat siguro they should make the call ‘no, whether they allow some work-from-home. Katulad sa kumpaniya namin, Friday today, we are doing work-from-home. Pero Monday to Thursday, lahat sila kailangang pumasok sa trabaho especially iyong people who are manning the plants, ang mga makina namin, kailangan pumunta sila sa pabrika or else hindi aandar ang planta namin at mas lalong magiging problema iyong food supply natin dito sa bansa.

So iyon ang tingin ko. Siyempre, may ilan diyan dahil masyadong mataas iyong presyo ng gasolina kaya medyo bumaba iyong mobility natin sa mga kotse, halos walang trapik ‘no. Pero iyon ang sinasabi ko na malaking problema na papunta sa atin ay itong rise in prices. Iyon talaga ang situation that I see, moving forward, and that rise in prices will affect consumer’s demand for our products and will cause a slowing down of the economy if this continues.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, kamakailan naman ay naiulat iyong optional na paggamit ng face masks sa outdoor area. Pero para po sa business community, ano po ang opinyon ninyo dito? Kayo po ba ay pabor dito?

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, since the Duterte Administration has mandated the wearing of face masks in outdoor, dapat sundin natin. At bigyan natin ng respeto na itong panukala nila na until this administration ends – and it’s going to end at the end of this month – let’s respect the rules.

And I think in the next administration, pag-usapan natin. At noong nag-meeting kami ni President-elect BBM, he is open to the idea naman. Ang tingin ko naman dito, on outdoor settings, palagay ko let’s allow the LGUs to decide whether face mask is required. In my own judgment, face mask outdoor should be encouraged but not mandated.

Now, indoors, we should really insist that they continue to wear face mask ‘no, indoors ‘no. Sa ibang bansa, sinabi ko rin na halos wala ng face mask both indoors and outdoors, pero I don’t think we should move into that level of risk ‘no. Indoors, we should still continue to insist that our people wear face mask inside restaurants and malls, etc., but outdoors, bigyan natin ng leeway ang LGU natin to decide on that.

USEC. IGNACIO: Opo. Tutungo po ako maya-maya lamang doon po sa naging pulong ninyo with incoming President Bongbong Marcos. Pero ngayon po, hingiin ko lang din po iyong assessment ninyo sa estado ng bakunahan sa bansa bagama’t medyo mababa po ang turnout. Sir Joey, sa tingin ninyo ay acceptable po ba iyong bilang ng mga nababakunahan na ngayon?

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, sa primary doses, halos malapit na tayo sa 75%, pero matagal na iyan so medyo waning na ang immunity noon. Iyong first booster shot, halos mababa sa 20%. So malayo pa rin tayo sa first booster shot ‘no; at second booster, problema pa rin iyan ‘no.

So our citizens should really be encouraged to take the boosters kasi nagbibigay siya ng protection ‘no against severe infection and death. And there are chances that it can also prevent us from infection pero [garbled] diyan ‘no.

So I am encouraging our citizens to take the first booster especially ‘no, we will not be able to travel out of the Philippines to other countries kung wala kang primary dose at first booster shot.

Sa second booster, we are appealing to HTAC to allow the 50 years old and above to be allowed to take the second booster – kasi may mga bakuna para sa mga empleyado namin ‘no at nag-i-expire na siya and before it expires, we want to give to it our employees who are 50 years old – pero naka-deadlock tayo dito, ayaw pumayag ng HTAC. Sana iyong DOH will override this kasi masasayang din ang mga vaccines na binili namin para sa mga empleyado namin.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon na nga po, nabanggit ninyo kanina, nag-meeting na po kayo with President-elect Marcos, Jr. kamakailan. Pero ano po iyong plano ni incoming President para po sa mga MSMEs sa bansa?

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, the MSMEs are, you know, he knows the importance. This sector is basically 90% of the business community. They contribute 62% of job generation in the Philippines. At alam naman natin at alam ni President-elect BBM na they have to face one of the toughest challenges in this pandemic – marami sa kanila na nalugi dito sa pandemic dahil sa mga lockdowns.

And iyong banking community, importante iyan sa mga MSMEs kasi iyong working capital ay hindi kasing laki ng working capital ng mga malalaking corporations. Siyempre iyong banking community ay mas mataas iyong kumpiyansa nila sa mga larger companies, so tutulong si President-elect BBM.

Alam naman niya that to create an equal opportunity for all Filipinos and create greater prosperity for all and improve the poverty level in this country, the only way to help our MSMEs succeed, is to do better in surviving these current challenges. And the next challenge we face ‘no, is the Ukraine-Russian conflict which is creating a lot of increase in cost of our raw materials, everything – from electricity, from fuel, from basic food commodities, lahat ng presyo at ang laki nang itinaas.

At nakakatakot siya kasi this can lead to a slowdown in purchasing power of our consumers, kasi they have limited basket that they can afford. Now, kung tataas iyong mga produkto natin by 15, 20 or even 30% — gasolina halos dumoble – so talagang tatamaan dito iyong consumer. Kung tatamaan ang consumer, hihina iyong consumption nila then our growth rates will not be attained. Our target is at 7% considering our GDP is about 63%, this will be a bigger challenge for the country.

So, na-discuss ko rin kay President-elect BBM, na ako, ang pananaw ko dito, iyong rising prices is a bigger concern than the pandemic which I believe is moving towards an endemic state ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating po, Sir Joey, sa pagbili ng bakuna ng mga negosyante, kasama rin po ba ito sa napag-usapan ninyo ni incoming President [Bongbong Marcos], Sir Joey?

SEC. CONCEPCION: Yes. The [State of] Public Health Emergency, I was telling the President-elect na siguro ay dapat pag-aralan natin iyan and maybe we can shift out of it kasi nasa [State of] Public Health Emergency pa rin tayo. I believe that we don’t need that anymore.

And I know the concern is the government’s ability to fund the vaccine purchase pero kapag nawala iyan, ang [State of] Public Health Emergency, then partially, part of that responsibility can be transferred to the private sector and the people itself who can afford ‘no. So, kami na rin ang bibili ng mga bakuna.

Now, itong mga vaccine manufacturers, they would just have to apply for CPRs (Certificate of Product Registration) for their bakuna and they can sell now directly to the drugstores. And the government will not need to indemnify and guarantee vaccine manufacturers. Kung mayroong mangyari, they will shoulder the cost.

Now, it will be the vaccine manufacturers who are making money out of these vaccines to be able to take care if anything happens ‘no and we have already taken these vaccines anyway.

So, iyon ang importante, iyon ang pinakamalaking benefit na the burden of purchasing the vaccines will not be only with the government but will be transferred to the citizens itself who can afford.

Now, iyong mga citizen natin na hindi kayang bumili ng bakuna, maybe that’s where the government can continue its vaccination program. So, it will be parang a shared responsibility between the private sector, the citizens and the government ‘no.

So, that is the whole idea of moving out from a [State of] Public Health Emergency back to transferring this role to both the vaccine manufacturers and the private sector.

USEC. IGNACIO: Opo. Nakita ko lang po sa newsfeed, Sir Joey, na nabanggit ninyo po na ang AstraZeneca ay magpa-file po ng application para po sa Certificate of Product Registration. Ano po ang mga detalye nito, Sir Joey?

SEC. CONCEPCION: Well, according to the CEO, Lotis Ramin, na AstraZeneca will soon be filing the CPR ‘no. At sa palagay ko, the FDA (Food and Drug Administration) will definitely approve it kasi we’ve inoculated millions of people already with AstraZeneca. And likewise with Moderna and Pfizer, they’ve already been given to our people, so I don’t see any reason why the CPRs will not be approved and they can now sell it to the drugstores and the people, upon getting a prescription from their doctors, they can buy these vaccines. Katulad ng ginagawa natin sa pneumonia, sa shingles shots, sa flu shots, tayo naman ang bumibili noon ‘no. Sometimes the government helps in the case of those who cannot afford.

So, I think that is the transition that I’m saying, that we eventually have to move there and to do that, is you have to remove the [State of] Public Health Emergency ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, kuhanin ko na lamang iyong inyong mensahe sa ating mga kababayan. Go ahead po, Sir Joey.

SEC. CONCEPCION: So, we’re now moving towards the transition of the next administration and I think I’d like to thank President Duterte for really doing a great job especially in this pandemic. Iyong private-public partnership namin with Secretary Galvez and Secretary Duque; iyong pagbili ng mga PCR equipment, sa mga bakuna at deployment; and all the support that the private and public sector have. You know, itong teamwork, has brought us to this level where we are today ‘no, na maski tumataas ang inflation level, under control tayo, huwag tayong matakot.

All the doctors are saying that hindi napupuno ang ospital. Mas maraming pasyente ngayon diyan na hindi COVID ‘no. So, I think this administration deserves the congratulations for a job well done and again, to the President, for really supporting the MSMEs.

We will continue to work with President-elect Bongbong Marcos to ensure that our micro, small and medium entrepreneurs will continue to grow under his administration.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong paglaan ng oras sa amin, Secretary Joey Concepcion.

SEC. CONCEPCION: Salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, ilan pang personalidad ang pinangalanan na magiging miyembro ng Gabinete ni President-elect Bongbong Marco. Magsisilbi si dating Senate President Juan Ponce Enrile bilang Presidential Legal Counsel. Si dating AFP Chief-of-Staff Jose Faustino Jr. naman po ay na-nominate bilang Senior Undersecretary at OIC ng Department of National Defense ngunit sa Nobyembre pa ito magiging kalihim ng DND bilang pagtalima po sa one year ban sa appointment ng mga retired military officers sa ilalim ng RA 6975. Panghuli po ay si outgoing Justice Secretary Menardo Guevarra na magsisilbi naman bilang Solicitor General. Sa isang statement, kinumpirma ni Guevarra na tinanggap nito ang nominasyon bilang Solicitor General-designate sa kanilang pulong ni President-elect Marcos kahapon.

Bago pa man maging senador, nagsilbi munang aide sa Pangulo ang malapit na kaibigan ni Pangulong Duterte na si Senator Bong Go. Bago tuluyang bumaba sa puwesto ang Pangulo, balikan po natin ang ilan sa mga ipinagmamalaking programa ng administrasyon. Pagtitiyak ng Senador, ipagpapatuloy niya ang mga nasimulan ng administrasyon:

[AVP]

USEC. IGNACIO: Ilang mga magsasaka at volunteer ang hinuli kamakailan sa Concepcion, Tarlac matapos po ang kanilang isinagawang pagtitipon sa Hacienda Tinang. Hinaing nila, ilang taon na po ang nakalipas ay hindi pa rin naipapamahagi sa mga magsasaka ang kanilang mga lupain.

Kaugnay niyan ay makakasama po natin si Assistant Secretary John Laña ng Department of Agrarian Reform. Magandang umaga po, Asec.

DAR ASEC. LAÑA: Magandang umaga po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec, para malinaw lang po ano, may natanggap po ba kayong notice na magsasagawa ang ilang magsasaka natin ng pagtitipon noong June 9? Ano po ang naging reaksyon ng DAR sa nangyari pong gulo doon?

DAR ASEC. LAÑA: Okay. Ma’am, to give you background of that case, the Department of Agrarian Reform has awarded 236 agrarian beneficiaries in Tinang on September 26, 1995.

In short, the struggle of farmers to have their individual title has been around for more than 27 years at natulog po ito, Ma’am, for the past 27 years and only during the time of our Secretary Bernie Cruz wherein he issued a Special Order creating a Task Force (Task Force Tinang) to conduct validation on the 236 collective CLOA holders.

And I am the Vice Chair of the Task Force and on May 23 to 25, we went to the area and conducted a revalidation of the 236. The purpose, Ma’am, of revalidation is to identify sino ba talaga iyong qualified at iyong hindi na qualified.

USEC. IGNACIO: Mga ilan pong farmers itong pinag-uusapan natin?

DAR ASEC. JOHN LAÑA: We are talking about two 236 farmers with that 200 hectares of agricultural land. And then, Ma’am, gumawa po kami ng validation – three days – and actually mayroon na po kaming findings sa out of 236 kung sino iyong initially qualified at kung sino iyong nagbenta, sino iyong hindi naman talaga nagtrabaho at the very start.

Actually, Ma’am, after the validation is maglalabas po sana kami ng mga listahan kung sino iyong qualified but unfortunately bigla pong nag-ano.

USEC. IGNACIO: Iyan na nga po ang susunod kong tanong. Bakit daw po umabot sa umano’y dahas itong pagkakaaresto sa ilang mga individual? May kinalaman po ba diyan, kasi sabi ninyo nga bago ninyo pa ilabas iyong listahan ay ganoon na po ang nangyari, Asec?

DAR ASEC. JOHN LAÑA: Yes po, Ma’am. Ano kayang magandang term ko ‘no – inudyukan ng ibang grupo? Kasi, Ma’am, nag-rally pa nga ito sa DAR Central Office at hinarap ko po sila kaya medyo nakipagdebate pa po ako doon sa lider nila na nagsasabi na wala kaming kuwenta sa DAR.

Bago lang po kasi ako, Ma’am, sa DAR. I was appointed in DAR noong February 10 this year. Galing po ako sa National Anti-Poverty Commission. So, my orientation is more on mga marginalized na mga grupo.

So, Ma’am, almost 100% of the people in the kubol, may kubol kasi iyan, Ma’am. There are three groups na nandoon, iyong 94 na nasa kubol and then mayroon din doon sa mga barangay hall.

So itong nasa kubol, noong tinanong ko sila, Ma’am, na “Naniniwala ba kayo na si Asec. John Laña ay kayang mag-deliver, na i-install namin kayo. Bigyan lang ninyo kami na bago mag-end ang June 30.” Nagtaasan sila po ng kamay, “Naniniwala kami,” sabi nila.

And then nagtaka po ako, Ma’am, the following day aba’y nagkagulo na doon. And actually, Ma’am, it was the former Congressman Noel Villanueva who informed me na binubuldos po iyong mga tubo. Tinanong niya ako sabi niya, “Asec, alam ninyo po ba ito na binubuldos iyong mga tubo?” Sabi ko, “Hindi.” “May approval po ba ito sa inyo?” “Hindi po.”

So iyon, Ma’am, then later nabalitaan lang po namin na may mga pulis na po doon. And based on the report, there were 97 na naaresto on June 9, 2022 at 13 lang naman dito, Ma’am, ang napaloob sa collective CLOA. The rest po ay hindi po mga farmers, mga estudyante daw ito, Ma’am, galing pa ng UP, Quezon City and Nueva Ecija and I don’t know kung ano.

Basta kami, Ma’am, based sa aming investigation, out of 97 na naaresto, 13 lamang po dito ang mga farmers.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero hanggang ngayon po ba ay may naka-detain pa dito sa mga magsasaka o volunteers na sinasabi ninyo? May isinampa po ba kayong reklamo dito sa pangyayaring ito, may nasampahan ng reklamo?

DAR ASEC. JOHN LAÑA: Actually, Ma’am, hindi po kami ang nagreklamo. Sinampahan po sila ng mga taga-kooperatiba na nagki-claim na kanila iyong mga tubo, okay. So, sinampahan po sila ng kasong malicious mischief, obstruction of justice, and illegal assembly.

Now, all of these three cases, Ma’am, has nothing to do with about agrarian disputes. Because, Ma’am kung titingnan po natin ang law, mayroon po kasi, Ma’am, na DAR, DILG, and DND agreement o circular noong 2002 na nagbabawal sa PNP na makisawsaw, mag-intervene on any agrarian disputes without prior consent from the Secretary of DAR or from the Department of Agrarian Reform Adjudication Board.

But ang tingin ko dito, Ma’am, ang kaso namang sinampa sa kanila ay malicious mischief, obstruction of justice, and illegal assembly.

Now, ayaw ko, Ma’am, mag-comment dito sa mga sinampang kaso but ang alam ko ay na-release na po sila at today, Friday, ay mayroon po silang arraignment.

Now, I would like also, Ma’am, to take this opportunity to inform the public that today ay maglalabas po ang Task Force Tinang ng tarpaulin doon sa areas ng Tinang kung sino iyong initial na mga qualified na magiging beneficiaries natin. These are more or less 177 initial na mga names. And that we are giving seven days for the people to comment and react and then after that, Ma’am, kung wala po silang violent reaction to that then maybe we can proceed with the installation of our farmers.

Ibig sabihin, Ma’am, kung ano po ang pinangako ni Secretary Bernie Cruz at ng Task Force Tinang headed by our Undersecretary Attorney David Erro ay tutuparin po namin although binanggit ko na rin ito, Ma’am, sa mga tao na hindi magtatagal at ia-award po namin, ii-individualize po namin, Ma’am, iyong CLOA.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Asec, kung susumahin nasa ilang ektarya ulit ng lupain at saka ilan po iyong mabibigyan na mga magsasaka, magiging bahagi po nito?

DAR ASEC. JOHN LAÑA: 200 hectares, Ma’am. Based on the collective CLOA issued on September 26, 1995 there are 236 individuals. But based on the result of our validation that we made on May 23 to 25, at the moment, Ma’am, we have only identified 177 initial names ng mga qualified.

Why? Marami po kasi, Ma’am, ang nagbenta ng kanilang rights; ang iba po, ma’am, ay hindi nagtrabaho doon sa Dominican na pinanggalingan. Iyong iba, ma’am, ay kinonvert nila iyong kanilang lupa na wala namang approval sa DAR. Iyon po, Ma’am, so that would be the basis.

USEC. IGNACIO: So, maaari po ba nating sabihin na ito po iyong naging dahilan kung bakit medyo natagalan iyong pag-a-award sa kanila?

DAR ASEC. JOHN LAÑA: Ma’am, iyan din siguro ang itatanong ko sa mga nakaraang naging DAR. Bakit po ba umabot ng 27 years iyong pagbigay sa mga tao na iyan? Bakit kailangan pang umabot ng 27 years? And only during my time, Ma’am, as Assistant Secretary for External Affairs, na napatupad ito. Bakit hindi ginawa?

So ako, Ma’am, tingin ko sa side ngayon ng kasalukuyang administration ni Pangulong Duterte at ni Secretary Bernie Cruz, ginawa namin, Ma’am, iyong hindi ginawa ng iba. Ginawa namin.

At ngayon, Ma’am, tatapusin po namin ang nasimulan namin na i-install ang mga tao, mabigyan sila, Ma’am, ng individual CLOA. In fact, ma’am, mayroon na pong approved survey plan tungkol diyan.

USEC. IGNACIO: Pero ngayong mainit po iyong usapin na ito ‘no, ano po iyong magiging hakbang ng DAR tungkol dito lalo’t magpapalit na po iyong administrasyon?

DAR ASEC. JOHN LAÑA: Ma’am, I just read in a news that the incoming Secretary of DAR is very much interested dito sa issue ng Tinang and actually, ang sabi, ay parang gusto niyang paimbestigahan.

Ma’am, may dalawang grupo kasi dito, ma’am, na nagki-claim. Iyong 236 at saka iyong sa kooperatiba na nagsasabi na there are more or less 400 plus dapat. But unfortunately, Ma’am, DAR has no official record about the 400 plus.

Wala po kaming official record niyan. Wala din po iyan, Ma’am, sa Register of Deeds. Wala din po sa Land Registration Authority o sa LRA. In short, Ma’am, what we only have as of this moment is only 236 individuals in the collective CLOA.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kung kayo na po iyong tatanungin, Asec, palagay ninyo po ay posible na po ba o maia-award na po ito?

Sa tingin ninyo mga aabot nang gaano katagal para po mai-award ito?

DAR ASEC. JOHN LAÑA: Okay. Based on the last meeting of the Task Force ang aming pinag-usapan dito, Ma’am, ay bago mag-June 30 ay dapat mai-individualize na at mabigyan na ng individual CLOA ang mga tao.

Maliban lang, Ma’am, kung mayroon na namang – ewan ko kung anong itatawag ko doon – manggugulo or … I do not know. Pero ayaw ko kasi na marami akong kalaban.

USEC. IGNACIO: Opo, tama po.

DAR ASEC. JOHN LAÑA: Ang akin lang naman, Ma’am, ay I am bound to implement kung ano po ang inuutos ng aming Secretary at ng Task Force Tinang. But, as far as I am concerned, nangako na po kami, Ma’am, sa mga tao na bago mag-June 30 ay kailangan mai-award na po ito sa mga qualified. I am not saying, Ma’am, na 236. For now, 177 lamang ang inisyal qualified na listahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., sa ibang usapin naman, ano. Hindi na po bago iyong isyu ng lupa, pero ano po iyong masasabing ilan sa pinakamalaking accomplishment ng DAR sa mga nagdaang taon?

DAR ASEC. JOHN LAÑA: Okay. As I have said, Ma’am, bago lang po ako – as of February 10. I can only speak kung sa akin lang na trabaho. As Assistant Secretary for the external affairs and communications and operations office, marami pong mga kaso diyan na natulog. Pasensiya kayo sa mga kasamahan ko sa DAR, ano. Hindi kasi ako, Ma’am, na-program na magsinungaling; naka-program akong magsabi ng totoo.

Noong na-appoint po ako diyan, as more on external affairs, marami pong mga problema na nagra-rally diyan sa labas. Ang trabaho ko, Ma’am, ay kausapin iyong nagra-rally, papasukin po sa loob at mag-dialogue, “Ano iyong gusto ninyong kailangan naming aksiyunan?”

So as far as backlog is concerned, on the distribution of CLOA, tuluy-tuloy ito, Ma’am, na ginagawa ng aming butihing Secretary Bernie Cruz. Pero pagdating doon, Ma’am, sa pag-resolve ng mga dekadang-dekadang reklamo ay marami na po kaming nagagawa diyan, at marami na rin po akong nababangga diyan. Pasensiya sa mga nanunood ngayon. Sana huwag ninyong sabihin na kalaban ninyo ako, eh ang problema kasi ay naglikha kayo ng batas sa agraryo; ang trabaho ko ay magpatupad. So kung hindi ninyo nagugustuhan iyong aking ginagawa para i-implement iyong sinasabi ng batas ay malaya naman kayong baguhin iyong batas. Ako lang, Ma’am, sinusunod ko lang iyon batas.

Mayroon tayo, Ma’am, na mga cases niyan. For example, iyong Mauban sa Quezon Province, alam mo po ba, Ma’am, na may mga kuwento diyan na naglabas daw ng order ang DAR na exemption of coverage. Kasi, Ma’am, diniclare [declared] iyong area as special economic zone na magtatayo ng airport and seaport. Iyon, Ma’am, marami pong mga CLOA holders natin ang madi-displace; mawawalan po sila ng trabaho.

Actually, Ma’am, mayroon doon na iba na kinuha na po iyong kanilang mga CLOA. Pinapirma po sila ng blangko na papel. I think, Ma’am, hindi po tama ito. So pinuntahan ko po ang area na iyon; nagawan na po natin ng solusyon. Mayroon pa po tayo ngayong, Ma’am, sa Laguna na dati binigyan ng lupa, napunta sa PCGG; ibinigay kay DAR. Later, Ma’am, naibalik na naman sa may-ari. So ito, Ma’am, iyong napakaraming problema na kinakaharap natin sa ngayon at ginagawan po natin, Ma’am, ng aksiyon kaagad-agad.

USEC. IGNACIO: Opo. Assistant John Laña, kami po ay umaasa na talaga pong maaayos ang lahat ng ito. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbisita sa amin at pagbibigay-impormasyon. Maraming salamat po sa inyong pagbisita sa amin, Assistant Secretary John Laña ng DAR.

DAR ASEC. JOHN LAÑA: Ma’am, I would like to take this opportunity, ano. Ako, Ma’am, hindi po ako nakaupo sa gobyerno, sa DAR, sa NAPC kung hindi po dahil kay Senator Christopher Bong Go. So I would like to take this opportunity to say: Maraming-maraming salamat po kay Senator Bong Go at kay Digong na napagbigyan po ako, Ma’am, ng pagkakataon na magserbisyo. Bababa na kasi si Tatay Digong, so wala na akong paraan na masabi.

Ako, ma’am, maraming-maraming salamat po kay Senator Bong Go at kay PRRD at nabigyan ako ng pagkakataon na makapaglingkod sa mga mahihirap.

USEC. IGNACIO: Kami rin po, Asec, ay nagpapasalamat sa inyong ginagawang paglilingkod. Maraming salamat po at naniniwala po ako na makakarating sa kanila ito. Salamat po sa inyong panahon.

Samantala, makibalita po tayo sa ginanap na 110th International Labour Conference o ILC sa Geneva, Switzerland. Makakasama po natin si Undersecretary Benjo Santos Benavidez, ang Labor Relations Social Protection and Policy Support Cluster ng DOLE. Magandang araw po, Attorney/Usec.

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Magandang araw din po, Usec. Rocky at magandang araw sa ating mga tagapanood.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, idinaos kamakailan itong 110th International Labour Conference o ILC sa Geneva. Ano po iyong layunin ng taunang pagtitipon na ito at gaano po kahalaga ang papel nito para po maisulong ang kapakanan at interes ng mga manggagawa at siyempre ng mga namumuhunan po?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Tama po iyon, noong Mayo 27 hanggang Hunyo 11, ginanap po iyong International Labour Conference. Ito po ay pagpupulong ng mga kasaping estado ng International Labour Organization; ang Pilipinas po ay naging miyembro ng ILO noong 1948, kung hindi po ako nagkakamali. At ang Pilipinas po ay signatory rin sa napakaraming convention, kasama na po rito iyong core labor convention.

Tuwing Mayo hanggang Hunyo, ito po ay ginaganap, iyong conference, para talakayin kung ano ba ang kalagayan ng mga manggagawa. Pero hindi lamang ng mga manggagawa, pati ng mga namumuhunan sa iba’t iba pong bahagi po ng mundo.

At dito po sa pagpupulong na ito ay tinatalakay iyong mga convention na kailangan pang amyendahan o kaya ay kung kailangan pang magkaroon ng mga bagong international labor standards. Dito po iyon sinusuri, dito po iyon binabalangkas at dito po iyong inaprubahan.

So, napakahalaga po ng pagpupulong na ito para tugunan iyong mga panibagong hamon ng mga manggagawa at mga negosyante sa larangan po ng paggawa at negosyo.

Katunayan, mayroon pong mga amyenda sa mga existing labor convention at mga declaration ng fundamental rights at work.

So, napakahalaga at matagumpay iyong isinagawang International Labour Conference – ito po ay unang face-to-face conference pagkatapos pong ideklara ang COVID-19 pandemic sapagkat noong mga nakaraang taon ay hindi po nakapagdaos ng face-to-face conference. Pero ganoon pa man, tuluy-tuloy pong pinag-uusapan iyong mga kalagayan ng mga manggagawa at ng mga negosyante sa mga kasaping bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin lang po natin, Usec, dito sa pagtitipon ngayong taon: Saan po sumentro iyong naging discussion ng mga lumahok na mga member-states ng International Labour Organization?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Ang report po ng director general, si Director General Guy Ryder ay patungkol po doon sa kahandaan ng mga miyembrong bansa, iyong mga kasaping estado ng International Labour Organization sa mga hamon po ng mga krisis, digmaan, ng future of work, at ng mga kalamidad ito man po ay natural or manmade.

Kahandaan po lalung-lalo na noong mga least developed countries kasi sila po talaga iyong sobrang natatamaan ng impact ng mga krisis at ng mga digmaan. Pero tayo po bilang developing countries ay hindi po tayo exempted doon po sa impact ng masamang epekto ng kalamidad, of future of work, at ng mga digmaan.

Kaya isinusulong po ng mga bansa na kasapi po ng ILO iyong pag-aamyenda sa Maritime Labour Convention at kagaya na rin po nang pag-aamyenda ng Fundamental Principle and Rights at Work dinagdagan po natin iyon.

Bago po ang komperensiyang ito ay may apat po tayong kategorya ng Fundamental Principle and Rights at Work iyon po iyong sa freedom of association, force labor, child labor and discrimination.

Ngayon po, napakaimportante: Sinama na po natin bilang isang fundamental na karapatan iyong karapatan ng mga manggagawa sa occupational safety and health.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ang Pilipinas po, Usec, ano po iyong ating isinulong dito sa international conference na ito?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Well, isinulong po natin na mapasama po talaga iyong occupational safety and health bilang isang fundamental na karapatan. Nakita po natin ito ngayong pandemya na napakaimportante ang observance or compliance sa occupational safety and health.

Pero bukod po dito noong nakaraang International Labour Conference pumunta po ang ating Kalihim si Sec. Bebot Bello III at in-announce po natin sa plenaryo iyong ating ratipikasyon noong 1986 amendment doon po sa ILO Constitution.

Iyong amendment pong iyon sa ILO Constitution ay naglalayon na bigyang-daan iyong maliliit na bansa na maging miyembro ng mga committee at ng governing board ng International Labor Organization.

So, ito po ay in the sense democratization po ng mga member-states nang sa ganoon kahit po maliit ka o malaki ka man parehas po ang inyong mga karapatan at parehas po ang inyong mga pribilehiyo sa mga board at mga committee under the International Labour Organization.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, isa po marahil sa highlight ng pagdalo ng bansa sa ILC ito pong pagkakaalis natin sa mga bansang may kaso na may kaugnayan sa paggawa. Pakibahagi naman po itong magandang balita na ito.

At ano din po iyong ginagawa nating hakbang para maiwasan po ang karahasan sa mga nagsasagawa ng mga lehitimong aktibidad ng manggagawa dito sa ating bansa?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Opo, tama po kayo. Alam ninyo po, every International Labour Conference ay mayroon pong mga committee diyan, at isa po diyan iyong Committee on the Application of Standard at ito pong komiteng ito ay sinusuri po niya ang kakayahan at kalagayan ng mga manggagawa at ng bansang miyembro, ng kasaping-bansa na tumalima doon po sa mga pinirmahan niyang convention.

At ngayong taon po ay napasama po tayo doon sa long list ng mga kasaping estado na idi-deliberate po ng Committee on the Application of Standard.

Pero ito pong long list na ito ay kuwarenta, ito po ay shinort [short] list sa bente dos. Hindi po tayo napasama doon sa bente dos na isinalang po doon sa Committee on the Application of Standard.

Sa tingin ko po ito ay dahil na rin doon sa masigasig po nating mga ginagawa dito po sa ating bansa para mas lalo pong protektahan iyong mga karapatan ng ating mga kababayang manggagawa na mag-organisa at bumuo po ng unyon.

Ito rin po ay sa tingin ko ay recognition na rin doon sa ginawa ng ating pamahalaan, sa pamumuno ng administrasyon po ni Pangulong Duterte, iyong mga reforms sa legislation, iyong mga reforms po sa mga polisiya ng Department of Labor and Employment.

Ito pong mga polisiya pong ito ay hindi lamang tumutugon sa pangangailangan ng ating mga manggagawang unyonista kasama na rin po iyong mga partner po natin, iyong mga negosyante. Sila po, tayo po ay sa ispiritu po ng traypartismo, ang gobyerno, ang labor sector, ang employer sector ay iisa doon po sa kaniyang layunin na lahat po ng mga convention ay ating tinutugunan at tayo po bilang isang miyembrong-bansa ay tumatalima po sa mga prinsipyo in law and in practice.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil nga po sa pagkakaalis ng bansa mula dito sa listahan ng mga may kaso sa paggawa, ano naman daw po iyong maaaring maging epekto nito sa ating imahe sa ILO ganoon din po sa pangkabuuang-lagay ng paggawa dito sa ating bansa?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Well, ito po ay nagpapatunay lamang na maganda po ang sitwasyon ng labor relation landscape sa ating bansa. Malaya pong makapagbuo ng unyon ang mga manggagawa, madali pong makapagbuo, makapagrehistro ng mga labor organizations sa Department of Labor and Employment, malaya pong makapagsagawa ng mga protesta nang naaayon po sa Labor Code at sa Constitution ang ating mga manggagawa sa kanila man pong mga pagawaan o kahit po sa Department of Labor and Employment.

Alam ninyo po, ang aming Kalihim, parang normal na lang po sa kaniya na kausapin iyong ating mga manggagawa na kung minsan ay nagra-rally po sa Department of Labor and Employment, sa DOLE Intramuros. So, iyon po ay pagpapakita lamang na tayo po ay bukas sa kanilang mga hinaing. At tayo po ay sinusuri po natin iyong kanilang mga complaint at kung kailangan po ng mga reporma sa batas, sa mga polisiya, iyon po ay ginagawan natin ng paraan.

Pero sa lahat po ng ito, gusto ko pong bigyang-daan iyong importansiya po ng social dialogue at tripartism, sapagkat sa pamamagitan po ng mga platapormang ito ay nareresolba po natin iyong mga hinaing ng mga manggagawa. Napoprotektahan din po natin iyong mga negosyo nang sa ganoon – tayo po ay nasa recovery mode ng pandemic – ay tuloy-tuloy na po nating maibalik iyong mga empleyong nawala noong nakaraan pong pandemic.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, bukod dito sa labor standards, kasama din sa usapin ang nabanggit mo kanina na occupational safety and health (OSH) sa mga pinagtutuunan ng pansin dito nga sa ILC. Ano po ba iyong naging kaisahan ng ILC patungkol sa usapin dito sa OSH standards at ano din po iyong isinulong dito, Usec?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Nabanggit ko po kanina, mayroon po tayong apat na fundamental principles and rights at work. Ito po iyong freedom of association and collective bargaining; kasunod po nito iyong sa forced labor; child labor; at iyong discrimination.

Noong 1998 po, nagkaroon po ng ILO Declaration, may apat na kategorya ng apat na fundamental principles and rights at work, wala pa po noon iyong occupational safety and health standard.

Ngayong taon po, sa pamamagitan ng komperensiyang ito na idinaos noong Mayo 27 hanggang Hunyo 11, ay nagkaisa po ang mga miyembrong bansa na maging bahagi na ng fundamental principles and rights at work iyong karapatan ng mga manggagawa sa occupational safety and health standard. So, hindi na lamang po apat na lang iyong fundamental rights, lima na po ito, kasama na iyong occupational safety and health- standard.

At tayo po ay masaya po dito sapagkat ngayong panahon po ni Pangulong Duterte, sa giya na rin po ng ating Kalihim, ay naipasa po natin iyong Occupational Safety and Health Standard Law, kung hindi po ako nagkakamali, noong 2017. At alam ninyo po, malaki po ang naging tulong ng batas na ito at ng Implementing Rules and Regulation para po itawid po natin iyong negosyo at mga manggagawa noong nakaraang pandemya. Nagkaroon po tayo ng lockdown, na-expose po iyong ating mga manggawa sa COVID-19 at saka sa awa po ng Diyos sa tingin ko ay na-survive naman po natin iyong mga pagsubok po ng pandemic.

USEC. IGNACIO: Opo. Dito nga, Usec., sa pagtatapos ng ILC, ano namang mga convention ang inamyendahan sa nasabing pagtitipon na tiyak daw pong magsusulong dito sa mas malawak na kapakanan at interes ng mga manggagawa na mga ILO member states?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: May isa pong convention ang inamyendahan, ito po iyong Maritime Labor Convention of 2006. Alam ninyo po, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nagpapadala ng hindi lang po libo kung hindi daanlibong seafarers. Sila po ay umaangkas sa mga barko na iba po ang flag state. Marami po tayong mga OFW na seafarers.

Ang Maritime Labor Convention of 2006, ito po iyong international standards pagdating po sa working condition ng ating mga kababayang seafarers. May inamyendahan po doong walong probisyon at ang napaka-importante po doon iyong mga probisyon po sa repatriation.

Ikaw man po ay natapos iyong kontrata o nagkasakit o kaya mayroon pong masamang nangyari, obligasyon po ng ship owner at ng agent po niya na i-repatriate po kayo kung saang bansa po kayo nanggaling. Kung ito po ay Pilipino, ibalik po siya sa Pilipinas.

Dahil din po sa experience natin sa pandemya, inamyendahan po iyong mga provisions sa access to information. So, dahil nga lockdown, kailangan po ng access ng seafarers doon sa kaniyang mga pamilya, kaya ginagawa po nating mandatory iyong access to internet communication habang siya po ay nasa barko.

Kasama na rin po dito iyong suitable personal protective equipment (PPE). Alam ninyo po, iba po iyong built ng mga Pilipino eh, so para po tamang-tama lang po iyong sukat ng mga PPE po ng mga kababayan po nating seafarers na nagtatrabaho po sa mga barko at mga cargo vessels.

Isa pa pong pinaka-importanteng amyenda sa Maritime Labor Convention iyong pagdating po sa food and accommodation at iyong libreng tubig. Again, ito po ay mga aral na nakuha po natin noong nagkaroon po ng lockdown at pandemic at dahil po doon sa mga aral na iyon ay kinailangan po nating amyendahan iyong Maritime Labor Convention nang sa ganoon ay mas lalo po nating maprotektahan at i-promote po iyong mga welfare ng ating mga Pilipinong seafarers.

At tayo po ay bumoto in favor dito po sa mga amyendang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, nasa inyo na iyong pagkakataon na magbigay ng mensahe sa ating mga manggagawang Pilipino, siyempre kasama na rin po iyong ating mga namumuhunan. Go ahead po, Usec. Benjo.

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Maraming salamat po ulit, Usec. Rocky at maraming salamat sa ating mga tagapanood.

Gusto ko pong kuhanin ang pagkakataong ito na magpasalamat po sa ating mga kababayang manggagawa, ganoon na rin po sa mga kababayan pong negosyante.

Naitawid po natin iyong pandemic, sana po ay tuloy-tuloy na po ang ating recovery. Pero pagdating naman po sa recovery, kailangan pa rin po natin iyong tulong ng mga empleyado at ng mga nagnenegosyo. Tayo naman po sa pamahalaan ay tuluy-tuloy po tayong magbabalangkas ng mga polisiya at ng mga reporma nang sa ganoon ay patuloy po nating masiguro na ang negosyo at ang mga manggagawa ay nagko-coexist para po sa isang disenteng trabaho.

Iyon lamang po at maraming salamat po ulit sa ating mga kababayan. Magandang umaga.

USEC. IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng oras, Undersecretary Benjo Santos Benavidez, ang Labor Relations Social Protection and Policy Support Cluster ng DOLE. Salamat po, Usec.

Samantala, sa harap nang unti-unting pagtaas ng COVID-19 cases, bakunahan kontra sa naturang virus, mas pinaigting pa. Ang detalye niyan ay ihahatid ni Patrick de Jesus. Patrick?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Patrick de Jesus.

Dumako naman po tayo sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, puntahan natin si Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.

Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Muli, ako po is Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po muli tayo bukas, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center