USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas!
‘Pastillas’ scheme sa Bureau of Immigration; update sa mga pamilyang naapektuhan ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Bulusan; puspusang paghahanda ng PNP sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos Jr.; at ang mga hakbangin ng Department of Health sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Mga kababayan, siksik na naman po sa mga balita at diskusyon ang pagsasamahan natin ngayong araw ng Sabado. Manatili po kayong nakatutok. Ako po si USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Mahigit isang linggo po bago matapos ang kaniyang termino, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na marunong ang Diyos at ibinigay sa kaniya ang pagiging Pangulo ng bansa. Ginawa ng Pangulo ang kaniyang pahayag nang pangunahan ang groundbreaking ceremony ng Philippine Sports Training Center sa Bagac, Bataan.
Ayon sa Pangulo, binigyan siya ng Panginoon ng oportunidad na magsilbi sa bayan sa kabila ng kaniyang katandaan at pagkakasakit. Sa June 30, nakatakdang bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
[AVP]
USEC. IGNACIO: Puspusan na po ang paghahanda sa pagdarausan ng panunumpa ni Vice President-elect Sara Duterte bukas sa Davao City. Kumuha po tayo ng update mula sa aming kasamang si Daniel Manalastas. Daniel?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay, Maraming salamat sa iyong update, Daniel Manalastas.
Nakapagtala ng ilang mga pagyanig sa ilang lugar malapit po sa Bulkang Bulusan nitong mga nakaraang araw. Kaya naman po para kumustahin ang lagay ng ating mga kababayan doon, makakasama po natin si Mark Timbal ng National Disaster Risk Reduction [and] Management Council.
Good morning po, sir Mark!
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: USec. Rocky, good morning po! At sa lahat po ng mga viewers natin, good morning po sa lahat!
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, kumusta po iyong aktibidad ng Bulkang Bulusan sa mga nakalipas na araw? Kinakailangan bang lumikas iyong ilang pang pamilya doon?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Yes, USec. Rocky. Sa kasalukuyan po, medyo tumahimik na si Bulkang Bulusan and we’re hoping po na sana tuloy-tuloy po iyong maging gawain niya na ganoon.
Pero so far po dito sa recent na pagputok po niya, umabot po sa 44,000 na katao ang naapektuhan po. Pero so far, wala na po tayong mga evacuees kasi nagsi-uwian na iyong mga evacuated na pamilya diyan sa Municipality ng Juban.
Iyong ashfall incident po kasi umabot ng Juban, Irosin and Sorsogon areas po. So far, 179 families po or 602 persons ang nag-evacuate and as of Tuesday po ng June 14 ay nagsi-uwian na po sila.
USEC. IGNACIO: Pero bilang paglilinaw lang po ano, dito daw po sa mga individual dito sa evacuation center, sir Mark, ay may nakitaan ng COVID-19? Totoo po ba ito? At ano po iyong naging tugon ng pamahalaan dito o ng NDRRMC sa mga ganitong sitwasyon?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: So far, ma’am, when it comes to our COVID-19 monitoring, we’re still waiting po kung mayroon nga talagang nagpakita ng sintomas diyan sa area. Pero automatic, ang ating arrangement na kapag ganiyan po na nagpakita ng sintomas ng sakit, kaagad pong ina-isolate po iyan at iyong mga naging contact po niya ay sinusuri din kaagad, ina-isolate din para masigurado po natin na hindi kumalat iyong sakit.
Informed naman po tayo na marami po doon sa mga kababayan natin ay nabakunahan na doon sa area so we’re hoping po na ma-control po natin, na-control po kaagad ng local government unit natin iyong incident na iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. So, sir Mark, para malinaw lang po, mayroon po bang nagkaroon ng COVID-19 dito sa evacuation center? Kung mayroon man, mga ilan po sila?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: So far po, ma’am, wala po akong hawak na datos patungkol po diyan sa COVID-19 incident diyan sa area pero i-follow up ko po iyan para makapag-provide po ako sa inyo ng information later.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, sa ibang usapin, nagkaroon ng pagpupulong ang OCD kasama po iyong Hungary kaugnay dito sa disaster response. Ano daw po iyong mga event na napag-usapan dito?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo. Kung matatandaan po natin, USec. Rocky, nagkaroon tayo ng donation from the Government of Hungary ng water treatment equipment at gusto pong palawakin ng NDRRMC itong capability natin sa pagbibigay ng malinis na tubig doon sa ating mga kababayan na mapipilitang mag-evacuate.
Nasubukan po natin iyong galing ng mga water treatment equipments na ito noong Typhoon Rolly at saka rin mismo iyong Typhoon Odette. Naging mabilis po ang pag-deploy nitong water treatment equipment na ito at ang gusto po natin sa mga susunod na operations natin ay tuloy-tuloy po iyong pagbibigay natin ng ganiyang serbisyo sa mga kababayan natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, kuhanin ko na lamang iyong inyong mensahe dito sa mga kababayan natin malapit sa Mt. Bulusan. Kahit po ba sila ay nakabalik na sa kanilang mga tahananan ay tuloy pa rin po ang pagkakaloob ng relief assistance sa kanila o ano pa iyong iba pang tulong na ipinaaabot sa kanila?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo. Lahat po ng evacuated families natin ay nakatanggap po ng family food packs at iba pa pong non-food items para sa kanilang pag-stay po doon sa evacuation center. Makakaasa po itong mga kababayan po natin na kapag nagkaganiyan po iyong sitwasyon, tuloy po ang pagtulong ng pamahalaan at ibayong pag-iingat pa rin po dapat tayo lalo na iyong mga nakatira po diyan malapit sa Bulusan.
Mayroon pong 4-Kilometer Danger Zone, bawal pong i-access po iyan at vigilance pa rin po doon sa additional na 2-Kilometer extension Danger Zone.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras. Mark Timbal ng NDRRMC. Salamat, sir Mark!
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Thank you po, USec.! Good morning po.
USEC. IGNACIO: Pagkakaroon ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines, muling isusulong ni Senator Bong Go sa pagsisimula ng 19th Congress sa susunod na buwan.
Layon po nito na magkaroon ng surveillance, diagnosis at monitoring ng mga viral diseases sa ating bansa. Narito po ang detalye.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Upang muling makibalita po sa paghahanda ng PNP sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos sa National Museum, makakasama po natin si Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, ang Public Information Officer ng National Capital Region Police Office.
Magandang araw po, Colonel.
PLTCOL. TECSON: Isang magandang araw po, ma’am at sa ngalan nga po ng ating butihing Regional Director ng NCRPO walang iba po kundi si Police Major General Felipe Natividad at sampu po ng opisyales ng Team NCRPO ay malugod ko po kayong binabati po ng magandang, magandang umaga, Ma’am Rocky at ganundin po sa ating mga kasamahan po diyan sa ating programa Laging Handa po, sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan po.
USEC. IGNACIO: Opo. Salamat po. Colonel, bago po iyong paghahanda sa inagurasyon, kumustahin ko po muna itong pagpapatupad ng COVID-19 protocols dito po sa Metro Manila. Muli po kasing nakitaan ng pagtaas ng COVID cases sa Metro Manila.
Kung sakali handa po ba ang PNP, kung sakali lang po na itaas sa Alert Level 2 ang National Capital Region?
Colonel, narinig niyo po iyong tanong ko kanina? Ulitin ko na lamang po.
Kukumustahin lang po natin itong pagpapatupad po ng COVID protocols sa Metro Manila kasi po nakitaan po ng pagtaas ng COVID cases dito sa Metro Manila.
Kung sakali po, sakali lang po na itaas sa Alert Level 2 ang NCR, handa po ba ang PNP dito?
PLTCOL. TECSON: Yes, ma’am. Sa atin naman po, ma’am, ang ating kapulisan po dito sa NCRPO isa na rin po iyan sa ating trabaho, ma’am, na tumulong po tayo sa ating lokal na pamahalaan, sa ating national government para ipatupad po kung ano po iyong dapat na ipatupad natin dahil alam naman po natin na from the very start lagi po nating sinasabi, ma’am, na iyong ating laban dito po sa ating kinakaharap na pandemya, iyong COVID-19 ay nariyan pa rin kung kaya’t panay-panay din po iyong ating paalala sa ating mga kababayan na huwag pa rin po nilang i-ignore or huwag po silang maging kampante na hindi po sundin iyong mga pinapatupad po na iyong pagsusuot po ng face mask lalo na at iyong minimum public health protocols po natin dahil ang laban naman po natin na ito ay laban po ng lahat ng buong Pilipino hindi po ng iisang tao lang o ng ahensiya po, ma’am.
On our part, ipapatupad pa rin po natin iyan. Basta iaatas po sa atin ay susunod po tayo at ii-implement po natin iyan nang maayos po.
USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, base po sa obserbasyon ninyo, kumusta naman po iyong compliance dito sa health protocols sa ating mga kababayan partikular po dito sa Metro Manila?
Masasabi ba nating nagiging pabaya, complacent po ang ating mga kababayan?
PLTCOL. TECSON: May mga nakikita pa rin naman po tayo, ma’am, na talagang iyong iba medyo nakakaligtaan na siguro, ma’am, nila or medyo relaxed na rin po iyong pagsusuot po nila ng face mask.
On our part, sa ating kapulisan naman, ma’am, kapag may nakita silang hindi nakasuot po ay kanilang kinakausap po nang maayos. They are being reminded na isuot nila nang maayos iyong kanilang face mask.
Actually, ma’am, what we are doing sa ating mga communities is nagku-conduct po tayo ng barangay-barangayan or nagbabandilyo po tayo, iyong nakasakay po tayo sa ating mobile car at nandoon po iyong ating mega phone to remind the public to always follow pa rin po iyong minimum public healthy protocols po.
USEC. IGNACIO: Opo. So, ito po ay palagiang ginagawa ng PNP? Nabanggit niyo nga po iyong pagpunta sa mga barangay.
So, kumusta naman po iyong inyong nakita dito, Colonel?
PLTCOL. TECSON: So far, ma’am, nakita naman po natin na tumatalima naman po, ma’am, iyong ating mga kababayan.
Actually, ma’am, even us PNP, we had activities at talagang iyan din po iyong ating pinapairal. We follow also the rule, iyong pagsusuot po ng ating face mask, iyong ating pagsa-sanitize bago po pumasok doon sa mga lugar kung saan tayo magku-conduct ng activity at iyong i-maintain natin iyong physical distancing po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, ilang araw bago iyong inagurasyon ni incoming President Bongbong Marcos, kumusta po ang paghahanda ng PNP para dito?
PLTCOL. TECSON: The PNP lalo na po, ma’am, iyong ating National Capital Region Police Office po ay talagang naghahanda nga po, ma’am, hindi lang po ngayon kundi noong mga nakalipas pang mga linggo ay mayroon na po tayong mga pagpupulong-pulong o serye ng meeting para nga po mapag-usapan iyong ating security preparation para po dito sa inagurasyon or oath taking ceremony ng ika-17th President ng ating Republika ng Pilipinas walang iba kundi si His Excellency Ferdinand Romualdez Marcos, Jr., ma’am, sa June 30. At ito ay gaganapin nga po sa National Museum of the Philippines.
Dahil po dito, ma’am, ang ating Manila, nag-activate po tayo noong ating Task Group [unclear] NCR na pangungunahan po ng ating Regional Director Police Major General Natividad bilang commander po ng task group.
At siyempre po ang isa po sa ating misyon dito po sa ating NCR Task Group or TG [unclear] NCR ay suportahan po iyong ating Presidential Security Group sa pagpu-provide po ng security or protection dito sa ating newly elected President ganundin po sa ating outgoing President, sa mga miyembro po ng kanilang mga pamilya, at ganundin po sa mga lokal at foreign secretaries na mag-a-attend po dito sa nasabing activity sa June 30 sa pamamagitan po ng pagbibigay po natin ng area and route security, pag-i-implement po natin ng traffic management at siyempre po para po ma-maintain natin iyong peace and order kasama na po diyan, ma’am, iyong pag-i-enforce natin nung ating IATF guidelines doon sa minimum public health protocols.
At siyempre po, inaasahan din po natin na itong activity na ito ay dadagsain ng ating mga kababayan, iyong kanilang mga suporta at ayaw po natin na magkaroon po ng anumang hindi magandang insidente kung kaya’t tayo po talaga ay nagtalaga ng ating, we will be deploying enough personnel, ma’am, support diyan po sa activity na iyan sa darating po na June 30 po.
USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, para lang po mapaghandaan din ng ating mga motorista ano, kayo po ba ay may koordinasyon na rin sa MMDA kasi kung aling daan po iyong mga posible o inaasahang isasara. At kailan din po ito magsisimula o sisimulang ipasara?
PLTCOL. TECSON: Yes, ma’am, gaya ng sinabi ko we will be expecting a heavy traffic doon sa mga lugar or sa mga streets o [unclear] leading to and from the National Museum kaya naman po talagang kahit po noong mga nakaraang mga linggo, ma’am, ay nag-advise or nagbigay na rin tayo during interviews iyong mga areas or road closures, ma’am.
Tama po kayo diyan, ma’am, sa pagkakaroon ng meeting ng ating mga namumuno ay nandiyan po iyong mga ahensiya na dapat po na nandiyan na involved para po mapag-usapan nila, ma-iron out po nila iyong mga bagay-bagay upan sa gayon ay hindi po maantala iyong mga kababayan natin na posible o maaaring dumaan po sa lugar.
At iyon nga po, ma’am, iyong ating road closures ay may mga rehearsal po na gagawin next week para po ma-check nila iyong mga dapat kung mayroon bang dapat pang ibang gawin. It will be published, iyong mga lugar na iyan ay ipa-publish po nila kung saan-saan po upang sa gayon ay maiwasan po ng ating mga kababayan o motorista na dumaan sa mga lugar na babanggitin at kung ano’ng lugar din po na puwede iyong puwede nilang daanan po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito naman pong gun ban, kailan po ba ito naging epektibo? Kaugnay din diyan po, wala naman po bang threat o banta na natatanggap ang PNP so far dito po sa isasagawang inauguration ni incoming President?
PLTCOL. TECSON: Yes, ma’am. Iyong dito po, ma’am, sa Metro Manila, ang ating gun ban or iyong permit to carry firearm outside residence po ay mai-implement po iyan, ma’am sa ika-anim ng umaga ng June 27 hanggang July 2 po ng 6:00 A.M.
Ito ay i-implement po natin para sa areas po ng Manila at Pasay at ang ia-allow lang po na puwedeng magdala po ng kanilang mga baril ay ang ating miyembro ng PNP, AFP and other law enforcement agencies who are performing official duties in prescribed uniforms. Of course, they are authorized by law to carry firearms po.
USEC. IGNACIO: Opo. So far, wala po kayong natatanggap na direktang banta dito po sa June 30 inauguration ng ating incoming President?
PLTCOL. TECSON: Yes, ma’am. We have not monitored any threats ahead of this moment, ma’am but we are continuously and closely monitoring and coordinating po sa ating mga counterparts.
And iyon nga po, ang ating ano naman dito, ma’am, mayroon man o wala tayong nababalitaan ay we should not lower our guards down, kumbaga, dapat ay huwag po tayong magpakampante. At iyon nga po, ang ating concern naman kasi dito ay iyong maging maayos po iyong gaganaping activity.
At para rin po sa kaligtasan ng lahat po ng dadalo kaya nakikiusap po ang pamunuan po ng PNP, ang NCRPO lalo na, na iyong ating mga kababayan ay tumalima lalung-lalo na po at ini-expect din po natin na may mga kababayan pa rin po tayo na they will air or lalabas diyan para ilabas ang kanilang mga saloobin or hinaing at iyan naman po ay hindi natin ipinagbabawal. Puwede naman po nilang gawin iyan sa mga lugar na otorisado at walang rason naman po na sila po ay ating paalisin dahil karapatan po nila iyan.
Pero kung sila na po ay makakasakit, makakasira at nanggugulo na, we have no other choice but siyempre po ay kakausapin po natin sila nang maayos at ii-implement pa rin po natin ang maximum tolerance, iyong ating rule of law, lalo na iyong human rights din, na pakikiusapan natin sila na maghinay-hinay at gawin ito nang maayos upang sa gayon ay maging maayos din po iyong gagawing activities.
USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, bukod diyan, kuhanin ko na lamang din iyong inyong mensahe sa ating mga kababayan lalo na po’t ilang araw o linggo na lamang po ay magkakaroon na po tayo ng bagong Pangulo dito po sa gaganaping inauguration sa June 30. Go ahead po, Colonel.
PLTCOL. TECSON: Yes, ma’am. Doon sa mga magsisidalo po ay ii-implement pa rin po natin iyong ‘No Backpack’ policy in all the VIP engagement areas. Ito po ay para makatulong doon sa ating mga security forces na madali po nilang makita kung may dala-dala po tayong hindi naaayon or maganda. Siyempre, sa magdadala po ng kanilang bag ay talagang nakikiusap tayo na iyong mga transparent na bag lang po at maliliit.
Huwag na rin po silang madala ng mga bata kung kinakailangan dahil hindi naman po makaka-accommodate nang marami iyong venue, limited lang po ang maa-accommodate niya but the PNP or the organizers are working it out na mag-ano po ng lugar na kung saan doon po mag-stay iyong mga iba pa pong hindi maa-accommodate doon po sa venue po mismo. At I understand that lalagyan din po iyon, ma’am, ng mga LED wall para makita po nila kung ano po iyong nangyayari po doon sa lugar po.
And iyon nga po, ma’am, iyong sinasabi po natin kanina, we expect that heavy traffic ang mangyayari po doon sa lugar lalung-lalo pa iyong lugar kung saan malapit po doon sa venue. Kaya naman ay ina-advise po natin iyong ating mga kababayan na may mga road closures po dito sa stretch po ng P. Burgos Avenue, from Taft Avenue to Roxas Boulevard; stretch of Finance Road, from P. Burgos to Taft Avenue; stretch of T.M. Kalaw Avenue, from Taft Avenue to Roxas Boulevard; sa stretch po ng Ma. Rosa Orosa St. from P. Burgos Avenue to T.M. Kalaw Avenue; kahabaan po ng General Luna St., from P. Burgos Avenue to Muralla St.; kahabaan po ng Victoria St., from Taft Avenue to Muralla St.; at stretch po ng Ayala Boulevard, from Solano St. to Taft Avenue.
Pero may mga re-routing naman po tayong iaano ng traffic bureau ng Manila at may mga ipatutupad naman po silang mga traffic re-routing para sa mga vehicle. Kaya po iyong mga sasakyan po, ma’am, na manggagaling po dito sa tatlong lugar, bridges, lalo na iyong MacArthur, Jones at Quezon bridges na puwede po nilang gamitin iyong P. Burgos Avenue at puwede po nilang gamitin iyong Taft Avenue or Kalaw Avenue to point of destination. Iyong mga manggagaling naman po, ma’am, sa Mel Lopez who are intending to utilize the P. Burgos Avenue shall use Roxas Boulevard or Kalaw Avenue to point of destination.
Sa mga trailer trucks naman po o heavy vehicles na mangaggaling po sa Delpan Bridge, ay mag-U-turn po sila, turnaround po sila dito sa Anda Circle to northbound lane of Mel Lopez Boulevard to C-3, to point of destination. At iyong mga vehicles din po na manggagaling po dito sa P. Casal St., na they are intending to use po iyong Ayala Boulevard, mag-right turn po sila to C. Palanca St., to point of destination. Ganoon din po sa mga manggagaling po ng U.N. Avenue or intending to utilize Ayala Boulevard via Romualdez St., ay mag-go straight lang po sila to Taft Avenue, to point of destination. And doon sa manggagaling dito sa Taft Avenue at puwede po nilang gamitin iyong Ayala Boulevard then go straight to Lawton, to point of [destination].
Iyong mga trailer trucks po na manggagaling po dito sa President Quirino Avenue shall go straight to Nagtahan Bridge to Lacson Avenue to point of destination. Ito po iyong old truck route po natin. ma’am. Iyan naman po iyong ating mga re-routing at iyong mga nabanggit po ay ipa-publish naman po iyan one week before the activity.
And siyempre po, ipatutupad pa rin natin doon sa lugar, ma’am, iyong ating airspace within one kilometer radius of the National Museum, it will declared as “no-fly and no drone flying zone” po as well as all the ports and waterways will be secured to preempt anything [unclear].
USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, maraming salamat po sa inyong paglalaan ng oras sa amin. Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, ang Public Information Officer ng NCRPO. Salamat po, Colonel.
PLTCOL. TECSON: Yes, ma’am. Maraming salamat din po. God bless and ingat po tayo lagi.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Ilang mga opisyales ng Bureau of Immigration ang tinanggal matapos madiskubreng kabilang sila sa umano’y ‘Pastillas’ scheme. Para bigyan po tayo ng detalye tungkol diyan, makakasama po natin si Bureau of Immigration (BI) Spokesperson, Miss Dana Krizia Sandoval. Magandang umaga, Ms. Dana.
BOI SPOKESPERSON SANDOVAL: Magandang araw po, USec. Rocky and magandang araw din po sa mga kababayan po natin na nakasubaybay sa Public Briefing. Sa ngalan po ni Commissioner Jaime Morente, magandang araw po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, paano po ba nadiskubre itong kaso ng ‘Pastillas’ scheme sa [Bureau of] Immigration? At so far, kumusta na po iyong itinatakbo ng imbestigasyon dito?
BOI SPOKESPERSON SANDOVAL: Well, ito pong kasong ito ay nag-ugat po sa isang Senate investigation ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, sa pangunguna po ni Senator Risa Hontiveros. Nagbunga po itong investigation na ito sa isa pang investigation naman po mula sa pamunuan naman po ng Bureau of Immigration kasama po iyong iba’t ibang mga sangay ng gobyerno.
Earlier po, nagsumite po ang BI ng results of the internal investigation sa Department of Justice na siya naman pong duminig dito sa mga kasong administratibo ng mga sangkot po. Iyong DOJ po kasi, for the information of the public, is the mother department of the BI and ito rin po iyong dumidinig for all administrative cases ng mga employees po ng Bureau of Immigration. Separately po, nagkaroon din po ng investigation and case ang Office of the Ombudsman dito po sa issue na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito po bang 18 sangkot ay masasabi ba natin na mula sa iisang grupo lamang or masasabi rin ba natin kung gaano na po katagal itong ganitong kalakaran?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Usec. Rocky, 45 po lahat nung na-dismiss because of this issue. 18 po mula sa isang resolusyon galing sa Department of Justice, iyon iyong kanilang administrative case. While 45 naman po galing sa Office of the Ombudsman.
Lumalabas po sa imbestigasyon na marahil po, it seems like it’s the case po based na rin po sa statements ng whistleblower po na si Allison Chong doon sa mga pagdinig po doon sa Senado.
Based din po doon sa mga statements ng whistleblower, nagkaroon po ng mga ganoong aktibidades. Ito po ay natigil mula po noong nag-implement po tayo, ang pamunuan po ng Immigration ng changes [unclear] pati na rin po doon sa organizational and systemic problems po ng bureau.
USEC. IGNACIO: Opo. Natukoy ba, Miss Dana, kung nasa magkanong halaga iyong nakukuha mula sa mga nabibiktima at may nahuli po ba sa mga nagbibigay diumano ng bayad?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Sa halaga po, Usec. Rocky, siguro hindi lang ako makapag-specify because it’s beyond the jurisdiction already of the BI. It’s part of jurisdiction of the DOJ and the NBI. But yes po, isa po sa mga nakasuhan ay isang private respondent na sinasabi umano na may links po dito sa mga taong involved sa kasong ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano naman po iyong isinampang kaso bukod po dito sa 18 opisyales? May ilan pa po bang iniimbestigahan sa ngayon kasi nabanggit mo kanina 45 po iyan, tama po ba, Miss Dana?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Yes, tama po. Tama po, Usec. Rocky. Ang DOJ po, Department of Justice ay naglabas po ng dismissal for 18 personnel like you mentioned earlier po.
Ang office of the Ombudsman naman po ay naglabas din po ng dismissal para naman po, separately, din po ito para sa 45 personnel. At the same time po, nagkaroon din po ng rekomendasyon ang Office of the Ombudsman na kasuhan po ang 50 personnel and former personnel for violation of Section 3E of the Republic Act Number 309 as amended while seven po have been recommended also by the Office of the Ombudsman na makasuhan naman po for violation of Section 7D [of] the Republic Act Number 6713.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Dana, hindi po ba magkakaroon o nagkaroon ng balasahan dito sa mga designated post sa Immigration? At bakit po kaya daw nakakalusot pa rin itong pastillas scheme?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Well, nakita po natin na talaga namang there was a need to improve in checks and balances sa airport noon bilang supervision was under a single office. But after po the investigation , iyong mga series of investigation po na naganap at mula po noong lumabas ang desisyon na ito [unclear] para po magkaroon ng checks and balance iyong Travel Control and Enforcement Unit. Ito po iyong nagku-conduct ng secondary inspection sa mga passenger [unclear] bansa pati po iyong border control and intelligence unit ay inilipat po sa Intelligence Division [unclear].
Ang magiging effect po nito, sila po iyong magsisilbing pangatlong mata kumbaga outside [unclear] that will serve as checks and balance [unclear]will monitor of the personnel at the airports.
Bukod po diyan, technologies din po ay inimprove po natin. 100% na po ang secondary inspection areas are now covered with CCTVs pati po iyong transparent ready ang ginagamit po doon sa mga areas na iyon para kitang-kita po and highly visible ang mga activities po ng personnel.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Dana, sa ibang usapin namn ano. Ngayong nagbubukas na rin ang mga bansa, ano naman po ang ginagawa ng Bureau of Immigration para maiwasan itong iligal na pagpasok at paglabas ng mga travelers sa Pilipinas lalo na ngayon po ay medyo tumataas po iyong kaso ng COVID-19 dito sa NCR?
Kayo po ba ay nagdagdag ng o masasabi na medyo maghihigpit kayo o magdadagdag ng restriction dito?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Yes. Sa atin pong procedures, nandiyan pa rin po iyong strict departure formalities following po iyong Department of Justice guidelines on implementing departure formalities.
[unclear] So, doon sa mga umaalis po na Filipinos, iyong mga kababayan po natin, the BI ensures that they are processing the complete and legal documentations as OFW, kung sila po ay mga OFWs or whatever their status is abroad para hindi po sila mabiktima ng human trafficking and illegal recruiters.
Sa arrival naman po, iyong mga dumarating naman po na mga foreign nationals, ang tinitingnan po ng Immigration diyan is [kung] kumpleto po ang kanilang documentation and legitimate po iyong purpose nila dito po sa bansa.
Halimbawa naman po kung nasa loob na po ng bansa iyong foreign national, mayroon po tayong Intelligence Division kung sakali po sila ay lumabag ng batas, gumawa ng kalokohan, got involved in suspicious activities we have our Intelligence Division po para po sila ay hulihin at i-deport at i-blacklist.
Iyong na-mention niyo po about travel restrictions alinsunod po dito sa IATF naman po, we are continuously implementing that, iyong atin pong mga travel restrictions na ibinaba po ng IATF.
And doon po siguro lagi rin pong natatanong sa atin iyong mga bagong variants na lumalabas. Mayroon pong mga updates po tayo sa travel restrictions natin pati iyong monkeypox.
Ready naman po tayo at anytime in case makikita ng IATF that there is a need to adjust our travel restrictions. Kung kinakailangan po tayo ulit mag-implement ng mga travel restrictions ay nakahanda po tayo at anytime to implement it on the ground.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Dana, ano naman daw po iyong babala ninyo dito sa mga gumagawa o tumatanggap ng mga bayad para sa mabilis na proseso sa Immigration?
At ano na lamang po din iyong mensahe ninyo dito po sa ating mga Immigration Officers?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Opo. Siguro po sa mga empleyado that are even thinking about committing corrupt acts, huwag niyo na pong subukan. Ika nga nila, very short and simple, the long arm of the law is bound to catch you. So, huwag na po ninyong isipin pa na gawin po iyong mga corrupt acts.
Sa mga mabubuti naman po na empleyado ng bureau, napakarami pa po niyan. Marami pa po tayong mabubuti at maaayos na empleyado. Gusto ko lang din pong i-emphasize na mas marami pong maayos na empleyado na natitira po at naiiwan sa kawanihan.
We thank you po for your service. Nais din po ng ating butihing Commissioner na ipagpatuloy niyo po lamang ang inyong pagiging mabuting public servants.
Kahit po maraming challenges or mga batikos po as long as those po na maaayos ay mananatili po na masipag, maayos, at masunurin pong public servants, mabuti pong public servants, at alam niyo po na malinis po ang inyong konsensiya, at nasa tama po ang inyong ginagawa ay wala po kayong dapat ikabahala.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at pagbibigay impormasyon.
Bureau of Immigration Spokesperson Miss Dana Krizia Sandoval.
Thank you po, Miss Dana.
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Maraming salamat po and good morning po.
USEC. IGNACIO: Para naman po alamin ang estado ng bakunahan at COVID situation sa bansa sa harap po nang unti-unting pagtaas na naman ng COVID-19 cases, makakasama po natin si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Usec, magandnag umaga po.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes. Good morning po, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, puwede niyo po ba kaming bigyan ng clear picture dito po sa estado ng COVID cases ngayon sa bansa? Naitala po kahapon itong mahigit limandaang kaso.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, ano. So, sa ngayon po nakikita natin na patuloy po ang unti-unting pagtaas ng kaso sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Currently, we are averaging around 350 cases per day nationally kung saan kapag tiningnan natin from the previous week ay tumaas talaga siya by about 50 to 60%.
Dito naman po sa National Capital Region, from the previous week we were just averaging about 102 cases per day, ngayon po we are averaging around 170 cases per day.
So, kapag tiningnan ho natin ay tuluy-tuloy po ang pagtaas ng mga kaso albeit medyo mabagal naman po ang pagtaas pero kailangan lahat tayo ay cautious.
What would be most important right now, minu-monitor natin closely ang mga severe and critical cases. Hindi ho natin nakikita na nagkakaroon ng significant increase although there are severe and critical cases being reported pero hindi po siya ganuoon ka-significant pa sa ngayon.
Even our hospitals have only less than 20% admissions ‘no, iyong healthcare utilization. Pero mayroon na rin ho tayong binabantayan na mga areas in the country kung saan medyo tumataas po ang kanilang utilization ng kanilang ospital.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito pong binabantayan n’yong area na tumataas iyong [healthcare] utilization, USec., puwede po ba nating mabanggit kung saang lugar ang mga ito?
DOH USEC. VERGEIRE: Hindi ko na po muna babanggitin iyong specific but we have areas in the National Capital Region, we also have other areas in the country katulad po sa Region XIII at saka sa Region IV-A.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., ano po iyong nakita ninyong pinakadahilan bakit po nagpapatuloy ang pagtaas po ng kaso ng COVID-19?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky. Unang-una, kailangang maintindihan natin na pumasok na po iyong mga subvariants ng Omicron dito sa ating bansa. So, we have cases of BA.2.12.1, we have cases of BA.4 and BA.5. Ito pong mga subvariants na ito, based on evidence and experience around the globe, sila po ay mas transmissible kaysa doon sa original na Omicron.
Pangalawa po, nakita na ho natin iyong mobility patterns dito po sa buong bansa kung saan parang nasa pre-pandemic level na po tayo. Almost 100% capacity na po lahat ng ating mga sektor and establishments and that has contributed na mas mabilis po iyong nagiging transmission ng sakit.
Pangatlo, nakikita ho natin and it is part of the projections of the Department [of Health] with our experts, we are already having waning immunity because of the slow uptick of boosters. So, ang pinaka-importante po talaga para sa ating population would be for us to receive boosters. Magpa-booster na po tayo para tumaas uli ang ating immunity sa ating populasyon at maputol natin ang transmission.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., sa inyong assessment, makikita ninyo po ba na magpapatuloy talaga itong pagtaas at kung sakali po, ito pong sinasabi nila na mailagay sa Moderate Risk Classification po ang National Capital Region?
DOH USEC. VERGEIRE: Kapag tiningnan ho natin ang ating mga metrics, we will be escalated to Alert Level 2 or itong moderate risk nga na klasipikasyon, kapag ang atin pong Average Daily Attack Rate (ADAR) or iyong mga new cases in an area would be more than six per one hundred thousand population.
Kapag tiningnan ho natin iyan, kailangan nagkakaroon tayo ng kaso dito sa National Capital Region ng around 800 cases per day. Malayo pa naman tayo pero nakikita po natin kasi na unti-unting tumataas so kailangan cautious tayo.
We also have this metrics, healthcare utilization, na kahit po mababa ang kaso pero kapag tumaas na to moderate risk, ibig sabihin ay more than 50% na po ang atin pong naia-admit sa ating mga ospital at maaari po nating itaas ang alert level dahil kailangan nating putulin po ano, to prevent iyong ating healthcare system to be overwhelmed.
So, sa ngayon, hindi pa naman natin nakikita although sabi ko nga, may mga binabantayan na tayong mga ospital dito sa National Capital Region. The key for us to prevent this to happen is sumunod tayong lahat sa minimum public health standards; kapag may sakit tayo, isolate at once; at pangatlo, kailangan magpabakuna na po tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na po, USec., itong tanong ng ating kasamahan sa media. Tanong po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Sabi daw po ng OCTA Research na nangyayari na itong week ang surge ng mga kaso ng COVID dahil po naitalang more than 400 cases ngayong araw at halos 300 na kaso sa NCR. Sinabi rin daw po ni DOH Secretary Francisco Duque III na ini-expect din po nila ang isang minor surge. Ito po daw ba ay nakikita sa data ng DOH, ang surge na ito or hindi pa rin po ito maikokonsidera na surge?
DOH USEC. VERGEIRE: Let us not call it a surge, USec. Rocky. Unang-una, when you talk about surge, it’s a sudden increase in the number of cases. Kapag tiningnan nga natin, katulad ng ng sabi ko, oo, tumataas pero it is not… hindi ganoon kabilis ang pagtaas, hindi ganoon kadami ang mga kasong naidadagdag.
Ang mayroon po tayo, projections that by the end of June ay maaari po na aabot tayo to 800-1,200 cases per day kung magtutuloy-tuloy po ang mga kaso natin sa ngayon. So, katulad nga ng sabi natin, the Department of Health is advising the public, ang ating mga kababayan, na maaaring magtuloy-tuloy ang pagtaas ng kaso so kailangan lahat tayo uli ay nagkakaisa.
Let us continue to practice the minimum public health standards. Always wear your mask, have your vaccines at saka po siyempre kailangan tayo po ay laging cautious at saka vigilant dahil mayroon na ho tayong ganitong sitwasyon sa ating bansa ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Sa lebel daw po ng mga kaso ngayon, ini-expect po ba ng DOH na maaari pong umabot sa ____ threshold para po mapunta ang ADAR sa six cases pero 100,000 na populasyon at mapunta na po ang NCR sa Alert Level 2?
DOH USEC. VERGEIRE: Mayroon na ho tayong ganiyang projections, USec. Rocky, as I have mentioned ‘no. Mayroon pong prinoject ang ating experts na kapag nagtuloy-tuloy po ang ganitong pagdagdag ng kaso dito sa ating bansa especially in NCR at saka nagtuloy-tuloy din po siyempre ang ganito lang na slow uptick ng ating boosters and we know that the subvariants are here, maaari po tayong umabot ng mga 800 kaso pagdating ng dulo ng Hunyo itong taon na ito.
So, kailangan nga nating i-prevent na mangyari iyan because these projections naman are not cast in stones, these are just used for us to prepare. So, gusto lang natin na makapag-prepare ang ating mga ospital, ang ating local governments, so that we can prevent further transmission at hindi mangyari po ang mga numerong ito.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., kukumustahin ko na rin po iyong lagay ng mga nadagdag na nakitaan po ng Omicron subvariants. Kumusta daw po ang contact tracing?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky. As of this latest run ng sequencing, last June 13 po inilabas ang ating resulta, mayroon po tayong nadagdag na sampu na BA.2.12.1 at mayroon naman pong anim ba BA.5.
Ito pong sampung BA.2.12.1, walo po sa kanila we tagged as recovered already; iyong isa still isolated with mild symptoms; and then the last one is still being verified.
Out of the new cases of BA.5, iyong iba po diyan, iyong lima po diyan are tagged as recovered already; iyong isa, isolated pa rin with mild symptoms.
Iyong pong mga close contacts natin ay binubuo at kinukumpleto pa rin natin dahil atin pong bini-verify pa ho ito sa ground.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi daw po ni Secretary Vince Dizon kahapon na ang Cebu ay 51% pa lang ang nababakunahan sa mga target population nila. Wala po bang way para mai-improve ang coverage nito gayung sila po iyong unang probinsiya na magpapatupad ng pag-lift ng mas sa outdoor areas?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky ‘no. Lahat naman po ng regions, lahat po ng areas in the country ay binibigyang natin ng full assistance especially kapag nakikita nating laging behind sila sa coverage ng pagbabakuna. Atin po silang tinutulungan para magkaroon ng mga istratehiya.
We did microplanning with our areas kung saan sila po ang nag-set ng target na kaya nila per day na mabakunahan. We are also trying to make our vaccines closer to our community kung saan gumagawa na ng mga vaccination sites doon po sa mga area sa komunidad at saka nagbabahay-bahay na tayo. And generating demand talaga po ang ating main goal for now.
So, sa ngayon, nakikita po natin ang local governments naman is fully cooperating with us and they are doing their best para tumaas ang antas ng pagbabakuna. So, hopefully, magkaroon tayo ng immunity wall dito po sa Cebu para po kung saka-sakali po na hindi magkaroon ng resolusyon ang issue about masking, we’ll be able to protect our population.
USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating naman po dito sa pamamahagi ng boosters sa mga edad 12 to 17 years-old, kailan po ito target ng DOH? Ganito rin po ang tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Kung napirmahan na ba daw po ni Secretary Duque ang recommendation ng HTAC (Health Technology Assessment Council) sa booster ng 12 to 17 years-old?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky. So, last June 14, the Philippine Food and Drug Administration amended the Emergency Use Authority (EUA) for Pfizer vaccines para ito ay magamit na as booster doses for age 12 years-old to 17 years-old. So, ito po, nagkaroon na tayo ng HTAC recommendation, nai-submit na po noong June 16 kay Secretary Duque. So, we’re just waiting for the approval of the Secretary and hopefully by next week we can be able to implement. Kailangan lang na hintayin ng ating mga local governments ang guidelines na ibibigay po ng Department of Health.
USEC. IGNACIO: Opo. Dito naman po sa pamamahagi ng second booster sa mga health care workers, seniors, at immunocompromised, kumusta daw po ang turnout nito so far, USec.?
DOH USEC. VERGEIRE: Medyo mabagal pa rin, USec. Rocky ‘no. Ever since we’ve started, we have just covered for our health care workers 189,000 plus; for our senior citizens, only around 290,000 plus; and for those with immunocompromised conditions, around 946.
So, kapag tiningnan po natin ito, ikukumpara natin doon sa eligible na puwedeng makatanggap nito, medyo mababa pa ho ito. So, we are trying to double our efforts, especially vulnerable itong mga populasyon na ito, mabigyan po natin nitong pangalawang booster shot.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., sa interview po namin kay Dr. Jose Rene De Grano ng PHAPI, patuloy pa rin daw po iyong pagdami ng mga Filipino nurses na tumutulak pa-abroad. Ano daw po ang tugon dito ng DOH at anu-ano po iyong mga hakbang na ginagawa sa ngayon?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, ‘no. So, alam po natin na there is really this migration of our nurses going to other countries. Kapag tiningnan nga po natin ang atin pong mga workers or mga health care workers like nurses going to other countries is more than what we have here practicing in the country. So, that is a fact.
So, ang ginagawa po ngayon ng Department of Health, unang-una, talagang we are incentivizing our nurses. Kaya nga po mayroon po tayong mga healthcare benefits and allowances na ibinibigay para mas maging interesado sila to work here in our country.
Mayroon din po tayong mga panukala na ginagawa sa ngayon wherein we are trying to look at the whole inventory of our health care workers including nurses sa buong bansa at tinitingnan natin kung paano naman tayo ay makakapag-produce purposively para alam natin na mayroon tayong mapu-produce in the coming years so that we can be able to address this gap in our health care workers.
Pangatlo po, nananagawan siyempre tayo. This should be a whole-of-government approach. Kailangan po na ma-address ng buong gobyerno ang atin pong brain drain na tinatawag. Ibig sabihin, iyong migration ng ating health care workers outside of our country because we need our health care workers to stay here in the country para tulungan po ang ating healthcare system.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, hinaing pa rin po ng ilang health care workers iyong kanilang hanggang ngayon daw po ay unclaimed COVID-19 allowance.
Kumusta na po iyong coordination ng DOH sa mga ospital tungkol dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Actually, our centers for health development, Usec. Rocky, ito iyong mga regional offices natin works closely with our hospitals in the different regions including the Hospital Association para po mas mabilis po ang pag-distribute natin nitong ating One COVID Allowance.
Actually, nakapag-transfer na po tayo ng funds sa ating mga private hospitals. Mayroon lamang po kasing mga iba’t ibang requirements na kailangan nating matupad. More specifically na diyan iyong niri-require natin na memorandum of agreement with our private hospitals.
So, kailangan po ito ay maisaayos, maisumite nang maayos, makumpleto ang ibang requirements so that we can be able to release completely these incentives and allowances to our health care workers.
Bukas po ang tanggapan ng Kagawaran ng Kalusugan upang makapag-usap and we will have discussions with our private hospitals para makita rin po namin kung mayroon pong mabagal o kaya ay mga deficiency sa aming proseso so that we can further improve.
But I would just like to say that we were already able to disburse P2.5-B already for this year wherein 207,000 plus health care workers were already given their One COVID Allowance.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may follow up lang po si Job Manahan ng ABS-CBN. Tungkol po ito doon sa booster: This means po ba na puwede mag-start as early as next week ang vaccination ng 12 to 17 years old for boosters basta po mapirmahan na ni Secretary Duque iyong HTAC recommendation?
DOH USEC. VERGEIRE: Once the Department of Health through the Secretary of Health approves the recommendation of the Health Technology Assessment Council, the DOH would now draft the guidelines on how we are going to implement this booster doses for 12 to 17 years old.
So, it po ang ating parang hinihintay na key factor. So, kung saka-sakali pong mapirmahan na ay posible po na maaari na tayong mag-umpisa by next week once guidelines are out.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kunin ko na lamang iyong inyong mensahe sa ating mga kababayan partikular iyong hindi pa po nagpapabakuna at wala pang booster.
Go ahead po, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Salamat po, Usec. Rocky.
Gusto lang ho natin magpaalala sa ating mga kababayan, nakikita po natin na medyo tumataas po ang mga kaso sa ating bansa, sa iba’t ibang lugar. Nakikita po natin at alam natin na pumasok na po itong mga sinasabi nilang subvariants ng Omicron na sabi base sa ebidensiya ay more transmissible.
Nakikita rin po natin ang mabagal na update ng ating mga kababayan sa pagbabakuna especially our booster doses.
Para po tayo ay patuloy na magkaroon ng ganitong sitwasyon wherein most of our areas are in Alert Level 1 at malaya po tayong nakakapagtrabaho at nakakagawa ng ating mga ginagawa, let us continue to practice minimum public health standards. Ibig sabihin, palagian pa rin po tayong magma-mask, kailangan po kung hindi naman kinakailangan ay huwag nang pupunta sa matataong lugar.
At pangatlo po, kung kayo ay nakakaramdam na ng sintomas ng COVID-19, ang pinakaimportante po is to isolate, to cut the transmission at kayo po ay tumawag na sa inyong local governments para kayo po ay ma-manage.
And, pinakaimportante ay magpabakuna po tayo. Ang bakunang ito ay libre po siya, bigay ng gobyerno. It is safe. Ito po ay ligtas. Ito po ay epektibo at nakita na po natin iyan in the previous increasing cases kung saan prinoteksyunan po tayo ng bakuna dito sa ating bansa.
Please receive your vaccines especially iyong mga hindi pa po nakakapagpa-booster. Magpa-booster na po tayo para tumaas uli ang antas ng proteksyon dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagbibigay ng panahon at mahalagang impormasyon.
Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng Department of Health.
Salamat po, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Ilang mga residente ng Barangay Tagbaobo at Anonang sa Davao del Norte ang hinatiran ng tulong ng tanggapan ni Senator Go.
Narito ang report.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Three-storey building ng Davao City Police Office, binuksan na.
Mayor-elect Sebastian Duterte, nanguna sa turnover at ceremonial ceremony.
Ang detalye sa report ni Julius Pacot.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Public service is a public trust. Iyan po ang pananaw ni Lucia Jacinta Benter, medical frontliner mula po sa La Trinidad, Benguet.
Nang magkaroon ng COVID-19, mahirap man po ang pinagdaanan ay hindi ito naging hadlang para makapagserbisyo sa publiko si Lucia.
Alamin po natin ang kaniyang kuwento. Narito po.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayan tampok namin ngayong araw.
Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
Magkita-kita po muli tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center