Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga po sa lahat ng Pilipino saanmang panig ng mundo. Ngayong araw ng Lunes, ika-20 ng Hunyo, pag-uusapan din natin ang patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila, at ang pagtaas naman ng presyo ng langis sa bansa, at update sa pinaghahandaang face-to-face classes sa pagbubukas ng School Year 2022-2023.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Samantala, dahil po sa tuluy-tuloy pa rin ang uptick ng COVID-19 cases sa Metro Manila, iyan ang ating pag-uusapan ngayong umaga. Kasama po natin si Dr. Edsel Salvaña mula po sa DOH Technical Advisory Group at isang infectious diseases expert. Magandang umaga po, Dok Salvaña.

DR. EDSEL SALVAÑA: Good morning, Usec. Rocky. Good morning sa lahat ng nanunood.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok Edsel, ngayon pong tuluy-tuloy pa rin po itong uptick ng COVID-19 cases sa bansa partikular po dito sa NCR, ano po iyong nakikita ninyo pa ring dahilan at kung bakit hanggang ngayon po ay nagpapatuloy pa rin iyong pagtaas ng COVID-19 cases sa NCR? Dapat na po ba raw tayong mabahala rito?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, Usec. Rocky, unang-una, matagal na nating ini-expect na tataas talaga ito especially with our Alert Level 1 na pinakamababa po. And iyon nga, katunayan hindi nga siya nangyari after the elections dahil gumagamit naman ng mga masks iyong mga tao. Pero ngayon na nakikita na natin na mas marami na itong mga new variants of concern na pumapasok, iyong bagong lineages ng Omicron, we do expect na mas tataas nang konti iyong transmission rates na nakikita na natin ngayon. Bagama’t dahil mataas pa rin ang antas ng pagbabakuna, napapansin naman natin na very few ang naho-hospitalize dito sa mga bagong cases na ito and even fewer deaths.

So at this point, the vaccines are doing what they’re supposed to do. Iyong uptick in cases is expected because of these new Omicron lineages na pumapasok, but it all remains manageable naman at this time dahil ang ating healthcare utilization ay nananatiling mababa po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok Edsel, sinabi naman po ng OCTA Research na maaaring from low-risk ay maging moderate-risk ang Metro Manila sa mga susunod na linggo. Ito rin po ba iyong nakikita ninyong mangyayari in the coming days or weeks?

DR. EDSEL SALVAÑA: At this point, Usec. Rocky, I don’t think so ‘no kasi malayo tayo doon sa parameters na ginagamit ng DOH in terms of moving from low-risk to moderate-risk. Isa diyan ay iyong tinatawag na average daily attack rate na alam naman natin kapag moderate-risk, ang number that we usually quote is about six out of a hundred thousand. Sa ngayon, it’s just a little above one kung titingnan natin.

Ang sabi nga ng WHO, we should be seeing about 800 plus cases per day in Metro Manila – in NCR, not nationwide – in NCR alone, for the next two weeks para mag-move tayo towards doon sa moderate-risk classification.

Kasama rin doon ay dapat iyong ating hospital utilization rate should be 50% or above. Ngayon ay nasa low 20s po tayo sa utilization. Bagama’t positive iyong ating two-week growth rate, iyong antas ng actual number of cases is still manageable in terms of the healthcare capacity. Dahil katunayan, ako nga, mayroon din akong naalagaan na mga COVID cases in the last couple of weeks, wala pong isa sa kanila ang naospital dahil mild or moderate at puro vaccinated po ito at nabigyan din namin ng gamot; okay na po silang lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero in case lang po ‘no, sakali lamang po, Dok Edsel, sa nakikita ninyong ganitong trend po ng COVID cases sa NCR, kasi po isinusulong talaga—I mean, ang sinabi po ng ating business community, hindi po kakayanin na magkaroon pa nang mas mahigpit na restriction katulad po ng posibleng pagtataas sa Alert Level 2 ang rehiyon. Ano po ang masasabi ninyo rito, Dok Edsel?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, at this point naman, wala naman talagang indikasyon na kailangan nating mag-move to Alert Level 2 because, again, ang pinakapakay naman talaga ng ating alert level system is really to preserve the healthcare system. Malayo po tayo doon sa point na iisipin natin, mao-overwhelm ulit dahil sa dalawang bagay. Unang-una, iyong vaccination rates natin are really keeping the number of hospitalizations very low. Even if tumataas iyong actually number of cases, iyong number of people who need urgent medical care, acute medical care in the hospitals is very, very low.

And pangalawa, iyong patuloy na paggamit ng mask ng mga tao. Kasi nakikita naman natin, even in countries na mataas ang level of vaccination, for instance sa Taiwan, kung hindi talaga sila gumagamit ng masks the way that we are using them here, umaabot ngayon sa Taiwan, yesterday ay 50,000 new cases sila.

So dalawa po talaga iyong pinakaimportanteng interventions natin. Well, if [they] don’t want to use the masks, tataas talaga at tataas iyang mga cases na iyan. And the question becomes, kakayanin ba ng hospitals natin?

So right now, the way that we’re really managing to keep us at Alert Level 1 is iyong combination na mayroon tayong continuing vaccination program, continuing boosting program, at hopefully ay manatili iyong paggamit ng mga tao ng mga masks, indoors and outdoors, para at least even though mas contagious nga itong mga bagong Omicron sublineages ay manu-neutralize natin iyon with the continued masking.

USEC. IGNACIO: Dok Edsel, kanina nga ay nabanggit ninyo na mayroon din kayong mga pasyente na nagka-COVID pero hindi naman kailangan na dahil sa ospital. Pero naglabas din po ng pahayag kamakailan ang DOH na posible raw na tumaas din po itong severe and critical COVID-19 cases by August. Ano po ang maaari pang maging dahilan nito? At ganito rin po ba iyong nakikita ninyong rason na posibleng pagtaas ng severe and critical cases?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, naturally, kapag maraming cases talaga, kahit mababa iyong percentage, kahit one or two percent lang iyan, kung iyong baseline number of cases ninyo po is mataas, tataas talaga siya. Pero the projections really don’t show na mao-overwhelm iyong ating healthcare system dahil nananatiling mababa iyong percentage ng mga absolute cases that are ending up in the hospitals.

Katunayan, we’re even looking at the metrics to the point na siguro ang mas relevant na metrics para kung kailangan lang talaga nating magtaas to Alert Level 2 is if iyong rate of severe and critical cases na naa-admit sa ospital is projected to overwhelm the healthcare system. Sa ngayon, malayung-malayo talaga tayo doon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong maimumungkahi ninyong dapat gawin para masolusyunan o mapigilan itong pagtaas ng COVID-19 cases? At speaking po dito sa solusyon, sa tingin ninyo po ba ay isa sa puwedeng maging solusyon daw po ay ang payagan na ang pagbibigay ng second booster shot dito po sa general population, Dok Edsel?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, number one, important na we continue to use the things that work – iyong pag-mask natin. Iyong sa second booster shot naman sa general population, eh hindi pa nga tayo nakakaayos nang mabuti doon sa first booster shot eh. Iyon actually ang pinakaimportante more than the second booster shot. At natutuwa ako na ngayon, iyong 12 to 17, mukhang papayagan na ng first booster shot.

Iyong second booster shot for general population, okay iyong for 60 and above, pero doon sa lower, ngayon, kakalabas lang ng WHO na malaman ay mas maganda kung hintayin natin iyong formulations na kasama iyong Omicron sa targets dahil nagsisilabas na iyong preliminary data dito and baka mas makatulong siya sa general population na konti na lang iyong added benefit kung bibigyan natin ng second booster. Hindi kagaya noong immunocompromised and 60 years old na dahil mas mataas talaga ang risk nila, maganda pa rin, significant pa rin iyong additional protection ng second booster. Pero sa general population, hindi ganoon ka-klaro iyong benefit dahil hindi pa nagagawa iyong tamang studies and there are vaccines that are in the works that are reformulated that may actually work better as second boosters for the general public.

USEC. IGNACIO: Dok Edsel, basahin ko na lamang po iyong tanong sa inyo ni Maricel Halili ng TV5: Given nga po the increasing number of COVID-19 cases, should second booster be given to general population lalo na raw po ngayon na marami na rin aniya ang malapit na na mag-expire na bakuna?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, unang-una, iyon nga, kailangan nating tutukan talaga iyong first boosters. Iyon iyong mas incremental benefit between the second dose and the first booster, malaki iyong nabibigay noon na protection.

But in the first and the second booster, iyong added protection for 60 and above is significant. But below 60, hindi ganoon kalaki iyong added benefit. The data is not as clear, kasi iyong mga studies na ginawa for second boosters is really in the elderly population. And it doesn’t make sense na magbibigay ka ng bakuna na hindi klaro ang evidence dahil lang mag-i-expire siya. Eh paano kung nagkaroon ng side effect? Hindi po iyon ganoon kadali. Kinakailangan po natin ng basehan na ibigay ang isang gamot na mayroon siyang epekto if we are going to risk the side effects. It really should not be a reason to give something, just because it’s expiring. And, paano kung walang efficacy, tapos ang nakuha mo lang iyong side effect? Then, you are causing harm. It is not that simple, hindi po ganiyan dapat nag-iisip sa medicine, dahil ang aming motto ay first, do no harm. And so, unless we have proven benefit that outweighs the risks, we are not going to give something just because it’s going to expire.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Edsel, may pahabol lang pong tanong si Vivienne Gulla ng ABS-CBN News: Ilang months daw po ang recommended interval between the second dose and first booster sa minors na 12 to 17 years old? What vaccine brands daw po may be used as booster for this age group? At ano po iyong payo ninyo sa mga magulang na nagdadalawang-isip pang pabakunahan ng first booster ang kanilang anak na nasa edad 12 to 17 years old?

DR. EDSEL SALVANA: Hintayin po natin iyong actual guidelines na ilalabas ng DOH, ginagawa po iyan. Alam naman natin napayagan na ng FDA dati, pero although dumaan pa sa HTAC, tapos ngayon, ginagawa po iyong formal guidelines.  Presumably, it will be similar pa rin doon sa adult na we give the first booster three months after the second dose. At dahil kaunti pa lang iyong pinayagan na vaccines para sa 12 to 17 years old, particularly iyong mRNA vaccines, presumably iyong magiging first booster is also going to be either Pfizer or Moderna, kasi iyon ang unang binigay dito sa population group na ito.

USEC. IGNACIO: Ano daw po iyong mapapayo ninyo sa mga magulang na nagdadalawang-isip pa rin na mabigyan ng first booster ang nasa edad 12 to 17 years old?

DR. EDSEL SALVANA: Well, klaro naman actually ang evidence lalung-lalo na, na Omicron talaga iyong umiikot ngayon. Iyong two doses is simply not enough anymore to significantly decrease the risk of COVID, lalung-lalo na iyong paghawa ng COVID. Iyong sa severe po kasi, bagama’t nananatiling mataas iyong antas ng proteksiyon against severe, hindi siya kasing ganda compared to the other variants of concern. For Omicron talagang essential ang ating first booster at lalung-lalo na ngayon na iyon nga, bahagyang tumataas at mayroon itong mga bagong Omicron lineages na mas transmissible, mas importante po talaga na ibigay na po natin iyong first booster natin para sa age group 12 to 17.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Edsel, kunin ko na lamang iyong paalala mo at mensahe sa ating mga kababayan, partikular po na hindi pa nagpapabakuna at wala pang booster shot. Go ahead, Dr. Edsel.

DR. EDSEL SALVANA: Yes, thank you, Usec. Rocky.  Very, very important po talaga ang first booster, lalung-lalo na ngayong kumakalat itong mga Omicron sub-lineages. And iyong antas ng proteksiyon that you get from being boosted is higher than that of having just the first two doses. So magpabakuna na po tayo kung hindi pa tayo nabakunahan; sa mga parents na 12 to 17 [years old], nadagdagan na iyong ating armamentarium, para maprotektahan iyong ating mga bata.

At sa lahat po, huwag po tayong magpa-panic. Kung titingnan po natin iyong sitwasyon natin ngayon compared to two years ago ay marami na po tayong alam sa COVID, marunong na po tayong mag-alaga sa mga pasyente para mababa po talaga iyong risk of dying, of having severe disease or even having long COVID. So, sama-sama lang po tayo, gamitin natin iyong mga alam natin na gumagana na mga public health measures against COVID – wear your mask, get boosted, keep physical distance, and let’s all protect each other po. Magandang hapon po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong pagbibigay ng panahon sa amin at impormasyon, Dr. Edsel Salvaña, mula po sa Department of Health, Technical Advisory Group at isa rin pong Infectious Diseases Expert. Mabuhay po kayo, Doc.

DR. EDSEL SALVANA: Stay safe, Usec. Rocky. 

USEC. IGNACIO: Puspusan naman po ang paghahanda ngayon sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos. Sa katunayan, kaninang umaga po ay nagsagawa ng simulation sa National Museum ang Manila Police District, ang detalye niyan, alamin natin mula kay Mark Fetalco. Mark?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Mark Fetalco.

Inaasahang tataas naman po bukas ang presyo ng mga produktong petrolyo at kaugnay niyan ay makakasama po natin si Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. ng Department of Energy. Magandang umaga po, Usec?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Magandang tanghali, Usec. Rocky at sa lahat po ng ating tagapanood at tagapakinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, parang hindi pa tayo nakakahinga dito sa mga pagtaas ng presyo. Ano na naman daw po iyong dahilan ng inaasahang pagtaas ng presyo ng langis, bukas po ba ito, tama po ba ito?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Opo. Nakikita po natin ang mga variables noon, may mga nagiging complex nang situation. Last week, nakita natin ang bahagyang pagbaba, fluctuations sa world market price, sa Dubai benchmark at bahagyang lumiit ito ‘no. And we are expecting na liliit nga. Kaya lang ang bayaran po ay nasa dolyar po at biglang tumaas po ang presyo ng dolyar last week. Kaya iyong multiplier po natin sa dolyar, hindi po constant tumaas, imu-multiply mo iyong per barrel, tumaas iyong net effect niya. Iyon ho ang isang rason kung bakit talagang bahagyang tumaas ulit – dahil tumaas iyong dolyar.

Pangalawa, iyong nasa technology po ‘no. Ang demand sa diesel lalung-lalo nakita ninyong tumaas, actually iyong gasoline bumaba, dahil mas mataas ang demand, kasi it doesn’t mean na kung iyong krudo mo bumababa o dumadami, ang refinery process mo, iyong distillation process sa diesel is self-limiting. So, halos constant at hindi nag-i-increase po iyong production sa diesel and hindi ninyo talaga maki-cater iyong actual demand. Because of this process doon sa technology ay talagang naiipit ang diesel.

But, makikita ng mga kababayan natin na ang gasolina, talagang bumaba rin; ang tumaas po talaga ay doon sa diesel po.

SEC. IGNACIO: Opo, magkano po ang posibleng itaas bukas, Usec? Alam po natin na talagang sakit sa bulsa po ito, particular noong ating mga ordinaryong mamamayan?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Well, doon sa estimate po, na kinuha rin sa data ng mga private companies, ang diesel dito ay lumalabas na – ano ba ito, hindi ko alam – ang nasa akin is four something ‘no. Pero iyong gasolina ay bumababa ng mga .23 doon sa kanilang computation.

USEC. IGNACIO: Sa diesel po ay fourth consecutive week na ito, samantalang sa gasolina naman ay third consecutive week na pagtaas po ng presyo, ano po.

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Actually, ang gasolina is pababa because of the variable po na sinasabi ko nga, na it’s a … kahit na tumataas ang supply to address the demand, ang diesel, hindi ho basta-basta tumataas din kasi may proseso diyan iyong because of global standards ng pag-alis ng sulfur, iyong desulfurization process. So, constant po iyan, hanggang doon ho lang ang production nila dahil iyong capacity ho natin sa desulfurization ay iyon lang ho ang kaya niya kaya doon din ang production niya.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., itong sinasabi mong mga dahilan, posible ba na bukas hanggang sa susunod na linggo ay magkakaroon ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Posible ho na puwedeng bumaba. Kasi noon, dati ang sabi we don’t know when it’s going to rain or shine ‘no pero nakikita na nga natin na umeepekto hindi lang iyong variable lang ng demand and production, umeepekto na rin iyong variable ng dollar kahit sinasabi mo na bumaba iyong per barrel pero mas mahal iyong dolyar kaya iyong multiplier mo ay lumalaki rin.

Pangalawa, kahit sabihin natin na dumadami ang supply ng krudo pero iyong manufacturing volume mo na ginagawa sa diesel, halos pareho din dahil constant rin halos iyong refinery process mo na pagtanggal ng sulfur, iyong tinatawag na desulfurization process. Ang natawag lang dito sa industry na ito iyong structural problems po natin doon sa technical matters doon sa production.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., kamakailan lang po ay binanggit mo na hindi naman po aabutin ng ₱100/liter ang presyo ng produktong petrolyo sa ngayon. Dahil dito, masasabi po ba natin na malabo pa rin po na mangyari itong ₱100 kada litro?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Kung base sa isang dramatic/extreme reason, bigla na lang [mag-]aangkat at tataas, hindi naman ho pero ang nangyayari dito [ay] nagpapatung-patong. May posibilidad iyan kung tuluy-tuloy na bawat araw, bawat linggo eh tumataas. Kaya iyong biglaan ho na pag-aangkat naman at pagtaas ng ₱100, iyon ho eh hindi naman ho mangyayari most likely.

USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na po iyong tanong ni Rosalie Coz ng UNTV: May warning daw po ang NATO Chief regarding po sa possibility na tumagal itong Ukraine war for years which could further hit the energy supply in the country. How should we prepare for this, particularly the next administration?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Well, alam ninyo kasi iyong krudo ng Russia, hindi naman tayo na direct na kumukuha sa Russia ‘no, so iyong impact hopefully, we pray, na hindi naman ho makakaapekto sa atin dahil ang krudo ng Russia of course, ang production nila is sa Russia nanggagaling, wala naman iyong giyera sa Russia. Ang problema doon, iyong paglabas ng krudo galing Russia, dumadaan ng Europe at dumadaan ng Ukraine so affected ho ito.

Pero mayroon tayong isang outlet ho, iyong papunta ng Asia at alam ho natin na ang Russia ay nagsu-supply ng malaking volume dito sa China at ang Pilipinas ay malaki rin ang kinukuha na volume dito sa China. Itong linya ng distribusyon na ito, alam ho natin na hindi naman tayo talagang nagkakaproblema kasi maganda ang relationship ng Russia and China and nagbebenepisyo rin tayo dito dahil kumukuha rin tayo sa China po.

Most likely naman ang talagang paninikip talaga niyan na mangyayari sa atin most likely in the future, ito iyong mga kinukuha natin sa Middle East kasi magkakaroon ng higher competition sa Middle East. Iyong kinukuha natin doon [ay] iyong mga nandoon sa Europe at sa ibang parte/area ng mundo eh doon din pupunta at mag-aagawan ho tayo doon.

Hopefully ho, ang China will maintain its prices, ang problema lang natin, siyempre kahit na ang China ay mayroong sariling supply, iyong refining capacity—Dalawa ho kasi iyan eh, supply at eventually iyong refining capacity. Kapag tumataas iyong demand mo, kaya bang mag-refine, kaya bang maglinis ng krudo hanggang ito ay maging gasolina at diesel? So, dalawang proseso po iyong ating tinitingnan.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., sinasabi po ng mga commuters at transport groups na hindi raw po sapat itong ₱1.00 provisional increase sa pamasahe at fuel subsidy para masolusyunan ang mga hinaing ng transport sector. Ano pa ba iyong ibang kasalukuyang ginagawa po ng DOE at ng ating pamahalaan para masolusyunan itong tuluy-tuloy na oil price hike?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Pagdating ho sa transportation sector, siyempre ang may jurisdiction ho diyan at magko-compute sila kung ano iyong ia-allow nila na mga bayad o pamasahe ay ang Transportation sector. Although I understand na ang assumption din nila dito is medyo parang temporary rin iyong situation.

But on the part of the Department of Energy po, we are, of course, have pushed for the long-term revisit of the laws, especially the Oil Deregulation Law and we will continue to push on that. Ang in-address ho talaga diyan is iyong subsidy system to address ho iyong mga affected sectors, [ang] transport, farmers and fisherfolk.

Ngayon, alam naman natin na nagkakaroon tayo ng transition sa ating administration, pero tuluy-tuloy naman po ang ugnayan. Isa ho sa mga report po na ginawa ng DOE at itong sa transition na ito to see to it [na] kung ano iyong puwedeng benepisyo na ipapamigay ho natin, ipapaabot natin sa mga affected sectors ay itutuloy po.

USEC. IGNACIO: Opo. Maiba naman po tayo, ano po. Nito pong Sabado, itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red alert [status] po ang Luzon dahil sa insufficient power supply. Ano daw po iyong nangyari at bakit po nagkaroon ng kakulangan ng supply ng kuryente, USec.?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Hindi ko naman matawag na problema. I tried to ask our ‘power’ group and they’re attending to it. So, they’re addressing also these concerns of the NGCP.

USEC. IGNACIO: Opo. Ilan daw po at anu-anong mga lugar iyong posible pong maapektuhan nitong power interruption, USec.? Mayroon po ba kayong—

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Basically, ang grid system ho natin kasi eh supply going to the main line, itong transmission line. So, ito ho ay mina-manage ho ng NGCP at kung ano iyong mga particular areas ho na mina-manage nila, sila ho ang nakakaalam ho niyan. Hindi pa po ako nagkakaroon ng access doon sa report nila, most likely nandoon iyon sa power group po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. USec, sa courtesy call ni Russian Ambassador Marat Pavlov kasama po si President-elect Bongbong Marcos, sinabi niya na willing po sila na tulungan ang Pilipinas na makahanap ng ibang fuel sources. May mga pag-uusap na po ba o plano ang ating pamahalaan at siyempre po ang Energy Department tungkol po dito sa ino-offer na tulong sa atin ng Russia?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Magandang idea ho ito. Alam naman ho natin na may mga krudo ang Russia na hindi ho talaga inilalabas. Gusto ko lang banggitin na as early as 2017 ay nagkaroon tayo ng ugnayan sa Russia rin, pinirmahan po ng ating Department of Energy na in-encourage ho ni President Duterte, ito iyong Memorandum of Understanding on Energy Cooperation.

At nais kong banggitin rin po na about two years ago ay nagkaroon actually ng offer ang Russia, mayroon ng proposed contract po ito ‘no, at ang sistema ho nila sa pagkuha ng krudo nila is magdi-deposit ho ang Philippine Government.

Now, ito hong idea na ito ay maganda, pero mayroon na tayong operational and tinatawag na diplomatic concerns po ano. Sa operational po kasi, una, kapag papasok ang government, kailangan ang procurement mo diyan ay government-to-government pero dapat may available budget and alam ninyo naman ang budget natin, one to two years bago ho iyan ma-approve at kung walang pera ay hindi ka naman puwedeng bumili.

At iyong government natin, hindi naman puwedeng utusan basta-basta ang private sector. Alam ho natin na nasa private sector ho, under the Oil Deregulation Law, pribado na ho ang may hawak ng ating industry at siyempre ng mga kontrata na iyan [ay] long term. Hindi puwedeng sabihin ng government, “O, dito kayo kumuha.” Mayroon silang mga commitment na rin na baka biglang mabitin sila at sila naman ang bibitinin in the future.

And thirdly, iyong mechanism ho. Kung assuming [na] government din ang kukuha, wala siyang mechanism to distribute. Iyong dating oil company na pag-aari ng government na Petron [ay] nasa private sector na rin. So, kung bibili ka man, hindi mo rin madi-distribute iyan sa mga nangangailangan lalo na sa retail.

And lastly, iyong diplomatic concern. Alam ho natin sa community of nations, ang Philippines is aligned with countries like the US, sa Europe, na talagang very critical doon sa pag-e-exert at pagbibigay ng sanction sa Russia because of the, sabi nga, invasion ‘no. So, kapag ginawa ng Philippines iyan, of course, they will call the attention of the Philippines. So, mayroon talaga tayong diplomatic concerns ho dito.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., may isa pong Filipino-American geologist ang nagsabi na hindi raw po safe at secure for rehabilitation ang Bataan Nuclear Power Plant dahil daw po sa potentially active volcano na Mt. Natib. Ano po ang masasabi ninyo dito?

DOE USEC. ERGUIZA, JR: Well, unang-una, we can leave that to the experts. Siyempre, we have geologists; maybe he is expert on his own right. But just to tell you, one of the biggest company in the world, the Korea Hydro & Nuclear Power company came out with the feasibility study that it is doable and feasible to rehabilitate the Bataan Nuclear Power Plant, the same finding po [sa study na] ginawa ng Rosatom Energy po.

Iyong sinasabi naman nila na mayroong problema ho iyan, that remains an allegation. Alam ninyo noong una, iyan ho talaga ang naging labanan na until kahit na napatayo na iyan, dinidebate pa ho iyan.

Pero mayroon tayong proseso under the framework, kapag itutuloy naman ho ang Bataan, iyong nuclear energy program ho natin na ginawang framework ay dadaan po tayo sa masusi, una, na iyong stakeholders consultation acceptance – so, tatanggapin ba ito ng tao o hindi?

At ang ini-ensure ho natin sa last stage ng nuclear energy program na na-establish po is the regulatory framework. Isasabatas po natin lahat ito, including iyong proseso kung paano i-examine ito – iyong safety, security, safeguard, including iyong siting. So kapag nabuo ito sa batas, pagdidebatihan ito sa Congress, at iyan iyong time ho na sasabihin nila lahat iyong mga concerns nila. At kapag nabuo na itong batas po ay dadaan ho ulit sa hearing ang mga ito dahil mag-a-apply ka ng nuclear power plant, safe ba itong siting na ito?  So there will be two opportunities for them to debate tungkol sa bagay na ito.

Hindi ho natin sinasabing final na ito, but ang binibigay natin sa framework ay magkakaroon ng masusing pag-aaral pa ulit sa mga ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, tanong po mula kay Rosalie Coz ng UNTV: Ano raw po ang particular recommendation or endorsement ng Department of Energy under Duterte Administration sa incoming Energy chief ni President-elect Bongbong Marcos with regard daw po to Bataan Nuclear Power Plant? At ano raw pong update regarding sa talks ng government sa Russia, South Korea and USA on the uses of Small Modular Reactors (SMRs) technology?

DOE USEC. ERGUIZA, JR: Well, una, nais po naming sabihin na ang nuclear power ay parang iyong nag-improve na cellphone iyan ‘no, halos perfected na ang technology. So maganda ho iyan, safe siya at mayroong proseso talaga to ensure na nakikita natin lahat ng mga countries na economic and progressive ay gumagamit po ng nuclear power kasi 24/7 at mura po ‘no.

Kaya ang approach ho na ni-recommend ho – there are two kinds of, basically ngayon na lumalabas, na nuclear power plants ‘no: Iyong conventional, ito iyong mga luma na. Hindi luma na luma iyong technology, pero ibig sabihin ay ito iyong old na malalaking power plants; pangalawa, mayroong innovation at ito iyong Small Modular Reactor – of course, as a proof-of-concept po, para hindi magkakaroon ng masyadong hirap sa debate eh magandang proof-of-concept po iyong Small Modular Reactors na ipapatayo.

Pero iyong pagpapatayo ng Bataan Nuclear Power Plant, ito ay dadaan ho sa isang masusi na pag-aaral at nakikita ho naman na hindi ito masama. As a matter of fact, sinabi ko na mayroon namang studies but, of course, we leave it to the current administration ‘no, which to do first – the Small Modular Reactor or the Bataan Nuclear Power Plant.

But it’s high time also that this should be addressed. Alam ninyo, iyong mga binabayaran nating kuryente ngayon, nagkaroon tayo ng utang sa Bataan Nuclear Power Plant noon, nagbayad tayo nang hindi natin nabawi iyong nuclear power plant at nandoon pa sa mga cost stranded debts ‘no, na mga nautang natin noon. Sama-sama na iyon, patung-patong hanggang ngayon.

So we really have to address this, see to it na ang Bataan, siyempre you have to answer the question – “Is it safe?” – siyempre, iyan ay ia-address iyan. Will it add security to our energy? Sasagutin doon. And siyempre lastly, will it be affordable or cheap? Ito ang mga dapat sasagutin na titingnan ho. Ito ay dadaan ho uli sa masusing proseso and we will leave to the incoming administration po. Walang masama ho at nakikita namin na ito ay makakatulong po naman sa atin. But those concerns will be addressed.

Thank you very much po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng oras sa amin, Undersecretary Gerardo Erguiza, Jr. ng Department of Energy. Stay safe po, Usec.

DOE USEC. ERGUIZA, JR: Thank you po, Usec. Rocky. Maraming salamat po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Ayon po sa WHO, dapat ay mag-invest ang bawat bansa sa mental health ng kanilang mga mamamayan. Kasabay nito ay nanawagan din si Senator Bong Go na palakasin pa ang psychosocial at support service sa bansa. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting service. Ihahatid sa atin ni Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro ng PBS Radyo Pilipinas.

Alamin naman natin ang update sa paghahandang isinasagawa ng DepEd para sa face-to-face classes sa susunod na school year. Makakausap po natin si Undersecretary Nepomuceno Malaluan ng Department of Education. Magandang araw po, USec. Nepomuceno.

DEPED USEC. MALALUAN:  Yes, magandang umaga sa iyo, USec. Rocky at sa lahat ng iyong mga tagasubaybay.     

USEC. IGNACIO: Opo. USec. Nakatakda pong magsimula ang pasukan para sa school year 2022-2023 sa buwan ng Agosto ano po. Ilang paaralan po ang all set o handang-handa na para sa face-to-face classes?

DEPED USEC. MALALUAN:  Well, tinatantiya natin na dapat ay lahat ng mga paaralan ay may kahandaan na magbukas ng face-to-face classes. Pero iyong actual na magbubukas ay nakabatay pa rin doon sa magiging alert levels ng COVID at that time. But based on the most recent guidelines na ibinigay sa atin ng ating counterpart sa DOH ay sa levels one and two, kagaya ngayon ay puwede ang face-to-face classes at sa alert level one ay ire-relax na din sa darating na pasukan iyong physical distancing requirements.

So, ngayon kasi ay may limitasyon tayo sa ilang mga mag-aaral ang maaaring i-accommodate sa isang silid-aralan para ma-observe iyong physical distancing requirement. Pero kung sa pagpasok ng bagong school year ay ang protocol na ipinaabot sa atin ng Department of Health ay maaaring i-relax itong physical distancing kung alert level one na.

So, iyon iyong malaking pagbabago. Kung titingnan naman natin iyong lahat ng mga readiness requirement, dahil hindi lang naman physical distancing, kung hindi pati iyong handwashing facilities, iyong ventilation and so on, as of now ay mahigit walumpung porsiyento na ng ating pampublikong paaralan ang compliant diyan. At itong panahon nitong break na ito ay gugugulin, para 100% ay maging handa ang ating mga paaralan. At sa pribado naman ay patuloy iyong pakikipag-ugnayan ng ating private education office para sa mga guidelines na ito, USec. Rocky.                

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec. Kung sakali po na hindi naman po magbago itong alert level at manatili tayo sa alert level one, 100% po iyong face-to-face o may blended learning pa rin po?

DEPED USEC. MALALUAN:  Well, iyong usapin ng blended learning in our transition to new normal. Ngayon nga ay binabalangkas namin, USec. Rocky iyong overall guidelines sa papasok na school year. Ito iyong tinatawag naming learning recovery and continuity towards the new normal at isang component nitong guidelines na ito ay doon sa matter of learning delivery natin.

At tama ka, may mga gains tayo at saka mga innovations na naipatupad in relation to the distance learning modality. So, mayroon paring component na ire-retain natin. There are  many important learning gains that we have seen from the introduction of  various remote learning delivery, kagaya ng iyong renewed na participation ng ating mga magulang sa learning process ng mga bata. Iyong skill ng mga bata for self-directed learning, iyong bagong attitude nila towards technology na hindi lamang ito communication at saka entertainment gadget or tools. But also, gadgets and tools for learning and the other innovations in teaching and learning na napakahalaga din sa panahon ng pagbabago ng pakikipag—ibig sabihin, the way we are doing things overall.

So, kailangan pagyamanin pa rin natin, kaya magkakaroon ng component ito kung ano iyong bahagdan, USec. Rocky under finalization at bukod diyan ay siyempre, may pagkakataon pa naman din ito na maiharap doon sa ating incoming administration led by no less than, the incoming Vice President para din maparepaso nila at magkaroon tayo ng consensus with the incoming leadership dahil may pagkakataon pa, USec. Rocky, dahil sa Agosto iyong magiging pagbubukas ng new school year.              

USEC. IGNACIO: Opo. For next school year po sa mga magsasagawa ng face-to-face classes, papayagan na rin po ba iyong mga normal school activities at school programs na kailangang ma-gather ang mga estudyante, provided po na tayo ay hindi nagbago ng alert level?

DEPED USEC. MALALUAN: That is part of what we are looking at. Sumasabay lang ito, Usec. Rocky doon sa direksyon nung mula pa diyan sa IATF at overall government, magkakaroon na ng transition towards the new normal. Of course, we have to look at what will happen. For example, as far as we know, the state of public health emergency ay hindi pa nali-lift. I think it ends sometime in September.  But those are the factors that will determine the full normalization of all activities. But, in alert level one, if the Department of Health as I have stated earlier ay already, is allowing the relaxation of physical distancing, then that also means that the other interactive activities that require proximity of among the learners ay maaaring mag-umpisa na rin iyan, in the next school year, USec. Rocky.

But, in the end, lahat ng detalye nito ay lalamanin noong ilalabas pa na learning recovery and continuity towards the new normal for school year, 2022 and 2023. We are almost finished with the details. But we would also want to have the opportunity to also present this as part of the transition to the incoming administration in the Department of Education, USec. Rocky.            

USEC. IGNACIO: Opo. USec, sinabi naman po ng DOH na posibleng tumaas ang severe at critical COVID-19 cases sa bansa by August. Kung kailan po magsisimula rin itong next school year, kung sakali pong ganito nga ang maging sitwasyon, ano daw po ang planong gawin ng DepEd sa face-to-face classes? At may plan B po ba ang DepEd kung sakaling tumaas pa ang COVID-19 cases sa bansa?

DEPED USEC. MALALUAN: Well, una dito sa naging karanasan natin, we have shown the resilience and the capability to cope with various contingencies, hindi lamang ito sa COVID, but other even natural disasters. But so far, kung hindi magbabago itong alert level system na ito ay parang it really works, USec. Rocky, like our storm signal, dahil very definite na dito at alam na ng ating mga paaralan and protocols for each of this alert levels.

For areas under alert level one, alert level two, and alert levels three and above. So, it’s almost automatic iyong iiral in those under those alert levels. So, of course, we are all hoping that itong continued improvement ay magpatuloy at hindi nga magkaroon ng rebound itong pagtaas ng alert levels around that time.

But based on the protocols it works like similar to typhoon signals already. In other words, very definite na nga as I mentioned iyong guidelines that will obtain in each of the alert levels, USec. Rocky.               

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong si Tuesday Niu ng DZBB. So, tuloy pa nga po ang blended learning?

DEPED USEC. MALALUAN: But to the extent. USec. Rocky will be contained in the guidelines. In other words, how many days will be face-to-face, and how many will allow for remote learning as a combination in that blended learning. But, we need to carefully look at this, it is not anymore, just a … or not necessarily tied with COVID anymore. But ito ngang pagtataas natin doon sa teaching and learning modalities na na-introduce ngayon. How much of this can benefit our learners, because as I mentioned, there is also important knowledge, skills, and attitudes na mas mama-maximize under the distance learning modality.

So, it will be a combination and both will be part of the teaching and learning approaches towards the new normal at hindi ito nangyayari lang, USec. Rocky sa Pilipinas, kung hindi in education systems around the world, USec. Rocky.          

USEC. IGNACIO: Opo. USec., kami po ay nagpapasalamat sa inyo. Kunin ko po iyong mensahe ninyo at paalala sa ating mga manunood partikular po sa mga magulang na ang kanilang mga anak ay magpi-face-to-face, hopefully by August. Go ahead po.

DEPED USEC. MALALUAN: Yes, ginagawa ng Department of Education at nakita naman nila iyong   ating naging paghahanda at saka iyong pag-cope dito sa matinding hamon ng COVID-19 and how to be able to ensure the continued delivery of basic education to all our 27 plus million learners nationwide. Ngayon ay pinag-aaralan, talagang masusi ng Department of Education even as we go to the new normal kung ano ang magiging pinakamabisang pamamaraan ng paghahatid ng pag-aaral sa kanilang mga bata.

Ang isang bagay na ating  na-recover during the pandemic ay iyong recovery ng papel na ginagampanan ng ating mga magulang doon sa learning process ng kanilang mga anak at tingin ko ay isa rin iyang paalala sa narinig natin na inaugural speech  ng incoming na Pangalawang Pangulo at magiging Kalihim ng Department of Education, iyong pag-emphasize ng papel na ginagampanan ng ating mga magulang, lalung-lalo na dito sa usapin at  nakita din iyan doon  sa results ng PISA (Programme for International Student Assessment), iyong growth mindset ng ating mga bata, emphasizing the need for education, for better life for everyone to motivate our learners  to engage the education process at hindi iyan maaaring solely ay iasa natin sa formal education at napakalaki ng papel ng ating mga tahanan.

Kaya, we would want to continue this very strong partnership with the parents in the teaching and learning process of our Filipino children.  Maraming salamat, USec. Rocky.        

USEC. IGNACIO: Opo. Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong araw, Undersecretary Nepomuceno Malaluan ng Department of Education. Stay safe po.

DEPED USEC. MALALUAN: Thank you.   

USEC. IGNACIO: Operasyon ng dalawang parke sa Davao City bilang vaccination hubs, isasagawa hanggang katapusan ng Hunyo, may report ang aming kasamang si Hanna Salcedo ng PTV-Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Update sa face mask mandate sa lalawigan ng Cebu. Alamin natin mula kay John Aroa ng PTV-Cebu.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Hanggang bukas po muli, ako po si USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)