USEC. IGNACIO: Magandang umaga, mga kababayan. Ngayong araw ng Miyerkules, ika-22 ng Hunyo, aalamin natin ang transition plan ng Department of Agriculture sa nalalapit na pagpapalit ng administrasyon. Tatalakayin naman natin ang detalye sa pag-apruba ng Department of Health sa booster shot para sa mga edad 12 to 17. At pag-uusapan din natin ang detalye sa second tranche ng fuel subsidy ng LTFRB.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Samantala, alamin naman natin ang update sa pagbabakuna o sa pagbibigay ng booster shot. Makakasama po natin si Undersecretary Myrna Cabotaje. Magandang umaga po, Usec. Cabotaje.
DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa lahat ng nakikinig sa programa natin ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., simula po ngayon iyong pagbibigay ng booster shot para po sa mga – tama po ba? – edad 12 to 17 years old? At Pfizer po ba iyong brand ng bakuna na ibibigay sa mga bata o may iba pa pong brand para dito?
DOH USEC. CABOTAJE: Tama ka, Usec. Rocky, ngayon ang umpisa ng pagbibigay natin ng first booster sa ating 12 to 17 na immunocompromised at Pfizer lang, kasi siya lang ang may EUA (Emergency Use Authorization) ng FDA.
Nag-apply po ang Moderna pero ipa-follow up natin, hindi pa po naglalabas ang FDA ng kaniyang approval nito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., batay po sa guidelines, ang immunocompromised na 12 to 17 years old pa lang po iyong maaaring turukan ng booster shot. Paano raw po iyong proseso ng pagro-rollout ng booster shot nila? At ano raw po iyong requirement, Usec.?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang interval, Usec. Rocky, ng primary series at saka ng first booster for immunocompromised ay 28 days. So kung may mga 28 days na after their second shot, puwede na silang magpabakuna. Dalhin lang po iyong kanilang bakuna card; iyong kanilang medical certificate; iyong consent ng nanay o tatay, iyong mga magulang, caregiver, iyong [unclear] ng bata. Tapos po, uumpisahan natin sa at gagawin natin sa mga ospital ang pagbabakuna ng mga immunocompromised ‘no. Kagaya rin ng dati ang gagawin natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., basahin ko na lang po iyong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Bakit po naunang i-approve ang bakuna sa mga immunocompromised na teenagers kaysa raw po sa mga healthy teenagers? Inaprubahan na rin po ba ng HTAC ang recommendation para sa mga healthy individuals?
DOH USEC. CABOTAJE: Parehong naglabas ang HTAC ng recommendation for both immunocompromised and the regular 12 to 17 years old. Kaya lang po, magkaiba ang interval. Ang sa immunocompromised, 28 days ang pagitan [garbled] ng second dose [garbled] o rest of the 12 to 17 years old, five months. Kaya inuna po natin para hindi ma-confuse, may konting partida ika nga [garbled] iyong ating mga health workers na ang interval ng immunocompromised ay 28 days, doon sa health ay five months.
Isusunod din natin, after one or two days, sa Thursday ay maglalabas na tayo ng rest of the pediatric pero five months po ang interval.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung inaprubahan na rin daw po iyong HTAC itong recommendation para naman sa mga healthy individuals, Usec.?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, naglabas na rin siya ng recommendation – five months ang interval. Tapos Pfizer din iyong regular na ginagamit para sa 12 to 17 years old. Pati iyong dose ay pareho.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po ni Red Mendoza ng Manila Times: Na-finalize na rin po ba ang pagbibigay ng mga replacement vaccines mula sa COVAX? Ilan po ang expected na mga dosena ng bakuna na papalitan ng COVAX Facility?
DOH USEC. CABOTAJE: Nag-initial request po tayo, Usec. Rocky, ng 300,000 parang token na talagang iri-replace nila. So iyong mga susunod na delivery ng COVAX ay sa mga bandang fourth quarter na kasi kailangang ubusin muna natin iyong ating mga existing na inventory ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ulitin lang po natin ano, kailan naman daw po iyong rollout ng booster shot para sa general population ng 12 to 17 years old?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, iyong 12 to 17, iyong immunocompromised ay magsisimula na ngayon, 28 days ang pagitan ng [garbled] noong third dose. Ang rest of the pediatric 12 to 17 ay ihuhuli natin nang konti, mga Biyernes, Sabado – ang interval po ay five months from the second dose.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., gaano po kahalaga, lalo na sa mga kabataan ngayon iyong magpaturok po ng booster shot kontra COVID-19?
DOH USEC. CABOTAJE: Importante iyan, alam na natin na magbabalik na iyong ating face-to-face na klase. So mahalaga sa ating mga kabataan ang protektado with the primary dose. And then, kapag due na sila for booster, kailangan na lang mag-booster. Alam naman natin, nasa isip ng ating pamahalaan ang safety at wellbeing ng ating mamamayan lalo na ngayon at may iba-ibang lumalabas na variants ng ating COVID-19 virus.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., target po ng DepEd na magkaroon na ng full in-person classes sa darating na buwan ng Agosto sa pagsisimula po ng bagong school year. Kaugnay po niyan, pabor po ba kayo na gawing mandatory raw po iyong pagpapaturok ng bakuna kontra COVID-19 sa mga mag-aaral o estudyante?
DOH USEC. CABOTAJE: Personally, Usec. Rocky, kung ako, okay lang iyong mandatory. Pero alam naman natin na nasa batas, voluntary ito kaya kailangan ng consent. Gayunpaman, ini-encourage po ng ating Department of Health na magbakuna iyong ating mga 12 to 17. So hikayatin natin iyong ating mga magulang at saka iyong ating mga guardians to have the children vaccinated.
USEC. IGNACIO: Opo. Maiba naman po tayo ‘no. Nagpalabas po ng pahayag ang Department of Health na posibleng tumaas ang severe and critical COVID-19 cases by August dahil sa paghina po ng efficacy ng COVID-19 vaccine. Sa tingin ninyo po ba dahil sa forecast na ito ay dapat talagang payagan na iyong pagbibigay po ng second booster shot para po na po sa general population, Usec.?
DOH USEC. CABOTAJE: Wala pang recommendation ang ating Health Technology Assessment Council ng pagbibigay ng second booster for the general population. Ayun sa autumn projections at kung walang mga new variants of concern, magkakaroon tayo ng peak in cases, estimate nila by July. Importante pa rin iyong booster rates natin ng first dose kasi nasa 13-14 million pa lang po ang ating first booster doses. So ang importante, primary dose tapos iyong booster doses natin for 18 years old and above; ngayon magbibigay na tayo sa 12 to 17 [years old].
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ito po bang paghina ng efficacy ng COVID-19 vaccine ay maaaring isa sa dahilan kung bakit daw po patuloy iyong pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang immunity ay tumatamlay. Ibig sabihin, nagwi-wane ang response ng katawan overtime ‘no. Kaya mahalaga ang boosters for our vulnerable. Kaya iyon po ang inirekomenda ng ating mga experts na second booster, iyong ating vulnerable population at iyong mga due na based on their interval of doses ‘no para ma-ensure iyong ating proteksyon.
Ang alam naman natin, ang trend ng mga kaso ay depende sa maraming bagay. Pero pinakamahalaga po iyong ating pagsunod sa minimum public health standards at saka iyong pagbakuna – iyong primary at saka iyong ating mga boosters.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po ba iyong dahilan at hindi pa raw po naaaprubahan itong second booster shot for general population?
DOH USEC. CABOTAJE: Unang-una, Usec. Rocky, wala pong EUA ng FDA for second booster of the general population. Ang mayroon lang siya ay iyong health workers, senior citizen at saka iyong immunocompromised.
Kung walang EUA ang FDA, hindi po makakagawa ng recommendation ang ating Health Technology Assessment Council. Kasi dalawa ang pagbabasehan ng ating Health Technology Assessment Council ng kaniyang recommendation – kung may EUA, tapos may WHO recommendation.
USEC. IGNACIO: Usec, ilang araw na lamang po ay magpapalit na ng administrasyon, ano po. So, kumusta po ang transition ngayon? Ano po ang aasahan ng ating publiko, partikular po dito sa pamamahagi ng bakuna sa pagpapalit na po ng administrasyon?
DOH USEC. CABOTAJE: Huwag po sila mag-alala, ang papalit sa amin na aalis na ay kasing galing, kung hindi man mas magagaling. Ang magti-takeover po ng ating National Vaccination Operations Center ay si Usec. Vergeire, kasi siya po ang maiiwan dito sa Department of Health. So, the vaccination program will be in good hands. Kailangan lang po ang pagtutulungan nating lahat; kasama kayo na aming mga ka-partner sa media for advocacy; iyong mga lokal na pamahalaan para magsulong ng bakunahan and guidance from the national government.
USEC. IGNACIO: Pasensiya na po, Usec. Myrna, mayroon lang pong pahabol si Sam Medenilla ng Business Mirror: May inventory na ba po kaya ang NVOC kung ilan po ang nag-expire na COVID-19 vaccine? Ilan po kaya ito at magkano daw po ang estimated na worth?
DOH USEC. CABOTAJE: We are still finalizing the figure. Pero kagaya ng sabi ko, last time, we have about 2 million vaccines expiring in June, kung titingnan natin kung nai-jab lahat ito. And then, iyong ating mga expiring ng July, August and September na Pfizer ay na-extend po ng tatlong buwan pa. So, may extension ng shelf life. So, running [garbled] we are going to the next administration.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Natuloy din po kaya ang pagdo-donate ng Pilipinas sa vaccine sa ibang bansa? If yes, saan pong countries kaya ito at ilan daw po iyong covered na doses?
DOH USEC. CABOTAJE: We are negotiating with Myanmar. Ang hirap ng proseso. We are awaiting for the concurrence of the government of Myanmar, kasi ang pagbibigyan natin ay Red Cross ng Myanmar. So, hopefully, maibigay natin hanggang end of the month or first week of July, and about 2 million vaccine ng Sputnik for Myanmar.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ang third question po niya: Magri-recommend po ba ang NVOC sa next administration to procure additional COVID-19 vaccine? If yes, bakit po at ilang vaccine ang kinakailangan nilang bilhin?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang aming recommendation, and the DOH also recommends, even our Vaccine Czar ay we have enough vaccines. At the rate we are going ay hanggang end of the year. And then, may mga dadating by end of the year na COVAX donation. So, hindi po bibili ang gobyerno ng bagong mga vaccine, unless po mag-open na iyong below five years old at may special formulation iyan. So, ngayon sapat po ang ating mga bakuna, ang importante ay maiturok siya.
USEC. IGNACIO: Opo.
Usec. Cabotaje, ano na lamang po ang inyong mensahe o paalala para sa ating mga kababayan at saka sa mga nanunood ngayong umaga. Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong palaging pagsama sa amin. Go ahead po, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Maraming salamat, Usec. Rocky sa pagtalastasan nating ito. This will be the last from me, at least, because I am leaving. Salamat po sa lahat ng ating mga partners sa media. Hindi po natin makakamit ang ating mataas na vaccination rate na 70 million kung wala pong pagtutulungan sa lahat, pero, huwag po tayo magpakampante dahil nandiyan pa po ang virus; kailangan pa rin nating magpabakuna ng ating primary series at ng ating mga booster, at huwag nating kakalimutan ang minimum public health standards, especially wearing of the mask.
Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngalan po ng PTV at ng PCOO, kami po ay sumasaludo sa inyo. Maraming salamat po, DOH Undersecretary Myrna Cabotaje at Chairperson din ng National Vaccination Operation Center. Stay safe po. See you around.
DOH USEC. CABOTAJE: Thank you. Good morning.
USEC. IGNACIO: Samantala, hinimok si Senator Bong Go ang susunod na administrasyon na ipagpatuloy at i-improve pa ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Huwag po kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Alamin naman natin ang update sa pagsisimula ng pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa ilang lugar sa Metro Manila. Ihahatid sa atin iyan ni Mark Fetalco. Mark?
Mark? Okay, babalikan po natin si Mark Fetalco.
Mga mahihirap na residente sa Barangay Caliclic sa Island Garden City of Samal, hinatiran po ng tulong ng tanggapan ni Senator Bong Go. Ang detalye sa report na ito.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Operation Greyhound ng mga awtoridad sa Davao City Jail sa Ma-a, Davao City, isinagawa kahapon. Narito ang report ni Julius Pacot ng PTV Davao.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Inanunsiyo po ni President-elect Bongbong Marcos na siya ang pansamantalang mamumuno sa Department of Agriculture (DA) sa pagpasok ng kaniyang administrasyon. At kaugnay niyan, makakasama po natin si Secretary William Dar ng Department of Agriculture.
Magandang araw po, Secretary Dar.
DA SEC. DAR: Good morning, USec. Rocky, and good morning to your televiewers.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sinabi po ninyo noon na ang DA ‘di umano’y neglected at under budgeted. Sa tingin n’yo po, dahil si mismong President-elect Bongbong Marcos na po ang hahawak sa DA, ay mas mapagtutuunan ito ng pansin at tataas na ang budget na ilalaan dito, Secretary?
DA SEC. DAR: Iyon po ang nakikita po natin, USec. Rocky. Itong mensahe na neglected ang sektor ng agrikultura ay sinabi na rin niya noong kampanya. So, this is a welcome development sa atin for President-elect Bongbong Marcos to take the leadership here in the agriculture sector, so that maitama na niya iyong priority to be given to the sector and significant funding to be given as well.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kasalukuyan ninyo pong pini-prepare ngayon itong transition plan na ipapasa n’yo po kay upcoming President Bongbong Marcos, anu-ano po ba iyong mga nilalaman nito at ano po ang dapat bigyan ng prayoridad dito?
DA SEC. DAR: Okay. USec. Rocky, handa na tayo. [Nandito] na iyong transition plan so anytime po na mayroong pagkakataon ang ating President-elect na mabigyan ng briefing ay handa na po tayo.
Now, what are the things that are included in the report? Number one, we described the state of Philippine agriculture. Pangalawa, iyong burning issues and challenges sa sector. Pangatlo po ay iyong recommendations and specific policy targets and solutions; and the fourth one are accomplishments anchored on the Food Security Development Framework and the One DA Reform Agenda. So, nandiyan lahat, mayroong medium-term and long-term ideas dito po sa transition report na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Isa rin po sa mga iminumungkahi ninyong proyekto para sa susunod na administrasyon ay iyong pagtatayo po ng food terminal. Maaari n’yo po bang ipaliwanag kung ano ito, Secretary?
DA SEC. DAR: Alam ninyo, dito sa ating bansa ang mga farmers, individually, to some extent there are already associations or cooperatives na doing also marketing. So, there must be a win-win solution to the problems of the producers and the consuming public. So, we link the producers to markets so to speak.
Now, the food terminal system will be very formidable so that mayroong national, may regional, may provincial and sub-provincial food terminal system. These are all mostly wholesale markets where the farmers’ cooperatives and associations can bring and market their produce. This will really be a big, you know, important investment by the government, and this is servicing the very requirements of the producers and even the consuming public kasi from a food market underneath this food terminal system ay nandoon na lahat iyong raw products, nandoon na lahat also iyong agricultural inputs na ibibenta. This will be the day we can see na ‘Yes, agriculture is given now the top priority.’
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, paano po raw ito makakatulong sa ating bansa lalo na ngayon na may food crisis at talaga pong nagtataasan ang presyo ng pangunahing bilihin?
DA SEC. DAR: Well, tayo ngayon ay mayroong Food Terminal Incorporated presently which is being requested to be transferred to the Department of Agriculture. Nandoon, mayroong mga warehouses, mayroong cold storages. Halos we are now utilizing those spaces in partnership with the FTI (Food Terminal Incorporated), and that is just one of the solutions now to really stock food in Metro Manila.
Now, nagtataasan ang presyo kasi, alam ninyo iyong impact na ng Ukraine war, nandiyan na; iyong impact ng pagtaas ng fertilizers, nandiyan na; iyong impact pa rin ng COVID-19, nandiyan na. So it’s a convergence of big challenges that is now gripping not only the Philippines, I mean, it’s all over the world having, to some extent, now this food crisis.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, usapang bigas naman po tayo. Sinabi po nito lamang nakaraang buwan na pinaplanong ibalik ng Department of Agriculture ang NFA sa merkado, pero para po sa mga 4Ps beneficiary lamang. Ano po ang update dito at kailan daw po ito inaasahang masisimulan?
DA SEC. DAR: Well, ito iyong isang recommendation po natin for the incoming leadership. And so, iyong NFA buffer stocking has to be capacitated to the level of 30 days para mas malaki po ang exposure nila sa procurement po ng palay locally. Hindi imported po ito. They have to procure from the farmers, a 30-day buffer stock. I would call that the barest minimum for a buffer stock for a country like us, visited by a number of typhoons a year and the like.
So on top of that, we have also to direct, I mean, kausapin natin ang mga probinsiya na may kakulangan pa rin sa rice production kasi sila dapat ang mag-buffer stocking din para sa mga kani-kanilang constituencies. So iyon, mabibigyan sila ng concessional loans ng DBP, ng LandBank of the Philippines. So overall ang aming recommendation ay 30 days with NFA buffer stock, 30 days with local government. That will be the day also where the prices of palay are stabilized during harvest time kasi mayroon nang malaking exposure ang national government and local governments. And that has to be one of those marching orders of the incoming President.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong lang po si Tuesday Niu ng DZBB: Iyon daw pong mga recommendation na iyan, bakit hindi raw po nagawa ng nagdaang anim na taon sa DA? Bakit ngayon lang po nairekomendang gawin?
DA SEC. DAR: Well, itong NFA buffer stocking, ito iyong latest na resulta ng rice tariffication law po. Ang rice tariffication law ay nag-umpisa lang noong 2019, pero ang actual implementation niyan ay noong 2020 na.
So these are the adjustments kasi kakaunti naman iyong budget na binibigay sa agrikultura. Seven billion lang iyong binibigay sa NFA. They were requesting more, pero seven billion lang ang ibinigay.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong naman po mula kay Rose Novenario ng Hataw: Ano raw po ang reaksiyon ninyo sa naging pahayag diumano ni Atty. Bong Inciong ng United Broiler Raisers Association na, I quote, “Niyakap nang husto ni DA Secretary William Dar ang special importation kaya tumagilid ang sektor ng agrikultura.”
DA SEC. DAR: Wala pong katotohanan iyong ganoon na policy direction. Alam mo, Usec. Rocky, kasama ka sa gobyerno, pinapatupad po natin ang food security goal. We boost productivity of various commodities in agriculture for the best we could, based on the limitations of budget and the like. So kung anuman iyong pagkukulang, then you have to augment that.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, hanggang ngayon po ay patuloy pa rin ito pong pagdinig at imbestigasyon dito po sa smuggling ng mga agricultural products sa loob diumano ng DA at sa Bureau of Customs. Ano na raw po ang ginagawang hakbang ng Department of Agriculture ngayon para raw po mapigilan itong sinasabing rampant smuggling at mapanagot ang mga taong involved dito?
DA SEC. DAR: Well, number one, it has to be kung ano iyong report ng Senate and the House, pananagutin kung dapat sinong managot. Number two, we continue to do our collection of evidence, kasi we need to really have evidences to nail down our people. Mayroon na kami. Meanwhile, we have reassigned some of these people doon sa areas na hindi nila maituloy iyong malpractices nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ayon naman po kay Senator Tito Sotto, naibigay na raw po kay President BBM ang listahan ng mga taong sangkot umano sa smuggling. Malaki po ba ang kumpiyansa ninyo na mariresolba ni incoming President BBM ang matagal nang problema na smuggling at katiwalian daw po sa DA?
DAR SEC. DAR: Dapat iyon po ang isang pagtuunan po. Yes, malaki po ang tiwala natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kayo po ba ay mayroon na pong naka-schedule na pakikipag-usap o meeting with President-elect Bongbong Marcos para po sa transition? Kung mayroon po, mga kailan po kaya ito?
DAR SEC. DAR: Handa na po kami doon sa transition, pero wala pa pong schedule.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, hingin ko na lamang po ang inyong mensahe at paalala para sa ating mga kababayan. Go ahead po, Secretary Dar?
DAR SEC. DAR: Siguro, USec. Rocky, this will be one of those Laging Handa interactions and with almost one week to go, let me take this opportunity to thank President Rodrigo Roa Duterte for having trusted me, for the last two years and ten months. It has been a pleasure, a very challenging job because of one crisis after the other. But we came out with these various battles, only battle card tayo. Pero taas-noo pa rin tayo, we did our best with no corruption and of course, we came out more resilient than before as a sector. So, iyong walang pilahan na sa bigas during these two years and ten months tayo. Marami pong salamat sa lahat ng tulong po ninyo.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din, Secretary kami po ay nagpapasalamat sa inyong naging pagpapaunlak sa amin, sa palagian naming imbitasyon para sa inyo. Maraming salamat po, stay safe po and mabuhay po kayo, Secretary Dar.
DAR SEC. DAR: Salamat po at tayo po ay magtanim-tanim na, kasi malaki ang problema natin sa bansa.
USEC. IGNACIO: Salamat po. Salamat po, Secretary William Dar ng Department of Agriculture.
Isang buwang selebrasyon ng 35th Founding Anniversary ng Cordillera Administrative Region, magsisimula sa July 1. Ang detalye sa report ni Alah Sungduan ng PTV-Cordillera.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Mark Fetalco hinggil sa pagsisimula ng pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa 12 to 17 years old sa ilang lugar sa Metro Manila. Mark?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa iyo, Mark Fetalco. Dumako naman tayo sa balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, ihahatid sa atin iyan ni Czarinah Lusuegro ng Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas. Dahil po sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, ilang mga programa at proyekto ang kasalukuyang isinasagawa ng ating pamahalaan. Upang bigyan po tayo ng update tungkol diyan, makakasama po natin ang Executive Director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na si Ma’am Maria Kristina Cassion. Magandang umaga po, ma’am.
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Magandang umaga, USec. Rocky at sa lahat po ng ating mga nanunood sa programa natin ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Kristina, target po ng LTFRB na mai-release ang second tranche ng fuel subsidy by late June or early July. Kakayanin po ba itong ma-release sa naunang target o huwag naman po sana na ma-delay pa ito.
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Actually po, kung sa paghahanda lang po ay handang-handa naman po ang LTFRB. But, we will leave it up to the next administration na po, kung ano po iyong kanilang polisiya, magiging polisiya po natin dito sa fuel subsidy program natin. We do not want to preempt po kasi of the incoming administration of President Marcos kung ano po iyong kanilang mga programa at polisiya, when it comes to the ayuda for the transportation sector.
Rest assured naman po sa naririnig natin kay incoming President Marcos na iyong transportation ay isa daw sa tututukan ng kaniyang administrasyon. At ang LTFRB naman po ay laging handa naman pong tumugon kung ano po ang iuutos din po sa atin.
USEC. IGNACIO: Miss Kristina, pero magkano po iyong inaasahang second tranche of fuel subsidy na ipamimigay sa mga benepisyaryo at ilan po iyong mga nakatakdang benepisyaryo na makikinabang dito?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Originally po kasi dito sa ating, under sa GAA 2022 po natin ay P2.5 billion po ang ating budget po for the 300,000 plus na mga beneficiaries covering LTFRB managed na mga modes, pati iyong mga DTI na deliveries and then, iyong sa LGU po. So, sa tingin naman po namin, wala naman pong pagbabago, if in case po na ire-release po nila iyong second tranche, wala namang pagbabago doon sa mga beneficiaries, kasi ito naman po talaga ang registered na mga franchise owners po sa atin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero update lang po, ma’am. Sa first tranche po ng fuel subsidy, lahat po ba ng beneficiaries ay nabigyan na po nitong first tranche?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: So far po, doon sa update po sa atin ay mayroon na lamang pong–, actually natapos na po ng LTFRB iyong our part on the disbursement authority, may debit authority na po iyong Landbank covering 264,000 mahigit na LTFRB managed na mga modes. May natitira na lang daw po, sabi ng Landbank na mga 50,000, ipapasok na din po nila, within this week sa kani-kanilang mga accounts po. For other modes naman po ay natapos na natin iyong almost 20,000 na po na disbursement and then, ganito na din po iyong mga nabibigyan. May isinauli po tayo sa DTI na around 5,000 plus po na na-reject po ng system ng Landbank, because invalid accounts po. So, inaantay po natin at lagi naman po tayong nakikipag-coordinate with DTI para maibalik po iyong tamang listahan at tamang accounts po.
And for the LGU naman po, sa mga tricycles po, ay nagbibigay na po tayo ng debit advice po doon sa LandBank para naman po mai-credit na doon sa mga G-Cash or sa may 68,000 po na for over-the-counter naman po.
Sinisikap din natin na – in partnership or in coordination with LandBank – na matapos na rin po nila iyong crediting. Lagi po tayong nakikipagpulong sa kanila. In fact, yesterday, we had another meeting with LandBank para po ma-push na po talaga, na ma-credit na po nila iyong doon sa mga beneficiary accounts po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, inaprubahan ng LTFRB itong ₱1.00 [provisional] fare hike pero may ilan pa rin pong transport groups na pini-petition na gawing fourteen to fifteen pesos ang minimum fare at ang last hearing para dito ay sa darating po na June 28. Ano po iyong isasaalang-alang ng LTFRB dito, Ma’am?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Yes po, Ma’am ‘no. Batid po natin iyong kahilingan po nila and the situation on the ground po, tells us na nahihirapan na rin po sila. So, ito iyong mga ina-assess ng Board natin, in fact, naka-three executive sessions na tayo with the Board and our technical persons. And [we are] considering also the feedback or the position papers of our resource persons from NEDA and other economic management ng mga agencies po ‘no.
Ang isinasaalang-alang talaga ng ating Board in balancing the interest, unang-una, siyempre iyong economic viability ng ating mga operators amidst the rising cost of fuel and then of course, iyong sa commuters naman po na side kasi the burden will be passed on to them ‘no, iyong kakayahan naman nila na magbayad ‘no.
And then iyong effect naman po nito sa inflation natin, kasi sinabi nga po ng NEDA noon na after we give the provisional ₱1.00 increase, it [will] really cause an increase in the inflation rate naman po. So, lahat pong ito ay binabalanse ng ating Board in coming up with an equitable decision for all stakeholders po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, naghain naman ng petisyon itong mga bus companies ng provisional fare hike. Pati po iyong taxi drivers at Grab ay humihiling na rin po ng fare hike pero hanggang ngayon daw po ay wala pa rin ‘diumanong tugon ang LTFRB dito. Ano po ang ginagawang hakbang ng LTFRB dito para po ma-address itong hinaing nila?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Yes po. Doon sa mga buses naman po, yes, natanggap na po natin about a week or two weeks ago yata iyong kanilang petisyon at isinasama na rin po ito sa pag-aaral ng ating mga technical persons ‘no. For the TNVS (Transport Network Vehicle Service) naman ay may 29 po tayo na last naman na hearing po ‘no.
And iyong sa taxi po, medyo doon lang kami nababahala kasi they’ve been saying na, una, sinabi nila na noong March pa ay may petisyon na sila for fare hike pero tini-trace po natin sa ating mga units dito, sa Legal natin, wala naman po kaming natatanggap. And then may lumalabas na balita na maghahain pa lang daw po sila ng petisyon pero iyong sinasabi po nila ay nananawagan po sila, but until now po ay wala po tayong opisyal na natatanggap galing sa taxi operators po.
So, hindi naman po tayo puwedeng umaksiyon without any petitions for fare hike from the taxis kasi we are a quasi-judicial body po, so kailangan may ihain muna silang petisyon bago tayo umaksiyon sa Board natin.
USEC. IGNACIO: Ma’am, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media. Mula po kay Sheena Torno ng SMNI News: Ano raw po ang dahilan kung bakit hanggang katapusan na lang iyong Libreng Sakay dito po sa mahigit isandaang ruta sa National Capital Region?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Yes po. We have 146 PUJ routes in NCR and then we have the bus routes po sa EDSA Busway and then iyong Route 7 natin sa Commonwealth also ‘no. Nagtapos na iyong 118 routes noong June 16 at mayroon tayong hanggang June 30 naman, iyong 28 po na mga PUJ routes na high-density, high volume talaga iyong mga ruta na ito. But we will continue the EDSA Busway until July 31 po and also the Commonwealth po na Route 7 natin from Montalban to Quezon Avenue.
Nasa 80% na po kasi iyong exhaustion ng ating funds at tinataya natin na mauubos na din talaga in the coming days po ‘no. Let me give you an insight lang po ‘no, we are paying ₱10 million per day sa Busway pa lang natin and then ₱14 million per day sa NCR, so, nagkakaroon talaga ng exhaustion. And this is a nationwide program po ‘no, all over the country, hindi lang po sa NCR [kung hindi] pati na rin sa Regions I to CAR and CARAGA po ang nagpa-participate po dito.
And there was a triple surge po ‘no in the enrolled units. Kung dati ay nasa 500 plus units lang, ngayon ay nasa 1,600 units ang in-enroll po with about 900 operators na sumali sa atin ngayon. So, it really caused an exhaustion of our funds.
But what is good naman din kasi, dahil maraming ruta at maraming units po ang nagpa-participate ay marami po tayong naseserbisyuhan na mga mananakay lalo na sa ating Libreng Sakay po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Ma’am, magkano po iyong total budget para po sa Libreng Sakay?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Iyong total budget po natin all over the country po is ₱7 billion po and nasa 80% na po tayo sa ating mga payables po. And they are continuing to run even until now in some of the regions until June 30, and other regions po ay hanggang July pa po iyong kanilang implementation po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am Kristina, kuhanin ko na lamang ang iyong mensahe at paalala para po sa ating mga kababayan. Go ahead po.
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Para po sa ating mga kababayan po na tumatangkilik lalo na sa ating Libreng Sakay program, maraming salamat po talaga sa inyong pagtangkilik. Hopefully naman po at ina-assure naman po ng ating incoming President po na tututukan po niya iyong transportation. Maraming nagsasabi na sana mai-extend pa itong Libreng Sakay, eh handa naman po ang LTFRB as long as may supplemental budget po na ibibigay po sa atin.
For those naman po na nanghihingi po ng petition for fare hike, rest assured po na ginagawa po ng LTFRB lalo na ng ating Board iyong ating tungkulin po sa pagdidinig nito at pag-aaral po nang maigi para po magkaroon tayo ng equitable na desisyon sa ating Board.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagbibigay ng impormasyon at panahon, Miss Maria Kristina Cassion, ang Executive Director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Salamat po.
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Thank you po. Good morning sa lahat.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Hanggang bukas pong muli. Ako po si USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)