Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Nakaambang taas-singil sa mga airfares sa susunod na buwan, paghahanda ng Philippine National Police ilang araw bago ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., at update sa bakunahan, ilan sa mga usaping tampok sa ating talakayan ngayong araw ng Sabado.

Manatiling nakatutok. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Samantala, Executive Order # 174 na layong magbukas sa bagong position level para sa mga guro at principal sa mga pampublikong paaralan suportado ni Senator Bong Go. Narito po ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa kabila pa rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, nakaamba na rin ang taas-singil sa mga airfares sa susunod na buwan. Para bigyan tayo ng detalye tungkol diyan, makakasama po natin si Atty. Carmelo Arcilla, Executive Director ng Civil Aeronautics Board. Magandang umaga po, Attorney.

CAB ATTY. MORO: Magandang umaga po, Usec. Rocky. I’ll be representing Director [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo, ma’am, magandang umaga po. Ma’am, ni-revise po ng Civil Aeronautics Board ang surcharge matrix. Ano po ang factors na nakita ninyong kailangan na talagang mai-adjust?

CAB ATTY. MORO: Ma’am, kasi kung napapansin naman siguro natin lahat ‘no, iyong fuel po kasi sa pandaigdigang pamilihan, umakyat po siya simula nang November or December noong nakaraang taon at patuloy po siyang umaangat or tumataas ngayong mga panahong ito.

Noong ni-review po natin ang fuel matrix natin, fuel surcharge matrix natin nitong nagdaang buwan, April and May, nasa halos 155 per barrel po, almost ‘no; at ang palitan [ng] dolyar at piso ay nasa 52. Kung mapapansin po natin ngayon, umaangat po lalo or tumataas lalo ang presyo ng fuel at ganoon din po ang exchange rate. Ito po iyong mga factors na nakikita ng CAB na naging movement po or galaw sa merkado kaya po ni-review natin iyong fuel surcharge matrix.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero nababahala po, Attorney, ang ilan nating mga kababayan dito sa posibleng airfare hike. So far, aling airlines na po ang nag-file ng application para dito? At nasa magkano po ba ito, kung sakali ano po? At paano po iyong magiging computation?

CAB ATTY. MORO: Siguro, Usec., ipaliwanag ko lang: Iyong pamasahe po, the base fare po, iyong base far natin na tinatawag, wala pong masyadong naging galaw diyan or pagtaas. Mayroon pa rin po na existing na mga promotional fares or iyong mga murang pamasahe hanggang ngayon. Iyon lamang po, naidadagdag ang ating mga fuel surcharge, depende po ito sa galaw din ng merkado at ng kung magkano po ang nagiging presyo ng fuel sa pandaigdigang pamilihan.

Pero iyong base fare po, hindi siya halos nagagalaw. Ito po ang mekanismo siguro sa airline operations na iyong pamasahe, iyong base fare ay hindi nagagalaw. Pero siyempre po, dahil nadadagdagan ito ng fuel surcharge, iyong kabuuan po o iyong total na pamasahe ay medyo umaangat. Iyong presyo ay depende kasi sa distansiya ng nililipad. So ang atin pong mga parameters na ginagamit diyan ay distansiya at kung iyong mga eroplanong ginagamit po ‘no. So siguro po ay nagri-range siya from 355. Kasi po beginning July 1, naglabas po kasi tayo ng advisory noong June 20 which will take effect po ng July 1, iyong fuel surcharge na ito. So nagsisimula po iyan sa mga malapit na lugar at 355 pesos hanggang sa malayong lugar po at 1,038 dahil nasa Level 11 po tayo ngayon.

Halimbawa, ang Manila-Cebu halimbawa ay nasa 706 pesos ‘no, ma’am. Medyo marami na rin pong mga airlines, ang atin pong mga local airlines ay nakapag-apply na rin – Cebu Pacific, Philippine Airlines – at mga iba pa pong foreign carriers din po ay nag-apply na rin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, para malinaw lang: Ito pong 7oo pesos, itong in-example ninyong Manila to Cebu, ito po iyong magiging dagdag, tama po ba, dito sa mga dati nang pamasahe na binibili po ng ating mga pasahero?

CAB ATTY. MORO: Tama po, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ito po ba ay applicable sa domestic at international flights at sa passenger … regardless po sa mga edad?

CAB ATTY. MORO: Yes, Usec. Applicable po siya for both, para po sa domestic flights; at sa international flights naman po, lahat po ng flights na nag-o-originate po sa Manila or sa Pilipinas, kinakailangan po ng approval ng Civil Aeronautics Board.

Pero iyong papasok po – galing sa labas, papasok ng Pilipinas – depende na po iyon sa kung saan sila nanggaling, ang approval, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Eh kasi malimit po sa ating mga kababayan, kung hindi Manila, papuntang LA; mayroong Manila, papunta po sa Middle East. So dito po sa international flights, estimate lang po, sa tingin ninyo ay magkano po iyong magiging dagdag dito?

CAB ATTY. MORO: Medyo malaki-laki po ang ating … sa international flights ‘no kasi po medyo malayo siya. I just don’t have the figures with me right now, Usec. Pero nagri-range din po siya depende rin po sa distansiya.

At idagdag ko lang din po, natanong ninyo yata, hindi ko yata nasagot iyong tanong ninyo kanina kung kasama po ba, applicable to all passengers. Lahat po ng pasahero na bibili ng ticket, kasama po ang fuel surcharge, maliban po sa mga infants na wala naman pong upuan. Basta po may biniling upuan, mayroon pong fuel surcharge.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon pong sinasabi ninyong—kanina iyong naging example ninyo na Manila-Cebu na 700 pesos na …one-way lang po iyon ‘no, na nadagdag? Ito po ba ay pare-parehong dagdag or amount na dapat maidagdag ng bawat airline companies?

CAB ATTY. MORO: Para po sa airlines, yes, Usec. Basta po parehong distansiya, kasi nabanggit ko rin po kanina na ang fuel surcharge po natin ay nakabase sa layo ng liliparin or lipad. So kung Manila-Cebu po iyan, kahit na anong airline po iyan at Manila-Cebu ang lipad, ito pong amount na ito ang maximum. Kasi may choice pa rin po ang airline, ang bawat airline kung mag-a-add ba sila ng fuel surcharge o hindi, or mas mababa. Basta ito po iyong ating pinakamataas na limit po na fuel surcharge na puwede po nilang idagdag sa pamasahe.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasama rin ba itong cargo services sa fuel surcharge?

CAB ATTY. MORO: Yes, Usec. Noong ni-revise po natin itong ating fuel surcharge matrix, naisama na rin po natin ang mga cargo. Pero applicable lang po ang cargo fuel surcharge doon po sa mga sini-ship via air.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, itong airfare hike, kailan po ito target ipatupad?

CAB ATTY. MORO: Usec, iyong fuel surcharge po ay to be effective July 1 to July 30; iyong inilabas po nating matrix noong June 20. Effective po ito for one month, kasi po ang ating review period or evaluation period ay isang buwan din po.

So, ang average fuel price at average US dollar to peso exchange rates po ay minu-monitor po natin iyan sa loob ng isang buwan para po sa susunod na buwan po na implementation naman din po ng fuel surcharge.

So, monthly po tayo [unclear].

USEC. IGNACIO: Opo. Kung matutuloy po itong fare hike na ito, na sinabi ninyo nga na by July 1, may projection po ba kung gaano kalaki iyong posibleng epekto o mababawas nito sa dami po ng mga bumibiyaheng pasahero, Attorney?

CAB ATTY. MORO: Siguro, Usec, hindi magiging conclusive ang sagot natin diyan ano, kasi po nanggaling tayo sa pandemya, so kahit papaano po ay medyo marami pa rin sa ating mga kababayan iyong medyo nagdadalawang-isip pa rin na bumiyahe at iyon nga po, medyo marami pang medyo hindi nagiging prayoridad ang pagbiyahe.

So, medyo at this point po siguro, medyo mahirap magsabi kung ano iyong magiging epekto ng fuel adjustments na ito.

Ulitin ko lang, Usec: On the base fare itself ay halos wala pong nagbago, but siyempre additional nga po itong fuel surcharge. So, sa kabuuan po, talagang mayroong mararamdaman na pagtaas po sa pangkabuuang pamasahe.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan, partikular po iyong talagang palagian pong bumibiyahe.

Go ahead po, Attorney.

CAB ATTY. MORO: Thank you po, Usec.

Siguro po, para sa ating mga kababayan na nais magbiyahe, siguro po mas maia-advise natin na mag-book po ng mga ticket nang mas malayo sa travel date kasi po usually mas mura talaga kapag mas maaga kayong nag-book.

So, mga one month advance or two months advance [ay] po siguro makapag-book na kayo nang makapamili din po kayo ng mas mababa at mas magandang presyo.

Siyempre po, Usec, ang patuloy na pag-iingat po para sa lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng panahon sa amin, Attorney Blem Moro, Hearing Examiners Division Chief ng Civil Aeronautics Board.

Salamat, Attorney.

CAB ATTY. MORO: Salamat din po, Usec. Magandang araw po.

USEC. IGNACIO: Samantala, isinara na sa mga motorista ngayong umaga ang southbound lane ng EDSA-Timog Flyover sa Quezon City.

Matatandaang sinabi ng MMDA na isang buwan na isasara ang naturang flyover para sa isasagawang pagkumpuni matapos makitaan po ng lamat at butas.

Nag-abiso rin ang MMDA sa publiko na asahan na rin ang matinding trapiko sa lugar, kaya naman ay naglabas ang ahensiya ng ilang alternate routes para sa mga motorista.

Ilang araw bago po ang inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos Jr., kumustahin natin ang ilan pang paghahanda ng Philippine National Police.

Kaugnay diyan ay muli po nating makakasama sa programa si Police Colonel Jean Fajardo, ang Spokesperson ng Philippine National Police.

Magandang umaga po, Colonel.

PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, kumusta na po ang preparasyon para sa inauguration? All set na po ba ang PNP para sa darating na Huwebes?

PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Yes, Ma’am, all set na po ang security preparations ng PNP. Kung magkakaroon man po ng minor adjustment ay depende na lang po sa magiging ground situation sa June 30. But all security preparations ay in place na po, Ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Magkakaroon din daw po ng live streaming screen ang PNP sa araw ng inauguration. Saang areas daw po ito isi-set up at kumusta rin daw po iyong preparation para dito?

PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Ma’am, inutusan na po ng ating OIC [PNP Chief] iyong ating mga field commanders, particularly iyong ating mga regional directors to coordinate po sa mga respective local government units para po, iyon nga, magkaroon nga po ng mga malalaking LED wall doon sa kanilang mga respective areas para nga po mag-live stream itong gagawing inauguration nga po ni President-elect Bongbong Marcos.

At iyon pong malalaking LED wall din po diyan sa kahabaan ng EDSA ay nakikipag-ugnayan na rin po tayo sa mga managers po diyan to make sure po na ito nga po ay maipapalabas. Ito ang paraan din po ng PNP, isa sa mga recommendations para ma-decongest din po itong area po ng National Museum dahil inaasahan nga po natin na dadagsain po ito ng mga tao.

USEC. IGNACIO: May mga nakakausap na po bang grupo na posibleng magsagawa ng kilos-protesta sa araw ng inauguration, Colonel?

PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Nagsalita na rin naman, Ma’am, iyong grupo na planong magsagawa ng kanilang mga protest actions sa June 30 at ito naman, Ma’am Rocky, ay anticipated, kaya pinagplanuhan natin ito. But just the same, patuloy po tayong umaapela at nakikiusap nga po dito sa mga grupo na nagbabalak nga pong mag-conduct ng protest action, na sila naman po ay papayagan basta iyan lamang po ay limited lang sa freedom park at sana po ay huwag na rin po sila sanang magplano na umalis at magmartsa patungo doon sa area kung saan gaganapin itong inauguration para hindi na rin po magkaroon po ng ‘ika nga, kaguluhan at problema po.

USEC. IGNACIO: Opo. Habang papalapit na po ito, ilang araw na lamang po ang inauguration, may nakikita po ba ang PNP na dapat ay karagdagang deployment ng pulisya o nananatili pa rin po iyong kung ano iyong original na idi-deploy po natin na hanay ng pulis sa araw ng inauguration, Colonel?

PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Dito, Ma’am, sa paligid po ng National Museum ay mga more or less 7,000 po ang idi-deploy natin. Hindi pa po diyan kasama iyong mga manggagaling po sa AFP at Philippine Coast Guard.

Doon sa mga other areas of engagement, particularly diyan po sa may PICC area and diyan po sa may Mendiola ay separate pa po iyon. So, kung lahat-lahat po, Ma’am Rocky, including iyong mga ilalagay po natin na mga checkpoints sa mga papasok po ng Metro Manila ay humigit-kumulang, mga 12,000 to 15,000 po ang total ng PNP personnel na idi-deploy natin for this purpose.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, habang mas umiikli iyong araw bago po ang inauguration, bagamat paulit-ulit na rin po itong natatanong, pero wala po bang direktang banta o security threat na nakikita ang PNP so far, dito po sa malaking event na mangyayari sa June 30?

PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Sa ngayon, Ma’am, wala po tayong nari-receive at namu-monitor na any credible and serious threat pertaining dito nga po sa nalalapit na inauguration nga ni President-elect BBM. But just the same ay patuloy po tayong nakikipag-coordinate sa ating mga intelligence unit to make sure nga po na lahat po itong mga raw information na nakakalap po natin ay naba-validate natin properly, so we could initiate appropriate measures to thwart or disrupt ito pong mga nagpaplano po.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, kumustahin ko na rin po iyong security naman sa ilang events ngayon, tulad po nitong Pride March sa iba’t ibang lugar at thanksgiving concert para po kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Quirino bukas.

PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Yes, Ma’am. Patuloy po natin iyan na binibigyan ng security coverage dahil iyan naman po ay parte noong ating pinu-provide na public safety and security services, kaya nga po nagdagdag din po tayo sa inauguration.

Iyong mga ganitong malalaking event po, Ma’am, ay binibigyan din natin ng seguridad to make sure nga po na nami-maintain nga po iyong peace and order doon sa mga areas of engagement at siyempre para proteksiyunan din natin iyong mga kababayan nating uma-attend sa mga ganitong gatherings po.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, may data po kayo kung nasa ilan po iyong inaasahang dadalo dito sa event na ito na pasasalamat po kay Pangulong Duterte?

PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Sa parte po, Ma’am, ng mga VIPs po ay inaasahan po natin na mga more or less ay mga 1,200 to 1,400 po iyong mga invited guests.

Dito naman po sa mga inaasahan nating mga a-attend po na ating mga kababayan, we are expecting around 25,000 to 30,000 doon po sa vicinity po ng National Museum po.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, kamakailan ay dumating na po itong mga biniling bagong police vehicles. Ilan po ito at ito po ba ay idi-distribute sa iba’t ibang PNP regional offices?

PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Tama, Ma’am. Iyong mga bagong kagamitan po ng PNP ay idi-distribute po natin sa mga region and mga National Support Units po ng PNP para po makatulong sa kanilang mga operational travel and [unclear] function para nga po madagdagan.

At alam na natin, Ma’am, na kulang naman po talaga iyong mga equipage po ng PNP at malaking bagay po ito, lalung-lalo na nga po iyong iba po dito ay magagamit nga po dito po sa nalalapit na inauguration at preparation po sa oath taking ng ating papasok na Presidente po.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, kunin ko na lamang ang inyong paalala sa ating mga kababayan partikular po dito sa mga magsisipunta dito sa pasasalamat event tomorrow at siyempre po sa inauguration sa June 30. Go ahead po, Colonel.

PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Yes, Ma’am Rocky, salamat po. Gusto lamang po naming ipaalala, ma’am, na simula bukas, 12:01 of June 26, ay isasara na po iyong kahabaan po ng Padre Burgos, Finance Road, Maria Orosa, General Luna. Iyan naman, ma’am, ay iyong mga areas na malapit doon sa National Museum to give way po doon sa mga ilalagay po na mga kagamitan diyan at part na rin po ng [garbled] habang papalapit po itong ating inaasahan na inauguration.

Doon po sa Mendiola area, ma’am, kung saan gaganapin iyong concert po ay simula June 29 [sic], 12:01, ay isasara po iyan pati na rin po iyong kahabaan po ng Ayala Boulevard ay isasara rin po iyan. So kung ngayon sana, ma’am, ay paghandaan na po ng ating mga kababayan kung saan-saan po sila papasok at dadaan po na mga lugar. At sa kabutihang palad, Ma’am Usec., ay mayroon na rin pong official announcement ang LGU po ng Manila na holiday po on June 30 kaya malaking tulong po ito para makabawas po ng inaasahan nating traffic congestion particularly diyan sa area ng National Museum.

At siyempre, ma’am, effective June 27 also, gusto nating i-inform iyong ating mga kababayan na epektibo na po iyong gun ban at mananatili po iyong gun ban hanggang July 2 po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras at siyempre sa pagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon, PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo. Salamat po, Colonel.

PNP SPOKESPERSON PCOL. FAJARDO: Thank you, ma’am.

USEC. IGNACIO: Saksihan po natin ang istorya ni Rico Galinato ng Dinagat Island na sa murang edad ay namulat po sa hirap ng pagsasaka kaya naman nagpursige para sa pangarap na magandang kinabukasan, may pagpapahalaga para sa mga magsasaka. Panoorin po natin ang kaniyang kuwento:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Kumustahin naman natin ang bakunahan sa nakalipas na linggo at iba pang update sa iba’t ibang usapin kaugnay pa rin sa mga hakbangin ng DOH kontra COVID-19. Muli po nating makakasama sa programa si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang umaga po, Usec.

DOH USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ayon po sa DOH, posibleng tumaas sa 2,000 ang COVID-19 cases sa National Capital Region. Sa ngayon, ano po iyong preventive measures na ipatutupad ngayon pa lamang po ng DOH para po maiwasan ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no, so pareho pa rin naman po ang ginagawa natin for us to prevent further transmission and increasing cases. Pinapaalalahanan po natin maya’t maya ang ating mga kababayan to continue to practice the minimum public health standards.

And importante rin po iyong paalala natin sa pagbabakuna especially the booster doses of those eligible population. Inihahanda na po ng Kagawaran ng Kalusugan ang ating healthcare system katulad po ng ating mga ospital, ng ating mga local governments pati na rin po ang ating komunidad para kung saka-sakali pong tataas, tayo po ay laging handa.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong mga factors sa naging projection ng 2,000 cases peak? Posibleng dahilan po rin itong subvariants o nagiging complacent po ba iyong ating mga kababayan, Usec.?

DOH USEC. VERGEIRE: Marami po tayong factors lagi ‘no that will contribute to increase in the number of cases. Tama po kayo, kasama na diyan iyong pagpasok ng mga subvariants ng Omicron dito sa ating bansa which based on evidence is more transmissible.

Kasama rin po diyan iyong atin pong behavior ng ating mga kababayan, iyong atin pong compliance sa minimum public health standards. At nakita ho natin for these past weeks, bumaba po ang minimum public health standards natin na pag-comply by as much as 21%.

Nandiyan na rin po iyong ating waning immunity na sinasabi ‘no na kasi nga po, marami na pong eligible for booster shots pero hindi po nila naa-uptake so iyon pong immunity ng ating populasyon ay unti-unti pong bumababa.

These are the three things that were included into our assumptions. And katulad nga po ng sabi natin, kailangan lang patuloy po tayong mag-comply sa minimum public health standards and also magpabakuna na po tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., isunod ko na po itong tanong mula kay Red Mendoza ng Manila Times: May mga ospital daw po na may mga napaulat na pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 dahil na rin sa pagtaas ng mga kaso dito sa Metro Manila. Ano po ang ating hospital utilization rate? And tingin ninyo po ba raw ay hindi ito makakaapekto dahil na rin sa mga ospital na may mataas na kaso na ng non-COVID cases?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Katulad ng aming iniri-report ‘no for these past days, mayroon po tayong mga areas na patuloy nating minu-monitor closely, pati na rin po iyong kanilang mga ospital. Mayroon ho tayo ngayon sa NCR, isa po iyong binabantayan natin na area kung saan tumaas na po sila ng more than 50% sa utilization.

Pero kailangan po nating maintindihan kasi itong mga strategic locations ng ating mga ospital. In this area kung saan tumataas by more than 50%, ito po iyong isang lugar dito sa Metro Manila kung saan mayroong malalaking ospital, kung saan sa iba’t ibang bahagi po ng NCR nanggagaling ang pasyente even outside of NCR. We are closely monitoring at nakikita po natin na ang most of their admissions are mild and asymptomatic pa rin, moderate. Iyon pong severe and critical, hindi naman po nagiging significant ang pagtaas. But we are still closely monitoring.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Red Mendoza: Sinabi po ng OCTA Research na ang positivity rate sa NCR at sa ibang mga probinsiya ay pumalo na sa lampas na five percent threshold ng WHO. Dapat na po bang mag-alala ang ating mga kababayan sa pagtaas ng positivity rate? At ano rin po ang inyong masasabi na kaya raw po mataas ang positivity rate ay dahil sa konti na lang po ang nagti-test at dapat mag-test ulit nang marami?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So unang-una, gusto ko lang hong iklaro sa ating mga kababayan na hindi lang po dapat positivity rate ang ginagamit natin so that we can assess the situation. Positivity rate plus iyong iba pa ho nating ginagamit na metrics ang dapat nating ginagamit. Mas maganda rin na atin pong kinukonsidera iyong ating hospital admissions kasi iyon naman po ang pinakaimportante sa ating lahat ngayon.

The virus is here to stay with us. So iyon pong mga mild and asymptomatic na mga sakit, talagang expected pa po iyan para sa atin, huwag lang sana tataas ang severe and critical at ang pag-a-admit natin sa ospital dahil iyan po ang ating binabantayan.

Ang positivity rate po natin ngayon ay medyo mataas sa NCR; it’s more than five percent, tama po iyan. Pero kailangan tingnan din natin, ilan po ba iyong mga nagpapa-test. Ngayon po, ang ating average samples na nakukuha at tini-test per day would be almost 19,000. Napakaliit po nito kung ikukumpara natin noong nag-Omicron situation tayo kung saan umabot tayo ng 90,000.

Pero kailangan maintindihan din ng ating mga kababayan, bumaba po ang pagti-test sa RT-PCR kasi marami na rin pong gumagamit ng antigen test, at hindi po ito kasama sa ating computation ng positivity rate.

And ang kailangan din natin pong maintindihan, iyong positivity rate natin ngayon na more than five percent, kapag kinumpara natin doon sa positivity rate natin noong 2020 or 2021, malaki na po ang ating naging strides or improvement sa ating response. So even though the positivity rate is increasing, as long as we can maintain our hospitals not getting overwhelmed, as long as there are less severe and critical, okay po ang ating sistema.

So we are hoping, umaasa po kami and we will be presenting our position to the next administration para masuportahan naman po tayo because we believe ‘no na kapakanan po ng kabataan ang nakasalalay dito kung saka-sakaling maipasa ito, itong vape bill na ito.

Kami po ay humihingi po ng tulong sa lahat ng sektor na sana ay masuportahan po kami dahil alam po namin na napakaimportante nitong vape bill na ito na hindi maipasa because it’s going to affect the health of our children.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero bukod po dito sa vape bill, ano pa po iyong mga ilan pa sa nais na isulong ng Department of Health sa papasok pong bagong administrasyong, Usec.?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes ‘no. So kung pag-uusapan po ang mga legislative agenda, ang amin pong priority talaga ngayon is maipasa natin iyong ating CDC bill, iyon pong ating vaccine manufacturing kung saan iyong Vaccine Institute of the Philippines, kasama po iyan diyan sa mga batas na isinusulong natin; at saka po iyong National Health Security na bill natin pong pinapasa. Nakita po natin ang mga kakulangan ng ating sistema during this time of the pandemic, and these three bills will be able to address that and have our country ‘no at saka iyong healthcare system natin [would] become more resilient.

Gusto rin nating iendorso sa atin susunod na administrasyon ang patuloy na pagpapatupad ng Universal Health Care; iyon pong patuloy na pagpapatupad ng mga protocols natin ngayon dito sa pandemyang ito dahil nakita naman po natin na naging epektibo. And of course, we would like to pursue ito pong ating bakunahan ng COVID-19 na makasama na sa regular immunization ng Department of Health.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kunin ko na lamang ang inyong mga paalala sa ating kababayan dito po sa unti-unti na naman pong pagtaas ng COVID-19 cases. Go ahead po, Usec.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming, maraming salamat po, Usec. Rocky. Gusto lang po nating magpaalala sa ating mga kababayan na bagama’t tumataas po ang mga kaso sa iba’t ibang lugar sa ating bansa, kailangan lamang po natin maintindihan at maisa-puso na tayong lahat ay dapat nagtutulung-tulong para po maiwasan na po natin ang patuloy na pagtaas, ma-prevent po natin ang further increase in cases. Sumunod lamang po tayo sa minimum public health standards, ito po iyong pagsusuot ng mask, pag-iiwas sa matataong lugar, siguraduhing maayos ang daloy ng hangin sa pinupuntahan at palagiang maghuhugas ng kamay. Pinakaimportante po, sana po ay maintindihan at saka mabigyan ng kumpiyansa ng ating mga kababayan ang ating mga bakuna. Ito po ang tutulong sa atin para maiwasan na po natin ang mga impeksiyon at mga pagdami ng mga pasyente sa ating mga ospital.

So maraming salamat po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyong oras at impormasyon, DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Thank you po.

USEC. IGNACIO: Mga pamilya sa Quezon City na biktima ng sunog kamakailan ang agad na sinadya ng team ni Senator Go. Namahagi ang kaniyang team ng grocery at ilang gamit habang cash assistance naman po ang ipinaabot ng DSWS. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: National Security Adviser Hermogenes Esperon personal na nagtungo sa EastMinCom sa Davao City; ilang former rebel kaniya ring kinumusta. Ang detalye sa report ng aming kasamang si Jay Lagang ng PTV Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa nagpapatuloy na rehabilitasyon, hindi malayong maging isa sa mga tourist site ng bansa ang Marawi City dahil sa mga bago at modernong pasilidad na itinayo sa lungsod. Ilan lamang ito sa pamanang iiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga naging biktima ng Marawi siege noong 2017. Narito ang report ni Ryan Lesigues:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po muli tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##