USEC. IGNACIO: Magandang umaga po sa inyong lahat. Ngayong Lunes, ika-27 ng Hunyo, atin pong pag-uusapan ang layunin ng bagong Advisory Council of Experts or ACE. Kasabay nito ay aalamin din po natin ang updates ng deployment ng Pinoy workers abroad, at ilalahad din natin ngayong umaga ang mga bagong updates sa mga programa ng GSIS.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Samantala, alamin po natin ang iba pang detalye at impormasyon dito po sa Advisory Council of Experts o ACE mula mismo sa bumuo nito na si Secretary Joey Concepcion, ang atin pong Presidential Adviser for Entrepreneurship. Magandang umaga po, Sir Joey.
SEC. JOEY CONCEPCION: Magandang umaga rin, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, nagkaroon po kayo ng meeting nitong nakaraang Biyernes. Kasama ninyo itong miyembro ng binubuo ninyong Advisory Council of Experts or ACE. Ano po ba raw iyong layunin o magiging function nitong advisory group na binuo po ninyo?
SEC. JOEY CONCEPCION: Well, kasi iyong private sector, kami ang nag-i-spearhead dito sa Go Negosyo ‘no. At alam mo naman Usec. Rocky, matagal na tayo na trying to balance lives and livelihood, at papunta na rin tayo sa … mula pandemic, nagiging endemic na ito. So importante rin ay iyong mga mag-a-advise sa private sector, so binuo namin itong Advisory Council of Experts. Kasama dito sila Dr. Solante, Dr. Salvaña, Herbosa, mga OCTA.
So lahat sila ay parating iniimbita ninyo sa mga TV interviews ‘no, so importante talaga itong mga magaling na eksperto at dapat we are one in the messaging para hindi maging magulo dito sa publiko. At kasama rin namin dito isang economist, si Romy Bernardo; at data analysts, nandiyan sila OCTA Research.
So maganda ang unang meeting namin. At ang diniskas [discussed] namin unang-una, iyong face mask kasi iyon ang issue ngayon ‘no. At noong una, ang posisyon ko is that we continue to wear face mask indoors; but maybe outdoors, we just encourage the use and not mandate. Pero karamihan sa kanila ay hindi sang-ayon diyan, at ang abiso sa amin ay habang mataas iyong infection level ay i-encourage muna natin iyong face mask whether … not only indoor but outdoor.
So sa tingin ko, we agree to that position of the experts and susunod [susundin] namin iyan. And we will encourage the private sector to continue encouraging our employees not only to use face mask indoor but outdoors habang nandito pa at tumataas iyong infection level ‘no. So, well, at least ngayon, we are with that same position.
The second thing is that, we discussed the anong base natin dito sa pagtaas ng mga alert level? First of all, hindi na kaya ng economy natin itaas pa iyong alert level. So that’s the most important thing. So bakit tumataas ang infection? Malaki ang discussion dito. Hindi naman malubha ang mga nagkakasakit ‘no, halos mild lahat sila; at within five days, lahat sila ay gumagaling. At lahat ng doktor dito sa advisory council na ito, sinasabi rin nila, ang base dapat kung itataas iyong alert levels ay ang healthcare utilization rate (HCUR). Tama iyan. In other words, kung talagang napupuno iyong hospital natin, diyan lang tayo puwedeng tumingin sa mga alert level ‘no kung gagalawin natin.
So sa ngayon one hundred percent iyong mga council … Advisory Council Experts agree to this; and sang-ayon din ang private sector; sang-ayon din ang economist natin, si Romy Bernardo.
And the third one is the … we eventually have to look into the state of public health emergency. Hindi ito madalian. Kailangan pag-aralan how we can eventually shift out of the state of public health emergency. Ang sinasabi ng mga ibang advisers na doctors ay iyong EO na pinirmahan ni President Duterte ay mag-i-expire sa September.
So importante kasi dito, Usec. Rocky, is the vaccine manufacturers ay kumuha na ng Certificate of Product Registration. Dapat mag-apply na sila to prepare for, hopefully when FDA approval is given, that they can already sell these vaccines dito sa mga drugstores natin. And iyong private sector at iyong public, the general public can already buy these vaccines from the drugstores katulad ng ibang mga pneumonia, flu, etc., vaccines. So may proseso lahat iyan.
And mula diyan, they—at least between the government, the private sector at mga advisers natin, we can have a plan, an exit plan moving out from this state of public health emergency na sa tingin ko, papunta rin tayo diyan kasi itong pandemya is moving towards that endemic point.
So iyon ang tinalakay namin. And then I pointed another issue out with our experts na iyong HTAC, sana they become more reasonable. Kasi itong mga 12 to 17 na kabataan natin na may pasukan na face-to-face this August, pumayag na sila sa pagbigay ng mga bakuna dito na first booster lang naman ito. At ang bagal ng galaw ng HTAC.
And in-appeal din namin para sa mga 50 years old and above, kasi ngayon 60 years old and above, baka puwedeng ibaba iyong age na iyan sa 50 years old. Kasi sa America, iyong CDC, aprubado na, matagal na, iyong 12 to 17; and dito naman sa 50 years old, aprubado na. Pero iyong HTAC, ang bagal ng galaw nila, at nahihirapan na rin ang DOH. So maraming napu-frustrate ngayon dito sa atin.
At importante na nakita natin iyong bakuna ang pinakaimportante dito para i-maintain ang level of immunity natin at tuluy-tuloy pa rin ang pagbukas ng economy.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, ito po bang mga nabanggit na ninyo, iyong pagbuo ninyo nitong ACE ay naging bahagi po ng pakikipagpulong ninyo kay incoming President Bongbong Marcos?
SEC. JOEY CONCEPCION: No, ginawa namin ito kasi importante ang paggalaw namin sa private sector, we get the good advice from our experts. Noong unang-una, ang posisyon ko sa face mask kasi outdoor, payagan na lahat. Wala nang problema, we will just encourage the use katulad ng ibang bansa.
Pero after listening to all of them, I thought it was a wise decision to hold that off muna. I-allow muna natin itong surge to taper off and eventually look into that later on when we reach that point ‘no. And we said that we will try to make every [unclear] to discuss all of these different issues.
Of course, may mga LGUs diyan na gusto nang i-allow ang face mask outdoor. Pero the general concept, pati si Father Nic, gusto na rin. Pero we agreed that we will listen to our experts and we will abide by it, and I think it is a good decision that we all are now in agreement that for the time being that we continue to use face mask outdoor. Down the road, it will be revisited again.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ito po bang ACE, ang nakikita ninyo – kasi po magpapalit na ng administrasyon by June 30 po ay mag-o-oath take na po ang ating bagong Pangulo – ito pong ACE ay parang, kasi magkakaroon po ng transition, ito po ba iyong nakikita ninyo na sinasabi natin para lang po magpatuloy agad-agad ito pong ating pag-prevent sa pagkalat pa ng COVID-19, Secretary?
SEC. JOEY CONCEPCION: When I had a meeting with President-elect Marcos, he is looking at putting an organization, whether it’s IATF or a new one, may mga plano siya. Pero ito – what do you call this – itong mga experts na ito is advise lang the private sector. If President-elect BBM would consider some of them to be part of that, I think that would be possible. I mean, he could because itong mga doktor na sumali dito ay we chose the best na tumulong dito talaga sa pandemya ‘no, in this time of the pandemic.
So, alam na nila iyong the challenges we face and the issues at hand. So kaya itong ACE natin are even helping us with HTAC. Kasi ang tingin ko dito, sana, maybe they can reconsider and maybe, dapat siguro iyong Vaccine Expert Panel na lang. Maybe they can make for all vaccines at ibigay na lang sa Vaccine Expert Panel, para mas mabilis. Iyong ibang mga bagay, diyan na lang sa HTAC, pero pagdating sa mga bakuna, palagay ko iyong decision dapat dito sa Vaccine Expert Panel. So, that is another recommendation that I believe and hopefully, the next administration will consider. Just divide the responsibilities between HTAC and the Vaccine Expert Panel.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyan nga po iyong susunod kong tanong, Sir Joey. Bilang Presidential Adviser for Entrepreneurship, aside po doon sa mga nabanggit, ano po iyong maipapayo pa ninyo at mairirekomenda ninyo para po maibsan itong epekto ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin, kasabay po noong patuloy na uptick ng COVID-19 cases sa ating bansa, lalo na po na sa ating ekonomiya, Sir Joey?
SEC. JOEY CONCEPCION: Well, sinabi ko na ang importante dito, talagang papunta na tayo dito sa endemic at tuluy-tuloy ang paggamit ng facemask, whether indoor or outdoor; hintayin natin iyong bagong administration to determine when that will be lifted. Pero, dito sa removal of the state of public health emergency, eh iyong EO na iyan ay mag-i-expire ng September. So, nasa end of June na tayo, then July, August, September, we have basically only about 60-days to prepare for the transition, unless extended. Pero sa tingin ko, hindi na kailangang i-extend iyong state of public health emergency, kasi patapos na tayo sa pandemya, papunta na tayo sa endemic.
So we have to discuss, anong mga new protocols dito sa pagtatanggal dito sa public state of emergency, what are the new health protocols? And ako, simple lang iyan eh, face mask and vaccination lang eh. Iyong washing of hands, social distancing, alam na ng Pilipino iyan. Nag-report sila Ranjit Rye ng OCTA Research, iyong survey nila sa mga tao, maski tinanggal iyong mandating of face mask, marami sa mga Pilipino ay gagamit pa rin ng face mask.
USEC. IGNACIO: Opo. Sec. Joey, kapag po hindi na itinuloy itong sinasabi nating state of public health emergency, ano po ang nakikita ninyong magiging epekto nito sa ating bansa, particular po sa ating ekonomiya?
SEC. JOEY CONCEPCION: Well, iyong mga ibang bansa, marami na diyan ay tinanggal na ang state of public health emergency ‘no, at pati mga alert levels dito sa Europa at Amerika, wala na ring mga alert levels ‘no. So, I think, eventually the people have to be responsible with their health. Nakita natin, bumili tayo ng maraming bakuna at karamihan sa mga Pilipino ay hindi pa kinuha iyong first booster at second booster. Ano ang mangyayari diyan sa bakuna? Mag-i-expire, so ilang billions of pesos ang masisira diyan, mawawala.
Eventually, the government cannot continue to buy vaccines eh. Maybe, it will continue to buy vaccines for those who cannot afford ‘no, so dapat may programa. Pero the rest of the citizens and the private sector, eventually iyong responsibility na iyan should be passed on to us.
Because right now, two years into this pandemic, alam naman natin na how to protect ourselves. Noong last Saturday, kailangang dumagsa itong mga tao dito sa Mentor ME (micro entrepreneurs) Program sa SM North, over 3,000 people, pero lahat ng mga tao sumali dito sa Mentor ME (micro entrepreneurs) Program, naka-mask and may mga alcohol sila. So, by now, Filipinos know how to protect themselves. Kapag tumataas ang level of infection, tingnan natin, mas maraming gustong magpabakuna. Pero kung bumabagsak iyong level of infection, diyan nila tinatanggal iyong mask at doon na dumadami ang ayaw magpabakuna. So, people already know when it’s high, the levels of detection are high, they already know how to protect themselves.
USEC. IGNACIO: Sir, Joey, kunin ko na lamang po iyong inyong paalala pa rin po sa ating mga kababayan, partikular po iyong mga, naku, hindi pa nagpapabakuna. Go ahead po, Secretary Joey.
SEC. JOEY CONCEPCION: Well, sa mga citizens natin na hindi pa kumuha ng bakuna, sana kunin na ninyo at importante kasi dito, especially iyong first booster, at keep the level of immunity. At tuluy-tuloy pa rin tayo sa wearing of face mask, maski indoor or outdoor habang iyong infection level ay tumataas. Marami ngayon ay nagkakasakit dito sa Omicron, although, very mild. Marami akong kaibigan na tinamaan ng Omicron and they are just getting well.
So, ang kagandahan nito, hindi napupuno ang hospital natin dahil sa Omicron, but most of these people are vaccinated. So, it is important to get vaccinated. And I am appealing again to HTAC to please, please – for the nation – let’s move faster, let’s approve the 12 to 17 to get their first booster shot. Kasi, papasok na sila sa eskuwela this coming August. Matagal na silang hindi pumasok, this will be their first time.
Iyong daughter ko, I mean for two years, she has not seen her classmates, so iyong high school years nila ay nasayang. So, many of these young kids are missing that, and let’s allow them to go to school. But let’s protect them with these vaccinations. So, anyway, voluntary naman ito at hindi naman puwersahan.
So, my appeal to HTAC, please let’s approve it and hopefully, even the 50 years and above, you can include them for the booster shots, kasali na dito and of course, na-approve na ito sa Amerika. We are already using the vaccines. All of these brands are already in our bodies. So, we are the best testament that these vaccines do work and by now, we already know the side effects. And the world has approved it, so why does the Philippines is holding back? So, my appeal to HTAC: Please let’s move faster.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Joey, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng panahon at mahalagang impormasyon sa amin, Secretary Joey Concepcion, ang Presidential Adviser for Entrepreneurship. Salamat, Secretary.
SEC. JOEY CONCEPCION: Salamat rin.
USEC. IGNACIO: Samantala, namahagi ng tulong ang tanggapan ni Senator Bong Go sa mahigit isanlibong residente ng dalawang barangay sa Davao City. Ang detalye sa report na ito.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Manatili pong nakatutok, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Para bigyan naman po tayo ng update sa transition ng POEA na mapapasailalim po ng Department of Migrant Workers at iba pang kaganapan sa POEA, makakasama po natin ngayong umaga si Atty. Bernard Olalia, ang administrator ng Philippine Overseas Employment Agency o POEA. Magandang umaga po, Attorney.
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Magandang umaga po, Usec. At magandang umaga po sa mga nanunood po sa inyong programa.
USEC. IGNACIO: Admin, ngayong taon po ay ilang Pilipino po itong nai-deploy ng POEA sa ibang bansa? At sa ano pong mga bansa ito?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Unang-una po, ang atin pong deployment ay unti-unti na pong sumisigla kung ikukumpara po natin iyong ating deployment level simula po nang nagkaroon ng pandemya noong 2020 ng Marso. Bumaba po nang mahigit 74% ang ating deployment noong 2020 kung ikukumpara po natin doon sa ating tinatawag na pre-pandemic deployment level.
Ito pong mga nakaraang taon, lalung-lalo na noong 2021, nanunumbalik na po ang sigla, lalung-lalo na sa seafaring industry po natin ‘no. Unti-unti na po siyang bumabalik sa ating pre-pandemic level. Bagama’t ang land-based po natin ay medyo umaangat, hindi po ganoon kabilis tulad ng sea-based po natin. Mayroon po tayong inangat na 30% magmula po sa datos ng 2021 kumpara po sa 2020 sa deployment natin sa ating land-based workers.
Ang kagandahan po nito, ang atin pong mga ibang destination countries, iyong tinatawag po nating traditional countries of destination ay unti-unti na pong nagbubukas. Nandiyan po ang Gitnang Silangan; nandiyan po ang Europa, American regions, lalung-lalo na ang ASEAN po na siya po nating dini-deploy-an ng mga factory workers tulad po sa Korea at saka sa Taiwan na nagsimula na pong tumanggap muli ng ating OFWs ngayon pong 2022.
Ang bansang Israel din po ay nagsimula na rin pong tumanggap ng mga hotel workers natin na naantala po noong 2020. Mayroon na po tayong napalipad na mahigit 60, at ito po ay dadagdagan pa sa mga susunod na linggo at buwan. At ang atin pong initial deployment doon ay aabot po nang mahigit 500 workers. But ang kagandahan, ang good news po, sabi po ng bansang Israel ay dadagdagan pa po nila ito sa 2022.
So ilan lamang po iyan sa ating mga traditional market na nagbukas. Iyong tinatawag po nating emerging market, Usec., may good news po tayo. Ang ating mahal na Secretary of Labor ay nagpunta po ng Germany, at magbubukas po ng other skilled workers papunta po ng bansang Germany po.
USEC. IGNACIO: Opo. Admin, anu-ano pong mga bansa ang mayroon pa tayong existing bilateral labor agreement ang nangangailangan pa rin po para sa ating mga OFW?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Marami po tayong bilateral labor agreement ‘no, mahigit apatnapu iyan, 40 plus po na BLA sa iba’t ibang mga countries of destination. Pero ang pinakabago po dito, kung maaalala po ninyo, mayroon pong nilagdaan ang ating mahal na Secretary na MOU sa Yukon, Canada. Nagkaroon po iyan ng panibagong framework for deployment, at sa mga darating na panahon ay uumpisahan po natin ang pagdi-deploy ng ating mga OFWs patungo po ng Yukon, Canada.
Ang Ontario din po ay nagsimula na ring sumigla dahil po mayroon po tayong memorandum of understanding na napirmahan din po. Kasunod po nito, mayroon po tayong isinasagawang BLA na natapos din po natin kamakailan lang, iyon pong sa Germany na kung saan ay mayroon po tayong other skills na nabanggit ko nga po kanina. At mayroon pong panibagong framework for the deployment of ating ATWS. Nadagdagan po ito sa mga iba’t iba pa pong mga markets po natin, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Admin, marami pong kumakalat ngayon, itong scam sa pamamagitan po o through text message na nag-o-offer po ng mga trabaho abroad. So paano po ba malalaman ng ating mga kababayan kung scam o fake po iyong text message na mari-receive nila? Mayroon po ba ang POEA ng mga ganito?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku, tama po kayo, Usec. Mabuti po at nabanggit ninyo po ito. Alam ninyo po, iyong ganiyang mga scam, iyong mga online scam, naglipana po at nadadamay nga ang POEA ‘no. Ako mismo po, nakatanggap ako na sinasabi doon sa text na natanggap ko sa aking cellphone na ako raw ay naaprubahan ang aking puwesto ‘no. Mayroon daw akong job order o job offer sa POEA. Eh paano mangyayari iyon eh ako mismo iyong administrator.
Alam ninyo po, ang aking advice lamang sa mga kababayan po nating nakakatanggap ng ganitong mga scam text, lalo na nagsasabing may natanggap kayong job offer sa POEA ‘no, huwag po ninyong paniniwalaan iyon at huwag ninyong bubuksan at lalung-lalo na ay huwag ninyong iki-click iyong link at naku, makukuha po iyong mga importanteng datos po ninyo na magiging sanhi po ng napakarami pong problema.
So iwasan lang po natin iyong mga ganiyang mga text messages, mga online scams, at marami po iyan, lalung-lalo na sa panahon po ngayon, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito nga po, may nagtatanong: Papaano naman daw po ba iyong tamang proseso raw po sa pag-a-apply sa mga gustong magtrabaho abroad, Admin?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Alam ninyo po, tamang-tama ‘no, may panawagan ang ating incoming DMW Secretary, si Secretary Susan “Toots” Ople, ang habilin niya po sa amin sa POEA nitong mga nagdaang araw na pagmi-meeting po natin ay madaliin ang proseso para po sa pagdi-deploy ng ating mga OFWs. Isa po iyan sa kaniyang marching orders po sa amin.
At ang tinitingnan po natin dito ay iyong efficiency of the delivery of services to our OFWs ay napakaimportante. Kaya iyon pong ease of doing business, iyan po ang kasalukuyang pinagtutuunan natin ng pansin, kung paano mapapadali ang mga proseso lalung-lalo na sa pag-aapruba ng mga dokumento. For example, iyon pong verification process po natin lalung-lalo na sa abroad, halimbawa ko na lang po ang Dubai, ay ginagawan na po namin ng paraan iyan. Nakipag-ugnayan na po kami sa aming labor attaché doon, at mayroon na po kaming kasunduan na kung maaari, iyong OEC ay dito na namin iisyu sa POEA para hindi na po sila maghihintay sa Dubai at napakahaba po ng pila. Bagama’t online na po iyong ginagawang appointment ay may mga challenges pa rin.
So sa mga susunod na araw, lalung-lalo na kapag pumasok na po iyong bago naming Secretary of DMW, asahan po ng mga kababayan nating OFWs na magkakaroon po ng pagbabago lalo na po sa padaliang serbisyo po para sa mga kapakanan ng ating OFWs, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ipinasara po ang website ng POEA, at dahil po dito ay nagkaroon ng diumano’y confusion. Ngayon po ba ay naisaayos na ito?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Alam mo, Usec., iyon pong pagpapanibago, iyong pagma-migrate ng aming POEA domain sa DMW domain ay nagkaroon ng malaking challenge dahil nga po minadali iyong paglilipat na dapat sana ay dahan-dahan para hindi apektado ang pagbibigay po ng serbisyo lalung-lalo na iyong mga online services, iyong mga online information na nandiyan na napakaimportante po para malaman ng mga publiko kung sila ay mabibiktima ng illegal recruitment for example.
Sa ngayon po, inaayos na po ng aming ICT iyan. Ang amin pong incoming Secretary ay nagkakaroon po ng mga instruction kung paano gagawan ng paraan, para maayos po iyong muling pagbubukas ng iba’t ibang online services. Sa ngayon po, buhay naman iyong tinatawag po naming Balik-Manggagawa Online Services o POPS-BaM kung tawagin ano. Ito po ang isa sa pinakaimportante, dahil marami pong mga OFWs ang nagdedepende ng kanilang overseas (transaction) ay online. Kaya nga po iyong mga ganiyang serbisyo, dapat po ay hindi naaantala at hindi po naaapektuhan. Hayaan po ninyo sa mga susunod na araw ay gagawan po namin ng paraan iyong iba po nating online services, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa kasalukuyan po ay mayroon tayong deployment cap para sa mga Filipino health care workers na nagtatrabaho abroad. Ano na daw po iyong update dito? Ilang Health Care Workers na po ang na-deploy sa ibang bansa?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Ang good news po, Usec, ay iyong 7,000 cap po natin ay mahigit dalawang libo pa lang po ang nai-deploy natin, ang ibig pong sabihin niyan ay malayo pa po bago natin maabot iyong 7,500. So, ang ibig sabihin, tuluy-tuloy pa rin ang ating deployment, hindi po apektado iyong mga mag-a-apply na mga HCWs po natin. Bagama’t mayroon po tayong naririnig, lalung-lalo na sa mga hospital at saka mga health facilities natin na nagkukulang ang kanilang mga nurses, iyan naman po ay pinag-uusapan doon sa tinatawag naming Mission Critical Skills ng TWG doon sa IATF ‘no.
Nagpupulung-pulong po diyan ang DOLE, nandiyan po ang PRC, nandiyan ang CHED, nandiyan ang POEA, nandiyan ang DOH at pinag-uusapan kung paano po ang supply ng ating mga nurses, dahil nga po nagkaroon ng pandemya at iyong ating nursing licensure Examination ay naapektuhan noong mga nakaraang taon, 2020 at 2021. Pero ang kagandahan po niyan, nagkaroon na po ng dalawang licensure examination at mahigit sampung libo na po ang bagong nurses po natin ‘no.
Sa demand side naman po ay alam po natin na mataas ang demand ngayon ng HCWs, lalung-lalo na ang nurses at makikita natin sa iba’t ibang bansa na nangangailangan ng mga nurses dahil sa kanilang shortages at iyong mga BLS (Basic Life Support) natin sa HCWs ay dumadami ‘no. So, ito po iyong mga factors na titingnan po natin sa mga darating na araw. Magkakaroon po tayo ng konsultasyon at nang sa ganoon, maiwasan po natin iyong mga challenges po na haharapin natin dahil po sa deployment cap na ito, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon po ba ay nag-o-operate pa rin independently ang POEA o officially operating under na po ng DMW ang POEA?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Usec, dahil po transition period tayo ngayon ‘no, ayon po sa DMW Act, iyong Republic Act 11641, may transition period po tayo na hinaharap, dalawang taon po iyon, simula po noong Pebrero ng 2022 ‘no. At kami po ngayon, member po ako ng transition committee, ay natapos na po natin iyong IRR, iyong Implementing Rules and Regulation. Naisumite na rin po ng transition committee iyong staffing pattern na tinatawag, pati rin po iyong 2023 budget ay naihabol din po.
So sa ngayon, ang POEA ay nandiyan pa rin, dahil iyon po ang sabi ni Executive Secretary Medialdea na hangga’t hindi pa po nagta-transition at hindi pa po napu-fully constituted ang DMW ay status quo muna. Ibig sabihin ang POEA po ay mananatili at magpapatuloy po sa pagbibigay ng serbisyo po para sa mga OFWs natin, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Attorney, puwede po ba ninyo kaming bigyan ng update kung papaano po ang proseso at kung ano po iyong ginagawa ngayon ng POEA para dito na sa transition?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Opo. Napakaimportante po kasi ng transition period na ito ‘no, unang-una, marami po kaming pag-uusapan. Anim po na ahensiya ang lilipat at maaalis sa iba’t ibang sangay ng departamento; apat po ang matatanggal sa Department of Labor and Employment – nandiyan po ang NMP (National Marine Polytechnic), nandiyan ang ILAB (International Labor Affairs Bureau), nandiyan ang NRCO (National Reintegration Center for OFWs), isama natin ang POEA at of course ang OWWA na isang independent agency ‘no. Sa ibang departamento, nandiyan ang OUMWA at DFA.
Ito pong mga ahensiya na ito ay member po ng transition committee kung tawagin at kami po sa transition committee ay nag-uusap. Mayroon po kaming pinag-uusapang proseso, kung paano po unti-unting ililipat lahat po ng functions nito para buuin iyong iisang bahay na tatawagin nating DMW.
While transitioning, ang pinakaimportante po dito, hindi po apektado ang pagbibigay ng mga serbisyo, ang pagsasakatuparan ng mga mandato ng mga nabanggit po naming ahensiya, kasi importante, lalo na sa OFWs na hindi po sila maaapektuhan ng transition. So, pati po budget, pati po personnel namin, pati mga assets, lahat ng aming kakailanganin ay kailangan pong pag-usapan. Importante po dito na maging smooth po iyong transition at inaasahan po namin na kapag buo na po iyong team ng DMW, saka lang po unti-unting mawawala iyong mga nabanggit po nating mga ahensiya, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Admin, kami ay hihingi na lamang ng mensahe o paalala para sa ating mga kababayan, partikular po sa ating mga OFWs. Go ahead po, Admin.
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Muli po, salamat po, Usec. sa pagkakataon. At sa mga kababayan po natin, lalung-lalo na iyong nagnanais pong mag-abroad ay bukas po ang ating caregivers papunta ng iba’t ibang destinasyon, lalung-lalo na iyong G2G (government-to-government) natin. Bukas din po ang hotel workers natin, isa po itong G2G; iyon pong mga factory workers ay unti-unti na rin po nating naidi-deploy.
Sa mga nagnanais pa pong makahanap ng trabaho, iwasan po ninyo na maging biktima po kayo ng mga illegal recruitments. Naglipana po ngayon ang napakaraming scam, lalung-lalo na po sa online at pati nga po text ay may mga matatanggap kayo. So, maging mapanuri po at huwag po kayong mag-atubili na tumawag sa aming POEA hotline at kami po ay handa pong tumulong po sa inyong lahat. Maraming salamat po at ingat po tayo, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat din po sa inyong paglalaan ng oras ngayong umaga, Atty. Bernard Olalia, ang Administrator ng POEA. Stay safe po.
Samantala, kasabay po ng paghahatid ng tulong ng tanggapan ni Senator Bong Go sa mga residente ng Siaton, Negros Oriental ay tiniyak din niya na ipagpapatuloy niya ang mga programang nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At para bigyan po tayo ng karagdagang impormasyon sa mga programa pa ng Government Service Insurance System (GSIS) ay makakasama po natin si Sir Rodrigo Manuel, ang Vice President ng NCR Area I, NCR Operations Group ng GSIS. Magandang umaga po, Sir.
GSIS VP MANUEL: Magandang umaga po, Usec. Rocky, ganoon din po sa ating mga televiewers, magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ano po ba itong tinatawag na Multi-Purpose Loan o itong MPL Pus?
GSIS VP MANUEL: Opo. Ang Multi-Purpose Loan Plus o ang MPL Plus ay isa po itong loan program na ino-offer po ng GSIS sa ating mga active members. Tinatawag din po namin itong ‘One loan, Answers all’ solutions ng GSIS para po doon sa ating mga active members na mayroon pong outstanding loan obligations. Sa pamamagitan po ng MPL Plus ay maiko-consolidate po ang lahat ng service loan accounts ng isang member into one loan account. Binibigyan din po ng pagkakataon na ma-restructure iyon pong mga in default or in arrears na loan accounts ng member.
Ang kagandahan dito sa MPL Plus, mayroon po itong one-time condonation or waiver of interest para po dito sa mga naka-in default or in arrears na loan accounts. So dahil po dito ay mababayaran sa abot-kayang halaga ang loan po ng atin pong member.
Doon naman po sa mga walang outstanding loan obligations na member ngunit sila ay nangangailangan ng karagdagang credit line, mai-enjoy po nila ang MPL Plus dahil po ito doon sa mas mababang interes na ino-offer nito at mas mahabang payment term.
Ang loanable amount po dito, ang maximum loanable amount ay up to 14 times ng basic monthly salary ng isang miyembro. Ngunit hindi po dapat ito mag-exceed up to a maximum of five million lamang po.
Now, iyon pong maximum loanable amount, nakadepende po iyan doon sa years of service na nakapag-contribute na ng premiums ang atin pong member. Nakadepende rin po iyan doon sa employment status at the time of publication ng member borrower. At kasama na rin po dito, of course, iyong amount ng kanilang salary. So iyan po ang kagandahan ng MPL Plus.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sir, papaano raw po iyong payment terms nito?
GSIS VP MANUEL: Ang payment term po, mayroon po itong maximum na payment term na ten years at ito po ay nakadepende rin doon sa period of service na may premium contribution na ang member. Kapag po ang member ay nakapag-render na ng at least 15 years ‘no, at least 15 years of period with paid premiums, pupuwede na po siyang … ang term of loan po ay up to a maximum of ten years na po. Kasi puwede po niya itong laruin; kung gusto niya po ang term of loan niya is five years lang, pupuwede. Pero pupuwede po up to a maximum of ten years.
Para naman po doon sa mga bago po ‘no, doon sa mga bagong members ng GSIS na nakapag-render lamang ng at least three months of premium contribution but less than 20 months, ang payment term po na binibigay natin sa kanila is up to a maximum of three years lamang po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sir, ano raw po iyong mga requirements na kanilang kailangang ibigay dito po sa mga mag-a-apply? At papaano raw po ulit iyong pag-a-apply, sir?
GSIS VP MANUEL: Una po, para po makapag-apply ng MPL Plus, dapat po ang member borrower ay nakapag-render na ng at least three months of service na may premium contribution po. Dapat po at the time of application ay hindi sila naka-leave of absence without pay. Wala rin po dapat na pending administrative and/or criminal case ang ating member borrower. At dapat po ay nagtatrabaho siya sa ahensiya na may approved memorandum of agreement dito po sa MPL or GFAL with the GSIS.
Dapat din po, iyon pong agency niya ay hindi suspended at the time of application ng loan. At, of course, kailangan po na ang net take home pay ng ating member ay hindi po bababa sa minimum amount of 5,000 pesos as provided under the General Appropriations Act matapos pong kaltasin ang lahat ng kaniyang monthly amortizations kasama po iyong magiging amortization niya dito sa MPL.
Now, sinu-sino po ba ang mga pupuwedeng mag—kung paano po iyong paraan ng pag-a-apply. Una po, pupuwede po silang mag-apply through the GSIS kiosk po, or pupuwede po iyong online transaction using the eGSISMO, or using the enhanced GSIS touch mobile application po.
Doon naman po sa ang hawak ay temporary e-card o iyon pong hindi na po nila magamit iyong kanilang UMID card because defective na po ito at kailangan nang palitan or hindi na po ma-capture iyong kanilang biometrics kaya hindi na sila makagamit ng kiosk, pupuwede po silang mag-file ng kanilang loan over-the-counter transaction po.
Pupuwede rin naman pong i-submit iyong application form via the drop boxes po sa lahat ng GSIS offices. Or, doon sa hindi naman po makalabas ng kanilang … makapunta sa GSIS, pupuwede po silang mag-email ng application.
Iyon po, iyan po iyong mga iba’t ibang paraan para po naman makapag-apply ng MPL Plus.
USEC. IGNACIO: Opo. Aside from MPL Plus, sir, mayroon pa po bang isa pang programa ang GSIS? Ano naman daw po itong GSIS Educational Loan? At ano raw po iyong magandang feature nito, sir?
GSIS VP MANUEL: Okay. Ang GSIS Educational Loan ay ito po ay iniaalok ng GSIS sa lahat po ng active member nito upang matustusan iyong pambayad po ng tuition fee and other school expenses ng kanilang anak o kamag-anak. Ito po ay may konsepto ng study now, pay later na kung saan ay binibigyan po ang borrower ng grace period sa pagbabayad po nito.
Dito po sa educational loan na ito, mayroon po itong maximum loanable amount na 100,000 pesos per academic or school year. Mayroon po itong interest at 8% per annum, at ang payment term po nito ay 10 years po.
Now, doon po sa first five years, hindi pa po magsisimula ang pagbabayad ng monthly amortization. Magsisimula lamang po ito pagkatapos ng isang taon ‘no, makalipas ang isang taon mula doon sa huling semester kung ang inaplayan po ng kanilang student beneficiary ay isang four-year course. Ngayon, kung five-year course naman po ang inaplayan ng student beneficiary, wala na po, hindi na po natin ia-apply iyong isang taong grace period. After po ng huling semester, mag-start na po iyong pagbabayad ng monthly amortization up to a maximum of five years po.
Now, sinu-sino po iyong mga applicant na pupuwede pong mag-apply dito?
USEC. IGNACIO: Opo, qualified borrowers po.
GSIS VP MANUEL: Para po ma-entitle dito sa educational loan, dapat po ang ating applicant ay nakapag-render na ng at least 15 years of government service; dapat din po the member-borrower has already paid the latest three months of premium contributions for both personal and government share; at tulad din po sa MPL, hindi po dapat naka-leave without pay ang atin pong borrower at the time of application; wala po siyang pending administrative and/or criminal case; dapat din po ang borrower ay walang past due loan accounts including iyong housing loan. Kung mayroon po siyang housing loan, dapat po updated ang pagbabayad po dito; ang status po ng kaniyang agency na pinagtatrabahuhan, dapat po hindi suspended and then, lastly; tulad sa MPL dapat po mayroon siyang net take home pay in the minimum amount of P5,000 matapos pong i-deduct nang lahat ng monthly amortization, kasama na po dito iyong pambayad dito sa educational loan.
USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po diyan, may iba pa po bang requirements at procedure na pagdadaanan itong mga gustong mag-apply, Sir?
GSIS VP MANUEL: Opo. Una po, iyon pong kanilang student-beneficiary, actually, pupuwede pong mag-nominate hanggang dalawang student-beneficiary po ang ating member-borrower. Pero dapat po, para ma-entitled naman po na maging beneficiary ito, dapat po siya ay Filipino citizen or resident of the Philippines. Dapat po related itong ating student-beneficiary sa member-borrower up to the third degree of consanguinity or affinity. Enrolled din po dapat and student-beneficiary to a four-year or five-year course sa college at dapat pong sumang-ayon ito pong student-beneficiary na maging co-maker dito po sa educational loan pagsapit po ng kaniyang majority age or at age 18.
Now, iyon pong pagbabayad naman po dito sa proceeds ng loan, ito po ay direktang ibinabayad sa eskuwelahan. Para po mapabilis ang pag-enroll ng ating student-beneficiary, mag-iisyu po muna ang GSIS ng letter of guarantee at ito po ay dadalhin ng student-beneficiary sa kaniyang eskuwelahan. Kapag nagkaroon na po ng tseke, na-process na po ang tseke, ito po ay direktang ipapadala o ibabayad sa eskuwelahan po kada-semester, trimester or quadmester.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung may tanong daw po o nais na karagdagang impormasyon, ano daw po ang puwedeng gawin ng GSIS members?
GSIS VP MANUEL: Opo. Kung mayroon pong mga karagdagang katanungan, maaari po silang makipag-ugnayan sa amin through our website at www.gsis.gov.ph o pupuwede rin po sa aming Facebook account @gsis.ph. Pupuwede rin po silang mag-email dito po sa email address na gsiscares@gsis.gov.ph o tumawag po numero 8847-47-47. Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng oras sa amin, Sir Rodrigo Manuel, ang Vice President ng NCR Area I, NCR Operations Group ng GSIS. Stay safe po.
GSIS VP MANUEL: Salamat din po.
USEC. IGNACIO: Samantala, operasyon ng mobile vaccination sa Davao, magpapatuloy pa rin. Ang detalye sa report ni Julius Pacot ng PTV-Davao.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, sa kabila ng masamang panahon, dinagsa pa rin ng mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Thanksgiving Concert para sa Punong Ehekutibo. Ang ilan sa mga highlights niyan ay silipin natin sa report ni Mela Lesmoras.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) – salamat po, KBP.
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Hanggang bukas pong muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center