USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon pong araw ng Miyerkules, ika-29 ng Hunyo, atin pong pag-uusapan ang COVID-19 situation sa ating bansa. Aalamin din natin ang mga paghahandang isinasagawa ng ating mga pulis sa magaganap na inagurasyon bukas, at pag-uusapan din natin ang features at iba pang impormasyon ng GSIS mobile app na GSIS Touch.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Kahit po matatapos na ang termino, napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na approval rating sa loob ng anim na taon. Ito po ay base sa pinakabagong pag-aaral na inilabas ng Pulse Asia Research mula po sa kanilang naging survey mula noong nagsimula sa tungkulin ang Presidente hanggang nitong Marso.
Sa datos ng polling body, makikita sa simula pa lang, mataas ang ratings ng Pangulo hanggang sa pagtatapos naman kahit na sinubok ng COVID-19 pandemic ang bansa … nananatili itong mataas. Ang Malacañang una nang pinasalamatan ang sambayanang Pilipino sa walang patid na suporta at tiwala sa administrasyong Duterte.
Samantala, atin naman pong pag-uusapan ang kasalukuyang COVID-19 situation sa ating bansa. Kasama po natin si Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng Department of Health. Magandang umaga po, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Good morning to all of you.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nadagdagan pa po ang naitalang kaso ng Omicron subvariants sa bansa. Karamihan po dito ay naitala sa Western Visayas. So ano raw po ang nakikitang dahilan nito, Usec.?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, actually nagkaroon po tayo ng detection ng around 46 na Omicron subvariants in Western Visayas kung saan po ang … kung anuman ang nakikita nating pagkakahawa-hawaan dito po sa ibang areas ng Pilipinas, pareho pa rin po dito sa Western Visayas. Inaalam lang po natin kung ano talaga iyong pinaka-exposure ng mga tao dito kung bakit po talaga biglang nagkaroon ng ganitong pagtaas.
Pero gusto ko lang hong paalalahanan ang ating mga kababayan, ang atin po talagang contributing factors ngayon kung bakit tayo ay nagkakaroon ng mas mataas na kaso, nagkakahawa-hawaan is because of our mobility patterns, iyon pong atin pong mababang vaccine uptakes especially for our booster shots, at saka iyong pagsunod po natin sa minimum public health standards.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., sa kabila ng pagtaas nitong COVID-19 cases ay nasa Alert Level 1 pa rin po ang mga maraming lugar sa bansa kabilang na po ang National Capital Region. Hindi po ba raw ito makakaapekto dito sa posibleng hawahan ng sakit, nabanggit ninyo na nga po dahil sa mga mobility o pagkilos?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, kailangan po ay maintindihan ng ating mga kababayan, we are now supposed to live with the virus. Alam po natin, ito pong COVID-19 virus is here to stay with us. Alam din po natin na pangmatagalan po itong sakit na ito na hindi naman po talaga basta-basta mawawala.
Ang pinakaimportante po sa atin ngayon ay mai-manage natin at saka ma-maintain natin ang ating mga ospital, na hindi dumadami po ang nagkakasakit at naa-admit; ma-maintain natin na mababa po ang severe and critical. So ibig sabihin, expected po talaga na maaaring may magkasakit, basta mild and moderate lang at saka asymptomatic, tayo po ay makakaagapay dito.
So ito pong sinasabi ng mga tao na kailangan nating i-escalate to Alert Level 2 kasi dumadami ang kaso ay hindi naman po kailangan. We have our alert level metrics, at dito po sa sistema na ito ay nakikita natin kung kailangan na nating maghigpit uli. Pero sa ngayon, hindi na po tayo nandoon sa direksyon na gusto natin magsasara, magbubukas, magsasara, magbubukas. Ang sa atin po, tinuturuan natin ang ating mga kababayan that we should live with this virus; kailangang protektahan natin ang ating sarili by receiving our vaccines and also doing and complying with our safety protocols katulad po ng pagma-mask.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., binago rin po ng IATF itong alert level metrics kaugnay sa COVID-19. Maaari ninyo po bang maipaliwanag kung bakit po kinakailangang baguhin ito, Usec.?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes po, Usec. Rocky. So katulad po ng sabi ko, we are shifting the mindset na hindi po puro numero ng kaso ang tinitingnan natin sa ngayon.
Kung matatandaan po ng ating mga kababayan, in the past months, pinalitan po natin ang case bulletin natin at talagang nilagay po natin kung ano ang dapat pino-focus ang kinukonsidera ng ating mga tao. Ito po iyong kung ilan po ang antas ng pagbabakuna sa bansa, ilan po ang nagkakasakit ng severe and critical, ilan po ang naoospital.
So with our current … iyon pong previous natin na alert level metrics, nakalagay po diyan iyong two-week growth rate, iyong average daily attack rate at saka iyong ating healthcare utilization.
Ngayon, ito pong two-week growth rate kasi, for these past weeks na tumataas ang kaso, hindi na po siya naging sensitive doon po sa pagtatala ang pagri-reflect ng complete picture sa ating bansa. Noon pong ginawa natin kasi itong alert level metrics with the two-week growth rate, the two-week growth rate was sensitive kasi ang bilis ng pagtaas ng mga kaso.
Pero ngayon na nakikita natin na tumataas nga ang kaso pero hindi po ganoon kadami, it’s not sensitive anymore. So tinanggal po natin ang two-week growth rate. What we have right now would be to measure the average daily attack which is a measure of new cases in an area plus iyong atin pong healthcare utilization. We cross-tabulated this kung saan binigyan po natin ng mas maraming weight ang mga pagkakaospital, iyong healthcare utilization.
So even though your number of cases will reach high-risk based on your average daily attack rate, as long as your hospitals are less than5 50% occupied, hindi po tayo mag-i-escalate. So ito po iyong ginawa natin because as I’ve said, gusto ko hong ulitin, mas importante po sa ating lahat ang mga naoospital, ang pagkapuno ng ospital at saka ang mga severe at critical cases.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., dahil po diyan ay mada-downgrade muli sa low-risk ang ilang lugar dito sa NCR na itinaas po sa moderate-risk, tama po ba ito, Usec.?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes ‘no. Pero kapag tiningnan natin, Usec. Rocky, ang atin pong alert level classification, it applies to a regional level. So ibig sabihin, ang NCR, hindi natin kinukuha paisa-isa ang ating mga cities at saka iyong lone municipality diyan. Kapag tiningnan po natin ang level of risk, tinitingnan natin at that regional level. Although, yes, mayroon po tayong pinauna na limang moderate-risk case classification sa ating mga areas sa NCR, mapupunta po sila uli sa low-risk dahil iyong kanilang average daily attack rate ay hindi pa ho lumalagpas ng six at saka iyong kanilang healthcare utilization naman is less than 50%.
Although mayroon po tayong binabantayang mga ospital sa ngayon, mga areas ngayon sa NCR kung saan tumataas ang admissions sa ICU pati po doon sa COVID beds. Pero ina-analyze ho natin, nakita natin iyong isang lugar, tatatlo lang kasi iyong ICU beds. So kapag nagpasok po sila ng tatlo, one hundred percent na po sila agad.
So atin pong inaanalisa at kailangan po talaga na naiintindihan ng ating mga kababayan kung bakit nagkakaroon ng ganitong metrics.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bumaba rin po iyong compliance dito sa minimum public health standards, ano po ang ginagawang hakbang ng Department of Health kaugnay nito?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, katulad po ng aming niri-report ‘no, base po sa ating mga datos, bumaba po by as much as 21% ang compliance ng ating mga kababayan sa minimum public health standards.
Alam ninyo, Usec. Rocky, dumating tayo doon sa punto ngayon not just here in the Philippines but all over the world, nagkaroon na ng burnout ang mga tao with this very long situation that we have with the pandemic. Pero kailangan, maging mapagmatiyag at vigilant pa rin tayo. Kailangan susunod pa rin tayo doon sa ating minimum public health standards because this is one of the ways for us to be able to protect ourselves.
So sa ngayon po, nakipag-usap tayo sa Department of the Interior and Local Government pati na rin po sa ating local governments para paigtingin po ang pagmo-monitor ng ating compliance para mai-enforce po natin at sumunod uli ang ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sinabi po sa isang pag-aaral sa Amerika na posibleng magdulot ng mas matinding panganib sa kumplikasyon at hospitalization ang re-infection sa COVID-19. Dahil po dito, hindi po ba nararapat na palawigin daw po itong vaccine coverage at payagan na iyong second booster sa iba pang category groups?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, Usec. Rocky, unang-una, ang sagot diyan ‘no, tingin namin, hindi po iyan ang sagot natin kung saka-sakali ngang iyang re-infection is causing severe diseases.
Pero, base po sa mga pag-aaral ngayon – opo, mayroon pong isang ospital sa United States kung saan nagsabi sila that they have observed that these re-infected individuals are showing more severe cases. Pero kailangan tingnan natin sa konteksto iyan, dahil ang severe cases po, it will depend also on the immunity of the person. If you are a senior citizen, kung mayroon po kayong ibang kondisyon na sakit at iyon pa hong mga ibang atin pong iniisip.
Kapag tiningnan po natin ang ating bakunahan ngayon, our first booster dose, 26% pa lang po ang naga-uptake. So, we are looking for the 74% of our eligible population to receive their first booster. So sa tingin ko at sa tingin ng ating gobyerno, mas mahalaga ngayon na i-pursige nating maka-receive ng first booster shot ito pong 74% ng eligible population, which is around 40 million Filipinos na kailangang maka-receive ng first booster shot. Pinag-aaralan pong maigi ang second booster shot, para ma-expand sa ibang sektor. Nakasulat na po tayo sa FDA, kung saan, niri-request natin na pag-aralan uli at baka puwedeng i-expand sa 50 to 59 years old at saka doon sa ating mga kababayang may comorbidities.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, hindi rin po natuloy itong rollout ng booster shot sa healthy [individuals na] 12 to 17 years old, kailan daw po ito inaasahang matutuloy, Usec?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, nagkaroon lang po ng kaunting pag-delay, Usec. Rocky, na-isyu na po natin iyong guidelines coming from the Department of Health. Ngayong araw po na ito, mayroon na po tayong orientation sa ating mga local vaccine operation center and hopefully tomorrow or in the coming days, we will already start the booster shots for our 12 to 17 years old, who are non-immunocompromised.
USEC. IGNACIO: Opo. Sinabi po ni Secretary Joey Concepcion na, diumano, ang HTAC ang nagpapatagal sa pag-apruba ng mga bakuna sa ating bansa, ano po ang masasabi ninyo dito, USec?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, kailangan pong maintindihan ng ating mga kababayan ‘no. Unang-una sa atin pong mga batas na mayroon tayo dito sa ating bansa, kailangan po ang isang medical technology, katulad ng bakuna, para magamit ng ating populasyon, unang-una kailangan mayroon po tayong approval from the Food and Drug Administration. Pagkatapos niyan, kailangan din mayroon tayong assessment or evaluation ng ating mga eksperto sa Health Technology Assessment Council. Iyan po ay nakasaad talaga sa batas.
Kahit minsan, hindi naman po nakapagpa-delay ang HTAC sa atin. Nagkaroon lang po tayo ng isyu ngayon, dahil there are these other recommendations of HTAC na nakalagay po doon sa kanilang rekomendasyon to our Secretary of Health that we needed to verify with their legal team – kasi kapag hindi masunod ba ay magkakaroon ng violation or hindi ba magkaka-violation? – kaya po nagkaroon ng kaunting delay. But this did not really delay ‘no, and ang HTAC po ay grupo po ng eksperto natin na simula’t sapul ay kasama na nating nagtatrabaho dito sa pandemyang ito and they work with us, even doing parallel evaluation with FDA, especially when there are requests coming from the department.
So, kailangan lang ho tayo magkaisa, kailangan lang tuluy-tuloy lang ang ating mga ginagawa. We are all doing our efforts in stopping this COVID-19 virus. At sana po, magkaroon tayo ng pagkakaintindihan and we can clear all of these issues against our experts.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, tanong po mula sa ating mga kasamahan sa media, mula po kay Mark Fetalco ng PTV: Bilang incoming NVOC Spokesperson, iko-consider po ba ninyo na muling magsagawa ng national vaccination days para daw po mapabilis ang rollout ng booster sa bansa?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky ‘no, unang-una gusto lang po nating sabihin na lahat po ng isinagawa ng ating previous national vaccines operations cluster, itutuloy po natin iyan. So, we have done our national vaccination days before at nakita natin na naging successful siya at nakapagpataas tayo ng antas ng pagbabakuna. So, we will still do this, pero kailangan iisip na tayo ng mga long-term solutions. Kasi ito po ay short-term [solution] and we cannot even sustain this based on resources ‘no. Kailangan umisip tayo ng ibang strategies, para mas maitaas natin ang antas ng pagbabakuna sa ating bansa. But, definitely, we will continue on for this year the national vaccination days.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po mula kay Sam Medenilla ng BusinessMirror: Ano daw po ang reminder ng Department of Health sa mga a-attend sa inauguration at rallies bukas?
Babalikan po natin si Usec. Vergeire, aayusin lang namin iyong linya ng komunikasyon sa kaniya.
Ikinagagalak po ni Senator Bong Go na ganap na po ang pagsasabatas ng Republic Act 11861 o ang panukalang pagdagdag ng benepisyo para sa mga solo parent. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Usec., ulitin ko lamang po iyong tanong mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Usec., ano daw po ang reminder ng Department of Health sa mga a-attend sa inauguration at rallies bukas?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So, gusto lang po nating magpaalala sa ating mga kababayan na mag-a-attend ng inauguration ng ating bagong Pangulo, pati na rin po iyong magdyo-join ng mga rallies na sana po, atin pong ipatupad maigi ang ating minimum public health standards: Please wear your mask properly; i-cover po ang nose pati ang bibig; lagi pong maghuhugas ng kamay; magdala po tayo ng mga alcohol. Kung nakikita po natin na siksikan na tayo at dikit-dikit ‘no, basta siguraduhin lang ninyo na kapag nagpunta kayo diyan, kayo po ay bakunado with your booster shots, para mas sigurado tayo na protektado po tayo at lagi po nating tatandaan, nandito pa rin po iyong virus.
So, alam natin na importante ang mga event na ito, kailangan lang po maging vigilant tayo, maging aware tayo at lagi pong ipatupad ang minimum public health standards.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sa nalalabing isang araw bago pa magpalit ng administrasyon, ano po sa tingin ninyo ang naging mahalagang achievement na nagawa ng DOH administration sa nakalipas na anim na taon na kung saan kasama rito daw po iyong dalawang taon na pakikibaka natin sa pandemya.
DOH USEC. VERGEIRE: Well, unang-una, USec. Rocky, siyempre highlighted iyong ating accomplishment na ginawa dito sa pagresponde sa COVID-19. Mayroon na po tayong mga pag-aaral na lumalabas ngayon, kung ilang mga buhay ang ating nai-save because of the response that we have provided to the general public. Pangalawa, gusto rin nating i-highlight, aside from the response to COVID-19, nakapagpasok tayo ng mga bakuna, kung saan almost 70 million Filipinos already are vaccinated at protektado laban sa COVID-19.
Aside from COVID-19, ang isa sa pinakamalaking naging achievement ng ating administrasyon would be the Universal Health Care Law. Ito po ay ang ating sentro at ang core policy na magpu-push sa ating lahat, ang bawal Pilipino ay magiging protektado sa kanilang kalusugan, magkakaroon ng access at availability ang ating health services para po ma-improve ang kanilang mga kalusugan.
Ang iba pa ho, nagkaroon tayo ng pagpapasa, enactment of the laws for cancer control and also for mental health. Malalaking bahagi din po iyan ng atin pong achievements and even the first 1,000 days of a child’s life, iyan po ay nakasama rin sa mga naipasa natin na mga batas at pinapatupad sa ngayon.
Marami pa po tayong mga naging achievements, pero I think, these are the things that should be highlighted as part of the achievements of the department throughout the six years of this administration.
USEC. IGNACIO: Sunod pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Once daw po na maanunsiyo ang bagong Health Secretary, mayroon pa rin po bang transition meeting ngayong isang araw na lang daw po ang kaniyang magiging preparasyon at sasabak na siya sa trabaho para sa ating post-pandemic recovery?
USEC. VERGEIRE: Yes po, Usec. Rocky. Hindi po kailangan mag-alala ng ating bagong Secretary of Health whoever will be appointed dahil ang Kagawaran ng Kalusugan po, kami pong mga officials ng Department of Health have prepared already this transition.
Nakapaggawa na po kami ng transition plan kung paano. Mayroon na po kaming listahan at mga briefers na ieendorso para sa ating bagong Secretary of Health kapag siya po ay nag-assume na ng position.
So, need not worry but of course it would also be advantageous to all of us kung makikilala na namin siya at makakausap na bago mag-start ang July 1. But if in any case as I’ve said we are here prepared to support the new Secretary kapag nag-assume na po siya ng posisyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza: Sinabi daw po ni outgoing Health Secretary Francisco Duque III na dapat isang pandemic manager din ang dapat na papalit sa kaniya.
Ito po ba ay isang sign na maaaring manggaling sa naging experts ang ating magiging bagong Secretary at siya rin pong magkukumbinse kay President-elect BBM na ituloy ang state of calamity?
USEC. VERGEIRE: Well, hindi ho natin mahulaan talaga ‘no kung ano po iyong talagang nagiging criteria natin sa ngayon for a Secretary of Health.
I agree with Secretary of Health Francisco T. Duque III na sana mayroon pong karanasan doon po sa ating na-experience ngayon dito sa COVID-19 kasi malaking bahagi pa rin ng priorities natin ang pagsugpo at saka ang pagpapatuloy ng mga response natin sa COVID-19.
Pero sa isang banda kailangan din ito pong papasok na Secretary of Health should be able to have that comprehensive understanding of public health. Iyon po ay napakaimportante dahil po aside from COVID-19 ay ang dami pa ho nating ibang public health issues na kailangang harapin.
USEC. IGNACIO: Usec, kunin ko na lamang po iyong inyong mensahe sa ating mga kababayan. Go ahead po, Usec.
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Unang-una, maraming salamat po for giving us this opportunity para magbigay ng impormasyon sa ating mga kababayan.
Gusto lamang ho nating magpaalala sa ating mga kababayan na tumataas ho uli ang kaso sa ating bansa. Hindi po natin kailangan mag-panic, hindi po natin kailangang mangamba bagkus ang kailangan nating gawin ay maging vigilant, mapagmatyag at saka lagi po dapat tayong aware. Aware tayo na nandito pa ang virus, aware tayo na dapat nating gawin ang minimum public health standards – ang pagsusuot ng mask nang tama, ang pag-a-isolate kapag kayo ay nakakaramdam na ng sintomas, ang pagtawag sa inyong local government para po tayo ay magkaroon ng testing at saka ma-manage kayo, ang pagpunta sa mga lugar na hindi matao, at sinisigurong maayos ang daloy ng hangin sa mga pinupuntahan. Palagian pa ring maghuhugas ng kamay, mag-sanitize ng kamay para iwas po sa impeksyon. And ang pinakaimportante po ngayon ay sana magkaisa po tayo lahat, magtulung-tulong para po lahat po ng ating mga kababayan na eligible na para sa ating first booster shot ay ma-encourage natin at makapagpabakuna na para tumaas uli ang proteksyon dito po sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. USec. Vergeire, ako po ay sumasaludo sa inyo dahil dito po sa nakalipas na dalawang taon ay talagang nagbigay po kayo ng oras para po magbigay ng mahalagang impormasyon sa ating mga kababayan sa gitna ng pandemic.
Maraming salamat po sa paglalaan ninyo ng oras ngayong umaga, Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng Department of Health. Mabuhay po kayo.
USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Isang araw na lang po ay inagurasyon na ni President-elect Bongbong Marcos, Jr. At kaugnay niyan ay alamin natin ang mga paghahandang isinasagawa ng ating pulis, mula po kay Police Major General Valeriano de Leon, ang Director for Operations ng Philippine National Police. Magandang umaga po, sir.
PNP PMGEN. DE LEON: Hello! Good morning. Magandang umaga sa iyo at magandang umaga rin sa tagasubaybay ninyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Nagku-conduct na po ng security dry run ang PNP sa National Museum bago ang inagurasyon bukas. Kumusta na po iyong kinalabasan ng inyong dry run, General?
PNP PMGEN. DE LEON: Rocky, maganda naman. Iyong ating civic military parade ay nakapag-practice na. Iyon namang multi-agency command center natin ay well-represented na, so we can communicate there. Ako naman po ay tutungo doon in a while to oversee the final practice and inspect our troops on the ground.
Alam ninyo itong araw although minsan makulimlim, minsan uulan ay hindi ko iniinda iyan. In place na rin po ang mga checkpoints pati iyong [Task Force] Manila Shield natin.
Gusto ko lang pong linawin na ang Manila Shield is not to control the movements but we are trying to defy individuals or group that wanted to disrupt the event. Mayroon po kasi tayong natatanggap na impormasyon although this is not a serious one but we are always ready to respond, Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. General, pero para lang po sa kaalaman noong mga pupunta doon sa inagurasyon ano, may plano po ba na i-jam ang telephone signals sa mismong inagurasyon? At kung mayroon man po, ano po iyong mga areas na maaapektuhan nito?
General, narinig ninyo po iyong tanong ko? General?
PNP PMGEN. DE LEON: Yes. Mayroon tayong kinu-consider. Hello? Parang hindi maganda iyong signal natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Go ahead po. Go ahead, General. Opo.
Magdya-jam po ba ng telepono? May plano po bang i-jam ang telephone signals para po sa inagurasyon bukas? Kung mayroon man po ano daw po iyong areas na maaapektuhan, General?
PNP PMGEN. DE LEON: That depends ano sa mga impormasyon. We validate it through our intelligence fusion. Sa ngayon, we consider that as one of the actions pero sa ngayon I’m not finalizing it. Hanggang mamayang gabi ay mag [unclear] ang [unclear] ang Presidential Security Group ganoon din ang police force para malaman kung there is still a need to do that. Meantime, we are strictly enforcing a very strict screening process doon sa manunood sa general population sa general populace.
Alam mo, nakakatulong din itong ginagawa ng local government ng Manila dahil nag-declare na po sila ng non-working holiday. At nakikipag-ugnayan din kami sa iba’t ibang city dito sa Kamaynilaan para mag-declare din ng ganoong holiday para maibsan nang kaunti ang mga trapiko dahil we are implementing a very wide rerouting scheme para mabigyang daan ang gustong manood dito sa ating historic oath-taking of President-elect Ferdinand Marcos, Jr.
USEC. IGNACIO: Opo. Ilang bilang daw po ng tao ang inaasahang dadalo bukas sa inagurasyon at ano daw po ang mga rules and regulation na dapat sundin ng mga pupunta bukas?
PNP PMGEN. DE LEON: Rocky, doon sa malapit doon sa stage we can accommodate 1,200 and that is the one that is being screened by the Operations Group of BBM. Meantime, we can screen over up to 1,500. The final list sila po ang magpu-provide niyan.
Doon naman sa general viewing area dito sa Intramuros Golf area ay ating ma-accommodate ang almost 300,000. But of course, we have to observe itong social distancing. It can be less to that number.
Meantime, pinapaalalahanan namin ang ating mga kababayan na gustong masilayan o mapanood ang oath-taking ni President Ferdinand Marcos, Jr. Nais po nating paalalahanan na huwag nang magdala ng backpack. It will add necessarily delay iyong pag-screen ng ating mga kapulisan diyan. Kung hindi maiwasan dahil sa pagdadala ng extra na damit, pamaypay, tubig and other personal belongings ay gumamit na lamang po ng plastic bag para makita kaagad ng ating mga kapulisan.
In the meantime, pointed objects, mga drone at kung anu-ano pa man ay hindi pinapayagan iyan. Kaya kasalukuyan na nagkakaroon ng briefing orientation ang ating district director ng Maynila at ang regional director ng NCRPO para sa ganoon ay magkaroon ng universal implementation o uniform implementation ng pag-screen ng mga manunood.
USEC. IGNACIO: Opo. General, may iba pa po bang extra security measures na ipapatupad o isasagawa rin bukas sa inagurasyon? At ilang pulis po ba ang nakatakdang i-deploy bukas? May nakikita po ba tayong dahilan para magdagdag kung sakali?
PNP PMGEN. DE LEON: Wala naman. Only that we need to expand ‘no, nagkaroon din tayo ng augmentation sa Presidential Security Group. Initially, we have deployed 6,768 personnel. But on the last briefing, yesterday, we have accounted 9,122 to be positioned in several parts of the National Museum. Just this, to ensure that magkaroon po ng responde ang ating mga kapulisan kung mayroong hindi magandang pangyayari.
We also want to address itong mga grupo na gustong magkaroon ng rally to redress their grievance. Ang gusto natin, gawin nila ito sa tamang lugar – ito iyong mga freedom parks. We have identified four, mayroon diyan iyon Liwasang Bonifacio. Andiyan din iyong Plaza Miranda, Plaza Moriones at Plaza Dilao. Iyong apat na lugar na iyan ay puwede silang magsagawa ng rally nila diyan at kahit anong gawin nila, kaya nga tinawag na freedom park.
But the moment they will step out of the area ay corresponding police response ang ating itutugon para dito. Alam naman natin na the world will be watching us, and we would like to showcase how orderly and how disciplined Filipinos are dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, General, paano po matitiyak na masusunod pa rin iyong minimum public health protocols dito po sa mga magsasagawa ng rally bukas?
PNP PMGEN. DE LEON: Umpisahan natin sa VVIP at saka sa VIP. They will all be screened dito sa PICC, at doon ay magkakaroon ng mga pagsusuri o pag-i-inspect ng kanilang mga bakuna, ng kanilang mga reminders and then they will be boarded in buses and they will proceed in the venue. So ibig sabihin, mayroon tayong parang staging area, mayroong isang lugar where they could be properly screened and oriented – ito po iyong sa VVIP at saka VIP.
Doon naman po sa general population, mayroon naman pong pinag-usapan na iyong may mga karamdaman, iyong basic lang – iyong ating body temperature [garbled] ay hindi na hahayaan itong makapasok. Tulad ng sabi ko [garbled] individual responsibility to make sure na hindi tayo makahawa.
Remember that this is one’s responsibility ‘no. While we respect your right to watch this historic event ay ating din pong respetuhin ang karapatan ng ibang manunood. Ayaw sana nating magkaroon ng upsurge nitong pandemya na ito. Pero tulad ng sabi ko, there will be final orientation to our screening police officers na pumunta sa general population.
USEC. IGNACIO: Opo. General, ulitin lang po natin: Pinapayagan po na mag-rally bukas basta hindi po sa paligid ng National Museum: Ulitin lang po natin iyong binanggit ninyo: Saan po ba allowed pumuwesto ang mga raliyista?
PNP PMGEN. DE LEON: Tulad ng sabi ko, sa pakikipag-ugnayan natin sa LGU, wala pa po silang nabigyan ng permit ng rally. So be that as it may, kahit po wala silang permit ay puwede sila dito sa freedom parks. Dito sa Kamaynilaan, mayroon pong apat na identified na freedom parks – ito po iyong Liwasang Bonifacio, Plaza Dilao, Plaza Miranda at Plaza Moriones.
So iyong mga lugar na iyan ay puwede silang maghayag ng kanilang mga issues and concerns. Pero the moment they will step out of the area as a group they will be prevented, unang-una, baka makasagabal ito sa ipinatutupad na rerouting scheme. Kailangan malawakan po ang ating rerouting scheme o pinapatupad ng ating kasamahan sa MMDA at ang police force.
Pangalawa, hindi po natin hahayaan na magsagawa ng mga magulo o not peaceful assembly sa labas ng freedom park.
USEC. IGNACIO: Opo. General, kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo at paalala sa ating mga kababayan para po sa inagurasyon bukas.
PNP PMGEN. DE LEON: Sa ating mga motorista, unang-una, please bear with us. Iyong inconvenience na inyong nararanasan ay para rin sa ating sambayanang Pilipino, sa kaligtasan ng bawat isa at para mapanood tayo ng buong mundo that we can organize a big event like this in an orderly and disciplined manner.
Pangalawa, binabalaan ko iyong o niri-remind natin iyong ating mga kababayan na gustong manood na huwag na po tayong magdala ng mga backpack and other pointed objects. Dalhin ninyo na lamang ang inyong sarili at puwede ang inyong tubig ‘no. Huwag po kayong mag-alala, we will accommodate everyone ‘no mayroon lang capacity kasi ang Intramuros Golf Club kaya mayroon tayong ilalagay diyan na mga barrier.
Doon sa gustong makapanood nitong civil military parade. This is a showcase of the capability of the Armed Services. Ipapakita natin ito sa ating incoming Commander-in-Chief, iyan po ay walang iba kung hindi si President Ferdinand Marcos, Jr. Isasagawa ito bago sa aktuwal na oath-taking. Kaya puwede po kayo pumunta nang maaga dahil magkakaroon po ng lockdown [unclear] time and we no longer allow movements when we are all settled before the arrival of the President.
So, sa ating mga kababayan, iyong may mga karamdaman, huwag na po kayo mag-attend. Contain yourself watching over the television dito sa inyong mga bahay para mas makakabuti sa inyo.
Alam mo, Rocky, ang oras nitong oath-taking will take place at exactly 12 noon. Medyo may kainitan. I hope that the weather would be as good as today and in case po na mainit na mainit diyan wala pong upuan iyong iba baka po mas makakabuti na you can watch.
Nakipag-ugnayan na po kami sa mga LGUs na mag-identify ng places where they could lead the event doon ano para mapanood lang nila ito. I hope na tugunan tayo ng mga local government units.
Meantime, aking nakausap ang regional director ng NCRPO, iyon pong stretch ng EDSA ay mayroon na pong mga pumayag na mapanood ng ating mga kababayan diyan sa [unclear]. Doon po sa mga lugar na tinatawag natin na mga sports arena, I will still to get feedback late in the afternoon today.
So, iyan lamang po at we wish all the best. Ang security package na ating in-in place ay isang napakagandang nagpa-follow ng major event security framework. Iyan po iyong ating pamantayan. And hopefully, we will provide the best for the people to watch. Maraming salamat po, magandang umaga at mabuhay po kayo!
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyo, Police Major General Valeriano De Leon, ang Director for Operations ng Philippine National Police. Salamat po, General.
PMGEN. DE LEON: Thank you po.
USEC. IGNACIO: Samantala, alamin po natin ang iba pang detalye ng GSIS Mobile app, ang GSIS Touch. Makakasama po natin si Atty. Dionisio Ebdane Jr. Ang Executive Vice President ng GSIS Support Service Sector. Magandang umaga po, Atty. Jun.
GSIS EVP ATTY. EBDANE JR: Magandang umaga po, Usec. Rocky Ignacio, at maraming salamat, I think, pangalawa or pangatlo na namin ito ngayon na ipapamahagi sa ating mga miyembro kung ano po itong bago naming mobile application sa GSIS.
USEC. IGNACIO: Opo. So, Attorney, ano nga ba itong GSIS Touch at anu-anong mga impormasyon at serbisyo ang makikita dito?
GSIS EVP ATTY. EBDANE JR: Itong GSIS Touch ay isang mobile application, this is a homegrown system. So, ginawa mismo ito ng aming IT Group, kung saan ang ating mga miyembro, gamit-gamit ang kanilang smart phone ay puwede na nilang masilip ang kanilang record sa GSIS. At kung tatanungin, ano bang mga records na ito? Unang-una na po iyong members’ records ng ating mga members, kayang-kaya nang makita dito iyong tinatawag nilang service record, insurance policy, members data.
So, masisilip niya ito kung tama ba ang pagkarehistro ng isang government employee sa GSIS. Kasi ang nangyayari, kapag may mga problema, aayusin pa nila ito kapag nag-retire sila ano ho. Lahat ng loan records nila ay inilagay po namin dito, so lahat ng active loan accounts nila at paano po namin ipino-post iyong payments ay ipinakikita din po nito. Iyong status po ng kanilang loan application halimbawa, nag-apply sila at sa tingin nila natatagalan ang pag-credit ng loan proceeds, makikita po nila ito sa GSIS Touch, kung ano na po ang status ng kanilang loan application.
Puwede rin po silang mag-check ng kanilang tentative computation for loans, kung gusto nilang manghiram sa GSIS, makikita nila kung magkano ang loanable amount nila, kung anong cut-off naman ang gusto nila through this phone. At ang pinakamaganda po iyong claim records, kung ano na ba ang mga benepisyo na tinanggap nila sa GSIS. Halimbawa, dibidendo man ito o kaya nag-avail sila ng mga early retirement benefit sa GSIS, eh napapakita po natin dito.
At iyong mga balak mag-separate o mag-retire, nilagyan din po namin ito ng tentative computation ng kanilang claim benefits kung anong araw sila aalis for example sa GSIS, on that day na aalis sila, maipapakita namin kung magkano po ang tentative computation for their lump sum benefit o kaya ang kanilang pension benefit.
Pension record ho, lahat ng pensyonado na nag-i-enjoy ngayon ng buwanang pension, ito po ay for life, puwede po nilang i-check from time to time, ano na ba ang mga pensiyon na naibayad sa kanila. Kasi ang iba po nagtatanong kung kumpleto ba ang pension. So, naipapakita natin monthly iyong mga pension credits through this mobile phone, through the system po ng GSIS Touch.
USEC. IGNACIO: Attorney, mukhang kakailanganin ko iyong tulong para sa aking early retirement. Pero ito pong GSIS Touch ba ay pareho po sa eGSISMO?
GSIS EVP ATTY. EBDANE JR: Okay, ito pong tinatawag natin na eGSISMO o kaya e-GSIS Member Online, ito po ay web based. Parehong-pareho ang kaniyang sistema, kaya lang maa-avail po natin itong eGSISMO using our computers. So, PC-based po itong eGSISMO, samantalang itong GSIS Touch ay available po sa mobile phones natin.
USEC. IGNACIO: Opo. So, ano daw po ang gagawin, kung hindi daw po mabuksan o hindi makapag-log in sa GSIS Touch?
GSIS EVP ATTY. EBDANE JR: Okay. So, mayroon po kaming contact center na pupuwede po nilang pagtanungan kung ano ang nagiging problema dahil hindi sila makarehistro sa ating GSIS Touch at ito po ay 24/7 na puwede po silang sagutin at ang number po nito ay 8847-47-47 for Metro Manila. So, usually may area code tayo na 02, kakabitan natin ng number na 8847-47-47. So, may sasagot po sa kanila doon, pupuwede po silang matulungan kung papaano po magrehistro sa GSIS Touch.
USEC. IGNACIO: Opo. So, ano daw po iyong minimum requirements or specifications ng mobile phone para po mag-install ng GSIS Touch?
GSIS EVP ATTY. EBDANE JR: Ang GSIS Touch po ay puwedeng i-install sa anumang klaseng smartphone na powered po ng IOS o Android. So, maaaring i-install ang GSIS Touch sa alin mang cellphone na sinasabi ko na ginagamit po natin ngayon sa online banking, social media application at iba pang mobile application. So, kung tayo ay mahilig na gumamit ng Lazada, mag-Facebook, etcetera, definitely ay pupuwede po nating gamitin ito para sa GSIS Touch.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung may katanungan daw po o nais na karagdagang impormasyon, ano daw po ang puwedeng gawin?
GSIS EVP ATTY. EBDANE JR: Okay. So definitely, hindi natin magpapaliwanag sa umagang ito, kasi limited lang ang time natin. Doon sa marami pong katanungan at gustong malaman tungkol sa GSIS Touch, maaari pong bisitahin nila iyong aming website, www.gsis.gov.ph o kaya mayroon po aming GSIS Facebook page @gsis.ph o kaya puwede naman sila mag-email sa gsiscares@gsis.gov.ph o kaya tumawag po, nasa screen ngayon ang ating mga number na sinabi ko kanina, 8847-47-47. Kapag Globe po iyong kanilang line, nandiyan po 1-800-8847-47-47 at kapag Smart, TNT at saka Sun, dadagdagan lang ng dalawang numero, parehong-pareho lang halos at ito ay 1-800-10-847-47-47.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng impormasyon sa amin at paglalaan ng oras. Magpapatulong po ako sa inyo sa early retirement.
GSIS EVP ATTY. EBDANE JR: Opo. Ipagbigay lang po ang impormasyon kung ano po ang problema at tutugunan po namin iyong request po ninyo. At kahit sino pong nakikinig ngayon, nandiyan sinabi ko po ang ating gsiscares@gsis.gov.ph at aking numero, tiyak po may sasagot po sa inyo po.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Atty. Dionisio Ebdane Jr., ang Executive Vice President ng GSIS Support Service Sector. Stay safe po, Attorney.
GSIS EVP ATTY. EBDANE JR: Stay safe rin po, Usec. Rocky. Maraming-maraming salamat po. Have a nice day.
USEC. IGNACIO: Thank you, Samantala dumako naman tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Ihahatid sa atin iyan ni Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.
Namahagi po ng tulong ang tanggapan ni Senator Bong Go sa mga taga-Barangay Punta Princesa sa Cebu City. Ang detalye sa report na ito.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Nagbibigay na ng written orders ang mga kawani ng SSS para po sa contribution evaders sa Davao City. Narito ang report ni Jay Lagang ng PTV-Davao.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Isang Ilokano professor sa Hawaii ang nagsusulong sa pagtaguyod sa wika at kultura ng Northern Luzon sa pamamagitan ng libro. May report si Alah Sungduan ng PTV-Cordillera:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Maraming salamat po, KBP!
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtutok sa amin.
Hanggang sa muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)