Press Briefing

Press Briefing of Press Secretary Trixie Cruz-Angeles


Event Press Briefing
Location Press Briefing Room, Malacañan Palace in Manila

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Magandang hapon.

Kaninang umaga mayroon po tayong Cabinet meeting, ang mga nag-report ay ang Department of Science and Technology at saka ang DENR tungkol sa kanilang mga priority programs and projects.

Sa DOST, ang kanilang mga prayoridad ay creation of technology-based enterprises, jobs for regional development; pangalawa, food security and resilience; number three, health security; number four, water security and environmental protection; and number five, energy.

Dalawa po ang tinalakay ng Department of Environment and Natural Resources – ang isa ay iyong kanilang priority programs of course pero pina-discuss din sa kanila ng ating Pangulo ang water security. So ang mga nasa plano ng ating DENR ay enhancement of the natural capital accounting system including the valuation of ecosystem services; pangalawa, budget realignment and strategic collaboration with other NGAs, LGUs, private sector, academe and other stakeholders; pangatlo, bolstering science and technology in environmental and natural resources management – halimbawa iyong Balik-Scientist Program ng DOST; improvement of sensors, sensor networks and analytics; at pang-apat, promoting green and blue jobs in environmental and natural resources management.

Kahapon may lumabas na mga news reports tungkol sa appointment sa posisyon ng Immigrations Commissioner. Kasama ng announcement na iyon ay isang dokumento na nag-a-attest to the appointment. Tungo dito at matapos ang pagtatanong at pagsisiyasat, wala pong dokumento na ganoon sa Presidential Management Staff, sa Office of the Executive Secretary or sa Office of the President. Walang record ng dokumento na iyon.

Ayon sa Revised Penal Code, Article 161, ang pag-forge ng great seal of the government, signature ng President or stamp ng Presidente ay pinaparusahan ng reclusion temporal; ang reclusion temporal po ay 12 to 20 years. Tungo dito, nag-utos ng imbestigasyon sa NBI at sa PNP through their respective Secretaries – Secretaries Remulla and Benhur Abalos.

Nasa unique position po ang ating media lalung-lalo na doon sa mga nagdala ng istorya, makapagbigay ng impormasyon tungkol sa source ng dokumento na ito. Kung matatandaan po natin, ang mga gumagamit ng falsified or forged documents ay maaaring ma-subject to investigation. Ganoon pa man, wini-welcome natin ang kahit anong impormasyon tungo sa pag-prosecute sa kaso na ito kung susuportahan ito ng ebidensiya through the investigation.

IVAN MAYRINA/GMA7: Good afternoon, Sec. Ano ho ang guidance ng Malacañang sa inaasahang paglalabas ng LTFRB ng desisyon sa mga pending fare hike petitions?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Rekomendasyon pa lang po iyong sa LTFRB, so they are taking it under advisement. Mag-a-announce po tayo ng resultang polisiya tungkol doon.

IVAN MAYRINA/GMA7: Tungkol naman po dito sa ongoing Blue Ribbon Committee hearing. Hinahanap po nila si ES Rodriguez, bakit daw po hindi siya um-attend?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: This morning po ba iyon?

IVAN MAYRINA/GMA7: Yes, ma’am.

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: May Cabinet meeting po kami. Binibigyan natin ng napakataas na respeto ang isang co-equal branch, so I assume na mag-i-explain naman po si Executive Secretary. So, we’ll wait po for the response on the part of the ES tungo doon sa pagtatanong ng ating legislature.

IVAN MAYRINA/GMA7: One last for me, Secretary. Lumabas din po sa hearing kanina ng Blue Ribbon na sinabi ng Philippine Sugar Millers Association that Malacañang is being misled dito po sa serye ng ating pagbisita sa mga warehouses. Misled into thinking na may shortage pero wala kasi po legal po iyong mga nandoon sa mga warehouses na nakikita. Parang sinabi nga po ni Senator Tulfo, parang inaabala lang natin iyong mga warehouses na iyan.

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Hihintayin po natin iyong resulta ng imbestigasyon kung kaya’t hindi po tayo talaga mag-i-issue ng komento o response doon sa mga nangyayari habang ongoing pa po ang imbestigasyon.

IVAN MAYRINA/GMA7: Maraming salamat po.

MARICEL HALILI/TV5: Ma’am, magandang hapon po. Just a confirmation, ma’am: Tinanggap na po ba ni President Bongbong Marcos iyong resignation ni Undersecretary Leocadio Sebastian, kasi ang sinasabi niya until now daw mukhang nasa 90-day suspension po siya? Can you clarify po this?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Mayroon pa po kasi siyang preventive suspension kung hindi po ako nagkakamali, so hindi pa po aaksiyunan ang kaniyang status bilang kawani.

MARICEL HALILI/TV5: Ma’am, on other issue lang po: Iyong tungkol po sa PS-DBM because there are calls na i-abolish na daw iyong PS-DBM following all iyong mga questions about the agency, ano po iyong stance ng Malacañang tungkol dito? Should it be abolished?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Sa ngayon po ay may imbestigasyon ang ating DepEd at may imbestigasyon ang Lehislatura, so hindi po nararapat na magkomento until makita po natin iyong resulta noong mga imbestigasyon na iyan.

MARICEL HALILI/TV5: Thank you, ma’am.

TUESDAY NIU/DZBB:  Hi, ma’am. Follow up lang po iyong sa question ni Maricel, iyong kay Ginoong Leocadio Sebastian. Ano po ang pagkakaiba bakit si Ginoong Sebastian ay under preventive suspension ng 90 days na nag-resign din naman as compared to dating SRA Administrator Serafica na nag-resign din naman po sa puwesto; bakit iyong kay Serafica po tinanggap agad, iyong kay Sebastian ay under preventive suspension po?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Kung titingnan ninyo po ang resignation ni Undersecretary Sebastian, ni-resign po niya ang kaniyang mga duties sa ilalim ng DA or bilang Undersecretary ng DA. Hindi po siya nag-resign from the Civil Service or bilang kawani ng gobyerno, so may pagkakaiba po.

TUESDAY NIU/DZBB:  Thank you, ma’am.

KAT DOMINGO/ABS-CBN: Good afternoon, Ma’am. Ma’am, over the weekend, Chinese Minister Liu Jianchao said that China is very interested in pursuing joint explorations with regard to oil in the South China Sea. What is Malacañang’s stand on this issue?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Pag-aaralan po natin sa ngayon.

KAT DOMINGO/ABS-CBN: Hindi pa po siya, Ma’am, na-bi-bring up sa any cabinet meeting or any meeting with the President?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Ukol sa mga foreign relations natin, lalung-lalo na those involving contracts, kailangan pa po ng abiso ng ating Department of Foreign Affairs.

KAT DOMINGO/ABS-CBN: Salamat po.

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Opo.

MICHELLE GUILLANG/DAILY TRIBUNE: Good afternoon po, Secretary Trixie. Senator Imee Marcos recommended to the government to conduct a comprehensive inventory of local white onions to determine the extent of the reported shortage. Senator Imee Marcos said that smugglers are now taking advantage of the situation by selling to the restaurant industry ten times the usual price. May I ask po, is the President considering this?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Wala pa po tayong impormasyon, kapag mayroon po i-a-announce namin.

MICHELLE GUILLANG/DAILY TRIBUNE: Another question po about sugar. Has President Bongbong Marcos responded yet to the appeal of Central Azucarera de San Antonio Chairman Antonio Chan to reclassify or convert the US Market Sugar Quedan to domestic sugar Quedan? He believes the conversion of the sugar supply would ease the situation locally today.

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Hindi pa po tayo na-i-inform kung mayroon na pong response doon.

MICHELLE GUILLANG/DAILY TRIBUNE: Okay, last question na lang po from me.

HANNAH SANCHO/SMNI: Hi Ma’am. Good afternoon. Ma’am nakarating po ba kay Pangulong Duterte iyong insidente po ng sexual harassment sa mga students po.

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: President Duterte?

HANNAH SANCHO/SMNI: Sorry kay Pangulong Marcos po ang isyu po ng sexual harassment.

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Akala ko nakita ninyo iyong post ko.

HANNAH SANCHO/SMNI: Sorry ha, na-confused din ako. Regarding doon sa sexual harassment po na involved po iyong mga teachers po sa Bacoor. And noong last July naman po, may isa pang school na involved, iyong Philippine High School for the Arts nga po sa Laguna. And ano po iyong—nagkaroon po ba ng—kung nakarating ito sa Pangulo. May mandato po ba siyang ini-utos po sa DepEd?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: In-announce po ng ating Bise Presidente na concurrent Secretary of Education na sila po ay nag-iimbestiga at magrerekomenda ng –well magdi-decide kung anong aksiyon ang gagawin tungo sa pagdidisiplina noong mga pinagsususpetsahan dito.

HANNAH SANCHO/SMNI: Ma’am, follow up lang po. Wala pong any directive po or nay reaction ang Pangulo. Paano po ba tinitingnan ito ng Pangulo na may mga ganitong klaseng insidente po sa mga paaralan natin?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Ang primary po kasi na may responsable para diyan at para sa imbestigasyon administratiba ay iyong sekretarya. So, sa ngayon ang Kalihim ng Edukasyon ay ang ating Bise Presidente at nagsabi naman po siya na ongoing na po ang kanilang imbestigasyon.

HANNAH SANCHO/SMNI: Pero, wala pong sinabi ng Pangulo that he is disturbed po regarding doon sa isyu. How do we see po iyong sa sexual harassment na involved po iyong mga estudyante po, na nabibiktima po sila?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Kailangan makita natin iyong resulta ng imbestigasyon.

MODERATOR: Ma’am, you have a question from Sam Medenilla of Business Mirror of Business Mirror. Puwede pa po ba mabago ang amount ng proposed 150,000 metric tons of sugar na i-import by mid-September depending sa result po ng harvest yield sa nasabing buwan?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Parati naman po itong niri-review. Kung ano ang na-a-angkop na amount, iyon po ang magiging basehan, iyon po ang gagawing quota ng importation.

MODERATOR: Maraming salamat. On last question Kat Domingo.

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Last two.

KAT DOMINGO/ABS-CBN: Ma’am, the President is to travel for his first state visit next week. What preparations is he doing at the moment?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Mahirap iyong tanong na iyon. Well, kasama na po sa kahit na anong state visit ang in-a-apprise ang ating Pangulo tungkol doon sa ibang bansa, kung anong mga issues na hinaharap dito. Nothing more than the usual na hinaharap natin, Bukod doon sa very specific na issues relating to our foreign relations.

KAT DOMINGO/ABS-CBN: Ma’am, follow-up lang po. What agenda should we expect to be tacked on between President Marcos and President Widodo?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: We will announce the agenda.

MARICEL HALILI/TV 5: Ma’am, follow up lang po iyong tungkol sa PS-DBM.

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Pagbigyan din natin si Michelle ha.

MARICEL HALILI/TV 5: Ma’am, related pa rin po doon sa PS-DBM, kasi may lumabas po na COA report., Saying na mayroon silang 3 billion pesos na high-yield investment sa government bank na labas na daw sa kanilang mandato? Ano po iyong instruction, directive po ng Malacañang sa PS-DBM about this, Ma’am?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Wala pa po, pero gusto kong itanong, ito ba ay COA observation o findings na po ng imbestigasyon ng COA?

MARICEL HALILI/TV 5: Ang sinabi po kasi, tinawag daw iyong attention ng PS-DBM for this high-yield investment.

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Kung observation report po iyan, may pagkakataon pa pong sumagot iyong naturang ahensiya. So, hihintayin natin iyong sagot ng DBM. Yes, Miss Michelle.

MICHELLE GUILLANG/DAILY TRIBUNE: Thank you, Secretary. SRA Acting Administrator David John Alba has earlier disclosed that President Marcos convened the new SRA Board Members and asked them to come up with a sugar order recommending the importation of 150,000 metric tons. Just an update about this po?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Iyon na nga po iyong update, Ma’am eh.

MICHELLE GUILLANG/DAILY TRIBUNE: Draft pa rin po?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Ah, hindi po. Since, he ordered it, well, yes of course because he will review the order prior to signing. So, iyon na po iyong latest natin tungkol sa sugar order.

MICHELLE GUILLANG/DAILY TRIBUNE: Na-isyu na po ba siya?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Hindi pa po.

MODERATOR: Maraming salamat, Press Secretary Trixie Cruz-Angeles and Malacañang Press Corps.

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Salamat po. Teka wala kayong tanong tungkol doon sa Article 161 iyong forgery of the great seal, signature of the President, stamp of the President? Wala, walang tanong? Ayan si Miss Evelyn Quiroz, Ma’am Kat ikaw ba iyan?

EVELYN QUIROZ/PILIPINO MIRROR: Good afternoon, Secretary. So, first impression po doon sa dokumento, mayroon na po ba, ano po ang update doon.  Iyong first impression kasi makikita naman ninyo doon sa lower portion. Pati ho ba iyong ano, parehong-pareho iyong tipo ng ginamit na typewriter.   

SEC. CRUZ-ANGELES: Ma’am, hindi ko po maaaring iano, hindi po kasi ako eksperto at saka hindi po natin nakikita pa iyong original, if any. Ang masasabi natin is may lumilitaw na dokumento at sinasabing may appointment na po pero hindi nag-i-exist iyong records. Base doon sa record search natin ay wala po siya sa OES, wala din po siya sa OP at wala din po siya sa PMS. So, Ito iyong naging impetuous para sa imbestigasyon.

EVELYN QUIROS/PILIPINO MIRROR: So, sa investigation ilang araw po iyong binigay para matapos po, binigyan po ba ng deadline?

SEC. CRUZ-ANGELES: Hindi po nagbibigay ng deadline ang Pangulo natin. Kung ano iyong naaangkop at kung ano ang mai-turn up na ebidensiya, iyon po ang gagamitin natin.

EVELYN QUIROS: Thank you po.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ma’am, who will be conducting the investigation?

SEC. CRUZ-ANGELES: Napag-utusan po pareho ang Department of Justice, NBI at saka ang PNP-CDIG.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Also, ma’am, kasama po ba doon sa imbestigasyon iyong tao na nakalagay na in-appoint doon sa particular position na iyon?

SEC. CRUZ-ANGELES: Wala po tayong pini-presume sa ngayon. Titingnan po muna natin iyong magiging resulta, at least preliminarily, doon sa imbestigasyon. Hindi natin maaaring sabihin na mayroon na tayong pinupuntirya na tao; tingnan natin iyong ebidensiya at iyon ang susundan natin.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Alright, ma’am, salamat po.

EDEN SANTOS/NET25: Ano po iyong liability ng newspaper o ng media network at saka iyong tao dito po sa paglabas nitong balita na ito?

SEC. CRUZ-ANGELES: Unang-una, hindi kami nananakot ng media. As a matter of fact, ang sinasabi natin ay may pagkakataon ang media na matulungan na magbigay ng impormasyon sa ating law enforcement agencies.

Ang nagiging liability is kung knowingly ginamit iyong dokumento o kasangkot doon sa pag-issue ng dokumento na iyon na nalalaman na hindi po ito tunay o hindi po totoo. So, para magkaroon ng liability at that end, kailangan muna natin ma-determine iyong validity noong dokumento, iyong paggamit nito, sinong gumawa, ano iyong end, and so on. So unlikely po, unless mayroong conspiracy or alam nila na ginagamit ay isang falsified or forged na document.

EDEN SANTOS/NET25: Since nabanggit ninyo naman po may press freedom tayo, kabilang po ba sila sa unang isasalang sa investigation ng tatlong agencies na nabanggit po ninyo since sa kanila nagmula iyong information?

SEC. CRUZ-ANGELES: Tatlong agencies?

EDEN SANTOS/NET25: The DOJ, NBI and the PNP-CIDG who are going to investigate po itong issue na ito ng mga paglabas ng mga hindi kumpirmadong mga dokumento.

SEC. CRUZ-ANGELES: Ang sinasabi mo, Miss Eden, is sila iyong naglabas noong document?

EDEN SANTOS/NET25: No. I mean, kung sila ba iyong unang ipapatawag po doon sa investigation since sila iyong naglabas noong istorya?

SEC. CRUZ-ANGELES: You mean, iyong media?

EDEN SANTOS/NET25: Yes.

SEC. CRUZ-ANGELES:  Kung sila ay unang ipapatawag? We will have to see kung paano iyong conduct ng kanilang imbestigasyon, their different ways of doing an investigation. Mayroon tayong tinatawag na table investigation, hihingi tayo ng affidavits doon sa mga respondents or sa mga resource persons or maaari din silang puntahan ng ating mga agents ng NBI or PNP officers. So, tingnan po natin; it will be up to the agencies kung paano nila iku-conduct iyong kanilang imbestigasyon.

EDEN SANTOS/NET25: So, hindi po ito warning sa mga media entities na kailangan i-verify muna iyong kanilang source bago maglabas ng mga ganitong balita?

SEC. CRUZ-ANGELES: I think, madam, hindi na po natin kailangan sabihin ang inyong mga colleagues tungkol doon, alam naman ninyo kung ano iyong credible documents at ang inaasahan lang naman namin is reporting. So, hindi po. Ang sinasabi natin is may pagkakataon dito na iyong mga unang naglabas or mga naglabas ng dokumento na iyon ay makapagbigay ng impormasyon. Wala po tayong sinasabi na sila ay respondents to an investigation.

EDEN SANTOS/NET25: On your end po, Madam Secretary, ano po iyong gagawin ninyong hakbang para naman maiwasan iyong paglalabas ng mga ganitong balita? Baka po puwedeng mas mabilis tayong makapagpalabas ng mga information lalo na sa mga appointments and other event na may kinalaman ang ating Pangulo?

SEC. CRUZ-ANGELES: Parang kasalanan ko pa. Kayo naman.

EDEN SANTOS/NET25: Hindi naman po, Madam Secretary.

SEC. CRUZ-ANGELES: Hindi po. We do our best na kapag available na po iyong information inilalabas namin, means madalas naman na nakakatanggap kami ng mga tanong galing sa mga colleagues ninyo kung confirmed ba po itong impormasyon na ito and we do our best – ang dami-dami ninyo po – to answer as many of these questions as possible.

So, kapag kumpirmado po at nasa akin na po iyong impormasyon ay sinasabi ko naman na confirmed. Kapag hindi confirmed, marami sa inyo ang mayroong text sa akin na hindi pa po confirmed iyan. So, in this case ganoon po iyong nangyari, may nagpa-confirm, nagpadala ng link. So, in the normal course of things ay nagtanong kami sa PMS at sinabi na that document doesn’t—well, there’s no document, no record.

So, inisa-isa namin iyong tatlong agencies and it turns out na wala pareho and then we informed the President.

JULIE AURELIO/PDI: Yes, ma’am, good afternoon po. You said that DOJ and the NBI and the PNP-CIDG will be tasked to conduct the investigation. I’ll just have to relay the questions, number one: Are they well-equipped to conduct investigations regarding forgeries of documents especially seals and signatures of the President? And number two: Are we considering tapping an independent or third party expert to conduct the investigation regarding the forgery of the document?

SEC. CRUZ-ANGELES: Sa unang tanong, opo mayroon tayong tinatawag na Question Documents Division sa NBI at may capability din po ang ating PNP, I think it’s through their forensics – so, mayroon po silang kakayahan. So, bago po natin ma-discuss o mapag-isipan na mag-iisip tayo ng third party ay titingnan po muna natin iyong kakayahan at resulta ng imbestigasyon ng ating NBI at CIDG.

JULIE AURELIO/PDI: Last question. How did President Marcos react to the news na there was a possibility that this document might have been forged?

SEC. CRUZ-ANGELES: Ma’am, mabigat kasi ito; nakita ninyo naman iyong penalty ‘di ba, reclusion temporal. That’s 12 to 20 years. So, mabigat po iyong penalty na ito. Iyong ganitong klaseng crime can cause instability and ito po ang pangunahin sa isip ng ating Pangulo na magkakagulo kung ganito iyong pababayaan nating mangyari. Bukod pa doon, tandaan po natin na signature ng ating Pangulo ang pinaghihinalaan nating na-forge, so medyo mabigat po iyong implications niyan.

Hindi rin natin alam kung ano ang maaaring paggamitan ng mga ganoong klaseng dokumento and it can cause not just confusion but further crimes. Kung kaya’t with this in mind, nag-order siya ng investigation.

Maraming salamat po.

MODERATOR: Maraming salamat, Press Secretary Trixie Cruz-Angeles and Malacañang Press Corps. Magandang hapon.

SEC. CRUZ-ANGELES: Thank you po.

 

###

 

SOURCE: OPS-NIB (News and Information Bureau – Transcription Section)