Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. during the Kadiwa ng Pangulo in San Jose Del Monte, Bulacan


Event Kadiwa ng Pangulo in Bulacan
Location Barangay Dulong Bayan Covered Court in San Jose Del Monte, Bulacan

Maraming, maraming salamat at andito po…

Good morning po. [Please…]

Sa ating mga butihing local official na nandito ngayon na nakikiisa sa atin, sa ating ginawang programa na Kadiwa ng Pangulo.

At alam naman ninyo po, ito’y aming pinaparami sa buong Pilipinas upang ang bilihin ay maipagbili ng mas mura kaysa sa nasa ibang palengke.

Nagagawa po namin ito dahil ang galing sa magsasaka ay dinadala namin ang mga produkto, dadalin po namin sa Kadiwa.

At alam niyo po ang nangyari din dito kahit hindi Kadiwa, may mga ibang LGU na nagagawa, ginagaya itong Kadiwa dahil nakakamura po talaga.

Dahil ‘yung sa transportation, lahat nung mga pangangailangan, lahat ng kailangan bayaran ng middleman ay ginagawa na ng pamahalaan.

Nang sa ganun wala ng… ‘Yung pamahalaan naman hindi kumikita. Kaya’t ‘yung savings na ‘yun ay pinapasa kaagad sa ating mga namimili. Kaya’t andito po ang…

‘Yan po ang aming iniisip sa Kadiwa. ‘Yan po ang aming ginagawa upang — alam naman po natin na ang hinaharap na problema ng ating mga kababayan ay tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Marami pong dahilan ‘yan. Dahil isa sa — ang pinakamalaking problema na hinaharap natin kung bakit tumataas nga ang presyo ng bilihin ay ang — at ang inflation rate, ay sa mga pangyayari sa labas ng Pilipinas.

Halimbawa noong simula, nitong taon na ito umakyat ang presyo ng fertilizer kaya’t — at lalo na, hindi lang sa umakyat ang presyo, mahirap makakuha ng supply. Kaya nag-akyatan na naman, nagtaasan na naman ang presyo ng bilihin.

Kaya naman po ay dahan-dahan namin binabawi lahat ‘yan upang naman mapagbigyan ang ating mga kababayan na mayroon naman makukuhang pagkain, may makukuhang bilihin lalo na sa agricultural products ay marami naman ay na hindi na kaya ng ating mga household or pangkaraniwan na household na Pilipino.

At bukod pa doon, ang Kadiwa, ang aming ginagawa ay binibigyan din namin ng pagkakataon ‘yung mga local na maliliit na negosyo.

Alam niyo po ‘yung tinatawag nating MSME, ‘yung micro small medium scale enterprises, MSME ang tawag, ‘yan po ‘yung mga maliliit, ‘yung mga sari-sari store, ‘yung mga maliit na restaurant, mga barberya, ‘yung mga mekaniko, ‘yan po — ‘yan ang grupo sa ating ekonomiya na talagang pinahirapan nung COVID.

At talagang marami sa kanila, naubos ang kanilang savings, napilitan silang magsara at kaya naman ay napakalaking bahagi niyan ng ating ekonomiya.

Kaya’t binibigyan natin ng pagkakataon ang ating mga MSMEs, binibigyan natin sila ng isang lugar, isang palengke, isang merkado kung saan sila makapunta para naman maibenta nila ang kanilang mga produkto.

Ito ay may value-added na. Hindi lang ito agriculture product, may processing na. Hindi lamang ‘yung napitas na prutas, kung hindi ginawa ng jam, ginawa ng iba’t ibang produkto.

Marami akong nakita rito na may processing na. Nagsimula sa mushroom. Ginawang parang potato chips, ginaya ‘yung potato chips. Mayroon naman ‘yung ibang nakita ko rito ay ‘yung lahat — ‘yung lahat…

Halimbawa ‘yung bawang, hindi na bawang ang pinagbibili, kung hindi ‘yung medyo pickled na na bawang. Mayroon na parang atsara na, ganun.

Lahat ito ay talagang sa aking palagay ay magiging mahalaga para sa pagpatibay ng ating ekonomiya.

Pag matibay ang ating mga maliliit na negosyo, ay palagay ko hindi na natin kailangan mag-import. Dahil ang tao ay bibili na sa local.

Eh kasing — kaya naman natin eh. Ang problema lang naman — kailangan ayusin diyan ay ‘yung mga packaging, ‘yung mga marketing, lahat ‘yan. Doon kami papasok. Doon kami tutulong.

Kaya’t ako’y nagpapasalamat sa lahat ng nakilahok dito sa Kadiwa ng Pangulo at ito po ay napakalaking bagay, napakalaking bahagi sa ating programa, at tinitiyak natin na hindi maubos ang supply.

Kasi dahil nga mababa ang presyo, marami kami… Noong nagsimula ‘yung Kadiwa, mabilis maubos ‘yung bilihin, so…

Kaya’t tinitiyak namin na magkaroon ng magandang supply sa susunod. Hindi na natin kailangan alalahanin na mauubos ang…

Pero siyempre pagka nakakapagbili tayo ng bigas na dalawang — 25 pesos, makabili ng asukal ng below 80 pesos, eh talaga namang dadagsain ‘yan.

Eh ‘yun naman talaga ang dahilan kung bakit natin ginawa itong Kadiwa.

Kaya’t nagpapasalamat ako sa inyong lahat na nakilahok dito, lalong-lalo na sa ating mga local government. Dahil hindi po kaya ng DA lamang. Hindi po kaya ng national government lamang kung walang tulong at walang magandang partnership sa ating mga local government.

Kaya’t magpapasalamat ako sa kanila para maging matagumpay ang ating programa ng Kadiwa ng Pangulo.

Maraming salamat po sa inyong lahat at magandang umaga po. [applause]

— END —

 

SOURCE: PCO-PND (Presidential News Desk)