Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZBB – Ang Liwanag at ang Balita by Benjie Liwanag
23 October 2016

SEC. ANDANAR: Good morning, Benjie Liwanag. At magandang umaga sa lahat ng nakikinig ng inyong programa dito sa DZBB.

LIWANAG: Okay. Unang-una, welcome back. At nais kong itanong, napag-usapan na ng mga ilang anchors iyong sa China, Brunei. Pero ako, I’m looking forward, unang-una, may sinabi si Pangulo Rodrigo Duterte, sir, Mamasapano, pabubuksan daw po para doon sa pagkamatay ng Special Action Force 44. Ano po ang balak ng pamahalaan dito, Secretary?

SEC. ANDANAR: Wala pa hong direct order from the President, although nabanggit po ng Presidente iyon sa talumpati. Pero I understand that iyan po ay binuksan ng Pangulo, iyong topic na iyan noong nabanggit po ang US military presence sa may Mindanao. Kaya nabanggit … nadugtong po doon iyong pagsabi ni Presidente na bubuksan niya ito para malaman talaga kung sino ba iyong mga nag(unclear) doon sa Mamasapano. Saan ba galing ang order? Sino ba iyong mga personalidad na may kinalaman? Because iyon nga, marami pang kuwestiyon na naiwan after the investigation na ginawa ng Philippine National Police, and this was also in connection to the Meiring case doon sa Davao na nangyari a few years back na sumabog iyong bomba. Ito po iyong Amerikano, nilipad po ng US Embassy papuntang Singapore at hindi na po bumalik sa Pilipinas.

Ito po’y magkadugtung-dugtong, Benjie. Iyong mga kuwestiyon ni Presidente Duterte sa pakikialam ng mga Amerikano dito sa internal policies at internal conflict at lahat po ng mga nangyayari sa loob ng bansa natin.

LIWANAG: Okay. Kasi may noon, base doon sa ulat at nai-report naman namin ito ‘no, Secretary, iyon daw isang Caucasian-looking man, iyong isang patay doon ano, pero wala doon lumalabas doon sa—

SEC. ANDANAR: Manifest.

LIWANAG: Oo, sa manifest na may ganun. Pero may ulat po na ganoon. So isang tanong iyon. Pangalawa, bakit iyong daliri na naputol kay Marwan, doon sa international terrorist na si Marwan – Malaysian ito – ay napunta sa Estados Unidos? Ito raw po ba’y dinala sa Philippine National Police? Kahit na po ang media at mga taong sumusubaybay dito, Secretary, ay nagtatanong parang—hindi parang, kung hindi bitin iyong ulat nitong Mamasapano.

SEC. ANDANAR: Yes. Bitin nga tayo. There’s so many questions left open that needs to be, well, that need to be answered. If we draw again through the experience of the President noong panahon nang may sumabog nga sa Davao, sa kuwarto ni Meiring. Naputol iyong kaniyang dalawang paa, and then he was airlifted from Davao, taken out of the hospital without even the knowledge of the Mayor. Ang tanong ho dito ay ang pakikialam ng Amerika at iyong respeto sa ating mga batas dahil hindi na binalik, dudugtong mo iyan dito sa Mamasapano na marami pa ring mga kuwestiyon. So along the context of cases that mayroon pong mga Amerikano na diumano’y involved dito po sa bansa natin. Iyon lamang po ang—pero of course, if you are looking forward, I am also looking forward to the reopening of the investigation.

LIWANAG: Okay. So pati iyong imbestigasyon, hindi natin alam kung sino pa ang hahawak nito. Department of Justice ba or Philippine National Police, Secretary?

SEC. ANDANAR: Oo, hindi pa natin alam kung sino ang may hawak nito at ayaw po nating pangunahan ang ating Pangulo.

LIWANAG: Okay. Ang pangalawa kong tanong, si Pangulong Rodrigo Duterte palipad na po patungo ng Tuguegarao ngayon at saka Iligan, Isabela. Pero babalik din po siya ng Davao, Secretary?

SEC. ANDANAR: Ah hindi ko tiyak kung siya ay babalik sa Davao o babalik ng Maynila. Pero ang mahalaga dito ay bibisitahin po ng ating Pangulo ang mga apektado na pamilya dito po sa may Cagayan Region. So just to give you an update, nasa 120,000 families na po ang apektado, or a total of 576,000 persons sa may mahigit dalawanlibo at isandaang barangay sa mga rehiyon ng Ilocos, kasama po iyong Region II, kasama rin po Region III, CALABARZON at Region V. Kasama rin po dito iyong mga damaged houses, nasa mga 36,000 na. At magpapamudmod ang ating pamahalaan ng emergency assistance doon po sa mga pupuntahan ng ating Pangulo sa Cagayan Valley.

LIWANAG: Okay. May dala rin po ba ang Pangulo na ayuda sa pagpunta ninyo doon sa mga apektado ng bagyo?

SEC. ANDANAR: Ang DPWH kasama po dito. Kasama rin po sa biyahe iyong DSWD, nandoon na, at pupunta rin po iyong NEDA. Ang Budget Secretary ay nandoon din. Naka-schedule din po iyong NDRRMC. At ang balita nga natin ay mayroong emergency cash assistance na ibibigay lalung-lalo na doon sa mga slightly affected na mga bahay at iyong talagang nawasak iyong mga tahanan.

LIWANAG: Secretary, mayroon po bang mga ibang bansa na nagbigay ng intensyon na magbigay din ng tulong sa mga apektado po nitong nagdaang bagyo?

SEC. ANDANAR: Mayroon pong abiso iyong Handicap International sa DFA. Ito po’y non-partisan organization. Pero ang DFA po ay standby pa rin sa announcement ng Pangulo kung kailangan pa ng international humanitarian assistance o hindi. Ito po iyong hinihintay ng ating DFA. Pero sa ngayon ay sapat naman ho ang ayuda, supply ng DSWD para sa ating mga kababayan na apektado po ng bagyo.

Ngayon, Benjie, nasa walo o anim ang patay mula sa CAR o Cordillera Administrative Region. Dito sa may Ifugao, mayroong dalawa so walo na iyan. At mayroon pong tatlong nawawala at kailangan pang i-verify dito rin sa Ifugao area.

LIWANAG: Okay. Secretary, sakaling magpahatid ng tulong ang United Nations, ang Estados Unidos at iba pang mga bansa, tatanggapin pa rin po ba ng Pilipinas?

SEC. ANDANAR: Lahat naman ng tulong ay tinatanggap ng ating bansa. Wala naman sigurong masama na tumanggap ng tulong. Sabi nga nila, masamang tanggihan ang grasya. Pero sa ngayon po ay sapat naman po ang supply, ng ayuda mula sa ating pamahalaan.

LIWANAG: Okay. Next week will be a very busy day again para kay Pangulong Duterte at sa mga Gabinete, pati po kayo. Patungo naman kayo ngayon sa Japan, Secretary. Okay, ano po ine-expect natin sa Japan, Secretary?

SEC. ANDANAR: Ang ine-expect po natin sa Japan ay iyong bilateral dialogue with the Japanese officials. Mayroon din po tayong mga ine-expect na mga signing of mga letter of intentions mula po sa mga private companies sa Japan. At inaasahan din po natin iyong mga economic forum doon din po. At mayroon ding dialogue na mangyayari between the Prime Minister at ang ating Pangulo. Tapos mga sari-saring bilateral meetings ito, Benjie, and of course we are very hopeful that … and we are very optimistic, actually, na makakapag-uwi po ang ating Pangulo ng mga sari-saring investments para po sa ating bansa.

LIWANAG: Okay. Pinag-usapan din po, Secretary, iyong naging pagtungo at saka iyong mga pronouncements o mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China. Itong sa Japan ay ito iyong isa sa mga—nakahanda naman po ang pamahalaan?

SEC. ANDANAR: Oo, nakahanda po ang pamahalaan sa lahat po ng activities ng ating Pangulo, Benjie. Like what I mentioned earlier, (unclear) economic (unclear) itong lakad po ng ating Pangulo sa Japan. At inaasahan din po natin na magkakaroon ng, this time, maaaring pulong with His Majesty.

LIWANAG: Okay. Secretary, official visit po ito, hindi po ito state visit dahil ang nag-imbita sa kaniya ay ito pong si President Shinzo Abe?

SEC. ANDANAR: Prime Minister.

LIWANAG: Prime Minister, I’m sorry. Prime Minister Shinzo Abe, kaya’t ito po’y official visit, hindi po ito state visit. Tama ba, Secretary?

SEC. ANDANAR: Lilinawin ko ho iyan. We’ll verify the facts kung ito ay official or state visit, Benjie.

LIWANAG: Secretary, pagkatapos po ng Japan ano—teka doon muna tayo sa Japan. At pupunta rin ho kayo ng Yokohama para tignan iyong shipyard na para dito sa ilan doon sa mga barko na kinukuha natin from Japan, Secretary?

SEC. ANDANAR: Opo. (Unclear) magkaproblema ang schedule ay kasama po iyan sa ating itinerary.

LIWANAG: Okay. Secretary, naku ang dami ninyo pala eh, hindi nanaman namin kayo makikita sa Malacañang dahil pagkatapos noon may Singapore pa, mayroon pang Malaysia. So, what do we expect naman dito sa dalawang bansa which is Singapore and Malaysia?

SEC. ANDANAR: Bago tayo magtungo doon sa Singapore at Malaysia, nais ko lang pong i-announce din sa programa na ito, first time, na magkakaroon din ng isang … na memorandum signing ang PCOO at ang aking counterpart doon sa Japan para po sa pakikipagtulungan o iyong communications bilateral agreement para matulungan ang ating PTV4 at Radyo ng Bayan sa pagpapatakbo nito at kung papaano ito paasensuhin iyong gamit.

So iyong Singapore naman at iyong nabanggit mo na biyahe doon, wala pa akong detalye kung kailan ito at kung ano iyong mga activities doon, Benjie. Pero siguro, ang pinakamahalaga ay itong sa Japan tayo tututok dahil coming from a very successful trip sa China, ay kailangan ay iyong momentum ay tuluy-tuloy. Kaya we will focus on the trip to Japan. Ito po iyong ano natin, focus natin.

LIWANAG: Okay. Iyong PTV4 and Radyo ng Bayan, lahat is going digital na po ano? Isa po iyon sa—ang Japan, nangunguna iyan kapag sa digital ano …sa ngayon, doon sa mga TV and everything. So ito po’y isa ‘no, bale imo-modernize ninyo po iyong PTV and Radyo ng Bayan, Secretary?

SEC. ANDANAR: Ang Japan po kasi ang nangunguna din sa digital technology. And I understand, Benjie, from the administration ay nagkaroon ng coordination ang ating gobyerno at ang Japanese government for the implementation of digital television. And nagkaroon nga ng usapan si dating Secretary Sonny Coloma at iyong (?) para matulungan tayo.

So ang ating pagpunta doon sa Japan dahil tayo ay makikipag-coordinate sa ating counterpart doon ay siguro most likely may kinalaman din po sa transfer to digital broadcasting dito sa bansa natin.

LIWANAG: Okay. Anyway, Secretary, so sunud-sunod iyong activities. Mayroon pa kayong Peru, ASEAN (Association of South East Asian Nations), Secretary?

SEC. ANDANAR: Oo, mayroon pang Peru. Tama iyon. By the way, kasi nabanggit mo iyong pagbisita doon sa shipyard. Kasi tinitignan ko iyong—
LIWANAG: Yokohama.

SEC. ANDANAR: Opo. Tinitignan ko kung—ah, okay. So mukhang hindi pa sigurado, Benjie.

LIWANAG: Hindi pa kayo sigurado roon ano. Kung makakaikot iyong Pangulo roon or titignan niya iyong doon sa Yokohama, Yokohama Prefecture.

SEC. ANDANAR: Hindi natin sigurado kung gaano ka—mukhang malayo ito sa Tokyo eh.

LIWANAG: Opo, opo. Sasakay kayo ng eroplano, Secretary.

SEC. ANDANAR: Ah, okay. Hindi sigurado iyan. At baka mayroong mga nagku-quote sa atin, hindi sigurado iyon.

LIWANAG: Ah, hindi pa po sigurado.

SEC. ANDANAR: Opo.

LIWANAG: Anyway, so marami pa tayong (unclear), ito puro foreign eh. May independent foreign policy tayo na ipinatutupad. At siyempre ito, binubuksan ninyo po ang Pilipinas na kahit na sinong bansa. Pero mukhang puro ASEAN countries muna po iyong pupuntahan ng Pangulo, Secretary. Ibig sabihin, tatapusin ninyo muna po … marami pa po bang imbitasyon ang Pangulo, Secretary?

SEC. ANDANAR: Ang ating Pangulo po ay napaka-demand po sa ibang bansa, kaya ganito po iyong schedule. So, iyong ASEAN countries ay—iyong napuntahan so far ay Lao, tapos nakapunta na ng Jakarta, Brunei. Ano pa ba? So apat pa lang so far, sa East Asia, sa Japan … sa China tapos sa Japan. So mayroon pang Singapore, mayroon pang Thailand, may Malaysia, Cambodia, Myanmar. (Unclear) mga bansa na dapat (unclear) ng Pangulo. Pero ayaw kong pangunahan ang Pangulo at wala pa ring schedule pagdating doon sa iba pang bansa ng ASEAN. So, ang atin ano doon … iyong nabanggit po ng may Singapore nga, pero of course we will have to wait for the final announcement from the Department of Foreign Affairs.

LIWANAG: And, Secretary, iyong pinakahuli will be Russia this year.

SEC. ANDANAR: Oo. Actually, marami talaga iyong nag-i-invite, Benjie. Mayroon pa, marami pang ibang bansa na nag-i-invite kay Presidente, at ganoon ho ka-in demand ang ating Pangulo ngayon. But it is up to the President to decide kung aling bansa ang kaniyang pupuntahan.

LIWANAG: Okay. Bago ko kayo pakawalan, Secretary, baka may mensahe kayo sa ating mga kababayan. Ito na po iyong pagkakataon, Secretary.

SEC. ANDANAR: Marami hong investments ang dala-dala ng ating Pangulo mula sa China. As of yesterday, umaabot ho ng 24 billion dollars at we are still counting kasi iyong ibang mga private companies ay mayroon din silang sari-sariling mga agreements with their counterpart sa China. So, for example, iyong mga power o energy sector nila. Malamang tataas pa itong 24 billion.

And ang ating panawagan po sa ating mga kababayan ay patuloy po nating suportahan ang ating Pangulo dahil mas mabilis po ang pag-asenso ng bayan natin kapag mayroon pong suporta ang taumbayan. At sana po ay ipagdasal natin at tayo ay maging optimistic na ang biyahe ng Pangulo sa Japan sa darating na linggo ay ganoon din po, makakahikayat po ang ating Pangulo ng mga direct foreign investments, Benjie, dahil ito po ay mahalaga sa ating bansa para mas lalong maging inclusive iyong ating economic growth o kasama po dito iyong masang Pilipino sa pamamagitan ng mga trabahong malilikha sa mga foreign direct investments. Kaya kami po ay nananalig na tuluy-tuloy po ang suporta ng taumbayan para mas lalong mabilis po iyong pag-asenso at iyong pagbabago ng ating minimithi.

LIWANAG: Maraming salamat sa inyo, Secretary. And sa mga lakad ninyo at sana, wish namin na lumago talaga iyong ekonomiya ng bansa.

SEC. ANDANAR: Salamat din, Benjie. Kailan ka ba makakasama sa foreign trip ni Presidente?

LIWANAG: Marami tayong pagkakataon diyan, Secretary.

SEC. ANDANAR: Sige, sige. Okay, salamat, Benjie. Mabuhay ka, Benjie.

SOURCE: NIB Transcription